Parent Chat

Parenting => Real Parenting => The Balancing Act: Career and Family => Topic started by: ramen_girl on November 18, 2011, 05:59:57 pm

Title: working moms how do you keep a close reltionship with your babies
Post by: ramen_girl on November 18, 2011, 05:59:57 pm
hello mommies out there im a first time mom also a career woman im just worried kasi i leave my baby with my mother in law late nko nakaka-uwi sa house mga 8-9pm wala pa OT yun lagi pa naman tulog baby ko since mag ti-3 months plng siya every morning i try to bond with her by giving her her vitamins, pinapaliguan ko siya bago ko umalis ng bahay pero feeling ko ang onti padin ng time na nabibigay ko sa kanya pag weekends naglilinis naman kami ni hubby ng bahay, wala pa kc kami makuhang katulong lagi siya binabantayan ng lola niya im worried na bka dumating yung time na mas mauuna pa niya mabigkas ang word na lola bago mama at bka mas maging malapit siya dun kesa sakin ang sad lang pag naiisip ko :( nakakapraning any advise? hindi naman ako pwede mag quit ng job kasi compare sa hubby ko mas ok yung salary ko sa kanya with both our salaries enough lang para sa mga bayarin namin :( please advise thanks

Read it on Smart Parenting.
How working parents are coping with Metro Manila traffic
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2018/11/29/commute-nov2918.jpg)
Click this link:
 https://www.smartparenting.com.ph/parenting/real-parenting/family-time-long-commute-traffic-manila-a00228-20181129?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) to reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: kuliglig^^ on November 18, 2011, 06:08:51 pm
Hala, ako sis worry ko din to, kasi balik na rin ako sa work after ML. :( Ayoko maging close baby ko sa yaya or others, dapat samin lang ni hubby close si baby.

Sisses, I'll also wait for your responses.
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: pola on November 18, 2011, 07:39:06 pm
ako din mommies=( super ayoko iwan si baby sa umaga pag papasok ako.but i have no choice.. im planning to resign na nga para sa bahay na lang ako.. and nag aaplly na ko as VA para sa bahay na lang ako mag work.. sana nga lang matanggap.. kulang na kulang yung oras namin sa umaga bago ko umalis.. pag dating ko naman sa gabi tulog na sya=( nakakasad.. :(
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: momaye on November 25, 2011, 06:53:38 pm
hi working moms! I am too a working mom, since 2 months si baby kelangan na back to work. he is 17 months na ngaun. we do have a yaya. but you know what makamommy pa din sya. sabi ng yaya niya he kept on yelling mommy sa baba ng stair namin kasi akala niya nasa taas lang ako. pagdating namin sa bahay, naku mommy na agad. ayaw niya un di niya ko nakikita. even his dad, he will not sleep until we are home or both of us are in bed na.

nun una that is my fear too. na baka mas hahabol pa sya sa yaya niya. but good thing hinde nga nangyari. kasi pala eventually the baby will know who's providing all he's needs kaya naman narerecognize niya sino un parents o mommy niya. basta, after work see to it na bibigay mu un full attention sa kanya. kahit mahirap kelangan talaga. kasi if magkaisip sya at nakikita niya na anjan ka nga pero parang wala ka din at mas available lagi si yaya sa kanya syempre kahit ikaw who would you prefer to be with? weekends should really spend with them. mahirap talaga ibudget ang time but soon makakadjust din lalo na un mga new mommies.

by the way, i have a blog you might want to check out. here's the link --> http://momayes.blogspot.com (http://momayes.blogspot.com)
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: ea_brea on November 25, 2011, 07:25:38 pm
ako naman maaga nabuntis, so i had to finish studying after giving birth (well summer naman ako nanganak so no pause talaga in studying) pero ayun from the very beginning iniiwan ko yung anak ko at first sa mom ko, then sa yaya na. hindi naman naging super close ang anak ko sa yaya. kasi paguwi ko i make it a point  na asikasuhin siya kaagad. on weekends lalo or pag walang pasok, ako lang talaga nagaalaga. kahit ngayon sa parents ko ulit siya naiiwan, he still looks forward to seeing me when i get home. :)

spend quality time if you can't give time in terms of quantity. :) balance lang lahat. kung maglilinis or magluluto kayo ng hubby mo, why not isama si baby, kahit sa malapit na area lang. yung SIL ko lagi kasama sa kitchen yung anak niya, nasa high chair, pag nagluluto. happy sila lalo na when baking at napaka mommy's boy pa ng nephew ko. :)
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: momsylicious on November 25, 2011, 11:17:46 pm
I'm on a GY shift...it's really heart aching not to be with your child at night. But I make sure that I play with my daughter often..bring her to the kids favorite Jollibee..read her stories, watch dora and barney with her kahit sobrang antok na ako..and I make sure to feed her by myself kahit yung sa dinner lang kasi aalis na ulet ako for work.  :-* :-* :-*
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: Mlabable on November 25, 2011, 11:51:52 pm
It takes a lot of sacrifice. I'm a working mom too, night shift, no yaya pero di pa kami nakabukod sa parent's house pa rin.
 
9PM-9AM office hours kasama na yung travel ko. So pagdating ko ng bahay kahit sobrang pagod at antok na gusto ko ako pa rin mag-aasikaso ng anak ko. Pagdating papaliguan then at 10AM nap time niya sa morning. Dun ko na sinasabayan siya ng tulog, nakakatawa nga minsan kapag pinapatulog ko siya I say a little prayer na Lord, sana maka 2-3 hours tulog anak ko para mahaba-haba din tulog ko.
 
Pag gising niya kailangan gising na rin ako, so playtime namin pag mga ganong oras. On the side nakakapanood ako ng mga teleserye sa hapon, hehe.
 
Then 3PM nap time naman niya sa hapon  so nakakatulog pa rin ako kahit 1 hour lang. Pag gising na siya gala time na kami. Nilalabas ko siya para makalaro naman siya sa ibang bata. By the way, he's 1 year and 3 months pa lang.
 
6PM pasok na kami sa loob then at 7PM bath time na yan after that patulugin ko na siya. Basta may chance itinutulog ko lang hanggat di pa oras ng work ko.
 
Mahirap pero it's worth it kasi mama's boy talaga ang anak ko. Malapit din siya sa daddy niya kasi we make sure na kahit pagod dapat may time pa rin. Ayoko naman i-give up work ko kasi syempre gusto ko pa rin ibigay needs and wants namin. Kung kaya ko naman ipagsabay di ba..
 
Yun nga lang pagdating sa work antok talaga ako kaya pag break time itutulog ko nalang. At buti nalang walang pakialaman masyado sa work, di mahigpit sa time.
 
Thankful din ako kasi yung parents ko very supportive, minsan pag alam nilang sobrang pagod at antok ako sila naman bantay kay baby, hugas ng bote, etc. Before pag weekends ako naglalaba ng damit namin pero naisip ko sayang yung time para sa baby ko kaya nagpalabada nalang ako.
 
Kaya niyo yan mommies. Sacrifice lang talaga para sa anak natin.
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: Mommy France on November 26, 2011, 07:27:00 pm
I agree with Mercy and ea_brea...
Career woman din ako. I had to be on bed rest beore I gave birth so 1 month pa lang anak ko balik work na ako.

Overtime is a NO-NO for me.
Of course I had the same fear na baka mas maging close yung anak ko sa nag-aalaga sa kanya because Im working and my husband also had the same concerns.

Pero like what I always tell din dito sa SP, it's not always about the quantity of time spent but the quality.

Isa sa mga major sacrifice nameng mag-asawa is yung katabi namen matulog yung anak namen. Pero sobrang nakatulong ito samen kasi kami pa rin hinahanap ng anak ko bago siya matulog at if  ever magising siya ng maaga, ako yung katabi niya. Adjust talaga kami ng intimacy schedule pero sobrang bawi naman dahil hindi ko kailangan mag-pills. Natural planning kami. :)

Isa rin sa pwede kong i-advice is maghanap ka ng isang activity na kayo lang. Ako ang activity namen ni Miggy is singing dahil mahilig mag-perform itong anak ko. Daddy naman niya is playtime.

I call Miggy during lunch time and before kami umalis ng office para ma-anticipate niya yung pagdating namen.
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: yhamslove® on November 26, 2011, 09:23:09 pm
maghanap ka ng isang activity na kayo lang.



Ganyan ang ginagawa ko kay Geno.

Pagdating ko sa bahay from work, inaabangan na ako agad ng anak ko kase excited na siyang magtimpla kami ng juice or iced tea para sa dinner. Siya ang taga-lagay ng ice cubes with matching counting kahit minsan pagkatapos ng "five" eh "eight" na agad!  ;D

Katabi rin namin siya matulog ng asawa ko tapos nagdadasal din kami bago matulog. Kagabi nga naiyak pa siya habang nagdadasal kase sabi ko "God sana po di pa maantok si Mama kase dami pa plato na huhugasan niya...."  :D Mukhang naawa sa akin ang anak ko...  :D

Lagi-lagi ko rin siyang niyayakap kapag nasa bahay ako at sinasabi ko sa kanya na mahal na mahal ko siya.  :)
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: Mommy France on November 26, 2011, 10:42:41 pm

Ganyan ang ginagawa ko kay Geno.

Pagdating ko sa bahay from work, inaabangan na ako agad ng anak ko kase excited na siyang magtimpla kami ng juice or iced tea para sa dinner. Siya ang taga-lagay ng ice cubes with matching counting kahit minsan pagkatapos ng "five" eh "eight" na agad!  ;D


Little ACTS, Big IMPACT! :D
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: kathnrhai on November 26, 2011, 11:15:43 pm
hi mga mommies.. same here, napagdaanan ko din ang ganyang stage..
im a working mom too. same kami ni hubby na may work, sa nanay ko iniiwan si baby.and ayoko kumuha ng yaya, lalot di naman namin relatives,, hirap na kasi humanap ng matinong yaya ngayon,iniisip ko kasi,pano kung sila na lang ng baby ko maiwan sa bahay, dko alm kung inaasikaso niya ba ng maayos or what. and natakot din ako sa mga napapanood ko se net..

my baby is turning 8 months sa dec. wen i gave birth,after 2 months ng ML ko, pumasok na ko, ok naman ang sked ko sa work, 9-9 ako. 2days, 2nights ang pasok ko,and the rest..day off na. kaya ill make sue na may bonding time kami ni baby pagdating namin ni hubby.

at first week ko sa work, di din ako nag-oot gustong gusto ko na umuwi dahil ang hirap nga nung feeling na di mo nakikita si baby., pero nung medyo tumagal tagal na.medyo nababawasan yun feeling na ganun..although.. gustong gusto ko pdn umuwi agad.

yung baby ko naman,hands on kami ni hubby everytime na nasa bahay kami.as in si baby lang ang priority..hehe. pag umuuwi kami ni hubby sa gabi,kukunin ko na si baby kay nanay,kasi sya yung katabi pag wala pkmi. pag nasa kwarto na kami,didilat niya yung eyes niya,and magssmile samin pareho tas matutulog na sya ulit..

wag kayo magalala mga sisses..alam naman ni baby kung sino ang mommy niya,yun nga lang sating mommies,yun feeling na parang mas nagiging close siya sa iba,or mas alam nila yung gagawin kesa sating mommies..
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: syndyela on November 27, 2011, 03:51:57 pm
You're not so alone sis.  Ganyan din una kong na-feel nung nag-work ulit ako after manganak.  My daughter was 8 months old back then and sobrang an bigat ng feeling ko na naiiwan ko ang baby ko sa In Laws ko and sa mga maid nila.  Moreover than that, gabi na din ako nakakarating sa bahay from work kasi Pasay ang work ko tapos sa Alabang kami nakatira ngayon, around 8pm na ako nakakadating sa bahay (and 8:30 pm ang sleeping time ni baby).  Actually sobrang nahihirapan nga talaga ako dahil sa travel period ko, sobrang unproductive kasi pag nasa traffic, sayang yung time na sana na-spend ko nalang with my family.

Nung una I felt na I didn't want na maging mas close si baby ko sa IL's ko and sa mga maids.  Pero ngayon na 2 years old na si baby ko, I didn't mind kung love niya IL's ko and yung mga maids (basta alam pa rin niya na at the end of the day, ako pa rin ang mommy niya).  Kasi sila yung mga nagiging kalaro ng baby ko pag gusto ko ng alone time with hubby, or just alone time with myself.  Though at times my daughter is still nagging me to spend all my time with her, at least may mapag-iiwanan ako kapag yung times na ganito--- na tumatambay ako sa smart parenting forum kahit saglit lang. :)

So how do I keep a close relationship with my baby--- simply giivng her time and attention.  kahit 15 minutes lang pag-uwi ko sa bahay. Ako lagi nagpapaligo kay baby sa gabi before siya matulog and nagpapatulog sa kanya kapag maabutan ko pa siya na gising.  Before matulog I always ask her kumusta ang day niya, ano ginawa niya, etc...and she responds naman na akala mo e malaking tao na siya.  During weekends, may playtime kami, harutan and kulitan.  Ako din nagpapaligo sa kanya during weekends.  Minsan nag-aagawan kami sa hehe.  basta I make sure na at the end of the day, she feels so loved by her mommy :)
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: ea_brea on November 28, 2011, 04:37:43 pm
Isa sa mga major sacrifice nameng mag-asawa is yung katabi namen matulog yung anak namen. Pero sobrang nakatulong ito samen kasi kami pa rin hinahanap ng anak ko bago siya matulog at if  ever magising siya ng maaga, ako yung katabi niya.

ako din katabi ko matulog anak ko, hindi pa kasi kami magkasama ng daddy niya sa 1 bahay (long story), at ako din ang hinahanap niya pag matutulog na. nung umalis nga ako ng gabi for dinner minsan pinagalitan ako ng anak ko the next day, bawal daw ako umalis kasi matutulog na kami (tinabihan kasi siya ng mom ko nun)!  ;D natawa lang ako. sabi ko hindi naman all the time ako aalis. ayun nagtampo pa din. hehe
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: jenstelian on November 28, 2011, 05:34:30 pm
naku buti yung iba dito nakakasama p yung anak nila kahit night lang...ako nga po every weekend lang..ganun ang sitwasyon namin for 3 years n. pag-uwi ko sa bahay kapag friday night wait niya ako kasi sabay kami niyang matutulog..alam n alam niya n firday at uuwi ako..late n kami nagigising sa morning ok lang sa parents ko kasi yun nalang daw time namin dalawa..ako mismo nagpapakain sa kanya, nagbibigay vitamins, as in lahat lahat ako kasi un nalang time namin dalawa. kahit bibili lang sa sari-sari store kasama ko hehe pati pagligo magkasabay kami..tpos tinuruan ko siya magcount, magbasa etc.....kapag isinasama siya ng mommy(nanay ko) niya ayaw sumama saken gusto saken lang siya...ayaw n nga minsan papasukin ako sa work. umiiyak..kelangan ng mahabang paliwanagan at bolahan...siya naghahatid saken sa sakayan... :)
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: chester on November 28, 2011, 05:59:44 pm
hay yung baby ko MIL ko nag aalaga. after ML balik work na ako dito manila at siya naiwan sa province. 4-1/2 months pa lang siya ngaun. every 15 and 30 lang uwi namin sa province.  last 2 weeks ago na umuwi ako nakatingin lang siya sa akin. noong kinuha ko grabe iyak niya. ilang oras bago siya nasanay sa akin.  ang hirap sis. tapos meron pang time na nagkasakit siya, biglang uwian pero hindi naman pwedeng magtagal kasi may work eh.  :(

ang solution ko lang ay makuha na namin yung loan namin para sa bahay para makasama ko na ang baby ko.

sa mga sis na kasama niyo si baby, ang swerte niyo po.
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: two_angels'_mom on November 28, 2011, 07:21:20 pm
^konting tiis lang sis..isa yan sa mga sacrifice sabi mo nga pag makapagloan kayo puwede nyo na makasama baby nyo sa bahay..so marami ka ng time bumawi ;)..

marami talagang sacrifice pag working mom..kagaya mo me mga times din na me sakit si baby pero kailangang iwan kasi hindi pwede basta basta emergency leave..pray na lang ginagawa ko..

tungkol naman sa keeping a close relationship with ur kids kagaya din sabi nila quality time kelangan..lalo na ako single mom so double ang kelangang pagmamahal iparamdam ko sa kanila..sundays lang rin ang talagang off ko kasi some other weekdays and saturdays sleeping off lang..tapos need pa maglaba and maglinis bahay pero i make it appoint na half day ko lang gagawin lahat ng yun para the rest of the day bonding na kami ng mga anak ko..and one of the bonding time that i want them to grow up with is yung pagsisimba namin sa church..kasi i still believe pag malapit ang bata kay lord hindi din yan malalayo sa magulang kahit pa lumaki sila ;) kaya yung panganay ko kahit 12 years old na sya she still looks forward to going to church with us her baby sister and me every sundays :)..
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: ThoMatts Mom on November 28, 2011, 09:36:57 pm
how can we keep close relationships to our kids? as a working mom na may shifting schedule, sobrang lahat ng time ko pag nasa bahay ako para sa knila, i have 2 boys, 1 is 5yo and 7months old.  kapag nasa house ako, ako magpapaligo, magpapakain, then sa gabi kahit puyat ako or need matulog ng maaga for work, katabi ko sila pareho.  And kapag weekends, pag nagmamall or may pupuntahang parties, hindi ko sinasama ang yayas, gusto ko ako magaalaga sa kanila the whole day ng off ko. masaya na ko sa work ko ngayon na 8hrs lang, mas prioity ko kasi mga anak ko kaya kahit hindi na ko ipromote kasi i don't extra hours sa work ko, oks lang, at least mas less responsibilities sa work, mas madami pa din sa family  :)
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: kissablesam on November 29, 2011, 09:46:59 am
joining :)

as soon as i come home, will dress up and will attend to her & her needs hanggang makatulog sya, pag weekend hindi ako basta basta umaalis kase weekend nalang kami nagkakasama ng matagal eh.. ayun, i treasure all the time i spent with her.. kahit working mom ako, i get to witness naman her development & milestone.
malungkot man kase pag me sakit sya, i need to leave her with her lola and will only see her at night pero, iniisip ko nalang na i am doing all of these for her and for her future..
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: chester on November 29, 2011, 04:16:24 pm
oo nga mga sis eh.  kahit pano swerte ako sa MIL ko. kasi pag umuuwi ako, wala akong ginagawa sa bahay. sila lahat gumagawa. pinababayaan nila na ako mag alaga sa baby ko.  at kung kakain na eh kinukuha nila si baby para makakain or makaligo ako. Thanks to my MIL.
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: dhangcabuang on November 29, 2011, 04:56:26 pm
i've been in this situation, 2x na. pero still yung 2 anak ko, mawala lang ako sa paningin nila eh hinahanap na ako.uwi din ako 8pm then pasok ng 7:30am. gising na sila pareho coz pumapasok yung eldest ko, ako naghahatid.paguwi ko naman, katabi ko sila matulog (namin ni husband), pag weekend, di ako umaalis, bihira na di sila kasama.haggardness at pagod pero un lang kasi bonding time.

somga sisses, siguro no need to worry hanggat magkasama kayo ni bebe nyo sa house at katabi nyo sila sa pagtulog.alam na alam nila amoy nating mga mommies... ;)
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: apple11 on November 29, 2011, 05:37:51 pm
Sa first child namin pinagisipan na namin mabuti magkaroon ng quality time with our son. Kasi ayoko naman magresign at nandyan naman mother ko para may magalaga sa kanya. Nagpahanap na lang ako ng maid para gumawa ng household chores. Paguwi pa lang sa bahay focus na kami kay baby.Katabi din namin sya matulog. Pagkagaling sa office uwi agad, unlike before na magmalling pa kami or eat sa labas bago umuwi. At nagusap na kami na walang magtatrabaho ng weekends kasi family day yun. Pagkailangan lumabas kasama namin sya. Ok naman close naman sya sa amin. Madalas ko din sya kumustahin at tinatawagan ko para marinig niya voice ko. We're doing things together.
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: purplemom on December 01, 2011, 12:13:41 am
im so thankful sa job ko kasi flexi time ako..if i report at 10 am i go home at 7 or 8 pm..which is ok lang kasi Gelo goes to bed at 7 pm so no way na mapatulog ko pa sya..malayo kasi ang house namin sa office it will take 2 hours travel..pero nasa bed ko na sya pinapatulog and kapag nagigising sya sa gabi naglalaro kami, feed him and put him to sleep again..in the morning maaga sya gigising mga 5:30 am..i hahatid namin si ate niya to school at 6:30..after ihatid si ate ipapasyal na sya sa subdivision until 8 am..pag weekend bonding time din in the morning and sinasama sya pag grocery and pag may occassion na pupuntahan..basta pag weekend kasama sya sa lakad namin kaya bihira ako mag set ng mga meet ups with others pag weekend unless masasama ko ang son ko..
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: ramen_girl on December 08, 2011, 08:29:13 pm
sa lahat ng mommies na nagreply at nagbigay ng advise sobrang salamat kahit papaano e nabuhayan ang loob ko at nawala ang worries ko madami din akong natutunan thank you! have a merry christmas! :)
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: Anne Mercado on January 03, 2012, 06:56:06 pm
Aww I feel for you. That's really a big dilemma of working moms. You have to work to provide for your family yet you lose time with your child. As much as possible just try to spend time with your kid on the weekend.

Also, if you have an understanding boss, you can bring home work so you can get off mga 5-5:30pm tapos go home, play with your kid and then pag tulog na sha continue working nalang.
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: mommy_tl on January 04, 2012, 11:17:48 am
pajoin naman...

i work dayshift (6am-3pm) and my hubby works at 10pm-7am...when i arrive home, i immediately get the baby na from the yaya and i will wake my hubby up and we start playing..i make sure na pag nasa bahay ako, ako yung nag-aalaga kay baby - pakain, bath, play, etc. si yaya is there lang to assist..even sa pagpapatulog, i handle it kasi pagkagising niya sa umaga, nakaalis na ako ng bahay..usually pagdating ko eh tulog pa sya kaya me and my hubby can have our time together too, if not pag tulog na si baby..dapat din kasi may time for hubby ryt?..i also tell yaya na if my son did something wrong, wag nyang pagalitan..sabihin samen ni daddy kasi yung helpmates natin eh hindi pdeng magdisiplina ng anak..responsibility yan ng parents..there are also cases na pinapapunta ko si baby sa office then tutuloy na kame sa mall para gumala..pag weekends, kelangan din may isang araw na ilalabas namen si baby without the yaya..mahirap pero mas maiexperience namin ni hubby yung pag-aalaga kay baby both inside and outside the house ng kame lang..

balancing act nga talaga eto...mahirap but it is all worth it..  ;D
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: cosmo_mom_23 on January 28, 2012, 03:56:36 am
pa join mga mommies..

I work at night same goes with hubby, I found it more advantageous samin kc, tulog si baby sa gabi, then paguwi namin, I can get to play and spend time with him pa kahit 3 to 5 hours. After niya mag breakfast, take a bath, play a little tapos nap time n niya, nap ko ren.. after a couple of hours, gigising sya for lunch, tapos play ulit kami.. around 3pm I can go back to sleep until 7pm. During that time, yaya muna sya with the help of my dad who oversees baby den.
Mhirap, pero sacrifice tlaga. Msaya naman sya and fulfilling =)
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: ♥♥♥ RXmom ♥♥♥ on January 28, 2012, 08:54:48 am
i've been to that situation too.. working mom din ako.
yung feeling na mas close sya sa mil ko hay grabe
pinag-aawayan pa namin ni hubby yan before but
now na overcome ko na yun.. kasi sacrifice talaga..
we need to work for them. my son is turning 4 kaya
he understand na a bit but sometimes kapag sabihin
ko na aalis na si momi para magwork hayz hindi niya
na ako papansinin or sometimes sabihin niya ayaw
niya akong pumasok sa work.

may incident pa nga na.. nagbreakfast kami sa shangrila
heat.. then after that need ko pumasok kc training namin
sa office kaya okay lang malate.. nung nasa car na kami
nagsabi ako sa kanya na papasok na si momi ha then
nag-ask ako ng kiss.. hala hindi na ako pinansin then
kapag hold ko yung hands niya tinatapon yung hands ko
or iiwas niya hands niya. nung bumaba na ako ng car nag
text si hubby na umiyak daw son ko at wala daw sya
pinapansin kahit mil ko.

hayz sobrang nakakapanghina yun ng loob but need
to earn naman for his future.. kaya advice ko lang naman
dun sa mga momies na ganon ang feeling na baka mas
maging close si mil.. okay lang yan kasi kapag lumaki na
din naman sila at nagkaisip ikaw at ikaw pa rin naman ang
hahanapin nila.

hope it helps :D
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: mariann on February 04, 2012, 09:24:48 pm
how did i bond with my babies?  i used the word "did" because they're grown-ups now and we have a close relationship despite my being a working mom all their lives.
 
since birth, i personally bathe them and feed them before i go to work.  i tended to all their needs whenever i'm at home.  like i've said here before, yaya's work is done the moment i step into the house.  there are times also that i got home when they're already asleep, so i make sure that i make it up on weekends.  i sleep with them, i take care of them when they're sick without any help from yaya.  so it never happened that they favored their yayas more than me.
 
my weekends are reserved for my kids.  now it's balanced between them and hubby.  household chores were already scheduled and delegated well to the helpers.  that way, i had more time with my kids rather than running the house. 
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: Anne Mercado on February 08, 2012, 07:25:17 pm
Of course make the most out of your weekends. Since its close to valentines na, you may do these: Unique Valentines Crafts You & Your Kids Can Do http://goo.gl/6T0SD (http://goo.gl/6T0SD) (there's a link inside that leads you to the valentines crafts)
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: chococream on February 17, 2012, 06:07:10 pm
this was the most critical concern namin ni hubby, si hubby kasi is overseas so every year lang sya umuuwi and sometimes 2years pa sya bago maka uwi. Ako naman i work 8-5pm pero hindi pa kasama ang travel to office nyan.

What I do is i wake up super early para bumili ng stock sa refrigerator kasi Mother ko lang before ang nagbabantay sa kay baby minsan ayaw din ni Mother lumabas kaya I stock on food. I cook breakfast and then when its 6am na, pinapaliguan ko na sya, kiss and hug madami dyan and then feed her. pag clean na sya and settled na dun pa ako takbo para maligo and eat for work. noon break naman is calling and checking on her, same sa gabi pagdating sa bahay luto ng ulam and prepare her for sleep na kasi early dinner sya.

she was still 6months nung umalis husband ko for work abroad. Kaya by the time dumating she was already almost 2years old nah. halos umabot ng 1week bago lumapit sa papa niya and bawat tulog at gising umiiyak kasi nag wonder sino katabi ko or niya.

ayon, tapos everyday din yon na nagcry sya pagumaalis ako for work. ayaw na ayaw niya na magwork ako. so ayon pagdating ng husband ko. nagdecide na ako to resign and take care of my daughter, pero to help naman sa mga other means of income i work full time homebased na din.

kaya now, i can bond with her anytime, sometimes na sa likod ko lang sya naglalaro ng toys or coloring materials niya while I work.  Happy na kami, settled na si hubby kasi kahit malayo sya he knows na me parent pa din si baby na full time ng kasama and we can save for her schooling na din.
Title: is this really the reality?
Post by: love_katrice on April 13, 2012, 01:32:11 pm
so sad to know na yong baby namin ayaw na samin, 2 months after i gave birth my mom na or lola niya nagbabantay sa kanya kasi work ako hindi ko naman maiwan work ko kasi kailangan eh, ka uumpisa palang kasi business nang hubby ko, so were still depending on my income hanggang ngayon...so sad lang talaga na everytime dumating kami from work hindi na kami makalapit or touch our baby....kasi iiyak sya pag kuhanin namin sa lola niya mas lalo na ngayon na he is 1 year and 5 months old...mas na iintindihan na niya na lage kaming wala...tapos my mom make him so spoiled, kung ano gusto niya ibigay agad ni mama kaya mas naging irritable siya ngayon lalo na pag yong gusto niya hindi maibigay...mga sis hindi ko na alam gagawin eh, hindi ko alam saan ako lulugar sa baby ko kasi pag ipupush ko kami nang mom ko ang mag.aaway it hapend na nga na we get  misunderstnading ng mom ko..if my time naman kami para kay baby lalo na sa weekend my mom dont gave way para sa amin at sa baby...parang nawawala na talaga bonding namin with our baby...masakit talaga isipin na ganito ang nangyayari...
Title: Re: is this really the reality?
Post by: RayJean on April 15, 2012, 06:39:23 pm
Hello Mommy love_katrice :D

Working Mom din ako, at same as you lumaki din son ko sa pagaalaga ng Mother ko. Well, hindi nga madali pero i always find time kahit na nagwowork ako magkakaron pa rin kami ni baby ng bonding moments para kahit hindi ako mas madalas niya makasama makikilala pa din niya ako, like bago mag sleep nilalaro ko sya,kinakantahan hanggang makatulog, paiinumin ng milk, pagkagising naman ganon din kahit ilang minutes lang i try to find ways para makulit ko sya. There are times hindi sumasakto yung schedule ng uwi at gising ko sa tulog niya like pag dating ko tulog na or pag alis ko tulog pa din..so during day offs il make sure ako talaga ang hands on sa kanya which is hinahayaan naman ako ng Mother ko,sa una iiyak siguro pero hayaan mo sanayin mo sya.. habang bata pa maintindihan niya ikaw talaga ang Mother niya and try to make more effort talaga para makuha mo atensyon niya.

As for your mom, why not talk to your Mother ng maayos para maintindihan din niya yung sentiments mo for sure naman mauunawaan ka niya she's your Mom. Before din nagkaroon kami ng issue ng Mother ko since napalo ni hubby si son at pinagalitan sa sobrang kakulitan niya, nagalit Mother ko..pero pinaliwanag namin yung concern namin at need madiscipline ni uno  kase pag tumagal at lumaki kami din ang mahihirapan sa umpisa nagtampo pero as time pass by mauunawaan na din niya,Magulang sila.
Title: Re: is this really the reality?
Post by: love_katrice on May 04, 2012, 11:34:43 am
thanks mommy RayJean sa reply mo, ngayon ko lang nabasa super busy hindi na ako naka pagnet..kinausap ko na nga mom ko kaso hindi niya ma gets ang situation mas lalo ata naking complicated kasi iba yong pagkakaintindi niya sa sinsabi ko minasama pa niya nong sinabi ko na  hindi dapat ibigay agad kong ano gusto..sabi niya bata pa yan its not the right time daw for dicipline...alam mo sis after kami nag usap ni mom hindi niya ako kinibo for a week...sa ngayon i find time talaga for my baby...hindi na nga ako sumabay kay hubby, uwi agad ako after work...kaso pagdating ko sa bahay yun parang hindi ako napapnsin ni baby,.... :(
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: Mrs. Anderson on May 04, 2012, 11:44:18 am
Merged with existing topic.

@love_katrice - Take time to read inputs of working moms like you who are currently and/or surpassed the same trials you're facing right now.
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: rozzy on May 04, 2012, 12:24:21 pm
@love_katrice, we had same situation when I gave birth to my daughter. After one and a half month balik work na ako agad. Ang mama ko ang nag-aalaga sa kanya. But then ang pinasasalamat ko talaga is me and my daughter been so close. I don't know pero after work sa daughter ko na attention ko. Iniiwan ko muna mga things to do ko until she already sleeping na sa gabi. Sa tingin ko konting tyaga lang. Kasi pag matutulog na, ako talaga gusto katabi ng daughter ko (up this age she's four years and five months na) We sing and play together before bed time. Continuous every night during bed time (hanggang ngayon). Parehas kami working ni hubby pero pag sa house na kami yung daughter namin sa amin na agad.

Kahit na umiiyak sayo yung baby mo sis, try to think of something that makes him happy. Hanggang sa mapalapit na sya sayo. It is also good to reconcile with your mama and let her understand your situation (hoping to see your side as a mother). Pag lola kasi madalas talaga na-spoiled yung bata which is wrong sa ating parents. Kung hindi maintindihan ng mama mo, let your self do what is right like full attention to your baby. Play together and bonding moments. Hope everything turns out well between you and your baby.
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: Mommy France on May 05, 2012, 10:56:20 pm
Great point from Rozzy. I'm sure pag nakausap mo ng maayos yung mama mo ay maiintindihan din niya. Baka nagtampo lang or something.

Pictures help kasi short pa lang ang memory ng mga baby so tendency is kung sino yung madalas nilang makita, yun lang ang kakilala nila. Have a family picture kung saan madalas mag-stay yung anak mo kapag gising siya para nakikiata pa rin niya yung face at maging familiar siya sa'yo.

Mahilig talagang mag-spoil ang mga grandparents. Yung anak ko rin kapag kasama ang mga lolo at lola halos hindi ako pansinin lalo na pag nag-stay siya dun ng 1 week. Tatawagan ko siya 2x a day para marinig ko boses niya at assure him na love ko siya. Kahit less than 1 minute lang dahil ayaw akong kausapin at "busy" daw siya, go pa rin kami. Kahit tawagin siya sa ng mommy ko tapos ayaw niyang lumapit sa phone, papasabi ko kahit good night lang.

Hindi ako nagdadamdam sa kanya kasi bata pa naman siya at choice ko naman na mag-work dahil kailangan.
Better kung makapag-bakasyon kayo ng kayong family lang kasi compared sa strangers na makikita niya sa labas, mas magiging ikaw yung familiar sa kanya so pwede ninyong ma-strengthen yung bond ninyo.

Sakripisyo talaga pero malalampasan din yang stage na yan.
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: mommylovesarmil on May 06, 2012, 07:58:43 pm
I agree mahilig talaga mag spoil ang grandparents, in my case naman 1 year old and 3 months na si baby nung nagwork ako kaya kahit mom ko ang nag-aalaga sa kanya pag nasa office ako super close pa din kame ng baby ko. Pag dumadating ako from work which is usually morning na I always make it a point na ako ang magpapaligo sa kanya, pate pagkaen ako din kasabay niya, then pag mag nap na sya sa hapon dun pa lang din ako matutulog since night shift naman ako. Pero ngayon medyo hassle sched ko 530pm till 230am. Nagstay pa ko sa office till 5am dahil nakakatakot magcommute, so when I get home at around 530am tulog pa si baby, sinasabayan ko din ng tulog and when he wakes up gising na din ako to play with him. I always alot atleast 2 hours para makapag play kame at makapag bond. since im on a shifting schedule lagi ko talaga pinaprioritize ang bonding  schedule ko with my son, and during RD we go out. Siguro it's a matter of time management lang talaga.
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: Anne Mercado on May 13, 2012, 11:22:47 pm
If you work outside the office and often do overtime, you just have to make use of your weekends smarter. Devote at least one whole day just for your kids, doing activities etc. And mind you, the activities don't have to be expensive or anything elaborate.

Children are happiest when they spend quality time with their parents.

Some weekend ideas you can do are:
- play dress up
- cook mystery soup (let your child put anything edible in the pot)
- learn how to fold origami animals

You can get more ideas here: http://www.mymomfriday.com/2012/03/35-bonding-activities-for-working-moms.html (http://www.mymomfriday.com/2012/03/35-bonding-activities-for-working-moms.html)
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: swtgrl_bee on May 17, 2012, 05:00:22 am
I'm a working Mom, and I love my new schedule :)

2AM-11AM mas mahaba ang bonding time namin ng anak ko, tabi kami sa afternoon nap niya, tabi pa din kami sa gabi, kalahating gabi nga lang yun. Tapos kapag rest day, talagang bonding kaming tatlo. Kaso ito lang ang problema namin :( Yung asawa ko nag iba ng RD Thur-Fri ako Sun-Mon, haaay naku ang hirap talaga ng buhay call center :(
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: nikgel on May 17, 2012, 12:57:44 pm
working mom din ako.good thing nasa government agency so 8-5 yung ofc time ko.pero usually may overtime talaga kasi nasa finance ako so aabot until 6:30.pero pagdating ko sa bahay ng past 7pm kakain lang ako din bonding na sa baby until sleep time.weekends lang yung pinakahabang bonding namin.specially now that my daughter is now 4yo pwede na sya ipasyal outside anytime.
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: lorygirl on June 05, 2012, 12:14:36 pm
working mom din ako, sa laguna kami nakatira and sa manila ako nagwo work..usually maaga nagigising anak ko na 2 years old..everyday pag aalis kami ni hubby papunta sa work, kasama si baby ko hanggang tricycle den sa labasan ng village..tapos babalik na sila ni yaya niya..yon bonding moment namin kc karga ko sya sa tricycle..kainakausap ko sya na wah makulit etc..then sa gabi usually mga 730 nako nakakauwi ng bahay depende sa trapik..yong baby ko magtatanong na sya kung may pasalubong.....tapos mahilig kumarga tapos kikilitiin ko sya....suring weekend narin lang ang mahabang bonding namin ni baby.
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: abz22 on June 05, 2012, 12:24:33 pm
eh pano pag dalawa na babies.. as in babies talaga, like mine.. pa'no niyo nababalance while working?
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: maria juana on June 05, 2012, 12:31:06 pm
Nung 7 months na baby ko nag start ako magwork. After work, nilalaro ko anak ko. Or nillabas ko siya, kakain kami sa jollibee.
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: graciemie on June 05, 2012, 01:08:58 pm
so happy that I read this thread, problem ko din kasi ngaun bonding namin ng baby ko, after ML kasi I went back to work din and naiwan na si baby sa mama ko, he's now turning 5mos. and nakakasama minsan ng loob kapag ako kumakausap sa kanya no reaction siya, samantalang marinig lang niya voice ng lola niya ayun nakasmile na agad, even kahit nagbbreastfeed kami bibitaw talaga siya kapag narinig niya si mama... I make sure naman na weekends at sa gabi ako nag aalaga sa kanya, kaso no reaction talaga siya kapag sa akin.. nakakasad lang..
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: Mommy France on June 22, 2012, 02:34:13 pm
Extra effort pala kapag schooling na ang "baby".
Dati kasi my son can sleep late to make up for lost time. Pero now na he has morning classes, he sleeps earlier - giving us only 2 hours of bonding time during weekdays.

So, I wake up 2 hours earlier now. 4:30 AM pa lang gising na ako, preparing school items and his baon, my baon and breakfast niya. I make sure ako nagpre-prepare ng lahat ng gamit niya sa school. Ako pa rin ang nagpapaligo sa kanya at nagbibihis sa kanya.

I call him around 2pm kasi yun ang gising niya from his afternoon nap and then ask him how school was.

If by 6:30 nasa house na kami, my husband and I eat fast. No gadgets policy kami ngayon sa bahay. And kapag weekends, monitored lang yung time na pwede siya mag-gadget. He can play with his educational toys pero he cannot borrow our phone, he cannot play on our laptop or pc.

We practice lines for 10 minutes. Yun lang kasi ang kanya niya and happy naman ako kasi madali siya matuto so no need for long hours. No TV din pagdating namen ni daddy sa bahay kasi nakanood na siya the whole afternoon while wala kami so story telling na lang sa gabi.

My husband's teasing me as the "stage-school-mommy". Masyado daw akong up-tight. What can I do? I need to make quality time with him. I don't do TV din naman. I don't log in na masyado sa sa laptop. Mobile lang yung gamit ko para madaling i-off.

Sobrang laking adjustment.
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: toughmom moderator on February 13, 2013, 12:14:51 am
“How do you find time to spend with your children?” we asked Emilie, who has two girls, aged 10 and 15.  “I have always been involved with my kids’ lives since they were young and this helped me a great deal in balancing everything. I love being part of their lives! I would be their tutor and help them with schoolwork. When they get medals and awards, we celebrate together! I also get involved in their school activities and get to know their friends. In fact, my house is a favorite venue of sleepovers,”
Emilie believes that moms can blend work with family. “My kids help me out in the business. My younger one sorts the beads and helps me package orders. My older daughter helps me with inventory and design. Sometimes they help man the bazaar booth and I give them a percentage of the sales.
Emilie Nolledo of Miliya Kids’ Accessories
(http://www.smartparenting.com.ph//images/site-alpha/articles/2013/02/11/emilie-nolledo-of-miliya-kids-accessories/emilie-nolledo-of-miliya-kids-accessories/Miliya%20Accessories/7.jpg)

http://www.smartparenting.com.ph/community/sp-mompreneurs/mompreneurs/emilie-nolledo-of-miliya-kids-accessories
Title: Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
Post by: pollenchois on March 06, 2014, 11:55:34 am
i am also a working mom. ang ginagawa ko is umuuwi ako from work on time as in 5pm on the dot. paguwi ko kukuhanin ko agad si baby kay yaya or kay MIL. karga, laro laro then magbibihis na ko tapos maglalaro kami uli. kukunin lang uli sa akin pag magdidinner na ako. tapos bonding na kami ni baby hanggang sa matulog siya.

pag tulog na si baby dun ko sisimulan yung chores like hugas ng bottles, tiklop ng mga clothes na nilabhan ni yaya, etc. tapos pag konting ingit at kaluskos lang niya kahit pa anong oras sa gabi/madaling araw, gigising talaga ako kahit sobrang pagod ako sa work para maasikaso siya.

sa morning naman pag gising ni baby usually mga 4am kahit super antok na antok ako nilalaro ko talaga siya, ako nagpapalit ng diapers,pinapadede ko siya. kinakantahan ko, everything. kukunin ni MIL pag maliligo na ko para magprepare for work then magaalmusal na ko. i also make sure na before ako pumasok sa office kinakarga ko si baby at nilalaro kahit konting oras lang at hinahalikan ko tapos lagi ko sinasabi na magpplay kami uli paguwi. i know kahit 6mos pa lang baby ko naiintindihan na niya yun :)