Parent Chat

Parenting => Real Parenting => Daddy Department => Topic started by: MoMeekai on December 02, 2011, 11:35:38 am

Title: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: MoMeekai on December 02, 2011, 11:35:38 am
Basahin sa Smart Parenting. Click any topic title.
Romatic Gestures: Forget flowers and chocolates (https://www.smartparenting.com.ph/life/love-relationships/loving-husband-non-romantic-gestures-a00061-20190621-lfrm?utm_source=parentchat&utm_medium=link&utm_campaign=20220125-loving-husband-non-romantic-gestures-a00061-20190621-lfrm)
11 Husband Commandments (https://www.smartparenting.com.ph/life/love-relationships/nico-bolzico-husband-commandments-bullied-husbands-a00061-20190501-lfrm?utm_source=parentchat&utm_medium=link&utm_campaign=20220125-nico-bolzico-husband-commandments-bullied-husbands-a00061-20190501-lfrm)
14 Acts of Love That No Jewelry or Bouquet of Roses Can Ever Outshine (https://www.smartparenting.com.ph/life/love-relationships/14-acts-of-love-that-no-jewelry-or-bouquet-of-roses-can-ever-outshine-a1664-20180211-lfrm?utm_source=parentchat&utm_medium=link&utm_campaign=20220125-14-acts-of-love-that-no-jewelry-or-bouquet-of-roses-can-ever-outshine-a1664-20180211-lfrm)
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2019/04/30/nico-bolzico-bullied-husband.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/search?q=husbands)
photo by  @SOLENNATICS, @NICOBOLZICO/INSTAGRAM

sino po ba dito ang may hubby na hindi ganun kashowy/ demonstrative? my hubby kasi is ganun. talagang naturalesa sa kanya ang masyadong prim and proper, minsan lang maging sweet and kenkoy. magtu 2 years na kami na married pero parang mas ngayon nagiging apparent sakin ang pagkakaiba ng personalities namin. ako kasi yung carefree type, jolly at que sera-sera ang attitude. sya naman yung planner, always going by the norms and masyadong seryoso sa buhay: na kelangan planado na ang future namin. minsan nakakainis lang e.  ;D nagiging sweet lang sya sakin pag may ginawa akong sweet sa kanya, giving gifts pag may binigay ako. parang ping-pong lang ba? e ako pa naman yung tipo ng babae na sobrang hilig sa surprises.. hopeless romantic ever kahit may asawa na. hahaha!

share naman kayo mga sissies ng mga kwento nyo about your unexpressive hubby. pwede din magvent out dito ng kainisan sa hubby.  ;D

ako, accepted ko sya as he is kasi ganun ko naman na talaga sya nakilala. kaso minsan, ang boring boring na e. to the point na napapaisip ako na dapat siguro pumili na lang ako noon ng kasingpersonality ko.   :-\

Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=46530.msg858719#msg858719) tungkol dito o mag (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=46530.0) para makapagpost ng katanungan, payo o kwento.

(https://media4.giphy.com/media/pPnE96JNj1knAExjxI/giphy.gif?cid=790b7611252d5b0a49dddc40128484e0f2fe16632089cd94&rid=giphy.gif&ct=g) (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=116905.msg971345#msg971345)
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: peppergurl971 on December 02, 2011, 11:49:07 am
Asawa ko kulang din sa asukal e. Although alam ko na seryoso sya sa akin at sa pamilya namin pero di ko maiwasang hanapan sya ng kahit corny na sweetness bilang partner. Madalas pa ako umani ng pintas sa asawa ko like,"ang laki ng tyan mo, parang tyan ng lalaki". Pabiro nyang sinasabi yan pero nasasaktan ako. Minsan naman sa paglalakad example mag sisimba kami (walking distance ang church samin), masyadong mabilis mag lakad at ayaw man lang mahawakan sa braso. One time, nung masyado na syang nauuna sakin, tinaguan ko. Nakita ko nililingon niya rin ako. Tapos nung di nako niya makita, dumerecho pa rin, hinintay na lang ako sa simbahan. Tumabi na lang ako sa kanya pag dating ko. Walang question kung san ako nang galing.
I dont know if this is going to be a major problem for us. Kaya ko pang dedmahin sa ngayon, pero kasi nakakaramdam nako ng inis sa pagiging unexpressive niya. Take note wala pa kaming 5years na kasal. Most of the time pa nasa abroad sya for work.
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: yhamsloveŽ on December 02, 2011, 12:24:27 pm
My husband falls under the category of TAHIMIK.

Expressive naman siya at sweet pero hindi sa salita - sa acts.  ;)

Pero tahimik talaga siya as in hindi pala-kwento. Ganyan na siya kahit nung college days namin na magbabarkada kami. Siya yung "Nicest Guy" sa grupo namin.

Kahit interview-hin ko siya sa gabi about how his day was, sasagot pero napaka tipid.  ;D - summarized na yung kwento niya, hindi tulad ko na with matching actions pa pati eksaktong tono ng boses  ;D

Wala rin siya masyadong sense of humor eh yun pa naman ang isa sa mga gustong-gusto ko sa isang lalake.

Ironic kase hindi mahilig magpatawa ang asawa ko pero mahilig siyang manood ng mga gag shows at mga programs na ang tema eh practical joke... ganon...

minsan nagiging mapaghanap ako sa asawa ko na gusto ko sana maging katulad ko rin siya pero ganon talaga personality niya. okay na ako sa ganon basta hindi niya lang ako bibigyan ng problema (babae, sugal, alak..) at basta mahal niya lang kami ng anak namin.  :D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: MoMeekai on December 02, 2011, 12:48:22 pm
"Asawa ko kulang din sa asukal e. Although alam ko na seryoso sya sa akin at sa pamilya namin pero di ko maiwasang hanapan sya ng kahit corny na sweetness bilang partner. Madalas pa ako umani ng pintas sa asawa ko like,"ang laki ng tyan mo, parang tyan ng lalaki". Pabiro nyang sinasabi yan pero nasasaktan ako. Minsan naman sa paglalakad example mag sisimba kami (walking distance ang church samin), masyadong mabilis mag lakad at ayaw man lang mahawakan sa braso. One time, nung masyado na syang nauuna sakin, tinaguan ko. Nakita ko nililingon niya rin ako. Tapos nung di nako niya makita, dumerecho pa rin, hinintay na lang ako sa simbahan. Tumabi na lang ako sa kanya pag dating ko. Walang question kung san ako nang galing.
I dont know if this is going to be a major problem for us. Kaya ko pang dedmahin sa ngayon, pero kasi nakakaramdam nako ng inis sa pagiging unexpressive niya. Take note wala pa kaming 5years na kasal. Most of the time pa nasa abroad sya for work."

aww, ang sakit naman nun sis, yung hindi ka hinanap. pag sakin nangyari yan, sasabihin ko talaga na masama ang loob ko y ganun nangyari. ganun kasi ako vocal, sinasabi ko lahat kaso minsan nakakapagod din magsabi ng magsabi. in fairness naman sa hubby ko, nakikinig sya at nagbabago talaga pero after few months, balik uli sya sa dati kasi nga ganun na sya, inborn ang pagkaunexpressive kumbaga. hehe.

kami naman magtu 2 years pa lang na kasal and 7 years of being together. mas nawala yung sweetness ni hubby lately. simula nag 5 months ang baby namin, 7 months na si baby now. sporadic na yung ikikiss ka out of nowhere tapos hug ka ng surprise. oo nagkikiss bago alis, uwi from work, bago matulog with "i love u" pa pero parang out of habit na lang. minsan kinaqualify ko na lang na baka dahil may baby na kami pero nabasa ko kasi sa isang topic dito, yung iba kahit 10 years na mag asawa super sweet pa rin ang hubby. kainggit lang.  :(
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: MoMeekai on December 02, 2011, 12:52:16 pm
My husband falls under the category of TAHIMIK.

Expressive naman siya at sweet pero hindi sa salita - sa acts.  ;)

Pero tahimik talaga siya as in hindi pala-kwento. Ganyan na siya kahit nung college days namin na magbabarkada kami. Siya yung "Nicest Guy" sa grupo namin.

Kahit interview-hin ko siya sa gabi about how his day was, sasagot pero napaka tipid.  ;D - summarized na yung kwento niya, hindi tulad ko na with matching actions pa pati eksaktong tono ng boses  ;D


naku. parehas na parehas asawa natin sis. matipid din kung magkwento. magkkwento lang kung tatanungin mo. minsan gusto ko na basagin ang laptop e.  ;D sinabihan ko nga sya one time "nagseselos ako kay laptop." ayun, shutdown naman agad sya pero the next day, ganun uli, nakababad sa laptop. haysh.
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: mercyf on December 02, 2011, 01:06:27 pm
Hi,thanks for posting...

I just want to share my same experience... my hubby is not very expressive as well. Although he said "i love you" naman, he kisses me sometimes even in public, hold my hands when walking, sa bahay naman naglalambing.. ang kinaiinisan ko lang minsan, kapag nag-aaway kami at sya yong mali, hinding hindi ako makakatikim ng suyo sa kanya. Kapag wala ako sa bahay, he will not asked me or text me kung kumusta na ba ako? Kumain na ba ako, etc... he never checks on me... minsan naman, he would just play at the computer and hindi niya kami papansinin ng anak namin.

But since I love him, and ayoko na masyado palakihin yong issue.. tumatahimik na lang ako or i'll pay attention to my baby na lang :) hindi naman kasi minsan maiiwasana yong mga ganung isyu among families... what's important is you learn yo give and understand.

Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: MoMeekai on December 02, 2011, 01:27:25 pm
^oo nga sis e. minsan un na lang iniisip ko. consolation kumbaga. na mabait asawa ko. never pa ako binigyan ng problema. wala bisyo, hindi palainom, hindi gumigimik at higit sa lahat panatag ang loob ko na ako lang sa buhay niya kasi bahay-ofis lang sya. at minsan din naman, pag kaming 2 lang naglalakad sa mall (hindi kasama si baby), sangdikit naman talaga kami at hhww all throughout. minsan iniisip ko talaga, siguro factor na din yung nagkaanak na kami. masyado syang concentrated at focused na maging good provider kaya la na sya panahon pa mag isip ng mga sweet nothings sakin. saka nakikita ko din kasi sa FIL ko, na hindi sya sweet sa MIL ko kaya iniintindi ko na rin minsan na ganun kasi kinalakhan niya, ganun nakita niya sa dad niya. ako kasi yung papa ko sobrang sweet sa nanay ko. PDA kahit ang tanda-tanda na nila. megakiss niya si mama in public. nanay ko ang nahihiya. nakakatuwa.  ;D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: Bablel on December 03, 2011, 07:27:50 am
Nakakatuwa naman tong thread n to... parehong pareho experiences nten sa hubby na hindi showy at super tahimik.. Kala ko ako lang nakakaexperience ng ganito..  ;D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: avengeus22 on December 06, 2011, 06:16:48 pm
Si hubby tahimik na hindi nagsaralita or nageexpress ng feelings
and thoughts niya..ang hirap at yun talaga main source ng misunder
standings,pain at grief. Slowly nagiimprove pero mostly bec ako umaadjust.
Minsan kasi ang hirap din,im human as well..hay,prayers lang at tibay ng loob
to be patient and to love...
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: lenmel on December 06, 2011, 08:53:39 pm
Hay, hubby ko rin hindi expressive at tahimik. kwento ako ng kwento as in nobela with action pa.. Ang isasagot lang "ok".minsan nakakainis na dahil ako luka luka tpos siya ganon. Nakakabore na rin pero ganun talaga. Kahit anniversary namen di niya naaalala.  Walang hilig sa surprise at adventure. 6 years na kame kasal pero d pa kami nagsasama ng matagal dahil nasa abroad siya. Pag magbabakasyon naman laging computer ang kaharap. Gusto ko nga sabihin diyan ka na lang sa computer mo. Hindi rin siya mahilig sa bata.. Hay, himutok!!
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: khaki_e on December 06, 2011, 11:13:14 pm
same here mga sissies.. hindi din sweet si hubby.. last time na binigyan niya ako ng gift nung 1st xmas pa namin.. to think na 15 years na kami together... hindi din sya makwento... pero makulit pag nakikipaglaro sa mga kids.. ang ayaw k lang sa kanya pag may ibang tao or co-workers na lagi nyang kausap.. kahit work related ang usapan.. kasi sa akin hin di sya ganun katagal makipag usap... pero thumbs up ako sa kanya kasi maalaga sya sa mga kids...
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: ilove323 on December 07, 2011, 12:33:02 am
ang cute naman ng thread na to...parang window for ventilation ng mga not showy na hubby ...hahahaa I can so totally relate...Si hubby madaldal talkative pero super wlang kalambing lambing sa katawan....

Before nung college ako and bfgf pa kami ok naman pero like when we got married ayun..di pala malambing tapos hindi rin showy.. i cant complain din masyado kasi good provider and father sya...pero like sweet hubby material negative... no surprises..tas di kaya mag arrange mga date nights or di outgoing so literal if we want to go out of town we go out with friends para di ako mabored hehe..

is it a problem? Sometimes..kasi sympre I go green with envy when I see other hubbies na super lambing sa wifey nila.. pero yun lang just need to vent it out..tas ask ko if love ba niya ako he knows naman na gusto ko malambing mga ganun pero really need to get over it...for like 7 years ive been doing pretty good..kaso hay minsan isip ko sana bfgf nalang kami hehe

pano kaya matrain mga hubbies na maging malambing and showy.... hahaha sana may class for this...I will pay for him to get trained baka makatulong :D

Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: peppergurl971 on December 07, 2011, 01:01:14 am
may naisip lang ako. maganda siguro i-voice out na natin sa mga hubby natin na gusto natin silang maging malambing sa atin. baka sakali matauhan. i tried to be vocal sa hubby ko kanina via phone (abroad sya e). I tried to talk sexy kanina, ang response niya - pinagtawanan ako. Hay! >:(
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: MoMeekai on December 15, 2011, 10:28:15 am
hay salamat, naunlock na to. nakakainis naman kasi yang mga spammers na yan. hehe. niwei, minsan vinovoice out ko sa asawa ko na hindi na sya malambing sakin then voila! nagiging malambing sya for a few days. then eventually, babalik na naman sa dedma mode niya. haysh.  >:( hehe.

nakakatawa mga sis kasi pag may special occassion ako yung aligaga na maghanap ng pwede naming mapuntahang mag-asawa. ayun nga, may nakita ako voucher na romantic get away para sa couple good for one year. aba siempre binili ko, sayang din tapos sinabi ko kay hubby iavail namin sa heart's day. sabi ko, di ba dapat ikaw nagpaplan ng mga ganito para satin? kasi heart's day yun e, dapat ikaw yung aligaga nag iisip ng pakulo para saakin. tapos sabi niya ba naman, sige ako na lang magbabayad nyan. waaa!!!  >:( >:( >:(
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: mommyjanice on December 15, 2011, 12:45:06 pm
Pareho kami ni Sis Yhamslove..Ganyan na ganyan din ang asawa ko.. Napakatahimik at napakatipid magsalita. Ako, paos na sa kakakwento, sya, ganun,oo,talaga lang ang sagot.

Hilig din niya akong pintasan. Up to the point na sinabihan pa niya ako ng pangit mo.Dun na ako nagburst out. Umiyak talaga kao sa harapan niya at sinabi ko lahat ng hinanakit ko.Sabi ko pa nga, ang pangit na ito ang nagbigay sa yo ng anak,kaya ang pangit din na ato ang nagtatanggal sayo ng karapatan mo sa kanya.Ayun,natahimik si loko. Sorry ng sorry at halos lumuhod sa harapan ko.. O di ba?!!!

Pero sa POV ko naman, mainam na ang tahimik kaysa sa madaldal pa sayo.. Sabi niya ni Sis MArnie, basta mahal niya kayo,alang problema.
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: MoMeekai on December 15, 2011, 01:28:51 pm
^oo nga no sis. mamaya nyan, may magpost na din new thread dito na pano kung mas madaldal asawa mo sayo? hahaha!  ;D parang kakaiba naman sa lalaki pag mas madaldal pa sayo, lalo kung nagger na yung lalaki. di ko maimagine sa asawa ko. hehe.  ;D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: ilove323 on December 15, 2011, 02:34:04 pm
hay salamat, naunlock na to. nakakainis naman kasi yang mga spammers na yan. hehe. niwei, minsan vinovoice out ko sa asawa ko na hindi na sya malambing sakin then voila! nagiging malambing sya for a few days. then eventually, babalik na naman sa dedma mode niya. haysh.  >:( hehe.

nakakatawa mga sis kasi pag may special occassion ako yung aligaga na maghanap ng pwede naming mapuntahang mag-asawa. ayun nga, may nakita ako voucher na romantic get away para sa couple good for one year. aba siempre binili ko, sayang din tapos sinabi ko kay hubby iavail namin sa heart's day. sabi ko, di ba dapat ikaw nagpaplan ng mga ganito para satin? kasi heart's day yun e, dapat ikaw yung aligaga nag iisip ng pakulo para saakin. tapos sabi niya ba naman, sige ako na lang magbabayad nyan. waaa!!!  >:( >:( >:(

yan ganyan din hubby ko pag mga importanteng dates ako isip san punta san kakain ano good deals...tas pag kasama niya friends niya susuggest niya yun pag may mga lakad sila parang sya hehe kakatawa mga hubby
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chester on December 15, 2011, 05:38:08 pm
natuwa at natwa naman ako sa thread na eto.  ;D

hubby ko hindi rin sweet eh. pero sinasabi ko sa kanya. hehe. like pag sabay kami papasok at maghihiwalay na kami daan eh hindi siya nagkikiss sa akin, tinetxt ko siya. pag uwi namin yun saka niya ako ikikiss. hehe..

kaloka minsan kasi kasi sinasabi ko sa kanya dapat niyang gawin na gusto ko. minsan sabihin ko pa na maging sweet ka naman. hahaha..

nagiging sweet hubby ko pag nagagalit ako ng sobra. kiss ng kiss at yakap ng yakap. hahaha.. alam kasi niya na yun weakness ko.  ;D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: MoMeekai on December 16, 2011, 10:07:24 am
^parehong-pareho pala tayo sis! yun lang talaga downside ng mga hindi inborn ang pagkasweet, need mo iremind at pukpukin from time to time! haha!  ;D ;D ;D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: dhangcabuang on December 16, 2011, 10:23:38 am
haha.makapagshare na din nga..

Hubby naman is parang buod ng mga kwento nyo. pag date kami, konting akbay, konting HH.pero wala ding text kung kumain na ba ako, minsan isang araw na ganon esp pag out of town sya, sus, kung di pa ako tatawag wala din. then pag sa bahay, nood lang din sya.makikipagkwentuhan sana ako sa gabi pag tulog na mga bata, tutulugan naman ako.wlang flowers, gifts or chocolates pag bday ko or anniversary namin. nakakatulog pa yun kahit maysakit mga bata ako mulat..pero tama mga sis, iniisip ko na lang din na mabait naman tong taong to, walang bisyo wala masyado gimik. bahay lang talaga. kaya eto lang mga sis ang gawin natin after how many times tayong nagtry na kausapin sila etc etc.

"WAG NA NATING SILANG SUBUKAN INTINDIHIN BAT SILA GANON, WE WILL NEVER WILL. JUST CONTINUE NA LANG TO LOVE THEM" ;)
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chester on December 16, 2011, 10:29:29 am
@MoMeekai: oo nga sis eh. talagang pinupokpok. dahil kung hindi iremind eh minsan sumasama loob ko.  kaya para hindi ako magtampo sinasabi ko na sa kanya. hahaha...  ;D

@dhangcabuang:  ako din sis hindi nagbibigay hubby ko ng gifts. (kasi nasa akin pera niya.  hahaha).. kung magbibigay ng flowers eh galing yun sa decoration ng pinuntahan niyang party or gatherings. hehe....   tama sis, kahit tahimik at hindi sila sweet, eh sobrang bait naman at hindi pa naman siya ngloloko. huwag naman sanang magloko.

Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: MoMeekai on December 16, 2011, 10:45:29 am
mga sis! nakalimutan ko ishare sa inyo! hubby ko mukhang sinapian kagabi. dumating na bonus nila at nagulat ako nung may inabot na anda, akala ko yung monthly budget namin, ang sabi "pangshopping mo." waaaa!!! sinalat-salat ko yung noo, sabi ko "okay ka lang, may lagnat ka ba?".. natawa. sabi "ayaw mo? bawiin ko na lang?" waaa!!! sabi niya kasi "siempre ayoko naman nakikita yung iba nagshashopping, tapos ikaw hindi.  :-*" weee!!! sobrang tuwa ko mga sis! this is just one of those rare moments. hihi!  ;D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: dhangcabuang on December 16, 2011, 11:27:40 am
hahaha.samantalahin mo na sis!maryosep! go shop until you drop na!woooohhh!
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: MoMeekai on December 16, 2011, 11:33:14 am
^oo nga sis e! wooohoooo talaga! hahaha! (lasap na lasap no? e kasi once in a blue moon lang kaya pag me nangyayari kasweetan galing sa mister, lasap na lasap talaga! yan naman ata ang positive sa nirereklamo natin now. hahaha!)
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: aish_teru on December 25, 2011, 10:43:15 pm
ganun din si hubby sobrang tahimik i noticed nga na hindi na siya sweet sa akin wala pa kami 2 yrs. Kiss lang niya ako sa morning kung paalis siya sa work di siya mahilig mag say ng i love you or good night pag may topak siya di niya ako kinakausap yung silent trestment niya nag last from 2 -3 days after that parang walang nangyari back to normal uli pero never siya nag say ng sorry sa akin. Madalas niya ako awayin, kahit Christmas ngayon di niya ako pinapansin di ko man lang alam kung ano yung reason kung bakit siya galit sa akin. Kapag galit siya lumalabas siya ng bahay madaling araw na umuuwi
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: mommycheska on December 26, 2011, 05:08:17 am
My husband naman is not the showy type, hindi expressive, bibihira maglambing at hindi man lang makapag-sabi ng iloveyou. Parang liliyab kapag nagsabi ng iloveyou. He's not into giving of gifts din... Hindi rin siya palakwento - akala mo palaging may tinatago... LOL.

Pero ha,  my husband is super daldal specially with other people, outgoing siya, na siguro pag ako na ang makakasama niya - gusto na lang niyang tumahimik... Hahaha... ewan ko ba dun...

In our 9 years, nahawa na nga ata ako sa ka-cornihan niya, minsan kasi hinahanap niya yung pagiging malambing ko - sabi ko nga minsan... "wala na nagsawa na... mana na ko ngayon sa'yo... kasi dati ayaw mo nilalambing ka... eh di quits na tayo... tapos hahanaphanapin mo..." LOL!  ;D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: Mommy France on December 26, 2011, 09:09:37 am
ganun din si hubby sobrang tahimik i noticed nga na hindi na siya sweet sa akin wala pa kami 2 yrs. Kiss lang niya ako sa morning kung paalis siya sa work di siya mahilig mag say ng i love you or good night pag may topak siya di niya ako kinakausap yung silent trestment niya nag last from 2 -3 days after that parang walang nangyari back to normal uli pero never siya nag say ng sorry sa akin. Madalas niya ako awayin, kahit Christmas ngayon di niya ako pinapansin di ko man lang alam kung ano yung reason kung bakit siya galit sa akin. Kapag galit siya lumalabas siya ng bahay madaling araw na umuuwi

Talaga bang di na siya expressive kahit nung kakasimula niyo pa lang as Bf/Gf?
Pag silent treatment siya, what do you do?
Inaaalam mo ba yung reason kung bakit siya galit?

Pasensya na kung marami ako tanong ha.. gusto ko lang maintindihan yung setup ninyo para matulungan ka rin namin kung paano kayo mag-communicate nga asawa mo.
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chococream on December 26, 2011, 05:01:51 pm
hi mga sissess sali ako.

etong hubby ko naman is madal.dal pag naka inum at meron chika sa akin. Pero pagserious conversations na mga issues or problems na kailangan ng i.close, tinutulogan nalang ako. BF_GF palang kami, meron akong i love you parati dito sa taong to. after namin makapgbukod at makaanak hai naglahu na ang sweetness, and romantic gestures at i love you good night at good morning. ni sorry at kung saan sya papunta rarely nalang sasabihin.

now na napagod na ako kakaintindi at kaka pa understand sa kanya in a very respectable and low voice manner kung intimate conversations namin. sya naman etong nagsasabi ano ang problema ko. eh pagod na kaya dinadaan nalang niya sa pagkiss sa pisngi sa akin at kay baby namin paggising sa umaga at bago sya matulog. pati upset ako sa kanya, hai hug at kiss nalang ang ginagawa instead of talking to me..,
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: mommycheska on December 26, 2011, 06:53:10 pm
sis iashi: Ganyan din asawa ko, pag serious conversations, wala na tameme na. Pero pag inuman,  with other people - napaka-bibo...nangunguna sa kwento... Bumabangka palagi...

Pero sa totoong buhay - tahimik pagdating sa seryosong usapan - para kang nakikipag-usap sa hangin... Sarap hambalusin! hahaha  ;D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: aish_teru on December 26, 2011, 10:03:03 pm


Talaga bang di na siya expressive kahit nung kakasimula niyo pa lang as Bf/Gf? Nung mag bf/ gf stage kami sobrang lambing  niya panay i love you,  lagi pa kami naguusap sa phone di nga kami nawawalan ng kwento, parang nagbago sya after wedding
Pag silent treatment siya, what do you do? I try to talk to him, pero di niya ako pinapansin  nilalayasan niya ako sa room
Inaaalam mo ba yung reason kung bakit siya galit? Yes, pero di niya sinasabi kahit di na mainit ulo niya. I try to understand him na lang pag galit siya tahimik lang ako

Pasensya na kung marami ako tanong ha.. gusto ko lang maintindihan yung setup ninyo para matulungan ka rin namin kung paano kayo mag-communicate nga asawa mo.
[/quote]
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: mum_06 on January 03, 2012, 07:47:57 am
Hi Mommies..thanks sa post na to kasi andami kong
kwento bout kay hubby..siya ang pambihirang lalaking nakilala ko,hindi sya sweet,hindi sya showy,sobrang comedy
sya pgdating sa ibang tao,madaldal at sa kadaldalan niya,minsan verbal abuse na ako :(

hindi niya ugaling magsabi ng I love you,and sorry..hayzzz...ang sakit sa dibdib talaga..walang special occassions
sa kanya..kahit bday o anniv..walang gift o special treatment sa akin..di marunong mag appreciate
kaya mnsan sinabi ko na mabuti pa ang katulong,may sahod,inaappreciate ng amo at may day off,may gift ba tuwing bday pro ako eto walang kabuhay buhay...sobra pa ako sa katulong.

nung new year nga so bad araw ko.15 hrs ako di kumain kasi midnyt na ako dumating from work.di kami nag media noche
.kinaumagahan tulog pa ako pro ngdaldal na at narinig ko ulit ang T*nga na word which lagi niya sabi if galit sa akin.kasi madumi daw ang car niya na ginamit ko...sobrang sakit kasi sa lahat ng tao sa buhay ko,sya pa ngsasabi sa akin ng ganun.parang babae bunganga niya.
kaya di na ako bumangon at dinner na ako kumain...

ayaw niya pahawak kung sa public kami,ayaw niya pakiss kahit sa loob ng haws baka mkita daw ng kapitbahay....ewan ko,baka dapat talaga di sya nag asawa eh..1st gf niya ako ever and 32 years old na sya nung ngkakilala kami...sabi ng fam niya...pihikan daw sya sa girl...more to post pa mga sis..in hurry kasi ako ngayon eh...til next time po :)
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: MoMeekai on January 04, 2012, 04:37:15 pm
musta na mga sis? musta naman ang xmas nyo? may gift naman ba kahit papano si non-showy na hubby? hehe. in fairness naman kay hubbybhie ko, binigyan niya ako new watch (pero ako na ang pumili, no element of sarprays na. hahaha!)  ;D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chococream on January 19, 2012, 01:28:29 pm
 ;) ;) ;)

hi sis, nope negative sis wala. wala ngang halos pangbili ng gatas. hahaii naglaho na ang romanticism era sa mga asawa natin, pati nga pa sweetams na picture picture hindi nagsmile. minsan naiisip ko, baka hindi na talaga sya happy kasama ako sa buhay niya. grrrrrrrrr nakakainis
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: mamagwyn on January 19, 2012, 02:40:42 pm
naku meron palang topic na ganito,

ganito rin si hubby tahimik, hindi ko naman masabi na hindi siya sweet, pero siempre kung icompare talaga nun hindi pa kami mag-asawa eh malaki ang pagkakaiba.

minsan nga nasasabihan ko pa na KJ siya eh kasi ewan ko ba, hindi niya masakyan ang mga gusto ko gawin na kasama ang daughter namin, iniisip ko na lang baka stress sa work at siyempre un stress sa pera.
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: prima mama on January 22, 2012, 08:21:56 pm
my husband is like this... super tahimik na wala sa lugar especially if i need someone to talk to di ko sya maasahan. anh girap kasi seaman sya ilang buwan na nga lang kami magkasama bihira pa kami mag-usap. naisip ko tuloy paano ba ko napasagot nito e di nga nagsasalita. lagi ako naiinis sa ganon ugali niya. to the point na hindi ko rin sya kinakausap. kung dati kapag galit ako mega suyo sya ngayon mega dedma na. ako kasi yon tipo na kapag may gusto ako sabihin sinasabi ko talaga. eversince heto problem ko sa kanya. ano ba dapat ko gawin? hindi sya vocal when it comes to his plan for us if meron man, di niya express yon nararamdaman niya, hindi sya nagbibigay ng opinion on something... i find it kinda boring. i talk to him about it so many times na but still the same. 6 years married na kami. every anniversary namin ako pa yon nagpaplano ng gagawin namin. hirap maging ina ah. lahat iisipin mo. 1 palang baby namin. mag 8 months old palang. gusto ko kasi sana kahit may baby na we still have our own time as husband and wife. pro di sya yon ganong tipo. paano nyo mina manage yon mga hubby nyo na ganito?
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: tashasabs on April 29, 2012, 11:48:01 pm
My husband's under these categories. Although napapansin ko na unti-unti namang nagbabago, yun nga lang he really prefers to be sweet kapag nasa bahay lang or private na lugar, hindi yung nasa labas kami. I've learned to adjust na dito kasi may effort naman siya eh. So it's all good.  :)
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: kissablesam on May 05, 2012, 04:55:22 pm
hahah pa-join!

akala ko, ako lang nakaka experience ng ganito. may mga mommies din pala dito :D

Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: tashasabs on May 05, 2012, 05:49:34 pm
^True. Hehe. Ako din noon ganyan ang akala ko.  ;D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: hazeldust on May 08, 2012, 11:41:16 am
ay ang mga daddy yata ay talagang mga ganun noh...kaya mas madalas nga daw na nagkakasakit sa puso kasi nga di nila nilalabas ang mga nasasa loob nila pero pag ok naman sa kanila ang topic eh madaldal din naman sila..kaya tayo nalang talaga ang pumuno sa mga ganun na pagkukulang nila diba...pang all around kasi talaga ang mga mommies (kinakaya lahat)..hehe..
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: tashasabs on May 08, 2012, 06:19:03 pm
I agree sis hazeldust. Karamihan sa families na kilala ko nanay ang taga-salo ng lahat. Kahit sa aming mag-asawa so far ganun pero wala pa naman kasi kaming napagdadaanan na mahihirap talaga.  :)
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: peppergurl971 on May 14, 2012, 07:03:11 am
Update: Mothers day kahapon, zero greetings from my husband  :'( hmp! umasa ako up to the last minute na may surprise sya, turned out: natulog akong sawi.. hahaha! itatawa ko na lang.
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: momazir on May 14, 2012, 01:37:23 pm
pa-join din po ako ha.

andami pala po natin. kase kami ni hubby magpa-5 years na this coming november 16. di naman sya tahimik, palakwento din pero maniniwala ba kayo na ni minsan di pa sya nakapagsabi sa akin ng iloveyou. huhuhu. ng happy birthday, ng happy anniversary, ng happy mother's day. kakaiyak talaga.

pero nararamdaman ko naman na mahal niya ako kaya nga naging KAMI at pinakasalan ako kaya lamang kahit sometimes bigla niya ako yayakapin ng di ko alam, masaya nga, pero kulang e. gusto ko rin naman yung minsan isusurprise ako o kaya aabutan man lang ako kahit bulaklak ng gumamela sa mga special occasions namin pero wala. minsan sinabihan ko sya na sana naman bilhan man lang ako ng regalo. ayon once nga lang nangyari, valentine's day at di na naulit.

pag medyo nakakainom sya dun ko sya tinatanong kung alam niya nga ba ang birthday ko, ang anniversary namin. alam naman niya kaya lang talagang wala syang kasweetness sweetness sa katawan. hayyyyy.

Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: extrasweet on May 14, 2012, 11:06:01 pm
same here mga sis , hinde rin showy si hubby lalo na pag nasa labas kami  at hinde masyado pala -kwento,  maglalambing lang pag nasa room na kami after that back to normal. almost 6 years na kaming mag-asawa pero
hinde pa talaga kami yung super bonding kasi he's ofw tapos 1 month lang vacation niya . nakakalungkot lang kung minsan kahit sa email .. huhu pero i love him alang alang din sa anak namin.
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: Karen Joy Macapasir on June 02, 2012, 05:27:12 pm
hi mga sis!

akala ko ako lang ang nakakaranas ng ganyang issue sa hubby...pinakaproblem ko talaga is feeling ko hindi proud sa akin yung hubby ko ko sa baby ko.. pero di naman tahimik ang asawa ko actually makwento sya, yun ay kung hindi kaharap ang PSP niya..kaagaw ko yun!he he may mga times na nagsasabi din siya na mataba ako, tawag nga niya sakin chava eh.. minsan nakakasakit..pero most of the time hindi ko nalang ginagawang issue.. siguro masyado lang akong paranoid.. pag nasa bahay kami siya pa unang naghuhug sakin, nagsasabi ng i love you.pag nasa labas naman kami minsan nakahawak pa sya sa bewang ko. pero most of the time pakiramdam ko di siya proud kc di manlang magcomment sa mga pictures namin na inaupload ko. mas may care pa siya sa ibang issue sa mga friends niya sa FB! naiinis ako! pinagppray ko nalang na sana magkasama kami habang buhay.. :)

pag may occasions my husband use ti greet me naman and give a kiss and big hug...yun nga lang wala mga gift kasi daw lahat daw ng pera niya binibigay niya sakin ako nalng daw buy ng gusto ko..pero mas masaya sana kung buy siya ng stuff for me db?he he

sabi ng nagkasala sa amin ng hubby ko, pinakaimportante ang communication sa  mag asawa..keep on praying mga sis..
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: skat on June 11, 2012, 03:04:26 pm
Same scenario sis  ;) i guess un talaga yung nagustuhan natin sa kanila..yun kasi challenging part diba.hehe,i told him one time na baka pwedeng kahit konti maging sweet naman sya..
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: BlueAby on June 11, 2012, 03:53:32 pm
Sama ko din si hubby ko sa grupo nila. Makwento siya and ok lang na mag-overbreak kung yung mga kaproject niya yung kakwentuhan niya. Pero kapag kami ang sabay maglunch, tinitignan na agad niya ang relo niya which is sobrang nakakairita for me. Then di rin siya palakwento, pero sa mga kaibigan niya todo kwentuhan sila. Di kami magkasama sa bahay ni hubby kaya dapat diba may ipon na rin syang kwento for me. Kaso pag tinatanong ko sya kung kamusta araw niya or kung ano nangyari sa araw niya, sasagot lang sya ng "ok naman, the usual thing lang". Parang feeling ko tuloy ayaw nyang malaman ko yung nangyayari sa kanya pag di kami magkasama, may time pa na nagsabi siya sa akin na "kailangan bang ireport ko lahat syo ang mga pupuntahan ko or gagawin ko?" Nahurt ako syempre pag sinasabi niya yun. May times din na hihintayin ko siyang maglunch kahit na may biglaan syang meeting. After ng meeting nila inaaya ko na syang kumain, sasabihin niya tapos na siya dahil may food sa meeting nila. Then sabi ko hinintay ko sya kahit nagugutom na ko. tapos sasabihan ako ng pwede naman akong kumain mag-isa. Masakit lang din kasi Lunch break lang and uwian yung time na nagkikita kami ni hubby since magkabuilding kami. So expect ko na yun na lang sana yung time for us. Mas gusto rin nyang lumakad kasama mga barkada niya kesa magmall kasama kami ng mga anak namin. Hays. Madalas niya din masabi na malaki braso ko na parang palo palo or hahawakan yung tyan ko (nang-aasar na malaki yung bilbil ko) Minsan maiinis ako at sasabihin ko na... Hoy! Yan ang remembrance ng mga anak mo sa akin kaya wag mong lalaitin. Kainis eh nung dalaga ako super slim naman ako.
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: nikgel on June 11, 2012, 04:01:31 pm
hehe marami palang tulad ng mister ko.hindi masyadong sweet husband ko pero naalala niya lahat ng occasions.pero di na sya nagbibigay ng something for the occasion.itatanong lang niya ano yung gusto ko then bibigyan niya ako ng pera.pero yung affordable lang.pero in fairness love na love niya yung unica hija namin.kaya di nalang ako nagrereklamo kahit tahimik sya kasi well provided naman kami.ganun lang talaga sya. :)
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: Mommy Shelly on June 11, 2012, 04:57:50 pm
Pa-join... Naku mukhang common denominator talaga ng mga hubby natin ay hindi sweet, pero mabait, tahimik, walang bisyo, at mahal mga kids natin... Sa akin ok na rin siguro yun... mas gusto ko na un wala problem sa kanya.. matitiis ko na rin un pagdating sa mga ocassions like anniversaries, valentines, bdays wala sya mabigay na gifts syo..huhuhu......... un tipong inuutusan sya ng kuya from abroad na bumili ng flowers sa sister in law niya tuwing valentines, anniv at bday.. tpos ako pa namimili kung anong klaseng bulaklak maganda.. tpos feeling ko may surprise flowers din ako un pla wala huhuhu talaga it hurts talaga. nakakainsulto... so 1 valentines day di ko na natiis, pumunta uli kami ng madaling araw sa dangwa para bumili at ipadeliver un flowers sa hipag niya at pamangkin na babae to buy them flowers... tpos ako at un anak ko wala... I voice it out talaga.. sbi ko next time kaw na mag-isa bumili para di na ko naiinsulto na asawa mo di mo man lang mabigyan ng 1 piraso rose samantala sa hipag ko 3 dozen roses at 1 dozen para sa pamangkin niya...... sa awa naman ng Diyos di na niya ako sinama next valentines pero may malaking himala may dala na rin sya para sa amin ng anak ko.... so sa tingin ko lang dapat siguro nagsasalita rin tayo kung ano gusto din natin.........di na natin sila antayin kc alam naman natin di sila sweet.....................
 
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: Karen Joy Macapasir on June 11, 2012, 05:08:16 pm
hi!
sis blueAby why hindi kayo mag kasama sa bahay ng hubby mo? sorry ha pero grabe naman asawa mo bakit parang ilag siya sayo? yung asawa ko kasi sweet pa din sa bahay man o sa public o sa HQ nila (pag christmas party or gathering lang usually ako nasasama ng asawa ko) ang problem ko lang talaga sa kanya is di nagsasabi agad ng mga lakad niya o mga pagbabago sa office nila, need ko pa magtanong! kung baga wala kusa yung asawa ko.kainis lang! but sometimes nagsasabi din pag naisipan niya. most of the time inis din ako pag sa FB di siya cooment sa mga posts ko (babaw noh?) but 4 me big deal n un hehe dahilan niya naman lagi ko daw kasi siya inaaway ha ha at problem ko din minsan sa kanya nagpapasulsol sa mother in law ko! kakainis yun! gggggggrrrrr!!!!

hay nkuh ganyan tagala mga boys pag manliligaw gagawin lahat sagutin mo lang pag kayo na nwawala na sweetness.. one thing i observed about boys is that most of them hindi sila spontaneous.. kakainis noh?!

sis nikgel its a good thing na love na love ni hubby baby niyo.. ganyan din hubby ko super love niya baby namin minsan nga OA na.. tahimik siguro talaga mga lalaki! :D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: hello21 on June 11, 2012, 09:41:40 pm
joining this thread.  :)
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: Karen Joy Macapasir on June 11, 2012, 10:28:12 pm
welcome hello21... :)
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: amieh on June 14, 2012, 12:20:21 pm
i agree with mommy shelly.. sometimes we just really need to tell them what we really want. kasi talagang there are guys na mas effective ang deretsahang approach, kasi pag ni-reverse at hinintay mo  lang sila eh wala ka talaga aasahan. my hubby is also like that.. when you say no it's really a no for him. hndi ka niya pipilitin kaya might as well tell him directly what things you really appreciates most and the things he's doing that you really like. hndi ko nga din ma-weigh.. maybe hndi lang tlaga consistent but there are times naman kasi na uber sweet siya.. sumpungan ika nga.. hehe..i think one factor din is how we treat them. and yung budget din syempre. hehe...
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chardonnay on June 19, 2012, 10:56:15 pm
yay i found another home hehe. ^ yeah factor din talaga budget. Pag taghirap and me occassion, wala talaga ako inaasahan though ang asawa ko puro dine out lang ang alam na treat. Di rin nag gi gift kasi di raw niya alam bibilhin. Pag sinabi ko naman gusto ko, gusto isasama lang ako at ako din pipili. Samantalang ako pag nasa mall, sya lagi naiisip kong bilhan. One time nga I was looking at blouses but I reminded myself that it's not a neccessity but then when I was on the counter,parang natauhan ako, bakit sya binilhan ko ng shirt :( Ang isa pang nakakainis, he never take note nung mga parinig mo na gusto mo ng ganyan or pag nakita ka na parang meron kang isang bagay na gustong gusto, lagi mo check. Dun pa lang sana makakakuha na sya ng hint kung anong gusto mong gift. hindi rin maaasahan sa pagtanda ng important dates.

Haist need nga yata sila iremind kaso sakin naman, feeling ko pag sinabi ko na gawin niya eto or iyan, nawawalan na ng merit kasi hindi kusa. Minsan pinapalipas ko na lang kaso pag nauulit, nagbabalik lahat, sakit sa loob. sabi niya naman sa akin pag me napansin sya, sabihin agad kaso di rin ako masalita eh, baka mauna pa akong maiyak.Try ko siguro for a change, magsabi sa kanya no? Balitaan ko kayo.

In fairness naman to him, mahilig mag i love u and kisses me before going out, even nandiyan mother ko. Natataranta pag nagdadabog na ako at tahimik na and same as u, loves our daughter dearly and wala bisyo
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: amieh on June 20, 2012, 12:34:39 pm
^ahaha.. oo nga sis.. at ang linya lagi ng hubby ko eh nasa akin naman na daw lahat ng pera niya pano pa daw sya makabili gift eh sakto lang daw ako mgbigay ng allowance. hehe.. kaya madalas ako may prepare sa kanya.. but there are times naman na siguro pag talagang nakakaipon sya at talagang pinaghahandaan niya occassion eh may nape-prepare naman sa kin.. like nung valentines aba nagulat ako ngyaya ng dinner at talagang gastos niya hndi ako nglabas sis klhit sakto lang bnigay ko allowance sa kanya.  pinandigan na tlagang treat niya hndi ako. ;D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chardonnay on June 20, 2012, 04:20:28 pm
last valentine? hmmm. ayun inuwian naman ako ng chocolates pero tinanong pa rin ako anong brand :D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chococream on June 21, 2012, 04:48:49 am
hahah buti nga chardonnay inuwian ka ng chocolate kahit natanong ka anong brand, ako hindi na uso ang ganyan, bdays, aniv, and etc. na remember naman niya mag great at ang dates ng special occasions pero yon nga walang ibibigay or bibilhin or anythign something special.

yong nakikipaghiwalay na ako kasi hands up na ako, parang natauhan naman naging sweet, bigla akong pinadalhan ng bulaklak yong favorite ko pa, tas meron pang secret na overnight kami dalawa sa beach kaya ayon na patch up ulit nasabi tuloy ang mga ayaw gusto.

guess what at dahil ok na ulit, back to normal. balik na naman sa dati, greet ng bday, holidays and happy aniv lang walang sweet chuva chu chu, hhehe hai na ok na siguro as long as walang bisyo at ang main focus niya diba is ang family natin wala n akong hihingin pa.

ganyan din ako sis, pag nasa mall ako wala ako mostly nabibili for myself, always yan paguwi kay baby at sa kay hubby lang. hehe
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: amieh on June 21, 2012, 12:17:24 pm
ahehe.. ganun ata talaga tayong mga mommy... least priority ang sarili. sa akin naman tingin ko kulang lang talaga sa budget ang jowa ko. hehe.. kasi dati nung 1 pa lang baby namin nag surprise booking pa sya sa 1 resort for our anniv eh.. pero nung nalaman ko at namahalan ako eh i opt to have a budgeted travel kasi sayang naman. hehe.. altough ang hubby ko hndi tlaga mahilig magbigay ng flowers.. never pa ako nkatanggap ng flower from him, malalanta lang daw kasi. he prefers chocolates.. 1 time hndi ko malilimutan when he went to our office at nagbigay ng secret gift kay ate guard namin.. kinuntsaba niya si ate guard para ibigay sa kin un at sabihin from anonimous giver.. super isip tlaga ko knino galing.. naka wrap sya ng ilang ulit.. then every wrapper na buksan ko may message.. as i continously open ngkakaron na ko hint knino galing kasi medyo recognize ko na yung penmanship niya kahit pinilit niya ibahin lalo na nung may term of endearment na naman sa 2nd to the last wrapper at may "sorry at miss na kita" na message.. habang bnubuksan ko super kilig mga ofismate ko syempre kilig din ang lola mo. pagbukas ko 3 pinakamalalaking cadbury chocos. para sya tuloy books sa kapal kaya kala ko nung una eh book eh.. isa lang un sa mga nagwa ng hubby ko kaya ko nasabi na hndi ko din masabi kung tlaga bang sya eh kabilang dito.. tingin ko half-half. hehe.. hndi din kasi sya masalita tlaga sa feelings niya bout me or sa amin ng mga anak niya eh. 
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chardonnay on June 21, 2012, 06:48:15 pm
^ wow sweet!. baka before nag ta try talaga sya though di niya talaga nature yun. Atleast diba me effort. Si hubby pag nadadaan kami sa farmers daming flowers tatanungin pa ako kung gusto ko. Syempre tanggi ako tsaka sabi ko ayaw ko diyan kasi alam ko price haha. Pang alay sa simbahan binibili ko dun :D Mas kakatawa yung isa kong friend na lalaki, Sabi sa GF niya, "di na kita bibilan ng flowers, di ka naman kumakain kasi nyan"  hehe.
Ako talaga never pa naka received ng flowers sa kanya.

Actually natetempt na nga ako na mag out of town trip tas usap kami masinsinan. Isip ko nga lang talaga pag ginawa nila yung isang bagay dahil sa sinabi natin, parang never talaga magiging natural at babalik din sa dati. Inconsistent talaga si hubby, Minsan sweet, minsan hinde, kaines. Tsaka tamad talaga magshopping kasi kahit sa baby namin, tamad sya mamili unless yung necessity talaga na milk, diapers, water, cotton. Yan lagi nasa isip niya pag grocery kami.
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: leegirl on June 22, 2012, 12:27:44 am
joining! :)

yung boyfriend ko naman sweet lang nung nanliligaw. binibigyan ako ng chocolate, necklace, tapos ring. nung tumagal na wala ng binibigay. nung bago pa kami sya nagbabayad ng pamasahe, ngaun sinisingil na ko ng pamasahe.
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: amieh on June 22, 2012, 12:12:02 pm
^ahaha.. wait more sis leegirl until maging mag-asawa kayo..  ;)

@chardonnay: oo nga sis kaya appreciate ko na lang although hndi din ako showy.  ;D
alam mo sis ok yan naisip mo.. just make sure na may patutunguhan ha.. ako kasi ganun ginawa ko pero nag overnyt lang kami sa hotel with the kids pero hndi ko pa din masyado nasabi sa kanya lahat.. hirap din kasi ko. hehe.. pero sis much better sabihin mo.. sa una mo lang mafi-feel na ganun na parang mawawalan ng sense yung mga gnagawa niya kasi sinabi mo lang.. pero eventually magiging habit niya na un 9depende na un sa kanya ha..) pero wag mo na lang isipin na ganun para hndi ka din mawalan ng gana. si hubby ko naman maaasahan mo un sa shopping kasi unlike other guys na natural na daw sa knila na hndi mahilig or tamad sumama sa ating mga girls mamili especially kung gamit natin, si hubby ko go sa akin pag may gusto ko bilhin.. tinutulungan pa niya ko mghanap at mghalungkat ng magandang damit/gamit... and madalas kala ko hndi bagay sa akin pero pag na0fit ko na swak na swak pala.  :D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: Karen Joy Macapasir on June 22, 2012, 02:56:20 pm
hello.. :)

sis amieh sweet naman ng hubby mo ha.. buti pa hubby mo nakakaisip ng mga ganyan, hubby ko himala lang siguro pag naisip niya yan hahaha ako di masyado nag oopen up sa hubby ko, which is pag naumpisahan ko cold war talaga he he yung hubby ko naman ako ang lagi nire2mind na hindi daw ako sweet! nagrereklamo pa na di ko manlang daw siya sinasalubong pag dumadating siya, or ako una mag huhug or kiss he he minsan kasi hiya pa ako hahahhaha ako siguro ang di showy hehe ang problem ko lang sa hubby ko di siya spontaneous eh, minsan sweet minsan hindi. kakainis na nga minsan eh..

leegirl sis nakuh singilin ka ba ng pamasahe? never yan nagawa sa akin ng hubby ko nung mag bf pa lang kami, may times na nagcocommute din kami pero di naman dumating sa singilan he he baka mas magbago pa yan pag mag asawa na kayo hehe
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: leegirl on June 22, 2012, 06:55:19 pm
naku mommies! actually may anak na kami. haha. dindi naman ako talagang sinisingil, yung pag magbabayad lang kami sa bus yung pera niya nakahanda na. nung tinignan ko pangisang bayad lang pala. :)
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: Karen Joy Macapasir on June 22, 2012, 08:25:15 pm
naku mommies! actually may anak na kami. haha. dindi naman ako talagang sinisingil, yung pag magbabayad lang kami sa bus yung pera niya nakahanda na. nung tinignan ko pangisang bayad lang pala. :)

he he ganun ba..may baby na pala kayo.. :) god bless sa inyong dalawa sis..masaya na mahirap pag may family na...
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: leegirl on June 23, 2012, 11:48:10 am
thank you sis! swerte ko sakanya no?  ;D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: Karen Joy Macapasir on June 23, 2012, 02:06:43 pm
re hehe siguro may mga bagay na swerte ka sa kanya meron din naman na malas hehe sa akin pala yun.. in some ways i'm so lucky 2 have my husband, meron din mga malas kasi insensitive hubby ko saka may pagka stubborn! kagabi lang nga nag away kami eh.. ;D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chococream on June 23, 2012, 04:07:56 pm
I agree mommykarenkylie, swerte tayo sa mga husband natin at the sametime malas, but I guess sila talaga ang naka jackpot sa atin. hahaha

kahapon din inaway ko si husbandry, feeling ko kasi hindi na talaga niya ina.appreciate ang mga ginagawa ko sa kanya kahit man lang greetings. kaya ayon hindi sinadya lumabas tuloy nagsimula lang sa pangangatyaw niya sa arms ko, malaki daw kasi e sino bang braso hindi lalake kaka karga sa anak niya para matulog lang, ke 3years old kailangan pang kargahin para lang makapag nap e sya nga hindi makapatulog sa anak niya ka laki laki din ng braso.

we are not talking terms pa din kasi hindi naman umiimik yong inaway ko sinabihan lang ako na "tama na yan, tapos ka nah" nakakapanggigil minsan.  :'( :'( :'( :'(
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: leegirl on June 23, 2012, 05:45:22 pm
oo nga mommy korek ka dyan!  :)
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: Karen Joy Macapasir on June 23, 2012, 09:42:37 pm
korek ka diyan chococream jackpot talaga sila sa atin but they dont know how lucky they are minsan kasi they're just taking us for granted..grr yan pa naman pinakaayaw ko...so far si hubby di naman nakakalimot..
bati na kami ng hubby ko he he takot lang niya sa akin heheh  ;D
ay sinasabihan ka din niya niyan? ako din nga pero yung bilbil ko pinagtitripan niya he he asar talo ako lagi pero pag alam niya na badtrip na ko titigil na tapos maglalambing..yung mga ganyan niya sakin minsan nauuwi din sa away. kami naman pag mag away, (sagutan lang) kinabukasan okey na din kami, pero di ako ang unang nakikipagbati, si hubby kasi natural na sweet, si hubby ang nagrereklamo na di daw ako sweet! hehe  ;D
hay yan di nila maintindihan yung nagiging panget tayo sa kakapag alaga sa mga anak natin! sila pa madalas manita. nakakainis kaya.minsan nga dapat sila ang maging mommy para maranasan nila kung gaano kahirap..diba?


we are not talking terms pa din kasi hindi naman umiimik yong inaway ko sinabihan lang ako na "tama na yan, tapos ka nah" nakakapanggigil minsan.  :'( :'( :'( :'(

sis pag kami din ni hubby sometimes di din nag uusap o napag uusapan ng maayos yung problem..parang take for granted na lang tapos okey na kami.. ako kasi ang madada  ;D si hubby di ako pinapatulan. ;D kaya yun mas lalo ako naiinis!
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chococream on June 25, 2012, 06:23:54 am
Hi mga sis, talking terms na kami ni hubby, nagusap na kami ke gabi o umaga bah kasi 12midnyt na kami nag webcam ulit.ayon chicka lang sya, ayaw ko nga sana magonline e nagsabi na magoonline sya ganyang oras, sure din naman ako na online na sya early pa or maghihintay kaya ayon.

sinabi ko talaga sa kanya na wag niya kantyawan ang imperfections ng katawan ko kasi dinaanan na ng anak niya ang katawan ko. gusto pala niya stay slim ako e hindi na niya sana ako binuntis. tumawa lang ang loko, buti nalang sinabi niya na hindi naman pala talaga big deal ang taba, or kung ano na ang malaki. pang pawala lang ng boredome sa serious na buhay kaya nangangatyaw sya...ok lang naman mangantyaw pro below the belt ata ang mga imperfections ko ah.

nko sis mommykarenkylie, hindi ko nalang pinapatulan ang mga inis ko, kasi ako agn talo kasi kinakalimutan agad ni hubby. pagsinabi ng tapos na yan, dapat tapos na talaga kasi crash out na yan sa mind niya.
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: amieh on June 25, 2012, 12:15:58 pm
 
 
sis pag kami din ni hubby sometimes di din nag uusap o napag uusapan ng maayos yung problem..parang take for granted na lang tapos okey na kami.. ako kasi ang madada  ;D si hubby di ako pinapatulan. ;D kaya yun mas lalo ako naiinis!
[/quote]

tama ka sis.. hay bkit ba gnyan sila.. lagi na lang parang walang nangyari at wala sila naging atraso.. deadma lang always habang tayo eh gigil na gigil na sa inis sa kanila??!!! ganun ba talaga sila??!! kaya lalo lumalaki yung misunderstandings eh kasi hndi nata-tackle ng maayos kaya sa susunod same issues lang ang pinag-aawayan.. hay.. kami din ni hubby warla ngaun.. ang hirap kasi lagi na lang silent war.. lumala na kaya ngayon feel ko ang pain.  :'(
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: Karen Joy Macapasir on June 25, 2012, 12:33:22 pm
hay nakuh sis in some ways pareho sila ng hubby ko, di ako pinapatulan pag galit na ako  ;D madali din makalimot! ganon siguro talaga mga lalaki.. hay nakuh sis dapat sa ating mga wifey mahaba ang pasensya..dapat milya hehe
working abroad ba hubby mo?

sis ameihganon talaga siguro mga husband di na pumapatol kasi ayaw na lumaki at natural na sa kanila yung tahimik.. pero nakakatakot din pag sila na nagsalita hehe pero tama ka diyan sis mas lalo nga lalaki kung di napag uusapan at you'll end up at the same issue pag mag away kayo ulit.. sis tell him what you feel para alam niya. whether take for granted or not atleast nasabi mo. nakakagaan din yun ng pakiramdam. ako minsan iniiyak ko sama ng loob ko.yan mapapansin niya froggy eyes ako hahaha pero di siya magtatanong, bigla na lang siya magabago i mean kung ano sinabi ko sa kanya na nkasakit sa akin di na niya inuulit at mas nagiging sweet lam ko bumabawi hehe pero never pa siya nag talk about sa pinag awayan namin.
patience lang sis.
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chococream on June 25, 2012, 12:50:20 pm
mommykarenkylie, seaman si husbandry sis kaya hai nko nasa kanya na yang UNEXPRESSIVE, NOT SWEET, TAHIMIK and sometimes selfish. hahaha

madali talaga makalimot sis o sadyang kinakalimutan, and alam mo yong linya'ng HINDI NA TANGGAP ANG TEXT MO, pag magtetext ka sa kanya ng mga kinagagalit mo or yong mga ayaw mo sa ginagawa niya. gudluck nalang.

very expressive talaga ako sis, sinasabi ko talaga sa kanya if nahurt ako sa sinasabi niya, pero na realize ko na hindi niya pinakikinggan ang mga sinasabi ko sometimes yong mga importante, kaya umiiyak nalang ako.

tama sis mommykarenkylie, pag nakita na niya na medyo laki ng mata ko, parang na gets na niya na nagtatampo ako bigla nalng magpapa cute, guilty na siguro then trying hard na bumawi.

.....................

yes sis, atleast nagreach out pa naman sya kahit papaano. hehhee
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: Karen Joy Macapasir on June 25, 2012, 02:55:05 pm
ah ganon ba.hirap naman niyan malayo siya lagi.. ok lang kahit deadma siya sis chococream atleast nasabi mo... naguiguilty din pala siya eh hehe buti at nagttxt pa din siya at nagsasabi na mag oonline siya eh.. baka sa iba yan hindi na.. reach out pa din siya sayo.. what important is love niyo pa din isa't isa... ;)
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chardonnay on June 25, 2012, 05:05:47 pm
Naku yan talaga try ko iwasan ngayon, yung tayo eh gigil na gilgil na tas sila ala lang. Minsan naman ako alalang alala na kasi di mo makontak at di nagte text tas pag uwi, 'San ka galing? sagot, "Sa shop" wahh! habang puputok na ang puso ko sa pag aalala, sya pala nakikipagkwentuhan lang? ...grrr

Minsan isip ko kung OA lang ba ako. Yoko na talaga pa tress, Yoko din kasi matulad sa madalas makikita mo, pag magkasama mag asawa, parang yung girl ang tanda na sa husband dahil sa stress kahit magka age lang.
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chococream on June 25, 2012, 06:19:46 pm
tama sis chardonnay,

d tayo puede padaig sa stress natin, mantra ko nalang is ITS ALL IN MY HEAD, compensate ko nalang na lugi ako   kasi wala sya paki, e ako pinasan ko na ang buong mundo. kaya now, mamatay ka sa galet mo magpapaganda ako, magpapagirly ako at hindi ko ipapakita sayo ang worries ko. taste of their own medicine kung baga
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: Karen Joy Macapasir on June 25, 2012, 08:18:15 pm
korek kayo diyan mga sis better yet magpaganda na lang tayo  ;D
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: amieh on June 26, 2012, 12:17:03 pm
[sis ameihganon talaga siguro mga husband di na pumapatol kasi ayaw na lumaki at natural na sa kanila yung tahimik.. pero nakakatakot din pag sila na nagsalita hehe pero tama ka diyan sis mas lalo nga lalaki kung di napag uusapan at you'll end up at the same issue pag mag away kayo ulit.. sis tell him what you feel para alam niya. whether take for granted or not atleast nasabi mo. nakakagaan din yun ng pakiramdam. ako minsan iniiyak ko sama ng loob ko.yan mapapansin niya froggy eyes ako hahaha pero di siya magtatanong, bigla na lang siya magabago i mean kung ano sinabi ko sa kanya na nkasakit sa akin di na niya inuulit at mas nagiging sweet lam ko bumabawi hehe pero never pa siya nag talk about sa pinag awayan namin.
patience lang sis. [/size][/font]
[/quote]

wwaaaaahhhh....... sis gnyan na gnyan ang hubby ko!!!! ngbabago naman in fairness pag sinabi mo. pero bhira na sa min yung magtackle ng issues.. lately nga puro thru text!! kaasar di ba.. sabi ko nga ano ito LDR para daanin lahat sa text!!??? grrrrr....... he's trying to improve pero ginagawa pa din niya yung kinakainis ko.. na di ko mapigilan mainis. kaya ayan silent war na naman kami... sabi ko hiwalayan na to.. deadma lang sya.  :-\
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chococream on June 26, 2012, 04:35:35 pm
hay naku sis amieh, pag sinabi mong hiwalayan na lang kaya tayo...ma imagine ko is nag roll eyes lang yan, ganyang ganyan ang ginagawa sa asawa ko pag yong tipong alam mong hindi na nice yong dumadami na talaga ang unresolved issues, pero parang wala lang talaga nag roll lang ng eyes, parang sinasabi "as if kaya mo akong iwan" grrrrr nakaka inis talaga
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: amieh on June 27, 2012, 12:24:15 pm
^grrrr talaga sis! kami ngaun deadma ulit... kagagaling lang namin sa isang napakatagal na deadmahan huh! tpos ngaun eto na naman... haist... malapit na ko maging manhid! baka magising na lang ako isangg araw wala na ko maramdaman towards him..
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: gorgeous_mommie on June 27, 2012, 12:52:09 pm
hi sisses., actually ganyan na ganyan din hubby ko dati.. nung times na meron pa sya chiching hehe.. pero totoo talaga yon kasabihan na pag matagal na kayo nagkakapalit na kayo ng ugali.. kasi itong last uwi ni hubby susme ako na sumuko sa kadaldalan niya at naririndi..it made me think na siguro wala na syang ibang "kinukulit" kaya lumabas talaga ang totoong kakulitan niya..supppeeeerrr naman nakaka stress minsan kasi di nga ako sanay na sya madaldal..
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chococream on June 27, 2012, 06:30:31 pm
nakaka tuwa naman ang hubby mo sis, pero tama ka nakaka stress pag ikaw naman angkinukulit to the point na puede mag mute sa kanya. hahaha

yan din now ang kay hubby kasi bumabawi na after sa kalokohan niya, in a way nagmature na kasi. minsan weird ang feeling na pag tumawag naman pag mttagal kang makasagot ang daming tanong bakit, bakit at bakit  nakaka sakit sa tenga panay tanong.
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: cea on July 09, 2012, 05:14:36 pm
sino po ba dito ang may hubby na hindi ganun kashowy/ demonstrative? my hubby kasi is ganun. talagang naturalesa sa kanya ang masyadong prim and proper, minsan lang maging sweet and kenkoy. magtu 2 years na kami na married pero parang mas ngayon nagiging apparent sakin ang pagkakaiba ng personalities namin. ako kasi yung carefree type, jolly at que sera-sera ang attitude. sya naman yung planner, always going by the norms and masyadong seryoso sa buhay: na kelangan planado na ang future namin. minsan nakakainis lang e.  ;D nagiging sweet lang sya sakin pag may ginawa akong sweet sa kanya, giving gifts pag may binigay ako. parang ping-pong lang ba? e ako pa naman yung tipo ng babae na sobrang hilig sa surprises.. hopeless romantic ever kahit may asawa na. hahaha!

share naman kayo mga sissies ng mga kwento nyo about your unexpressive hubby. pwede din magvent out dito ng kainisan sa hubby.  ;D

ako, accepted ko sya as he is kasi ganun ko naman na talaga sya nakilala. kaso minsan, ang boring boring na e. to the point na napapaisip ako na dapat siguro pumili na lang ako noon ng kasingpersonality ko.   :-\

 Good day to everyone --
Just want to share..
For almost 13 years of marriage and having 4 kids..ganyan pa din ang hubby ko. Akala ko nga hindi na madagdagan ang 2 sons namin (ages 12 and 10) kasi hindi din ganun kaganda ang pinagsimula ng pagsasama namin. But I must say na kahit papaano nag matured na sya ng hehe..siguro with the help na din ng mga ka members namin sa Holy Family Catholic Community (Marriage Encounter Community).  And i realize na siguro talagang ganun lang sya, and accepted ko na din naman. Ako na lang din ang nagpupuno sa kung anong kulang sa kanya.  :D
Yan lang din ang kagandahan sa ating mga babae eh, we love unselfisly! hehe..

Anyway, kung sino po dito ang gustong sumali sa Community namin, to revitalize your married life..we are very willing to accept you in our community.
Just text me po if interested kayo (0917-8361444)

Thanks and GOD bless!   
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: mommy celyn on August 25, 2012, 12:48:12 am
hi mga mommies...
sobrang natuwa ako sa thread na to. and it really made me feel better kasi nalaman ko na hindi rin pala ako ang nakakaranas ng ganito yung emotionally insensitive mga husband. when i was pregnant with our 1st child hindi ko naranasan yung ma-spoiled nang asawa. kasi lagi siyang pagod sa work. tapos kung tratuhin niya ako parang hindi ako buntis, syempre mga preggy sobrang nghahanap ng atensyon at emotional security. kapag ng-oopen ka naman ng feelings mo isasagot lang sayo "asus!". oh diba nkakasakit ng damdamin. hanggang naisip ko sa tv mo na lang talaga makikita yung mga sweet na lalaki. kaya nga ayoko na rin masyado manood ng romantic films kasi i believe yung mga sweet na lalaki mahirap na makita. though sa loob ko umaasa pa rin naman ako na isang araw marealize niya din na kailangan din naman niyang magpakita ng appreciation. ngayon i try to do what i wife should do. hindi naman ako nagkulang sa pagiging open sa kanya ng feelings ko at ng mga bagay na ayaw at gusto ko. i thought pag ginawa ko yun may mababago pero wala.
i told myself na lang na atleast  ginawa ko yung part ko at kapag dumating na yung time na nawala na talaga yung romantic feeling eh masasabi ko sa sarili ko na hindi ako nagkulang at i wont have any regret sa sarili ko. ang hirap din kasi kapag pinipilit. sino ba may gusto nang napipilitan lang diba...
i still have hope but  seyempre meron at meron yung end of line na hindi natin maiiwasan.
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chococream on August 25, 2012, 10:38:04 am
i rest my case sis mommy celyn. amen to that!

pero recently kahit medyo corny and oa nah, la akong paki skype nalang ako ,...i leave messages sa kasi din niya tapos dun ko nalalaman ko na nabasa pala message ko though nalimotan ko na ang mga sinabi ko dun kasi daw nilalanggam daw sysa sa sweetness ko. hahaha ok lang siguro ganito lang talaga ang ways ng pag.express niya ng emotions. well yan talaga ang tawag ng mga emotionally hardball. hehe
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: proudofELA on August 28, 2012, 02:24:19 pm
hi mga sis!
Medyo ganito rin ang hubby ko, tahimik lang, minsan lang magkwento.  When i ask him kumusta work, his answer is just ok lang.  Struggle talaga magpakwento sa kanya.  Eh minsan di ba parang gusto mo rin maging part ng day niya kaya nagpapakwento ka? :)
HIndi rin namin masyado napapagusapan ang mga issues/away namin kasi we always clash, lagi lang siya magwwalk out, so text din lang kami naguusap, parang LDR like what sis amieh said. But for me okay na rin yung ganun. Kahit mukha kaming weirdo nagtetext habang nasa iisang bahay. At least for me we found something that is working for us.  Ang goal naman is to fix the away eh :)
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chardonnay on August 29, 2012, 07:56:21 pm
Pasimple akong nag oopen up ke hubby and nakita ko naman tinatamaan sya hehe. Sweet sya tuloy ngayon. Obserbahan ko kung tatagal haha. :)
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: BumBum on August 29, 2012, 08:31:27 pm
Joining! Kakatuwa ng thread na to... boys will be boys mga sister... kaya lets just pray for them... Ako as long na love na love niya anak namin ok lang ako. Nung wala pa kami anak, di lalampas ang isang araw na walang iloveu... LDR kami until now. Dati pag chat kami after ng sinasabi niya may iloveu yun sa dulo ngayon hayyyysss....sasabihin ko pa wala manlang iloveu? then magtatype yan ng madaming iloveu tas sasabihin niya good for 30 days yan ha? wag mo uubusin agad... tama ba naman un? hahahha pero tinatawanan ko lang... kasi kami since wala nga siya dito and ako naman is not working, pagdating niya from work open niya skype niya at ako din so skype kami then kahit di kami mag usap tinitingnan niya lang ginagawa ng anak namin at ako naman busy sa kung ano wala na ni ha ni ho yan tas pag antok na sasabihin nalang sleep na ako then maririnig ko na ngooorrrkkksss... hehe...
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: BlueAby on September 12, 2012, 04:19:38 pm
Buti pa kayo mga mommies. Ngayong magkasama na kami sa bahay every weekdays hinihintay ko pa syang umuwi bago ako magdinner kahit gutom na ko. Tapos may time na sasabihan pa ako na bakit di daw ako kumain mag-isa. So simula nun di ko na siya hinihintay, masakit din kasi yung iniisip mo na nga sya para may kasabay syang kumain tapos minasama pa. Ngayon di na kami sabay mag dinner, tapos bumibili na lang sya ng food sa labas and matutulog na lang sa bahay. Walang good night kiss or goodmorning greetings. Kahit nung na-down ako sa office namin, he's not there to support me. Pero nung nangyari sa kanya yun as in gusto niya maawa ako sa kanya. Kahit pag magdo kami walang kiss. gagawin na lang niya. Parang gusto ko na sya talagang hiwalayan  :'(
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: shanks on September 12, 2012, 05:04:20 pm
^ grabe naman yun sis, did you talk about that na ba? better talk to him about your feelings, tapos if di pa din siya nagbago, baka ako din hiwalayan ko na siya, pero for the meantime, talk to him.

Back to topic: Count me in mga mommies, super tahimik at suplado ang ugali ng mister ko, di nga siya sweet eh, magiging sweet lang siya at romantic kapag sinabi ko or kapag may napanood ako sa tv or movies na ang sweet nung guy. Nung mag bf/gf palang kami, never ako  nakareceive ng bulaklak sa kanya or chocolates man lang, wala ding I LOVE YOUs, as in, di naman daw kasi nakikita sa mga ganyan kung love mo ang isang tao, pero hello naman, siyempre babae tayo gusto natin yung maka feel ng KILIG. hehe anyways, he's a good husband naman, and he always support me and my baby. :)
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: chococream on September 12, 2012, 08:37:10 pm
nko sis BluAby  nakaka hurt naman yan. parang ganyan din ako before hinihintay ang isang asawa hanggang wala na lipas na ang gutom matutulog nalang kahit hindi nakakain kasi mas upset kesa gumana ang gusto pagkain. iba naman ako kasi all out talaga akong nagsasabi ng mga upsets ko before. now la na ubus na emotionally e kaya paki ko sa kanya nalang ang mindset ko

ewan tumatalab siguro kasi now medyo nag reach out na sya most of the time sya na ang palagi nakikipag usap sana hindi magbago.
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: amieh on September 14, 2012, 12:38:32 pm
better talk to him first sis BLu Aby just like sis time_keper said.. and i think your hubby is like my hubby lang.. mas applicable sa kanila ang deretsahang usapan kesa i-reverse gaya ng the usual na ginagawa nating mga girls (likas na maarte kasi tayo syempre  ;D). ako ngayon pag ganyan i text my hubby na if matatagalan pa ba sya umuwi or keri ng hintayin ko sya para sabay na kami kumain. kasi dati ganun din, late na sya dadating kaya mainit na ulo ko.. pag hindi pa masyado mainit ulo nasasabi ko sa kanya na "grabeee... hinintay pa man din kita....etc.." tapos kikiligin na siya at maglalambing na din and he would give in to what i want like kahit kumain na sya ng diner eh talagang kakain na lang siya ulit just to ease what i feel. most of the time mas applicable sa hubby ko yung ganun.. mas nagiging sweet siya, or should i say na dun lumalabas lalo yung sweetness niya. better be open talaga with regards to what you think and feel talaga although super hirap talaga sa part natin mga gurls (ewan ko lang sayo sis ah kasi sa akin hirap talaga ako to express myself eh). just most of our mommies mas gusto natin/namin na "may kusa" kasi mas may thrill ika nga kesa yung ginawa lang kaasi sinabi mo. but with other cases it's really applicable sis lalo kung hindi sanay si hubby natin sa mga ganung ways, but then eventually they'll get used to it and become a hobby na.  ;)
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: preciouslara on October 07, 2012, 12:16:59 am
joining... hubby ko not sweet eversince,ako super sweet kaya siguro nababalance pero minsan nakakainis din...lgi kami ng aaway sa sobrang katamaran niya mgtxt or sobrang hilig ko lang mgtxt,pero now na may baby na hindi na masyado.nakakinis lang minsan kasi hindi siya mgttxt para mgchat kami or email man lang tapos mg aupdate sa fb namin na nglaro siya ng binggo,kakapikon lang.haha.dati nahilig pa siya sa dota,yunkasi libangan niya since nsa abroad siya,lagi kami nag aaway kasi halos makalimutan na niyang kausap niya pala ako,ay sobra galit ko,halos isumpa ko yang dotang yan,buti now,hindi na siya masyado nglalaro since super busy sa work,pero naisisingit niya pa rin yung bingo sa fb naman ngayon kasi yun kinahihiligan niya,basta sabi ko lang mgttxt siya everytime na nasa hows na siya,ang ginawa ata ngsave sa cp niya ng msg na isesend sakin tuwing nakakauwi siya kasi napansin ko halos parepareho message niya,natatawa na lang ako,kasi hindi talaga siya mahilig mgtxt.pero pag sinumping naman yun,hay naku,nandiyan yung baka basa na likod ko,sapinan ko daw,tatawag para ichek baka kung nasan lang ako,super hirap basahin pero super alam ko na ugali niya kaya madali ng sakyan..

@sis blu abby,hay naku pag ako ginanun ng hubby ko,baka pakain ko sa kanya yung plato ng walang laman.hay naku,hindi talaga ako papatalo sa kanya pag tinrato niya ako ng ganyan.
Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: stealthmommy on October 07, 2012, 05:18:17 am
naku mga sis join ako sa usapang hindi sweet si hubby, actually feeling niya sweet siya pero hindi talaga,, as in sa 13 years namin bilang ko lang ang flowers na binigay niya, pati yung mga tipong bonga na anniversary date, walang ganun.at lalo na pag nasa labas, parang ayaw magpahawak sakin, akala mo naman ang puti at ang kinis niya, hmp.

yung mga regalo niya puro practical, yung last time, gc sa faceshop at bodyshop, in fairness generous ang amount pero hello gc?!, walang ka surprise surprise sa katawan. pag magdedate kami aku pa yung papapiliin niya ng resto at activity ay parang ako na nagplano at nagmakaawang makipag date!  magiging sweet lang yun pag nagalit nako, pero gusto pa niya may instructions pano niya ko suyuin. in fairness, bawi naman siya pag dating sa pagiging good husband and father, walang bisyo, di mabarkada and hands on sa family. yun nga lang hindi siya pag star cinema romantic film, pang documentary ang dating niya.

pero totoo naman na sweet daw siya inert lang, patago. like dati ning nag work pako graveyard shift, hindi ko alam na kinukuha niya yung plate number ng taxi na sinasakyan ko, nadiscover ko lang after some time na ganun kasi nakita ko yung excel file (oo nerd siya) niya ng lahat ng taxi na sinakyan ko. aaawwww. buti nalang enough na yung pagiging sweet at malandi ko para samin dalawa hihi.

--

Parang gusto ko na sya talagang hiwalayan  :'(

sis blue aby, easy easy lang, baka kelngan niyo lang ng onting spice, usap muna kayo bago ka tampo, sa totoo lang hubby ko ganyan dati, isang kinaiinisan ko din yung hindi kami sabay mag dinner, tapos bibioi lang siya sa labas, tapos pag kumain pa walang kwentuhan, parang galit galit lang. napapasma nako kaka intay, ginawa ko nalang twice ako nagdidinner hehe.
 kung ano ano na naiisip ko siya dead ma pa, tama sila baka mas kailangan niya ng direct approach as in sabihin mo na hindi siya sweet at kulang siya sa kiss, pero yung maganda ang timing, wag galit tipong kwento lang,  maybe pag hindi siya pagod or gutom. yung hindi magulo at kayo lang at magsuot ka nang pang fhm na lingerie habang kinakausap mo siya ng masinsinan sa rlationship niyo. ang peg mo tipong relationship guro pero mapang akit. pero seryoso try to talk it out, pray together, go to church, mag bonding  kayo. last resort na yung hiwalayan. kaya mo yan sis!

Title: Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
Post by: gripfast on October 14, 2012, 04:48:57 pm
naku po! BF ko ganyan. sarap kutusan minsan pero nasanay na din ako. ganun talaga sya eh.