Parent Chat

Life => Love and Relationships => Other Relationships => Topic started by: unknown on July 30, 2011, 09:58:54 am

Title: Office Politics
Post by: unknown on July 30, 2011, 09:58:54 am
Have you experience this kind of inequality?
Maganda kung sa maayos na paraan nagagamit yon pero mostly hindi maganda ang results kasi.

I have experienced here at the office she's an immigration officer and my boss
whose a foreigner is friend daw niya.  Mayabang siya every tumatawag siya sa office
para kausapin ang boss ko instead of saying hello first she will say "Sino tong kausap ko?"
Gusto ko makausap ang amo mo, pero that time kasi my kausap si boss sabi ko tumawag
na lang siya ulit.  Tapos nung tumawag siya ulit nagkataon naman na my kausap nga sa phone
ulet. She got mad at pinagbibintangan ako na hinaharang ko ang tawag niya at sinabi pa niya
sino ka ba secretary ka lang kayang kang kita ipatanggal diyan kayong lahat diyan.
Hay grabe talaga yon walang manners...  :-\
Title: Re: Kumpadre or Kummadre / Kamag-anak System
Post by: yhamsloveŽ on August 01, 2011, 10:46:06 am
Nakakainit talaga ng ulo sis.. pero wag mong ibaba ang level mo sa kanya. Hangga't kaya mo try to be nice pa rin. (kahit gigil na gigil ka na..  ;D )

Hanggang bunganga niya lang yung sinasabi niyang kaya niya kayong ipatanggal. Wala ka namang violation sa pagsabi na "Ma'am tawag nalang po kayo ulit, may kausap lang po si Boss" kaya hayaan mo siyang magalit  ;D

Secretary din ako. Pag may callers at wala pa ang mga boss ko, sinusulat ko yung time, name of caller, message and contact number (kung ibibigay) ng mga tumatawag tapos nilalagay ko nalang sa table ng boss ko.

May mga tumatawag din na ayaw niyang kausap kase non-sense daw kausap. Pag ganon, ako na ang bahala kung paano hindi makakausap nung caller na yun ang boss ko.

It's true, meron mga nagagalit kase tinatanong nila kung pwede kunin ang mobile number ng boss ko pero sinasabi ko "hindi ko po alam eh", "secretary ka di ba? bakit hindi mo alam?" "pasensiya na po, hindi ko po talaga alam".

wala na siyang magagawa kahit ibalibag pa niya yung telepono.  ;D

Title: Re: Kumpadre or Kummadre / Kamag-anak System
Post by: ea_brea on August 08, 2011, 07:06:55 pm
ang sarap sagutin ng mga taong ganyan. pero tama si sis yhamslove. wag mo ibaba ang level mo sa kanya. kung kakilala nga sya ng boss mo, bakit sa landline siya tumatawag? meron namang cellphone.
Title: Re: Kumpadre or Kummadre / Kamag-anak System
Post by: mommy♥cheng on August 26, 2011, 08:46:10 pm
nakakainis naman yang ganyan sis parang walang pinag aralan naman sya hehe.. tama si sis ea_brea, hindi pinapansin mga ganun klaseng tao.. tska kung close nga sila bakit hindi na nga lang sa cp niya tinawagan diba?  8)
Title: Re: Kumpadre or Kummadre / Kamag-anak System
Post by: Mariel Arun on September 22, 2011, 01:43:22 pm
If she's an immigration officer then she works for the government. Next time she tells you that sis sabihin mo you also "have a relative sa civil service" and that you can also have her ousted from her work for such behavior and threats. Ewan ko nalang kung di matakot yon. This kind of behavior from government employees are unacceptable.
Title: Re: Kumpadre or Kummadre / Kamag-anak System
Post by: mariann on October 23, 2011, 12:23:22 pm
When in this situation, gustong kong sumagot ng "ma'am, i'm employed in a private company. You may have forgotten, the tax withheld from my salary goes to yours.". This really irks me up, but just like what sis yhamslove said, i don't want to level down with them. Pana-panahon lang sis, minsan tayo rin nagpapadrino system, but what's important is that we are not abusing the favor given to us.

But when i'm transacting with a govt agency, i am really expecting for good service kasi ang laki-laki kaya ng withholding tax ko! Hehe. ...
Title: Office Politics
Post by: mavictoyie on February 16, 2012, 11:53:46 am
i have this nakakainis na officemate.gusto ko na patulan minsan kasi parang nananaja na. dabog ng dabog hindi naman inaano. gusto ko nga sabihan na kung hindi na niya kaya trabaho niya mag resign na siya. kc dapat conscious siya sa mga katabi niya na baka maingayan sa ginagawa niya at baka hindi makapagwork ng maayos. kalalaking tao parang laging may dalaw eh. hindi ko na nga lang siya pinapansin kc mwawala lang akong focus sa work. ang work namin eh sa medical transcription so dapat tahimik ang environment. siya lang talaga nagdadabog sa team namin.
Title: Re: annoying officemate
Post by: Mommy France on February 16, 2012, 02:07:17 pm
Confronting this person may worsen things than do good.
There are 2 things you can do - tell your manager/supervisor or get in touch with HR.

Do it in a way na hindi magiging personal yung issues mo.
Be objective sa pagkakasabi mo ng statement mo kasi baka mag-reflect sa'yo negatively and baka lumabas ka lang na reklamador.

You can tell your manager or HR na may napapansin ka with the "officemate" and try to ask for advise on what you can do para di ma-affect sa mga nakikita mo.

Sometimes kasi ang mga ganitong instances sa office ay napapalaki imbes na naayos dahil sa mali or hindi pag-inform sa manager or sa HR.
Title: Re: annoying officemate
Post by: princess_isla on February 16, 2012, 07:51:50 pm
I think nothing beats talking to the person involved in an amicable manner.

I hope he does not get to your nerve often  ;)
Title: Re: annoying officemate
Post by: syndyela on February 16, 2012, 09:32:55 pm
Kung hindi mo kaya i-confront, or wala sa team nyo ang may lakas ng loob makipag-usap sa kanya about sa behavior niya, bring the concern to your (or her...girl ba yun?) supervisor para siya yung magsabi sa kanya in a way na hindi nakaka-offend (well, supervisors and managers should have the skill to talk to problem workers, hehe).

You can also suggest your team to have a meeting and during the meeting you can all say each other's strengths and points to improve (parang teambuilding session).  Sa ganun, everybody has a chance to say anything about everyone else and all of you can also explain.  Malay mo naman kasi may pinagdadaanan pala na malaking problema yung tao and she might just need a friend pala.... :)
Title: Office Politics
Post by: ♥♥♥ RXmom ♥♥♥ on April 26, 2012, 02:27:59 pm
Well how do I start.. hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm

Sabi nga we can't please everybody.. specially pagdating sa trabaho.

Different people with different personalities.. ilan lang ang makakasundo mo or
magiging totoong kaibigan mo sa trabaho dahil hindi maiiwasan ang office politics
kaya dyan masusubukan ang tunay na samahan or makikilala mo kung sino-sino ang mga..

1. inggitera,
2. back fighter,
3. sulsulera,
4. sipsip sa boss,
5. doble kara!

sa mga officemates/co-workers mo dahil mahirap makatrabaho mga ganyang klaseng tao.

Ikaw.. may na experience ka na ba regarding office politics?

Share mo.. dito mo ibuhos nafeel mo for them =)

Title: Re: Office Politics
Post by: kissablesam on April 26, 2012, 03:20:11 pm
I agree sis 101%

hmmm... makapag vent out na nga!

Imbyerna ako sa isang kasama ko dito sa work.. napaka DOBLE KARA!!! pag nakatalikod boss namin
imbyerna sya sobra at kung ano anong sinasabi pero pag kaharap na niya, HALA!!! Good image sya te?? Naloka ako ng bongga sa kanya!

I dont have issues with bosses. Ive had 3 different office works already, oks lang sakin kahit mabigat workload.
ang hindi ko kinaya is yung ugali ng mga taong nakasama ko which made me left them..

1. Inggetera
2. Sulsolera
3. Backfighter
4. Sipsip
5. Nanglalaglag
6. Tsismosa

Halos kapareho lang ng sayo. Ive met different office monsters already, and I bet. Yung mga akala mong worst na sa mga ka officemates mo. mine are worser.. katakot!
Title: Re: Office Politics
Post by: ♥♥♥ RXmom ♥♥♥ on April 26, 2012, 04:50:13 pm
ahaha! sis naku dami dito sa office namin.. kalurkey sila pero i don't care kasi wala akong mapapala sa kanila..tinatawanan ko na lang although before naku as in gusto kong gumanti.

share ko next time story ko but wag dito sa office baka may makabasa.. hehe
Title: Re: Office Politics
Post by: kissablesam on April 26, 2012, 05:31:34 pm
at natawa ako sa post mo sis haha!

hihintayin ko yan  :) masayang malaman na hindi pala ako nagiisa na nakakapansin sa mga OFFICE MONSTERS
diba sis?
Title: Re: Office Politics
Post by: Mrs. Anderson on April 26, 2012, 07:44:16 pm
Merged with existing threads of the same concern.

Please remember that the forum discourages posting materials that are defamatory and harassing a non-celebrity and non-members.
Title: Re: Office Politics
Post by: Mommy France on April 26, 2012, 10:29:02 pm
Dahil nali-link ang work ko sa HR (HR systems kasi ang handle ko) medyo nasasanay na rin ako sa paghandle ng mga concerns sa workforce. Mas naging open-minded ako.

First fact, hindi lahat ng managers ay leaders. Unfortunately, some people excel doing things alone and kapag na-promote sila tapos biglang may taong nag-re-report sa kanila, they wouldn't know how to handle it kasi nga sanay sila to do things on their own.

Basta ako I let my performance speak for me. At some point natuto na rin ako makipag-usap sa mga boss.
Happy lang ako at kahit yung boss ko ay hindi ko kapiling, nararamdaman naman daw niya yung presence ko.
Title: Re: Office Politics
Post by: ♥♥♥ RXmom ♥♥♥ on April 27, 2012, 01:15:33 pm
oooopps sorry may topic na palang ganito :D
Title: Re: Office Politics
Post by: KVsmommy on April 27, 2012, 02:16:13 pm
Na-experience ko na din to when I worked sa corporate environment (that's old news though, kasi di talaga mawawala dun ang office politics). But surprisingly, na-experience ko din sya when I started working from home! Akala ko pa naman wala na nun pag home-based work. So I learned na pag group of people talaga working for a company, whether sa corporate world or online man yan, hindi talaga maiiwasan na meron. :(

Fortunately, ngayon malaya na ko sa office politics, kasi I work directly with my clients na. Yung isa may middleman man, isang tao lang, and kasundo ko naman.

I did meet great, genuine friends though, nung nasa call center pa ko. And hanggang ngayon, friends pa din kami, para ko na nga silang family. :)

I remember I once told a good friend of mine na officemate ko before, she's really friendly kasi, ma-PR ba. Which is awesome talaga, kaya lang, it also made her 'vulnerable'. I told her talaga to be nice and approachable, but choose with caution the people that you get really close with. Sa 20 taong magiging kaibigan mo sa isang opisina, hindi malabong nasa 2 hanggang 3 lang dyan ang maituturing mong 'genuine' friends.

Iba-iba kasi ang tao, merong ilan na nakiki-friend dahil sikat ka, merong iba dahil mayaman ka, merong iba dahil may posisyon ka,  merong iba dahil naiinggit sayo at gustong makahanap ng kamalian mo, at meron ding iba dahil ikaw ang hot topic ng tsismisan nila at gusto niya ng 'inside scoop'. Masaklap na katotohanan, pero maiiwasan mo naman sila. :-) If you hear any idle talk about yourself na hindi maganda, hayaan mo na lang sila, sila idle ikaw may pinaglalaanan ka ng lakas at panahon mo na mas makabuluhan. :)


Title: Re: Office Politics
Post by: Angela Zhane on April 30, 2012, 03:28:08 am
Kahit mangibang bansa ka uso din dun ang pulitika. And sad to say kapwa mo pa Pinoy ang kalaban. Masakit isipin na lalo na yung mga tinuring mo pang kaibigan magagawa kang ipagkanulo para umangat. Mga taong nakasama mo ng matagal na panahon sa iisang bubong and all along akala mo kakampi.

Nakakalungkot pero eto yung reyalidad ng buhay. Pag nilamon na ng inggit ang puso, pinalalabo nito ang isipan. Hindi na mahalaga ang pagkakaibigan. Sa ganung sitwasyon, dapat magpakatatag, matutong ipaglaban ang sarili kasi walang gagawa nun para sayo. Pero mabait pa rin ang Diyos, He will never leave you empty meron pa ring maniniwala sa pagiging mabuti mong tao.

Sa ngayon masaya ako para sa taong ito, biniyayaan siya ng isang anghel when she least expect it because she believed makakaya niyang lampasan ang lahat basta may pananampalataya na hindi Niya siya pababayaan mag-isa. :)
Title: Re: Office Politics
Post by: syndyela on May 01, 2012, 10:51:02 pm
I soooo can relate.  hehe.  I learned na being in a corporate world (or siguro sa ibang institutions na din), hindi lang dapat sipag at tyaga ang meron ka.  Dapat marunong ka rin mang-sipsip, kumampi sa mas malakas, at makipagplastikan para makuha ang loob ng ibang tao at ng boss mo.  Actually ako wala naman akong naging problema sa mga naging boss ko, they are totoong mga tao.  Yun lang mga nasa paligid ko...and minsan, the bosses relies on how others see you (coz probably they don't have time to think kung ano isusulat nila sa performance appraisal, hehe).  So if hindi ka kilala ng iba or hindi approve ang iba sayo, gudlak nalang sa karir mo.

Siguro that is one of the reasons kung bakit hindi ako nagtatagal sa corporate workplace.  I know I'm hardworking, resourceful, blah-blah, and I bring in good work pero hindi ako yung tipong can climb up the corporate ladder...yung makipagsabayan sa ka-plastikan ng iba, makisabay sa politics inside the office...I'm so not that kind of person.

Anyway, habang I'm still in the corporate world, isa lang ang motto ko-- to work well and do the right thing.  Hindi ko na iniisip kung ano ang sinasabi ng ibang tao sakin at kung ano ang mga tsismis nila about kung ano-ano.  Basta, I will make the output and go...I am fed up of the corporate politics na talaga e. hehe.
Title: Re: Office Politics
Post by: pieyapie on June 11, 2012, 09:01:23 pm
Hay naku kakainis talaga yung mga co-workers na
1. ingitera
2. sulsulera/tsismosa
3. backstabber
4. reklamo ng reklamo sa trabaho

Pero usually these people are the laziest, most engot at sobrang palpak sa trabaho na co-workers. Kakainis nga lang minsan parang ang sarap patulan pero I don't. Talagang grabeng pigil sa sarili ang ginagawa ko kasi it is like stooping to their level. I am not like them. I learn to choose my battles. If these people make false stories about me usually they do it bulong-bulongan tapos once I enter biglang hihinto, I just tell myself it is not always about me. Also I tell myself it is for the better that they focus more on me than their work because sa sobrang inggit at kaka-back stab nila the more they commit mistakes in work and get reprimanded by the boss. So indirectly vindicated ako hahaha...
Title: Re: Office Politics
Post by: chococream on July 03, 2012, 09:42:27 pm
one of the reasons din at umalis ako sa office environment. mga 3rd reason lang. hehe, kasi hidni ako ang klase ng tao na sip sip, i work work work hard like a cow. pero i didnt get promoted for my hardwork, puro lang good job and excellent work, most often my work is dumadami kasi yong phrase palagi ng mga vp-managers, bigay kay sheila kasi i know she can get it done faster than ???...e engot kung hindi reklamadora. i get it done. pero ang taong lazy and wlang ginawa kung hindi magpaganda, mag facebook buong araw at mag breaktime almost 4hours sya pa ang na promote to manager level than me who is 3 years senior.

gladly wala na ako dun, and buti nga sa kanila  they knew that they lost a very valuable employee..until now contact pa din sila ng contact pabalikin ako, no way mamatay kayu lahat dyan.  ;D ;D ;D ;D ;D
Title: Re: Kumpadre or Kummadre / Kamag-anak System
Post by: gandangmorena on August 10, 2012, 03:28:54 pm
When in this situation, gustong kong sumagot ng "ma'am, i'm employed in a private company. You may have forgotten, the tax withheld from my salary goes to yours.".

TAMA! Agree! natawa ako sa comment mo mommy...Korek na korek!