Parent Chat

Style => Beauty and Product Reviews => Topic started by: 만.♥ kyutie ♥.만 on March 10, 2011, 05:53:50 pm

Title: Kojie San Soap
Post by: 만.♥ kyutie ♥.만 on March 10, 2011, 05:53:50 pm
Hi mommies! Nag sesearch kasi ako ng beauty tips sa google abut dun sa acne marks, dark spots, hanggang sa may mabasa ako na yung kojic soap daw effective marami ang nag sasabi ayon sa nabasa ko, akala ko ay iisa lang sila nung Kojie san bumili kasi ako agad pero hindi ko pa nagagamit.. ayon sa nabasa ko, matapang daw ito at nakaka dry ng skin pero effective daw.. ask ko lang if sino naba nakagamit nun dito sainyo? at effective nga ba? paano pag gamit ginagawa nyo ditO?  :-\
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: buttercup on March 10, 2011, 07:52:18 pm
hey sis! yung niece kong 18 years old, problem niya pimple marks. na-try niya yan, medyo mahapdi nga raw sa skin kasi ma-acid ata or something. di niya rin natagalan eh, binigay sa hipag ko who used it sa body na lang instead of face kasi mas manipis ang facial skin natin. hope this helps.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: 만.♥ kyutie ♥.만 on March 11, 2011, 10:51:09 pm
[ Thanks sa reply sis ..
Ginagamit ko na sya ngayon mga 2days na ..
At hindi sya MEDYO mahapdi sa muka ..
Napaka hapdi nga talaga ..  :o
Ipopost ko ang resulta after 1month or 2weeks ..
Na excite akong bumili kasi if i sesearch mo sya sa google,
kojie san review, karamihan magaganda ang mga feedbacks nila ..

http://www.reviewstream.com/reviews/?p=34952
http://www.reviewstream.com/reviews/?p=88128
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php?topic=202962.0

yan yung mga links na sinasabi ko na na search ko sa google
may iba din akong nabasa na hindi maganda ang effect sa knila ng kojic soap
siguro mga tatlo sila .. hindi hiyang sa knila yung soap
pero karamihan maganda naman yung naging effect sa kanila ..
Kaya ask ko if merong gumagamit din dito ng ganong sabon ..
I think wala yata masyado ..
Kasi wlang gaanong nag comment back hehe ..
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: ea_brea on March 22, 2011, 01:31:43 pm
i'm using kojie san pero sa body lang. hindi kasi pantay ang kulay ng skin ko. hindi naman sya mahapdi, pero naglalagay pa din ako ng lotion para hindi magdry. parang hindi naman din ganun kadali yung effect niya, o baka kasi minsan naglalakad pa din ako sa araw.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: ♥ mommy zhyie ♥ on March 22, 2011, 03:28:21 pm
hi sis, yung mga hipag ko at MIL ko gumagamit nyan..kaya na encourage din ako, pero mostly s katawan lang.. effective naman sya samin lahat.. pero di naman namin napansin na mahapdi kasi until now gamit pa rin nila yan..nagswitch kasi ako sa C.Y Gabriel with milk or glutha.. :D acid soap dn un.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: 만.♥ kyutie ♥.만 on March 23, 2011, 10:37:25 pm
  its been 12days na akong gumagamit nito,
Unang tatlong araw ko na ginamit to, mahapdi talaga sya sa muka
pero nung sumunod na araw, hindi na ..
Oo ginagamit ko sya sa muka ..
At totoo nga yung maraming feedback ng iba ..
Nakakakinis at nakakawala nga sya ng darkspots ..  ;)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mommylala on March 30, 2011, 02:11:01 pm
♥ кяιzzℓє ♥.만 sis im happy to hear that good news. kase im planning to buy one later after office  :D. oily kase face ko. do i need to apply facial cream para may mosturizer.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: apple on March 30, 2011, 02:19:25 pm
tagal ko nang gustong i-try yan kaso
hanggang ngayon di ko pa nasusubukan.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mommylala on March 30, 2011, 02:25:08 pm
@apple: subukan natin sis. magaganda kase feedback nila. bili ako after office :)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: 만.♥ kyutie ♥.만 on March 31, 2011, 10:45:41 am
Almost 3weeks ko na syang ginagamit mga mommies  :D simula nung gamitin ko tong brand na to, hindi na ako nagka pimples at yung dating nasa face ko na mga red wala na at yung mga darkspots ko medyo nawawala na dati kasi halata sya .. kahit i search nyo pa sa google na kojie san soap review karamihan talaga ng mababasa nyo sa brand na to magaganda ang feedbacks .. kaya sinubukan ko talaga sya .. yung iba sa body lang kasi natatakot sila sa face .. ako sinubukan ko naman sya sa face .. mga 3days na unang gamit mo nito mahapdi talaga sobra pero mga pag mga 4days pataas mo na syang ginagamit hindi na sya mahapdi  :) totoo ring nakaka dry sya ng skin .. kung gusto nyo naman mag lagay kayo ng lotion .. ako kasi hindi masyado nag lalagay ng lotion at yung pag dry ng skin ko parang nakakasmooth pa ng balat ko .. pero mas smooth pag nilagyan ng lotion .. myra E na kulay red gamit kong lotion hehe .. may mga link akong pinost dito, para sa mga magagandang revies ng kojie san soap  ;)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mommylala on March 31, 2011, 10:47:15 am
Hi mga sis! nag try na ko gamitin ang kojie san yesterday...so far wala namg negative effect sa skin ko. mukhang maganda nga siya sa skin and face. then myra-e lotion yung mosturizer ko, match na match silang dalawa. then ang gamit ko namang mosturizer sa face ay olay natural white. i also take myra e 400 para mas ok :)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: 만.♥ kyutie ♥.만 on March 31, 2011, 10:58:45 am
tuloy tulog mo lang ang gamit sis .. kung mapapansin mo sa unang post ko dito 1st time ko gumamit ng kojie san pero ngayon 3weeks na akong gumagamit ok naman sya at nakaganda sya sa skin ko  ;D
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mommylala on March 31, 2011, 11:05:16 am
♥ кяιzzℓє ♥.만: ok sis. dami ko din kaseng white and blackheads sa may ilong, matanggal kaya ?  :(
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: 만.♥ kyutie ♥.만 on March 31, 2011, 11:14:53 am
Basahin mo yung post ko dun sa Suggestion of treating pimples, blackheads and whiteheads sis may sinabi ako about dun ..  dito lang din sa Beauty and Fashion ;D
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mommylala on March 31, 2011, 11:39:21 am
♥ кяιzzℓє ♥.만: sis, curious lang ako, made in Japan pala ang kojie san  :-\
what do you think? di ba delikado sis?
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: 만.♥ kyutie ♥.만 on March 31, 2011, 12:06:54 pm
Ou made in japan .. Hmm .. naka dalawang sabon na ako, at yung pangalawang sabon ko malapit na maubos .. Ok naman kasi sya sakin wala namang negative na ngyari sa skin ko, pero mag ddry talaga sya kailangan lang ng lotion .. at wag mag paaraw pag ginagamit mo ang soap na to kasi iitim daw ..  ??? nung una bago ko sya gamitin nag search ako ng maraming reviews sa soap na to kasi nung una parang natatakot ako gamitin to .. den nung gamitin ko okay naman sya ..
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: angel_lynn17 on March 31, 2011, 04:32:28 pm
@krizzel sis puwede ba nagpapabreastfeed kasi ako, puwede ba sakin ang kojisan? nakita ko kasi sa sister ko effective sya kaya lang nagwoworry ako baka makasama sa health ni baby dahil sa acid content niya. May idea ba kayo mga sis? Thanks, God Bless!
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: 만.♥ kyutie ♥.만 on March 31, 2011, 04:38:13 pm
Hi mommie angel .. hindi ko alam kung pwede ba sa nag papa breastfeed yung kojie san soap .. siguro mas mabuti pa na wag mo nalang sya gagamitin sa dede para sure na ligtas si baby baka kasi maka sama sa kanya ..  :'(
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: ♥ mommy zhyie ♥ on April 02, 2011, 01:20:04 pm
@krizzel sis puwede ba nagpapabreastfeed kasi ako, puwede ba sakin ang kojisan? nakita ko kasi sa sister ko effective sya kaya lang nagwoworry ako baka makasama sa health ni baby dahil sa acid content niya. May idea ba kayo mga sis? Thanks, God Bless!

pwede po yun kc hindi naman iniintake un, :D sa balat lang po ang effect niya...tingin ko po ahh.. :)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: on April 04, 2011, 09:44:20 pm
I also use Kojie san pero sa body lang. natatakot kase ako gumamit ng mga harsh na soap sa face kaya sa face dove or cetaphil lang.

Ok naman yung kojie san pero i do a combo of psalmstre with it
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: 만.♥ kyutie ♥.만 on April 07, 2011, 12:22:24 am
  ^ Yup sis yung iba talaga hindi ginagamit sa face kasi natatakot .. sakin ok naman sya .. ginagamit ko sa face hehe
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mommylala on April 07, 2011, 01:38:50 pm
1week na mga sis akong gumagamit ng kojie san, pati sa face ko ang ganda ng effect.  ;) oily kase dati ang face ko dati since gumamit ako sa face ng kojie san, hindi na siya masyadong oily less pimples. super happy ako sa feedback ng mga friendship ko about my skin.   :)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: on April 07, 2011, 03:45:01 pm
medyo di ko makita epekto ng kojie san sa face though once a day ko lang naman gamitin. puyat kase ako lagi e
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mommylala on April 07, 2011, 04:58:58 pm
Sis tuloy tuloy lang ang paggamit. ako twice ko ina-apply. after bath and before bedtime.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: 만.♥ kyutie ♥.만 on April 07, 2011, 05:26:44 pm
1week na mga sis akong gumagamit ng kojie san, pati sa face ko ang ganda ng effect.  ;) oily kase dati ang face ko dati since gumamit ako sa face ng kojie san, hindi na siya masyadong oily less pimples. super happy ako sa feedback ng mga friendship ko about my skin.   :)

Glad to hear that mommy lala .. tuloy tuloy lang ang gamit ..  ;)
Sakin maganda din effect sa face ko, hindi na ako tinutubuan ng pimples at wala na gaanong whiteheads ..
sa body ko naman, ang effect sakin, dun sa balikat parang kumintab ..  ;D
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: on April 07, 2011, 05:34:30 pm
well, natatakot lang ako na magkaron talaga ng obvious na peeling sa face ko e, i use it once lang kapag naliligo sa umaga tapos sa night yung cetaphil lang. ang hapdi kase sa face ng kojie, di ko sya pwede patagalin sa mukha ko ng more than 30 seconds.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: 만.♥ kyutie ♥.만 on April 07, 2011, 07:50:46 pm
^ Oo nga sis nung unang gamit ko ng kojie san sa face, grabe napaka hapdi, halos mangiyak na ako sa hapdi  :'( pero tiniis ko, hmmm nung 4th day na pag gamit ko hindi na sya mahapdi ..  :) its up to you sis, yung iba talaga natatakot pag sa face kasi mahapdi eheh
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mommylala on April 16, 2011, 10:28:08 am
hi mga sis! nagkapimple ako not because of kojie san but because of the cream na nagamit ko sa face ko. before kc olay natural white, pero inistop ko para kaseng walang effect. then sbi ng tita nung asawa ko she uses nivea cream at nakakaalis daw ng "hilam" sa mukha, ako eto ngayon may pimple.

sis ano kaya maganda facial whitening cream maganda ko gamitin after ko gumamit ng kojie san soap? thanks in advance :-\
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: _+teenNINJA9 on April 16, 2011, 05:10:17 pm
Never ko yan ginamit sa face pero sa body, oo.
Super drying talaga pero after a week, magpi peel ang skin.

Effective talaga pero dapat magaling kang bumili ng right combo nyan na moisturizing soap and lotion.

OT: the best na kojic soap for me is CY Gabriel Kojic with Glutathione.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: on April 16, 2011, 06:00:35 pm
how much yung CY gabriel with kojic?
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: ysLim on April 17, 2011, 03:21:08 pm
been using kojic soap for a week dahil sa forum na to, and so far ok po yung results!
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: on April 17, 2011, 10:48:16 pm
yup, OK yung results.. need ko lang ng magandang sunblock since na lagi ako nagpapa-araw
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: _+teenNINJA9 on April 18, 2011, 01:33:13 am
^ 99php po sa watsons, buy1take1.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: 만.♥ kyutie ♥.만 on April 18, 2011, 09:58:04 am
hi mga sis! nagkapimple ako not because of kojie san but because of the cream na nagamit ko sa face ko. before kc olay natural white, pero inistop ko para kaseng walang effect. then sbi ng tita nung asawa ko she uses nivea cream at nakakaalis daw ng "hilam" sa mukha, ako eto ngayon may pimple.

sis ano kaya maganda facial whitening cream maganda ko gamitin after ko gumamit ng kojie san soap? thanks in advance :-\


Facial whitening ba sis? yung moisturizer ba para sa muka? ang ginagamit ko kasi, after ko maligo, naglalagay ako ng kojie san cleanser yung nilalagay sya sa bulak tapos ipupunas sa muka, tapos ang moisturizer ko naman, kojie san lightening cream .. mga 4days ko palang ginagamit yung kojie san lightening cream tinitignan ko kung ok ba sya, hmmm parang nag oil konti yung face ko,  balak ko subukan yung myra vita white facial moisturizer nag search kasi ako ng reviews para dun magaganda naman ang feedback :) so try mo gamitin yung myra vita white facial moisturizer ..  :) yung kojie san facial cleanser naman, maganda rin yung affect sa face ko, medyo nawala yung mga whiteheads ko sa nose tapos yung mga darkspots ko nag lilight ..  ;)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: on April 18, 2011, 10:25:21 am
gusto ko i-try yung kojie-san na cleanser.. mukhang OK sya ha.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: yangyang08 on April 19, 2011, 06:21:28 pm
Kojie San is just perfect!Makikita mo talaga yung results niya..kahit yung sabon basta dapat may lotion kasi medyo nakaka dry yung soap niya!
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: chocobuko on April 19, 2011, 07:11:40 pm
two weeks ko na rin gamit ang kojie san( after reading the reviews here, try ako agad:) at ok naman ang effect niya sa akin. Nalessen ang pimples ko at medyo kuminis-kinis ang mukha ko (sabon lang ang gamit ko). I use moisturizer after (celeteque lang ang gamit ko) at ok naman sya.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: yangyang08 on April 20, 2011, 09:41:35 am
Yan din ang combination ko,kojie san and celeteque..ganda sa skin! ;)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: BlueAby on April 20, 2011, 04:47:26 pm
ako naman sis nagtry ako gumamit ng Koji San for 3 days pero nagstop na ako, Nagbabalat kasi ang skin ko and ang hapdi. pati paa ko nga namumuti eh... yung parang magstart na siya magbalat
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: yangyang08 on April 20, 2011, 07:17:40 pm
Hiyangan lang din yata talaga yan sis..Try mo yung placenta soap,nakakaputi sya pero hindi nakakadry ng balat!
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: on April 21, 2011, 11:07:25 am
tama, ok yung placenta soap. yun din kase and combo ko. ero kung gusto mo naman na wag ma-dry yung skin mo, try mo kojie san + dove.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mommy_trish on April 21, 2011, 11:18:59 pm
tinry ko gumamit, third day ko today. bat ganun, nangangati ako?  :( ang dry parin kahit maglotion ako.  :(
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: 만.♥ kyutie ♥.만 on April 22, 2011, 01:40:09 pm
  ^ Hiyangan lang siguro sa skin sis ..  :(
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: yangyang08 on April 23, 2011, 08:56:32 pm
Yes mommy_trish,I guess kung nangangati ka palitan mo na yung soap kasi alam ko pag nagangati is naiirritate yung skin mo.Magtry ka muna ng ibang soap like yung Olay age defying,maganda din sya sa skin kahit hindi ka na maglotion..Minsan kasi hiyangan lang yan tlaga yan eh,just like what they said! ;)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: happymama on April 23, 2011, 11:32:49 pm
hi mga sis, sa kaka basa ko sa thread nato, na e engganyo po akong gumamit ng kojie soap, kasi halos lahat ng mga mommies dito ay na papa bilib sa kojie soap. so ako rin gusto kung ma try to hehe) at sana hiyang siya sakin.

so i bought kojie san dream white po sya, di ko lang sure kung ito ba talaga ang gamit nyong kojie soap at kung hindi ba fake ang nabili ko, sa  mercury drug store po ako bumili.

tama po ba tong nabili ko? kojie san dream white
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: yangyang08 on April 24, 2011, 02:57:09 am
Ok lang din yan sis,basta kojie san.Alam ko nga anti aging pa yang nabili mo so mas maganda..Wag lang masyadong exposure sa araw.Sa mercury din ako bumibili nyan so I guess hindi naman yan fake! ;)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: 만.♥ kyutie ♥.만 on April 24, 2011, 12:05:06 pm
hi mga sis, sa kaka basa ko sa thread nato, na e engganyo po akong gumamit ng kojie soap, kasi halos lahat ng mga mommies dito ay na papa bilib sa kojie soap. so ako rin gusto kung ma try to hehe) at sana hiyang siya sakin.

so i bought kojie san dream white po sya, di ko lang sure kung ito ba talaga ang gamit nyong kojie soap at kung hindi ba fake ang nabili ko, sa  mercury drug store po ako bumili.

tama po ba tong nabili ko? kojie san dream white


  Hindi ko pa na try yang Kojie san dream white ..
Ang gamit ko kasi yung kojie san sya na kulay white lang yung box niya at kulay orange yung soap ..
Well, balitaan mo kami sis pag nagamit mo na yan ..  ;D
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: happymama on April 27, 2011, 07:33:30 am
hi mga sis, 5 days na po akong gumamit ng kojie soap, para sakin ok po sya kasi lambot ng face ko, parang

effect ng dove soap, at di na masyado oily ang face ko, pero nung una at pangalawang beses na nag sabon

ako ng kojie, medyo ma hapdi siya, pero ngayon hindi na tapos sabi ni ate, nag lighten daw mukha ko, pero di

ko pa napansin yung pag lighten ng mukha ko, kaya inu obserbaran ko pa till now.

ang hanap ko naman ngayon ay yung sunblock sa face, sis help naman o, ano ba ang magandang sun block sa mukha.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mommy_trish on April 27, 2011, 10:01:40 am
hi mga sis! update lang, i continued using the soap and sa ngayon hindi na ako nangangati.  :) di ko palang napapansin kung naglighten na yung skin ko.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: ysLim on April 27, 2011, 01:07:47 pm
after kojie soap sa face, lagay ako ng myra facial moisturizer.. ok naman. 8)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: happymama on April 27, 2011, 11:50:32 pm
mga sis, tanong ko lang kung may sun block ba ang myra?
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: happymama on April 28, 2011, 12:07:28 am
just want to share this info:

WHAT IS KOJIC ACID?
Kojic acid is a by-product of the fermentation process of malting rice for use in the manufacture of sake, Japanese rice wine. There is definitely convincing research, both in vitro and in vivo and in animal studies, showing that kojic acid is effective for inhibiting melanin production. Both glycolic acid and kojic acid, as well as glycolic acid with hydroquinone, are highly effective in reducing the pigment in melasma patients
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: happymama on April 28, 2011, 12:09:30 am
WHAT IS KOJIC ACID SOAP FOR?
KOJIC ACID SOAP is a formulated soap which contains Kojic acid which is used for skin lightening of hyperpigmentation, fading of dark spots which results from blemishes of the skin.

HOW DOES KOJIC ACID WORKS?
A fungal metabolic product, kojic acid inhibits the catecholase activity of tyrosinase, which is the rate-limiting, essential enzyme in the biosynthesis of the skin pigment melanin. Indeed, it has been shown to significantly enhance neutrophil phagocytosis and lymphocyte proliferation stimulated by phytohemagglutinin. Melanocytes treated with kojic acid become nondendritic, with a decreased melanin content. Additionally, it scavenges reactive oxygen species released excessively from cells or generated in tissue or blood.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: Aiza I. Arellano on April 28, 2011, 03:15:57 pm
Hello po mga mommies, sa ngayon po gngamit ko kojie san kasi nga may acne ako at di ko n alam ang gagawin ko para siya mawala. matagal ko ng gngamit ang kojie san sa katawan pero 5 days ko palang xang ngagamit sa face..ok naman ang result, sa ngyon ng tu tuyo n ang skin ko yun nga lang dry talaga siya...natry nyo n po bang gumamit ng lightning cream nila?oily po ang skin ko..hope for your reply..thank you :) :) :)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: 만.♥ kyutie ♥.만 on April 29, 2011, 10:08:52 am
^
Hi sis, ginagamit ko ngayon yung lightening cream ng kojie san ngayon ..  :)
Mag 2 weeks ko na sya ginagamit umaga at gabi,
Nung unang gamit ko parang medyo nag oil sya sa face ko,  pero hindi naman masyado
Ngayun naman hindi na ..
Ang effect nito sa face ko, medyo nag light na yung mga acne marks ko ..  :)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: jhoyjhoy on May 23, 2011, 08:37:24 am
ive been using kojic acid soap not the kojie san but the generic one. ive been using it for 2 month now. kahit nag swimming kame ng nag swimming okay pa din skin ko. ambilis bumalik ng kulay. di ko din siya maxado ginagamit sa face kasi wala naman ako gusto mawala sa muka ko. my hubby prefers this soap also. dati dove yung soap namin. but when we tried this one. etoh na lagi gamit namin, for only 45php okay na okay tlaga siya. tapos gamit kame ng asian secrets lulur body scrub. sooo smooth and super soft ng skin afterwards
. :)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mocalicious on May 24, 2011, 04:18:05 am
been using kojic soap for more than a year..i noticed that it has a big impact on my pimple marks..slowly it fades away...everytime i have zits i just use this and it easily dries up.. :)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mommyayie on July 15, 2011, 02:06:53 pm
Hi mga sis, when I was in the grocery last wedenesday, I was searching for other soap to try na makakahiyang ko. Ma pimples and oily face kasi ako. May nakita ko, Kojie San. Hindi siya familiar saken, since Japanese brand, nag trust na ako. For me kasi, very good quality ang mga products from Japan, I뭭e been using it for 2 days, carry ko naman yung hapdi. Parang hapdi lang ng Likas Papaya. Ang napansin ko, hindi na oily ang face ko. Saka parang naglilighten na den ng konte. Sana nga tuluyan ng mawala ang mga acne marks ko.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mommylala on July 15, 2011, 02:13:37 pm
nung una ok...nung tumagal, nagkapimples pa lalo ako, ewan ko kung bakit, hiyangan lang siguro..
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: Mommy Jazz on July 15, 2011, 02:32:07 pm
. Hindi siya familiar saken, since Japanese brand,

I don't think Kojie San is imported kasi neighbor ko ang pagawaan niyan. What I don't know is if they make it here or just repack it.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: yssaymendiola on July 15, 2011, 03:18:02 pm
hi sisses. i've been using kojie san for couple of years na. i can say na talagang effective sya kasi pumuti talaga ako. both face and body ko sya ginagamit, i use moisturizer na lang for my face kasi nga nakaka-dry sya. promise effective talaga 'to, dati akong negra kaya hehe.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: youandme on July 15, 2011, 03:24:26 pm
Maganda talaga ang Kojic soap matagal tagal ko na din gamit to and it really works. yun nga lang hiyangan lang talaga
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: ayhin on July 25, 2011, 04:11:55 pm
i've been using kojie san for almost 1 1/2 months nung 1st week ngwhiten agd skin ko pero after ilang weeks parang di na sya effective...kaya ng switch ako ng ibang soap na brand din nila...i bought kojie san dream white as of now d ko pa sya nagaagamit kc meron p ko nung kojie san.... :-\ :-\
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: Trapidee on July 25, 2011, 04:31:39 pm
at first mahapdi talaga siya at dry ang balat parang binanat yung muka pero natiis ko naman yun kasi d naman ako masyado naglalalabas hangang sa nasanay na balat ko nkikita ko naman yung results whiter skin at natanggal yung darkspots ko sa likod due to pimples. pati nga stretchmarks ko sa tyan naglighten eh. EFFECTIVE SYA WITH CONTINUED USE. :)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: pishnip on July 26, 2011, 11:21:45 am
i've been using this soap for 4 days pa lang. nung una medyo mahapdi nga sa face pero nung 2nd gamit ko hindi na. di ko pa nakikita yung whitenning effect sa dark spots ko pero malambot sya sa balat. feeling ko nakakakinis sya.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: luk_resha on July 27, 2011, 10:22:33 am
bought kojie san soap last night sa sm, kasi i read this thread na dati pa tapos kagabi ng mapadaan kami ni hubby sa mga beauty soap out of curiosity dumampot ako nito para lang tingnan e etong si hubby nag joke na bakit mag papalit na naman daw ba ako ng sabon dami ko na na-try wala na daw talaga ako pag asa pumuti  ;D but when im about to return it sa rack biglang bawi din naman niya na sige kumuha na daw ako para ma-try hehe nakonsensya... tried it this morning pero sa body lang wala naman kasi ako problema sa face kaya dont have plan to try on on my face worry ko baka pag ginamitan ko saka pa ako tubuan ng kung anuman... sana effective  ;D
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mommylala on August 26, 2011, 03:40:23 pm
sis,  sa aken hindi humiyang, tinubuan ako ng pimple kaya nag stop na ko:(
hiyangan lang talaga.

OT: problem ko ngayon, paisa isang pimple then yung blemish hayyz:(
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: 만.♥ kyutie ♥.만 on August 26, 2011, 03:57:54 pm
Effective talaga sya makapag papa puti
yung strech marks ko nag light dahil sa sabon na to ..
5months ko na sya ginagamit
pag sa face naman soft sya  :)
kaso last month nagkaroon ako ng konting pimple sa muka ..
Nag hanap ako ng facial wash para dito
Sinubukan ko yung Defensil para sa pimples
yung gumawa ng kojie san (nakalimutan ko basta nag sisimula sa BE)
sila din may gawa nung defensil anti pimples talaga sya ..
Meron syang facial wash na bar at cream
Sa mercury sya makikita effective naman sya sakin nawala ang pimples ko   :)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mommyayie on August 26, 2011, 03:59:53 pm
Hindi ko den to hiyang kasi nung ginagamit ko siya mas lalo ako nagkapimples hay, ano den ba ang effective pampawala ng pimples
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mommylala on August 26, 2011, 04:24:41 pm
parehas tayo mommyayie. pero yung isa nating sis dito may sinuggest siya, tomato soap and black pearl cyleina organic products meron daw sa watson. i-try ko nga siya. maliit na bar muna bibilhin ko sis.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: LLLA on September 04, 2011, 02:13:12 pm
I started using Kojie San when my officemate overheard me saying ~~waaah dami kong pimples today!!~~

Super effective sakin.. tanggal lahat pimples no scars pa... pumuti pa ko lalo...kaso yung lang I need to mosturize kasi nakaka DRY sia ng skin  ;)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: tinedy on September 22, 2011, 09:44:18 am
before im using that kojie san mganda naman effect skin nung 1 month ko nagamit kea lang after that npansin ko super dry na balat ko... pag d me naglolotion eh dry talaga siya ...kea nagswitch nalang ako ng iba ... bumalik naman na yung glow ng skin ko now maputi naman me pero mas lalo ako pumuti ska hindi na masyado nagdadry skin ko luminous na ska glowing na tgnan...dko tnry kojie sa mukha kc yaw ko magdry face ko....
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: ilove323 on March 07, 2012, 08:40:29 am
ano itsura ng kojie san? eto ba yung white box na may face ng japanese girl? na curious lang ako nag grocery ako da other day sa sm and saw  a lady buy a box of it....
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mishyla on March 07, 2012, 04:38:55 pm
i used kojie san for a week or 2 na siguro. i can't really say if nakakawhiten nga siya kasi calamansi din regimen ko everyday before bath time. Mahapdi talaga siya sa face and nakakadry ng skin.
so what i do now, kojie san sa body (hanggang maubos yung nabili ko) then mestiza soap sa face.

Title: Re: Kojie San Soap
Post by: AichiMom on March 28, 2012, 03:12:23 pm
Joining...

I've been using this soap for almost two months now. Salitan gamit ko ng whitening and anti-ageing soaps. Napansin ng mga officemates ko na kuminis daw yung face ko tsaka blooming pa... Kaso gumagamit din ako ng Olay natural white kaya hindi ko tuloy alam ngayon kung alin dun ang effective beauty regimen haha.. Try nyo na lang din both.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mom_ni_jhelxea on December 03, 2012, 07:36:52 am
hi mga sis,
ask ko lang if normal lang ba na mangati ka after using this soap? i'm using it na for 4 days pa lang and nangati talaga ako tapos pag kinamot ko namumula..ganun ba talaga? should i stop using it na ba or normal lang yun? thanks! :-[ :-[ :-[
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: ijj2k on December 31, 2012, 04:19:02 pm
Kabibili ko lang kanina ng Kojie san. Will try this onekasi dami ko good reviews na nababasa. Sana lang hiyang ako.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: mom_ni_jhelxea on April 13, 2013, 08:50:10 am
ask ko lang po mga mommies, ilang moths po bago nyo makita yung whitening effect? kasi 3months na kong nagamit ng kojie san pero parang hindi naman ako naputi..any suggestion po kung ano pang effective whitening soap? thanks po!
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: pink_mommy0427 on April 22, 2013, 01:06:40 pm
Iba-iba po kasi ang reaction ng skin ng mga tao, merong nangangati o parang may burning sensation sa ibang gumagamit pero sa'kin so far ay ok naman. para sa'kin maganda naman ang effect nito, un nga lang totoong nakakadry ng skin at mabilis matunaw. here's the tip:
-Use Lactacyd baby bath, effective po ito na pang-moisturize ng skin. use it after nyong magsabon ng koji san at magbanlaw. mafi-feel nyo talagang soft ang skin nyo like skin ng baby.

-Hatiin nyo po into four pieces ang isang koji san para di mabilis matunaw at magagamit nyo un for 3 to 4 days.
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: vylette_08 on May 14, 2013, 05:17:01 pm
Mga sis, wag nyo ibabad sa skin yung koji San para Hindi humapdi. acid soap kasi sya. Super effective talaga sya. Mabilis mo Lang makikita yung result(http://)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: erich84 on May 26, 2013, 10:28:31 am
I'm on my 3rd day in using this soap, sana maganda ang effect sa akin ko nito. At first mahapdi talaga sya but di ko pinatatagal sa mukha.. I'm going to recommend this to hubby if ok sa akin kasi pareho kami mga oily skin sa face. Ok lang yung sa body..kahit hindi pa dry iyong effect Im always using lotion talaga... Goodluck sa atin mga mommies...
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: amikha on August 15, 2013, 09:34:08 pm
kojie is my fave soap :) super hiyang ako sa kanya.. gamit ko na siya since 2010 kasi before madami ako pimples and ang tagal mawala siguro kasi they're not ordinary pimples kasi, it's because of my PCOS so tin-ry ko tong soap na to. yung hapdi sa face na experience ko siya 1 week lang then after nun wala na. siguro kasi nasanay na din yung face ko and feeling ko yung hapdi effect na yun means nag e-effect na yung soap sayo. and siguro yung peeling effect na yun kaya medyo mahapdi. ang galing nga nito kasi siguro mga 2 weeks kita mo na agad yung result. tuyo na yung mga pimples mo + kuminis ka pa + nag lighten pa face mo.. parang all benefits in 1 soap kaya super happy ako sa soap na to until now gamit ko pa din siya.. hindi na ako nagkaka pimples, kung meron man siguro once a month lang minsan nga wala pa.. tapos paisa isa lang ang pimples tapos hindi na siya lumalaki kasi nga tinutuyo na siya agad ng kojie.. kaya ang pimples papausbong palang, deads agad hehe.. hindi umaabot ng kinabukasan.. ang pag gamit ko sa kanya sa morning after bath since pumapasok ako, nglalagay ako ng moisturizer, ang gamit ko olay total effects 7 in 1 pero sa gabi before matulog hindi na ko naglalagay ng moisturizer kc na observe ko hindi natutuyo ang pimples.. hinahayaan ko lang siya. super dry nga siya pero i love the feeling kasi ma fi-feel mo natutuyo talaga ang pimples on the spot.. chaka yung natural oil ng face lumalabas naman after ilang mins/hrs kaya hindi na sha na ddry.. tapos pag gising mo lagi ko check sa mirror ang ganda ng effect sa face.. makinis + tuyo ang pimples.. antayin mo nalang matanggal yung dead skin.. since i'm using bath gloves din sa pag ligo kaya madali natatanggal yung pimple marks :) basta overall super bow ako sa soap na to.. sobrang natulungan niya ko :) i'm not a distributor/seller, gusto ko lang i-share experience ko sa soap na to :) try nyo lang din mga sis baka hiyang sa inyo.. good luck! :)
Title: Re: Kojie San Soap
Post by: handsonmom on January 24, 2014, 05:45:48 pm
mga mommies effective talaga yang soap na yan...  :)
five years ko ng gamit yan at pati si husband nakumbinsi ko na
ring gumamit nyan gusto niya kasi magpaputi
at nung gamit ko yan dami nagtatanong ano ba daw gamit kung soap