Parent Chat

Parent Chat Community Updates => Members' Kumustahan board => Topic started by: smartymomsie on June 02, 2011, 04:24:18 pm

Title: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: smartymomsie on June 02, 2011, 04:24:18 pm
What would you do if you're the one who won the lottery? Anong gagawin mo sa money?
This is just a random thread mommies.

Read it on Smart Parenting.
What to Do With Newfound Cash Whether It's P100,000 or P1 Billion
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2018/10/16/woman-wins-lotto.jpg)
Click this link:
 https://www.smartparenting.com.ph/life/money/what-to-do-with-lotto-jackpot-cash-win-a1793-20181016?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) to reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: Rainebow Mom on June 02, 2011, 05:22:35 pm
Ako babayaran ko ang utang ng pamilya ko.  :) Just to have a peace of mind.
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: Mommy France on June 02, 2011, 05:26:43 pm
I can only dream, di kasi ako tumataya.
Pero if ever:

Trust Fund agad for my kid(s).
Time Deposit yun iba then yung iba pasok ko sa Mutual Funds.
Time to buy yung bahay na sa amin talaga.
Mag-SAHM na lang ako.
Papa-renovate ko yung bahay ng parents ko tapos bigyan ko ng pang tour yung parents ko.
Papakasal na kami sa simbahan.

Madami ba?

Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: Rainebow Mom on June 02, 2011, 05:54:34 pm
I remember that I used this question on my survey form that I routed to my guests during the 1st birthday of my daughter. Just want to share with you ang sagot ng mga guests ko:

If you won a lottery worth 100 million, what gift would you give to Raine:

Top Answer:  Trip to Disneyland, travel expense paid may pocket money pa
2. Mini playground which would be named after her – Raine’s Amusement Park
3. A franchise of Popcorn, Siopao, Siomai at Iba pa.
4. Educational Plan
5. Sports Car … yung Pink
6. Bahay
7. Trust Fund
8. Health Insurance
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: momofrainchira on June 02, 2011, 06:56:12 pm
 :o kung hundreds of million ang mapanalunan ko naku ,pupunta ako sa eat bulaga at willing willy mag bibigay ako dun sa show nila ng tig 20M araw araw may bubunutin sila na name na mananalo ng tig 10k para mas maraming mabigyan ...also pupunta kame sa pgh para makapag bigay tulong...mag travel around the world,trus fundt for our kids,buy ng house sa mga relatives,,,build our dream house,at magtatayo ako school para sa mga cant afford mag aral, free lahat....at una sa lahat ng yang ipapa opera na namin sa private ang panganay namin para ma cure na yung heart niya...wish ko lang mabiyayaan ako nyang lotto...
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: CIB on June 03, 2011, 01:31:28 pm
Lagpas 100 million ba?

I would give the half of the price money sa charity personally.
-I would go to places here in our country na talagang hindi na napapansin ng gobyerno natin. I love all GMA7 documentaries. It never fails to inspires me everytime. Ang dami-dami as in dami nating dapat gawin sa bansa natin. help those people na talagang hopeless. Build school, roads, shelters and educate children. I would use the money to spread Gods love thru that. I may hate Angelina Jolie as a woman but given a chance I would do the same things she does. I would adopt children in countries that babies died even before they have a chance to be born. Or wished they just died when they do to live in a place that you got nothing to do but grow-up watching people around you died every minute of your life. I would love to do that.

Then the other half
- I'll give the 10% to church.
-Trust Fund for my kid. Adopted. And future kids.
-Buy a farm. Build our dream house there.
-Have my dream wedding  ;D
-Buy hubby his dream car.
-Put-up hubby's dream business (Para SAHM at makapag-charity work ako around the world  ;D )
-help all my relatives
-help all my friends
-help everybody I can  :D
Title: Re: 2nd birthday party!
Post by: herolaine on June 03, 2011, 02:06:43 pm
Lagi ko daydream ang manalo kasi lagi talo d naman kami pla taya kpag mataas lang jackpot.hehe but then yung utak ko ng memental notes na n super compute pno idivide yung money sa parents siblings namin ni hubby plus family namin church n charity. Si hubby everytime mangarap manalo lotto pgkapanalo niya mgresign na siya agad n mgbisnes na lang pra more time for us. He work as a bussiness director sa call center a super time demanding work. Kea yun dream niya mgbisnes na siya boss. Lalo tuloy kami d nananalo. Hehe
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: insensitive on June 03, 2011, 03:10:20 pm
pag nanalo ako sa lotto ito ang gagawin ko:


*Build our dream house
*Lahat ng luxury cars bibilhin?? haha
*Trust Fund para kay baby
*Time deposit
*Put up a business so that SAHM na din ako,
*Travel around the world :D
*Pensyonado ang parents, travel din sila
*House and Lot for my siblings and cousins
*Hanap buhay para sa mga kapatid at kamag anak(1st cousins lang hehe)
*Pati yung mga bestfriends ko meron din house and lot
*Gagawin kong hi-tech ang school ko sa probinsya(elem and HS) kasama na din yung mga teachers pra hindi sila mahirapan magturo
*Charity sa lahat ng makakasalubong ko everyday that in need


Dami akong gustong gawin :D
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: ♥maarte♥ on June 03, 2011, 03:26:30 pm
i'll pay our house in full. the rebate, ibibigay ko sa mga employee ng pag-ibig.  :)
i'll buy another house for my family. one for my sister's family. one for my in-law.
ipapagawa ko yung elementary school ko sa panghulo para hindi na bahain.
ipapataas ko rin yung chapel sa santulan para hindi na bumaha habang nagmimisa.

ipapasyal ko ang mom ko locally and abroad.
ililipat ko yung puntod ng dad ko dito sa manila para mas mabilis ko'ng madalaw at palagi ko'ng madalaw.

then, the rest, for the good of my kids. lahat ng hindi ko naranasan nung bata ako in terms of toys and pleasure, i'll give it to them.

and of course, save the rest for the rainy days.

and yes, i'll still be working.. kasi bibilhin ko yung kumpanya ng boss ko!  ;D
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: smartymomsie on June 06, 2011, 09:26:24 am
mommies, nakakatuwa naman yung mga sagot nyo.. sana lang pag may nanalo satin magawa natin yung mga sinulat natin dyan.. LOL
halos laht ng sagot natin para sa babies, trust fund, educational plan, etc. saka yung pagpuput-up ng business.  ;D

@mommy france, good na naiisip mo pa din parents mo, and its always nice to have a church wedding.  ;D so go for it!  ;)

@rainebow mom, haha! mommy, sana manalo friends mo para maenjoy ni baby ang gifts nila for her. :D

@momofrainchira, mommy, mas gusto mo yung ganon kesa sa yung mga charity talaga?

@CIB, bait mo naman po mommy. yung gusto mo gawin, tawag dun Giving Back.  ;D thumbs up mommy!  ;)

@herolaine, LOL mommy, actually mas ok nga na magbusiness si hubby mo kasi mas madami yung matutulungan nyo-- mas madami kasi mabibigyan nyo ng work.  ;D tyaga ka nalang sa pagtaya.

@insensitive, teacher ka ba mommy? or may school ka sa province? nice that you care for those children who wants to learn kahit na mahirap buhay sa province.

@maarte, naku mommy, natawa ko sa sagot mo na bibilhin mo yung company ng boss mo.. at hindi lang shares ah, company talaga. nice!  :D i like your idea--building schools and chapels. and yung sa mom mo, aww..  :D

thanks mommies for sharing your ideas, never tried playing the lottery kasi, gusto ko nga itry mamaya, sana manalo ko kahit hindi hundred million ok lang kasi magkano lang naman yung taya tapos anlaki ng balik diba? pero kapag ako nanalo, una sa lahat, magpapamass ako for my father, then donate sa church and charitable institutions like yung mga ampunan or bantay bata(i super love kids kasi), mag-iinvest ako na alam kong sustainable, hindi lang para sa kids ko para makaabot din sa mga grandchildren.  ;) and syempre, papagawa ko ng dream house and gagawin ang dream wedding with hubby.  ;)
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: insensitive on June 06, 2011, 09:54:32 am
hindi ako teacher sis..  ;)
sa public school kasi ako nag aral so syempre nakikita ko yung kakulangan dun..
sana nga manalo...magtataya nga ako haha ;D
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: yhamslove® on June 06, 2011, 12:50:21 pm
Ako naman:

1) Bibili ako ng franchise ng isang hindi naluluging food resto sa Pilipinas at isang franchise din ng Bench.
2) Trust Fund for my son (and daughter? in the future  ;D)
3) Trust Fund for me and my husband.
4) Balato sa parents and sisters ko.
5) Balato sa mga inlaws.
6) Balak ng Tatay ko ipagawa kami ng duplex - sagot ko na yun!  ;) pati laman non, ako na bahala  :)
7) Magdodonate ako sa isang charity institution or pwede rin tatluhin ko na.
8) I'd engage Belo Medical services, magpapaganda ako! ipapatanggal ko itong rice terraces sa tiyan ko!  ;D
9) _______________ (I'll just leave this blank.. may gusto pa akong gawin eh.. di ko lang mahuli kung ano kase ang dami pa!)
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: ysLim on June 06, 2011, 01:44:15 pm
eto ang mga unang naisip ko:

1. house and lot for us - para may sarili na kami
2. house and lot for MIL and SIL - para may sarili na rin sila
3. educational plan para sa adopted child ni MIL
4. trust fund para kay baby
5. business franchise para samin, my mom, and kay MIL
6. lotto franchise
7. car
8. trip for my mom and dad
9. ipapa BELO ko mommy ko
10. LASIK para sakin

 ;D ;D ;D
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: wendystar on June 08, 2011, 10:21:30 pm
siempre ina-assume ko na malaki talaga yun kaya:

* magdodonate ako sa mga charities
* magpapakain ako sa mga street children
* trust fund for my children
* magpapagawa kami ng bahay dito sa manila at rest house sa tagaytay or baguio
* magpapagawa ako ng mga apartments
* gaya ni ate marnie, magpa-franchise din ako ng fast food.
* balato sa relatives and friends :)
* pagtu-tour-in ko ang mama at stepdad ko :)

Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: Mlabable on June 09, 2011, 03:50:17 am
Kung worth 100 million ang mapapanalunan ko...
 
Mag-reresign na ako agad sa work! Hehe  ;D
 
Seriously..
1. Papatayo kami ng aming dream house
2. Bibigyan ko din ang parents ko at mga kapatid ko ng bahay
3. Magnenegosyo
4. Trust Fund
5. Travel around the world
6. Papaayos ko mga bahay ng kamag-anak namin sa province
 
Hay.. Ang sarap naman mangarap..
 
Sana tumama na tatay ko sa Lotto. *wishful thinking*
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: giselle1115 on June 11, 2011, 05:30:31 pm
Ang unang una kong mga bibilhin e mga duster at  mga shorts. Kasi I'm sure sa bahay na lang ako tatambay nyan sa dami ba naman ng pera ko!  ;D  Oooppsss sorry, di nanaman ako serious, medyo jolly modd kasi ako ngayon e  :D
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: liams mom on June 11, 2011, 09:37:12 pm
hello mga sis! :)

this is my first post after how many months! at talagang lottery pa yung topic na napili ko! ;)

if i win the lottery, i will:

1: go home! uuwi na kami ng buong family sa Pinas! :) :)
2. buy a house in qc, na may swimming pool at garden
3. buy houses for my relatives
4. donate sa orphanage and church
5. buy ng franchise ng mcdo or jobe (hi sis marnie!)
6. buy a lot in tagaytay, and put up bed and breakfast. dito ko gustong magstay for peace and quiet, at para hindi malaman ng mga kakilala ko na nanalo ako ng lotto.. mahirap na.,.. hehe... :)

Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: momazir on June 17, 2011, 03:10:44 pm
pasali po. hindi ako tumataya pero ang asawa ko. siguro pag nanalo ako, eto ang gagawin ko sa pera:
 
1. trust fund para sa mga anak ko 2. bibili ako ng house & lot 3.  bibili ng sasakyan 4. maglalagak sa bangko at magtatayo ng business 5. bibigyan ng mas magandang mapagkakakitaan ang magulang at mga kapatid ko 6. bigyang tulong ang mga taong me kapansanan sa lugar namin, at 7. magdonate sa church namin.
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: jrvez_mom on June 17, 2011, 07:43:23 pm
kakatuwa naman ito..kung manalo ako ng millions sa lotto ito yung mga gagawin ko:

1.) papamisa ako ng bonggang-bongga.
2.) Thanks giving party rin ng bonggang-bongga (pero hindi ko ipapalam sa mga invited kung ano reason bakit ako nag-paparty except sa family and inlaws ko ... hehe)
3.) Trustfund para sa mga kids ko.
4.) Pagawa ng simple pero magandang bahay para sa amin mag-pamilya.
5.) Bigyan ng maraming pera ang family ko and in-laws..sila na bahala kung ano gagawain sa pera.
6.) Tour around the philippines and around the world
7.) Invest sa mga big companies
8.) Franchise sa kfc, mc do, jollibee,pizza hut etc. ( para libre na kami kumain doon   ;D )
9.) Donate sa simbahan,charitable institutions, pagawa din ako ng school ( prioritize yung mga mahihirap)
10.) yung mga may utang sa akin,hindi ko na sila sisingilin..bibigyan ko pa sila ng balato   ;)

whew! dami pa sana..pero ang haba na ng nailista ko .. hehe..
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: ilovegabe on June 17, 2011, 08:56:12 pm
Hindi ako tumataya pero I already have a plan on how to spend all that money  ::)
1. Ill give tithes.
2. Trust fund for my son.
3. Take my family on vacation.
4. Invest.
5. Save
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: princess080910 on June 22, 2011, 12:05:59 am
wow..sana magkatotoo, pero tataya muna ako  ;D

1. save ko para sa pag aaral ng anak ko, sa pinaka magandang school na siyempre
2. business as usual(franchise or putup a bar or bakeshop)
3.vacation
4.shopping galore! (siyempre naman di naman mauubos yun)
5help sa charities
6.help sa church
7.give my parents money
8. invest sa bank, para lumaki pa dposit.

saraaaap!!! ;D
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: momychristine on June 22, 2011, 11:36:05 am
kung ako ang nananalo sa lotto, hmmm...
1.  bayaran ko lahat ng utang namin
2.  magtatayo ng foundation for street children and the elderly
3.  magnenegosyo
4.  magsesave para sa education ng anak ko
5.  bibili ng house for my parents
6.  ipapaayos houses ng mga relatives sa province
7.  papasayahin ko ang mga batang maysakit kahit for one day lang
8.  magtotour sa buong pilipinas
hay, sana nga...
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: Dadi_RomyO on June 23, 2011, 03:45:19 pm
1st post, dito ko na tripan hehe!

kapag nanalo ako sa lotto, pababayaan ko muna sa bank for at least a year or hanggang bumaba yung excitement, pag clear na utak ko tsaka ko pag planuhan yung pupuntahan ng money.
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: Nunal on June 23, 2011, 04:10:55 pm
Kami ni hubby di rin tumataya pero si manang sa bahay madalas manalo... kaya every time na nananalo sya eto lagi naming topic... so eto naman naisip namin plans namin if manalo

1. Savings for future ni baby
2. Our Dream House
3. Hospital of our own
4. Franchise ng Jollibee or mcdo
5. Parents & Relatives share (we prefer to donate to relatives rather than charitable institutions)
6. if kaya pa educational fund para sa mga pamangkin ko
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: momychristine on June 24, 2011, 09:05:16 am
1st post, dito ko na tripan hehe!

kapag nanalo ako sa lotto, pababayaan ko muna sa bank for at least a year or hanggang bumaba yung excitement, pag clear na utak ko tsaka ko pag planuhan yung pupuntahan ng money.

ang galing naman ni dadi_romy..parang mas okay yan ah..ganyan na lang din gagawin ko hehe..
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: mommy mhy on June 24, 2011, 10:11:06 am
bibili ng bahay sa probinsya for us, for my family and for my IL......
trust fund for the kids....
negosyo para sa 'min, family ko and IL.....
basta sa prov. na lang kami.....
tour around the world ay asia na lang muna and within the phils. una.....
charity......gusto ko talaga matulungan street childrens.....

hay kaya lang hindi ako tumataya kaya imposible 'to....dream  lang...........
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: joanbenedictos on June 24, 2011, 10:38:06 am
kung ako mananalo ( saya sana!):
1. magpapamisa ako at magdodonate sa charities
2.magbabayad ng utang
3. dagdag s investment, MF at stocks at real estate.
4. bonggang treat for the whole family ( vacation abroad and local).
5. magtayo ng mga negosyo para supplemental income like apartment, transport business (taxi or fx).
5. siempre, magpatayo ng simple pero fully-furnished n bahay at bili ng sasakyan.

haayy...sarap mangarap! :)
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: Mariel Arun on July 06, 2011, 11:00:05 pm
Naka-outline na yan kasi tom, I feel I'll win the lotto  ;D

* I'll open a trust fund for my kids
* Buy our dream house
* Open a pre-school and other business
* Share with our family, both sides
* Be a fairy to the needy

I do not want to be super rich, just enough to get by my kids' little WANTS, LIKES and NEEDS. In the end when I get to face our Creator, He'll ask me how I spent and to whom I shared the blessings and  I want to be able to answer that.

Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: rhyqsrepublique on July 07, 2011, 09:20:18 am
...uhmm depende sa amount ng mapapanalunan, pero eto ang listahan ng pupuntahan ng pera kung sakali  ;D

- maging debt free muna syempre
- paayos ng bahay
- tumulong sa mga pinakanangangailangan
- mag franchise sa jolibbee or SM
- negosyo
- negosyo at
- negosyo para makaipon for the future ng kids at mas maraming matulungan  :) ;) :D
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: moi angels on July 18, 2011, 03:46:23 am
just like other moms here, tataya muna ako pero of course, marami ng plans! :D

if i win, i'll do the following:

1) pay all debts
2) buy a 5-BR house sa high-end subdivision na katabi ng school ng kids ko then have my mom & dad stay with us - each of us would have our own rooms na designed & decorated with our wants & needs: my daughter with her pink room, my son with his blue room & for the youngest, yung ala playroom na rin then for my mom her own area for her crafts! :)
3) make sure that my kids would have their education covered until college then time deposit for each of them that they can start using after graduation
4) get a comprehensive health & insurance plan for my kids and parents
5) buy our car
6) get a franchise of jollibee na ipatatayo ko rin malapit sa area ng school and house!  ;)
7) donate to our church para matapos na yung pinatatayong multi-purpose building
8) give my siblings funds to start with their own business and work on having their own houses na rin
9) pledge on a yearly basis to cover the school supplies of the students in the public school sa area namin and weekly nutritional program for them
10) for myself - latest DSLR to pursue my love for photography, laptop with the highest specs, then budget for shopping galore of clothes, shoes & bags! ;D
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: Mommy Jazz on March 28, 2012, 09:54:29 pm
Magpapa grand SP EB ako, hosted by celebrities, bonggang venue, bonggang giveaways, bongga lahat!
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: chococream on March 29, 2012, 05:24:45 am
how much b yong lottery win??? hehe

25% bigay  ko sa lahat ng home for the aged, or gagawa ako ng home for the aged para sa country natin, yong stray na mga walang pamilyang matatanda na nasa lansangan... :'( :'( :'( :'(  i miss my mom..

25% bigay kok para sa mga bata or orphanage,

40% bibili ko ng malaking lupain, half nun gagawin kong subdivision para passive income

5% trust fund ko para pagtanda namin ni hubby me magagamit if magkaksakit

4% secret savings ko for emergency at pag nag 0 financial problems na talaga nawala na lahat

1% bigay as balato

1% gagastosin...hindi naman ako traveler kasi at maluho..mas masarap sa bahay at magwork..hehhe
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: lovemybabe on March 29, 2012, 10:37:25 am
If I win, I'll do the ff:

- Travel the world
- Buy a house
- Get insurance
- Franchise something
- Study abroad
- Shopping!!!
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: Maya Ranario on March 30, 2012, 10:54:18 am
Bibigyan ko ang Dalawa kong kapatid ng bahay at pera pangnegosyo, ipapatayo ko ang dream house ko!
Ipagpapatayo ko ng malaking chapel para dun na magdadasal ang Mama ko kasi religious talaga siya. :)
Magtatayo ng sarili kong Spa Biznes, mag-iipon para sa kinabukasan lalo na sa Anak ko. ;)
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: mameh_ella on April 01, 2012, 09:20:10 pm
ill take foreign exam to migrate tapos sa banko muna lahat hehehhe
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: Angel's Mom on April 03, 2012, 03:35:36 pm
1.  I'll buy house & lot and 3 cars (1 for me, 1 for hubby and 1 for my dad)
2.  Franchise jollibee or mcdo or another fastfood na sobrang patok  ;D
3.  Invest sa real estate/property development like mga 50-units of apartment/townhouse or more
4.  Trust fund for my daughter
5.  Spend 5% lang para sa travel and leisure
6.  Maximum 10% to help other relatives and other people in need.  Pag kumita na yung investments ko mas madami pa ko matutulungan  ;)
7.  Impok na sa banko lahat ng tira
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: mommylovesarmil on April 22, 2012, 09:58:54 am
naku super dame ko naiisip :)
will buy an apartment para may source of income
fast food chain
house and lot from different places like bohol and boracay
educational plan / life insurance
car showroom for hubby :)
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: Mommy France on April 22, 2012, 10:49:32 am
Pag nanalo ako sa lotto? Magiging leisure lady na lang ako. :D

Seriously, pag nanalo ako sa lotto magiging consultant na lang ako para di na full-time employment.
Papagawa ko yung bahay ng parents ko sa marikina. papagawa ko yung bahay ng mommy ko sa pangasinan para may vacation house na kami.
Mag-euro tour kaming pamilya at pupuntahan ko yung mga affiliates ko sa europe para makita ko na sila in person.
papagawa ko din yung ancestral house ng family ni asawa ko.
Bibili ako ng properties (as in lupa or house&lot) ayoko ng condo as investments.
Gagawa ako ng foundation for pinay mommies.

Yun lang. tapos 200k lang pala yung napanalunan ko kasi marami akong kasamang nanalo. :D hahaha
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: J0 on April 22, 2012, 01:26:56 pm
Pag nanalo ako sa lotto, walang ibang makakaalam, for safety reasons.

Kailangan i-take note ang total winnings, dahil ang goal, dapat palaguin siya.  Kung may butal na around P100,000 to P150,000...yun lang siguro ang cash na "hihiramin" sandali para sa needs.  Pambayad ng Credit Card at ibang liabilities.

Kailangan i-invest ang napanalunan sa isang financial instrument para tumubo ito.  Ang 10%  ng total winnings kailangan i-deposit sa isang bank, say Metrobank.  Siguro yung pinakamataas ang interest,  higher than the highest recorded inflation rate. For example Spedial Deposit Account (SDA) similar to BPI.  Ang kikitain nito from interest will be intended for charity...para may unending and growing source of funds for charity.

Ang natitira ay ilalagay sa 2 pang banks.  Ang isang part siguro sa SDA ng BPI.

Basta ang goal is to delay spending for about one year.  Palaguin lang siguro muna ang money.  After a year, ang gagamitin lang ay kung anong kinita dito.

Hindi magbabago ang lifestyle namin.  Kung meron man spending na gagawin, dapat ang goal ay para di lalong gumastos.  For example, to avoid the cost of renting a house, kailangan planuhin ang magpatayo ng house na sufficient lang sa need namin at kung possible, sustainable ang use ng resources at utilities at hindi magge-generate ng additional cost.

Dapat mamaintain ang amount na napanalunan.  Magwo-work pa rin ako, pero unti-unting magsi-shift into part time, depending sa needs na i-manage ang wealth.

Ang gusto ko makarating kami sa point na kaya namin ng wife ko na mag-fultime sa apostolates namin, and at the same time may source kami para sa aming basic needs.



Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: J0 on April 22, 2012, 01:35:22 pm
Meron nga bang nananalo sa lotto?

More than 14 years ago, noong hindi pa ako naglo-lotto, sinimulan kong gawin ang mathematical probability nito.  Binantayan ko noong around 1997 ang mga winning numbers ng Lotto 6/42.  Nang nagpublish sila ng booklet ng winning numbers noon bumili pa ako.

In-encode ko lahat sa MS Excel ang data.  Tiningnan ko ang mga frequently drawn numbers at kung lalabas ba ang mga ito sa susunod na draw.

Pero parang may hindi tama sa mga lumalabas na numbers.

Para statistically impossible ang mga results.

Heto ang isang naisulat ko noon sa blog sa isa sa mga observation ko.

Okay lang kung walang winners, pero imposible yata ang magkaroon ng more than one winner.

Computer, Math Formula and The Secret to Win the Superlotto
http://aceschool.blogspot.com/2009/02/computer-and-math-formula-for-6-49.html

Here's an example of one of the frequency tables I made:

Superlotto 6-49 top 6 frequently drawn number
7 yr trend, 1 yr trend, 6 mo trend, 3 mo trend, and1 mo trend
http://aceschool.blogspot.com/2009/02/superlotto-6-49-top-6-frequently-drawn.html

Because of the online availability of draw results, its been more convenient for me to make a table of results even from seven (7) years of winning numbers.

Madalang, kung tumaya man ako sa lotto.
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: Mommy Jazz on April 22, 2012, 08:44:02 pm
Wow... I never took lotto seriously to even think a study on any pattern is possible. I despise any form of gambling specially casino. Then I always have a soft spot for poor people not getting enough medical attention. They run to PCSO for help which get funds from PAGCOR (pls correct me on this if inaccurate). So kung 1-2 tickets lang bibilhin ko, hindi nga naman siguro masama considering parang nagdonate na rin ako nun BUT, only a fraction of what I pay will be the only amount that will go to charity. The rest is to make someone rich.
The best pa rin yung direct kang magdonate. I never pray to win or associate gambling with God. So pagnanalo ako like Daddy Jojo, hindi ako magpapakilala, more so magpapasalamat sa Diyos sa harap ng camera kasi baka maging maling inspirasiyon para sa madla.
So here's my list pag nanalo ako.
-Sa ibang (trusted) tao ko ipapaclaim. A family member or a relative.
-hindi ko ipagsasabi and will be careful in any change in lifestyle
-keep a low profile to protect my family.
-help people anonymously
-pay debts, help family members financially, invest, save and of course, splurge a bit.
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: mariann on April 22, 2012, 10:33:58 pm
If i'd won in a lottery, here's what i'll do with the winnings:

> put up a trust funds for my kids that they can get half of the proceeds right after they graduate and half after they got a stable job where they've stayed for 2 years... Just making sure of their future

I guess i won't give to the church because the money came from gambling. Instead, i'll give them back by giving to others. So I'll
> sponsor a deserving student with needed books and allowances
> put up a soup kitchen where i can read Bible stories to poor children then feed them once a week
> organize medical missions at about 5 impoverished areas in our city

> travel with my family. This will teach my kids independence and boost their self-confidence as well as nurture our relationships

> one day splurge with limited amount of spending

> save! Save! Save!

And i still won't quit my job.
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: Maya Ranario on April 23, 2012, 11:08:32 am
marami..magtatravel ako ng malayo kasama babybugoy ko.. (http://marami..magtatravel ako ng malayo kasama babybugoy ko..)
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: Mommy Jazz on April 30, 2012, 01:49:18 pm
Tutulungan ko si Baby Yvan
http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,50717.0.html (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,50717.0.html)
(http://a7.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash3/522498_2679258679682_1802731141_1584599_201184758_n.jpg)
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: kissablesam on April 30, 2012, 03:13:28 pm
Pag nanalo ako sa lotto, pangarap ko yun eh!

-papagawa ako ng family house namin

- papagawa ako ng own house ni mama at papa

- papagawan ko ng house yun lupa namin sa kalibo para bahay bakasyunan :)

- il save for the educational finances of my would be childrens.

- pupunta ako sa mga charities na may mga bata at matanda. magdo-donate at magpapakain ako.

** kung magiging sobrang milyonaryo ako. I WILL BUILD A CHARITY FOUNDATION BOTH FOR CHILDREN, OLDIES AND MOMMIES.

- mag do-donate ako sa simbahan

- at dahil hindi naman kami mayaman, i will give portion of what I won sa mga kapitbahay kong lubos na nangangailangan!

Sarap mag Daydream :D :P
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: momazir on May 08, 2012, 09:41:37 am
Di ako tumataya pero if ever:

Papagawa ako ng chapel sa lugar namin.
Bibilhan ko ng tigiisang bahay, kotse at bibigyan ng negosyo ang parents ko at ang tatlo ko pang kapatid.
Papagawa ako ng dream house ko, kotse at magnenegosyo din.
Ikukuha ko ng educational plan ang mga kids ko at mga pamangkin.
Ikukuha ko ng health and life insurance ang lahat ng mahal ko sa buhay.
Lahat ng matitira e iinvest ko sa bangko.

Sana magkatotooo. Sarap talagang mangarap.
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: -joanamber- on May 11, 2012, 01:38:45 pm
Buy my Mom EVERYTHING that she wants and make her really happy. :)
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: smart.momi on May 11, 2012, 03:34:18 pm
lagi ko sinasabi na pag nanalo ako ng lotto ito mga gagawin ko:

1. magdodonate sa church
2. magpapatayo ng chapel
3. magpapatayo ng bahay para sa nanay ko
4. magpapatayo ng bahay para pamilya ko
5. tutulong sa mga charitable institutions. kung puwede magtayo na rin ako:)
6. secure funds for my loved ones
7. magtatayo ng business
8. mamamasyal sa disneyland ng matupad na ang pangarap ng anak ko:)

sana naman mapagbigyan kami:)
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: kurdapya101 on May 11, 2012, 03:47:15 pm
more than 100M ba? hehe

1) trust fund / savings para sa anak ko
2) savings sa aming mag asawa
3)papatayo ko dream house ko
4)papatayo ng bahay para sa mom at kapatid ko
5)paparenovate ko bahay ng MIL & FIL ko
6)balato sa mom, sis, bro, MIL, FIL at BIL ko
7)papapopera yung deaf and mute na pamangkin ni hubby
8)papatayo ng business (gusto ko taxi, van at saka jollibee sa mall)
9)at higit sa lahay tutulong sa alam kong nangangailangan pero hindi ko papamalita sa lahat na bonggang nanalo ako baka madelikado naman buhay namin

Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: tashasabs on May 12, 2012, 07:19:59 am
Alam niyo bang isa 'to sa mga pantasya ko? Pantasya talaga, haha! ;D

Kapag ako ang papalarin, ito mga naiisip ko:
1. Magbabayad muna ng utang saka other payables.
2. Bibili ng bahay at lupa saka kotse.
3. Mag-aaral ulit ako. Tatapusin ko na ang degree ko. :) Tapos si husband kung gusto ituloy mag-med, go!
4. Mamimili ng mga gamit sa bahay.
5. Magsa-shopping ng gamit ng mga anak ko saka gadgets ni husband. Graduation gift ko na rin sa kanya.
6. Magsa-shopping ng para sa akin. Hehe. Pero malamang konti lang 'yun, kasi mas mahilig ako mamili ng gamit para sa bahay/mag-aama ko.
7. Bibigyan nanay ko ng sarili niyang pera, tapos pera pampaayos ng bahay nila tapos pang-eskwela ng kapatid ko hanggang college na.
8. Kakasuhan ko na yung hinayupak kong tatay saka mga kabit niya.
9. Ipapasyal ang mag-aama ko saka mama't kapatid ko: Disneyland, Boracay, kahit saan!
10. Magdo-donate ako sa Cottolengo.
11. The rest ipon saka itatabi para sa schooling ng mga anak namin.

** At saka gaya ng sabi ni mommy_cess, di ko rin ipapamalita na ganun ang nangyari. Same buhay pa rin yun nga lang mas komportable na. Mahirap na, mamaya kung sino pa magbalak ng masama sa 'yo.

Ang sarap mangarap 'no? :) Pero minsan 'yung mga ganitong pangarap 'yung tumutulong sa 'tin na tiisin 'yung mga hirap na pinagdadaanan natin eh. :)
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: mami che on May 29, 2012, 09:36:23 pm
Charity, business, investments (buy properties) & splurge a little like out of the country trips  :)
Haaaay... Sarap  ::)
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: mylittlegabriel on May 30, 2012, 12:20:23 am
oh how i wish pwedeng manalo ng hindi tumataya, hahaha!!

let us say if mangyare yan, ito ang list of To Do's ko sa money :)

1. Capital to have our own Business ni HUbby.
2. Buy our own House & Lot
3. Give some to the poor (pangarap ko talaga to)
4. Educational Plan for our Gabby
5. Siguro gugustuhin ko ng magkaroon ng baby no. 2 :)
6. Buy car
7. Give my parents some money to enjoy life (if gusto nila magtour or bumili ng kung anong makpagpapaligaya sa knila, specially this is my way of thanking them for all the love and support)
8. help my brothers (eldest kasi, buti nlang understanding din si hubby)
9. Tour with hubby and Gab and try all the restaurants in the world dahil yun ang favorite gawin ni hubby at simpleng kaligayahan niya, nyahahaha..
10. Mag-eenrol kami ni hubby into culinary :)

ang sarap mangarap.. heheeh! 8)
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: trishevil on June 15, 2012, 10:52:37 am
^wow..sana nag manalo..

1. Thank God.
2. Donate to our chusrch (on going pa rin construction)
3. Allot money for baby's future
4. Establish my hubby's dream business (give funding)
5. Allot emergency funds
6. Enrol sa culinary school and Law school (I love both kasi!)
7. Put up my dream bakeshop
8. Provide educational assistance to my siblings.
9. Have our ancestral house renovated
10. Put up a day care center wherein there is free education for anyone who wishes to learn.
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: abz22 on June 15, 2012, 03:41:21 pm
Di naman masarap mangarap.. hmm.

* i'll give 10% to the church for tithes.. then 10% to our pastor..
* BUSINESS..
* Savings..
* Trust fund for kids..
* house & lot tapos kotse..
* give blessings to others..

un pa lang naiisip ko.. kaso di ako tumataya.. hahaha..
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: abz22 on June 15, 2012, 03:42:41 pm
^ oops... masama mangarap pala..
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: mommyMidya on June 15, 2012, 11:40:52 pm
Di rin ako tumataya : )..pero kung sakali.

1. Bili nang sariling bahay
2. Educational plan ni baby
3. Business
4. Travel.

Kelan kaya ako mananalo..haha
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: kissablesam on June 16, 2012, 09:28:42 am
And just as I am eager furiously to won a lottery someday..

May i add below if ever I will win the 300M

1. I will buy an island nearby manila and take all the beggars there especially the infants and toddlers..
2. will built a mansion for them and give them all the resources they need
3. bibilhin ko ang National Bookstore para maging updated ang mga tao dun
    sa islang bibilhin ko...

Nakakalungkot makakita ng babies / infants & toddlers sa street. walang matirhan at walang makain.. :'(

Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: princess080910 on June 16, 2012, 02:38:28 pm
i will bring our whole family and friends to Australia to celebrate meyer's 2nd bday w/ the Hi5 cast. kase super windang nako kakaisip ng ilalagay sa theme niya. plus buy ko siya lifesize na jupjup stuffed toy.  na kahit anong thumbling ang gawin ko walang mabibilhan nun dito ;D ;D  ;D
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: tsukino4 on July 30, 2012, 05:58:41 pm
i ask hubby about it dati what if manalo sa lottery and sabi niya una magpapakasal kami and second for business..
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: mamacharis on September 16, 2012, 07:23:22 pm
just in case pag nanalo ako sa lotto (tataya ako next time)

1. golden acres  simula nung nag outreach dito lagi ko sila naalala
2.  bili ng house and lot sa ibat ibang parte ng metro manila na hindi binabaha.
3. farm --hahaha taas ng pangarap! gusto ko yung pipitas na lang ng prutas yum!
4. warehouse --  para di na kami umupa.
5. franchise agad ng jollibee or mcdo. hahaha ibang level ang pangarap ko talaga!
6. bibili ng forward at yung "ulo" truck na humihila ng container para di na ko nahihirapan kakahanap ng truck sa pier


oh well sana manalo kahit hindi tumataya ng lotto! he he he!
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: gladys_gvp on September 16, 2012, 07:42:44 pm
di rin ako tumataya, pero kung magkakapera ako ng ganun kalaki...

1. i'll give the 10% to the church.
2. magfranchise ako ng established na food business.
3. magopen ako ng bank account para sa parents ko.
4. magtatayo ako ng foundation for elderly and orphans.
5. will put some to my kids account.
6. buy the lot next to our house for my kids, hehe
7. i'll buy something for hubby at syempre for myself.
8. save the remaining..  :)
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: Mommy Jazz on September 17, 2012, 12:37:46 pm
Mag papa grand SPA EB ako for all SP Moms!
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: lykeil on September 17, 2012, 01:07:05 pm
Kung may P100 Million..
1.  10% church donation.
2. Bibili na ako ng sarili naming house and lot sa Greenhills or QC.
3.A brand new car for hubby. (yan kasi kaligayahan niya eh!)
4. Bilhan ko ng tig isang bahay at lupa mga kapatid ko. .
5. Trust Fund for my kids.
6. Education fund for my kids.
7. Medical health for my family.
8. Put up a restaurant
9. and grocery store.
10  Go to Disneyland!!
11. Bayaran din lahat ng utang!! : p
12.  Bibili na din ako ng kabaong, yung kahit bahain, hindi ako malulunod kahit patay na!! kasi itong buhay ako lagi na lang kami binabaha, siguro naman I can rest in peace na talaga, hindi na ako lulubog sa tubig! :))


.
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: EmPao on September 17, 2012, 02:59:58 pm
bibili ako ng mini cooper... mag dodonate then mag time deposit!!
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: jannabanana on May 20, 2013, 12:56:23 pm
business, magbigay sa family, savings and magreresign sa work at magnegosyo :)
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: smart.momi on May 23, 2013, 03:09:05 pm
I often say na pag nanalo kami sa lotto ito gagawin ko:

1. Magdodonate sa Church
2. Magpapatayo ng bahay para kay Nanay at sa mga kapatid ko
3. Magpapatayo ng business para sa Nanay ko at mga kapatid ko.
4. Mag-oopen ng trust fund para sa anak ko
5. Magpapatayo ng bahay para sa amin
6. Papauwiin si mom in law from abroad. She needs to retire na din. Been working all her life for her family.
7. Pupunta kami London at Honkong Disneyland
8. Magpu-put up ako ng business.
9. Bibili ng car for my husband at dadalhin ko sya sa Boston to watch his fave NBA team live:)
10. Babayaran lahat ng mga utang. hehe
11. Magtatayo ng Charity for less fortunate kids - ito ang lagi ko talaga sinasabi. Ayoko ng may mga street children. They don't deserve to be on the street. Kawawa naman.

At ang matitira mapupunta sa savings at sa ibang bagay at mga taong dapat tulungan..

Sana manalo tayo:)
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: ❤Xian&Mam ❤ on May 24, 2013, 07:25:36 pm
.bili ng house and lot sa manila
.pagawa ng bahay para sa mama ko
.bili ng malaking farm lot  :P
.negosyo
.ipon para kay baby
.bigyan mga kapatid ko puhanan para makapagnegosyo.
.donate sa charity/church
.travel
.ipon na yung matitira

waaahhh,di naman kami nataya ng lotto pano kaya ako mananalo nito,kalurley  ;D


Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: Planet Baby on May 25, 2013, 09:28:38 pm
Pag ako  nanalo sa lotto ng 100M

Parents at hubby ko lang makakaalam. Low profile pa rin hanggat maari.

10% bibigay ko sa Church/donation sa charity
10% for emergency fund na ilalagay sa Bank
10% trust fund ng anak ko
20% sa mutual fund
50% sa stock market

Ang tutubuin ko sa stock market ang gagamitin ko sa mga gusto ko gaya ng:
balato sa parents at mga kapatid ko.
bahay at kotse na gusto ko
travel around the world
personal na gamit gaya ng shoes, bags, etc para sa buong family.


Kung mapapansin nyo po, di ako nagset aside para sa business kasi mas confortable ako sa stocks kaysa sa business. Usually sa malalaking company ako nag iinvest kaya sure na tutubo. Sa business kasi ang dami ko pang iisipin na employeee, competition at marketing.     

Di rin ako maglalagay ng malaking pera sa bangko kasi maliit ang tubo.

Magreresign na lang din ako at magfreefree lance. :-) Pag lumakas ang loob ko siguro baka magbusiness din ako...try lang... haha!

Pero sa ngayon need ko muna gawin ang step 1 which is ang tumaya ng lotto, di kasi ako marunong, magpapaturo muna ako kay hubby.  :P
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: jem.sexy@yahoo.com on May 25, 2013, 10:10:14 pm
donate, donate, donate hihi

tapos kakainin ko lahat ng mga recommended cakes dito sa SP  ;D

and tour around the world  ;D

Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: MommyniAddie on July 30, 2013, 01:37:21 pm
Weeee...sana nga manalo ako..If ever man eto ang mga plans ko:
-10% will be for the church
-will give to kapuso foundation
-franchise a well established food business
-buy a house and lot for me and my 2 other siblings
-trust fund for my daughter
-bank account for us
-magpapatayo ng apartments for rent

at higit sa lahat..magre RESIGN na sa work :)
Title: Re: What would you do if you're the one who won the lottery?
Post by: chardonnay on July 30, 2013, 04:05:45 pm
haha nakakatuwa naman to. ako din unang una, mag RERESIGN NA AKO SA WORKKKK! then mag unwind kasama buong pamilya then almost same din sa list nyo. pero dapat unang una tumaya muna tayo no? ako kasi hindi haha :)