Parent Chat

Life => Family Fun => Hobbies and Special Interests => Topic started by: YSSA™ on December 07, 2011, 07:08:21 am

Title: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: YSSA™ on December 07, 2011, 07:08:21 am
Any feedback? Maganda ba? TIA!

And san kayo pinakamura bumili? :D Ipapangregalo ko kase sa sis ko. :D Salamat po.
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: rozzy on December 07, 2011, 07:58:57 am
Hi sis, Galaxy Y price bracket is 5-5990 as what some blog sites said. Gusto ko nga rin nyan kaso kakabili ko lang ng Corby II nung Sept eh. :( Mukha naman maganda at sulit kasi Android phone na at very low price...
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: mishyla on December 07, 2011, 10:28:52 am
i have the PINK Samsung Galaxy Y. ok sya,..i bought it for 5750. But when we went to Greenhills and Divi nagrarange sa 5500 to 5900. No nega feedback yet. good for me..
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: YSSA™ on December 07, 2011, 10:40:14 am
Gusto ko nga yung pink din.:( sabe ng friend ko, may white daw. and mas nice sya tingnan :D I will buy soon. :D thanks sisses. User friendly ba sya?
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: aian on December 07, 2011, 11:15:04 am
ako din plan ko bumili nito once makuha ko na 13th month ko gift ko sa sarili ko..

sis mishyla san mu nabili yung 5750? kasi pinka price niya is 5990..
iniisip ko nga kahit 2nd hand lang sa greenhills..

may na basa ako puwde sin siya na qwerty touch at puwede ka na din mag skype using galaxy y hindi ka nga lang makikita ng kausap mu kasi di naman  3g..



Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: YSSA™ on December 07, 2011, 11:45:36 am
Sa may wellcom, tama ba spelling ko? 5400 lang po siya :D Kaso silver lang kulay walang ibang kulay pa. :) Excited nako to have this. :D
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: YSSA™ on December 07, 2011, 11:47:31 am
sis aian -talaga? pwede magskype?  :o wow!!!

pano? :| my iddownload kapa ba? Kase need ko din yun e :D
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: aian on December 07, 2011, 11:52:31 am
yun yung nabasa ko sa youtube dun sa mga comment..

ito yung link
http://www.youtube.com/watch?v=LsGgAjVarr4&feature=related
Title: which is better samsung galaxy mini or samsung galaxy young
Post by: aian on December 09, 2011, 04:40:30 pm
Hi mga mommies i need your opinion ano po mas ok kasi nahihirapan po ako mag decide kung ano bibilhin ko..


thanks
Title: Re: which is better samsung galaxy mini or samsung galaxy young
Post by: missheizy on March 07, 2012, 10:34:55 am
Hello, what I bought for myself is GALAXY YOUNG. mas bago kesa mini, mas mura pa, same sila na gorilla glass pero i prefer the functionality ng young, pareho silang android pero mas feel ko yung young sa size, color and bilis, great that SAMSUNG produced fones na hindi masyadong mahal pero very convenient for dloads and games, ganda kasi ng OS.
Title: Re: which is better samsung galaxy mini or samsung galaxy young
Post by: kurdapya101 on April 12, 2012, 11:34:46 am
samsung galaxy young meron me nun eh kaso di ko ginagamit ang hirap i maintain ang 2 phone.. 2 loloadan 2 alalahanin ok na ko sa gamit ko sayang nga sana di ko na binili ayun nasa bahay lang im thinking na ibenta or swap anyone interested? hehe
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: BeeSee on April 18, 2012, 08:17:12 pm
Magkano po ba 2nd hand ng Samsung Galaxy Y sa Greenhills?
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: kurdapya101 on April 19, 2012, 01:09:57 pm
usual 2nd hand 4k to 4.5k want mo ba sis pm mo ko if ever
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: rozzy on April 19, 2012, 01:15:03 pm
My brother bought new Samsung Galaxy Y for Php6400 ata kasi raw sa size ng memory na kasama. Then minsan hinihiram ko to play games and nakakatuwa kasi nga mabilis magrespond. Hehe! Tama muna ako siguro sa Corby II ko. Pero hoping ako makabili ng Android na phone. :)
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: Mommy Jazz on April 19, 2012, 05:33:45 pm
I can't find the manual so post ko nalang Q ko dito. Pasensiya na, I have more time for SP than calling/accessing support
1) after transferring my recordings from my old cel, how can I set one of my recordings as my ringtone?
2) bakit may nakakain sa load ko when I access the internet using our home wifi?
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: rozzy on April 19, 2012, 06:20:53 pm
Hi MJ, try ko lang po itong alam ko ah. Hehe!

For setting the recording as a ringtone, sa settings po ata makikita yun. I don't know kung kapareha lang ng sa mobile phone na may tone setting.

For the load, baka po naka-on yung Data Packet nyo po. Usually pag naka-on yun nagbabawas po ng load. Dapat po naka-off tapos ang connectivity na i-on is Wifi --> particularly yung wifi nyo po.

Thanks.
Title: Re: which is better samsung galaxy mini or samsung galaxy young
Post by: aiel03 on May 18, 2012, 04:07:37 am
@mommy_cess   magkano naman po?  ;D gusto din yong galaxy young..
Title: nokia E7 or Iphone 3?
Post by: babylovecake on July 16, 2012, 10:17:58 pm
planning to buy a new phone....I really like nokia E7 bec of the looks...d naman ako masyado techi...but some says iphone nalang....both phone ba pwede mag ym?give me idea naman about other features thanks
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: tsukino4 on July 30, 2012, 06:52:07 pm
ask ko lang hanggang ilang hours or days tinatagal ng galaxy y nyo? ako kasi mga 10 hrs lang lagi kasi ko nag net gamit to eh..
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: BlueAby on July 31, 2012, 02:18:33 pm
Ano ba sis ang mas maganda? Galaxy Y or yung bago nila na Pocket? Kapag kasi tinitignan ko yung nakapaskil na specs sa mall same lang naman sila. Mas mura nga lang at maliit ng kunti si Pocket.

Kapag po ba bumili sa ibang establishments other than Samsung same parin po ba sya ng quality? Kapag sa Samsung store kasi mismo nasa 5700 plus sya, pero sa iba mas mababa. Like sa Abenson or sa ibang CP store like Wellcom.
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: maria juana on July 31, 2012, 04:12:26 pm
Hi MJ, try ko lang po itong alam ko ah. Hehe!

For setting the recording as a ringtone, sa settings po ata makikita yun. I don't know kung kapareha lang ng sa mobile phone na may tone setting.

For the load, baka po naka-on yung Data Packet nyo po. Usually pag naka-on yun nagbabawas po ng load. Dapat po naka-off tapos ang connectivity na i-on is Wifi --> particularly yung wifi nyo po.

Thanks.


Hi sis! I have samsung galaxy y! Ask ko lang kasi kinakain talaga yung load ko. kapag ba nag avail ako ng mga promos like UNLI SURF hindi na ba kakainin yung load ko?
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: mandyislove on August 07, 2012, 01:42:03 pm
nag-apply ako ng TRINET 40 sa smart using my Galaxy Y, kinain yung remaining 10 load ko, pero 30mins na disconnect, try ko magreconnect, nung una ayaw, after that nakapag net padin naman. Second attempt, dinownload ko yung link na binigay, new version ng FB, kinain ulit yung remaining load ko, after nun wala na, hindi na talaga ako makaconnect! sabi ni hubby dapat daw kasi hindi ko na pinalitan yung version ko ng FB. Sabi ng smart basta daw naka on yung packet data magbabawas load, eh hello hindi naman ako makakapag internet kapag naka-off yung packet data >:(


dagdag ko nadin, sobrang bilis ma lowbat ng Galaxy Y ko, free siya actually sa postpaid line ng smart. sabi ng officemate ko dapat daw kasi nung initial use drained yung battery bago i-charge or madali nga daw malolowbat, ganun daw kasi sa ate niya... totoo kaya?
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: Mommy Jazz on August 07, 2012, 04:34:46 pm
kapag ba nag avail ako ng mga promos like UNLI SURF hindi na ba kakainin yung load ko?
If you avail of UNLISURF, ang makakain sa load mo is kung magkano yung service na UNLISURF. After the time the UNLISURF has expired at naka on pa yung packet data mo, you will be charged their regular rate.

hindi naman ako makakapag internet kapag naka-off yung packet data >:(
dagdag ko nadin, sobrang bilis ma lowbat ng Galaxy Y ko

You can connect to the internet using wifi. Off mo packet data mo when wifi is available. I haven't tried Trinet 40 pero dapat ang amount na makain sa load mo is yung amount kung magkano yung service na yon. Yes, battery ko din mabilis ma drain kasi malakas sa battery ang internet, upload, download and games.

Til now hindi ko pa rin magamit yung recorded audio ko as ringtone. Dapat yata kung ano lang yung selection nila sa list of ringtones, yun lang ang choice mo. help naman po.
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: autophobic on August 08, 2012, 02:17:40 am
yung recorded audio nyo po ba eh nag aappear sa music library? if yes. play the chosen audio then tap menu then set as ringtone.

if no, go to MY FILES then locate your chosen audio file. Copy the file, then go to MEDIA/audio/notification and paste it there. Now it should appear in your ringtone list.

sana nakatulong.
Title: Re: Samsung Galaxy Y
Post by: mandyislove on August 08, 2012, 05:42:05 pm
Mommy Jazz, kapag naka wifi enjoy naman talaga ;D  yun nga lang kapag nag-apply ako ng promo hindi pwede hindi naka-on ang packet data, kinakain talaga load ko ilang beses na. nung una may tyaga pa ako tumawag sa smart para irefund yung kinaing load, pero ngayon nakakatamad na at ang tagal kasi ng operator, buti pa sa globe mabilis :)  pa-openline ko nalang yung fone, smart-locked pa kasi.
Title: Which phone is better?
Post by: gandangmorena on August 10, 2012, 08:53:58 am
Good morning mga mommies!

I want a new phone and I am in a confusing state.

*BB
*Iphone
*Samsung Galaxy
*Sony Ericson Xperia

help me to decide which is the best anong the rest. :D
Title: Re: Which phone is better?
Post by: Mommy France on August 10, 2012, 02:30:58 pm
Don't go  with blackberry unless you have lots of friends na naka-BB rin. Masyadong limited ang magagawa sa BB and maganda lang siya if you constantly need to check emails.
Sa sony experia - wala akong masyadong alam which would mean na mas mahirap maghanap ng papagawan or ng accessories.

We're down to 2 - iPhone or Samsung Galaxy - I'd go for Samsung Galaxy.
Why? Madaling magpalit si iPhone. Yung samsung kahit magpalit man sila ng bago, hindi magmumukhang luma yung phone mo. Better din yung camera ng samsung than iphone.
Title: Re: Which phone is better?
Post by: gandangmorena on August 10, 2012, 03:00:24 pm
thanks Mommy France...

My hubby wants Sony Ericson Xperia kasi Cybershot 'yung feature ng camera niya eh since picture dito @ picture doon ang hobby namin. Pero na.inlove nga ako sa Samsung Galaxy kasi meron 'nun friend ko sabi nga niya maganda ang mga features niya, 'yung sa camera lang niya ang hindi ako sure kung maganda...gusto ko sana 'yung mini version...
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: Tiger Lily on August 10, 2012, 03:44:38 pm
Topics about feedbacks or recommended phones merged.
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: BlueAby on August 10, 2012, 04:13:41 pm
Kung picture ang habol mo Love ko ang Nokia N8 ko. Maganda ang shots niya. Carl Zeiss ang lense and 12MP (mas mataas pa sa pixel ng digicam ko). May Xenon flash din sya unlike sa iba na LED lang kaya malinaw siya kahit low light lang. Yun ang inavail ko before kasi picture addict din ako. hehe. Kaso lang nanakaw yung cp ko so back to zero ulit ako.

CP ni hubby ko ngayon is Samsung Omnia HD. Madami ring features ang camera. 8MP naman siya and ok din ang video.

Between Iphone and Samsung Galaxy, mas like ko si Galaxy. May pictures kasi kapatid ko na kinuha gamit ang iphone and pixellated na sya. Sa Samsung Galaxy naman malinaw parin. Pili ka lang kung anong Galaxy ang suitable syo.

For my sister Galaxy Pocket ang kinuha niya, based na rin sa mga pagtatanong and pag-iinternet ko sya ang pinili namin kesa kay Galaxy Y. Mas mura and mas malaki ang internal memory niya. Android na rin kaya dami naming na-download na games and apps. Sakto lang for teenager like her. Actually nakaka-addict ang cp niya. hehe
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: mandyislove on August 13, 2012, 08:29:16 pm
^ ok pala ang pocket sis...


wala na yung Galaxy Y ko, nahold-up ako nung Saturday sa jeep :'(
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: BlueAby on August 29, 2012, 05:35:20 pm
^ kakasad naman sis.

Ako super love kong N8 nahold up din sa akin sa jeep. As in super pinag ipunan ko pa yun kaya nga nanlaban ba ako sa holdaper (sorry po OT)

sale po pala ngayon ng mga Samsung cellphones until Sept 3 lang po yata. Kelangan ko na makabili!
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: kuliglig^^ on August 30, 2012, 02:09:38 pm
Tama sabi ni Mommy France, maganda lang BB pag marami kang friends na naka-BB pra magBB Messenger kayo. Pero limited talaga apps.

Sabi nila sa HTC phones, bilis daw makadrain ng batt. :( Pero maganda naman raw, kasi Android siya.

For Xperia phones, parang waley pa ko narinig na reklamo. But the Cybershot feature's nice! ;) Ganda talaga ng cam. :)

Medyo bitter ako sa Samsung, lagi nasisira ang Samsung phones samin ni hubby. Nawawala sensitivity ng screen or di ko na mapindot yung keypad. Hahaha. :D Pero I think nasa paggamit din ng phone yun.

Wala ako masabi sa Iphone kasi waley ako nun.  ;D
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: ritzchel on September 03, 2012, 09:18:39 am
^^im using N8 now and i agree with sis BlueAby na maganda nga sya. ang linaw ng 12MP na camera parang ka level na ng digicam and sobrang okey din mga apps.  ;D

bibili din kami ng isa pang phone for hubby and sina suggest ko nga sakanya na samsung naman. hindi ko lang alam kung anong model. pero im thinking of samsung pocket since madami na din ako nababasa na good feedbacks about it.
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: BlueAby on September 03, 2012, 01:50:20 pm
Mga sis I don't have any idea about this pero sabi ng brother ko ang sira daw ng samsung phones is bigla daw namamatay. Totoo po ba yun. Sa mga may Samsung cellphone po, nakapag experience na po ba kayo ng ganito?
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: mommyritz on September 03, 2012, 02:44:29 pm
samsung ko ng hang bigla diko alam bkit,,diko pa napapagawa pero may gusto yon anak ko ngyon na samsung yon SAMSUNG GALAXY BEAM.PROJECTOR http://www.samsung.com/in/galaxybeam/feature.html
magagamit daw niya sa pag aaral niya lalo na daw sa pag report eh bahala na po pag ok na budyet ^_^
SONY ERICSON super subok namin,yon unang cellphone pa ni hubby 6yrs ago eh gumagana pa..xperia mini ng anak ko ilang baksak na ok pa po,never po nag hang matibay naman ^_^
IPHONE maganda lang sya sa instagram daw hehe saka may bayad yon ibang apps daw niya,,
BB tama po kung naka BB lahat ng friends mo..sulit sya
gamit ko po ngyon yon lumang sony ericson ni hubby,wait lang ako ng pinaglumaan oks na muna ako don ^_^
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: MommyGorgeous on September 04, 2012, 01:58:55 pm
joining.. sakin naman po mas gusto ko sony/sony ericsson xperia series ( any of those mas maganda kung 1ghz pataas po para mas smooth at masarap ipanggames  ;D).. kasi natry ko na po ata lahat ng brand hahaha at etong xperia ng sony ang pinakanagustuhan ko ( to be specific my phone is xperia mini and xperia neo v).. dati kasi naka nokia ako, ok naman kaso parang mbilis lumobo yung battery niya hindi naman naoover charge pero mabilis lang talaga lumobo yung batt ewan ko bkit ganun.. then yung htc tama yung ibang mommies dito na mabilis talaga siya malobat minsan wala pang 5hours lobat na agad nkkainis.. yun naman pong samsung parang nalalabuan ako sa grapics niya, hindi ako nagagandahan sa screen although yung ibang specs niya mganda naman at affordable ang price kaso mas gusto ko yung malinaw na cam at malinaw ang screen.. yung iphone naman kapag najailbreak bglang bumabagal, kapag naman hindi mo jnailbreak walang kwenta ang itunes kung wala kang itunes acct na hhingan ka ng creditcard number upon registration, kung wala kang creditcard useless c itunes kapag useless c itunes san ka kkuha ng apps ngyon? sa greenhills 10 apps 300 php agad ang byad grabe eh kung free lang naman mkkuha sa itunes un bbyad kpa para lang mailagay mo siya sa phone mo, kaya hindi po sya reccomended if affordability lang ang paguusapan kasi mahal na nga yung phone mahal pa pati apps and yung maintenance pati accessories mahal po.
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: a2007 on September 11, 2012, 03:45:24 am
Iphone padin ako mga sis.

For me kasi, napaka-overrated ng samsung, nacocornihan ako sa android na OS, i dont know why, corny talaga.  BB naman okay din, lalo na sa mga emails - I use my email alot kasi.

If you get used on using iphone, IOS and like, nako, di nio na gugustuhing humiwalay sa IOS, at gugustihin niyo pa ang ibang IOS devices. Just my 2 cents. hihi  ;)
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: BlueAby on November 14, 2012, 02:39:15 pm
may idea po ba kayo how much ang price ng mga xperia ngayon?

Got feedbacks from my coworker... matibay daw and maganda ang camera.
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: eloytski on November 14, 2012, 03:14:00 pm
I would recommend a phone that fits your needs and your lifestyle. If you're into (free and friendly) apps then go for Samsung (mid-range prices, relatively ok performance). Other moms have mentioned BB, na mas ok if you have numerous friends who are into BB too (and I imagine they would have less accessible to various apps). Iphone if it's in your budget, pero may mga disadvantages din naman daw ito from what I've read (limited memory? accessibility to apps? I'm not sure). Sony Ericsson - ok ang sounds at camera (shempre leading manufacturer naman talaga ng audio/video ang Sony, di ba?), saka hindi masyado mabilis magpalit ng models kaya hindi ka agad malulumaan. Nokia - user friendly, saka madami ka mahihiraman ng charger in case maiwan mo yung sa 'yo, hehe.  :D

I'm currently using an old Samsung Galaxy model (GT-I5503) which perfectly fits my needs -- I can check my emails (even open an attachment), daming useful apps to download, ok ang camera at sounds. Yun nga lang, na-experience ko din yung minsan nagha-hang (siguro hindi kinaya ang sabay-sabay na apps). Pero this Christmas, I'm wishing for a Sony Ericsson Xperia,  ;D
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: Youmiyanaira on February 14, 2013, 09:54:18 am
Anyone interested in Samsung Galaxy S3? 3 weeks old.
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: benj on February 14, 2013, 10:46:36 am
I love iphones! :-) though maganda rin ang samsung. I also loved my Nokia N96, namimiss ko siya, binigay ko na kasi sa pamangkin ko.
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: ❤Xian&Mam ❤ on February 26, 2013, 08:45:49 am

Nokia fan talaga ako mula nauso ang cellphone ;D
ngayon halos lahat touchscreen na,ok na ako sa Lumia 620
meron kasing 820 at 920 kaso masyado mahaba para sa
kamay ko,buti naglabas sila ng medyo maliit lang.
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: MommyGreysi777 on March 01, 2013, 08:07:41 pm
Maganda din daw yun cherry mobile flare.  If you are on a budget, mura siya at P3900 pero para na din siyang iphone imitation.  free yun phone now sa sun at plan 350.  Hope i can get one soon..

just sharing :)
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: preciouslara on March 02, 2013, 10:50:50 am
love my galaxy note 2...yun nga lang ang laki kasi hirap dalhin kung san san kasi ang hirap itago, pag medyo crowded place pupuntahan ko i bring my BB curve, super tibay almost 3 yrs na and nahulog pa siya sa water as in lubog talaga, air dry ko lang and gumagana pa rin!!!  ;D
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: ecbajet on April 27, 2013, 12:05:33 pm
I was already using a BB when my co-workers told me lots of good things about Cherry Mobile Flare. I bought one and at 4k, its not bad at all. If you're budget-conscious but wants a feature-packed phone, CM Flare is the one to grab. Dual core so mabilis. Lalo na when I'm playing Candy Crush. hehe.
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: Fredster on May 27, 2013, 09:33:27 am
Comment na man po, I'm thorn between Huawei Ascend G510 <http://www.gsmarena.com/huawei_ascend_g510-5250.php> and BlackBerry Curve 9220 <http://www.gsmarena.com/blackberry_curve_9220-4459.php> Di po ako bibili, it's free lang sa corporate plan and I have to choose between the two. 

Thanks
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: purple_girl on June 14, 2013, 11:17:43 pm
i love my s4. no lags sa games and mabilis din mag net. maganda din ang camera. malinaw yung screen and ok mag watch ng videos.
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: ecbajet on June 15, 2013, 09:52:21 am
@Fredster - I got a BB 9220 from my Globe plan. It looks nice kaso medyo limited yung nagagawa mo. Unlike Android phones that you get to download different stuff at Play store.
Title: Re: Which phone would you recommend? (Feedbacks and Tips only please)
Post by: Fredster on June 17, 2013, 11:40:10 am
@ecbajet Thanks!  Actually yun din iniisip ko, very nice to look at yung BB kaso pang porma lang talaga and since may mga bago nang models ng BB, medyo outdated na yung 9220.  bakit kaya ganun yung mga telecom companies, mga luma inooffer nila sa plan holders nila, pag mag-upgrade laki laki ng babayaran.  Kaya Huawei na lang pinili ko, it's Android kaya hopefully ma enjoy ko sya hehe.