Parent Chat

Life => Travel => Topic started by: liams mom on June 14, 2011, 05:00:04 pm

Title: Where to stay in Singapore?
Post by: liams mom on June 14, 2011, 05:00:04 pm
Hi mga Sisses!

Mods, if there's a similar topic, pa-merge na lang po, wala kasi ako makita.. thanks!

Pa-advise naman po for a good area and hotel to stay in Singapore. Yung accessible sa mga tourist attractions dun. I'm searching for one sa Asiatravel but I'd want sana first hand experiences para sure na maganda and comfortable magiging stay namin dun. I am travelling with hubby, my 3 y/o boy and my mom and will be staying for 4 days. :)

Most kasi ng nakikita ko good for 2 adults and kid lang yung room. Gusto ko sana ka-share na rin namin si mama ko para mas tipid sa hotel (family room).

Thanks mga sis! :)
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: MommyPhie on June 15, 2011, 01:13:03 am
Hi sis, I don't know much about the hotels here in Singapore, pero you can try visiting below sites baka makatulong. Sa Sentosa located magagandang attraction ng SG, nandyan din yung Universal Studio at madaming magaganda hotels. Yung mga outside Sentosa na attraction like Singapore Zoo and Jurong Bird Park mga an hour away lang. And less than an hour naman kung pupuntahan nyo yung Singapore Flyer, Esplanade and Marina Bay.

http://www.rwsentosa.com/
http://www.sentosa.com.sg/en/
http://www.zoo.com.sg/
http://www.birdpark.com.sg/

if you like you can add me up on FB to see some of our pictures
phiegomez@yahoo.com
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: liams mom on June 16, 2011, 07:25:27 pm
^thanks sis!

most kasi ng mga nakikita kong mga hotels na mura is sa Geylang district. Based sa reviews sa internet, red light district siya and hindi advisable if kasama family. And ayaw ko din naman sa ganung lugar.. :)

I saw a hotel kanina, good for family siya, Strands Hotel lapit daw sa Orchard. I asked help from my friend living there kung pwede tawagan niya. Kasi ang hirap mag inquire online. Direct kasi sa hotel yung inquiry.

Excited na ko sis! :) Ano po ba ang weather jan pag month of Sept?
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: cindy15 on July 06, 2011, 11:20:00 am
hi sis! anung feedback mo sa strands hotel? ok ba dun? kame kase this july 10 n yung flight. ano bang ibig sabihin ng red light district? 
dapat kasi kasama ko yung friend ko at family niya may kakilala sya dun sa sims dive kaya nagpa book ako sa malapit lang skanila pero ngaun nagpaparebook sya due on her condition.
ngaun 3 lang kame aalis, safe ba talaga sa singapore?
first time kasi namen magtravel abroad kaya medyo kabado ako.
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: nixmusic on July 06, 2011, 04:34:38 pm
Hello mga sis! I may be able to help as I stayed there to work for more than a year. :)
 
If you want accessibility, you'd go for the hotels in Orchard such as:

If you're on a budget naman and don't mind doing some walk in the city, sa Bugis area ang alam kong medyo ok for tourists. Although hindi ako nakapunta sa red light district/s such as Geylang [sabi lang ng friend ko nung napadaan yung night rider bus na sinasakyan niya one time na medyo wild yung place na yon pag gabi], I think it's generally safe in Singapore at hindi mahirap mag commute. Enjoy your vacation. :)
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: liams mom on July 06, 2011, 06:48:40 pm
hi mga sis!

unforunately, hindi na kami tuloy sa sg. change of plans na. first of all, hindi maganda yung schedule ng punta namin dun supposedly (3rd week of september) kasi may F1. So lahat ng prices ng hotels, super mahal. I had a deal kasi with hubby, and favorable naman for me and the whole family kaya hindi na sa Singapore ang stop over namin. :)

sis cindy15, mahal yung naging quote sa'min sa Strands. Though sa feedback naman na nabasa ko, maganda ang review sa hotel na yun. Check mo sis yung tripadvisor.com. Dun kasi ako nagre read ng mga reviews sa mga hotels. :)
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: cindy15 on July 07, 2011, 02:08:12 pm
thanks mga sis!

nag aalangan nga din ako kung sa geylan kame kukuha ng hotel kasi ang dami kong nabasa tungkol sa lugar na un. kasama pa naman namen yung anak namen ayoko naman magkaoon ng bad experience sa 1st travel abroad namen.

thanks ulit!! :)
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: yshaleigh on July 08, 2011, 11:29:05 am
mga sis if you want a peaceful environment to stay.. you may actually try tampines, pasir ris, bedok. kasi tahimik ang place compare sa ibang lugar... though you really have to walk, take mrt or bus to get to the tourist destination but its worth it at least naiikot mo ang place.. orchard for me is like living in makati puro gimikan kasi at ang mamahal ng mga stores don.. red un ata yung sa mga mustafa yung parang quiapo sa tin but here anywhere you go safe, protected ka ... kahit nga iwan mo ng bukas ang bag mo walang magtatangka na dumukot... andtio ako til jul 30
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: geej on July 25, 2011, 10:27:46 am
hi sis im a travel agent meron kami mga mura hotels at mura packages na meaning w/transfers, breakfast, acccommodation at tours in singapore. if you have questions po email me at flights_r_us@yahoo.com. meron din po kami facebook fan page. FLIGHTS "R" US TRAVEL AND TOURS. dun po namin nilalagay mga promos namin.
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: melshoppe on July 31, 2011, 12:31:15 pm
Hi mga sis!

tumira ako dun for 2 years, pero matagal na 2000-2002 pa..pero kasi ang mga hotels malapit sa Orchard mga mahal..ok din mga hotels malapit sa BUgis..di ko na nga lang maalala yung hotels..pero malapit din siya sa lahat..MTR pwede ka ng sumakay..

yung Geylang dun...in short parang Mabini sa atin..marami rin motels & mga bayarang girls..tapos dami lagi tao lalo na sa gabi..

kung may kakilala naman kayo dun pahanap na lang kayo ng house na may room for rent or yung transient kayo mas makakamura pa kayo..

safe naman sa Singapore kahit hangang madaling araw kayo
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: mommy 2j on August 05, 2011, 10:34:23 am
Hi sisses,

Try Tresor Tavern, Hotel 81, Fragrance Hotel. May mga hotels sila na outside Geylang area pero mas pricey. As per my experienced, I've tried Fragrance Pearl sa Geylang area with my 2 kids with me ok naman at safe naman yung place. Geylang district is like Mabini pero still Singapore naman yun.

You can also try to browse pinoysg dito nakaadvertise usually yung mga transient rooms for rent ng pinoy family sa SG.

God Bless   
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: rozzy on August 05, 2011, 10:36:00 am
I don't have idea sis pero yung friend ko dun na sya work for two years at pabalik balik na lang sya rito sa pinas. Next week andito sya maybe I'll ask her about your queries here. Thanks.
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: mommy 2j on August 05, 2011, 10:48:12 am
Hi sisses

here are some links for your reference

pinoysg - http://www.pinoysg.com/component/option,com_adsmanager/Itemid,27/adid,278916/catid,24/page,show_ad/

tresor tavern  - http://www.facebook.com/profile.php?ref=profile&id=100000467199548#!/profile.php?id=100000467199548&sk=wall

Fragrance Hotel - http://www.fragrancehotel.com/fragrance06/main.asp

YMCA - http://ymca-hotels.com/singapore/ymca/

But if you budget naman you can try hotels along orchard area.

God Bless :)

But if you have budget naman
 
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: Planet Baby on August 12, 2011, 03:00:54 pm
try nyo dito sis, piliin nyo yung may sariling bathroom. Mababait yung tao sa front desk at mga bata pa. Usually kasi masusungit sa kanila ay yung locals na matatanda.

may free breakfast sila at may malapit na train station sa area na yan. :)

http://www.thehivebackpackers.com/
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: churva! on August 12, 2011, 03:12:13 pm
hindi naman super nakakatakot sa Geylang. tumira ako dun for a time okay lang naman. wag nyo compare dito kasi iba dun sa SG ;D if you know what i mean.

try to search agoda.com for good deals din, yung locations na masusuggest ko (in order of my preference lang)

Marina Bay
Orchard
Bugis
Clarke Quay
Geylang

alam ko din wala masyadong hotels sa tampines, pasir ris area.
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: ilovemybaby on August 31, 2011, 09:32:40 pm
 Hi sis. We stayed at Hotel Royal at Queens street. Okay ang service dito and maganda ang amenities. May swimming pool din. Malamig din ang aircon. Our accomodation includes breakfast and I must say, satisfied naman kami. Buffet style siya. May mga malalapit din na hawker center diyan if in case you need something to eat. Konting lakad lang asa Bugis ka na. Here's their website: www.royalqueens.com.sg. My friend also recommends staying sa Fragrance Hotel.
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: cranberrygin on January 23, 2012, 01:31:10 pm
Any updates on this? We'll be traveling in March of this year (2012) with my 6 yr old boy hubby and her sister. Recommendations/help/tips will be greatly appreciated.
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: yshaleigh on January 25, 2012, 12:56:05 am
hi sis... i agree with sis ilovemybaby... hotel royal is one of the cheapest i guess na hotel in the city.. i suggest talaga na you choose a place within the city na lang para hindi kayo mahirap to romearound.. in between sya ng city hall station and bugis station ng SMRT. also, you can buy your EZ card at smrt stations, so you could use it may it be in bus or smrt.. then load mo lang kung kulang.. also take note of the surcharge ng taxi dito, kasi bukod sa metro may addtl fee(surcharge) pag peak hours.. may 50%, 30% etc..  www.smrt.com.sg

Midnight - 5.59am   
50% of metered fare

Monday - Friday* :   6.00am to 9.30am   
25% of metered fare
Monday - Sunday & Public Holidays :    6.00pm to Midnight   
25% of metered fare

hope it helps..
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: mommyandkiehla on January 25, 2012, 05:58:02 pm
We are flying to singapore n april 1-4. My sister booked as at park view hotel. Budget business traveller hotel. Yung mga hotel 81 kasi and fragrance parang nkakatakot kasi yung mga ibang reviews sa kanila negative.

Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: leegirl on January 31, 2012, 05:42:54 pm
hi po @mommyandkiehla magkano po per night sa park view hotel? kami din po aalis ng march 30, hana din po ng ura na matutuluyan. thanks po..
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: leegirl on January 31, 2012, 05:59:27 pm
san po kaya ok tumuloy, 8 kasi kami eh. tapos me babies pa.. yung mura po sana.. thanks po..
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: mommyandkiehla on January 31, 2012, 06:12:29 pm
Hi sis mga 3500 per night. Madami din kami. 9 adults. 2 kids and 1 Infant
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: studentmom on February 01, 2012, 10:07:04 am
HarbourVille Hotel..

malapit lang sa sentosa.. ala pang 5 mins pag nag taxi kayo.. mura po dun, and puro pinoy mga employee nila.. kaya naman minsan may excess kaming kape, saka may extra kumot. saka inaalow nila kahit lima kami sa isang 1bedroom.. hehe.. katabi pa nun eh catholic church kaya nga yung PIL ko, tuwang tuwa noon.. kasi nga nakapagsimba sila.. hehe..
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: leegirl on February 01, 2012, 01:24:59 pm
@mommyandkiehla mahal naman po sis.. hehe hndi kaya ng budget.. 8 kasi kami eh, tapos papasyal lang palage pag nandun na, kaylangan lang po talaga ng matutulugan. :) sa hostel kasi  S$20 lang per head eh, kaso parang parehas lang pag nag hotel kami.

@studentmom kasya po kaya kayo nun sa bed pag lima kayo? malapit din po ba sya sa mrt? thanks po
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: Planet Baby on February 01, 2012, 01:45:10 pm
tama sis, most of the times nasa labas naman kayo,

Mga 8am to 8pm nasa galaan kami, so talagang tulugan lang sya.

Not unless ofcourse kung may budget kayo, sayang din kasi yung big difference, pang shopping din yun.  ;)
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: leegirl on February 02, 2012, 01:19:00 pm
nakapagbook na po daw yung sister ko sa backpackers SG 20 singaporean dollar lang per head. :) ask ko lang din po me kasama ba kayong baby nun? ok lang kaya kung dalhin yung stroller? hehe nagdadalawang isip kasi ako eh. t

Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: Planet Baby on February 02, 2012, 01:38:29 pm
nakapagbook na po daw yung sister ko sa backpackers SG 20 singaporean dollar lang per head. :) ask ko lang din po me kasama ba kayong baby nun? ok lang kaya kung dalhin yung stroller? hehe nagdadalawang isip kasi ako eh. t

ang kunin nyo yung double na room, wag yung parang dormitory na marami kayo.

Wala akong kasamang baby, pero mukhang ok yung doubleroom for 2 adults and 1 baby.
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: MommyPhie on February 20, 2012, 12:12:37 am
ok lang kaya kung dalhin yung stroller? hehe nagdadalawang isip kasi ako eh. t

yup sis... stroller would be very convenient for you and for your baby... mahirap din kasi mamasyal kung may karga baby tapos dami pa things na bitbit... kung di nga lang sira yung stroller ng bunso ko talagang magdadala ako sa sunod na punta namin ng SG, kahit na 4 years old na siya :-D ayaw niya kasi maglakad gusto lagi karga, gusto pa ako kakarga ayaw sa daddy niya. Most of the pasyalan in SG nagpaparent ng stroller, pero mas maganda na yung sarili mo para makatipid medyo mahal din kasi rent. Wala naman problema sa train kasi pwedeng-pwede isakay yung stroller kasi maluluwag mga trains dun.
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: studentmom on February 28, 2012, 02:35:44 am
sis angelicanery,
kasya kami. kasi niremove namin yung top kutchon ng bed.. nilapag namin.. naghingi na lang kami extra kumot.. para may sapin.. dun kami natulog ni hubby and baby.. yung bed naman, may kutchon pa din naman yun, kaya dun natulog yung PIL ko. :D
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: leegirl on March 01, 2012, 11:44:19 pm
thanks po sa pag reply! :) sabi kasi ni mama wag na ko magdala ng stroller kasi pag sasakay ng bus mahirap. pero dadalhin ko na lang din. thank yu po sa mga advice! 

sa back packers po kami magstay pala parang dorm po sya, mura lang po kasi dun imbes na maghotel pa kami mas malaki masesave, madami din kasi pupuntahan. thank you!
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: michi247 on July 16, 2013, 09:15:46 am
Ang mahal ng hotel sa sentosa, any suggestion na malapit na hotel sa USS and Sentosa. Hotel na accessible kahit magcommute para sa USS, Sentosa, City Tour and Ikea. thanks!
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: yshaleigh on July 27, 2013, 07:41:05 pm
kung malapit sa USS and sentosa, you may try searching in orchard area. accessible naman lahat sa sg tru mrt, bus or taxi. pwede mo din try sa may hotel 81 bugis, o bandang clark quay...
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: michi247 on April 08, 2014, 09:44:15 am
^ sa Bugis area kami naghanap.

sharing my review http://www.michiphotostory.com/2014/04/south-east-asia-hotel.html
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: mommykay.com on March 08, 2015, 06:39:53 pm
Sharing our experience at Oasia Hotel Singapore. It's located in the Novena area next to Orchard. The best thing about this hotel is that it has a direct connection to Novena MRT station. That made our Singapore trip super convenient. They also have a very shallow kiddie pool perfect for toddlers.

http://www.mommykay.com/oasia-hotel-singapore/
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: juvyann19 on April 02, 2015, 01:01:00 pm
When we went to Singapore, we stayed at this family hotel in Sentosa. In case you are interested, check out the link here.

http://juvyann19.blogspot.com/2015/01/festive-hotel-resorts-world-singapore.html (http://juvyann19.blogspot.com/2015/01/festive-hotel-resorts-world-singapore.html)
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: juvyann19 on April 02, 2015, 01:05:39 pm
If you are looking for a hotel near Orchard, Royal Plaza on Scotts is a wonderful choice.

http://juvyann19.blogspot.com/2015/01/royal-plaza-on-scotts-our-singapore.html (http://juvyann19.blogspot.com/2015/01/royal-plaza-on-scotts-our-singapore.html)
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: juvyann19 on September 25, 2015, 10:39:45 pm
We had a wonderful stay at this Sentosa Hotel.

http://juvyann19.blogspot.com/2015/09/movenpick-heritage-hotel-review-lovely.html (http://juvyann19.blogspot.com/2015/09/movenpick-heritage-hotel-review-lovely.html)
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: asher solomon on September 04, 2017, 07:53:14 pm
Kallang is a lovely neughbourhood.

Here are some ideas:
hotels.com/de1742126-qu0/hotele-tanie-kallang-singapur/
Title: Re: Where to stay in Singapore?
Post by: Mommy Jazz on September 10, 2017, 05:17:31 pm
Hard Rock Hotel Sentosa review:
No internet in all rooms, little basic amenities compared with other hotels we've been.
No extra pillow, we have to pay for extra unlike other hotels. Limited English TV programs.
Filipino staff are very friendly and helpful.
Pool is the wonderful. It's the best pool in Sg we have been to so far. The pool in Marina Bay Sands has the best view, but the pool itself, Hard Rock rocks!
Big discount when dining at Hard Rock cafe and buying at the themed shop.