Parent Chat

Pregnancy => Labor and Child Birth => Topic started by: andreiquimosing on November 08, 2011, 08:13:45 pm

Title: All about Vaginal Birth After Cesarian ( VBAC )
Post by: andreiquimosing on November 08, 2011, 08:13:45 pm
hi mommies!

i underwent major operation 4 years ago dhil ngbuntis ako sa labas ng womb (ectopic pregnancy). its an emergency case kc nag ruptured n yung Fallopian tube ko at yung baby.. kaya tinanggal ni dra yung isang f.tube ko at isang ovary.. sobrang lungkot ako nun.. and now im 31 weeks pregnant.. normal naman lahat pati position ng placenta at position ni baby.. i just want to know kung puwede p akong mg normal delivery.. may mga naririnig kc akong cases n nkpag normal p sila after an operation.. please help! medyo mahal kctalaga kapag CS eh kaya gusto ko sanang normal.

thank you mga mommies! at good luck sa ating lahat!
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: Angela Zhane on November 15, 2011, 11:34:44 pm
I believe so mommy na pwede, not my personal experience pero from a batchmate. Base sa kwentuhan namin for as long as ma-maintain ni baby ang cephalic position, ok ang opening ng cervix at kasya sya ilabas down there pwedeng i-normal. By doing so, dadaan pa rin ng thorough check-up every week pag nareach ang 8th month. Though sabi nga, may chance pa rin daw na ma-CS. Next month pa ang due niya so wala pa akong idea kung VBAC na sya thru and thru.
 :)
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: eka1212 on November 16, 2011, 02:39:10 am
sis, i give you some light of hope... my friend had a cs delivery before.. i believe it was 8 years ago.. after 2 or 3 years.. nagbuntis siya and viola! pinanganakniya yung baby boy niya ng normal.. may nagsabe sa akin na meron pang chansa na puede ka manormal if may time frame ka.. (yun sabe niya sa akin..) ako din kasi nagworry dahil ayaw ko nang macs after ko mag give birth sa baby boy ko.. hopefully, if i will have one again.. it will be normal..
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: LLLA on November 21, 2011, 12:36:04 pm
oo pwede  ;)
Meron dito taga SP.. 1 year lang Gap ng CS niya.. na-normal niya  ;D
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: jealousygirl on November 21, 2011, 02:33:53 pm
hi po,,, pwede naman po mag Normal del kahit na cs na.I have an Aunt,first niya CS, then yung 2nd - 4th niya,, puro Normal na... kambal pa yung pang Fourth niya..  ;) pray pray lang po..
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: apple11 on November 21, 2011, 02:43:31 pm
question ko din yan dati kasi cs delivery baby ko. according to my ob sa medical city pwede magnormal delivery kung 2 yrs above ang gap. kc kung wala pa delikado at need niya pa magready ng blood. my officemate 1st baby niya thru cs 2nd normal delivery na pero malayo nga ang gap.
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: TineNiItoy on November 21, 2011, 04:36:49 pm
sabi ni OB puwede daw...CS ako sa baby ko...and i'm looking forward na ma-experience naman ang normal sa next ...kaya wala pa kaming plan sundan si baby...sabi ni doc mga 18months pataas daw para nakarest din ang body...pero i'm thinking of mga 3years age gap... :D
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: LLLA on November 22, 2011, 05:40:51 am
actually pwede talaga magNormal ult after CS, ako naman, I asked may OB if I can try, but she told me it depends on the situation ko during that time, say di magdilate ang cervix, ma-highblood, etc.... need STAT CS (which can be costly)
So sabi niya it's up to me if I wanna try magtrial labor.. I'm a coward sa pain and gastos so sabi ko Pa-schedule na lang ako repeat CS..hahaha!
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: andreiquimosing on November 22, 2011, 01:13:29 pm
thank you mga mommies! puro positive lhat ng nabasa ko.. atlist kahit papano, nbigyan ako ng hope.. buti n lang cephalic position c baby.. at sana, pingpepray ko talaga n mag dilate ako pag dumating n yung big day.... hehe! gusto ko din kc talagang mgnormal..
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: andreiquimosing on November 22, 2011, 01:16:09 pm
hi po,,, pwede naman po mag Normal del kahit na cs na.I have an Aunt,first niya CS, then yung 2nd - 4th niya,, puro Normal na... kambal pa yung pang Fourth niya..  ;) pray pray lang po..

galing naman ng aunt mo sis.. the fact n kambal p yung 4th niya.. sabagay, sabi nga talaga nila, dapat nga may tamang gap.. naisip ko, 4 years n din yung operation ko.. so, sana,, hoping n sana normal ako manganak..
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: jealousygirl on November 23, 2011, 05:20:41 am
@ mommy andreiquimosing  opo nga eh..may age gap nga po kasi rin yung mga anak niya,, kaya ganun..
iba iba rin po kasi ang reasong kung bakit na c cs diba po... like me,emergency CS.lang.Normal sana un.
But the important is,pareho kayong ligtas pagkatapos..  :)
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: rozzy on November 23, 2011, 07:53:02 am
Hi mga sis! Makiki-join lang ako ah... I'm a CS mom too and still hoping that when I got pregnant again, it will be a normal delivery na... Salamat sa pag-start ng thread sis andreiquimosing and sa lahat ng mga sis na nag-share ng ideas and opinions nila... mas tumataas hope ko for our next baby... Hindi man this year, probably next year masundan na... :)
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: QUEENBEE on November 23, 2011, 11:21:43 am
Hi, pwede ang normal delivery after CS. Sa 2nd ko we tried the Vaginal Delivery/ Birth After CS  aka VDAC or VBAC.  You need to watch what you eait kasi may required weight lang si baby para maVBAC, if my memory serves me right dapat hindi lalagpas ng 7lbs ask your OB about this. I was able to maintain my baby's weight pero nung due ko na hindi nagcooperate si baby transverse yung position niya that's why CS pa din ang ginawa sa akin.   
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: rozzy on November 23, 2011, 12:44:28 pm
Sis Queenbee, thanks sa pag-share mo ng experience mo. Super laking bagay yung pinost mo... :)
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: andreiquimosing on November 23, 2011, 04:23:52 pm
sis rozzy, ako din. sobrang tumaas yung hope ko.. hehe! gusto ko talagang maexperience kung ano feeling ng pag ire..

sis queenbee, inadvice din sakin ni ob n watch out nga daw ang weight.. wag nga daw masyadong palakihin c baby hbng nas tummy pa. palakihin n lang daw siya pag nailabas n para atlist hindi mahirapan.. at sinusunod ko naman.. the fact n 8 months n ako, parang 6-7 months p lang daw yung tyan ko sabi ng mga friends kong may mga anak n din.. hehe!
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: kuliglig^^ on November 23, 2011, 04:38:57 pm
Sisses, if it's any help, my SIL's first baby eh CS, tas yung second niya NSD.  ;)
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: QUEENBEE on November 24, 2011, 12:00:41 pm
sis rozzy, ako din. sobrang tumaas yung hope ko.. hehe! gusto ko talagang maexperience kung ano feeling ng pag ire..

sis queenbee, inadvice din sakin ni ob n watch out nga daw ang weight.. wag nga daw masyadong palakihin c baby hbng nas tummy pa. palakihin n lang daw siya pag nailabas n para atlist hindi mahirapan.. at sinusunod ko naman.. the fact n 8 months n ako, parang 6-7 months p lang daw yung tyan ko sabi ng mga friends kong may mga anak n din.. hehe!

Yes that's true sis pati ikaw hindi masyadong lalaki. i only gained 17 lbs during my second pregnancy. Your OB will also give you a list of food na pwede mong kainin para hindi masyadong lumaki si baby.
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: andreiquimosing on November 24, 2011, 04:56:12 pm
sis kuliglig, salamatsa another hope..

sis queenbee, ou nga atlist hindi mahirapan sa pagpapapayat after pregnancy.. salamat!
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: toughmom moderator on June 28, 2012, 08:59:37 am
Is Normal Delivery Possible after a C-section?
Find out the pros of having a vaginal birth versus having a C-section after you’ve given birth by normal delivery.
(http://www.smartparenting.com.ph/images/site-alpha/articles/child-care/prenatal___pregnancy/vbac_benefits/woman-hospitalbed-cijpg.jpg)
http://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/is-normal-delivery-possible-after-a-c-section (http://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/is-normal-delivery-possible-after-a-c-section)
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: mommielynne on June 28, 2012, 09:26:49 am
Hi sis im currently preggy with my 2nd baby, i gave birth 4yrs ago via CS with my first son. OB told me that i can try for VBAC (vaginal birth after CS) this time but  no guarantee that it can be sucessful, i can still end up having CS in case my labor doesnt progress again like what happened the first time i gave birth. So i decided im just not gonna risk it and just go ahead with another CS.
Title: All about Vaginal Birth After Cesarian ( VBAC )
Post by: zee18 on September 13, 2012, 04:56:40 pm
Hi mga mommies. :) just wanna ask baka may kilala kayong OB's na pro VBAC or atleast yung open naman sa possibilty na puwede mag normal ang dating CS. Sa 1st baby ko kc CS ako kc cord coil at fetal distress ang diagnosis nla sken. Induced labor din ako nun kc ayaw bumaba ng bby ko. Right now my 1st born is 3yrs old na at Im 5 months pregnant sa 2nd bby ko.  My nirefer sa akin ang friend ko kasi sa PGH un consultant at magaling daw kasi nalalayuan ako since taga Paranaque ako. Thanks mga mommies.  :D
Title: Vaginal Birth After Cesarian (VBAC)
Post by: mommystarlove on September 27, 2012, 12:20:53 pm
Hello Mommies,

Good day! I'm new here. I just wanted to know if Vaginal Birth After Cesarian (VBAC) is possible in the Philippines? Has anyone of you have experience like this? Please help me.
  :-*
Title: Re: pro VBAC OB's
Post by: mommyYOW on September 30, 2012, 06:59:01 pm
Hello, Zee18!

My OB is Dra. Jocelyn Imbao from Pranaque Doctors Hospital. She is pro-VBAC. 6months pregnant din ako ngayon with our 2nd Baby and 2years and 8mos old na ang eldest namin. I have UTI naman kaya ako na-CS. Btw, sya na talaga ang OB ko eversince. So, yun nga nung nalaman namin ni Hubby na butnis ako ulit, gusto ko sana na mag-VBAC. I asked her kung pwede na and sabi niya pwede na nga daw ako mag-VBAC. may mga precautions lang sya sayo na sasabihin, Like wag masyado papalakihin si Baby para hindi ka mahirapan na i-ire sya pag Big Day mo na. And, as far as I know, isa sya sa may pinamurang birthing packages sa PDH. Try to call na lang the hospital's hotline for her schedule. :)
Title: Re: Vaginal Birth After Cesarian (VBAC)
Post by: mommystarlove on October 02, 2012, 06:46:04 pm
Please mommies! help me!

I am really getting anxious about this.  :(
Title: Re: Vaginal Birth After Cesarian (VBAC)
Post by: insensitive on October 02, 2012, 08:04:57 pm
depende sa OB sis..
yung officemate ko CS sa una then her OB tried na mag normal birth siya..naglabor sya ng 12hours din pero na CS pa din..

may nabasa ako  dito sa SP na ganyan...forgot the username though   :( sana makita niya tong thread mo
Title: Re: Vaginal Birth After Cesarian (VBAC)
Post by: mommystarlove on October 03, 2012, 12:15:48 pm
super thanks sis...

di ko kasi alam kung may doctors na nag aallow pa nun...

sabi kasi mga doctors ngaun, puro CS and procedure
Title: Re: Vaginal Birth After Cesarian (VBAC)
Post by: dhates on October 03, 2012, 12:50:01 pm
di naman sis OB ko as much as possible normal delivery ang gusto niya talaga napakaliit daw talaga ng cs rate niya and mostly dahil talaga may complications, yung cousin ng husband ko cs sya before ngayon lumipat sya sa OB ko kasi yung mga napuntahan daw niya na OB puro cs na nga ang sabi sa kanya then pagpunta niya dito sa OB ko ask ni OB kung makakapag bigay ng copy nung medical records niya from previous hospital kung san sya nanganak then pag aaralan daw baka possible naman daw sya mag normal delivery ngayon. ewan ko lang kung pursigido pa sya magnormal kasi ang gusto niya pag normal daw kasi pwede pumasok si hubby niya sa delivery room pag cs hindi e since pumayag si OB na makapasok hubby niya kahit cs (ihanda lang daw ang sarili niya sa makikita at wag hihimatayin hehe) so parang ok na sya ma-cs makakapili pa daw sya ng birthday ng baby niya hehe
Title: Re: Vaginal Birth After Cesarian (VBAC)
Post by: mommystarlove on October 04, 2012, 08:56:33 am
di naman sis OB ko as much as possible normal delivery ang gusto niya talaga napakaliit daw talaga ng cs rate niya and mostly dahil talaga may complications, yung cousin ng husband ko cs sya before ngayon lumipat sya sa OB ko kasi yung mga napuntahan daw niya na OB puro cs na nga ang sabi sa kanya then pagpunta niya dito sa OB ko ask ni OB kung makakapag bigay ng copy nung medical records niya from previous hospital kung san sya nanganak then pag aaralan daw baka possible naman daw sya mag normal delivery ngayon. ewan ko lang kung pursigido pa sya magnormal kasi ang gusto niya pag normal daw kasi pwede pumasok si hubby niya sa delivery room pag cs hindi e since pumayag si OB na makapasok hubby niya kahit cs (ihanda lang daw ang sarili niya sa makikita at wag hihimatayin hehe) so parang ok na sya ma-cs makakapili pa daw sya ng birthday ng baby niya hehe

Hello sis! San ka po nanganak and sino OB mo?  :)
Title: Re: Vaginal Birth After Cesarian (VBAC)
Post by: QueenBee on October 04, 2012, 10:55:58 am
Ang pagkakaalam ko based din sa sinabe ng OB ko if you started na CS, sa mga susunod mo ng magiging anak CS na din. Kaya OB ko sabe sa akin if kaya ko daw magnormal mas maganda daw. Halos lahat din na nakausap ko na OB yan ang sabe.

Good thing NSD ako nung nganganak. Thanks God  ;)
Title: Re: Vaginal Birth After Cesarian (VBAC)
Post by: mrs_mv on October 04, 2012, 12:20:30 pm
Most of the doctors here preferred na pag CS yung first, CS na lahat. Wala pa masyadong pro-VBAC doctors here unlike sa ibang bansa. But I've heard lots of stories na rin na POSSIBLE pa rin ang VBAC. May bnabasa akong blog na 2CS na sya before nag-normal.

Nasa doctors din kasi yung. I have nothing against Pinoy-OBs. Pero mas preferred nila CS kasi mas malaki bayad :)

I am also looking for OB na pro-VBAC dahil naniniwala ako na kaya ko ma-normal during my last pregnancy it's just that incompetent yata yung pinagkatiwalaan kong OB kaya ayun CS.
Title: Re: Vaginal Birth After Cesarian (VBAC)
Post by: mommyYOW on October 04, 2012, 01:32:46 pm
Hello, Mommystarlove!

Possible naman ang VBAC just talk to your OB. Tska alam ko sa bagong policy ngayon ng Philhealth, hindi pwedeng mag-undergo ng CS unless may complications ang pregnancy. Kelangan na mag-try na mag-normal delivery before they could decide na CS ka na. May nabasa na rin akong thread dito sa SP na mga stories about their VBAC experience. CS din ako sa 1st baby namin because I have UTI the whole duration of my pregnancy and nahawa na rin si Baby. But still pinag-labor ako ng OB ko for 24 hours to try na mag-NSD ako. But yun nga hindi na rin nag-progress ang labor ko and nahawa na ng infection si Baby. Now that I'm pregnant again, I tried to ask my OB if we could go through VBAC this time dahil normal and healthy naman ang pregnancy ko ngayon. And, she said Yes naman. May mga precautions lang sya like wag papalakihin si Baby ng sobra para hindi bumuka yung tahi habang naglabor/nanganganak. Mas madali naman daw kasi patabain si Baby pag naipanganak na. So, try to talk with your OB first. Tas kung insist niya na CS ka talaga kahit normal and healthy naman ang pregnancy mo tska ka maghanap ng ibang OB na mag-agree sa gusto mo. :)
Title: Re: Vaginal Birth After Cesarian (VBAC)
Post by: mommyYOW on October 04, 2012, 01:37:08 pm
here's the link related to your question, mommystarlove. :)

http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,44259.0.html
Title: Re: Vaginal Birth After Cesarian (VBAC)
Post by: dhates on October 04, 2012, 01:47:06 pm
@sis mammystarlove dra alvia po of makati med, if you want paconsult ka sa kanya and bring records kung available para malaman kung candidate ka sa VBAC and possible talaga na magnormal delivery ka, sabi sa nabasa ko depende daw kasi talaga sa doctor yun dapat pareho kayo ng goal kasi kung yung OB mismo nagsabi na cs ka na e kahit itry na normal in the end for sure masi-cs ka pa din, with my OB kasi feeling ko hindi masyadong issue sa kanya ang PF as long as paid what is due for her ok na sa kanya yun kc nung nagbigay sya ng package samin ininsist niya na kahit anong room pa kunin mo same facilities and sya din magpapa anak sau yung price and room type lang talaga ang difference, actually ang pinepresent niya na package is for semi-private and small private ok naman nga kasi yung rooms especially kung 2days stay ka lang naman, pero kung may mga patient na willing talaga at preferred ang suite e di ok choice naman nila yun. kaya kung gusto mo talaga sis na vbac i suggest hanap ka ng OB na suportado ka hindi yung umpisa pa lang e sila mismo ayaw na, atleast pag lumabas na hindi talaga pwede e tapos na yung question mo na "hindi ba talaga pwede?". and share ko lang kahit medyo out of topic, 24 hrs ako naglabor super bagal ng pagdilate ko pero hindi niya ako sinukuan kasi kahit daw matagal nakikita niya na nagpprogress, bumaba yung head nung baby, maliit lang din yung bata walang cord coil ok kami pareho so wala talaga sya nakikitang reason para magcs except na lang kung mainipin nga siguro with my case kasi may time na bumalik pa yung dilation ko, nag 5 going 6 na ko pero bumalik na naman ng 4. sorry haba na ata lecture na ba ito?by the way during my stay sa hospital may narinig ako kausap ng isang doctor yung relative nung isang patient sa may corridor (chismosang chismosa ang dating hehe), walang record yung patient dun dinala manganganak na and sumisigaw na daw na i-cs na siya ayaw umire pero nagdidilate naman sya and i think nacheck naman nila na walang complications, ayaw lang talagang umire, sabi nila sa relative na dun sila nahihirapan kasi wala naman reason para i-cs ayaw niya lang nyang umire sigaw lang daw ng sigaw, so POV ko lang ha, marami pa din mga OB ang hindi maka PF, hindi pa din sila nag si-CS ng basta basta madami pa ding pro-NSD  ;)
Title: Re: Vaginal Birth After Cesarian (VBAC)
Post by: dhates on October 04, 2012, 01:55:01 pm
agree with mommyYow yan din sabi ng OB ko wag masyado patabain si baby sa loob kasi mas mahirap ilabas yan daw madalas na reason kung bakit nasi-CS madali naman daw magpalaki ng baby paglabas.

ayan mommystarlove madaming sp moms ang nagpapatunay na possible pa din ang vbac, better talaga sundin mo mga advice and hanap ka talaga ng OB na compatible talaga kayo. Goodluck sis
Title: Re: Vaginal Birth After Cesarian (VBAC)
Post by: mommystarlove on October 10, 2012, 06:40:19 pm
Super duper thank you po mga mommies sa reply! Sana maging successful ang aking VBAC!  :-*
Title: Re: pro VBAC OB's
Post by: zee18 on October 11, 2012, 04:24:53 pm
Thanks mommyYOW. sige I'll try to check on her this week. Talaga affordable din siya? how much bill mo nong manganak ka?
Title: Re: pro VBAC OB's
Post by: mommyYOW on October 12, 2012, 10:48:05 am
^Yan ang mga naririnig ko sa mga secretary ng Doctors dun. kasi pati mga nurses daw, sya ang kinukuhang OB. Naku, 2010 pa ako nanganak eh tska may complications yung akin. CS ako with complications then si Baby 1 week sa NICU (1 week din kami sa hospital ginawa naming hotel), bill namin is 83K but cash out namin is 50K lang. Tska i remember may officemate ako, same hospital (PDH) kami nanganak but different OB, same CS akin with complications nga sa kanya wala when we compared our bill 83K ang akin sya naka 120K (with Philhealth). Pero may bago daw sya (si OB) package kasi inapply nila (ng hospital) ang bagong procedure sa Philhealth. Accommodating naman si Dra. Imbao, you could ask her anything you want tska very caring sa mga patients niya.
Title: Re: pro VBAC OB's
Post by: zee18 on October 14, 2012, 04:15:36 pm
Thanks mommyYow!  :)
Title: Re: pro VBAC OB's
Post by: slv_am on October 26, 2012, 09:17:40 am
hello there! refer ko sayo si Dr. Prudence Aquino - OB sa Clinica Manila in Megamall. I've also asked her about it and very willing siya mag VBAC just as long as you have your OR records -- yung cut na ginawa sayo and all that. Para makita niya kung good candidate ka for VBAC. Madalas kasi, mga previous CS na bikini type ang very eligible for that type of procedure dahil hindi madaling magra-rupture ang uterus once na mag labor kana. Classic cut kasi ako kaya hindi ako pwede so naka schedule na ko ng CS on Nov. 19. I hope this helps.  ;D
Title: Re: pro VBAC OB's
Post by: sheycustodio on October 28, 2012, 03:07:30 am
Hello mommies.. Just want to share my experience kasi sa 1st baby ko CS ako pero after 5 years nabuntis ako ulit then kaka deliver ko lang ng baby ko 5 mos.ago and NORMAL delivery.. Ang cs ko is classic cut pero nkpag vbac naman ako.. Sa qatar ako nanganak.. Sabi ng mga drs. Don baket daw ang daming pasyente nyang pinay puro cs pero pagdating don kaya namang mag normal delivery.. For me mas ok to try vbac.. Kasi mas malaki ang risk ng cs ulit compare to normal delivery and re: rupture sabi ng ob ko don napakaliit ng percentage ng ganon cases mas malaki pa ang percentage ng risk ng cs ulit.. If you have q's and if u need advice im willing to help po para ma ishare pa ang experience ko re: vbac.. Just email me.. Sheryllcustodio@gmail.com.. Thanks mommies!  :-*
Title: Re: pro VBAC OB's
Post by: zee18 on October 29, 2012, 06:14:05 pm
^

thanks sis sheycustodio for sharing your experience. Mas lalong lumalakas ang loob ko itry ang vbac pag may mga naririnig akong mga successful vbac stories.hehe  :) kahit pa in your case eh hindi sa Pinas nangyari. Dito kasi sa atin parang pro CS ang ibang mga doctors. Low vertical cut ang sa akin kaya may chance ako sbi ng ob ko. Kaya lang last month nagpa ultrasound ako breech pa daw si baby pero sabi naman no need to worry dahil iikot pa naman daw si baby. Im really hoping and praying na magaya rin ako sa case mo hehe. Thanks ulet sis.  :)
Title: Re: Vaginal Birth After Cesarian (VBAC)
Post by: Kimps08 on November 12, 2012, 05:16:16 pm
@mommy starlove - go find an OB who's pro VBAC.  I gave birth to my daughter via CS Section and I gave birth to my son via VBAC. 

Read about the risks kasi meron yan although parang less than 1% lang yung chance na magkaroon ng uterine rupture. depende din yan kasi sa tahi mo nung na CS ka, pang ilang pregnancy mo, how big the baby is and how fast ng progress yung labor mo.  with my daughter kasi hanggang 5cm lang ako kaya ako na CS at paubos na yung amniotic fluid ko. with my son naman, never talaga nag rupture yung water bag ko. pinutok na lang nung nasa delivery room na ako.

good luck! and pray for a safe delivery.
Title: Re: Vaginal Birth After Cesarian (VBAC)
Post by: violet.crumble on November 12, 2012, 07:34:26 pm
Ako din, i was really hoping for VBAC for this second pregnancy.  But like most moms here, my OB also advised me na CS na lang para sure.  Ang explanation niya is

1)  Yung number of years between the pregnancies.  Mas malapit, mas risky mag VBAC
2.)  Yung risk nga of uterine rupture.  Since may sugat na ang uterus, mas prone syang mapunit pag sobrang lakas na ng contractions.  Like me, 3 years apart ang pregnancies ko but with this 2nd, madalas sumakit yung area ng tahi ko.  And lumabas talaga sa ultrasound na manipis yung uterine scar ko from the first CS so risky talaga.
3.)  Usually, 2nd or succeeding babies are bigger than firstborns so mas mahirap ilabas ng normal.
4.)  OK pa daw sana kung 1st pregnancy is normal, 2nd pregnancy is CS tapos 3rd pregnancy, VBAC kasi at least alam na yung capacity ng pelvic bone.  Mas mahirap daw na 1st pregnancy CS tapos mag-trial labor for the 2nd pregnancy without knowing kung kaya ng pelvic bone.  Lalo pa given the fact na bigger nga ang 2nd and succeeding babies.  Baka mag-end up din with emergency CS.
5.)  bihira daw talaga yung hospitals and yung OBs na pumapayag sa VBAC.  Because no one wants to take the risk of uterine rupture.  Baka kung pumayag man sila, ipa-sign ka ng waiver or something.

Hope this helps.
Title: Re: pro VBAC OB's
Post by: Kimps08 on November 13, 2012, 02:11:37 pm
Hello mga sis. OB ko is Dra. Minnou Ocampo-Tapia from San Juan De Dios Hospital.  Gave birth to my daughter via CS tapos nag change ako ng OB (sya kinuha ko) and naging successful VBAC yung delivery ng son ko.

She asked for my medical records and then I asked her questions na din about VBAC.  She was very confident about it and I trusted her kaya hindi na din ako nag worry.  Bikini cut naman ko sa daughter ko.
Title: Re: pro VBAC OB's
Post by: Janet31 on November 16, 2012, 10:46:24 pm
wow ang galing!
madami palang pro VBAC... meron kaya malapit dito sa Cavite???
Title: Re: Vaginal Birth After Cesarian (VBAC)
Post by: Mommy V on November 20, 2012, 07:21:26 pm
I've had 3 CS na, but for this pregnancy, my doctor said na pwede kami mag try for VBAC since my pregnancy is looking good. Kaso mag 6 months pa lang ako, kaya diba anything can still happen? However, I want to consider waterbirth. I have been reading alot about it and I feel that I can help me avoid any form of medication *if my pregnancy goes well, go into labor well, etc etc.*. Na traumatized na kasi ako sa last experience ko sa hospital with my 3rd CS kasi. In fact waterbirth is safe especially sa transition for baby from womb to air. And it can also help sa labor pains if you dilate over 5cm. I'm a little scared about VBAC, but I am determined to bring my baby into this world naturally if possible.

Can anyone help me by giving me tips to prepare myself and my body for VBAC? What do you  suggest about waterbirthing? I need all the help I can get ... =( Thanks!!!!!!! 
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: Mommy V on November 20, 2012, 07:27:47 pm
I've posted in another thread about this, pero kasi am looking for suggestions and possible options sana. I've been through 3 CS na, but for this pregnancy, my doctor said na pwede kami mag try for VBAC since my pregnancy is looking good. Kaso mag 6 months pa lang ako, kaya diba anything can still happen? However, I want to consider waterbirth. I have been reading alot about it and I feel that I can help me avoid any form of medication *if my pregnancy goes well, go into labor well, etc etc.*. Na traumatized na kasi ako sa last experience ko sa hospital with my 3rd CS kasi.

Sa mga nabasa ko waterbirth is safe especially sa transition for baby from womb to air, especially if the umbilical cord is left intact until the placenta comes out completely . And it can also help sa labor pains if you dilate over 5cm. I'm a little scared about VBAC, but I am determined to bring my baby into this world naturally if possible.

Can anyone help me by giving me tips to prepare myself and my body for VBAC? What do you  suggest about waterbirthing? I need all the help I can get kasi si hubby medyo lost and my mom's pretty freaked out sa decision ko to prepare myself for a natural birth and not CS. Truth is talaga, I am not ready for another CS emotionally and mentally. I might end up running out of the operating room  the moment I see the anaesthesiologist prep up. 
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: Henry's Mom on November 20, 2012, 08:34:32 pm
It was mentioned by my professor yesterday na pwede na daw mag vaginal delivery kahit nakapag CS na before.
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: mommy chen on November 26, 2012, 01:20:31 pm
I've posted in another thread about this, pero kasi am looking for suggestions and possible options sana. I've been through 3 CS na, but for this pregnancy, my doctor said na pwede kami mag try for VBAC since my pregnancy is looking good. Kaso mag 6 months pa lang ako, kaya diba anything can still happen? However, I want to consider waterbirth. I have been reading alot about it and I feel that I can help me avoid any form of medication *if my pregnancy goes well, go into labor well, etc etc.*. Na traumatized na kasi ako sa last experience ko sa hospital with my 3rd CS kasi.   

Hi sis mommy V..nagululat lang ako sa case mo..you've been through 3 CS operations na?..ang sabi kc ng OB ko 3CS lang ang allowed sa isang mommy db?.yung sa tita ko kasi after niyang manganak ng 3beses via CS sinabi ng OB niya na kelangan na niyang magpa-ligate dahil nga 3CS lang ang allowed.. Sorry po out of topic..nagulat lang ako..

Balik tayo sa topic..hmmmm CS din ako sa first child ko..and i'm 6moths pregnant now..nagiisip pa din ako if itatry ko ulit magnormal delivery..natatakot kasi talaga akong maCS ulit..pero sabi ng OB pwede naman namen itry mg normal..sana pahintulutan ni LORD :)
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: Mommy V on November 27, 2012, 12:21:12 am
I've posted in another thread about this, pero kasi am looking for suggestions and possible options sana. I've been through 3 CS na, but for this pregnancy, my doctor said na pwede kami mag try for VBAC since my pregnancy is looking good. Kaso mag 6 months pa lang ako, kaya diba anything can still happen? However, I want to consider waterbirth. I have been reading alot about it and I feel that I can help me avoid any form of medication *if my pregnancy goes well, go into labor well, etc etc.*. Na traumatized na kasi ako sa last experience ko sa hospital with my 3rd CS kasi.   

Hi sis mommy V..nagululat lang ako sa case mo..you've been through 3 CS operations na?..ang sabi kc ng OB ko 3CS lang ang allowed sa isang mommy db?.yung sa tita ko kasi after niyang manganak ng 3beses via CS sinabi ng OB niya na kelangan na niyang magpa-ligate dahil nga 3CS lang ang allowed.. Sorry po out of topic..nagulat lang ako..

Balik tayo sa topic..hmmmm CS din ako sa first child ko..and i'm 6moths pregnant now..nagiisip pa din ako if itatry ko ulit magnormal delivery..natatakot kasi talaga akong maCS ulit..pero sabi ng OB pwede naman namen itry mg normal..sana pahintulutan ni LORD :)

That's okay.... =D Well before yun din sinasabi nila, pero I did some research , asked doctors dito sa pinas and via email with some docs/doulas/midwives sa states and lalo na with ICAN, there are actually some mothers who have gone through 5 CS before calling it quits. Others, alternate CS then VBAC, CS then VBAC ulit. Depende daw kasi sa condition ng uterus, pregnancy and stitchings. Yun past pregnancies ko kasi stressed ako.

Sa first two, young battered mother ako by the biological dad of my two kids so I always went into pre term labor. Time din na yun, very young pa ako and I was ignorant pa about birthing, kumbaga, oo lang ng oo sa OB na excited mag CS =) Sa thrid baby ko with my current partner,I was still working sa call center and ayun na stress talaga and yun napili namin na OB palpak. Sinabihan ko siya na there's something wrong with my fluid and that I was leaking,hindi daw hindi daw, weewee lang daw yun, after a month ayun si baby lalabas na at six months,then she passed me onto another doctor to take responsibility.  My baby died after a few days with clinical sepsis.

Sa baby ko ngayon, very ingat kami, i work from home, laging nakahiga, laging nagpapahinga, so everything is turning out right as we had anticipated. Mag 7months na ako next week which is great! Baby's is active and doing fine. Kaya sabi nila I still have a good chance of VBAC.... I was asked if I wanted to ligate, sabi ko no. And sabi ng doctor ko its okay. SAbi din ng isang nakausap ko sa ICAN, I have the right to chose and if I do go VBAC now and okay pa din lahat inside me, I can still try for another pregnancy after a resting for at least 18 months. Pero I'm not sure about another one =D hehe.... Doctors cannot force a woman to have a ligation, unless medically recommended and/or required due to a medical condition. It's a right that we all women and mothers have.

Visit the ICAN website and read through their birthing stories from all over the world, may doula din sila sa Cebu that you can email for some advice.  Normal delivery is safer than CS for both mother and child, kung walang medical issues. I just really want to opt for a water birth if everything goes well kasi daw mas madali mag labor and birth sa warm water than laying down on a hard bed. Sis, scary talaga mag CS ulit, pero we need to be strong and believe that we can do it kung gusto talaga natin mag VBAC. Get support from daddy, family and friends din. Kaya mo yan! I'm very afraid too, pero I know my body and my baby needs VBAC this time.

BTW, if anyone knows a doula or VBAC birthing class anywhere near CAinta, Pasig, Antipolo or Marikina, let me know ha....   
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: mommy chen on November 27, 2012, 04:30:29 pm
ahhh...i see...thanks for the information sis..
na-enlighten ako dun ah..at lumakas loob ko na magtry ng VBAC..

Good luck sa atin sis..ingat lage :)
Title: Normal Delivery after CS, anyone who have tried?
Post by: momma_33 on December 10, 2012, 04:16:37 pm
Hi Mommoies out there! I would like to ask if any of you who have tried giving birth through NSD (normal delivery) after a CS childbirth? I almost 8mo preggy mommies ETD is 2nd week of Feb 2013. My OB told me that i could opt to try normal delivery though I have been through CS less than 2 yrs ago. Has anybody of you tried it mommies? Please share you experiences, I am so eager to know as I will soon decide whether or not to try NSD or have my OB schedule for a CS operation.
Title: Re: pro VBAC OB's
Post by: zee18 on January 15, 2013, 10:26:43 pm
Hi sis momma_33 yup possible talaga ang vbac. Akala q nga puwede ako mag vbac kc 3 yrs naman agwat kasi unexpectedly few weeks before mya due date bglang tumaas ang bp q. Nag 160/100 ako so nag decide kami na mag repeat cs nalang. Pero possible un kc madami na aqng nakilala na successful naman ang vbac. To be sure sis lagi kang magpa monitor kay ob mo. Goodluck sis!
Title: Re: pro VBAC OB's
Post by: Mrs. L on January 16, 2013, 05:39:53 am
Hi Mommies. newbie here. Just to share lang my OB's info. She Dr. Carmencita Nicolas from East Avenue Medical Center in Quezon City. She is a pro VBAC OB. Actually, ang pagitang lang ng babies ko is one year and 2 months pero ok lang sa kanya to try the VBAC but unfortunately ayaw ni hubby kasi baka daw delikado. Depended daw sa tahi un. She's no my OB kay first baby which isa rin sa naging factor kung bakit pumayag ni hubby. Pero sabi niya kasi you maybe a candidate for VBAC pero it does not mean na your gonna deliver na vaginally. Depende pa di nsa case. You may check her at fer office at Room 204 every Mon-Fri 9-11am.
Title: VBAC after classical CS
Post by: mommy.yhelli on February 24, 2013, 08:18:55 pm
HI mommies! Is there anybody here who had VBAC though classical cut yung C-section nila? Or do you know anyone na naging successful ang VBAC kahit patayo yung scar ng CS nila? Sobrang gusto ko kasi talaga na magnormal delivery on my next baby though hindi pa naman ngayon since I just gave birth 2 months ago. Pero sobrang anxious lang talaga ako kasi according sa mga nabasa ko, mataas ang risk ng uterine rupture with classical incision. Hays.  :(

I went through CS operation kasi ayaw magdilate ng cervix ko. Hanggang 5cm lang inabot tapos as in sapilitan pa. After irapture yung waterbag ko, naghintay ng 5 hours pa bago nagdecide si OB na CS na. Nung tinanong ko sya nung check-up ko after giving birth if possible pa magNSD, she said di na daw. Sobrang nadedepress talaga ako dahil naCS ako. help me mommies see some light of hope.  :-[
Title: Re: All about Vaginal Birth After Cesarian ( VBAC )
Post by: nikaygelo on February 25, 2013, 02:21:14 pm
hi mga mommies!ako naman emergency CS din ako sa first baby ko she's 1 year & 4 months ang reason kung bakit ako na Emergency CS dahil pumulupot (twice) yung cord sa leeg ni nikay, so this year planning namin ni hubby mag baby ulit before mag two si nikay at gusto rin sana namin normal delivery na.thanks
Title: CS due to CPD but was able to normally deliver 2nd baby
Post by: Gay_Aguba on February 26, 2013, 08:58:55 am
Hi mga mommies! Question naman, does anyone of you na nakaexperience ng normal delivery sa second baby kahit CS ang first delivery due to CPD? Pashare naman pls ng story kung paano nangyari.
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: mommy.yhelli on March 05, 2013, 12:46:07 pm
mommies, dun sa mga kilala nyong may successful vbac, anong cs cut meron sila prior the vbac?
Title: normal delivery after CS / VBAC
Post by: annez on May 22, 2013, 09:26:59 am
Hi! pwd pa kaya ako mag normal delivery since yung ist baby ko kaya ako na-CS dahil sa hindi bumababa si baby daw sabi ng OB ko and we think na baka dahil 'yon sa gamot kasi painless delivery ako and nilagayan niya ako ng gamot at 4cm pa lang. thanks in advance
Title: Re: 2nd pregnancy after CS
Post by: louiss on May 23, 2013, 01:29:15 pm
it depends kung ilan years ang gap ng pregnancy mo. sam tayo ng case. induced kasi yung first pregnancy ko, tapos na-stuck na sa 5cm, kaya emergency cs din ako. now im 8 months pregnant with our second child. 2 years, 5 months na yung panganay ko. sabi ng ob ko pwede naman daw itry magnormal, kaso syempre may risks. i opted to have another cs na lang which is schedules on june 18. parang natrauma ko dun sa induced labor ko sa panganay ko. saka on the safe side na din.
Title: Vaginal Birth after Caesarean or VBAC
Post by: Lyjae-an on July 08, 2013, 11:25:11 am
Hi, meron po ba dito na experience yung VBAC or vaginal birth after CS? Coz I'm on my 31weeks and CS ako sa una that was 9yrs ago. Gusto ko sana mag normal this time to my 2nd baby. Please advise po at kung san kayo nawala.
Title: Re: pwede bang mag normal delivery after CS?
Post by: Mrs. Anderson on July 08, 2013, 12:02:43 pm
Merged with existing thread.
Title: Anyone who experienced VBAC here? (Vaginal Birth After Cesarean)
Post by: mommytoelle on July 30, 2013, 05:28:36 am
Hi po mommies, I had my first born last march of 2011. It was supposedly a Vaginal Deliver which ended up in an emergency C-Sec. I feel so disappointed,pra bang may kulang and I fail my daughter..now we are planning sana to have our second next year kaso takot ako ma repeat CS ulit.ayoko na yung feeling.hehe so I read all of these VBAC thru net and thru my BFF, shes in canada,same case kami tapos doon pinag normal sya and successful naman..gusto ko sana mag ask if meron na nakapag normal dito after ma CS?PRO ba OB niyo?hirap kasi humanap ng OB na gagawa nun since may mga risks of uterine rapture.thanks.
Title: Re: All about Vaginal Birth After Cesarian ( VBAC )
Post by: mommytoelle on July 30, 2013, 05:41:46 am
Naku, Ive posted a new thread for this panaman buti nalang i saw this.:) same here CS mom ako gave birth thru emergency CSEC last march 2011. i found an OB na pro VBAC dito sa place namin, the prob is need niya malaman history ko and yung operation report nung nanganak ako..as per her explanation kasi,,dapat daw yung cut or sugat sa mismong matris natin is pabikini siya,and there are some OB na nagpeperform padin nung traditional cut or yung patayo na cut,,sadly patayo yung cut ko sa labas,i just dont know sa loob kung same.di pako nakakbalik sa first OB ko and diko alam kung pano ko hihingin yung mga reports.hehe.though sabi kasi niya pwede ako manganak ulit ng normal next time,she did not give me a time frame,pero based sa mga nabasa ko here and sa internet..i think pwede nako since my bub is already 2 yrs and 5 months..and next year pa namin sana balak..so ayun,,sana kung may nakaexp na ng VBAC pashare naman po.:) salamat!
Title: Re: Anyone who experienced VBAC here? (Vaginal Birth After Cesarean)
Post by: mrs_mv on July 30, 2013, 10:18:11 am
may existing topic na naganito sis :) pero wala yata nakapag share ng first hand experience. I, myself, planning and looking for one. Plano na rin namin na masundan baby namin but ayoko ng repeat CS. Dapat Vaginal Birth din ako pero na Emergency CS :(
Title: vbac
Post by: annamariemomof3 on October 19, 2014, 09:42:51 pm
Has anyone here na naka experience ng vbac? Cs kasi ako with my twins,  after 4 years i am preggy again. Gusto ko sana normal delivery na lang since mabilis naman akong manganak like with my panganay. Akala ko kasi pinupush na nila vbac pero parang dito sa pinas di pa rin ata. Any information will be appreciated. Thanks.
Title: Re: vbac
Post by: ainge88 on November 04, 2014, 03:50:27 pm
depends on your OB sis. Trying out VBAC rin if pwede ako :) at least ikaw naka normal ka na before ma CS so mas malaki chance mo sa VBAC. Find a supportive OB muna and go from there.

Might help you https://themilklady.wordpress.com/tag/vbac-in-the-philippines/ (https://themilklady.wordpress.com/tag/vbac-in-the-philippines/)

I know Dra. Tantoco from St. Luke's Global is a pro VBAC OB, baka malapit ka sa area , try mo :)
Title: Re: 2nd pregnancy after CS
Post by: Julyan Alice on October 25, 2015, 07:23:34 am
Hello, same din tau, CS din ako pag first kc twins yung babies ko and stillbirth yung isa. Right now am turning 3months sa second baby namin. advice din sakin is cs to be sure nalang kc nga risky talaga mag bleeding pag mag normal.
4 years ago na yung cs ko. but let's see baka pwede maging normal :)
Title: Re: vbac
Post by: mamachristal on January 24, 2016, 06:33:08 pm
ako po 38 weeks na ako 4cm na at pang 2nd baby ko na. sa first baby ko cs ako after 6 years nasundan sya ulit..at eto mag nonormal ako sa santa ana hospital..checneck naman nila if pwede ako mag normal at ayun pwede daw kaya inabangan nalang namin is mag break yung water bag ko :) sana din wag ako mag emergency CS :)
Title: Vaginal birth after c section
Post by: Roxanne Cabison on November 24, 2018, 12:51:19 am
Possible po ba na makapag normal delivery after vertical c section? Normal delivery po ako sa 1st born ko pero na cs po ako sa 2nd because of his cord..
Title: Re: All about Vaginal Birth After Cesarian ( VBAC )
Post by: Ryan22 on February 09, 2019, 04:43:23 pm
sabi sa napanood ko sa youtube, nasa OB daw yun kung papayag si OB na VBAC. ang worry kasi ng OB yung sugat sa uterus. kung kakayanin ba nun yung stress.