Parent Chat

Parent Chat Community Updates => Members' Kumustahan board => Topic started by: Denzel's Mommy on October 02, 2011, 07:33:05 pm

Title: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: Denzel's Mommy on October 02, 2011, 07:33:05 pm
Basahin sa Smart Parenting. Click this to read full article.
Toxic Na Ba Si BFF? Mga Paraan Para Hindi Mauwi Sa 'Unfriend' Status
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2020/08/01/toxic-friendship.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/life/love-relationships/how-to-give-advice-toxic-friend-a132-20200801?ref=parentchat)
photo by ISTOCK

what would u feel if u knew that a friend in Facebook "UNFRIENDS" you? ano maiisip mo?

Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=35736.msg968768#msg968768) tungkol dito o mag (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=35736) para makapagpost ng katanungan, payo o kwento..

(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: ritz on October 02, 2011, 08:36:52 pm
masasaktan lalo na kung wala ka naman ginagawa sa kanyang di maganda...nangyari na sa akin yan,,pero never ko syang kinausap..kasi ang katwiran ko "di naman ako ang nawalan ng kaibigan kung di sya"db? :)
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: Bry♥Shey on October 02, 2011, 09:38:16 pm
wala namang problema. networking site lang naman yan. hindi naman purket In-UNFRIEND ka niya e hindi na kayo friend sa tunay na buhay. there should be a reason behind it.

Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: Denzel's Mommy on October 02, 2011, 09:52:33 pm
mr.tan,i love the comment!!
ritz,kaso baliktad e,ako yung palaging nag-uunfriend =(
either nbwisit ako dhl parang ghost friend (pag kinakausap sa fb,di nasagot)or la kwenta talaga..
so,masama ba ako????
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: rianne_mallows on October 02, 2011, 10:28:36 pm
ako madalas mag-unfriend din.. ang dami kasi mag-iinvite drawing ang nasa profile pic tapos private.. iba pa name minsan asus.. kaya friend ko muna to check kung sino siya.. kung di ko kilala unfriend ko na.. ganun.. ewan kung ano nafi-feel nila..

wala pa naman nag-unfriend sa akin.. kung sakali man meron.. keber hehe..  hindi naman sa facebook umiikot ang mundo ko
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: MommyMichell on October 02, 2011, 11:17:30 pm
para sakin ok lang, keri lang, walang pakiramdam lol, di ko kawalan, magtataka lang ako kung super good friend ko magu-unfriend sakin ng basta basta

ako lagi nagu-unfriend kasi super dami kong naging friends kakalaro ng zynga games (farmville, mafia wars etc) e ni-stop ko na games ko sobrang time-consuming kaya tinatanggal ko na yung mga naging game friends ko na di naman active sa fb pero ni-retain ko yung mga naging close ko na rin, yung mga more than a year ko ng neighbors  ;D  at unfriend & block ko din yung mga praning na "i love you" ng "i love you" sakin pag naka-open chat box ko, madalas mga bumbay, kaloka
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: babybubot on October 02, 2011, 11:35:27 pm
tamang nagtataka lang kung bakit pero di naman ganon ka big deal lalo kung di naman close talaga :)
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: ❤Xian&Mam ❤ on October 03, 2011, 06:30:41 am

kung di mo naman close keri lang wala ako paki.
di naman kasi ako nag aadd ng di related sakin
yung iba naman diko kilala na nasa friends list ko
kamag anak daw ko daw sila...hehe
di ko napapansin yung mga ganyan di kasi
ako tumitingin sa profile ng iba maliban lang sa
family members talaga.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: unknown on October 03, 2011, 09:25:33 am
Ako talagang unfriend ko, block ko pa hehe...
Ang fb kasi for me is like sharing your life/ updating your family/ friends
so kung hindi naman sila happy/ bitternes or parang my masabi pa sa yo
na hindi maganda better unfriend na lang.
Saka isa pa hindi rin ako nag-accept ng friend request pag alam ko
na hindi naman ka-close.  I learned my lessons already.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: yhamslove® on October 03, 2011, 09:33:53 am
Ako din, at first magtataka... pero like sis XiansMam said, kung di ko talaga ka-close, as in in-add lang ako dahil pareho kami ng school or mutual friend namin si ganito, etc., eh di fine.

Hindi rin kase ako nag-aadd basta-basta ng kung sino lang. May mga friend requests akong nare-receive, hindi ko kakilala talaga pero may mga mutual friends kami. What's the point on responding to his/her request eh hindi ko talaga siya kilala. Kaya inignore ko nalang..

Paano kung makita niya yung mga albums ko.. yung profile pic ko... at kunin niya akong maging artista... oh my gahd! busy na ako bilang working mom, and wife sa asawa ko tapos mag-aartista pa ako? Ano yun? Hindi na ako matutulog?  ;D ;D ;D

Anyway, sis Denzel's Mommy, wag mo na isipin yun... dito sa SP walang gagawa non sa iyo.  ;) ;)
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: mommyayie on October 03, 2011, 05:16:31 pm
Hi mga sis, ask ko lang pag may in-unfriend ka ba sa fb malalaman nila or may mga notifications ba na in-unfriend mo sila? Gusto ko sana bawasan yung mga friends ko sa fb na di ko naman kilala. May mga mutual friends lang kami kayak o naaprove or mga schoolmates lang.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: riddermark on October 03, 2011, 05:33:58 pm
exactly my question. di ko kasi alam kung me nag un-friend na sakin. ako naman, i think i have done it. mga batch na hindi ko na matandaan. sobrang memory gap naman talaga. actually, im planning to clean up my account. would want to know din if they'll know i unfriended them. somehow, i dont want them to feel bad...sana
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: marikit on October 03, 2011, 05:40:13 pm
they wouldn't know if they are being deleted on your list unless lumabas yung profile mo s friend suggestion. That is the obvious thing siguro na malaman nila kung dinelete mo sila. Pero recently may link na lumalabas kung pano mo malalaman kung sino nagdelete sa iyo ayoko lang itry di kasi ako mahilig magclick ng magclick ng link hehe.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: Bry♥Shey on October 03, 2011, 05:55:57 pm
mr.tan,i love the comment!!
ritz,kaso baliktad e,ako yung palaging nag-uunfriend =(
either nbwisit ako dhl parang ghost friend (pag kinakausap sa fb,di nasagot)or la kwenta talaga..
so,masama ba ako????

salamat!  :)

may mga na un-friend narin naman ako for the reason na weird ang mga posts. nakakainis mag post. or malalaswa magpost. at nagpopost ng mga kung ano ano sa profile nila na lumalabas sa news feed ko. (Kadiring Picture, etc!)
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: kenisha on October 03, 2011, 06:17:41 pm
kung may kabalbalan ako na pinopost di i'll understand, but since hinde naman ako ganun of course mahu-hurt ako. Ako kasi friendly pero pag dating sa fb close friends & relatives lang talaga ang ina-add ko, pag sila naman ang nag aadd ina approve ko lang kung nakasama or naka chickahan kahit minsan  ;) lang.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: momofrainchira on October 03, 2011, 07:23:18 pm
magtataka syempre...pero hindi ko nalang pasasamain loob ko,if shes/hes a true friend magpapaliwanag sya kapag tinanong ko,kung hindi at dedma i gues maliliwanagan nako kung sino sino talaga totoo sa akin...
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: ♥maarte♥ on October 03, 2011, 07:31:46 pm
sa kin, ok lang kung may mag delete sa kin... list of friend niya 'yon and i have mine.  kung baga, kanya-kanyang diskarte kasi account ko 'to eh... kung magtampo man ang dinelete ko, siguro, that will give him/her a hint na hindi naman pala talaga kami close.

i'm not really into paramihan of friends... aanhin ko naman ang 10,650 friends sa facebook account ko kung hindi man lang ako maalala sa birthday ko... hehe #emotera.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: kuliglig^^ on October 05, 2011, 02:16:06 pm
It depends... pag close ko, I'll ask the person why... pero kung di ko close, keri lang..  ;D
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: lynnequintana on October 05, 2011, 04:49:23 pm
Siguro if I have done something wrong to that person, then she's justified to do that. Ok lang. Pero if wala ka namang kasalanan, walang dahilan para gawin niya yun, I would feel bad.

In fairness, hindi pa naman siya nangyari sa akin kahit ang gulo ko sa facebook. hahaha. Hindi rin kasi ako tumatanggap ng random people.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: gladys_gvp on October 05, 2011, 04:56:09 pm
kung close kami at halos friends talaga syempre masasaktan ako. nagyari na yun sakin so ginawa ko nagmessage ako sabi ko mukhang nawala sya sa friends' list ko, tinanong ko kung tinagngal niya ba? she;s been honest naman at valid naman ang reason.

ang reason niya may mga common friends kami na ayaw na nyang magkaroon ng balita about her kaya blocked na ako sa friends list niya.

depende sa dahilan ask mo na lang din sya.

ako naman kasi kapag friends na close ko talaga di ano nagba-blocked mga iba lang na nakilala or acquaintance lang, kasi yung iba pamparami lang ng friends kaya ka ina-add.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: sirc on October 05, 2011, 08:19:07 pm
ay nangyari na to sakin...inunfriend ako ng isang friend ko na matagal ko ng kachat sa ibang site.,nung una hindi ko pa alam na inalis niya ako sa friends list niya..nung 1 time nagkita kami sa fb group kng san pareho kming member..ng hello pa ako sa kanya,pero di sya ngreply..so nagtaka ako kung bakit,den hinanap ko sya sa list of friends ko,di ko nakita,so dun ko nalaman na inunfriend niya ako...pra sakin di naman big deal un..pero nlaman ko sa mutual friends namin..mrami dn daw pla syang inunfriend sa mga kagroup namin..
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: insensitive on October 06, 2011, 09:26:23 am
ay may nagunfriend din sa akin :D hahaha

kaya ko nalaman kasi, i was browsing my picture..naalala ko naka tag sya dun sa barkada group namin..untag sya..so hinanap ko sa friends lists ko,.wala nga...
in-add ko ulet sya hahaha..para malaman niya na alam ko na i-unfriend niya ako
nung una nagisip ako kung bakit niya ako binura..tapos ako din ang nagreason out..siguro ayaw niya makita ko status niya or something..(officemate to ha,kaibigan ko(dati)ninang ng anak ko pero hindi kami close ngayon..ewan ko.nilalayo niya sarili sken eh..mabait naman ako...civil naman kami pag nagkikita.buti na lang minsan lang kami magkita dito sa office harhar)

hindi naman ako nagtampo ng bongga..naisip ko lang hindi nga talaga siguro kami friend..anyways FB lang naman yan..kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya..
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: cutemom on October 08, 2011, 02:43:55 pm
 :) mahilg ako mag-unfriend

Reasons ko
1. Hindi ko masyado kilala in short di kami close
2. may mga nagpapanggap parang stalker n ang dating, inaaalam lhat tungkol sa life ko kahit mga status ko, comments etc. nakakairita yun diba
3. nagiingat lang ako, kaya dapat kilala mo talaga mga friends mo sa FB
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: mamay@23 on October 18, 2011, 11:46:41 pm
ang mafifeel ko kung may nag "unfriend" sa akin sa facebook ? cgro walang hard feelings kasi minsan ang face book naguunfriend mag isa. dahil sa pabago bagong setting kaya ganun. if ever close friend or relatives ask ko na lang ko muna kung baket nawala ako sa list nila. pero kung hater ko d ko na kelangan tanungin ahahaha :D
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: mommy ni kent on October 19, 2011, 09:18:01 am
keber lang,di sila kawalan ;D
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: mamachristal on November 08, 2011, 01:04:22 pm
tatanungin ko muna sya kung bakit? ;)
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: cindy1211 on November 19, 2011, 06:58:08 pm
ok lang sa akin kung eh unfriend nila hehe. di mo naman maplease lahat eh. kung ayaw nila di hayaan na lang.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: Anne Mercado on November 19, 2011, 07:28:16 pm
It depends on who. But of course, it hurts me a bit and I get curious lang as to why. After that, I'm okay because it's that person's right naman to do that and I just have to respect her decision.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: mamacharis on November 19, 2011, 07:54:05 pm
mga sis pano ba malalaman na may nag unfriend sa inyo?
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: mommy irene on November 24, 2011, 04:54:41 pm
ako kung hindi naman ka-close, deadma.. hindi naman siya kawalan.. and tama si sis yhams, baka nakiki usyoso lang ng mga profile pictures.. madami din akong friend request pero kung hindi ko feel, hindi ko ina-accept kahit na may common friend pa kami.. eh hindi naman kami magkakilala or sanggang dikit bakit ko isasali sa circle ko.. makiki comment pa sa pictures, wag na noh!?..

deadmahin ang mga ganyang tao.. wala lang sila magawa kundi makichismis sa buhay buhay..

Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: purplemom on November 24, 2011, 05:57:59 pm
i will feel hurt especially if close friend ko..then magtataka ka and tatanungin mo bakit niya ginawa..if hindi mag explain siguro gusto lang ng space and prerogative naman niya yun..i give space sa mga friends ko so ok lang..yun lang sympre para kang in limbo kasi di mo alam reason... :)
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: mamachristal on December 19, 2011, 03:29:07 pm
momy mamacharis if hindi mo na sya makita sa friendlist mo unfriend kana niya,ang if tiningnan mo yung fb niya at may nakalagay na add friend,yun hindi ka niya friend sa fb kasi sa was na friend na kayo sa fb wala ka ng makikitang ADD FRIEND..
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: zackie on February 09, 2012, 08:20:48 pm
shocking syempre .. mapapaisip kana lang kung bakit .. ?! ..
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: Mamie Vera on February 09, 2012, 10:39:12 pm
Hindi ko pa ito na-experience pero nagawa ko ito sa iba via my husband, mahilig kasi mag delete ng friends sa FB ko, well that's another issue.

Pero like you sisses, siyempre ma hurt at magtataka ka, lalo na kung ka-close mo. Pero kung di naman, ok lang. Kung nahihiya ka naman mag deny ng friend request may bagong feature ngayon ang FB yung LISTS, pwede mo sila i-accept tapos gawa ng list na sa kanila meron ka i-hide like posts, albums, status etc..Pero make sure na hindi siya naka double list.  ;D
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: Angel's Mom on February 09, 2012, 11:55:20 pm
Officemate ko unfriend niya ko. Its okay i understood kasi nasita ko about something work related. Sya yata yung guilty kasi naiilang sya pag kinakausap ko sya. I remained the same sa treatment ko sa kanya. I give her food, i compliment her etc. i bought an expensive gift for her nung pasko (as in beyond budget). Maybe she felt bad or narealize niya sayang kung mawala ako as her friend, in-add niya ko ulit. What i did? Block her sa account ko hehe..  ;D
Seriously? I dont need fake friends. I just wanted her to realize how immature she is and what she'll lost by being like that.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: sweetpumpkin on February 10, 2012, 09:43:52 am
kaloka! yung bilas ko unfriend niya ko sa fb.
i don't know her reasons...ok naman kami before,inaalagaan ko pa dati mga anak niya nung nasa pinas ako.but now na nasa ibang bansa ako,recently tinignan ko profile niya,unfriend na niya ko..
siguro ayaw niya ko maging updated sa mga happenings sa buhay niya.dami niya kasi issues... hay bahala sya...i have lots of friends naman sa fb. :)
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: mamachristal on February 13, 2012, 10:14:03 am
mga momy's may mga reason din po na hindi sinasadya,ex. mag iba po kayo ng pic,at sakto po na nag ayos po sya ng fb niya balak niya mag bura hindi naman niya kilala,so yung pic at name na hindi naman po familiar sakanya ehh nag  pakamalan nga niya na hindi niya kilala,kasi ng yari po yan sakin,yung pinsan ni hubby na nasa u,s na unfriend niya ako umuwi kasi sya dito sa pinas tapos nag iba yung pic ko as in luma na yung pic prof ko tapos di pa niya alam tunay kong name kaya nung pinalitan ko pic ko na kasama ko si hubby at sinubukan ko sya i add ulit ayun add niya din ako..


try nyo din po mga momys na i add ulit yung mga nag unfriend sa inyo then dun nyo malalaman if sinasadya ba oh hindi.. pag sindya block it,ganon po ginagawa ko bi na block ko sila..
 :D
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: swtgrl_bee on February 27, 2012, 02:57:16 am
Deadma :D I do it also, lalo na kung puro negatives yung mga nasa wall ng taong yun :D hehe. kaya ako I only have around 300 friends sa FB ko :D
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: jealousygirl on February 27, 2012, 05:47:09 am
mine,, deadma lang rin,,,  ;D  kasi kahit ako nag u unfriend rin, most especially those people na hindi ko naman ka close talaga ang hindi ko naman kilala... some of them kasi parang friend ng friend ng friend mo,, hindi naman kayo close.. and one thing, im not that fond of using FB. once in  a blue moon ko lang rin buksan fb ko,, ^^ 
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: momzyj on March 13, 2012, 08:38:02 pm
siguro deadma nlgn ako. keber ko kung iunfriend niya ko. :D siguro may reason naman siya. :)
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: lalabs28 on March 14, 2012, 12:25:30 pm
mahu-hurt ako .. kasi my FB account id for my close friends talaga tas biglang unfriend? parang nakakainis na ewan
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: EmPao on March 14, 2012, 12:27:48 pm
dedma lang ako!
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: NanaylovesAJ on March 14, 2012, 12:35:30 pm
dedma din lalo na kung dko naman cia talaga kclose
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: lhinggitcf on March 14, 2012, 01:57:50 pm
it happened to me and gaya ng sabi ng iba dito, you'll wonder why... pero just the same, you'll know who your real friends are... planning to clean up my account nga, although ang albums ko naman at shoutouts ay naka-customize (have added online shops kasi in account), it's better to clean it up for security purpose.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: jaija08 on March 14, 2012, 04:40:51 pm
nangyari na sakin din ito yung isa, medyo nainis ako kasi ina add ako ng isang araw then next day unfriend na... hmp! nakakinis diba mga sis! deadma na nga ako sa kanya pag nakikita ko sya school ng anak ko.. marami naman akong friends!
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: misyelicious on March 15, 2012, 04:12:39 am
Magtataka ako kung bakit niya ko unfriend..kung close kami maha hurt ako pero kung di naman deadma lang din!..yung hipag ko nga unfriend niya ko dati nung nagkakalabuan sila ng brother ko... What i did is binlock ko sya sa fb pati yung sister niya na friend ko din sa fb!kaasar kasi.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: Mommy France on April 09, 2012, 04:51:14 pm
Depende kasi dun sa tao na nag-unfriend. Kung talagang nakakausap ko kahit papaano or yung not necessarily close pero may communication, magtataka ako. Still, I'll respect her decision kasi online networking site lang naman yan.

I've deleted a few contacts in FB kasi petpeeve ko yung nag-iiba ng profile pic tapos iba pa yung pangalan. Di naman kami nag-uusap so delete na lang. Hindi naman kailangan marami yung friends sa FB.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: mamapeew on April 12, 2012, 08:46:38 am
Hmm... nakikita po ba kung may nag-unfriend sa yo sa FB? hehe... haven't tried it and never noticed it. And if ever may nag unfriend sa akin, close ko man or hindi, keber ko! Hahaha... For me, good riddance. LOL....
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: FayeP on April 15, 2012, 07:14:59 pm
for me, deadma lang..

first, kasi di naman sukatan ng pagkatao ang dami ng friends sa FB

2nd, kasi choice ng tao kun ano balak niya gawin sa kanyang account, kun ayaw na niya sayo bilang FB friends, choice niya un

3rd, kun talagang magkaibigan kayo, eh I am sure eh friends pa din naman kayo outside FB...kun sa FB lang naman kayo friends at di talaga personal na magkakilala o matagal nang di nagkikita, then there is no reason to feel some attachment to them di ba???
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: ysLim on April 21, 2012, 07:44:51 am
depende. if close kami, i will wonder if i've done something wrong. if not, then kiber.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: allew on April 23, 2012, 01:32:36 pm
what will you feel mga sis kung ang bilas mo eh i unfriend ka sa fb?...then nagkita kayo(iisa kasi subdivision namin magkaiba lang ng phase..)pagkakita nyo nag smile pa sya sayo...ako naman napatingin lang sa kanya parang no reaction lang ang drama....na plastikan tuloy ako sa kanya....Plastik talaga! >:(
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: ysLim on April 23, 2012, 01:48:57 pm
bakit ka naman niya inunfriend sis? nagkagalit ba kayo? super close ba kayo before?
for me kung hindi naman kami close, deadma.
if close kami, magtataka ako at tatanungin ko sya agad.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: allew on April 23, 2012, 02:02:12 pm
hi sis...may issue kasi sila ng mother in law ...ako naiipit so ginawa ko pag nagtext si bilas hindi ko na lang reply kasi pag nireply ko yun may favor na hihingiin sa akin yun eh(ask kasi si bilas ng add ni mom in law at gusto ata idemanda)...super close?oks lang naman samahan namin before chika chika kung nandyan sya....kaloka lang sya...pa smile smile pa talaga!!!! :o
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: rozzy on April 23, 2012, 02:13:18 pm


Same topics merged.


Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: ysLim on April 23, 2012, 02:25:57 pm
^^ ahahaha! baka nagtampo lang sis. pero pa smile-smile pa talaga parang walang nangyari. hehe.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: Angela Zhane on May 02, 2012, 03:53:18 pm
Kung personally kilala ko masasaktan siguro ako, but if di ko naman masyado kilala ok lang. Siguro a way of cleaning up their account na rin. No offense meant sa maa-unfriend. ;)
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: kiko18 on July 16, 2012, 10:38:19 am
hindi siya big deal for me. me reason naman siguro kung bakit  8)
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: fashionistamom on October 10, 2012, 04:51:50 am
It happened to me twice dun sa nakasamaan ko ng loob. When I found out they unfrend me I said to myself na ok lang ganun tlaga. Nakakatawa nga eh kasi yung isa nagkabati kami tapos ngyon di niya tuloy mkita pictures unless gawin ko yung settings na frends of frends o kaya itag ko common frends namin
May nagsabi na common frend namin na iadd ko sya ulit. Sabi ko naman di ba dapat sya ang magpa add ulit kc in the firs place sya yung nagunfrend sa akin :)
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: preciouslara on October 10, 2012, 05:13:21 am
really dont care,i only add mga friends lang talaga , pero if the unfiend me for some reason,ok lang din,hindi naman yun hanun kaimportante :)
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: trishevil on October 10, 2012, 09:16:18 am
It actually happened to one of my friends and it created a big rift in our friendship circle. Bestfriends kasi sila then, out of jelousy ng gf, pinaalis sa friends list yung bestfriend. Ngayon, may malaking gap na ang friendship circle namin kasi hindi nagustuhan ng barkada ang ginawa ng guy for his gf. The sad thing is, nagre-regret na si guy at si gf sa ginawa nila pero mukhang di matanggap ng iba. How sad lang kasi ako lang ang nakakaalam ng reason ng why they did it and now I know how both parties feel. Di ko lang mapag-ayos sila para maging ok na ulit.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: jem.sexy@yahoo.com on October 10, 2012, 03:17:35 pm
at first I'll feel bad...

pero after a while baka isipin ko na this person has reasons na sya lang ang nakakaintindi kung bakit niya ginawa yun kaya sikapin kong intindihin sya...

kung maintindihan ko, ok na...

pero kung di ko talaga ma gets, eh di pasensyahan kami -- marami naman dyan pwedeng kaibigan bakit ko naman ipagsisiksikan sarili ko sa kanya.  kung darating ang panahon na may kailangan sya basta andito lang ako para sa kanya...but maybe i won't be running to him or to her kung ako ang may mga suliranin kumbaga hindi sya first in mind ko anymore (kung ganito nga ang sitwasyon nung nakaraan).
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: Morefun on October 10, 2012, 08:01:18 pm
Check ko muna kung may valid reason siya.  Kasi ang FB ko, walang picture ko and hindi name ko.  May past experience kasi ako na na google ko pictures ko and name ko.  I was really frightened especially when an ex-bf started sending messages and asking where I am located na.  Which nakita ni hubby.  Kaya, I don't want that to happen again.  So pag nag "unfriend" or hindi tinanggap ang invitation ko, ok lang.  Kasi nga sa profile pic ko ala akong picture and super higpit na security features.   ;)
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: karlandkadi on October 10, 2012, 08:30:29 pm
KIBER lang din pero kung mahalaga sakin yung tao, ask ko rin whyy diba? eh, mga kakilala ko naman kasi ang friends ko sa fb kaya, malalaman ko if may nag unfriend sakin.. hehe!
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: sangolko on November 23, 2012, 10:42:09 am
So far wala pa naman ngunfriend sa akin :) ako ang dami unfriend kase yung iba d ko kilala tapos yung picture eh wala lang na ayaw mgpakilala. If in case my magunfriend sa akin "fine" ayaw eh wala ako magagawa siguro naman hindi kawalan sa akin yun kase social networking lang naman yun hehe
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: luk_resha on November 23, 2012, 02:27:50 pm
experienced this last month, reaction : nairita ;D ;D naisip ko lang kasi para silang nag malaki sakin

actually they (3 or 4 yata sila) are not actually my friends, friend sila ni hubby and sila yung group of friends ni hubby na ayokong sinasamahan niya... wala kasing fb si hubby so gamit lang din niya yung fb ko ok lang yun sakin mas gusto ko pa nga yun kesa tig isa kami ng account... e yun nga isang araw may status ako na gusto ko sanang sakanila lang na ka-share kasi nainis na ako sa kaartehan nila dun ko nalaman na unfriend na pala nila ako hahaha ang mga bruha at sila pa ang may mga   gana... tapos hindi ko na nga sila friend nakikisilip pa rin sila sa wall ko at pag feeling nila tungkol sakanila yung mga post ko ayun text sila kay hubby.

yung pinaka mortal enemy ko sa group nila ang katangi tanging hindi nag unfriend sakin  ;D i dont know if ano gusto palabasin ng ale, nung una gusto ko na rin syang i-unfriend para makabawi at maunahan ko na sya kaso palaisipan sakin kung bakit hindi sya nakisabay sa mga kaalyado niya kaya up to now friend ko pa rin ang bruha  ;D
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: preciouslara on November 23, 2012, 10:07:06 pm
@luk_resha, hindi ka pa inaunfriend sis para updated siya sa mga post mo, tapos siya na lang magbabalita dun sa iba na nag unfriend na sayo, parang may mata pa rin sila sayo...hehe ;)
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: luk_resha on January 14, 2013, 12:52:30 pm
^naku sis super late reply naman ako kamusta naman hahaha... idk pwedeng ganon siguro... anyway update lang yung katangi tanging ale na sinasabi ko dito sa B.I group na 'to e inan-friend na rin ako lastweek  ;D malamang sa alamang e napuruhan dun sa new year status ko ang ale kaya eto good vibes 2013 ang bangs ko  ;D kaya sabi ko nga sana forever na silang dumis-connect sa hubby ko...
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: mylittlegabriel on January 17, 2013, 05:10:48 pm
sa totoo, parang mapapatanong ka if bakit esp kung wala ka naman ginagawa diba...then you'll fall into conclusions na insecure lang siguro sayo, ahahah!! pero tama kayo mga sis, madami naman tayong friends and hindi naten need attention ng isang tao lang, esp kung hindi naman sya mahalaga...tska some people, then add you as friend sa fb para lang ma-update sila about you, hindi naman talaga for the correct purpose na gusto nila magkeep in touch sayo, kaya hayaan na naten sila.. :P
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: mariann on February 02, 2013, 06:32:11 pm
if i'd known that somebody 'unfriended' me on FB, i wouldn't care!  if he/she doesn't like me for what i'm posting or for who i am, then so be it!  i can't force myself on them. 

however, if that person is someone i get to converse with regularly, then i'd ask, because there might be something wrong with the account.  pinipili ko rin kasi ang mga ina-accept ko sa FB so, i'm comfortable, whether i'd be added as friend or unfriended.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: Kittymeow on April 22, 2013, 09:37:07 am
Buti nga kayo yung nag unfriend sa inyo baka dati niyo lang classmate sa school or officemate,ako relative ng hubby ko.bago pa lang facebook nun eh,in-add ko yung tita niya at isang anak non,bale cousin niya na mga nakatira na sa US.then after a week or two nagulat ako ni-unfriend ako nung pinsan niya.hindi ko alam kung bakit,tapos after 6 months dumaan,umuwi tita niya ng Pinas,ito yung mother ni girl na cousin niya,tapos tinatanong raw ng tita niya kung maarte raw ba ako? >:( imagine! First question tungkol sa taong asawa ng pamangkin mo,na nakilala mo thru facebook lang?ganun sasabhin mo tapos 22 ako that time,yung tita ni hubby baka 53 na! Oh diba grabe mag judge sa bata! ;D

hindi naman ako maarte,masakit sakin yun kahit na ba hayaan ko na lang.hindi ko naman sila inaano diba?bakit ganun agad ang tanong tungkol sa akin?buti si MIL na terror,eh good mood that time at sinabi sa kapatid niya na di daw ako maarte,mabait nga raw ako,,which is totoo naman po ;) ayun,sumama loob ko sa tita ni hubby,dagdagan pa na before siya umuwi ng pinas,ni-unfriend ako ng anak niya,parang ayaw nila sa akin?
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: happiemom on October 25, 2013, 09:49:54 am
sakin nag unfriend ako ng madami before kasi may pinagdadadaanan ako nun at sa FB ko di na daan ayokong mabasa nila un..pero hindi ako galit sa kanila actualy nga mga ka office mates ko din yung mga i nunfrend ko ...iba iba naman tayo ng dahilan bakit nag uunfriend.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: MommyniAddie on October 25, 2013, 10:15:17 am
Ok lang naman..kasi in a way nag aunfriend din naman ako at nagbblock ;) for what ever their reason is, sa kanila lang yun...kaya maingat din ako mag accept ng invites sa fb eh...as in lahat talaga kilala ko...
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: Nanay ni Liam on October 25, 2013, 02:51:42 pm
I blocked 3 users na kamag-anak tsaka yung 1 dentist na nakasama ko sa work na immature, restricted some relatives and unfriended some people na i know but not really friends..I actually am thinking of "cleaning" my fb account. yung tipong pag nag-status or comment ako ng kagagahan or kalokohan they wont judge me. Bully kasi tawag sakin ni ate, ako yung outspoken na tipo ng tao na gusto masaya lagi kaya lang baka hindi ma-gets ng iba humor ko..kaya tuloy dapat tamed ang posts ko ngayon. Hehe! Eh minsan gusto ko mag status ng  controversial, dko magawa like now na panahon ng kampanya at brgy election...kaya lang yung anak ng brgy captain ka-fb ko eh candidate uli ngayon kaso iba sinusuportahan kong kandidato, baka mag violent reaction  ;D
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: momVeh on October 30, 2013, 10:00:07 am
maiinis! magtataka...
di ko na sya i-add.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: yhamslove® on December 06, 2013, 02:57:46 pm
Pareho kami ni mommy mariann, kung di naman talaga ka-close ayos lang... siguro gusto lang maging private nung tao dahil may pinagdadaanan at hindi naman niya gusto na pati di niya ka-close eh makaalam.

Pero kung ka-close ko, tatanungin ko shempre. Baka may internet glitch or something lang.  ;)
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: Mommy Jazz on February 06, 2014, 03:40:31 pm
Eh pano ko naman siyang hindi ia-unfriend, eh everyday puro nalang rant sa buhay niya nag-a-appear sa newsfeed ko, kung hindi puro nakakasawang selfie.
Nandito pa rin naman ako if she needs my help. I still care for her but maybe keeping distance would be better for me.
We all better be discreet in posting about ourselves on FB. We should keep in mind kung interes din ba ng makakabasa ang ipo-post mo, kung may positive ba itong idudulot o puro kaartehan lang.
Selfie is OK but please don't overdo it.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: mybhie06 on February 25, 2014, 01:20:30 pm
I have this one close friend na hindi ko actually expected na ia-unfriend niya ko sa FB. She was my kumare, ninang ako ng eldest niya. Nalaman ko lang na deleted na pala ako sa friends' list niya nung mag usap kami ng bestfriend ko about her saying na preggy na nga daw sya. Sabi ko I have no idea kase wala akong nakikitang mga posts niya, then when I check on my FB friends wala na pala sya dun. Medyo na-shock ako, inisip ko talaga ano kayang reason why I was deleted thinking na ang tagal na naming hindi nakakapagusap and we don't see each other often. Then I remember na inivite nga pala niya ko sa birthday nung anak niya and I wasn't able to come. I wasn't able to text her kase medyo tuliro ako that day dahil may sakit yung daughter ko. So ginawa ko, nagmessage ako sa kanya sa FB. Nag sorry ako, nag explain why hindi ako nakapunta sa birthday and binati ko pa ng Happy New Year kase I think that was December 31st. Anyway, nakita ko sa FB that she was able to see it kase "Seen" na yung message ko pero dedma sya. She didn't reply back or accepted my friend request. I understand her naman, kung talagang nagtampo sya saken because of that pero since hindi ko pa sure kung yun talaga yung dahilan, medyo nakakatampo din. Sana man lang she replied to my message and tell me what's wrong para may idea naman ako what could I have done para dedmahin niya ko ng ganun. Oh well, kung ayaw naman niya na ayusin namin yun, eh di fine okay na lang din saken. As much as possible ayokong may kagalit pero if ayaw niya talaga then sige lang, wala naman akong magagawa.
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: BuhayMommy Blogger on February 27, 2014, 09:41:37 am
sa una magtataka kasi hindi mo alam bakit diba? yan din naiisip ko kasi ako yung tipo ng taong nakikipag keep in touch kahit dinededma nila worst cases kasi lam mong nababasa nila yet hindi ka nila talaga sasagutin. They just dont matter to me at all tapos huhusgahan ka na lang ng hindi naman alam ang pinagdadaanan mo. Might as well unfriend them. Ill start today :-) 
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: Mommy Jazz on January 09, 2019, 02:32:13 pm
As much as possible hindi ako nag u-unfriend. Unfollow yes. People keep forgetting na0 friend nila ako, hindi fan. They should not expect that I care about what they eat, wear and how pretty they are everyday (over sharing na).
Title: Re: Ano mafefeel mo pag nakta mong may nag "unfriend" sa iyo sa Facebook?
Post by: mariann on March 30, 2019, 01:14:40 pm
Happened a lot on my FB especially with some acquaintances. Frankly, I don’t feel anything. I can’t force him/her to look at or read my posts and like or dislike them.

Pero kung close friend ko talaga, I’d probably ask if there is something wrong.