Parent Chat

Parenting => Real Parenting => Topic started by: mamakat on January 15, 2009, 02:04:14 pm

Title: How can I help my shy kid?
Post by: mamakat on January 15, 2009, 02:04:14 pm
hi mommies! nung maliit pa ang eldest ko (she's turning 7 on jan. 31) hindi marunong mahiya.  yung bang kahit isalang mo sa stage talagang magpe perform nung 3 years old siya. Kasi nag enoll siya ng Dance Lessons. Tapos nung Nursery 2 nakapag emcee siya sa Recognition Day nila. Bakit ngayon, natatakot na siya mag perform. Kahit sa classroom ayaw niya yung naka focus sa kanya ang spotlight. Ewan ko ba, di naman kami mahiyain ng dad niya. Phase lang ba ito?

Read it on Smart Parenting.
It's Not a Walk in the Park: One Mom Shares the Joys and Challenges of Raising a Gifted Child
(https://images.summitmedia-digital.com/sap/images/2019/03/22/ishine-sp-main-image-1553231468.jpg)
Click this link:
 https://www.smartparenting.com.ph/parenting/real-parenting/not-walk-in-park-mom-shares-joys-challenges-raising-gifted-child-promil-four-adv-con?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) to reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: rozzy on January 20, 2009, 04:18:43 pm
Dami na po palang mga activities nasinalihan at active ang baby nyo... Nakakatuwa po... I think baka napahiya siya one time in front of the class and hindi lang niya nasabi sa inyo.Or inaasar... It could be one of the reasons why she doesnt want anymore to perform. Maybe it is good if you will talk to her. Yung tipong bonding moment nyong 2. Ask her how does she feel before nung nagpeperform pa siya and yung ngayon na ayaw na niya... Thanks po!
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: mommyhen on April 14, 2009, 12:54:47 am
masyado pong mahiyain yung 5yr old son ko.. Nag aaral na po sya & by this coming june kinder narin po. help me naman po, give me some advice..  Ano po kayang pwede kong ipagawa  or gawin esp. this summer para ma cope po niya yung pagkamahiyain niya. Nag-aalala po ako e, gusto ko lang namang mag enjoy sya. For example po kasi sa mga school programs & partys dpo sya masyadong nagpaparticipate...
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: snugglebug on April 14, 2009, 02:08:57 am
hi mommyhen, try to observe muna your son what he likes. mahilig ba siya sa arts anong cartoons gusto niya if he likes cars then from there
make your move. try to buy toys muna that interests him or books or dvd then sit with him and play i read somewhere na kelangan mas
maraming time ang ibigay mo sa pakikipaginteract sa mga shy kids para malaman mo anong ayaw nila. then after you can enroll him sa
summer classes or workshops or sports clinic mga ganun or kapag may children's party try to attend as many as possible para makapaginteract
siya with the kids. hope it helps :)
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: MmyJorayma on October 05, 2009, 12:51:12 pm
Ilang kid's party na ang inatenan namin at ganun sya palagi.

lagi syang natatakot maki-halubilo sa kapwa niya kids. lagi nasa tabi ni mommy pag may social events.

nung last birthday niya, binibigyan lang sya ng gift ng isang kid, tumakbo na sa kwarto, gusto niya sa loob ng kwarto namin open yung gift niya, na kaming 2 lang...

takot lagi pag maraming tao..

ano kayang pwedeng strategies to make him more sociable... talaga bang may ganitong stage...

help! mga mommies...
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: style on October 05, 2009, 01:19:02 pm
sis,,ganyan din daughter ko dati...mahiyain pag may ibang tao lalo na,,sa first meeting.pero pag palagi na niya nakikita ok na.makulit na.at di lang basta makulit...super kulit!!!
what i did was,,every summer vacation,i always enrolled her in any summer class.like ballet class,piano lesson,singing and voice lesson.to improved her talents.di lang yun,,syempre kasama na dun yung matuto sya how to mingle..so far..ok naman..
tapos before kami magpunta sa isang party o bagong lugar..sinasabihan ko sya na ..dapat makipaglaro ka,makipag usap.and syempre mag behave din..kasi ang tendency naman kasi pag nakipaglaro na sya sumosobra naman hehe
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: julie_llevares on October 05, 2009, 01:55:11 pm
MmyJorayma, may i ask. How old is your kid? Si Jeshua kc ganyan at first... May work kasi kami both ni hubby, so parang wala time...na realize namin yan after 1 year niya... na he doesn't mingle with other kids.. he just cry and look for us... Then, what we did was every sunday we got to church and let him play sa gitna ng Landmark.. kasi maraming kids dun... tapos lahat kami sa bahay e as kinakausap cia.. and pinapalaro namin sya sa labas ng bahay... Now, super ok na sya... Last saturday, we went to a kid's party... and Yes he improve very well, he play along with other kids na as in no hesitant! He sings happy birthday and eat alone... He doesn't even cry when I carried my inaanak, he even hold her hands... So, I called hubby b'cus he was in UAE...and told him about Jeshua... Were so happy about him... Sis, I suggest you let him play with other kids and dont make him felt that he was always a baby... goodluck sis. :) :) :)
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: MmyJorayma on October 06, 2009, 11:56:42 am
Karl is 4 years old. He's in school na rin. Sabi ng teacher, nakikimingle naman sya with other kids kasi nga kilala na niya, pero during first week of school, talgang lagi syang umiiyak... Tapos sa circle time nila, sa 2nd month na talga sya sumali...

Siguro rin kasi, 3 years syang nasanay na magisa. 1 year old na yung little bro niya. Tpos laging sa house din with the Yaya. Natatakot naman akong makihalubilo kasi sya sa mga bata sa labas namin dahil pag pinapayagan ko either nagkakasipon or may bagong sugat...

Haayyy.. siguro nga i need to let him mingle more...
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: keih liwanag on October 06, 2009, 12:04:08 pm
just like with other mommies, what i did with AK is exposure lang. bibo kase sya pag adults, pero pag kids na nakita, natatameme. pero ngayon ok na sya. almost 3mos na sya enrolled sa gymboree. once a week ang play class niya. tapos talaga every weekend pasyal kami sa maraming kids.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: eytellene on October 06, 2009, 12:08:05 pm
share ko lang yung baby ko kase mahilig sa baby so pag nakakaita sya nilalapitan niya tlaga tas nakikipag play tlaga sya sa bata.. siguro kase yung yaya niya nagpupunta sa kapitbahay e dami bata dun tas nakikipaglaro sya... tas pag namamamasyal kame sa SM pag may bata na nakikipaglaro sa kanya play lang din sya.. siguro nga sanayan lang sa bata baka yung baby mo sis is nd nasanay na may kasma na iba kaukau lang :)
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: MamaNilaJ on October 06, 2009, 12:37:06 pm
^ i also agree. Ganyan din yung eldest ko nuon, nung wala pa syang baby brother, he is mahiyain, nagtatago sa likod mo, kasi nahihiya sa ibang tao, sanay lang sya sa taong madalas niya makita, eh ilan lang kami dito sa house, IL ko at kami ni hubby, kaya rin matagal bago sya nakapag-salita. Nung dumating na yung 2nd son namin, nagkaroon sya ng playmate kahit nasa loob ng bahay at paminsan nag-pupunta dito mga cousins niya, kaya eto super namam sa kulit.
Ayaw ko din sya makipag-laro sa labas kasi, baka mahawa sa kung ano man, nag-iingat lang  ;)
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: eytellene on October 06, 2009, 01:01:09 pm
ako dati ayoko na lumalabas sya kaso nung lagi syang lumalabas di na nagkakasakit haha kaya okay na din mas lumakas ang immune system haha..

I just ensure na sa hapon lang haha kumbaga nd naman all day andun sya noh tas pag weekend sa bahay lang kase andun naman kame na kalaro niya  
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: soumy01 on December 23, 2009, 02:38:29 pm
ito yun kinakatakot ko na maging attitude ni igme.
sa bahay lang kami maghapon kaming 2 lang ,punta rin dito sa bahay brother ko saka sister ko .

wala siyang kalarong bata.

(ayoko ilabas dito sa amin kasi yung mga bata dito yung tipong laging nasa kalsada tapos puro may mga sipon baka mahawa tatakot din ako baka yung ibang bata dito may pc eh mahawa si igme)

kaya every weekend pumupunta kami dito sa waltermart (ito lang kasi magandang puntahan na malapit sa amin).
kaya pag pasok namin sa waltermart sumisigaw talaga siya sobrang tuwa niya.

natatakot kasi ako baka maging sobrang mahiyain lalo na may tahi siya sa lip baka paglaki eh sobrang mahiyain tapos ibu bully siya nung ibang bata.

gayahin ko yung sinabi nyo, hayan ko siyang lumapit sa mga kids kapag lumalabas kami.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: mariann on January 01, 2010, 09:23:58 am
some kids are really born with a timid personality.
 
with my two girls, i set the example.  when we go to a party, i roam around and meet other people.  i also make sure that we arrive at the venue several minutes before that party starts.  that way, they can familiarize themselves and warm up with their surroundings.
 
i orient them with where we will be going, and what we will be doing there.  they should know what to expect. that gives them the security they need.
 
i also don't force them if they don't want to socialize.  if they want to stay in one corner, i just sit with them and point at somebody and say something about that person. (e.g. "that's tita mitch, she has a baby boy" or "that's angel, she is as young as you are.  she also has that doll you have.")
 
i guess, it also depends on how the parent motivates/encourages the child to socialize. but don't force them if they are born with melancholic/phlegmatic personalities.  it's really in their nature to be that way.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: fulltimemom on March 16, 2010, 03:34:38 pm
naku yung baby ko naman, she's 2 years ola ever since hindi talaga siya mahiyain to the point na kahit strangers ang hilig niya magpacute, scary nga lang kc malaoit na siya makidnapp sa sobrang galing makipaghalubilo.. well ang ginawa ko lang naman since baby siya lagi talaga kami nasa mall kahit once a week ok na yun kaya naexpose talaga siya until now ganun kami dinadala ko siya sa playhouse every week para marunong siya makipaglaro with other kids, but hindi ko siya iniiwan magisa she's with her yaya.. yung niece ko kasi iniwan ng mommy niya sa playhouse eh inaway ng isang bata simula nun naging mahiyain na parang natrauma yung niece ko.. sorry mahaba story ko..
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: Nanay Gez on March 19, 2010, 07:53:11 am
Hi mga sis!

Pansin ko may pagka-mahiyain ang baby ko... kapag may nakikitang bagong mukha yung anak ko, super natatameme, pero kapag naman kami-kami lang, ang gylo-gulo niya at ang likot-likot... normal lang ba yun sa mga bata? or kulang sa exposure yung baby ko? Working mom ako kaya every weekends i see to it na nailalabas namin sya. inilalabas rin naman ng yaya ko yung baby ko every hapon, at nakikilaro din sa ibang baby sa kapitbahay.. pero kapag mga new adult faces na... hiya na sya...
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: johnjoyce on March 19, 2010, 10:33:24 am
my baby is turning 1 year old na this coming april. nung una, when he was 6 months and younger, napapansin ko na parang irita sya kapag may ibang kumukuha sa kanya like my friends, neighbors etc. naisip ko non, siguro sobrang baby pa kasi sya kaya kailangan niya pa si mama (ako) more than anyone else. tapos ngyaong mag 1 na sya, kahit hawakan lang sya sa kamay ng kahit sino, iiyak na sya kaagad. though may mga times naman na kahit complete stranger sa kanya eh nakikipag ngitian sya. pero kadalasan talaga sobrang suplado sya. ang takot ko lang, baka lumaki sya na wala syang friends. ganito din ba babies nyo?
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: chubyswife on March 19, 2010, 10:39:44 am
expose mo si baby sa maraming tao..... wag yung laging nasa loob lang ng bahay si baby..... dapat may playtime din sya salabas ng bahay kung saan pwede sya makipag interact to other kids.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: denise2214 on March 19, 2010, 11:49:50 pm
share ko lang ang baby ko la akong naging problema....d talaga sya mahiyain........tingin ko kailangan i boost natin yung confidence nila .....kapag may mga games dapat ikaw man mami sumali ka sa mga games kahit ayaw mo......kc kung nakikita ka nila na nagjjoin ka....well tingin nila enjoy rin sumali....ready mo lang sya mami pag natalo....bka umiyak....tsaka pag nasa bahay kayo try to play games...para pag nasa party sya may idea na sya
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: danegerous_429 on March 20, 2010, 03:23:10 am
hi mga sisses!!!

well I'm happy to found this thread!!

my daughter is already 3 yrs. old pero she's doing good naman at home pro sa school medyo behave mahiyain sya ehh.,,

ano kayang dapat gawin para maboost yung confidence niya!!???

I want her to be confident as well of her capabilities
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: fulltimemom on March 20, 2010, 08:26:27 am
uhhmm.. i think good idea din na i-enroll yung mga kiddos sa mga activities lalo na ngaun summer na para mas madami sila matutunan at marami pa silang mammeet na ibang bata.. :P
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: fulltimemom on March 20, 2010, 08:41:21 am
ako mommie ang ginawa ko every week talaga kami nasa mall minsan naglalaro sya sa palyhouse pag may budget pero pag wala dun ko lang sya pinaglalaro si gitna ng glorietta  :D kaya ngayon sobrang bibo kahit hindi niya kilala sinasayawan niya kasi ne-expose ko sya sa mga tao..
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: Chie77 on March 20, 2010, 10:41:20 am
that was also my predicament to my older son. i learned that he is just shy. so what i did, i enrolled him in toddler class and expose him to activities that requires interaction with other children. and now that he is an incoming grade 3 student, he has many friends. but he is still quite shy a little to people he just met. i think it is already his personality.

its the other way around with my one year old. he is very - overly - social :)
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: ilovegabe on March 20, 2010, 03:32:54 pm
Same topic threads merged.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: denise2214 on March 29, 2010, 01:38:52 pm
Sis,i boost mo yung confidence niya......purihin mo yung mga good things na nagagawa niya.....
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: toughmom moderator on June 20, 2011, 11:52:08 pm
6 Ways to help a Child Overcome Shyness

Learn factors that contribute to a child’s timidity and how you can help your child get over his shyness.

(http://www.smartparenting.com.ph/images/site-alpha/articles/child-care/shyness/shy-boy-ci.jpg)

http://www.smartparenting.com.ph/toddler/development-child-care/6-ways-to-help-a-child-overcome-shyness
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: davesant32 on June 27, 2011, 10:02:54 pm
pwdng naconscious po dhl sa asaran o inggit ng iba. Hindi malalaman hangga't wala siyang kwento. In the meantime, pwd po kayo maghanap ng bagong mas 'private' na hobby. Example: reading, drawing :D
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: mayums on September 02, 2011, 09:47:03 am
My son is in nursery and is very shy. He doesn't participate in their class' singing of the national anthem. He didn't participate in their class' dance number last Buwan ng Wika program and just prefers to watch his classmates. On their first periodical exam, there were oral exams (memory verses and sounds of vowels) on which he didn't recite, which pulled his scores down. :(

He is not shy around us, his parents. He can recite the verses and alphabet sounds while we were reviewing, which he didn't do during the actual exams. Sabi niya, nahihiya daw kasi sya. We already asked him kung me nang-aaway ba sa school (at takot sya mapahiya), pero wala naman daw. We observed he doesn't like being put "on the spot"; like if someone asks him a question, he'll usually just smile and say nothing, or worse, run away from that person.

I was a shy kid myself before but I still participated during recitations. How can we help him?
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: rianne_mallows on September 02, 2011, 10:28:08 am
hi sis.. baka your kid doesnt have friends.. meron man, hindi close.. ganyan niece ko eh.. ang ginawa ng nanay ko, (lola ng kid) siya nakikipagfriends sa mga bata and parents then iniintroduce niya yung niece ko..
she would also let my niece give gifts everytime na may birthday ang classmate kahit wala handa sa school. natatandaan kasi ng bata yun eh..
 kaya ngayon ok na... marami na siya friends
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: Mommy France on September 02, 2011, 10:42:50 am
Feeling ko eto rin ang magiging challenge samen ni Miggy kapag nag-school na siya.
Kapag marami kasing kids, hindi siya nakikipag-usap. I'm not sure kung nahihiya siya or he just prefers playing alone.

Maganda yung suggestion na binigay ni rianne_mallows. :D Magamit ko nga kay Miggy.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: mommy e on September 02, 2011, 11:07:15 am
sis don't let him feel the pressure ... slowly but surely sis, kc mas pressured sya mas magiging resistant sya. my eldest kc sya din sya ng ganyang stage .. ine encourage ko lang sya although di ko sya pine pressure ... bring him to kid's parties, or yung sa mga playhouse / playrooms na maraming kids ... nakatulong yan sa kid ko nawala pagiging mahiyain niya ... nasobrahan naman yata ... hehe
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: sassysy on September 02, 2011, 11:58:52 am
sis, siguro to begin with, you should expose him to an environment with a lot of people. baka kasi kaya na hihiya laging kayo lang ng hubby mo kasama sa house. dapat meron siya group of friends whom he can play with. cousins man or neighbor or try to arrange play dates with your friends' kids. or pwede din dalhin mo siya dun sa mga play area sa mall, madami kids dun. and true yun na wag mo siya i-pressure kasi the more na mahihiya yan.and once he started playing with other kids, observe mo lang siya wag mo rin i pressure na makipaglaro na. dapat at his own pace. so i think the best way for him to know how to interact with other people and overcome his shyness is through play. kasi every kid is not pressured by playing and find it enjoying. :)
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: inker on September 02, 2011, 12:09:38 pm
^ I agree, sis mommy e. If you push your child to socialize and be friendly just like other kids, the result might be the opposite; the child might hide more in his or her shell.

My 4 year old daughter is very talkative and fun to be with when at home. Ilabas mo yan at di agad magsasalita. Isali mo sa birthday party, nasa isang tabi lang. I tried to push her to join, but she won't budge. If I tried to push her more, she'd cry. Laging ganito when it involves being with a large group of people.

Ganito rin yung nangyari last summer when I enrolled her at a ballet school. As expected, the first day was terrible. She wasn't cooperating, she moved around, she fidgeted, and eventually she cried when the teacher asked her to get back to her place. I asked her what the problem was when we got home. She said she felt shy. I told her that it's okay to feel shy and that when she got to know the teacher and the other kids, she'd feel happy there. I asked her to give the school another try. On the next meeting, I brought her to school 30 minutes earlier. The teacher and one of the students were early too. Dito sila nagkaroon ng bonding. My daughter warmed up to her teacher, she helped her arrange the name tags and place the stickers on the floor. She bonded with the other kid, too. When the lesson started, she followed her teacher, she didn't fidget and didn't make a scene. Dito ko napagtanto na kailangan lang niya mag-warm up when she's in a public place.

Simula nun, lagi ko na syang dinadala sa kahit anong events nang maaga, especially if it'll be her first time to be at that place and she'll have a fewer or none familiar face to meet there. And it is working.

But still, I don't expect her to be that cooperative all the time. Lalo na kapag may mga performance na. My daughter is a bit OC and a perfectionist too. Kapag di niya alam or perfected (based on her standards) ang isang activity, you can't make her do it kahit magmakaawa ka pa. I realized that it is part of her personality and I have to accept it and help her overcome her shyness and perfectionism in a gradual manner. Kasi pareho lang kami mafu-frustrate. Which is why when the ballet school invited us for a summer ballet recital, I refused. Sabi ko next time na lang when she's at least a year doing ballet. At least she's comfortable performing by then. Until now, she's doing ballet and she's still enjoying it.

To sis Mayums, it helped me a lot reading about sensitivities in children, including overexcitabilities. Kasi may mga bata pala that get overwhelmed with certain sounds or noise and large group of people. Masyado silang mag-absorb ng outside stimuli whether it be visual or auditory. It helped me realize too that my child is an individual, has her own personal preferences which I should respect. Eventually, as many moms here attest, she'll grow into a more sociable child in time with our help, proper guidance and understanding.

Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: jrvez_mom on September 02, 2011, 12:24:41 pm

@ mommy mayums : i think we have the same concern.ganyan din ang 2nd child ko, nursery din and sobrang shy sa loob ng classroom.shy din sya sa teacher niya.i keep on telling him na dapat hindi sya ma shy kay teacher kase nice naman si teacher.minsan siya na nga raw yung niyayaya nang mga classmates niya pero minsan lang talaga makipag-mingle.pag dito naman sa bahay sobrang likot naman.He has 2 brothers and playmates na mga kapitbahay and in my observation nakikipaglaro naman sya..kung may oral recitation sila sa school ang hina raw ng boses and minsan hindi na nagsasalita..i keep on assuring him na wala naman sya dapat katakutan because friendly naman yung mga classmates niya and very nice and soft spoken si teacher..sabi niya lalakasan naraw niya boses niya and hindi na sya ma shy kay teacher..sabi din ng teacher niya hindi raw dapat biglain ang bata ,kakausapin lang daw and give them assurance na magiging ok ang lahat na wala sila dapat ikahiya. :)
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: meme on September 02, 2011, 01:00:02 pm
ganyan din ang concern ko sa daughter ko na 3 years old. masyado sya mahiyain pag ibang tao, parang ayaw niya napapansin. pag kakilala niya kasama niya ok lang pero pag hindi na naku nasa isang tabi na lang sya. fisrt day niya sa school umiiyak sya hanggang pangatlong araw, pero eventually nag warm up na sya kay teacher tsaka mga classmates niya. pero pag may ibang tao sa school umiiyak pa rin sya. gaya nung linggo ng wika nila, ang galing niya pag pagpractice pero nung time na magperform na sila, since madami tao nanonood ayaw niya na tapos umiiyak na. ganoon din pag may nagbibirthday sa school nila, pag may kasamang ibang bata na hindi niya classmates, di na sya nakikihalubilo.

nag try na rin ako ipasok sya sa mga playroom para masanay sa maraming bata. pansin ko yung ibang bata nag aagawan minsan sa isang laruan, sya mas gusto niya mag isa. kung kukunin ng ibang bata yung nilalaro niya, hinahayaan niya lang, lilipat na lang sya sa iba.

pinagsasabihan ko na lang na hindi sya dapat mahiya pero hindi ko pinipressure. ganun din kasi ako nung bata ako, hanggang college nga dala dala ko pagiging mahiyain. may kanya kanya talagang personality eh, tinutulungan ko na lang sya idevelop para kahit paano mawala yung takot niya.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: MommyMichell on September 02, 2011, 01:01:04 pm
ganyan din problem ko sa panganay ko, 2 weeks nag-iiyak sa school nung kinder at kailangan makita agad niya ako paglabas niya ng room kundi e ngangawa na so ginawa ko sinali ko sa mga kung ano anong activities na alam kong mae-enjoy na, malapit na halloween, naku sis sali mo sa mall na may trick or treat kung saan kayo malapit, imposibleng hindi sya mag-enjoy at mawala inhibitions niya, pa-onti onti masasanay sya makipag-interact sa ibang kids at mao-overcome niya na shyness niya, sa ngayon 11 years old na son ko and may daughter ako 6 years old, mukhang nasobrahan naman, overconfident na minsan :D
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: mayums on September 02, 2011, 03:23:41 pm
mommies, thank you so much for your inputs. medyo nabawasan ang worries ko kasi di lang kami ang nakaka-experience ng ganito. sa class kasi nila parang wala naman akong nababalitaan na same case sa kanya.

with interaction naman with other kids, nakikipag-interact naman sya sa mga classmates niya although i think di pa niya memorize names nila. sa church naman meron syang mga kalaro. improving naman sya on that aspect kasi before di din sya masyadong nakikihalubilo.

thank you mommies. :)
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: denise2214 on September 08, 2011, 09:21:59 am
@sis inker-korek ka sis sa pagdala ng maaga sa mga events..ganyan din anak ko..pag late sya tantrums na agad..kaya lagi ko rin dinadala ng maaga tapos nirrready ko na sya sa possible na makita niya dun at what to expect.simula non ok na sya
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: ea_brea on September 08, 2011, 10:51:03 am
ganito din pamangkin ko, kahit sa mga children's parties. ginagawa ng SIL ko, hinahayaan niya muna mag-'warm-up' ang pamangkin ko to the setting and the people. hindi niya pine-pressure. ayun, minsan mabilis siya mag-adjust, minsan matagal din. iba-iba naman bawat bata e.

you can also try to expose him/her to environments na madaming kakausap sa kanya. napansin ko kasi sa ibang events and mga bata ay hindi kinakausap ng matatanda masyado.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: toughmom moderator on October 05, 2011, 09:18:29 am
Shyness can be detected as early as your child’s infant years. New SP article Shyness Begins during Infancy helps you find out if your baby will turn out to be a shy child.
Their “shyness spectrum” reveals that there are gradations when it comes to shyness.
click image
(http://i.livescience.com/images/i/20312/i02/lifes-extremes-outgoing-shy-110715g-02.jpg?1316812445) (http://www.smartparenting.com.ph/baby/development-child-care/shyness-begins-during-infancy)
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: PMunoz on October 14, 2011, 02:18:53 pm
aww maybe phase lang siya sis, kasi yung isang anak ko ganyan pero nawawalan din yung hiya niya pag nakilala na niya and nakasama kahit konti yung mga tao , so im sure your baby will be ok :)
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: CallcenterMom on January 11, 2012, 03:15:52 pm
I have a 6yo daughter who used to be so shy.  I mentioned used to be kasi ngayon she knows how to overcome her shyness and nervousness.

Dati kapag may school program, talagang napipikon ako kasi binihisan mo ng todo-todo tapos ang practice niya sa school halos araw-araw.  Pagdating ng presentation day, tatayo lang na parang poste sa stage habang ang mga classmates niya ay sumasayaw.  Meron pa ngang point na talagang sinuhulan ko ng Barbie doll para sumayaw lang.

I enrolled her to a workshop, yung mga nag-aalok ng dance, sing and modeling workshop for kids.  During the first day, she was shy, medyo naluluha pa nga ng iniwan ko sa room with other kids.  After 3-5 sessions and so many vtrs (pinag-aaudition ko rin kasi sya as model) napansin ko ang confidence level niya nag-improve.  Of course, you have to still talk to them and assure them that they are doing great and that you are proud of them. 

Every kids naman may kanya-kanyang level of shyness.  They just need our help to overcome it.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: mika-madz on February 27, 2012, 05:15:07 pm
hi mommies!
I'm a newbie here.. dami ko natututunan sa mga posts & reactions nyo.. thank you for sharing :)
that's why i thought of sharing also my worries sa 4yr old daughter ko.. mahiyain sya e, as in hindi sya nakiki mingle with other kids.. siguro dhil hindi p sya nag aaral. last Sat kasi nag attend kami ng birthday party sa Max's.. ayaw niya mag participate sa games.. also.. nag i-inquire n kami sa mga schools for her schooling on June, e nahihirapan ako sa kanya kasi pag may interview, ayaw niya sumagot sa teacher. pero she knows ABC, colors, numbers, shapes, even writing her name.. sayang lang kasi hindi tuloy nakikita nung interviewer yun capabilities niya dhil sa "hiya" niya.. nakakatuwa lang kasi ang mga kids na sociable at nagpaparticipate sa parlor games.. how i wish ganun din ang anak ko..i just hope madevelop ang social skills niya pag nag aral n sya ;)
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: Mommy France on February 27, 2012, 05:25:55 pm
Hi sis.. alam mo yung anak ko, this school year pa lang mag-aaral pero natutuwa ako sa kanya kasi malaki na yung pinagbago niya.

Dati kapag may bata lumalayo siya. Ngayon siya na yung lumalapit.

Sino ba madalas kasama ng anak mo sa bahay? Tapos anong activities yung ginagawa niya to bond with kids her age?

Yan kasi yung tanong namen sa sarili namen dahil natatakot kami ng asawa ko whenever lumalayo yung anak ko sa mga ka-age niya. Paano na lang pag nag-school siya. Although andun pa rin yung gulat factor (sabe sa assessment sa kanya sa montessori) at least daw nag-ta-try siya.

Dahil niyo sa mga playground tapos let her play with kids. Sa una talaga hindi lalapit pero kapag nasanay siya dun sa lugar mas lalakas na yung loob niya makipaglaro. It doesn't have to be sa mga posh na play area. Kami sa play ground lang dun sa may BF. May little tykes dun na pinapalaro namen yung anak ko tapos nanonood lang kami.

Dun naman sa interview for school, nag-prepare talaga kami ng anak ko. Na-set ko sa utak niya yung gagawin ng teacher. Anong isasagot niya pag tinanong siya ni teacher?
Yung anak ko di pa masyado nakakasali sa parlor games kasi hindi pa siya ganun kagaling sa pag-follow ng directions. Nadi-distract pa siya. Pero kapag may lumapit sa kanyang bata, siya pa yung nagyayaya makipag-play.

We had the same dilemma, yung sa anak ko lang medyo na overcome na niya kasi na-set ko na sa kanya.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: mika-madz on February 28, 2012, 12:20:51 pm
HI Mommy France! thanks for the advice.. tamang tama, bukas may interview sya ulit sa school, iko-condition ko n utak niya.. and yes, siguro dapat dalas dalasan ko ang pag dala sa knila sa playground. SAHM ako, pero di ko sila madalas mdala sa playground kasi sa dami ng house chores, pagod n din ako minsan sa hapon. kaya sialng magkapatid lang lagi magkalaro, my other kid is 2yrs old.  tska ayun., watching cartoons lang everyday. Sana maganda kalabasan ng interview niya tom.. Thank you!! 
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: wandergirl_turn_mom on February 29, 2012, 03:39:13 pm
I suggest you try to enroll her on those short classes (finger-painting, etc.) found on malls para may ma-meet din siyang ibang bata. Effective din kung try mo siya sa mga Play areas. Just make sure safe na iwan siya dun. And hindi mo naman talaga siya iiwan, didistansya ka lang ng kaunti and observe how she reacts to other kids.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: cyrre on March 05, 2012, 01:57:50 pm
sis try mo enroll this summer kahit anong activities so she can mingle with other kids at first talagang ganyan yan mahihiya ako nga boy pa yung sa akin...pero nung ma enroll ko sa gymboree naging ok naman na sya though di pa sya nakakapagsalita ng maayos pero marunong na syang makipaglaro sa ibang bata kahit sa girl nakikipaglaro din sya..
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: Anne Mercado on March 12, 2012, 10:42:54 pm
Sometimes kids aren't used to new people talaga so don't expect them to play games during birthday parties.

It's best to take her to other classes so she can learn to mingle with other kids. She just needs practice :) Hope it works and do keep us updated.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: fashionistamom on March 27, 2012, 12:23:50 am
Sis, ganyan din yung concern ko kay cloie although mas younger siya sa baby mo. She cries whenever may kakausap sa kanya hindi niya kakilala or hindi siya nakikipaginteract with other kids. So what we did is we enroll her sa gymboree class and we are happy na we saw changes na sa kanya in terms of interacting with other people :)
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: CallcenterMom on May 14, 2012, 11:12:39 am
I have the same problem 6 months ago with my daughter.  Kahit school program na group sila na mag-peperform sa stage wala din.  Tatayo lang sya.  Ang nakakainis, nag-eefort ka na bumili ng costume and everything just to see your kid stand on stage.

To solve this problem, I enrolled her in one of these workshops being offered to children.  Sinamahan ko na rin ng mga VTRs for modelling agencies.  After 3 months of workshop, and numerous VTRs, ayun big improvement.  Nag-peperform na sya sa stage and she mingles to children na hindi niya kilala. 

Medyo magastos and time consuming but it is all worth it.  I do not want my only child to grow timid.  Marami kasing opportunity kung BIBO ang bata.

You can also check my blog.

http://intrimididaatribida.blogspot.com/2012/05
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: mika-madz on May 15, 2012, 02:39:42 pm
^
sis, give me naman advice where to send my daughter for VTrs, modelling etc.. sayang din naman kasi ng talino niya  if mahiyain sya lalo sa school.. tska gaano b ka expensive to?? naku, baka hindi ko naman kaya :) pero gusto ko lang magka idea.. thanks in advance!
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: luk_resha on May 16, 2012, 02:24:14 pm
interested din ako dyan sa mga workshop paano ba?

my daughter is turning 2y/o next month, sa house she is SUPER kulit, usi, active and noisy di nga namin mawari kung paanong hindi sya nalolobat. but when it comes sa labas may ilag factor sya especially if hindi niya kakilala. pag kabisado niya na yung tao dun pa lang lumalabas yung totoong sya. like dito sa office dun sa mga nakakabisado niya na ang mukha nadadaldalan niya pero sa mga bago niya pa lang nakita tahimik lang sya minsan nag tatago pa sa likod ko lalo pag yung pinag kukumpulan sya e araw araw ko pa mandin kwento sa office mga kasutilan niya ;D  lagi ko nga tinuturuan na pag binabati sya lagi syang sasagot ng "hi" and wave hands kasi alam na rin naman niya pero yun nga masungit lang din talaga minsan...
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: hazeldust on May 17, 2012, 12:33:59 pm
ganyan din dati daughter ko, dati kasi sa bahay lang sya lagi kasama niya lolo at lola niya kaya ayun sanay sya lagi na nasusunod and yun nga hindi sanay sa ibang tao kaya nga nagkakalokohan samin na hindi daw mananakaw yung anak ko..nung napunta kami sa mother ko, may malapit kasi na day care dun ayun pinasok namin sya at first talagang ayaw nyang mag paiwan kaya ang nangyayari mom ko kasama din dun sa loob, katabi niya..hanggang bago matapos yung school year ayun medyo nasasanay na sya..nakakatulong din talaga pag pinag school mo eh tapos maganda din may mga kalaro sya like mga cousins niya atleast matututo din syang makipag socialize sa other kids..
nung lumipaty naman sya sa private school (for kinder) sinabihan ko na sya na dapa sasagot sya sa teacher kasi di sya makapasok dun..(sya din kasi pumili ng school niya dahil mga cousins niya dun nag aaral)
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: CallcenterMom on May 17, 2012, 04:25:30 pm
Mga moms, try modelshop if you are interested na maging TVC model anak nyo.  You can check their web site:

www.modelshop.ph/

Yung workshop naman, the fee was about 5-7k.  Sa Nephite Talent Center ko sya pinag-workshop.  Staggered payment naman kaya carry na rin.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: KVsmommy on May 21, 2012, 11:49:43 pm
my 3 year-old is also a shy kid, especially pag strangers ang kaharap niya. she's less mahiyain now though, after having attended summer classes, and mas receptive na sya to playing with other kids, dati kasi medyo ilag sya. although with grown-ups, may 'warm-up' moments pa din muna sya before niya pansinin, especially pag bago sa paningin niya yung tao. :) she also participates na sa games sa mga parties, kahit minsan kawawa sya kasi sya yung pinakamaliit, sali pa din sya ng sali. hehe.

sis CallcenterMom: ano pong activities ginawa nila sa workshop? :)
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: CallcenterMom on May 22, 2012, 10:07:15 am
^
Singing, Dancing, acting and Modelling.  You can check my blog.

http://intrimididaatribida.blogspot.com/2012/05

Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: Errych on January 24, 2013, 10:18:58 pm
Find out if your baby will turn out to be a shy child with these telltale signs.
Shyness Begins during Infancy
(http://img39.imageshack.us/img39/559/shygirlci.jpg)
http://www.smartparenting.com.ph/kids/baby/shyness-begins-during-infancy
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: Errych on January 24, 2013, 10:26:14 pm
Learn factors that contribute to a child’s timidity and how you can help your child get over his shyness.
6 Ways to help a Child Overcome Shyness
(http://img829.imageshack.us/img829/9681/shyboyci.jpg)
http://www.smartparenting.com.ph/kids/toddler/6-ways-to-help-a-child-overcome-shyness
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: CallcenterMom on February 12, 2013, 04:20:48 pm
@ mika-madz: Price of workshops varies around 5-8k.  Modelling and VTRs free lang po yun.  You can go to modeling agencies.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: CallcenterMom on February 12, 2013, 04:22:29 pm
@ KVsmommy:  Tinututuan po silang rumampa, mag-act, sing and dance.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: mika-madz on February 26, 2013, 08:01:08 am
@CallcenterMom
sis mga ilang weeks tatagal to? worried ako bk masayang bayad kasi talagang napakamahiyain ng anak ko.. :(
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: Mommy Jazz on February 26, 2013, 09:44:44 am
@CallcenterMom, I'm happy to know na naging effective ang workshop sa daughter mo. I've been getting a lot of feedback and complains (like I'm connected with the agencies) that they got ripped off with workshop offers na wala namang naging result sa anak nila. For the longest time naghihintay ako ng good feedback and it's good to know na from a fellow SP member ko mababasa yon.


For those who are thinking of enrolling their kids, do it for fun. Alamin niyo po muna if your child would like to try it, hindi yun tayo ang magtutulak sa kanila. See if they have a 1 day trial. If you find it too expensive, look for other workshops. This directory was of last year pa pero you can call to check if they have an off-summer class.
http://www.smartparenting.com.ph/directory/summer-activities/culture-performing-arts/performing-arts/




Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: CallcenterMom on February 27, 2013, 03:32:55 pm
@MommyJazz:  Depende siguro.  I feel the same with JMNTC.  Iba kasi sila mag-salita talagang nag=promise na makukuha or nakuha na ang bata sa commercialor may project na.  With regards naman sa NTC, they didnot promise and they did explain their part.

Ang sa akin kasi, importante mawala ang shyness ng anak ko.  I'm glad NTC (Neophyte) and pag-VTR sa mga modeling agencies help her a lot. 

Siguro, ang importante lang tama ang sabi mo, let the kid enjoy the activities.  Wag masyado ma-pressurekung walang project ang bata.  Ang importante, your kid is having fun at her own phase.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: mvm723 on May 21, 2013, 07:27:16 pm
I have a 3 yr old girl who never participates in group activities in school...At age 2 she only attended play school twice then dreaded going back to school. At age 3, I sent her to summer play school and she did not want to join when the class had a pajama party, pizza making and lastly their culminating activity. During practice she would sulk and I would see her cry and not want to join the class. Her teacher was wondering why at the 2nd week of class, she would start crying when everyone else was doing the dance. At home she loves to sing and dance, she has her guitar, mic, piano and stuff like a rock star. She even has her own song while strumming the ukulele. But at school, it was a nightmare. On the last day of school, everyone was on stage except her. She was just taking photos of her classmates. I was worried...Is this because she doesn't see her dad much? I also have trouble making her listen to me aside from not following teacher as well. Should I take her to a psychologist? She is very sensitive and smart and in the middle of things, she would ask why daddy doesn't sleep in the house...help! I will enroll her to a new school again because she doesn't want to go back to her former school. I'm afraid this might be a yearly school change :(
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: mika-madz on July 13, 2013, 07:26:32 am
hi sis.. i have the same problem with my 6 yr old daughter. :( sabi ng teacher sa akin ayaw daw magsayaw sa practice nila ng dance for the field demo on July25. as in naka statwa daw. e dito naman sa bahay ang kulit kulit. pag ask ko naman sya bakit ayaw niya magsayaw nahihiya daw sya tapos nun ayaw na magsalita..  hindi ko alam gagawin ko para mapasunod ko sya :(
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: Mommy Jazz on July 13, 2013, 12:16:17 pm
Merging "My 3 yr old doesn't participate in school activities" with this topic. Stage fright in school were discussed on the 1st page of this thread. Please keep your comments coming.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: alec_18 on May 28, 2014, 08:09:40 am
help po..i have a 3 yr old son, i just noticed that as he grows older he's getting a bit shy towards other people, especially if all faces are new to him.he's facing the ground pag ganun nahihiya sya, pano kaya maalis sa kanya un.is is possible na nakuha niya saken un, medyo shy type kasi ako..tia!
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: toughmom moderator on June 08, 2014, 01:17:42 am
Same topic merged.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: KCsMoM on June 24, 2014, 02:48:40 pm
Hi SP mommies, I'm from bf homes. I'm looking for a toddler na makakalaro ng 2 yrs. Old daughter ko. Wala kasi kaming ibang kids sa bahay. And my relatives are in province area. Gusto ko Lang sanang maboost yung social skills. So, whoever is free for toddler playmate/playgroup, set tayo ng date. :)
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: mamaluvs on July 10, 2017, 04:14:49 pm
Hello mga mommies!
My 4- year old daughter won't recite nor participate in school. She's in kinder 1 this year. Last year, nag daycare sya sa baranggay, same case din. Until this school year, hindi pa rin sya nag sasalita, nag rerecite, or nagpaparticipate sa school activites. Pero pag may quizzes or need na magsagot sa seatwork, ginagawa naman niya. Anything lang na kelangan magsalita ,yun yung ayaw nyang gawin..Sobrang mahiyain niya. Ibinibigay naman namin lahat pwedeng isuhol para lang mag recite sya sa school. Nag paparomise naman si daughter ko na mag rerecite na sya. Kaso at the end of the day, malalaman ko sa teacher na hindi pa rin nagparticipate.Matalino naman sya. As in ang bilis nyang matuto ng lessons,  at  makamemorize ng bible verses. Super bibo nga sya sa bahay. Natutuwa sa kanya mga kapitbahay. Kaso ganon sya pagdating sa school. Super mahiyain to the point na ayaw niya maki join/participate even makipagusap sa classmates at kay teacher.  I don't know what to do na.  help mommies kung ano pa pwede ko gawin.
Title: Re: How can I help my shy kid?
Post by: annefajardo on August 18, 2017, 12:09:30 pm
Hello Mommy, my daughter (5yrs old) is like your child too. Nagsabi sakin ang Teacher niya earlier that my daughter doesn't recite in school, eh kasali un sa grading system. Nag Recognition sila kanina sa School for first grading, sa kanilang magkakaklase na babae sya lang ang walang special award. Although okey lang naman sakin kasi I really don't wanna stressed her on having an award every grading para hindi ma pressure. Takot din ang anak ko sa Teacher niya which is medyo nagtataka ako, nund Kinder 1 sya from her previous School, takot din sya sa Teacher niya, ni hindi sya lumalapit or nakikipag usap. Yung Teacher ng anak ko ngayon mabait at madaling i-approach, sya pa nga ang ang rereach out sa anak ko pero umiiwas talaga anak ko, ni ayaw magpahawak sa Teacher niya kapag hinahawakan daw ang kamay ng anak ko. I felt guilty when we got home kanina, I think may mali rin ako kasi palagi syang napapagalitan dito sa bahay, my mother told baka resulta na daw yun ng palagi namin sya napapagalitan, nagkaroon ng inferiority complex ang anak ko. I feel you Mommy, I am also seeking advice from peoplte who will not judge us but instead who will understand us and our situatio and help us cope. God Bless Us.