Parent Chat

Life => Love and Relationships => Other Relationships => Topic started by: Ahmira on December 22, 2011, 01:44:51 am

Title: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: Ahmira on December 22, 2011, 01:44:51 am
Feeling ko I forgot to make friends na...parang wala akong someone na masasabi kong true friend or best friend...I consider them friends pero in the end parang, mlalaman ko nalang , I'm just a colleague for them....parang someone they've known lang, someone they will not treasure....

Some friends, they'll communicate lang if may kailangan....Let's say hihiram ng ganito ng ganyan....I'm used to it pero in times you need someone to talk to , parang wala akong matawag na kaibigan.....
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: babyblair on December 22, 2011, 03:02:05 am
hi sis, i can be a friend :)

.. been there.. it's hard but you know im thankful bcoz atleast i know i dont have them instead of me hoping na i have people backing me up tapos yun naman pala wala.
and i can proudly say SP moms have been a very big part of my life. these people are true. always ready to help.

so dont dwell on those kind of people, not worth it. look at the people who's still there for you, your family and God. :)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: Lhani on December 22, 2011, 03:16:28 am
Hi sis ahmira

Parehas tayo ng situation ngayon..Before i got married i used to have friends,lots of friends..I even have 2 bestfriends..More than 10 years kaming mag bestfriends,Not until one day something happen to us,very bad na ikinasira ng pinagsamahan namin at naging sobrang complicated ng mga nangyari..At That very moment parang natakot akong magtiwala  ulit or magkaron ulit ng bestfriend. :'(.Two years of living alone with my hubby without friends or best friends parang nakakasad pala..Lalo na pag nakikita ko yung mga kawork ko na gumigimik and ni hindi man lang ako inaaya na sumama. :(.Then Before i got pregnant i gained friends na pero gaya sayo colleague lang ang tingin nila sa akin and not as thier real friend..The good thing lang is i made some of them maging godparent ng baby ko..Naging ok naman until now pero as you said nga walang true friendship na kagaya ng samahan na meron sila..And narealized ko lang na mahirap parin talagang humanap ng totoong kaibigan na nandyan lagi sa tabi mo para damayan ka at ups and downs..And siguro i get to used to it na rin na kay hubby lang mag lean on..

Sad noh sis pero thats the reality of life.. :(
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: Ahmira on December 22, 2011, 04:05:27 am

@babyblair - Wow. That's so nice to hear.
Thanks you so much sis.I am looking forward to get to know you more.
Maybe we can chat sometime.

@Lhani - True, Ganyan nga yung feeling..Same sentiment. Minsan, ini-enjoy ko nalang yung company
of those people na gsto akong kasama...You're lucky that you have your husband.
Ako, single parent.. I have FB friends, pero they're like a living ghost nga...

Sana multuhin naman nila ako minsan...
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: buuurp on December 22, 2011, 06:59:31 am
hello ako din, I don't know I have a barkada pero I feel like an outsider na, dahil I'm a mom, tapos sila they are having the time of their lives (we are all 24-25) kasi single or with their bfs or gfs, ako naman I am married na, working, have an 11 month baby boy. don't get me wrong ha, I love what I have right now (kahit sakit sa ulo magpalaki ng asawa lol) pero I am feeling what you are feeling, sometimes I receive a text from an SP mom inviting me for an EB or event gusto ko sumama pero ang dami dami naman responsibilities nakapatong sa akin ngayon, with the new company I am with now, I have friends pero hindi sila yung talagang masasandalan, or sasama kapag gusto ko magshop or what not, kasi di naman sila mommies din. ewan, so I guess, if you need a friend you can count me in din. :D hehe.
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: two_angels'_mom on December 22, 2011, 07:20:22 am
hi sis ako din i can be ur friend..and maybe the rest of the SP moms too..were all here for you if u need someone to talk to..i have some SP moms who have been really there for me in times na wala ako makausap i turn to this site..

been there too..lalo na when i had SD..he was so selfish and seloso kasi pati social life ko kinontrol niya..hindi niya ko pinapayagan lumabas the whole time were together i lose some of my close friends in the process..or atleast just like you maybe ako lang pala nagconsider na close friend sa kanila pero sila nung kasama ko lang kami close nung mga nagsipag-abroad na wala na hindi ka man lang makamusta considering inaanak pa nila mga anak ko hay pabayaan na lang sila me mga ganun talagang tao..minsan nga lang talagang nakakalungkot..and the lowest point of my life a naisip ko pa masama ba kong tao at wala man lang ako maituring na bestfriend..walang matakbuhan..there was even a time na naconfine ako at walang dumalaw :(..they are just too busy with their own life..but then i get to keep atleast one friend na masasabi ko is my bestfriend coz marami na kami pinagdaanan and were still here for each other..well hindi din sya nakadalaw nung naconfine ako but then malililt pa kasi anak niya at walang mapag-iiwanan kaya hindi ako nadalaw..well kakalungkot inintindi ko na lang..

@ lhani, sis dont be afraid to open ur heart again..coz there are some people na akala mo lang balewala ka sa kanila pero in the lowest point of ur life sila pa pala makakaramay mo..make friends..ako din dati i had this friend na akala ko sya na talaga bestfriend ko since she is my friend since childhood hanggang hischool years..tapos nalaman ko na lang rin kung ano-ano pala sinasabi behind my back..hay pinabayaan ko na lang sya..pero tinanggal ko na sya sa list ng true friends ko..coz true friends will stick with no matter what..will be ur friend despite misunderstandings..yung bestfriend ko na tinuturing ngayon nakilala ko lang nung nagwowork na ko..but she's been there ever since..nagkaaway na kami dahil sa negosyo pero in the end we still patched things up..nagkakatampuhan pero were still there for each other..kaya wag ka matakot to make friends..kasi ang kaibigan parang bf yan matatagpuan mo in the least expected ways..tamo nga ako who will ever think i will find close friends thru SP ;)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: nylej20 on December 22, 2011, 07:28:36 am
hi sis..tama lahat ng sinabi nila. All SP moms here are friendly and warm. I can be a friend too.  Hayaan mo na yung mga dati mong friends. Im sure makakahanap ka pa rin ng iba dyan. Suwerte lang ako kasi i have bestfriends and masasabi kong try and tested na. Ang conflict lang ngayon ay malayo na ko sa kanila but still nakikipag communicate pa rin ako para di maputol ang chikahan.
ask ko lang sis sa stay at home ka lang ba?bakit di mo itry makipag socialize. Like dito sa SP may mga get together sila, you can join them. para may mameet kang iba. Dont worry, in time may mahahanap ka rin na friends..cheer up! ;)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: ahyzeyuh on December 22, 2011, 11:26:38 am
got the same feeling

feeling sad and alone
wala na yung mga closest friends na willing to be w/ you or to hear you out
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: insensitive on December 22, 2011, 11:39:35 am
kasama yata ako dito sa group na to?? hehe

sa akin naman, meron akong bestfriend nung highschool..pero yun nga nagka conflict din at nagtampo ako kasi ako lang yung gumagawa ng effort kaya lumayo ako.hindi na ako gaya ng dati sa kanya..ngayon pag nagtitext ako sa kanya kamusta,  hindi sya ngtatanong kung kumusta na ako,ang anak ko halimbawang sinasabi ko may sakit..wala talaga syang pakialam..ako lang siguro nagturing na bestfriend ko sya.kaya ngayon wala na din ako pakialam :D


sa ngayon, i have friends pero not best of friends..meron naman ako nahihingahan ng sama ng loob or kung may problema man, pero hanggang chat na lang yun. asawa ko pa din ang best friend ko..i can say anything to him.kahit pa sya ang salarin hahah.

nasanay na din ako sis, masyado kasi akong attached sa tao once friend na ang turing ko sa kanya..at ayoko ulet mangyari yung naramdaman ko dati..daig pa ang bf-gf breakup.


anyway, pag may mga EB sis sama ka dito sa SP..madami nagiging close dito, im sure magkakaroon ka din :)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: Mommy France on December 22, 2011, 02:36:52 pm
I felt this way talaga nung kakapanganak ko and nung bumukod na kami kasi I had to transfer from Marikina to Paranque. Wala naman ako friends sa South. Lahat North or East. Tapos kapag may event, siyempre hindi ako maka-OO, iba na priorities ko. So dumating na rin sa point na hindi ka na invited. Social Network sites make it worse - kasi nakikita mo pcitures na. And then sinabi ko sa husband ko how I've been feeling. Although I know na hindi niya maiintindihan kasi introvert yun. May friends siya pero konti. Ako talaga malaki ang circle of friends ko. Still he assured me na kahit di ako makalabas with friends, ako ang ilalabas niya - hence - our FriDates. :)

After 2 years, eto - nagsusunuran na rin magka-family ang friends ko. Ako naman yung tinatanong nila about their babies and madalas pa akong ninang ng mga anak nila. We may still not see each other that often but our friendship grew stronger. I have friends abroad na kahit di ko alam nangyayari sa kanya on a daily basis, pag-umuuwi siya dito - hindi niya ako nakakalimutan at isa ako sa mga unang nakakaalam.

Looking at it now, I've realized who my real friends are. Ayoko na rin mag-waste ng efforts sa mga superficial friends. You don't have to see each other often - sabe nga natin kahit sa pagiging parents - it isn't about the quantity, but the quality that matters most. As long as you try and be sincere, ok lang yan.

And of course - andito ang SP mommies. Kung ka-kwentuhan at "shock absorber" ang kailangan mo - andito lang kami 24/7. :D
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: mommy_tl on December 22, 2011, 03:13:46 pm
i also feel the same..sa office kasi i mange a small team.. pero yun yung tingin nila saken, their boss.. ang hirap2x kasi even if you are trying to open up to them parang wala lang..and sa group namin, ako lang ang mommy..yung mga friends ko nasa night shift sila..ako lang yung nalipat sa dayshift..and they dont invite me out na kasi aside sa iba yung time, they would assume na hindi na ako sasama coz of my baby.. :'( we have a group, my husband's teammates na pumupunta sa bahay during Saturdays pero hanggang dun lang pla yun..when i try to ask for help, ala nmang pumapansin sau..  :'(
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: ♥♥♥mommyangel♥♥♥ on December 22, 2011, 06:23:52 pm
yup sis, SP moms are here for you.  :)

siguro sa phase ng pag nagkababy ka na talaga, since iba na priorities mo, mababago talaga ang relationship mo sa mga friends mo. with me naman, nagsawa na din silang ayain ako. tama din ng sinabi nila dito, since may FB na, ang bilis mo talaga ma update ng mga lakad nila, tapos di ka kasama. dun sa part na yun medyo nahirapan talaga ko. pero it helped me in some point, nakilala ko talaga ang mga tunay na kaibigan ko, hindi lang sa salita, kahit na hindi madalas magkita basta kaibigan pa din sayo, na naintindihan ka since iba na ang situation. di na rin ako naghihintay na ayain o kahit di nila ako ayain ok na din sakin. mas gusto ko namang konti lang friends ko pero masasabi ko na totoo sakin.

open your heart to other people din. minsan sa sobrang attached natin sa mga dating tao sa buhay natin, ang hirap na ulit makisama. but malalaman mo din yan sa sarili mo kung ready ka na. with me kasi, nung naging ready na ko, yung mga true friends ko, naintindihan ako and naging ok kami ulit. with some, hindi na talaga naayos.

cheer up sis! ang dami namin dito sa SP.  :)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: Lhani on December 23, 2011, 12:43:16 am

@babyblair - Wow. That's so nice to hear.
Thanks you so much sis.I am looking forward to get to know you more.
Maybe we can chat sometime.

@Lhani - True, Ganyan nga yung feeling..Same sentiment. Minsan, ini-enjoy ko nalang yung company

of those people na gsto akong kasama...You're lucky that you have your husband.
Ako, single parent.. I have FB friends, pero they're like a living ghost nga...

Sana multuhin naman nila ako minsan...
_____________________________________________________________________

Tama ka jan sis..ok naman sila naguusap kami nagbibiruan pero parang ang sakit lang ng feeling na akala mo kasama ka na sa circle of friends nila pero hindi pala..:(
Like yesterday they planned mag out of town hindi man lang ako niyaya sumama then yung ibang bagong friends nila kasama siguro kasi lahat sila mga single pa at ako lang ang may baby....hehe (para akong bata..selosa)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: Lhani on December 23, 2011, 01:01:10 am
@sis two-time single mom im not closing my heart naman kaya lang yung mga friends ko na tinuturing sa ngayon dont feel the same way for me..im just one of thier colleagues kasi malakas ako magjokes sa work pag medyo bred na lahat..Parang nakakalungkot lang na nakikita ko silang masaya with the company of each other and gusto kong sumali sa company nila na un pero hanggang friend lang ako na pang katuwaan at biruan lang.. :(

Parang ang drama ko na.. ;D :-[ (senti mode..)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: buuurp on December 23, 2011, 02:42:02 am
ako nga kakainis kapag magiinvite ako ng labas wala nagrereply, pero kapag sila tapos di ako makasama sobrang tampo, kapag sumama naman ako OP naman. tapos ginawa ko pa sila godparents ni baby, nagtataguan naman ngayon pasko. :( di naman ako nanghihingi gift, pero yung sana mageffort dumalaw, willing naman ako magorganize ng handaan or party. :( huhuhu.
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: ilove323 on December 23, 2011, 03:16:45 am
ang cute naman ng thread na to...dont we all feel the same...here's my situation naman on the friendship aisle

1. I have lots of friends, barkda even those childhood friends who live stones throw away from the house pero lagi sila absent
2. Pag sila naman present ako absent
3. its always about them..theyre never ending ups and downs and I have no problems listening to them its just that sometimes I want to vent out too..kaso they cant relate...or even if they can parang they cant really offer any unique solution to my problems
4. mas magastos sila than sakin I can only spend much so literally I have to adjust and pick which gimmik I can join or not

are we on the same boat? anyone from the south? maybe we can get together for coffee or chitchat  I may just have to add new meaningful people in my life... :D
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: Mommy France on December 23, 2011, 03:03:31 pm
OT:  ^^ Southern Belle here.. Nag-organize kami dati kaso alam mo naman kapag mommies... maraming changes sa sched.

Dito tayo usap sa kabilang thread sis...
http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,32094.150.html
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: two_angels'_mom on December 23, 2011, 07:24:11 pm
@sis two-time single mom im not closing my heart naman kaya lang yung mga friends ko na tinuturing sa ngayon dont feel the same way for me..im just one of thier colleagues kasi malakas ako magjokes sa work pag medyo bred na lahat..Parang nakakalungkot lang na nakikita ko silang masaya with the company of each other and gusto kong sumali sa company nila na un pero hanggang friend lang ako na pang katuwaan at biruan lang.. :(

Parang ang drama ko na.. ;D :-[ (senti mode..)
ok lang magdrama sis :).. kakalungkot naman talaga pag feeling mo friend mo sila tapos kaw hindi naman pala ganun for them..atleast u know now hindi sila for true friend material..kasi true friends will be there for you in sad and happy times..and will welcome u all the time ng hindi mo kailangan ma-op pag kasama mo sila ;)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: aish_teru on December 26, 2011, 12:00:00 am
 we're on the same boat wala din ako matatawag na tunay na friends. siguro nasanay na din ako palaging mag-isa parang okay lang sa akin pero minsan  sad ako kasi pag may problem ako regarding sa hubby/ or kwento tungkol sa baby di ko ma-share sa iba lagi kasi  sa bahay lang ...  :'(
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: mommycheska on December 26, 2011, 05:31:09 am
I belong... ever since I started my own family... iba na ang priorities ko. Iba na rin ang life styles nila from mine.

Mahirap lang when you have major problems and your friends will be there to listen pero they can't relate and won't be able to give you applicable advice.

Madalas hindi na rin ako invited because palagi na akong hindi nakakasama because I have kids to take care plus I can't spend the same way, as my single friends.
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: working_girl88 on December 26, 2011, 07:34:31 pm
i felt the same thing when my family kicked me out from our house.. ouch! :'( :'( that was april last year. i was homeless.. i never bothered asking for help from my friends kasi my boyfriend (my hubby now) offered their place for me to stay. after a year in their house, me and my MIL had an argument, so i left. respect na din sa kanya. i asked help from my friends, they never responded. i found out na lang na galit pala sila saken because of my decision. i didnt communicate kasi sa kanila the entire time na nakatira ako sa house ng hubby ko. ayoko lang na kung ano ano ang sabihin nila saken.. that time i felt so alone. homeless na nga, friendless pa. ang saklap.  :'( no one to share my feelings and thoughts. worst case: i stayed in a boarding house near hubby's house para lang may matirahan ako, and ang alam ng family ni hubby break na kami, pero hindi pa kaya laging tumatakas si hubby para puntahan ako. i met some friends sa boarding house pero hangang dun lang. parang kakilala lang din.. ayun.. now, im staying with hubby with our baby here sa apartment. i texted my friends again, and ayun ok naman na. we're good again but not like before. ok na din. kesa friendless ulit.  ;D kaya sobrang babad ako dito sa SP, para kahit hindi ko mashare sa mga friends ko ang feelings and thoughts ko, alam kong may magbabasa ng post ko. hehe! ayan. thank you sa nagbasa ng story ko..  :-*
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: Lhani on December 27, 2011, 12:02:26 am
i felt the same thing when my family kicked me out from our house.. ouch! :'( :'( that was april last year. i was homeless.. i never bothered asking for help from my friends kasi my boyfriend (my hubby now) offered their place for me to stay. after a year in their house, me and my MIL had an argument, so i left. respect na din sa kanya. i asked help from my friends, they never responded. i found out na lang na galit pala sila saken because of my decision. i didnt communicate kasi sa kanila the entire time na nakatira ako sa house ng hubby ko. ayoko lang na kung ano ano ang sabihin nila saken.. that time i felt so alone. homeless na nga, friendless pa. ang saklap.  :'( no one to share my feelings and thoughts. worst case: i stayed in a boarding house near hubby's house para lang may matirahan ako, and ang alam ng family ni hubby break na kami, pero hindi pa kaya laging tumatakas si hubby para puntahan ako. i met some friends sa boarding house pero hangang dun lang. parang kakilala lang din.. ayun.. now, im staying with hubby with our baby here sa apartment. i texted my friends again, and ayun ok naman na. we're good again but not like before. ok na din. kesa friendless ulit.  ;D kaya sobrang babad ako dito sa SP, para kahit hindi ko mashare sa mga friends ko ang feelings and thoughts ko, alam kong may magbabasa ng post ko. hehe! ayan. thank you sa nagbasa ng story ko..  :-*
_________________________________________________________________________________________________________________

Hi sis nakakarelate ako sa feelings mo sad lang talaga noh..Ask ko lang ngayon ba ok na kayo ng family mo?? Try to be in touch with them ulit lalo na ngayon na xmas na.Im sure magiging ok na kayo lalo pag nakita nila ang baby mo..Dont worry you can count on me..I am now one of your friend..

Nwy taga saan ka pala? kasi you look familiar..
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: working_girl88 on December 27, 2011, 09:39:17 am
^ sis our family lives in fairview qc, sa feu ako nag aral, pakalat kalat ako sa morayta dati. tapos sa las pinas naman ako nagstay with hubby and his family before, and now dito ako sa proj 4 nakatira sis. hehe! pakalat kalat din ako sa cubao bago ako manganak.  ;D
hindi pa din alam ng parents ko about baby and kung asan ako ngayon, pero my sister went here last saturday. ok naman, gusto na daw nila akong umuwi. nadiagnose kasi na may cancer ang mom ko.  :'( :'( matagal ko na gustong umuwi pero baka ireject nila ko. hay..

thank you sis lhani.. so much appreciated.  :)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: babyblair on December 27, 2011, 10:53:38 pm
trinity_ata - hi sis, i've read your story.
sisterly advice here, go to your house, show them your baby, ireject ka nila o hindi, it's up to them. basta ikaw you tried. Cancer is not something to be taken lightly.

do it for your baby to motivate you more, im very sure she wants to hug his/her lola and lolo. ;)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: Lhani on December 27, 2011, 11:53:28 pm
^ sis our family lives in fairview qc, sa feu ako nag aral, pakalat kalat ako sa morayta dati. tapos sa las pinas naman ako nagstay with hubby and his family before, and now dito ako sa proj 4 nakatira sis. hehe! pakalat kalat din ako sa cubao bago ako manganak.  ;D
hindi pa din alam ng parents ko about baby and kung asan ako ngayon, pero my sister went here last saturday. ok naman, gusto na daw nila akong umuwi. nadiagnose kasi na may cancer ang mom ko.  :'( :'( matagal ko na gustong umuwi pero baka ireject nila ko. hay..

thank you sis lhani.. so much appreciated.  :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ahh ganon ba..about sa condition ng mom mo ngayon mas kailangan ka niya,,im sure she'll forgive you lalo na may apo na sya,huwag mo sayangin yung time na pwede pa kayong magkasama ng mom mo,,just admit your fault and say sorry malalambot ang mga puso ng ina..Remember isa ka na ring ina ngayon..Mas kailangan ka niya sa tabi niya at wag mo ipagdamot na makita niya ang apo niya..Alam mo sis my mothr died in cervical cancer i was just 13 years old at that time pero hanggang ngayon namimis ko pa rin ang mama ko at hinahanap-hanap ko pa rin sya..Love your mom..
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: mamacharis on December 28, 2011, 12:36:53 am
OT sa totoo lang maswerte talaga tayo at may SP dahil kung wala hay naku baka nasira na ang ulo ko.

parang ganyan din ako pero not totally. meron kasi akong tinuturing na super close friend kahit na hindi kami lagi nagkakasama kasi introvert ako at extrovert siya pero in case of emergency, problems etc pupunta yun kahit anong mangyari pero syempre iba pa din pag madami friends maraming kadamay.

salamat na lang at nakilala ko ang SP MomS na naggagandahan at matatalino. dito pa lang solved na ko. naks! **group hug** (tapos outcast pala ako sa sp noh? joke!) :-*
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: working_girl88 on December 28, 2011, 11:30:55 am
sis babyblair and sis lhani: thank you so much..  :D

kwento ko lang mga sis. yesterday my youngest sister called me, she told me that my family knows about me and baby already. parang nabunutan ako ng tinik. so relieved because i thought they still have some anger in their hearts but according to my sister, wala na daw talaga. nung pumunta sya dito sa bahay namin, i told her that we're doing our own laundry every week, sometimes nag papalaundry na lang kami pag tinatamad, pero most of the time kami talaga ni hubby naglalaba. :o nagulat ako na sinabi ng sister ko na nakaready na yung spare washing machine namin sa bahay if ever daw gusto kong kunin. pati daw yung extra aircon at ref. haha! nilinis na daw ng tatay ko. i was really shocked kasi my father was the one who kicked me out but then he still did those things for me. i was a bit teary eyed when i found that out.  :'( and eto pa, my family really loves babies, its our weakness. my mommy will buy things esp clothes for my baby daw, i think later. she's so excited daw to buy baby stuffs, and see baby. hay...... i really plan to go home after giving birth but i just dont know how to start explaining everything. until nga na malaman ko na may cancer si mommy kaya i really have to go home ASAP. i know this is out of the topic pero i wanna share this to you mga sis.. i dont know how to let my happiness out kaya dito na lang.. hehe!!!
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: two_angels'_mom on December 28, 2011, 02:27:04 pm
^sis sori to hear bout ur mom..well, alam mo talagang ganyan sa bandang huli family mo pa din talaga ang matatakbuhan mo..u may lose all ur friends pero yung family mo kahit ano pa mangyari they will always be there for you..kaya wag mo na patagalin sis uwi ka na ;)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: working_girl88 on December 28, 2011, 04:46:16 pm
^yes sis. i told my sister na that i'll go home on the 31st to celebrate new year with them.. thank you.. :)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: two_angels'_mom on December 28, 2011, 05:07:00 pm
thats good to hear sis new year new life..goodluck!
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: toughmom moderator on May 30, 2012, 09:36:23 am
Lonely women who don’t have friends or are socially maladjusted that they are likely to derive their satisfaction from their children. “In the process, they over constrict and overprotect. You have no friends so you turn your three-, four-, five-, or six-year-old into an adult.”

Are You A Gatekeeper Mom?
(http://www.smartparenting.com.ph/images/site-alpha/articles/overprotective.jpg)

http://www.smartparenting.com.ph/home-living/homebase/are-you-a-gatekeeper-mom/page/1
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: abz22 on May 30, 2012, 09:48:06 am
Wow.. i find you all sweet sissies..  :D The first reason why I joined SP is because i felt very accepted.. nasabi ko na sa ibang thread na i had the most of all kinds of rejection in my first pregnancy.. Now that i have the 2nd unplanned (but very much accepted), the Lord used SP to make me feel that I am not alone.. kaya, if you need a friend, count me as one too!!  ;D
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: KVsmommy on May 30, 2012, 12:03:08 pm
Malungkot man pero madalas ganito din ang feeling ko... :(

I have friends naman, pero wala akong nung masasabi mong best friend. Yung tipong makakausap mo regularly about everything and anything under the sun. Yung tipong puede mong yayain anytime ng 'halika kape tayo. chikahan mode lang'. I have my college barkada pero we rarely see each other, siempre may kanya-kanya nang careers at buhay. I have friends naman from my previous work, pero since hindi na ko nagwowork dun, minsan na lang din kami magkita-kita...

Simula nung mag-work ako from home, para kong nawalan ng kaibigan, I feel so out-of-touch with the 'outside world'. Ang lungkot lang. Gusto ko din magkaron ng bestfriend, yung tipong pag na-tegi ako merong isang taong alam kong iiyakan ako ng bongga maliban sa pamilya ko. Pag iniisip ko kasi ngayon, parang wala namang ganun. Hehe. Morbid lang.

Pero kidding aside... iniisip ko nga minsan, masama ba kong tao? boring ba ko? pangit ba ang ugali ko? or masyado lang akong 'closed' at limited ang mundo ko sa pamilya kaya ganito? Di kasi talaga ako ma-bokang tao. Hindi ako yung tipong friendly, hindi naman suplada, maingat lang. :) Like sa office before, ingat ako kasi I super hate chismis, and gusto ko positive ang surroundings ko palagi.... So ok na sa kin yung may ka-batian ako, pero yung talagang super ka-close sa opisina, bilang ko lang sa kamay ko.

Promise, there are really times na naaawa ako sa sarili ko dahil sa dami ng tao sa mundo, wala man lang akong matawag na best friend. I want to call my hubby my best friend, because in essence, he is, pero siempre iba pa din yung girl na bestfriend. :)

Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: kissablesam on May 30, 2012, 12:49:36 pm
joining :)

akala ko dati, ako lang nakakaramdam ng ganito. salamat at may kasama ako sa bangka :)

i posted once a thread here about loosing my bestfriend -- http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,41071.msg431917.html#msg431917

palakaibigan ako eh, sa mga kinaibigan ko talaga. I gave my all. elementary to college name it.. pero nun nagbubuntis ako last year, no one was with me. not even my bestfriend whom my mom invited to come visit me to the clinic where i gave birth. pero wala na yun, its all in the past now. kahit wala akong real friends, i have my family.  Salamat sa SP at kahit wala akong "human" friends at least dito. I feel welcomed and accepted :) dito I really belong  ;)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: ea_brea on June 01, 2012, 10:43:35 am
akala ko din ako lang nakakaramdam nito. hehe

ako kasi unang nagka-baby sa min sa barakada, so i guess can't relate sila. naramdaman ko to lalo na nung 1st few years after ko manganak. may mga dumalaw naman nung nanganak ako, and i'm grateful for that. pero after nun parang nagdrift friends ko. hindi ko alam kung sadyang busy lang sila or wala lang. ngayon pinipilit nila ako mag-FB para updated daw ako, e ayoko naman. hello, sa FB lang ba pwede magchikahan? naiinis ako pag sinasabi nila yun.

well at least close kami ng officemates ko dito sa work ko. na-miss ko lang yung high school barkada ko.
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: Katdenjes on June 01, 2012, 11:48:48 am
Same here ganyan din ang feeling ko simula nung nag asawa ako at nagkaanak 2 yrs ago parang wala n ako masasabing best friend o yung close mo talaga.
Kasi nga naman napakalayo ng place ng husband ko,  cavite from novaliches eh halos lahat ng relatives ko at friends nandun. Nung nasa abroad na ang husband  i feel so depressed lalo n pinagbbuntis ko panaganay namin although very supportive mga inlaws ko iba parin yung may nakakausap ka na alam mong pwede mo pagkatiwalaan.
Kaya laking tulong ng SP site sken maraming kang makikilala at mag eenjoy k dahil marami ka din matutunan dito.
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: Angela Zhane on July 03, 2012, 04:39:38 pm
Na-sad naman ako sa thread na 'to. Made me wonder about my friends i gained and loss along the way. I have friends pero some of them drifted away. Maybe because hindi na 'ko naging active sa social networking site to keep in touch. Ex-abroad po kasi ako. I get to see their status but yung sakin forever offline. Until now, clueless pa siguro sila what happened to me at hindi na 'ko nakapagparamdam. Its hard on my part magkwento all-over again on something na masakit ng balikan. Kaya ayun, wala na ring nag-reached out to know why. Simula ng magka-baby ako and be a single mom, family ko na lang masasabi kong kaibigan. But i was grateful, sa two college friends ko who helped me up nung times na natakot ako na itakwil ng family ko because i was pregnant.

Bukod sa kanila, a long time friend and a colleague sa work ko before whom i looked up to as a big sister ang masasabi kong closest to my heart because sila lang napagtitiwalaan ko sa setbacks ko sa buhay.

I'm not really good at keeping in touch, kaya siguro some of them nangawala na. Masasabi kong may pagkukulang din ako kaya naputol yung communication lines. Basta alam ko yung nangyayari sa kanila hindi na baleng hindi nila alam ang nangyayari sakin. Weird ko 'noh? Oh well, kanya-kanya naman talaga tayo ng eccentricities kaya pagbigyan nyo na 'ko mga sis.

Pasalamat na lang talaga ako sa SP site at maraming mga moms/dads ang nakakapulutan ko ng aral at naituring ko na ring mga kaibigan hindi ko naman nakakasama. :)

Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: ❤Xian&Mam ❤ on August 04, 2012, 04:51:37 am
http://www.facebook.com/groups/128907767184034/permalink/220926087982201/

OT:waaahhh my SP group pala bat ngayon ko lang nalaman iteyyyy,hihi :P
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: Mommy France on August 04, 2012, 09:36:56 pm
OT nga: ^^ Yes sis may SP group sa FB. :D
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: jealousygirl on September 13, 2012, 06:52:56 pm
feeling ko pasok ako  here.. hayss.. i do have a big circle of friends before, but then i dont know kung asan na sila now. or maybe pare parehong busy sa kanya kanyang pamilya..


na mi miss ko na rin ang lumabas with my friends.   :'(
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: KVsmommy on September 14, 2012, 12:54:14 am
I always feel this way. :(

Awkward wallflower, parang laging left out. Maybe others just don't find me interesting. :( Oh well. Life.
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: NanaylovesAJ on September 14, 2012, 09:22:40 am
Hi

OT: Ive already views the SP moms sa FB.. need ba yun i approve pa ng admin? after i clicked the "join group" dko pa din maaccess

Same here moms.. i have a group of friends in HighSchool and another one in college.. sa FB lang kami nagkikita d din kami nagkakausap usap dhil busy n din.. me mga times na d mo mailabas yung mga sama ng loob mo.. minsan i wrote it sa isang papel para lang talaga marelease mo.. after nun susunugin mo or isshred.. nkkagaan kahit konti..

and meron ako isang pinagsasabihan.. dati ciang parish priest namin.. a very loved one.. sobrang lungkot namin nung umalis cia to migrate to US.. kahit d niya ako msyado close.. familiar ako sa kanya.. ive been sending messages sa kanya parang confession ba ang dating.. and im very much thankful kc nagrereply cia.. and lagi niya sinasabi na "prayers lang ng pray" and isasama din niya ako sa prayers niya..

thanks
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: kissablesam on September 14, 2012, 04:24:05 pm
^^oh well, thats why we have SP ayt mommies? no matter what happens, we can vent/whine/share/cry & laugh here. so for us to not feel this way, stop forcing others or our friends to like us. let alone, we have our family. although its sad and frustrating at times. when the world is on your weight and you cant cry your heart out to anybody. andian si god mga sissies. so if you feel like your in this batteship alone. smile, because. hindi kayo nagiisa, mas madami padin sa atin at mas malaki at malungkot. do what you think can comfort you instead of grudging over the facts, malalagpasan din natin yung ganitong feeling :)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: ❤Xian&Mam ❤ on September 16, 2012, 12:19:59 am
habang andito kami sa middle east ramdam na ramdam ko talaga to
tagos hanggang buto :'(
kasi naman SAHM ako at at paglumalabas naman... kami lang din tatlo hubby,baby,ako
may mga pinsan naman si hubby dito puro naman boys.saka dito sana yung wife ni BIL di naman kasi close :P
ayun tiis nalang talaga puro FB lang ako   :(
sana nextyir magpapaiwan na baby para pwede na sya mag-iskul para naman
may makakalaro at makakausap na syang ibang bata.kasi nakakaawa din yung
puro iPad nalang sya :(
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: mamazehj on September 16, 2012, 10:58:09 pm
hi mommies!
ganyan din feeling ko nun nag-asawa at nagka-baby na ko. Di na rin kasi ako nakakasama sa mga gala ng highschool & college friends. Nun una iniinvite naman nila ako kaso di talaga pwede need unahin si baby kaya yun nun mga sunod na happenings na di na invited. Ngayon nagtetext naman sila pero di na tulad ng dati, madalang na..Mga single pa din kasi yun iba kaya anytime pwede sila gumala.

nakakamiss gumala kasama sila, kahit simpleng kwentuhan nga lang kasama sila. Dito kasi samin halos mga kalaro ng anak ko kasama ko kasi bantay ako palagi sa kanya. Yun mga kapitbahay naman malaki age gap namin kaya iba-iba interest

Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: leegirl on September 16, 2012, 11:38:28 pm
Ganito din nararamdaman ko ngayon.. :( stay att home mom kasi ako, lahat ng friends busy with their lives. pero ok lang kasi naaliw naman ako sa forum na to. Nagbaback read ng mga posts.
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: kiz_me1109 on October 16, 2012, 07:49:50 am
It's ok to feel that way sis. =) Pero huwag ka masyado paapekto kasi nakakastress din yan. Just always bear in mind that there are still a lot of good things in life to be thankful. Ako, I don't have a bestfriend din. I guess hindi naman lahat ng tao may bestfriend e. I don't have a Barkada I call my own. Dati nung HS and college meron. Pero since nag work ako and ibat ibang tao na ang nakikilala ko, parang come and go na sila sa buhay ko. Dati, nahu hurt ako. Pero eversince I have my own family, iniisip ko nalang na I am still blessed because I have a loving husband, a cute son and super supportive parents and siblings. =) And sila forever sila sa buhay ko. They will love me unconditionally. Yung love na hindi kayang ibigay ng kahit na sinong best friend pa. =) \

And If you need a friend, andito lang naman kami. =)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: preciouslara on October 16, 2012, 09:07:02 pm
super relate naman ako dito mga sis,pero meron naman akong 2 treasured frends na kahit hindi kami mgkita eh we know for a fact na nandito lang kami for one another and meron kaming rule,bawal mangutang!haha.we make effort para mgkita kahit special occasions lang...my mom used to tell me bago ako manganak,sino kukunin mong ninong at ninang eh wala ka naman kaibigan...hehe..isa yun sa mga negative side pero madami din positive side like mas nakakatipid ka pag onti lang friends mo lalo pag may occasion kasi onti lang iimbitahin mo and reregaluhan mo...:)ok lang na onti lang friends mo as long na they are your real friends kaysa yung marami nga pero puro fake naman...
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: super_momy on October 16, 2012, 11:16:58 pm
ako din po..yan na din ang feeling ko ngayon after graduation naging busy na nag lahat sa pag wowork at may kanya kanya ng pamilya mga friends ko, tapus from manila kung saan kame lumaki nalipat sa province at nagka pamilya, wala na inatupag kung hindi mag asikaso sa mga dahil si hubby naman OFW :(.....kung may occassion hirap din lumuwas bit bit mga bata kasi nga malayo byahe......hindi din naman ako mahilig lumabas dito kasi yung mga kapitbahay naman namin puro may edad na...hihi...kaya eto tutok lang lagi sa computer kaya natagpuan ko ang SP....pwede mag tanung, hingi ng advice bilis din naman sumagot ng mga mommies dito eh,,kaya atted ako ng SP EB para mameet ko mga mommy and have a new friend. :) :) :) :)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: leegirl on November 22, 2012, 09:58:40 pm
Ganito na yata talaga pag may anak na. Malungkot kasi nasa bahay lang kahit kasama si baby pero iba pa din yung meron kang nakakasalamuhang ibang tao. Wala talaga akong social life ngayon.
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: kissablesam on November 23, 2012, 08:53:53 am
^May park ba sa inyo sis? try mo pumunta dun with your baby at least kahit papano kung me makikita ka mang mother and child you get to socialize :)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: sangolko on November 23, 2012, 09:33:25 am
Emote mode naman ako kase hindi pala ako nagiisa, belong ako sa group na ito. Wala na  yung 3 friends ko since nag-abroad ako till bumalik ng pinas hindi na ganun kasarap samahan namin. Hanggang nag-asawa ako at sila din lalo nawalan ng communication kahit pa sabihin na my FB at cellphone. Ganun pala pag may kanya kanya na pamilya, nawawalan ng time sa kaibigan or let say nawawalan ng social life :( madalas sabihin ng hubby ko dati "invite mo mga friends m" pero sino invite ko eh yung iba nasa abroad na at my sariling pamilya tapos yung pinakabest ko my asawa na din at busy sa work. Hay nakaklungkot kase miss ko sila, smile na lang ako pag reminisce ng masasayang araw namin together. Ngayon wala na ako masasabi na bestfriends or even friends lalo na ngayon resign na ako sa work at SAHM. Minsan tumatawag ako sa dati ko office para makipagkwntuhan pero busy naman sila :( kaya kami na lang ng baby ko (4 mos) magkasama, then super excited sa hapon kase darating si hubby from work my makakausap ako. Masaya na malungkot talaga pag Sahm tapos wala pa friends :( feeling ko nagiisa ako, minsan din lang may magtxt wrong send lang pala. Waaaahhhhhh wala ako friends huhuhu
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: little lantern on November 23, 2012, 08:57:30 pm
Hi po, pwede bang makisali? Kasi sa totoo lang kala ko ako lang may ganyang feeling. May mga kaibigan naman ako yung mga college friends ko tapos may best friend ako nung college pero hindi na din kami nakakapag-usap kahit ka-fb ko pa sya and yung best friend kuno ko nung HS ayun pag may kelangan lang tsaka ako tinetext. Ganyan din yung mga naranasan ko yun tipong colleague ka lang pala nila kahit na ikaw halos ituring mo sila sa higit sa katrabaho lang. Sept 2010 nung na-hire ako sa isang sikat na derma and surgical clinic at ayun dahil din sa halos showbiz ang clients namin pati mga empleyado dun ma-showbiz. One year lang nung nakapag work ako dun kasi nung Aug 2011 na nalaman kong buntis ako at since first baby at matagal din naming hinintay ng asawa ko napagpasyahan kong mag-resign na lang dahil malayo ang byahe ko. kala ko naman kahit na nawala na ako dun yung mga tinuring kong kaibigan talaga eh hindi na din ako kinukumusta at minsan nga pag naka-ol sa fb at chinat ko dedmakels lang yung iba biglang nagla-log off kaya di ko alam kung nagkataon lang or ganun talaga. Kaya minsan inisip ko na i-unfriend na lang sila. Sabi ng asawa ko sensitive lang daw ako kaya ganun feeling ko. Hanggang nagpabinyag ako last oct at tatlo sa kanila ang kinuha kong ninang tapos hindi naman pumunta at yung isa never naman syang nagtxt saken kahit nagttxt ako sa kanya. Kaya tuloy napagalitan pa ako ng mama ko kasi bat ko pa daw sila kinuha eh nakatrabaho ko lang naman daw sila. kaya eto ang buhay ko dito lang sa bahay wala din akong maka-usap. Nakaka miss din kasi yung feeling na tulad nung HS at college na may masasabi ka talagang best friend. Kaya dito na lang sa SP ako nagbabasa-basa pag may time mag-ol.
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: little lantern on November 23, 2012, 09:32:08 pm
@sis sangolko... Sis, halos same lang pala tayo ng sitwasyon. Yung baby ko naman is 6mos, dito kami nakatira sa bahay ng parents ko kasi dalawa lang kami magkapatid tapos mama na lang yung meron kami namatay na kasi yung daddy ko 6yrs ago. Yung asawa ko naman gy shift kaya pag weekdays ayun kami lang ni baby sa kwarto. Nakakainis nga kasi yung celfone ko parang wala nag kwenta kasi wala naman nag-tetext. Pag tumunog yung cel ko magmamadali pa ako yun pala mga ahente lang ng condo o kaya naman yung salary loan. Ahaha.. Nakaka-lurky. :)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: annamariemomof3 on November 29, 2012, 08:49:35 am
Hindi Lang pala ako nag Iisa sa ganitong feeling. I was still in college kasi when I got married and had a child so Iba na Talaga priorities ko. Hurt ako ka pag Hindi man Lang nila ako inaaya pag lalabas sila. Hindi na rin ako in touch with my hs or college friends ngayon. I'm currently a SAHM so no contact with others talaga. Palipat lipat din kami ng bahay so no time to make real connections talaga. I'm just hoping na once we have settled in a place of our own at Medyo malaki na kids may makikilala rin ako even a single friend that I can share my life with
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: sangolko on November 29, 2012, 02:06:18 pm
@ little lantern & annamariemomof3 - buti na lang my SP noh atleast meron tayo pagkaabalahan aside from hh chores. Nakakabagot sa house lalo na kung sanay ka magwork.  Kundi nga lang tagal din namin wait na magkababy hindi sana ako resign sa work tulad m sis little lantern. Anyway masaya naman ako kc super worth naman magalaga ng baby, everyday my bagong development na hindi ko alam if iiyak or tatawa ako sa tuwa. Sis little lantern pm m sa akim number m at mgtxt tayo hehe
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: oyie on November 29, 2012, 04:37:13 pm
minsan ganito din feeling ko...nakakasad din  :'(

meron akong barkada nung college na i hoped for life ko na mga kaibigan.
never ako nagkaboyfriend bukod sa asawa ko, and most of my friends din mga NBSB. kaya magkakasundo talaga kami sa lovelife. after graduation tapos nagkawork, ok pa din kaming lahat. until i met my husband, na naging boyfriend ko lang for 4 months. excited akong ipakilala sa kanila, and madalas ko din ikwento. then i got pregnant, had a miscarriage, pero andyan pa rin yung boyfriend ko (my hubby now). i told my friends about it, and they had their own opinions. hindi na naging maganda yung impression nila sa boyfriend ko. medyo masasakit na salita yung natanggap ko and i felt judged kaya i lost them after that.

i married my husband, wala akong barkada sa wedding, puro family, and family friends, and side ng husband ko. feeling ko since then, hirap na ko mag-open sa mga tao, except my husband, of course, siya na talaga yung naging barkada ko. ok naman ako sa mga ka-office mates ko pero hindi na talaga ko masyadong nag-oopen ng personal issues, ganun. sa mga forums lang din ako nakakapag-open pero may fear pa rin ako na majudge wrongly.

parang i'm a different person na ever since, laging may takot na baka husgahan.

and my college barkada, we reconnected a few years back. we talked na rin na forgive and forget na lang what happened. pero ako, hirap pa rin talaga ko ibalik yun dati. i go to our reunions, papakita, catch up, pero i don't open up kahit ano, at all, parang ibang tao ako. pero in a way gusto ko pa rin makibalita sa kanila, after all, marami talaga kaming pinagsamahan. pero i hate to say, i don't trust their judgement anymore. nakilala na rin nila yung husband and kids ko, i've proven to them na i've married a good guy.

feeling ko may mali din sa kin, kasi hindi na talaga mawala yun takot, yung hindi nag-oopen, takot humingi ng opinions, i was not that person before. pero ngaun i'm just myself to my husband. even to my family medyo reserved ako. and naiingit din ako na yung mga barkada ko ok pa rin sila sa isa't isa, ako lang talaga yung medyo malayo.  :'(
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: ❤Xian&Mam ❤ on December 02, 2012, 05:44:15 pm
. Nakakainis nga kasi yung celfone ko parang wala nag kwenta kasi wala naman nag-tetext.

Hehe....pareho tayo sis.hahaha...
kaya kapag-toktoktok yung tunog na cp ko diko na pinapansin kasi alam ko taga network lang at kung ano-anong promo lang mababasa ko,napapagod pa ako magbura...hehe
kaya medyo advantage narin kasi di na ko mahilig kahit gano pa kaganda ang mga CP ngayon.
ok na ako sa e71 kahit  4yirs na to parang mukang bago parin di nagagamit eh :P
basta wag lang laptop ko ang wala...!
nakakmiz  talaga yung may lagi ka kabiruan,makakwentuhan ng mga kalokohan..alam mo yung kung ano ano lang mapagkwentuhan,kung san-san lang aabot tapos tapos tawanan kayo...haayyy..namiz ko talaga yung buhay na ganun :( pero naiintihan ko nalang din kasi si hubby ganun din naman eh..wala rin barkada...kaya sa minuminuto ginagawa ng dyos kami lang din laging tatlo ng anak niya nagkakasama.
minsan lang talaga naghahanap ako ng moment na masasabing mong...Hey..back off mheeennn....it's a girl thang,ya know! ;D hehe
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: annamariemomof3 on January 14, 2013, 06:53:10 am
madalas sabihin ng hubby ko dati "invite mo mga friends m" pero sino invite ko eh yung iba nasa abroad na at my sariling pamilya tapos yung pinakabest ko my asawa na din at busy sa work. ...Ngayon wala na ako masasabi na bestfriends or even friends lalo na ngayon resign na ako sa work at SAHM. Minsan tumatawag ako sa dati ko office para makipagkwntuhan pero busy naman sila

Minsan Talaga parang nakakabaliw wala kangkong makausap na adult. Hubby ko pa naman weekend Lang umuuwi. I'm really a loner by nature pero kakaloka pala if you re isolated for too long. Waaaaah Sobrang kasi na ko.
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: Kittymeow on April 22, 2013, 09:45:30 am
Wala rin akong matatawag na “real friends” lalo na “bestfriend”,meron man baka asawa ko lang.wala akong social life kundi sa facebook,noon kahit wala pa ko baby hindi naman ako pinapayagan ni hubby na lumabas to meet my former officemates,colleagues..kaya sa facebook wala rin akong kausap,di ko na try may magyaya sakin mag starbucks hehe :D diba may fb friends ka,mga nag reunion sa starbucks! Lahat ng problema dumaan sa akin mag isa kong hinaharap,masaktan ako,iiyak ako mag isa.asawa ko kaaway ko,siya lang rin makakausap ko.kahit relatives ko wala.atleast yan ang totoong matapang diba? :) sanay na mag isa,di kailangan ng kakampi.dati na ko ganyan,walang barkada,ewan ko ba,buti may ganitong website saka sa kabilang website rin hehe,meron ako mataawag na virtual friends,atleast dito mas totoo pa nga mag advice mga tao ;D
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: chesa on April 23, 2013, 01:51:06 pm
I have friends naman and best friends pero same situation na bihira nang nagkitakita since me kanya kanya na din silang family and most of them nasa abroad or malayo na. So nakaka-sad pa din.

Pero what I do is to continually seek friendship. Di naman ako napapagod na mag initiate ng meet up or kahit na anong pedeng gawin like coffee lang. Dun ka nat-test kung sino yung interested na maging close friend ko talaga hindi yung acquaintance lang. Then di ko na inaaya yung mga di naman interesado and I stick to those who are willing na lang. So ok naman. Mahirap din kaseng si hubby lang ang friend since me sarili din shang set of friends and me times na me lakad din shang sila lang. So gumagawa din ako ng lakad ko with my available friends.  :D

Sometimes naman yung lagi kong kasama sa carpool, nakaka-kwentuhan ko. And since lagi ko silang nakakasabay nadidiscover namin yng mga likes and life ng isa't isa. then dun na nag-s-start na magka-ayaan mag coffee or dinner. Usually food naman ang common denominator natin eh. hehe.

Wag lang kayong mapagod to make new friends mga sisses. If ever man merong di naman kayo tinuturing na friend, eh di look for another friend. Madami dyan gusto din ng friend, nahihiya lang mag initiate.  :D
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: Mommy Jazz on April 23, 2013, 08:44:09 pm
About "virtual friends", ingat nalang po kasi hindi natin alam ang totoong pagkatao nila. Maraming pagkakaibigan ang nabuo dito sa SP pero meron ding mga conflicts. Ganon talaga when you put different minds together in one room, or in this case, in one forum. In any case, it's up to us who to select for our inner and outer circle.
Hang on there mommies. Friendless din ako when I had babies pero now na school age na sila, I got to make friends starting from the teachers, then fellow moms of students. Not much pero I feel na I'm being led to who who my real friends should be. God fearing and not hesitant to share about their faith and blessings.
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: Kittymeow on April 23, 2013, 10:16:54 pm
Yun sa akin naman sis parang natatawag kong virtual friends kasi gaya sa FN,madalas rin ako mag post,natutuwa lang ako na meron mga nagbibigay ng advice,kahit di ko kilala personally mas totoo pa sila,hindi bias.kaya ayun..pero hanggang dun lang naman,kahit paano may nahihingahan ako ng sama ng loob  :)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: bhea-bhea on April 23, 2013, 11:11:58 pm
Yeah.. cause some of my friends have new sets of friends na rin dito na lang ako sa SP talaga nakakahinga..Pag may sama ako ng loob.. ok lang naman dahil yung iba ko friends in touch pa rin.. pero iba pa rin pag close talaga.. So as of now masaya na muna ako dito sa SP..

Tama si sis @mommyjazz.. we have to be very careful sa mga kakaibiganin natin lalo at virtual freindship lang.. mas nagrerely ako sa mga true friends ko na nasubukan na talaga through years..

 daming beses na ako na back-stab kaya ingat talaga ako makipag-kaibigan na.. pero Im always open for new friendship.. and tama nga kayo mga sisses.. mas madalas totooo pang friends dito sa SP kesa dito sa atin.. at speaking of cp.. wala ring kwenta tong cp ko.. gamit lang pantawag sa asawa ko.. tapos bato na siya ulit!! hahaha
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: chesa on April 25, 2013, 11:11:38 am
As long as me mahihingan tayo ng advise and we can share what bothers us, we should be ok. If SP is the best avenue at the moment then there's nothing wrong with that basta makakagaan ng loob natin. Often times din kase mas madaling magshare dito sa SP kesa sa mga personal friends since here in SP, we know that we won't be judged right away. But still we need to be careful as what mommy jazz said.  :)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: laies on April 25, 2013, 01:21:31 pm
Sharing the same sentiments sometimes ..Friends came and go and we  will meet new friends again. Ako since I got married, at nagka baby na agad, nawalan na ng time to go out with friends. We seldom talk na rin kasi lahat busy but we see to it that we gather even during special occassions like Christmas or baptismal or birthdays. Minsan nahihiya din ako mangulit sa ibang friends. Minsan malalaman mo din talaga kung sino ang real friends. The one who stays with you or tries to contact you pa din inspite of busy schedules. At iyong mga taong kahit hindi kayo madalas mag usap ay willing makinig sa iyo pag tinawagan mo or kinausap mo.
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: chesa on April 26, 2013, 11:43:40 am
True na true sis laies. :)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: happiemom on October 25, 2013, 09:12:20 am
ganyan din naging situation ko nagyon..per ok na lang kasi may iba ka pa naman/akong kaibigan..konti man sila atleast totoo sila...haba kasi ng story kung ikukuwento ko pa hehe ako lago\i lang ako sito sa SP parang lagi akong may kausap pag nandito ako...since hindi rin ako mahilig sa social life kasi mas gusto ko sa bahay lang kasama ang baby ko at asawa:) nakakasad kung sino pa yung mga totoo sila yung malalau:( sana maging friends ko kayo lahat, or magkaroon ng taong pwdeng madagdag sa mga true friends ko:)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: SheIsErika on October 25, 2013, 11:11:04 am
I know how it feels sisses. Yung mga friend ko na akala ko super friends ko dati, ngayon wala na. di ko maramdaman. Ni kamustahain ako wala. sobrang nakakasama lang ng loob. Dati nagreach out pa ko pero wala naman pa ring nangyayari kaya ngayon lumalayo na lang ako. May iba naman akala mo super friends kayo yun pala ikaw lang ang nakakaramdam nun. meron naman kahit ang layo nyo na sa isat isa at minsan na lang kayo magkausap at magkita ramdam mo pa rin na talagang magkaibigan kayo. iba iba talaga ang mga tao. dun sa mga inakala kong kaibigan ko talaga, masama ang loob ko sa kanila at ngayon ayoko na sila halos makita. haaay
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: happiemom on October 25, 2013, 02:13:39 pm
SheIsErika tama ka kung sino pa yung malayo sau sila pa yung lage andyan..kesa dun sa malalapit lang na puwede mong lapitan pero hindi na lang kasi alam mo irereject ka lang...
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: castiellesmom on October 25, 2013, 03:45:25 pm
Meron po kasing mga tao na di talaga matuturing na friends mere acquaitances lang. Ako naman hindi kasi ako magaling mag-update ng friends yung tipong ako yung unang mangungumusta, kasi naghehesitate ako baka di naman comfortable yung tao na makipagkumustahan. Tsaka nasanay na kasi ako na hindi masyadong lumalabas with friends ever since. Siguro nasanay na rin sila na ganun ako kaya bihira yung nagyayaya sa akin.
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: heartm3 on October 25, 2013, 08:36:33 pm
i can relate much to this topic..during school days, i had buddies and group of friends to hang out with, pero nawawala din sila eventually after few mobths to years na hindi na magkita., kakainggit talaga minsan mkkita mo mga socalled friends mo ng ssocial life sa fb, ako din kasi ang tagal ng family and baby lang ang ka bonding ko ;)
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: thesweetmom on November 29, 2014, 02:26:12 am
ganito rin yong na.fe.feel ko ngayon...nobody's reaching out... :( pero madami din naman akong na.realize about friendships, at nakikita ko na anong klaseng relationships meron ako ngayon..
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: satchie on December 02, 2014, 11:48:44 am
When I was in highschool I never really had this so-called barkada. I had friends but not as close nung mga nakilala when I was in college. My bestfriend and I met when we are 17 until now kahit based na sya sa Sg we still see each other if our schedule will allow. Both of us are married and I am hoping na sana magka-baby na sila para may kalaro na si Miguel ko.

Furthermore, I also have housemates na kahit once or twice a year lang kami nagkikita I still think we're good friends. Nung kinasal ako kahil civil lang sa Palawan pa.

Finally, I have also office friends. Maraming acquaintance pero meron din totoo... Yung tipong kahit iba't ibang company na kayo you still keep the communication line open. When I was about to give birth my housemates and officemates gave me a surprise baby shower. Hindi sila magkakakilala but with the help my hubby ayun they pulled it. What so touching is that some of them are married, with kids while others are single.

Now we all complain na wala tayong kaibigan but the bigger question mga mommies, ano po bang klaseng friend din tayo? We all want to be cared but do we care about our friends?

One thing I have learned about friendship is that the truest form of it is not how often you text, talk or hang-out but how the other person make you feel. 
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: pamelaroxas on September 14, 2015, 02:16:00 pm
So far I never experience this when I was in highschool days. There was a time na we're fighting pero nag kakabati din naman agad by the end of the day.
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: ahyzeyuh on September 15, 2015, 10:32:54 am
up untill now i still have this kind of feeling , walang kaibigan... :'(
Title: Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
Post by: proud_daddy on May 08, 2017, 09:22:21 am
Pasali ... madami kang puwede maging friend dito sa  sp.. daming mommy dito and ako lang yata daddy haha. Kaway kaway sa mga daddy dito