Parent Chat

Pregnancy => Pregnancy Health and Nutrition => Topic started by: annie0312 on August 25, 2011, 09:43:34 pm

Title: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: annie0312 on August 25, 2011, 09:43:34 pm
Basahin sa Smart Parenting:
Pregnancy Symptoms Week 10: Nagsisimula Nang Mapansin ang Baby Bump Mo
Click HERE.
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2019/02/26/preg-week-10.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/pregnancy-symptoms-week-10-a00041-20190921-lfrm?ref=parentchat)

I'm at 13 weeks now pero parang hindi lumalaki ang tyan ko. I can still wear jeans although medyo masikip na sya sa waist. Sabi ng mga kasamahan ko sa work parang hindi daw ako buntis. Nahihilo pa din ako at ng susuka although minimal na lang sya ngayon unlike before. I'm done with my 1st trimester kaya dapat wala na ako morning sickness.

Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?

help mga sis! I'm so confused! :( (

Naka-relate ka ba? Mag post ng katanungan o payo dito
(https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply to join this discussion (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=34718).

(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: ♥_caramel_♥ on August 25, 2011, 09:55:13 pm
don't be so alarmed sis may mga moms lang talaga na di malaki magbuntis ,. when I was 5mos preggy i could still wear jeans or shorts na as in maikling shorts hehe ,. ok lang \kasi alam ko di talaga ko malaki magbuntis ,. pag check up mo with your OB diba chinecheck naman heartbeat ni baby pag ok naman rest assured na preggy ka talaga ,. and lalaki din yan just don't worry too much .
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: meme on August 26, 2011, 08:26:46 am
Mommy sabi nila pag panganay kadalasan maliit talaga ang tyan ibuntis. Ako nga 2nd pregnancy ko na pero nahalata ang tyan ko around 23 weeks. Even then, parang bilbil lang kasi tumataba na ako. Pag check up ng OB or ultrasound, nasusukat naman kung ok naman si baby sa age niya. Wag ka masyado magworry, congrats & goodluck  ;)
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: mizpah_karylle on August 26, 2011, 08:41:28 am
okay lang yan sis, sa baby ko nga 3 months na nahalata, nakakapag pants pa din ako that time. don't stress yourself too much. basta attend your pre-natal check-ups and enjoy your pregnancy.
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: casperthegoat on August 26, 2011, 10:28:29 am
yes sis, ako mga 5mos na nahalata ang tiyan ko, at nung mag 7-9 mos na ang laki naman parang kambal daw baby ko, pero kambal tubig eh kaya di din ako hirap nanganak. may mga mommy kasi sis na kapag nagbuntis di talaga halatang buntis, lalo na kung di ka naman tabain sis, ang importante sis yung timbang mo habang nagbubuntis ka at yung heartbeat ni baby. sabi nila lalaki ang tiyan mo kapag mahilig ka sa malalamig na inumin, pero i wont suggest na ganoon ang gawin mo dahil ikaw din ang mahihirapan at si baby, in time sis lalaki din tummy mo dahil lumalaki din si baby sa loob. ako naiinip din na lumaki agad ang tiyan ko e  ;D. sabi din ng mga matatanda, magsuot ka ng mga damit na pang buntis para mahalata agad ang tiyan mo. pero sis kung di ka naman tabain wag ka na magtaka kung bakit di pa halata tummy mo, and 13weeks pa lang naman sis. magtaka ka kung 8mos na tiyan mo di parin halata baka super payat naman ni baby, in time sis lalaki din yan, kausapin mo lang lagi si baby para ma feel mo siya sa loob kung di man mahalata ang tiyan mo.
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: kuliglig^^ on August 26, 2011, 05:40:06 pm
Hi sis! :) I'm 14 weeks na, and di pa rin halata tummy ko. Di tuloy ako makapag-inarts and makapagmaldits pag nagtutulakan na sa MRT, kasi wala pa naman akong tummy na maipakita.  ;D Ako rin nakakapagjeans na, pero sumisikip habang tumatagal.  :( Don't worry sis, normal yan.

Sa first pregnancy ko nga pala sis, umabot ako 20 weeks na hindi pa gaano halata. Parang bilbils lang.  ;)
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: annie0312 on August 26, 2011, 09:49:08 pm
thank's sa reply mga mommies. Less worried na ako ngayon dahil sa mga sinabi nyo. Payat lang ako mga sis at yung huling check up ko nag lost pa ko ng 6 lbs. Ok naman yung ultrasound ko. 175bpm ang heart beat ni baby at normal naman ang result. yung first baby ko mga 4 months na nahalat yung tyan ko. That was 7 years ago kaya parang back to zero nanaman ako sa experience pag dating sa pagbubuntis.

Salamta ng marami mga sis. The best talaga ang sp. :))
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: ♫jam.with.me♪ on August 26, 2011, 10:20:50 pm
 ;D

baka din kasi skinny ka masyado mommy kaya di rin halata. Maluwag na damit daw isuot para mahalatang buntis. Hirap nga lang kapag sasakay ka ng MRT, or bus, baka hindi maniwala sayo na buntis ka. I've been there, walang magpaupo sa bus, hindi kasi halata.. hehe

Good thing okay naman si baby, Congrats sis! Enjoy mo yan. :)
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: LLLA on August 28, 2011, 09:03:46 am
ako din mga 4 months na lumaki belly ko sa 1st pregnancy ko kasi skinny pa ko nun..eh ngayon 2nd baby ko medyo malaki na tummy ko kahit 6weeks palang kasi tumaba ako.. hehe! good excuse! ;D
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: mariann on August 28, 2011, 01:39:50 pm
don't worry, sis.  i'm already 6 months pregnant with our first child, but i don't look pregnant at all. 
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: kweykerz on August 31, 2011, 09:37:31 am
lumaki lang ng bonggang bongga ang tyan ko nung 5 months na ko  ;D
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: kuliglig^^ on September 19, 2011, 02:29:46 pm
Ako sis update lang, 18 weeks na ko this week... Halata lang ako pag fitted dresses, pero pag medyo baggy blouses and leggings or naka-slacks, di pa masyado. Although hindi na ata ako makahinga sa slacks ngayon.  ;D
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: honeybabyme on September 19, 2011, 07:12:36 pm
Pa join!
Me naman, 6months ako nakakapag jeans pa din and di pa masyadong halata, but when I reaches 7month biglang lagi ko at ang tyan ko.. ;D ;D
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: Shey♥Bry on September 20, 2011, 01:05:58 am
Hello po mga Mommies.. Ako 4 months nakakapag fitted jeans pa ako at fitted blouse and shirt. Pero nung naging 5 months, biglang laki ng tyan ko  ::) Biglang laki ko din.. hehe.

Normal lang po na hindi pa masyado halata pag mga 1st Trimester palang. Napansin ko kasi kahit 2nd baby na namin ito ni Hubby, sabi ng iba na kapag hindi daw first time yung pag bubuntis eh nahahalata agad kasi naunat na daw yung tiyan. Pero parang di naman totoo, unless na twins yung pinagbubuntis mo or more :)
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: jenybasti on September 20, 2011, 09:57:06 am
ako yung 1st pregnancy ko 6 months na bago nahalata pero ngayon sa 2nd ko wala pang 3 months obvious na agad ngayon nga i'm on my 5th month ang laki na ng tyan ko :)
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: two_angels'_mom on September 20, 2011, 04:32:12 pm
ako nung first baby ko 6 months na din nahalata tyan ko..as in nung 3rd month ko yung OB ko niloloko ako malaki pa daw puson niya sa tummy ko pero okay lang naman daw kasi first baby lalo na pag sadyang maliit yung puson at tyan mo hindi agad sya maistretch..nun second baby ko naman 4 months na din nakakapagjeans pa ko hindi yung jeans na for preggy ha kaya pareho nga din kami sis kuliglig nun para makasakay ako sa special area sa LRT at MRT sinasabi ko pa talaga pregnant ako at hindi pa naniniwala minsan hehe sama ng tingin sa kin nung ibang pasahero pag nakaupo ako ;D
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: kuliglig^^ on September 20, 2011, 05:04:16 pm
^Talaga sis? :) hehe... :) Ang hirap nga ng ganun, parang ayaw pa nila maniwala. Minsan nga gusto ko ilabas PT ko sa bag ko at isunganga ko sa mga hindi naniniwala. Hahaha! :D Joke lang...  ;D

Ako as of now, di parin masyado nahahalata ng mga katauhan sa MRT, kaya ginagawa ko, nilalagay ko yung hand ko inbetween my chest and tummy area para maemphasize yung tummy ko....

Pag di pa rin tumatayo ang mga katauhan para paupuin ako, ineemphasize ko lalo para may maguilty.  ;D
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: ysLim on April 08, 2012, 09:59:17 am
sabi din nila kapag itinatago mo sa family mo na preggy ka, hindi rin lalaki tummy mo. i don't know how true this is, pero on my 1st pregnancy, i was 5mos pregnant pero hindi parin lumalaki tummy ko, and i haven't told my parents about it yet. after i informed them of my pregnancy, ayun biglang lumaki. hindi naman sobrang laki, pero nagulat mga officemates ko kasi bigla akong nagka baby bump(hindi rin nila alam na preggy ako and 5mos na pala). i also have an officemate right now na 7mos preggy na and she still wears jeans(not maternity jeans). hindi talaga lumaki tummy niya, kasi tinatago niya pagbubuntis niya sa kanyang mom. and to think, they're living under the same roof.  :o magugulat na lang siguro yun na biglang manganganak daughter niya.  ::)
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: lovelym on April 08, 2012, 12:57:01 pm
by 14weeks ko sis medyo halata na, plus the bilbil pa kaya yun.  ;D nung 17weeks i'm wearing maternity pants na kasi masikip na jeans ko.though plus size talaga ako.and halata na talaga. cousin ko sis slim din siguro like you, kaya hindi pa din halata, sexy pa din ;)
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: Anne Mercado on April 08, 2012, 06:57:07 pm
It's different for everybody. Some begin to show earlier or later than others.

I started seeing showing at 5 months and most I know don't show at 13 weeks. Maaga pa yun :)
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: Maya Ranario on April 09, 2012, 02:18:38 pm
sa akin, 6, 7 months halata na tiyan ko nun, pero di na ako nagsusuot ng jeans kasi may mga matatanda sa compound namin dito at pinapagalitan ako lagi kasi bawal daw, kaya yun! hehe
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: ♥♥♥mommyangel♥♥♥ on April 10, 2012, 05:09:53 pm
5 months naman ako nung lumaki talaga yung tyan ko. Maliit lang tyan ko nun, di yung na imagine ko na liliyad talaga ko gaya ng mga napapanood ko sa TV.  :D.
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: xiexie.nagano on April 12, 2012, 03:00:52 pm
Hi Sis! ako siguro nung earlier stages ko lumaki na tyan ko.. pero yung laki na parang busog lang.. nung 6 mos. ako dun lang sya bumilog na pang preggy talaga.. i thought nga hndi ako magkakastretchmarks eh.. pero nung 6 months.. grabeh nakakita na ko ng marks! at ngaung 7 months na ko.. lumalaki sya ng lumalaki.. ^^,
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: FayeP on April 15, 2012, 09:50:54 pm
mommies,

un sakin po, mag 7 months na nun mahalata un tyan ko kasi payat po akong talaga...

I have an officemate na last trimester din lumaki un tyan niya...

Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: Angela Zhane on April 20, 2012, 08:21:17 pm
In my case medyo latter part na rin ng pregnancy nahalata yung tiyan ko. Although, may umbok ng masasabi pwede pa ring pagkamalang busog lang. Hindi kasi ako nagsusuot ng tight fitting na nun and one size bigger naman uniform ko so natatago pa siya. And i believe rin na di agad lumaki tiyan ko dahil wala pang masyadong nakakaalam na buntis ako at that time. :)
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: tashasabs on April 26, 2012, 06:39:41 am
Same here with my first baby, last trimester na siya lumaki eh mataba pa naman talaga ako sa akala lang nila nananaba lang ulit kasi panay din ang kain ko. Ngayon naman sa fourth baby namin, masyadong malaki tiyan ko kahit  4 months pa lang si baby, akala tuloy kambal.  ;D
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: mommymau on April 26, 2012, 12:21:02 pm
Sa akin lumaki nalang yung baby bump ko nung 4 months na. Kasi yun yung time na sinabi ko na sa parents ko yung situation ko.  ;D

Sabi kasi nila na pag di mo sinasabi sa ibang tao na pregnant ka, di lumalaki tiyan mo. It's because nararamdaman ng baby mo yung gusto mong mangyari, kaya si baby hangga't isisiksik niya sarili niya sa tiyan mo para di sya mahalata gagawin niya para stin.  :( Nung di ko pa sinasabi sa ibang tao sitwasyon ko nakakapag jeans pa ako nyan pero habang tumatagal syempre lalaki rin sya s tummy mo, lumaki man sya pero di pa rin ganun kahalata. Nung sinabi ko na sa iba na buntis ako, ayun biglang laki tiyan ko na kelangan ko ng bumili ng maternity dress. It's because proud ka na preggy ka na, sumabay na rin si baby sayo.  :)
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: wandergirl_turn_mom on April 27, 2012, 12:01:46 pm
sa akin din nasa 19th week na, pero mukha lang syang taba. unless alam ng kausap or kaharap ko na buntis ako.
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: miel31 on June 13, 2012, 04:37:15 am
hi mommies! pa-sali. :)

i'm currently 28 weeks pregnant pero napansin lang sya ng mga tao sa office nung nag-6months na.
nahihiya pa ko sumakay sa special boarding area ng LRT kasi baka palipatin ako sa regular female area.
May one time na sumakay ako dun at nakatayo lang, sinisilip pa ng guard pa-sideview yung tyan ko kung buntis ba talaga ako. At yung mga lolo at lola e nagtataka kung bakit dun ako sumakay instead na dun lang sa normal na female area ng tube. kaloka.

Pero keri lang, kesa naman masiksik si baby. Minsan kasi walang keber sa tulakan ang mga tao kahit sa female area e.
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: abz22 on June 13, 2012, 11:57:15 am
ako din 6 months bago nahalata dati.. ngayong 2nd, mag 5 months na di pa din halata.. hahaha!
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: KikayMum on June 17, 2012, 12:06:15 am
Well, as for me 2mos yung tyan ko halata na esp pag nakatshirt ako. Payat lang kc ako tas di toned yung tyan ko na parang may onting beer belly.hehe bonggang lobo yung tyan ko talaga at tumaba na ko since kala nga nila kambal dinadala ko e. Kaya nga dami ko stretchmarks now.
Ok lang naman yan, cousin ko nga gang sa nanganak na lang siya nagpapants pa rin e.
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: danel_em on June 17, 2012, 03:43:16 pm
@4 months na umumbok tyan ko noon hehe
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: mommyMidya on June 21, 2012, 08:42:50 pm
likas kasi ako chubby kaya di pa nila nahahalata until 5months. Akala nila taba lang  :)
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: myLife26 on October 23, 2012, 10:12:06 pm
Ngayon kaka7months lang talaga lumaki tyan ko. last month kaya ko pa magsuot ng short shorts ko. gyon ayaw na talaga. pero same tayo ng concern dati kasi 4 months na as in flat pa din tummy ko. pero sabi ng Ob ko may ganun daw talaga. hehe
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: bride on October 25, 2012, 11:02:16 am
base sa friend ko nasa 5 to 6 months na tska lumalaki.
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: zee18 on October 29, 2012, 07:27:58 pm
Sken naman mga sis 5mos nakakapag jeans pa ako. Pero nong nag 6mos na ako bglang lobo na siya.. Hehe
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: layahasmin on October 30, 2012, 11:39:36 am
Nung first baby ko, 5 months na e hindi pa halata na buntis ako. Ngayon naman sa third baby ko, 14 weeks pa lang e parang nakalunok na ko ng pakwan.  :D
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: neth04 on November 08, 2012, 02:47:17 pm
normal daw sa first baby ang hindi agad magkabump!  pero sa susunod na pagbubuntis mahahalata agad... totoo, naexperience ko na! ;)
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: itsmexiaojini on December 23, 2012, 01:44:15 pm
Hi mga mommies newbie here. Im 16 weeks preggy di din halata sabi lalaki daw pag 7months na. ganun ba katagal yun? its my 2nd baby 7years old na panganay ko so parang diko na ma remember anong month lumaki tummy ko nung 1st baby ko!
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: mhaeyii on January 06, 2013, 12:21:42 am
tagal lumaki ng tyan ko isang malaking bilbil pa lang hay   ::)
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: bhella_14 on February 17, 2013, 10:01:19 pm
ako , 5 months na lumaki , though sumisikip na rin ang mga damit ko .Worried nga rin ako that time , baka malnourish si baby..haha..pero nung lumaki ang tyan ko , pati ako lumaki..haha
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: esoranna on February 18, 2013, 08:35:44 pm
2months palang halata na., kasi sabi nila pagnasabi na daw sa parents or alam na ng lahat ng kakilala mo talgang nahahalata na daw yung tummy., :P
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: Jiro2013 on February 19, 2013, 05:26:29 pm
ako naman 5-6months na siya lumobo ng bonggang bongga pag first pregnancy daw talaga matagal bago mahalata kasi nga firm pa ang skin
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: mommylovesarmil on February 20, 2013, 10:39:20 am
I think my tummy was 4 months going 5 months nung lumaki sya at nahalata na, dun ko pa lang kasi nasabe sa parents ko na preggy ako nun. :)
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: jhenard on May 04, 2013, 08:32:45 pm
grabe :))) buti nalang nagbasa ako ng thread na ito .. im carrying my first baby po and so far sa mga nabasa ko po sa inyo .. i think my situaion is mutual actually po this month of may is my upcoming 5 months kay baby .. im taking naman po my vitamins and eat a lot of foods to gain nutrients :)) sana healthy posia :))) my husband is expecting for a boy :)) hehe thankyou so much po sa thread na ito :))
--
happy momee :)
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: AicaM on November 06, 2013, 08:20:56 pm
hi mga moms.. im 22 weeks preggy and yung baby ko eh maliit daw for her age.. what should i do? and what should i eat? thanks
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: MommyniAddie on November 07, 2013, 08:10:35 am
Hi Sis @AicaM!...what do you mean na maliit?...base sa ultrasound mo or sa tyan lang?...Kung mukhang maliit lang yung tyan mo ang ibig mong sabihin, depende naman kasi ang paglaki nun sa katawan mo...kumbaga nasa body frame mo..pero if maliit siya for her age base on ultrasound, better na ask your Ob if normal yung kanyang laki, they know what to do naman pagka ganun...
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: cris1015 on November 10, 2013, 05:21:55 am
Hi sis..ako nahalata yung tyan ko is nung mg 6 months na siya.haha tinatago ko kasi..sabi nila kapag secret daw yung pagbubuntis mo maliit siya pero nung inamin ko buntis nga ako..ayun bigla lomobo tyan ko..maliit parin ng konti yung tiyan ko kasi maliit ako.. 'Pure baby" daw yung laman ng tyan ko.kaya di ganung kalaki..sa OB ko naman normal naman daw yung laki.
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: Gessa B on March 01, 2018, 07:38:02 pm
Hello ask ko lang 2 months na kc akong delay, sa 2 months na un. nagsusuka ako, nahihilo ng hihina tas panay tulog ko tas matigas yung tyan ko hirap ako huminga lalo na pagnakahiga. bat the problem is di pa alam ng parents ko di pa ko nakakapag pa check up nag woworry na ko kc ilang beses ko pinahiran ng maanghang parang vicks na malamig na maanghang tyan ko para makahinga ng maaus kahit papaano hirapan kc ako matulog siguro 4x ako nagpahid nun sa tyan. Bat the problem is pag gucng ko nung isang araw  napansin ko yung tyan ko parang lumambot pero malaki pa din  tyan ko.ok lang ba un till now kc nag susuka pa din ako tas nahihilo. Ok lang ba na lumabit tyan ko?
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: on March 04, 2018, 01:38:51 pm
Me naman 1st pregnancy palang last year,  7months bago lumaki tyan ko.  Kaya di ko na enjoy ng matagl yung mga pagiging UNA SA PILA,  AT MAY SARILING CR SA MALLS HAHAH
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: Jhenny Dungo on June 04, 2019, 01:46:08 am
Hello po im new be . Wala pa po akong masyadong alam website nato . Magtatanong lang sana ako . Dalawang beses ako ng take ng pregnancy tesy una sa bahay lang at pangalawa . Pangatlo sa ospital na and its positive at hanggang ngayon hndi parin ako nagkakaron 3months na po pero bakit ganun 13week pero parang hindi lumalaki tyan ko
Title: Re: Is this feeling normal? Kelan lumaki or nahalata yung tyan nyo?
Post by: Sars Cuevas on June 09, 2019, 06:01:39 pm
I was on my 6th month na nung mahalata yung tiyan ko. Sobrang sensitive ko nun na everytime sinasabi nilang parang hindi lumalaki bebe sa tummy ko naiiyak ako. Feeling ko may problema kaya mega Google ako. Pero normal naman daw yung ganun. Pagdating ng 5th or 6th month mega laki naman sya. 😊