Parent Chat

Pregnancy => Getting Pregnant => Pamahiin => Topic started by: MamiNiMac on July 15, 2011, 08:24:33 am

Title: have you heard about "witching hours"?
Post by: MamiNiMac on July 15, 2011, 08:24:33 am
Lately kasi lagi akong ngigising in the middle of the night pra mag-jingle kasi preggy ako kaya laging naiihi. Pero nagtataka ko kung bakit consistently 3am ako nagigising. As in pagdilat ng mata ko 3am ang oras. Then just now narinig ko sa radyo from "tambalan ng 90.7" napagusapan nila un withcing hours which is 3am. That's the time daw na malakas ang powers ng mga ghosts,withces and demons.That's also the same time na na-crucified c Jesus. Grabe kinilabutan talaga ko.

Has anyone of you experienced/experiencing the same scenario with me??
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: FayeP on July 15, 2011, 11:08:20 am
Hi Sis,

oo witching hour un 3am, kasi that is the part of the night daw na talagang pinakamadilim at malakas ang powers ng masama.  kasi it is after midnight at just before dawn daw.........di ba parang mas madilim daw bago magliwanag parang ganun

my friend, naniniwala siya sa witching hour kasi once when they went to Singapore, they arrived at their hotel at past 2am. so shower lang siya tapos nahiga na, un sis niya, nagbabasa basa pa ng mapa at itinerary nila for the next day.  tapos nakaidlip na siya, nagising siya bigla kasi lahat ng cp nila, pati yung alarm clock ng hotel saka un wrist watch ng sis niya sabay sabay na tumunog, nag alarm ng 3am.  eh un cp nila di naman naka set ng 3am, tapos sure siya na un alarm clock di naman nakaset up ng 3am din, lalo na un wrist watch...

eh di pinatay niya daw un cp at alarm clock... pero parang there is something heavy in the air daw, both of them were having difficulty in breathing kasi parang makapal un air sa loob ng room nila.  tapos when they tried to open the door palabas, di naman bumukas. 

ayun un kwento niya
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: Mommy Jazz on July 15, 2011, 01:03:02 pm
diba po Jesus was crucified 3PM, not AM?
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: kawaiimaridel on July 18, 2011, 12:31:38 am
guys nangyari na sa akin yan..as in everyday,mga 2 weeks siguro nung dalaga ako...d ko din maexplain kung bakit ganun..now ko lang nalaman dto..(medyo may something kc ako 3rd eye)... ihhh takot ako...
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: Mlabable on July 19, 2011, 04:35:06 am
@Mommyjazz, Jesus died at 3PM kung 3AM daw kabaliktaran devil's hours naman daw.
 
Let me share a story. My hubby before was working night shift during weekends. Pag weekends usually yung buong floor walang tao at siya lang mag-isa nagwowork sa floor. Nasa 10th floor siya, so before mag 3AM hindi pwede di siya babasa ground floor para mag-break iba daw talaga pakiramdam niya pag 3AM na.
 
During weekends wala din daw aircon so no choice he have to used electric fan pero there's an instance nakatutok sa kanya yung electric fan parang may bigla daw humarang sa fan so ramdam niya na walang hangin and that was 3AM daw.
 
After non nagbbreak daw siya before 3AM. That's the reason yung management nag-issue ng laptop sa magwowork ng night shift sa weekends p[ara work from home nalang sila. Kasi ang dami talaga nilang kwento na nakakatakot. Kahit ako siguro kung ano lang ang nagwowork sa buong floor maaaning din ako.
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: Mommy Jazz on July 19, 2011, 09:19:50 pm
@Mommyjazz, Jesus died at 3PM kung 3AM daw kabaliktaran devil's hours naman daw.

Ah, ganun pala yun. Thanks pero sorry po ayaw ko nang basahin the rest of your post and other posts here. Matatakutin kasi ako ;)
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: Mariel Arun on July 19, 2011, 09:33:51 pm
I watched an episode from GMA 7's Misteryo, a guest psychic said, you'll know when you have uncommon guest in your house when:

a. you usually wake up at 3am
b. there is a part of the house that is unusually cold
c. you have the eerie feeling that someone is watching you

when I exerience this sis, I say a prayer to St. Michael, agad-agad nawawala.  :D
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: mumzeth on July 19, 2011, 11:19:54 pm
HALLELUJAH! ahahha ang pilipino talaga... :)) alam mo sis makinig ka ng praise and worhip songs.. :) wag mo isipin yung mga multo multo na yan.. ako pag ganyan ako nung buntis kahit ngayon kapag nagigisng si baby ng 3am wala lang kasi si GOD 24/7 guided tayo.. :))
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: sassysy on July 19, 2011, 11:33:44 pm
ahh witching hour pala tawag dun.. ako din when i was pregnant lagi ako nagigising ng 3am nun all of a sudden then hindi na ko natutulog or matutulog na ko may araw na.. nakakatakot minsan pero deadma lang kahit lagi pa ko mag isa nun kasi night shift hubby. mas natatakot ako na hindi makatulog pag sumikat na yung araw kasi mas mahihirapan ako matulog.. hehe  ;D
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: iAmMa___net on August 23, 2011, 11:36:47 pm
hmm buhayin ko lang tong thread na to.. may naalala lang kasi ko nung nabasa ko yung mga posts. im a nursing graduate kasi. before nung nag duduty kami , sabi nung mga doctors sa hospital UNHOLY HOURS daw yung 1am-3am. never daw nag sschedule ng operations within those hours. esp. sa mga kids. (thats when i remembered ha) so i believe na yung 3am na sinasabi nyong WITCHING HOUR e medyo connected nga dun sa UNHOLY HOURS na sinasabi nang mga doctors.

well , if thats the case. i think, nothing is more powerful than Prayers. :)
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: lynnequintana on September 01, 2011, 05:54:09 pm
Yeah .... 3am is a demonic hour kaya siguro may mga ganung cases..
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: pompz on September 29, 2011, 04:22:45 pm
sis kala ko sa movie lang yun like paranormal activity, always pray to God na lang once nagigising ka ng 3am, :)
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: lei101402 on September 29, 2011, 04:43:28 pm
hay mga sis yung kasin mga programs na pinapakinggan natin or pinapanood sometimes yan yung ginagamit ni satan para takutin tayo. Yung mga horror movies tsaka mga rock songs they send message sa brains natin without us knowing na may effect na pala sa atin yun. kaya minimize natin yung pakikinig or nood ng mga ganyan. much better listen to praise songs or read the bible. sometimes kasi winewelcome natin yung bad spirits kaya andyan sila, let us rebuke them and you'll see in the name of Jesus Christ mawawala yung spirits (through faith ha?) kung meron sa bahay natin anyone na may bisyo meaning may bad spirit irebuke lang aalis yun takot lang nila kay Jesus. hehe wag matakot mga sis if God is with us "who can be against us?"
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: pompz on September 30, 2011, 11:23:11 am
sis lei101402 tama, if God's in our side who can be against us ( tama ba hehe), ako talaga pag nakakaramdam ng takot wala  na kong ginawa kundi mag pray at mag rebuke, minsan maganda din natatakot, atleast naalala mo kaya si Lord :) minsan kasi nakakalimutan natin eh
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: mamacharis on September 30, 2011, 11:27:18 am
subscribing mamaya ko na babasahin ito mahirap na dalawa lang kami ni baby ngaun baka di ako makalabas ng kwarto.
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: mamacharis on October 23, 2011, 02:03:46 am
grabe nasa di ko na binasa ito. nung nabasa ko yung sinabi ni mommyjazz na hindi na niya babasahin yung mga next post saka lang ako nakapag isip isip. tsk tsk. 2:15 na ngayun para akong aatakihin sa puso!!!
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: insensitive on October 24, 2011, 09:46:04 am
kagabi nagising ako at naiihi..ayun pagtingin ko sa relo 3am??? hala naalala ko ang thread na to..
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: jenstelian on October 24, 2011, 11:35:22 am
till now i'm just wondering sa 3am n yan....may mga time siguro n nkakaramdam ako kapag ganyan 3am...pero isa lang ginagawa ko nagdadasal talaga ako....kasi every monday nag-alarm ako ng 3am kasi papasok n ako sa office, taga rizal ako e ang ofc ko makati p tapos traffic kaya need ko gumising ng ganung time....naliligo p nga ako mag-isa tapos tulog lahat kasama ko....kapag pinairal mo siguro ang takot mo matatalo k talaga niyan...at kung meron nga siguro PRAY lang kay GOD ang katapat niyan...GOD is watching US...(parang kanta tuloy)
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: casperthegoat on October 24, 2011, 12:10:21 pm
same with me, since dalaga ako, automatic pag patak ng 3am gumigising ako at sumisilip sa bintana, then marami ako nakikita sa kapitbahay namin (that time kasi parang gubat pa bakuran nila puro puno at halamang gulay na gumagapang). pero para sa akin ok lang kasi nasanay na ako, pero now na may baby na ako, always pray lang lalo na yung prayer na Guardian Angel for my baby boy
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: ysLim on October 29, 2011, 07:56:48 am
i used to wake up every 3am before when i was pregnant. ngayon na preggy na ulit ako, i wake up at 1am to jingle. sa first pregnancy ko ginigising ko talaga partner ko para samahan ako jumingle kakatakot kasi  ;D

also there was a time back in college that every 2weeks for 6 months i would wake up at 3am. and the thing is parang may gumigising sakin and super takot talaga ako. i could never go back to sleep kasi i felt that someone was watching and i would leave the lights on as soon as i wake up. since is lasted for months, hindi na nga ako tumitingin sa cellphone ko to check the time kasi alam ko na 3am na kaya nagising ako, i even removed the wall clock sa kwarto kasi i can't stand looking at it saying it's 3AM! so creepy  :( 
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: peppergurl971 on October 29, 2011, 08:20:17 am
baka naman body clock lang yan kaya madalas magising ng 3am. hehe! sorry, di lang siguro ako palapansin sa mga kakaibang pakiramdam. thank God!  :)
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: princessneena on November 01, 2011, 10:02:13 pm
Hi mga sis! I actually experience those kind of things pero hindi 3am ako nagigising....
2am! With the wee- wee and stuffs like that... Pero you know what, during my first and today's second pregnancy.. napapansin ko nangyayari lang sakin yan pag patak ng 5th month onwards ng pregnancy ko...
Well, I personally concluded that something was visiting me and my unborn child like the aswang/ tiktik!
I mean seriously!!!!

Nung first pregnancy ko, na experience ko yung tinitiktik ako. Nung una nga akala ko ako lang nakakapansin, pero alam na pala ng nanay at tatay ko kasi they were hearing the bird in the middle of the night. They just told me about the tiktik nung sinabi ko sa kanila na "ma, nagising ako kaninang 2am kasi may tumatawag ng pangalan ko, ka boses ni ate... nasa kwarto nga ni Noelle eh (my younger sister)..." then she asked me "panu mo nalaman, di ka ba nananaginip?"... I just answered her "No, kasi tinignan ko cellphone ko gawa ng nagtext si Christian, nakatulugan ko kasi eh, tsaka nakita ko ilaw sa kwarto ni Noelle, bukas na bukas ang ilaw, ... pinapalabas nga ako ni ate s kwarto, parang hinahanap niya ako"............

then that's it, my Mom just told me na me tiktik nga daw, and what's wierd everytime na magisa  lang ako sa bahay, nakakarinig ako ng sitsit sa labas kahit wala namang tao... kaya ayun! umalis ako ng probinsya at nagpunta sa city, kasi pakiramdam ko di ako tatagal kung araw araw me tumatawag ng pangalan ko... whew!!! PRAY to St. Michael the Archangel for protection. and always wear St. Benedict Medallion...
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: peppergurl971 on November 02, 2011, 07:39:12 am
baka naman body clock lang yan kaya madalas magising ng 3am. hehe! sorry, di lang siguro ako palapansin sa mga kakaibang pakiramdam. thank God!  :)

update ko lang kayo mga sis sa post kong ito. i sound so kontrabida sa topic nating ito - may pa-body-body clock pakong nalalaman. hehe! pero nung gabing iyon, i woke up 3:45am and naalala ko tong post nato. haha! super na wiwiwi pa naman ako. pinag bigyan ko sarili ko mag wiwi kahit super takot ako pumunta ng cr, pero after that, pagbalik ko ng bed, mega yakap ako sa baby ko. natakot ako promise! hehe
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: ilovegabe on November 02, 2011, 09:44:08 am
Im a nurse and I loved working night shift. Wala pa naman nangyaring ganyan sakin. Unholy hour siguro yung 1-3am because everyone is asleep? walang scheduled operation kasi it would be unwise to schedule it that time kung pwede namang sa umaga? pero surely they have to operate when they need to, like in an emergency. It's unholy to the doctors because they are asleep during those times  :P I had to rush a dying baby to the NICU once (1am) and there were no doctors around! tulog sa quarters and nagalit pa nung ginising ko  :-\ I have never experienced it sa hospital, e sabi nila madami daw sa hospital. I was waiting for it to happen to me pero wala, nada. Pumupunta pa nga ako sa building sa likod nun hopsital to get blood alone. Baka they dont like me?
 
Body clock explanation is more sound. If you follow a routine and ended up peeing at 3 am, and do the same routine the next night, more likely, you will again wake up at 3am the next day.

Dito naman sa bahay, there was one weird thing I remembered happening but im not sure if its 3am, basta its about that time. We have a new tv mounted on a wall in my son's room, I remember I programmed it na mag on at a certain time pero hindi naman siguro madalinga araw. I was watching TV sa sala then i heard someone talking in my son's room. I checked and found the TV on. So I turned it off and went back to what I was doing. Then it turned on again. I went back put it off again, unplugged it and said, "please gabi na, tsaka bahay namin to, umalis na kayo"  ;D
I dont even know why I said that. Nothing like that ever happened again.
Nun umaga na naisip ko lang, the TV was new and the time wasnt even set properly. My mom sent it from the abroad kaya siguro nag ka problema sa time zone and natawa ako sa sarili ko.

If you believe in these stuff, you are more inclined to accept it. But when you think about it meron namang rational and scientific explanation.
 :)
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: rodcielle_07 on January 22, 2012, 01:42:37 pm
pa-join.. :)

siguro nga may bagay na di natin kayang ipaliwanag.. I know there are lots of bad spirits syempre nasa Bible naman yun, but they can only harm you with your mind.. pag nagpadala tayo sa takot eh lalo talagang matatakot :)

ako naman malimit talagang magising ng madaling araw.. to pee.. and last night lang eh nakaexperience ako ng parang nightmare ba tawag dun kaso kasi hindi naman ako tulog eh, gising pa ang diwa ko, I was trying to get back to sleep then may magfflash sa mind ko na certain monster type faces then ayun may time na di ko makagalaw or makasigaw, then pinilit kong magsalita at igalaw kahit ang kamay ko. at yun nakawala ako sa ganun narinig ni hubby na umungol ako, that is the effect of my release, hug niya tapos kiss niya ko pero di ko sinabi sa kanya na ganun.. niyakap ko na sya after that kasi natakot din naman ako kahit papano.. ganun din nung 1st pregnancy ko.. I don;t know anong meron sa buntis bakit ganun, but naisip ko instead na matakot eh praying to God is the best armor.

God is greater than all this bad spirits.

"Ye are of God, little children, and have overcome them: because greater is he that is in you, than he that is in the world." - 1 John 4:4

"Kayo'y sa Dios, mumunti kong mga anak, at inyong dinaig sila: sapagka't lalong dakila siyang nasa inyo kay sa nasa sanglibutan."  - 1 Juan 4:4

Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: smart.momi on January 25, 2012, 12:30:09 pm
share ko lang din. di ko alam kung ina-aswang din baby ko.
every night for almost 3weeks now iyak sya ng iyak. and take note the time. if hindi 12:09AM eh 1:54AM. As in ganun lage ang oras. then i asked my husband to observe kasi sya hindi nagigising pag umiiyak baby namin eh. pero kagabi nong nakita niya ang oras nagulat sya bat 1:54am daw eh the other night same lang din ng oras.

bilang likas na mapamahiin ako, iniisip ko baka inaaswang ang anak ko. We prayed before we sleep pero ganun pa rin. Kaya sinabi ko sa nanay ko sa province na magpa-tawas sya mamaya.

Iniisip namin na nananaginip lang sya pero strange kasi ang oras pare-pareho.
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: Nuna on January 25, 2012, 01:48:25 pm
Di naman ako natatakot, una kasi di ako naniniwla masyado sa ganyan. And kung meron man, sambitin lang natin ang name ni Jesus, layas na yang mga evil na yan diba.

Ang iniisip ko lang talaga e bakit nga ba nagigising ako tuwing 3am? Kahit hindi naman ako napapa wiwi. Hehe, galing lang! Basta nagigising ako. Siguro like sabi ni ilovegabe, dahil nagiging routine?
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: Twix on January 25, 2012, 02:20:27 pm
grabe kinilabutan ako pagbasa ko pa lang! as in tumayo balahibo ko  :-X ngyon ko lang narinig ang witching hour. pero naalala ko nung buntis ako nagigising rin ako arnd that time kasi sumisipa si baby  :P
dyan ako natatakot talaga sa mga multo multo  :-[
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: keeshta on February 08, 2012, 10:11:48 am
Samen naman Devil's Hour tawag sa 3AM.  :-X

I experienced waking up consistently at 3AM nung college ako, hindi naman ako nawiwiwi basta nagigising lang ako. Nung una hindi ko pinapansin, akala ko wala lang. Pero nung naikwento ko sa friends ko, sabi nila devil's hour daw ang 3AM. Dun lang ako natakot. Mula nun, kahit wiwing wiwi na ako, super pigil talaga ako or I wait for 4AM para tumayo. hehe
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: nikaygelo on February 28, 2012, 06:15:40 pm
share ko lang yung experience ko nung time na preggy ako sa una, magwiwiwi din ako then nakita ko 3am everyday ako ganung time nagjijingle tapos may narinig akong voice na lalake  sabi "psst..hoy!"grabe natakot ako nung pero hindi ako nagpahalata (sa arenola lang ako nagwiwiwi at derecho sa hehe kase buntis ako that time takot nag lumabas para magcr..tapos ang ginawa ko nung narinig ko un yakap bigla kay hubby, after ilang days nawala yung baby ko.. :(
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: mineh on February 28, 2012, 06:35:34 pm
pa-join po. nakakarinig na ako ng mga ganyang kwento nung dalaga pa ako. at the time when i got pregnant pinayuhan na ako ng nanay ko na maglagay ng bawang at asin sa bulsa at wag na wag pawawalan. wala namang mawawala kung susundin ko. napansin ko lang sa gabi nung buntis ako sa eldest and youngest daughters ko lagi ako me naririnig na huni ng ibon. thank God na lang kasi yung tinuturing kong ate na friend ko pinahiram niya ako ng buntot ng pague na malaki ang naitulong para mawala takot ko. nilagay nila sa bintana sa kwarto naming mag-asawa. bawat bintana din me bawang at walis tingting, siguro yung iba matatawa pero malaking tulong kasi me mga pagkakataong nagigising ako sa madaling-araw na merong pumapagaspas o parang malaking ibon. ginagawa ko nagdadasal ako and tinatakpan ng unan tiyan ko. alam ko din na yung mga nakalagay sa bintana at bulsa ko ay malaking tulong. sa maniwala tayo o hindi mabuti nang naniniguro. iba pa rin payo ng mga nakakatatanda.
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: nikaygelo on February 28, 2012, 06:47:01 pm
yup korek sis mineh, ganun din yung sa akin..pinagbubuntis ko na si dana naglagay na ako ng bawang na may asin sa bintana namin, stick na matulis, kawayan na matulis saka kutsilyo.Nung 6 months preggy ako sabi ng mga pinsan ko at kapatid ko may naririnig sila pag gabi at madaling araw sa bubungan namin na maingay, as in parang may nahulog na tao, saka yung nagtitinda ng balot sa amin my third eye un nakita nyang may taong mabalahibo na nanggagaling sa kabilang lote tapos pupunta at hihinto sa malapit sa bubungan namin, pero thankful pa rin ako kase hindi ko naririnig kase sobrang matatakutin ako at yung bahay namin is sa baba tapos sa taas ang bahay ng tito ko..nawala na lang daw un nung 8 months na.
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: mineh on February 28, 2012, 06:50:18 pm
ako dinig ko talaga, ginising ko pa nga husband ko sabi ko me ibon sa labas. wala naman daw siya naririnig. sabi ng nanay ko yung buntis lang daw nakakarinig nun. sa mga buntis ingat po kayo. dasal lang and i know pag buntis mas palaban kasi buhay ni baby ang inaalagaan.
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: nikaygelo on February 29, 2012, 02:25:54 pm
another korek sis!ako nung time na preggy ako at gabi sinasabi ko wag kaung magkakamaling kunin ang baby ko dahil before nyo makuha papatayin ko muna kayo (tapang noh?pero talagang natatakot hehe)
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: tashasabs on May 03, 2012, 09:38:08 pm
Heard of it and nagka-experience na rin ako na nagigising ako na saktong 3AM siya. Dumalas 'to nung buntis ako, ngayon naman kahit preggy di pa naman nangyayari. Wala naman ako nakikita or nararamdaman pero dahil nga sa mga 'pamahiin' connected sa oras na yun, minsan nakakakilabot. Pero ginagawa ko dedma tapos tulog ulit.
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: ladysheng009 on November 07, 2012, 06:08:47 am
if totoo nga ang witching hours, pano naman sa ibang bansa? I mean 3am dito sa ibang lugar diba iba ang oras nila.. Kung totoo nga na may demonic hour, ibig bang sabihin nag-a-around the world si satan at mga alagad niya?
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: ahyzeyuh on November 07, 2012, 08:36:43 am
witching hours or Ungodly hours is how others call it-- sa tagalog, its madaling araw.

peru sabi ng dati kng officemate na certified witch-- ngpapractice talaga siya ng witch craft , that witching hours is true..
yun yung time na tipong mas malakas si dark side compara sa birght side..

kwento ng witch officemates ko- they would normally do the rituals from 12mid night till 4am
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: gtzotomayor on November 07, 2012, 12:07:44 pm
share lang po...
just gave birth april 2012. nagising ako ng 255am, nag wiwi ako.
sakto na pabalik na ako sa kama para humiga, exactly 3am umalulong yong alaga namin
aso. sinaway ko, medyo nag matapang pa ako. nakatingin ako sa labas namin, yong kama
namin ni hubby facing the window, kaya kita yong labas. inabangan ko baka may makita ako.
pero habang tumatagal ang tingin ko sa labas, kinakilabutan ako. kaya humiga na lang ako.
naalala ko lang ngayon, the whole time na bedrest ako hangang makapanganak lagi ako
nagigising ng 1am makakatulog na ako ng around 4am na.
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: Mommy Jazz on November 07, 2012, 05:38:47 pm
ibig bang sabihin nag-a-around the world si satan at mga alagad niya?
Natawa naman ako dito. Parang si Santa Claus na nakakapag hulog ng regalo around the world because of the time difference.  :)
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: ~_Chi-Chi_~ on November 27, 2012, 04:08:45 pm
i have heard of this na. hehe pero di naman ako pakitain or paramdamin pero di ko pa rin maiwasan mangilabot pag nagigising ako ng ganitong oras para magwiwi. pero faith lang talaga kay God and you'll feel protected.                                             
Title: Re: have you heard about "witching hours"?
Post by: kiz_me1109 on November 29, 2012, 01:58:51 am
First time ko narinig to. Pero napapansin ko nga na lagi akong nagigising ng madaling araw to pee. I just don't know what time is it. hehe When I was pregnant, lagi din akong may bawang na dala. And sa room, may nakalagay din na bawang sa bintana and knife sa ilalim ng unan ko. Takot daw kasi yung mga aswang sa matutulis na bagay. My husband find it weird pero deadma nalang ako. Yun kasi yung mga paniniwala ng matatanda sa province namin.