Parent Chat
Pregnancy => Breastfeeding => Topic started by: icebox on February 28, 2009, 01:54:22 pm
-
Read it on Smart Parenting. Click any topic below to read full article.
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2017/11/29/20171129-lactmed.jpg)
What Drugs Are Safe to Take When Breastfeeding? (http://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/breastfeeding/which-medicines-safe-to-take-when-breastfeeding-check-it-here-a00041-20171129?ref=parentchat)
Hair Treatment Kapag Nagbe-breastfeed? (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/breastfeeding/nagpapasusong-ina-ligtas-hair-treatment-a00041-a1872-20190818?ref=parentchat)
Mabigat Dalhin sa Kaisipan ang Pressure ng Breastfeeding (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/breastfeeding/pressure-ng-breastfeeding-a1278-20191009?ref=parentchat)
mommies pls help me... me trangkaso kc ko ngyon at ngbbreastfeed ko sa 1 month old bby ko, okay lang b yun? takot kc bka mahawa sya s sakin.. any safe medication n pwede kong take? actually ngself medication ko nagtake ko ng antibiotic ??? di kaya yun mkasama sa milk ko pag dinede ng bby ko :'( pls help... THANKS :)
(https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply to join this discussion (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=4388).
Mod's note:
Community members can share their related experiences and feedback on brands and products. Online parenting groups can be comforting and helpful, but they CANNOT replace medical advice (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/free-birth-45-weeks-a00041-20190722?ref=parentchat). For inquiries on health and medical concerns, please get professional advice from a doctor or a health professional.
(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)
-
nung nagkasakit ako wala p 1 wk baby ko...nagkaroon ako ng mga rushes di ko alam kung saan ko nakuha,siguro dahil after ko galing sa hosp (24 dec cs ako tas 26 lumabas kami) dec 27 naligo na ko warm bath lang advice din ng OB ko then kinabukasan nun ayun nagkarushes ako at nilagnat...punta agad ako sa OB ko and she gave me medicines at nag take din ako ng biogesic...
di ko muna breastfeed baby ko.. :)
try mo muna consult OB mo..para safe diba? ;)
-
better to consult your doctor mommy, para mas safe :D
sa akin kasi pag may headache ako never ako take ng medicine, takot ako baka makaapekto sa baby ko, lalo nat nagpapabreastfeed ako. ang ginagawa water theraphy, and pahinga..
nagpapabreastfeed ako kahit may headache ako, and pansin ko hindi naman nahawa ang baby ko :D
-
momsy its not advisable to have BF while u have trangkaso, bka mahawa pa c baby dahil sa direct body contact nio. ask ur pedz
-
mommy i think stop ka muna BF saka wear face mask kasi baka mahawa baby mo. before kasi nung less than a month pa lang baby ko nagkasipon ako sabi pedia ko ok to continue BF as long as im wearing mask but no-no to BF if i have fever.
-
As far as I know, yes, it's okay to BF. Ang alam ko nga, it's better to BF in fact coz your body will develop antibodies that will go to your breastmilk, then when you feed your baby, your baby will have the anti-trangkaso antibodies. So para mong pinabakunahan baby mo. Kaya nga bihira magkasakit ang mga breastfed babies kasi ang dami nilang nakukuhang antibodies from their mommies. Or kung sakaling nahahawa man sila sa mga mommy nila, super-mild lang yung sakit nila.
But if you want to be sure ask your baby's pedia.
-
safe ang paracetamol sa nabreastfeed,as for antibiotics depende kung anong klase meron naman kasing safe na antibiotic for breastfeeding.if may sipon ka katulad ng sabi ni mommielaine gumamit ka ng mask sayang naman kc ng gatas mo db?
-
mga momsies,,ano ano po ba mga gamot na safe sa ngpabreastfeed??sobra sakit ng ulo ko at katawan,,para akong lagnatin,,,ayaw ako bigyan sa mercury,,better me receta sa doc daw,,kaso d ako makapunta sa doc,,,pls help
-
biogesic lang muna sis hanggat d ka pa nagpupunta dr...
-
biogesic lang muna sis hanggat d ka pa nagpupunta dr...
okay momsie,,,may stock ako dito,,thank you,,,god bless,,happy sunday
-
wag naman stock sis hehe..
pacheck up ka na din to be sure.
o itulog mo lang yan. baka pagod ka lang..
-
wag naman stock sis hehe..
pacheck up ka na din to be sure.
o itulog mo lang yan. baka pagod ka lang..
-
GET WELL SIS..
Tama na SP. itulog mo na yan.. hahaha. Adik din ;)
-
ask ko lang sa mga nagpapabreastfeed jan...pinadede nyo ba ang baby nyo kahit may sakit kayo...i have sipon and ubo...and dahil jan nilagnat na din ako..i asked my pedia sabi wag daw because malaki ang chance nha mahawa c baby..pero nagsearched ako thru internet and nabasa ko na ok naman daw magpadede kahit may lagnat ang mother..maigi daw un dahil yung piproduce na antibodies na katawan ay napapass kay baby na nagpapatibay sa immune system niya..
ano po opinion nyo?natry nyo nb magpadede kahit may lagnat kayo..tia
-
sa case ko sis nung nagbebreastfeed pa po ako there was a time na nagkaubo at sipon din ako ,. since no choice dahil purely breastfed pa si baby that time at since di din ako nilalagnat pinadede ko sya ,. ayun nahawa din ng sipon hehe pero nawala din agad ,. kaya sabe din ng pedia ko pag ganun eh wag na lang magpadede ,. ask ka na lang sa pedia mo what brand of milk ang pwede mo gamitin kay baby as a substitute sa milk mo
-
ako naman nung nagka sore throat turned to sipon at ubo nag pa breastfeed pa din ako kahit na naka amoxicillin pa ko (consult your pedia kung pwede kayo mag take ng mga meds while breastfeeding) hindi naman nahawa si baby. yun nga lang naka mask ako kapag hawak ko si baby at frequent handwashing :)
-
Ako kagagaling palang ng ubo at sipon ko,breastfeeding din 6mos na baby ko ayaw magdede sa bote, sa awa ng diyos si hubby lang nahawa,wala kami yaya at kasama sa bahay kaya ang hirap.i did not take any meds.Just hot shower, hot soup, hot calamansi juice with ginger and pure honey(bili ka yung made in USA pure un,yung dito sa atin may halo na kasi un),tapos madami bawang sa ulam kasi antibiotic din un..all natural ang bilis less than a week ok na ako.and eat nutritious food,dami fruits dapat.
-
I got sick and was allowed to breastfeed my baby provided I should wear a mask. Dapat isolated ako from my baby and bawal alagaan......
-
pure breastfeed din po ako noon at nilagnat kaso walang ubo at sipon. nagtanong po kami sa general doktor if bawal magbreastfeed habang may lagnat..sagot niya mas bawal na magutom ang baby kaya tuloy breastfeed ko at buti na lang hindi nahawa si baby..
-
Iba iba po pala opinyon ng mga doctor's esp. pedia regarding sa pag breast feed habang may sakit. Ako kasi ngaun malala sipon ko though walang lagnat pinadede ko si baby kahit malala sipon ko, mixed feeding kasi ako. Ngaun naobserved ko na madalas na paghatching ni baby and parang nauubo sya once in a while pro di pa naman sya sinisipon (wag naman sana). Pro I decided na stop ko muna breast feeding and stick muna ko sa formula milk habang may sipon pa ko, para iwas hawa kay baby. Kawawa naman kasi sya pag sya ang sinipon. :'(
-
Sis I also breastfed while having cough and colds. Thru research I found out na even before naging ubo and sipon un, your baby is already exposed sa virus. Mas mahihirapan lang sha if hindi mo i-feed. Remember, we sort of release Antibodies when we are sick. And we pass this on to our babies when we breastfeed.
Pero shempre pag malala na sakit like measles or the like - isolation talaga yun.
Hope this helps.
-
according to my breastfeeding guidebook it is safe to feed the baby when you are sick. You can take fever medecines like,paracetamol which are safe and will not affect the baby while brestfeeding. But if some illnesses are concerned we need to seek the advice of the doctor.. :)
-
sis pag lagnat lang ok lang i-breastfeed si baby pero kung sipon at ubo baka nga mahawa...i suggest mag-store ka ng milk mo sa freezer...tumatagal naman un up to 3 mos. eh...para pag may sakit ka, pwede un ang ipa-dede mo kay baby...
-
ay now ko lang nabasa thread na to..late na..
Sa case ko po na almost 3yrs na exclusively breastfeeding my son, may times din na nag ka flu ako pero tuloy lang mag breast feed.i've read also,kagaya ng ibang mommies, na yung antibodies na naipoproduce ng katawan natin, naipapasa sa baby thru breastmilk. Not once na nahawa ko sya.mas pa na sya ang nghahawa sakin pag my sipon ubo sya.hehe.
Kwento din po ng mil ko, noon daw nagkaron sya mumps,pnatuloy lang ng pedia pg bfeed and di naman nahawa baby niya
-
hello mga mommies please help me naman, may ubo ako or let say sorethroat at may lagnat ako. ok lang ba na i-bf ko ang baby ko kahit super taas ng lagnat ko? any gamot na pwede nyo irecommend? pls need replies
-
dont breastfeed pag may fever or umiinom ka ng antibiotics, biogesic u can take, i stopped breastfeeding na kc meron akong hashimotos thyroiditis, pero kung lagnat, ubo, sipon, u can still continue breastfeeding pg mgling kn..
-
hi sis..read nyo po ito :)
http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=19003.0
-
sis don't ever try bawal po magbreastfeed pag sick si mommy....
-
Based from my own experience, i breastfed while I am sick with fever/colds. Its ok mami as long as hindi sha yung nakakahawa and critical na sakit. As from what Ive researched din, bago ka pa magkasakit, expose na si baby sa virus na meron ka.. if you breastfeed, mapapasa mo yung antibodies na ginagawa ng katawan mo, making her recover faster kung mahawa man sha.
Ask your pedia or your breastfeeding consultant sis. Iba pa din pag breastfeeding advocate ang pedia and ob mo. Kapag hindi kasi advocate, they will suggest bottle/formula talaga.
-
ingat din sa medicines na iniinom mo. Pinakasafe is paracetamol. the rest, ask your doctor before taking them.
Usually ako pag sipon, iniinuman ko lang ng FERN C and dami water.
-
eh pano po pag pregnant? 2nd month? kasi nung 6 months preggy ako dati eh pinainom ako ng ambroxol eh ngayon kaya :'( ano pwede? sabe ng nurse dito sa office not safe daw kasi 1st trimester :'(
-
eh pano po pag pregnant? 2nd month? kasi nung 6 months preggy ako dati eh pinainom ako ng ambroxol eh ngayon kaya :'( ano pwede? sabe ng nurse dito sa office not safe daw kasi 1st trimester :'(
Ask your OB if pregnant ka po. They can prescribe something else for you.
-
thanks po ;)
-
Ako nung inuubo ako nag stop ako mag breastfeed.. Iniisip ko kasi baka masipsip niya yung plema! LOL :D
Eh ang tagal mawala nung ubo ko more than 1 week na ata.. tapos parang dumalang na yung lumalabas sa nipple ko.. iniisip ko tuloy baka wala na gatas :( mnsan pinipisil ko, may lumalabas naman.. hindi nalang gaya dati na pag lalabas, pwede na pigain yung damit ko sa dami... ngayon "medyo" pagaling na ako!
-
my Ob and pedia advice to still breastfeed even nag take ka ng med for fever...CS delivery ako then after operation nilagnat ako but still my OB and Pedia advice me to still breastfeed my son even nag take pako ng mga medicine noon for my wound.3 meds yun 2x aday..but wala naman effect sa baby ko,im also using formula milk for my baby kasi hindi pa siya pwede dumidede kasi masakit pa tahi ko at bawal pa kumilos then the nextday ako nag breast feed even may lagnat ako at nag take ng med. hindi naman siguro mag advice yung 2 docs na mag breastfeed if harmful kai baby ko.. ;)
-
oo nga noh!! nakalimutan ko.. CS din kasi ako, kaya pag uwi ko dito sa bahay nag tatake ako ng antibiotics.. 3x a day pa nga yun! pero pinag bbreastfeed ako! so pwede nga!! hahaha... limot ko na ano ba yan! :D :D :D
-
epekto ng anaesthesia sa CS sis..Lol! joke!
-
epekto ng anaesthesia sa CS sis..Lol! joke!
haha, totoo yun sis.. lagi na ako makakalimutin... minsan nga lipstick nakakalimutan ko tawag.... sabi ko nalang yung may kulay na nilalagay sa lips! nyahahaha....
-
ako naman never nagkasakit while breastfeeding. Pero yun din ang bilin ni pedia, pwede magbreastfeed unless may iba ka pang sakit aside lagnat,sipon or ubo..
at meron naman ako guidebook na bigay ni pedia dun na lang ako nagbabasa kapag may questions hehe :)
-
based from my experience, nagpa bf ako kay baby while i have cough na yung phlegm ay nakabara sa throat & allgergic rhinosinusitis. ang ginawa ko lang ay asked ang pulmonologist kung ano gamot pinaka safest inumin. he gave me an antibiotic na itatake ko 3x a day for 7 days.
notice ko lang na di sya nahahawa sa akin, lakas talaga resistensya niya and yung milk supply ko ay continous pa rin. better to ask also your pedia if yung iniriseta ng pulmonologist na gamot ay pwede din sa bf, wala naman masama if you double check diba.
-
Hi. I have a one-year-old and she's still breastfeeding. I never had any serious illness while breastfeeding. Nagkamastitis ako once, and allergic rhenitis, oh, and UTI. I researched online and it's safe for mommies to breastfeed even with fever, coughs, and colds. Just remember to tell your doctor na breastfeeding ka so he could give you safe meds.
Also, there's a database where you can check how safe drugs are for breatfeeding. You just need to type in the generic name of the drug. Here's the link (I got this from La Leche League) http://toxnet.nlm.nih.gov/cgi-bin/sis/htmlgen?LACT
And this one's from babycenter.com..
http://www.babycenter.com/0_drug-safety-during-breastfeeding_8790.busy
-
Hi, it's safe to breastfeed even with colds and fever. Your baby have the antibodies to prevent them from getting sick. Good that you search on the internet re safe drug for breastfeeding moms. If you can, try to find the book Nursing Mother's Companion by Kathleen Huggins. It's a very complete guide to breastfeeding moms (until weaning). It also has a complete list of medicine/drugs that safe/not safe for BF moms plus yung possible effect sa baby and mom if taken. Hope this helps... :D
-
wow thank you to all the mommies na nag-reply. ngayon ko lang nabasa mga replies nyo. medyo pagaling na ako mga sis, so far di naman nahawa ang baby ko kahit bf ko siya kahit may lagnat ako. malakas talaga resistensya ng baby ko. ok naman gatas ko marami pa naman. my ob adviced me to gargle bactidol and take vitamin c and drink plenty of water. ganun na nga ginawa ko. kaya eto pagaling na ako mga sis salamt din sa mga advices nyo. thank you thank you.
-
and sis don't forget to wear mask while breastfeeding if may ubot sipon.
-
and sis don't forget to wear mask while breastfeeding if may ubot sipon.
ah,ganun ba yun sis,
ditong nakaraan araw nagkasipon ako,
napapaBF parin ako ky baby,lagi lang ako nag aalcohol,
saka tiniis ko wag uminom ng gamot,
yung pampatak sa ilong lang gamit ko,
buti nawala naman agad, ;D
-
nagtake ko ng antibiotic
Sa sinabi sakin, bawal po mag BF pag uminom ng antibiotic. Kasi nagpa bunot ako ng tooth ko, and a week before binunot pinagtake ako ng antibiotic at pinagbawalang magBF ng dentist. After mabunot, dahil i was injected an anesthesia, bawal pa rin for a period of time kasi makukuha yon ni baby through our milk momsie. However, better consult your pedia pa rin para may maipayo sya sayo na medication. By the way, congratz and get well soon. :)
-
paracetamol lang ang pwede pag may sakit ka. kung may lagnat ka naman, pwede pa naman mag pa bfeed. when i got sick kasi binigyan ako ng antibiotic tapos pinatigil ako mag bfeed habang iniinum ko yun.
-
ang alam ko not all antibiotics naman bawal kapag nagpapbf. just advise your doctor lang that you are breastfeeding para mabigyan ka niya ng antibiotic na pwede. cs delivery ako and may antibiotic na binigay sa akin but never naman ako sinabihan ng doctor ko na bawal mag breastfeed. in fact, she encouraged me pa nga to breastfeed.
-
i had fever 38.7 nagtake ako biogesic 2 pcs. na 500mg .so its 1,000mg safe ba yun dosage?..wala kasi ob ko nasa abroad...my baby is only 3 months old..mix formula sya..and now iam not sure if cocontinue ko pa magpump since nakatake ako ng 1000mg ng biogesic....thanks so much :-\
-
hello sis darna88. happy new year! wag ka mag alala. biogesic is safe. when i attended the BF class facilitated by lactation consultants zeny feliciano and cher anonas, there are only 5 families of medicines na bawal sa BF mommies. i cant even remember the names of those meds kasi para sya sa mga cancer patients. kaya go lang tayo ng go. happy breastfeeding. 8)
-
biogesic is the only med na allowed sakin when i was pregnant.. and until now that im breastfeeding (pure bf).
dont take it 1000mg at a time. 500 lang (isang tablet) every 4 hours lagi yan. (pag may fever parin every 4 hours, pag wala na , dont take na).
i had kidney stones when i was pregnant so super sakit ng likod ko, the only pain relief i could get is from biogesic. :) ok naman.
-
yes,kahit pregnant ka it is safe for you....you can take one at a time but don't take more than you need...
-
For those moms na ngpapa BreastFeed have you tried taking mefenamic acid? Naalala ko kasi yung sabi ng pinsan ng husband ko na nagpapa BF din. Her doctor said daw na you can take meds kahit nagpapabreastfeed ka. Yung mga simple medicines daw like paracetamol. And even if you have fever pwede ka pa din daw magpa BF. I'm not sure lang kasi if pwede din ang mefenamic acid, need ko kasi uminom para sa ngipin ko..
-
i've been reading articles regarding bfeeding and sickness (common colds) and nagbackread na rin ako but i still don't know what to do. May ubo kasi ako kahapon lang, at sumunod agad yung lagnat. niresetahan ako ng pedia ni baby ng amoxicillin and that I can still breastfeed my 1month old son provided that I should wear a face mask.. Nabf ko si baby yesterday right after bumaba yung lagnat ko.. Ang problem ko lang, pabalik balik yung lagnat ko, kanina lang umabot ng 39.5degrees, but after taking biogesic ok na ko ngayon kaya pumuslit ako sandali dito sa SP..
I am currently taking amoxicillin 500mg 3x a day for 7days and biogesic every 4hours, kaso sabi nila dito wag ko daw muna BF si baby baka mahawa :( magpump na lang ako para hindi mawala supply ko ng BM, Is it safe pa din ba to give my expressed bf kay baby? worried ako kasi nadagdagan gamot ko tapos lala pa ng ubo ko :( or itapon ko na lang yung expressed milk? Ayoko lang talaga mawala supply ko
-
hi sis! mukhang super late reply na and malamang ayou're well na by this time. hehe.. still want to comment.oks lang po to continue BFing sis.. im taking amox now..last week with mefenamic acid pa pero never ako nag stop mag BF.. oks lang po un. that's one of the safe meds na inumin.light lang ata kasi ang amox.. even sapregnant daw ito yung recommended na antibiotic if ever need ng mommy mag take.=)
-
yep sis I'm ok na..hehe magpost pa din dapat ako noon kahit walang nagreply. I'll just share my experience.
I know amoxicillin and biogesic are both safe while BFing. Worried lang ako before dahil kakatapos lang magantibiotic ng baby ko kasi nauna siyang magkasipon bago ako nagkasakit.. Iniisip ko na baka masobrahan pag naipasa ko sa kanya yung tinetake kong meds.. Worried din ako na baka mahawa siya sakin kasi taas lagnat ko at ang lala ng ubo. Honestly, tinamad na kong mag pump that time. Pero hindi ako tumigil sa pag BF sa kanya directly. Ok naman baby ko, hindi naman siya nahawa sakin, and happy ako na napapasa ko sa kanya mga anti-bodies at sana lalong lumakas immune system ng bebe ko. Nawala yung lagnat ko on the 3rd day pero yung ubo ko tumagal ng more than a week, still tuloy tuloy pa rin ako sa pag BF.
-
glad to know that you're ok now.
ako naman nun sis asar na asar din uminom ng uminom ng mga gamot kasi pinagbusuntis ko pa lang sya nkpag take na ko ng antibiotic tpos ngaun BF ako sa kanya panay inom ko pa din ng gamot.. nkakay amot lang noh. hehe.. syempre di mo pa din maalis ang worry kahit pa sabihin na safe un but still gamot pa din un and we all know that every med has its side effects.. wala lang ganun talaga taung mga mommies eh.. lalo na taung BFing moms as much as possible syempre ayaw natin may take na gamot pero yoko din naman pa mag stop mag BF.. kaya talagang recently naisip ko to be extra careful with our health.. iyan pa nga regret ko mommy kasi during the time na ngkasakit ko aoround 1mo pa ng bebe ko nagstop ako mag BF kasi di pa ko SP mom nun di pa ko nkkakabasa sa net bout BFing.. naku nag stop tga ko at hanap kami kahit no milk lang sa malapit na drugstore eh bonna lang yung andun na nbili nung housemate ko.. hasy, mali pala un kasi mas dapat pa pala i-BF si baby nun kasi super advantage sa kanya un coz of the antibodies na mkukuha niya pag may sakit tau. well atleast now im well-informed with that so if not for me atleast mgagamit ng ibang masasabihan ko di ba.. cheers mommy! =)
-
Q: I have fever and flu. Can I still breastfeed?
A: Yes, for as long you do not have untreated Tuberculosis or herpes lesions on the breast.
Read more:
http://www.smartparenting.com.ph/mom-dad/breastfeeding/breastfeeding-basics/13-Breastfeeding-FAQs-Answered/page/3
-
It is okay to breastfeed when you are sick :)
Don't worry about whether your kid will get sick too because chances are he or she was already exposed to whatever you had before you started showing symptoms (headaches, fever, etc)
http://www.babycenter.com/400_can-i-breastfeed-if-i-have-a-fever_7856700_645.busy (http://www.babycenter.com/400_can-i-breastfeed-if-i-have-a-fever_7856700_645.busy)
-
Hi, any recommendation kung ano pwedeng gamot sa sipon kahit na nagbbreastfeed? and puwede pa ko pa rin ba iBF si baby?
-
just increase your water intake... pwede ka din magcalamansi juice.
-
Merged with existing topic. Please utilize Search function first before starting new thread.
-
Hi mga mommies! ask ko lang sana if safe mag breastfeed kahit nata-take ng antibiotic. Last Oct. 3 kasi na confine ako due to cellulitis medyo mataas na dosage ang binigay kasi di ako makalakad & may injection din ako anti tetano then lumabas ako ng hospital last Oct. 6 & nagtake pa rin ako antibiotic til Oct. 8. pwede na kaya ako mag breastfeed?
-
Hi mga mommies! ask ko lang sana if safe mag breastfeed kahit nata-take ng antibiotic. Last Oct. 3 kasi na confine ako due to cellulitis medyo mataas na dosage ang binigay kasi di ako makalakad & may injection din ako anti tetano then lumabas ako ng hospital last Oct. 6 & nagtake pa rin ako antibiotic til Oct. 8. pwede na kaya ako mag breastfeed?
-
ask the doctor na lang sis just to be safe,mahirap kc my involve na medicine and you breastfeed pa,baka hindi pa fully nawawala yung medicine sa system mo then mainim ni baby diba...better to be safe than sorry :)
-
ask the doctor na lang sis just to be safe,mahirap kc my involve na medicine and you breastfeed pa,baka hindi pa fully nawawala yung medicine sa system mo then mainim ni baby diba...better to be safe than sorry :)
Thanks mommy preciouslara.
-
oo nga sis, ask mo na lang sa pedia or sa doc para sigurado.
-
Hi sis, me too, nagka-mastitis ako and i've to take antibiotic, cefalexin yung sa akin..for 7 days yun. I think it depends sa antibiotic na take mo. In my case okay lang to continue breastfeeding, my doctor told me that it will help to cure my mastitis. As for how many days or hours that a medicine stays in our system, its 48 hours according to my doctor.
So I guess it depends sa gamot na i-take mo, might as well ask your doctor sis. Take care.
-
sabi nila (as in my pedia and OB gyne), it is not that safe so better daw if I take natural remedies. yun ang sabi nila ha as I have no experience on this, it's good to consider their suggestion. if masakit yung boobs dahil hindi maka breastfeed, just express the milk and throw it away. then breastfeed na lang when you're done with your medication. isipin mo na baka ok din na simulan ng i-train si baby na mag bottle feed while you're on medication.
-
kuha ka ng clearance sa doctor mo sis. and kung me iinumin ka pang gamot tell your doctor how important breastfeeding is to you at bigyan ka ng bfeeding friendly na gamot
-
Ang alam ko hindi ka pedeng magbreastfeed kung nag take ka ng anti biotic. You have to wait ata for a few days. Nasabi sa kin yan dati kasi breastfed din sa baby. Best option is to ask the pedia or the OB or whoever gave you the antibiotic kung safe siya for breastfeeding moms. :)
-
Just got a tooth extraction and my dentist prescribed me antibiotic. This was the same antibiotic that my OB gave me a couple of months ago for my cough and colds. Okay naman daw even if I'm breastfeeding (though hindi nga lang ako exclusively bfeeding).
-
"Safe ba mag breast feed while taking antibiotic?" merged with this topic as antibiotics has been discussed on this thread.
-
share ko lang mga mommies. if you're sick with ubo, sipon, fever please do not stop breastfeeding. your body is producing antibodies that is passed on to our babies through our milk. there are a lot of medicines that are found safe for breastfeeding moms. our babies are already exposed to the viruses long before tayo nagkakasakit so why stop? if you need to take medicines, ask your doctor if its safe. if not, ask for another brand that's safe. share ko lang. i breastfed my son even when i had measles. :)
-
@Kimps08; I was gonna say sana exactly what you posted. But just to reiterate. DO NOT STOP BREASTFEEDING, unless otherwise specified by your doctor. Again, your body is producing antibodies when you are sick that are passed on to your baby whenever you breastfeed him/her.
The most common cause of cough and colds are viruses so no need to take antibiotics immediately. Lots of fluids lang muna. Water therapy ika-nga. :) Antibiotics only work on bacterial infections. Besides, we are not suppose to take any antibiotics without a doctor's prescription. Why? Because if you take an antibiotic and you don't take it properly, your body develops resistance. Meaning, hindi na tatalab ang antibiotics na yan sa katawan mo the next time you would need to take it and you would need na to take a stronger kind of antibiotics.
And if you indeed have a bacterial infection and self-medicated and did not do it properly. This bacteria could develop resistance. Pano na lang kung sa resistant bacteria nahawa ang baby mo? Pati sya strong antibiotics na ang kailangan.
Yes, mommies, tinatakot ko kayo kasi its not right to self-medicate. Please take the time to consult your doctors. And don't forget to take your vitamins. :D
Mod's note:
Do Not Stop Yourself From Sneezing! It Is Dangerous as One Man Discovered
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2018/01/18/sneeze.jpg)
Read it on Smart Parenting. Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/health/your-health/don-t-hold-in-your-sneeze-a00026-20180118
Post a question about this topic or share your experience.
Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) or register (http://www.smartparenting.com.ph/registration) to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=114413.msg966669#msg966669) upon registration or membership update.
-
hello.. ask ko lang if its ok to breastfeed my baby if i'm having a fever?
-
yes, it's perfectly safe for you to breastfeed even if you have a fever. mas better pa nga to some extent gawa ng naipapasa mo kay baby yung antibodies ml.
-
tama...sabi ng pedia ni baby okay land mag breastfeed ng may lagnat ka...yun din worry ko kasi 1st time mom ako.
-
Yes sis. Pdeng puwede. Ngyari na sa akn to nong 4mos pa lang bby q nagka fever din ako natakot nga din ako nun eh. Ang msamang effect lang cgro sken nun eh nong pina take ako ng biogesic napancn q nag lessen yung milk q until nwla nlg yung milk q. May tinitake k bng gmot?
-
Yup pwede magbreastfeed. Experienced the same, I asked both my OB and baby's pedia kung okay lang magpabf kahit may fever, and they said na okay lang naman.
-
ok lang sis, just wear a mask pag malapit sayo si baby para hidi mo mapasa sa kanya by air yung virus, yan payo skin nung pedia ni baby nung ngkafever ako before :)
-
Ano ba recommended cough medicine for breastfeeding moms? Im breatfeeding my 3month old baby kasi and may cough Ako, Ayaw ko Naman mahawa Si baby. Gusto Ko Gumaling agad. Dami Kasi nagkakaubo Ngayon Dito Samin.
Safe ba Ang solmux?
-
just take oregano oil, it loosens up the phlegm naturally.
-
kakagaling ko lang sa lagnat and im also BF pro mix ako kc nagooffice ako.after office na ako nagpapaBF, sa awa ng Dyos di naman nahawa baby ko. nagsneeze sneeze nga lang sya pero thank God hindi naman sya sinipon.bumili din ako ng mask para sure di sya mahawa.sabi nga ng office mate ko wag daw ako magpaBF pag may sipon and ubo or lagnat pero no choice ako pag gabi na biglang maghahanap si baby.pinagtetake din namin sya ng ceelin for vit c.
-
Hello Mommies,
Nagkasakit last Saturday lang, continue pa rin ang pag-BF ko kahit na ganun, malunggay juice lang ininum ko tas Bioflu (2) then after that puro Ascorbic Acid, Iron, Water and Matatamis lang para bumalik agad ang energy ko. Nun sobrang sakit ng ulo ko naman nag Mefanamic Acid ako kasi un yung reseta ng OB ko bago ako ma-discharge sa hospital after giving birth eh. I asked her before kung wala yung effect sa milk ko for baby, un daw talaga iniinom so I know na safe un...
-
cs kc ako need ko uminom ng antibiotic, ferous at pain killer. Ok lang kaya yun mga mommies na cs din?
-
Topic "Ok lang ba magpa-breastfeed kahit nag-aantibiotic?" merged with this topic.
-
Hello po mga mommies outder! I'm new here, new mom also, ask ko lang po, my baby is 1month old palang breastfeeding po ako pero inuubo sinisipon po ako ngayon, ayoko po sanang uminom ng antibiotic to cure my ubo, sipon baka may alam po kayong mabisang halamang gamot na puwede kopong inumin at safe kay baby kasi po breastfeed po me... need ur help & advices mga mommies! Thanks a lot po! Godbless to all po! :)
-
Goodafternoon po uminom po ako ng bioflu kasi po nilalagnat at masakit yung katwan ko kailan po ba ako pwede magpa BF kay baby?
-
Mommies pahelp naman po ano po ba magandang inuming gamot sa inuubo like me nahawa po ako sa baby ko. Hirap kase breastfeeding pa ko ako. thanks
-
Hi, kaninang umaga galing kami sa seminar ng marriage namin ni hubby. And isa sa mga topic dun is yung breast feeding whike may sipon trangkaso or ubo. The facilitator said it's totally OKAY to breastfeed while having sipon, ubo or trangkaso. Hindi daw agad mahahawaan si baby through breast feeding. But when taking meds, hanggang paracetamol lang si mommy unless mag bigay pa si doc ng iba pang gamot na pwede sa nag papa breastfeed. But if you want na mawala muna pansamantalaga yung sakit sa Ulo or katawan if meron ka nun better take paracetamol na agad para hindi na lumala habang hindi pa kayo nakakapag pa check up. :)
-
Hello po. I’m currently sick. May ubo, sipon at lagnat ako. Is it okay to take Bioflu while breastfeeding my little one. Thanks po
-
Here mommy Kimberly, you can read this:
A Guide to Safe and Unsafe Medications When Breastfeeding
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2019/06/13/medicines-safe-for-breastfeeding.jpg)
Click HERE (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/breastfeeding/safe-unsafe-medication-for-breastfeeding-moms-a00041-20190613?ref=parentchat) to read it on Smart Parenting.
-
Pwd po ba mag take ng biogesic ang breastfeeding na mommy kahit my g6pd si baby
-
From Smart Parenting:
Medicines that have been proven safe for babies are okay.
Acetaminophen, ibuprofen, and some antibiotics, such as amoxicillin...See More (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/breastfeeding/safe-unsafe-medication-for-breastfeeding-moms-a00041-20190613?ref=parentchat)
Some medication, like ascorbic acid (vitamin C), are safe to take in controlled doses. Find a list of these drugs...See More
What to Do if Your Child Is Diagnosed With G6PD Deficiency (https://www.smartparenting.com.ph/health/your-kids-health/parent-s-quick-guide-what-you-need-to-know-about-g6pd-deficiency-a00026-20171009?ref=parentchat)
-
Hi, I'm having fever right now 38.4 'C mukhang nahawa kasi ako sa panganay ko at ng mama ko na kakagaling lang ng trangkaso. Safe ba ko uminom ng bioflu? Kasi bukod sa lagnat may ubo at sipon nadin ako. Thanks in advance!