Parent Chat

Life => News, Entertainment and Politics => Topic started by: insensitive on April 08, 2011, 12:08:06 pm

Title: Beware: mga Modus Operandi
Post by: insensitive on April 08, 2011, 12:08:06 pm
 
Just want to share this mga sis..Kasi nadinig ko na din to last week kwento ng tita ko, hindi ko pinansin masyado.Ngayon nagkalat na pala..katakot talaga

Hindi ako makapaniwalang may mga tao talagang handang pumatay para lang makuha yung mga materyal na bagay na gusto nila o siguro dala na ng desperasyon kung paano makakatawid ng gutom. Kwinento sakin ‘to nung kaibigan ko kanina: Papunta sila ng ...kaibigan niya sa CEU kahapon para sunduin yung isa pa nilang kaibigan. Sumakay sila ng jeep sa may bandang Ortigas. Pagsakay nila, konti lang yung mga pasaherong nakasakay. Mag-jowang magkayakap, isang matandang babae, sila, tapos yung driver. Sa may bandang likod sila nakaupo. Yung mag-jowa yung nasa may bandang unahan ng jeep. Nakasandal si ate kay kuya na parang natutulog tapos si kuya nakayakap kay ate. Yung matandang babae naman nasa may bandang gitna. Inaabot na nung kaibigan ko yung bayad niya dun sa lalaki pero hindi siya pinapansin kaya yung matandang babae na lang yung nagabot ng bayad. Yung matandang babae din yung nagabot ng sukli sa kanila. Napansin na din nila nung mga oras na yun na ang sama ng tingin ng driver sa kanila. So medyo nagtataka na din sila. Mayamaya, biglang sinabi sa kanila nung matandang babae na bumaba na sila. So lalo silang naguluhan kung saan mas matatakot. Sa manong driver na masama yung tingin o sa aleng bigla na lang nagyayayang bumaba ng jeep. Hindi na din sila nagisip tapos bumaba na sila ng jeep. Pagkababa nila ng jeep, sinabi sa kanila nung matandang babae kung bakit. Buti na lang daw hindi sila nagtanong kung bakit. Sabi nung matandang babae patay na daw yung babaeng nasa jeep. Hindi daw mag-jowa yung dalawa. Kaya nakasandal si ate kay kuya tsaka nakayakap si kuya kay ate kasi may nakasaksak kay ate na ice pick. Kaya hindi din inaabot ni kuya yung bayad. Napansin din daw ni ale na medyo nangingitim na yung bandang leeg ni ate. Kaya din daw siguro masama yung tingin ni manong driver sa kanila kasi baka binabalaan na din silang bumaba. Nakakatakot lang kung iisipin mong isa ka sa mga nakasakay sa jeep na yun. Sobrang nakakatakot. Sa panahon ngayon, hindi ka na talaga makakasigurado kung sino yung mapagkakatiwalaan mo tsaka kung hanggang kelan na lang yung buhay mo. Nakakatakot na, lalo na kapag gabi. Kaya paalala lang sa mga madalas bumyahe sa gabi, mag-ingat. Hangga’t maaari, maghanap ng kasama. Tsaka wag kalimutang magdasal. Hindi mo man akalain pero malaki ang impact niyan. Ingat! -A student from AB Pol Sci. (UST)
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: yshaleigh on April 08, 2011, 12:23:14 pm
sis.. kinilabutan naman ako.. di ko akalain na gnon.. so meaning kasabyat yung driver pag ganon.. wawa naman yung babae... 22o ba yang story na yan?
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: loneylou on April 08, 2011, 12:44:46 pm
nyay natakot naman ako at parang ayaw ko na sumakay ng jip.... naku sasabihin ko to sa kapatid ko.. hse's working in ortigas kasi eh at minsan gabi na sya nakakakauwi kasi auditor sya at sa diliman pa ang uwi,,,, thanks sis for sharing
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: Angel's Mom on April 08, 2011, 12:52:14 pm

kakatakot naman ito sis.. lalo tuloy ako napa-praning sa pagko-commute.. ilang beses na kasi ko naholdap, na-snatch, nadukutan, nalaslas ng pocket..   :(
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: missmemay on April 08, 2011, 12:53:00 pm
true yan sis? natakot naman ako bigla for my hubby. he's a call center agent and madalas he uses the public transpo para na din makatipid.. lagi pa naman siya night shift. hay ba yan..ba't ba kasi my mga ganyang tao. pray na lang talaga always.
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: insensitive on April 08, 2011, 01:05:00 pm
hindi ko din alam sis kung totoo..actually yung kwento ng tita ko from Taft-Cubao naman yung jeep..ganyang ganyan din daw yung nangyari..
creepy..
katakot talaga ang panahon ngayon.dapat talaga aware tayo sa paligid natin..ang sarap pa naman matulog sa jeep lalo na pag traffic.
Ingat tayo. 
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: Kuya Xtian on April 08, 2011, 01:31:12 pm
Wala pong ibang mas matinding sandata sa mga masamang tao kundi ang maningas na Panalangin
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: leilatoto on April 08, 2011, 01:39:27 pm
natakot naman ako dito...bigla ko kinabahan..pray talaga tayo palagi
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: ea_brea on April 08, 2011, 03:50:37 pm
grabe nakakatakot. ano na ba nangyayari sa mga tao ngayon? yung iba parang wala nang kaluluwa, hindi na tao.
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: rosetan on April 08, 2011, 04:07:42 pm
Grabe!!!! Kinilabutan ako! Seryosong seryoso ako sa pag babasa at na iimagine ko pa hays... nakakatakot!
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: clover. on April 08, 2011, 04:12:27 pm
omg. nakakatakot naman to. ngayon ko lang nalaman na may ganito palang modus. nung high school days ko may nakita naman akong magkaakbayan sa cubao habang naglalakad tapos me nakatutok sa babae na kutsilyo. ngayon naisip na rin pala nila ang jeep. kawawa naman yung mga biktima ng ganito.

hindi na ko mashado sumasakay ng jeep kasi mas marami ako nababalitaang holdapan sa jeep kesa fx. pero pareho lang rin yata. hindi ko na alam kung san at anong mode ng transportation ba ang safe na bumyahe. bakit ba may mga taong ganito?~

salamat for posting sis.
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: nylej20 on April 08, 2011, 04:16:32 pm
hala ngayon lang ako naka encounter ng ganito kwento?nakakatakot naman! kaya ako pag umaalis at at alam ko na medyo delikado sa lugar na pupuntahan ko, di ako masyado ngdadala ng pera o kaya pinapalitan ko unit ng CP ko para in case na mgkaholdapan, di ako masyado maghinayang ibigay yung cp at tama na dasal lang talaga lagi and pag kinuha na sau, wag ka na lumaban ibigay mo na lang para di ka na masaktan, isipin na lang natin na materyal lang yan at pwede pa natin mabili...
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: mommyayie on April 08, 2011, 04:24:09 pm
Naku sis, ako den kinilabutan. Mow let's tell our loved ones to be more observant.
Pag may nakita ko magkayakap, observe na kung patay na.. kakatakot. Let's always pray.
Hope it wont happen to us. God Bless!
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: MommyJammy on April 08, 2011, 04:39:36 pm
omg! nakakatakot na, pasama na ng pasama ang tao. thank you for this.
Title: Beware! Holdaper Modus
Post by: alexismom on April 08, 2011, 05:44:14 pm
creepy pero things like that happen. yung prof ng brother ko nakaexperience ng ganyan nung student pa siya. sumakay siya ng jeep bound to baclaran sa bandang PNU. may mga nakasabay siya guys. i forgot yung number of men kasi kuwento lang ng bro ko dati. yung female prof niya nilapitan ng isang guy tapos pinagitnaan na siya. tinutukan ng knife. parang high sa drugs yung guys. nafefeel daw niya yung pressure sa body niya. bigla daw nakita niya na may blood stain na sa white blouse niya. yung driver napansin na yung nangyayari sa kanila. umiiyak na lang daw prof ng brother ko that time at nagmamakaawa na huwag siya patayin. hinipuan pa raw siya ng guy. pagdating ng libertad lrt station, napansin niya na may ginagawang outpost at may policemen. nagtraffic daw so sumigaw yung prof ng bro ko ng saklolo. lumapit yung isang police na nakarinig sa likod ng jeep. tumayo daw yung prof sabay talon. hinatak daw ng isang guy yung damit niya. punit daw. sinalo ng policeman yung prof ng bro ko.
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: alexismom on April 08, 2011, 05:48:06 pm
tanggal daw top niya tapos hinimatay siya. nagising na lang daw siya sa hospital na. that happened so many years ago. medyo may edad na yung prof ng bro ko sa dlsu cavite.
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: sunshine23m on April 08, 2011, 08:28:54 pm
Totoo po ito kasi yung anak kong college student sa rtu boni e na-experience po ito.pauwi na siya at sumakay sila ng mga classmates niya sumakay sila ng jeep sa me acacia lane,nagtaka nga daw sila at yung babaeng nsa harap nila ay nasmumutla.kung ano po yung na-post dito e ganon po pangyyre.pero hindi po sa ortigas nangyre.magkaiba pa kaya ito.kasi gnitong ganito nga rin nangyre.umuwi nga anak ko na takot na takot.mismong nakasakay talaga nila at nung bumaba yung lalaki e bglang tumumba yung babae at nakita nila me saksak na yung babae sa tagiliran at hindi nga raw nila alam kung pano sila nakababa sa jip..hindi kaya iisa lang itong pangyyre na to at nagkamali lang kasi sa acacia lane po ito nangyre at anak ko e isa sa sakay ng jip.o talagang me gumagawa nito at pangalawang biktima na ito.2nd week ng march nangyre ito at sa acacia lane nangyre.bat kaya hindi nga lumabas sa balita itong nangyre nato.
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: miejaide on April 08, 2011, 08:58:39 pm
omg naman to mga sis!!! takot ako bigla... wala na talagang safe ngayon... pag sumasakay ako nag oobserve dn ako e pero d ako aware na may ganitong kwento... hayzzzz naman,,, mga taong walang puso nga naman no....
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: miekee_18 on April 08, 2011, 09:19:45 pm
momy sunshine23m, as in march 2011?recently lang?
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: sunshine23m on April 08, 2011, 10:23:40 pm
@miekee_18...yes sis! Diko lang alm sa pinost ngaun dito kung same lang ba ito.pero yung sa anak ko totoo talaga na na experience niya to sa me acacia lane tlgazmat yung driver wala daw alm sa nangyre kasi bumaba yung sumaksak mismo mlapit sa acacia lane at dun na nagkaroon ng commotion.kanya kanya sila ng babaan.eto tlaga tunay na nangyre,yung sa ortigas diko alm kung totoo.
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: buuurp on April 08, 2011, 10:32:52 pm
omg. gabi ba nangyari yan mga yan?
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: miekee_18 on April 08, 2011, 11:53:27 pm
momy sunshine23m,, san po b un acacia lane? gabi po b?
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: soleil_ilove on April 09, 2011, 12:25:30 am
omg super kinilabutan naman me sa nabasa kong eto,super ngayon ko lang nalaman me mga ganito palang modus ngayon.ingat mga sis and pray lang talaga katapat.
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: Mlabable on April 09, 2011, 12:44:20 am
Susme! Katakot naman ito! Lagi pa naman ako nakakatulog sa jeep.. Sana mahuli na yung gumagawa ng mga ganito. Na-media ba mga sis?
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: leilatoto on April 09, 2011, 02:57:06 am
nge totoo pala talaga nakakatakot...waaah parang ayoko na mag jeep..ang acacia lane po ay sa mandaluyong medyo may kadiliman po kasi sa lugar na yun
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: ❤Xian&Mam ❤ on April 09, 2011, 03:39:33 am
nakakakilabot naman nangyayari ngayon,
talagang bang wala na silang takot
ganun nalang kadali sa kanila pumatay,
dahil lang sa kunting pera,sana kunin nalang gamit/pera
wag na nila saktan mga tao, mga babae pa lagi nabibiktima nila.
sana man lang maisip nilang kilabutan at matakot kay god.
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: sunshine23m on April 09, 2011, 06:33:07 am
@miekee_18...acacia lane e sa mandaluyong po iyan! Hindi nga nabalita e.kasi pag uwi ng anak ko inabangan q na sa news e hanggang kinabukasan talagang hindi siya nabalita.yung lalaki at babae tandang tanda daw ng anak ko itsura kaya hanggat maari ayaw niya ng pag uusapan.tapos,eto nga nung nag back read ako dito SP eh eto pa nabasa qng topic na same na na-experienced ng anak ko.pero hindi talaga sa ortigas nangyre kundi sa me acacia lane,sa me mandaluyong.yung kalsada na yon diko alam tawag sa kahabaan non e.
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: michi247 on April 09, 2011, 08:00:22 am
nakakatakot na panahon ngayon. kakaiba na mga modus at parang balewala lang sa mga tao ang pumatay.
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: toughmom moderator on July 07, 2011, 08:13:24 am
Don’t be a Victim: How to Protect Yourself from Abduction
The adage “better be safe than sorry“ is a mindset that can save you and your family from harm. Learn what a security expert has to say to stay away from imminent danger.
click the image to read more
(http://www.smartparenting.com.ph/thumbs/images/article/criminal-thmbnl.81.jpg) (http://www.smartparenting.com.ph/preschooler/health-safety/don-t-be-a-victim-how-to-protect-yourself-from-abduction)
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: MommyCaline on July 07, 2011, 12:58:34 pm
grabe. nakakatakot talaga. pero totoo to. kasi kinuwento na din sa akin yan ng kapatid ko. experience nilang magkakaklase. galing sila that time sa PETA. pagsakay nila ng jeep, ganun din nakita nila. bumaba daw agad sila pero hindi nila pinahalata na alam nila yung nangyari. sobrang katakot talaga. LET'S STAY SAFE MGA SIS, ALWAYS PRAY & ASK FOR THE LORD'S DIVINE PROTECTION. :)
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: liamadam15 on July 07, 2011, 01:16:39 pm
grabe na tlaga ang panahon ngayon :(
kaya dapt lagi tyong alert sa mga public places.
pray palagi before lumabas ng bahay.
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: anerba :) on July 07, 2011, 02:50:00 pm
Sobra naman! parang naiiyak ako sa sinapit ng babae. Grabe na talga panahon ngayon at tama kayo, need

din magpray for our safety.

Ingat tayo lagi mga Sisses!
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: Mommy Jazz on September 05, 2011, 11:54:40 am
Na victimize yung friend ko sa SM MOA. A lady (lets call her lady#1) approached her inquiring about something. When my friend said she can't help her, the lady asked if she can ask the other lady beside her na kasabwat pala niya (let's call her lady #2). #2 said she knows the item and the supplier and told my friend to come along tapos iwan na nila si lady#1 sa supplier niya na sa MOA din ang pwesto. Lady#1 being an Asian tourist can not speak tagalog kaya english ang conversation while lady #2 can't speak english my friend na helpful by nature, tagged along as the interpreter. One small thing led to another, they took my friend for a ride until she was made to withdraw in exchange of the cash lady#1 has in her bag. Wala na sila sa MOA nun, malapit na sila sa bank ng friend ko when my friend realized she's being cornered na. She got her chance alighting the car and ran away.
Thank God walang nakuha sa kaniy pero MUNTIK na.
She reported it to MOA security hoping they can get image from CCTV. The Chief told her WALA DAW CAMERA SA MOA kasi the mirror is enough for them to monitor incidents.
Hindi ako naniniwala dito, I think ayaw lang siyang tulungan ng SM.


Lesson learned: Pag may naghingi ng tulong and you are in doubt kung totoo ba siyang dapat tulungan o M.O., lead the person to CUSTOMER SERVICE. Sigurado ka pa.


They victimize people who are out alone (yung walang kasama).  Ingat po tayo
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: insensitive on September 05, 2011, 12:09:37 pm
Mommyjazz, oO nga.mahirap na masyadong matulungin ngayon lalo na sa stranger..nabiktima din asawa ko ng ganyan, along recto..same modus ng sa friend mo..since sinabi ng asawa ko na wala syang cash, kinuha yung cp niya,necklace saka yung wedding ring niya :( kapalit ng malaking cash daw na papahawak niya muna sa asawa koafter 10-20mins pa bago narealize ng asawa ko na holdap yung ginawa sa kanya..cornered na rin kasi sya at dinala sya sa walang taong lugar.pag pumalag sya malamang patayin pa..(he found out 20pesos lang pala tapos puro papel na)..
mabait din kasi yun sa kalsada, pag may matandang tatawid aalalayan, minsan may makikitext pa sa kanya..lessons learned na rin para sa kanya kasi lagi ko pinagbibilinan ayaw makinig..ngayon naniniwala na sya sa hipnotismo, pagtingin niya daw kasi dun sa lalaki parang sumusunod daw sya bigla.after 20mins saka lang sya natauhan, nasa malayo na pala sila

Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: MommyMichell on September 05, 2011, 07:06:45 pm
grabe nakakatakot talaga, lalo akong naging paranoid, kwinento ko kay mister ayun lalo na akong ayaw paalisin mag-isa at ayoko na din talaga umalis mag-isa, ngayon tuloy mapapatingin na ako sa lahat ng magkayakap pag nasa labas, dapat talaga laging alert
Title: BEWARE!!mommies na may store like me,magingat sa mga MODUS na nauuso!!
Post by: Denzel's Mommy on November 01, 2011, 02:38:56 pm
Mommies, may store kami and tatlo agad na modus ang nagtry na manloko samin this year!!! BEWARE po..
1. KULANG SUKLI- papalabasin na kulang sukli mo sa kanya kahit na di ka naman niya talaga pinagbilhan..wag lalapit kasi may matigas na something silang hawak hawak sa shoulder nila na ewan basta ayaw nila bitawan!!
2. NAGAALOK NG VIRGIN MARY- kunwari iaanalyze niya face mo,manghuhula n mangagamot DAW siya,kukunin loob mo,then coconvince ka na kung pwede sya pumasok sa loob ng store mo!!!
3. NAGAALOK PABANGO AT TSHIRT - nasa loob ng bag ang perfume,pipilitin ka paamuyin!!naku,baka may certain pampaantok or pampahypnotize dito sa perfume niya!!
4. PAPADALA SAYO SUKLI NG 1000 PESOS- tatawag sayo sa store,na kesyo padala ng sukli sa 1000 pesos niya.aabangan tao mo on the way papunta sa house kuno niya (usually mga buss.na may delivery to like water refilling,hardware,food..etc) kukunin ng kasabwat nyang tao na magpapanggap na katulong niya ang sukli sau dahil may bibilhin sa botika,bakery, etc.pag punta mo dun sa address kuno nila,mali ito or wala nakatira duon!!
Mommies,sorry mahaba..ako di nila naloko this time coz madami besse ako naloko b4!magingat kayo,lalo na sa budul-budol.di sila joke,dami ko na kakilala na naganun!presence of mind at wag magtitiwala agad!
Pa-share naman ng experiences nyo para magserve as warning to all of us..
dapat may LIFE IMPRISONEMENT ang mga holdapers at manloloko para mabawasan sila!!!grrr....
Title: Re: BEWARE!!mommies na may store like me,magingat sa mga MODUS na nauuso!!
Post by: Aragtrz on November 01, 2011, 03:30:36 pm
ang naexperience ko yung laglag barya nong college days ko

sumakay kami ng jeep ng classmate ko, maya maya naglaglagan yung barya ng katapat namin na lalake. pulot ng pulot ng barya yung lalake hanggang sa paanan namin, e yung kamay ng lalake lumulusot na sa paanan namin kaya doon nakatutok yung atensyon namin, ayun habang nakayuko kami dinudukot na pala yung cellphone ng classmate ko sa bulsa niya (naka nursing uniform classmate ko). may nakapansin nalang na ibang pasahero pagbaba ng lalake may bitbit nang maitim na bagay cellphone na pala yun ng classmate ko.  >:(


eto naman  post ng friend ko sa facebook.

may katabi daw siyang lalake sa jeep sinabihan siyang may dura yung buhok niya. kakapunas niya ng kakapunas ng buhok niya at kakahanap ng sinasabi ng lalake na dura dinudukutan na pala siya. goodbye cellphone & wallet.
Title: Re: BEWARE!!mommies na may store like me,magingat sa mga MODUS na nauuso!!
Post by: sheys_sheys on November 01, 2011, 04:12:31 pm
The laglag barya and dura modus talagang madaming nabiktima dyan....

wanna share my co-worker's story sa kanya naman is na-hypnotize sya,She met this kinda old lady the nakuha loob niya,nakasakay sila ng bus papuntang somewhere Novaliches sya nakatira,Then nagising sya bigla nung nakita niya yung rosary ng babae sa harap nila that is the time nag-panic yung babaeng nang-hypnotize sa kanya at bumaba...Ayun nawala ang cellphone at wallet nyang puro picture(clooege days palang eh)

Kaya mag-iingat po talaga tayo lalo na sa gabi...
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: MommyMichell on November 01, 2011, 09:14:14 pm
sis Coolmom22, nakasakay namin mismo ni mister yung "Dura Gang" halos 6 years ago na, preggy ako sa 2nd baby namin, papunta kami ng pasig palengke, sa kahabaan ng Tramo (now C. Raymundo) may sumakay na 4 na mama (mga mukhang goons talaga) yung 2 pinagitnaan yung isang dalaga so kaharap namin sila, tapos yung 2 umupo sa hilera namin (buti hindi namin mismo katabi), maya-maya kunwari dumudura yung lalaki na nakaupo sa gilid nung babae tapos nakita namin senyas ng senyas yung lalaki sa hilera naman namin dun sa babae na hawakan buhok niya dahil natalsikan daw nung dura, tapos yung babae naman hawak ng hawak at tingin sa buhok niya, napansin ng mister ko na yung isa pang katabi niya na lalaki sa kabilang side naman binubuksan na bag nung babae, tensed na kami non kasi pagkasakay pa lang nung 4 na lalaki bad vibes na agad kami at syempre buntis ako so nakakatakot talaga, bababa na dapat kami ni mister pero bigla na lang silang pumara not sure kung nakuhanan yung babae na mukhang clueless sa nangyari :'(
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: miejaide on November 02, 2011, 11:52:33 pm
kakainis naman mga taong ganyan..  >:(
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: sheys_sheys on November 03, 2011, 04:58:15 pm
actually MommyMichelle katakot talaga sa part na yun ng PAsig....lalo na a gabi....
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: MommyMichell on November 03, 2011, 05:08:52 pm
oo sis kasi walang bantay sa kahabaan ng tramo, laking tulong din na marami ng nagkalat na blue boys or traffic enforcer at may mga police station dito sa pasig, nabawasan yung snatchers at hold-uppers, dati dito sa tramo, jenny's at floodway tadtad ng snatchers, pag nakalawit cellphone mo or may kwintas ka habang nakasakay sa jeep, garantisadong snatch yan buti halos wala na ngayon dahil dami na nga nagkalat na bantay
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: unknown on November 03, 2011, 05:32:28 pm
ako nabiktima ng dura gang nung 2005 nakuha yong bagong bagong cellphone ko buti na lang at bayad na bago nadukot.
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: -joanamber- on November 03, 2011, 05:59:44 pm
ALWAYS BE SAFE NALANG MGA MOMMIES.. di naman natin maiiwasan yan. prayers.!
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: sheys_sheys on November 03, 2011, 06:40:54 pm
oo sis,yung brother ko na blue boys takot ma-assign dyan sa area na yan eh,...pero ngayon naman daw medyo nabawasan na,daanan kase ito ng mga nagwowork sa Libis,Eastwood....
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: Aragtrz on November 03, 2011, 06:49:34 pm
sis Coolmom22, nakasakay namin mismo ni mister yung "Dura Gang" halos 6 years ago na, preggy ako sa 2nd baby namin, papunta kami ng pasig palengke, sa kahabaan ng Tramo (now C. Raymundo) may sumakay na 4 na mama (mga mukhang goons talaga) yung 2 pinagitnaan yung isang dalaga so kaharap namin sila, tapos yung 2 umupo sa hilera namin (buti hindi namin mismo katabi), maya-maya kunwari dumudura yung lalaki na nakaupo sa gilid nung babae tapos nakita namin senyas ng senyas yung lalaki sa hilera naman namin dun sa babae na hawakan buhok niya dahil natalsikan daw nung dura, tapos yung babae naman hawak ng hawak at tingin sa buhok niya, napansin ng mister ko na yung isa pang katabi niya na lalaki sa kabilang side naman binubuksan na bag nung babae, tensed na kami non kasi pagkasakay pa lang nung 4 na lalaki bad vibes na agad kami at syempre buntis ako so nakakatakot talaga, bababa na dapat kami ni mister pero bigla na lang silang pumara not sure kung nakuhanan yung babae na mukhang clueless sa nangyari :'(


Sis yung friend ko na nabiktima ng dura gang sa Country Side Pasig siya nakatira. Nabiktima siya non nong papasok siya sa office. Sa Eastwood Libis siya nagwowork. Well talamak nga siguro along pasig.
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: two_angels'_mom on November 03, 2011, 07:12:26 pm
wahh nakakatakot naman yung first post..naiimagine ko pa til now..sa ortigas pa naman ako nagwowork tapos palagi pa naman ako nagjijeep lately kasi nadala na ko magbus lalo na pagpapasok ako sa gabi kasi lagi na lang ako nakakasakay ng "GITGIT" O IPIT GANG ba yun..basta yung gigitgitin ka kunwari ng apat na lalaki tapos kinukuhanan ka na pala ng cp nung isa dun..pati yung sinasabi ni coolmom na laglag barya naexperience ko na din just last month yung lalaking kasakay ko sa bus nung pababa sya sinabayan sya ng isa pang lalake tapos me isa pang lalaki sa harapan niya kunwari nalaglagan ng barya pinulot naman nung mama tapos yun palang isang lalaki na sumabay sa kanya pagyuko niya dinukutan na sya nakita ko as in pero hindi ako nakapagreact sa bilis ng pangyayari nakababa agad ng bus yung dalawa..hay nakakatakot naman ngayon hindi ko na alam kung saan tuloy mas maganda sumakay..kasi yun namang nabanggit dito na acacia lane dinadaanan ko naman po yun tuwing nag-fx ako..dinadaan ko na lang nga sa dasal palagi kasi late pa naman ako lagi umuuwi from duty :(
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: MommyMichell on November 03, 2011, 07:17:24 pm
sis Coolmom22 nakakatakot din banda sa Countryside kasi looban sya at hindi ka makakalabas or makakauwi ng hindi nakatricycle unless game kang maglakad ng bonggang-bongga or swerte ka kung sa bukana ka lang banda nakatira, kasi sa Countryside me subdivision sa loob ng subdivision sa loob pa ng isang subdivision, kaloka

nanay ko din nabiktima before dito mismo sa harap ng bahay namin, kunwari yung ma-ma nagso-solicit para sa church, may dala pang rosary kapalit daw nung donation, tapos nakita ko nanay ko pumasok ng house parang biglang nagising (nasa trance pala sya that time)at na-realize niya na na-hypnotize daw sya nung ma-ma na ibigay lahat nung pera niya sa bulsa, luckily P200 lang pera niya sa katawan that time kaya yun lang nabigay niya kaya ngayon hindi na namin pinapansin mga nagso-solicit na hindi taga-dito sa amin

tito ko nabiktima din ng laglag barya gang sa bus nung college days niya, may nahulog daw na barya sa paanan niya, nung yumuko sya para damputin, ayun yung gold nyang kwintas nawala na parang magic :'(

may iba pang mga modus kaming naranasan like nadenggoy kami (buti tag-P100 lang kami ng sister ko dalaga pa ako nito) paliga daw ng volleyball sa barangay, naniwala kami kasi sinamahan ng taga-dito sa amin yung bading na manggagantso akala naman namin friend niya yun pala nun lang din niya nakilala, kainis!  >:(

at yung younger sister ko ayun din nanakawan ng gold earrings, dun naman sa isang kapitbahay naman namin sya sumama birthday party daw tapos ayun pala may naghihintay na ale sa kanila

so siguro lesson: magkatay ng kapitbahay!  :o  lol  i mean ayun kahit kakilala/kapitbahay kung hindi mo super alam pagkatao wag agad magtitiwala, dalang dala na talaga kami
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: mum_06 on November 06, 2011, 09:55:11 pm
:( nakakatakot na talaga ang panahon ngayon.
dami ng masasamang tao..sana patatagin pa natin ang ating pananampalataya.

nung college ako naexperienced ko din na nalaslas bag ko pro di sya ngtagumpay
kasi masyadong makapal bag ko :D..meron din nahablot necklace ng friend ko
habang lulan kami ng jeep sa Aurora Blvd.

   yong brother in law ko na seaman,kabababa lang niya at ngreport sa ofis nila sa makati
nahypnotized ng isang guy na ngpapatulong sa kanya para makapasok sa company niya.
basta ngkausap daw sila tsaka namalayan na lang niya na sakay na sya ng taxi at malapit na sa
tinutuluyan niya sa sta.quiteria,wala na mga alahas niya at 40k cash..so sad :(..

sa ngayon daw Mommies totoo daw po yung kunwari ngbebenta ng perfume.wag na wag daw amuyin
kasi mahihilo ka daw at pgnanakawan ka o kukunin..yan kasi sabi ng sis ko sa western visayas daw may nawawala na nga at kinukuha ang mga organs...grabe ninerbyos na ako sa mga pangyayari ngayon.

  Let's keep on praying & be alert na lagi Mommies..keep safe po!
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: working_girl88 on November 11, 2011, 02:21:34 pm
naka experience din ako sa jeep nung dura gang. kasama ko friend ko going to divisoria. 3 silang sumakay ng jeep sa may bandang isetan, yung isa, katabi ko pa. pero buti na lang hindi ako yung naduraan. yung babaeng nakabag tas mukang mamimili sa divi ng madami. kami kase ng friend ko, naglakwatsa lang. malapit lang kase kami sa divi kaya pambahay lang suot namin. grabe, ang bilis lang lahat ng pangyayari. after kunin nung mga lalaki yung wallet niya, bigla na lang bumaba, hindi na nga nagbayad ng pamasahe. nagulat na lang kami nung sumigaw yung babae na wala na yung wallet niya, kawawa sya kase 20k daw yung nasa wallet niya, andun pa daw lahat ng cards niya..
after that incident, lagi na kong aware sa mga gamit ko, and as much as possible pag nasa labas ako, simple lang suot ko lalo na kung magjejeep ako mag isa.

may nakwento din saken yung friend ko, hindi naman sya magnanakaw, manyakis lang, SOBRA!
yung friend ko sumakay ng fx sa marikina. sa likod sya kase medyo mataba sya. pag sakay niya, nakita niya na may naghahalikan sa gitna ng fx. maganda daw yung girl tas yung guy, medyo matanda na tas (sorry for the word) pangit. hindi na lang daw niya pinansin kase kala niya mag bf sila. tas nung malapit na sa terminal ng fx, bumaba yung guy. nagulat sya kase hindi kasama yung girl. tas biglang umiyak yung girl, sabi niya hindi daw niya kilala yung guy tas tinutukan daw sya ng icepick kaya wala syang nagawa. pinahawakan din daw sa kanya yung bird nung guy.. grabe, super loser manyakis! nung kinukwento un ng friend ko samin. nadidiri ako.. ibat iba na talga ang trip ng mga tao ngayon.. ingat tayo mga sis!
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: kawaiimaridel on November 11, 2011, 08:15:02 pm
mga sis eto naman yung naexperience ko at di ko malilimutan ng bongga...

buti na lang talaga im very aware with modus operandi dahil mahilig akong manood ng tv...
medyo mahaba lang...

pumunta ako sa tita ko sa san juan to pick up yung mga paninda na binigay ng pinsan ko,mga 3 kahon yun..hinatid pa ako ng pinsan ko at nagbibiruan pa kami nung isinakay niya ako sa taxi na pinara niya,sabi ko saa taxi driver sa cainta ako pahatid,ayun...nung nasa betty-go belmonte na kami going to cubao nakakaamoy na ako ng mabahong amoy from aircon at punas ng punas na siya ng basang face towel..eh napanood ko nayung ganun,kasi pampatulog yun..as in pinatatag ko ang sarili ko,buti na lang at aware ako...tinext ko agad ang plate # at tinawagan ko kaagad ang asawa ko na nasa marikina that time...grabe talaga ang kaba ko nun at halos makatulog na ako sa amoy..sabi ko sa asawa ko na clueless na sundin niya ako sa isetan cubao,as in nagtataka yung asawa ko kung pano niya ako masusundo..as in nagagalit pa siya sa akin..pero firm pa din ang pagkakasabi ko na sunduin niya ako dun..at sinabi ko sa driver na tinext ko na ang plate # niya at pinapaamoy niya ako ng  pampatulog..di siya nagsasalita...bubuksan ko sana yung bintana pero walang hawakan yung bukasan,sabi ko sa kanya  pag may nagyaring masama sa akin alam na ang # niya,hindi ko din mabuksan ang pinto gawa ng sira ang lock ng pinto...pinabuksan ko sa kanya yun ng pilt..nasa edsa kami nakabukas ang pinto ng taxi..hindi ko na naisip na humingi ng tulong or sumigaw kasi nanghihina na ako at nagpapanic na utak ko..pero tinatatagan ko pa din...pinilit ko talaga siya na pababain ako sa isetan...nung nakababa na ako dun lang siya nagsalita at sinabi niya na gamot daw niya sa hika yung naaamoy ko,minura ko siya at sinabi ko na wala akong hika para paamuyin ng gamot niya..sani ko isusumbong ko talaga siya sa mga pulis..kahit super nanginginig na ang mga tuhod ko...grabe kaya never ever na akong sumakay ng taxi na mag-isa kahit magcommue na lang ako wag lang taxi....kasi paano kung nakatulog ako,ok lang na kunin niya lahat ng gamit ko,paano kung marape pa ako or itapon na lang sa daan ng hubo't hubad..im sorry for the word pero lets face the truth,tulog ako nun at yun yung mga naimagine ko..im so blessed that God gave me strength to face that eviil thing...
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: MommyMichell on November 12, 2011, 01:07:12 am
buti sis kawaiimaridel natext mo agad kay mister at nakaligtas ka, naku hirap naman kaya takot din ako magtaxi kaya hindi rin ako talaga umaalis mag-isa unless ever lang pupuntahan na medyo malapit lang talaga at safe kasi pag di ko kasama si mister, sakay ako ng tricycle dito sa amin hanggang ever tapos pauwi yung tricycle naman ng ever sasakyan ko

nalaslasan na rin ako ng bag pero walang nakuha kasi naramdaman ko yung paglaslas, matandang lalaki sa may sakayan ng bus sa Edsa Central pasakay ako ng Ortigas Ilalim na bus, sumabay sya samin nung friend ko kunwari pasakay buti na lang isang paa ko pa lang nakahakbang naramdaman ko ng nilalaslas yung bag ko kaya binalingan ko yung matanda ayun tumakbo agad palayo
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: kawaiimaridel on November 12, 2011, 09:17:29 am
kaya never na talaga ako nagsolo sa taxi...dami na ding times na muntik na akong madukutan as in nasa loob na ng bag ko yung kamay nila...sa farmers cubao,novaliches bayan,even naglalakd ako sa edsa at aurora blvd. yung mga batang kalye at mga pulubing gusgusin,sa malll naman disenteng tingnan pero may sungay pala....as of now di pa naman ako nawawalan ng kahit ano,kasi sa totoo lang pag nasa biyahe ako mag-isa lahat ng katabi ko suspect agad sa paningin ko..tsaka nakakalat ang pera ko..baka kasi mamya makuha wallet ko wala akong pamasahe pauwi..basta lakasan nyo lang lagi pakiramdam niyo like me...kaya lang may mga magagaling talaga sa ganyan...
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: momofrainchira on November 12, 2011, 05:32:40 pm
ako man nabiktima ng taxi gang na yan,dala ko 14k cash,pambayad ng rent sa house at kuryente.noon kasi ugali ko sa harap sasakay .nangyari eyo along alabang zapote road,yung tapat ng festival madamo p  yan,may sumakay 3 sa likod,isang tomboy tas 2 lalaki nataranta ako sa pagkagulat kasi bakit nagsakay yung driver eh taken ko n yung taxi niya,ngalit ako pero hinihila n yung backpack ko,nanlaban pko kaya puro ako kalmot sa braso tas nagsalita yung driver wag n daw ako lumban kasi masasaktan lang ibigay ko n daw,tas yun pinababa ako dun sa tapat ng bellevue hotel ba yun...basta madamo p din yung paligid,as in wala ako pamasahe eh las pinas pko uuwi naglakad ako tas nung may nkita ako police station humingi ako tulong tas tinwagan nila hubby ko...

binilhan niya ko ng pepper spray until now pinagdadala niya ko nyan,naghahanap nga kami ng dagger eh yung pang kuryente kasi mas madali gamitin ata un...
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: Aragtrz on November 13, 2011, 11:41:06 am
^Sis momofrainchira ang lakas ng loob mo manlaban sa masasamang loob buti wala naman nangyaring masama sayo.. Next time (wag naman sana mangyari) kapag natyempuhan ka wag kang lalaban kasi hindi mo rin masasabi baka malalakas ang loob ng mga yun na pumatay. Kaya ang the best talaga wag magdadala ng malaking cash para kung matyempuhan man hindi nakakapanghinayang kung ano ang makuha.

Naalala ko yung news dati, matagal na itong news kasikatan pa ng nokia 3210 & 3310. Namatay yung binatilyo kasi pinipilit na kunin yung 3310 niya kaya ayun binaril siya ng holdaper... magkano nalang ba ang 3310 ngayon? Siguro sa P300 magkakaron kana non. Sayang ang buhay ng binatilyo.:(
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: imeego on November 13, 2011, 12:42:01 pm
share ko naman experience ko dito...we went to MOA with my friend, cousin and his wife..dumating kami dun around 1030 to 11 am siguro so konti pa lang tao...pasok kami sa isang store tingin-tingin, ako napahiwalay sa kanila...dun sa store may napansin akong magkakasama na 2 adults and 2 kids, parang nanay, lola and kids na aged 6 to 7 siguro, yung lola at isang kid nakaupo, while yung dalawa nakatayo kunwari nag-uusap sila,...mali ko dumaan ako sa tabi nila, ginawa nung lola at isang kid tumayo din sila so parang na-sandwich ako between dun sa apat...nung una, kala ko wala lang yun na nagkataon lang...paglipat namin sa kabilang store dun ko napansin bukas na zipper ng bag ko and wala na wallet ko..i knew right away na sila ang culprit kasi magtataka ka na nandun sila eh medyo high end yung store and yung suot nila ang dudungis (di naman po sa nanlalait ako no) saka bukod sa kanila eh kami lang nung mga kasama ko nandun :o sobrang taranta ako kasi nandun yung atm ko and 2 credit cards baka magamit nila, ok lang yung cash eh (pero sayang din kasi 6k din yun hehe)...buti na lang nareport ko agad sa credit card company...funny thing is after a month may tumawag from that store and nakita daw ng guard yung wallet ko with my prc id...so binalikan ko sya and true enough yun na lang laman, everything else wala na...kaya ingat po lagi sa mga ganun, kunwari gigitgitin ka yun pala strategy talaga nila yun >:(
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: momofrainchira on November 13, 2011, 07:37:42 pm
@coolmom...ang tapang ko nun kase naisip ko lang baka maputulan kame ng kuryente dahil pambayad nga din yung pera,pero later on narealize ko na delikado talaga yun,hindi ko na uulitin hehe...eto nga sinabihan ko yung sister ko pag naka encounter ng mga ganitong eksena eh deadma nalang at ibigay nalang agad...
tsaka pag nag tataxi ako pinapatext ng asawa ko yung plate number agad.nangyari eto wala pa kaming anak kaya siguro wala akong masyadong takot,pero now nagiingat na rin para sa mga anak ko...
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: Mommy Jazz on June 25, 2012, 03:50:18 pm
Medyo aware na ako sa mga MO from the news, stories of friends and experiences I read here on SP. Hindi sarili ko ang worry ko kundi ang anak ko. Pretty soon dapat matuto na siya ng errands, hindi ko naman pwedeng ikulong sa bahay forever just to make sure she's safe. Ayoko rin naman punuan ang isip niya ng mga dangers sa streets.
How can I protect my kids from these MOs? Anong MOs ba na bata ang laging nabibiktima?
Title: Re: Beware! Holdaper New Modus
Post by: trishevil on June 25, 2012, 04:55:21 pm
Totoo po ito kasi yung anak kong college student sa rtu boni e na-experience po ito.pauwi na siya at sumakay sila ng mga classmates niya sumakay sila ng jeep sa me acacia lane,

^sis sunshine23 - sa Acacia Lane? Naku yan ang route ko pauwi during the time na nangyari yan.. bakit parang hindi naman naibalita sa TV? Nakakatakot naman. Possible na same lang yung story kasi may street near Acacia Lane na F. Ortigas ang pangalan. Ang main road near Acacia Lane is SHaw Blvd., then if going Boni ka, labas mo is P.Cruz Street. Nag-jogging kasi kami ng sister ko around the neighborhood. Medyo madilim lang talaga sa Acacia Lane at maraming Informal Settlers.
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: jealousygirl on June 25, 2012, 06:24:53 pm
Hi mga mommies.. Now ko lang nabasa tong thread na to,, I was so shockes, nung nabasa ko yung story na share ni thread starter.. I heard that same as in same story last year.. ka ofismate ko nag kwento sakin,,  nakakatakot, nung marinig ko yun, para kong natakot mag jip, bigla,, kakapraning..

then last year, may ka ofismate naman ako na naholdap sila sa FX, papuntang Antipolo,pinababa sila sa madilim na lugar, at pinagkukuha wallet nila, at tinutukan pa sila ng baril.

then last year rin mga Nov.  victim rin ako ng modus na laslas bag gang,, nakasakay ako sa jeep, tanghaling tapat., feeling ko yung katabi kong mama na amoy kili kili ang tumira ng bag ko at ng phone ko,,  :'( 

sobrang dami na talagang masasamang tao sa panahon natin now,, nakakatakot for our kids sa mga susunod pang mga panahon at araw...

pray,, pray at pray lang talaga,
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: ahyzeyuh on June 26, 2012, 11:34:08 am
natakot naman me dun sa saksakan na nangyari-- everyday nagtatravel kasi tayo going to work

warning sa my mga sari sari store o tindahan

nangyari eto sa store namin 3x na kaya sinara na namin- para kasi hindi maganda


my bumili sigarilo- 1pack (worth 40ph), 500 yung pera on both instance
, pagka-abot ng sukli dun sa mama, hindi pa siya umalis.. naglabas siya uli ng pera 1k-- sabi niya, baka my panukli pa kayo..
then he asked patingin nga nung bayad ko kanina
pinakita naman ng pinsan ko-- pagka-kita nung lalaki ng pera hinablot niya sabay takbo- sa kabilang street my motor na naghihintay sa kanya
--during the 1st instance pinsan kung lalki 15yrs old ang nagbabantay
2nd time na nangyari yung kapatid naman niyang 19 yrs old ang nabiktima---

merun pa-tita ko naman nabiktima

yung 2 babae- bumili 2 softdrinks and 2biscuit- pera 500 din

tambay muna sila, kumain ng binili nila-- medyo busy yung tindahan namin kaya busy busyhan si tita

after kumain- they asked for the sukli- my tita said nasuklian na sila
but the 2 ladies insist na wala pa
sabi ng tita ko - sigurado ako nabigay ko na
eto yung pera niyo 500, then yung 3sumunod sa inyo 100 and 2 tig 50 naman

yung 2 babae super insistent talaga na wala pa yung sukli kaya binigay na lang ni tita--

few days after my nabalitaan si tita my 2babae nahuli at dinala sa baranggay dahil sa panloloko-- ilang mini grocery store, botika at hamburger store na pala nabiktima nila. nadali sila sa botika dahil  my cctv--
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: insensitive on June 26, 2012, 12:07:10 pm
Last week nung nasa bahay kami ng pinsan ko may nagbabahay bahay na nanay..nanginginig sya, umiiyak kasi nawawala daw anak niya at kinuha nung lalake..tinanong namin kung paano nangyari..nagkwentuhan lang daw sila tas nacute-an sa anak niya kinarga,.pinakarga naman niya..mga ilang minuto nalingat lang sya wala na :'(

dun sya naghahanap sa area namin kasi pakilala nung lalake taga dun daw sya..eh wala naman nakakakilala dun pala..MODUS!

hay kawawa yung nanay...

sa mga mommies dapat aware din tayo sa mga ganito..nung time may ganyang balita naiimagine ko na ang ganyang scenario(ayun nangyayari pala talaga) kaya ang bilin ko kahit kakilala,kapitbahay wag ipapahawak ang anak ko..
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: pichi on August 20, 2012, 12:24:14 am
scary talaga yung nangunguha ng bata na yan. ano na balita sa kanila? grabe talagang mga sindikato na yan. ako once na biktima na ng laglag barya gang. kainis feeling ng mabiktima ka. hayyy
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: BlueAby on August 28, 2012, 12:03:20 pm
Nangyari na rin sa akin yung Dura Gang along Quezon Ave naman. Buntis ako that time at nakikinig ng music sa cp ko. Then inipit ako ng mga lalaki, so deadma lang since punuan yung jeep. Then may nagsabi bigla na may dumura daw sa labas ng jeep at tinamaan nga daw ako nung dura. Sinisilip ko pa muna yung labas ng jeep, wala naman akong nakita na dinaanan namin na may tao. Then yung sa tapat ko nag offer ng bimpo pamunas ko daw sa buhok ko. Sya muna ang nagpahid nun not thinking na inaalis na pala niya ang earphone sa tenga ko. Nauna na silang bumaba ng jip nun. Nung binalik ko na yung earphone sa tenga ko wala na akong marinig na music kaya binuksan ko bag ko para i-check yung cp ko. Nagulat na lang ako nung di ko makita cp ko. Mababa naman unit ng cp ko. kaso yun lang ang cp ko  :'(
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: trishevil on August 28, 2012, 12:33:53 pm
^bad naman nun!!! di ka man lang nirespect..alam na buntis ka.. tsk tsk tsk..
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: YANCY&SOPHIE'Snanay on August 28, 2012, 01:05:49 pm
Share ko lang mga sisters...nangyari ito a couple of years ago...sakay ako jeep, sa may estribo ako lagi pumupuwesto poara madaling makababa....near heart center, along east ave., may sumakay 5 na lalaki...alam ko agad bad sila kasi yung remark nung isa "Panis pare, meron na sa dulo"  katapat ko isang lalaki, employee sya ng Heart Center, tabi niya vacant then lalalaki ulit. isa dun sa lima pumagitna dun sa Heart Center employee at dun sa sia pa pasahero.  yung 2 sa likod ng driver then yung isa pa sa unahan then yung panglima sa may gitna dun sa side ko naman.  Andar na jeep, mayamaya yung guy na nakapagitna sa Heart Center employee at sa isa pa pasahero bigla may tinuro opposite their side (so sa side ko, labas ng jeep kunwari) "paren ayun." tendency ng mga pasahero syempre tumingin din dun sa tinuturo nung guy, ako sa kanya ako tumingin, ayun, yung right hand niya kinukuha na yung wallet nung guy na katabi niya.  nanginig na me, then sa bhi nung taga Heart Center sa akin, "O lika, na, andito na tita mo." BUmaba kami pareho.  although hindi ko sya kilala, then lakad kami pabalik then sabi niya sa akin, "O sige, ingat ka, mga mandurukot kasi yung mga yun." dun na kami naghiwalay pero pasalamat ko sa "Angel" ko talaga....

another time, this year lang, pauwi me sakay jeep going to Novaliches Bayan.  Feeling ko nilalaslas yung bag ko (nike pa mandin, bigay ni hubby huhuhu) yung teenager na katabi ko talagang tinitigan ko ng matalim as in! bigla syang lumundag.  buti na lang double lining ang Nike Bag (moral of the story, Nike Bag ang bilhin hehe joke).  wala nakuha pero nag iwan ng ala-alang maliit na hiwa....
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: Nathan27 on August 28, 2012, 01:49:32 pm
hmmmm... hindi ako magaling mag kwento..,. gusto ko lang din magshare.
experienced naman ito ng friend ko.
from their house, sumakay sya ng jeep going to office. hindi niya ugali sumakay sa pinakadulo ng jeep.. but then yung lalaki na nasa dulo naggive way sa kanya... so doon sya napaupo.
habang umaandar yung jeep.. ginigitgit sya nung lalaki.. at itinataas pa yung kamay niya na may bag sa harap ng mukha ng friend ko, kunwari hahawak sya doon sa hawakan.. three times daw yun ginawa nung lalaki. so nagdecide sya lumipat ng upuan... kaso inunahan sya nung katabi ng lalaki. so wala na nagawa ang friend ko,, ang iniisip naman niya bumaba na lang ng jeep, kaso nung naghahanap na sya ng bababaan.. wala sya makita na matao. inisip niya kz baka sundan sya at gawan ng masama.
the worst scenario na nangyari... parang may naamoy  sya dun sa bag nung lalaki kasi nga halos nasa mukha na niya, ayun nahimatay ang friend ko... at habang umaandar ang jeep.. nahulog sya. wala pa din sya malay nung isinugod sa ospital. take note 1 month paralyzed ang mukha niya. yung parang na stroke.
pero thanks god, ok na sya ngayon. continous theraphy kasi. at until now di pa din nahuhuli. nung inireport niya yun sa police.. e sabi nung mga police marami na daw yun nabiktima.. kasi iisa ang pagkakadescribe niya ng mukha nung lalaki
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: graciemie on August 28, 2012, 04:18:47 pm
Just wanna share our experience, twice na sila nabiktima sa bahay (talagang naulit pa!) yung first time may bumili sa tindahan namin, almost 800 daw yung nakuha kaso nung magbabayad ba naglabas ng 1000 na bill kaso walang panukli, ang sabi ibabalik nalang niya since bisita lang siya sa street namin so pumayag mother ko. we live in a subd. kasi so di mo aakalain talaga may makakapuslit na ganun. Then nung naisip ni mama tingnan saan bahay nakita niya biglang tumakbo papalayo at sobrang bilis daw buti hindi na hinabol ni mama kasi mag-isa lang siya sa bahay that time baka naman may biglang sumalisi ang pasukin ang bahay, kaloka!
Then second time, ganun din ang nangyari with the same experience medyo kinabahan na si mama so nung sinabi na ibabalik nalang nag-offer nalang sila na sasamahan ng cousin ko na bagong salta sa manila para ipadala nalang yung bayad saan man sila magpapapalit, kaso almost 2hours na hindi pa bumabalik yung cousin ko, imagine the takot na mayroon na sila kasi baka ano na ginawa etc. lagot kami sa parents nun! buti nalang after ilang ikot sa lugar namin nakita cousin ko sa isang street na naghihintay pa din, it turned out iniwan daw siya nung ale ang sinabi "bhe hintayin mo ko dyan ibabalik ko sau bayad". at naghintay nga siya! hay ang mga nangangailangan nga naman kahit anung paraan gagawin makapagnakaw lang. kaya kami sa bahay super ingat na ngaun, if hindi na nga kilala di na nila pinagbibilhan minsa.
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: BlueAby on August 28, 2012, 04:36:14 pm
Another thing din happened to me and my hubby last year. Pauwi na kami galing office. At that time wala sa plano na sasabay sa akin pag uwi ang hubby ko and na dun sya sa bahay namin matutulog since separate parin kami ng bahay. Around 12-1am na yun, sa may escribo kami nakasakay at aantok antok na. May 3 pang pasahero yung jeep that time, Isang girl sa tabi ng driver, 1 manong sa likod ng driver then may katapat sya na isa pang girl (kahilera namin yung girl). Then pagdating sa may Araneta (sa may tulay) may pumara na dalawang binatilyo. Since nasa eskribo kami ng mister ko kitang kita namin na habang papalapit sila ng jeep ay hinuhugot na nila sa loob ng sando nila yung kitchen knife. Di naman ako natakot that time at naisip ko pa na bunutin ang pepper spray ko. Unfortunately iniisip ko ang mister ko since sya yung nasa pinakadulo and yung isang lalaki dun pumwesto as in humarang sa pasukan at yung isa yung pumasok sa dulo. Naglaban pa yung babae na kalinya namin (malaki din yung katawan nung girl) pero nakuha parin yung bag niya. Sinisenyasan ko ang mister ko kaso di niya magets. Di ko din maipahalata ang senyas ko kasi baka makita ng bantay sa likod na nilalabas ko na yung pepper spray ko. Then ako na yung pinuntahan nung binatilyo. Pilit niya inaagaw yung bag ko. Pero ayaw kong ibigay kasi nandun yung bagong bili ko na cellphone. Pero nung inambaan na niya ako ng saksak, nagmamadali yung mister ko na hablutin yung bag ko sa akin at binigay sa holdaper. Tapos nun kinuha din yung bag niya. Tapos nagmamadali na silang bumaba ng jeep. Then yung katabi ko na babae iyak ng iyak, akala ko dahil lang sa bag niya. Yun pala puro hiwa ng kutsilyo yung dalawang braso niya.

Inis talaga ako sa mga holdaper na yan. may Isa pa sa may amin 16yo binaril. Kinukuha kasi yung motor sa kanya eh hiniram lang niya sa papa niya kaya ayaw niya ibigay. Ayun walang awa na pinatay yung binata.

Another is sa may Guadalupe, tapos na yung incident nung napadaan kami dun. Sabi ng driver namin may inisnatchan daw na babae, kaso sinundan pa niya yung snatcher, di niya alam may kasama pala. Pinagsasaksak daw, wala naman tumulong dahil sa takot.
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: trishevil on August 28, 2012, 04:54:06 pm
^OMG..ganun na ba talaga kabrutal ang mga holdaper?

may nangyari din malapit dito sa office namin na ganyan. Yung officemate ko na male, nag-aabang ng jeep na (Pasig-Quiapo). then dun sa corner nakita niya na may 4 na guys (around 18-25 daw ages nila) na nag uusap.
1: Ano kaya mo ba?
2: Kaya!, Tara.

Tapos sumilip sila sa jeep sa unahan. (stoplight kasi). Then dun sa next sila sumakay. yung 1st jeep daw kasi puno. Yung 2nd jeep. 4 lang sakay..3 College girls at isang college boy. Pagkasakay nila nagdeclare ng hold-up tapos inagaw mga bags nila. Nung tumatakbo na, hahampasin daw sana ng payong nung officemate ko kaso nakita niya na may  baril pala na tinatago kaya nagstep back siya.

After nung holdup, bumaba yung 2 pasahero ng jeep, Yung girl at yung nag-iisang boy. Yung boy gusto habulin yung mga holdupper kasi andun yung project niya (engineering student kasi). Tapos luckily di nakuha yung phone at wallet niya kasi nasa bag). yung girl na-shock. Tapos nung pinuntahan na sila ng mga tao na nag-uusisa, napansin nung officemate ko na yung isa sa mga holdupper, di sumabay sa pagtakas. Casual lang na bumaba sa jeep at naglakad-lakad at take note, nagkunwari pang pasahero rin daw siya buti na lang daw wala siyang dalang gamit. Di nila nagsalita yung officemate ko. Tinitigan niya lang. Yun pala, lookout yun. Tinitingnan kung may nakakilala sa kanila at kung may magsusumbong.

Yung boy, pinigilan nila na hab ulin yung holdupper kasi sa Muslim Community nakatira yung mga holdupper at dun sila nagtago.

Nakakalungkot lang kasi yung mga Muslim na kakilala ko, mababait lahat. Friends ko nga sila eh tapos nasisira reputation nila sa mga Catholics dahil sa ginagawa ng iba sa kanila. May mga tao kasi na nagja-judge ng mga Muslim as "terrorists" agad..napaka discriminatory nila. Tapos nadadagdagan lang reason nila para ijudge sila that way dahil sa fault ng iba. Kawawa naman yung mga mabubuting tao.
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: trisha88 on September 08, 2012, 03:16:44 pm
Grabe talaga mga holdupper na yan. hindi man lang lumaban ng patas. Pumapatay pa. Yung baril ba nila eh may bala talaga yun? Lalo na ngayon mag papasko.

Sa Taft Ave. , bandang Quirino, nakita namin (nasa FX kame) yung mga bata nakaupo sa isang tabi, mga 4 siguro sila. tintignan ko kasi mukhang di gagawa ng matino. Tapos ang weird nagpalitan sila ng damit nung isang bata, kaya sabi ko sa kasama ko na ilock yung door ng FX, ugali ko kasi yun na ilock agad pagsakay ko. Tapos ayun, yung nakipagpalit ng damit, naglakad sa may jeep tapos biglang hinablot yung hikaw nung babae na naksakay sa jepp. Naka stop kasi that time. Tapos parang casual lang naglakad palayo, nagplait na sila ulit ng damit nung kasa,a niya at umupo lang ulit. Normal lang. Binuksan ng driver ng FX namin yung pinto niya at sumigaw na magnanakaw daw yun, yung medyo mas matanda sa kanila na binata, nagalit ba naman, babatuhin FX na sinasakyan namin. Grabe talaga!!!
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: Mommy Jazz on February 28, 2013, 11:39:31 am
Muntik na po ako mabiktima 2 weeks ago ng mandurukot. We were at  MOA complex papasok ng isang store. Entering the door, I felt a tug on my shoulder bag then there's someone's scarf on my bag. Hinawi ko yung scarf and this person slowly pulled it away. I discovered the zip of my bag was open na. When I looked up, bading yung tao. Churang-chura pa lang mukha nang magnanakaw.
Tinarayan ko siya at pinahiya ko (may mga customers sa loob ng shop) "Yung bag ko binuksan mo!" Kalmado siyang deny to death, ako daw ang nag bukas nun. Napaisip tuloy ako na baka hindi ko nasara after it inspected by the SM guards many times. Agad kong tiningnan kung may nawala. In the 1st place, wala naman talagang valuable sa bag ko.

Pa simpleng iniwan ako nung bakla at pumasok na nagpapanggap na customer. Hearing the commotion hinarang siya ng asawa ko sa loob. "Anong problema!!?" Bading was trying to explain na I mistook him for something about my bag then went to the counter pretending to look at the merchandize. Sinenyasan ko husband ko na walang nawala sa bag ko and I kept staring at the bading. I know hindi siya pumasok para bumili, halata namang wala siyang pambili at walang alam sa mga products doon. True enough, pasimpleng umalis at dumaan sa harap ko (no other way out) papalabas nagsosorry. Huh? Ba't siya magsosorry?

Later on I asked the store staff to check the videos. Dami nilang camera. Kaya siguro napalabas agad yung bading, kita niya daming CCTV. When the staff replayed the video, nagdagsaan lahat ng customers sa monitor. Everyone was aware pala of what happened. It showed na tumitingin pa lang kami sa window ng store, sinusundan na ako nung bading. The incident was captured alright pero zoomed out kaya hindi detailed ang mukha nung bading. I was assured by the staff that they will keep the video in file.

Though walang nawala sa akin, I still felt in shock. Ganun pala maka experience ng muntik nang madukutan. What more yung talagang nadukutan at mahal ang nadukot sa kanila? I had sleepless nights feeling angry (sana subukan niya ulit akong biktimahin at tatamaan na talaga siya sa akin), angry at myself (sana higit pa dun ang ginawa ko, sana nagiskandalo ako at nagpatawag ng security), scared (what effect will this have on my kids?) and prayerful (Diyos ko kayo nang bahala sa kaniya. Let him experience your punishment, glory or forgiveness, kung ano man ang ihahatol niyo sa kaniya).

My deep regret is sana nakuhaan ko ng pic sa cel ko, sana hindi na ako nagdalawang isip na siya nga ang nagbukas ng bag ko. I guess when you are in this situation, a feeling of doubt or denial will set in (hindi nangyayari ito, baka naiwan ko ngang bukas ang bag ko. etc.) tapos that will stop or slow you down from thinking of the right action to take (ayaw ko ng iskandalo, hindi pa ngnayayari ito sa akin at hindi ngayon). A few days after that, yun ang laman ng isip ko, puro negativity. I need to wake up and move on.

Kaya kung mangyari po ito sa inyo, seeing a cover on your bag and your bag open after lifting the cover, wag na kayong magduda. Binibiktima na kayo. Do anything you can, scream, get him off guard, take a picture, anything.
Title: Re: Beware: mga Modus Operandi
Post by: BlueAby on March 04, 2013, 10:56:12 am
Kami din muntik ng mabiktima ng Kidnap naman sa mall sa Taytay.

We were there para mag-grocery ng needs ng kids namin. And since pagod sila, nilagay namin sila on separate shopping cart hanggang sa nakatulog na sila doon. Tig isa kami ng shopping cart ng mister ko. May time na napapalayo kami sa shopping cart dahil masikip na yung way kaya kami na lang ang papasok, pero I make sure na di ako ganun kalayo sa mga anak ko and nakikita ko prin sila. Then may lumapit na ale. I was looking at her kasi binabantayan ko nga kids ko. I think di niya kita kung saan ako nakapwesto and she maybe thinking na malayo yung kasama nung mga bata. Kitang kita ko na sinisipat pa niya yung itsura ng mga kids ko. Then nung palapit na sya sa cart, lumapit na rin ako at nagkunwari na may inaayos sa mga kids ko. Then bumalik na rin sa cart ang mister ko. Yung ale biglang lumingon sa mga damit na nakadisplay sa may likuran niya. Being aware sa ginawa niya, I kept on looking at her. Para kasing kakaiba ang kilos niya. If she wants to buy clothes dun sa tinitignan niya na pwesto bakit di man lang niya hinahawakan yung mga damit? As in nakatitig lang sya sa mga damit. Habang papalayo na kami nakikita ko na napapalingon sya sa amin ng patago. I told it to my husband after kaming makalayo sa place na yun. And sabi niya sana daw ay nireport ko sa guard dahil kawawa naman kung may makuhang bata yung ale. Though nagdalawang isip rin kasi ako na baka isumbong ko sa guard then maling hinala lang pala ako at magcause pa ng kaguluhan sa mall. Sana lang walang nabiktimang iba yung ale na yun. Iniisip ko nga sana pala nakuhaan ko sya ng picture.