Parent Chat

Life => Money => Topic started by: -ann- on March 14, 2009, 08:17:10 pm

Title: living on our own - pagbukod expenses and concerns
Post by: -ann- on March 14, 2009, 08:17:10 pm
Basahin sa Smart Parenting. Click any of these topics to read full article.
Dapat Na Nga Ba Kayong Bumukod Mag-asawa? (https://www.smartparenting.com.ph/life/love-relationships/pros-and-cons-pagbukod-ng-mag-asawa-a218-20191006?ref=parentchat)
Paggamit Ng GCash (https://www.smartparenting.com.ph/life/money/step-by-step-guide-sa-paggamit-ng-gcash-a00307-20200507-lfrm?ref=parentchat)
Define Stress-free Life. 'Bumukod Ka'
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2020/01/09/20200109_MainImage_AnaLeah_8PM.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/parenting/real-parenting/stress-free-life-bumukod-ka-a00307-20200109?ref=parentchat)
photo by ISTOCK

hello po sa mga mommy na nakabukod ngayon...need ko ng advice. Kasi until now nasa place kami ng hubby ko ang we're planning to move.kaso pinag-uusapan namin ang mga expenses...please bigyan nyo naman po ko ng idea kung mga how much ang mga nagagastos nyo sa mga bills and food per month...thanks in advance!

Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=4700.msg916025#msg916025) tungkol dito o mag (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply para makapagpost ng katanungan o payo (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=4700).

(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: michi247 on March 14, 2009, 10:56:07 pm
sis, depende din kasi sa lifestyle nyo ang pd nyo gastusin...hindi mo masasabi kung kaya unless i-try nyo. pero iba pa rin talaga pag bukod ka ng bahay. 1 month before wedding kasi namin, kumuha na ko ng apt so dun na rin tumuloy si hubby after nung kasal, sa una mahirap kasi dami mu bibilhin para sa haws, pero worth it naman kasi kami pareho ang boss sa bahay, la na pinakikisamahan.

kaya gusto mu habang nandyan ka pa sa in-laws mu, maghanap na kayo ng house na mabibili, kasi pag nag rent kayo at may plan bumili ng house, hirap ng dalawa yung binabayaran, kaya kami ni hubby, super excited na sa loan take out ni PAG-IBIG para makalipat na kami sa bahay at di na nagrerent pa.
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: sasha on March 15, 2009, 01:33:15 am
kami kasi kasama naman namin tita ni hubby sa hse .. pinagbilin kasi siya ng mom niya sa amin na wag iwan kasi nga matandang dalaga.. sa ngayon wala kaming expenses free lahat.. water. rent. electric..phone..

kami naman ni hubby ang nag babayad ng cable.. internet..

sa ngayon naisip ko lang na mahirap bumukod kasi you need to pay bills .. electric.. water..rent .. food..
ang billa kasi namin laging nasa 6k ..then water 500 kasi may tanke daw kami.. tapos phone.. rent
naisip ko dapat meron kaming 20k a month kung bubukod pala kami...

so ok na muna ito ipon mna kami tapos plan namin to buy our own hse..
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: snugglebug on March 15, 2009, 01:45:49 am
kami din ni hubby bubukod na, malamang this year. Mahirap pa kasi for us kasi we have a 1 year old to attend to and sa gabi pasok
namin pero we're just moving na malapit pa din sa parents namin para if kelangan iwanan si Pau maiiwan ko sa nanay ko ayoko kasi
ihabilin sa yaya nakakatakot.

Onga Mommy Sasha nakakahilo magisip ng mga bills, kami din kapag nagcompute nalulula kami ni hubby kaya PIL insists na dun nalang
kami sa kanila magstay coz malaki yung house and konti lang tao kaso iniisip naman namin yung privacy namin and nasspoil yung
anak namin sa mga lola and lolo niya. Hay...
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: sasha on March 15, 2009, 01:50:23 am
yun nga lang sis kailangan natin makisama.. ako minsan pag naiinis sa tita ni hubby naiisip ko ng bumukod.. masyado kasi pa awa effect minsan.. para wala kang naitutulong pag nag kwento...
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: snugglebug on March 15, 2009, 01:53:52 am
ako naman sobrang pampered, buti nalang hubby knows how to talk to them na hindi masasaktan feelings nila.
wala kasi silang anak na babae so parang ako na yung bunsong anak nila na babae..hehhe
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: sasha on March 15, 2009, 02:09:57 am
ako naman spoiled sa MIL ko.. kasi nga napapagchagaan kong pakisamahan sister niya.. lahat naman pati relative asar dun.. kaya ok na rin.. minsan naman sobrang bait pero minsan nakakaasar na back fighter kasi.. pag kaharap ka mabait pero pag wala ka ano ano mga sinasabi..
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: jojo19 on March 15, 2009, 10:04:26 am
sis, ang mahirap sa pagbukod is solo nyo yung expense ni hubby. aside sa bahay, may food (grocery/pamalengke), electricity, water, misc exp, yung kay baby and salary ng maid/yaya pa :) siguro ayusin lang talaga yung pagbudget ng money and kaya naman. ang mahirap kasi is nagooverexpense sa bagay na hindi talaga need.

ang maganda pag kasama mu yung inlaws mo is mas madami kayo magshashare sa expense so mas makakaipon ka ng money for long term like education ng baby mo. yun nga lang, walang privacy kasi lagi may nakatingin sayo


Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: cheiz on March 15, 2009, 10:07:02 am
iba pa din ang sense of fulfillment ng nakabukod wether its your own house or rented house.
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: keih liwanag on March 15, 2009, 12:03:04 pm
aside sa pagbudget, wherein nasanay tayo na mothers natin ang gumagawa, one thing na mahirap i-maintain kapag nakabukod is lahat ng responsibilities, all aspects, kayo lang magasawa ang dapat tumupad. and the fact na nagasawa na tayo, we give our parents the impression na kaya na natin. it's not all about paninindigan lang natin ang pagasawa pero it's giving them the idea na we are already responsible. pero wag naman yung nakabukod nga pero pag nag-away naman kayo eh tatakbo kayo pabalik sa mga parents nyo. as much as possible, samin, problema namin mag-asawa, stays at home lang. hindi nalalaman ng families namin. kase we also give them the thinking na we can solve issues on our own.

kaya din kami bumukod talaga kasi we have good relationships with our families. we don't want conflict. kase we are sure enough na kahit gano pa kaganda ang relationships w/in the family, when it becomes extended, conflicts arise. we didn't want that. we were able to retain the good vibes. ;)

living on our own most of all is we thought it's the best chance of growing up. ;)
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: michi247 on March 15, 2009, 05:04:36 pm
correct sis, kasi may friend ko sobrang close niya yung mom ng bf niya, tapos nung kinasal sila, dun sa house ng in laws sila nag stay, ngayon nag clash na sila, kaya ok talaga na bumukod.
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: jennistwins on March 15, 2009, 06:01:12 pm
korek mga sis,minsan kc makikilala lang natin yung real ugali ng mga in laws pag nakakasama na natin talaga sa iisang bubong db..kami naman sa house ng inlaws ko din nakatira pero kami lang ng hubby at kids ko nakatira since sa abroad na cila naka based..pag vacation cila parang nakakailang pa din kumilos kc nga feeling ko bahay talaga nila yon..
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: jojo19 on March 15, 2009, 08:28:32 pm
kaya din kami bumukod talaga kasi we have good relationships with our families. we don't want conflict. kase we are sure enough na kahit gano pa kaganda ang relationships w/in the family, when it becomes extended, conflicts arise. we didn't want that. we were able to retain the good vibes. ;)
agree. very well said, mommy keih
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: newbie_mommie on March 16, 2009, 09:23:10 am
hi sis,

actually mahirap talaga na masarap ang feeling. mahirap kasi you really have to budget your finances and distinguish wants and needs siyempre at first madame mga bills na babayaran at mga ibang expenses pa pero good thing about it is you learn to manage your finances well and become more responsible not just for yourself but also for your family. Masarap kasi yun feeling na walang makikialam minsan kasi pag extended family na talaga may mga different views on how you raise you child/ren na nagstart din ng conflict. And masarap yun feeling na nakakaya nyo pla ni hubby kahit mahirap. ;)
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: soumy01 on March 16, 2009, 09:51:09 am
kami eversince bukod talaga kami.
masarap talgang nakabukod kahit na mahirap kasi kaw lahat sa bahay saka sa bata compare kun nakatira ka sa inlaws mo or sa inyo may magiintindi ng pagkain nyo tutulong tulong ka na lang sa mga gawain sa bahay. may kahalinhinan ka pang magalaga sa bata.

pero pag nakabukod ka na kaw lahat magiintindi sa bahay sa bata sa asawa mo. pero sarap lang  feeling mo kaw reyna sa bahay mo. hindi pigil yung kilos mo pag nakatira ka s iba .
wala kang laging maririnig na ganyan ganito gawin mo ako ayoko pa naman pinapikialaman ako. tapos very open pa communication nyo mag asawa pag kayo lang kasi ako nahihiya ako minsan pag may ibang tao, ang hirap basta basta ayawin ang asawa o kaya paglalambing kaya ng husto  ;D. parang walang privacy.
about finances naman kaya naman. basta magaling ka magbudget.
pero sympre ito yun pinakamalaking reason why may mga couples na hirap talgang bumukod. so ito talga yung iconsider mo maigi.
pag may problem naman sa baby ko minsan i prefer pa reading mga article sa net kesa ask sa kanila dami kasing pamahiin eh. pero still i do ask them for advises. at least kung nakabukod kayo may choice ka to follow or not to follow yung mga sinsabi nila kasi di naman nila nkikita. ;D ;D
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: mum tine on March 16, 2009, 10:05:44 am
hello po sa mga mommy n nakabukod n...need ko ng advice.kc until now nasa place kami ng hubby ko ang we're planning to move.kaso pinag-uusapan namin ang mga expenses...please bigyan nyo naman po ko ng idea kung mga how much ang mga nagagastos nyo sa mga bills and food per month...thanks in advance!


Hi mom andz,
Kami two years ago pa planning na bumukod,kaya lang nanghihinayang ako sa upa eh,kaya sa halip ipambayad sa upa eh, nagloan sa housing para ang huhulugan namin mapapasa amin na. Hopefully this year makalipat na kami.

Ang alam ko mahirap bumukod, kami na lang talaga, di tulad ngayon na ang daming tumutulong, una na sa pagtingin sa anak ko, tapos share pa kami sa food sa, bills kaya magaan. Pero we still have to move kahit mahirap iba pa rin ang may sarili.
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: andreisyle on March 16, 2009, 04:46:28 pm
mahirap na masarap sis..

were staying w r inlaws before..lahat sagot nila-grocery,bills..gosh. d q narealize ganun pala kalaki un..

but d ka rin ganu makakilos kz d sa yo yung hse.walang mabiling gamit kz lahat meron na sa kanila.d makainvite ng friends,etc..etc..i know u know what im talkin about..

so my husband and i decided to mortgage a condo unit.gosh kala namin kaya namin (madami pa kz kaming money nun kz nga lahat sa bahay sila nagbabayad)..

in fairness,kinakaya pa din naman..but ramdam mo na talga lahat..kailangan naka off ang ilaw,fan,tv,pc pag d ginagamit..minsan lang aircon pag kids ang nainitan..pati tulo ng faucet nakakawori :)

pero my sense of fulfilment kz u hav a place to call ur own.. kahit d pa masyadong maayos.. kahit "maskipapapano" p lang :) atleast meron ka na :)

so my advice - go lang ng go sis.. kakayanin nyo yan! :)

reply:

Hi,

There is such a word as "walang madali", but if you join hand and hand with your husband or children, then what is supposed to be hard will be easy.

Mas may fullfilment and you can aptly call your self a mother, if you have a place to call your own kahit rented lang. In the first place, kapag nag asawa ka na, then you are giving signal to the whole world na KAYA MO NA, so dapat, nakabukod ka na.

Having a life of your own is very adventure packed, you will learn the word SAVE and CALCULATE in terms of how to pay the rent and how to budget for food and electricity, water, etc.

You will be more responsible pag naka bukod ka na kasi walang kang tulong na inaasahan that you will have something on you table without working for it. And you can also teach your experiences to your chil/ children as they grow up. You will learn lots of things in this our precious life.

Goodluck and SP moms are just a click away.

Annray
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: teklah on August 18, 2010, 07:56:10 pm
depende sa situation. kung okay naman ang inlaws mo at hindi sila financially dependent sa husband mo, okay lang na hindi muna kayo bumukod. pero kung dependent sila pagdating sa pera meaning humihingi pa ng sustento sa husband mo, mahirap kasi doble ang gastos nyo. although kapag nakabukod na kayo may reason na para tumanggi sa mga hingi hingi ng inlaws, di pa rin maiiwasan na umaasa ang inlaws mo sa inyo, maiirita ka lang.

pero hindi mahirap bumukod, in fact mas maganda ang nakabukod kasi matututo kayo maging independent. makukuha mo kung ano ang gusto mong klase ng pamumuhay, kasi halimbaawa malinis ka sa bahay tapos inlaws mo mga balasubas sa bahay, wala ka magagawa kasi nakikisama ka sa kanila at wala kang choice kundi maging tagalinis ng bahay nila, hehe.

Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: violet.crumble on August 24, 2010, 05:39:17 pm
sa tingin ko po, mas mahirap pong makitira with in-laws.

the moment hubby and i decided to get married, talagang pinilit ko na magsarili agad kami.  sabi ko nga sa kanya kahit sa squatters' area niya ko itira, ok lang basta hindi ako makikitira sa in-laws.  i'm lucky na pinagbigyan ako ni hubby.  yung unang ni-rent namin was super bulok na house pero at least kami lang talaga.  natuto kami na magtipid, magbudget, pati yung share sa housework, naayos namin.  saka pag nag-aaway kami, hindi uncomfortable yung feeling na may nakakarinig sa usap namin. and most importantly, walang nakikialam.  talagang 2 lang kami and i think that's what really helped us adjust to married life.  na right from the start, wala kami makakapitan kundi isa't-isa.
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: mommy ni lijah on August 27, 2010, 12:04:18 am
tama sila sis, depende sa lifestyle at sa earnings nyo.. kami ngaun nakbukod na.. kumuha kami ng house two years to pay... tapos, sa sweldo ni hubby kinompute naman yung savings naman tapos yung monthly sa bahay , expenses ni baby... sa ngaun budget mn is 30k as in pinagkakakasya ko talaga.. ;D
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: Mommy France on August 27, 2010, 09:36:04 am
Hindi mahirap bumukod. Nakakapanibago lang. It's a big leap from being dependent to being responsible.

1 year pa lang kaming nakabukod ng husband ko. Although breadwinner ko ng family ko, I know na at some point dependent pa rin ako sa kanila kasi dun kami nakatira. I needed them to take care of my child while I'm gone and they manage the house.

In financial terms, you kayang-kaya kapag nag-compute ninyo total ng utlities plus yung weekly grocery budget ninyo and then meron pa for savings, kakayanin na.

Kung sakto lang, find things na pwedeng wala muna. Like us, yung sala naman incomplete pa. Dining pa lang. Wala din naman kami bisita so pwedeng later on na lang.

Nakakapanibago talaga pero at least ngayon sineseryoso na ako ng nanay ko. Dati kasi walang tiwala yun na kaya ko magmanage ng household dahil nga trabaho or eskwela lang alam ko.

Matututo ka rin on your relationship with your husband. Mahirap mag-ayos ng issues kapag may kasama kayong iba sa house. :)

Don't think of it as mahirap. Mas maraming long-term benefits ang pagbubukod.
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: alenski on September 01, 2010, 12:45:24 pm
para sakin sis very fulfilling ang pagbukod ninyo ni hubby. kami ni hubby pagka kasal na pagkakasal namin lumipat na agad kami sa apartment na nirent namin. as in kaming dalawa lang tlaga yung lahat-lahat. kinasal kami civil lang so walang nagregalo sa min, as in wala talaga. so nabaon na halos kami sa utang sa credit card kasi lahat ng gamit namin card namin kasi wala din kaming ipon pero dahil sa tyaga and sa pagtutulungan namin nalagpasan namin lahat yun. fulfilling sya kasi alam mong walang maisusumbat sayo kahit sino na tipong umasa ka sa mga in laws/magulang mo. ngayon nag rerent kami sa father ko (commercial yung place kaya hindi kayang ibigay sa min ng libre pero in time magiging amin din daw to) ang rent namin sa house is 5500, meralco naman naglalaro bill namin sa 4k-5k, water bill is 600 plus other expenses. buti nga nakakaya pa ni hubby lahat lahat masipag kasi at madaming sideline kaya kahit hindi ako mag work nakakaya naman namin.

basta ako sis, i suggest na try nyo bumukod kasi dun nyo mararanasan yung buhay mag asawa talaga. kasi yung hirap sa expenses part yun ng buhay diba dun nyo makikita kung pano nyo babalansehin lahat lahat ng magkasama kayo at hindi umaaasa sa iba :)
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: Nanay Gez on September 01, 2010, 01:24:04 pm
hello mga sis.
kami lagpas one year ng nakikitira sa MIL ko. pero before we got married, we bought a house na rin, pero baretype yun at hindi pa namin napapagawa since inuna muna namin yung ibang gastusin, like pabinyag, at first birthday ng baby namin. and okay naman kami sa MIL ko, since kami lang naman ang kasama niya sa house na nirerent, but ngayon, pwede na malipatan yung town house na nabili ng MIL ko, i was very shocked nung malaman kong sasama na rin sa MIL ko yung Kuya ng hubby ko at yung bunso nila with her Family. Its not that I dont like to be with them, pero alam ko magiging magulo lang ang set-up.
My hubby and I really wants to live in our own house, kaso daming dapat itake into consideration, like the budget, hindi lang yung kung kakayanin na ba namin i-shoulder lahat ng gastos, pero pati na rin yung pagpapagawa dun sa bare type house. di din naman kami makaipon kasi super sakto, as in sakto lang talaga, yung sweldo namin. We're considering na nga rin to have loans, para dun sa house improvement. minsan nawawalan na ko ng lakas ng loob. tapos araw-araw pa akong tinatanong ng MIL ko kung kelan daw namin balak tirhan yung bagay namin, na feeling ko eh ayaw na niya kami kasama sa bahay at gustong-gusto na niya kming bumukod. :(

hay... ganito pala kapag hehe.. pero super excited na kami tumira sa sariling bahay namin. lalo na kapag mag-aayos na kami ng gamit.

sana makalipat na rin kami...
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: nixmusic on September 01, 2010, 02:49:24 pm
Lumaki akong nakikitira ang parents ko sa mga lolo't lola ko sa father's side kaya I know that when it's time for me to have my own family, mas gugustuhin kong nakabukod kami. Mahirap oo, pero masasabi kong kinakaya naming tumayo sa sarili naming mga paa at mas maeestablish namin ni hubby yung gusto naming way of upbringing sa mga magiging anak namin. Challenging din kasi nagstart kami from scratch talaga so paunti-unti nabibili namin yung mga kailangan naming gamit sa apartment.
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: mariz on September 01, 2010, 03:36:14 pm
Nakabukod na kami ng husband ko right after ng wedding namin.  Kaya from the start pa lang solo na namin ang expenses sa lahat lahat. Para sakin , mas masarap ang nakabukod, kasi marami ka matutunan, pinakauna na doon ang pagiging independent sa lahat ng bagay. Magiging mas madiskarte ka na at matututo ka rin magtipid. Kapag nakabukod kayo meron ka ng masasabing place of your own, kung saan makakakilos ka ng maluwag. When it comes to expenses naman, malaki talaga ang gastos kapag nakabukod kayo kesa sa hindi.Kayo lang kasi ni hubby ang sasagot sa lahat ng expenses sa loob ng bahay e. Dito mo na masusukat ang galing mo sa budgeting, hehe. Kung how much ang expenses mo, yun naman ay depende sa lifestyle mo. Kailangan lang, huwag tayo mag spend more than sa kinikita natin.  :)
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: QUINN on September 03, 2010, 11:53:32 am
From the start naka bukod na talaga kami ni hubby. We're renting an apartment with 2 bedrooms, up and down. Mahirap sa simula kasi walang gamit. Pero as time goes by, na kompleto lahat ng gamit namin until na nabuntis ako. Doon ko nalaman na magaling pala ako mag budget. We're married for 3 years na. Yung mga inlaws ko nasa kabilang kanto lang, kasi mas maganda pag malapit lang din sila to guide us. Yes lahat ng bills amin lahat. kuryente, tubig, cable, groceries. Ang techique lang jan wag kang ma spend nang soba sa income mo. Dapat lagi kang may naka save na pera...
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: insensitive on September 03, 2010, 12:03:36 pm
yes, mahirap ang bumukod kasi lahat ng responsibility sa inyo na magasawa. Like kami mga 4mos na kami nakabukod sa family ko, medyo nahirapan ako in terms of gawaing bahay. Dati pagdating ko ng hauz pwede ako magpahinga kasi madami nagaalaga sa anak ko, may taga laba..kakain na lang ako,laro kay baby matutulog na. Ngayon, sobrang nanibago talaga ako, since ako lang ang may work pasan ko lahat ng gastusin,bills..rent,utilities hangang kay baby.lahat lahat na,. Although minsan lang naman ako magluto, pero yung mga house chores like hugas ng plato,paglalaba,linis ng bahay ginagawa ko yun kasi no choice.kami lang mag-asawa eh. PERO fulfilling naman ska masaya kung kayo lang.,Feel na feel ko ang pagkakaroon ng sariling family.Masaya pag nakkabili ng bagong gamit sa bahay, at saka sa budgeting natututo talaga kami.
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: momi_chesca kikay on September 03, 2010, 01:44:54 pm
kami rin, even b4 ako maging preggy bumukod na talaga kami ni bf. Highschool sweethearts kasi kami hangang sa work magkasama kami kaya b4 p, ang ganda ng plan namin. Kumuha kami ng rent to own house s Bacoor tapos sa expenses sa house like bills,groceries,amit sa house pti renovation ng house namin mostly hati kami. gus2 namin kasi mfeel kung pano talaga yung bumukod, kung pano magmanage ng sarili mong bahay ska kung paano mgbudget para we can say n b4 kame mgpakasal (2012) at least nkpag adjust na kami. Nakakatuwa lang kasi now na buntis ako, yung household chores halos c bf na gumagawa. Pagluluto nalang ang toka ko :) Masarap yung feeling kasi kahit anong gawin namin inside our house, walang pupuna sa amin. Napakafulfilling. Pero pag nanganak na ako, ayun maghihire kami ng yaya pero yung usapan yung yaya and baby sa house ng parents ko mgsstay pag nsa work kame ni bf. Mom ko mismo ngvolunteer na siya na daw magaalaga para daw at least mmomonitor niya si baby pero ayoko rin naman kasi iaasa sa kanila yung pagaalaga sa baby ko madali na kasi mapagod mom q kaya we decided n magyaya at least mababantayan p ng mom ko db? As to budgetting, tama..it`s always better na may savings kayo kahit small portion lang ng salary nio, kailangan may maitabi kayo.. :) ganon gawain namin kaya little by little nkkyanan namin yung set up.  :)
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: leilatoto on September 03, 2010, 10:01:12 pm
hindi naman po mahirap..mas masarap nga kasi sarili nyo mundo nyo hehe...kung baga you can decide your own and dun kayo matututo about things..makakabili pati kayo sarili nyo gamit sa house..
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: mommitikya on September 04, 2010, 11:22:24 am
Para sa kin, mas mahirap ang hindi nakabukod. Kasi ang dami mong pakikisamahan. Like sa min ngaun, nakatira kami sa in-laws ko kasama pa namin yung family ng ate ni hubby so ang dami-dami namin sa house.

Hirap lalo pag nasanay ka na malinis ka sa house pero mga kasama mo wlang ginawa kundi magkalat...hay...magsasawa ka maglinis! Kaya mas mahirap ang hindi nakabukod...ako, gusto ko ng bumukod pero yung asawa ko wala akong makuhang opinion kung gusto na o hindi...ay ewan!
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: teklah on September 04, 2010, 12:05:10 pm
^pareho tayo sis, malinis din ako sa house, eh sa mga kapatid ng husband ko hinid sila trained pagdatnig sa kalinisan, lagi na ngangamoy ang kusina, tapos mas madalas na marumi ang bahay, kung sino sino ang pumapasok, nakakapagod talaga kaya minsan pag dadating ako marumi tapos pagod ka ganun makikita mo nakakainit ng ulo!

Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: mishyla on September 04, 2010, 03:21:32 pm
Just recently gusto ko na din bumukod..we are living here sa house ng MIL ko though they are not here and once or twice a month lang kung umuwi dito, however, dito nakatira yung eldest sister ng hubby ko and her son na nag-aaral sa SPEd..at first ok naman though ang hirap maintain itong house coz it's too big for us...it has 4 floors, sa first sala and kitchen then dining..2nd floor buong floor room nila MIL.. then 3rd floor 2 rooms then sala and CR tapos stock room..then 4th floor, rooftop 2 rooms..our room..

Since ako na din mamanage ng store so we need to have 2 katulong to clean and bantay sa store, hands on kasi ako kay baby and then siyempre sa store din..btw, dito pala din nakatira brother ko..sumasideline sya and ang kapalit ng pagtira niya dito is yung food ng inahin kong baboy sa province na alaga nila mama ko..so parang hidden investment yun kasi hindi ko masyadp napapansin yung gastos ko dun and malapit na manganak...

all bills kami ang nagbabayad from electricity, water, phone, internet, 2 kasama and siyempre yung foods everyday...if i total it all nasa 21K...then recently andami ko na naririnig na kesyo may mga sira na daw sa ibang part ng house which is dati na rin namang sira...andami pa nisusumbong yung SIL ko sa MIL ko na kung ano ano...so naiinis na ako.. she's living here pero hindi man lang magbigay ng kahit share sa electricity, water at kahit maglinis man lang..lilinisan lang niiya yung room nila then yung napagwalisan iniiwan sa labas...

since hindi ko na kaya ang gastos we decided to just have 1 kasama..so sabi ko don't expect na malilinis ko bahay ng araw araw and lahat ng floors kasi baka yun ang isunod na punahin..

gusto ko magrent ng apartment kaso malaki pa din magagastos so we changed our plan..instead uunti untiin namin ang pagpapaayos sa 4th floor so that we will have our own CR, kitchen, dining and mini sala then papahiwalay ng metro sa meralco and water...at least sa ganun less rent expenses and less na din bills consumption and if ever malaki ang bill, alam kong kami ang nagconsume nun so hindi masyado mabigat sa bulsa ang pagbayad...so now, paunti unti pagbili ng gamit like our own ref, shellane and some utensils...
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: mizteaza on September 05, 2010, 02:30:55 pm
mahirap bumukod kasi you have utility bills to pay and kung magaapartment pa dagdag sa budget pa yung rent. I was thinking na rent to own na place at least hindi nasasayang yung binabayad mo. mahirap kasi makisama din and syempre iba ang ways nila sa ways na kinalakihan mo. kaya medyo conflict talaga hindi ka naman makapagsalita kasi ikaw talaga ang makikisama kung kayo ang nakikitira sakanila. =(
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: loveann on September 10, 2010, 02:05:53 am
ako din gusto ko na rin bumukod since kaya naman namin ni hubby ang mga expenses, pero kasi nakakaawa ang mga ILs ko kasi kapag nawala kami sa poder nila, wala ng magbabayad ng bahay nila.  Kami kasi ngaun ang nagbabayad ng bahay since hindi sya nabayaran ng father in law ko nun my work pa sya, kami ang nagcontinue ng bayad.
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: mariann on September 18, 2010, 11:35:26 pm
mahirap bumukod?

definitely not!  as long as you're helping each other, and being considerate with each other, living separately from parents after marriage is the best decision you would ever make.

you won't have to adjust to anybody else.  just you and your hubby.

problems would only arise if yaya would take a day off on working day.  but so far, we only allow them weekends day off.  we only allow weekdays day off if it's really an emergency. 


Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: ❤Xian&Mam ❤ on September 20, 2010, 01:11:35 am
mahirap b ang bumukod?
 HINDI AH,
mas gusto ko yun kaysa makikitira ka,
kung sarili mo bahy,titirhan mo
walang makikialam sa lahat ng kilos mo,
kung ano gagawin mong design sa bahy mo,
anong linis gagawin mo,anong gamit bibilhin mo para sa bahy,
saka di ka maiilang kumilos,
mas mahirap for me nakikitira sa IL's.
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: churay on September 20, 2010, 02:22:22 pm
gusto ko din bumukod pero for now na madami pa gastos si baby at di pa kami nakakapagpundar ni hubby tiis muna ako...

but i gave my hubby i deadline na after 2-3 years dapat hindi na kami ganito...

mahirap yung nakikitira ka lang lalo na kung sa IL's.. ok kc pag nasa work ako may nagaalaga kay baby pero iba pa din yung nasa iba kang bahay... there's can only be one queen in a castle, sabi nga nila...
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: Mommy Mel on November 10, 2010, 05:54:22 pm
for me mga mommies, maganda talaga ang nakabukod. Kasi ako naranasan ko rin tumira sa bahay na kasama MIL at FIL ko, kahit kay hubby ko yung bahay. Napag usapan namin na ibigay nlang sa IL's ko yung bahay at kuha nalang kami ng bahay para makabukod kami. Ang advantage din kasi ng nakabukod ay natututo kayong tumayo sa sarili nyong desisyon na walang makikialam, dependent na kayo. Nakakapundar din ng mga gamit na gusto nyo, at mas may kapayapaan. Ang mahirap din kasi sa nakikitira ka ay may times na hindi kayo magkakasundo dahil magkakaiba kayo ng gusto at opinion sa buhay.
Masarap talaga ang nakabukod.
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: Ian on March 10, 2011, 02:36:20 pm
mahirap i guess ang decision na "bumukod" rather than actually living na naka bukod. i don't know really kasi di pa naman ako nakabukod but we are already planning to this year.

sooner or later, all married couples will have to go through this. you can't be living in your ancestral home until your 60 and decide with finality.

kaso my friend likes living with her in-laws. she's been there for 10 years na. hehe kaya i guess different strokes for different folks.
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: eytellene on March 11, 2011, 11:07:25 am
mas maganda tlaga naka bukod.. plan na din namin ni hubby yan kapag ka nakapag loan na kame ng malaki laki by next year siguro or the following year ayaw ko magmadali pero nag plan na kame tsaka mahirap din sa mga bata lalo na kung dyan din nakatira yung mga pinsan nila kase minsan nd mo maiiwasan na ayaw bata magiging away matanda lalo pa kung immature mga IL's mo :(
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: I love_dadilove7503 on March 15, 2011, 03:03:22 am
Sobrang masarap ang nakabukod kasi you will be able to decide ng wala nakikialam, wala ka tatanungin kundi asawa mo lang, madidirect mo ang buhay nyo sa paraan na gusto.. Wala ka pakikisamahan at higit sa lahat ikaw ang boss sa sariling mong bahay! pag ayaw mo maglinis e di huwag, walang pupuna na inlaws hehe!
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: buuurp on March 16, 2011, 09:15:54 pm
nakakatakot yata bumukod kasi ginagawa ako yaya ng asawa ko feeling ata niya nanay niya ko hindi wife grr. ang hirap naman nun, wife, mom, and provider pa. dito kasi samin may helper and andito lola ko para magbaby sit kay baby.pero given the chance and funds syempre gusto ko din at sa malayo sana sa inlaws. hahaha.
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: jhoicee_01 on March 16, 2011, 10:36:08 pm
to sis -ann-

if your financially ready, maganda ang bumukod. If not yet, better stay where u are ryt now and save then bukod na lang later on. Whats ur reason ba bakit naisipan u na bumukod? Maganda talaga ang bumukod kc dun ma te test ang pagiging mother mo and everything pero kung di pa kaya wag muna ipilit. Think of the welfare of ur kids, kung it will be best for them then go go go. :)
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: mommyjiing on March 20, 2011, 03:34:38 am
hi :) hindi naman ganun kahirap, as long as ready financially, emotionally & ofcourse physically. And as long as you cooperate with your love one as well as his family it's all good.. bukod sa konting hirap eh mas okay na.. kung pagod ka from your work or school pag-uwi pwede kang humiga agad atleast hindi ka mahihiyang wag munang mag house chores diba? hehe
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: jensanjose on March 21, 2011, 10:18:41 am
mahirap ba bumukod? for me, mas mahirap sis ang makisama at magpanggap kesa ang bumukod.

In my case kasi, pagkatapos ng kasal namin, dun kami sa PIL nag stay.. nung una keri lang kasi mas mahal DAW ako ng MIL ko kesa sa anak niya. But there are instances na I don't think they cared for me more than their son.

Ang siste kasi, they are talkative hehe, ako naman at si hubby super tahimik. Then yung isang apo nila dun palagi sa mga lola nakatira kasi Paboritong apo... super ingay at spoiled ng bata na kahit bad na yung ginagawa at sinasabi eh natutuwa pang kinukwento sa ibang tao at paulit ulit yun na parang sirang plaka.

Then dumating yung time na nabuntis ako at i feel very much irritated sa batnag yun, to the extent na umiiyak na ko sa inis dahil di ko pwedeng pagsabihan yung bata at abaka awayin ako eh baka magkasagutan lang kami kaya palagi lang ako nasa taas ng bahay kahit nasa baba si hubby. I don't feel comfortable pag ganun.

Buti na lang at blessing in disguise when I was 2months pregnant eh nag advise si OB na di na ko pwede bumiyahe ng malayo eh that time, I was working and need to travel for 45mins from PIL's house to office. Kaya bumukod na kami nung 4months preggy na ko, at lumipat kami malapit lang sa paretns ko kasi nga high risk pregnancy ako.

Masasabi ong di naman mahirap, maliban sa pagbili nung ibang bagay na dapat meron ka sa bahay, konti lang naman kasi yng iabng gamit meron na dahil gift nung kasl.

Sa bills naman dahil 2 pa lang kami, siguro may natitira sa sa sweldo namin ni hubby na 5-7k... Kaso now na may anak na kami, kailangan namin sumweldo ng 20k para may matira sa min kahit konte hehe..

Anyways, matatpos na naman namin byaran yung motor kaya makakaraos din

Kaya nyo yan sis, basta tulong lang kayo ni hubby mo sa lahat ng bagay.
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: mummienina on March 21, 2011, 10:43:19 am
my mom's advice to me when i got married was to have our own place, kahit gaano kaliit basta sarili namin. And i do believe kelangan talaga kahit pa in good terms kayo ng IL's.
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: BuhayMommy Blogger on March 21, 2011, 10:52:39 am
After marriage, ilang buwan lang na nakaipon pang down sa apartment bumukod na kami magasawa, acutally nanghihinayang kami sa amount na binabayad namin sa rent na hindi naman amin, yung lang kasi napapakinabangan naman namin yung bahay. Malaki talaga nawawala kapag nagrerenta. Sakit sa bulsa kasama pa dun mga utilities, then 2 na baby namin, magkasunod na taon kasi.. ;D Pero masarap bumukod kasi you get to choose what you want.  Tama din sila, wala makikielam sayo kung ano dapat mong gawin sa bahay, anong dapat linisin and all.

Practically speaking, mas ok kung may rent to own kaso in our case, 2 pa  nag-mi-milk so need ulit namin makaipon para kahit pang down man lang sa rent to own diba..

Masarap kasi...tipong pag galing ka sa work, kung gusto mo magrest, magagawa mo (basta tulog mga bata), wala ka masydao pinakikisamahan na tao, kasi tama rin un na pwede mong makaalitan mga kapatid mo kapag nagaaway mga bata, syempre kakampihan ko anak ko, diba? Tsaka sa pag bukod, I've learned a lot, the value of money, ano2 mga dapat unahin bilhin at kailangan. Masarap mag-grocery, magbudget, i make sure na may log book ako ng everyday expenses ko and mga payables para naka-budget na lahat.

Kahit papano dapat may nai-se-save parin tayo ng para sa savings lang talaga ng mga bata, at natin in the future.

Ako lang nagiisang reyna dito sa bahay at ako ang nasusunod  ;D
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: mamacharis on April 24, 2011, 08:15:42 pm
mahirap ang nakabukod dahil lahat ng bills kayo magbabayad. kami ni hubby may bahay ako, ako lang mag isa dito nung naging kami na dito ko na lang siya pinalipat since ako lang naman nakatira dito kaso compound ito at relatives ko ang laman ng buong compound  :)

OT na ito..  mag aaral na ang step sister ko at dito plano tumira. ang stepmom ko dito din tutuloy dahil aalagaan ang unica hija niya. civil naman kami kaso may pagka maldita yung dalawang un. hay!! 4 years titiisin ko kung sakali. puwede ko naman sabihin na mag dorm na lang sya kaso nakakahiya naman. ano kaya ang dapat kong gawin?

ang mahal naman kasi ng lupa dito sa Q.C. gusto ko sana mag rent to own kaso wala akong makita. Sad Sad Sad.
Title: Re: mahirap b ang bumukod?
Post by: Amy G on April 25, 2011, 01:34:01 am
Hi sis.. Wala namang madali sa buhay mag asawa pero para sa akin dapat talaga bukod kayo like us when we got married nag rent na kaagad kami ng apartment shempre may sarili ng family dapat di na makikishare sa in laws pero if talagang di pa kaya wag naman pilitin kase mahirap din ang mabibitin sa expenses.. pag isipan mo nalang mabuti and pag planuhan nyo dalawa.. pero mas maganda talagang naka bukod..
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: mummienina on April 25, 2011, 10:09:51 am
mas maganda bumukod talaga. yung bills kaya naman basta magbudget ng maasyo, syempre konting cut on unimportant expenses diba. mas ok nga yung set-up mo, may bahay ka na and wala ka ng rent babayaran. kung magrent ka pa, dagdag pa un sa babayaran nyo monthly. ok lang naman na nasa compound ng relatives mo, basta iba kayo ng bahay and metro. madalas kasi source ng away yung hatian sa bills, sharing sa pagkain, etc.

yung tungkol sa stepmom/sister mo, i think mas if you dont feel comfortable living with them, don't. you don;t have to naman diba. sabihin mo na gusto nyo mag-asawa na mag-adjust and time alone together. 4 years is a long time kung titiisan lang din ang paguusapan. better to stay civil now na apart kaysa mag-aaway pag anjan na.

Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: eytellene on April 25, 2011, 12:36:05 pm
plan na namin mag bukod may nakita na kame na apartment malapit lang sa byenan ko pero importante nakahiwalay na kame nahihirapan nako sa bahay nila mabait yung byenan ko kaso yung mga apo niya sya nag aalaga ang gulo sa bahay :( nd naman ako maka reklamo kase nakikitira lang din ako sana nga by May makalipat na kame.. ;)
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: yhamsloveŽ on April 25, 2011, 01:41:51 pm
yung pagbubukod, yan yung realistic version ng bahay-bahayan.  :D

kahit mahirap, we mothers/wives are equipped to handle tough things like these...  :)
Title: help about "pagbukod"
Post by: kheishanna on July 07, 2011, 02:12:45 pm
Hi Mommies..  Penge naman po ng tips, and advices sa pagbukod.. kaka 19 ko lang po. at mag 1 year na anak ko. kakasal lang din po namin ng asawa ko. at almost 2 years na ko nakikitira sa mga biyanan ko.... wala pa kong trabaho pero magtatrabaho din po.. sa ngayon asa pa kami sa mga magulang ng asawa ko pero kahit papano kumikita naman aswa ko dhil sa negosyo nila..

nsa magkano po kaya dapat na budget sa pagbukod??

kayo po nasa magkano monthly  expenses nyo?

ang hirap kc makitira. pamilyado ka na tapos nandun ka pa sa side ng in-laws mo..
araw araw pareparehas lang mga ngyayari.
kontrolado ka pa nila..
oo nga sila na lahat ng gumagastos sa anak ko. mahirap para sakin un.. wala ka man lang mabiling gamit ng anak mo na ikaw mismong ina niya ang pipili at bibili. sila kc lahat.
sa bday niya wala man lang akong desisyon na naitulong kc sila na lahat.

sawa na kc ako sa ganito.. maxado ng masikip para sakin. lahat ng galaw mo makikita nila. mababait naman sila kaya lang kontrolado pa nila kami.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: Lunggay Mercado on July 08, 2011, 12:49:27 pm
For me in away mahirap kasi solo nyo lahat ng gastos, yet daming advantages naman asideikaw ang reyna ng bahay, ang kinagandahan is matutuo kayong mag asawa na imanage yung bahay nyo in your own way nawalang maeepal, tapos privacy malaking factor din iyon, 2nd iwas sa gulo ng in-laws saka hindi ka mahihirapang makisama kasi kahit anong bait ng in-laws mo may makikita ka parin ayaw mo na ikakainis mo lang till magkakasamaan kayo ng loob, ;D
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: nycez on July 08, 2011, 03:34:28 pm
kami ng hubby q bago kami ikasal nakakuha na kami ng lilipatan...mahirap kc makisama sa mga IL at siempre hindi ka makakakilos sa gusto mo kc nakikitira ka lang kahit gaano pa kabait ang mga in laws...
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: babymarketonline on July 08, 2011, 04:02:38 pm
mas mahirap talaga makisama kesa bumukod. Ang downside lang sa pagbukod e, sa inyo na lahat ang gastos. lalo na pag magrerent lang kayo, magastos talaga.

i suggest try to live with inlaws for awhile para makaipon lang kahit pang downpayment ng bahay...
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: mworx on July 08, 2011, 04:12:05 pm
Alam niyo mga sis.....after 11 years of marriage....di namin na-realize ang value ng may sarili kang bahay....ngayon lang namin naisip na sana dati pa habang nagsisimula kami e nagplano na kami ng bahay.

My advise is for you to have your own house kung aalis ka sa in-laws o pamilya mo.  Sa umpisa tiyaga lang talaga pati sa gastos tipid....at the end, easy easy ka na lang.

Take the opportunity na pwede kayong mag stay sa in-laws o pamilya niyo para makapagipon at tsaka maganda rin na may katulong kayo sa pagaalaga kay baby.

Title: Re: help about "pagbukod"
Post by: rhyqsrepublique on July 08, 2011, 05:14:38 pm
hi sis  :) uhmmm in your case, i think ang mas dapat mo muna iconsider now is IF kakayanin na niyo bumukod at magsarili. medyo mabigat kasi na decision ang gagawin ninyo not unless kaya na talaga ninyo tumayo sa sarili nyong mga paa na walang ibang inaasahan. kasi with your ILs lalo na kung hindi sila ganun ka supportive sa inyo at hindi sla open sa idea ng pagbukod ninyong pamilya, yan ang magiging thinking nila...bubukod kayo pero dapat mapanindigan niyo otherwise, makakarinig pa rin kayo from them.

mahirap...sobrang hirap ng sitwasyon mo being a mom na wala man lang magawa pag ILs na ang nagsalita about your baby  :(  actually, mas ok talaga ang nakabukod kayo...mas madaling kumilos at mas masarap sa pakiramdam for as long as nakakaraos kayo at hindi napapabayaan ang needs ni baby.

as for the tips....
- try to check any for rent na malinis, affordable but livable naman near your hubby's work/office
- invest on your basic needs (lahat ng basic needs sa pagluluto at pagkain at pagtulog)
- make sure na may budget kayo atleast for 2months rental and utilities narin

...budget ka ng atleast P15,000 siguro pwede na yun  :)
Title: Re: help about "pagbukod"
Post by: kheishanna on July 11, 2011, 09:49:13 am
Hi sis rhyqsrepublique :)

salamat sa reply! malaki ng tulong yan para sakin :) nakakagaan sya sa pakiramdam kc naiintindihan mo ko plus binigyan mo din ako ng tips. oo nga e mahirap pag lahat ILs mo nagdedesisyon. tapos Mas masarap nga siguro talaga kapag nakabukod. matagal pa din naman bago kami bubukod syempre ipon muna hehe.. pero plano ko basta bago mag 2 years c baby nkabukod na kami. siguro pag nagawa na namin yun, madali na din kung magtitiyaga at magsisipag kami diba?.. kailangan din talaga namin matutong tumayo sa sarili namin lalo na't isang pamilya na kami at lumalaki na c baby.. mas maganda na din yung habang bata  pa mas nagiging responsable kami. hehe.. pabor naman sakin mga magulang ko kc hindi rin nila naranasan bumukod.. lumaki kami ng nsa compound at nsa puder ng nanay ng papa ko... buong buhay namin sa lola ko kami nakasalalay hindi kc pinagtrabaho papa ko non nung kaya pa ng nanay.. kaya naiintindihan din ako ni mama sa gusto ko... sa ngayon kc wala pa maitutulong sila mama sakin kc taghirap na din sila.. pero susuportahan naman nila ko sa mga desisyon ko..

hay sis maraming salamat talaga sa time mo.. :))
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: kuliglig^^ on July 26, 2011, 03:00:18 pm
I'm scared sa pagbukod. Kasi mommy's girl ako eh, kaya gusto ko malapit lang siya, pati I'm scared of all the expenses kasi talagang magsstart pa lang talaga kami.  :-\
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: eytellene on July 26, 2011, 08:43:14 pm
mahirap sa unang month kase madami dapat bilhin pero paunti unti ay makakaya..

now nakabukod na kame pang 2nd month na namin and so happy...:)
Title: Re: help about "pagbukod"
Post by: orangetag on August 04, 2011, 11:57:16 pm
Sis you have to consider din kung sino mag-aalaga ng baby mo in case bubukod kayo. Mahirap kasi na ipagkatiwala si baby sa kung sino. :) In our case monthly expenses siguro namin is around 15-20k. :) Hindi pa kami umuupa nyan.

I suggest ipon muna kayo. Pag may ipon na kayo na kaya kayo isustain for around 6mos, ok na siguro bumukod.

Goodluck!
Title: Re: help about "pagbukod"
Post by: Mommy France on August 05, 2011, 08:45:31 am
Mahirap bumukod sis pero mas matuto naman kayo on how marriage and family life really works.
Eto suggestion ko:

Mag-ipon kayo ng at least 30k. Kasi kailangan ninyo rin ng mga gamit sa bahay eh.

Pwede kayo mag-buffer ng 6 months to 1 year before kayo bumukod. Use this time to find work.
Tapos try ninyo na mag-abot sa family ng in-laws mo. Parang ang mangyayari is test drive sa expenses. Kung hindi nila tatanggapin.
I-allocate ninyo yung money every pay day

Kunwari 2500 for the grocery
2000 sa meralco
etc.

Kung simple living kayo ng husband mo, 15k a month should be enough.
Tignan mo din yung paparating na pag-aaral ng anak mo.
Marami kasi pwedeng i-consider sa pagbubukod pero super worth naman yung kakaharapin mo.
Title: Re: help about "pagbukod"
Post by: rozzy on August 05, 2011, 10:13:15 am
Hi Mommy Keishanna.

We have same situation pero mas malala pa nga sa akin eh kasi at least yung baby mo is well taking care of and super love nla. Eh with my biyenan na lalake, hindi niya like ang anak ko kasi favorite niya yung isang apo niya. Pero I'm not asking from him na maging ganon sya sa anak ko. Kasi ang ginagawa pa niya is totally hindi pinapansin or kinakausap na parang walang ibang bata kundi yung favorite niya. Marami na ring problems nang dahil dun pati hubby ko hindi na niya mapaliwanag o maisip bakit ganon tatay niya. Then dumating sa point na I decided bumalik na lang sa pagwowork so that we can move in na with our own house. At isa pa, kami na lang talaga nag-adjust kasi isang dahilan eh nakikitira pa rin kami at mga magulang sila. Be strong and everything will be fine sis. At isa pa, dahil alam nila na both of you ng hubby mo eh nag-start palang forming a family kaya super hands-on sila sa apo nila. See the positive side sis. Pero if kaya nyo na talaga magbukod, that's good talaga. God bless you and your family sis...
Title: Re: help about "pagbukod"
Post by: kawaiimaridel on August 07, 2011, 11:23:16 pm
sis kheishanna
naku parehong pareho tayo ng situation nung nag-uumpisa palang kami.
parang mas grabe pa yung situation ko sayo dahil mga hipag ko naman ang problema ko..
wag mong gayahin to ha,as in nag-iiyak talaga ako ng bonggang bongga na para akong aping api sa mundo sa harap ng asawa ko na as in pinilt ko talaga siya na maglipat na kami as in ipinangutang talaga namin,kasi naman hindi ko makain ang gusto ko,hindi ako makapagluto at di ko mapagsilbihan si hubby,pag nag-utos ako kasi di ko maiwan si baby kailangan may panggasolina(tawag namin sa upa) ka muna sa uutusan mo kahit candy lang ipabili mo sa labas at kapag naggrocery ako naghahanap sila ng para sa kanila,at lagi na lang ang sambit eh siguro madami kaming pera...jusme kahit diaper at napkin lang binili ko sa isetan automatic na mayaman na kami...at ang pinaka worst nakita ko ang kapatid ng hubby ko na nilagyan ng unan sa mukha ang anak ko 3 months old pa lang nun...at nangingitm na siya ng tinanggal ko unan,naligo lang ako nun at pinatingnan ko sa sil ko..kaya as in lupasay ako sa pag-iyak na lumipat na kami..wala akong pakialam kahit naririnig pa nila ako,talagang pinakita ko na sa kanila ang ugali ko na maldita din ako...

naku sensya na at napahaba ang kwento ko...
ang advise ko lang eh paghandaan ninyo din talaga kasi mahirap talaga ang nagbubukod lalo na kung hindi pa masyadong steady ang kita,kasi mahirap naman na aalis kayo diyan tapos after mga 4-6 months babalik ulit kayo kasi nrealize ninyo na di nyo pala kaya...mahirap kung sa mahirap,pero yan ang ginusto natin eh panindigan na lang din natin..pero wag mo din kalimutan na ang mga IL's at mga magulang mo din ang matatakbuhan mo pag kailangan mo ng tulong...wait ka na lang muna,tandaan mo na pag nagbukod ka ultimo asin bibilhin mo pag nawalan ka nyan ramdaam mo agad lalo na at walang wala ka...darating ka din sa part na wala ng makikialam sayo,charge to experience na lang sis at least mas makikilala mo yung kinalakihan ng asawa mo..marami kang matutunan,ako ang dami-dami,sobrang dami...ayokong maging kasing ugali ng anak ko mga SIL ko,kaya need talagang bumukod...at ipakita mo na din ang ugali mo ngaun palang,yung tipong di ka nila pedeng kayan-kayanin kasi mahirap ng alam nila ok lang sayo ang lahat pero di pala sa part mo..mahirap yun,ako pinakita ko na lahat,kaya wala sila masabi sa akin kasi yun na talaga ako..naku ang haba ng kwento ko..over na...heheh  ;D
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: moonriver on August 10, 2011, 03:47:11 pm
Mahirap? it's just the opposite! Masaya, masarap, and it's very liberating!
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: betelgeuse on August 17, 2011, 08:13:10 am
Hello mga sis, we're living with inlaws from d time we got married and now we hav 9mo. Old baby and pregnant na din ulit ko 3mos. Mag 2 yrs na kami dito sa inlaws ko. When our 1st baby arrived dun na nagstart ang problem ko kay mil, pakialemera even my personal things sa rum ha. feeling nanay sya sa baby ko. shes know it all person and feel niya tama sya lagi. She has backstabbed me and make up stories about me. Pero were civil naman dhil pag kaharap mo shes nice. kaya i really want to move out na talaga. Pero si hubby intay lang muna daw, thou naghahanap na kami ng lot to build our house. Pano ko ba iconvince c hubby na need na talaga namin bumukod, we have a condo din naman na we can move there na kaya lang malayo kc sa work or should i wait til we have our own house? Nahihirapan na talaga kc ako sa mom niya. Thank u so much.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: _knightwind_ on August 18, 2011, 10:46:03 pm
Mahirap ba bumukod?yes and no.
mahirap sa UMPISA kasi magastos yan,crucial talaga the first few months pagkabukod nyo
kasi nagsstart palang kayo i-complete yung mga gamit niyo and medyo strict dapat talaga sa budget.

hindi mahirap kasi tulad ng sabi ng ibang mommies/wives, mas mihirap makisama at mas mahirap magpakaplastic and mag ipon ng sama ng loob na hindi mo mailabas due to respect,family factor etc.
one thing is mas magastos minsan makipisan right?
kasi pag nakikipisan kayo it means mas marami kayong kasama,hindi naman pwedeng iisa lang
gagastusan mo dun o kaya di rin naman pwedeng magdamot ka sakanila kasi pamilya parin yun diba?
pero pag bumukod kayo pwedeng maging lesser ang expenses nyo basta alam nyo lang kung paano mag budget ng expenses and everything..

dati nakikitira din kami ni hubby sa FIL ko.sa katabing bahay eh sa SIL ko naman with her 3kids and her hubby. duplex house siya kumbaga.ang hirap kasi iisa ang metro namin sa water at electricity. mas malaki ang kinoconsume nila kesa samin kasi hubby ko naman palaging wala due to work bale once or twice a week lang siya umuwi.ako lang,yung eldest ko and later on yung yaya namin ang nasa bahay.imagine hindi fair ang hatian sa bills.mas malaki ang binabayaran namin kesa sakanila,understandable naman na no need to share sa expenses si FIL kasi he's too old at wala namang pinagkukunan ng pera.but my SIL naku!!masyadong matapang,apo ata ng katipunero eh ;D
halos lahat ng kinikita ni hubby sa city services lang namin napupunta.
tapos may pagka war fr*ak pa SIL ko.mahilig masyado sa away.
kapag mainit ulo niya ako ang pinagbubuntunan. lagi niya akong sinisigawan at pinaparinggan up to the point na pati 3year old daughter ko pinagsasabihan niya ng kung ano-ano and even her kids inaaway kaming mag ina.(take note:3rd trimester ko na ng pregnancy that time)
lahat tiniis ko.wala silang narinig sakin kahit ano pero umabot sa point na napatid din pasensya ko.
kasi umaabuso na even my unborn child pinagdidiskitahan.nagsumbong ako kay hubby pero worst ang nangyari after niya i confront si ate.so nag makaawa ako kay hubby na lumipat nalang kami.after 3weeks nung sinabi ko yun naghanap na ng malilipatan si hubby kahit na umupa muna kami atleast hindi na stressful.

before kami lumipat pinag usapan namin kung saan.then we both agreed na lilipat kami sa ibang city kung saan wala akong kamag anak ni isa at wala din siyang kamag anak ni isa para fair..para walang makikialam sa amin na pwedeng maka apekto sa relationship namin.that was reasonable.
so far nakahinga na ako kasi wala ng stress.unlike before na para ako palaging nagtatago sa bahay para lang makaiwas sa away.lagi lang ako asa kwarto lalabas lang ako pag kakain na. :D
nagtiis ako manganak na walang ibang nakaalalay sakin kundi si hubby.wala kaming kagamit gamit nung lumipat kami pero after few months halos di na magkasya sa bahay namin mga gamit na naipundar namin. :) :)malaki na kasi natitipid namin kaya nakakaipon na kami kahit pano..

Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: buuurp on August 21, 2011, 08:40:14 am
mahirap kasi all gastos and chores sainyo.. and esp if kaw ang wife/mother masmalaki responsibility sayo. since im a full time working mom super hirap pero super woooooooorth it yung pagod at gastos :) happy na kami at unti unti na nareresolve ang marital problems. hopefully tuloy tuloy na. :)
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: on August 21, 2011, 10:11:22 pm
ako gusto ko bumukod kase may baby na ako saka nahihiya ako sa parents ko though 21 palang naman ako and may baby. pero gusto ko andito pa din ako sa family ko kasama mga kapatid ko. pero ayoko na bumukod kami na uupa kami, mahirap kase, gusto ko may sarili na kami house.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: cosmic_mom on September 05, 2011, 06:14:06 pm
nung kinasal kami ni hubby, di pa kami stable so we had to live with his mom and partner, and sister. napakahirap pala makisama lalo na sa in-laws. pero kailangan magtiis e. eto pinili ko buhay. pati tuloy kami ni hubby halos araw araw na nag aaway. pero ayaw namin pareho na ganito kami lagi. nag-ipon kami para makabukod. kailangan kc ng mga advance and deposit tsaka kahit konti gamit sa house. nung nakalipat kami, sobrang iba ang feeling. parang nakakahinga ng maluwag. and we are happy being together. lalo naging maayos ang pagsasama namin ni hubby. maliit lang nilipatan namin pero masaya naman kami. advice ko lang sa mga gusto bumukod, ituloy nyo yan pero dapat marunong ka din magbudget. hindi ganun kadali. lagi kayo magkaka prob financially, pero kung lagi nyo napapagusapan ng maayos at ginagawan ng paraan, magiging ok din ang lahat.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: mumzeth on September 06, 2011, 06:41:59 am
hays.. eto na gusto kong gawin.. ang bumukod kahit na 18 palang ako.. mas MAHIRAP makisama kaysa bumukod. kaso ipapaayos pa yung bahay at maghahanap pa ng mag-aasikaso kay bebe. financially speaking mahirap kasi ikaw bibili lahat ng needs ng family.. pero ok lang, lalo na kung 3-4 members lang kayo MAS MALAKING tipid kumpara sa nakikitira ka hahati ka sa gastos tapos halos ikaw na yung sumuporta tapos sisilipin ka pa.. whew..(lumabas yung pagiging BITTER ko.. haha! ano ba yun?!) :o
anlaking diference kapag hindi ka nakikisama kasi wala kang kasamaan ng loob about sa hatian ng gastos etc.., wala kang taong pag-aadjusan in short kahit na anong gawin mo sa sarili mong bahay pwede kasi sayo yun walang maninilip..

biblically din naman dapat the moment na mag-asawa na yung lalaki kelangan na nyang iwan ang kanyang family at asikasuhin ang new family niya.. (somewhere in the book of Genesis) basta ayun share ko lang..
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: Crocs2011 on September 06, 2011, 08:54:41 am
Hello mga mommies...sa tingin ko mahirap na masarap ang bumukod. Mahirap kase kayo lahat ni hubby ang gagastos sa lahat and sa mga things na kelangan sa bahay. Masarap kase you will have a house that you can call your HOME.

Ako, I keep on dreaming to have our own house. 3 years na kaming married and from Day 1 nakikitira kami sa mga IL's ko. Wala namang problema sa mga IL's ko, they were all kind to me and super helpful lalo na sa pag-aalga sa 9-month-old baby ko. But still dumadating talaga sa buhay ang mga problema lalo na pag-financially na.

Kaya ako...kahit papano I do save money para sa dream kong to have my own house. Parang wala kaseng plan si hubby na magkaron ng sariling nyang bahay. Kung ayaw niya, ako gusto ko...
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: orangejamgirl12 on September 17, 2011, 03:01:53 pm
kami ni hubby, a month after we got married, bumukod na kami from my parents. nagrent kami ng aprtment. masaya na mahirap. masaya dahil independent kami, may privacy, kami nagdedecide at didiskarte. mahirap dahil sa part ko, ako nagluluto, grocery, linis. after work, magluluto ka and gigising ng maaga to prepare food. pero actually, naenjoy ko din yan. tsaka masaya si hubby pag pinagluluto ko sya.

although right now bumalik ulit kami sa parents ko dahil may sakit dad ko eh sila lang ng mom ko sa house. ok naman sa hubby ko, sya nga nginitiate to move back. and timing din kasi pregnant na ko and medyo maselan so it's a big help din na nasa parents ko na ako.

in terms of budget, halos same lang ang expenses namin. nung bumukod kami, ang mahal lang dun is yung rent. the rest, like food, water, electricity- tipid kami. nung nasa parents ko naman ako, malaki yung share namin sa household expenses. i support pa rin kasi my parents. kami ng kuya ko, since wala na work parents namin tapos may sakit pa dad ko.

for me, kung kaya nyo na bumukod at wala namang problema sa family, better na may sarili kayong bahay. yan yung next target namin ni hubby once na matapos na namin sa kotse. :)

Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: momma_33 on September 19, 2011, 10:28:04 am
hi sis, kami ni hubby medyo matagal kami bago bumukod like 6yrs sa house kami ng in-laws ko pero para na ring bumukod kami kase kami lang naman talaga ang nakatira dun minus the rent nga lang. Eventually bumukod na din kami later on, ang masasabi ko lang sis kailangan talaga ng budget because you will provide for everything lalong lalo na if you will be renting mas mahirap but well it depends din sa lifestyle nyo. For me, mas maganda nang bumokod while maaga pa.
Title: Re: help about "pagbukod"
Post by: mariann on September 27, 2011, 08:50:18 pm
i can sense the controlling factor is on your age.  with us, it meddling factor.  yong lahat ng kilos mo pinapaki-alaman.  lahat mali.  i moved out of my MIL's house.  but then, kahit sa sariling bahay ng magulang ko, i'm still not comfortable because you can't do things on your own.  you still have to abide by their rules.
 
when we moved out, we started from the scratch.  our savings went to furnitures and appliances.  rent for the apartment last 2005 was P4,500 minimum for a 2-bedroom unit.  maybe you can get a smaller one for a cheaper rent.  we have a yaya kasi we are both working.  you also have to consider you electric bill, water bill, grocery.
 
better be prepared financially before you move out.  assess how much you can afford.  but i still believe that if there's a will, there's always a way.  kaya nga ng mga securtiy guards and salesladies na mamuhay here in the city away from their hometowns, why can't you, di ba? 
 
God bless.  if you still can't afford, tiis-tiss muna, sis. 
Title: Re: help about "pagbukod"
Post by: Bry♥Shey on September 30, 2011, 10:40:12 pm
in your position mommy, i suggest huwag muna. better save up po muna and get a job first before thinking na bumukod kayo.

sino magbabantay sa baby nyo? - since you mentioned that you have plans in looking for a job, tapos si hubby nyo ay umaasa pa sa kita ng family business nyo? , shared income kasi ito and family business so hindi pwede na kay hubby mo mapunta lahat ng kita nun. if bumukod ka, mas madadagdagan ang mga expenses nyo.

Mga NEED na bayaran talaga;
1. Kuryente,
2. House Rental
3. Bayad sa tubig
4. If magkakaroon kayo ng kasambahay since pareho kayo magtra-trabaho,
5. Groceries & Food Supplies.
6. Transportation nyo or mo para sa trabaho.

Mga Optional na bayarin
1. Monthly Internet payment
2. Monthly Phone payment
3. Monthly Cable TV Payment.

i would suggest to do the following first;
1. Get a job first
2. Save up first. mas maganda yung may bank account na kayo and emergency funds

kami ni mrs. we started talaga na mag rent lang sa isang apartment. nagsimula kami sa kama lang mismo walang frame. na linalatag lang namin pag matutulog na kami at inaangat namin pag umaga na. hehe!! then eventually nadagdagan ng nadagdagan.. it was very hard. pero nadaan din naman sa tsaga. pero yan yung mga lessons na nalaman namin. establish the foundation muna para maka bukod. para it wont be hard for you and your hubby. PLUS, your baby.
Title: Re: help about "pagbukod"
Post by: tintoink on October 02, 2011, 03:47:57 am
ako gusto ko na bumukod. meron akong rent na apartment, pero hindi ko natitirahan naka 6months lang kami.
ending ko sa inlaws parin. nasa abroad si hubby at 3 kids kami 3,2,1 sunod sunod. walang tumatagal na yaya samen, so no choice talaga kasi work din ako. mahirap naman kasi bumukod lalo na at yaya lang kasama nila tapos wala pa kaming lalaki sa house.  well hati naman kami sa expenses. pero iba parin talga kapag sarili mo na, mas masarap umuwi ng bahay,.

tiis lang talga. kasi hindi ko naman kasundo ang mother in law ko.
Title: Re: help about "pagbukod"
Post by: smoothie on October 06, 2011, 05:17:58 pm
i don't want to discourage you sis but weigh the pro's and cons first. Yung pagbukod namin was one of the best things that happened to my life BUT one of the hardest kasi ang daming responsibilities.

We spend around 35k a month. 4 kami + yaya.
Dito napupunta money namin:

- rent
- electricity
- grocery
- cable
- internet
- water
- school bus
- yaya
Title: Re: help about "pagbukod"
Post by: Princess Dizon on October 06, 2011, 08:03:44 pm
 Sis kheishanna -ako din i'm a young mom nkatira din ako sa IL ko naiisip kong mag bukod din kaso mas iniisip ko na mas mapapamahal at mapapagastos kami kung bubukod kami at isa pa ngstudy hubby ko so kpg bumukod kami ,kami lang dalawa ng baby ko maiwan kung sa mga IL ka nkatira mgagabayan ka nila ska sis temporary lang naman yan eh tapusin nyo muna studies nyo bfore kayo bumukod ,mhirap ang buhay sis think twice :)
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: mommy_trish on October 28, 2011, 06:37:52 pm
hi mga sis! help naman.

we're planning na bumukod by next year pero hindi totally kasi property parin ng parents ko yung lilipatan namin. pero naisip ko mas ok na yun kaysa dito kami sa house ng parents ko nakatira na sagot nila lahat. mabait naman parents ko kaso feeling ko sa sobrang bait, naging dependent na ko sakanila. somehow kahit papano magiging independent na kami kahit di kami magpay ng rent, kasi kami na ang bahala sa food, water and electricity namin.

ang question ko, how much usually ang budget nyo for the food, electricity, water and kung may iba pang expenses? i have two boys and sila pa lang kasi nasa 8k monthly na, may yaya pa. TIA!  :)
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: sheys_sheys on October 28, 2011, 06:44:42 pm
mahirap kung sa mahirap....
nakabukod kami and malayo talaga ang aming mga relatives,sa amin lahat ng expenses of course...

ask ko kung may work kayo pareho ni hubby?...
sa amin 2k for one week,with my two yr old son...kasama allowance namin ni hubby...
tapos house bills(Electricity,water we don't have Telephone)---2k yun yung budget ko...
I don't have yaya din...mayre-rent ba kayo sis?...
Title: Re: help about "pagbukod"
Post by: cheena on November 03, 2011, 01:58:20 pm
like you sis gusto ko na rin bumukod, kahit na nga parents ko kasama namin sa house mas ok pa din if nkabukod, ang no. 1 concern ko lang tlaga is yung mag-aalaga sa anak ko, kahit na sa tingin ko kaya naman naming bumukod yung anak ko pa din ang iniisip ko, sobrang kulit niya kasi, feeling ko walang tatagal na mag-alaga sa kanya..ayoko naman na iwanan lang sya sa yaya bka paluin lang lagi, kaya until now hanggang plano nlang yung gusto kong pagbukod.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: buuurp on December 17, 2011, 06:27:58 am
6 months na kaming nakabukod, and nasa 40k a month overhead namin lahat lahat na yan.. we are renting and have a 10 month old son. :)

both of us are working, may savings na din kasama yun.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: jhenbreak on December 19, 2011, 05:47:46 pm
Mahirap na masaya. Magastos magsimula. Mahirap kasi ikaw lahat gagawa ng lahat unless you hire a maid.

 Pero masaya kasi kayo lang talaga, mas mahirap ata makisama di ba? And, it is biblical, dapat kapag nag-asawa ang lalaki, bumukod silang mag-asawa. Masaya kasi adventure yon eh, dun nyo mas mafifeel na mag-asawa talaga kayo, walang makikialam, walang makikigulo. Maghagisan kayo ng plato, magsigawan kayo, walang eextra (but of course we don't do that, haha!), my mom just told me about that. The moment we got married, bumukod na kami, kaya nga nag-asawa kami eh, nakakahiya naman sa magulang ko o magulang niya na nag-asa-asawa kami tapos hindi pala namin kaya.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: NayRaq on December 20, 2011, 01:52:43 am
Mahirap bumukod, pero kailangan para sa privacy din at higit sa lahat para walang nakikialam sa iyong mga In-laws. If talagang gustong bumukod kayang magtiis dapat kung ano kakayanin ng sweldo, pero kung gustong makasave muna ng mas madali, wag munang bumukod at magtiis muna kasama in laws. :)
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: working_girl88 on December 20, 2011, 10:09:01 am
mahirap. 7months na kaming nakabukod. before ako mapreggy 10 months ago, may work ako, so pareho kami ni hubby na may income. bumili na kami ng ibang gamit sa bahay kasi napagusapan na namin before pa na bubukod kami. kaya ngayon hindi na namin problema ang pagbili ng gamit. when i got pregnant, my hubby didnt want me to work kasi bonga yung morning sickness ko dati so sya na lang yung nagwowork for us. sobrang hirap kasi 2 lang kami ni hubby sa bahay, ako talaga ang gumagawa ng chores kasi may work sya. wala pa kaming washing machine so manual laba talaga kami. now that we have a baby, doble na ang hirap namin ni hubby.   :'( wala kasi kaming ibang kasama sa bahay na tutulong samin, kaya nga minsan naisip ko na bumalik muna sa house ng parents ko para kahit pano katulong ko ang mom ko na mag alaga kay baby. pero wag na lang, nahihiya ako sa kanila.  :-\
ang gastos namin ni hubby sa house for a month is 15k kasama na ang food, electricity and rent na 6k. pero ngayon na may baby na kami may dagdag na 3k-4k na sa budget. masakit sa bangs kasi si hubby lang ang nawowork, pero salamat sa mga friends namin ni hubby, sobrang supportive nila samin. may taga supply ng diaper kay baby, tas nagbbreastfeed ako kaya tipid sa gatas. hehe!  :D kahit pano nakakaraos na. siguro after 4-6 months back to work na ko, so plan namin kumuha ng yaya for baby. dagdag 3k na naman sa gastos, pero ok na din kasi mas magkakasya na yung income namin ni hubby sa gastos sa bahay at kay baby.  8)

mahirap bumukod kung kulang sa budget at hindi marunong sa household chores pareho.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: imeego on December 20, 2011, 11:27:27 am
mas ok talaga nakabukod although mahirap kasi you have to start from scratch...for more than a year nakatira kami sa inlaws ko, nahirapan ako kasi di ako kumportable and di ako sanay makisama sa ibang tao, although sobrang bait nila...nung nandun kami,  ang share lang namin is bayad sa kuryente at sa driver, more or less 10k lang tapos everyting else inlaws ko na bahala...but since mapilit ako, pinagbigyan ako ni hubby na bumukod na ;D...magastos magsimula, need to buy everything-furniture/appliances, butas ang bulsa ni hubby that time kasi sabay din to sa birthday prep ni baby lol...but after that ok na kami, although unlike before na 10k monthly lang gastos namin, now lomobo na monthly expenses namin, umaabot na kami ng almost 15k sa grocery pa lang, di pa kasama yung para kay baby, utility bills (electricity, water, cable, internet etc) at salary ng helper at yaya...minsan nga naaawa na ako kay hubby since sya lang ang working dahil sahm ako...pero overall happy kami kasi di ka na makikisama, magagawa mo gusto mo na di mo iisipin baka may masabi sila ;)
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: kurdapya101 on December 22, 2011, 02:04:17 pm
mas masarap ang nakabukod kesa sa nakikisama sa MIL lalo na kung may pagkaalamera ang MIL naku goodluck hehe
Title: Re: help about "pagbukod"
Post by: kurdapya101 on January 12, 2012, 03:49:53 pm
ako kami ni hubby 1 month lang kami tumira sa kanila.. turn out well naman though mahirap kase hindi ka makakilos ng normal and ang layo ng bahay nila novaliches then makati kami ni hubby work nun so ayun i decided na umupa ng bahay 8k a month upa namin konti palang gamit namin nun paunti unti nakumpleto mahirap na masaya tiis tiis lang talaga ngayon awa ng Diyos kumpleto na gamit namin may baby na din bahay nalang talaga ang kulang
Title: Re: help about "pagbukod"
Post by: mommymau on January 12, 2012, 07:03:08 pm

at ang pinaka worst nakita ko ang kapatid ng hubby ko na nilagyan ng unan sa mukha ang anak ko 3 months old pa lang nun...at nangingitm na siya ng tinanggal ko unan,naligo lang ako nun at pinatingnan ko sa sil ko..kaya as in lupasay ako sa pag-iyak na lumipat na kami..wala akong pakialam kahit naririnig pa nila ako,talagang pinakita ko na sa kanila ang ugali ko na maldita din ako...



sis kawaiimaridel, bigla akong nalungkot sa kwento mo, bigla akong naawa sa baby mo na caught in the act mo pang tinatakpan ng unan yung mukha niya.. haay.. kung ako yun, giyera patane na.  >:(

kung ikaw SIL ang problema mo kaya kayo bumukod, ako naman hipag na hilaw naman ang problema ko kaya gusto ko na rin na bumukod na kami. pero mukhang matatagalan pa, hindi pa kaya ni hubby kasi dami pa namin kelangang unahin.  :-[
Title: Re: help about "pagbukod"
Post by: eowyn on January 19, 2012, 02:58:37 pm
considerations of living on your own (i mean with your immediate family-- hubby, kids, caregiver) in no particular order:

1. shelter- house rent/mortgage (if loaned)
2. food- weekly groceries (i.e. baby's milk, diapers, canned goods, toiletries, cooking must-haves, condiments, etc.), viand every meal (i.e. fresh produce, meat/poultry, fish), rice
3. utilities- water and electric bill
4. transportation- gas (if you own a car) or fares (if commuter)

that's just the basics. wala pa dyan yung for leisure. i guess if the budget is enough, pleasure should be in the budget list, but if the money that comes in is just meager, you have to cut on expenditures. in our case, we don't have a cable nor a landline. we rely on our mobile phones, but our mom provided us with PLDT landline plus SIM card (i guess she only pays P200/month for that on top of their monthly phone bill) so we could check on my son while at work.

i must say that a dual income household is the trend nowadays, with the increasing cost of living. it also helps to have supportive family. although we are already living on our own since my son is born, our parents still assist us in little ways that they can, like what my mom did with the PLDT line, and my in-laws' ration of rice from the province.

while it's true that moving out gives you the liberty to be the parent that you want to be to your kid/s and to be the partner that you want to be to your better half, you have so many things to consider. the most important part of which is your financial capability to support your family's daily needs so you can peacefully live on your own.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: mamachristal on February 02, 2012, 04:24:25 pm
hindi ahh sarap sarap nga bumokod ehh super sarap ang maginhawa sa pakiramdam...lalo na if yung asawa mo stay in sa work..hindi naman sa ayaw ko kasama mga inlaw ko wala ako problem sakanila super close nga kame ehh,pero iba kasi pakiramdam mas feel ko na may sarali na akong pamilya...
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: eytellene on February 07, 2012, 01:34:48 pm
sa simula mahirap kase may mga gamit nga.. pero over all masaya.

unlike nung nkatira kame sa inlaws ko ang dami need pakisamahan plus dun din nakatira yung anak niya na isa na may asawa na din... at least now happy ako  ;)
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: mommycesz03 on March 06, 2012, 04:37:59 pm
Mahirap pero mas mahirap ang nakikisama sa in-laws :) sa pagrerent lang ng apartment monthly+bills+foods at iba pa naku kaloka yan monthly expenses. Buti nalang sapat pa sahod ni hubby at minsan may projects din kaya may extra napupunta minsan sa luho or di kaya naman sa bank :) hirap kasi makisama sa mga in-laws,sorry pero "hell" talga. Walang sariling desisyon kapag kasama mo in-laws mo.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: jealousygirl on March 14, 2012, 10:11:49 am
I being a solo parent i rather say Yes, its mahirap,,, But... worthy naman pag nakikita mo yung napupundar mo. and yung wala kang pinakikisamahan , yug walang nakatingin sa halos lahat ng kilos mo,, na ultimo subo mo ng pagkain nakatingin sau,,I being a single mom,, House rent, yaya, foods, allowance, etc.. ako lahat..
i started with nothing..NO sofa set, No tv, no gas range, as in nothing.. ang buhat lang naming mag ina,, when we moved in sa inuupahan namin,, our Few clothes.. For a solo parent like me who's earning not too much amount of money,,  I survived sa tanong na mahirap ba bumukod, at tanong na baka hindi ko kayanin alone..

Kung nakaya ko  mag isa.. for sure kaya nyo rin..
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: purplegirl on March 14, 2012, 10:18:05 am
mahirap pero masaya.... you have all the freedom, as in... especially the freedom na maglakad ng kahit nakahubo sa buong bahay mo!  :D :D :D
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: leegirl on March 14, 2012, 12:01:18 pm
sabi ni mama mahirap daw bumukod. hehe ultimo mga plastic daw itatago. hehe eh kami naman hindi pa makabukod kasi me pinapaaral pa si bf.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: jeuno on March 14, 2012, 01:30:00 pm
@jealousygirl - Wow sis, I salute you. Sana soon makabukod na rin kami ni hubby. Kahit kasi gaano pa kabait in-laws mo, iba pa rin talaga pag walang ibang tao. lalo na kapag ang MIL at mga SIL ay maypagkapakelamera, pero mabait sila, kaya lang iba pa rin yung naaapektuhan yung decision nyo magasawa diba.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: jealousygirl on March 15, 2012, 06:28:52 am
@ sis jeuno.. yes po. tama po.. in my case,nakatira ko before sa parents ko.. come to think of it, na wala akong ibang pinagkakagastusan, though nagbbgay rin naman ako sa kanila. pero pinagpalit ko yun to live alone, to live separately, just for me to say to myself na kaya ko mabuhay sa sarili kong pagsisikap.. yes, single mom ako, and i wont let other people to degrade me , through sayings na palamunin, asa sa magulang.. and hindi rin kami magkasundo na kasi ng stepmom ko kaya umalis ako,, as in po sis,, naawa ako sa sarili ko nung lumipat ako , but sa tulong ng mga tao sa paligid ko , sa sinasabi nila na ganyan tlaga ang nagsisimula p lang,, you start with nothing.. and now after 3 yrs na nakabukod na ko,, ang saya saya ng feeling na nakikita ko na yung hard earned money ko,, na nasasabi ko sa sarili ko na kayang kaya ko.. knowing na mag isa lang ako,,

I hope i inspired you all to those who wanted to live separately .. aja,, fight. fight... kung kaya ng isa,, kaya ng 2.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: jeuno on March 15, 2012, 02:58:15 pm
^galing talaga sis. actually mas concern ko kasi sa pagbukod namin yung baby ko. parang mahirap kasi ipagkatiwala sa yaya lang, tho meron syang yaya ngayon naaasikaso pa rin sya ng MIL ko. yun nga lang medyo OA na, masyado na pinapakelaman desisyon namin bilang magasawa para sa anak namin. pano mo naayos yung sa baby mo?
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: jealousygirl on March 16, 2012, 05:52:38 am
^ hi sis.. nung nag move po kasi ko ng house, si daughter turning 4 na rin,, so nag ask rin ako ng help sa tita ko na look for someone na napagkakatiwalaan na mapag iwanan sa kanya,, by then nag start ng stay out yaya and also gawa n rin konti sa bahaymm eh room lang naman kami nun before,, then i got one na nag stay in,, but i also made sure na okay,, pag kasundo ni baby go,, pag hindi uhmm bye,, ganun lang,, now,,  yung cousin-cousin ko nagbabantay sa kanya. , mas better po kung may kamag anak k n gusto mag service sau,then go.. ,
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: jeuno on March 17, 2012, 01:51:07 pm
^yun nga sis, naghahanap din talaga ko ng malayong kamag anak na willing. pero itra-try ko rin muna tong yaya ni baby ngayon. okay naman sya e, kinakatakot ko lang, baka pag nakabukod na kami kapag naisipan ng yaya na umalis wala na ko mapagiiwanan kay baby kasi wala na pwede mag alaga.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: jealousygirl on March 19, 2012, 06:37:41 am
^ napagdaanan ko na rin yung ganun sitwasyon sis,, na umalis ang yaya,, hays,, hirap kasi nag w work ako,, buti lang rin kasi that time siya pa siya nag e school so,, hindi siya affectedm so, what i did,, pinagbaskayon ko muna siya sa mudra ko for 1 week,, or less,, while looking for the replacement,, i also seek help from them to look for a new one for me.. ganun tlaga sis eh,, dumating rin yung time na nasira ang attendance ko here sa office but now ok na.. ^^
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: babylovealthea on March 19, 2012, 11:38:10 am
depende kasi sa situation. mahirap if both kayo need nyo magwork and medyo limited ang budget nyo to get your own yaya. syempre walang maiiwan sa kid/s nyo. or say parehas or isa sa inyo is di macontrol ang unwanted expenses. syempre if bubukod kayo (for example magrerent kayo), you need to pay your own rent, utility bills etc. if isa is medyo magastos pa, isip isip muna. kasi pag bumukod is malaking responsibility yun. mas malaking adjustment for both couple na medyo nasanay na tumira with in laws. but on the other hand, masarap kasi wala kayong pinakikisamahan. you can do whatever you want kasi sarili nyong house yun.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: jeuno on March 19, 2012, 12:07:28 pm
^yun nga sis, magastos yung problem. pero lalong hindi kami matututo na magtipid unless kami na gumagastos ng lahat ng expenses diba? I mean, kasi madalas kapag andyan na llahat tine-take natin for granted, kaya nagiging maluho tayo. pero siguro kung tayo na mismo gumagastos sa lahat matututo na tayo manghinayang diba? :D
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: babylovealthea on March 19, 2012, 12:14:58 pm
pero siguro kung tayo na mismo gumagastos sa lahat matututo na tayo manghinayang diba? :D

not really.. my bro and his wife didn't learn it. its more on how we would really want to learn na magtipid. tsaka before you do it, make sure na meron na kayong naipon na emergency fund. mahirap mag ipon ng emergency fund kung gagawin nyo after na magmove out kayo. :)
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: jeuno on March 23, 2012, 02:48:32 pm
thanks sis. yun nga iniipon ko ngayon e. gusto ni hubby at least 50k, e nagastos na namin money namin. magastos kasi si hubby, dami gusto, e ako naman di ko matiis na di pagbigyan. pero siguro nga ngayon pa lang kailangan ko na matuto na magtipid para pag bumukod kami ready na talaga ko.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: buuurp on March 24, 2012, 03:07:11 am
Nung bumukod kami ni hubby, ang pera lang namin na extra ay 20k (walang naipon dahil panay hiram ang in laws kasi nga di naman kami nakabukod non) which yung 12k pinangdeposit at advance pa namin (mabait yung landlady). Ang binili lang namin non ay refrigerator - installment sa card. Yung mga ibang gamit - arbor ko nalang sa mom ko at mga gamit ko na nung dalaga ako. Pero nakasurvive naman kami (si baby may separate savings na di pwede galawin) maybe kasi pareho kami may work non, yung first 2 months tag tipid kasi pinaikot ko lang yung credit cards nung simula so pinay-off namin yun... and ngayon nakapagpundar na kami ng appliances at may ipon na. Siguro kung di kami nagbukod non - wala pa din kami ipon ngayon.

Mahirap lang nun kapag hapon to gabi si baby ililipat ko sa bahay ng mom ko kasi papasok kami sa gabi at matutulog sa hapon, mabuti nalang at dumating ang yaya namin na si Ate Beth, hulog sya ng langit! = )
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: jeuno on March 24, 2012, 12:34:49 pm
^gusto ko nga sana sis yung malapit lang din sa mga kamag anak para may titingin tingin pa rin kay baby kahit papano. honestly kahit gaano ko gusto bumukod super takot din ako, ganun din husband ko. takot sya na magutom kami. kung appliances lang almost complete naman kami, ref and washing machine lang siguro kailangan iinvest, kasi mga gifts nung wedding namin madami. tapos syempre couch and bed. e yun palang mga yun kulang na 20k.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: weddingsingermom on April 21, 2012, 03:25:56 pm
Mas ok ang nakabukod. Dati nakatira kami sa in-laws ko, dun kami dumiretso right after ng kasal namin. Then we decided to move-out nung ipanganak ko na yung panganay ko, kasi gusto na namingmasubukan yung kami lang, saka isaa pa kahit mabait yung biyenan ko e hindi ako at ease na yung mga kapatid ng asawa ko lagi nalang umasa sa kanya, although hindi siya yung panganay. Nagbibigay kami ng share sa kanila pero sabi nga ni hubby, hindi kami makakapagpundar ng sariling gamit saka baka masanay kami na nakasandig sa poder ng mom niya. Ang masasabi ko mas ok yung nakabukod kasi you set your own rules, natututo pa sa budgeting. Wala problema so far. My parents and my in-laws would visit us from time to time, andun yung sense na namimiss nila kami, at ganun din sila sa amin. Six years na kami nakabukod, dapat nga may sarili na kaming house kung hindi lang nagkasakit ng malala yung anak ko. We are renting until now, mababa lang naman rent kasi kabarkada ni hubby yung may ari ng house, 2500lang monthly, two bedrooms with dirty kitchen and laundry area with libreng garahe, wag lang walang nakatira sa house, laking tulong talaga plus ang mga bata lapit lang sa school. Hopefully after three more years makakuha na kami ng sariling house within the village pa rin. :) mahirap naman talaga sa umpisa yung bumukod lalo na maliliit pa mga bata walang yaya tapos parehas kami ng work, sa events kami e, maliit lang sahod, so yung mga sala set at dining set unti-unti naming napag-ipunan pati ref, kalan, washing machine, etc...we hire a babysitter everytime merong work. Nakasurvive din kami by God's grace. And by His grace din magkakaroon na rin kami ng bahay na masasabi naming amin talaga.
Title: Re: mahirap ba ang bumukod?
Post by: tashasabs on April 30, 2012, 12:24:57 am
Sa akin mas okay itong nakabukod kami. Di bale na kailangan magtipid dahil may mga gastusin kesa araw-araw akong stressed kasi di ko kasundo mga kasama ko sa bahay.  :)
Title: Re: living on our own - pagbukod expenses and concerns
Post by: GorgeousChai on May 06, 2014, 03:38:38 pm
subscribing. Plan namin to matagal na. Sana before year end matuloy.
Title: Re: living on our own - pagbukod expenses and concerns
Post by: greenstickman on May 12, 2014, 06:59:52 am
Mahirap naman talaga bumukod. At dapat naman talaga naka-bukod ka kung may sarili kang pamilya.

Sabi nga ni Bro. Pete,

"Kung may asawa at anak ka at nakatira ka pa rin sa mga parents mo, MAGULANG ka."
 ;D

Maraming conflicts kung nakikipamahay ang pamilya mo sa mga magulang. Hindi maiiwasan ang conflict ng biyenan at manugang. Pati pagpapalaki sa bata issue. Not to mention yung mga usapin tungkol sa daily expenses.

Hanggat kaya na bumukod, dapat talaga bumukod para ma-realize ng mga magulang na hindi biro ang magkaroon ng sariling pamilya.
Title: Re: living on our own - pagbukod expenses and concerns
Post by: faithyperry on March 01, 2015, 11:25:35 am
Mas maganda talaga yung nakabukod agad ang mag-asawa kesa nakatira ka sa in-laws.

Ako, minsan naaburido na til now andito pa kami sa in-laws ko nakatira. Ang dami namin sa bahay. Yung 2 kapatid ng husband ko andito pati yung asawa ng ate niya dito rin nakatira. May hinuhulugan naman kaming bahay kaso hindi pa kami makakalipat kasi by December pa raw matatapos sabi ng Developer.

Hindi ka makakilos ng maayos kasi nga feeling mo daming nakamasid sa iyo tapos kapag may misunderstanding or argument kayong mag-asawa nakakahiya pa na marinig nila. Isa pa, syempre iba yung kinalakihan nila or kinasanayan. Kaya kung burara ang mga kasama mo sa bahay at ikaw hindi, mangungunsumi ka lang talaga.

Mahirap bumukod kasi solo nyo talaga lahat ng gastusin pero it's worth the risk at mas titibay pa ang samahan niyong mag-asawa.

Kung hindi ko lang sinusuportahan yung mom ko sa Bulacan, baka pinilit ko na ang husband ko na magrent kahit maliit lang na apartment, makaalis lang dito. Kaso hindi enough ang sweldo namin kasi nga ako pa rin ang in-charge sa gastusin ng nanay ko.  Don't get me wrong ha, ok. Lang sa akin na til now ako yung sumusuporta sa nanay ko kasi ako lang naman anak niya, pero minsan nakakapagod din pala. Di bale sana kung napakalaki ng sweldo ko. Hindi ako humihingi sa husband ko ng pera kasi hindi naman niya responsibility ang nanay ko.

Haay. . Kaya ako pag tanda ko gusto ko may ipon talaga ako para hindi ako magiging dependent sa anak ko. Kawawa din kasi kung may sarili ng family tapos ako hingi pa rin ng hingi. Kung may ibibigay ang anak, ok. Kung wala ok. Lang din. Basta wag rin siya maging dependent sa akin kapag may sarili na siyang family. hehe!

Title: Re: living on our own - pagbukod expenses and concerns
Post by: thesweetmom on May 17, 2015, 04:18:25 pm
@faithyperry
you're right mommy! obligasyon nating mga nanay ang palakihin ang mga anak natin na maging alagad ng Diyos at maging maayos ang buhay nila balang araw. at never dapat natin silang obligahin na buhayin tayo when we get old. responsibilidad natin ang ating mga sarili. kaya't habang maaga, mag.save at mag.invest for the future.

for the expenses naman if you're living on your own na, depende yan sa kung anong lifestyle meron kayo or gusto niyo. importante talaga you set a budget and stick to it. list down your expenses and schedule your payables para you can track/monitor your money spending.
Title: Re: living on our own - pagbukod expenses and concerns
Post by: on June 25, 2015, 06:44:07 am
hi mga sisses. almost 2 years na akong nakatira sa bahay ng in-laws ko, although patay na parehas na parents niya andun naman mga kapatid niya and mga family neto. Andami namin and ansikip sa house.  Matagal na namin gusto mag move pero nagsunod kase ang anak ko and nagbibigay pa ako allowance sa parents ko plus pinagaaral ko pa yung kapatid ko sa high school kaya mahirap.

Pero this August plan na namin lumipat with 15k budget lang. Pagtitiisan ko nalang siguro yun kesa  makitira pa, ang hirap kase makisama e. Lalo na yung mga kasama nyo sa bahay na burara. Di ka rin makakilos and di makapag invest ng sariling gamit kase walang space.

Di ako makakilos nang maayos kase syempre may mga ibang tao. parang lugi pa kami sa hatian sa electricity and water kase palagi naman kami wala, wala din kami TV. electric fan and charger lang madalas namin gamit pero fair share sa hatian, ganun. lugi pa kami sa mga late magbayad ng bills kapag naputualn ng kuryente or tubig.

Baka kapag lumipat kami mas makatipid kami. Dito lang siguro kami lipat sa malapit sa work ko
Title: Re: living on our own - pagbukod expenses and concerns
Post by: Mommy Jazz on June 25, 2015, 12:46:48 pm
@ana mimi go lang. Mahirap sa umpisa, just don't expect na once nakalipat na kayo, totally peaceful na agad. May mga magiging unexpected expenses pa. Pero magiging maayos din ang lahat. Goodluck. Balita ha.
Title: Re: living on our own - pagbukod expenses and concerns
Post by: redberry12 on February 27, 2016, 07:35:39 am
Hindi ako nagback read but All I know is kapag bumukod. ALL the expenses ay shoulder mo full amount bills. Water, Electricity, Broadband , Association Bills Food etc. etc.