Parent Chat

Pregnancy => Labor and Child Birth => Topic started by: kulotski on November 15, 2011, 01:47:04 am

Title: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: kulotski on November 15, 2011, 01:47:04 am
Hi mommies! I'm 5 and a half months pregnant and I'm planning to switch to a long-lost OB-GYN who happens to be a relative and who's affiliated with a much more affordable hospital. ;D How do you suppose I should tell my current OB-GYN about it? Should I wait until the next check-up or should I tell her ASAP na?

Read it on Smart Parenting.
Why We Switched Ob-Gyn Midway Through Our Pregnancy
 

(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2019/03/19/switchOBs.jpg)
Click this link:
 https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/change-switch-doctors-a00041-20190320-lfrm?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) to reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: littleNudger on November 17, 2011, 12:17:24 pm
Hi sis, mga ganyang period din ako nung nag-change ako ng OB, I wasn't sure pa noon whether to change OB or not kasi nga baka yung mga napapansin ko sa current OB ko nun eh ganun lang  talaga.. PEro advice sakin ng nurse sa reception, try ko lang daw pacheck up kahit once sa ibang OB, compare ko then decide, so nagtry ako sa iba, w/o informing yung previous OB ko. Hehe kasi nga try pa lang naman.. Eh kaso sobrang mas nagustuhan ko yung bago and since same hospital, as in magkatabi lang sila ng room, yung bagong OB ko na yung kumuha ng records ko.. Ayun.. hindi na ko nagpakita ulit dun sa prevoius OB ko.. Hehe.. Di ko din kasi alam kung pano sasabihin sa kanya eh.. Ok naman so far :)
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: mamacharis on November 17, 2011, 12:22:04 pm
kagayang kagaya ako ni littlenuder. hehe!

actually 6months na nga ata ako nun. blockbuster kasi ang pila sa ist OB ko. magaling siya kaya sobrang haba ng pila ang problema 7:30pm na ko nachechek up dahil sa sobrang dami ng pila sobrang late na nun. ist pregnancy ko kaya gusto ko sana ng medyo maasikaso ako

ayun lumipat ako as in same building as in magkatabing room din. mahaba din ang pila sa OB ko pero atleast nakikilala niya ako.
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: missoni on November 17, 2011, 12:35:34 pm
nagchange din ako ng OB, di na ko nagpakita sa kanya sa next check up, di ko kasi type yung pagka-machicka niya, medyo on the chismosa side. hehe. pero i informed her secretary na lilipat na ko ng OB. ang dinahilan ko na lang merong mas malapit na clinic sa bahay namin. hehe
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: littleNudger on November 17, 2011, 12:48:38 pm
Baliktad naman kami ni sis missoni kasi ang reason ko naman kung bakit ako lumipat, super few naman words ng OB ko noon, hindi man lang nagtatanong and ako pa nagsusuggest ng mga tests na gagawin since my bro-in-law is a doctor, so may idea ako.. Hahaha.. Oh well, oldies na din kasi.. Kaya medyo nag alangan ako, baka hindi sya makarating on time pag manganganak na ko.. Hehe.. Worth it naman ang pag lipat ko.. I love my OB now, pero sad na baka lilipat nanaman ako (im on my 32nd week now) konti na lang sana and super comfortable ako sa OB ko, kaso mukhang lilipat ako sa OB ng mom ko na gumagawa ng normal deliver na painless, as in totally painless kasi tulog ka, pag gising mo anjan na si baby.. Eh takot ako umire so baka i-try ko sya plus waaaaay cheaper yung hospital na affiliated sya, maganda rin naman, sayang din matitipid, christmas pa naman :) Sad to say goodbye sa OB ko na love na love ko na :(
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: kulotski on November 20, 2011, 03:29:16 am
Ganun ba, hindi na lang ako magpapakita? Nahihiya naman ako. Saka shouldn't your old OB get in touch with your new one para masabi what has happened so far sa pregnancy? ;)

@littleNudger Sis intriga naman ako sa totally painless na yan. Mind sharing who that OB is and what hospital he/she's affiliated with? First time ko e, kaya okay sana kung wala masyadong sakit kasi I really don't know what to expect. 
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: sheehan on November 20, 2011, 06:51:13 am
sis ako 35 weeks na ng lumipat ng new ob.. hehe.. ang naghahanap kasi ako ng murang hospital dito sa amin, sad to say hindi affiliated yung previous ob ko dun sa mura.. pero im happy and contented naman sa bago ko kasi maalaga sya talaga.. pati secretary niya mbait din.. kabiruan ko na nga sila eh.. hehe.. sabi ko nga sa new ob ko ng hinanap niya result ko, kukunin ko dun sa dati ko.. sabi niya sa akin, nakakahiya daw, manghingi na lang daw ako ng copy dun sa lab. na pinupuntahan ko para sa test.. binigyan naman ako.. hindi na nga ako nagpaalam sa dati ko eh.. hehe.. bad ko noh?..
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: coolestmom on November 21, 2011, 08:59:18 pm
Ako rin sis, twice ako nagpalit ng OB bigla nalang ako di nagpapakita..
Nung 1st - 4th month ko dun kami sa OB ng ate ko dati...eh medyo malayo samin at super dami lage tao, pero mura private yun tapos ang check up is P70 lang..kaya lang from 9am - 12nn nakapila kami..

yung 2nd OB naman sa FEU hospital (Marian Bldg) Nagparefer kami sa Opthalmologist ng hubby ko,ok na sana malapit walang pila pila pero ang mahal ng check up.. P450 eh di ako contented sa ginagawa nyang check up sakin tapos ang mahal ng quote niya sa Delivery ko, so after 3check -up lipat ulet ako..

Yung 3rd OB nagparefer naman ako sa friend ko na staff nurse mismo dun sa hospital na yun... Sabi ko yung pinakamagaling na OB ang irefer sakin so yun nga... Medyo pila din kami pero ok naman... Contented ako sa check up kasi talagang tinatanong niya ako ng lahat ng matter and everything, tapos ang baba lang ng professional fee. Sabi ng friend ko pinaka matyAgang OB daw yun kasi kahit dapat ic CS na, nagawa parin nyang NSD... :) :)
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: missoni on November 21, 2011, 10:09:08 pm
yung painless na delivery, twilight anesthesia yata yun. ganun yung akin eh. painless delivery (delivery ha, hindi labor). alam ko na ginupit ako pero wala akong maramdaman, nagpupush din ako ng walang nararamdaman pero yung parang nakatulog yata ako during the delivery, kasi mga 7pm ako nanganak paggising ko 11na ng gabi. ganun ba yung sa painless na delivery mo, little nudger?
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: littleNudger on November 22, 2011, 09:06:00 am
Hi sis missoni, according sa mga kilala ko na nanganak sa OB na yun, papatulugin ka daw talaga.. So no need to push.. Wala talagang ire ire.. Pag gising mo anjan na si baby.. Kaya nga gusto ko i-try kasi takot ako umire.. Hehe..


@sis kulotski, yung OB is Dra. Juanite Lee, sa Our Lady of Lourdes Hospital sya.. San ba location mo? Baka malapit ka lang dun, pupunta ko dun later to check if magugustuhan ko :) Medyo tyagaan lang daw talaga sa check up kasi sya yung pinakablockbuster na OB dun.. So tgnan ko din muna kung kaya ko.. Pero pag naiisip ko yung "PAINLESS" parang gustong kong kayanin yung dami ng kasabay sa pila.. hehe.. Kasi mukhang worth it naman :)
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: LLLA on November 22, 2011, 11:52:57 am
sabi nga .... "It's a patient's rights to choose his/her own doctor"
Change for the better  ;)
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: LLLA on November 22, 2011, 11:53:38 am
sabi nga .... "It's a patient's right to choose his/her own doctor"
Change for the better  ;)

Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: Dada08 on November 22, 2011, 12:25:21 pm
mga mommies, ako din medyo gusto kong magpa consult sa ibang ob. not bec. hindi magaling si current ob, but i know kasi hindi namin afford yung quote niya sa amin.   18 weeks na kami, gusto ko rin kasing malaman if maaalagaan ako ng magiging bagong ob ko..
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: chubbycheeks on November 22, 2011, 12:43:59 pm
Hi Dada08!

Lamu sis, nagpalit ako ng OB when I was 8mos pregnant. Sobrang mahal kasi ng quote sakin ng present OB ko that time. So ayun nga, si bagong OB, ang sabi sa akin, hingin ko lahat ng lab results para may basis siya, nung hihingin ko na kay dating OB, ayaw niya ibigay! hahaha. Wala rin siya nagawa, lumipat pa rin ako.

So ngaun alam ko na na every time na may mga lab results ako, I should make it a point na iphotocopy un, just in case diba? At eto pa, na-emergency CS pa ako, buti na lang talaga... kasi kung hindi ako lumipat ng OB, ang magiging bill ko daw ay 150k. kaloka.

:D
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: Dada08 on November 22, 2011, 12:53:23 pm
mommy chubbycheeks, may hypertension kasi ako... kaya hanap kong ob sana yung same mag alaga kagaya ni current ob. kaya ito, scouting sa new hospital & ob.. :)
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: magilas on November 22, 2011, 01:07:18 pm
sis kulotski, if i were to change OB-GYNE mid-pregnancy, i will inform my current doctor about it. your reason is valid and if your current one is professional enough, she will understand and make your transfer of doctors a painless one.

of course you have the right to change doctors! you should be with one you will feel most comfortable with, within your budget, not so far from your place and other considerations you may deem important.

good luck!
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: kulotski on November 23, 2011, 05:04:32 pm
I talked about it with my current OB na. She didn't miss a beat, basta if things don't go so well with the OB I'm gonna switch to I can switch back to her daw. Sayang nga e, I really like her pa naman kaso yun nga, budget issues lang.  ;D And to some extent, distance din. We spend about 2 hours all in all travelling from her clinic in Greenhills every check-up because of traffic.
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: Aicee21.01 on November 23, 2011, 05:54:15 pm
ayan ang problema ko .. mommy ko kasi gusto malapit sa lugar namin kaso yung hubby ko naman dito na talaga kami sa MAMC .. eh ayun gusto kasi ni mother sya kasama ko kapag magpapackeckup kaso naisip ko baka di na accurate kapag iba OB tapos sa ibang hospital ako manganganak :-[
baka kasi magkaproblema pa ako tsaka maguguluhan sila ..
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: kulotski on November 25, 2011, 02:35:04 pm
^ Astred Clarissa, it's up to you naman in the end kung lilipat ka. Can't your mom come with you sa current hospital mo?  ;D
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: Dada08 on December 09, 2011, 06:38:17 am
mga mommies please help.

today ang 1st check up ko sa new OB. I'm still worried kung ano ba sasabihin ko bakit ako nagpapa consult sa kanya. Do you think she will still ask the reason?

main reason ko talaga kasi, medyo mataas quote ng current OB ko. pero sabi naman ng mother ko it's unethical naman if yun agad ibungad ko sa kanya..

Yung cousin ko kasi doctor din sa hospital ng new ob na yun, 2 of my cousins patients niya...
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: Aragtrz on December 09, 2011, 10:00:04 am
This topic is locked temporarily to put spammers off who frequent this thread. Will unlock it after clearing the boards of spammers.
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: Mlabable on December 29, 2011, 05:06:42 am
I changed my OB when I was on my 4th month of my pregnancy. The main reason was my OB and her affiliated hospital was not covered by Maxicare.
 
I told her the truth and she even referred me to another OB from Medical City which is also affiliated at Lourdes Hospital. Then my first OB, Dra. Milan gave me a referral letter para bigay ko kay Dra. Sese, yung ni-refer niyang OB. Sinabi ko rin sa kanya na di nga accredited ang Medical City. Binasa niya yung history nung previous check-up from Dra. Milan.

Actually parang silang dalawa nga ang OB kasi sa kanilang dalawa pa rin ako nagpapacheck-up. Yun nga lang si Dra. Sese magpapaanak sa akin.

@Dada08, you can tell to your new OB na mas accessible yung place niya at mas afford mo yung maternity expenses. Wag mo nalang silang compare dalawa. They will not take it against you naman kasi nagsasabi kalang naman ng totoo. Just be polite lang kapag nagsasalita and don’t say “bad” things about sa previous OB mo.
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: Dada08 on December 29, 2011, 06:12:01 pm
had my check ups w/ my new OB. she's very nice! :)
never siya na ask about my previous OB...  hindi nga lang siya covered ng hmo namin pero okay na din. naka 3 visits na kami sa kanya. she referred me to a cardiologist for my hypertension.  breech position si baby, sabi niya kausapin ko daw palagi para umikot at ayaw niyang mag cs delivery  :D :D
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: pringles18 on January 11, 2012, 11:18:36 am
hello mga sis, ako din plan ko magpalit ng OB. Im staying here in Manila right now kaya dito ako nagpapacheck up pero plan ko manganak sa province namen para don ako sa mother ko magstay. dito kc nkadorm ako eh kaya mahirap kung dito ako magstay and mas maaalagaan kami ni baby don sa province. One more thing is talagang malaki yung quote ng OB ko ngaun kahit sa ward pa. mas ok na maging practical diba. good thing is nasaken lahat ng lab results ko. :)
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: abcde_xyz on January 11, 2012, 05:51:41 pm
magkano po kaya ang twilight anesthesia? takot din kasi ako umire...hirap po kasi ako sa paghinga...madalas ako kapusin..
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: princesstulips on February 05, 2012, 12:15:10 pm
I changed my OB when I was on my 4th month of my pregnancy. The main reason was my OB and her affiliated hospital was not covered by Maxicare.
 
I told her the truth and she even referred me to another OB from Medical City which is also affiliated at Lourdes Hospital. Then my first OB, Dra. Milan gave me a referral letter para bigay ko kay Dra. Sese, yung ni-refer niyang OB. Sinabi ko rin sa kanya na di nga accredited ang Medical City. Binasa niya yung history nung previous check-up from Dra. Milan.

Actually parang silang dalawa nga ang OB kasi sa kanilang dalawa pa rin ako nagpapacheck-up. Yun nga lang si Dra. Sese magpapaanak sa akin.



hi sis

Dra. Sese is my OB. I really love her. I gave birth last Dec 18 2011 sa JDMH via NSD. Madiskarte syang OB at gagawin niya lahat para hindi ka ma-CS. I had 2 OB before her but she accepted me with two open arms. Mabaet sya at maganda pa. :) 33 weeks na ako nung lumipat sa kanya pro parang 9 mos kmeng magkasama. Comfortable kase ako sa kanya, ok dn routine check up niya. She discuss to you the things  na dapat malaman mo, hehe. Lastly, pareho kameng thomasian kea siguro kampante ako. ;D

Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: almirafe on August 17, 2012, 07:58:15 am
hi mga mommies! Im on my 35th week na po.  ganito kasi., i started having my prenatal chek-up on my 2nd month in Alabang Med until my 4th month. since mahal po kasi ang NSD sa knila nghanap ako ng mas mura . Since my philhealth naman ako at voter ng muntinlupa., my landlady suggested na sa osmun ako. Then sabi niya kelangan sa center muna ko pa-chek-up para daw me record ako. So dun ako pa-chek-up  up until my 71/2 month. After that ni-refer na nila ko sa osmun since dun ko gusto manganak cause of money issues. Nakahanap naman ako ng ob na philheal accredited so ok na. Kaso nung 1st chek-up ko pinagalitan na agad ako kasi bat ngaun lang daw ako ngpa-chek-up sa kanila eh ilang ara na lang daw eh 8 mos ko na. Sinabi ko un sabi saking ng landlady ko.. medyo dismayado pa hitsura niya. Eh hindi ko naman alam na ganun pala kasi hindi naman talaga ako taga-munti and 1st time mom pa ko. Then she told me na when the time comes na manganganak na ko at marami kaming sabay-sabay., hndi ako priority since kakasimula sa kanila. Kinabahan naman ako kasi nga iniisip ko is yung budget. Since ala naman akong pinag-papa-che-upan na ibang OB. I had 2 check-ups pa with her, 81/2  mo.  ko na now. Then i was absent  last tues.  kasi sumasakit pempem ko and sakit ng likod and balakang ko . So punta ko sa kanya since me sched sya dun the next day.  hen she saw me bkit daw andun ako dapat next week pa. I told her my concer. Then that expression again ( yung parang dismayado with matching buntong hiniga) then said " ma,am that's normal in every pregnancy" and so on.... Then asked "what's the point of going here?" sabi ko un lang naman ang concern ko... She told me she can't give me medcert just for that. Eh mahigpit pa naman company namin. So wala ko nagawa. Ni-chek niya na lang heartbeat ni baby and she's fine. Eh ngaun gusto ko na sana mag PROA (prolong absene) eh kelangan ko nga ng medcert from my ob. And i needed to have her signed my sss sickness form kasi naghihinayan nga ko sa 1 month., eh nahihirapan nako sa work ko kasi pang-gabi na eh malayo pa. Pano ko pa magagawa un eh medcert lang for absence ayaw niya ko bigyan.
Pwede pa po kaya ko mag-patingin sa ibang OB?  another thing is medyo nakaka-intimidate tong OB  lalo na hen she does that dismayado look. Di alam if naiinis sya or hat. help pls.
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: Mommy Jazz on October 12, 2012, 01:51:33 pm
@almirafe
Hindi po kaya kasi public hospital yun and it's a fact na pressured sila sa dami nilang pasyente? Ganun po talaga siguro, may na sasacrifice kapalit ng pagiging affordable na rate. I don't know kung pwedeng i-report ang Doctor sa pagiging masungit and not ready to help, but then it willl cause more tension on both of you lalo na kung siya ang magpapaanak sa iyo diba?
I changed OB on the last month of my 1st pregnancy kasi we like our OB but she doesn't want to do delivery on our choice of hospital kahit pwede naman sa hospital na gusto namin. Mabuti siyang kausap and sabi niya "alam ko na gusto ninyo sa akin but for your convinience I understand hindi ka pwede dito manganak sa hospital ko. Just the same, hindi din convenient sa akin magpaanak sa ibang hospital". We understand her kaya she referred us to the OB she knows sa hospital na gusto namin.


If I were you, hahanap ako ng ibang OB for a 2nd opinion sa pain na nararamdaman ko and if there's  any safe meds I can take. If given attention, ask na rin ako ng med cert. Bear in mind na baka kilala niya yung OB mo so huwag ka nang magkuwento ng makakasira. Having checked by another OB shouldn't mean na magpapalit ka ng OB ulit at siya ang magpapaanak sayo. Check up lang.
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: babyrhye on October 12, 2012, 06:33:00 pm
I changed my OB at 21 weeks, ok naman. Basta bring with you your lab test s/histories mo sa dating OB mo.
Title: Question about transferring of OB.
Post by: Nikka09 on August 17, 2014, 09:20:23 pm
Hi Mommies!


I'm worried po kc about my 2nd pregnancy I'm n my 28 weeks now. Palagay nyo po ay Pwede pa ba akong mag Iba ng OB? Since CS po ako.. Medyo  namamahaln po kc ako sa OB ko..  Will they still accept me kahit nasa 3rd trimester na ako? Balak ko po kc dun sa mas mura, since Wala pa akong masyadong ipon..


Thanks po!!
Any recommended OB from Pampanga yung cheaper po.
Title: Re: Question about transferring of OB.
Post by: gharz412 on August 18, 2014, 05:48:54 pm
sis with regard to your question, Ofcourse you can, ako naman paiba2 din ako around 6months ako ng lumagi nko kay Dra. Bacud  ;D  wala din sa policy na dika pwede tanggapin dahil malapit kanang manganak. Icipin mo si Dra. Sorreta she qoutes 120k for CS...nganga! :o ::)  kaya lipat agad. So nasa sayo yun lalo na kung tipid modes ka pero sure naman ;)
Title: Re: Question about transferring of OB.
Post by: Castiole on August 18, 2014, 10:56:43 pm
Ako lumipat ng OB noong seven months preggy na ako. Dalhin mo lang iyong mga records ng check up mo and laboratory results mo.hinahanap pa din kasi yon.
Title: Re: Question about transferring of OB.
Post by: Nikka09 on August 19, 2014, 12:26:16 pm
Thank u mga sis..
 
[ ;) ;)
Title: Re: Question about transferring of OB.
Post by: julietgeslani on August 21, 2014, 08:22:32 pm
Hi Mommies!


I'm worried po kc about my 2nd pregnancy I'm n my 28 weeks now. Palagay nyo po ay Pwede pa ba akong mag Iba ng OB? Since CS po ako.. Medyo  namamahaln po kc ako sa OB ko..  Will they still accept me kahit nasa 3rd trimester na ako? Balak ko po kc dun sa mas mura, since Wala pa akong masyadong ipon..


Thanks po!!
Any recommended OB from Pampanga yung cheaper po.

****
Hello Nikka09,

Pwede ka pang lumipat. I transferred OB too on my 36th week kasi hindi ko talaga keri ang package ng 1st OB ko. My current OB now is Dra.Bacud and sa kanyang maternity clinic ako nagpapacheck na which is sa may Camachilles. Hopefully maayos ang delivery ko (God Willing) :-)
Title: Re: Changing OB-GYNs mid-pregnancy
Post by: Min Damasco on February 13, 2019, 08:04:29 pm
I'm planning to change OB, I'm at my 30th week now. I just feel like my questions are not answered properly, and sometimes dismissed. Tapos she doesnt clearly explains and gives advice. Parang what you see is what you get na lang. Given naman sana dahil first baby ko to kaya expected ko na parang mararamdaman kong alaga ako, kaso hindi. But my concern is 30 weeks na ako. Okay pa ba magchange OB pa?