Parent Chat

Pregnancy => Getting Pregnant => FAQs and Common Pregnancy Concerns => Topic started by: jadz1826 on November 14, 2011, 01:23:26 pm

Title: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: jadz1826 on November 14, 2011, 01:23:26 pm
Basahin sa Smart Parenting:
Pregnancy Symptoms Week 20: Shortness of Breath Begins
Click HERE.
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2019/03/20/pregnancy-week-20B.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/pregnancy-week-20-a00061-20190320?ref=parentchat)


hi mga sis!

naranasan nyo rin ba during ur pregnancy yung hirap kayo sa paghinga? yung parang lagi kinakapos?  ako kasi most of the time ganun eh.. di ko pa natanong kay ob, iniisip ko kasi na baka normal lang un sa mga preggy... sa experience nyo mga momsie? ganun ba talaga?

Naka-relate ka ba? Maging member na para makapagpost ng katanungan o payo dito
(https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply to join this discussion (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=46112).

(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: imeego on November 14, 2011, 01:59:50 pm
yes naexperience ko to..this is fairly common in pregnancy especially sa latter part because of the growing baby inside the uterus and since sumisikip na sa loob ng tummy natin, nagkakaron ng compression sa diaphragm, and because of this compression may restriction sa expansion ng lungs....there are also other factors like the increasing demand for oxygen etc...what you can do sis is take thing slowly like pag naglalakad para di mabilis mapagod, and you can use additional pillows pag matutulog para medyo raised yung upper body mo...important thing is that it is not severe, walang other signs/symptoms like chest pain etc...but you still have to inform your OB so she can explain it to you fully
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: Emmy Lou Tordil on November 15, 2011, 10:07:53 am
mommy imeego is right. ako, naeexperience ko din to especially pag nakahiga ako ng patihaya.. so gagawin ko sideways ako hihiga. tapos binabagalan ko na rin lakad ko, para hindi ako hingalan. kasi sobra kinakapos ako ng hininga.
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: makdonna on November 18, 2011, 01:21:23 pm
naeexperience ko ito ngayon, i'm in my 32nd week of pregnancy. nagstart to since pumasok ako sa 3rd trim. dahil nga rin siguro sa size ni baby at this point, and i'm expecting na mas may discomfort as baby grows the next weeks. pero normal lang naman daw to. hindi na lang ako nagpapapagod and pag naeexperience ko yung shortness of breath, i just change my position to a more comfortable one.  :)
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: jadz1826 on November 18, 2011, 09:23:40 pm
thanks sa mga rely sissies kahit papano nagkaron ako ng mga idea kung ano mga dapat kong gawin..  :)
the best talaga ang mga sp moms! :D
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: Angela Zhane on November 19, 2011, 09:23:08 am
I experienced this too. Especially, pag nakatihaya feeling ko nalulunod ako. Ang ginagawa ko ini-elevate ko na lang yung ulunan ko. Use ako ng atleast 2 pillows tsaka sideways din ako mahiga. As much as i can laging nasa left side kasi yun daw ang mainam na posisyon for the baby pero pag napagod turn to the right naman ako then medyo nakabend ang mga legs. So far nakakatulong naman para mas maayos ang tulog ko through the night or everytime na nasa kama ako.
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: sether on November 19, 2011, 12:13:35 pm
i experience this too!
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: ciesamson01 on November 21, 2011, 02:00:23 pm
1st trimester pa lang nahihirapan na ko, sabi dahil daw sa  low-blood ako. baka daw kulang ang supply ng oxygen sa katawan ko. May history kasi ako ng hypotension eh. Until now, may time na nahihirapan pa rin talaga ako huminga.  ayun, share lang :)
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: apple11 on November 21, 2011, 02:21:03 pm
In my experience, everytime i'm pregnant I also felt that. Yung napapagod agad at parang kulang oxygen kahit nakaupo lang. Natural lang daw yun pero grabe experince ko sa 1st baby ko. Talagang may 1 beat na kulang sa heartbeat ko. Kaya pinaconsult pa ko ng ob ko sa magaling na cardio. tapos pina2decho p ko ng cardio. grabe ang mahal ng nging gastos ko. ala naman nakita kasi normal naman lahat. after birth parang ala lang bumalik lahat sa normal.
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: honeybabyme on November 21, 2011, 06:57:21 pm
Count me in sis, hirap din ako huminga nung preggy ako mga 7th-9th months ko... tapos madalas naka side lying lang kasi yun yung cmfy position sakin, and sobrang taas ng unan, about 3 big pillows gamit ko... Hirap matulog sa gabi..
Normal lang kasi yun nga po may growing fetus satin kaya yung diaphragm hirap din sa pag expand...
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: jadz1826 on November 21, 2011, 09:25:06 pm
mga sis kung kayo nag add ng pillows para mas maging comfortable, ako baligtad tinatanggal ko pillows ko i sleep without pillows parang mas comfortable ako without pillows eh.. mas nakakahinga ako ng maayos.. Hay!!
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: kulotski on November 23, 2011, 05:31:01 pm
Count me in mommies, slow-mo na rin ako maglakad ngayon kasi hinihingal kaagad ako. Saka everyone says ang lakas ko daw huminga lately.  ;D I imagine mas lalala pa to as the baby grows bigger.
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: jenstelian on November 23, 2011, 06:53:01 pm
me too(3 yrs ago  ;D), tama si sis imeego jan. ako naglalagay ng bigkis below my breast para hindi masyado masipa ang diaphragm  at maging cause ng hindi makahinga ng maayos...sabi din kasi ng mga matatanda samen...ginawa ko nalang din at nakatulong naman po. lalo n kapag nakahiga ako....  ;)
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: weddingsingermom on March 31, 2012, 12:16:46 am
Natabunan na tong thread na ito, haha! Naisipan ko lang magreply kasi nararanasan ko ngayon to, hirap sa paghinga. I'm on my 33rd week now and lalong kapos ako sa paghinga, same with my two older girls when i was pregnant with them. Apat na patong ng unan sa gabi para makatulog ako, kaso minsan ang strain sa balakang naman kaya most of the time patagilid ako matulog. Hirap pag nakatihaya kasi parang sinasakal o ma.y nakabara sa airways mo.
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: ysLim on May 27, 2012, 09:42:24 am
ngayon ko lang naranasan na kapos ako lage sa paghinga. di ko to napansin sa 1st baby ko. ang bagal ko maglakad kasi sumasakit na down there tsaka ang bilis kong mapagod.  :(
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: toughmom moderator on January 23, 2013, 10:49:59 pm
Still another preggy exercise is pilates, which involves low-impact exercises and smooth movements to help strengthen the abdominal muscles. Similar to yoga, it helps lessen the aches brought about by pregnancy, as well as other discomforts such as shortness of breath, morning sickness, and fatigue, among others.
http://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/health-nutrition/study-confirms-exercise-safe-for-pregnant-women-until-third-trimester
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: ikreesteen on January 31, 2013, 03:45:53 pm
hi! new member po ako ng SP!  first pregnancy ko din .. so parang lagi akong naghahanap ng makakausap about pagbubuntis.. nahihirapan din ako huminga specially pag bagong kain lang.. nagpa US na kasi ako naka suhi daw yung position ng baby ko so yung paa niya nasa left side ng tummy ko.. tapos mas kumportable ako matulog ng nakatagilid sa left.. pero sipa sya ng sipa.. ok lang po ba yun?? hindi po ba yun makaka apekto o makakasira sa part ng body niya?? 5 mos. na po yung tummy ko.. thank you
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: elizabethdennis on February 06, 2013, 08:25:16 pm
I had the same experience. Mas lumala nung 8 months preggy na ako. I can't sleep na naka lie flat on my back. Parating 45 degrees elevated ang ulo ko. Semi sitting position actually. Minsan nakakatulog ako ng side lying pero may pillow to support my tummy. Super nahirapan talaga ako. i had to endure it unitl makapnganak. But after giving birth, sulit lahat ng pagod at hirap sa pregnancy.
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: Jiro2013 on February 20, 2013, 11:29:18 am
grabe ako din mga sis sobrang hirap humanap ng magandang position sa pagtulog hirap din huminga esp. pag nakatihaya pag sa left side naman nafifeel ko sipa ni baby breech din siya naawa naman ako kasi parang gustong sabihin mommy nadadaganan mo paa ko 28weeks 4days pa lang kami tiis tiis lang mga mommies for our babies
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: hannlicious on February 25, 2013, 06:23:52 am
Hi mommies & mom-to-be! I'm 33 weeks pregnant today with my first baby & is experiencing difficulty breathing. Madalas pko hingalin lalo pag ang tagal nakatayo or umakyat ng hagdan. Na-eexperience ko din na mas mahirap huminga kapag bagong kain @ madami masyado nakain, kaya dapat moderate lang talaga. Kapag naman nakahiga, always elevated. Nakaka-experience din ako ng heartburn. And also, nabasa ko pala na we should take time when eating, like dapat hindi sunod-sunod ang subo kasi nakaka-kabag siya. so hinay lang po. :)
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: wendy.ravzz on March 11, 2013, 05:54:23 pm
hi po! yan din ang isa sa mga prob ko now.. im 32wiks pregnant now.. lalo na pag matutulog na ko hirap na hirap ako huminga. minsan naman parang hingal.. well, tiis tiis lang ganito daw talaga pag buntis..
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: tinsantos10 on April 08, 2013, 10:19:30 pm
I'm 30 weeks pregnant and I am having the same problem. Nabasa ko na malapit na raw kasi sa lungs si baby kaya 'di makafully expand yung lungs. Normal naman daw 'yon. Tapos dapat daw laging straight body even kapag nakaupo to lessen the shortness of breath.
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: bella swan on April 11, 2013, 10:24:10 am
Yes, mahirap talaga sa ating mga preggy ang huminga ng maayos lalo na ngaun na summer. Natural na hyper ako pero pinipilit kong maging malumanay kumilos kasi madali talaga akong mapagod ngaun tas lagi pang pawis...
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: bertangbayong on May 02, 2013, 11:50:00 am
Ngayon in my 19weeks na e-experienced ko din mahirapan huminga at parang puputok ang tiyan ko lalo na after kumain... ;D kaya hindi ako nagpapakabusog masyado..

sabi nga nila best position daw is on left side.. so yun ang ginagawa ko.. pero minsan mas kumportable ako lying on my back at himas himas ang tummy hanggang makatulog  ::) weird ko ba..?  ;D
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: bella swan on May 09, 2013, 10:47:42 am
Mas mahirap ako makahinga ngayon kasi sinisipon ako pag naiinitan :(... kailangan laging fresh, naka-aircon at hindi naiinitan... ang hirap... nag brown out pa naman kagabi kala ko mahihimatay na ako sa init :(
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: emmaree011 on March 18, 2014, 02:28:20 pm
malapit na ko mganak 18 days nalang nhhrapn ako huminga pag nakathaya  kaya lge ako nktgilid nkkasama b un sa baby
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: vmjanne on March 26, 2014, 05:13:47 pm
@ emmaree011 I don't think masama yun.. best yung left side ka nakagilid humiga. According sa isang friend ko best position niya yun until she gave birth to her son. Puro unan nga lang. under the tummy, sa likod in between the legs and propped up sya, hindi fully nakahiga. Yun lang hirap na hirap sya kapag nag bathroom sya to get that comfortable postion back...

Konting tiis na lang. Kaya mo yan sis!  ;)
Title: Preggy Issue: Nagigising dahil sa di makahinga :(
Post by: KtheaG on May 02, 2014, 11:10:03 pm
Hi mga preggies and  mommies!


Had you already experience na nagigising kayo dahil di kayo makahinga at nananakit ang likod nyo? Im 24mos preggy and I have been experiencing this for almost 3 days na..hindi ako alam ano yung cause ng pananakit ng likod ko, parang may naiipit sa loob and super nagigising ako gasping for air.. :(

Kindly share your thoughts..thank you.
Title: Re: Preggy Issue: Nagigising dahil sa di makahinga :(
Post by: wendy.ravzz on May 02, 2014, 11:49:20 pm
Im 37weeks pregnant sis. ;) same tayo ng nararamdaman.. hirap grabe pero kelangang tiisin para kay baby.. gawin mo nalang sis tagilid ka ng higa wag yung pahilata. Then palibutan mo yung pwesto mo ng madameng unan.. lalo na sa likod yung pinaka malambot na pillow mo.. inom ka water before matulog.. :)
Title: Re: Preggy Issue: Nagigising dahil sa di makahinga :(
Post by: KtheaG on May 03, 2014, 02:21:42 am
sis wendy.ravzz..thanks sa advise..palagi nga ako tagilid matulog kaso minsan tumitigas ang tyan ko..ang hirap talaga..eh, dalawa lang kami ni hubby sa bahay and magkaiba kami ng shift, so mag-isa lang ako natutulog...kanina naiyak talaga ako kasi i felt so helpless..i hardly couldn't breath..marami din akong unan pagnatutulog ako kasi sumasakit din yung buto ko sa hita, yung bandang singit..ewan ko kung bakit..sabi ko nga, pacheck-up ako kay OB bukas baka malaman din namin bakit ako nagkakaganito..


thanks uli! :)
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: Tamurababy on May 14, 2014, 11:17:01 pm
Hi mga sis! Im newbie here. Pareho ko din kayo, super sakit ng likod ko lalo na sa upper right. Nagreseta ob ko ng salonpas for preggy, sa awa naman ng dyos ay nakakaginhawa  :D  Kaya naman pala sumasakit, at 34 weeks 7 lbs na si baby at breech pa.  :-[
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: Ayen85 on June 29, 2014, 06:11:58 pm
Hi there Tamura baby, when I was pregnant with my daughter she is also a breached baby at 7 months. My doctor advised me to talk to my baby to ask her to move so that she will not be a breached baby anymore, I did what my doctor advised me and when I was admitted at the hospital and it is time to give birth she is not anymore a breached baby. She turned around, I hope this helps and I also wanted to share with you a free site that could help you calculate your ovulation period so that you will know when are the safe dates. Good luck with you and your baby. http://www.ovulation-predictro.org/
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: ms_morikawaii15 on September 05, 2014, 06:45:11 pm
Hi pajoin po mga mommies. Ako din po naexperience ko din hirap huminga lalo though maliit pa tummy ko at 18weeks now. Grabe at bagong kain ako haha  at pag matutulog kailangan elevated talaga ulo ko at mas ok nga pala kung nakatagilid.. Huhu worried ako na mag mag grabe pa habang papalaki tummy ko. :)
Title: Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
Post by: mishalovi on September 12, 2014, 01:59:41 am
onga ang hirap huminga! eto yung feeling na pag matutulog ka gusto mo muna tanggalin yung tyan mo kabit mo na lang ulit pag gising hahaha! saka pag bagong kain, lalo pag naparami kain mo, maryosep parang gusto ko isabog yung tysn ko para lang makahinga. ginagawa ko tumatapat ako sa electric fan, nakakaginhawa naman ako. pag matutulog na ayun na talaga ang dilema, dapat daw kasi nakatagilid or on your left side, eh ako pa naman sanay matulog ng nakatihaya, ginagawa ko naman jan elevated ako ng koti para pwede pa din ako nakatihaya tapos since malikot naman ako matulog napapatagilid din ako (i think) habang tulog, mahirap lang pag nagising ako sa madaling araw, hahanap na naman ako ng komportableng pwesto