Parent Chat

Pregnancy => Labor and Child Birth => Topic started by: FayeP on July 15, 2011, 02:28:25 pm

Title: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: FayeP on July 15, 2011, 02:28:25 pm
Mommies,

Hi!! i have a question po. may kakilala ba kayo na nanganak sa Ospital ng Maynila (or sa iba pang public hospital)? kasi po one of my colleagues suggested giving birth here dahil nga makakatipid ka talaga.  siya po kasi dito nanganak, dahil nagtipid din siya nun time na un.  currently po kasi, sa Chinese Gen Hospital ako nagpapacheck-up, eh un package po sa OB ko, 30K, sa ward pa lang po un, normal delivery.  pag CS mas mahal pa.

eh sa totoo lang po gusto ko po makatipid kasi magpapabinyag pa tayo at madami pa kelangan gastusin like vaccines for the baby...

do you have an idea kun ok po sa Ospital ng Maynila in terms of un facilities? di naman po ako maselan hehe saka gipit kami ngaun ni hubby, baka mas lalong magipit pag malapit na manganak..

thanks mommies

=)
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: margj_21 on July 19, 2011, 09:19:45 am
Hi Mommy FayeP!

Yung auntie ko nanganak sa Ospital ng Maynila 7 years ago.

Normal delivery sya ang ok naman si baby so I guess ok lang naman manganak dyan.

Ako din manganganak sa isang government hospital this coming August eh.

Good luck to us! :) God bless!
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: jhoce on July 19, 2011, 10:54:14 am
Hi Mommy FayeP and Mommy margj_21.

Di po ako sa Ospital ng Maynila nanganak, sa ibang public hospital po. Sa Dr Jose Fabella Memorial Hospital ako nanganak though di naman talaga ako dun nagpapacheck-up.. :D Mahal kasi dun sa OB na pinapacheck-upan ko lalo na ma-CS ako kasi suhi yong baby ko. Buti na lang may kakilalang midwife yong dati kong landlord, yon ang nagrefer sa akin dun sa kakilala nyang doctor sa Fabella.  Yong binayaran kong bill sa Ospital nasa 5k plus lang pero narefund ko rin yon kasi may Phihealth ako pati yong ibang ginastos ko sa gamot, etc.. Nagbayad din ako 8k yata yon as PF nong doctor. Ok naman din po doon, aasikasuhin karin ng mga doctor/nurse dun.

Good luck po and God bless to both of u.. :)
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: sweet&spice on July 19, 2011, 11:30:00 am
I had relatives who were clerks at Ospital ng Maynila before and they used to share stories about childbirth sa mga patients nila. I understand the need para makatipid, and kesa mag-lying in ka, sa government hospital ka na lang para sure, kung magkaproblema, at least nasa hospital ka na. They said, never go to a lying in clinic if it will be your first time to give birth, kasi a lot of things could happen, and besides parang wala ka pang childbirth history (whether matagal ka manganak, may hypertension ka ba....allergies etc...), the doctors and the hospital are better equipped to treat you and your baby, if nasa hospital ka.

That being said, here are what you might need:
1. At least two reliable companion at the start. Kasi one, has to keep an eye on your things (while you are sleeping --- government hospital pa rin yan dear), and the other one, will be your runner ---- to buy stuff for you, because they will just list the medicines, the supplies (like cotton balls, alcohol...etc...).

2.  You need cash, because the doctors will bill their PF in cash. Different ata if you have Philhealth, they bill it together with the hospital.

3. Make sure that you brought your SSS and Philhealth documents with you, for reimbursement/deductions. You will need to sign forms for these.

4.  Yung valuables mo na mainit sa mata, wag mo nang dalhin, at baka mawala pa.

5.  There is a payward ata for those who will give birth, kasi there are other departments there that are pay-ward, para di masyado madami kayo sa isang room....minimal charge lang naman, at least may peace of mind ka, and hindi halo-halo ang smell nyo.  Ask and confirm if meron, and how much ang rate, before you are admitted. Ask mo na din yung basic supplies that you should need to bring on delivery.

Goodluck. OM is a reputable and competent hospital. Yung facade lang ang pangit, and medyo di sanitary unlike other more expensive hospitals.
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: insensitive on July 19, 2011, 12:05:18 pm
ako naman sis binalak din manganak dyan nung 2009 kasi gusto sana makatipid since nurse naman ang pinsan ng asawa ko doon..Pero, sinabihan niya kami na wag na lang dun kasi hindi nga daw malinis..at nung time na yun nauso ang sepsis..

at saka mommy, if ever manganak ka dun doble ingat ka ha..kasi public yun,.2mos ago may nabasa ako sa tabloid, may ninakaw na baby doon,.nagkunwaring nurse at hiniram ang baby sa nanay..titimbangin lang daw etc.late na nila napansin na matagal na hindi binabalik si baby.hapon na nila na-i-report sa admin..

good luck mommy..
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: on July 19, 2011, 03:08:00 pm
hi sis, nag duty ako sa may nursery at delivery room nila when I was still a student last year. ok naman DR nila, malinis naman sya. yung nursery OK din although madalas sa dami ng nanganganak dun e sa isang bed ng baby e dalawa sila.
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: sweet&spice on July 19, 2011, 03:39:58 pm
i know pag nagkaka-sepsis, they close the nursery... i still have OM among the top public hospitals in metro manila. facilities lang talaga ang medyo mag-aadjust ka...but competence and expertise of all health professionals? among the best!
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: FayeP on July 20, 2011, 11:14:15 am
HI Mommies!

Thank you po sa inyo... at least parang na relieve ako na may mga nanganak na din na iba dun at ok naman pala.  kasi un colleague ko dito dun nanganak as in ala pa ata 2K nagastos niya, may philhealth kasi eh

mas gusto ko talaga sa hospital kesa sa lying in.. dun kasi sa Chinese Gen, maganda talaga dun pero di carry ng budget, alam nyo ha heheh tipid mode tayo ngaun....


Thanks po
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: on July 20, 2011, 11:51:30 pm
ok yan sis. sa panahon ngayon di na uso ang makisabay sa uso. hehe. ako sa lying in lang nanganak, private na lying in naman sya, philhrealth accredited. but since I am young pa, di ako umabot sa philhealth so 4.5k ang binayaran ko pero pag may philhealth e 1.5k lang bayad dun. sa OM lang, yung pang clamp nila sa cord ni baby is sanitized na garter pero malinis naman yun. tapos yung hospital tag nila e tela na at pantali is parang sinulid so wag maxado mag expect nang masyadong bongga.
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: margj_21 on July 21, 2011, 09:32:36 am
Hi all!

Tama yan mga sis! Kelangan nga natin maging practical.

Noong una kasi sa Makati Med pa ako nag papa checkup kaso nung nalaman ko yung rates for normal and CS delivery, nagpalit na kami ng hubby ko ng OB sa govt hospital.

Sa govt hospital na nilipatan namin, P15,000 ang babayaran tapos makakaltasan pa yun ng PhilHealth so malaki din ang menos sa gastos.

Masmarami pa kasi magiging gastos pag dumating na si baby so better na dun ang focus ng funds natin diba :)

God bless to all of us!
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: FayeP on July 21, 2011, 07:15:48 pm
Hi mga sis,

question po sa mga nakapanganak sa Ospital ng Maynila or other public hosp.  Kelangan po ba dun ako derecho magpacheck-up or ok lang sa health center malapit samin tapos magpa refer na lang ako dun pag malapit na manganak? kasi may nakapagsabi na pag dun ka sa Ospital ng Maynila nagpacheck-up, IE lang sila ng IE kada check-up mo...

pano po ba process?
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: meme on July 26, 2011, 01:21:29 pm
Hi all!

Tama yan mga sis! Kelangan nga natin maging practical.

Noong una kasi sa Makati Med pa ako nag papa checkup kaso nung nalaman ko yung rates for normal and CS delivery, nagpalit na kami ng hubby ko ng OB sa govt hospital.

Sa govt hospital na nilipatan namin, P15,000 ang babayaran tapos makakaltasan pa yun ng PhilHealth so malaki din ang menos sa gastos.

Masmarami pa kasi magiging gastos pag dumating na si baby so better na dun ang focus ng funds natin diba :)

God bless to all of us!

Hi mommy! Ask ko lang po kung saan ka nanganak? Naghahanap din kasi ako dito sa makati ng mababang rates na hospital. Novemebr po ang due ko, sa medical city ako nagpapacheck up ngayon pero tipid mode muna. TIA!
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: abril21 on July 27, 2011, 04:52:05 pm
hi mga mommies ako im planning n s east ave mnganak. though s cpitol ako ngpacheck up for 7 mos. s capitol 50 to 60k  s ward un at normal lang what more kng cs ako db. while s bgong ob ko 25k all in na nkaprivate pa ako s east ave. at mabait p yung o.b.  ko unlike s capitol msungit n ang mhal pa.

marami n dn ako nkkausap n mommies s east at ok naman yung delivery nila s ob ko
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: FayeP on July 27, 2011, 06:06:12 pm
Saan pa po bang public hospital dito sa manila maganda manganak??

Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: kaisuke on July 27, 2011, 06:49:50 pm
Hi mga sis,

question po sa mga nakapanganak sa Ospital ng Maynila or other public hosp.  Kelangan po ba dun ako derecho magpacheck-up or ok lang sa health center malapit samin tapos magpa refer na lang ako dun pag malapit na manganak? kasi may nakapagsabi na pag dun ka sa Ospital ng Maynila nagpacheck-up, IE lang sila ng IE kada check-up mo...

pano po ba process?n

hi! ang alam ko, ayos lang na sa center ka pa check up. kpag public hospitAl. basta pag manganganak ka dala mo yung record mo. or much better at least amonth b4 due date mo, ay pacheck ka dun sa governmnt hospital na balak mu panganakan, para kahit pano maging familiar ka sa place para in time of your delivery ay hindi na kayo mangapa, especially kung first time mo na pumunta sa hospital na yun. basta pag mag papa check up ka bring your record from the center, para may basis sila nung flow ng pregnancy mo so they will know how to handle your pregnancy. :)
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: ACI_GIRL (^.^,) on July 28, 2011, 11:33:32 am
hi mga sis's

ako i give birth sa Ospital ng MAynila nung 2006
sa public lying in (helath center  ako nag papa-prenatal
nung time ko sinasabi nila na pag 1st baby kelangan sa Hospital talaga manganak.

basta pag showtime na kelngan dala mo yung pink chart/record mo from the clinic/ kung san ka nag prenatal
pati ultrasounds and kung kaya mo dalhin mga iba mo pang labtest like sa blood dalhin mo.

ang expirience ko sa OM di masyado ok.
that time kasi blockbuster sa dami ng nanganganak and parang first come first serve sa bed.
and depende pa sa facial expression mo kung ikaw na ang aasikasuhin or yung iba pa.

11pm ako nag punta sa emergency room ininterview ako ng doctor then ie after. 3cm pa lang daw
and sinabi niya na maglakad lakad daw muna ako... pag nafefeel ko na na parang malalaglag na chan ko nag papa ie ako para macheck kung malapit na kaso di pa nga daw... pinalakad ako hgang 5am

tas siempre masakit na din pakiramdam mo and parang kaaway mo na lahat
pag lalapit ka pa lang sa doctor sasabihan ka na na di pa yan... kasi alam ko ang mukha ng manganganak
pag di na maipinta mukha mo un na un...

so lakad pa din ako sakit na legs ko tas nag mapa cr ako may blood show na sinabi ng mama ko na may blood na saka lang nila ako pinansin. kala ko game na pinahiga na ako tas pag ie ayun nataranta na sila na dalhin ako papuntang delivery room wala pa ako dextrose etc. and walang hospital gown naka daster lang aku sa kung ano yung suot ko when i arrived.

tas nung nasa delivery room na sang katerbang students ang nandun... akala ko nagkamali ng pasok yung nagtutulak sa higaan ko un pala un nga talaga ang delivery room. tas alam mu un nakangiwi ka na pero naka show yung flower mo at may nag vivideo pa and nagchichikahan yung iba alam mu yun parang classroom talaga. sabi ko sa doc baket may ganyan? di sya sumasagot... tas alam mo un di ka makapag concentrate kasi pag naire ka naririnig mo na nagpupustahan yung mga students kung ano gender ng baby ko (KALOKA?!) at inutusan pa ako na wag ko daw sasabihin kung ano... sabi ko sa doctor ano ba yan baket may ganyan? di ako komportable at lahat na masakit tas may mga ganun ganun pa... napansin din sa wakas so pinaalis ang mga students. 2hours ako na nag iiire ang hirap talaga.at naubos na lakas kokakalakad... sana sinabi na lang nila yung gagawin na paraan kung panu mag pupush kesa sa pinalakad ako ng bongga :( dahil nga sa wala na ako lakas mag push dinaganan na ako ng 3doctors kasi nga nabibintin si baby and worst thing na pwede mangyari is yung sa leeg pa aku tumilgil. buti naman at di un ngyari pero kapansin pansin yung pagka deform ng head ng panganay ko :( parang frankenstien :( pero naayos din naman nila hilot-hilot konti.

tas after nun pinalipat ako sa isa pang bed take note pinatayo ako ha wala na akong energy
tas naka bold ako (YUP wala damit burles itey) ang takip lang is isang lampin (alam nyo naman size ng lampin diba? so di ako magkanda ugaga kung anong part ang tatakpan ko?plus super ginaw ako, buti dumating na si hubby binigyan ako ng daster

tas nilipat na ako sa parang ward 6beds pero 2 kayo sa isang bed. kamusta ang pagpapahinga diba?
ni hindi ka makaunat masakit yung katawan mo at tahi pero keri na atleast tapos na, and nung binigay sakin yung baby ko sa isang parang glass na bed (yung pang nursery 3 silang baby nanakalagay (hala panu kung may sipon or sakit yung isa eh di hawa hawa na :(

hmmm bilang isang ordinaryong mamamayan ok naman ang naging karanasan ko with OM
yun nga lang napagod talaga ako sa lakad-lakad, ninerbyos sa ibang nanganganak lalo na na may isang girl na kinuha yung baby niya ng parang tong? (forcept ata un) and yung mga students nga na kinda nakakairita, yung bed na for sharing and yung mangilan na staff na ang susungit.

maybe pagod na din sila dahil sa load ng work
now im pregnant on my 3rd and parang mas pipiliin ko na lang sa chinese general hospital this time.
yun nga lang ipon to d max aku. GOOD LUCK saten :)
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: kaisuke on July 28, 2011, 01:58:40 pm
hi mga mommies ako im planning n s east ave mnganak. though s cpitol ako ngpacheck up for 7 mos. s capitol 50 to 60k  s ward un at normal lang what more kng cs ako db. while s bgong ob ko 25k all in na nkaprivate pa ako s east ave. at mabait p yung o.b.  ko unlike s capitol msungit n ang mhal pa.

marami n dn ako nkkausap n mommies s east at ok naman yung delivery nila s ob ko


grabe ang mahal naman pala manganak sa manila.. hmm dito kc sa pampanga 16k lang private hospital at well known na ob mo nun pag normal delivery, sa ward un
. pag cs arond 30-50k..
@ ACI_GIRL
un nga lang panget pag public hospital, mga nag duduty na STUDENTS.. good thing nun nanganak ako sa government hospital, walang students.
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: FayeP on July 28, 2011, 08:47:42 pm
Naku parang di nga maganda sis ACI_GIRL un experience mo dun.

un kasing colleague ko na dun nanganak mga 3 years ago, ok naman daw, siguro kasi siya lang sa room dahil ala siya kasabay, nun paalis na siya saka lang may dumating na 2 nanay na nanganak..

Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: chrysteena on August 02, 2011, 02:31:11 pm
hi mommy kaisuke!

san ka sa pampanga nanganak na 16k lang ang normal?
yung sister in law ko kasi due na niya sa sept... actually, we're both preggy and due sa sept.. haha. sabay pa ata kami. kaso, ako, dito ko sa bulacan, and she's in pampanga. since they are really on a budget, naghahanap kami ng ospital/OB na mura lang maningil jan sa pampnga.

Thanks in advance!

Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: kaisuke on August 03, 2011, 02:29:31 pm
hi mommy kaisuke!

san ka sa pampanga nanganak na 16k lang ang normal?
yung sister in law ko kasi due na niya sa sept... actually, we're both preggy and due sa sept.. haha. sabay pa ata kami. kaso, ako, dito ko sa bulacan, and she's in pampanga. since they are really on a budget, naghahanap kami ng ospital/OB na mura lang maningil jan sa pampnga.

Thanks in advance!

hi, sis. she can try kay dra. teresita santos or sa anak niya. clinic nila is banda st. scholastica academy or yung malapit sa sto. nino church san fernando. depends sa hospital na gusto niya panganakan yung package roughly 16k sa mt. carmel hospital sya yung OB. pwede rin sya tumingin ng OB sa AUF sa angeles city naman yun, si DR. PINPIN naman suggest ko dun. depende kc saan sya sa pampanga
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: FayeP on August 04, 2011, 03:32:21 pm
Hi mga mommies,

kahapon, nagpacheck up ako sa local health center samin, para may record nako kasi sila na daw ang magbibigay ng referral kun san public hospital manganganak

ok naman un mga staff (hapon un, expected ko madami kami sa pila, un pala ako lang patient, o nagkataon lang), pati un doc mabait din.  pero un doc, sabi niya, masyado daw mahal un mga prenatal vitamins na pinrescribe sakin, at bakit daw papalit palit kada month, un mga ginaganun daw ay malnourished mothers lang.  eh ayon sa timbang ko nun early pregnancy daw, di naman ako malnourished.  sabi niya, prescribe niya lang is OB max, once a day, tapos united home na iron at calcium lactate kasi magandang brand daw ang united home at murang mura compared sa prescribed sakin (iberet folic at caltrate).

sabi din ng doc kahapon, pinpili niya ako kun san ko gusto manganak na hospital within manila lang, kako sa Mother and Child hospital kasi I've heard na bago un hospital na un.. Sabi niya, magagaling daw doctors sa Mother and Child at complete un facilities compared sa ibang public hospitals, pero maganda din naman daw sa Ospital ng Maynila (dito ko gusto nun una).  Ala daw ako babayaran kahit magkano, kasi taga maynila ako..tipid!!!!

pero balik pa din me sa OB ko sa Chinese Gen next week hehe pra 2 sila (di kaya ako malito kun sino susundin ko)..napahaba kwento ko
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: FayeP on August 05, 2011, 02:58:36 pm
Hi!!

Sa mga nanganak po sa public, may binayaran pa po ba?? may choice po ba tayo na pumili ng room? o sila mag assign satin??

kunyari, gusto ko private room, mga magkano po kaya un? (may private room po ba sa public hospital???)


thanks mommies
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: on August 06, 2011, 10:23:22 pm
^sa pgh may private room. SA ibang public hospital walang private room, it's just a regular ward or the cleaner philhealth ward
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: raine12 on August 07, 2011, 01:41:22 pm
im 39 wks pregnant im planning to gave birth s public hosp lang or lying in clinic kc pangatlo ko na rin naman ito.. nung 2nd child ko pinanganak ko s OM medyo d maganda karanasan ko dto.. kaya mas fil ko ngaun mnganak s sta. ana hosp nanganak yung kumare
ko last july here dumalaw sko grave ang sosyal fully airconditon pa yung ward at isa lang sa kama unlike sa OM dalawa kami sa kama plus baby pa bale apat mgkabaligtaran..
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: on August 08, 2011, 10:38:31 pm
korek sis. bagong hospital kase yung sta, ana hospital, jan din nanganak yung classmate ko. ok naman experience niya
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: FayeP on August 11, 2011, 05:13:02 pm
mommy raine12 and ana mimi,

sabi nun OB dun sa health center namin, maganda daw un sta ana kasi bagong bago at aircon pati lobby at hallway...

kasi pinapili niya ako eh kun san ko gusto, tinanong ko siya san maganda, sabi niya mother and child sa binondo at un bagong sta ana kun sya daw masusunod. since malapit ako sa binondo,  sa mother and child na lang. sabi nun OB complete daw facilities sa mother and child... at malinis talaga.  napuntahan ko na siya, kas osa baba lang ako di ako nag ikot. malinis nga, un nga lang, since public un, madami tao. pero madami din upuan sa waiting areas at helpful un mga staff kahit tanghali na at harassed na sila...

parang gusto ko din sa sta. ana pero malayo na sakin eh...
may private rooms kaya dun?

Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: meme on August 12, 2011, 04:03:53 pm
Mommy faye magkano po sa mother and child sa binondo pag hindi taga manila? meron ba dun semi-private rooms? thanks
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: FayeP on August 12, 2011, 05:13:56 pm
Sis meme,

di ko know pa kun magkano un babayaran if di taga manila eh, pero since public hospital un malamang minimal lang ang fee.  saka di ko pa din know if may private  or semi-private rooms sila but most public hospitals don't have private rooms or kun meron man, konti lang bayad. 

pagbalik ko dun sa healthcenter sa monday, I'll ask the OB kun meron private rooms at magkano if ever..

saka ask ko din kun puwede me magpunta dun just to have a look sa DR nila,, sa mga rooms... nagpunta kasi ako dun nun july, di pa ako nagpapacheck-up sa healthcenter nun, tinignan ko lang kun malayo. sa lobby lang ako pero ok lang bago nga kaso dami tao nun time na andun ako
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: raine12 on August 22, 2011, 11:05:02 am
mommy faye sa hospital ng sta. ana my private sila na rum dun private ward ang tawag nila.. sayang nga kc nanganak nko last aug 9 pero hindi dun sa lying in lang kc d nko pinakawalan ng lying in dhl mlpit n daw lmbas c baby.. tapos pag nsd ka puwede ka magpa painless worth 200 or 300 pesos lang ata..
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: raine12 on August 22, 2011, 01:47:40 pm
mommy faye sa hospital ng sta. ana my private sila na rum dun private ward ang tawag nila.. sayang nga kc nanganak nko last aug 9 pero hindi dun sa lying in lang kc d nko pinakawalan ng lying in dhl mlpit n daw lmbas c baby.. tapos pag nsd ka puwede ka magpa painless worth 200 or 300 pesos lang ata..
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: FayeP on August 24, 2011, 12:14:59 pm
talaga mommy raine12?? may private rooms dun sa sta ana??? puntahan ko nga to sa restday ko tignan ko kun malalayuan ako...pag keri naman bumiyahe eh di dun na lang kasi sabi nga nun OB sa healthcenter, 2 ang pambato talaga ng manila ngaun na public hospital, itong sta ana at un mother and child...

gusto ko makita tong sta ana para malaman ko kun keri ko to ibiyahe, para may option pa na iba heehe

200-300 lang ang painless nila?? as in ang baba noh???

naexcite tuloy ako puntahan to, silipin ko lang heheh.  thanks
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: raine12 on August 26, 2011, 02:12:33 am
mommy faye yap sabi ng kumare ko na nanganak dto nag pa painless sya daw bnyran niya lang daw is 300 pesos tas naka private room sya mga 5-6k lang daw bnyran niya di pa daw less yung philhealth last june 27 lang sya nanganak dun pero my refferal kc sya n bngay ng councilor ng 4th district kaya bka dun dn daw cgro kaya mdyo na less sya sa painless..
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: FayeP on August 26, 2011, 01:15:34 pm
ah ganun pero mura na din un less than 6 tapos painless at private room pa di ba?? kun naless pa un philhealth lalong mababa un...

tignan ko un sta Ana hosp sa rest day ko next week, tignan lang heheh

Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: sheehan on August 26, 2011, 07:05:41 pm
mga sis,share ko lang po.. nagpunta po kami ng husband ko yesterday sa QMMC para magpacheck up and para magkarecord dun kasi sabi sabi sa akin mas maganda kung magka record daw kame sa public hospital.. sobrang haba ng pila para sa check up sa ward, kaya ang ginawa namin pumunta kami sa payclinic since check up pa lang naman kasi nagmamadali din kami, aasikasuhin din kasi namin yung sa SSS ko pati yung philhealth..

during may check up, ask ko na si OB kung may package ba sya kasi im 5 months and 3 weeks preggy kaya naghahanap na kami ng hospital.. pagka-ask ko kung may package ba sya, NGUMIWI sya sa amin before sya sumagot sa question ko.. tapos direkta niya kong sinagot na wala syang package.. 15k - 20k daw yung PF, 3 doctors na sila dun.. tapos ask niya ako kung sya ba mismo magpapaanak sa akin or magpaparefer lang ako sa ward.. sinabi ko sa kanya na magpaparefer ako (nagsisi tuloy ako bakit sinabi ko yung totoo, andaldal ko kasi.. hehe) medyo tumaas yung boses niya tapos obvious na nasira yung araw niya dahil dun sa direktang sagot ko, hindi lang daw ako ang gagawa ng ganun sa kanya.. tapos yung husband ko ask niya kung magkano yung private rooms nila doon.. sabi sa amin tanungin daw namin sa information, ayaw a kaming sagutin ng maayos, pero sabi niya 1.5 k daw private.. maglying-in na lang daw kami.. ilang beses nyang inulit ulit yun.. syempre, andating sa amin ng husband ko, minamaliit niya kami.. ask niya ako kung ano daw work ko, sabi ko kakaresign ko lang sa work ko, pati yung husband ko ask niya rin kung ano work.. paglabas namin ng clinic niya, sabi ko sa husband ko dapat pala sinabi natin dun sa OB, CEO ka para umamo sya ulit sa atin.. tinawanan lang ako ng tinawanan ng asawa ko kasi talagan gigil na  gigil ako sa naging reaction ng OB.. sabi niya tuloy sa akin hanapin daw namin yung anesthologist para daw kumalma ako.. dun lang ako naging ok kahit pano..
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: FayeP on August 26, 2011, 07:51:25 pm
sis sheehan, bakit parang ang mahal naman ng PF niya kun public hospital lang naman un QMMC?
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: sheehan on August 27, 2011, 05:39:52 pm
government hospital yung QMMC, pero pumunta po kami sa private OB doon kasi sobrang haba ng pila ng check up sa ward.. since sa kanya po kami napunta, ask namin kung magkano na rin PF niya yung po yung sabi sa amin 15 to 20k, PF palang po.. pero nagulat pa rin po ako kasi mahal pa rin pala basta private kahit nasa government ka na.. :o :) tapos ang akala ko po pag sya po yung naging OB ko dun, sya rin po magpapaanak sa akin kahit sa ward lang ako manganganal.. hindi pala.. hehe.. wala po kasi ako idea,

kaw sis faye, san mo po plan manganak?
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: FayeP on August 27, 2011, 07:49:13 pm
sa mother and child sa binondo, bagong hospital kasi ito dito sa manila...pero titignan ko din un sta ana hospital kun di siya malayo gaano...kasi I was advised by the OB sa healthcenter samin na pag Manila resident ka, walang bayad dun sa mga hospital na un...dahil public hospital sila...kun meron man very minimal...

I have a coworker na nanganak sa Ospital ng Maynila, she only paid about 1K kasi nga manila resident siya...
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: Mariel Arun on September 23, 2011, 12:37:04 am
My househelp who's 6 months pregnant (bumalik after 2 years at heto buntis siya) dyan sa Sta.Ana Hospital manganganak. It took her 4x bago siya makapagpa-check up kasi sa dami ng gustong manganak sa ospital na yon dinagsa talaga ng mga buntis. She had to leave the house at 4am para pumila tapos by 6am uwi na dito, di na raw siya umabot sa number. Tyagan lang po ang need. Infairness, when I went to that hospital yong nagpa-check up tong si buntis ko, malinis, maganda at malamig.

If you want to give birth sa Sta. Ana Hospital sabi, you need to have your monthly check-ups there. The initial check up ang madugo kasi you have to be there as early as 3am. Pagkatapos ng initial check-up the nurses or OB will schedule you for your succeeding visits..you really have to be punctual para di malagpasan ang number niyo or slot. Marami kasing waiting.

Wala pong babayaran but you have to buy the supplies na gagamitin upon delivery eto po siguro yong mga gloves, syringe,..I told my househelp here to buy the KY jelly rin kasi sinabi ko di to ipoprovide ng mga doctors, masakit kapag i_IE ng walang jelly.

She's only 18 and her first pregnancy with her first boyfriend na naglaho ng bigla. Malaking savings sa kanya ang hospital na yan para makaipon siya ng pambinyag ni baby.
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: sheehan on September 30, 2011, 07:46:10 am
mga mommies question lang po..  :)

for example manganganak ka sa government hospital pero magprivate room ka, if ever, is it possible po ba ba magamit yung philhealth ko para sa hospital bills ko tapos philhealth naman ni hubby para kay baby?.. or this is applicable to all hospitals? parehas kasi kami may philhealth sayang naman kung hindi magamit yung isa sa amin.. hehe.. and how much din po yung maileless?
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: insensitive on September 30, 2011, 08:48:17 am
sis sheehan, kahit pareho nyo dependent si baby sa philhealth iisa lang ang pwede gamitin sa kanya..
basta accredited ng philhealth ang isang hospital, pwede yun sis..

nga pala nung nagseminar kami sa philhealth, they are promoting na manganak sa mga lying in or maternity clinic, no bill policy kasi daw dun..8500 ang sagot ng philhealth,pag lumampas ang billing dun wala pa ding babayaran,tas yung PF less [hilhealth pa din,reimbursible basta hingi lang daw ng OR..
if ever daw na emergency CS or other complications at dinala ka sa hospital cover pa din daw ng philhealth yun.basta itago lahat ng receipt para makapag reimburse

 mas konti ang bawas sa philhealth kapag sa private hospital..pag public malaki daw ang bawas
minsan daw hindi nama-maximize ng hospital yung philhealth kaya minsan under deduct tayo. May mail daw silang pinapadala, dun ang computation.pag kulang yung nabawas ng hospital pwede mo i-reimburse sa kanila yun.pakita lang daw yung letter from Philhealth.
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: sheehan on September 30, 2011, 03:46:22 pm
ayaw kasi akong payagan ng parents and ni hubby na magmaternity clinics or lying-in kasi 1st baby namin.. pero ako sana ang may gusto kasi jobless ako now, anlaki sana ng maitipid namin.. magamit pa sa binyag and etc. yung maitipid.. sabi ko nga kay hubby, since ayaw nyo ko dun and gusto nyo pala ng hospital ako, maglabor na lang ako pero private, kasi nabasa ko rin dito na malaki nga daw makaltas pag gov. hospital.. ask niya ako kung sure na daw ba ko kasi manggaling pa kami sa Parang Marikina, baka daw manganak na ko sa taxi pa lang.. hehe..

matagal po ba pagnagpareimburse sa philhealth? mostly ilang days or months para process?
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: -joanamber- on October 01, 2011, 01:10:26 pm
sis, try mo sa Santa Ana Hospital.. New equipments kasi dun tpos galing pa mga doctors.
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: sheehan on October 01, 2011, 01:53:37 pm
sis, san yung sta. ana hospital?.. dito kasi ako sa parang marikina..
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: on October 05, 2011, 07:42:34 pm
dito yun sa may sta. ana manila.
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: princessneena on October 11, 2011, 12:31:57 pm

Hi mommies,

It will be the first time na I'll give birth, na walang financial help from our parents. Yung first baby ko kasi shouldered ng parents ko ang expenses. The first time I gave birth sa Antipolo, eh 10k lang ginastos nila mama since yung PF nung OB, Pedia at Anes eh walang bayad (kakilala kasi). So right now with my second baby, iniisip namin ng partner ko kung san ako pwede manganak, since siya lang naman yung may work sa  amin. I told him na sa public hospital na lang ako sa  Cabuyao, pero I worry a lot kasi it will be my first time to stay sa ward, tas ang daming tao. Baka mamaya hindi rin kami ma accomodate ng baby ko. Do you know any cheap hospitals aside from public hospitals? In Binan, Sta. Rosa, Cabuyao and Calamba vicinity lang please
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: mama-ni-miggy on October 13, 2011, 07:11:43 pm
mga sis,share ko lang po.. nagpunta po kami ng husband ko yesterday sa QMMC para magpacheck up and para magkarecord dun kasi sabi sabi sa akin mas maganda kung magka record daw kame sa public hospital.. sobrang haba ng pila para sa check up sa ward, kaya ang ginawa namin pumunta kami sa payclinic since check up pa lang naman kasi nagmamadali din kami, aasikasuhin din kasi namin yung sa SSS ko pati yung philhealth..

during may check up, ask ko na si OB kung may package ba sya kasi im 5 months and 3 weeks preggy kaya naghahanap na kami ng hospital.. pagka-ask ko kung may package ba sya, NGUMIWI sya sa amin before sya sumagot sa question ko.. tapos direkta niya kong sinagot na wala syang package.. 15k - 20k daw yung PF, 3 doctors na sila dun.. tapos ask niya ako kung sya ba mismo magpapaanak sa akin or magpaparefer lang ako sa ward.. sinabi ko sa kanya na magpaparefer ako (nagsisi tuloy ako bakit sinabi ko yung totoo, andaldal ko kasi.. hehe) medyo tumaas yung boses niya tapos obvious na nasira yung araw niya dahil dun sa direktang sagot ko, hindi lang daw ako ang gagawa ng ganun sa kanya.. tapos yung husband ko ask niya kung magkano yung private rooms nila doon.. sabi sa amin tanungin daw namin sa information, ayaw a kaming sagutin ng maayos, pero sabi niya 1.5 k daw private.. maglying-in na lang daw kami.. ilang beses nyang inulit ulit yun.. syempre, andating sa amin ng husband ko, minamaliit niya kami.. ask niya ako kung ano daw work ko, sabi ko kakaresign ko lang sa work ko, pati yung husband ko ask niya rin kung ano work.. paglabas namin ng clinic niya, sabi ko sa husband ko dapat pala sinabi natin dun sa OB, CEO ka para umamo sya ulit sa atin.. tinawanan lang ako ng tinawanan ng asawa ko kasi talagan gigil na  gigil ako sa naging reaction ng OB.. sabi niya tuloy sa akin hanapin daw namin yung anesthologist para daw kumalma ako.. dun lang ako naging ok kahit pano..


[/size]@ sheehan

Hi! Nakuha mo ba yung pangalan ng ob sa pay clinic. Balak ko rin kasing mag-pay clinic sa QMMC. Nirecommend nung OB ko dito sa clinica manila (Dra. Theresa Milan) si Dra. Mahusay, consultant raw sya sa QMMC pero pupuntahan ko pa lang sa Monday. Nanganak ako this year sa QMMC, Philhealth ward, tapos CS. Okay naman overall kaso shempre may mga bloopers at sablay sa hospital. Kung pwede lang sana, ayoko nang manganak ulet sa QMMC pero wala kaming money. Unplanned pregnancy itong sa kin. 8 months pa lang ang baby boy ko, almost 4 months preggy ako so ang EDD ko, third week ng March 2012.

Nabasa ko yung mga threads. Grabe! Nakakalula ang manganak sa private. Until now, hindi ko pa rin alam kung san ako manganganak. May sinabi sa kin yung officemate ko dati na mag-inquire ako sa charity ward ng St. Luke's. Magtatanong-tanong rin ako. Haist! Ang hirap pag nasundan agad! Wala kaming ipon!  :-[


Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: sheehan on October 14, 2011, 05:41:58 am
sis if im not mistaken, si dra. favillar po yung name ng nagcheckup sa akin dun.. i were you, wag sakanya kasi matanda na po.. hehe.. parang mga 50+ na and masungit.. hehe.. ;D once lang po kami nagpunta dun ni hubby.. ang mahal din ng pf niya kasi painless daw kasi.. pf niya sa NSD yan sis ha.. hindi na niya sinabi sa akin yung rate pag CS..

sis, magkano bills mo sa philhealth ward ng QMMC?..kasi i decided na magmaternity clinic na lang ako tapos if ever na ma-CS ako (wag naman po sana) e sa QMMC na lang ako para makamura.. 1st baby ko po kasi..
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: mama-ni-miggy on October 14, 2011, 10:54:07 am
@sis sheehan:

Kung wala ka namang issues sa katawan (diabetes, or gestational diabetes, rheumatic heart) at kung sa tingin mo, kakayanin mo, mag-maternity clinic ka na lang. Basta, you have to make sure na reliable yung mga doctors at walang naging anomalies or issues sa mga pasyente nila before.

Anyway, nung nanganak ako sa QMMC last Feb 16, nasa Philhealth ward ako. 5 days and 4 nights ang stay ko so umabot ang bill ng Php 25k. Pero nabawasan ng 11k c/o Philhealth. So, mga 13k na lang, tapos inilapit ng mom ko sa Social Welfare, naging Php 8,500 na lang yung total bill namin.

If I have a choice, ayoko na sanang manganak ulit sa QMMC kasi marami silang pasyente talaga at di ka na nila maasikaso minsan. In fairness to them naman, maganda ang pagka-CS sa kin. Sabi nga nung OB ko sa Medical City, maganda raw yung pagkakatahi sa kin.  ;) Kaso, wala kaming ipon dahil 8 months pa lang yung first born ko. Hindi sinasadyang nasundan sya agad. 4 months na ko now, so pag 1 year ni first baby sa Feb. 16 next year, ipapanganak ko naman yung pangalawang baby namin. Sakit sa ulo! Pupunta ako ng QMMC sa Monday kasi wala akong pasok. Until now, naghahanap pa rin ako ng pwede kong panganakan na hindi masyadong mahal. Hopefully, makakita ako ng maganda pero affordable na hospital.
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: sheehan on October 16, 2011, 06:55:14 pm
so far sis wala pa naman akong narinig na masama dun sa maternity clinic na yun.. pero hindi ko pa napupuntahan yun now..  :) dami ko kasi ginagawa.. pag 9 months ko na, magpapalabtest ulit ako ng para sa uti, etc.

nung pumunta kami dun, grabe ang haba ng pila para sa check up.. kaya nag payward na lang kami.. taga san ka ba sis?.. yung sis ng fiancee ng kuya ko sa ospital ng maynila nanganak CS last april.. maganda naman daw.. tapos nagpakain na lang daw sila dun kasi wala silang binayaran.. except sa mga bulak, etc.. may mga nabasa rin ako dito sa sp regarding sa ospital ng maynila.... malayo kasi kami dun eh, sayang..
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: sether on November 23, 2011, 02:00:17 pm
Share ko lang mga sis since public hospital din ako nanganak nung first baby ko. Yung OB ko dati is from Lourdes Hosp. sa may Mandaluyong kasi mas malapit kami dun kaso nung malaman ko na CS ako kasi breech at sabi nung OB maghanda ako ng 60k eh umuwi kami ni mother in law dito sa province sa Bataan kasi mas mura daw at nurse din yung pinsan nila. 5k-7k ata ang nagastos namin libre kasi yung doctor hehe pancit lang ata pinadala then yung anesthesiologist eh nasa 1k ata lang kaya super mura then. I'm on my second baby now at since dito na kami stay sa province eh dito na din ako ulit manganganak hehe. Bago na yung hospital so I think malinis naman iniba na kasi simula nung nanganak ako 6 yrs ago. Hopefully nasa ganun pa din yung gastos wala kasi kami philhealth and sss eh hindi na cover kasi na miss ko yung isang quarter kaya too bad talaga sayang din ang benefits. May nakausap kami classmate ata ng asawa ko dati naka 500 lang ata daw sya sa binayaran niya normal delivery naman ata sya hehe. Sabi nung OB ko nung una ako nagpacheck up for this second baby eh pwede daw ako may normal or CS, parang takot na nga ako mag normal hehe.
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: momzen on January 29, 2012, 09:55:26 am
hi mga mommies ako im planning n s east ave mnganak. though s cpitol ako ngpacheck up for 7 mos. s capitol 50 to 60k  s ward un at normal lang what more kng cs ako db. while s bgong ob ko 25k all in na nkaprivate pa ako s east ave. at mabait p yung o.b.  ko unlike s capitol msungit n ang mhal pa.

marami n dn ako nkkausap n mommies s east at ok naman yung delivery nila s ob ko
====
Hi sis Abril21, natuloy kaba sa East Ave MEdical Center? KElan EDD mo? Pwede ba malaman sino OB mo. Sis balak ko din lipat galing din ako ng Capitol MEd at same lang tau ng quote, nakakapanlumo hay....help me naman sis. Bigyan moko hint...Thanks
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: adaengkantada on February 01, 2012, 08:36:30 pm
hi mommies!

ako both times sa PGH ako nanganak. CS din pareho.

sa 1st baby ko, mga 20k lang nagastos namin, Pay Ward para mas mura kesa private room, pero aircon ang room at yung OB mo din ang aasikaso sa yo.

sa 2nd baby, nasa 30k na ang gastos. same pa rin, pay ward.

tipid na rin pero hindi naman uncomfortable ang feeling. ok nga kasi me makakachika kang ibang nanay or lola kapag bored ka.
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: mauisalang on February 03, 2012, 05:54:31 pm
hi mommies!

ako both times sa PGH ako nanganak. CS din pareho.

sa 1st baby ko, mga 20k lang nagastos namin, Pay Ward para mas mura kesa private room, pero aircon ang room at yung OB mo din ang aasikaso sa yo.

sa 2nd baby, nasa 30k na ang gastos. same pa rin, pay ward.

tipid na rin pero hindi naman uncomfortable ang feeling. ok nga kasi me makakachika kang ibang nanay or lola kapag bored ka.

Hi Mommy adaengkantada! Kelan ka nanganak sa 2nd baby mo? Plano ko rin manganak sa PGH.
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: adaengkantada on February 05, 2012, 12:40:47 pm
@ mauisalang

last jan 24 2011 ako nanganak dun.

hanapin mo si dra. aguilar. sya yung doctor ko dun. teka, exclusive pala sa 30k na sinabi ko yung pf niya, arnf 18k din kasi pala yun.
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: working_girl88 on February 06, 2012, 11:24:23 am
sa QMMC ako nanganak, pay ward. ok naman yung naging experience ko kahit public yung hospital. wala akong philhealth kaya 26k ang binayadan namin, NSD ako. 2  1/2 days kami dun. si dra eleanor de vera ang OB. mabait and hindi ka peperahan. i recommend her kasi ang daming advice and chika about pregnancy. sarap kakwentuhan. ;D
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: crazykikaylen on May 09, 2012, 06:17:31 pm
@trinity_ata

hi sis! would u know how much it would cost pag dun sa private area nila? kasi plan ko din dun manganak. wala kasi ako philhealth and sss. i'm due either last week of may or first week of june eh. may tendency na ma-CS pa ko kasi mataas ang blood sugar ko and baka maging malaki si baby. hope to hear from you. thanks! :)
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: annekjarki on July 11, 2012, 02:34:42 pm
Hi!  :)

ask ko lang po baka meron sa inyo mganganak or nganak recently sa ospital ng maynila? pa share naman ng ginastos niyo and experience much better if cs kasi sched cs ako...
malapit na ko manganak mga 3 weeks nalang at hindi pa fully ayos yung details ko dun...
irerefer nalang kasi ako ng ob ko sa isang ob doon sa OMMC.

sana mahelp niyo ko with your sharings....ty
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: jamillahreign on July 11, 2012, 11:49:36 pm
mga  mommies share lang po...about  STA.ANA  HOISPITAL..;))


sta.ana hospital po ako nanganak last feb.19,2011.
yeah according to other sisses tama po sila daily check-ups ko po dun din need na po pumila as early 3am..but on my 7 months na po hindi na ako sumasama sa  hubby ko para maghintay ng maaga...8am pa kasi ang check-up nila..

ok naman po sa sta.ana..nung time na manganganak ako kahit isa lang yung doctor may nagbabantay sakin na isang nurse kahit 6 mommies kaming naglalabor sa labor room...but mahirap lang sa situation ko that time is 6am pinalalakad lakad ako then 9am IE 8cm na..so pinahiga na ako then 11am pumutok na water bag ko tapos dinala ko sa labor room...they say "crowning: na daw so nakikita na nila yung hair ng baby ko..eh isa lang yung doktora that time then my nagCS pa...so nauna yung cs sa akin pintgilid ako hilab ng hilab yung tiyan ko dahil naiinject na ako ng pangpahilab..then mga 12:00pm dinala na ko sa delivery ..may isang nurse na nagbabantay sa akin...then ire lang daw ako yung di ko na talaga kaya kasi di na humihilab tiyan ko umalis bigla ,,,then ilang minutes bago bumalik,,,OH MY ...todo pigil ako sa pag-ire kasi baka mamaya lumabas ulo ng baby ko malalglag dun sa nakasahod na plastic...mga 3pm need na raw i-push kasi malapit na daw yung head..so pussshhhh.....dumating si doctora save by the bell lumabas na rin baby ko by 3:30pm...haysssss


after nun sa recovery room na..tutulungan ka nila i-breastfeed si baby..

sa room maganda po aircon po then 1 bed for me and to my baby...1 lang po pwedeng bantayunless oras ng dalaw...8am-8pm po oras ng dalaw[....libre foods breakfast,lunch and dinner ....mas maganda na rin po kung may maghahatid sa inyo ng food kasi wala pong lassa yung food nila hehe;))))

wala po akong binayaran sa hospital maliban po sa newborn screening ni baby worth 600php
then naka almost 3k lang po ako sa pinabili nila na mga needs sa panganganak ko...so sulit talaga laking tipid....^_^

/size]
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: mandyislove on August 08, 2012, 04:22:53 pm
sayang now ko lang nabasa ito, last year papala itong thread...


Nanganak ako sa Ospital ng Maynila Medical Center (yan nakalagay sa busy ni baby ;D ) nung June 02, 2010. Nagka idea ako dito kasi yung friend ko sa uzzap dito daw siya manganganak at maganda daw dito. Yung tita din ni hubby na nanganak ng twins a year earlier dito din. So ayun punta ako dun around May 9, 2010 ata para magpaschedule ng check-up, June 9, 2010 ang schedule ko, 1 month in advance ang pagpapaschedule, siguro dahil nadin sa dami ng patients. Ginamit ko Manila address ni hubby kahit sa Parañaque kami nakatira. Then nung mga 3week of May nagka Bell's Palsy ako, 38weeks ako that time, sa OM nadin ako nagpacheck-up, yung check-up sana na aabutin lang ng less than 2 hours, inabot na ng gabi! Akala ko nga makakapasok pa ako sa office, pero hindi na, nagworry nga din mama ko nun, kala niya nanganak na ako kasi whole day ako wala. Inadvise pa ako ng OB dun na mag Eveprim which I never bought kasi nagkukuripot na ako that time at naisip ko ayoko pa manganak ng May, gusto ko kasi sa June ;D  Before pala nung check-up na yun pumunta muna ako ng OPD, gusto ko na kasi magpacheck-up kahit wala pa yung scheduled check-up ko dahil nga sa Bell's Palsy ko, ayun sinungitan ako nung OB kasi pabalik balik ako kasama yung lesbian na nurse-secretary na nagwoworry nadin siguro sa condition ko, sabi ba naman sa June 9 pa nga daw check-up ko at kung nagwoworry na daw ako sa condition ko eh di dumiretso na daw ako sa ER, kaya yun nga dumirertso na akong ER!


In less than a week nanganak nanaman ako, dinala ko lang yung index na binigay sakin nung nagpacheck-up ako a week earlier, same set of questions, natatawa pa ako dun sa intern, nung nagtatanong, "ah magiging maselan po ang mga susunod na katanungan..." ang sagot ko lang, "ah oo may idea na ako, tinanong na sakin yan last week eh. hehe" Kahit sobrang sakit na dahil naglalabor na ako may time padin ako mag-observe sa mga patients around me. That night ang daming tinatanggihan na patients sobra, panay pray ko na sana wag ako tanggihan at nagtitipid nga kami ni hubby, but I guess kapag Manila resident ka hindi ka pwede tanggihan kasi pero taga ibang lugar yung mga tinatanggihan nila, meron pa nga dun sabi nung OB "nagalaw" na daw, hindi ko pa alam exact meaning nun, sabi lang ng ka officemate ko inattempt daw ipalaglag, pero deny to death namin yung magnanay at sabi yun din daw sinabi sa kanila sa ibang hospital. sabi pa nga ni Doc, "bakit ba dito kayo lagi pumupunta, dami naman ospital dyan! May East Ave..." Ilang oras din ako nag-antay sa ER, napanatag lang ako na dun talaga ako manganganak nung pinabili na ng gamit si mama at hubby, halo halo, sanitex, suture, IV cath, adult diaper, binili sa drugstore sa tapat worth almost P1,600. Pinatanggal damit ko at pinagtapis ako ng hospital blanket. Nalaglag pa yung IV cath bago ilagay, sinabi ko nga kay doc (alam ko intern lang siya) na nalaglag na yun at sa isip ko talaga gusto ko palitan ng bago. Ayun naka ilang tusok din, hirap hanapin vein ko. Eh di yun habang nag-aantay sa elevator, may nilabas ba naman from the elevator na patay na kahit nakabalot ng blanket kita mo malaki pa tummy, nakakapanglambot talaga!


Pagdating sa OR/DR pinalipat ako sa isa pang stretcher, imagine yung hirap na sobrang sakit na dahil naglalabor ka tapos mano mano ka lilipat dun, pinatanggal nadin yung kumot, in short wala akong suot papunta sa labor room, hindi ko na naisip ang hiya that time, naisip ko lang gusto ko maideliver safely si baby. Pagdating sa makeshift labor room na gilid lang ng OR, pinalipat ulit ako ng isa pang stretcher na mano mano, at binigyan ng pillowcase as sapin, nilagay din sa tummy ko yung pagmonitor ng heart rate ni baby, buti at nauna ako kasi yung sumunod sakin walang ganun... every now and then IE si doc, naririnig mo din na may nanganganak sa DR na ilang steps lang ang layo, nung hindi ko na talaga kaya, tinawag ko na si doc, ayun lipat ulit sa stretcher, sabi ko hindi ko na kaya at baka mapaanak na ako, wag daw, that time medyo inalalayan na ako, nasanggi ko pa nga yung dextrose stand nung katabi kong naglalabor... Pagdating sa DR, lipat ulit, sa delivery table naman, after konting ayos, pinapush na ako, first pursh walang dating, tinanong ko si doc kung isa pa ;D  then nung second push lumabas na si baby! eto na yung worst part, episiotomy na! may anesthesia daw, pero sobrang sakit talaga, panay ouch ko, naartehan ata sakin yung nurse at ginaya ako...


Ilang hours din ako sa recovery room, siguro dahil wala pang vacant na bed, 4:39am ako nanganak, mga after around lunch time dinala na ako sa room, 2 in 1 bed, nung late afternoon tsaka hinatid si baby, nadelay compared sa ibang babies kasi nagsuka daw, inoobserbahan pa, kapag nailabas na daw kasi ng nursery hindi na pwede ipasok dahil sterile daw ang nursery. So ibig sabihin sterile din yung langaw na nakita namin nung viewing hours :o  Sobrang naawa lang ako kay hubby kasi nung around 11:30pm pinapalabas na siya, bawal daw bantay, nagstay lang sa labas ng hospital si hubby na nilalamok, bumili lang ng karton para may maupuan, sobrang hirap talaga, never ko naimagine na ganun mangyayari. The next day mga lunch time din, pinapa discharge na ako, nainis pa nga si mama kasi andun pa kami hinatid na agad yung next patient, ako nadin nagfile ng busy sa baba. Sabi nung friend ko na on the same day din nanganak pala, may mga payward daw, sana nga nag-avail na kami at naawa talaga ako kay hubby. Yung BIL din pala ng lolo ko head ata ng Pathology Dept, hindi ko man lang naapproach ni minsan... before discharge pala pinagdonate lang kami ng zonrox at powder soap... wala pang 2K ang gastos, mas malaki pa ata nagastos sa food kasi nagpadeliver pa kami ni hubby, nakakahiya lang sa ibang patients na nakatingin sa inyo at lugaw ang kinakain...


sorry po napahaba ang kwento...
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: annekjarki on August 15, 2012, 08:22:35 am
Hi! mommies :) nganak na din ako sa wakas :) via cs in OMMC last Wednesday 430am.
before ako magshare can relate talaga ako sa earlier post ni mandyislove...almost still the same pa rin ang procedure nila...

supposedly Monday August 6 ako mangnanak since schedule cs naman ako kaso noong nan doon kami sa OMMC may nagadvise sa hubby ko na may ibang paraan pa mas mura manganak doon.so aun yung supposedly "pay ward" na beauty ko inilipat ng charity.

ni reschedule ako ng Tuesday so ayun the next day kami bumalik despite the weather.aun.sa OB ER room ako tumambay simula 9am.pagkatapos ng interview ko sinubaybayan ko yung higit 15 plus na mga ina na naglalabor,nakunan,nagpalaglag,nganganank at iba pa. may 4 na nurse/doctor that time na pansin kong stress na stress (2 days straight na raw kasi sila nag duty,yung dapat kapalit nila di pumasok dahil sa baha). tuloy ang buhos na pagdating ng mga pasyente kala ko nga magnonormal delivery na ako sa mga na witness ko.habang hindi pa literal lumulitaw yung ulo ni baby,hindi ka dadalhin sa delivery room.karamihan sa patients sa malalayong lugar at grabe iba iba ang trip.sinabihan ako ng nurse mag antay ako muna dahil uunahin ang mga nagaagaw buhay at puno rin yung operating room.so aun mega rosary ako habang view ko lang yung mga nakikita ko doon.pati si hubby sa labas na shock din hindi mapakali. natapos ang Tuesday andun pa rin ako sa er room ng sinabi bandang 2am ng Wednesday go na ako sa operating room.430am ako nanganak den yung recovery stage then sa room na ako nilagay.take note walang elevator kaya nakastretcher me ibinababa sa stairs (parang nagrollercoaster pa ako) sa room panay cs kami mga 5 nanay andun.mahirap makapagpahinga sa kwarto saan ako nalagay.may ibang rooms doon na okey naman ang ventilation.nakipagchikahan ako sa ibang mommies doon at yung sad part lang is most of them think hindi porket charity ward (zonrox n sabon) ang babayaran ay mega susungitan na sila ng mga nurse o doctor.hindi rin lahat ng ina na doon ay nagiinarte kaya kelangan sigawan.
for me...kung may budget ka naman talaga mas comfy talaga sa private pero kung wala talaga at napunta ka sa public...expect mo na yung mga bagay na hindi ganun ka okey ang tanging panaga mo lang talaga mahabang pasensya,puspusan na pagdarasal,alert na kasama (bantay) at ikaw mismo bilang ina be strong :)

p.s mga asa 7k pa din nagastos namin dahil sa mga gamot and dugo plus the zonrox and the bar of soap.
3 days lang ako nagstay sa OMMC. I'm glad im home and Me and my daughter are doing fine :)
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: Mommy V on August 16, 2012, 02:09:00 am
Oh my oh my .... nakakatakot ata sa public =( I wanted to give birth sa pasig city general hospital, but I'm so worried lalo na repeat CS ako.....
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: YanYanYanYanYan on September 11, 2012, 05:07:10 pm
At......


Bigla daw akong kinabahan sa mga nabasa kong post ng ating mga Sissies. Isip ako ng Isip kung pano ko mapagkakasya yung budget namin na 40k sa panganganak and I was already thinking of giving birth sa Lying in. As of the moment sa CGH ako nagpapacheck up, charity kaya 20k ang quote skin ng Doc ko. And now my mom advise na sa Sta Ana Hospital na lang kung nagttipid ako since Govt and Manila resident kami...


Kaso sa mga nabasa ko about Govt hospital hindi ko alam kung kakabahan ako or what e...  ;D
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: rein29 on November 12, 2012, 09:54:05 pm
Hi mommies! I highly recommend Cardinal Santos Medical Center in Greenhills, San Juan City.
I gave birth there last February 2011, and although charity ward ako I was really satisfied with the their service and facilities. I wasn't supposed to give birth there actually, kaya lang dun sa ospital na pag aanakan ko sana which was San Juan Medical Center, may baby daw na may sakit (infection) sa nursery that time, then since ruptured na yung bag of water ko since 5 am, and 8cm palang din ako and medyo daw hindi maganda yung lagay ko, they advised me na humanap nalng ng ibang ospital. Kahit wala kming masyadong budget, I didn't think twice na pumunta sa Cardinal, ayoko mag risk pagbuhay na ang pinag uusapan. So we went there and learned na may charity ward naman pala dun. They have package also like for NSD is only 15k then for CS is 35K something. Resident doctors nga lang yung magpapa anak, but they're very kind, careful and very hands-on. So dun na ko nagpa confine, at first I was trying to have NSD, carry na sa bdget xe kapg normal diba, nag labor pa ko for more few hours kaya lang hindi pa din tlaga bumubuka yung pwerta ko. It was really painful na kaya nag pa epidural ako, lalong hindi tumalab xe hindi na ko maka ire. They advised na mag undergo nalng ako thru CS xe past 7pm na and dumumi na daw yung baby ko sa kaya need na daw talaga ilabas. Kaya ayun, I went thru CS, more or less 60k nagastos namin lahat lahat. Sa awa ng Diyos nakaraos din kami.
Take note: yung Labor room dun yung pinaka gusto ko. sa isang malaking room may mgandang division dun kada bed with TV each and each machine na ginagamit. After that dadalhin na sa operating room then sa recovery room. 5 rooms lahat napuntahan ko. Super linis pa. And nursery room is the best.
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: sweetpathfinder on January 18, 2013, 12:17:03 pm
good pm to all mommies! Inquire lang sana ako. Im currently pregnant kasi. Wala kami savings ng asawa ko since last august 2012 lang ako nanganak. So 5 months pa lang ang baby ko ngayon. Unexpectedly nabuntis ako ulit ang masakit nito CS ako.. Sa old hospital kasi na pinag anakan ko inabot ng 90k  :'( . Wala talaga kami budget this year. I am from Dasma Cavite. Pwede kaya na sa ospital ng maynila ako manganak?

Magkano kaya aabutin ang CS doon? Saka may alam paano ang proseso, like halimbawa kailangan ba manila address ang idedeclare ko sa kanila?? At kailngan ba na doon ako magpapacheck up para may record ako?

Thank you.. sana po may makabasa at magbigay po ng info sa akin.. :)
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: Akosibulinggay on January 21, 2013, 02:06:10 pm
Hi mommy sweetpathfinder! You can try trece general hospital in trece martirez, yung cousin ko at officemate dati dun nanganak, ang alam ko atleast 5 to 6 check ups ang requirements nila dun.. Yung cousin ko nsd, bale 2k yung nagastos nila pero narefund pa nila sa philhealth yun then yung officemate ko naman cs 2500 total naibayad niya.. Public hospital kasi yun, pero kung cs ka sa korean hospital gagawin yung operation kasi nsd lang ang ginagawa sa tgh..
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: Jiro2013 on January 21, 2013, 05:47:38 pm
hi po mga mommies im a newbie here ask ko po sana anyone experience or may kakilalang nanganak sa Perpetual Succor Hospital and Maternity first time mom po and medyo tight sa budget need magtipid since unplanned pregnancy po we're from QC po
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: Jenine Comora on December 05, 2015, 07:30:51 am
Hi goodmorning po. I'm 18 years old po. 8months preggy. Wala po akong sss or philhealth and i'm not married. Balak ko po sana manganak sa sta. ana hospital, normal delivery and ward lang. Magkano po kaya magagastos ko?
Title: Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
Post by: Charm Gutierrez on May 03, 2017, 03:20:42 pm
Hi anong araw po ang check up sa sta ana hospital