Parent Chat

Pregnancy => Labor and Child Birth => Topic started by: mommy shelaih on October 30, 2008, 02:25:59 pm

Title: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on October 30, 2008, 02:25:59 pm
Basahin sa Smart Parenting. Click any topic title below for full information.
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2016/09/28/092816-csectioncuts.jpg)
Posibleng May Dagdag Na Panganib Ang C-Section Sa Buntis Na COVID-19 Positive (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/c-section-covid-19-positive-dagdag-na-panganib-a1278-20200616?ref=parentchat)
Effects Of CS Even After Incision Wound Heals (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/moms-post-cs-delivery-feels-a00041-20200630?ref=parentchat)
Sex After C-Section: When Is It Safe To Resume Intimacy? (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/sex-after-c-section-when-is-it-safe-to-resume-intimacy-a1142-20200228?ref=parentchat)
'People Need To Stop Thinking That Cesarean Delivery Is No Big Deal' (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/cesarean-delivery-true-stories-a1961-20200419-lfrm?ref=parentchat)
How Can You Improve Your C-Section Scar's Appearance?
(https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/will-your-c-section-incision-scar-ever-disappear-a00041-20191028?ref=parentchat)

hi im here again hehe :) galing po ako sa ob ko kanina and she told me na cs daw po ako :( kasi my baby is too big 4 my size daw maliit kasi balakang ko talga nung hindi pa ko preggy nun pa man sinabi na niya na wag mo palalakihin masyado si baby sa tummy mo kasi mahihirapan ka manganak.... ah super tigas pa rin ulo ko sige pa rin ako kain laki tuloy tummy ko hehe ;D mga mommy na na-CS i have questions po di ko kasi natanong sa ob ko kanina dahil nashock ako sa news niya na ma-CS ako... hope you can help me

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya... :(
5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel

yun na lang po muna question ko hehe baka kasi makulitan na kayo sakin :D thanks po

(https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply to join this discussion (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=2705).

(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mama_jo on October 30, 2008, 04:05:34 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover? 

ako mabilis akong naka-recover, pagkauwi namin sa house, karga ko na si baby kz magaan lang naman ang bebs ko at advised din ng OB ko, kinabukasan after CS dapat nakakagalaw na konti (e.g. naka-upo ka na sa bed mo without support, tayo konti) to avoid daw na magdidikit ang intestines..following days, more moves the better...nasa sayo yan if pano mo i-treat yong condition mo...basta galaw-galaw ka lang...

ang pinakabawal lang ng OB sa akin, magbuhat ng mabigat/mamwersa na wala pang 3 months...after 3 months, ok na...

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?

yes, puwede ka gising...like me gising ako throughout the operation, lahat ng kwentuhan maririning mo til maririnig mo ang first cry ng baby mo...ako, cry-cry pa nong marinig ko ang cry ni jana...thru spine ang anesthesia...

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?

4 days kami nag-stay sa hospital to include yong 1st day sa hospital for induction (induce kz ako pero wala pa rin, emergency CS pa rin)

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya... :(

nilagyan ako ng catheter nong nasa OR na at administered na ang anes kaya di ko ramdam at no pain pero alam kong may pinasok...

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?

abdominal support ang tawag don pero puwede mo na rin sabihing binder for CS mommy hehe ganyan ang tawag ng mother ko nong bumili sya kz di pa namin alam ano name, sabi lang kz sa hospital binder... we bought mine sa mercury...besure na ang mabibili mong binder hindi yong rubberize kz mainit at magnanaknak ang sugat mo sabi ng mga attendants ng hospital kz may naging patient sila na rubberize ang gamit...P700+ ang bili namin..

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?

di pa agad makakalakad kz 4-6 hours bago mag-subside ang anesthesia, nakakahilo yon kaya kahit pillow sa head di puwede, bawal ma-elevate ang head at based on my experience, 2pm ng jan 18 ako na CS, kinabukasan pa ako pinasuot ng binder kaya di puwede tumagilid...nong naka-binder na ako kinabukasan, dinalaw na ako ng OB ko to move my legs at slowly upo at kinagabihan, nakakalakad na ko slowly...alalay lang kasi masakit pa ang sugat

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel

totally wala kang maramdaman kaya malaki talaga ang role ng Anesthesiologist (yong anes ko hubby ng OB ko kaya i trusted him 200%)..iti-test pa ng anes yon after administering the anesthesia...sa akin, may matulis na thing na pinatong sa tummy ko at asked niya if parang pinatong lang or matulis...tapos matulis na thing na yon, pinatong din niya sa braso ko na walang anes kaya na-compare ko na dull ang feeling sa tummy...di ko nga alam na nahiwa na pala ako pati pag tahi...

don't worry...be strong lang pero malay mo di ka ma-CS...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: yummymommy on October 30, 2008, 07:04:38 pm
here are my answers based from experience:

1. mga 3 months.. pero actually, sabi nila 3 years daw talaga ang itatagal para mag heal talaga yung wound inside.
2. pwede naman.. gising ako nun eh, pero bangag bangag na.. hehe.. dahil nga sa anesthesia.. nararamdaman ko pan umuuga ako (yun pala binibiyak na ko nun) :p tas nung pinakita sakin baby ko, saka na ko napapikit. nagising ako nasa recovery room na ko, then nagising ulit ako nilalabas na ko elevator, then nagising na naman ako nasa room na ko.. ehhehe..
3. 3 days din ako nagstay or 3 1/2.. kasi sabi ng ob ko kailangan daw maka poopoo muna ako bago ako lumabas ng hosp.
4. yes, naka catheter po ako, kaya lang di naman siya masakit.. kahit na sinabi nilang masakit daw pag unang ihi, wala naman ako naramdaman.
5. dun sa binder, pag gising ko meron nang nakalagay sakin, sa hospital na galing.
6. pinaglakad na ko nung 2nd day ko na, pero siguro kasi bata pa ko kaya malakas ako nun, yun sabi nila.. pero di ko lang sure.. masasabi naman sayo ng ob mo yan pag pwede ka na.
7. wala kang mafifeel na sakin kasi may anesthesia na naman, naramdaman ko lang na umaalog katawan ko.. hehe..

hope nakatulong ako kahit papano :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: prettytrisha on October 30, 2008, 10:18:03 pm
@cassie
Mommy try mo kaya muna magpa-check up sa other OB. You try Dra.Sangalang sa Chinese. Kc nakakagulat naman ang OB mo na declare agad na CS ka. Kung first baby, dapat inaantay mag-labor at ska yung progress ng labor. Then pag hindi talaga kaya, dun lang idi-declare na CS.

Ang dami kong kilala na mga moms na ang liliit at ang papayat pero lahat sila normal deliveries. May nakilala din ako na ang height yta ay 4'10 at ang baby niya 8lbs, pero normal delivery siya. In my case, ang laki ng balakang ko and everybody was shocked nung nalaman nila na na-CS ako kc maliit daw sipit-sipitan ko eh ang baby ko 6lbs lang. compare dun sa mga naglalakihang mga baby ng ibang mommies na normal ang delivery. Pero ako na-declare na CS sa labor room na after several hours of labor at walang progress pagbaba ng baby.

Sad to say, baka naman gusto lang ng OB mo na kumita kaya sinabi na CS kana agad. Mga friends ko galit sa OB ko kc kaya ko daw mag normal kc nga blessed ako sa balakang. Hanggang ngayon sinasabi nila na kung nagpunta ako kay Dra.Sangalang, baka normal delivery ako or kung CS man, bikini cut (yun kc ginagawa niya kahit emergency CS).
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mama_jo on October 31, 2008, 08:21:52 am
u're right sis prettytrisha...nagulat din ako na declare na agad ng OB na CS si cassie...ako nga, kahit petite pero mabalakang...never nagsabi ang OB ko na baka ma-CS ako basta ang sabi niya prepare lang ng panggastos in case ma-CS, kaya nga kahit overdue na ako at di pa rin humilab tummy ko at 1cm lang ang dilation ng cervix ko, induce pa rin niya ako at i was enduring the labor pain for 15 hours kz antay talaga namin na natural birth (normal delivery)...saka na ang OB ko nagsabi na CS na niya ako at asked permission sa mother ko (somewhere in the middle of the sea kz work ng hubby ko) nong nagka-canal na ang tummy ko, parang nahati na ang umbok ng tummy ko, 1 of the signs daw yon na stress na si baby pero 2cm lang ang cervix dilation ko...

dapat sis cassie, encourage ka ng OB mo ng normal delivery...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommielynne on October 31, 2008, 09:55:31 am
tama sila mommy kasi, kasi with my case kahit talang nirequest na namin ni hubby na CS ako ayaw ng OB ko. ang sabi niya try muna namin ang normal delivery since 1st pregnancy ko. ang alam ko ang mga OB usually hindi ngaeencourage ng CS they will try as much as possible na normal delivery unless nacocompromise na yung safety nyo ni baby. i was 4cm when i was admitted, tapos induced pa niya ko, from 12pm-9pm naghintay OB ko kaso prolonged labor ako hanggang 7cm lang ang dilation ko so nagdecide sya ng CS na ko, turned out 9lbs pala baby ko. i agree with mommy prettytrisha to ask for 2nd opinion sa ibang OB.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on October 31, 2008, 10:02:45 am
hi ask ko na rin my kilalala or marerefer ba kayo na ob na pwede sa chinese general hospital? i heard kasi na mura daw dun and ok naman daw.... pwede pa kaya ako lumipat ng ob ko though im 34 weeks na narealized ko kasi ang mahal ng singil sakin ng ob ko eh.... tska dibe pwede ko naman isked kung wen ko gusto manganak since cs naman ako.... :)

Dra.Sangalan. siya OB ng mga friends ko na nanganak sa Chinese at ok nga daw siya

hi sis... do you think pwede pa ko lipat ng ob gyne? san ba clinic ng ob mo? tska pwede send mo sakin num niya? ayoko na magpa 2nd opinion sa iba para incase CS talga edi dun na lang ako sa ob mo.... sis if you dont mind how much nagastos mo sa CGH? sa sta cruz manila ba yun? :) thanks po.....

thank you din sa mga mommy na nagreply mwuah
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: yshaleigh on October 31, 2008, 10:13:12 am
ako OB ko c dra sanggalang sa chinese gen... she hates her patient n gumastos ng malaki.. as much as possible kng kaya inormal...ipipilit niya kng talagang pwede naman unless pag d talaga kaya i CS k niya..

like what happen sa kin.. almost 12 hrs ako ininduced pero ayaw bumuka ng cervix ko.. hanggang 3cm lang... so what she did is pinputok n niya yung panubigan ko kc po ngbbleed n ko pero wala pa ding changes sa cervix, so pagputok niya as in to the max ang sakit dhil db nga pag nglabor ka maskit n db pero once n nwala n ang panubigan triple ang pain good thing in an hour bumuka ang cervix ko ng 7cm going to 8cm.. so dinala n ko sa delivery room pero kng hnd bumuka ang cervix ko iCCS niya ko kc may heart problem ako baka d k n kayanin yung mga gmot and pain..
every hour monitoring ang gnwa niya sa kin kahit nsa hauz n sya.. every hour ang call niya dhil nririnig ko yung nurse and mga docs don..

pwed k pa magpalit ng OB mo.. kay dra sanggalang... 1st visit 100 lgn tpos sa mga susunod wala ng bayad un..

tpos ang room niya is sa dulo.. pagpasok m sa clinic department turn right ka lang.. dulong dulo at makikita mo dami patient ni dra kc sbrang galing niya mag alaga at magpaanak... hnd mbigat ang kamay at hnd sya magastos or mukhang pera.. hehe

blumintrit lang ang CGH...

itoh ang breakdown nla::

normal:
ward 20k w/o philhealth but with philhealth 17k lang
semi private 27k w/o but w/ Philhealth 24k
private 30k w/o then w/ 27k..

excluded po ang PF ng OB... approximately mga 3-6k lang ang PF niya.
pag CS ,, double the price lang ng pack ng normal.. un ang sabi sa kin..

iIIE k naman niya weekly at check niya kng kaya mo inormal..
hope it helps.
goodluck

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: sweet_heaven on October 31, 2008, 09:27:03 pm
@cassie

hi cassie! how are you?  i agree with another mom's advice, see another OB. 
i was CS den because im almost over 42 weeks with no labor pains at all!
there is a binder avail at mercury kaya  lang i didn't like it. pero hospitals
provide binders naman, not sure lang if all hosp. kc with my exprerience, galin sa hospital yung binder.

my mom is a nurse for like 30 years.  she advised not to take the type of operation
na sa spinal idadaan yung anesthesia.  mas madami daw kc side effects un.  you can actually
ask ur OB on the diff types of CS tapos mamimili kung alin yung gus2 mo.  i think me 3 types un,
nkalimutan ko lang un mga tawag. hehe.

good luck!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: cpasfri on November 04, 2008, 10:47:21 am
hi..base on my experience, im a new mom and just gave birth last april 2008.. :)

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
     sandali lang, nakarecover nako, i guess may tuyu na yung tahi ko sa labas but definitely yung inside hindi pa as they say it will heal for 4 years

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
      actually ako gising ako..umeffect lang ang pampatulog nakalabas na yung baby ko sa recovery room tulog ako, pero not deep sleep yun
   
3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
     dahil package ako 4-7days kasi pero 4 days lang ako pwede kana pauwiin kapag ok kana nakakatayo kana ngfart kana

4.naka catheter po ba kayo?
      definitely nakacatheter ka, pero they will put the catheter after mo iinject ng anasthesia
 
5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?
    i don't lmow sa makati med kasi its like a cloth abdominal binder twag dun..autiomatic they will put it on you tummy sa akin nilagay yun when they put me on the recovery room na..sa mercurt they sell abdominal binder pero makapal yun parang may rubber i thinks nasa 500.+

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
     actually untiunti first day ko labas side by side nako tapos by night ngtry nako tumayo kasi nakafart na ako, once ngfart  kana pwede kana umupo tumayo pero wag mo bibiglain untiunti lang kasi baka mahilo ka sideeffect ng anasthesia

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
      ako ang naramdama ko yung insertion ng catheter after that wala hindi ko naramdaman..but im awake ha

i hope this will help...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: keih liwanag on November 04, 2008, 01:50:28 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
- 2 months. but the first two weeks, hindi ko pwede buhatin si baby. i also visit my OB parin nun kaya nababantayan recovery ko. we also used foskina medicine for the tahi.  

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- yes, i preferred that. ayoko tlaga yung patutulugin ako. kahit normal birth. ayoko ng tulog.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 4days

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
- i think so. shocks, can't remember. haha sencia na 2 surgeries na eh, cs & gallbladder. dami ko na anesthesia. hehe

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- as is sis, tummy wrap or tummy binder. department stores have them. pero mine, pinabili ko sa lola ko sa states, magaganda kase quality daw dun so she bought me two. 1 na medyo manipis, 1 makapal.  

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
- sa 3rd day, nirerecommend na actually ng mga nurses, and they will support you.  

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
- wala talaga sis. promise!  ;)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: gwen's mom on November 04, 2008, 02:11:29 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
      - 1 month lang yata ok na ok na pakiramdam ko pero actually 1 week pa lang nagbiyahe na ako, I went back to my OB to have the end of my tahi removed. 1 hour away lang naman siya.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
      - yes, gising ako during my CS operation

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
      - 3 days lang

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
     - yes

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
     - tummy binder, sa mercury drug store kami nakabili. good quality pero mahirap hanapin, madalas out of stock

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
      the following day after my operation pinaglakad na ako ng OB ko, kinarga ko na rin si baby.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
      - yes, ramdam kong hinihiwa ako pero walang sakit siyempre may anesthesia eh. The first hiwa, di kasya baby ko, malaki kc (9.9lbs), kaya hiniwa uli ko, nilakihan para makalabas si baby.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on November 04, 2008, 08:32:04 pm
hi mga sis naka sked po ako ng CS this nov 27.... yehey makita ko na baby ko.... last q's na po mommy ano ba maganda buy na ko ng binder now or hayaan ko na lang yung bibigay ng hospital?(since sabi nyo po mahirap humanap at maganda naman yung sa mercury) tska mommies totoo ba na my bad effect yung anes?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: sweet_heaven on November 04, 2008, 09:42:34 pm
hi mga sis naka sked po ako ng CS this nov 27.... yehey makita ko na baby ko.... last q's na po mommy ano ba maganda buy na ko ng binder now or hayaan ko na lang yung bibigay ng hospital?(since sabi nyo po mahirap humanap at maganda naman yung sa mercury) tska mommies totoo ba na my bad effect yung anes?

hey sis! good luck. know how u feel. excited!
i checked my binder's brand, and it's "LongBone". mas nagustuhan ko sya
kesa yung sa mercury. me soft cushion kc yung longbone and very easy to adjust.
un yung binigay sa ken sa hosp. Jesus Delgado yung hosp ko, its in qc.

cassie, meds naman talaga have side effects.
yung advice lang sa ken, wag na lang yung anes na dadaan sa spinal
mas prone to pagiging "makakalimutin".
nevertheless, sabi ko nga, lahat naman ng types na yan me
good and bad effects.  basta ang mahalaga, healthy ang baby
and safe ang delivery!

good luck sis!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: cpasfri on November 04, 2008, 10:18:14 pm
hi mga sis naka sked po ako ng CS this nov 27.... yehey makita ko na baby ko.... last q's na po mommy ano ba maganda buy na ko ng binder now or hayaan ko na lang yung bibigay ng hospital?(since sabi nyo po mahirap humanap at maganda naman yung sa mercury) tska mommies totoo ba na my bad effect yung anes?
hi mommy cassie ngayon pa lang congratulation...like they say just relax hehe..saang hospital kaba?kasi some hospital automatic they put binder na after the operation..but if you want you can buy sa mercury they also have sa sm..idk kasi my binder is a cloth like ok din siya coz its nit mainit on tummy...goodluck girl..
the side effect for me ng anasthesia is..nglalagas yung hair ko..ayun..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: thersie_marie on November 05, 2008, 04:13:03 am
they're right mgsecond opinion k..cs dn ako, ngulat lang ako kc expected ko normal ako..d day n nlmn kong cs ako after ko mgppelvicmetry that day dn un admit ako kc overdue n ko at d nglabor.  ask mo n lang ob mo n gawan k ng request for ur pelvicmetry pr mlmn talaga f ky mo mgnormal.hirap mg CS no mdugo ang gastusin. d k pwd mgpelvicmetry pg wlng sulat galing s doctor..1k ang pelvicmetry ko..susukatin dun f posible b n mklabas ang baby mo and it has 4stages.mdyo mhirap ang xrap position pero mas ok n rin un pr pntag k
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on November 05, 2008, 11:39:36 am
hay naku mga sis sobrang excited talga hehe :)

to sweetheaven
try ko maghanap ng "longbone" na brand.. my idea ka po ba how much un? :)

to yummymummy
yes sis di ako buy nung rubber kasi mainit daw yun...  :)

to cpasfri
mommy sa chinese general hospital po ako dun kasi medyo affordable since desidido na talaga ko mag pa CS sabi niya wala pa daw 40k private na yun ha....eh yung ob ko kahit tinawaran ko na matigas sya sa 60k WARD pa.... :(

to thersie_marie
sis go na talaga ko sa cs hehe kasi baka himatayin lang ako pag naglalabor na ko eh hehe... dra sanggalang is very nice sis im so happy na my nagrecomend sa kanya....
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on November 09, 2008, 03:43:55 pm
sis kaya ko yun hehe basta ayoko talaga maglabor kasi nung nag pre term ako (buti di natuloy) talagang iyak nako sis... as in gusto ko awayin lahat ng tao sa ER that time... anyway basta sana maging healthy si baby ko.... :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on November 09, 2008, 03:45:21 pm
mga sis ano po ba ang ibat ibang klase ng anesthesia 4 cs? kayo po ano ang ginamit nyo? parang my narinig kasi ako na hindi lang pala sa spine yun,,,,,
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: gwen's mom on November 10, 2008, 09:23:12 am
mga sis ano po ba ang ibat ibang klase ng anesthesia 4 cs? kayo po ano ang ginamit nyo? parang my narinig kasi ako na hindi lang pala sa spine yun,,,,,

mommy cassie, spinal (epidural) anesthesia sa akin, this will allow you to be awake during the operation. The other one is general anesthesia, dito tulog ka during the operation ;)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on November 10, 2008, 09:32:03 am
ay ganun.... sobrang sakit ba sis nung nilagyan ka ng anes? hehe i heard kasi na ang haba daw nung pang inject eh....
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: gwen's mom on November 10, 2008, 09:34:15 am
ay ganun.... sobrang sakit ba sis nung nilagyan ka ng anes? hehe i heard kasi na ang haba daw nung pang inject eh....

di ko nakita sis kung gaano siya kahaba pero parang kagat lang siya ng langgam.  ;)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on November 10, 2008, 09:41:01 am
ay thank you sis..... ninenerbyos kasi ako hehe my kapitbahay kami tinakot pa ko napakahaba daw ng injection...... di bale di ko na lang titignan.... ;D
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: keih liwanag on November 10, 2008, 01:04:12 pm
epidural sis cassie hindi masyado masakit pag ininject yung anes. kelangan mong mag-shrimp position tapos sa back spine ilalagay. so most of the patients, hindi nakikita ang injection. after nun wala k na mararamdaman. mas ok sakin yun kesa patulugin ako.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on November 10, 2008, 01:09:08 pm
thanks po sis yun na lang siguro ang irereq. kong anes na gamitin sakin.... db mommy pwede din yun sa normal?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: thersie_marie on November 10, 2008, 01:27:08 pm
momy cassie u have to endure for ur baby..mas ok po gising kc pr pg ngvomit k. ako dn dun subrang kaba ko nung papunta n ko s ER..prng gusto ko ng umatras at subrang ngpray ako..subrang takot ko dn kc nga d ako prepared talaga.so masakit man yung s spinal..tiniis ko kc inisip ko c baby.dpt po d u gumalaw..sbi kc ng nany ko delikado daw un pg ngkamali ky ng mahal bayad s Anes..

ang alam ko sis pg painless d kn malelabor..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on November 10, 2008, 01:31:18 pm
oo sis mas gusto ko talaga yung gising ako while binibiyak hehe....... ayoko nung tulog.....
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: yummymommy on November 10, 2008, 01:46:49 pm
epidural sis cassie hindi masyado masakit pag ininject yung anes. kelangan mong mag-shrimp position tapos sa back spine ilalagay. so most of the patients, hindi nakikita ang injection. after nun wala k na mararamdaman. mas ok sakin yun kesa patulugin ako.

yeah..ako nga wala akong naramadaman na sakit, basta pag pumasok na yung anes mararamdaman mo na lang na may malamig sa spinal mo
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mama_jo on November 10, 2008, 02:07:24 pm
with epidural, yong unang turok lang ang medyo may dating hehe   :D, yong next 2 shots, ok na...ang ayaw ko lang na effect ng anes is yong super ginaw...grabe, tinali na lang nila ang braso ko kz di ko mapipigil ang chill ko...super ginaw talaga ang feeling, effect daw ng anes sabi ng anesthesiologist ko...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: thersie_marie on November 10, 2008, 02:32:26 pm
subrang chil dn ako tpos bangag at subrang antok talaga...pero d k mktulog that time..tapos npaiyak ako nung nrining ko n yung iyak ng baby ko ..sbi ng ob ko wg daw umiyak kc daw mhihirapan daw ako huminga..kahit gusto kong umiyak s tuwa d hininto ko n lang kc alam ko bukas p yung tyan ko nun..kainis nga kc d mn lang nilapit skin yung baby ko s mlayo ko n lang nakita kc nga overdue n ko ng 1day my dumi n c enz at dapat linisin agad..ns recovery room n ko nung nkita ko sya face to face..sarap talaga alalahanin sulit lahat ng hirap..sarap my baby
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mama_jo on November 10, 2008, 02:34:10 pm
with epidural, yong unang turok lang ang medyo may dating hehe   :D, yong next 2 shots, ok na...ang ayaw ko lang na effect ng anes is yong super ginaw...grabe, tinali na lang nila ang braso ko kz di ko mapipigil ang chill ko...super ginaw talaga ang feeling, effect daw ng anes sabi ng anesthesiologist ko...

aww,, talaga?? :O ako naman binigyan ng blanket, kinumot nila sakin

sis, nakakumot din ako pero yong lamig kasing napi-feel ko eh galing sa loob talaga ng body ko...kaya tinali yong braso ko kz yong 1 arm may dextrose, the other arm for BP monitoring, nakalagay na talaga yong BP band sa arm ko...di ko kz mapipigilan yong nginig ko sa sobrang ginaw ng feeling...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: AAyyeennAA on November 11, 2008, 12:11:25 am

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
sabi nila 3 mos daw fully recover pero ako this time my second CS two weeks pa lang ako after my operation I can do many things na I walk my eldest, I do my grocery and I drive na din. Sometimes nasa tao na din ang healing if you think you need to recover fast because your family needs you or you need to do something madali ka mag he heal.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?

It's your choice pero my ANES recommends to be awake or my term sila "twilight" ata yun. mas ok na gising kasi alam mo ang nangyayari sa OR you'll hear your baby's first cry and yung anxiety and excitement ng mga person sa OR pag malapit ng ilabas si baby ;D

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?

2 days po. a day after CS OR dapat nakakatyo na para daw maiwansan lagnatin kasi delikado daw yun.

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya... :(

yes, just for one day kasi your body needs to adjust after the pregnancy everything must be place on its normal position kasi sis hindi ka pa makaka ihi sa toilet bowl after the operation hindi mo pa mararamdaman yung half ng body mo. pag nakakatayo ka na at nakaka walk na minsan nag dedecide na sila na tanggalin na yung catheter.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?

sometimes the hospital provide it also as per request na din ng OB. you can also bring your own blue binder available sa mercury and also buy adult diaper and maternity pad

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?

after OR hindi pa kasi mahiluhin ka pa and pag nawala na yung anesthesia you start to feel the pain of the surgery 2 hours sa recovery room dapat you can move your feet na. the another 6 hours on bed after 6 hours dapat you can be able turn sideways on the bed. day after kelangan nakaka upo ka na sa bed or stand beside the bed. kung hindi mo na feel yung hilo you can practice walking in your room na. ;D
 
7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel

ako totally wala kasi after the ANES inject sa spine he ask me if i can move my feet several seconds numb na totally then hindi ko na maigalaw half of my body they start na the surgery

if you still have any other concerns ask lang ng ask ;D

My CS operation last October 30, 2008 kaya fresh pa lahat sa memory ;D
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on November 11, 2008, 09:35:23 am
thanks mommy aayyeennaa.... :D by the way nonny iba ba yung maternity pad sa sanitary napkin? sorry have no idea kung ano yung maternity pad.... san ba nabibili yun?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: gwen's mom on November 11, 2008, 10:00:16 am
thanks mommy aayyeennaa.... :D by the way nonny iba ba yung maternity pad sa sanitary napkin? sorry have no idea kung ano yung maternity pad.... san ba nabibili yun?

magkaiba siya sis, sanitary napkin is yong usual na ginagamit pag meron tayo, maternity pad naman is bigger siya. sa grocery store or supermarket din siya nabibili. makikita mo naman sa label niya nakalagay maternity pad or maternity napkin. ;)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on November 11, 2008, 10:17:58 am
ok sis yun na lang ang dalin ko instead of sanitary no? kelangan ba talaga my diaper?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: gwen's mom on November 11, 2008, 10:28:44 am
ok sis yun na lang ang dalin ko instead of sanitary no? kelangan ba talaga my diaper?

oo sis para di palit ng palit si baby everytime iihi siya. Adult diaper ang sinuot sa akin sa hospital.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mama_jo on November 11, 2008, 11:00:25 am
ok sis yun na lang ang dalin ko instead of sanitary no? kelangan ba talaga my diaper?

cassie, required talaga ang adult diaper, ako kz from OR, sa recovery room, nilagyan na agad ako ng adult diaper until kinabukasan kz may catheter pa to absorb the blood discharge, di kz puwede tanggalin agad ang catheter kz di ka pa puwede bumangon agad...i used maternity pads na nong makabangon na ako...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: elsa08 on November 11, 2008, 11:16:14 am
naku hirap naman pala mg CS.. :(
hay sana mabait si baby at kaya ko mg normal..
sis cassie, lapit mo na makita si baby... ka excited noh..
na eexcite me for you... tapos ako naman... ;D
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: yummymommy on November 11, 2008, 03:35:09 pm
naku hirap naman pala mg CS.. :(
hay sana mabait si baby at kaya ko mg normal..
sis cassie, lapit mo na makita si baby... ka excited noh..
na eexcite me for you... tapos ako naman... ;D

hehe... kausapin mo na nang kausapin si baby mommy :) naririnig ka na naman niyan eh ;)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: yummymommy on November 11, 2008, 03:44:47 pm
thanks mommy aayyeennaa.... :D by the way nonny iba ba yung maternity pad sa sanitary napkin? sorry have no idea kung ano yung maternity pad.... san ba nabibili yun?

sa grocery stores meron, mas mahaba siya compared to sanitary napkins., pero di ako gumamit na nun. pagkagising ko kasi naka adult diaper na ko,
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: gwen's mom on November 11, 2008, 03:45:28 pm
naku hirap naman pala mg CS.. :(
hay sana mabait si baby at kaya ko mg normal..
sis cassie, lapit mo na makita si baby... ka excited noh..
na eexcite me for you... tapos ako naman... ;D

hehe... kausapin mo na nang kausapin si baby mommy :) naririnig ka na naman niyan eh ;)

oo mga mommy elsa. iwasan mo din mga sweets para di gaano lumaki si baby para makaya mo siya ilabas through normal delivery. ;)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: rjsmom on November 11, 2008, 05:21:30 pm
hi mommies!

actually, it's not unusual na mag-recommend ang OB ng C-section kung nagperform sya ng pelvimetry prior to your due date ... though alam ko, medyo "old-school" na ang method na to. Still, it's a way for your doctor to check the possibilities and advise you accordingly if you should prepare for a normal delivery or CS.  :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: jayeshael on November 12, 2008, 08:58:16 am
haha naaliw ako sa thread na ito..mga sis wag kayo matakot sa CS..pra lang kayo natulog then pggicng mo nasa tabi mo na si baby he he..yung pain after shock nga lang haha! sa totoo lang mas hirap ako nung after operation ang tagal ng recovery ko parang feeling ko nun hindi na gagaling yung hiwa ko sa sobrang sakit ::) o ayan wag na matakot.. :P
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on November 12, 2008, 10:30:55 am
sis ale totoo lang hindi ako natatakot (dun lang sa anes ;D) pero dun sa mismong operation di naman ako kinikabahan hehe mas natatakot ako kung normal....
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: jayeshael on November 12, 2008, 10:37:41 am
sis ale totoo lang hindi ako natatakot (dun lang sa anes ;D) pero dun sa mismong operation di naman ako kinikabahan hehe mas natatakot ako kung normal....
dko gano nafeel yung anaesthesia sis..wag ka matakot dun hehe.. korak ako din mas takot ako sa normal :P
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: cutiejoy on November 12, 2008, 01:10:04 pm
sisses! wag kaung matakot sa delivery nyo everythng will be alright through gods grace! :) share ko lang experience ko ha?
I was in bedrest for the whole nine months of my pregnancy, up to my 3rd month walang makitang heartbeat sa baby ko sa mga ultra sound niya, palipat lipat kami ng ob kasi everytime ang sinasabi we have to abbort the baby kungdi malalason daw ako sa loob! sabi ko sa husband ko hindi meron syang heartbeat alam ko buhay at ok sya, they'll have to kill me first bago nila ma abbort ang bata... we took our chances syempre always watching out for possible signs na nalalason ako or something...we prayed hard,our families prayed hard for our baby... fin'ly the day came nag pa ultrasound ako sa bagong ob na naman, patay malisya lang like kunwari its my first time na magpacheck up! tpos grabe we heard his heartbeat for the first time!sobrang saya namin i had tears of joy, si hubby nirecord sa cel ang moment! :) Tpos nun para kaming loka loka kahit kanino pinaparinig ang heartbeat, i know it didnt mean the same thing to them but still, we wanted to share the wonderful experience! :) tpos during my pregnancy i'll have spotting from time to time..minsan bleeding pa...there were days that we would cry ourselves to sleep kami ni hubby because all of the pain and fears that we have for us and for our unborn child...just imagine we just got married, then we had our honeymoon, after a month i knew i was pregnant...so we both knew that the foundation of our marriage wasn't that strong yet...There were days that we would both be discouraged...angry and frustrated... but there would be days that we would just hold and comfort each other... All kinds of vitamin supplements and medicines were given to me... for the baby, for the spotting, for the bleeding... for months and months i have lived inside our bedroom slowly counting the days...fervently praying that all will be well...gaining weight had become a huge a problem for me...pounds after pounds, i was gaining weight faster than anyone could imagine!My diet was like that of a baby...more of milk (anmum) than that of solids... i was afraid to eat, for if i eat and my stomach gets upset i would vomit and sometimes my vomitting could lead to spotting...Until fin'ly one day i woke up feeling different...Different in a good sense, i knew god has blessed me with something, aside from the bulging tummy that i had then. I was already on my 7th month when i started seeing the world again...walking outside, getting some sunshine, going to the mall, joining hubby in his office... I felt really happy! :) every once in a while ill have early contractions and spotting, I'd take that as an indication that my baby is telling me to stop and rest for a while again, for his sake and for my sake as well...i felt like a mother hen waiting for her egg to hatch... Until the big day came! I was in labor for 11 loooonnngggg hours! Until the very last minute my team of doctors couldn't figure out why the baby wouldn't come out... all efforts were done to push him out except for forceps which we didn't approve  of, until i've decided that i had enough... enough pain for me and the baby...then i had my emergency c-section... when i opened my eyes, i immediately asked for my son,he wasn't beside me, he had to be rushed to NICU and evaluated... It was after 12 long hours of waiting before i fin'lly met my son! a very healthy and handsome boy!We named him David not just because it was from his lolo, but also because of the courage that he showed when he was fighting for his life inside my tummy...At an early age he fought his own battle with all his courage and strenght! Just like David did when he fought and defeated Goliath!... No regrets, all sacrifrices well worth it! :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: marielle on November 12, 2008, 02:43:25 pm
http://lilypie.com/pic/081112/YRJ4.jpg

its been 3 mons now since my c-section. nakakatakot sa una pero since general anaesthesia ako, wala ako tlagang naramdaman, since im  preeclamptic (na sobrang tumaas talaga ang bp ko). ang masakit lang na part e yung a day after ng operation kasi ramdam mo na talaga yung sakit, bawal umubo, tumawa as in. Advice ko lang, dapat njan sa tabi m si hubby lagi pag cs ka.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: elsa08 on November 12, 2008, 10:51:12 pm
sis cutiejoy, how inspiring your story about bringing David in this world..
feel ko tuloy atapang na me..  ;D
mas takot kasi me din dun sa pgturok ng anes kasi i heard a few not so good story about it..
i worry ba ang sarili about that?!!  :(
basta pray lang talaga..
God Bless to all momsies who'll be having their delivery soon..... :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: yummymommy on November 13, 2008, 03:04:32 pm
sis cutiejoy, how inspiring your story about bringing David in this world..
feel ko tuloy atapang na me..  ;D
mas takot kasi me din dun sa pgturok ng anes kasi i heard a few not so good story about it..
i worry ba ang sarili about that?!!  :(
basta pray lang talaga..
God Bless to all momsies who'll be having their delivery soon..... :)

basta mommy, relax ka lang ha, ako wala ako naramdaman kahit anong sakit nun sa anex.  okay? :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on November 13, 2008, 03:53:13 pm
mga mommies ilang months or days kayo nagsuot ng binder?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: rjsmom on November 13, 2008, 04:08:37 pm
mga mommies ilang months or days kayo nagsuot ng binder?

ako mga 3 months ... I wanted to wear it longer though, except naiinitan talaga ako kaya tinigil ko  :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: AAyyeennAA on November 13, 2008, 04:26:37 pm
thanks mommy aayyeennaa.... :D by the way nonny iba ba yung maternity pad sa sanitary napkin? sorry have no idea kung ano yung maternity pad.... san ba nabibili yun?
mommy after operation tlaga you require to wear adult diaper even naka catheter pero if bumalik na yung cycle ng urine mo and naremove na yung catheter you may use maternity pad na its thick more longer than the usual sanitary napkin. pero if yung discharge mo is like mens flow na you can use na lang the sanitary napkin na yung overnight pad ;D
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: keih liwanag on November 13, 2008, 05:14:42 pm
mga mommies ilang months or days kayo nagsuot ng binder?

within my maternity leave period lang ako nag-tummy binder (78days).
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: yummymommy on November 13, 2008, 07:20:01 pm
mga mommies ilang months or days kayo nagsuot ng binder?

ako 3 months ata..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on November 14, 2008, 01:58:48 pm
mommies my ginamit po ba kayong cream para sa tahi? i mean pare mging light yung scar? nag kekeloids ba yung tahi?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: prhea on November 14, 2008, 04:20:03 pm
hai sis!

contractubex ata tawag non.. try ko check mya sa house.  :)

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommielynne on November 14, 2008, 07:34:22 pm
tama si mommy phrea, contractubex din bigay sakin ng ob ko para di masyado malaki yung scar. last january 2008 (when i gave birth) it cost me php500+ ewan ko lang ngayon kung magkano na.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: AAyyeennAA on November 14, 2008, 11:48:05 pm
mommies my ginamit po ba kayong cream para sa tahi? i mean pare mging light yung scar? nag kekeloids ba yung tahi?
at my first CS contractubex ang binigay sa akin pero hindi  naman ako nag keloid yun nga lang sbi ng ob ko parang tumigas daw yung part nung tahi ko later on my second cs iba na binigay niya sa akin i'll post it bukas nsa car kasi yung reseta kakagaling ko lang sa ob ko kanina dhil tinanggal niya na yung sinulid ng tahi ko binigyan niya ako ng topical pra sa tahi ko and after 2 weeks of surgey pinatatanggal niya na yung binder ko puwede na lang daw yung panty girdle :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: gwen's mom on November 17, 2008, 08:31:13 am
hai sis!

contractubex ata tawag non.. try ko check mya sa house.  :)

yup, its contractubex. Unfortunately, di naging effective sa akin.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: gwen's mom on November 17, 2008, 08:32:38 am
mga mommies ilang months or days kayo nagsuot ng binder?

4 months lang. di na ako comfortable eh.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ratacutie1 on November 18, 2008, 05:48:19 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover?

After 1 month tinanggal na yung stitches ko. 2 months after delivery I can go back to doing anything I want to do.  Wala ako masyadong pain na naramdaman throughout my recovery eh.  Magaling doctor ko.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?

Yes, gising ka talaga.  You just dont feel what they are doing down there (sa tummy area mo).  When the baby is out na picture picture then they will make you sleep.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?

4 days.

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...

Yes.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?

tummy binder ata.  meron sa Landmark, Sogo yung brand.  It's around PHP300

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?

Yes, they encourage you to walk the following day.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel

Nope, didnt feel a thing.  ;D
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: cath on November 18, 2008, 07:09:50 pm

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
a day after i stood up na kahit me catheter.  gave birth on the 29th of Dec  around 7pm and was out na ng Jan 1 before noon.  after six months I went back to the gym and so far okay naman :-)
2.pwede ba na gising ako while sini-CS? yup
3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital? 3 nights
4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya... yup
 
5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?  normally yung hospital meron na din ng ganun. sa akin included sa bill ko thnik mga 1k ata yun
 
6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?  Me i was able to walk na after a day.  kakatakot coz normal yung 1st delivery so it was a bit harder pero kaya mo yan. :-)  it was all worth it!

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel none at all
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on November 21, 2008, 09:51:04 am
mommies ilang days after ng cs kayo nakaligo? may nilalagay bang somthing na parang binder para hindi mabasa yung tahi? or my binder bang water proof? gusto ko kasi complete na things ko before ako mag pa admit.... thanks agen :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: gwen's mom on November 21, 2008, 11:37:24 am
mommies ilang days after ng cs kayo nakaligo? may nilalagay bang somthing na parang binder para hindi mabasa yung tahi? or my binder bang water proof? gusto ko kasi complete na things ko before ako mag pa admit.... thanks agen :)

9 days before ako pinayagang maligo pero bawal pa ring mabasa ang sugat. Lalagyan naman ng plaster yong tahi mo eh, di ko lang alam kung merong water proof. Mahirap maligo na di nababasa sugat mo kahit may plaster pa siya.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: rjsmom on November 21, 2008, 01:46:20 pm
mommies ilang days after ng cs kayo nakaligo? may nilalagay bang somthing na parang binder para hindi mabasa yung tahi? or my binder bang water proof? gusto ko kasi complete na things ko before ako mag pa admit.... thanks agen :)

2 weeks after I gave birth, as advised by my OB. Pero he checked my wound first before niya ako sinabihan na pwede na. Walang binder na pwedeng basain sis, pero plaster meron ... not sure lang what it is called. Yung ibang moms na kilala ko na piniling maligo the day after they gave birth, ito yung ginamit.

But I chose to wait until my OB gave me the go signal ... kaya nung time na sinabi niyang ok na, there was no need for me to cover my wound with plaster anymore  :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on November 21, 2008, 01:52:20 pm
thanks mommies :) plaster pala... hehe ;D may nabasa nga akong ganun kaso hindi ko matandaan yung name eh... ill ask my ob na rin siguro.... di talaga ko sanay di maligo eh kasi sinisipom ako agad (ewan ko ba kung bakit) pag lumipas yung isang araw na di ako naligo sinisipon ako.... baka mahawa kasi yung baby pag sinipon ako... :( nga pala pano pag sumsakit yung athi? pwede ba uminom ng mefenamic? or any painkillers?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: gwen's mom on November 21, 2008, 02:00:21 pm
thanks mommies :) plaster pala... hehe ;D may nabasa nga akong ganun kaso hindi ko matandaan yung name eh... ill ask my ob na rin siguro.... di talaga ko sanay di maligo eh kasi sinisipom ako agad (ewan ko ba kung bakit) pag lumipas yung isang araw na di ako naligo sinisipon ako.... baka mahawa kasi yung baby pag sinipon ako... :( nga pala pano pag sumsakit yung athi? pwede ba uminom ng mefenamic? or any painkillers?

you will be advised by your OB what to take for this before ka i-discharge. Usually, anti biotic at cefalexin ang prine-prescribe.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: rjsmom on November 21, 2008, 02:04:03 pm
nga pala pano pag sumsakit yung athi? pwede ba uminom ng mefenamic? or any painkillers?

yup, pwede kang uminom ng mefenamic / pain killer ... OB ko mismo nagbigay sa kin (10 tablets) pero di ko na-inom ... mataas lang siguro tolerance ko for pain kaya I never felt the need to take any med for the pain  :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: prettytrisha on November 21, 2008, 08:40:21 pm
thanks mommies :) plaster pala... hehe ;D may nabasa nga akong ganun kaso hindi ko matandaan yung name eh... ill ask my ob na rin siguro.... di talaga ko sanay di maligo eh kasi sinisipom ako agad (ewan ko ba kung bakit) pag lumipas yung isang araw na di ako naligo sinisipon ako.... baka mahawa kasi yung baby pag sinipon ako... :( nga pala pano pag sumsakit yung athi? pwede ba uminom ng mefenamic? or any painkillers?

May plaster na nilagay OB ko dun sa wound. Before ako lumabas ng hospital, pinaligo na ako baka daw mag-uwi pa ako ng mga mikrobyo galing dun! ;) Then everyday naliligo ako. Para din kc akong magkakasakit pag hindi nakaligo! Then the OB prescribe Ponstan and anti-biotic.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: yummymommy on November 21, 2008, 10:33:11 pm

yung plaster na yun para siyang bandage diba na may plastic cover.. naghanap ako dati nun, kasi pag gising ko yun na nilagay sakin ng ob ko.. wala ako mahanap sa iba, sa asian lang ako naka buy.. try ko ulit alamin kung ano tawag dun, para kahit maligo di nababasa yung wound :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommielynne on November 22, 2008, 09:31:52 am
yummymommy tegaderm tawag dun. dati nakabili ako sa mercury nun.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: momof twins2be on November 22, 2008, 11:01:37 am
hi mga mommies n cs
ajo po mlmang i cs din dhl im having identical twin girls
tpos prehong breech position nla.mlabo n daw pumuhit kpg gnitong month
im 33 weeks pregnant.so asahan ko n daw n cs ako
very helpful po yung mga input ng mga moms n  cs na.

dag dag ko lang po sabi po kc sa ospital n bgo daw pauwiin dpt ng poo na c din ako..ganon po b yon?
ano po pla mga advised n kainining food
thnks po
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on November 22, 2008, 03:55:55 pm
speaking of food mga sis ilang oras or araw bago kayo pwede kumain after the operation? uhm pwede ba kahit anong food agad or yung mga soft  foods muna? :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: gwen's mom on November 24, 2008, 08:50:19 am
speaking of food mga sis ilang oras or araw bago kayo pwede kumain after the operation? uhm pwede ba kahit anong food agad or yung mga soft  foods muna? :)

after the operation, puro liquid lang muna pwede mo i-intake. pag nagpopo ka na (others eh nagsusuka) don ka pa lang pwede kumain ng solid food. ako dati jellyace, juice at candy lang binibigay ng hospital, after I farted pwede na soda crackers, nong napopo na, don pa lang nila ako pinakain ng rice at ulam.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: impulsive[$hopper] on November 24, 2008, 04:37:37 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover? - 1 month is enough

2.pwede ba na gising ako while sini-CS? - i was totally awake during the surgery!

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital? - 3 days

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya... - yup! medyo masakit nung inalis  :(

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili? - binder lang! it was provided by the hospital pero binayaran namin 'cause it was included on our bill

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa? - before ka ma-discharge from the hospital, dapat nakakalakad ka na...

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel - naramdaman ko but it wasn't painful at all
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: suzettefsy on November 25, 2008, 05:00:07 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover? -
 -6 months ang recovery period ng CS, hindi pwede ,magbuhat ng mabigat o sobrang mapagod kasi kahit na tuyo at magaling na ang sugat s labas eh sa loob fresh na fresh pa yan. better wait for 6 months before doing anything strenous

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- ako gising nung CS ako

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 4 days
4.naka catheter po ba kayo?
 -yes nakacatheter up to 2 days yun

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- i bought mine sa hospital na (para may extra ako), pag cs ka naman bago ka lumabas ng DR eh ibabinder ka na nila.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
-sakin within 24 hours kailangan ng maglakad

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
-may pressure lang na naramdaman pero no paoin... the pain comes after mawala ang effect ng anesthesia.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: yummymommy on November 27, 2008, 04:42:51 pm
hi sa mga mommies..... i just wanna thank you po sa lahat ng naitulong nyo sakin... sa mga mommies na di nagsawa sumagot sa makukulit kong tanong hehe :) bukas na ang big day ko so sana maging ok ang lahat.... matagal tagal din akong do makakapag online :'(  bye2 sp moms... magpost ako agad ng pix pag ok na ko hehe mwuahhhh :-* :-*

good luck!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! weeeeeeee!!!!!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mhara on December 09, 2008, 09:59:37 pm
 Ano po ginawa nyo para medyo  pumuti or hindi ganong halata yung tahi nyo?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ace.ara on December 10, 2008, 03:43:48 pm
hi sis me, i just gave birth last nov 7 under CS operation...
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
>mabilis ako nakarecover after 10 days nasa mega mall na ako bumibili ng crib :) mabilis lang talaga recovery ko. sabik din kasi ako lumabas kasi 7mos akong nka complete bedrest critical kasi condition ko noon.
2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
>gising ako during the operation at nung inakyat na ako sa rm at nakita ko na pix ni baby nakatulog na ako. kinuhanan kc ni hubby yung operation at paglabas ni baby... :)
3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
>3 days lang ako sa hosp
4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
>yep.nakacatheter tinanggal nila after 24 hrs
5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
>yung sa akin nabili ni hubby sa singapore naka stock lang sa hauz kaya dinala namin un pagpunta sa hosp at yun na rin ginamit ko rubberized siya pero cloth binder ata tawag dun.
6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
>pag tanggal nung catheter pinalakad na ko after 24 hrs
7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
>wala akong naramdaman kasi naka anesthesia naman  :)

good luck sis!!!!!!!!!!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: eiflayam on January 06, 2009, 10:29:19 pm
hi mga mommies!
just found this thread, very helpful sa katulad kong expecting for CS, Im now on my 33rd weeks, sana umabot p rin ako sa 37th week para full term p din, I have placenta previa, hayyy at first very depress ako pero after hearing positive encouragement from my friends and family medyo nawala ang depression ko, sabi nga ni hubby, mabait si God kasi alam niya n super takot ka sa labor dahil alam ko n mababa tolerance ko sa pain kaya siguro CS n lang kaya dapat daw wag ako ma depress, kaso biglang napalitan ng takot sa possible effect ng anesthesia, but again after reading this thread, napalakas nanaman ang loob ko, dahil dami pla ko katulad at feeling ko puro kayo happy sa outcome. At super na inspire ako sa kwento ni mommy cutiejoy about kay baby david, galing2x niya, our faith will really help us a lot at saludo ko sa hubby mo, kwento ko nga agad sa hubby ko eh, censya n daw ako kc d niya magagawa kasi 1 wk lang sya pwede stay dito, nid niya na agad bumalik sa UAE,1 wk lang kc binibigay emergency leave sa knila eh, pero ok lang thankful n ko dun atleast makakasama ko sya at makikita niya agad si baby. God Bless to us!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: kerbz16 on January 24, 2009, 07:02:41 pm
ako both CS and normal na-experience ko at tingin ko pareho lang naman siyang mahirap pero worth it...kase pareho ko naman silang anak...under there or sa hiwa man ng tummy lumabas, sa akin pa rin sila galing kaya feeling ko yun hirap ng CS to recover at yun super tagal na labor sa normal equal lang kase pareho silang regalo ni GOD sa amin ni jowa! not to mention the sleepless nights at pagiging pasaway when they get older! that's a different story though!  :D
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on February 01, 2009, 02:47:09 pm
Ano po ginawa nyo para medyo  pumuti or hindi ganong halata yung tahi nyo?

hi sis im using contractubex po ok naman... so far wala pang keloids at sana hindi na magkaroon hehe i gave birth via cs nov 27
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: momof twins2be on February 06, 2009, 12:02:08 am
hi mga cs moms...
i gave birth last dec. 17 cs me dhl twins babies ko girls both
ask ko lang kelan ba puwede na basain yung tahi?
im almost 6 weeks na pero super ingat p rin ako n wg syang mbasa evrytime maliligo ako
kyo b mga momies kelan nyo binasa yung tahi nyo..
when i look at my tahi parang d p sya completly tuyo kaya nttkot akong basain..pls give me advice thnks
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ahyzeyuh on February 06, 2009, 02:29:39 am
ako after 2weeks binasa ko na yung tahi ko...di ko na kaya lagkit ng buhok ko kaya naligo na ako ng bonggang bongga after 2weeks. actually sabi ng ob ko while im still in hosp maligo na daw ako, eh mga 4days pa lang me noon matapos manganak..

and actually dapat my weekly check ka or every 2weeks follow up check ka sa ob mo para mamonitor yung sugat.. 6weeks dats too long already dapat tuyo na yan.
me after 4weeks manganak nadulas na ako sa floor, i give birth oct 17, nadulas me Nov. 18... den Nov 19 nahulog naman me sa hagdan... and so far, so good di naman me nabinat o nasira yung tahi ko.. ;D
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: RayceMom on February 06, 2009, 11:51:32 am
sabi ob q wag mabother basain ang tahi kata pagkauwi, after 5days ata, nagbath na ako.. tas pinalinis q na sa dad after..

sis ahyzeyuh.. kawawa ka  naman daming aksidente :) sana mag ingat ingat ka ng konti.. hehe
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: renalyn gungon on February 06, 2009, 01:04:02 pm

ako naman after my second CS operation, 2 weeks plng nasa mall na ko bili anek anek ky baby. Nung una din super ingat ako basain yung sugat ko kahit wala ng gasa at tuyo na. tkot kc ako bk mgnana pg binasa agad. Nw 2wks nung matuyo na yung sugat ligo n agad me diretso basa sugat. OK naman n cia, bsta mke sure sis tuyo n tlaga as in sarado na yung pinagtahian.  :)

(http://lilypie.com/pic/090204/86V7.jpg)(http://by.lilypie.com/n8QSp8.png)

(http://lilypie.com/pic/090110/n8Qv.jpg)(http://by.lilypie.com/RmuIp8.png)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: eiflayam on February 06, 2009, 09:45:31 pm
Hi mommies,
I just gave birth Jan. 28 via CS, sabi OB ko as long as kaya ko na mag stand nag sarili ko pwede n maligo basta lagyan lang muna plastic yung sugat para d mabasa kaso ayaw ng mother ko, after 10 days n daw para iwas binat, kahit n sobrang init n init n ko sa katawan ko sunod n lang takot din kasi ako sa binat, kaso ang question ko, pano ko malalaman tuyo n yung sugat ko at kelan kayo nag tangal ng binder medyo hirap kasi kumilos eh pero masakit naman pag wala binder. thanks.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: RayceMom on February 06, 2009, 10:33:56 pm
Hi mommies,
I just gave birth Jan. 28 via CS, sabi OB ko as long as kaya ko na mag stand nag sarili ko pwede n maligo basta lagyan lang muna plastic yung sugat para d mabasa kaso ayaw ng mother ko, after 10 days n daw para iwas binat, kahit n sobrang init n init n ko sa katawan ko sunod n lang takot din kasi ako sa binat, kaso ang question ko, pano ko malalaman tuyo n yung sugat ko at kelan kayo nag tangal ng binder medyo hirap kasi kumilos eh pero masakit naman pag wala binder. thanks.

sabay bday baby natin sis :)

bakit kaya magkaiba sinasabi ob? sabi ob q never mind mabasa pag nagbabath..tsk..

hehe.d nga natin malalaman kung tuyo na sugat :) ano binder mo sis? ako una yung nabili q sa dep store sa sm. tas parang naallergic ako sa velcro thing niya. mas ok yung sa watson na blue, malambot pa.. pag uncomfy na talga ako tinatangal tangal q.. pero kinakabit q pa rin kz mas mabilis kumilos pag meron..

kamusta na recovery mo sis? sumasakit p? nakakatayo ka na mag isa at nakakalakad mabuti? ako medyo ok na..

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ahyzeyuh on February 07, 2009, 02:29:46 am
salamat RayceMom :)

ewan ko ba after a month i giv birth aside sa dulas at hulog sa hagdan  inakyat bhay pa kami, buti di kami cnaktan nong mgnanakaw.

sa takot mgbasa ng , bsain na habang maaga para atleast magagawan pa ng paraan. once mgnana gora agad ky doc. mgnana lang naman yan if di maganda o malinis pgtahi.
base nio n lang ngyaring aksidenti sakin and eto ok naman me at ang tahi ko  :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: momof twins2be on February 07, 2009, 10:13:44 pm
ako after 2 weeks mlkas n ko at nag mall n din...
naliligo nko pero super ingt prin ako n wag mabasa...paano ko b mllman mga sis kung tuyo na yung tahi ko?
everyday ko sya nililinisan at pinapalitan ng gasa..
nttkot lang talaga ako mbasa sya..feeling ko kc dp sya completly heald
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: RayceMom on February 09, 2009, 01:45:19 pm
sis eiflayam, yung sogo yung old q..yung nagkarashes ako dahil sa velcro..mas ok sa kin yung sa watson kz malambot..

ok na ako now sis.bara bara na tumayo atmaglakad :) parang tuyo na din sugat.ginagamot lagui ng dad.

sa pag ihi q,madami naman but parang may hapdi sa dulo..baka kako sa sugat sa loob. 1st check up namin ni baby bukas..ask q ob

yung bleeding q nawawala tas nagkakaron..mostly brown.kaya naka panty liner na lang ako.pag lumakas lang ako nagpapads.. tas pag may pads na wala na..

naliligo ako palague sis simula umuwi 3rd day.. warm water. pero kahit gabi..ok naman so far :) pag tinatamad lang d naliligo :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: prhea on February 09, 2009, 02:18:38 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover? -
 -ideally, 3-6months ang recovery. pero sa case ko, mabilis lang naman. after a week, nkapag-grocery na ako sa mall. hehe...

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- during the operation, i was fully awake..nakita ko ang baby at na-kiss ko pa.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 5 days ako kasi i was confined earlier dahil bumaba amniotic fluid ko. so pinainom ako ng sobranggggg daming water para daw umincrease yung fluid. pero ganun pa din, emergency CS ako kasi mas lalong bumaba when i had my ultrasound on the 2nd day sa hospital

4.naka catheter po ba kayo?
 -opo, nka catheter ako

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- i dont know kung ano exact tawag non. after the operation, meron nang nakakabit sa akin na binder. sa hospital yun galing.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
-after 2 days pa ata ako naglakad, di ko na maalala pa, hehe

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
- wala po akong naramdamang pain, even after the operation
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: tridz on February 09, 2009, 03:10:31 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
-for me, one week pa lang ok na ako nakakapag-mall na ako nun. Bawal lang magbuhat ng mabibigat at kelangan wag mabasa sa ulan para di mabinat.
2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
-Gising ako during operation, nakita ko pa yung twins ko habang isa-isa nilalabas then yung huling twin pagkatapos ipakita sa akin nawalan na ako ng malay.
3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
-3 days and 2 nights lang ako sa ospital, depende sa recovery mo kelangan nakapag-popo ka na para ma-release ka ng OB mo. Emergency CS ako napaaga ang operation kasi lumabas na yung panubigan.
4.naka catheter po ba kayo?
-yes, naramdaman ko na lang na naka-catheter ako nung nasa room na ako.
5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS
-I don't know the specific name sa mercury namin binili it only cost less than 500 basta wag yung rubber kasi mainit yun.
6.pwede ba maglakad agad after ng operation?
-usually, di pa kaya ng katawan mo after operation. a day after, nakatayo na ako kasi sabi ng doctor nasa saiyo kung pano ka gagaling kelangan tulungan mo ang katawan mo to recover kaya subok ako maglakad.
7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel?
-wala ako naramdaman any kind of pain during operation.

Ok mommy..hope this will help you as a guidance!

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: eiflayam on February 20, 2009, 02:53:11 pm
hi mga CS mommies, ask ko lang sana, ilang weeks bago nyo totally hindi na nilalagyan ng gauze yung sugat nyo at d na naglalagay ng binder?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy shelaih on February 20, 2009, 03:23:22 pm
hi sis ako as soon as natuyo yung labas hindi ko na nilagyan ng gauze tapos yung binder around 6weeks tinigil ko na ang init kasi eh  :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: RayceMom on February 20, 2009, 03:48:20 pm
hi mga CS mommies, ask ko lang sana, ilang weeks bago nyo totally hindi na nilalagyan ng gauze yung sugat nyo at d na naglalagay ng binder?

sabi ob q,after 2wks ng nagpacheck up ako, d na pinalagyan binder.. almost healed na lhat although may part sa pubic hair na d pa.. un yung nagsugat now..

sabi din dya about binder,pag kaya na,pwede na.. b4 mag2wks,d q na nilalagyan binder..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: eiflayam on February 20, 2009, 08:03:17 pm
thank you mga sis, sabi kc OB ko pag daw wala ng bula pag nilagyan ko ng agua oxigenada pwede n daw wag takpan eh kaso kahapon pag linis ko napansin ko yung dulong part medyo may unting bula pa eh isip ko baka ako lang ang matagal n naka gauze at binder.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ahyzeyuh on February 26, 2009, 11:03:03 pm
hi mga CS mommies, ask ko lang sana, ilang weeks bago nyo totally hindi na nilalagyan ng gauze yung sugat nyo at d na naglalagay ng binder?

da moment my OB advice me not to use guaze again, siguro 3weeks un, same time din sa binder, but mom wants me to contnue using binder para daw lumiit yung tummy, but ako ubod talaga ng tamad at mskt eh so i stop it
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Inay_Mae on April 25, 2009, 06:17:32 pm
After CS operation mga mommies, syempre next prob will be the SCAR on our tummy. Anyone? how can we get rid of it? Sana may pag asa pa...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: jvcav08 on August 04, 2009, 11:17:21 am
1.ilang months po bago kayo nakarecover?

ako recover di ko alam if recover tawag dito..on my 7th day nagdri drive na ako..going to my ob...and im doing yung mga usual stuff na ginagawa ko before..

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?

half awake po ako..

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
 3 days

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
 
yup naka catheter..nakikipag away pa nga ako kasi masakit at naiilang ako lol

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
 
sa mga mercury meron..200+ ata..pero makapal un masyado at mainit..try mo bumili sa soen meron sila nung manipis na binder..

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
 
the following day u need to walk..dahan dahan..

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel

di hehe
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ❤εïз ShE εïз❤ on August 04, 2009, 02:55:13 pm

1.ilang months po bago kayo nakarecover?

1 week. umattend nako kasal.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?

half awake po
3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?

2 days

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...

 opo. ang sakit niya pag tinanggal.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
 
Binder. hehe. Mercury or Watson. Meron din s SM s section ng Bra at Panty

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
 
after 8 hours, naglakad nako, i need to breast feed my baby.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel

wala ako naramdaman.[/]
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mOmMy sEz® on August 06, 2009, 07:21:24 am
1.ilang months po bago kayo nakarecover? -
 - in less than a month nkarecover na ko nakakaakyat baba na ko ng stairs after a week ata.. nasasayo rin kasi yan kung kaya na ng katawan mo..

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- yes.. i was fully awake when i had my operation.. nramdaman ko lang yung bed na umalog nung nailabas na nila yung ulo ng baby ko.. and i fell asleep after the operation
 
3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 3 days,

4.naka catheter po ba kayo?
 - yep..

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- dunno how much un eh.. pero u can check it with mercury if they have it..

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
- puwede na as long as kaya mo na..

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
- wala talaga.. as in ala.. manhid buong katawan ko and mukha lang nraramdaman ko.. hehe..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy daryl on August 06, 2009, 08:34:48 am
1.ilang months po bago kayo nakarecover? -
 - 3rd day palang after ko lumabas ng hospital nag mall na kami ng hubby ko

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- yes.. yan talaga dapat.  Your anesthesiologist will keep you awake and ask you questions will the operation is on-going
 
3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- I was there 4 days

4.naka catheter po ba kayo?
 - yep..

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- my OB did not advise me to use a binder kasi bikini cut ako

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
- your OB will let you walk and stand up 24 hrs after your operation

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
- totally wala
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Dhuvie on August 06, 2009, 08:54:18 am
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
* Ako pang 5 days palang nag SM na kami ng hubby ko..
2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
* Yup ! mas maganda kung gising, but base on my experience, my anest give me pamptulog, but then nilalabanan ko yun so kahit medyo bangenge ako once na paghugot ng anak ko sa tummy ko dinig ko agad iyak niya.
3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
* Basically 4 days
4.naka catheter po ba kayo?
* UU naka catheter talaga kasi after the operation they must monitor you urine.
5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy?
* Binder lang sya, sa hospital meron na yun, kasi nun ako manganak bago ako lumabas ng hospital nilagyan nila ako nun ang I paid it aroun 300+.
6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
*Your OB will tell you na tumayo ka at maglakad after 24 hrs na naoperahan ka.that is the part na mahirap talaga kasi masakit pro kelangan eh..
7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
* Definitely wala...

BUT THE BEST IS PRAY KA LANG talaga NA MAGING OKAY KAYO NG BABY MO...good LUCK SIS...GO BLESS YOU..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy_mia on August 06, 2009, 01:11:45 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover? -
 - after ko lumabas sa hospital, medyo naka-recover na ko kc ako na nag-aalaga kay baby

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- yes.. im aware sa mga ginagawa sa akin kaso parang I cant move hehe
 
3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 2 1/2 days lang sis

4.naka catheter po ba kayo?
 - yep..

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- naku sis mga bigay lang saken, i think its an ortho binder

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
- your OB will let you walk and stand up 24 hrs after your operation

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
- totally wala kang mafe-feel sis
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: BASTI on August 06, 2009, 01:44:13 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
- right after the operation sis ok ka naman basta wag ka lang maxado gagalaw..
R.E.S.T. is the key sis... Remember nasa katawan yan ng tao sis...
dont panic.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
-Yes! ako nun gising na gising and nakikipag kwentuhan sa doctor ko.. hehe

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
-3 days lang

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya... :(
-Yes! ganun ata talaga un... I remember sa 2nd say ako tinanggalan nun e...

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
-150 lang ata un,, mura lang un sis.. sa drugstore meron nun and sometime hospital meron din

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
-RELAX... u really need to walk but not right after the operation.. baka bumuka tahi mo... mas delikado un!

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
-Meron pero hindi yung sakit.. Nararamdaman ko lang na may ginagawa sila sa chan ko...
remember may Anesthesia un sis.. hehe

Goodluck...

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: jackiebee on August 06, 2009, 08:56:20 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
- depende kung healthy ang lifestyle mo, mas mbilis makarecover ang body mo, pinaka masakit yung 1-3 weeks after operation. pero worst yung 2nd day when you really have to get up and try to walk.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
-Yes! pero ako tulog pero conscious ako naririnig ko mga usapan. then ginising ako to show me my twins, un yung ipapadede yung dede mo pra maglctate daw, saka parang bond ng mom at newborn ta un.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
-7 days kasi i waited for my twins to recover kasi naka incubator nothing serious naman jaundice lang. kaya hininty ko na sila, nagcheck in na me sa hospital so i can visit them as often as i want. pero ika 5 days ko pa lang pwede na ko madischarge

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya... :(
-Yes! d ko sya masyado naramdaman nun nilagay kasi un effect ng anaesthesia. pero nun tinaggal medyo may konting kirot lang.nilalagay un para d mo na kelangn bumangon to pee.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
-mas maganda yung binder ng mga naggygym yung parang yung parang may velcro kasi talgang maganda ang hawak niya sa tyan mo. nagtiis ako ng 2 weeks dahil d ko nilagyan ng binder.. pero trust me as in makakatulong sya,kasi yung tummy mo parang lawlaw at everytime u turn side sa bed parang kalas ang laman loob kaya kelangan mo yan.para d masyado masakit

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
-i walk on the 2nd day. ayaw ko ng wheelchair, nangnak lang ako hindi ako naimbalido mas mahirap ibeybi ang sarili mo.isipin mo may batang umasa sayo.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
-ang effect niya is parang pag binubunutan k ng ipin d ba parang destorted na face mo pero wala ka maramdaman. naka general anaesthesia ka kaya wala ka mararamdaman. pero un nga para baboy na kinakatay umuuga halos buo katawan.

well wag ka matakot, ako kasi nun asa operating room na nanginginig na ako sa nerbyos. hehehhe.pero mas excited ako. pray and be strong.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: apple28 on August 09, 2009, 03:24:57 pm
after a month ok na ako, pero syempre mahirap pa din gumalaw ng husto, 4months bago ka makapag exercise. 3days lang ako nag stay sa hospital, almost 100k n kasi yung bill, so i decided na umuwi na, kaya na naman kasi, gising ako nung operation, di daw kasi puwede patulugin kasi matutulog din si baby, so hindi nila matitignan kung buhay o patay yung baby, yes naka catheter, at first di ka kasi pwede gumalaw, naka binder ka after ng operation.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: yelicious on September 27, 2009, 05:36:51 am
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
* 2 1/2 weeks..

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
* yes. but in my case, tulog ako.. dinadala pa lang ako sa operating room groggy na ako dahil sa anesthesia haha.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
* 3-4 days, depende kung nakautot ka na.. lol
at kung kelan kaya mo na talaga.

4.naka catheter po ba kayo?
* yup. at grabe first time experience ko jan!!
ansakit lalo na nung tatanggalin na. mangiyak-ngiyak ako sa sakit! :(

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy?
* abdominal binder

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
* yun ay kung kaya mo na, meron ako nakasama sa feeding room (while still in the hospi~recovering) kaya na niya maglakad-lakad at nadadalaw na niya baby niya sa nursery day after delivery, while ako 3days pa bago ko nakayang maglakad.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
* nope.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mhine on October 11, 2009, 01:30:04 am
i delivered my baby by cs lstsept 23..not because he's big..acyually 5.2 nga lang siya..mataas bp ko...

I feel pain sa stiches ko lately..ag hirap din mag pee sobra..headaches becomes often na rn..ad last nag chill ako bigla..kahit sobrang init..im still using my binder..

any advice for fast recovery?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ladyvampire on October 11, 2009, 10:05:07 am
sis hindi kaba minonitor ng OB mo after mong magdeliver with high BP?

ako kasi - hypertensive din ako but i havent delivered yet.  my OB told me we can try for normal delivery but even if i afford to have NSD, kailangan pa din ako magstay sa hospital or report to hospital to check my bp.  headache is a sign of increasing bp kaya you have to be concern.  kung mataas po ang bp mo, ilan po ang nakukuha mong reading?

kung umaabot ng 140-150 yung upper systolic reading mo and 90-100 yung lower diastolic, magpacheck kina kasi it can be a sign of a problem that you should be concern of - try reading about eclampsia.

pain in the stitched areas may also signal infection - try researching about tetanus infection... baka puwede ka humingi ng suggestion from your OB of any pain reliever so you can get manage the aches for the mean time like ibuprofen or paracetamol but then again, take these med kung prescribed lang.

better to err in the side of caution rather than being too laxed in the side of certainty.

goodluck mhine.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: precios on October 11, 2009, 11:04:12 am
sis d ba minomonitor yan sa ob after giving birth?ang kahit a month pinababalik ako sa ob ko,just to check my stitches..better pa check up ka nalang po para maadvisan ka din,,and tell your ob bout your stitches.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: jOchEbEd on October 12, 2009, 08:55:50 am
CS din ako but i haven't experienced pain sa stitches ko.  i had my check-up two weeks after my delivery with my OB. 

i think this is a concern you need to raise with your OB.  God bless.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: pri-t on October 12, 2009, 08:20:03 pm
mommy ako rin minsan may headache..i gave birth via cs din last sept.27 and most of the time pinapawisan ako ng malamig..natanong ko na yun sa ob ko nung last wed.1st check up ko after i gave birth..sabi niya minsan daw kc effect yung ng anaesthesia..pag ganun lie down flat daw ako sa bed..sa wed.pa check up ko ulet and meron na naman ako concern sa ob ko..kc po 4 days after i gave birth naging brown na yung blood na lumalabas sa kin then after a few days naging red n naman sya at medyo lumakas nung una but now medyo mahina na ulet at light red na..mga mommies na cs is it normal po ba? then kanina lang po sumakit ng sobra yung puson ko pati balakang...as in sakit tlaga nung uminom po ako mefenamic acid ayun nawala po sya...medyo worried lang ako sa mga nararamdaman ko..super panic pa naman ako pag ganun kaya minsan nagagalit sa kin hubby ko  :-[ bukas dadalhin namin sa pedia si baby..after nun magpapa check na ko..d na po siguro ako maghihintay till wed.na orig na sched ng check up ko...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mayNS on October 13, 2009, 06:07:57 pm
hi mommies,cs din ako nung sept.29.. 2 weeks na ngayon.. so far wala naman akong nararamdaman pain even after my operation.. thank god walang complications.. 2 days lang din ako sa hosp.

mommy jvcav08, swerte mo nakapagdrive kina agad.. bikini din ako.. kaso sa chinese ang dami bawal as in.. yung mom inlaw ko nagaalaga saken.. dami ritwal hehe its for my own good naman so ok lang.. gusto ko na din magmall.. nakakabore sa room.. naka room arrest kasi ako ngayon..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: AriesMom on October 19, 2009, 03:33:41 pm
Hi mga sis, ask ko lang sana kung ilang taon ba dapat bago mabuntis ulit kapag CS?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ilovegabe on October 19, 2009, 03:39:55 pm
Ideally you should wait for 3 years.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: LOVEmyLIFE on October 19, 2009, 06:07:50 pm
Repeat CS ka ulit kapag ganun. Ang risk lang is hindi pa fully healed ang wound inside. With me, it's already 6years pero till now wala pa din kasunod. Good thing lang is pwede na akong mag Normal Delivery for my next one if ever... :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ladyvampire on October 19, 2009, 11:37:32 pm
cs me last oct13 - traditional cut.
after 3 days, alive and kicking na ako. although medyo may konting kirot kapag najingle.

almost one week no when i delivered and i am recovering pretty fast sabi ng mga nakakakita sakin.

im taking a prescribed antibiotics and some pain reliever if pain becomes annoying - but so far kayang kaya.

sabi ob, madali ang bikini cut for recovery but if you are hoping to deliver NSD on your next pregnancy, lesser is the chance of uterus tearing compared to the bikini cut.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: pie06 on November 01, 2009, 06:40:44 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
mabilis lang.  2nd day pa lang since lumabas ako ng hospital nanood na kami ng movie ng husband ko.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
I'm fully awake and nakatulog na lang ako 3-4 hours after the operation.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital? 2days, 1 night

4.naka catheter po ba kayo? yes

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?  galing sa hospital yung binder ko.  Parang nasa 200-300 lang ata yun.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa? nakapaglakad na ako less than 24 hours.  Mabilis nga daw ang recovery ko kaya 2 days (less than 48 hours) nakalabas na kami ng baby ko sa hospital.  Pagkalabas pa ng hospital, akyat baba pa ako sa house namin.  Nung dinala namin ang baby ko sa hospital (15th day from birth) for his first checkup yung girl na nakita ko na na-CS din daw cia at lamang lang ako ng 2 days sa kanya na nanganak hirap pa rin siya sa paglalakad samantalang ako parang a week lang then normal walk na ako.  Nagtaka pa nga mom ko kasi nung 2nd week ko then sumama na ako sa kanya sa grocery sabi niya bat ang bilis ko daw maglakad, mabilis pa daw akong maglakad kesa sa kanya parang di daw ako nanganak.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
Never akong nakafeel ng pain.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: prhea on November 17, 2009, 03:42:18 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover?on the same day after the operation..with my first child, mabilis after 2-3 hrs ata from the recovery room, fully awake na ako. But with my second, medyo matagal, almost 8hrs akong tulog. ;D after a week, ok na ako, nakakakilos na ng mayos..dalaga na ulit, hahaha

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
With my first, i was fully awake til tinahi na nila tiyan ko, but with my second, medyo drowsy ako non, wala kasing tulog the night before. excited siguro ???, hahaha ;D

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital? 3 days and 3 nights

4.naka catheter po ba kayo? after the operation,yes

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?  ewan sis kung ano exactly tawag don, basta binder pangbuntis after manganak ang tawag ko..meron sa hospital which costs P300+, meron din sa mga pharmacies...

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa? nakapaglakad agad ako sis during sa 2nd child ko, less than 12 hrs after the operation. I had to, kasi hindi kaya ng kasama ko mag-assist sa baby. Kahit sobrang sakit pa, kinaya ko talaga kasi na room-in agad ang baby at kailangan din i-breastfeed kaagad (ang lupet nila! huhuhu :'()..pero ok lang naman, nka survive din kahit papano. Thanks God! :)

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel? walang ma-feel sis, dahil sa anesthesia...kaya don't worry.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: justine2007 on November 17, 2009, 04:02:47 pm
singit lang mga moms..yung binder lagyan mo muna ng lampin para hindi mainit at wag betadine ang pang gamot try cutasept di ko lang alam kung tama speling basta soundslike ask n lang sa drugstore hehe mabilis cyang makpg heal ng wounds...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ^_mOmmyaIra_^ on November 21, 2009, 01:44:10 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
depende sayo, kasi ako 3 days lang ako sa hospital

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
Im awake during the operation, Di na ako sinaksakan ng pampatulog kasi dami ns gamot sinaksak sa akin before operahan

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital? 3days & 2 nights

4.naka catheter po ba kayo? yes

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?  yung binder ko binili sa mercury drug, nasa 600 yata siya, cant remember na how much

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa? Ako nag lakad the other day after ng operation para mabilis recovery.. hehe.. tsaka para maaga rin maka labas ng hospital..

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? ako naramdaman ko na nasa tummy ko yung pang hiwa nila pero walang pain.. masakit na lang siya nung nasa bahay na ako..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: dedski on February 15, 2010, 09:46:35 am
mommies, spinal anes din ba kayo? meron pa ba ibang option sa anes route?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: momgraze24 on March 07, 2010, 01:57:11 am
mommies meron ba sa inyo na ka experience na medio nagred and swollen yung sa pinakadulo ng tahi niyo? parang ganun kasi nangyari sa kin but wala namang fluids or what wala ring pus,parang irritated lang.pero 1 yr 4 months nko since I gave birth to my youngest pero repeat CS na ko.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Shanelle™ on March 07, 2010, 09:12:47 am
mommies meron ba sa inyo na ka experience na medio nagred and swollen yung sa pinakadulo ng tahi niyo? parang ganun kasi nangyari sa kin but wala namang fluids or what wala ring pus,parang irritated lang.pero 1 yr 4 months nko since I gave birth to my youngest pero repeat CS na ko.

mommie wala naman.. sakin nagkeloid lang huwaaaaaaah.. pero pacheck mo din sa OB mo to be sure...

@TOPIC:
1.ilang months po bago kayo nakarecover?

- 2nd day nakatayo na ako. mabilis naman ako nakarecover. gustong gusto ko na nga maligo kaso hindi naman ako pinayagan. 2wks after pa ako nakaligo. nakakahina kasi pag hindi ka naliligo. :P

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?

- yes pwede kang gising. ako gising ako the whole time. at medyo groggy nung tinabi si Gab sakin.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?

-- 2days, 1 night (oh di ba parang hotel lang)

4.naka catheter po ba kayo?

- yes. Akala ko masakit sha.. hindi naman. nakakairita lang.. hindi mo mararamdaman pagkabit kasi sa nilagyan ata ako nun sa operating room? pati pagtanggal wala ka mafifeel..

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?

- tummy binder.. meron sa Mercury.. persona tatak 800 something. maganda sha... advise ko mag binder ka da whole time naka leave ka.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
-- yup. dapat talaga tumayo ka nga kaagad eh kasi da more iisipin mo na hindi mo kaya, da more manghihina ka.. the next day naglalakad na ako papunta nursery.. sinasaway nga ako ng mga nurse kasi anglikot ko.. medyo ewww lang feeling kasi pakiramdam mo mahuhulog organs mo hehe

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo?

-- nope. naka anaesthesia ka nun... pero ako nag iinarte.. sabi ko aw aw aw kasi nararamdaman ko na me kinakalikot sa tummy ko .. so taranta yung mga doctor sakin hehee.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Fepz2000 on March 23, 2010, 03:23:02 pm
hi. Newbie here.

Just wanted to share something. I'm 33 weeks pregnant na. May 5,2010 ang due date ng delivery ko. Had cs 4 years ago due to placenta previa. Male OB suggested to me to try normal delivery. I am hesitant as I am afraid for the consequences coz I heard stories of mommies who tried to give birth vaginally but in the middle of their panganganak, the birth canal suddenly began to close... parang ganun... Tsaa, marami pang ibang risks... dun ako natatakot bcoz i don't want it to happen to our unborn baby eh di bale ng ako nalang ang maghirap sa cs, wag lang si baby for it could be a lifetime sacrifice for him. Last baby ko na to. It's a boy and the eldest is a girl kaya enough na kami ni hubby sa 2.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: momgraze24 on March 27, 2010, 10:11:17 pm
^ mahirap din sis magtry ng normal kasi d nila puedeng ipush yung tummy mo pg nagde2liver ka na..as for me nag CS na rin ako sa 2nd baby ko..yoko magtake ng risks..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: addicted2jakey on March 28, 2010, 06:29:59 am
@TOPIC:
1.ilang months po bago kayo nakarecover?

- i gave birth friday tas kaya hindi me mkatayo ng sat the next day nkacatheter p ko pero ryt after nun i startes to walk, hehe kahit medyo makirot pa.. me alalay lang. pagpunta restroom tas sunday me na pumupunta sa nursery for breastfeeding time ni baby

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?

- Yup, gcng ako the whole time ng operation.. they talked to me p nga, yung anaest doctor and iba nagaasist.. even my MIL (kc cia kasama ko sa loob, OB din cia) friend niya kc yung OB ko, then after operation pinatulog n nila ako..
 
3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?

-- i was admitted thu nyt for prep then out monday afternoon...

4.naka catheter po ba kayo?

- yes.Pero hindi ko nrmdaman nun nlagay sakin kc me anaes n ako, nsa OR na ako nun.. the nxt day inalis n din nun nsa room n me.. nkkairita kc cia.. sobra relieve pagkaalis hehe..

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?

-binder din sis, hehe... meron inoffer ang hospital sakin pero cnbi ni MIL meron n me hehe.. mgnda yung bnlii ni mom sakin, yung sa avon, 2 typs yung binder ko: yung may hooks and yung velcro typ.. may fil ko yung hooks hehe..

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
-- ako, after removal of catheter nglakad n me..

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo?

-- hindi.. kc me anaes na.. lower extremities mo numb na... ang nffil ko yung sa insyt ko, nksafastdrip! e ang sakit.. cnbi ko pinalitan yung D5LR hehe..
[/quote]
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: jinchloe on March 28, 2010, 02:44:23 pm
mommies meron ba sa inyo na ka experience na medio nagred and swollen yung sa pinakadulo ng tahi niyo? parang ganun kasi nangyari sa kin but wala namang fluids or what wala ring pus,parang irritated lang.pero 1 yr 4 months nko since I gave birth to my youngest pero repeat CS na ko.

sis, yung sa akin ngayon ganon.. nagred muna then swollen..and unconciously siguro nung naliligo ako nagkaron ng maliit na butas kasi natanggal yung parang langib.. then ngayon may nana.. pero maliit lang at pagaling na rin.. 1 and 1/2 months pa lang ako nakakapanganak now.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: momgraze24 on March 29, 2010, 12:05:05 am
^sis weird nung akin eh 1yr 5 months na youngest ko ngaun tapos lately lang nangyari siguro nakamot ko.nagworry nga ako buti na lang gumaling na
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: jinchloe on March 30, 2010, 04:43:39 pm
talaga sis? ganun pala talaga pag CS 'no? kahit taon na meron pa rin maramdaman na kirot or sakit or minsan gaya niyang sa'yo.. di ba marks na lang siya ngayon? close na ulet yung maliit na butas nung sa akin ngayon pero andun pa rin yung kirot pero wala ng nana..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: leiyah on March 31, 2010, 03:27:31 pm
usually kapag malamig makati yung tahi kahit matagal na siya
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: dedski on May 04, 2010, 08:44:12 pm
sino po dito ang na-repeat CS pero magkaiba yung OB nyo nung first and 2nd pregnancy? is it Ok lang kaya to change ng OB pag repeat CS?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: domestic diva on May 22, 2010, 05:29:32 pm
^@ sis dedski:  this is my 3rd baby. will deliver via c/s (repeat).  i changed ob with this baby. mas ok ang alaga sa akin ng current ob ko.  i'm confident that she'll do fine when i have my c/s next month.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommyjhoyce on May 24, 2010, 06:39:20 pm
hello po.. i have 3 kids napo pero first time ko ma-cs sa youngest ko. last may 8 lang po ako nanganak. questions lang po sa mga mommies dito, ilang weks o months po ba dapat suotin yung binder? tsaka ilang weeks o months po bago kayo nakapag suot ng maong pants? ok naman po yung tahi ko pero nagwoworry ako na baka pag nagalaw ko sya like maipit sa maong o matamaan ng kaunti pag hindi ko na suot yung binder eh mapunit yung tahi... thanx po sa mga magrereply... :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: dedski on June 02, 2010, 05:34:01 pm
siguro mga 1 month lang ako nagbinder, then I wore maternity panties para covered yung wound site ko until matuyo. basta panties na di low waist para di sumabit sa garter sa wound pwede na yun.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: BASTI on June 02, 2010, 06:20:15 pm

Question:

They say pag CS, matagal daw bumalik ang tummy compare sa Normal delivery...

1. What do u usually do on this? Ganon ba talaga yon?

2. Keloid yung tahi sakin.. May mga ganon din po ba dito?  Ano ginawa nyo sa Scar?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ehys15 on June 09, 2010, 12:15:08 am
mommies meron ba sa inyo na ka experience na medio nagred and swollen yung sa pinakadulo ng tahi niyo? parang ganun kasi nangyari sa kin but wala namang fluids or what wala ring pus,parang irritated lang.pero 1 yr 4 months nko since I gave birth to my youngest pero repeat CS na ko.

sis, yung sa akin ngayon ganon.. nagred muna then swollen..and unconciously siguro nung naliligo ako nagkaron ng maliit na butas kasi natanggal yung parang langib.. then ngayon may nana.. pero maliit lang at pagaling na rin.. 1 and 1/2 months pa lang ako nakakapanganak now.

sis,, what po nilagay u para matuyo yung nana,, kasi me din nagka nana yung dulo ng tahi,, 12 days plng ,me after ma cs now,,,,tsaka nababasa mu ba yung tahi pag naliligo ka??
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: pie06 on June 09, 2010, 05:02:04 pm

Question:

They say pag CS, matagal daw bumalik ang tummy compare sa Normal delivery...

1. What do u usually do on this? Ganon ba talaga yon?

2. Keloid yung tahi sakin.. May mga ganon din po ba dito?  Ano ginawa nyo sa Scar?

1.) I wore binder for 1 1/2 month kaya bumalik kaagad.
2.) Naging keloid yung tahi sa akin sa bandang baba lang ng tahi.  I already tried Contractubex and Dermatix pero di naman natanggal kaya pinabayaan ko na lang.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: len_wowie on June 19, 2010, 10:13:54 am
hi!momies.. nung na 1st time kng ma-cs tkot na takot me..kc naman po ang dami ng ito2rok syo, tpos sb ko pa bka dna me magising gwa ng anesthesia,gising nga me nung inuoperahan ako, nkatulog n lang ako nung umiyak ang beyb ko,3days me s hospital, mskt pag 1st cs, unlike nitong 2nd cs ko after 3yers bgo me mbuntis, nag cs me nung MAY 13,2010, 1month p lang c beyb ko,pero eto ngcchat na..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Katie on June 27, 2010, 02:20:08 am
This is my 3rd baby, but first time cs. Grabeh, sakit sobrah ng anaesthesia sa back ko. tas hindi pa pwedeng lie on the sides for the first 8 hours, eh hindi pa naman ako sanay matulog ng nakatihaya. huhu.
 
merong ding pus na lumabas dun sa dulo ng tahi ko, then sabi ng OB to clean it with betadine. tuyo na siya ngayun pero natatakot ako kase nagka keloid ako sa shoulder dati, baka magka keloid din sa tahi ko. how to avoid kaya? tsaka bat kaya nagkaka keloid?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: shadraniaj on August 08, 2010, 11:04:52 am
mga cs moms, gano katagal kayo nag take ng antibiotic nyo after ma-cs? another question din, ilang weeks ang inabot bago nyo nabasa sa pagligo yung tahi nyo? thanks in advance sa replies.  :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: burn24 on August 08, 2010, 12:14:08 pm
mga cs moms, gano katagal kayo nag take ng antibiotic nyo after ma-cs? another question din, ilang weeks ang inabot bago nyo nabasa sa pagligo yung tahi nyo? thanks in advance sa replies.  :)

Hi Sis ShadRaniaj,

Me with my 2nd baby CS ako last 2007 I took the antibiotic more than 2 weeks lang, then ang pinagamit ng OB ko for cleaning my tahi is Agua Oxenada then after a week saka may Betadine it heals fast. Then nabasa ko sya after 3 weeks yong alam kong tuyong tuyo na to be safe  :D iwas lang na mabangga or maipit specially if youre wearing tight clothes as much as possible loose shirt or duster ka muna and pinaka importante Binder sis it will help sa pagliit ng tummy at pag galing ng tahi wag yong mainit na binder pang aerobics ha yong tela mas maganda
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: xandernok on August 08, 2010, 12:30:44 pm
sino po dito ang na-repeat CS pero magkaiba yung OB nyo nung first and 2nd pregnancy? is it Ok lang kaya to change ng OB pag repeat CS?

Hi sis dedski,

Yes its ok!
But I suggest you provide your second OB with your operation record. Kase if your previous  is bikini or traditional (vertical) cut. pwedeng inside kase hindi ganun yung cut.
If you dont have naman that record. ok din lang, pero you need to adv your OB about your prev operation like reason bakit ka na-cs..anyway my ob kase siya na lahat nagtanong sakin nun eh..
 ;D
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mai228 on August 10, 2010, 04:38:53 am
during my last pre natal check up(38 weeks) me and my husband decided na mag pa sched cs na, super worried na kc ako dahil napakalaki na ng tummy ko. iniiwasan ko kc mag poop c baby sa loob ng tyan ko at isa pa, iniisip ko na baka mag labor pa ako sa kalakihan naman ni baby e ma cs din. so ayun at 38 weeks na cs ako. grabe yung tinurukan ako sa spinal super nasaktan ako tapos dahil malaki ang weight gain ko parang nahirapan ang anesthesiologist kapain ang spine ko. nung may oxygen na parang pinupump na sinalpak saken, akala ko katapusan ko na kc lalu ako hindi makahinga, pinatanggal ko kaagad. tapos nung inoopera na ako, rinig ko si ob palagi cnasabi na makapal ang taba ko. ayun nung nakuha si baby hindi naman pala siya gaanu kalaki. we were expecting na 8-9 pounder siya. 7.26lbs siya nun (but i have no regrets at all) tapos narinig ko iyak niya, automatic tumulo yung luha ko din. tapos dinala na agad ng pedia yung baby ko sa nursery hindi na pinakita saken :( hmpf! so pagdating sa recovery room hindi talaga ako natulog kahit palagi ako nireremind nung attendant na kelangan ko na mag rest. sabi ko hindi ko pa kc nakikita yung baby ko e...ayun kinuha agad tapos pinahalik saken...tsk nauna pa asawa ko makakita sakanya e samantalang saken siya galing..lol :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chizbunmom on August 10, 2010, 07:42:45 am
My OB advised hydrogen peroxide lang ang panglinis ng tahi. and change covers 2-3 times a day. My loving husband did this for me. Siya naglilinis at nagpapalit ng cover ng tahi ko. Wag betadine kasi iitim yung scar mo. Bikini cut ako so instead of the usual binder, i wore girdle na masikip. and lola panties (yung hindi low-waist). kasi pag low-waist cut, matatamaan yung scar mo, masakit. wear garterized shorts or pajamas din para hindi matamaan ang tahi. leggings or cyclings shorts are ok too. para mabilis bumalik yung tiyan mo. :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: shadraniaj on August 10, 2010, 10:26:47 am
@ burn24 & chizbunmom

Thank you for the infos. ;)

Yung binder na sinusuot ko is yung tela kasi yun ang ni-recommend ng OB ko. And yes, I'm wearing loose clothings kasi masakit kapag naiipit nga yung sugat. Hirap talaga pag CS. Haay.
Salamat uli ng marami!  :D
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Joydie on August 12, 2010, 03:18:24 am

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
 - ako 1 week nakarecover na ako. no choice kasi kailangan kung kumilos para maalagaan si baby, mag isa lang kasi ako sa house

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- pwede naman, kaso ako tulog kasi general anes un sakin... (wala yata epidural dito sa saudi, hindi man lang kasi ako tinanong kung anong anes ang gusto ko..) :o

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 3 days and 2 nigths

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
- opo, naka catheter... :'( sakit kaya nun nilalagay di pa kasi ako binibigyan ang anesthesia nun.. gusto ko na nga sana umurong sa cs nun eh..

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- meron palang ganun... di kasi ako nakagamit nun... wala din inadvice un ob ko dito tungkol dun  :(

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
- ako po wala pang 24 hrs pinaglakad na ako at pinaligo...

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
- wala po...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: insensitive on August 12, 2010, 10:12:24 am
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
 * Ako almost 2mos. Masakit kasi kumilos.naglalakad nang nakatungo hehe
 
2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
* Yes. Ako gising ang diwa ko nun,dinig ko sila pero wala ako nararamdaman.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
 *2 nights and 2days

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
*Opo. Pero hindi ko alam na may catheter ako.Buti hindi ko nahila :). Tinanggal hindi masakit kasi may anesthesia pa siguro. Sabi ng nurse dapat makaihi na ako,pag hindi pa ibabalik daw catheter.Syempre nagpanic ako sabi nila masakit daw. Pinilit ko tumayo at umihi :)

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
*Binder sis ang tawag ko :)..300 or less po yun sa mercury.Pero binentahan ako ng nurse 300(sideline niya siguro)

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
*Yes.ako pinalakad agad ni OB.Kelangan daw pra makauwi na.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
*Wala akong naramdaman.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: justine2007 on August 12, 2010, 10:41:20 am
dapat talaga sis lola's panty ang gagamitin kc sa akin nagka keloids ska lang sinabi ng ob ko na dapt ganun afer magka keloids na wahhhh... saka ako nung hinihiwa na gising pa ko nararamdaman ko pero hindi siya masakit kc naka gen aneshesia nakatulog lang ako after kong makita anak ko and pagdating sa recovery room i vomit naman but other than that wala na kong naramdamang sakit.. kaya lang til now medyo kumakati yung keloids ko to think na its 3 years na on sept. 7 or ganun talaga pag keloids na sometimes itchy...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: - Mommy Jo - on August 12, 2010, 11:37:25 am
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
 - after 1 week ok na ko kaya lang syempre minimal pa din yung movements. i remember pagka-cs saken the next day pinatayo and pinapalakad na ko ni OB pero syempre hinay-hinay lang.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- aware ako kung ano nangyayari sa paligid ko,medyo groggy lang because of the spinal anesthesia.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 1 week since nag-photo therapy pa si xian sa NICU

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
- ay oo,ang sakit!  :'(

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- the hospital pala provide binder, kaya lang ayoko nung binder nila although meron din ako nabili sa SM dati kaya yun yung ginamit ko.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
- yes, pwede ako less than 24 hours pinalakad na and pinatayo.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
- numb yung sensation pero i'm aware of it kase naririnig ko sila.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: insensitive on August 12, 2010, 11:45:09 am
dapat talaga sis lola's panty ang gagamitin kc sa akin nagka keloids ska lang sinabi ng ob ko na dapt ganun afer magka keloids na wahhhh... saka ako nung hinihiwa na gising pa ko nararamdaman ko pero hindi siya masakit kc naka gen aneshesia nakatulog lang ako after kong makita anak ko and pagdating sa recovery room i vomit naman but other than that wala na kong naramdamang sakit.. kaya lang til now medyo kumakati yung keloids ko to think na its 3 years na on sept. 7 or ganun talaga pag keloids na sometimes itchy...

sis meron naman atang tao na keloidal talaga..like ako ang ibang peklat ko nung bata pa ko ngkeloid(dahil sa bike) i think hindi yun dahil sa panty. Anyways,lola's panty din ginamit ko pero ngkakeloid pa din ako.pero manipis lang. And yung sa itchiness, natural po ata un sa na CS na minan ay kumakati. My officemate 5years na sya na CS ngrereklamo pa din kumikirot  daw minsan saka makati. Sken din pero 10mos plng ang nakakaraan nang ako ay maCS  :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: angelic_louise on August 12, 2010, 12:28:23 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
 - 3 days lang ok na ko pero naka tungo pa din ako mag lakad for 2 weeks masakit kasi.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- yup, pero ako kasi emergency cs di na tumalab yung 2 iniject sa spine ko kaya gen. anesthesia kaya tulog ako buong operation.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 3 days lang.

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
- yup,buti magaan yung kamay nung nagtanggal nung nilagay naman wala pa akong malay.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- abdominal binder, meron sa mercury drug around 200-300 ata yun.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
- after 24 hours pinapalakad na pero dahan dahan lang kasi possible na mahilo.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
- hindi, tulog na kasi ako..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Mommy France on August 12, 2010, 02:10:39 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
 * 1 month lang. Kasi talagang pressured akong bumalik ng office. Naubos kasi yung maternity leave ko.
 
2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
* Yep. Ako gising. Groggy lang.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
 *4 nights and 3days

4.naka catheter po ba kayo?
Yeah. Di kasi kasi makakatayo kaagad.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
Sa mercury meron. Meron din akong namabili sa multiply and mommy fairs.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
*Dapat before ka makalabas ng hospital nakapag-lakad ka na. Pakonti-konti lang talaga after the operation. First try mo umupo, Then tumayo then lakad naman.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
*Wala akong naramdaman.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommyjanice on August 12, 2010, 02:38:37 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
 - after 2 weeks dinugo ako ulit.di ko alam kung bakit.Pero after 1 1/2 months, pumasok na ako sa office..Sa sobrang laki ng gastos at daming tambak na work ayun napaaga..So far,ok naman ako..

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- Gising din ako..naririnig ko lahat pero sobrang pikit ko...

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 3 days lang

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
- oo, pero di naman masakit...! 

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- binder nga yun.. sa chinese, ginagawang sideline yun ng mga nurse..libre yung sa akin kasi kakilala namin yung 1 nurse dun..

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
- 2 days pa ako bago nakalakad.As in sobrang sakit. Para akong jolibbee mascot nung una kasi nakatungo ako maglakad ang laki ng diaper ko...yung mga kasama ko sa kwarto, bilis nakarecover..

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel

- numb yung sensation pero i'm aware of it kase naririnig ko sila at parang lechon na hinihiwa yung pakiramdam..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: shadraniaj on August 12, 2010, 04:15:31 pm
1. Ilang months po bago kayo nakarecover?
-After 1 week ok na 'ko. May konting kirot na lang sa sugat ko pero ok lang.

2. Pwede ba na gising ako while sini-CS?
-Pwedeng gising ka, pwedeng hindi..depende sayo yan kung aantukin ka or hindi. In my case, drowsy ako.. pero nagigising naman ako in between the operation..

3. Ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
-4 days & 3 nights

4. Naka catheter po ba kayo?
-Yes, naka-catheter. Nung nawala na yung effect ng anesthesia saken dun ko naramdaman na may catheter pala ako. Pinatanggal ko agad kasi nasasakitan ako e. Lalagyan talaga ng catheter wether you like it or not kasi hindi ka pa makakatayo para mag wiwi hours after the operation.

5. Ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
-Binder talaga tawag don. Don't know how much. It came from my OB. Yung father-in-law ko bumili.

6. Pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
-It took me 2 days bago makalakad pero super slow lang kasi masakit pa ang sugat e. hehe.

7. Naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
-Wala, painless because of the anes. Naramdaman ko lang yumuyugyog katawan ko, yun na siguro yung time na hinihiwa na ako.  ;D
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Katie on August 15, 2010, 08:24:30 pm
1. Ilang months po bago kayo nakarecover?
-anung klaseng recover? kase 2 days after the operation pa ako nakatayo, as in medyo mahilo hilo pa ako nun. when we went home, siguro mga 1-2 weeks before I can say na I have recovered na.

2. Pwede ba na gising ako while sini-CS?
-as explained to me by the anesthesiologist bago niya ko turukan, ( hehe ) pwede daw akong gising or tulog while the operation is going on. i was groggy, so half gising, half tulog. naririnig ko conversation at ang background music tsaka nung umiyak na si Isobel. :)

3. Ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
4 days, 3 nights

4. Naka catheter po ba kayo?
-opo, parang ayaw ko pa nga ipaalis yung catheter ( hehe ) at first, nagpabili nalang ako ng adult diaper, kase I really can't make myself stand nun mga times na yun.

5. Ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
-Binder din ang tawag dun, ni request lang namin sa nurse's station then yung aide yung naglagay saken. yung may velcro daw we said as per advised by my OB, kase meron daw binder na cloth lang. i think it's worth P300.

6. Pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
- i tried to stand up after 2 days kase medyo nakafeel nako ng gutom, eh di pa pwede uminom at kumain pag di pa nakaka "utot" kaya yun. para makakain ako, i tried to walk, pero hilo pa din pag tatayo..

7. Naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
-i think tulog ako nun time na yun or hindi ko na maalala. nung tinatahi nalang ako nagkamalay yata ulit, pero yun nga i can still hear the conversation at ang background music ( may background music pa talaga eh noh )
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: alenski on August 22, 2010, 11:34:01 am
1.ilang months po bago kayo nakarecover?

- actually nung august14 lang ako na-cs. 7am ako na-cs nung kinagabihan (mga after 12 hours) pinilit ko na makaupo kasi gusto ko i-bf si baby tapos the next day nakakatayo na ako (although tinutulungan pa ako makabangon sa kama kasi nga nag b-bf ako.3rd day diretsong diretso na ako maglakad. ngayon after 7days ok na ako, tuyo na sugat ko pero may konting hapdi pa din pag nahihiga ak ng nakatagilid

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?

- spinal anes yata ako so gising ako and hindi ako groggy. la lang talaga ako makita kasi tinanggal nila salamin ko e bulag ako pag walang slaamin

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?

- 3 days

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...

- oo, parang naramdaman ko nung kinakabit pero lang feeling kasi starting to take effect na yung anes sa kin. nung tinanggal hindi din naman masyado masakit. uncomfortable lang

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?

- binder tawag dun. kasama na sa charge sa madocs yung ganon ko

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
- I think depende yun sa tao/pain threshold mo. kasi ako after 12hours kahit hirap ako nakaupo na ako tapos the next day tinatry ko na din maglakad ng diretsso. sbi kasi ng ob ko wag daw naka slump maglakad so kahit uncomfortable naglalakad ako ng diretso, dinadaan ko na lang sa pain reliever.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel

- lang feeling kasi may anes ako pero nararamdaman ko na parang may mga hinihigit-higit sila
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: alenski on August 22, 2010, 11:45:32 am
question pala mga mommies, mga ilang months ba aabutin bago mag fully heal yung loob? uncomfortable kasi yung konting hapdi pag tatayo ako ng kama or tatagilid ako. sa tingin nyo ba sa pagbuhat buhat at paghele-hele ko kay baby mapu-pwersa yung tahi ko? or ok lang yung weight ng baby na buhatin? di ko kasi alam kung pano yung mapupwersa na sinasabi, ang ginagawa ko lang naman is buhatin yung baby ko at ihele hele sya ng nakatayo
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: dedski on August 22, 2010, 02:53:00 pm
afaik, it would take at least 3 years for the CS wound to heal sa loob. yung tahi mo sa labas would take months. kaya nga OB's would advise at least 3 yrs ang pagitan ng pregnancies para totally healed hanggang loob.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: - Mommy Jo - on August 24, 2010, 11:42:55 am
question pala mga mommies, mga ilang months ba aabutin bago mag fully heal yung loob? uncomfortable kasi yung konting hapdi pag tatayo ako ng kama or tatagilid ako. sa tingin nyo ba sa pagbuhat buhat at paghele-hele ko kay baby mapu-pwersa yung tahi ko? or ok lang yung weight ng baby na buhatin? di ko kasi alam kung pano yung mapupwersa na sinasabi, ang ginagawa ko lang naman is buhatin yung baby ko at ihele hele sya ng nakatayo
hi sis alenski,congrats for having your little angel!  :) same with sis dedski my ob told me na atleast 2-3 years yung pagitan para totally heal na talaga yung loob. just be careful sa pagkilos kilos mo since baka bumuka yung tahi mo and no strenuous lifting ang bending muna.alalay pa din sa kilos.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: dedski on August 24, 2010, 12:28:28 pm
tama si mommy jo, careful ka at baka bumuka ang tahi mo. dont carry anything na mas mabigat pa sa baby mo. at wag karin akyat-panaog sa hagdan baka duguin ka. no exercise muna pati loving-loving kay mister w/o your OB's approval
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: alenski on August 26, 2010, 08:52:25 am
thanks dedski and mommy jo :)
hindi naman siguro bubuka yung tahi ko kung si baby lang kinakarga at hinihele ko no? hehe
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: exclusivelykids on August 28, 2010, 09:39:12 pm
hi mga mommies share ko lang po experience ko about CS....sa eldest ko po NSD June 2005....then sa 2nd daughter ko Elective CS kasi umabot sya 40weeks sa tummy ko June 2006....sa 3rd daughter ko Repeat CS July 2007....yearly nanganganak ako pero awa ng Diyos kahit CS 2-3days lang ako sa hospital...
here's the link po when i gave birth pls watch:

http://www.youtube.com/watch?v=l6swgZ8pWNo
http://www.youtube.com/watch?v=4fCWNXCbthQ

@alenski:
ingat lang po mommy sa pagbuhat ng mabigat yun talaga pinaka bawal kasi nga baka bumuka yung tahi pero kung si baby lang ok lang yun and inom ka lagi vitamin C mahirap kasi pag magkaroon ka ng cough ....
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: kyutipie on September 04, 2010, 01:45:29 am
pwede na kaya mag sit ups sis? 2 months nako nanganak via cs
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ainge88 on September 04, 2010, 02:19:25 pm
mommy do leg raises na lan gkung papaliit ka ng tummy mas effective kesa situps :) pero not sure kung pwede na.. ako din 2 months na nagpa CS pero hindi ko pa magawa, takot ako eh.. hehe alhtough, itatanong ko na kung pwede na ako mag leg raises sa OB ko sa Sept. 8.. will let you know :)

mga mommies, gaano kayo katagal nag lochia?? kasi ako hanggang ngayon meron pa din.... and medyo malakas siya at red talaga yung blood, meaning fresh.. hindi old blood....
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ainge88 on September 05, 2010, 12:45:48 pm
breastfeeding kasi ako sis eh... ang tagal nung akin huhu 2 months na! tapos putla putla ko na.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: kyutipie on September 06, 2010, 01:40:17 am
naku better ask your ob na sis
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ainge88 on September 14, 2010, 07:47:57 pm
hi mommy gly! 2 months na ako since nagpa CS, traditional yung ginawa sakin ng OB ko..

isipin mo lang po si baby mo kakayanin mo ang lahat :) wag mo lang beybihin yung sugat mo mommy, upo ka agad ng 2nd day tapos if you can, stand up na, go ahead.. ako naglakad lakad na agad ako after 2 days ng operation.. bibigyan ka naman po ng pain relievers after the operation na safe din for BF..

pero wag ka muna magbuhat ng mga mabibigat na bagay, si baby muna ang tanging bibitbitin mo..

use yung nexcare na wound gauze kasi water resistant siya so pag pwede ka na maligo, hindi ka magwoworry sa sugat mo..

use a binder din para lumiit agad yung tummy kasi hindi tayo pwede mag exercise agad para magpaliit ng tummy..

cleanliness is the key para hindi mainfect yung sugat :)

and pray pray pray! :) godbless mommy, hope this helps po..

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: momi gly on September 15, 2010, 08:52:11 am
thanks sis ainge88.. sana nga kayanin ko.. iniisip ko p lang natatakot na talaga ako.. kaya hindi ko alam if pagdating ng sched ko eh kayanin kong makapagrelax..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ainge88 on September 15, 2010, 10:37:04 am
np po sis.. ako din eh.. nung time na yun, eh first ever operation ko pa man din nun.. emergency cs pa.. hehe so talagang kabado pero sabi ko na lang makikita ko na baby ko kaya kelangan strong ako..  :)

kaya mo yan mommy gly! go lang ng go! hehe
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: kara on September 30, 2010, 11:26:16 am
mga mommies kelan po kayo nagsuot ng pants? puwede na kayang magpantalon  na? heheh! salamat po..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chizbunmom on September 30, 2010, 12:48:23 pm
Hehe Mommy Kara! Bahala sila mang-gigil, hirap ata magbuntis and manganak ah! Haha

tanda ko, nasuot ko na skinnies ko after a month manganak. pero i used girdle pa, para din maprotect yung wound. gulat nga ako bilis ko nalose yung weight na ngain ko nung nagbuntis. :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: momi_chesca kikay on September 30, 2010, 09:28:28 pm

Hi mga moms! As per my OB there`s a possibility na CS ako because may problem po ako sa placenta ko (previa) so talagang pnprepare ko na ang sarili ko for the procedure. As much as possible talaga gusto ko manganak ng Normal at least yun sandali lang yung sakit at mas madali q meenjoy si baby dhil mabubuhat/mapapasyal ko siya agad.

Question po mga mommies:
- Anong brand kaya ng abdominal binder/girdle yung magandang gamitin para mas protected yung wound?
- How soon nagheheal yung sugat?
- Mas makakabilis b ng pagheal kung mas madalas nililinis?
- How soon ka pwede kumilos ng normal (walking etc.)?
- Saka naniniwala po ba kayo na you need to wait for a week or two bago maligo after giving birth? (sbi kasi ng mama ang MIL ko)
- Ska di ba nakakahiya kung magrerequest k kung anong cut yung gusto mo?

Sa totoo lang, nahihiya talaga ako magtanong s OB ko bout this things kasi baka naman sabihin super excited na ako mCS at yung healing na agad yung pinagiisip ko. Saka we are hoping and praying na pwede ako mag normal birth.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: kara on September 30, 2010, 11:55:10 pm
- Anong brand kaya ng abdominal binder/girdle yung magandang gamitin para mas protected yung wound?

* ako ang gamit ko yung binigay sa hosp. medyo okay pa naman sya.. heheh! Longbone po yung tatak.. gusto ko na din po bumili ng iba  :)

- How soon nagheheal yung sugat?

*wala pang one week yung sugat ko heal na. pero syampre sabi nga dito yung sa loob po it will take 2-3yrs para totally heal na..

- Mas makakabilis b ng pagheal kung mas madalas nililinis?

*ata? hehe! basta mula nung nilinis ng ob ko yung sugat ko everyday ko na nilinis, one week din. tas nung bumalik ako sa ob ko for check up di na niya pinalagyan ng gauge, ayun di ko na nilinis nun.

- How soon ka pwede kumilos ng normal (walking etc.)?

*nung second day ko sa hosp pinaglakad na ako. pero medyo masakit pa din, tas nung 3rd day ko na medyo okay na naman ako dahil sa pain killer, heheh! wala pa din one week okay na yung paglalakad ko e, tolerable na yung pain.

- Saka naniniwala po ba kayo na you need to wait for a week or two bago maligo after giving birth? (sbi kasi ng mama ang MIL ko)

*ako 5days di naligo kasi sabi ng MIL ko, pero tumatakas ako ng punas. heheh  ;D hirap din kasi e. e nung tinanong nung MIL ko sa mom ko kung puwede na ko maligo umoo naman mom ko kaya ayun naligo na mko, kasi napagalitan ako ng MIL ko kasi hindi maligamgam na tubig yung pinanligo ko kaya todo hilot yung ginawa saken para daw pagpawisan ako..  :) [pero sabi ng ob ko bago ako lumabas ng hosp. puwede na ko maligo]

- Ska di ba nakakahiya kung magrerequest k kung anong cut yung gusto mo?

*yan ang di ko nasabi sa OB ko, gusto ko sana ng hindi traditional cut kaso di ko na sya nakausap e..  :)

@chizbunmom: oo nga hirap manganak.. heheh! tiis muna si hubby..

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chizbunmom on October 01, 2010, 07:13:31 am
momi_chesca kikay :) musta ka na po? OT muna, ganda ng profile pic mo haha :)

Ok, here are my answers to your questions:

*Anong brand kaya ng abdominal binder/girdle yung magandang gamitin para mas protected yung wound?

-Depende sa cut sis. Ako, ready ako mag-labor, yun kasi pinagusapan namin ni OB as per my birth plan, try muna mag-labor (yung painful), if di kaya, we can go painless, and if may complications, chaka lang mag-CS. Nung nasa labor room ako, 2cm pa rin ako kahit malapit na deadline ko na 8pm (pumutok kasi waterbag ko, so i only have 12 hours to deliver the baby or else maubusan siya ng amniotic fluid). So emergency CS. I asked my OB talaga na i-bikini cut ako. Kasi hihiwain na nga ako, eh di gandahan na! :) She asked me to use girdle instead of binder, since the cut is horizontal and not vertical. If i use the binder, magagalaw yung wound. The wound is located kung san normally yung garter ng low waist panties mo. So girdle ako. Now I bought the Sogo girdle. Highwaisted, mas comfortable than the binder. :)

*How soon nagheheal yung sugat?

-Yung wound, give it 2 weeks to actually heal outside. kasi siyempre surgery yun, hindi pa tlaga fully healed yun inside. pero in a span of 2 weeks, gumaling na yung sa akin. The OB would give you mefenamic acid and antibiotics for the wound. To give you an idea, nanganak ako ng 17 Aug, nagdate na kami ni hubby ng 26 Aug. Hehe medyo careful lang paglalakad of course para hindi masyado mabinat di ba?

Mas makakabilis b ng pagheal kung mas madalas nililinis?

*Yes, I guess. My hubby helped me in cleaning the wound. We do it 2-3 times a day-morning after maglinis or maligo, tanghali or afternoon, then isa ulit bago matulog. And hydrogen peroxide lang panglinis instead na may betadine pa. Nakakaitim kasi ng wound yung betadine. One cotton ball, with hydrogen peroxide, swipe mo lang sa sugat lightly ng one direction, then palit ka na ng cotton ball. Arte noh? Pero this really helps. :)

*How soon ka pwede kumilos ng normal (walking etc.)?

-Give it two weeks :) Wag ka muna maglalaba ha! Haha Ako kasi nun, sa sobrang bored ko, tinary ko na labhan yung mga soiled clothes ni baby. Pinagalitan ako ni Mama ko haha :)

*Saka naniniwala po ba kayo na you need to wait for a week or two bago maligo after giving birth? (sbi kasi ng mama ang MIL ko)

-pwede naman maligo, pamahiin lang yan ng matatanda. Ang point lang kasi is hindi kasi pwede mabasa yung wound. My OB advised to put gladwrap over the wund bago maligo. pero nahihirapan ako. kaya pag naliligo ako nun, installment haha Kung baga, punas for body, then hubby helps me shampoo my hair. Mga 1 week ako na ganito yung ligo ko. Then, ok na. Pababalikin ka kasi ni OB after a week or two, kasi icheck niya yung wound then post natal care mo pa. I was able to take a normal bath na by that time :)

*Ska di ba nakakahiya kung magrerequest k kung anong cut yung gusto mo?

-Normally daw, hindi inoofer talaga ng OB yung Pfannenstiel cut (Bikini cut). Una, kasi mas mahirap gawin to, and second, sabi nila mas mahirap ang recovery. ad third, depende pala sa position and size ng bata and kung may complications at the time of birth. Siyempre pag twins, di pwede bikini cut hehe, di kasya yung babies. :)

But if wala complications, my OB says she asks her patients kung anong cut gusto. She informs the patient kung ano naman ang mangyayari after, yung gagawin niya sa surgery, yung recovery period, yung mga gamot, etc.

Yung Pfannenstiel cut (Bikini cut) kasi, ang alam ko layered yung pagtahi/surgery sa iyo. kaya mas mahal din. Pero di me naniniwala na mas mabagal gumaling. Depende na yun sa pain tolerance nung babae.

As I've said before, hihiwain ka na lang, eh di gandahan na di ba?! :) Si frankenstein kasi naiisip ko pag yung vertical cut haha. No offense to mommies na vertical cut ha? Baka may magalit haha

Oks na rin yan CS ka. Pero malay mo, initial advice pa lang niya yun kasi nga most of placenta previa moms eh CS talaga. Ako din, medyo placenta previa nun eh.

Pero mas maganda na kausapin mo OB mo, ask her everything you want, make her your bestfriend! Kasi siya ang katulong ni hubby sa pag-aalaga sa iyo in this wonderful journey of motherhood. Get her mobile number and if may maisip ka na tanong na bothered ka, itext mo lang. :) Mas maganda yung informed kesa yung clueless diba?

Goodluck! :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: momi_chesca kikay on October 01, 2010, 03:00:46 pm
@ sis kara: nakakatuwa naman yung patakas "ligo" story mo w/ MIL. Ganyan din MIL q, mas mahigpit pa sa mama ko. Siya yung mas maraming bilin/pamahiin bout sa tamang gagawin pag buntis. Pero bilib ako sayo, nakalakad ka agad ha, meaning high tolerance ka sa pain. I hope ganyan din ako para makapamasyal agad kami ni baby. Very timely kasi EDD ko sa Holiday season.. :) Thanks po ;D ;D

@ sis chizbunmom: Ok naman sis, malaki na tummy ko..hehe ;D Thanks! Yung avatar mo rin ang cute, family pic. talaga next time kasama na si bunso nyan :)

Yung about po sa abdominal binder now q lang nlman na depende pala sa cut yun. Kc (well, I hope di SP member OB ko baka kasi mabasa niya hehe :) medyo intimidated ako sa kanya, medyo mataray na may edad na kasi kaya di ako makapagtanong natatakot ako.. ??? Tipong isang tanong/1 sagot tapos lahat ng gusto ko itanong nakakalimutan ko pag kaharap ko na siya..Anyways, gusto ko talaga girdle pagkatapos pero i heard somewhere na mas ok na na pamprotect yung abdominal binder. Yeap, siguro bago ako i CS talagang magrerequest ako na bikini cut (para pwede parin mabare db?lol) Saka di rin ako naniniwala na mas matagal magheal pag bikini cut kasi pareho lang namang sugat yun eh. About cleaning, ang swerte mo kasi super supportive yung husband mo. Yun din ang worry ko, kasi syempre kailangan pumasok ng work si bf kaya yung mama ko ang magbabantay sa akin tapos aalalay din si MIL kaya mukang mahihirapan ako pumuslit ng ligo non (hehe :))

Thanks sa mga advise mommies.  :D

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chizbunmom on October 01, 2010, 03:23:07 pm
@ momi_chesca kikay :)

pwede rin girdle and abdominal binder use mo hehe :) double protection!

ay ako din dati matanda yung OB ko. eh ayoko nung ganun, kaya i texted my friends kung sino OB nila and if pwede nila ko irefer. buti na lang pala i did that. happy naman ako sa OB ko, dra. gina valenzuela of las pinas doctors hospital/prima medica clinic-sms sucat. :) ganyan kasi gawain ko, pag may tanong ako, super text ko sya, super reply din naman siya. haha. pati brazilian wax nga natanong ko sha if pwede sa buntis haha :)

sa cleaning, natatakot kasi ako tignan sugat ko nun. kala ko kadiri eh yun pala parang line lang na marka ng mahigpit na underwear. you can try tapat sa mirror pag linis na ng sugat if hiya ka sa mil or mom mo.

pero swerte ka sis, kasi kasama mo mommy mo talaga ngayon. nung ako kasi dati, dun kami sa mga inlaws ko nagstay, kaya medyo hiya ako, ako talaga nag-alaga sa sarili ko. super nadepress ako nun kasi wala mom ko sa tabi ko, di kasi makapunta araw-araw siyempre gastos pa sa pamasahe. ngayon, we are with my parents naman, kaya kampante na ko na di na ko madepress or emo mode haha

goodluck sa mga new mommies! :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: kristine14 on October 15, 2010, 07:18:26 pm
hello mga mommies!

just found this forum and it's really helpful. may gusto lang po akong tanungin kung meron bang nakaexperience dito ng parang nasasakal (choking sensation) and difficulty in breathing after nyo maCS. I had my operation last Oct 7 and i felt the choking sensation at medyo nahihilo rin mga 3-4 days after. My ob-gyn don't know what it is kaya irerefer daw ako sa ibang doc.

Any idea? pls help...thanks!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: JhoLapierre on October 15, 2010, 07:33:39 pm
hello mga mommies!

just found this forum and it's really helpful. may gusto lang po akong tanungin kung meron bang nakaexperience dito ng parang nasasakal (choking sensation) and difficulty in breathing after nyo maCS. I had my operation last Oct 7 and i felt the choking sensation at medyo nahihilo rin mga 3-4 days after. My ob-gyn don't know what it is kaya irerefer daw ako sa ibang doc.

Any idea? pls help...thanks!

hi sis..i felt the same way before..and for me it was my blood pressure..i went upto 100-200 i was rush to emergency during my postnatal visit..check ur BP..hope its not the same thing. :-[
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chimendoza09 on October 16, 2010, 11:19:23 am
hello mga CS moms! Finally i found the thread which i really belong. ;) Just gave birth 3 weeks ago mga sis at emergency CS din after 19 hours na mag-labor. Ayos lang din kasi walang problema sa akin at sa baby ko.

Thanks to this thread naliwanagan na ako why my OB opted to traditional cut not bikini cut. Ikinalungkot ko pa naman pagkatapos ng operation na traditional cut pala ginawa sa akin :( Nasa recovery pala yung deperensiya. Thanks chizbunmom sa iyong napaka-informative na reply.

About sa healing ng sugat- sa akin healed na siya sa labas for 3 weeks now at i beleive na nakakatulong rin ang madalas na paglilinis. Twice a day ako kung maglinis, katulong ko si nanay ko.

Sa pagkilos ng normal naman- bilis ng recovery ko. Nanganak ako Sept. 26 ng madaling araw tapos Sept. 27 yung observation-step by step talaga. Simula sa pag-upo, pag-tayo, paglakad, pag-ihi ng walang catheter at pag-poops, ayon! sept. 27 ng gabi pina-out na kami ni OB. At hands-on  na agad ako kay baby-Thanks to my OB for taking care of me-kung wala siguro akong binder baka makalimutan ko na biniyak pala tiyan ko.

Sa pagligo naman mga sis--siguro yung tagal ay dahil sa sugat, sabi kasi ni OB ko ibalato na niya sa mga nanay at MIL ko yung sched ng ligo kasi alam rin niya yung mga pamahiin. Baka kasi di pa totally healed yung sugat tapos mabasa, magkaroon ng pus, mas mahirap yun. At honestly, bukas pa ako maliligo at exactly 3 weeks nung manganak ako, ayaw pa nga ako payagan ng mga mtatanda, 1 month daw. Di ko na yata kaya..buti pumayag pwede na bukas.

Mga sis-tanong ko lang constipated ba kayo nitong after ng operation natin? kasi ito problema ko, di ako namroblema sa sugat at sa pagkilos, sa constipation ako nahihirapan.

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Jean_31 on February 06, 2011, 09:52:13 pm
^ ako hindi constipated. Soft diet kasi ako for 1 week and bawal kumain ng mga food na pampatigas ng pupu.

Ask ko lang mga mommies, malaki pa rin ba yung tummy nyo after the operation?
Nung Feb 2 lang kasi ako nanganak via cs and malaki parin yung tummy ko..  :(
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: thersie_marie on February 14, 2011, 01:46:17 pm
@akoposuANNA- sis visit mo po to...nakatulong skin
http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=18494.0;topicseen
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: marimar on February 14, 2011, 02:37:39 pm
i gave birth last Sep2009 via CS..
napansin ko lang kapag nagsusuot ako ng high heeled sandals/shoes for several consecutive days, feeling ko sumasakit opera ko..
anyone who has same experience as mine?i haven't checked with my OB yet baket ganun nararamdaman ko..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: winnie_the_martian on February 25, 2011, 06:15:31 pm
^ ako hindi constipated. Soft diet kasi ako for 1 week and bawal kumain ng mga food na pampatigas ng pupu.

Ask ko lang mga mommies, malaki pa rin ba yung tummy nyo after the operation?
Nung Feb 2 lang kasi ako nanganak via cs and malaki parin yung tummy ko..  :(

unfortunately sis inde ka nagiisa jan. i gave birth last october 16 2010 at till now malaki pa rin tyan ko. napapagkamalan pa rin akong buntis :( nagbabinder naman ako yun nga alng inde regulary pero yung sister ko regularly naman sya nakabinder malaki pa rin tummy niya
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: spoiled_brat on March 08, 2011, 09:12:02 pm
^gave birth last dec 2010 and malaki pa rin tiyan ko. after i gave birth, i started breasfeeding din - good for babies and mom dahil nakakapayat daw. kaso after 2 mos hindi na masyado since balik office nako. sabi ng ob ko di pa daw pwede gym.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: misha on March 23, 2011, 03:02:56 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
 * 1 week lang nakarecover na ko, pati weight balik sa dati.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
* Yes. gising na gising ako. mariririnig ko sila. may mga medical tearms sila sinasabi na parang siguro yon yong humihingi OB ko tools.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?

 *2 nights and 2days

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
- yes at di ko namalayan na nilagyan nila ako non. Nagtanong pa ko sa hubby ko while lying sa hospital bed na 24hrs na bakit di ako nawiwi. I hate the feeling non tinanggal tapos mahapdi magwiwi.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
*Binder lang din. Galing sa OB ko yung pinasuot sken. na until now sinusuot ko pa. Mag 2-3months na after delivery.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
*Yes, kelangan sis. kasi magkakaron ka ng disorder something. di ko lam tagal. Basta nakakatulong ang paglalakad para maiwasan kabag. Masakit kasi magkakabag after delivery.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel

*consious ako while undergoing operation, ramdam ko yung pagcut pero walang pain since manhid na lower body ko. Pati paghila kay baby kasi gumaan feeling sa tyan. Rinig ko din pag iyak ni Baby. Sumigaw pa OB ko ng 'It's a Boy!. pinakita sken non nurse pero nanlalabo ata mata ko.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: msbie on April 02, 2011, 12:27:00 pm
hi mommies im an old new mom na, 3 yrs ago i gave birth cs din emergency and traditional cut kasi alanganin pag bikini line, anyway nung una maganda ang tahi ko, para lang siyang line, nagulat nga ako kala ko mukang eeew! sister ko pa nag linis kasi natatakot ako,  after  7 days or two weeks ata naligo na ako, pinaayagan na ako ng OB ko and tinangal na niya un plastic tingy, then i was ok. after 2 months naglakwatsa na ako!!!! nag mall and watched a movie with my familz friends, para lang matuwa ako. then my tahi begun to hurt and all of a sudden parang lumaku siya :-\ sad ako kasi sabi ni OB nilalabas daw un stitch from inside and mag keloid daw???  ayun pangit na kasi kitang kita siya and one inch ata ang nilaki niya from the original line. good thing hindi siya keloid na buhay, parang light padin ang color niya normal to my tummy color. wala na bang pag asa to__ 3 years na ang nakalipas eh....
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: sjkl21 on May 28, 2011, 11:41:48 pm
.ilang months po bago kayo nakarecover?
 * 1 week after the operation, I felt ok na, hindi na din masakit yung tahi

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
* Yup, gising ako during the operation, Nung nailabas na ang twins ko, they injected me na something to make me fall asleep.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
 *5 days ako. nag check in ako thursday, a day before my actual operation Sunday, I was allowed to go home pero I opted to stay for one more day pa.

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
- yes pero hindi naman sha masakit. medjo uncomfortable lang. hindi masakit nung tinanggal.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
*Binder lang din. Sa hospital na nanggaling yung binder ko. sandali ko lang sha ginamit kasi mainit and uncomfortable din.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
*Yup, ako naglakad nung pinayagan na ako. Hindi masakit unang tayo and lakad ko since me suero pa ako and me pain reliever pa pero nung wala na, medjo me pain pero kayang kaya naman.
7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
*I felt lang na parang niyuyugyog yung tummy ko.

I thought mahirap ma cs. madami nga din takot ma cs pero hindi naman sa mahirap, mas ok pa nga skain kasi I didnt have to go through the painful process of having a labor. scheduled na yung skain since I had twins :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Mrs.Oribiana on June 22, 2011, 03:25:24 pm

hi, i just want to know kung ano ang mga dapat kong gawin para hindi ako ma CS, takot kasi ako sugat :'( ...Im 5 weeks preggy with my first child  ;D
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: greenvolley on June 22, 2011, 04:51:05 pm
Hi Kirina,

Ako CS ako sa first baby ko... im preggy again now.. 5 weeks din.... pero CS uli ako by Feb 2012.
CS ako sa first baby ko kasi may placenta previa ako... Hindi pwede normal delivery sa case ko kaya CS ako...

Ang alam ko, wag ka masyadong kumain ng pampataba... para tama lang laki ni baby... kapag hindi kakayanin ng normald elivery si baby... i-c-CS ka ng OB mo.. kasi nga malaki si baby...

Dapat din walang makitang problem sa yo like placenta previa....  kaya you need to check your placenta's position and location on eveery ultrasound....

Dapat din, hindi suhi ang baby mo... dapat pag dating ng 7th month - 9 month, una ulo ng baby mo... kasi kapag feet/legs ang una sa cervix, baka mahirapan kang ilabas yung baby... baka i-CS ka ng OB mo...

take care mommy!

Good luck,
greenvolley
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Mrs.Oribiana on June 22, 2011, 05:04:19 pm
thank you sa reply. Totoo kaya yung pag marami kang iniinom na water at lakad ka ng lakad maiiwas ka sa CS??.. medyo takot kasi akong ma CS madami kasi akong naririnig na bumubuka daw at yung iba nag nana yung sugat. :'( :'( first time ko pa naman  :-[
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy mhy on June 22, 2011, 05:10:13 pm
Hi Kirina.... ako CS din ako sa first baby ko nakakatulong daw pag lakad na lakad pero sabi kasi ng ob ko meron daw case na inborn kaya na CS like 'yung sa 'kin maliit pelvic bone tapos hindi nag oopen nung nanganak ako pinilit pa namin inormal pero hindi talaga kaya hanggang 9cm lang nag open yung pelvic ko which is dapat ata 10 or more....kaya 'yun ngaung next pregnancy ko sure na na CS ulit at di ko na itatry inormal like 'yung una kasi sobrang nahirapan ako doble hirap ko nun.....

as per nagnanana or bumubuka nasa pag iingat naman 'yun sa case ko naman hindi ko naexperience 'yung ganyan....

Goodluck and Congrats sa pregnancy mo  ;)

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Mommy Jazz on June 22, 2011, 05:17:39 pm
I understand your fear. A good OB will not make you go through CS for no reason. Hanggat pwede, ino-normal delivery ka niya.
There are reasons why sini-CS ang mommy, could be the baby is overweight, breach (suhi), etc.
Don't over eat. One OB adviced me to eat small but frequent. Kasi an 8 lbs baby is as healthy as a 6 lbs, hindi ka pa hirap. Dapat din monitored ang diet mo kasi baka ma underweight ang baby. Do get some exercise too.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Lelen on June 22, 2011, 05:44:12 pm
@kirina, congratulations on your pregnancy! ;)

Yes, it's true na walking helps and eating healthy, para di masyadong lumaki si baby at ikaw na din kase baka mag high blood ka.

ako din sis cs delivery. I tried na normal delivery, nag labor ako more than 4hrs, kaso di pala possible kase coiled cord ni baby, nakapulupot sa leeg niya kaya no matter how hard I pushed di lumabas si baby. If you noticed sis na puro cs kami? ;) It only shows na we would like to have a normal delivery kaso unavoidable e. But nasa early stage ka pa naman ng pregnancy mo, wag ka munang ma stress, enjoy mo muna yan. As for the pain, di ko masabi kung mas masakit kase 1st baby ko pa din si baby, wala akong point of comparison. ;D Pero I must say, di naman 'masyadong' masakit/mahirap, or maybe that's just me kase medyo matapang ako sa pain. ;)

Yung sa cs wound naman, puwede ngang mangyari yung sinasabi mo kung hindi aalagaan, pero extreme case na yun, would you not clean your wounds para mag result sa nana?  :o

For the meantime, enjoy & take extra care!

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Mommy Jazz on June 22, 2011, 05:54:48 pm
Actually po, there's nothing to fear with CS. I had it 2x, I didn't have any problem sa wound. After care is also convenient now that you can request for a ... hmm.. I forgot tawag dun pero para lang siyang clear tape na matibay at water proof so you don't need to worry about the wound getting wet when you take a shower. With that, you don't need to clean it na rin. The OB will check and replace the tape if needed on your next scheduled visit.
Ang mahirap lang sa CS is to wait for the wound to totally heal before you can do high-impact physical activities like running, aerobics, climbing up and down the stairs o pagbuhat ng mabibigat. You can still go about with your normal activities basta naka binder.
Stories about bubuka, siguro if you do break dancing a week after having CS, bubuka talaga yon (joke! :)) What I'm trying to say, if your lifestyle doesn't require extreme physical activity, there's no need to worry.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: jenver45 on June 24, 2011, 10:37:15 pm
hi parng  same teo ng situation, yesterday ngpacheck up ako sa Ob ko, im 37 weeks of pregnancy ko na after ako icheck up  sv ng ob ko mlki daw yung baby ko, 8 lbs na siya and 4'11 lang ako kaya prepare ko daw yung self ko for Cs peru try daw niya i normal delivery daw ako., after niya ako IE nag1cm na ako, grabe nangnng yung tuhod ko, nkarmdm ako ng pain at discomfort nun.. staka maliit daw yung sipitsipitan ko kaya ganun.., bgla ako kinabhn kc first baby ko ito at prng ang bata ko fa pra maCs kagd... tas nung nasa bhy na ako  ngpee ako tas my dugu sa panty ko i texted my ob sv niya norml lang daw un kc bumubuka yung cervix ko..bgla 2loi ng mix yung emotion ko bka Cs na ako kaagad subrng kaba ko...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: tsikers twins on June 26, 2011, 03:14:55 am

if kailangan talaga CS ka para safe kayo ng baby mo, eh no choice ka na talaga kundi paghandaan yung operation, financially and emotionally...  CS din ako nung nanganak ng twins...  super takot din ako kasi takot talaga ako sa hospital...  kaya lang syempre pag nasa moment ka na ng panganganak, di mo na dapat isipin ang takot...  dapat palakasin mo yung loob mo para maging safe kayo...  feeling ko nga di ko kakayanin yung normal delivery kasi parang di ko ata kakayanin maramdaman yung sakit sa panganganak...  sa CS kasi, nakahiga ka lang then feeling mo lang parang niyuyugyog yung tummy mo...  ang mahirap nga lang dun eh yung recovery...  halos maiyak na ako sa hirap nung simula...  pero kakayanin mo din yun...  tibay and lakas ng loob lang dapat meron ka... 
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: babyblair on July 06, 2011, 06:04:43 pm
.ilang months po bago kayo nakarecover?
 * nung tinanggal na catheter ko at naihi na. i felt no pain na e. after a week, back to normal.naligo na ko.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
* Yup, gising na gising, medyo groggy lang but you'll be fully aware.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
 *2 and 1/2 days. admitted ng may 3, 2011. 5 am then umuwi May 5, 2011 2pm

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
- yes pero di masakit nung inalis. ok lang. kaso need mo umihi after tanggalin ang catheter and don uneasy yung feeling pag paihi ka na.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
*Binder lang din. Sa hospital na nanggaling yung binder ko. sandali ko lang sha ginamit kasi mainit and uncomfortable din. (copy pasted. same feeling)

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
24 hours after delivery, naglalakad na ko. di ko kasi makikita baby ko kung di ako tatayo at pupunta sa nursery. pero syempre dahan dahan lang at medyo hukot. baka kasi ma-stretch yung tahi. haha paranoid pero nag normal lakad ko 4 days post partum

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
* heavy yung feeling nung parang nililinis na nila yung tummy. pero not painful. at all!

parang wala lang yung CS, feeling ko nga nag-painless ako. as in painless walang naramdaman. ang masakit lang yug paglalagay ng dextrose at yung mga turok turok pero the operation, felt no pains kahit nag subside na yung pain reliever. siguro talaga it's mind over matter. before ako manganak sabi nila masakit ganito ganiyan kaya i expected the worst at tinaas ko na din yung pain tolerance ko. kaya nung nandun na. chicken! hehe
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: dangerrrous on July 10, 2011, 01:20:29 am
I gave birth thru CS sa first child ko last June 11, 2009 at Amisola Maternity Hospital. it's located at Hermosa St, Manuguit, Tondo, Manila. Na CS ako dhil ngkaroon ako ng pre-eclampsia at umaabot s 180/100 BP ko that time. Though taga Novaliches ako, dun p din ako nanganak kc dati namin silang neighbor at i know n mgaling sila talaga sila s usapang CS. at very much affordable pa, during that time, nagpapa chemo ang dad ko kaya limited lang budget ko, so i chose yung Aircon room nila for 3-- it's only P25k w/ philhealth. At ang benefit pa ng maternity hospital, lesser and risk ng infection from other diseases kase puro manganganak lang naman andun..

Im pregnant ulet ngyn, and dun ko p din balak manganak.. sana ngyn mas malaki n bigay s aking discount
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: khaki_e on July 10, 2011, 10:40:05 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
 * 3 months fully recovered na ako..

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
 * Gising ako noon kasi lower part lang naman ang may anaesthesia...lahat ng usapan nila dinig ko pati mga tunog ng tools...pati pag kuha ng pictures alam ko..

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
 * sa 1st baby ko 5 days kasi  nagpa extendend din ako ng 1 day.. sa 2nd baby ko 4 days...

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
 * naka catheter ako nung nagising...lahat po ng operation nilalagyan ng catheter ang patient..

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS? how much and where ako makakabili?
* yung ginamit ko yung nabibili sa sports shop nilalagyan ko lang cloth diaper para di mainit...yung sa hospital kasi cloth like lang hindi yung nababanat kaya feeling ko bubuka yung tahi ko.. mga Php150 ata yun, depende sa lapad at brand.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
* hindi ka pwedeng tumayo after the operation kasi yung tahi mo dudugo, like 8 hours ka naka flat mahiga without pillow, then 24 hours pwede ka ng maglakad.. at kailangan kasi mabigat sa katawan yung nakahiga lang... mas madali din ang recovery mo pag nakakakilos ka na...

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
  * yes, naramdaman ko yung paghiwa.. para lang dinaanan ng ballpen... yung pain...wala naman...

nahirapan lang ako sa CS kasi after ko manganak ng 8am ni room-in na agad yung baby ng 5pm.. bawal ang milk formula sa Makati Med... kailangan breasfeeding... pero yung operation kayang kaya naman sabi nga ni sis baby blair "Chicken"! kaso eto na naman ako due ko na next  month sa pang 3rd baby ko...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: LLLA on August 27, 2011, 03:03:21 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover? --> 1 month okay nako.. nasa Divi na ko buying christening stuffs after 3 weeks of CS  ;D

2.pwede ba na gising ako while sini-CS? --> yes, HALF asleep lang ha.. SPINAL Anes gamit nila dun

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital? --> 3 days

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...  --> YES, need to avoid leaking of urine during operation...

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?--> hmm abdominal binder tawag dun, I got from the hospital na eh...

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa? 7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel --> give yourself 24 hours.. You will not feel pain during incision kasi may anes eh  ;)
masakit nga lang yung tahi after.... super! need pain reliever.. (arcoxia saved me!)

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Roxi on August 30, 2011, 09:15:51 pm
1. Ilang months po bago kayo nakarecover?

It took me 2 months to actually feel sort of normal. Yung tipong I can walk long and a little bit faster, carry the baby longer and help him sleep by rocking him, endure car rides, go downstairs and stay long (weeks before I couldn't go down pa and all), AND more importantly, I could breastfeed while lying down which means that I was comfortable lying sideways na.

It could be just me because I heal slower than most people. Pero the stitch wasn't painful naman in general just like any sugat na malaki, it's just very uncomfortable pag ibang position than flat on the back. I spent 2 months laying flat on my back. Nakakapagod!

2. Pwede ba na gising ako while sini-CS?

Doctor's only give you epidurals or spinal anesthesia while CS. But somehow I fell asleep! I would go in and out of being conscious. Last thing I remembered, my husband was there and I was crying because I didn't want the CS, and my anesthesiologists were talking near my head then I was out. Next thing I know my baby was on my chest already and he was so heavy!

3. Ilang araw po kayo nagstay sa hospital?

I came in Monday night to be induced pero we got admitted ng 12mn na so Tuesday na ang start ng room charges and everything, went home Friday afternoon na. So 4 days.

4. Naka catheter po ba kayo?

Yeah, apparently. I remember saying sa OB ko I didn't want one pero obviously if you get a CS done, you need a way to go to the bathroom. Ok na rin yun, saved me a lot of effort on the first and second day.

5. Ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako
makakabili?

Abdominal binder. The hospital gave me one (I'm sure they charged it to my account!) and made me wear it even though I didn't want to. Turns out it gave the best support after a C-Sec. I'm still wearing mine now (3 months +) to help my muscles go back into place. My sister kasi didn't wear hers, and everything got a bit soggy in the middle. I don't want that!

6. Pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?

Hay, they would really bug you to stand up and start walking the next day of the operation. I really couldn't stand up sobrang hapdi ng feeling, I asked for extra pain killers to help me manage the pain then I tried standing up to go to the bathroom. Mga 2nd or 3rd day of recovery na ata yun. I'm glad I took my time. I followed my body's messages. Wag pilitin kung hindi kaya. Pero mas ok if you move na agad to help things going.

7. Naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel?

None at all. Thank goodness!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: tinandkate on September 01, 2011, 12:06:37 am
1. Ilang months po bago kayo nakarecover?

For my 1st baby, siguro almost 3 months bago ako nakarecover pero sa 2nd baby ko, after few days normal na ang kilos ko, lumalabas na ko para mag grocery and doing other stuff for her.

2. Pwede ba na gising ako while sini-CS?

Sa first baby ko tulog ako nung na CS ako pero sa 2nd baby ko half awake kasi alam ko yung ginagawa nila sa akin during the operation.

3. Ilang araw po kayo nagstay sa hospital?

First baby - 5 days kasi nagchill ako at ang lakas ng lochia ko.  Sa 2nd baby ko, 2 days lang dahil nakalakad na din ako the following day after my operation.

4. Naka catheter po ba kayo?

Both, naka catheter ako.

5. Ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako
makakabili?

Abdominal binder, sa first ko nag binder ako yung kulay blue na provided ng OB ko pero sa 2nd baby ko hindi ako pinag binder ng OB ko kasi sabi niya mas matagal mag heal ang sugat dahil nakukulob.

6. Pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?

Pwede naman kung kaya mo na maglakad.  Mas advisable nga ng mga OB na maglakad agad para mas mabilis ang recovery.

7. Naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel?

Sa unang operation ko, wala akong naramdaman.  Sa 2nd operation, ramdam ko ang paghiwa at pag-uga sa tyan ko.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: MommyMichell on September 05, 2011, 09:58:31 am
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
Matagal more than 3 months kasi makulit at malikot ako kaya ayun na-infection tahi ko :(
importanteng tandaan: Bawal na bawal magbuhat ng mabigat na bagay, napwe-pwersa yung tahi
 
2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
yes gising ako pero groggy, pinipilit kong tignan sa lights & mirror sa ulunan ko ginagawa sakin kaya napagalitan ako, iniisip nila baka magpanic ako pag nakita ko intestines ko and all :D

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
3 days, di ako makaget over na di ka papalabasin ng hospital hanggang di ka nakakautot at pupu para alam daw nila na maayos yung tyan mo at walang nagalaw or nawala sa posisyon ng hindi dapat kundi e ooperahan ka uli para ayusin (yikes!)

4.naka catheter po ba kayo?
yes kasi di mo pa naman talaga keri magpunta sa restroom agad after ng operation e maiihi ka talaga while nasa recovery room but i doubt kung mararamdaman mo na nakaihi ka na pala due to anesthesia kasi sabi ko sa nurse i need to pee, sabi nung nurse nakacatheter po kayo, di ko kasi nararamdaman dahil may effect pa anesthesia at binuhat niya yung bag may wee wee na pala :/

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
binder lang tawag, sa mercury drug may tinda pero may ibibigay for sure sayo after the operation, isasama sa hospital bills nyo but magbuy na ng 1 pa kasi madalas di maganda yung binder na binibigay sa hospital nakakatihan ako

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
maganda after 2-3 days mo na itry maglakad pag ididischarge ka na sa hospital, wag mo pwersahin sarili mo

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
alam kong hinihiwa tyan ko at aalog alog katawan ko habang hinihiwa pero walang pain na mararamdaman due to general anesthesia, mas mararamdaman mo pa yung parang mahapdi na gumagapang sa nerves mo after mo injectionan ng anesthesia tas biglang manhid agad, super bilis ng effect
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: nbl_072587 on September 08, 2011, 03:06:47 pm
may tanung ako, bakit yung ob ko sabi niya most probably cs daw ako, pero shewon't let me choose the date..bakit ganun?i want to give birth today but she still refuses to operate on me..it is my dad's b-day kasi and mama mary's as well.. pakipaliwanagan naman ako mga sis o.. salamat
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: LLLA on September 09, 2011, 04:58:24 pm
yung akin naman pinapili ako ng OB ko ng date.. 33  weeks palang ako nun mga mommies ha. kasi previa ko at di na pwede maprolong bleeding ko... nways, pinili ko pinakamaagang date kasi hirap na hirap na ko sa case ko that time.at wala naman important dates (ka-bday etc) nung mga time na yun.....di ko lang sure why di kayo pinayagan ng OB nio sa date na like nio.. hmmm... depende din siguro sa situation ng pregnancy nio... :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: LLLA on September 09, 2011, 05:03:28 pm
Mga mommies ang reason po talaga kaya need i-catheter is to avoid contaminating the OR procedure... Sterile po kasi lahat ng gamit pag inooperahan.. so pag wala tayong catheter, may tendency na maihi at ma-soil ang operation... which is a NO NO kasi it could cause severe infection pag na-touch ang open flesh natin  ;)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: gotluggage on September 21, 2011, 10:28:50 am
And sis make sis na si OB hindi basta basta nagcCS. Kasi there are Ob's na kahit hindi pangCS icCS ka. :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mumzeth on September 21, 2011, 02:58:07 pm
greenvolley - ano po ba yung placenta previa?

mommy obriana- kung wala pong problema sa vigina mo gaya nung mga kung ano anong tutubo sa part na yun di ka po maCS.. tapos maglakad lakad WAG NA WAG sosobra sa matamis mabilis lalaki si baby.. wag ka kain ng kain ng mga food na makakapagpataba kasi nga lalaki si baby baka mahirapan ka manganak..  ;D

tapos kasi may mga OB na para kumita bibigyan ka ng vits na pampataba para maCS ka(naganto nanay ko nung ako pinagbubuntis.)

tapos pray ka din po at lagi mo kakausapin si baby na wag ka papahirapan.. effective to.. :D
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: LLLA on September 26, 2011, 07:10:50 am
hi,

minsan unavoidable ma-CS, like ako 1st 7 months of pregnancy was all okay then comes 8 months, I had a heavy bleeding... I found out that I have Placenta Previa Totalis... completely covered ng placenta ang cervix, I was fully confident na Normal ako then suddenly I had this complication, to think na Sonologist ang OB ko, wala tlaga problem sa pregnancy ko.. so I think sometimes di talaga ma-avoid..

PS.. unknown ang cause ng Previa... 1st pregnancy ko yun.. so no chance na malink sa previous complication...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: galathea on November 20, 2011, 12:48:12 am

Hallo mga mommies, I am a newbie at SP forum so I usually do back reading before I reply, I noticed that this topic was started way back 2008...

But I am sure that this will still help a lot of mommies, like me I am a first time mom and syempre may mga worries and angst ka sa sarili mo na parang minsan nahihiya ka itanong...

Thanks to SP forum...

Anyhow this are my experiences with regards to CS delivery...

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
 - After ko kasi umuwi sa bahay normal na din galaw ko, medyo mabagal ng konti but I walk straight and without support and I carry my baby medyo hindi lang ako tumutungo.  Yung back to normal pati galaw and speed ko, less than a month siguro mga 3weeks.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- Yes, I remember I was awake, groggy but awake, I even heard my OB announced that my baby is out and "kamukha ni daddy", that's what I heard her say

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- I was checked in 6am Friday then check out 1pm Sunday, 3 days

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya... :(
- Yes, naka-catheter ako, and yes again tama yung isa comment na nabasa ko dito, catheter is necessary in order to avoid accidental contamination of the sterile surgical tools, hindi ko naramdaman yung paglagay so hindi ko masasabi kung masakit...

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- For me, I was lucky kasi tailor ang father ko, so sya ang gumawa ng binder ko, and he has to adjust it every 3days kasi lumiliit na yung tummy ko (Note: para mabilis lumiit ang tummy natin mga mommies after giving birth, avoid drinking cold beverages for at least a couple of months, it really helps)

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
- First day ko kasi medyo groggy pa talaga, after matanggal yung catheter ko the next day I was able to walk to the toilet na and pee on my own, well kailangan lang hawakan ni hubby ko yung IV ko...

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
- Yes I felt it when they were cutting my tummy but I don't feel the pain...

I sincerely hope that this info would help future mommies out there who are anxious about their upcoming delivery...

Happy parenting mommies and future mommies and God bless!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: love elle on December 09, 2011, 09:51:44 am
.ilang months po bago kayo nakarecover?
- 1 to 2 weeks lang balik sa normal na. :)

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- yes. gising ako the entire time kahit puyat. ineexpect ko nga na makakatulog ako pero hindi.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 7 days. pwede na sana kami madischarge nung 3rd day namin sa hospital kaso may antibiotics si baby through iv 2 times a day. hassle magbyahe so sa hospital na lang kami.

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
- yes.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- yung friend kong nurse ang bumili. ganda ng binder na binili niya kaso medyo bulky.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
24 hours after the operation kailangan na daw gumalaw-galaw. so nakapaglakad na ako nun at nakapag cr. room in si baby so alaga na din.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
- no pain. :) di ko naramdaman na hinihiwa na ako, narinig ko na lang umiyak si baby so alam kong lumabas na siya. hmmm. para ka lang inaalog. :p
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: babyblair on December 11, 2011, 02:49:25 pm

sis babyblair ilan taon ka po nung na c.s ka?

naku, now lang ako nag-respond. sori. anyways. 20 ako nung na-CS
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Dada08 on December 11, 2011, 03:30:44 pm
nakaramdam ba kayo ng nerbiyos during the procedure?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: babyblair on December 11, 2011, 03:36:49 pm
nakaramdam ba kayo ng nerbiyos during the procedure?

oo sobra, kasi gising ako. so tinutusok tusok niya ko sa may bandang collar bone and asking me, kung masakit at may nararamdaman pa ko. eh yes ang sagot ko, after awhile tusok ulit siya, ask ulit ako. i said konti. tapos biglang announce ok numb ka na.

yung ob ko nanghihingi na ng tools. don talaga ko kinabahan/nerbyos. napasigaw ako ng wait. may nararamdaman pa ko, tapos yung anes sabi wala na. she keeps assuring me na wala na daw ako na-fifil. na-relieve lang ako nung narinig ko na iyak ni blair, nahiwa na pala ko, at true. numb na . haha  ::)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: galathea on December 11, 2011, 10:26:57 pm
nakaramdam ba kayo ng nerbiyos during the procedure?

Hallo mommy Dada08!

I felt it when I my OB did the incision but with regards to pain, I did not feel a single thing, pagkaturok pa lang sa IV ko ng initial anesthesia groggy na ako, I did not even feel the injection in my lower back, I was actually anticipating the pain kasi sabi ng mga na-CS na na kakilala ko yun daw injection sa likod ang pinakamasakit, but I did not feel it...

Siguro the reason why I did not feel any pain is because I was calm, I was calm because I was praying even before I went to the hospital... And every time I feel any kind of uneasiness I pray...

Just pray and He would take care of everything, give yourself to Him...

Happy parenting to all and God bless!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: babyblair on December 11, 2011, 11:47:32 pm
nakaramdam ba kayo ng nerbiyos during the procedure?

Hallo mommy Dada08!

Siguro the reason why I did not feel any pain is because I was calm, I was calm because I was praying even before I went to the hospital... And every time I feel any kind of uneasiness I pray...

Just pray and He would take care of everything, give yourself to Him...

Happy parenting to all and God bless!

this is true. sabi masakit daw yung tusok sa likod. pero i felt nothing too. and just prayed and talked to God. he surely did take care of me :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: LLLA on December 12, 2011, 10:02:03 am
nakaramdam ba kayo ng nerbiyos during the procedure?

Hi Sis Dada08, walang nerbiyos during the procedure, groggyness ang nafeel ko, parang nasa ulap.. hehe!

Tama si BabyBlair, prayers can help alot :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: khaki_e on December 12, 2011, 12:29:31 pm
nakaramdam ba kayo ng nerbiyos during the procedure?

ay ako sis hindi.. pang 3 CS ko na last august.. siguro nakatulong din na ma-prepare mo yung
sarili mo, physically, psychologically, and spiritually... weird pero what i do, i read my past Medical records..
how the procedure to be done.. what to expect after the operation, how you can handle the pain, mga ganun...
weird pero for me it helps.. prayer... nakatulong din si OB kasi we pray before the operation..

lakasan mo loob mo sis, isipin mo na lang na makakaraos ka din at makikita mo na si baby =)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: 1sttimemom on December 12, 2011, 01:47:29 pm
tama sis lakasan mo ang loob mo, pray lang din for strength at safety niyong mag ina. pag nakita mo na si baby it will all be worth it.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: kurdapya101 on December 28, 2011, 10:12:55 am
hi im here again hehe :) galing po ako sa ob ko kanina and she told me na cs daw po ako :( kasi my baby is too big 4 my size daw maliit kasi balakang ko talga nung hindi pa ko preggy nun pa man sinabi na niya na wag mo palalakihin masyado si baby sa tummy mo kasi mahihirapan ka manganak.... ah super tigas pa rin ulo ko sige pa rin ako kain laki tuloy tummy ko hehe ;D mga mommy na na-CS i have questions po di ko kasi natanong sa ob ko kanina dahil nashock ako sa news niya na ma-CS ako... hope you can help me

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya... :(
5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel

yun na lang po muna question ko hehe baka kasi makulitan na kayo sakin :D thanks po

1. masakit lang yung tahi sa una about 10 days though tolerable naman nakakalakad ka makakabyahe ingat lang
2. groge ang pakiramdam mo habang ini CCS ka
3. ako 5 days in a hospital pero bale 2 days dyan yung nasa delivery room ako pinipilit kase i normal e induced ng induced kaso wala talaga
4. yup naka catheter ka about 2 days siguro
5. sa hospital mismo meron nun. lalagyan ka naman nun kapag nasa recovery room ka na e then buy ka nalang ng extra binder
6. a day after or 2 pinag lakad na ko ni OB
7. wala ka mafefeel at all so relax kase mas madali ma CS kesa umiri ng umiri hehe relax and pray la ng ang masakit lang sa CS yung iinjectionan ka ng pampamanhid
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chardonnay on January 03, 2012, 06:08:26 pm
Sa mga na CS, after 3 weeks, me nafi feel pa rin ba kayong kirot? Paminsan minsan kasi meron pa rin sa akin kaya balik binder ako pag buhat si baby.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: insensitive on January 06, 2012, 05:32:59 pm
^oO naman sis..kumikirot pa din...2yrs and 3mos na ang nakalipas simula nung maCS ako, kumikirot pa rin paminsan minsan..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ♥♥♥mommyangel♥♥♥ on January 07, 2012, 01:40:34 am
@insensitive: true din pala sis no? ako na remember ko mga last yr ata kumirot din.

sagutin ko na din to. :)

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
- 1 week after, lumabas na ko mag-isa, nagpunta sa hospital para tanggalin ang stitches ko. Kaya ko, pero dahan dahan pa din. less than a month normal na din kilos pero ingat pa din sa paggalaw.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- yes. gising ako. groggy, tinitignan ko pa yung family ko, pinapanood nila ko.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 3 days.

4.naka catheter po ba kayo?
- yes.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- binder. sa hospital ko lang din binili.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
a day after naglakad na ko, papunta nursery. need ko daw kasi breastfeed si baby nun. with assistance and dahan dahan talaga.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel?
- wala talaga ko na feel. narinig ko na lang iyak ng baby ko. :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy chen on January 07, 2012, 11:45:15 am
Joining :)

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
- 1week after check up ko kay doc..kaya ko na din magkikilos ng normal nun pero careful lang ako kasi hindi pa pwede ng mabilisang galawan..kasi 3weeks old c baby pinabinyagan na namen siya..

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- yup gising ako..pero wala ng lakas..tinry ko kasing i-normal delivery e..(pero mahabang kwento kung bakit naging CS ako) ehe

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 3 days.

4.naka catheter po ba kayo?
- yup for 2days i think..

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- binder. yung first sa hospital namen nabili tapos bumili ako sa SM nung mas magandang binder..masyado kasing makapal yung galing sa hospital e..

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
-a day after pinalakad na ko ng doctora ko para daw bumalik na sa ayos mga internal organs ko :)

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel?
- totally wala..nararamdaman ko lang nun parang may sumusuklay sa bandang tummy ko..tas iyak ni baby :D
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: janey on January 11, 2012, 06:17:45 pm
Sino po dito na experience nagnana yung tahi? Ano po ginawa niyo para gumaling? and ano po reason bakit nagnanana..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: kurdapya101 on January 12, 2012, 08:29:46 am
bakeit nagnana?? baka naman hindi pinalitan bandage? o hindi nilinis? abay d gagaling ang tahi mo kung di mo aalagaan ng linis sa betadyne.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chococream on January 12, 2012, 09:27:04 am
linisan lang palagi ang tahi sis para madali syanag maghilom kahit hindi man lang sa loob madali magheal bsta sa labas sirado nah. if hidni kaya maglinis ng tahi ng sarili mo, hubby mo or ask someone to help you out.

pagnana yan sis meaning meron infection kaya linisan talaga sis, go to your ob-gyne and have it checked, im sure meron ka naman diba na antibiotics and pain reliever kasi masakit pa yan im sure.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: LLLA on January 12, 2012, 09:51:03 am
Hi Sis, ako na-experience ko to..Super naloka ako.
I went to my OB to have it checked and I was told that I had SUTURE REJECTION.
It means allergic ako sa Thread na ginamit to close the upper surface of my skin.
I was given ANTIBIOTICS and BACTROBAN. Nawala naman po. Kaso nagka-Keloid. 
Better magpa-check ka sa OB mo po
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: charmed0304 on January 12, 2012, 03:38:44 pm
better nga sis kung ipacheck mu sa OB mu yan.. serious issue yan di dapat pagwalang bahala.. Mine di naman nagnana, alaga talaga dapat sa linis yan... yun lang nagkeloid sakin kasi ma-keloid talaga akong tao.. ;D
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: charmed0304 on January 13, 2012, 03:19:49 am
Mas ok ata emergency cs kesa scheduled cs.. emergency cs ako last dec.1,2010.. then this year scheduled cs na! waahhh :-\

Eto answers ko:
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
- 3weeks siguro pero iwas din sa mga bawal gawin..

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- gising na gising! emergency cs ako pero nasa katinuan ako nun.. kinakausap pa ako ng anaesthesiologist to make sure siguro na di ako makatulog..

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 5 days din kami ng baby ko..

4.naka catheter po ba kayo?
- nung una, oo.. sakit malagyan! ramdam ko kahit may anaesthesia na ako.. :'(

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- sa hospital na rin ako nakabili nun but i suggest bumili ka na lang sa labas..

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
-kinabukasan na rin ako gumalaw nun, ang hirap sa umpisa.. takot na takot kasi ako maalis tahi.. praning ba!

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel?
- wala naman.. pero nung alisin na si baby sa loob ng tyan, mafeel mu yung pressure, other than that wala na..

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chardonnay on January 14, 2012, 09:25:09 pm
Mommies, curious lang ako kasi yung tahi ko twice lang nilinis. Nung lumabas kami ng hospital on the 4th day  and nung 8th day. After two weeks, tinanggal na yung gauze and puwede na daw basain pero di ko pa rin binasa :D Takot pa rin ako pero healed na talaga sya.

Also, walang sinulid na kita sa labas, nasa loob daw. Then yung labas parang ni glue lang.
Ganun din ba sa inyo? Meron kasi akong nababasa na tinatanggal pa yung sinulid. Nasa preference ba ng OB pano closing type na gagawin niya? 
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: giselle1115 on January 14, 2012, 09:42:20 pm
 chardonnay - sa kin sis once lang nalinis, nung tinanggal na yung bandage after a week.  After that sabi ni OB pwede na daw ako mag full bath, so full bath naman agad ako.  It's been 4 months since my CS and ok nanaman yung tahi. 

Pareho tayo ng tahi wala ding sinulid.  Yun na yata yung latest ngayon, parang naka glue lang para malinis tingnan.

BTW, I'm here in Cebu and I gave birth to twins pa :-)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mhamie on January 15, 2012, 08:56:23 am
 sa akin pag alis ko ng ospi nilinis niya tas ang nilagay niya na bandage eh yung plastik(di ko alam ang tawag dun :) ) para pwede ko daw basain kong maliligo ako pero di ko pa din binasa mahirap na eh haha... hmm 1wk nung bumalik ako sa OB ko tinanggal niya yung plastik tas nilinis tas gasa nalang niligay kasi ok na daw yung sugat ko... actually tuyo n nga din siya pero di naman halos lahat... :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: janey on January 15, 2012, 01:58:43 pm
Mga sis, thread sutturing daw tawag dito pero hindi na ako nagpacheck up tyinaga ko na lang sa betadyne, grabe kahit yung sinulid sa loob lumabas kasi nagbutas-butas nga siya,nakakatakot buti okay na ngayon tuyo na siya
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: LLLA on January 15, 2012, 04:53:33 pm
sis Janey
di ka binigyan ng antibiotics?

FYI lang.
Yung plastic na bandage na see through. TEGADERM po tawag dun  ;)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: janey on January 15, 2012, 10:22:37 pm
Sis Liz: hindi na po ako nagpacheckup takot ako baka tahiiin ulit,may kilala naman ako same lang din ng case ko,hindi na rin siya nagpacheckup,okay na rin.. Sis ano yun? Sure ba yun kahit basain ko hindi talaga papasukin ng tubig tahi ko?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: LLLA on January 16, 2012, 05:38:03 am
naku sis Janey.. sana nag pa-check up para sure na maayos yung tahi mo, yung akin naman hindi tinahi ulit. kasi ibabaw lang naman yung bumuka sakin.
Yung Tegaderm di yan pinapasok ng tubig basta tama pagkakalagay mo. Meron niyan sa mercury. Bale lagyan mo muna ng gasa yung tahi tapos takpan ng Tegaderm (medyo expensive siya) Yung Gasa dapat just enought to cover yung tahi.pinalagyan din ng Bactroban yung tahi ko after 3-4 days natuyo na agad...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: lenmel on January 16, 2012, 03:44:06 pm
sis, sana pinacheck mo sa ob mo yan para kahit tuyo na alam mo ang dapat at pwedeng mangyari. yung sa 1st ko tinanggal ang tahi tapos yung sa 2nd ko sa loob na yung tahi parang dinikit lang. mabuti naman walang keloid.. :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: witkat on January 16, 2012, 03:48:38 pm
yun rin advice ko sis, mag pacheck up ka sa OB. major operation yan, ilang layer yung hiniwa para mailabas ang baby.. mahirap na baka sa loob merong infection. huwag naman sana. pero para sigurado ka and para di na lumala go na sa OB. Betadine rin gamit ko panglinis, wag mo kakalikutin and keep it dry.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chardonnay on January 17, 2012, 03:57:43 pm
CS mommies, vertical yung cut ko pero yung sa uterus alam ko transverse. Kayo ba? I'm wondering kasi kung nasaang part na ng abdomen natin yung cut/tahi sa uterus. Me masakit kasi sa loob, below the navel, di ko alam kung ano yun. Hindi pa ako makapunta ke OB, wala kasi bantay si baby pa.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: janey on January 17, 2012, 07:23:57 pm
Salamat s concern niyo mga sis.. :)

Sis chardonnay: same tayo ng tahi, ganyan fin na fifeel ko minsan,yung sakit niya hindi sa tahi sa loob talaga..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mhamie on January 20, 2012, 05:19:09 pm
mga sis hanggang ngaun ba nakakaramdam pa din kayo ng kirot sa tahi nyo? 1mo na din me... ang kinaiinis ko lang pati balakang ko sumasabay... kayo din ba? and totoo ba yung pwede bumuka  yung tahi sa loob kahit magaling na yung sa tahi sa labas?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: janey on January 20, 2012, 10:26:33 pm
Hi sis mhamie: yes kumikirot din minsan tahi ko lalo na kapag malamig..1 month na baby ko. Balakang hindi naman sis,  oo sis totoo yun kaya bawal pa tayo magbubuhat ng mabibigat baka mapwersa kasi hindi pa magaling uung nasa loob isipin mo sis ilang layer yan hiwa natin.. binabasa mo na ba tahi mo? Buti hindi nagnanana?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chardonnay on January 21, 2012, 05:04:27 pm
^ wahh takot ako diyan sa bumuka ang tahi sa loob kaya worried din ako kasi nga me masakit sa loob, parang maga tapos la pa ako katulong ngayon kasi me inasikaso na emergency nanay ko.  Kahapon kumirot uli, pero pag kirot sa tahi di ako worried kasi normal pa talaga yun. Yung sa loob talaga ang concern ko kasi di ko yata maimagine hiwain uli plus gastusan yun.

Yung balakang minsan mommy mhamie nararamdaman ko rin. One time pa nga as in hindi ako nakagalaw agad. Nung 3rd week ko siguro yun. 1 mo & 1 week na ako ngayon, minsan meron pa rin, medyo nagkikilos kasi ako ngayon dahil kami lang ni baby sa bahay.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mhamie on January 22, 2012, 01:19:23 pm
ah kla ko ako lang nakakaramdam ng sa balakang hehe...

@janey oo nga katakot bumuka sakit na nga sa bulsa yung cs eh... yung sugat ko ok naman na tuyo na siya kaso di ko pa dn binabasa saka na siguro pag bonggang malinis siya... meron pa kasing kulay itim(yung sa sugat) hehe... yung ibang cs kasi na kakilala ko parang mga amasona... kakauwi palng naglalaba na... yung iba 1mo plng balik work na grabee lalakas nila feeling ko weakling ako hehe...

@chardonnay  parehas tayo ako at si hubby lang taga pag alaga as in pag labas ng ospi hanggang ngaun... sabi nila kakabuhat daw kasi kay baby yung pagsakit ng balakang...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chardonnay on January 22, 2012, 02:56:57 pm
^^ oo sis kakabuhat nga pero sabi naman atleast no more than 6 kilos yung bubuhatin and since napapadalas ke baby, dedma muna sa ibang task, kasehodang gabundok na labada hehe
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mhamie on January 23, 2012, 10:29:09 am
^ ah bsta no more than 6kls :) atleast alam ko na hehe... ako din kay baby focus kaso minsan may gusto ako abutin aun pinipilit ko kaya siguro nakakaramdam ako ng sakit sa balakang hehe... di bale check up ko sa sat kay Ob matanong na din hehe... paano kaya nila nalalaman na tuyo/ok na yung sugat sa loob? inu-ultrasound kaya nila?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: KCs_mum on February 08, 2012, 01:09:46 am
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
 - I think it was a week or two bago ako nakakilos ng normal na ulit, but siyempre need parin magingat that time kasi bawal pa mga heavy na gawain.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
 - Pwede. But unfortunately, kinailangan akong patulugin habang inooperahan. :(

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
 - 3 days ata, I forgot na. Sorry, makakalimutin nako since nanganak ako. Haha. :)

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
 - Yup, for a day lang ata.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
 - Tawag ko lang dun binder eh, haha. Pero I got mine from my mom lang.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
 - I was able to walk after a day or 2.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
 - Well, in my case, naramdaman ko yung first two na hiwa sa tummy ko. Hindi pa kasi fully gumagana yung anesthesia nun eh, super mabilisan na kasi yung ginawa sakin dahil emergency CS lang yun and I was in labor or 12-13hrs na. Yun din dahilan kung bakit hindi ako gising nung lumabas si baby. :( I told my anesthesiologist na nararamdaman ko yung hiwa, after ko sabihin yung, may tinurok lang siya, then that was the last thing I remembered.

Share ko lang din, after nung operation na yun, naging allergic nako sa Biogesic. After ako operahan, nagkalagnat ako kaya pinatake nila ako ng biogesic, then nagpantal yung mata ko. Hanggang ngayon, nagpapantal parin ako whenever I take Biogesic. Kaya yung Tempra Forte nalang tine-take ko ngayon. ;)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommyMidya on February 16, 2012, 10:00:13 pm

I had a CS operation last Nov. 08, 2011 at EAMMC

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
- 2 weeks. dahan dahan sa pag galaw.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
-  uu. Tinanong ako nang doktor kung gusto ko daw matulog, sabi ko ayaw ko.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 8 days. Kasi need ni baby mag pa-phototherapy.

4.naka catheter po ba kayo?
- uu pero tinanggalan na ako noong nsa ward na ako.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- yung akin blue na binder. Mas okay nga bumili ka sa labas, mas mura.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
- ako the next day na nakatayo.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel?
- ako as in walang naramdaman. super kuwentuhan lang with the doctor. :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommyandkiehla on February 16, 2012, 11:11:44 pm

Mine was scheduled. 10-10-10 at 10 am.

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
- After a week naglalakad na ko ng maayos. They say na the best cure is to help yourself, 8 hours after the operation pinarecline na ang bed ko then practice magside ways. Hanggat hindi mo kasi tinutulungan sarili mo mas lalu matagal ang recovery. Pagiisipin mo masakit, masakit talaga. I swear super painful esp in my case I am allergic to some medicines kaya ang painkiller ko lang is biogesic. You will need all the help you can get, support and ecouragement. The best help is to find and wear a right binder. Ang ginamit ko yung pang weight loss. Mas tighter mas maganda.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- half awake.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- Sunday ako nanganak and wednesday umuwi na kami. As long as nkapass gas (utot) ka na and poop puwede na lumabas and syempre kapag wala na iba complications at nkakatayo ka na.

4.naka catheter po ba kayo?
- yes, for 24 hours. Nilagay yun after the epidural and inalis after 24 hours. Wala naman ako nafeel nung nilagay.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- tummy tucker or yung pang weight loss na binder. You can buy this in all mercury drug stores tapos may nabibili na din sa mga department stores na medyo may kamahalan. Binili ako ng mom ko nito and maganda siya mas tight.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
- the following day pinilit ko na talaga tumayo.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel?
- after they inserted the epidural nagnumb agad half ng body ko. Before they started the operation my anesth made sure na wala ako nararamdaman. Pero yung pressure na kinakapa ni dra kung saan si baby nafeel ko pa yun then after that wala na.

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chardonnay on February 17, 2012, 12:27:49 am
Pasingit lang po ng question.

Gaano kayo katagal nagsuot ng binder? 1 week  lang kasi ako kasi ang init init and dami ko nararamdaman kaya tinanggal ko na para maginhawahan ako. Binder ko kasi yung blue na makapal. I also have the Persona brand from mercury and planning to use it na kasi ang laki pa rin ng tiyan ko. Ask ko lang kung pano ba pag wear nun? Yung me fold ba ang sa harap? parang ang hirap kasi pag uupo umaangat. Thanks!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: miekee_18 on February 17, 2012, 06:37:50 am
Joining:)
Na-CS ako March 11, 2009..twins kasi and breech yung isa.Sa QMMC ako nanganak..

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
- 2 weeks.I think ok na ako nun medyo kumportable ng gumalaw though hinay hinay pa din sa pagkilos

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
-  Yup, pero ako totally sedated eh wala na ako naramdaman after ng anes.. nagisng nalang ako nasa recovery room na ako heheh:)

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 2days lang kasi sabi ko sa OB ko kaya ko naman hehe  hirap kasi sa hospital di ko lang lalo maalagaan yung baby kasi rooming -in na agad syempre need rest ko pa atleast pag sa bahay madami tutulong sa pag aalaga.

4.naka catheter po ba kayo?
- uu and its the worst nightmare for me.,nahirapan kasi ako umihi after tanggalin as in pisil pisil ko nga nun yung nanay ko kasi kumikirot yung tahi ko pati yung *epe ko masakit sobra parang natrauma na nga ako umihi uli after nun sobrang sakit kasi talaga..

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
-yung binigay sakin sa hospital color white siya pero tumataas kasi pag magalaw ka, so bumili kami yung sa mercury color blue yun pero ayaw kasi ng OB ko yun kasi mainit daw pero nun umuwi kami yun pa din ginamit ko kasi mas kumportable ako kumilos saka mas mahigpit siya mas feel ko na secure yung tahi ko..

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
- ako the next day pinilit ko na tumayo at maglakad kasi mas lalo ako di papauwiin ng OB ko pag nag hihiga ako hehe saka need daw kasi para makutot or makadumi na.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel?
- ako as in walang naramdaman.after ng anes kasi knock down na ako hehe
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: hanne on February 20, 2012, 04:36:03 am
emergency CS din ako last Oct 19, 2011

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
 - by the 10th day nakapag commute na ako sa hospital alone for my check-up (tho isang trike ride lang naman yun) and by the 11th day nag grocery na ako mag-isa. almost no pain na nun, parang mabilis lang ako mangawit pag nakatayo ng matagal, sumasakit balakang ko but was perfectly mobile and all.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
 - normally ata gising talaga. kase dapat gising din ako like the other moms but may part na nararamdaman ko yung pain and my heart rate shot up (initially kinakausap ko pa anesthesiologist ko and i said i can feel something while hinihiwa ako and he said baka phantom pain lang cos if i can really feel something my vitals would change and after a min or two i dunno pero bigla sya nagpanic and she told my OB to stop cos i need to be put down, so i think nagbago na vitals ko by then).

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
 - 3 days, wed night ako nanganak, sat lunch ako na re-lease.

4.naka catheter po ba kayo?
 - Yes, first 24hrs. di ko naramdaman ilagay. di rin masakit nung tinangal.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
 - binder lang nga din tawag namin dun. paggising ko meron na e, so i guess the hospital will sometimes provide for it. hehe

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
 - required ako to walk after the first 24hrs kaya tinanggal ang catherer, para maglakad ako everytime i need to pee

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
 - first 2 hiwa, parang malamig na ballpen lang na sinusulatan tummy ko. eventually i can feel a 'snipping' pain sa left side, parang may hinihila na something sa tummy ko cos i can feel the pressure of being pulled somewhere then i 'snip' na parang may release tapos yun ang masakit. as i've mentioned, i was eventually put out after a while so dun wala na talaga akong naalala at nararamdaman until i woke up 2hrs after sa recovery room.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: charmed0304 on March 02, 2012, 10:24:26 am

had my prenatal check up yesterday.. i know long before, sked cs na ako for my 2nd baby.. Yes, excited ako to see my baby but facts are popping out of my head! Hiwa na naman, operation na naman after 1yr and 4mos lang ng first CS operation ko.. Waaahh.. Before di ko masyado iniisip to, cool lang ako about it.. But now na malapit na ako manganak, sked CS would probably be on April 2, parang kinakabahan na ata ako ah.. Praning na naman ako as to what will happen, baka may mangyaring di maganda,etc.. Haysh.. Eto na naman pagka nega ko!
Mommies who've been there sa situation ko, please lessen my worries.. Ano ba dapat isipin ko?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Castiole on March 02, 2012, 10:34:06 am
Hi Sis Charmed,
     Same situation lang pala tayo. Na CS ako last Feb. 8 lang. Sked din kasi magkasunod din mga anak ko. 11 months old pa nga lang panganay ko. Syempre kinakabahan din ako like you, pero ang iniisip ko na lang ay makikita ko na din si baby. Huwag ka masyado ma tense sis kasi mas mahirap pag ganon. May possibility pa na tumaas bp mo nyan. In my opinion, hindi na gaano mahirap pag second CS kasi expected mo na rin iyong pagdaraanan mo. Mas madali pa nga recovery mo kasi alam mo na din gagawin mo. Pray ka lang lagi Sis. Good Luck!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: sushilover123 on March 02, 2012, 12:37:45 pm
First thing to do sis is pray ka lang.. Makakaraos ka din and makikita mo na si baby. :) para mawala pagkanegative mo, why not prepare or the coming of your baby? Ayos ayos ka ng mga damit and stuffs na gagamitin niya para instead na kabahan, maexcite ka diba? :D

Buti ka nga sis scheduled CS ka.. You don't have to experience labor and all the pain (syempre after CS, dun na ang bonggang pain) ako kasi emergency CS last June. Naglabor ako ng sobrang tagal tapos nilagnat then nagCS na. Sobrang thankful ako na naCS ako kasi ang sakit sakit maglabor!!

Kaya mo yan mommy!! Wag ka magisip ng kung ano anong masasama as long as sinunod mo naman lahat ng payo ng OB mo.. Kering keri mo yan!! Goodluck sis! :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: charmed0304 on March 02, 2012, 03:49:41 pm

@ sis Castiole:
really sis? mas maaga pala nasundan sayo.. :) Nakakakaba lang talaga kasi alam ko na mangyayari eh.. Pray na nga lang tala siguro para mawala worries ko.. Nakaraos naman ako before so makakaraos din ngayon.. Same din ba ng cut mu sa 1st yung 2nd cut mu? I mean dun din yung hiwa? thanks! :)

@sis sushilover123:
naku sis, sa 1st baby ko same tayo, naglabor din ako for 10hours bago ako na-emergency cs.. Syempre this time, scheduled cs na since hindi umobra normal delivery nung 1st ko.. yoko na ma-experience yung ganun.. worry ko lang now is maexperience na naman same pains after cs syempre.. pero i know kaya yan for the baby di ba? :) Prayers nga dapat talaga! thanks sis! :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: nikaygelo on March 02, 2012, 05:40:01 pm
joining din!!
emergency CS din ako last 10-05-11 (Sta Monica Hospital)

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
- a week after, dahan dahan lang sa pag galaw

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- yup, ako gising nun, yoko matulog kase gusto ko makita baby ko, ang sarap pala sa pakiramdam nung nakita ko yung anak, nawala lahat ng sakit,pagod at hirap..naluha nga ako nun..basta iba ang feeling..

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 3 days ako, hanap pa kase si hubby ng pambayad sa hehe, emergency kase eh..ang naipon lang namin is yung pang normal lang..un ang mali namin kase masyado kaming nag stick o nag set sa mind namin na normal delivery hehe

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
-yup, pero hindi ko naramdaman at hindi ko lam, nung sinabi lang ni hubby dun ko lang nalaman,,

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
-binder po, nung si hubby bumili nasa 100 po, meron sa mercury..pero si hubby nakabili mismo sa hospital

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
-yup, ako kinabukasan pinaglakad lakad na ako..para daw masanay sa sakit, at yung paghiga pa side ways na dahan dahan..

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
-hhmm..yung sakit hindi talaga,para nga akong mananggal nun kase manhid talaga yung buong katawan ko, pero ramdam ko na parang pinipitik yung tyan ko un pala hinihiwa na ako..kahit yung turukan ako nung sa likod hindi ko naramdaman kase ang nararamdan ko nung is LABOR napakasakit..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: babyblair on March 02, 2012, 10:10:03 pm
may i add pala. kasi yung post ko. talagang i said na super painless yung naging operation ko kasi diba sabi nila masakit pag tinusok na sa spine. nung sa akin kaya hindi pala masakit, kasi bago yung pinaka parang major anesthesia, yung masakit nga. e tinurukan muna ako nung local anesthesia, kaya wala ako naramdaman non. hehe

kaya sa mga kagaya ko na dadaan ulit sa CS e suggest niyo sa OB niyo na mag local anesthesia muna. hehe
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: jpeach on March 03, 2012, 12:46:39 am
sis charmed0304, emergency cs din ako nung 1st baby ko 7 years ago. i'm pregnant now with my 2nd baby and scheduled cs din sa april. nakakanerbyos talaga pag iniisip mo yung hihiwain at bubuksan ka na naman tapos yung magpapagaling ka ng sugat for ilang weeks. kung pwede lang, mas gusto ko talaga normal pero no choice na e. nag-post din ako ng parang ganitong question dun sa isa ko pang forum and sabi naman ng mga nag-reply mas madali na daw yung 2nd or 3rd na cs, even yung recovery. yung iba nga nag apat na cs pa e. medyo napalubag naman loob ko kahit na minsan bigla pa din akong kinakabahan. pray, pray, pray na lang din talaga. good luck, sis!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Castiole on March 03, 2012, 11:34:11 am
Sis Charmed,
       16 hours din ako naglabor sa first baby ko at CS nga ang naging ending. Maganda lang ngayong second CS ko hindi ko na pinagdaanan labor pain. After the operation na nga lang sakit. Oo Sis mas nakakatakot nga situation ko kasi maaga nga nasundan panganay ko. iyong cut pala same pa din naman. Kaya mo yan SIs charmed, nakaya mo nga noong una na may labor pain pa eh di mas lalo na ngayon. Good Luck! :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommyandkiehla on March 03, 2012, 03:08:01 pm
Hi sis!
Ako naman had a scheduled cs din lst 10-10-10. Alam ko na from the start na possible cs ako because of complications and sensitive kasi ang pregnancy ko. Ako din sobrang takot na takot to the highest level. Takot kasi ako sa injection, blood, wound and swero. Malakas tolerance ko sa pain but then takot lang talaga ako. Kahit nga magpavaccine lang kinakabahan ako what more ang maoperahan pa and never pa kasi ako naoperahan. Dami ko ginawa preparations, 1st siyempre nakinig muna ko sa pregnancy and labor stories ng mother ko which is parang mamatay ako kapag naririnig ko mga kwento niya. 2nd, nagkaroon ng buntis congress sa hospital kung saan ako manganganak, I grabbed the opportunity kasi may delivery room tour so i got the chance makita itsura kung saan ako maoperahan and because of that ewan kung bawas sa kaba or dagdag. 3rd, I prayed a lot. May novenA ako dinadasal simula mabuntis ako hangang sa morning ng manganak ako. Sobrang nakatulong. Since ok ang 10-10-10, un na ang date na pinili ko. Habang papalapit ang araw ay grabe ang kaba ko. Nung dumating na kami sa hospital yung tibok ng puso ko ang bilis at nanginginig tuhod ko, imbis na iwheel chair ako e pinili ko n lang mglakad papunta room dahil s nerbyos ko. Bawas din sa kaba ko e ngpablow dry muna ako ng hair at nagmake up bago sumalang sa operation hahaha. Thank God everything went well. Hindi ako nasaktan sa epidural at nakiliti pa ako. Masakit lang talaga ang after operation pero after a week ok na.

Go, mommy! Dapat nga mas expert ka na kasi 2nd mo na yan! Good luck!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: lykeil on March 03, 2012, 04:08:10 pm
All of my 3 kids were cs & EVERY YEAR ako nanganak! Noong una, takot kasi walang alam, but came the 2nd & 3rd time alam na, pati nga OB ko alam na kung paano ako ihandle.. hehe...

Basta hindi ako nag preeclamsia ok na sa akin at healthy ang baby ko paglabas at may mapag iiwanan ako sa panganay ko that time kasi kasama ko si hubby sa hospital for 3 days.
Kaya kain ka na lang ng healthy for you and your baby and enjoy being preggy kasi upto 3 lang na bata pwede sa CS. Very risky kasi for baby & mommy. Depende rin sa katawan ng tao kaya siguro nakayanan ko ng 3 sunod sunod. But thank God nakayanan ko!

had my prenatal check up yesterday.. i know long before, sked cs na ako for my 2nd baby.. Yes, excited ako to see my baby but facts are popping out of my head! Hiwa na naman, operation na naman after 1yr and 4mos lang ng first CS operation ko.. Waaahh.. Before di ko masyado iniisip to, cool lang ako about it.. But now na malapit na ako manganak, sked CS would probably be on April 2, parang kinakabahan na ata ako ah.. Praning na naman ako as to what will happen, baka may mangyaring di maganda,etc.. Haysh.. Eto na naman pagka nega ko!
Mommies who've been there sa situation ko, please lessen my worries.. Ano ba dapat isipin ko?

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: LLLA on March 04, 2012, 04:41:35 pm
hello sis, pareho tayo, scheduled CS din ako sa April 10.  ;) Pero kung manigas na tummy ko baka April 2 magpa-CS na ko..pareho ng date sayo.  ;)

Ako oo medyo scared din, kasi 4years ago na yung last CS ko, pero inisip ko kaya ko to kasi kinaya ko naman sa una..tsaka much better na din kasi ayokong maglabor sis..  ;)

Magpray ka lang sis! Kaya natin toh!  ;)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mami che on March 04, 2012, 05:03:42 pm
hi sis!

ok lang yan.. mas nakakatakot nga tignan yung mga naglalabor eh  :D at least, tayong mga CS, cool lang  ;) always ready tayo parang girl scouts  :)

CS din ako 4 times... sabi ko sa unang baby, ayoko ng manganak kasi ang hirap hirap ng healing process  pero grabe, i'm amazing... nag yearly din ako  ;D
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: annie0312 on March 15, 2012, 03:18:31 am
Ask ko lang po ganu katagal ang fully recover ng cs? Mga ilang months puwede bumalik sa work?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: galathea on March 15, 2012, 11:28:33 am
Hallo mga mommies!

FYI talagang tinuturukan muna ng local anesthesia bago yung major anesthesia, oftentimes the reason why some mommies still feel the pain of the injection in the spine kasi may "nerbyos" sila, so medyo nale-lessen ang effect ng local anesthesia. I have two sisters that had CS three times each, and sa kanila naman basta ang bilin nila sa akin before I went to my own CS operation, is to pray and don't be nervous so that the anesthesia would work as it suppose to...
So the best advise I can give to mommies who is expected to deliver by CS is to pray, I did not feel any pain at all, because I had been praying the whole time even before I was taken to the hospital, I was praying.
God bless mga mommies!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: einie on March 16, 2012, 12:47:52 pm
i'd love to answer these ones:

1.ilang months po bago kayo nakarecover?

i just had my C-section last month.i'll have my last check up with my OB on my 6th week. i look forward to this day because i could get back to my usual routine, i could do exercises to flatten my belly,hehe and i could go out a lot by then,hehe

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?

yes,opt for the spinal anesthesia. only the lower part of your body gets numbed.
you can ask questions from your OB while she's taking your baby out.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?

my OB said we can go home the next day but i insisted on staying for another night. i was ok but then i don't feel like going home yet. i wanted to sleep all day with baby in the hospital.

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...

yes,anyone who undergoes such kind of operation will have catheter for a few hours or days depending on one's recovery.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?

they call it girdle,hehe still it's abdominal binder.you've got lots of options nowadays, either use the binder for exercise/gym or use a girdle which is better.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?

yes, i was able to have a few steps a few hours after my operation. why? after the long-awaited fart, you can walk and move by then. but of course, you shouldn't force yourself to do it, only if you feel and think you can.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel

no feeling at all. the only pain i felt was when the anesthesia was injected on me.

the whole experience was very challenging and exciting for me!  :D
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: galathea on March 16, 2012, 01:43:36 pm
Added info mga mommies, regarding exercise, my OB advise that for safety purposes crunches or sit-ups should be done at least 6months after operation in order to avoid reopening the incision, kasi although your incision looks healed on the outside its still in the healing process on the inside.
Though pwede na ng light exercises after 3-4 months basta walang lifting or any other activity that would put pressure in your tummy.
Kasi there is a danger of having your incision re-opened if you are not too careful.
Just take it easy once you had your CS, its better to be safe than sorry...
Happy parenting mga mommies and God bless!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: twelvth_goddess on March 17, 2012, 03:10:39 am
I had CS delivery on September 2010:

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
- When we went home after 2 days, naglalakad-lakad na talaga ko non. pero mahirap bumangon from a lying or sitting position. Siguro, I was able to recover from the pain after about 2 weeks.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- I was awake the entire time. The epidural made me chill like crazy, as in nanginginig ako. The anesthesiologist asked me if I wanted to sleep but I said after na lang na my baby has been delivered. i wanted to be awake to hear her cry :)

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 2 days lang

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
- Naka-catheter talaga pag CS

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- I cant remember what it's called, it was just an ordinary binder for me but I also had a different binder that I bought before I gave birth. It really helped flatten my tummy again.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
- I had the operation at 2AM and I stood up and walked at 5PM.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
- I didnt feel anything but I felt nung pinush pababa yung tummy ko para lumabas baby ko.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Cjohn on March 18, 2012, 12:05:01 am
Hello mga mommies!
Sched CS din ako this 26Mar, this is my 2nd child at yung first emergency. Gusto ko sn mgtrial labor kasi since d ako ngdilate fully my OB suggested n sched n lang. Question lang ilang weeks n kyo ng sched kyo ng CS.  Kc my OB suggesting the earlier daw the better. (37 weeks onwards)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: einie on March 18, 2012, 01:11:27 am
i had my C-section my 41st week but i was induced first. unfortunately, baby still doesn't want to come out so my OB opted for CS.

yes, the earlier the better daw according to my OB so the baby won't grow really big.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: charmed0304 on March 18, 2012, 04:49:33 pm

hello mommies! thanks po sa lahat ng replies!
Lapit na ma-cs ulit.. hehe! Pero mas excited na ako now.. parang wala na yung fears.. :)
Pag second time cs, at yung 1st emergency cs, usually 2weeks before due date iniisked na ng ob to avoid labor pains na.. sa case ko, pwede rin daw VBAC(vaginal birth after c-section), pero di na nga daw umubra nung una, ulitin ko pa ba yun? yoko na rin maglabor pa ng super tagal tapos eventually cs din naman so sked cs na! :)
kay sis einie naman iba case niya, lagpas na due date niya so sked cs niya.. :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chardonnay on March 26, 2012, 06:36:23 pm
^ mas okay na nga sked CS sis kasi ako naglabor pa din ng bonggang bonggang 30 hrs then emergency CS. Ang maganda lang dun la na ako paki ano gagawin sakin basta ilabas nyo lang anak ko kasi super stress na ko. hehe.

Yung mga kasabayan ko nga dapat ng sked CS, ayun cool na cool while preparing dun sa labor room while ako kaawa awa pero okay na rin, all pain has been forgotten and naranasan ko labor pains.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: LLLA on March 27, 2012, 08:30:03 am
hi mga mommies. ako kasi 38weeks ang advise ng OB ko (basta di daw maghilab tummy ko before that week)
I'm now in my 36th week.. 2 weeks nalang i-CS na ko  :) APRIL 10 sked ko.. ayaw niya ako i-CS ng 37weeks kasi baka maliit pa si baby nun...

super excited..di naman ako natatakot..
inaalala ko post op kasi alam ko na sasakit yung incision,,,waaahhh!
pero yung operation mismo di ako natatakot..
masakit lang naman dun yung spine injection at turok sa braso na pampahilo (NUBAIN)..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chardonnay on March 27, 2012, 02:38:36 pm
^ ay korek sis! hirap magpagaling :) double ur vitamin C nalang para mabilis ang healing :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: LLLA on March 28, 2012, 05:35:40 am
chardonnay korek ka diyan.. VIT C daw katapat para mabilis healing.. yung friend ko di nahirapan kasi 1000mg FERN C ininom niya.. ayun bilis recovery.. I will do thesame  ;)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chococream on March 30, 2012, 03:19:29 pm
Hi sis,

yes talaga vitamin c, hype mo yon. and then pa breastfeed ka. b.ig help sa pagheal din yon ng tahi mo and getting back in shape after preg.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: xadie on April 02, 2012, 10:19:04 am
Hi mga sis, bukas na ako -CS.. instead of April 10..
Please pray for me and my baby...

sis LLLA, ill be praying for your safe delivery :)

mommies question lang what are the reasons kaya na ssched for CS? sorry na first time mom lang kasi ako :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: LLLA on April 06, 2012, 09:03:18 am
thanks sis xadie
House na ko.. nakauwi na kami nung WED, everything went well... still recovering..
Dun sa question mo, madami factors kaya na-sched ang CS, like sakin, CS na kasi ako sa 1st born ko kaya nagparepeat na ko kasi there will be chances na mapunit ang uterus pag nagnormal ako..

Other factors are:

-breech position si baby
-masyado malaki si baby at maliit ang mommy
-highblood si mommy
-placenta previa (baligtad inunan)
-maliit ang cervix ng mommy

yan so far ang alam ko..  ;D
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: einie on April 06, 2012, 09:28:20 am
other factors also include:

*diabetic ang mommy
*twins (doesn't apply to all cases though)
*high-risk pregnancy (35 yrs old and above)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: annekjarki on August 01, 2012, 11:38:29 am
Hi po!  :) share ko lang, mag repeat cs ako schedule ko this coming monday August6.actually pwede na nga raw today or any of  these days wag lang later ng tuesday. pinalalampas ko nalang yung bagyo sa OMMC kasi ako manganak.sana nga lang daw wag ako maglabor. :)

ask ko lang pagrepeat cs ba parang ganun din ba nung 1st yung process?

paulit ulit ko binabasa mga posts dito para macomfort ako.6yrs ago na yung 1st cs ko so medjo bago na naman feeling ko ngun lalo na bago din si ob and yung ospital.

at baka may naka experience din ng cs sa OMMC payward sana may makapagshare bago ko manganak sa monday.heheh : )
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Zheii on August 22, 2012, 07:02:49 pm
Mga Sister may tanong na naman ako. Kelan pwedeng bumalik sa work after ma.CS?? Thanks!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: carissa8 on August 23, 2012, 03:08:34 pm
@Zheii, ang alam ko entitled ka for 78 days leave ata.. actually, you can return to work anytime naman basta kaya mo na, kaya lang meron naman paid leave diba, so why not use it para kasama mo pa yun baby ng mas mataglal.. In my situation kasi I don't Have work prior to giving birth with my 2nd baby which was last Feb lang, tapos nag start ako mag work nun March 29, tas sabi nun ibang mga nurse nun nag papa medical ako pwede ba daw yun mag work na ko agad, sabi naman ng Doctor nasa Mom naman daw yun kung kaya mo na.. So yun.. Hope this helps you.. :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Zheii on August 24, 2012, 11:30:38 am
^ Maraming salamat sa reply sis. July 24 kase ako nanganak and wala akong work nun, eto nga at may job offer nako kaso si Mama ayaw akong payagan kesyo mabibinat daw ako. Eh 1st week palang after kong manganak eh malakas nako. Buti nalang sis at pareho pala tayo, daming gastusin kasi. Hehe :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: wandergirl_turn_mom on August 30, 2012, 11:55:01 am
Well, the news was out. Ang kinatatakutan ko, CS ako  :'( waaah  :'( Placenta Previa Maginalis ang case ko. Gaaaawd! Sobrang natatakot na ako mga kapatid.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chardonnay on August 31, 2012, 10:17:54 pm
Keri nyo yan mommies! Dali nga pag CS, la na gaano labor pain lalo na kung sked kayo. Hehe yabang ko. Sked CS din ako last time pero on the day na nagcontract ako 1 day before the sked, umikot na si baby ko pero nauwi din sa CS kasi cervix arrest. 30 hrs labor pain then nung CS, la pa 1 hour, baby out na. Mahirap lang sa CS yung recovery. Ask ko pala mommies kung me na feel pa kayong pain. Ako kasi minsan meron pa. 9 months ago na to. Thanks!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: hanne on September 07, 2012, 10:32:19 am
sis chardonnay, 10mos na baby ko pero wala naman akong nararamdaman na sakit. sa hiwa ba mismo? though kumakati hiwa ko pag malamig or pag pinagpapawisan ako, sabi naman sa akin ng mga tita ko na CS din, normal daw un.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: xianne on September 07, 2012, 11:15:42 am
7months na c baby.. minsan sis pag karga ko sya parang bigla nalang may shooting pain sa gilid ng tahi.. yung parang cnundot ng daliri (hintuturo) minsan lang yung pag pagod ako tapos kinarga ko baby ng medyo matagal... natatakot nga ako ee baka nghihiwalay yung laman hehe.. saka mga sis till now malaki pa din tyan ko.. nung mga 2 months lumiit na tyan ko pero pansin ko ngaun mas malaki sya..di naman ako matakaw...ganun ba tlgah?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chardonnay on September 07, 2012, 05:25:32 pm
Thanks mommies. Di naman sobrang sakit, parang uncomfortable lang. yup dun mismo sa hiwa. Di ko alam kng dahil ba mag mens pero since ma CS ako parng kung ano ano nararamdaman ko sa reproductive system ko hehe.
Lumiit din na tiyan ko pero parang lumaki nga ulit. Usli pa rin nga pusod ko til now hehe sagwa.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: annekjarki on September 09, 2012, 11:16:28 am
Hi mommies! :)

Ask ko sana kasi medjo nagaalala ako though di ko sure ano gagawin...CS ako 1month na yung baby ko.2 days ago napansin ko yung sugat/tahi ko parang bumuka.super liit siya kay tinuloy ko lang yung paglinis (alcohol,agua oxinada,betadine and bandage)kaso today,yung butas sa tahi ko kasing laki na siya ng mata ng isda or a little bigger na.may times may sakit siya.duda ko bka may nana...hindi na ba madadala kaya ito magsara kung linis,bandage ko lagi?kung kelangan icheckup or tahiin ulit sa obgyne po ba ako magpapatingin?

medjo confuse kasi ako sa public lang po ako nganak and during that time yung advice nila sakin linisin lagi.wala nako na ko matandaan silang paalala sa kin.:( hope u can advice...ty
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: hanne on September 09, 2012, 01:40:43 pm
sis, pachk mo na para sure. one month na kamo baby so medyo matagal na dapat healed na sa labas yung sugat mo (at least based from my personal exp, after 10days almost invisible na sugat ko).
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Zheii on September 09, 2012, 03:19:13 pm
Correct! Patingnan mona sis sa OB mo para dina lumala and para di kana din nagwo.worry. Ako nga nun Betadine lang advice na panlinis and daling humilom.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: MildredBerns on September 10, 2012, 11:32:29 am
ako din betadine lang pinagamit sken plus me gamot ako naininom..bawal din po lagyan yan ng cover..patingnan mo na din po sa ob mo para mas sure at maagapan na kgd..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: xianne on September 10, 2012, 12:08:29 pm
san po ba banda sis?sa baba ba?sakin din sa baba dati kala ko bumukas sya ee.. un pla ng ke-keloid lang saka dun yung part na iritable lage i dunno why...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: chardonnay on September 10, 2012, 05:15:29 pm
ako din yung bandang baba nag keloid pero yung taas ang ganda naman. bat kaya ganun?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: jealousygirl on September 13, 2012, 02:07:03 pm
hi po.. same here yung sa baba na part medyo nag keloid ,, then ganun rin parang bumuka siya,, so what i did, nillinis lang rin, three times a day.. betadine lang,, then bandage.. then naglalagay me ng binder para hndi siya bumuka,, then slow move ahahaa.. ( para kong robot ) then nung pinabalik ako ng doctor para tanggalin na yung tahi,, ( tama ba term ko ) aheehe,, tagal na kasi, im just sharing yung naalala ko nalang..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: annekjarki on September 20, 2012, 08:36:57 pm
follow up share dun sa ngayari sa kin na bumuka konti yung tahi ko... :)
thank you po sa mga nagshare and advice na ipacheck ko na nga....so un nagpacheckup na ako sa 2 obgyne. 2 kasi yung una ayaw galawin yung tahi ko dahil hindi siya gumawa raw.yung isa naman naawa sa akin at naintindihan yung situation ko na sa public ako nganak and during that time nganak ako iba-iba yung ob ko nun...

regarding sa tahi ko; hindi pala natutunaw yung magkabilang end. dapat a week after when i gave birth bumalik ako sa ospital san ko nganak para tanggalin. promis cross my heart wala may nagsabi sakin doon,ang nasabi is linisin ko 3x a day with alcohol,ibandage at ibinder...
Salamat sa Diyos hindi naman bonggang infection ngyari sa tahi ko and ang ginawa linis 3x a day ng betadine at lagay ng bactroban ointment then bandage...ngayon healed and okey na me :)

Moral Lesson: Mag ingat,Wag makulit at at Matuto :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ~_Chi-Chi_~ on September 21, 2012, 11:40:28 am
^good to know na okay ka na sis.:)

yung akin naman, nagkeloid yung tahi ko.huhu ganun dib daw yung sa mom ko nun pero nung pinanganak kasi niya yung bunso namin, tinanggal ng ob niya yung keloid. i used to put ointment, yubg ineendorse ni maricar kasi prescribed ng ob ko. nakalimutan ko lang name.haha pero ayun, nagkeloid pa din.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: slv_am on November 19, 2012, 10:50:43 am
Hello Mommies! Anyone here who had second CS? I just had mine and felt na mas mabilis recovery ko ngayon. Ang hinhintay ko lang eh yung magiging itchura ng scar kasi with my first CS, nag keloid siya na medyo malaki..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: momhie pen on November 19, 2012, 01:29:17 pm
me too sis ..experienced 2nd CS na,,un nga may scar na..want to try contractubex..sabi nila effective naman daw
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: slv_am on November 22, 2012, 01:01:13 pm
Itatanong ko rin yan sa OB ko when I get back for a check up kasi one week pa lang tahi ko today at medyo mahapdi pa.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: insensitive on November 22, 2012, 02:34:42 pm
ang tanong ko naman dito sa 2nd CS,.paano kung ibang OB ulet sa 2nd,ok lang ba yun?
di pa naman ako buntis pero napapaisip minsan..sabagay kung sa cgh ulet ako manganak mahuhukay naman siguro nila medical records ko noh..ayoko na kasi dun sa dati eh :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: layahasmin on November 22, 2012, 06:00:14 pm
Naka-2 na kong CS and will have my third in about 5 months.

Re: contractubex, magwo-work pa kaya yan kahit 11 years ago pa yung first cs ko?

Sis insensitive, magkaiba yung OB ko for first and second CS. Sa CGH din ako nun una pero yung second sa Metro na. Matanda na kasi yung una kong OB, parang ayoko na magpa-opera sa kanya. Hihi. Okay lang naman ang experience ko, medyo nainis lang yung second OB ko kasi bakit daw ganun yung ginawang hiwa sa akin nung una, masyado daw mahaba. Baka nga kasi dahil matanda na yung doctor at old-fashioned ang style na alam. :P
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: nestlekrim on November 29, 2012, 07:17:58 pm
Hello po mga mommies!! gusto ko lang po magtanong meron na po ba kayong kakilala na namatay due to complications in CS?kinakabahan po kasi ako eh,sa ospital po ako manganganak,mabait naman po si OB, pero still parang may nerbyos pa rin po ako talaga when it comes into opera or panganganak.  Mga mommies natatakot ako sa complications na pwede mangayari..ano po bang gagawin ko para naman kahit papano di ako dagain sa dibdib?salamat po. :-\
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: little lantern on November 29, 2012, 08:31:19 pm
Hi sis, bakit ka pala masi-CS? Ako kasi cs ako dahil 40wks na hindi bumuka yung sipit-sipitan ko. Last May lang ako nanganak at ok naman. Masakit lang talag pag nawala na yung anesthesia, mahirap tumagilid at umupo. Pero kailangan mong mag-lakad lakad pag tanggal ng catheter mo para yung muscles mo sa abomen ma-relax tsaka mas madali ang recovery pag nag ambulate ka agad. Lagi namang i-checheck ng ob mo yung tahi tsaka may check-up ka din naman pag na-discharged ka na sa hospital @ may mga gamot ka din naman. Ano palang cut ipapa-gawa mo? Ako kasi bikini kaya medyo matagal ang healing. Mas marami kasi natatamaan pag bikini unlike dun sa normal cut kasi purely muscles lang yun. Wag ka matakot sis, magtiwala ka lang sa ob mo.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: babyrhye on November 29, 2012, 11:32:44 pm
cs din ako. last nov.3 lang ako nanganak.pray ka lang sis. and for sure kapag dumating na yung time ng operation mo hindi ka na kakabahan kasi mas magiging excited ka na makita ang baby mo. And dont worry too much, your ob will know what to do naman eh.kaya important din na you have trust to your ob.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: nestlekrim on November 30, 2012, 04:00:13 pm
Hello mga Sis! salamat sa encouragement  kasi nakakatakot naman kasi di ba yung hihiwain ka?parang feeling ko masakit ewan ko siguro sana tumalab yung anesthesia sakin haha!! by the way mga sis! CS daw po ako pag di umikot si baby 32 weeks na po ako,pero sabi nila OB iikot pa daw yung baby,pero nagreready nalang ako kasi baka mamaya mag emegency CS ako dahil baka may ibang reason din kasi po maliit lang po ako I'm only 4'8, kung sakali po parang mas gusto ko po yung isang cut yung hindi po bikini cut kasi mahal po yun di ba,atsaka mas mabusisi po yata yung pagtatahi at paghilom nun sugat ng bikini cut kesa po sa isa.Mga mommies, au po pala yung catheter? pasesnsya na po di ko alam kung para saan yun. ???
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: little lantern on November 30, 2012, 06:25:49 pm
^
Yung catheter yun yung may mahabang tube na may urine bag sa dulo. Kasi syempre may anesthesia ka di ka makakatayo para umihi kaya dun ka iihi. Ilalagay yun sayo pag nilagyan ka na ng anesthesia. Inaalis nila ang catheter after 24hrs tapos kelangan makapag banyo ka na mag-isa.

Yung sa cut naman sis mas complicated talaga pag bikini cut tsaka mas matagal ang healing. Sa presyo wala akong idea kasi di naman sinabi ni ob basta tinanong ako kung ano gusto kong cut. Ako nga sis takot ako sa anesthesia kasi itutusok yun sa likod mo pero wala ako naramdaman kasi magaling yung doctor tsaka ang bait. Sya pa nga nag take ng pictures ko habang nanganganak. Hehe..

Basta sis pray ka lang, malalagpasan mo din yan tsaka worth it lahat pag nakita mo na si baby mo. Sayang nga eh mas ok talaga pag normal para ramdam talaga na nanganak kaso syempre pag di kaya di talaga pwede ipilit lalo na pag dating sa safety nyo ng baby.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: nestlekrim on December 01, 2012, 01:44:06 am
maraming salamat little lantern!  lahat nasagot mo sa tinanong ko about catheter and cut,sana may mga sis pa na sumali sa usapan para di lang ako ang mabigyan ng knowledge about cs operation,maraming salamat again mga sis! :-*
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: little lantern on December 01, 2012, 11:35:20 am
Sis nestlekrim, no problem kasi ako din ganyan nung nag-buntis maraming tanong. :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: slv_am on December 04, 2012, 07:39:07 pm
Me too, iba OB ko with my 2nd CS and so far mas maganda tahi ko para lang siyang linya na manipis. Nagoffer pa saken na i-try mag NSD kaso hindi ko na makuha yung records ko from my previous OB dahil nabaha ng Ondoy yung hospital which is in Marikina kaya nag proceed na kami sa CS. Kinakabahan ako kasi scheduled CS na talaga to unlike nung una na talagang emergency pero nakaka bilib kasi mas mabilis recovery ko.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: apple11 on December 04, 2012, 10:35:40 pm
hi! tama, mas mabilis ang recovery dahil siguro alam na natin dahil sa 1st experienced. Regarding naman sa scar, sa 1st cs ko nagkeloid kaya dun sa 2nd may inofer ob ko. she scrape the keloid and injected the medicine after the operation. naglessen naman yung keloid. tsaka nagreseta sya nyang contractubex. sa 3rd cs ko naginject ulit sya ng gamot. ngayon ok na. di na nagkeloid. haha..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: IanAndDina on December 05, 2012, 04:45:30 pm
Hi mga sis :) 38 wks na ko. Nung 36 wks ako nakacephalic na si baby tapos nung last check up ko naging transverse lie pero after two days bumalik na ulet sa pagiging cephalic ang baby ko, kaya lang sabi ng ob ko kapag ganun posibleng cord coil na tong si kulet so possible na ma.cs daw ako :( natatakot ako dun sa recovery at tsaka sa sugat kasi i really cant stand the sight of fresh wounds :( gaano ba kahaba yung hihiwain? Naiiyak talaga ko pag naiisip ko na ma.cs ako eh,
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Crocs2011 on December 05, 2012, 05:10:04 pm
Hello sisses! CS din ako twice na, 2008 and 2010. Yung first was emergency tapos second is scheduled na. Okay naman sya, siguro sanay na din hehe naka-dalawa na kase ako. Tiwala din ako sa OB at Aneasthesiologist ko, close na nga kami e. Sa second ko nagkukwentuhan pa kami ng Aneasthesiologist ko para malibang while waiting kay baby. Pero dapat magaling ang OB at AE mo, kase yung SIL ko, naramdaman niya yung pagbiyak sa tyan niya. After mawala and aneasthesia, hindi naman masakit ang tahi, sasakit lang sya pag may movement ka. For me, ang pinakamasakit yung pagtanggal ng catheter at pag-wiwi after...grabe dyan ako nasaktan.

Anyways, ingat more sa mga mommies na buntis ngayon and keep on praying...isama nyo sa prayers nyo mga taong kasali sa panganganak nyo. Good luck mga mommies! :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mami che on December 05, 2012, 09:18:44 pm
joining!  :)

Had CS operation 4x na. normal cut ako. around 2-2 1/2 inches  lang naman ang hiwa  sis kaya pwede ka pa ring magbikini  ;D malayo kasi sa pusod ang ginawa ng OB ko kaya nakatago  :D wala din akong narinig na nalagutan ng buhay thru CS... mahirap lang yung healing process pero with support from people around you, madali lang galaw galaw ng buhay mo :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: zee18 on December 05, 2012, 09:22:10 pm
Hi mommies. Na cs din ako sa 1st baby ko last 2009. Emergency cs un kasi nagtry ako maglabor ininduce na ako ng ob pra mapabilis daw. Na distress lang c baby kc cord coil din pla siya kaya pla I got stucked sa 2cm at di na kinaya talaga. Two and a half days ako sa hosp. Pinakamahirap lang cgro pag cs eh pag maliligo na kc bawal pa mabasa yung tahi. 5days after ng operation ko naligo nq. Nakakairita kc. Hehe. Ngayon preggy ulet ako im on my 34th week at sana this time makapag vbac ako. :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: IanAndDina on December 05, 2012, 11:27:40 pm
Gano ba kahaba ang hiwa/sugat kapag cs? Hai kinakabahan ako :(
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: babyrhye on December 06, 2012, 10:07:09 am
^ sis huwag ka kabahan.hindi ganon kasakit ang wound ng cs. at hindi din sya ganon kahaba.bikini cut ipagawa mo.para lang syang line ng panty.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: rozzy on December 06, 2012, 11:15:46 am
Sis, wag kang kabahan... Lakasan mo ang kalooban mo. At isa pa iwasan mo muna mag isip isip ng hindi maganda kasi hindi rin maganda sa baby mo yan. Emergency CS din ako. Yung tipong alam namin na mag normal delivery ako at wala naman problema sa akin. Kaso from 8am - 4pm eh naglalabor ako buti na lang nasa clinic ako ng OB ko nun at monitor nila baby ko. Ang bilis ng tibok ng puso ng baby namin then ayun nung ultra sound eh naubusan na ng tubig yung dalawang area. Eh hindi naman ako naputungan pa ng panubugan at 5cm palang ako. Ayun nag decide kami na iCS na nga ako. Kaya mo yan sis! God is with you and your baby! :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy irene on December 06, 2012, 11:48:26 am
ill share my experience naman..

actually, normal delivery dapat ako sa 2nd baby ko (1st was nsd, 3 pushes lang at 4hrs labor lang).. itong 2nd ko, oh well, oct 5 ako nanganak via emergency cs.. naubusan ako ng water at pre-eclampsia ako.. good thing naisip ko pang magdrop by sa clinic ng OB ko nung day na yun kasi 2 days prior, i had spot, bahid lnag na blood sa undies ko, nakiramdam ako kung may mga contractions PERO wala until that day..

so ako naman komo ngat wala ako nafifeel, magrereport pa ako ng office kasi should be yun na ang last day ko at ML na ako plust the fact na anniv din ng office kaya need nila na andun ako.. so heto na, sa clinic ni doc, smile smile pa ako, musta musta, beso with OB then sabi niya tara IE tayo (first IE for my 9th month).. i was shocked when she told me na manganganak na ako, as in 8cm na ako.. OMG di ba?.. eh wala man lang ako nafifeel na pain that time, i can even smile, joke around.. nung nag bp kami, ayun, ang taas 180/100, again, walang hilo ako nafeel.. sabi ko nga mataas ang tolerance ko sa pain.. so ayun, she ask her sec na samahan na ako sa kabilang building (CGH ako), imagine, nakuha ko pa maglakad ha.. so ayun, eh hindi pa kami ulit nakapag ultrasound sa latest position ni baby - so pinapunta ako sa lab - cephalic si baby meaning i can deliver it normal KASO ubos na ang water ko.. again, hindi na naman ako aware dun siguro daw dahil sumasama na sa wiwi ko yun, out of 8 highest score, nasa 2 na lang ang water ko so if ipipilit pa namin ni OB na mag normal delivery, baby and i will end up stressed or worst baka hindi kayanin ni baby.. eh that time pala mga sisses, ako lang magisa ha, nagreport pa si hubby sa agency niya - so during this time, ako lang ang nasa loob ng labor room, doing the calls (yes, they allowed me to get a call - partida, naisip kopang magbilin ng work sa office, hahaha PLUS tawag sa asawa ko).. pagdating niya (hubby) sa loob ng labor room, he was advised kung ano yun gagawin saken - cs nga daw dahil sa ganun nga bp and less water na.. then nung nag sign na si hubby, pinasok na ko sa OR.. yun ang aking moment.. hehe.. what i did was really pray hard for me and baby to survive and we did.. praise God!!.. alam niyo yung feeling sa OR na nasusuka ka, na parang hinihila yung tyan mo, ganun yun all the time - groggy to the highest level ang lola niyo - turukan ba naman ako ng ilang dose ng mag pampababa ng bp.. ang height pa, before ako i-cs, nakipag chikahan pa ko kay doc - i remember i even say hi to her habang nilalagay ako sa operating table para katayin (hahaha)..

sorry ha, haba ng kuwento..  sa healing naman, medyo nahirapan lang ako sa pag ihi - kasi feeling ko naipon lahat ng wiwi ko (after tanggalin yung catheter) eh hindi ako makawiwi sa diaper so what i did was ask again from the nurses kung puwede ako palagay ulit ng catheter, good thing sabi ng nurses na mas masakit lagyan ng catheter kesa mag wiwi ng kusa - biruin niyo 2 silang nurse ang naghelp sa ken na magwiwi - arteartehan ako nun - nag bed pan ako pero pinalagay ko sa upuan (hindi ako makalakad pa kasi that time), ayun, pagkaupo ko pa lang, bagsak na si wiwi.. yun tahi ko is normal na hiwa lang, pero madali naman nagheal sa ken at maganda ang pagkatahi..betadine lang yun at gauge.. gaya ng iba dito, nakaligo ako after 5 - 7 days kasi nga takot din ako mabasa yung sugat ko.. so ayun, i experienced both normal & cs delivery..

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: IanAndDina on December 06, 2012, 02:00:56 pm
Salamat mga sis sa pag.encourage, expect ko din kasi na mano.normal delivery si baby. Kaya lang at 38 wks nag.transverse siya tapos kinabukasan nag.cephalic ulet, e pag ganun daw posibleng ma.cord coil, kaya nireready ko na ang sarili ko na puwede akong ma.cs :( salamat ulet mga sis :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Janet31 on December 08, 2012, 10:20:33 pm
scary ang caesarian with my 3 kids normal lahat ako kahit sabihin pa ng doctor na CS na I said "NO" I can make it.
with scar issues I heard from other moms na CS na hindi na talga matanggal yung scars.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mommy chen on December 10, 2012, 04:37:41 pm
Hi mga sis,
im on my second pregnancy 26weeks na si baby..

on my 1st child (year 2010) emergency cs ako..ilang oras akong nglabor pero hindi ko kinaya 10cm na ako but still hindi lumabas si baby..during my pregnancy kasi 1st ultrasound ko pa lang may nakita nang cyst sa left ovary ko..yung ob ko sa st.lukes ang gusto niya operahan ako kapag ng5months na si baby sa tummy ko, i dont want that idea, ayoko itake ang risk e pano kung hindi makayanan ni baby?..worst comes to worst mawala siya during the operation ako ang talo..nawalan na ko ng obaryo nawala pa si baby, so ang ginawa ko humanap ako ng ibang ob to ask second opinion sa findings nila hindi naman nakakasama sa pagbubuntis ko yung cyst so there's no need for me to undergo operation during my pregnancy(thank God) ang naging problem lang...hindi ako nakapanganak ng normal..pero we've tried kasi mas gusto ko talaga normal besides sa mas mura siya e mas may health benefits kay baby kung dadaan siya sa normal na labasan talaga..nung naglalabor na ko ayaw talaga lumabas ni baby un pala nakaharang yung cyst ang ending pa din CS ako..nung time na yun hindi ko na naramdaman ang lahat kasi sobrang pagod na din ako sa ilang oras na labor akala ko nga nun katapusan ko na(hahaha) sinabi ko pa sa ob ko doc kayo na po bahala..sobrang hinang hina na ako..

ayun thank god okay naman kame ni baby..at eto manganganak ulit ako for our second baby this coming march..this maybe our last baby dahil nga nagiisa na lang ang ovary ko..actually hinabol lang din namen na magkaron ng pangalawang anak kasi yung natitirang ovary ko lumalaki din siya..i just hope and pray to God na wag niyang pahintulutan na lumaki siya ng husto na dumating ulit sa point na tanggalin siya..im just turning 28 this january ayoko naman na at this young e wala na ang dalawang ovary ko :(

yan yung isa sa pinangangambahan ko ngayon at talagang kinakabahan din ako na ma-CS ulit sabi kasi nila masakit daw yung turukan ka ng anesthesia sa likuran..pero sa pagpapagaling naman ng sugat wala namang naging problema kasi may mga iniinom naman na pain relievers para hindi siya makirot although mahirap lang talaga gumalaw sa 1st few days after the operation..pero pray lang tayo mga sis..keri bum bum naten yan..mawawala lahat ng sakit pag nakita na naten ang ating mga angels :) :)

Good Luck sa atin and happy pregnancy 
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: little lantern on December 17, 2012, 07:42:11 pm
Hi mga moms. May gusto lang sana ako itanong sa mga na-CS na. 1st time mother kasi ako at CS ako. I gave birth 7 months ago. Ang weird lang kasi ng feeling ng tiyan ko para  bang minsan may pumipitik sa loob kaya tuloy iniisip ko baka preggy na naman ako pero nag-PT na ako last saturday at negative. After I gave birth, aware naman ako na iba talaga ang feeling pag CS, lalo na pag pumipwesto na yung mga internal organs. Normal lang kaya itong nararamdaman ko sa tiyan ko? parang ang sikip sa loob na ewan tapos yung tahi ko medyo mahapdi din. Yung pusod ko nga hindi na din pumasok sa loob, unlike dati na malalim.

Pwede bang paki-inform ako kung ano ba talaga yung mga karaniwang nararamdaman pag na-CS. Thank you.

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: KathMendoza on December 17, 2012, 10:10:04 pm
Ako din sis CS ako kpag malamig normal daw na kumikirot yung sugat kasi hindi pa siya magaling sa loob..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: xianne on December 18, 2012, 11:07:06 am
ako din sis CS ako.. 10months ago lang :)
same tayo minsan parang may baby pa sa loob hehe..
nung 6 months ako medyo makirot pa din sia lalo sa gilid..
pero now okay na un lang may nagalaw ang nararamdamn ko :)
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: nerisse on December 18, 2012, 11:17:00 am
normal yan sis. nothing to worry. ako, 3 yrs ago na pero there are times na bigla na lang kumikirot at humahapdi sa loob na parang biglang hiniwa...at naging sobrang malilimutin ako. just last week ipinamili namin ng damit yong son ko.  ng palabas na kami ng mall, napansin ng husband ko hindi ko dala ang pinamili naming damit ng anak ko. hindi ko talaga matandaan kung saan ko naipatong at naiwan.  we went back to the places that we went, di na namin nakita.  And worst I am totally clueless kung saan ko naipatong.  Instance like that, that I forget anything, is not unusual.  Napakalimit ko ng ganyan.  I tried to seek medical help pero wa;ang nangyari.

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Mommy Jazz on December 18, 2012, 12:27:25 pm
Same topics merged. Question on  the merged topic has already been discussed on the original topic.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: elizabethdennis on December 21, 2012, 07:02:00 pm
Hi shelaih,
Here are my answers to your questions
   a. ilang months po bago kayo nakarecover?
Recovery varies from person to person. Depende kung gaano ka kastrong and kng gaano kalaki ang threshold mo ng pain. But talking about the incision, generally, few weeks ok na ang sugat sa skin pero ang sugat sa loob, it would take around 3 months or so to heal.

   b. pwede ba na gising ako while sini-CS?
Yes. It is possible to perform the C-Section na gising ka. Hindi naman general anesthesia ang gamit kapag CS.  Just tell your anesthesiologist if gusto mo gising ka during the entire process

   c. Ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
Hospital stay is 3 to 4 days

   d. naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya... –
Yes. Nka catheter ka talaga hanggat hndi pa bumababa ang effetc ng anesthesia. If you can move your legs already, puwede nang tanggalin ang catheter. But remember you have to “pee” within 4 hours after the catheter is removed. This will show na wala nang effect ang anesthesia sa bladder mo. If hindi ka naka “pee” within 4 hours, there's a possibility na ma catheter ka ulit.
 
   e.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili? –
It's called abdominal binder. Meron niyan sa hospital pharmacy and malalaking drugstore like Mercury Drugs hindi ko lang alam kng magkano.

   f.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
Ideally, after natanggal na ang effect ng anesthesia sa katawan mo, or ma feel mo na ang legs mo, kailangan mo nang kumilos. Iyan ang sinasabi ng nurses na “ambulate as soon as possible”. Kasi kapag nglalakad-lakad ka mas madaling bumalik sa normal function ang intestines mo and other organs, mas mapapaaga ang discharge mo. But do not force yourself na mglakad agad. Start with elevating the head of the bed. Then you could sit on your bedside and dangle your feet. Then you can walk slowly but with assistance of course until na kayang kaya mo na mglakad alone.

   g.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel –
You will not feel anything from your "tummy" down to your legs.

Have a safe delivery!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: babyrhye on December 22, 2012, 08:39:28 pm
here's mine :
   a. ilang months po bago kayo nakarecover?
after 2 weeks nakakabyahe na ko.after a month ok na ang sugat sa labas pero syempre ingat pa din dahil fresh pa ang wound sa loob.

   b. pwede ba na gising ako while sini-CS?
I was awake the entire pocess of the operation.

   c. Ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
3 days

   d. naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya... –
Yes, Gabi ako inopera. kinabukasan ng tanghali tinanggal na yung catheter.

   e.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili? –
Mine was bought from Mercury.

   f.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
pagkaremove ng catheter ko kinabukasan naglakad na ko.

   g.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel –
didnt feel any pain.parang inuuga lang.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: ayreene on December 26, 2012, 11:53:54 am
ako din super duwag ma cs pero nakayanan ko :) kaya yan! isipin mo kakayanin mo para sa baby mo :) God bless! Pray lang din.

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: prettyhope on January 03, 2013, 12:51:09 pm
here's mine :
   a. ilang months po bago kayo nakarecover?
- fully recovered i think 1-2mos. nakatayo ako agad in 3-5days. ang hirap! ang sakit! hehe
.

   b. pwede ba na gising ako while sini-CS?
tulog ako the whole time. pero i was shaking, alam ko nagsasalita pa ako, saying "im shaking! im dying!" hehe... yung diwa ko half awake pero yung katawan ko bagsak talaga... naririnig ko din sinasabi ng mga nurses at doctors ko hehe

   c. Ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
3 days

   d. naka catheter po ba kayo?
     yes, may catheter, pero tngal agad saken eh, once okay na ako.. kinabukassan din ata tinangal na'

   e.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili? –
sa mercury sis meron

   f.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
para sure rest ka muna, mga in 2days start ka na tumayo at maglakad... mabagal ka lang sa una pero nmakakayanan mo din

   g.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel –
naramdaman ko na hinihiwa ako. im cs e. pero dahilo bangag sa gamot wala ako magawa kundi matulog eheh

Daddy Jehu,

try mo sa mga maternity hospitals, mas mura un than general hospitals or lying in.. fabella try nyo din. sana maging okay panganaganak ng wife mo.. ang sweet naman, ;)

Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Youmiyanaira on January 25, 2013, 01:23:57 pm
 :)Joining....

I just had my 2nd C.S last year.. So far, Medyo Mabilis ang recovery ko in less than a month ok n ako.. yung 1st few weeks lang ako nahirapan.. Magkaiba yung OB ko at sinundan lang niya yung Tahi ko sa Una ... Since 9 yrs yung gap.. D gaano n halata yung unang Tahi ko... kaya Medyo nahirapan itrace ni Dra yung hiwa.. hehe..
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Mommy Jazz on January 25, 2013, 02:22:08 pm
topic "Second CS operation experience" merged with this thread.

Talking about 2nd CS operation, on my 2nd experience (I've 2 kids but never experienced normal delivery), pareho din ng 1st experience ko. The only difference on my 2nd, ginamitan ako ng parang clear tape sa tahi ko. It protects my stitch and I can take a bath normally. By the time it loses it's adhesion, magaling na yung wound.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: winsel on February 23, 2013, 10:56:55 am
hi momies...ask ko lang kung normal lang b n sumaskit yung likod ko.n cs din me 4 months ago...b4 sumaskit din yung tian ko at likod tas nag pacheck up me nireseta sken ng ob ko maalox,it is normal 4 breasfeeding mom.....ngaun d n nskit tian ko,,likod nlang,,don siya s part ng pinaginjeckan ng gen.anestisia....yung bb ko gus2 lgi niya buhat kahit pagdede,eh 8kilos n siya....nata2kot me kc bka mag kascoliosis me.....meron din b s inyo gni2 experiens...thanks po!!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Nanay ni Liam on March 12, 2013, 02:37:52 am
Sharing mine bago makalimutan  :D :

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
Ongoing pa ang recovery ko. Just had mine 4 days ago  :)

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
I asked my anesthesiologist if pwedeng gising ako. He said yes naman but if he saw daw na nahihirapan ako huminga, patutulugin na ako. Then ayun, when i woke up nililinis na ako ng mga nurses, so I guess i had difficulty breathing while ginagawa ang procedure. But hubby was able to see nung mag-baby out. Pinapasok sya  :D

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
I stayed sa hospital 2 days lang. OB reliever has an activity the 3rd day ng whole day at late na daw ako mara-rounds, so since okay naman na ako basta naka poop na, pinauwi na ako.

4. Naka catheter po ba kayo?
Yes. Pero dko naramdaman na nilagay. Tinanggal din naman after I passed gas The next day.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
Abdominal binder. Mine was from my sister na na-CS din and pahiram ng friend ko, so i have 2 :)

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
I had my CS Friday 3pm, then Saturday 10am naglakad na ako. Ni-wheelchair papunta sa nursery kasi may nag leak na milk and i want to see my baby uli kasi nung pinakita sakin sa Recovery Room hindi ko natingnan masyado kasi groggy pa. I was curious kasi sabi pogi daw si baby. Hehe! Pero nung tinanggal na IV ko and oral na lang pain reliever ko, back to square 1 ang pain ko. Hindi na ako halos makalakad sa sobrang sakit. Now that im on my 4th day medyo nakaka-hakbang na ng matino but pain is still there. Assisted ang movements ko. It's so frustrating that you have to depend to other people para sa simpleng bagay, even yung pag-alaga sa sarili mo. Isipin na lang na it will all pass soon.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
Wala akong na-feel during the operation. yung pain will really kick in pag oral meds na lang. Masakit at matagal ang recovery lalo kapag bikini cut sabi ng OB. Well, bikini cut ako and sobrang painful sya. Tiis ganda lang talaga  ;D

Tips: if possible, stay muna sa bed ng 24hrs. Wag abusuhin ang katawan like what i did :(
Kapag nasa room mo na ikaw, try not to talk para mag-pass agad ng gas (tip from my friend, medyo sinunod ko pero di rin gaano kasi atat ako makipagkwentuhan sa hubby ko. I was asking a lot about our baby at 2am!)
After 24hrs, try mo na mag-turn to your sides, then sit down sa bed pa rin, then dangle your feet kapag okay na pakirAmdam mo. 3rd day mo na ikaw maglakad-lakad para di mapwersa katawan mo.
Give yourself a chance to recover. Sabi nga ni friend "feeling mo kasi ikaw si superwoman."...kasi now parang bumagal pa recovery ko. I hate depending to others kasi lalo for self care, kaya lang the more na pilitin mo, the more na nabubugbog katawan mo. So take it slow. Thats what im telling myself hanggang ngayon :(

______________________
Mod's note:
Post a question about this topic, share your experience and enjoy Parent Chat perks (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=114413.msg966669#msg966669).
Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) or register (http://www.smartparenting.com.ph/registration) to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie (http://www.smartparenting.com.ph/registration) upon registration or membership update.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Mommy ni Gab on March 19, 2013, 04:38:22 pm
before i had the C-section, i was induced by my OB due to trial of labor.. because i wanted to have a normal delivery then, Since it was my very first pregnancy...
20th day of December 2011,It was just an ordinary pre natal check up when,My OB admitted me to the hospital and undergone the inducement process but unfortunately hindi kaagad nagtake effect yung gamot na nilagay sa IV ko. so i need to wait for another day expecting to have a SAFE and NORMAL Delivery..
 they say na pag nainduce ka mararamdaman mo yung sakit na parang maglalabor ka.
but i felt nothing! the next day i was hoping na mag tatake effect na yung gamot na nilagay sa IV ko, BUT Still nothing happens,  ??? hangang sa umiyak na ako,  :'( I was so depressed! because it's holiday season then and i wanted to get out of that hospital bed and spend our first Christmas as a Family with our baby.  :-[ :-[  :'( 'till afternoon strikes, my bag of water leaks,
i thought it was just my urine, pero parang iba ang consistency ng liquid, so my aunt call the nurses. they let me lie on my back and take a rest for an hour for some observation. hangang sa tumawag at nag instuct ang OB ko na kailangan na ako dalhin sa labor room at baka maubusan na ako ng water. the pain starts right away nang dalhin na ako sa labor room from 7pm to 10:30 pm.
nung dumating yung ob ko, she tried to check kung ilang cm na ako.. and guess what, i was just about  1CM knowing that i had induced by the doctor!  :o :o that was the time na sinabi niya na Emergency CS na ako.
my reaction was, huh??!  :o pagkatapos nung lahat lahat ma si-CS dn pala ako! but i accepted it,because thats the risk of trial of labor ika nga..after a few minutes dumating na ang anesthesiologist, and asked me to lie on my side and bend a little bit, He shot the anesthesia sa likod ko, pero walang pain akong naramdaman knowing na ang laki ng needle. :) after that manhid na buong katawan ko and i felt i was on drugs! parang naka high ako  ::) at ang sarap ng pkiramdam.  ;)
hangang 11:04pm lumabas na si baby! December 21,2011at 11:04 pm exact time!  ;D ;D I was awake nung nilabas siya dahil gusto ko except from everyone around the operating room ako unang makakita at makarinig sa kanya.
His pedia let him kissed by me. nung narining ko yung iyak niya, parang kakaiba yung pakiramdam, i cant believe na andyan na siya! Safe and Sound..  ;D ;D before siya dalhin sa nursery room the doctors said i can now sleep, and i did so.
dahil parang ansarap matulog dahil effect na rin ng anesthesia. the moment i woke up, i was in the recovery room na,at ililipat na ako sa room ko.
And Yes we spent Christmas sa hospital, but i dont mind anyway..  8) importante we are complete as a family! 
My parents,twin siblings, my husband and of YES of course our new bundle of joy! :)  8)
December 26,2011 FINALLY nadischarge na kami ng hospital! i stayed there for almost 6 days.. pero happy parin dahil Safe si baby and me. pangit nga lang ng effect ng anesthesia cause i got allergies at naging makakalimutin ako.  :-[
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Nuna on March 27, 2013, 10:37:10 pm
Hello mommes, CS din ako sa first baby ko at ngayon we are expectimg our 2nd baby. Nagtrial labor din ako nung una, pero wala na emergency cs din. Grabe yung labor ko nun, ang tagal at hirap pero wala pa din. Inis ako sa OB ko non kasi feeling ko hindi pa naman talaga ko manganganak.

Yung isi CS nako, tinurukan ako ng anaesthesia pero naitataas ko pa paa ko, so ayun pinapalit palit ako ng position, tinurukan hanggang finally tinalaban nako mg anaesthesia. Pero nung andun nako biglang hindi naman ako makahinga... I told them pero ang bagal nilang lahat wala sila ginawa hanggang parang feeling ko mallaagot na hininga ko kasi hindi nako makpag salita kahit konti.. Hindi na din ako maka mulat. Tas yun wala nako namalayan. Pag gising ko, yung baby ko napaliguan na tas pina kiss na sakin. Dun ako takot na takot talaga sa part na hindi ako makahinga... At yung ayaw tumalab ng anaesthesia. Medyo nainis din ako sa ob ko kasi sana man lang mas maalaga sya kasi first time ko manganganak non.. Tsaka nagkasakit pa din ako after ko manganak. Nilagnat ako, hindi ako maka pupu, super sakit ulo ko.. Mga ganun.

Ngayon, ang question ko mga sis.. Ok lang ba na magpalit ako ng OB? Or mas maganda ba na sa kanya ulit ako magpa CS kasi sya nung nag CS sakin sa first baby ko? May nagsabi kasi sakin mas maganda daw kung dun nako sa unang nag cs sakin para atleast alam na niya pano niya ginawa, pano ako before and during the cs operation. Nung una kasi desidido na ako sa iba na, pero ilan na yung nagsabi sakin na dun nalang ulit ako magpa CS sa nag CS sakin  na una. Hmm.. help.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Nanay ni Liam on March 28, 2013, 04:43:24 pm
Sis Nuna, yung friend ko 2x na nanganak via CS. Magkaiba yung ob na gumawa sa kanya. If you are not comfortable with your previous ob, i guess it's ok na lumipat ka as long as alam mo yung previous pregnancy history mo para just in case magtanong yung new ob, mabibigyan mo ng sagot. Anyway if talagang hindi pwede lumipat, sasabihin naman ng new ob syo yun kapag nagpa checkup ka. Plan ko din magpalit ng ob sa next pregnancy ko kahit na 5yrs pa siguro nyan bago ko sundan si baby. Hehe!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: PinkyshKate on March 28, 2013, 05:22:38 pm
Sis Nuna, pwede ka namang lumipat ng OB eh kasi ang factor na iconsider mo is yung aalagaan ka talaga,hindi ka maawkward sa kanya. Isa pa sa dami ng pinaanak ng OB mo hindi niya matatandaan bawat pasyente at sigurado akong magbe-based pa din sya sa Operative Technique at Medical Records mo.
Ibang OB at ibang hospital magpapanak sakin ngayon sa 2nd baby ko at CS uli ako. Dun sya magbased sa Operative Technique ko sa previous CS ko.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mico_pr on October 21, 2013, 09:54:49 pm
Hi po mga mommies.may question lang po ako sa mga may nakakaalam.scheduled  cs po ako this coming november ask ko lang po if mag papaschedule na need na po bang magbayad ng initial deposit?thanks in advance.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: iamsheymareie on October 21, 2013, 11:55:46 pm
i think no sissy... upon check out yan sa hospital...
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: fielhernandez on October 28, 2013, 12:26:41 pm
Yup, upon check out :)

Pero yung ibang hospital like sa Perpetual Succor, nagbigay kami ng deposit na deductible sa bill once na inadmit na ako. Emergency CS
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: jazzcristobal on October 29, 2013, 11:08:01 am
i think need talaga ng deposit. kc cs din ako last oct. 22, 2013 pinag deposit kami ng 5k. tas kinuha din agad yung requirements para sa philhealth kc vineverify pa nila.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: toughmom moderator on October 29, 2013, 10:37:35 pm
same topic merged
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Averaham on August 15, 2014, 08:41:20 am
Hello po mga mommies, bale daddy po ako at ang misi ko ay nag undergo ng cs operation last  aug 1, 2nd week na po ngayon aug 15 since nung operation niya pero till now sumasakit pa rin daw po yung tahi niya. Tapos may dugo parin po nalabas sa pwerta niya nirmal lang po ba yun?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Mommy Jazz on August 15, 2014, 11:12:47 am
Same topic merged. Please back read as your question may have already been answered in this thread.
@Averaham
Type "pain" or "sakit" on the search box beside your display name for easier search.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mishalovi on September 10, 2014, 03:33:18 pm
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
 mga 1 month ok na ko, nakakakilos na ng normal, but same with other mommies, bawal magbuhat ng mabigat, saka wala din contact with partner ng mga 3 months, normal chores like maghugas ng pinggan magwalis walis nagagawa ko naman after a month

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
 since first time ko pa lang (22 weeks palang ako dito sa 2nd baby ko) di ko naitanong sa doc kung pwede gising, pero sa nasaba ko dito sa thread, pwede pala hehe

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
nagcheck in ako sa hospital dec 22 8pm nanganak ako mga 9pm according to time stamp ng hosp, then dec 24 ng hapon, pinilit ko talaga na kumilos ng 23rd kase ayoko magpasko sa ospital hihi

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya... :(
 kailangan yun kasi di tayo makakatayo agad para umihi, di naman masakit yun, kahit nung tinanggal

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
basta sabihin lang binder para sa naCS, meron mga hospital na nagpoprovide nun kung wala ka pa pero i suggest bili ka sa labas para mas mura

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
 rest ka muna kahit ilang oras, pakiramdaman mo sarili mo, pero like other moms, the best pa din yung wag mo beybihin sarili mo, unang una, para makauwi agad, makatipid sa bills, 2nd para mapabilis din paggaling mo

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
 ako hindi, tulog na tulog ako pagkasaksak pa lang ata ng anes wala pang 5mins tulog na ko hahaha pagkagising ko nasa room na ko, after few hours tulog ulit, siguro kaya nakagalaw din ako kaagas kase nakaipon ako lakas

im 22 weeks pregnant ulit sana max na yung 3 days ko sa hosp, balitaan tayo mga sis, ingat lagi!
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: mishalovi on September 10, 2014, 04:17:32 pm
i have new questions though mga sis, yung first baby ko kase 11 years old na, 12 years old sya bago ko pa ilabas tong 2nd baby ko... my questions are:

1. hindi ba nakakatakot yung gising ka habang inoopera?
 ninenerbyos kasi talaga ako, ewan ko ba, yung una ko kasi, parang siguro sa sobrang hirap ko sa labor kaya wala akong time para nerbyosin, at hindi tulad ngayon na madami akong time para mag isip what will happen before, during and after the operation. 

2. hindi ko alam kung nagkataon lang pero after ko lumabas ng ospital dun sa first baby ko, lumabo ang mata ko, then year after year, palabo na ng palabo hanggang ngyon 125-100 grado ng mata ko, natatakot ako baka sa 2nd cs mas lumabo pa mata ko

3. naging makakalimutin ba kayo after or months/years after ng operation?  o nagkataon lang sin yung sa akin?
naopera na din kasi ako, wala na akong appendix, baka dahil ba sa 2nd operation ko na to? btw, totally tulog ako the whole time na inopera, after yata nung pagsaksak saken sa spine, 5mins bagsak na ko, nagising ako nasa room na ko...

4. i remembered na hndi muna ako nakapagpabreastfeed after ko manganak kasi daw naka antibiotics ako para sa sugat, so yung nutritious na gatas na unang lbas (ano ba tawag dun?) hndi nainom ni baby, tapos hindi talaga ako magatas so 1 month lang wala na.. qustion is.... ganun ba talaga? hndi muna magbreastfeed??

thanks in advance sa replies
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: jhen_09 on March 12, 2015, 02:24:01 pm
Hi mga mommies!ask ko lang natural lang ba na maging brown yung paligid ng tahi ko?then nangangati yung paligid niya parang may mga pantal na sobrang kati.3weeks na yung tahi ko medyo magaling na sya and tuyo na rin.may pinapapahid sa akin yung OB ko na anti-bacterial cream.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Parentchat Admin on April 07, 2019, 11:50:25 am
Read it on Smart Parenting.
Here's a Look at Why C-Section Delivery Needs More Time to Heal
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2019/04/05/c-section-cut.jpg)
Click this link:
 https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/c-section-procedure-video-a00041-20190405?ref=parentchat
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Angelica Escaro on May 24, 2019, 03:43:00 pm
Hi po Im almost 1 1/2 month na cs then now po may nana sya. Kalerke kase dapat okay nato pero nagkanana. Di pa ako nakakabalik sa ob ko sa sunday pa sched. Any suggestion po ano gagawin while waiting sa sched.
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Angelica Escaro on May 24, 2019, 05:14:57 pm
Ano po ginawa nyo para matagkal yung nana?
Title: Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
Post by: Martha Jackielyn on November 16, 2019, 10:46:05 pm
Hi mga sis.. Natatakot ako ngayon.. 7 months palang kasi baby ko buntis nanaman ako ng 1 month.. Dilikado bayon mga sis.. Natatakot kasi ako na baka delikado or mapagalitan ako pag nag pa checkup ako cesarian kasi ako.. Ilang araw na akong hindi nakakatulog nakakaisip kasi ako ng mga negative eh..