Parent Chat

Life => Love and Relationships => Romantic Relationships => Topic started by: mommy-T on November 28, 2008, 10:22:10 pm

Title: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: mommy-T on November 28, 2008, 10:22:10 pm
mga momies ano gawin nyo if mg away kayo ng hubby nyo? alsa balota ba? mgkasakitan, or wlang talk? deadma lang ba?

Mod's note:
The Emotional Damage Your Child Experiences When You and the Hubby Fight
(http://www.smartparenting.com.ph/images/2017/12/06/20171206-spilloverconflict.jpg)
Read it on Smart Parenting. Click this link:
http://www.smartparenting.com.ph/parenting/real-parenting/kids-experiences-distress-couple-fighting-a00041-20171207

Post a question about this topic or share your experience. 
Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) or register (http://www.smartparenting.com.ph/registration) to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie  (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=114413.msg966669#msg966669) upon registration or membership update.


Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ღღCHiQuiღღ on November 28, 2008, 10:51:55 pm
kami lagi kaming nag aaway  :(
WARFREAK pa naman ako at ako talaga nananakit smin
bugbog sarado si hubby skin.
dahil mdaling uminit ulo ko!
naiintindihan niya ako 6 years kasi agwat namin
nag aaway kami sa maliit na bagay lang..
alam mo yun pag gigil na gigil ako at kinakagat ko talaga sya
minsan kinukurot ko talaga hanggang sa magsugat  ;D

lalo naman nung naglihi ako.
kawawa skin yun ;) naawa ako minsan kaso yun talaga e
inis na inis ako sa pagmumukha niya.
minsan talagang lumalayas ako sa sama ng loob ko
e sa maliit na bagay lang naman yun ;D ;D
lahat ng tao sa bahay nila pati byenan ko
inaaway ko talaga.
ayoko ng may nagtatanong skin. napakaarte ko daw
at sensitive.

pero mahal talaga ako ni hubby
napatunayan me yun. umalis ako sa sobrang sama ng loob ko
kahit ako talaga my kasalanan umalis talaga ako.
tapos dun ako sa bahay ng mga parents ko.
ayun nghintay sya sa labas ng gate namin hanggang mag umaga ;D
bago ko sya napatawad  oh diba ang taray? hehe
sya pa ngsori. ewan ko ba nun pero ngaun
hndi na e.. iba na hehe







siguro naawa na din me :o
at alam ko naman part me..
ejejje
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: andrew610 on December 02, 2008, 05:09:05 pm
grabe mommy iloveuBABY. ibang level kayo magmahalan ni hubby ha! hehe...


ok magpapakatotoo ako.. kami ni hubby worse na yung magbatuhan ng gamit. one time sobrang galit ko sa kanya.. binato ko ng astringent niya. hehe.. buti d tinamaan. kasi kung tinamaan sya.. i know super guilty nako after kasi baka magpasa. wala talaga mabuti madudulot pag nagsasakitan so as much as possible i try to calm myself sabay layo para iwas gulo. ;D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: glendagonzales on December 02, 2008, 05:19:36 pm
kame pag nag aaway, nakakainis diba yung talak ka ng talak tapos dedma lang sya..dun ako inis na inis..like ko kase patulan niya ko, hehe..so pag natutulog kame, para makaganti ako, iniipit ko yung skin niya (yung balat ng braso niya) para masakit..., yung parang diko sinasadya na sinasadya ko naman..iniiipit ko kunwari ng siko ko, tapos aaray sya..pag ganun ginagawa ko, ewan ko ba at natutuwa ako..
 tapos di kame nagkikibuan ganun kame mag away..
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: mommy_ain on December 02, 2008, 05:22:49 pm
naku... kami ng hubby ko parang may invisibility powers... hindi namin nakikita ang isa't isa... hindi din kami nag-uusap hanggan sa lumamig ang ulo namin... pero in fairness, pag eating time na we prepare na dinner table... pero hindi pa din kami nag-uusap or mauuna na ang isa sa amin kumain.
pag tulog magkatalikod...nilalagyan ko pa nga ng mahabang hotdog pillow sa gitna eh  ;D
 
once pa lang kami nag-away na medyo nagkataasan ng boses pero after that ok na... ;D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: impulsive[$hopper] on December 02, 2008, 05:28:56 pm
^ i am still laughing sis!  ;D nakarelate kasi ako sa post mo... ganito din kami ni hubby! tapos kahit ngawit ngawit na ko sa side ng pagkakahiga ko, ayoko pa din humarap sa kanya  :D

kami, madaming beses na kami nagsigawan pero after away OK na ulit! parang tan** lang  ;D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: jojo19 on December 02, 2008, 05:37:39 pm
kakatuwa yung mga post dito...

pinaka worst na siguro sa amin e yung nabatukan ko siya ng napakalakas sa sobrang inis ko...kakapanganak ko pa lang nun. e ayaw ko pa naman na nagsisinungaling sa akin...esp pag alam ko yung totoo tapos ayaw pa aminin...

before nung preggy ako, pag nagaaway kami either naka-side ako matulog para hindi ko siya makita or pupunta ako sa isang room and dun matutulog. take note, papatay ko yung aircon niya sabay kuha ng remote para hindi niya mabuksan...lol...pero, normally, pag nagaaway kami is yung silent treatment lang. walang pansinan till kinabukasan...pag asa office, dun lang kami naguusap

to sis ILoveuBaby, grabe...lakas ng powers mo... ;D buttered hubby tong mga asawa natin... ;D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: kalix on December 02, 2008, 06:23:08 pm
eto lang masasabi ko...WALANG KWENTA kaaway ang asawa ko! para akong nakikipag away sa pipi at bingi!LOL!...kaya feeling ko para tuloy akong nasisiraan ng bait. ;D
pero lagot sya pagdating ng gabi (pag nandito sya sa Pinas).hahaha!
nakakatawa pala tayo mga mommies para tayong mga bata. ;D ;D ;D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: czar on December 03, 2008, 01:35:54 am
me= more talk
him= less talk or no talk at all

sobrang bait ni hubby hindi niya pinapatulan yun kababawan ko minsan

pero pag away na talaga, most of the time siya ang cool ako hindi
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: mommy may on December 03, 2008, 10:37:06 am
alam ko na kwento ko na ito hindi ko lang matandaan kung saang topic dito sa SP......

ako iba naman ako sa inyo mga sis....pag naiinis ako kay hubby nag mamall kaming mag-

ina o kaya ako lang mag isa, gagawin ko bili dito bili doon! as in maka ilang libo ako wala

akong paki >:( para lang maalis ang inis ko sa kanya iyan ang pang comfort ko hi hi hi....

at pag gusto niya ng makipagbati kailangan bayaran niya lahat ng nagasta ko para bati

na kami! oh diba kakaiba!!!! kaya lang ngayon hindi niya na ko iniinis kasi magastos daw!!!

malakas kasing mang inis si hubby  >:( pero hanggang ganon lang kami, siguro kasi sa

age namin mas mature na kami sa ganyang bagay! pwera na lang kung my gagawin

syang ikawiwindang ko!!! at baka magka gera ng husto!!!
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: elsa08 on December 03, 2008, 10:50:58 am
depende sa mood namin ni hubby and how worst yung pinag awayan namin.. miski muntik na mag alsa balutan si hubby kaya lang hinahanap niya yung bag niya.. di niya makita, lam mo naman mga boys.. kaya yun di natuloy.. tapos ako super daldal talaga, tapos may kasama pang hampas pag sobra inis ko.. tapos si hubby, deadma lang..
minsan ako ang unang sumusuyo pag lam kong mali ako.. ;)
kaya lang minsan kainis kaaway si hubby kasi pag oki na kami.. ginagaya ako kun pano me magalit as in with matching dialogue pa kun ano sinabi ko, kaloka nga.. sabi ko nga, ganun pala me magalit.. kaya pag inaaway ko sya, minsan natatawa me kasi naiisip ko kun ano naman kaya itsura ko kasi gagayahin niya me afterwards.. ;D
kasi honestly, minsan out of the blue, maiinis lang me sa kanya... ang dami ko na sasabihin.. sasabihin lang ni hubby.. "atakot, sinasapian na naman si hon".. kainis noh lalo na pag gigil na gigil ka sa inis.. ::)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: leodini on December 03, 2008, 11:18:58 am
My wife and I wage our marital wars silently---as in Cold, Frozen, Frosty, Hell-Freezes-Over War. The night then becomes as silent as Silent Night. Kinda unnerving sometimes.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: gwen's mom on December 03, 2008, 12:42:55 pm
di nag uusap, di nagpapansinan, magkatalikod kung matulog.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: mommyjhoyce on December 04, 2008, 03:22:21 pm
napapasmile ako while reading ng mga post nyo mommy...  :D
kami ni hubby pag nagaaway at malalakas ang boses eh kunyari lang yun... pag totoong away deadma ever lang... as in walang pansinan... minsan sobrang parehong mataas ang pride namin umaabot ng 2-3 days yung deadmahan na yun... pero pag napansin na nung anak namin at biglang nagtanong "mommy, daddy galit ba kayo?" sasagot ang asawa ko "hindi anak, love nga kami oh?" sabay yakap sakin... yun na ok na kami...  ;) ;D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: mommy-T on December 04, 2008, 10:18:55 pm
yung hubby ko tahimik type sya. ako yung madaldal. pg na aaway kami deadma niya ako. but if daldal ng daldal p rin ako ayun magagalit na sya at lumalaki yung mata.   :o  ayun titigil na ako kasi natatakot na rin ako. heheh minsan sa inis ko, yung malaking picture frame namin sa kasal na nakasabit sa wall, tinatakipan ko nga kumot kasi inis ako, then yung mga picture frames namin na iba tinatakipan ko talaga. yung cell number niya delete ko yung pala memorize ko. pag pasok niya ng kwarto namin ma shock na lang sya anong ngyari sa kwarto namin puro takip mga gamit na nandyan  sya o sa kanya. tinatanggal na naman niya. mgkatalikod kami matutulog. kinukuha ko yung unan niya at kumot. inaangkin ko lahat. kasi una akong matulog sa kanya.di talaga kami nag uusap that day. then timing na immunization ng anak namin, mgkasama kming pumunta sa pedia niya. sa kotse hindi kami nag uusap talaga. pgdating namin sa silid ng clinic, kaharap na namin yung pedia, ay! ok kami dalawa parang hindi nag aaway.! hehe napaka plastic namin. haha pg labas namain hindi na naman ako nakipag usap sa kanya pero asawa ko nakikipag talk na sya sa akin if saan daw kami pupunta if saan daw kami kakain. but di p rin ako kumikibo. mgka bati lang kami ng dahil sa anak namin or meron bisita sa bahay. kasi alangan naman mg aaway p rin kami sa harap ng bisita. hahah but pinaka matagal wlang kiboan is 3 days only. actually ako naman yung ayaw makipag talk. kasi nga taas pride ko pgdating sa away namin. heheh
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: nowie on December 10, 2008, 01:40:24 pm
kami silent war din, wlang pnsinan... ;D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ida on December 10, 2008, 02:38:08 pm
kami sigawan, walang gusto magpatalo eh..... sometimes, we'll cover each other's mouth para makasalita, lalo lang lumalala, dapat mag-give way ang isa, mapapagod din naman ang madakdak.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: gabneth on December 10, 2008, 03:11:21 pm
before sigawan talaga.. ala magpatalo.... but now iba na... malaki na kasi yong eldest namin.... tahimik na lang, and tinatapos na lang agad para di makahalata ang kids... and if mainit na ulo ng isa wag na lang sabayan.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ida on December 10, 2008, 03:24:55 pm
i remebered tuloy, we had a big fight before as in sigawan talaga (sakit sa lalamunan) sa loob pa ng car, kasama namin daughter namin, she was really shaking, crying and shouting too, sobrang takot niya. kaya tumahimik na rin ako, i hugged my daughter so hard, sobrang awa ko sa kanya (she's only 3y/o). and i told my hubby to shut the f**k up, natatakot na yung bata, sabi ko if you won's shut up, bumaba ka na lang pls! (I was the one driving) Hindi naman bumaba, walang kibuan sa car hanggang makarating kami sa house, i was driving while carrying my baby girl, nakatulog na nga siya sa sobrang iyak... :(
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: mommy may on December 10, 2008, 09:00:57 pm
^ awwwsss......wawa naman be be mo....


si Ram hindi naka experience samin ni  hubby ng ganyan...kasi pag nagalit ako tahimik na

si hubby para dina humaba at pag talaga nainis! malling kami ni Ram kaya happy kami!
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ida on December 11, 2008, 08:37:47 am
^^ yup mommy may, awang awa talaga ko sa baby ko, until now, pag naaalala ko yung incident na yun, nanggigigil pa din ako... basta ang concern ko na lang sa bata, i always ask her if she's happy, i'll do everything para maging happy dalawang little angels ko..  :)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: anne.nanay on December 11, 2008, 10:10:42 am
una, funny talaga yung mg itsura natin siguro lalo na pag petty fights. one time, may pabato bato pa ako ng wedding ring, hehe.. ako yung type na mahilig magbato pag inis na, kahit nung bata pa ako... pero pili naman yung ibabato ko sa kanya, like shoes ni baby, slippers. pero kasi deadma lang siya. mga ganun lang...

hirap magfight pag may kids nanakakakita.. as yougn as 1 year old, my baby can feel the tension na talaga.. kaya pag fight i talk to him na hindi siya kasali.. hehe
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: mommy lana on December 19, 2008, 01:39:40 am
kami ni hubby baligtad, sya yun madalas magnag, ako yun tahimik. fave line niya yun "bottom line,blah blah" pero nakakailang beses na syang magsabi ng bottom line di pa din sya tapos. haha, nakakatawang nakakainis. kasi sasabihin ko, o tumigil ka na,nawawala ka na sa topic. tapos gusto pa niya may iloveu pa din, hello!may nagaaway bang naglalambingan?xempre ako tahiimik lang pero deep inside galit na galit na ko, so iyak na lang ako ng sobra kala mo aatakihin ako sa puso kasi andun na lahat ng galit ko sa kanya, yung mga words na "bwisit ka, ayokong kausapin ka" etc. di ko mavoice out so pagiyak ko kasama na ;D tapos maguguilty na si hubby, panalo ako. pero round 1 pa lang yun, uulitin na naman niya yun fave line niya hanggang sa maputol na lang usapan kasi may magiinterrupt or il change the topic :D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: lovebhey on December 19, 2008, 06:32:05 am
naku,kakatuwa naman basahin i2,nakakarelate talaga sa ibang moms,kami ni hubby pg nag away ako yung talak n talak, sya tahimik lang, iiwan k habang nagsasalita,either aakyat ng taas or lalabas ng bahay,kpg sa kwarto kami d siya makalabas kc pinipigilan ko siya,nananakit ako pero siya hnd sbi niya lang cheng tumigil k na pasalamat ka babae ka,sb ko naman sige ano gagawin mo susuntukin mo ko,sige suntukan n lang tyo,hahaha natatawa ako kpg naiicp ko un,pero once nag away kami buntis p ko nun, tumaas dn ang level ng voice niya at sabay hampas sa dingding,natakot ako,umakyat ako sa kwarto at iyak ako ng iyak,mega amo naman siya at yakap skn siguro narealized niya dn na mali yung ginawa niya.grabeh kpg galit k n nho d mo alam kng ano ginagawa nyo o nasasabi mo.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: julianciv on December 19, 2008, 02:54:44 pm
hi mommies! sa amin naman ng hubby ko, pag nag aaway kami, hindi ako umiimik, at ganun na din siya wala ng imikan, nakakatawa nga pag kami nag away eh ,wala kaming imikan tapos pag gabi na hinihilot ko pa rin siya, tapos pag matutulog na kami yinayakap ko lang. and then paggising sa umaga, yun ok na naman kami. ganun lang ang routine pag nag aaway kami. minsan si hubby makikipag inuman yan pag nag away kami pero pagkatapos nun wala na naman. hindi ko kasi hilig ang magtalak. naisip ko kasi pag sinabayan ko ang init ng ulo ni hubby, lalong lalala ang away, kaya better to shut up na lang....
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: nicobee on December 19, 2008, 05:33:59 pm
hello po mga sp mommies!naka2tuwa habang nagba2sa ako tungkol s topic n ito,kc may mga similarities ang mga away-away ntin pra tayong mga bata.kami ni hubby pag nag-aaway most of the time ako ang dahilan,sakin nagsi2mula ng away namin at sya ang nagbi2gay nalang,pero may oras n pinapatulan dn niya ako d k sya masisi kc minsan nka2pikon nga ako.kami pag nag-aaway nsa room lang ayaw kc namin malaman ng mga kids at madinig kaya pag labas namin ng room ok n.gusto kc namin pareho n d n patagalin ang away kc syang lang ang oras pra dun,after ng away magki2pag-bonding kami s mga kids nood ng dvd kain at kwentuhan.d kami na22log ng magka-away malas daw kc yun sbi ng mata2nda.siguro yun ang secret ng marriage namin kaya 11 years n kami dis coming dec.27. :D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: momijoi on December 19, 2008, 08:21:30 pm
hahah kami naman usually may masabi lang ako na ikaanis niya siya na yung madaldal. as in daldal. ako tahimik na lang. pero pag alam ko ako tama at asar na makikipagsabayan ako, talagang gera!!! then sa sahig siya natutulog or sa sala. hahaha kawawa naman. pag ganun at lalo na pag alam ko ako ang mali yayayain ko na siya sa bed matulog.

dati ma-pride ako as in. pero now lumalaki si josh kahit si hubby na ang mali i say sorry na agad, good thing my hubby is not ma-pride din ever since. siya din lagi ang sumusuyo sakin.  ;D

pero 1 thing's for sure samin, tomorrow morning bati na kami. ang hirap kasi ng di nag-uusap parang kulang ang araw... tapos yun, pag-uusapan na namin para maayos na yung pinag-awayan namin.  :D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: kerkxy on December 24, 2008, 03:57:49 pm
hi naku nakakatawa naman mga story niyo mga sis nakakarelate hahaha si hubby baliktad kame siya yung mabunganga ako tahimik lang lageh lang namin pinagaawayan katamaran niya only child kasi kaya ganun..pag uutusan mo lageh sinasabi tatlo2 katulong diyan ako pa uutusan mo..kahit ipapaabot lang..lageh ako umiiyak everytime nagaaway kame..mababaw kasi ang luha ko..pati siya umiiyak din everytime na sinasabi ko yung sama nang loob ko sa kanya as in hagolgol siya..lageh siya nagso2rry sakin..pang suyo niya sakin hehe ngayun meron na si baby hindi na kami gaano nagaaway ..si baby kasi lageh niya ako pinagtatanggol kahit 11months palang siya every time na inaaway ako ni hubby si baby inaaway niya si daddy niya pinapalo niya sabay hinahug ako ni baby hehe..kaya minsan lage namin niloloko si baby na kunyari inaaway ako ni hubby..
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ganja_mama on January 01, 2009, 04:12:15 pm
magkakapatid ba mga asawa natin?

c hubby kc tahimik lang.. tayong mga wifey un mahilig magdadaldal..

minsan sa text palang superb na un gyera, pero pag nsa house na parang walang ngyari..

haiz.. nakakabaliw ang buhay mag-asawa pero napakasaya naman..
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: Gladine on January 23, 2009, 04:33:30 am
grabe kayo mga mommies. pero sa totoo lang nag aaway lang kami ni hubby because of he's parent's pakialamero kasi. one time talaga nag burst na galit ko,kasi ba naman habang kumakain ako tama bang dakdak ng dakdak FIL ko,di pag alis ginatongan pa ng hubby ko,sabi ko sa kanya tama na kasi mainit na ulo ko hindi nakinig,di binato ko ng plato sabi ko wg mo saluhin baka mamya kutsilyo na masalo mo! pagkatapos tumakbo ako papuntang bathroom don ako nagkulong namura ko FIL ko di ko napansin na bumalik eh narinig,sabi ko ano naman ngayon! ewan ko ba wala na yata ako non sa sarili ko kasi punong puno na talaga ako eh. tapos madalas ako talaga nang aaway sa asawa ko kapag yamot ako sinisigawan ko talaga lagi ako nakasigaw sa kanya,pero deadmah lang si hubby,sabi ko nga di ka ba marunong magalit!! :) :D ???
tapos kadalasan pa kapag alam niya na galit ako ang ginagawa tinatanong pa ako kung ano gusto ko kainin,kung ano gusto ko pabili,kapag ganon nawawala na galit ko,syempre tatanggi ba naman hehe! ;D ;D ;D
kahit ako may kasalanan di ako nagsosorry hhmmppp... ::) ::)
pakialam ko eh babae ako dapat ako susuyuin noh!
but the good thing is hindi kami natutulog na hindi ayos problema namin,both of us can't sleep kapag may gulo kami dalawa! minsan hug lang ako ng hubby ko okay na kami! hehehhehe! actually when it comes to my hubby sobrang mahina ako,kantiin lang ng ibang tao asawa ko magwawala talaga ako,kahit nga magulang niya kapag may sinabing di maganda masama na loob ko! hehe! ganon ko sya ka love! :D :D :D  ;D ;D ;D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: melandriaromero on January 23, 2009, 07:09:29 pm
naku ayaw ko ng isipin kung paano kami mag away, kasi masakit lang talagang isipin, nakakasama ng puso at masakit sa ulo, he he he,  >:(  nakakahilo pa! :o
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: okfine on January 23, 2009, 08:28:45 pm
kkatuwa naman topic n hehe
kami ni hubby silent lang dn..
d ngttinginan,d ngkkibuan,.
pero nung buntis ako grabe q siya awayin!lakas ng topak q non hehe
siya mdalas unang mamansin..tas ok na kami!
mgpapatawa pa mnsan kahit galit ako,e mdli ako non mpatwa!
ok na kgad. ;D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: eiflayam on January 24, 2009, 11:22:29 pm
nakakatuwa naman 'tong topic na to, na miss ko tuloy si hubby.. masasabi ko talaga na napakabait ng asawa ko at hindi lang pala ako ang parang bata hehe, hindi mahilig makipag away hubby ko, laging ako ang naguumpisa, lagi ako ang may topak hehe, simpleng bagay minsan bigla d ko sya papansinin basta alam niya pag masama talaga loob ko, meaning pag meron akong d nkuha n gusto ko, super tahimik lang ako, eh ayaw nun n matutulog kami n magkagalit kahit n pag ns abroad sya d un papayag n baba namin yung fone n di kami nagtatawanan pag magkasama naman kami d kami matutulog nag tahimik p din ako, gagawa at gagawa ng paraan un para magsalita ako, alam niya na pag nag start ako mag dakdak d n ko galit nun, nilalabas ko n lang yung sama ng loob ko tapos tatawa n un kc minsan malalaman niya napaka babaw, magtatawanan n lang kami, kahit nung bf/gf p lang kami ganon n kami, naalala ko dati, bigla ko tatahimik tapos pipilitin niya ko magsalita, iiyak n lang ako, iyakin din kc ako eh, tapos ang dahilan lang, ayaw niya ko bilan ng candy n gusto ko kc pasakay n kami ng bus, eh dami tao sa terminal, ginawa bumaba habang d p umaandar yung bus at bumili ng napakaraming candy hehe... pag naman napag uusapan namin yung mga ganong bagay, n never ako ang nanuyo s kanya laging sya, lagi ko katwiran kasalanan mo yan kasi inispoiled mo ko... kaya nga pag nanganak ako uuwi sya kc sabi ko s kanya lang ako pwede umarte sa parents ko pwede lang ako mag utos pero d ako pwede umarte hehe... kaya d ko din alam kung ano gagawin ko pag iniwan ako ng hubby ko, baka maloka ko, hehe..super bait kasi.
Title: Misunderstanding with Hubby
Post by: mamiof2 on October 20, 2009, 10:56:50 am
Hi mga Mommies,

Ask ko lang.  Whenever you have some sort of misunderstanding with your hubby, and you think na siya naman ang may kasalanan, tinitikis nyo ba siya??

I mean, pagkatapos ng discussion, syempre medyo masama pa loob mo, di mo siya papansinin, siya ba nakikisabay din sa galit mo as in di ka na rin niya papansinin?
Title: Re: Misunderstanding with Hubby
Post by: dhangcabuang on October 20, 2009, 11:01:58 am
pag nagsorry na sya ok na din ako...lalabas lang un sandali pag nagkasagutan kami tas pagbalik non ok n un..makikipagbati na un..ayaw kong patagalin sis ang aming misunderstanding.....
Title: Re: Misunderstanding with Hubby
Post by: JoshuaGummies on October 20, 2009, 11:06:54 am


Pag may misunderstanding kami at tingin ko kasalanan niya, tinitiis ko talaga sya hanggang di sya nagsosorry, Gusto ko kasi marealize niya pagkakamali niya.. at gusto ko sinusuyo kesa ako nanunuyo ;)
Title: Re: Misunderstanding with Hubby
Post by: stepmomi on October 20, 2009, 11:11:42 am
minsan na kikisabay sya, minsan naman hindi..tsaka
depende kasi yung sa kasalan..sa amin kasi kahit ako or si hubby may kasalan may times ako yung hindi na mamansin kahit kasalanan ko..(umiwas na masita) ganun din si hubby..

after namin pag usapan kahit medyo bad 3p pa rin kame sa isat isa..hindi na namin pinag uusapan ulet tapos na nag kapaliwanagan na kame..magkukulitan na lang kami..
Title: Re: Misunderstanding with Hubby
Post by: alexismom on October 20, 2009, 11:13:21 am
pag may misunderstanding kami or tampuhan, maliit man or malaki yun, we talk about it agad. siyempre minsan sobrang argue talaga pero once we are able to air our grievances and we're able to explain everything, we apologize na to each other. kahit siya pa may fault, once he apologized na, okay na yun. ayaw namin na nag-eend ang day na magkaaway pa rin kami. one good thing about my husband is that when i get upset about something he did, he makes time to talk to me. ayaw niya na basta text or phone call lang. gusto niya magkaharap talaga kami para maayos na after.  :)
Title: Re: Misunderstanding with Hubby
Post by: mamiof2 on October 20, 2009, 11:19:33 am
Hi Mga Mommies,

Kami naman ni hubby ko pag ganyan situation hinahayaan ko lang siya di rin ako pansinin.  Ang lagay eh suyuin ko siya at lumuhod ako sa harap niya asking forgiveness..wwaaaa excuse me..

Kung ayaw niya eh di hehe..
Mahirap kung lumaki ulo nila at masanay na tayong mga mommies lagi ang susuyo sa kanila who ever has the fault.   Hay ang mga guys talaga...pasaway!

Dati tinikis ko yun..gulat na lang ako bigla ako hug from behind ni hubby, hehe yun ang weakness ko eh..tapos yun cryola na lang lola mo..tapos sabi niya, ikaw ha natitiis mo na ako... di mo na ba ako love..? asus!!!
Title: Re: Misunderstanding with Hubby
Post by: chel_928 on October 20, 2009, 11:32:31 am
hi mga sis,
share ko lang, kami ni hub pag may LQ di ko muna pinapansin ayokong slubungin yung galit niya, baka lalong lumaki at kung saan saan mapunta, sya kasi yung tipong di nag sosorry kahit kasalanan niya, pro kahit ganun in di end ako pa din yung nag bababa ng pride kasi ayokong ma apektuhan mga kidd0s ???
Title: Re: Misunderstanding with Hubby
Post by: yhamslove® on October 20, 2009, 02:03:07 pm
Hi mga Mommies,

Ask ko lang.  Whenever you have some sort of misunderstanding with your hubby, and you think na siya naman ang may kasalanan, tinitikis nyo ba siya??

I mean, pagkatapos ng discussion, syempre medyo masama pa loob mo, di mo siya papansinin, siya ba nakikisabay din sa galit mo as in di ka na rin niya papansinin?

alam naman ng hubby ko kapag mali siya... he comes up to me after having an argument... lalo na pag hindi na ako kumikibo, na kahit anong salita niya hindi na ako nagrereact... he hugs me and plants kisses on my nape... and keeps saying "sorry na... bati na tayo... sige na..." pero minsan pinapatagal ko pa ng konti

pero siyempre, tao siyang humingi ng sorry, pinapatawad ko na... kase pag ako ang nagsosorry sa kanya when i did him wrong, he forgives me right away... with matching kiss and hug..

ayoko kase matulog kami na may unsettled issue...

hindi naman talaga matatanggal sa mag-asawa ang magkatampuhan... wag nalang palakihin... at kapag tapos na... wag ng ungkatin.. FORGIVE AND FORGET ika nga...
Title: Re: Misunderstanding with Hubby
Post by: julie_llevares on October 20, 2009, 02:32:22 pm
my fault or his fault as long as we said we were sorry, then were okey... In our relationship, we dont go to bed with hard feelings. I mean we must settle it the first thing... And if time and space is needed we respect each others need.. usually it was me who needed it hihi  :) :) :)... and after that hubby will buy me presents... peace offering...We, both love each other so why waste our time, life is too short. Even now he was in UAE... we promised not have any arguments. Being in LDR is so hard, that's why we keep our communication always open and respect each other.
Title: Re: Misunderstanding with Hubby
Post by: jam9178 on October 20, 2009, 02:46:05 pm
share din ako..

kami ng hubby ko walang pansinan. pero mahirap kasi pag may mga kids.. lalo na kapag roommates mo rin mga kids..  kaya usually tahimik lang kaming dalawa. Hubby ko kasi d masyadong nagsa-say ng sorry kahit kasalanan niya. naglalambing lang sya at ayun, ok na rin agad ako. ;D
Title: Re: Misunderstanding with Hubby
Post by: shy (sharlyn) on October 20, 2009, 03:12:09 pm
siguro, it depends upon the situation.  If it's a minor lang naman, konting sorry lang niya, I'd let it pass. I don't want minute tampuhan to grow big. 

Kapag naman medyo, bigtime ang naging kasalanan niya sa akin, like, nagsinungaling sya or may nilihim sya, or may ginawa syang alam niya na ayoko, medyo, syempre, hindi ganun kabilis ko sya papatawarin and say "it's okay".  He should have a hardtime para hindi na niya ulit-ulitin.
Title: Re: Misunderstanding with Hubby
Post by: LOVEmyLIFE on October 20, 2009, 06:59:10 pm
Ako effort tiisin pero minsan kasi nawawala lang ng kusa lalo if napakababaw lang na misunderstanding. Masyado mabait ang hubby ko kaya kahit kasalanan ko siya nagsosorry. Kaya ako, accept lang ng apologies. ;)
Title: Re: Misunderstanding with Hubby
Post by: mariann on October 21, 2009, 10:40:55 am
before, whenever we have misunderstandings, i tend to nag him to patch things up.

now, i give time and space for both of us to cool down.  mahirap pilitin ang taong ayaw makipagbati.
Title: Re: Misunderstanding with Hubby
Post by: aian on October 21, 2009, 11:08:00 am
^agree ako syo sis dati ako ganyan kinukulet ko pa sya para mki pag usap kaso mas lalo pala sya nagaglit ng hehe

kaya ngayon pag sinabi ni BF, pag nakikta ko ng na de-deform yung face niya..lumalayo na ako

pag ok na sya si BF na mismo lalapit sa akin para mag usap kame...
Title: Re: Misunderstanding with Hubby
Post by: Chie77 on November 06, 2009, 11:37:46 pm
pag sya ang may kasalanan -

siguro nga tikis muna sis. make him realize yun kasalanan niya. kasi pag ikaw agad nakipagbati, baka palagi niya na yun gagawin kasi iisipin niya ok lang pala kasi babatiin mo din sya..

pero may factor din na dapat pag nagmamahalan, di nagtitikisan..

depende siguro sis.. hehe. pasensya na gulo ko :)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: toughmom moderator on December 24, 2009, 10:18:14 pm
topics "paano kayo magaway ni Hubby " and Misunderstanding with Hubby" - merged
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: mommyvyn on January 09, 2010, 11:27:57 am
SILENT WAR ang drama namin parati...

after nun luhaan na, mala open forum then ok na... yun nah! ;D ;D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: MissPychi on January 11, 2010, 04:34:09 pm
Meron din pala akong ka-ugali sa mga nag post!  I thought nag-iisa lang ako.

Kapag nag-aaway kami ni Hubby, usually silent lang ako, kung galit ako silent din ako, hindi kasi ako verbal, hindi ako sanay mag open up (siguro kasi 1st born ako, i've learned to control my emotions, to be strong).  He will nag me until I speak, and if i finally speak, iyak naman ako.  Mahirap sa akin ang mag express ng emotions.  Hindi ako sanay mag-nag.  Bahala ka manigas dyan, wala kang maririning sa akin. 

My husband, on the other hand, madaldal (palibhasa, salesman), ang gusto niya kapag may away kami, we talk about it, pero mahirap sa akin mag salita because I almost always get into tears kapag I speak of what I feel.  Ang dami-dami kong gustong sabihin pero nahihirpan akong i-express ng tama ang mga ito, kaya usually i end us mis-intepreted  :(  Well maybe, may pride din siguro ako being first born and a year older then him.  Siya naman, youngest of his siblings.

Usually siya rin ang unang nag-so-sorry, kahit alam niyang mali ako.  He usually gives in.  It is also hard sa akin na mag-sorry sa kanya.  Ewan ko ba etong pride ko.  Mabait ang Hubby ko, kaya na-aawa ako sa kanya sa ginagawa ko sa kanya.  Anyway, we're married for 10 years now and with 3 kids.  I really need to finally learn to let down my pride and give in na.  :-\

Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: jenstelian on January 11, 2010, 07:32:50 pm
hahaha natawa talaga ako sa mga post niyo mga mommies....
sabagay hindi naman daw talaga nawawala sa mag-aswa yung away...sabi nga nila may 3 rings...engagement ring...wedding ring...sufferring... ;D
hindi p naman kami umaabot sa tipong batuhan ng gamit or sakitan..at sana huwag mangyari iyon kailanman.. :D
kami ni hubby kung sino man ang may kasalanan hindi kami nag-iimikan ng husto..lalabas siya ng bahay yung tipong papalamig lang..ayaw marinig kung may sabihin ako..sa pagtulog magkatalikod talaga kami..pero yung last namin na tampuhan, ako may kasalanan hindi ko kasi siya pinansin kaagad sa sinasabi niya kasi may pinapanood lang ako sandali, aba nagalit lumabas? (sabagay kahit ako gawin saken yung ginawa ko aalis din ako ;D) after a few minutes aba bumalik na sabay sabi "maghain kana kain tayo" siya p nag-low sa aming hehe then minsan sa pagtulog magkatalikod kami,..pero kapag yung face niya iba pa ang look yung galit p hindi ko muna kinakausap..mainit p ulo eh... ;D 6 years tanda niya saken mature na siya siguro talaga..ako??ewan saken... ::) sana matutunan ko din kainin minsan yung pride ko..;D para hindi na kami mag-away...
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: CIB on January 13, 2010, 10:11:17 pm

Kapag nag-aaway kami ni Hubby, usually silent lang ako, kung galit ako silent din ako, hindi kasi ako verbal, hindi ako sanay mag open up (siguro kasi 1st born ako, i've learned to control my emotions, to be strong).  He will nag me until I speak, and if i finally speak, iyak naman ako.  Mahirap sa akin ang mag express ng emotions.  Hindi ako sanay mag-nag.  Bahala ka manigas dyan, wala kang maririning sa akin. 

My husband, on the other hand, madaldal (palibhasa, salesman), ang gusto niya kapag may away kami, we talk about it, pero mahirap sa akin mag salita because I almost always get into tears kapag I speak of what I feel.  Ang dami-dami kong gustong sabihin pero nahihirpan akong i-express ng tama ang mga ito, kaya usually i end us mis-intepreted.

My Goodness were almost perfectly the same  ;D But Im a middle child. For me naman siguro is I grew-up practically alone. Laki ako sa lolo at lola so basically parang only child. Kaya ewan....sabi nga ng mga sibling ko autistic ako kasi wala ako laging reaction  ;D Pero hindi naman nega yung dating nun sa akin. Kaya na apply ko rin kay hubby. Sabi nga niya nakakainis akong awayin. But we do have fights. Petty nga lang talaga pa so far. Pasensyosa kasi kami pareho. Pero sya yung mas verbal. Sya yung mas makulit magtanong na makipag bati kahit wala pa ako sa mood. Madalas wala lang kibuan pareho ng mga ilang oras. Tapos we dont sleep talaga ng may samaan ng loob. Kasi sa gabi we pray together so wala kaming choice rin kundi harapin isat-isa talaga pag matutulog na.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ulan52 on March 30, 2010, 01:49:38 am
Nakakatuwa naman itong topic na 'to.

Kwento ko yung funny moment namin ni hubby. Kami kasi ni hubby pagnag away wordwar talaga. Nitong huli ewan siguro sa sobrang inis niya sa akin sinigawan na ako. Kaya sigaw to the max din ang drama ko. Pagkatapos nun silent treatment sabay talikod,  higa ng kama at cover ng kumot. Di naman ako makatulog sa sobrang inis kaya lumabas ako ng flat. Nagsisi naman akong nung makalabas ako dahil sa sobrang lamig. Winter kasi nun sa HK at 11degrees nung gabi na yun. Ang br*ho ko kasing asawa sabi wag na daw ako magdala ng makapal na jacket dahil papasummer na daw kaya di na malamig. So, ala na ako magawa dahil pagbumalik ako agad pagtatawanan ako ni hubby. Binilisan ko nalang paglalakad ko para mawala yug lamig na napi-feel ko. Tagumpay naman pagkatapos ko maikot ng 3times yung isang block umuwi na rin ako diretso ng comforter. hahaha. Di na galit si hubby at sinusuyo na ako. :-D 
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: Mommy France on March 30, 2010, 07:55:02 am
pag nag-away kami ni hubby, tahimik lang ako. hindi ko talaga cia sinasabayan. Ganun lang talaga ako as a person. Lahat ng mga sagot ko sa kanya sa utak ko lang sinasabi. Pag kailangan na niya ng sagot eh di sasabihin ko sa kanya.

Ayoko kasi talaga ng mga awayan. Di ako confrontational.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: zephyr on March 30, 2010, 08:28:28 am
ako, i talk a lot while hubby just listens. tapos pag-alam na niyang pagod na ako kakadaldal, turn naman niya. at least we practice give and take. after noon kahit malaki un issue, bati na kami. mahirap kasi gumising nang nakasimangot. lalo na si baby sa gitna namin natutulog. tawa pa naman nang tawa un tuwing gumigising.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ♥_caramel_♥ on March 30, 2010, 02:53:02 pm
kame naman ng hubby ko pag nag-away eh tahimik lang dedmahan to the max lang, talikuran matulog at bonggang irap ang nararanasan niya mula saken tapos pag tinanong niya ko sagot ako with a cold and emotionless voice hehe ,. kung sino una manuyo yun na hehe bati na kame ,.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: denise2214 on March 30, 2010, 06:35:04 pm
actually ako lagi nangaaway...deadma ang  drama ko pro pag inaamo niya na ko at bigla na kong natawa..matitinding kurot ang natitikman niya......d kc pwedeng maingay kc baka marinig ng anak namin...ayoko kc makita nyang nagaaway kami ni hubby
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: fegloria1954 on March 31, 2010, 08:33:22 am
Rewind tayo several decades ago.  Eto ang scene:
Spouse 1 - That is not true!  You are not telling the truth!
Spouse 2 - You can say what you like.  This is my truth.  Your truth is different.
Spouse 1 - What are you talking about?!? There is only one truth.  And I tell you again, what you said is not true!
Spouse 2 -  Well, I am telling you - this is MY truth.  You don't have any idea at all what truth is all about.
Spouse 1 - I don't know what truth is?  You want me to define it?  You want me to define it even in the meta-physical sense?
Spouse 2 - Oh don't bother, I know you won't know how to define it.  You are not intelligent enough.
Above is an example of how we used to argue - very cerebral, contest of intellectual prowess, "put down" of one by the other.  The "put down" is very hurting, and causes Spouse 1 to burst in tears.  Spouse 2 sees the tears, thinks to himself that Spouse 1 is crying just to show him that he is such a bad person.  Spouse 2 says - Yes, I am a bad person - then he leaves the room, banging the door behind him.  Spouse 1 cries all the more.  Similar arguments on other disagreements - trivial or big - also occurred, and the same scene of tears, "bad person" talk and room-leaving occurred.  The hurt and the anger built up.  The spouses spiraled downwards from the romance stage of their marriage, to disillusionment and then to misery.

Forward to now:
Spouse 1 - (In a letter)  When you said that, and with me knowing that it is not true, I was hurt.  My hurt feeling is like the pain on my knee that got wounded when I fell down from the bike when I was still learning to ride the bike - that wound took a long time to heal and my knee up to now bears a scar from that wound.  My feeling is an intensity of 8 out of a maximum 10.  My hurt feeling is making me take short gasps of breath, my throat start to constrict, and, I think I am going to cry already with copious tears.  It is the same hurt feeling we shared when we saw our car damaged by a large branch of a sampaloc tree that time that there was a storm - we felt hurt all the more because it was a damage that we both knew we could not afford to have repaired.
Spouse 2 - (Reads the letter, etc. etc.)

This is one mode of communication that we learned from the RETROUVAILLE PROGRAM, where both my husband and I - and our children (who are now adults) as well - found hope and re-discovered our commitment to our marriage, and to the continued healing of our marriage and our family.  In sincere gratitude for the benefits to our married relationship that we continue to receive as we continue to participate in the sustaining activities, we have volunteered to help promote information on the healing ministry of Retrouvaille, so that other hurting marriages and troubled families are offered the same opportunity to be healed that we (and our children) have received, and their marriages can thrive as a covenant of life and love.  That is why I am writing you.  I am positive the Retrouvaile Program can help you and your spouse too.  The Retrouvaile Program begins with a weekend, and are scheduled April, June, July, August, October and November this year.  The April 2010 Program will start with a  Weekend at 7pm April 23, 2010 at a venue in Antipolo City.  For information on the April schedule, you can call up Mar & Armi 825-2605, husband Mar , wife Armi 0918-383-3247, or Fr. Dave Clay 0918-902-0511, email  retrouvaille.antipolo2010@gmail.com, or visit www.retrouvaille.org

God bless to one and all.............

Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: nylanroy on March 31, 2010, 01:24:34 pm
kami, silent treatment.. minsan walang pansinan.. cold treatment.. pero ako man or sya may kasalanan, ako pa rin nauuna bumati.. hirap eh!
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: thirdysmom on March 31, 2010, 02:32:13 pm
we fight in every imaginable ways. pero usually ako yung daldal ng daldal. sinasaway na niya ako kasi nadidinig daw ng kapitbahay (which happens to be mga relatives din niya) sasabihin ko lang "O e anong paki ko? malaman nila kung anung klase pagsasama natin!" minsan talaga tinatakpan niya ng kamay niya yung bibig ko kasi magkasabay na iyak, hikbi at mura nadidinig niya. nagawa ko na din mag-alsa balutan. nasa fx na ako nung nagtetext siya. umabot na din ako sa point na sa office ako natutulog (nung buntis pa ako). the last fight we had was a very big one. just this month. and very serious. it was 2 weeks of cold treatment and I even came to work na kulay ube ang braso ko  :( I wont deny the fact na nagkapisikalan na kami. many times. hindi ko siya masisisi dahil nabubugbog ko siya physically and emotionally. hindi ako nagpapatalo. kahit mangitim pa mukha ko sa bugbog (dont get me wrong--hindi pa niya ito nagagawa).

Ngayon, casual na lang kami. I am back to wearing our commitment band, but I dont feel the love anymore  :'(. para na lang sa anak namin kaya ako nakikisama sa kanya. If there was still love, kahit ga-patak na lang, hinahanap ko pa kung nasan yung patak na yun.  :(

sorry medyo mahaba. sorry mommies, I dont mean to "own" this thread...
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: krishbugs9 on March 31, 2010, 03:02:50 pm
ako lang ang dada ng dada. c hubby tahimik lang..
mas nakakaasar yun parang wala akong kausap..
pero na realize ko tama rin yun kasi kung sasagot pa sya hahaba lang ang away.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: wendystar on March 31, 2010, 03:38:22 pm
naku kami naman, baliktad. siya yung nagger.  :o
Silent treatment ang ginagawa ko sa kanya e  8)
Tapos he considers 'i'm galit' kapag di ako nagsasalita.
E ano pa bang sasabihin ko diba?
Ako naman kase, marunong mag-damage control. So kapag may hint na ako na makikinig na naman ako sa 'bombo radyo' niya, talagang 'wa' na ako say. kapag nagsalita pa kase ako, hahaba lang ang usapan.

After he talks and cools down, that's the time I talk to him, in a kind way naman. I always believe kase na hindi dapat sabayan ang mainit na ulo e. Pero minsan, nakakapikon din talaga kaya ang usual na sagot ko sa pagna-nag niya ay malalakas na dabog.  :P
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ♥_caramel_♥ on March 31, 2010, 03:48:54 pm
wendystar: nagger pala talaga si pare heheh  ;D
buti saken hinde yun nga lang napakasunget ng hubby ko hahah ,. sarap saktan ,. pero mas ok na yung nagger at masusunget na hubby kesa naman yung nananakit  ;)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: wendystar on March 31, 2010, 04:18:34 pm
korek mare! mas ok na din yung nagger kesa naman nananakit. hindi ubra sa 'kin un.  >:(
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ♥_caramel_♥ on March 31, 2010, 05:34:18 pm
 haha tama ! naku subukan lang akong saktan ng makita niya pagiging Gabriela Silang ko hahah  ;D :P
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: alexismom on March 31, 2010, 10:27:00 pm
isang mahabang discussion ng points namin about the issue. may konting pagtataas ng voices. minsan naman pag nasa office siya, we argue through text or email. ako kasi makulit eh. pero now, we try to talk personally. mahirap rin kasi pag text or email. we tend to misinterpret each other kasi mere words lang yun. we don't hear each other talk. ang dating minsan parang galit kahit hindi naman.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: chococream on April 01, 2010, 09:27:41 am
pag medyo hindi seriouso pikunan lang ang away medyo mataas ang boses tapos sya silent mode pero if seriouso naman ang away kami lang dalawa ang nakakadinig sa away namin tapos harapan kami nag.uusap...

pag ako galet sya naman silent mode..pag.sya naman galet after ako nag subside na ako naman ang silent hahaha ganito kami mag.away makikita nalng ng parents niya o parents ko namumula mata hehe
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: KanishaNicole on April 02, 2010, 09:46:25 pm
Pag nag.aaway kami ni SD parang di kami magkakakilala, dedmahan, walang pakialam kung magkabungoan kami.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: mommy_of_2 on April 02, 2010, 09:52:48 pm
silent type din kami magaway, nagiiwasan, longest time is one week na hindi kami nagkikibuan.. :( pero mostly, siya naman may fault kaya siya din una nakikipag-usap..hehheeh
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: tonnee on April 03, 2010, 10:44:06 pm
sa case ko kc..

supersa pangAasar c juberts (that's what i called him) hahaha..
grabe un as in mapipikon ka sa pangAasr parang ewan..

un pgnPikon nko thimik lang..minsan ngAabot din..^_^
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: Mommy Mel on June 06, 2010, 07:59:41 pm
kami ng Hon ko kung mag away o magkatampuhan, d kami nag iimikan, pakiramdaman sa ilang minuto hanggang mag uusap nalang kami para ayusin at magkabati kami.. dna namin pinapatagal kasi pwede naman mapag usapan. Syempre "TEAM" nga naman kami ng Hon ko kaya dapat pinag uusapan yung mga bagay na pwedeng maging problema. Masaya nga ako kasi malawak sya mag isip. :)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: -mm- on June 08, 2010, 01:42:56 pm
si hubby ko dedma sa galit ko... high blood kasi ako as in makanti mo lang ng konti iba na agad level ng galit kaya di niya ko pinapansin, at the end of the day love na din kami...  ;)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: steffani on June 08, 2010, 03:27:30 pm
kami ng husband ko baliktad sa norm.... kapag galit ako, tahimik lang ako kasi mentality ko baka makapagsalita ako ng di maganda... husband ko naman, sya ang mag insist na magsalita ako... mas gusto ko pa umalis na lang muna, to walk outside, kesa makipag usap... dun naman sya takot, kasi alam niya na kapag nakapag isip ako, either magtatagal ang away namin or makakagawa ako ng decision na pagsisisihan niya... hehe...

style pa ng husband ko, he will egg me until i loose my patience... alam mo yung parang tuyo na sugat na kinikitkit hanggang dumugo ulit... ganun sya, hehe... kaya in the end, at nainis na ako... mura na ako ng mura at nagtataas na ako ng boses to the max...

tapos biglang sasabihin niya na di naman daw niya ako inaaway, kinakausap lang daw niya ako, kaya wag ko raw sya sisigawan...

yun ang hate na hate ko na dialogue niya... hehe...

dati bawal kami matulog ng magkaaway... ngayon the longest we had na walang communication was five days (magkalayo kami)... kung magkasama naman kami alam niya na galit ako when i start ignoring him and answer his questions with mono syllables...

pero we never got violent pa naman... not yet ;D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: dad & angel's mom on June 09, 2010, 01:37:54 am
Sa amin naman ni hubby mas ako yung highblood lalo na pagmagkalayo kami.Kasi nandun na yung homesick tapos may problema pa kami.

Pero pag magkasama naman kami ei tahimik lang kami pag may war as in manonotice ng mga tao sa bahay kasi wala kaming usapan ni hubby ei usually napaka-sweet namin sa isa't-isa.Pero within the day naman naayos na rin kasi pag gabi nag-sosorry na si hubby kahit minsan ako ang may kasalanan.Minsan nga sabi niya kaya daw ako nagkakaganun kasi alam ko daw na sya din ang di makakatiis.So far wala namang physical hurt na nagawa ang asawa ko.Kasi yun pinangako niya sa ken na di daw niya ako sasakatan at pagbubuhatan ng kamay.Sana nga!

Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: insensitive on June 09, 2010, 09:43:35 am
kami naman ni hubby wala pang big fights(dahil siguro almost 1year plng kami ngsasama).mga mini tampuhan lang pero nauuwi sa away kasi d ko sya kinakausap.pero hindi sya inaabot ng maghapon.halimbawa ngkaasaran kami ng umaga.yung simpleng balagbag ang sagot sken naiinis ako dun hehe.galit na ako nun,d ko na kakausapin,d ako ngpapaalam bago pumasok sa office.and hindi ko sya ittxt.tatawag ako sa hauz sasabihin ko "gusto ko kausapin anak ko" hehe.ganun lang.then pgdating ko ng bahay after office nakangiti na.tatawa na ako kasi d ko mapigilan.ang dali ko pa naman mapatawa. after a while paguusapan namin yung dahilan ng tampuhan tas magtatawanan kasi kung sino ang asar talo.pikon kasi ako lagi.pero pag ako ang may kasalanan lalo na pag na-o-offend ko sya.ngso-sorry ako kaagad.mahirap na bka lumaki.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: len_wowie on July 03, 2010, 07:11:30 pm
km ng hubby ko tampuhan lang....un tahimik lang km la pansinan..siya ang unang naimik skin, pg me ang my kasi me ang nag ssory............palibhasa kc understanding matanda n kc eh!
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: mgrace1198 on July 03, 2010, 09:21:13 pm
kami ni hubby??? eh mag kaaway ngayun... hheeh ! actually sya ang galit sakin tigas daw kasi ng ulo ko ayun wa kami pansinan lagi naman ganun pag sya may kasalan tahimik lang sya ako tahinik lang din di ko siya pansin pero pag ako may kasalanan im trying naman to please him pero pag nakaisa na ko at dedma sya ta,a na antayin ko na lang lumamig ang ulo niya.....
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: Mommy France on July 03, 2010, 10:48:27 pm
meju nag-upgrade na ako sa pag-aaway namen ni hubby. Meju nagiging aggressive na rin ako. Noong una kasi nadadala ako ng takot. kahit minsan may point ako, nawawalan ng bisa dahil napapanic ako sa takot. Ayoko talaga kasi na nagagalit yung asawa ko.

So now, nilalakasan ko na yung loob ko. I dont want him to think na lage na lang akong mali. Gusto maparating sa kanya yung point ko pero xiempre as much as I could, iniiwasan ko parin salubungin yung galit niya.

Siguro that's what marriage is about. You have to accept na at somepoint mag-aaway pero never lose yourself just because ang ideal marriage natin is yung away-free. Reality is you'll have misunderstandings lalo na napaka-critical ng mga decisions na ginagawa natin as a parent. basta let's not lose the love in the process.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: chillaxmom on July 04, 2010, 11:51:25 am
 in my case, di naman kami gaanong nag aaway kasi may talk time kami palagi... we're so open na aksi... ako laging nag uumpisa ng away hehe..
1. malalaman nyang something's wrong kung di na ko makwento at malambing... tapos dinedeadma ko na sya...
2. kung mag aattempt syang kausapin ako depende sa mood ko ang pagsagot
   A. kung di ko pa feel ... bingi ako
   B. kung ok na... yung reklamo ko thru joke lang... tapos asaran at eventually ok na kami..

there was one instance na napikon na sya sakin.... sinigawan niya ko.. e natataranta ako pag sinisigawan... bigla na kong tumahimik at umiya.. inamo niya ko at ok naman. For the past 6 years, (& years na kami by sept.) wala pa namang sakitan na nangyari...

yun kasi yung una kong rule... kung may sakitan.... hello hiwalayan...  ;)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: nikgel on July 04, 2010, 06:37:01 pm
kami ni hubby minsan lang kami mag away pero minor fights lang naman.di lang kami nagpapansinan pero at the end of the day dapat ok na kami kasi di dapat matulog na magkaaway.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: mariann on July 04, 2010, 08:31:35 pm
ganito kami mag-away ni hubby:
1st - 3rd year of marriage:
- sigawan (to the max!)
- pagalingan sa intellect, sa pag-alaga sa anak, sa pag-asikaso sa bahay
- binabatukan ko siya.  (wala akong pakialam kahit abogado siya)
- nagging to patch things up immediately na hindi naman napa-patch dahil sa pride

4th to 5th year of marriage:
- nandun pa rin ang sigawan (hindi na to the max... minsan na lang)
- seldom na rin ang pagalingan
- pag puno na talaga ako, saka ako nambabatok. hahaha
- confrontation lalo na kapag nakainom siya

6th - 7th year of marriage:
- walang imikan (kaya hanggang isang buwan)
- wala ng sigawan
- nandun pa ring ang pa-hero effect niya
- wala na ring batukan
- wala ng confrontation/dialogue kapag nakainom dahil hindi ko pinapansin, dahil... wala syang natatandaan sa lahat ng sinabi ko pag-gising niya.

hi-tech ang away, sa text na.  pero minsan di na ko pumapatol sa moods niya.  besides, naka-plan sya eh prepaid lang ako.  pagkita ko pa lang sa inbox ng incoming message niya, delete na agad.  i don't want hurtful words to ruin my day.

minsan kasi akala ni hubby abogada rin ako at nagdedebate kami.  hahaha!!!


so much fun remembering those moments, but we're learning through the years.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: mamiof2 on July 05, 2010, 08:55:48 am
^ wow! bongga yan mommy..yan ang gusto ko eh palaban, di basta nagpapatalo..

kami ni hubby, since 3rd-8th years or marriage, naku walang imkan pag galit..no txt as well.

tikisan from 1 to 2 weeks.  tapos kung sino bumigay na una as in magsalita or mag txt..hahaha yun ang talo..

Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: chimendoza09 on July 05, 2010, 11:11:26 pm
"magpigil pag galit kasi di niyo na nalalaman ano lumalabas sa bibig niyo" ito ang kabilin bilinan sa amin ng lolo ko nung wedding namin ni hubby, kaya kung nag-aaway kami walang imikan ang drama namin...pero kadalasan, after ilang oras pag ramdam ko na na bumaba na sumpong niya, ako na kusang lumalapit..sabay voice out sa point ko at tanong din sa point niya, tingin ko effective strategy ko kasi at the end ako lagi ang may free masahe from hubby... :D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: sweetpea_1104 on July 06, 2010, 12:12:29 am
sa case naman namin, parang when hubby was still here in the Philippines parang ako yung laging galit at nangaaway. Basta ako ang drama ko eh, dedma at hindi naimik to the max pero sa isip ko ako nag-na-nag. Siya naman mabbwisit na siya sakin kasi parang sirang plaka na paulit-ulit na magtatanong at issagot ko lang sa kanya WALA.

Pag hindi nako pinapansin ni hubby sa pageemote ko, ako na magppapansin minsan sa kanya. Minsan nagwa-walk-out pako kahit matutulog na at kapag sinuyo niya ako dun palang ako magsasalita at magoopen-up ayun diskusyunan na yun.

Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: jhercey22 on July 06, 2010, 02:05:11 pm
Kami ni hubby pag nag aaway lagi lang ako tahimik. Less talk pero halatang galit ako, sya sobrang bait nangungulit kapag hindi ko pinapansin, ayun pag wala effect yung effort niya mananahimik na din. Masmadalas ko syang mapaiyak. Pero pag guilty na ko nilalambing ko na.

Hindi ako ang pinaka lucky to have him. I am so bless kasi sya asawa ko :)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: toughmom moderator on May 14, 2011, 02:34:49 pm
This might help
10 Wifely Attitudes that can Destroy a Marriage (http://www.smartparenting.com.ph/mom-dad/relationships/10-wifely-attitudes-that-can-destroy-a-marriage)
Do a quick self-check and see if your ways are doing your marriage more bad than good.
(http://www.smartparenting.com.ph/images/site-alpha/articles/argue-web.jpg)
http://www.smartparenting.com.ph/mom-dad/relationships/10-wifely-attitudes-that-can-destroy-a-marriage (http://www.smartparenting.com.ph/mom-dad/relationships/10-wifely-attitudes-that-can-destroy-a-marriage)[/b][/font]
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: t.riisha on May 16, 2011, 11:19:59 am
kakatuwa mga topic dito.. hehe! ako pag galit / inis ako kay hubby super quiet lang ako,. pag tinatanong ako kung galit ako sasabihin ko hindi pero obvious naman na galit ako.. hahah! katawa nga my times na katabi ko sya sa gabi pero magkaaway kame.. gagawin ko is itetext ko sya, pero since hindi mahilig magCP si hubby, magrereply sya tru bulong.. hahaha!!! am proud to say naman na never kame nagsigawan or nagkasakitan,. (wag naman sana dumating sa punto na un) haha!

munt*nga lang tayong mga mommies gusto pa nilalambing., kasi minsan kahit napakababaw lang naman ng pag aaway pinapalaki pa natin para lang lambingin,. hakz!
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: Vanillasky on May 16, 2011, 08:45:05 pm
tagal n pala nito..pero pasali..

kami naman ni hubby, cold war..dedmahan pero sandali lang..siguro dahil bago plng kami..pero sana wg kami umabot s sigawan at sakitan..
pag sya ang may kasalanan, ngppasuyo talaga ako..pinapahirapan kumbaga hehe
pag ako naman ang may kasalanan, konting lambing , yakap at kiss bati n kami hehhehehhe

sana wg mgbago asawa ko  ;)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ExcitedMommy on May 16, 2011, 10:21:18 pm
funny tong thread na to.

kame ng mahal ko kung mag - away, cold treatment sa umpisa..as in wala talagang usapan, pero pag alam nyang fault niya, suyo to the max na siya..pero ako, mapride, hindi ko muna talaga pinapansin most especially pag paulit ulit na yung reason ng away namin. pero never na nagsigawan at nagsakitan..sana wag umabot sa ganun. pareho lang kame, pag alam namin na may mali kame, kiss, hug and konting lambing..
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ciara on May 17, 2011, 06:06:03 pm
after the word war , cold treatment na ang kasunod that lasted for 1 or more days at natataon lagi na kapag me fight kami me bisita from province na mag stay sa house , yon tuloy ang ice breaker namin kaya nagkakabati agad kami.

one time , nag word war kami ni hubby at nataon naman na wala ang mga kasambahay , ako si hubby at baby lang , naku nadinig ni baby nakisali na din , sabi niya papa tigil ka away mo mama ko - sigaw sya ng sigaw , ayun na stop yung word war namin....niyakap na lang namin si baby sabay hug kasi natakot na din sya - ayun nagkabati tuloy kami instantly....ngaun kapag me naririnig baby ko na malakas ang boses pero nag-uusap lang naman sasabihin niya , wag kayo away , tama na , tigil na pls. - kawawa tuloy baby namin mukang na trauma kaya sinasabi namin palagi hindi nag-uusap lang sila hindi sila nag-aaway.

so far , wala naman kaming batuhan ng gamit kasi sabi ng matatanda at ng hubby ko , masama daw yon lalo na kung may nababasag , hirap daw umasenso parang mabigat daw sa buhay pamilya at dami problema ang darating....kasabihan lang po ito.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: t.riisha on May 18, 2011, 08:45:58 am
same lang pala tayo vanillasky at excitedmommy.. cold war din ang eksena namin ng hubby ko! hahah!! minsan pag alam nyang super nasaktan ako (emotionally) mahirap talaga ako amuhin,. pero pag mababaw lang at nagsorry na sya ayun bati na kame basta treat niya kame ni baby sa mall... hahaha!! gastos kung gastos .. danyos perwisyo .. hahaha!!
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: miekee_18 on May 18, 2011, 09:01:10 am
Swerte ako for having a husband na masyadong sensitive sa feelings ko. Alam niya na yung time na tinotopak ako he'll shut up pag ganon..pero minsan hindi maiiwasan na magkasalubong ang init ng mga ulo..mas marunong pa rin siya mag give way at umintindi. Ako kasi masyadong nagger minsan stubborn & immature mangatwiran at kadalasan wala talaga ako sa katwiran tipong ako na nga ang mali ako pa ang galit..hay buti nalang nalang mabait si Lord at biniyayaan ako ng taong marunong umintindi sa topak ko.. :)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ExcitedMommy on May 18, 2011, 04:15:53 pm
girls are really funny when it comes to lovers' quarrels..haha..emotera talaga tayong mga babae..I thought ako lang yung ganun, madami din pala dito sa SP ang ganun..haha..it makes me smile whenever I come to remember those days na nagaaway kame ng mahal ko..haha..
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: t.riisha on May 18, 2011, 05:11:53 pm
kurek ka jan excitedmommy... hindi ka talaga nag-iisa! nature na naten yan,, yan na nga lang papagawa naten sa mga husband naten ang magpa-amo.. hahah!! kakatuwa talaga, ako nga yung pag-aaway namen ni hubby kinekwento pa sa mga friends niya pano pati pala sya natatawa sa set-up ng awayan namen., @mommymiekee were lucky to have our husband.. galing talaga ni Lord, ang mabait, pasensyoso, loving, understanding na asawa ay pinartner niya sa pasaway,stubborn, matigas ang ulo na asawa para daw balance... may twist sa pagsasama.. aw!
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: Trapidee on May 18, 2011, 05:15:29 pm
depende.. may physicalan parang UFC ba. may sagutan tapos walkout or iniiwanan ko sya bigla hehe, minsan deadmahan nalang depende sa pagaawayan :)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ExcitedMommy on May 18, 2011, 05:23:17 pm
@t.riisha, korek! gusto natin laging sinusuyo..haha..buti na nga lang, God gave us good husbands na may mahabang patience and understanding kung hindi, baka battered wives na tayo..haha..
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: t.riisha on May 19, 2011, 09:44:02 am
@excitedmom - sa ganun lang naman tayo sumasaya eh!,. lam mo ba i talked to my hubby kagabi about nga sa mga thread dito, FYI: he had also an opinion, na tayo daw mga mommies wag masyadong kampante na hindi tayo pinapatulan ng mga asawa naten, dahil pag sila daw ang gumanti o nagsalita eh talagang mahu-hurt yung feelings naten,,. sabi pa nga niya sis, baka daw kaya ganun kaworst yung nangyayari sa ibang mommy dito is because my problema din sa kanila ... don't look on one side lang daw,. we don't even know nga naman kung bakit ginagawa sa kanila ng hubby nila yung mga bagay na yun., my point naman right?!..
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ExcitedMommy on May 19, 2011, 03:18:38 pm
@t.riisha: may point si hubby mo actually. minsan sumosobra na ang mga gurls sa pagiinarte, minsan napupuno  din ang mga guys. or minsan naman, wala naman talaga dapat ikagalit or pagawayan, gumagawa lang ng way ang mga gurls para magkaron ng away..buti nga mabait yung ibang guys kase kaya nila magtimpi or hold their anger. but we wouldn't know, inside them galit na galit na pala sila..kaya minsan dapat nga magyngat na din tayo..haha..minsan lang kase ang mga guys may pag kainsensitive kaya nakakainis..
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: chester on May 19, 2011, 03:33:26 pm
@excitedmommy:  your right! 

me, may times na inaaway ko hubby ko kasi naglalambing lang ako. pero yung time na bf/gf (and im on 2 months preggy) pa lang kami at nag away kami ng sobra at siya may kasalanan ay hinamon ko siya ng hiwalayan.  lakas loob ko noon. jejeje..  ngaung married na kami, wala pa kaming away na sobra sobra. puro tampo lang sa side ko.  pagnagtatampo ako ay umiiyak ako, yun inaamo niya ako. jejeje....  sasabihin niya sa akin n " o, yan ka na naman. umiiyak ka na naman".  pero minsan minsan lang ako mgtampo at umiyak kasi baka hindi na ako suyuin pagsobrang dalas. jejeje
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: t.riisha on May 19, 2011, 03:41:00 pm
@excitedmom - nakuu sis napaisip din ako nung sinabi saken ni hubby yun,. lam ko kasing tama sya.. kaya ako minsanan lang din ako mag inarte mahirap na, lam na niya style ko! hahaha.. @mommychester - same tayo, iyakin din ako, pg magkaaway kame tahimik lang ako pero once nagsalita na ko hala kala ko drama princesz ang arte ko!... FYI: lam nio ba mga sis, sa pagtatanong ko sa ibang guys most of them ang weakness nila eh pag umiiyak yung taong mahal nila.. ayon lang naman sa research ko! hahah!!
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ExcitedMommy on May 19, 2011, 03:47:01 pm
@mommy chester and t.riisha: same tayo na mga iyakin..haha..kala mo kung ano ginawa ng asawa at kelangan pang umiyak..haha..ako naman nagkacry lang pag sobrang inis na ko at hindi ko masabi yung gusto kong sabihin sa kanya kasi alam ko na mahuhurt ko siya pag nagsalita ako..di naman ako ganun kasama para pagsalitaan siya ng mga hurtful words. para sakin, yun nga minsan lambing lang talaga nating mg mommies yung pangaaway natin sa kanila pero di nila alam na lambing lang..buti nga, super bait talaga ng hubbby ko kase iba ang tantrums ko pag umatake e..haha..
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: chester on May 19, 2011, 04:16:23 pm
@excitedmommy: tama! mabuti na lang mababait hubby natin. jejeje
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: jrvez_mom on May 19, 2011, 04:55:54 pm
dami pala tayo mga iyakin.. hehe ako din sobra ko iyakin..minsan kung may gusto ako i-open kay hubby hindi ko kaagad magawa kase, parang sumasakit na lalamunan ko and mahuhulog na ang luha ko..agree ako sa inyo mga mommies tayong mga girls eh gusto lang talaga natin na lambingin..gumagawa ng ways para mapansin at lambingin ni hubby  ;)

kami naman ni hubby kung may away as in silent lang..walang imikan,minsan hindi ako tumatabi sa pagtulog..hintayan kung sino mauna kumausap..hay naku! ang gusto ko lang naman is sya yung magstart ng coversation, tanungin lang ako kung bakit ako nagkaganun..eh si hubby hindi,wala yan pakialam kahit wala kami imikan..minsan kasi may pagka insensitive yun..pero kung maglambing naman ang haba-haba ng hair ko  ;D
so far sa awa ni God wala naman sigawan or sakitan..kase kung may sakitan na involve mag-aalsa balutan talaga ako..but i think my husband is not capable of hurting me naman... :)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: Vanillasky on May 19, 2011, 07:13:51 pm
Hello Mommies..
sobrang mswerte tyo s mga hubbies ntin..kaya ako hangat pedeng bumawi..bumabawi ako s asawa ko..kc sobrang bait e kahit ang dami kong pagiinarte hehe.. ;D
madalas pag ng aaway kami w/c is mostly ako naman ang pasimuno..e ngttanong sya ng "inaano b kita honey?"..parang bata hehehhee..nttawa nalang ako after at maiisip ko ako nga pla ang may kasalanan hahaha  ;D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: fegloria1954 on May 20, 2011, 11:21:15 am
Sagutan.  In Tagalog.  Na may kasamang balyahan ng pintuan.

Pag mas malala ang away.  Sagutan.  In English.  Na may kasamang basagan ng baso.

Pag pinaka malala.  No Talkies.  Na may kasamang dabugan.  Araw-araw.

Pero ngayon wala ng ganyan.  Salamat na lang at we found Retrouvaille that taught us many tools and techniques that could help us discuss and resolve our concerns and conflicts in a more respectful and peaceful  manner.

And we are so thankful about the peace, love and harmony that it has brought to our home and to our marriage relationship, such that more than a year ago, I went online to search for chat forums such as this one, to look for opportunities to share a bit of my past life as a lonely, rejected and disillusioned wife and how my situation changed after doing the Retrouvaille.

If you would like to ask me more, feel free to PM me.

Mommy Fe
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: mothadearest on May 24, 2011, 12:14:52 pm
When we were still dating, we didn't fight that often. I guess it because of the age difference and also that we both rarely get upset with each other. But, when we do fight, it is very straight forward. We really tell each other we are upset with the other BUT... with reason. Like, "I'm angry at you right now because you didn't tell me what time you were going to come home." We didn't plan this out at all! That's just how we are. I must say, it is a healthy relationship:)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: sartorialMum on May 24, 2011, 08:30:09 pm
I give him the silent treatment. I don't like to nag kasi I'm very careful na I might say something that I would regret in the end. I won't talk to him for a while and pag hindi na makatiis si hubby he talks to me and asks me why exactly I'm mad (bec he knows I'm mad once I'm silent ;D) then if I'm sane enough na to talk about it, I would. Otherwise I'll tell him to not bother me muna (which he hates very much :P) Kasi some things naman na nakakainis is not easy to bring up diba. But of course max is less than a week I'll talk to him na and we make sure na after any agreement, forgotten na yung reason why we fought and move on na kami. That way wala kaming sumbatan moments.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: toughmom moderator on May 31, 2011, 02:45:00 am
Mom Said, Dad Said: 4 Areas Parents must Agree on

Find out how to reconcile differences when it comes to discipline styles of Mom and Dad.

(http://www.smartparenting.com.ph/images/site-alpha/articles/being-a-parent/mom_said_dad_said/girl-boy-ci.jpg)
http://www.smartparenting.com.ph/home-living/homebase/mom-said-dad-said-4-areas-parents-must-agree-on
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ishy on June 03, 2011, 04:25:00 pm
Hindi kami madalas mag-away ng hubby ko.  Sometimes nga naiisip ko na baka may problema na kami kasi madalang kami mag-away haha.

But when we fight, it's always silent war.  Walang imikan hangga't pareho ng lumamig ang ulo namin.  Pag di na mainit ang ulo ng isa tsaka kami magsisimula mag-usap.

But it's always best to talk about what went wrong so we know what to stop, or start or continue.  And lastly, never let the sun go down in your anger.

Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: εїз" Mrs.Pisces "εїз on June 09, 2011, 10:45:47 pm
Before pag nag aaway kami ni hubby as in una tahimik ako pero ang hubby ko super nagger so pag napuno ako talagang nakakapanakit ako.. as in talagang nasasaktan ko sya kung ano nalang mahawakan ko nababato ko sa kanya nasusuntok ko nga sya eh.. pero now iba na ko now.. wala kasing maidudulot yung sakitan eh.. now pag galing si hubby at nag sisimula ng mag dadadal instead na masaktan ko sya ginagamit ko nalang yung art of deadma as in hindi ko sya pinapansin at inaalisan ko sya hanggang sa hindi na kami mag pansinan.. mag papansinan din naman kami ni hubby pag okay na sya.. yun lang po :)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: danegerous_429 on June 10, 2011, 06:15:34 am
I like this thread.

Kami pag ng-aaway ako yung dada ng dada tapos sya tahimik lang galit na glit na ko pero seems like he is taking it as a joke,.,. tahimik lang yun hindi ako papansinin hanggang sa mg-iingay n ku padyak dito padyak doon .,,. ahaaha .,., tapos bigla nalang yayakap yun mgsosory .., kahit ako naman me kasalanan .,., ayun tunaw na ko sa sorry wala nang galit ..,

:)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: I love_dadilove7503 on June 10, 2011, 07:29:08 am
Hindi kami madalas mag-away ng hubby ko.  Sometimes nga naiisip ko na baka may problema na kami kasi madalang kami mag-away haha.

But when we fight, it's always silent war.  Walang imikan hangga't pareho ng lumamig ang ulo namin.  Pag di na mainit ang ulo ng isa tsaka kami magsisimula mag-usap.

But it's always best to talk about what went wrong so we know what to stop, or start or continue.  And lastly, never let the sun go down in your anger.

As in sobrang pareho tayo sis!! walang pinag iba.. Minsan lang nagiging madada ako pro nilalayuan ako ni hubby pag ganun na para iwas ingay nga... naalala ko pala dati nung maliit pa yung eldest ko which is 13 years old na ngayon pag sinasabihan ko sya ng mura (syempre galit) pabulong pa, kasi ayoko din nalalaman ng family ko na nag aaway kami.

Pro antagal na namin di away, saka wala kami big fight na aabot sa hiwalay hiwalayan.. puro petty fights lang and we were husband and wife since 1997. Mag 14 years na pala kami. Sabi nga ng mga sister in law ko mutant daw yata asawa ko.. sobrang bait kasi. :D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: momazir on June 22, 2011, 11:43:36 am
kami ni hubby, walang imikan for 3 days siguro pero magkatabi matulog. yun ngan lang sa pagkain di man lang niya ako tinatawag. parehas na kami sumusuko pag medyo ilang araw na ang nakakalipas ng away namin.

wala naman kaming talakan at batuhan.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: yacixian on June 22, 2011, 10:11:11 pm
My son's dad?!? nun kame pa, madalas sa text and chat kame nag-aaway. He's the type of guy na sobrang dominant talaga and ipipilit niya na ako yung may mali kahit siya yung may kasalanan. We broke up nun nalaman niyang pregnant ako along with realization na talagang di niya ako minahal after almost 2 years of being together. Pag nag-aaway kame, ako yung madalas mag-sorry para lang matapos na yung gulo. Tapos siya, wala lang parang walang nangyari. Hinde siya yung type na guy na magsosorry. I dunno.... siguro may tao talagang heartless, duwag at babae lang ang kayang saktan.. haist... cnxa na mga mommies.. medyo sad lang naalala ko kasi yung mga times na pumapayag lang akong awayin at saktan nun ex ko.. :( :'(
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: Mariel Arun on June 23, 2011, 01:45:30 am
We got married and had our first child during our early adult years. Kaya imagine nalang kung gaano kami kagulo mag-away. But after years of being married, thankfully nagmature na rin kami.

Ngayon, after an argument magkatinginan lang kami ni hubby natatawa kami and ayun bati na kami uli. Krung-krung nga. The kids would say, "hmmm, galit sila mommy at daddy maya-maya lang sweet uli sila". We tell our kids ganito lang ang mag-asawa, minsan nag-aaway but what's more imporant after the fight sweet na uli kami ng daddy nila.

There's only one thing we are trying to resolve during a fight. Until now, pagmagkagalit kami ni hubby tinutulugan niya ako and that makes me more angry kinabukasan. Sabi niya, its because he wanted to keep silent nalang kasi baka may masabi pa siya mas lalo lang ako magalit. Ako naman feeling ko binabalewala niya lang ang anger ko. The most is 2 days na hindi kami mag-uusap, pero one has to give in kasi ang hirap ng walang imikan, nakakapagod rin ang laging mahaba ang nguso ko. I cant remember who usually gives in first but I remember the sweet part after ;D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: chococream on June 29, 2011, 06:01:50 am
Hi mga siss join in ako...heheeh   kami naman is before we chat andtext graveh lumalabas ang away...i miz those days..kasi kahit masasakit na ang mga salita after nun pagbati na kami sweet na ulit na kami tapos nag.sosorry kami sa isat isa ngayon we are both silent na pag.naaway...until now we are still silent mag.10days nah......
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: kekay on June 29, 2011, 07:48:55 am
Sagutan.  In Tagalog.  Na may kasamang balyahan ng pintuan.

Pag mas malala ang away.  Sagutan.  In English.  Na may kasamang basagan ng baso.

Pag pinaka malala.  No Talkies.  Na may kasamang dabugan.  Araw-araw.

Pero ngayon wala ng ganyan.  Salamat na lang at we found Retrouvaille that taught us many tools and techniques that could help us discuss and resolve our concerns and conflicts in a more respectful and peaceful  manner.

And we are so thankful about the peace, love and harmony that it has brought to our home and to our marriage relationship, such that more than a year ago, I went online to search for chat forums such as this one, to look for opportunities to share a bit of my past life as a lonely, rejected and disillusioned wife and how my situation changed after doing the Retrouvaille.

If you would like to ask me more, feel free to PM me.

Mommy Fe

Retrouvaille- ano po ito?
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: filipinaako on June 29, 2011, 08:29:06 am
simple lang..walang imikan at hindi nag uusap na tumatagal ng 5 days...kaya lang hindi sya maganda kasi naiipon na lang yung sama ng loob at hindi ko masabi ang gusto kong sabihin...parehas kasi kaming ayaw sa confrontation...hindi rin namin pinag uusapan kung bakit nag away kami, we just let it be..which is medyo masama nga sa relationship namin.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: cheena on June 30, 2011, 01:06:27 pm
im not talking to him pag galit ako, at dun sya galit na galit up to now, wala daw akong pakialam sa kanya, eh syempre nga galit ako diba, basta ayoko sya kausap pag galit ako. then pag pasok sa office saka ako magtetext sa kanya ng mga sama ng loob ko, hindi ko masabi ng harapan kasi for sure iiyak lang ako at hindi na makakapagsalita. dati ayaw na ayaw niya na umiiyak ako kaya kahit kasalanan ko sya na manunuyo sa akin, pero that was before ngayon kasi kahit dugo pa iluha ko deadma lang sya, sinabihan pa ko dati na dapat daw hindi na ko umiiyak kasi hindi na nakakatuwa... huhuhu.... kaya nga pinangako ko sa sarili ko hinding hindi na ko iiyak sa harap niya.. ever... kaya lang naiyak pa rin ako last week eh, ang sakit kasi eh, hindi ko mapigilin.. basta up to now ganon pa din ako, tahimik pag galit..
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: dianne_gwa@yahoo.com on July 01, 2011, 09:43:25 pm
ako naman hindi ako binibigyan ni hubby ng chance na awayin siya..:)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: momsieblair on July 02, 2011, 01:54:44 am
 >:( hay naku,pang world war 3 kami.nakakainis kaya si hubby,kung sino pa un lalaki sya pa un madakdak.pagtahimik ako,pino-provoke niya naman ako,pero pag sinagot ko naman sya ako pa rin yun talo...haaay
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: εїз" Mrs.Pisces "εїз on July 04, 2011, 10:45:29 pm
share ko lang mga sis kanina lang nag away kami ni hubby dahil sa kalat sa ibabaw ng computer table so sa super daldal niya napuno na naman ako.. so yun nag away na kami..

ang away namin parang harutan pero galit kami sa isat isat .. as in galit.. nandun na yung nilabas ko yung lcd t.v namin sa Garden at pinaulanan ko.. pati yung computer pinaulanan ko.. so talagang away talaga.. then sinuntok ko sya.. at he fought back .. hahaha.. so sabi ko aba lumalaban.. then talagang susuntukin ko ulit sya.. pero kinuha niya anak namin at binuhat so akala naman ng baby namin na nag lalaro lang kami.. awts.. so ginawa ko hinatak ko nalang yung balahibo  niya sa paa.. pero parang hindi parin sapat yun.. then sinabi ko sa baby ko alis muna sya mag peplay lang muna kami.. as in wrestling hahaha.. hindi talaga ko nagpatalo.. as in nandun yung dumugo yung lips niya.. hahaha natatawa ako pag naalala ko.. then seryoso talaga kami sa wrestling kahit babae ako naku hindi ako papatalo... akala ko nga hindi na ko makakahinga nung inipit niya ko at dinaganan.. tapos yung nakabawi ako ng lakas sya naman ang inipit ko .. pero malakas din sya. kaya parehas kaming naipit.. hays ang haba basta mga sis to make it short nung parehas kaming mapagod ako tumahimik na ko.. then sya tumahimik na tapos sabi sige na linisin mo na yung mga papel sa table ng computer.. tapos sabi ko sige kunin mo narin yung t.v at computer sa garden baka basang basa na.. then yun parehas kaming nagtawanan.. para nga kaming may saltik .. .. kaya nga sabi ng sister in law ko pag nag aaway kami hindi niya alam if nag aasaran kami or nag aaway na kami.. kasi yung asaran namin laging may tawa.. pero galit kami sa isat isa.. hayz hirap ipaliwanag.. basta kami lang yatang dalawa ang nagkakaunawaan.. siguro need ko lang mailabas yung sama ng loob ko at ganun din sya pag nalabas na namin okay na ulit kami.. may time pa nga na nag away kami sa super galit ko na ayaw ko naman syang saktan at baka makita ng anak namin.. ayun inaya niya nalang akong mag laro ng tekken hehe.. so dun kami naglaban..
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: Rona on July 04, 2011, 11:36:59 pm
 :)ang tapang naman ni momy pisces.. hehhehe..

samin naman po hindi ako ang war freak samin pag galit ako galit talaga lhat ng mahawakan ibabato ko talaga ko ky hubby sa sobrang galit ko minsan nga madalas kong nasusuntok or nahahampas mbigat p naman din daw ang kamay ko sabi niya.. kaso pginaaway ko c hubby ang ipapanlaban niya sakin sinasaktan niya sarili niya 1 time nga ngaway kame pinukpok niya yung laptop sa noo niya at hinampas niya ng mouse yung ulo niya. ayun nagdugo talaga yung forehead niya medyo malalim yung sugat kaya tendency napatigil ako at bgla ko siya niyakap and ginamot n sugat niya.. after nun tpoz n away naman.. kaya ngaun medyo lie low ako sa maibabato ko sa kania..
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: εїз" Mrs.Pisces "εїз on July 05, 2011, 01:09:53 pm
:)ang tapang naman ni momy pisces.. hehhehe..

samin naman po hindi ako ang war freak samin pag galit ako galit talaga lhat ng mahawakan ibabato ko talaga ko ky hubby sa sobrang galit ko minsan nga madalas kong nasusuntok or nahahampas mbigat p naman din daw ang kamay ko sabi niya.. kaso pginaaway ko c hubby ang ipapanlaban niya sakin sinasaktan niya sarili niya 1 time nga ngaway kame pinukpok niya yung laptop sa noo niya at hinampas niya ng mouse yung ulo niya. ayun nagdugo talaga yung forehead niya medyo malalim yung sugat kaya tendency napatigil ako at bgla ko siya niyakap and ginamot n sugat niya.. after nun tpoz n away naman.. kaya ngaun medyo lie low ako sa maibabato ko sa kania..

aw mommy parang nakakatakot naman yang ganyan... may tendency kasi na pag super upset si hubby mo maari syang mag attempt ng suicide..

Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: impulsive[$hopper] on July 05, 2011, 02:01:42 pm
konting sigawan then walang pansinan ;D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: aish_teru on July 07, 2011, 03:11:53 pm
Wala pa kami 2 years ni hubby Im a stay at home mom at minsan lang ako lumabas. madalas niya ako inaaway bigla na lang magugulat ako kc mainit ulo niya. Pag kinausap ko sabi niya tumahimik na lang ako tapos dun siya magkukulong sa room niya. Pag akyat niya sa room namin, di niya ako pinapansin kahit na ako yung gumagawa ng 1st move na mag-lambing sa kanya lumalayo siya sa akin... we still sleep togeher kahit di sya namamansin until the next day parang galit pa sya sa akin...





Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: Rona on July 09, 2011, 12:26:50 pm
@mommy pisces yun nga dn po kinakatakot ko mommy minsan po nagaaway minsan nasasabi niya na sana namatay nalang daw siya kung palage lang daw po kame mag aaway..kaya po iniiwasan ko nga na mag away kame kasi natatakot ako sa pwede niya png gawin..
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: toughmom moderator on July 18, 2011, 01:10:09 am
The Top 3 Sources of Stress in Marriage
(http://www.smartparenting.com.ph/images/site-alpha/articles/being-a-parent/relationships/sources_of_stress_marriage/entourage-ci.jpg)

1. The in-laws
2. Money problems
3. sex and intimacy

read more
http://www.smartparenting.com.ph/mom-dad/relationships/the-top-3-sources-of-stress-in-marriage
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: kuliglig^^ on July 26, 2011, 02:31:36 pm
I shout, he stays quiet, I fall for his "wawa" face, then we kiss and make up after a few hours of fighting.  :D


He gets upset (never shouts though), I defend myself, I make "wawa" face, he doesn't fall for it... then I'll cry and do something that he'll really pity me for, then we kiss and make up after almost a day of fighting.  :D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: casperthegoat on July 26, 2011, 02:41:21 pm
hmmm noon pa mag bf/gf kami sinabi na niya sa akin na kung mag-aaway kami kung mainit siya manahimik lang daw ako at makinig at vice versa, kaya ganoon kami until now..

Kapag tapos na siya magsalita (salita sis hindi dakdak yung iba kasi as in dakdak kung dakdak daig pa ang babae  ;D) tatanungin ko na siya kung tapos na, wait ko lang malabas niya sama ng loob niya (same sa akin), then mag-uusap na kami. Kapag naintindihan na namin ang part ng isa't-isa ok na kami. Never kami natulog na may inis na kinikimkim
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: FayeP on August 06, 2011, 08:20:51 pm
kami po ni husband, pag nagtatalo, sa kwarto lang namin, tapos mahinang boses lang, un pasigaw pero ang hina ng boses??? kasi kasama pa namin sa house mother at bro ko kaya mahina mga boses namin pag nagtatalo... si husband, siya un uri ng guy na makikipagbati agad...kunwari nagtalo kami ngaun, after 10 mins, magjojoke na un ng talagang funny kaya napapatawa na lang me (kun di masyado galit)...pag umiiyak naman me, at pinagsasabihan ko siya, yayakap un tapos sasabihin tama na pag iyak,... ayun tapos na away..

pero one time, pupunta kami ng puerto galera nun eh, madaling araw na siya umuwi dahil nakipag inuman siya, eh 7am kami sasakay ng bus..di pa nakaempake, away kami ng mahina ulit pero sinuntok ko sya 3 times sa braso..kala ko nga susuntukin din ako eh, hinawakan na lang niya un kamay ko tapos sabi tama na

ganun lang po
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: Shey♥Bry on September 13, 2011, 01:18:31 am
Nakakatuwa naman mga post niyo mga mommies :)


Kami naman ni Hubby, pag magka-away kami , silent treatment talaga, lalo na pag sobrang galit ko sa kanya!  >:( Kapag kinakausap niya ko, di ko siya pinapansin  ;D , ginagawa namin tatahimik lang kami at hindi mag uusap ng mga 30minutes to 1 hr :) Minsan pag hindi kami ng uusap , bago naman matulog makikipag bati si hubby, lalambingin niya ako, ayun! minsan effective minsan hindi! hehe. Pero never kaming nagkasakitan ni hubby, at never kaming nag sigawan pag magka galit kami :)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: kara on September 13, 2011, 11:14:25 am
hay! nung magbf-gf pa lang kami mild lang kami kung mag-away... ngayon grabe na kami mag-away tas ang laki din ng pagbabago niya kasi nagdadabog sya, nagwawala talaga at di na sya masyado nanunuyo, basta nakakapanibago... kaya ako gumaganon na din... heheh! nakakainis din kasi, kung magdabog kala mo guguho yung bahay namen e.... kainis! ganon ba talaga pag mag asawa na? nagbabago, lumalala? hay!
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: FayeP on September 16, 2011, 03:01:53 pm
add ko lang bigla ko kasi naalala...nun mag away kami ni husband na nasuntok ko siya sa braso 3x, bigla din ako na-guilty at biglang preno din ako kasi I never meant to strike him...

tapos pag may nasasabi ako di maganda sa kanya, as soon as the words got out of my mouth bigla nagsisisi ako na bakit ko nasabi un sa kanya....

ngaun less away kami... kasi we're both being very careful na makapag salita ng di maganda, ng things that we'll only regret later...pero cyempre may pikunan pa din pero ala na salitaan
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: MommyMichell on September 16, 2011, 03:13:54 pm
Major-major ignore ko si mister pag naiirita niya ko talagang ni-ha, ni-ho wala akong sasabihin sa kanya tas pag nagstart na ko magsalita nauuwi na sa sigaw & I throw things din, matagal bago ako maging ok, minsan nga iniisip ko mas maganda pa ata maghiwalay na lang kami dahil alam ko nahihirapan sya sa attitude ko pero ayaw naman, di naman daw sya nahihirapan
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: fashionistamom on December 05, 2011, 06:44:04 am
Kami ni hubby pagnagaaway nagbibigayan hehe nagbibigayan ng pagsagot :) pag napansin namin kung sino yung parang galit na galit nagaadjust yung isa hindi namin sinasabyan yung isa't isa.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: MommyMichell on December 05, 2011, 08:33:29 am
^buti pa kayo sis, sa amin ako lang naman nang-aaway pero in fairness matagal na rin kaming di nag-aaway ngayon :)       mabait mister ko at pasensyoso at ang pinakagusto ko sinusuyo talaga ako kahit ako pa yung mali para lang magbati na kami kaya eto sa tagal namin lately lang ako nakapag-adjust puro si mister lang lagi before naga-adjust for me kaya ang swerte ko sobra kundi ganito kapasensyoso asawa ko e matagal na akong single mom

at isa ko palang technique pag galit na si mister, magagalit na rin ako kaya ending sya pa nagsosorry kaya minsan napapaisip sya sinasabi niya sakin "bakit kahit ako yung galit at wala naman akong kasalanan pag nagalit ka, ako pa rin nagsosorry?"  ::) 
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: working_girl88 on December 07, 2011, 02:28:17 pm
kami ni hubby pag nag aaway, tahimik lang sya tas ako yung salita ng salita. tatanungin ko naman kung bakit hindi sya nagsasalita sasabihin lang saken, pag nagsalita sya lagi ko din naman binabara so mas ok pa daw na tahimik sya. tas biglang papasok sa room, tampururut. pupuntahan ko naman tas lalambingin ko, magsosorry ako. tas ayun ok na kami. kikiss na niya ko.. hehe! ganyan na kami ngayon, pero dati, binubugbog ko sya. tas pag kasalanan niya sinasaktan niya ang sarili niya..  ::) pero buti na lang medyo mature na kami kaya wala ng sakitan ever. hehe
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ysLim on April 15, 2012, 08:07:48 am
depende sa kung ano ang pinag-awayan.
usually:  medyo mataas ang tono ng boses pag nag-uusap, tapos hindi ako mamansin, aakyat ako sa kwarto at magkukulong. susunod sya, kakatok, papapasukin ko pero hindi right away(hintay muna sya ng konti), mag-uusap ulit, maglalabas ng kanya-kanyang point. tahimik. minsan iiyak ako. magagalit sya pag umiyak ako. tapos magpapayakap na ako.  :D

rarely: magsisigawan. lock ko kwarto para di sya makapasok. if nasa kwarto naman kami nag-away, palalabasin ko. hindi naman sya lalabas, at nakakatulog na sya kahit galit. in the middle of the night, sanay na syang yakap kami matulog kaya kahit nakatulog kaming magkagalit eh yayakap parin. tapos kinaumagahan ok na ulit.

kahit na galit na galit na kaming dalawa, we try our best not to say harsh things, kahit pagmumura.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: mami che on April 15, 2012, 10:03:35 am
Since we got married, we never "fight"... Merong argument but pag nrramdaman ko na "baka away na", i just shut up & walk out. Wala lang, tahimik lang talaga ako and he is more of the madaldal type (maybe because he is a lawyer  ;D) and when i text him na sumama loob ko when we had a discussion last time etc etc - d naman sya madamot magsorry... Ok na ulit  :D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: chococream on April 15, 2012, 10:38:08 am
before nung mag dyowa pa kami is sya ang tahimik and then ako ang madaldal. after he says sorry. Now that we are settled, we talk about it ng kami lang ang nakakadinig sa isat isa. We wont even shout, the last time n nagaway talaga kami na super galet ko to the point na nasampal ko talaga sya ng sobra which turned out na turn into small pieces ang tab and phone ko buti hindi sinali ang laptop ko. pero never niya akong pinagbuhatan ng kamay. hehe

sa dami ng dinaanan naming dalawa na trials and problems, now I am very tired emotionally and nakaka strain talaga ako sa any anger na emotions kaya i will only say nalang diretso that we should be going our separate ways. yon na biglang nagiging flushed ang heat or anger niya. he goes silent and says sorry and explains after that he makes effort to changes ways nah.

hindi ko lang na realize minsan pala napapagod ka din.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: εїз" Mrs.Pisces "εїз on April 21, 2012, 05:00:24 am
before i was a freak pero now... ill realize walang mangyayari if ganun eh.. kaya sakin if mainit ang ulo ko... iiwas nalang ako at hindi magsasalita if hindi ko kayang bumaba at mag level sa asawa ko then once na kalma na ako dun ko sya kakausapin.. try kong lambingin kahit plastic hahaha... basta maging okay na kami..

Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: studentmom on April 21, 2012, 02:05:48 pm
looser ako lagi..
siya yung naninigaw..
ako tahimik lang..

ewan ko, di ata ako marunong lumaban..
pag nasigawan niya ko, kadalasan, umiiyak ako patago..
masakit din kasi lalo na pag mababaw lang pinagawayan, eh medyo masakit pa siya magsalita..
may foul words pa minsan..

kilala ko na din kasi siya,
pag ngaaway kami, dapat di ako mag fight back..
kasi baka world war labas.. so i try to keep my temper.. at sanay na ko dyan...
pinakamahirap, yung ignore yung sinasabi niya.. nakakadown kasi minsan..


iniintindi ko na lang..
sadya kasing mainitin ang ulo niya..
sabi ko nga minsan try niya mag anger management..

pero grabe naman siya mag lambing..
kaya bawi bawi din..
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: mommycheska on April 22, 2012, 08:14:41 am
Para akong nasisiraan ng bait kasi kausap ko hangin tuwing magagalit ako. Pipi at bingi kausap ko, eh napakadaldal ko pa naman, plus the fact na malakas ang boses ko kahit hindi ko siya nilalakasan.

Gusto ko yung sasagot din siya sa akin, kaso ang ending, ako ang napapagod kakadaldal... Minsan nga nabibingi na ata mga anak ko, tinatakpan na bibig ko or dina-divert attention ko... hahaha ;D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: syndyela on April 24, 2012, 10:40:30 pm
Pag magkaharap kami na nag-away, it starts a discussion (started obviously by me), then no reaction siya (kasi ayaw niya ng away).  Though I understand na ayaw niya na sabayan ang badtrip ko, cyempre gusto ko medyo i-comfort naman sana niya ako ng konti...pero he never does that kasi daw hindi siya sweet na tao.  Tatahimik lang siya.  Ang ending, hihikbi na ako then that's where he will start comforting me.

Ngayon na nasa abroad siya, ngayon ko lang narealize na mas matindi pala ako magalit pag hindi ko kaharap ang tao kasi mas masakit ang written words na nabibitawan ko...siguro kasi mas naoorganize ko ang thoughts ko kung ano ang gusto ko sabihin kesa yung kaharap yung tao.

Hindi siya actually ma-sorry na tao...pero ayoko naman kasi na everytime nalang magkagalit kami e ako yung nagso-sorry...even though may fault din naman siya.  Minsan we just go through the day na walang nagsosorry sa amin, yung tipong paggising sa umaga parang walang nangyari, tuloy ang normal na buhay.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: purplemom on April 26, 2012, 12:34:54 am
..pareho kasi kami sarcastic ni hubby kaya di maiwasan ang magkaroon ng argument..may maliit na away...may grabe na away...mga maliit na away like if first time namin watch yun movie tapos ask niya ako if bakit ganun? sasabihin ko "hello ask niya kaya scriptwriter? or "sabay tayo nanonood di ba? so pano ko malalaman..gusto din niya pag nagsasalita sya naka focus ako sa kanya if not tampo na sya...mga malalaking away namin is pag na brought up mga "dating issue"....pag grabe ang away tahimik na sya and di ako kakausapin....if ako naman ang may kasalanan nag sosorry ako pero hindi ko sya pinipilit na kausapin ako.. i give him space to think..tapos pag tapos na inis niya kakausapin na niya ako or kukulitin na ako...

...tahimik lang ako pag sarcastic or nang iinis sya..as in nagtitimpi ako sa level best ko na wag patulan ka OA niya...pero once naman na pinatulan ko sya naku dire diretso ang salita ko as in non stop to the point na sya ang susuko na tapusin na issue...pag ganun na ako non stop bigla sasabihin niya "Matuts (short for Matutina) ka talaga"...or Bakekang..tapos gaganti ako ng Balut or tawagin ko sya Minyong, etc yun mapipikon ko din sya..ha ha ha..kahit sa text pag non stop pangaaway ko sa kanya bigla mag reply yun ng Matuts..tapos tatawa na ako..
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: tashasabs on April 26, 2012, 07:21:51 am
Nung early days ng marriage namin, medyo okay pa, usual tampuhan lang namin. Then may 6 months na yata kami noon saka lang kami magkasamang tumira sa iisang bahay. Kapag nag-aaway kami noon talagang gusto ko umalis kasi nga naaasar na ko, saktong ayaw ko pa doon (sa ILs ko yun). Kapag napikon siya papatulan niya ko. Peo nung nagtagal saka nakaadjust na isa o dalawang sarcastic remark lang tapos di na kami magkikibuan.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: tsukino4 on July 20, 2012, 11:00:41 pm
kami ni hubby pansin ko di kami nay aaway ng kaharap isat isa.. parang di ko rin kaya eh..

nag aaway kami sa text grabe.. nagmumurahan.. nagkakapilosopohan.. tapos biglang may di magrereply samin dalawa para matapos conversation or kapag may napipikon na samin.
pero naayos din agaf after a few hours mag sosorry na kami sa isat isa sa mga nasabi namin sa mga messages namin na masasakit tapos okau na.. pero syempre mag aadjust ako kasi kakatpos lang ulit mag away eh.. pero mahal ko yun sobra at alam kong ganun din siya sakin..
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: Sheyie on July 31, 2012, 10:27:48 pm
Tahimik lang kami, hindi kami nagkikibuan. Ayoko kasi ng kinakausap ako pag galit ako, alam ko kasi kung anong ugali ko, baka may masabi lang akong hindi maganda at makasakit sa hubby ko at pagsisihan ko pa pagkatapos. Pag medyo ok na kami, kakausapin ko siya at sasabihin ko sa kanya kung bakit ako nagalit.
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: pink_mommy0427 on September 09, 2013, 03:02:34 pm
natatawa ako habang binabasa ko ang topic na 'to  :D. kami ni hubby ko baligtad, tahimik lang ako, ganyan ako pag  naiinis na talaga ako. c hubby ang talak ng talak, minsan pasagot-sagot naman ako sabay sabing "Gusto ko nang umuwi sa'min! sarap mong layasan para magtanda ka eh." 'yan ang laging linya ko. last week lang nag-away kami, naawa naman ako kc kinabukasan sabi niya sakit daw ng chest niya... ginugulpi ko kasi pag di ako nakakapagpigil. pag galit ako ni hindi ako humaharap sa kanya sa pagtulog, maski yung masagi ko sya di ko ginagawa. mnsan naman dun nalang sya sa sala natutulog. tapos kinabukasan pag lumipas na galit ko ok na ulit kami, sya parin ang nauunang bumati sa'kin. pero humihingi rin naman ako ng sorry lalo't alam ko na ako din ang may kasalanan. naisip ko nga ang swerte ko kasi maski na ganito ako na topakin, anjan parin palagi si hubby na umiintindi sa'kin kahit mnsan maski ako di ko maintindihan ang ugali ko  ;)
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: εїз" Mrs.Pisces "εїз on May 16, 2014, 10:01:18 am
Two years Ago sumagot ako dito hahaha nakakatawa pag binabasa ko i guess kasama yun sa pagkakaisip bata namin.. ngayun.. medyo nag matured na kami ni hubby ko Paano kami mag Away..

ako nanahimik nalang ako... then nanahimik din sya.. pag tipong hindi ko na kaya AAlis ako pag nag usap kami okay na kami.. mas okay pala ang ganun.. pero lahat ng sama ng loob ko sinasabi ko pag nag usap kami but hindi na pagalit or pasigaw at wala na ring asarang nangyayari..

Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: gheng on May 22, 2014, 10:38:26 am
for us, WE TALK. and after hearing each other explanation. okay na.

Though yung recent na away last month is not yet finish (hindi ko pa din siya pinapansin coz i felt he cheated on me AGAIN)

We're taking slow to regain the trust and to love each other more.

im punishing him on what he did, and he is courting me AGAIN.  ;D
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: ecapajz on May 24, 2014, 02:31:54 pm
hi😃mga sp mommies!!! nata2wa ako habang binabasa q mga post nyo...hindi lang pala ako ang isip bata..hehe.. kc kami ng husband q kapag mgkagalit para din kameng mga bata..away bati...pero sming 2 ako ang mas matapang at mas madami salita.cxa silent mode lang lage,minsan naga2lit din kapag sobra n q...madalas kc ako ang naguumpisa ng away.mkulit kc ako,ayaw niya nung kinukulit cxa...aun magdamag walang pansinan,minsan pa nga n2log ako sa sahig...haha..pasuyo effect..aun hindi din ako natiis cnuyo din ako..hehe....bati na ulit kame..kadalasan napakaba2w lang naman ng mga pinagaawayan namin...para ngang mga bata..away bati.. pero nka2tuwa naman kc after ng tampuhan super sweet n ulit kulng nlang langgamin..hehe...😁😘
Title: Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
Post by: Mommy Jazz on November 06, 2017, 05:56:28 pm
“May arguments. Lahat naman ng mag-asawa. Kung magkaibigan nga may arguments, ano pa kaya mag-asawa?”. This is according to  Chesca Garcia-Kramer.
(http://www.smartparenting.com.ph/images/2017/10/30/kramers-web.jpg)
http://www.smartparenting.com.ph/parenting/real-parenting/how-doug-kramer-and-wife-chesca-make-their-kids-feel-there-is-no-favoritism-a1155-20171030 (http://www.smartparenting.com.ph/parenting/real-parenting/how-doug-kramer-and-wife-chesca-make-their-kids-feel-there-is-no-favoritism-a1155-20171030)