Parent Chat

Pregnancy => Getting Pregnant => Pamahiin => Topic started by: unknown on August 12, 2011, 05:24:50 pm

Title: Pagka "Meron" Masungit
Post by: unknown on August 12, 2011, 05:24:50 pm
Mga sis naka-experience niyo na ba to na pagka meron masunguit kayo
na hindi niyo maiintindihan at parang nagagalit ka sa paligid mo.

Share po kayo!

mods: if meron pong same topic paki-delete na lang po. thank you.
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: mumzeth on August 15, 2011, 10:03:21 pm
oo kasi nakakairita may natulo, di ka makakilos so nakakairita talaga sya at pakiramdam mo sobrang mainit maalinsangan yung paligid.. kaya masungit na badtrip pa. :D
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: yhamsloveŽ on August 15, 2011, 10:37:30 pm
Ang alam ko, hindi ito pamahiin. It really happens and we have a scientific explanation for this. Ito yung tinatawag na mood swings. This is because of the hormonal changes that occur in our body.

Pero hindi naman laging negative ang effect ng hormonal change. Minsan intense ang happiness, minsan naman, like sis unknown said, yung basta hindi mo lang maintindihan.  ;D

Last week lang ang dali kong mabwisit. Meron kase ako. May nakita lang na maling ayos sa bahay namin, nainis na ako. Buti nalang pinagpapasensiyahan ako ng mister ko.

Ref: http://www.34-menopause-symptoms.com/mood-swings/articles/menstrual-cycle-changes-mood-swings.htm
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: CIB on August 16, 2011, 04:47:40 pm
PMS- Pre Menstraul Syndrome (tama ba?)

Tama si sis yhamsloveŽ dahil sa hormonal change. Scientifically explained naman talaga to sa babae  ;D Pero ako ok na pag "meron". Yung PMS and talagang mabigat sa akin. Yung bago magka "meron". Hate ko talaga yung days before. Every month hinahanda ko si hubby dito sinasabi ko malapit na ako magka "meron" kaya bawas to sa mga isipin namin kung bakit kami nag-aaway. Pasensyoso sya ng ilang araw talaga kasi hinihingi ko talaga. Adjusted naman na sya so thankful ako. Nakakatuwa kasi ito yung week na everyday akong may pasalubong na anything chocolate. Basta nagsabi na ako ng gusto ko ng chocolate alam niya na malapit na tumaas ang Red Flag  ;D  Hindi na sya kumikibo kahit anong topak ko. Bumabawi na lang after  :D
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: -joanamber- on October 01, 2011, 01:23:00 pm
nagiging masungit ako kasi iritable ako tska masama pakiramdam ko e. :) pero pag patapos na sya or mahina lang di naman ako topakin or moody.
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: kaijami on October 07, 2011, 06:55:22 am
yup true lahat mga sis na PMS and hormonal changes.. but in my case minsan lang..minsan naman masaya ako..siguro depende talaga sa moodswings mo..minsan naman super takaw ako..parang pregnant hehe... pero pagsumusungit ako sinasabi ko na lang "sorry meron ako" para understandble. ;)
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: annamariemomof3 on October 13, 2011, 01:07:06 pm
basta lam  ko pag merun ako sobrang berat ko. mahilkigf akong mang away over very little things at super iyakin ako then multiply that by 100 ganun  naman ako pag buntis.
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: dhangcabuang on October 13, 2011, 01:44:57 pm
hayblad at masakit ulo ko pag magkakaroon na ako...at di ko makontrol ang pagkamasungit ko..hihi
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: janapot on October 13, 2011, 02:55:40 pm
eh kasi naman mommy,
dami daming pain nararamdaman natin,
masakit puson, minsan masakit din ulo, masakit balakang..

tapos iritable ka pa, lalo na pag mainit.. nakakainis..

plus pa pag dami mo pa ginagawa..

ako kasi pag 1st day ko, parang feeling ko malalaglag yung something sa loob.. di ko alam kung ano..
basta ok pakiramdam ko pag nakaupo lang pero pag nakatayo, maglalakad, parang malalaglagan ako ng matres.. parang ganun..

so nakakainis,.. magsusungit ka talaga.. tapos uutusan ka pa..
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: mybhie06 on October 17, 2011, 07:34:32 pm
Haha yes maiinitin nga din ulo ko pag meron ako. Naku si hubby minsan hindi ko sya nareremind na meron ako kaya pinapatulan niya yung topak ko! hahaha!
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: mamacharis on October 17, 2011, 08:02:26 pm
pag malapit na ko magkaron mainit na ulo ko. marealize ko na lang na kaya pala mainit ulo ko kasi meron na.
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: mommy irene on October 18, 2011, 06:09:15 pm
i can relate.. ako kasi madaling uminit ang ulo ko.. alam ko na na magkakaron ako and alam na din ni hubby pag ganun na ang mood ko..

kasi nga naman, masakit puson, ulo and you need to do chores pa after office work, di ba.. tapos ang init ng pakiramdam feeling mo malagkit na ewan.. kakairita PERO pag nawala naman, back to normal..

normal naman ata sa ating mga girls ang ganitong mood pag meron..  ;D
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: -joanamber- on October 22, 2011, 09:13:16 am
@janapot
Agree ao sayo sis. Kasi pag meron tayo gusto lang natin humiga at wag kumilos. Pero di maiwasan kasi we need to look after the kids,insan nakakainis kasi ang kukulit. :)
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: toughmom moderator on June 28, 2012, 09:02:07 am
Monthly Cycles. This very user-friendly app keeps track of your menstrual cycle. Use this to record your PMS symptoms.
(http://www.smartparenting.com.ph/images/site-alpha/articles/monthly_cycles.jpg)
http://www.smartparenting.com.ph/community/staff-blogs/10-apps-i-love (http://www.smartparenting.com.ph/community/staff-blogs/10-apps-i-love)
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: ysLim on September 23, 2012, 02:33:09 pm
yes! super sungit. di ko mapigilan.
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: lykeil on September 23, 2012, 02:37:16 pm
Usually bago ako magkaroon super sungit talaga ako. Mabilis uminit ang ulo kaya alam ko malapit na akong magkaroon. Mahilig din ako maglinis ng maglinis.. hehe.. yun ang napapansin ko pag bago ako magkaroon kaya pag meron na ako, sobrang tamad ko na!  ;D
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: Morefun on October 10, 2012, 08:42:49 pm
 ;D natawa naman ako...yes, sis, pag meron ako, mabilis maginit ang ulo ko.  I asked my OB about it.  Ang explanation is because of the hormones during that period.  Pero, hindi din lahat ng babae ay nagiging moody pag meron.  Depende pa rin sa body make up mo.  ;D
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: Morefun on July 07, 2013, 08:19:37 am
Hi sis!  I think totoo po yun.  May mga studies na ginawa and sabi it's because the body is changing and something to do with the hormones.  I read it in books and magazines.  Correct me if I'm wrong, I think it's called PMS.  But again, depende pa rin po sa tao.  May mga babae na hindi matindi ang hormonal changes nila kaya hindi sila nagbabago ng mood kapag meron or bago magkaroon  :)
Title: Re: Pagka "Meron" Masungit
Post by: MommyniAddie on July 24, 2013, 03:41:23 pm
Hi mga sis!

i think its true, because of the hormones. Saka sino ba namang di maiirita nun especially kung sobrang lakas ng dalaw mo na halos di ka makakilos :)