Parent Chat

Parenting => Baby Development and Milestones => Topic started by: veepuff on October 24, 2008, 07:46:50 am

Title: crying baby...
Post by: veepuff on October 24, 2008, 07:46:50 am
hello mge moms...im back again with a question??? 

my baby is always crying... maldita maxado!!! minsan nakakainis na!!!
may mga bata ba talagang ganyan?? she is 1month and 6days now...since naanak siya iyakin na maxado!!!kahit hehe

minsan nakakainis talaga...pls do give me some advice...]
what else can i do???

thanks:):):)


Mod's note:
Develop Baby’s Sleep Habits by Teaching him to Self-comfort
(http://images2.smartparenting.com.ph/site-alpha/articles/child-care/baby_self-soothe_sleep/baby-sleep-ci.jpg)
Read it on Smart Parenting. Click link below
http://www.smartparenting.com.ph/parenting/baby/develop-baby-s-sleep-habits-by-teaching-him-to-self-comfort

Post a question about this topic or share your experience.
Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) or register (http://www.smartparenting.com.ph/registration) to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie (http://www.smartparenting.com.ph/registration) upon registration or membership update.
Title: Re: crying baby...
Post by: yshaleigh on October 24, 2008, 07:52:05 am
yung baby ko din ganyan... pag gumsing la din ginawa kundi umiyak.. hnd naman ako naiinis sa baby ko,, pero naiinis ako sa sarili ko kc ntataranta ako at d ko lam ggwin kc nmu2la n sya sbra... pero ang ginagawa ko knakausap ko sya at kinkarga lang ng konti...

minsan kc hnd sila kuntento sa gatas... kaya pinapadodo ko lang din... minsn naman kinakabag sya kc sbrang kabusugan hnd pa sya nkakadighay... kaya iyak ng iyak.. kaya ako, either kinakarga ko sya, pinadidghay o pinapadodo.. alin man dyan. kc pag aaralan m naman ang baby mo kng ano talaga gusto pag umiiyak.. kaw talaga mag aadjust.. like sa kin.. nung una din gnyan pero eventually ntutunan ko din ang ugali niya pag umiiyak lam k n kng ano gusto...
Title: Re: crying baby...
Post by: Etienne on October 24, 2008, 08:35:45 am
http://www.babycentre.co.uk/baby/newborn/babycrying/

basahin mo yan, marami ka matututunan.
Title: Re: crying baby...
Post by: mama_jo on October 24, 2008, 09:36:05 am
hello mge moms...im back again with a question??? 

my baby is always crying... maldita maxado!!! minsan nakakainis na!!!
may mga bata ba talagang ganyan?? she is 1month and 6days now...since naanak siya iyakin na maxado!!!kahit hehe

minsan nakakainis talaga...pls do give me some advice...]
what else can i do???

thanks:):):)


sis, what time ba usually iiyak or any time lang? observe mo yong pattern ng crying session niya and if non-stop ba  ;D..

our baby jana kz is crying baby din, at the start, di namin alam ang dahilan pero may trend, she usually cried starting between 6pm - 7pm at stop between 10-11pm...imagine, halos maloloka na ako sa crying sessio ni jana gabi-gabi...pag cry sya, cry na rin ako  :D...nag-start yon, nong nasa 4th week na sya...until we discovered na colic pala, colic baby si jana kahit pinapa-burp namin at malakas naman syang mag-fart...nag-change kami ng milk, lactose free kaya lang constipated naman, kaya ISOMIL ang gamit niya up to 6-mos...na lessen yong pagka-iyakin niya...ang gawain naman niya kahit wala na syang kabag, cry - cry sya before sleep, anytime yan basta matutulog sya...ang sabi ng pedia niya, active baby daw kz si jana (di yong quite baby na ilagay mo lang at tatahimik mag-isa) kaya para maka-sleep sya, uubusin muna niya ang energy niya thru crying before she can sleep...na outgrow niya yon nong 4-month old na sya...patience talaga ang kailangan...
Title: Re: crying baby...
Post by: yshaleigh on October 24, 2008, 11:06:29 am
o nga.. kc depende yan sa routine ng baby.. need mo lang talaga pag aralan.. like what i did.. either gutom sya, nglalambing lang, o may masakit sa kanya (usually tyan niya) pag hnd npapaburp. gnon lang naman ang baby,, lalo n 9 mths sya sa loob ng tyan ntin so sanay sya na nakasiksik sa tyan kaya pag labas niya ang gusto din niya nkasiksik sa ting mga mommies...
Title: Re: crying baby...
Post by: veepuff on October 24, 2008, 11:20:41 am
 :D ;D hello mommies natawa ako sa response hehe lumakas toloy loob ko...SALAMAT... kala ko ako lang ang may anak na iyakin:):):) it help me a lot salamat talaga!!!

hahay sana matapos na pagka iyakin ng bb hehe
kaya lang love ko kc kaya gina intindi narin....

yan nga rin sabi ng mama ko hayaan nalang umiyak!!!lalo na kung nagawa ko na lahat ng routin...

isa pa good in the heart man daw hehe
PATIENCE nga talaga ang klangan ko...4 my baby...:D:D:D

Title: Re: crying baby...
Post by: yshaleigh on October 24, 2008, 11:23:38 am
yup,, patience lang talaga.. pero once na nkakakita n sya... less n yung iyak niya kc hnd n sya nbobore... may nkikita  n syang iba iba that your baby finds funny or interesting to focus their attn...
sa umga maganda umiyak ang baby good for the lungs daw..

good luck..
Title: Re: crying baby...
Post by: andrew610 on October 24, 2008, 11:47:08 am
yung anak ko din nung nag1month sya.. may crying session din kami. pagdating ng 8pm iyak na sya tas matatapos ng 10pm. as in kala mo inaapi. lahat na talaga ginawa ko.. pahid ng manzanilla, palawayan sa mga tita kasi baka nausog .. nakakataranta talaga. it lasted for a week! sabi sa mga books na nabasa ko.. hindi naman talaga iiyak baby nang walang dahilan. pero may time din nagiging routine din nila yung pag iyak. patience lang talaga katapat nyan mommy.

good luck! hope your baby is well naman kahit iyakin. :) 
Title: Re: crying baby...
Post by: mama_jo on October 24, 2008, 11:57:18 am
sis veepuff, taga-saan ka? medyo OP na noh hehe
Title: Re: crying baby...
Post by: Etienne on October 24, 2008, 12:58:27 pm
try swaddling. i swaddled my baby til she was about 2 months kapag may crying spell sya, it worked. meron din kasi tinatawag na moro reflex, nagugulat ng baby ang sarili nila kaya minsan nagigising sila tapos iiyak na ng iiyak.
Title: Re: crying baby...
Post by: veepuff on October 24, 2008, 01:08:43 pm
i'm from davao city...

yah ive heard about moro reflex mommy etienne ganyan kc bb ko...na wiwindang hehe

may mga smiling moment man c baby ryzi ko...kaya lang it's just a min. of smiling then after that one she will cry:(

lalo na pag matolog na siya pahirapan...
gusto nyang isinasayaw siya ng isinasayaw...sakit nga sa paa hehe

but thats ok it's part of being a mom...
minsan lang talaga feeling ko ako lang ang may baby na iyakin...

may pisan din kac siya dito 6months na now...at nakita ko ang paglaki niya...
na compare ko baby ko kc yung pinsan niya hindi talaga umiiyak!!!
minsan gina gawan na ng paraan ng bayaw ko para lang umiyak baby hehe

then friend ko rin who have a 2months old son...hnd rin iyakin baby nila...as in gina pabayaan lang nila...

kaya siguro na feel ko bigla bat ang baby ko iyakin...
but now i see i'm not alone....:):):)

thanks MOMMIES:):):)
Title: Re: crying baby...
Post by: mama_jo on October 24, 2008, 01:43:41 pm
sis veepuff akala ko from Iloilo...

moro reflex is normal sa baby, si jana nga laging nag-startle (nagugulat) from newborn to 3 months pero di oobra sa kanya ang swaddling na yan...nagagalit sya pag di sya makagalaw...

hayaan you sis, magbabago rin yan..our jana cannot sleep before na di sya sinasayaw with matching kanta, minsan nga feeling namin, matatanggal na braso namin at sumasakit na tuhod sa kakasayaw sa kanya to sleep at di sya pumapayag na kalungin lang sya at nakaupo kami while rocking her, gusto niya nakatayo talaga kami...mabisyo talaga...nawala ang bisyong yon nong nag 7-month old na sya, see... mahabang patience talaga ang pinundar namin sa kanya, ang consuelo lang namin is bungisngis si jana, pag natuwa sya talagang nawawala ang eyes niya sa katatawa (bawi sa sobrang iyakin)...ngayon di na sya iyakin at natutulog ng mag-isa pag gabi at miss congeniality na, lahat ng mga tao sa clinic ng pedia niya, ngingitian niya...it pays sa mga paghihirap nating mga nanay...
Title: Re: crying baby...
Post by: Julia Allison on October 24, 2008, 02:19:52 pm

May times tlaga na iyakin c baby...after namin mauwi c baby fr the hosp, that same night iyak na siya ng iyak (namamahay daw) kaya taranta kami ni hubby buti na lang sinamahan muna kami ng MIL ko kaya may sub sa pagkalong. Then nung umuwi na c MIL iyak pa din c baby. nadiscover namin na yung temp ng AC pla hindi niya ka-match kaya electric fan muna kami at no direct air kaya ang init syempre tiis kesa umiyak c baby. the following day, i tried swaddling her then turned on the AC & it worked naman.
Title: Re: crying baby...
Post by: veepuff on October 24, 2008, 02:27:09 pm
wow sis haba nga ng naging patince nyo kay hehe
sige ako din... may na22nan ako don...hope so nga maging bungisngis din c baby ryzi namin hehe ;D ;D ;D
Title: Re: crying baby...
Post by: giay on October 26, 2008, 12:03:42 pm
I'm blessed pala kc hindi iyakin baby ko. But initially I was taught to put manzanilla oil on his tummy after bath and before going sleep at night to avoid daw colic kc usually ang baby kaya umiiyak he is uncomfortable; also burp agad after feeding. 

Most important, I make sure I'm beside my baby at the time he wakes up,accordingly one thing the baby got the habit of crying is when they don't see any familiar face besides them paggcing nila. Kaya un baby ko he learns to smile agad paggcing kc the first face he usually sees eh yung mommy niya "that's me"  ;D


Title: Re: crying baby...
Post by: veepuff on October 26, 2008, 10:52:46 pm
ganun ba mommy giay... how i wish makakita na ng fully baby ko at ma recognized na niya face ng mom niya...shes 1month and 8days palang kc...she can't see that clearly pa...:D:D:D hehe but i know i will come to hehe
Title: Re: crying baby...
Post by: yshaleigh on October 28, 2008, 08:14:37 am
pag nkikita k n ng baby mo or ur baby can see things already.. it will change.. like what happen to my baby... during his 1st month buraot talaga sya.. lagi nkasimangot... pag tulog lang sya nkangiti... but since he started seeing things... don lagi n syang nkasmile..
Title: Re: crying baby...
Post by: gaia15! on November 03, 2008, 05:16:14 am
first 2 months ni baby sofie cry galore din sya and that every 3 hours pag gising or before sleep niya, regardless if burped or not, here are some of the things that worked for us:

-i let her listen to classical music/lullabyes
- set the ambiance for baby, dim lights, tahimik or kung ano yung gusto niya
-i carry her while i'm sitting ( di ko sinanay sa karga w/ sayaw, mabigat and you have to reserve your stength coz who knows how long the crying will be, hehe)
-sing her songs and insert her name
-when she gets really uneasy with the carrying i set her on top of a pillow with upper body resting on the pillow (only when supervised )
-when i also feel like crying i take a break and have daddy or yaying carry her for about ten minutes.

baby also feels when your sad so dapat take care of yourself too. hope that helps!

Title: Re: crying baby...
Post by: jatzmom on December 08, 2011, 04:01:10 pm
Baby ko rin iyakin. Although medyo na-lessen na yung pagiging iyakin niya ngayon. 2 months na sya.
May  nabasa ako, isang cause din ng pagiging fussy ng baby, specifically sa mga breastfed babies, yung kinakain ng breastfeeding mom. Like yung carbonated drinks, citrus fruits, chocolates, junk foods, may epekto yun sa mood ng baby.
Nung mabasa ko yun, umiwas nako kumain ng mga yun..awa naman ng Dios nabawasan pagiging iritable ni baby. ;D
Title: Re: crying baby...
Post by: Princess Dizon on December 12, 2011, 11:05:24 am
Buti nlang baby ko hindi iyakin kahit na gutom na gutom na siya twing morning mag thumb-sack lang sya pero pag gutom na gutom talaga sya super ang iyak niya  . At ayaw din nga baby ko ang maingay tado iyak sya kapag sobrang ingay :)  Kapag iyak ng iyak ang baby ko i let him listen to lullabyes song until makatulog sya :)
Title: Re: crying baby...
Post by: TheBlackMaria on December 13, 2011, 12:29:22 pm
Na experience ko din yan sa anak ko nung mga 3weeks old sya. From 6-8pm lagi sya umiiyak. Pag dumadating na 6pm sasabihin namin "ok eto na naman ang iyakan natin" araw araw talaga yan.  Inconsolable talaga. Sa experience ko nasa gatas yan sis. Mixed feeding kasi ako dati. Enfalac A+ gatas niya, kung mapapansin mo yun ang may pinakamadaming dha level sa laht ng 0+ milks. Ginagawa kalimitan ng iba papalitan nila ng Lactose free - kelangan ni baby ang lactose to promote growth. Why not try switching him sa milk na walang DHA and see the difference? S26 pink o Enfalac regular lang.

After reading yung effect ng milk, exclusively breastfeed ko na baby ko at almost immediately tumigil na ang iyakan session namin  :) masakit kasi sa tyan ng baby ang formula mahirap i-digest.
Title: Re: crying baby...
Post by: Maui Althea on December 14, 2011, 04:00:50 pm
Ako din pasali, napakaiyakin din ng baby ko nung mga first 3 months niya. As in, naiiyak na rin ako dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin. My mga times pa nga na nahuhuli ako ng mother ko at husband ko na umiiyak habang buhat si baby.  As in gusto niya lagi siyang buhat-buhat at hinehele. May mga times pa nga na natutulog ako ng nakaupo, dahil once na maibaba ko na siya sa  higaan niya hala iyak na naman. Pero nung nag-4 months na siya at natuto ng makipaglaro hindi na siya ganun kaiyakin - bugnutin na lang :). Pag may hindi nakuha, iyak agad pero mabilis din naman maplease.
Title: How to pacify crying and upset baby esp. during midnight
Post by: macon on January 09, 2012, 08:58:34 am
mommies please help. irritable si baby at night di ko na alm ang gagawin ko. iyak lang cia ng iyak...ilang minutes lang titigil tpos iiyak na na naman.. :(
Title: Re: crying baby...
Post by: minijared on January 09, 2012, 07:53:27 pm
i feel you mga sis, crying baby na rin c lj ko. iyak kapag hihingi ng gatas, iyak kapag nilapag, iyak kapag binuhat ng lolo niya (dito kami natatawa kc sa tatay ko talaga iyak cia, kahit kausapin lang ni tatay sisimangot cia), iyak kpg nairita, iyak kapg feel niya magpabuhat, iyak kapag pagod na, iyak kapag umutot, iyak kapg ayaw niya ng posisyon ng higa niya... kaloka na nga  kasi sobra lakas niya umiyak rinig hanggang sa gate namin. ..pero iba yun feeling na kapag binigay na saken si lj dun cia titigil umiyak tapos ngingiti ng ubud ng ganda na akala mo hindi galing sa iyak  :) :)
Title: Re: crying baby...
Post by: minijared on January 09, 2012, 08:00:21 pm
i feel you mga sis, crying baby na rin c lj ko. iyak kapag hihingi ng gatas, iyak kapag nilapag, iyak kapag binuhat ng lolo niya (dito kami natatawa kc sa tatay ko talaga iyak cia, kahit kausapin lang ni tatay sisimangot cia), iyak kpg nairita, iyak kapg feel niya magpabuhat, iyak kapag pagod na, iyak kapag umutot, iyak kapg ayaw niya ng posisyon ng higa niya... kaloka na nga  kasi sobra lakas niya umiyak rinig hanggang sa gate namin. ..pero iba yun feeling na kapag binigay na saken si lj dun cia titigil umiyak tapos ngingiti ng ubud ng ganda na akala mo hindi galing sa iyak  :) :)
Title: Re: irritabe at night si baby
Post by: iamkiara on January 10, 2012, 01:52:49 pm
hi maricon_beran welcome sa SP  :)
dapat malaman mo kung bakit siya iretable para malaman mo kung ano gagawin mo.
ilang bwan na ba si baby?
after mo siyang painumin ng milk, dapat mapaburp mo siya. kung ayaw parin at mya kabag siya natry mo na ba siyang lagyan ng manzanilla yung tummy niya? sa akin kasi effective ito.
yung higaan niya na check mo ba? baka merong langgam na kumagat sa kanya kaya siya umiiyak. or baka hindi siya komportable sa higaan niya.
Title: Re: irritabe at night si baby
Post by: mommy_tl on January 10, 2012, 01:59:57 pm
hi sis..ang sa case ko naman eh irritable sya kapag hindi sya nakakatulog pag araw..unlike ibang babies na mas mahimbing ang tulog  sa gabi kasi pagod sila maghapo..nung natutulog sya at 10am and at 3pm kahit 30mins-1 hour, mas masarap yung tulog niya pag gabi.. so you might want to look at this case also..  :)
Title: Re: irritabe at night si baby
Post by: precios on January 10, 2012, 02:01:27 pm
check mo po lage diaper,baka basa po,may ibang babies kasi na ayaw ng basa yung diaper nila,ako sometimes 3-4 times magpalit sa gabi.hope it can help.
Title: Re: irritabe at night si baby
Post by: kulotski on March 10, 2012, 04:20:52 pm
Mommies I'm having the same problem. Baby's 3 weeks old and lately ayaw matulog sa gabi. Gigising siya around 4 or 5am tapos hindi na matutulog hanggang hapon. Okay lang sana if gising lang siya kaso iyak nang iyak. He's not hungry naman, nilalagyan namin ng manzanilla yung tummy and tuyo naman yung diaper so hindi ko talaga maintindihan what I'm doing wrong. :( At times okay siya if I carry him around, nakakatulog pero pag binaba na gigising after a few minutes. Minsan naman iyak pa rin nang iyak ang nagsisisipa maski na karga.
Title: Re: irritabe at night si baby
Post by: jubeken2005 on March 10, 2012, 04:29:58 pm
^sis ganyan din baby ko :( Next week 2 months na siya... palagi na lang umiiyak... hindi ko na nga din maintindihan kung anung gagawin ko. napapaburp ko naman after feeding tapos umuutot din naman siya... dati akala ko sa milk kaya nagpalit ako ng lactose free... pero ganon pa din iyakin pa din siya. nakaka-frustrate talaga... :(
Title: Re: irritabe at night si baby
Post by: kulotski on March 11, 2012, 11:20:28 am
^Ano mga ginagawa mo para magcalm down siya? Mom ko tuloy iniisip baka daw nausog kasi nung una hindi naman siya ganun.  :'( I read up on colic, apparently kabag siya di ba? Mukhang hindi naman kinakabag si baby. :(
Title: Re: irritabe at night si baby
Post by: jubeken2005 on March 11, 2012, 01:01:48 pm
^ako sis ginagawa ko naglalakad lakad kami sa luob ng bahay... minsan sinasakay ko sa stroller... o kaya sinasakay ko sa kotse... nabasa ko kasi ito sa net and so far effective naman kay baby. Yun lang lahat to tinatry ko para lang mapatahan siya bukod pa yung pagpahid ng manzanilla sa tummy, bumbunan at paa
Title: Re: irritabe at night si baby
Post by: iAmMa___net on May 09, 2012, 01:54:22 am
sis kulotski, ganyan din si baby ko before. di ko na maalala kung kelan nag start. pero yes, very timely ang pag gising and pag iyak niya. 1-3 AM si baby ko. as in walang humpay na iyak. kahit anong karga ang gawin ko. na try mo na ba idapa sayo si baby mo? ganon kasi ang ginagawa ko before, ipag-he-hele ko sya. kapag nakatulog na, dahan dahan na ko hihiga habang naka dapa sya sakin :) effective samin yon.

and dont worry, kasi mawawala din yan. nung nag 3mos. si baby ko. derecho na ang tulog niya from 6pm-5am. pero syempre, feeding in between :) tapos nap time after taking a bath, 11am-3pm. :) kung 2mos. na si baby mo, malapit na matapos ang sleepless nights nyong mag-ina :) for now kelangan mo muna hulaan kung anong cause ng pag iyak niya. di naman kasi palaging colic diba? :) goodluck!
Title: Re: irritabe at night si baby
Post by: LLLA on May 14, 2012, 05:24:57 am
joining...

Yung son ko din na 6 week old ganito...
Ang prob ko lagi gusto niyang dumede every 2 hours...  :(
Tapos kinakabag naman.. naka-HA milk na siya nito..hayz!
Di naman pwede lagyan mansanilya kasi nakakasunog daw yun ng balat at may G6PD baby ko  :'(
Title: How to pacify crying and upset baby esp. during midnight
Post by: sadahaniko on May 28, 2012, 12:02:54 pm
Hi everyone...my LO (baby boy) is turning 2 months on June 8, 2012...I am so happy to say that he is a well baby and is currently on breast milk...I have a problem though...he seems to be very upset and constantly he cries when 10 o'clock pm strikes...pinapadede ko na siya...malinis naman yung diaper and I make sure that he is warm pero ayaw pa rin mapacify (his cries just become louder when I give him a pacifier yung iyak na tipong buong barangay makakarinig...no kidding)...he keeps on crying after feeding and I let him burp...Actually back to office na ako coz my maternity leave days is over...I feel like I am a walking zombie in the office because of lack of sleep (evidence: dark eyebags)...can somebody here give me advice how to remedy this? Thanks.
Title: Re: How to pacify crying and upset baby esp. during midnight
Post by: Mommy Jazz on May 29, 2012, 10:56:42 pm
Same with my boy. I shared my story here
 http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,136.msg316472/topicseen.html#msg316472
will share more about my experience. Hang on there!
Title: Re: How to pacify crying and upset baby esp. during midnight
Post by: eekai on June 05, 2012, 07:31:06 pm
hi sis.  i recommend watching The Happiest Baby on The Block. 

:)

ganyan din ang baby ko lalo na nung first month. pag dumadating na ang gabi, kinakabahan na ako kase alam ko magwawala na naman si baby.

i knew it was colic pero how was i gonna address it?

i read that merong specific time na talagang ma iiyak ang baby.

i would cry at night.  and i felt that i was doing something wrong.

the dvd [The Happiest Baby on The Block] not only helped me with the baby, it also made me realize that I was not the only mom who experienced this.  It was a huge relief.

Now my baby is turning 5 months.  And those horrible nights when she was 1-2 months old are nothing but a memory :)
Title: Re: How to pacify crying and upset baby esp. during midnight
Post by: abz22 on June 06, 2012, 08:40:49 am
^ ayan.. si baby first ko, 1month ganyan.. every 2 hours ng madaling araw, iiyak.. buti na lang hindi masyadong malakas iyak niya dati.. what I do is make hele.. then binibgyan siya ng milk gang makasleep.. ganun.. after 1 month ok naman siya..

I really pray sa 2nd baby ko hindi na ganito.. huhu..  :'(
Title: Re: How to pacify crying and upset baby esp. during midnight
Post by: Mommy Jazz on June 08, 2012, 10:11:02 am
Wala kayo sa baby ko... ( ;) )
Magigising ng hating gabi, iyak ng malakas. Hindi siya mapapatahan ng kahit ano. Not feeding, hele, rocking, toys. So I need to take him to the living room and watch sesame street video. Hanggang 4am na yon. Minsan he doesn't want anything but to rock him to sleep. Ayaw niya na steady lang ako, gusto niya lumalakad ako habang karga ko siyang niyu-yugyog. Pag tumigi ako, he will know and cry again, back to square 1 kami. Pag akala kong tulog na, I'll slowly lay him down. Pag nakaramdam ng paghiga, he'll wake up ang scream again. So marathon akong parang lukaret na paikot-ikot sa loob ng bahay ng hating gabi just to get him to sleep. Breastfed ang baby ko so ayaw sumama sa daddy kaya nasa akin ang stress that I sometimes lose it. Sa umaga naman, sensitive masyado. Konting bangga lang iyak agad. Malakas siya umiyak that I need to close doors and windows dahil baka ma report kami sa bantay bata. Hindi ko naman mapalo to stop kasi hindi niya naiintindihan yung concept ng "palo" besides, it will make matters worse.
This went on til he turned 2. I read about it actually. 1 in readers digest and 1 in another local mommy mag. Yung story sa readers digest, her baby's condition stressed her marriage. Medyo umabot din kaming mag asawa dun. Tapos nawala nalang when her baby turned 2.
Yung sa isang local mommy mag naman (not SP), the condition was termed "high-need baby". Walang solution na binigay. Description lang. Yun yung ayaw tumigil umiyak no matter what and it wears off by the time the baby reaches 2. Ang common sa stories nila sa akin is boy ang baby namin lahat.
My husband thought then that he might be special so we had him assessed. Thank God hindi. The Dev Ped explained that the wiring in his brain responsible for not reacting to small stuffs isn't fully developed yet. He was so self centered and he doesn't see me as a mommy but as a slave.
His night time crying eventually stopped pero yung behavior niya went on. It was remedied by occupational therapy.
Now he's the sweetest boy ever!
Title: Re: How to pacify crying and upset baby esp. during midnight
Post by: abz22 on June 09, 2012, 10:08:16 am
^ natawa ako sa part na bantay bata.. hahaha.. so ganun siya nakakaawa umiyak?  :o

anyway, isa din yan.. minsan challenge din talaga sa marriage.. hay.. dami ko natutunan sa SP.. kasi yung next baby ko baka boy ee.. sana naman hindi ako pahirapan ng ganyan mommy..  huhu..  :'(
Title: Re: How to pacify crying and upset baby esp. during midnight
Post by: eekai on June 09, 2012, 09:35:56 pm
ganun din ang pag iyak ng baby ko.  usually kasi 4am din sya nagwawala noon eh.  and naiisip ko talaga na baka pinag chichismisan na ako ng mga kapitbahay namin na baka kung ano na ginagawa namin sa anak namin ha ha.

it does put a strain sa marriage.  sa amin naman parang palagi kaming nag aaway noon kase i felt that most of the burden was on me while my hubby gets up early in the morning to go to school and then i am left with the baby.  sure merong yaya pero i did not like the idea of giving the baby to the yaya all the time.  we only really let the yaya take care of the baby pag meron kaming work. or else if we are free then we do everything ourselves.

the good thing is that this passes.  we don't know for how long but it does.  depende na lang talaga siguro kung merong ibang issues that need medical help.

hang in there mommy :)
Title: Re: How to pacify crying and upset baby esp. during midnight
Post by: Mommy Jazz on June 10, 2012, 09:13:00 pm
Oh sorry I forgot to share the solution given by the Mother-Child Psychologist we saw. Yes, umabot sa ganun, na nag pa check up kaming 2 kasi hindi na kaya ng powers ko yung pag iyak niya.
He was first given the basic test, hearing, sight, to see if he looks at the direction of the sound, etc. Nung naguusap na kami ng Doctor at nainip na siya (5 mins max siya sa isang lugar), ayun umiyak nanaman. Nakakahiya pag sa public place so I want to pick him up pero sabi nung Doctor huwag as she observe him.
Her conclusion was, my baby sees me as an extension of his body and directs me to what he wants. Hayaan ko daw umiyak so he will realize crying does not work and he should learn how to ask. Expect the crying to increase so I briefed all family members na tiis muna, kailangan siyang hayaang umiyak at huwag pakalmahin. Importante kasi na siya mismo ang matutong tumigil umiyak. That's what happened nga, lumalakas at tumagal ang iyak ang I leave him alone provided alam kong wala naman siyang kailangan.
Again, naging away namin ng husband ko kasi ayaw niya ng maingay. What I do is I let him cry when my husband is at work and defy doctor's orders when he's at home.
Yes the crying subsided but it wasn't easy.
I  never wish this same situation on anybody. Nakakaloka promise!
Title: Re: How to pacify crying and upset baby esp. during midnight
Post by: butterfly on July 03, 2012, 09:45:45 am
I did those things to my baby early on,  kahit hindi sya palaiyak basta once na nagtantrums kasi ayaw magpababa, i still placed her on the cot, then iiwan ko sya even if she is crying so loud, i talked to her kahit she's only 4 months that time that i wouldnt be there with her all the time, lets say nasa toilet ako then nasa cot sya, sinasabi ko then while im there i talked to her kaso syempre medyo pasigaw na ako ng konti so she could hear me. She gets used to it, so now kahit may tantrums sya i still left her sa cot with toys and she pacify and calm down on her own, then once na tahimik na sya thats where i picked her up and praise her for a job well done. I do rewards her at times when she follows instructions kahit nowna 1 year old na sya she seldom cry ng napakatagal because she knows na the more na umiyak sya the more na hindi ko sya kukunin :) my husband taught me that idea :)
Title: Re: How to pacify crying and upset baby esp. during midnight
Post by: danel_em on July 10, 2012, 08:25:31 pm
pag umiiyak si baby in the middle of the night, first: nilalagay ko muna yung pacifier kasi minsan un lang ang hanap niya. 2nd: baka nauuhaw 3rd kakargahin ko na at pupunta kami sa salamin tapos titigil na iyak niya hehe tatawa pa :D
Title: Re: How to pacify crying and upset baby esp. during midnight
Post by: graciemie on July 18, 2012, 04:52:49 pm
My baby also cries at night, at 3times talaga! i'm a working mom and hubby's away, weekends lang siya nasa bahay so imagine how lutang I am kapag nasa work. Pero dati once nabigay ko na dede ko tatahan na siya (he's breastfed), but ngaun he turned 6months grabe di siya titigil sa pag iyak unless i-carry ko siya e 8kilos na siya ang bigat talaga. Is there any way para mabalik ko siya sa dati?
Title: Re: How to pacify crying and upset baby esp. during midnight
Post by: Nathan27 on July 18, 2012, 05:09:02 pm
my baby cries very loud pagdating ng 5pm to 6pm
automatic yun when he was 1 month old pa lang.
grabe.. talagang lahat ng tao sa bahay ipinaghehele sya. pero walang nagawa.
everyday yun din kinatatakutan ko.
wala naman reason basta iyak lang sya ng iyak.. sari sarig pwesto niya saken.. mapatahan ko lang. tasak pag napatahan mo sya sa isang pwesto.. hindi pedeng galawin.. kelangan antayin mo makatulog sya.
eh ang bigat bigat pa naman ni baby.
4pm nga nakapajama na siya.. kasi nga pagdating ng 5pm e kagulo na kami.
pero yun nga nawawala din...
Title: Re: How to pacify crying and upset baby esp. during midnight
Post by: mommy irene on November 14, 2012, 02:10:05 pm
buti na lang at nakita ko itong thread na ito.. dio pala ako/kami nag iisa.. same with my lil boy, 1month old pa lang siya pero grabe, sobra kung umiyak esp pag midnight na..tulad ng ginagawa ni mommy jazz, just to pacify my baby from crying - lahat na ng sulok ng bahay, iniikot ko kasi alam nila (baby) kung steady ka lang.. breastfeed din ako - parang comfort zone niya yun na tahimik siya pag nakapasak yung dibdib ko sa kanya pero once na inalis ko na, bigla na lang gigising and kasunod na nun ang aming dramarama sa midnight.. dahilan din ng away namin mag asawa kasi nga hindi namin alam kung pano patahanin - kahit tapos na magdede (mix kasi ako - after ng BF, formula naman), pag wet na ang diaper, change naman, I even sing a song to him kahit nga hmm lang pinapatulan ko na kaso minsan la effect talaga.. nakakainis lang kay hubby pag naiinis na sa ingay, may tendency na iyugyug niya w/c I think hindi naman dapat ganun kasi feeling ko, maselan pa yung 1month at malambot pa.. OA ata ako pero feeling ko nayuyugyog ang ulo niya..kaya kahit na walking zombie ako sa office, keribum lang pero yun nga sa morning naman, tahinik siya pero gusto laging karga.. dont know if its his security blanket na dapat lagi siyang nakadikit eh..

and also, I observed him na magugulatin - parang tipong dapat tiptoe lang ang lakad mo para di siya magising or tipong dapat nakadagan ang isang unan or blanket sa kanya kasi bigla na lang siyang magugulat.. have not brought him pa sa pedia niya kasi plan ko is lahat ng vaccines niya is sa center lang (just like his kuya).. yung tests niya (NBS) and hearing baka sa sat ko pa makuha..

sana normal naman ang result.. sana nga just like all the moms here, magsubside naman yung crying blues ni baby ko when he reached 2mos..

Title: Re: How to pacify crying and upset baby esp. during midnight
Post by: yardmau06 on November 18, 2012, 02:35:50 pm
my son now is 34 months old na and luckily ever since di naman sya ganun kaiyakin but when he does lalo na nung first few months niya nilalagay ko sya sa dibdib ko while nakaupo ako then I would start singing mga song na alam mo yung pampaantok, fave niya nun yung "Perhaps Love". Pag di ko makuha sa paupo, natayo ako at ihehele ko sya by swaying left and right (dahan dahan lang din at singing pa rin) it always work sa pagpapatahimik at pagpapatulog ko sa kanya. Ngayon malaki naman, sa gabi bihira na umiyak unless nabitin sa tulog or nagigising bigla probably nanaginip. Pag naiyak dahil tantrums  or may gusto sya na di pwede hinahayaan ko lang din hanggang sa tumigil sya, kinakausap at nageexplain ako why hanggang yung iyak niya pahina na ng pahina. Kahit si hubby at ako are both working ever since at wala din yaya, thankful na lang din ako kasi  very hands-on din si hubby sa anak namin. Pag alam niya kulang ako sa tulog sya muna bahala kay bagets and vice versa.

Title: Re: crying baby...
Post by: je_anne on January 08, 2013, 06:58:59 pm
Mga sis, I need your help. Ang bunso ko will turn two months tom. Unlike his kuya, grabe kaiyakin ang baby ko. A few weeks after he was born, he went on crying sprees which lasted for hours regardless if na feed sya, na burp, etc. Pina check namin sa pedia, sabi allergy sa gatas and masakit daw tyan ng baby. So we switched milk from Enfalac A+ to Non HA One.

 Naging ok naman si baby after that. Wala na yung mga marathon crying sessions namin. Pero napansin ko parang napa-fussy niya. Like after niya dumede and nagburp, hindi siya mailapag sa bed. After ilang minutes iyak na naman siya. So ginagawa ko binibigyan ko pacifier and then he will fall asleep na. Ganun routine namin. Inom siya milk, burp, then iyak then I'll give the pacifier para tumahan. Tama ba ginagawa ko? Hindi ko alam kung normal ba na fussy ang bunso ko? Kasi ang kuya niya, kapag may kabag lang umiiyak pero after nun the rest of the day, I can leave him sa crib niya and di siya nagwawala unless he is hungry or needs to be changed. help naman mga sis...
Title: my baby yohan suddenly cries in the middle of the night
Post by: mi-chi on November 27, 2013, 04:40:26 pm
Hi mga mommies.. maybe you could help me on this what to do.  Kapag nakatulog na cia ng mahimbing and then suddenly parang naiirita cia tapos sabay iiyak at tatayo sya. I don't know kung may nararamdaman sya but i make  sure naman bago sya matulog, maayos mga nakain niya na wala syang nararamdaman. Please help me what to do.

thanks  :-[
Title: Re: my baby yohan suddenly cries in the middle of the night
Post by: momVeh on November 27, 2013, 07:16:24 pm
mi-chi ->ilang months na sya Sis?
baka nananaginip.. baka naghahanap ng pwesto sa pagtulog.. karga mo na lang sya saglit makakatulog uli sya :)
Title: Re: my baby yohan suddenly cries in the middle of the night
Post by: lilay on November 27, 2013, 10:49:38 pm
     Mommy ilang months na c baby? Dati kasi ganyan baby ko akala ko noon
may nraramdaman lang or baka gutom. Kung nasa develomental stage na sya at wala ka
Nkikitang pag babago, i think its better na ipa check mo sya sa dev.pedia.  :)
Title: Re: my baby yohan suddenly cries in the middle of the night
Post by: mi-chi on December 05, 2013, 12:47:10 pm
hi mommy lilay and mom Veh! c yohan is already 1 year & 6 months na.. thanks for the advice mga mommies. I will follow ur advice ! hope we could be friends.. thanks a lot ! ingatz..
Title: Re: my baby yohan suddenly cries in the middle of the night
Post by: icapzap on December 05, 2013, 01:16:30 pm
mommy mi-chi,
 I have a 21mos baby boy. ganyan din siya. siguro ngkanightmare, biglang iiyak, tatayo, iyak ng iyak na nkasara parin yun mata niya. always siya ganyan tsaka ive observe basta tumutubo un tooth niya sunod sunod ang ganyan niya. ginagawa ko is kinu comfort ko lg siya at tsaka nilalagyan ko ng Oil from Our Lady of Manaog yung feet niya at tummy sa gabi sabay prayers para di siya mg nightmare. nakakatulong po kay baby.
Title: Re: my baby yohan suddenly cries in the middle of the night
Post by: momVeh on December 05, 2013, 09:44:29 pm
@mi-chi ->sure naman friends tau :) like ko din yan. taga-Cavite ka ba Sis? meron kasi kaming group sa fb. pag yes pm mo saken email address mo para ma-add ka o kaya fb account mo.
kumusta na pala baby mo ngayon?
Title: Re: crying baby...
Post by: iamsweetbie on December 10, 2013, 11:17:08 pm
Hay yung baby ko iyak ng iyak kanina that I end up registering here para may makausap naman ako. I already called her pedia and napainom ko na siya ng meds niya para sa colic pero after nun naiyak pa din siya. I think she's in pain, yung tiyan niya. Eto namang mommy ko since she's dead tired na din kakaalaga kay baby tumawag na ng support group sa pinsan ko.

Si baby din kasi iyak ng iyak after niya gumising or before siya matulog. Parang kapag mulat siya hindi siya naglalaro at iiyak na lang siya after a minute. Kapag papalitan siya ng diaper or papalitan ng damit before bedtime iiyak siya and even kapag papaliguan na siya. Kung ako lang siguro okay lang since sabi nga ng iba normal daw sa bata ang umiiyak kaso ako yung nasstress sa tao sa paligid ko.
Title: Re: crying baby...
Post by: gheng on June 18, 2014, 11:43:41 am
Hi just so this trend only today, super nakakarelate ako sa mga experiences niyo. Pero siguro worst na yung case ko.

Iyakin na talaga yung baby ever since i gave birth to her. Super iyakin na do the point napaiyak niya na din ako nung nasa hospital kami kasi super nahihiya ako sa other mommies na kasi namin sa room. kasi iiyak in the middle of the night, from 1-5am, she will just stop crying pag pinapabreastfeed ko siya.

hanggang ngayon na 1 yr and 8 months na siya she still cries a lot. from 1am (na shorten na atleast 3-5 minutes siyang iiyak) tpos mauulit ulit yung iyak niya ng 4 or 5 am.

so for 21 months, sleed deprived talaga ako. we have used all the methods na sinabi ng doctor (from changing he milk, buying anti-colic feeding bottles etc) pero wala tlaga nagyayari. hindi ko na tatry gumamit ng pacifier kasi bka masira yung ngipin niya (nkalabas na rin kasi lahat) my friend told me na baka daw gusto lagi ng anak ko na may nakapasak sa bibig niya. SHOULD I TRY THIS OR NOT?

sana may mga reply saken on this.
Title: Controlling kids from crying and screaming at bedtime hours.
Post by: jorica_caleb on December 09, 2014, 09:37:44 am
My 2 year old son has been so irritable. He is constantly screaming at the top of lungs and crying over the littlest thing when he wake up late night. He will ask for water or milk then after awhile he will start crying for no reason.it gives me stress and he might disturb our neighbors. No fever, no vomiting, no diarrhea or whatsoever
Title: Re: CONTROLLING KIDS FROM CRYING AND SCREAMING IN BEDTIME HOURS
Post by: Mommy Jazz on December 11, 2014, 10:15:25 pm
I had this same problem when my son turned 1. It stopped at 2yo. We even sought the help of a child psychiatrist and behavioral problem was seen. Eventually we were made to see a Developmental Pediatrician. He was speech delayed and there was suspicion of autism but was not clear.
He was made to undergo occupational therapy and his crying lessened, or maybe because he eventually matured. Nope, no autism, just behavioral problem he needs to learn how to control.
Title: My 3 week old baby cries all the time :(
Post by: Micay Ferrer on March 31, 2016, 09:10:23 pm
First week ng baby ko, okay pa sya.. Pero nung nag2 weeks sya until now, sobrang fussy niya at uncomfortable, specially before umutot or magpoop.. Breastfed sya at maganda ang weight gain niya, 2.8kg sya pinanganak, 3.7 na sya ngayon.. Nabobother ako kasi almost 1 week na syang umiiyak, madalas gabi hanggang morning, hapon din.. Gnawa ko na lahat, pinalitan diaper, fineed, binurp, kinarga, warm bath, pero walang nagwowork, pacifier lang kumakalma sya pero saglit lang.. Ano kayang mali sa baby ko?
Title: Re: My 3 week old baby cries all the time :(
Post by: gheng on April 01, 2016, 03:27:08 pm
Hi mami micay. i have struggled the same condition / situation with my princess.. 1 Day old palang siya iyakin na talaga. dumating p nga ako sa point na umiiyak ako a mother na kausapin n yung mga OB ko para pauwiin na kami kasi SOBRANg nkakahiya n s ibang nanay s ward.

in my child's case, lagi talaga siyang may kabag. at nasanay na rin sa pagkarga namin kaya sa madaling araw pagnafeel niya na nailapag n namin sya s bed eh crylalu na siya hanggang umaga.

try changing your baby's milk(or better breastmilk) or sa pagtulog niya lagyan mo sya ng blanket o t-shirt na may perfume mu para feeling niya buhat or yakap mu pa din sya.
Title: Iyakin si baby
Post by: Edelyn Villanueva on May 30, 2016, 09:04:09 am
Is it normal na masyado po iyakin si baby every night? halos hindi po sya nagpapatulog at kahit karga na sya nag iiyak pa rin,pag nakatulog na sya at naramdaman niya binaba na sya mag iiyak ulit 😥
Title: Re: Iyakin si baby
Post by: Mommy Jazz on June 02, 2016, 09:29:23 am
I had the same problem with my bunso. First, check if gutom, may kabag, basa o may sakit, Try huwag pahabain ang nap time niya sa hapon. Have a family member na magiging kapalitan ninyo sa pagpapatulog, I know stressful para sa inyo ang mag isang nagpapatahan. Close doors and windows para hindi maka istorbo sa kapitbahay at ibang family members.
In my case, talagang gising siya at ayaw matulog na kelangan ko siyang ilagay sa crib katapat ng TV playing Sesame Street videos. He would fall asleep 4am at ako naman ang puyat kaya kelangan wala kang ibang commitments at understanding ang family members mo kung bakit mo kelangan matulog sa umaga.

If all else fails, take the baby to his Pediatrician and check for the baby's sensitivity. Sa ingay, liwanag at sa emotions.
Title: Re: hindi iyakin si baby
Post by: Donna Mae Tomes on November 20, 2017, 06:05:00 am
Mommies help naman. Buti pa babies nyo hindi iyakin. 1 week old p lang baby ko and I am a first time mom. Mula nung nasa hospital kami super iyakin na sya. Tahimik lang talaga sya pagtulog. Hindi sya maiiwan magisa sa kama or mgisa mtulog kc iiyak at iiyak sya. kahit napadede na iiyak pa din. Kelangan ihele to the max dhil umiiyak din sya kapag hinihele. Sobrang lakas pa man din ng iyak niya. Unlike other babies na kapag busog n tatahimik and will sleep on their own or tapik tapikin lang tigil na. Magbabago p kaya si baby? Ano ba dapat kong gawin? Ntataranta kc ako tuwing iiyak sya. Medyo sumusuko na din ako sa hirap at pagod. Thank you mommies
Title: Re: crying baby...
Post by: Mommy Jazz on November 20, 2017, 04:58:54 pm
Same topic merged.


Mommy Donna, same problem po tayo. please back read sa mga napagusapan na tungkol sa baby na iyakin. 1 week pa lang si baby mo, parang masyadong maaga para maginarte o masunod ang gusto. Usually 6 months po iyon eh. Wala po bang ibang signs na maaaring maging dahilan like pamumula ng balat (irritation), rashes, etc.? Kapag po kasi sobra na ang attention na kinakailangan niya na hinid na kayo nakakapagpatuloy sa mga normal na gawain ninyo, hindi na po nakakabuti yon sa inyo at sa baby. Hindi ko ma advice yung pagpapabaya sa pag iyak kasi 6 months yun nagsimula sa baby ko. Baka po may problema internally o sobra ang sensitivity niya.