Parent Chat

Life => Love and Relationships => Other Relationships => Topic started by: platinumangel on January 03, 2012, 12:44:57 am

Title: Two families in one house, good idea ba?
Post by: platinumangel on January 03, 2012, 12:44:57 am
Magandang idea ba ang maki-join kami sa apartment ng brother-in-law ko para makapag-ipon? 

Idea kasi ito ng husband ko.  I work sa Makati and my husband sa Pioneer...  We are staying sa Pasig and yung bro niya sa Cainta, at dun niya gustong lumipat kami para mabawasan daw ang gastos namin...  Yung bro at ka-live-in partner nito at asawa ko ay okay sa idea.  Ako lang ang hindi kasi hindi ako kumbinsido na makakaipon nga kami.  Baka kase ako lang itong nagpapaka-kontra sa suggestion ng asawa ko.  Please enlighten nyo naman ako :) 
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: Mommy France on January 03, 2012, 10:14:59 am
Possible ngang maka-ipon kayo pero think try mo i-calculate yung cost ng transpo ninyo from Cainta to Makati or Pioneer.
Do a sheet lang kasi ganun talaga eh. Makita mo kung worth it yung pwede ninyong maitabi sa inconvenience ng may kasamang iba sa bahay.

If ever na mapag-decidan ninyo na mag-join with your in-laws, i-ready mo yung sarili mo sa possibleng conflicts.
So kailangan malinaw yung hatian ng gastusin at maintenance ng bahay.
Kailangan maiwasan yung silipan kasi usually yan ang nag-cau-cause ng comparison at awayan between families eh.

Kaya naman siya kung kaya pero i-observe mo din sana muna kung ano yung mga pro's and cons.
Better talaga if you make a tally of your goal savings para makita niyo if what you;re doing will work or not.
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: mishyla on January 04, 2012, 01:47:21 pm
tama mga ibang sissies...weigh mo yung pro's and con's. dati kasi kami lang sa house, then nakasama namin yung SIL ko and isang anak niya. yun lang di malinaw sa hatian ng gastos..nung una sagot namin lahat , nung una okay e.kaso andami naging conflicts..so better pagusapan ng mabuti. right now we are living in the same house pero different floors..and have our own door....better this way.. hiwalay lahat..
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: FayeP on January 04, 2012, 05:45:24 pm
sis, alin ba mas malapit??un house nyo ngayon o un sa bro ni husband sa cainta???

kun mas malapit sa place of work nyo un sa pasig, eh talo kayo kun sa cainta kayo lilipat kasi pagod, traffic...remember, ang pera kikitain natin pero ang nasayang na oras di na maibabalik...

isa pa, kahit andun naman kayo sa current place nyo makakaipon pa din naman kayo eh,ang una mong tignan is yung paraan nyo ni husband ng paggasta ng monthly sweldo...

isa pa ulit, tama sina mommy france at chi na possible may conflict...lalo na sa mga hatian ng bayad sa bills...

Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: platinumangel on January 05, 2012, 04:10:53 pm
I've already laid out my cards pagdating sa pros and cons, at ako pa ang nasabihan ng "Isipin mo kase yung kung paano magwo-work at hindi yung pano hindi magwo-work na makapag-save tayo!"  So in short, parang ako ang kontra bida sa lahat!  And we are doing this para maka-save sya ng money sa son niya with another girl...  Aware na ako sa lahat ng conflicts na pwedeng mangyari eh at sinasabi ko yun sa kanila... lumalabas na ako ang sarado ang utak and hindi nakaka-intindi sa goal kung bakit kailangan naming gawin yon.  Ako ba ang makitid ang utak dito at hindi willing mag-sacrifice?  Nakakainit lang kasi ng ulo!  Parang kahit limang daan beses kaming mag-weigh ng pros and cons eh go pa din sila sa idea nila.  I'm asking to straighten out the set-up and plan, tapos yun nga parang for them, madali na lang ayusin yung details basta lahat ok sa idea and naiintindihan ang goal... So diba?  Nakaka-offend lang.  Parang naglalaro kami sa takbo ng mga desisyong gusto nilang gawin. 

Mas malapit kung nasaan kami ngayon (De Castro, Pasig) sa mga work places namin pareho...

Highblood ever na naman ako!!!
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: ea_brea on January 05, 2012, 07:16:30 pm
i agree with sis FayeP, makakaipon kayo kahit nasa sariling house pa kayo basta you mind your expenses. and una ko din talaga naisip is pwede magkaroon ng conflict. hindi naman sinasabi na magkakaroon, meron lang possibility. pwede nga okay kayo sa ngayon pero what if nga magkasilipan sa gastos, etc.

pero kung malinaw naman ang usapan nyo, e di try nyo. basta dapat may back-up plan pag pumalya. :)
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: FayeP on January 07, 2012, 04:40:27 pm
sis platinumangel, mas malapit pala un ngayon eh, tipid talaga sa oras...

at un nga kahit nasan kang lugar nakatira, ang pag-iipon ay disiplina talaga...

you can tell him na siya ang sarado ang isip for not considering your side...di ba kayo ang mag asawa? dapat agree kayo pareho sa magiging desisyon, kun ayaw mo dun sa gusto niya, dapat makinig siya sa yo tapos mag agree kayo...

suggestion ko wag kayo hehe sayang oras sa pagtravel, mahihirapan ka pa...tapos makikisama ka pa sa inlaws mo, un ang pinaka mahirap eh un pakisama...sa una kasi magkakasundo pero dadating ang panahon na may masisilip kayong nakakainis sa mga kasama mo sa bahay, which is magko-cause lang ng away or samaan ng loob..un stress na makukuha mo, mas lamang pa kesa sa masesave mong money...
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: platinumangel on January 08, 2012, 01:01:02 am
Yun nga din ang advise ng nanay ko eh... Kahit nandito kami sa current place namin at nangungupahan kami dito, kung talagang mag-iipon kami eh makakaipon kami.  Nakakasama lang ng loob is sinasabi ng asawa ko dun sa hilaw nyang hipag na ako ang sarado ang utak at negative sa idea.  Kailangan magtiis at mag-adjust kasi nga magtitipid.  Sabi pa nila na ako ang hindi nakakaintindi sa goal ng husband ko, which is to save up money for his son's schooling this year.  So ako pa ngayon ang hindi nakakaintindi sa sitwasyon. Ilang ulit ko nang sinabi sa asawa ko ang mga reasons ko pero AKO ang hindi niya naiintindihan... So korek ka mommy FayeP na sya nga ang sarado ang utak...  All they can think about is making this idea work, without considering the possibilities of conflicts.  Okay naman ako sa ganung fighting spirit pero ang akin lang, mas lamang kasi yung cons na nakikita ko eh.  At ayoko lang na magkaroon ng samaan ng loob, dahil kung ako sa asawa ko eh major adjustment na, eh di lalo pa na nandyan yung bayaw ko at ang ka-live in niya.  At tumpak din na mas marami pa yung stress na makukuha ko kesa sa perang mase-save, so alin ba ang mas importante?

Grabe lang...  They dont want me to feel like they are ganging up on me, pero that's what they are doing.

So sige pagbibigyan ko sila pero magbibigay ako ng ground rules since mapipilitan ako sa gusto nilang mangyari.  At kapag magkaproblema or conflict eh isa lang ang sasabihin ko sa kanila: "I TOLD YOU SO!"
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: two_angels'_mom on January 17, 2012, 02:30:23 pm
naku sis sa totoo lang yung ganyang set-up mahirap to make it work..and im speaking from experience ha..kasi ganyan ang set-up namin ngayon..im living in the same house as my brother and his family..nakakastress talaga..sa amin dalawang magkapatid medyo ok lang pero pagdating sa sil ko nandun yung nagkakabilangan..it only worked out when i was financially well-off..kasi hindi ako nagbibilang..ako ang mas malaking share sa gastusin and i dont mind pero nung hinati na lahat ayun na bilangan na..kasi kahit sabihin mo pa na iseseparate nyo yung pagkain nyo with them e pano yung electric and water bill..pano pag yung ka-share nyo hindi marunong magtipid..e d imbis na nakatipid kayo when on ur own mas napapagastos pa..well this should never be a problem kasi sabi nga magkakaanak naman..kaso in real world sis dadating time magiging conflict pa din yan..so my advice is if wala ka na talagang magawa dahil nga feeling mo lumalabas ka ng kontrabida e d sige nga try nyo tapos tama ka pag d nagwork anjan ka din para sabihin i told you so..pero if u really wanna make this work tama si mommyfrance kailangan malinaw lahat..iseparate nyo ang gastos sa pagkain..buy ur own food..buy ur own stove din..tapos kung kaya na magkaron ng submeter para mas malinaw ang hatian sa electric bill mas maige..well yung water bill wala ka ng magagawa dun pero ok lang naman to kasi mura lang naman yan..pero the rest kailangan bukod bukod pa din kayo..para iwas conflict..as in parang nakatira kayo sa isang bahay pero boarders lang kayo lahat para iwas talaga sa conflicts!
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: platinumangel on January 18, 2012, 06:10:07 pm
Thanks sis Two-time...  I will try to be as clear as I can pagdating sa hatian ng expenses.  Pero sana lang wag silang mag-react violently or magtaas ng kilay if magpaka-OC man ako dahil conflict ang iniiwasan ko dito.  Pero ngayon palang mga sis nararamdaman ko na yung uncomfortability ng everyday life ko :(
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: platinumangel on January 25, 2012, 06:17:35 pm
MGA MOMMIES!!! 

So ayun, nakalipat na nga kami last weekedn, and now here is the first problem...  The yayas and househelp quit and left the day they said paalam!!!   I was like, I KNEW IT and I warned you all!!! 

STRESS!!!  Bago pa naman ako sa work and sila mga taga call centers...  Time to do plan B... Question is, what is plan b?  Nada!!!!! :((
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: two_angels'_mom on January 26, 2012, 02:27:22 am
hay sis sad to hear that..although i was telling you na mahirap yan to make it work i was hoping u and ur hubby can somehow make it work..hay umpisa pa lang yan ha..so probably you can ask ur hubby now "now what?"(sigh)
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: MommyPhie on January 26, 2012, 09:36:19 am
Sabi nga nila sa bawat palasyo dapat 1 lang ang hari at 1 lang ang reyna kung hindi, gyera yan...
I am in the same situation right now. Nauna mag move-in yung family ko dito sa house na pinagawa ng parents ko (they live in another house) then nung nag-asawa yung brother ko dito na rin sila tumira pero separate kami ng room tapos hiwalay din food. kaso sa mga utilities share kami pero mas malaki yung share ko since nauna kami at mas madami kami, pero baliktad na ngayon mas madami na sila coz out of the country na si hubby at wala na rin ako maid. Di ko naman nahingian yung brother ko cause I know na adjusting pa lang sila, pero until when kaya? (haist). Gusto na namin ni hubby lumipat ng house pero di pa enough ipon namin. I am stuck in this situation sa ngayon kaya pinipilit namin ni hubby na next year we will have out own house na.

Ok na rin yang pinagbigyan mo siya para marealize niya na hindi siya laging tama and he should listen to your opinion too. Pero sana sis bago ka pumayag you set limit to your hubby na after 3 or 6 months na di magwork yung set-up dapat humiwalay ulit kayo sa kapatid niya. Kasi pag pinatagal nyo pa yan madadagdagan pa ang problema.
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: platinumangel on February 03, 2012, 08:56:29 pm
MommyPhie, medyo yan ang problema ko din.  Hindi ko na-set kay hubby kung hanggang kelan kami maninirahan sa apartment ng brother niya.  Two weeks down the road, wala pa rin kaming makuhang maids/yayas.  Ang nangyari, I was forced to bring our kids to my parents' house kasi dito, kahit walang maid, nandito ang father ko to help.  Pero temporary lang din kasi waiting lang sya sa plane ticket niya to leave abroad.  So diba?  Parang ganun din... Hindi din umubra na nandun kmeng lahat sa iisang bahay ng walang maids...  Grabe lang kasi ako ang pinaka-apektado sa lahat coz I am the one forced to not go to work, kasi sa sales dept naman ako so flexible pagdating sa attendance.  Pero unfair lang diba?  Aminado ako that I voluntarily do it dahil hindi ko naman maipagkatiwala ang anak ko sa kanila for the simple reason na hindi ako comfortable dahil limang bata tapos yung bro-in-law ko lang ang maglu-look after?!  Anong guarantee ko na hindi masasaktan, aksidente or maha-harm ang anak ko diba?  Eh nung may yaya nga, natapunan pa ng mainit na tubig, eh di ano na lang ang mangyayari kung yung bayaw ko lang ang nag-aalaga sa limang bata diba?  Hindi ko rin kasi maiwasang hindi mag-worry at ma-stress eh, but believe me, super nag-ta-try akong wag ma-stress, kung alam lang nila! :)

I so worry so much about this coz I know we don't have the financial luxury to be trying and testing things such as this.  Hindi naman simpleng ulam lang ang tina-trial and error namin dito.  But at the end of the day, still, I'm praying na wala ang problemang dadating.
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: ea_brea on February 24, 2012, 07:18:35 pm
yikes, 5 pala yung kasama nyo na bata jan. medyo mahirap nga yan. buti na lang flexible ang sched mo sa work. naku dapat mag-usap na ulit kayo ng husband mo (muna) and ng in-laws mo dahil mukhang hindi tatagal ang ganyang set-up.
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: buuurp on February 25, 2012, 05:09:43 am
Hi sis! I experienced this. Nung una we were with my mom (wala kaming share sa kahit ano) then nagkaconflict - so sabi ni hubby at ganyan din isip niya (MAKATIPID) dun kami sa kanila hahati nalang - nung una lagi kaming nagaaway kasi ayoko talaga, kasi kung sa amin nga nagkaconflict na sakanila pa kaya - oo makakatipid pero yung stress? Mababayaran ba ng mga nasave yung peace of mind mo. Pero di niya kasi magets yun, so sige pumayag ako. 1 week palang na sakanila kami - sya na nagyaya bumukod. Kasi sa hatian palang sa kuryente ang hirap, and nasisilip kasi lagi finances namin so hindi kami nakakaipon, kasi lagi kami nahihiraman. You know try mo gawa ng parang report kay husband mo, parang financial plan how you guys can save without having to share a house. Like eto budget natin monthly, eto expected income natin, eto savings natin dapat monthly - eto yung para sa education ng anak mo sa labas. How many ba ang kids nyo? Ang hirap talaga kapag walang mapagkakatiwalaang yaya, and masmalapit nga yung De Castro kaysa Cainta sa workplace nyo. Taga Cainta kasi ako and 3 years ako nagwork sa Ayala. Ang mahal ng pamasahe + sayang sa oras lagi traffic sa junction kapag morning pauwi or gabi papasok, then kapag rainy days - GOODLUCK!

Hope you guys can surpass this. Kasi kami we are now able to - with the help of a very reliable and maalagang nanny kay baby (she's stay out during weekends). May savings din kami kahit ang sweldo namin not big and nakapagpundar na kami ng appliances and gamit sa bahay kahit renting lang kami. Pero kahit maraming gastos monthly makikita mo yung pag-grow ng family mo na walang nakikielam and walang stress kasi solo mo yung place pwede ka humilata kung gusto mo and pwede ka magaircon 24/7 dahil alam mong ikaw din ang sasagot sa bill mo walang magagalit or walang nagtatake advantage. Basta parang ganun.

Wag ka pastress kasi an unhappy mommy equals unhappy kiddos and take care of your bebes.
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: rianne_mallows on February 27, 2012, 09:11:56 pm
@platinumangel

it can still work out... dont lose hope ;)  anjan na yan eh... gawan na lang ng paraan... at least nakita ni hubby mo na hindi ka lang nag-iinarte nung sinabi mo sa kanya yung pros and cons..  sa totoo lang, lugi kayo ni hubs mo sa set-up na yan.. hindi kayo makakatipid like what he thinks

  paano hatian niyo sis? ano naging usapan niyo? share mo naman

electric bill
water bill
phone bill
cable
 internet
drinking water(purified?)
gas(pangluto)
maid's salary if makakakuha

Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: emz c on February 28, 2012, 12:48:43 am
 
i don't think it's a good idea. hindi lang sa mga bayaran ng bills o anong gastosin possible cause ng conflicts pati na rin pano ka makitungo sa kanila. May mga kanya kanya tayong differences, if may kasambahay na di makaintindi, yan ang makapagtrigger ng gulo. Niece ng partner ko nakitira sa akin. Since she's starting building up her career I did not obliged her to share our bills, ang problema may behaviour syang di ko nagustuhan so I opted to correct it kaso ang hirap pag magsalita ka lalo na pag sa side ng partner mo, pakiramdam mo ikaw ang masama at galit sayo lahat. inayaan ko lang nung nag-iba sya  pero nung one time I heard her made unsolicited remarks, I talked to her agad and told her to find another place na lang which she did naman at since then di ko na sya nakausap at ang halos buong immediate family ng partner ko buti na lang halos nasa province sila. kaya eto tahimik an lang kami namumuhay parang walang may pakialam sa amin. kaya ang hirap talaga makisama lalo na kung nasa isang bubong lang kayo kaya always pray na lang sis for spiritual guidance. Things will all turn out fine in the end basta pray lang tayo.
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: bargainsassymom on February 28, 2012, 02:24:44 am
@buuurp

I agree, dapat happy lagi ang mommy para happy din ang kids!

Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: shanks on March 13, 2012, 03:19:59 pm
This is not a good idea...

Ang pangit kaya kapag dalawang family ang nasa isang house, mag aaway away pa, sa maid, sa bayaran... etc. wala ka pang privacy.
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: imeego on March 13, 2012, 03:40:20 pm
i agree that this is not a good idea...pag ako siguro, di ako talaga papayag...kahit pa sabihin na ok relationship nyo with the other family, eventually dadating ang time na magkakaron ng conflict, lamangan etc...
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: momzyj on March 13, 2012, 08:09:56 pm
para sa akin sis di talaga siya magandang idea. tama si sis mommyphie na sa isa lang ang reyna at isa lang ang hari. mas masarap ang feeling ng nakabukod. na experienced ko na kase yan eh. halimbawang di mo naibukod ang mga baby mo isa pa rin yan sa mga pag aawayan nyo.
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: momzyj on March 13, 2012, 08:11:11 pm
para sa akin sis di talaga siya magandang idea. tama si sis mommyphie na sa isa lang ang reyna at isa lang ang hari. mas masarap ang feeling ng nakabukod. na experienced ko na kase yan eh. halimbawang di mo naibukod ang mga baby mo isa pa rin yan sa mga pag aawayan nyo kung magkakaroon ng pagtatalo mga bata.
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: FayeP on April 15, 2012, 07:18:11 pm
sis platinumangel??? ano na balita sayo??? may yaya na ba???

gaya nga ng sabi ng mga sis natin dito, un stress na kapalit ng pagtitipid eh di kayang bayaran ng salapi...

i say talk to your husband again about this....
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: ysLim on April 21, 2012, 07:41:30 am
not a good idea sis based na din sa experience ko. makikita rin ng husband mo ang point mo why you were against it in the first place. but since nanjan na kayo, try to make it work.
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: lykeil on April 21, 2012, 03:00:55 pm
Hay... you just put yourselves into a WAR ZONE!!! Wala rin kayong maiipon kasi mahirap maghati at magtipid sa lahat ng bagay at gamit sa bahay! Get your own cheaper place than be in a two family in one house. Walang harmony + kids mag aagawan everyday.. pati matatanda mag aaway-away lang in the end at doon rin ang bagsak nyo.. separate places!! Do it now than hate each other.
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: gandangmorena on April 23, 2012, 11:37:40 am
@platinumangel


I believe na communication is one of the primary key para sa succesful marriage.
Kung ayaw mo ng setting, sabihin mo sa hubby mo...
Lay down your reasons...
I am very sure he'll understand....
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: sweetpumpkin on June 14, 2012, 03:27:49 pm
mahirap ang ganyang situation... nangyari na sa amin dati yan... daming issues..mas mabuti pa kung may chance, bumukod na kayo ng bahay ni hubby...kahit ano walang pakealamanan...
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: platinumangel on June 25, 2012, 03:44:55 pm
OK mga mommies, so this is what happened... we stayed there sa house ng bro-in-law ko for a couple of months lang.  4months to be exact, dahil na rin sa reason that I found out that my husband got back into the habit of flirting with his officemates and having flings with them.  So I thought, what's the point of sticking it in that place kung hudas naman yung kasama ko, right?   So I decided to go back to my mother's place.  At sumunod naman si husband, getting away with his flirting crimes... Hindi ko na sinabi or in-explain sa kanya ang reason ko why I suddenly moved out.  kasi naman, ayoko ang ako na lang ang laging nagbubuka ng bibig tungkol sa mga bagay bagay.  Aba, eh gawin din niya ang part niya na makiramdam at mag-observe sa mga bagay-bagay, diba?

So nung nandun na kami sa house ng nanay ko, na-discover ko rin na akong preggy pala.  And so all the more reason for me not to go back to his brother's house.  kasi doon, may rent share pa kami, eh dito sa house ng nanay ko, wala.  And my nanay would glady provide stuff for me and the kids... and hindi tipong all accounted ang mga expenses dahil hindi naman ako pagbibilangan ng nanay ko.  What's important lang is we give our contribution, kung ano yung kaya namin and what's fair since I am already expecting a second child.  So, ayan ang nangyari.  Nung nagkaroon ulit ng issue about other women, I made it clear to him na I don't need him to be with me during this pregnancy kasi nandito naman na ako sa place na truly eh home para sa akin.  Na hindi na ako makaka-feel ng home kasama sya, unless he straighten out his infidelity.  Sabi niya naiintindihan naman niya ako sa punto ko na yon.  So ngayon, sana lang things will be a lot better...  Mas at peace ako dito... 

So, ayun.... Yan ang mga pangyayari sa buhay ni Platinumangel :)  Borderline masalimuot :)

I thank you all for your sharings and concerns.  God bless!
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: kiko18 on June 27, 2012, 02:46:32 pm
i feel for you.
Share ko Lang.

im staying with my MIL & buong pamilya ng mother niya (aunties & cousins). sobrang adjust ako at sobrang pakisama. nun una bago pa ko siyempre nahihiya pako so lagi lang ako sa room namin. eh napagsabihan din ako kasi kahit papaano daw maghugas daw ako ng pinggan. so years later i did adjust narin. nasobrahan naman lol.mas close pako sa sa tita at cousins niya kesa sa hubby ko. pinipilit ko si hubby humiwalay kasi nga iba yung me sarili kaming bahay kaso ayaw niya kasi nga mahal at solong anak siya...then something happen. nagloko siya at iniwan niya ako. imagine..ako naiwan sa bahay niya with all his relatives though ayaw nila ako paalisin since hindi naman ako nagloko at wishing pa sila na magkabalikan kami since andun parin kami sa kanila. Nakakaloka lang kasi lahat ng kilos mo dapat ingat ka. natatawa lang din ako sa sarili ko kung kelan nawala siya saka naman ako pumapalag sa mga tita niya. feeling ko kasi naaabuso ako eh..mabait ako ang ayoko lang eh ginagawan ako ng chismis.  Hindi rin ako makaalis dun kasi for practical reason na maraming nag aalaga sa kids ko. I have 2 (boy & girl). at naawa rin naawa rin ako sa MIL kasi mag isa na lang siya pero i told him pag talagang kaya ko i would leave with my kids.

Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: charmainebuy on April 12, 2013, 02:27:53 pm
Mga Sis, I just had a fight with my MIL today dahil sa kasambahay na 18 years na sa kanila.

Sobrang rude and hambog na ng kasambahay na ito kasi siya na ang nakakaalam ng lahat ng kelangan sa bahay.. magalaga sa lola ni hubby, luto at mag-alaga ng mga kids.  Ginagawa na rin niyang assistant ang newly hired ko na kasambahay na ako nagpapasweldo.  Mas pinapanigan siya ni MIL kaysa sa amin ng hubby ko kasi daw matagal na daw siya sa kanila and siya daw ang tumutulong sa lahat ng kelangan ni Lola kaya di rin niya kayang paalisin.

I have been living with them for almost 4 years now and ganun na rin ako katagal nagtiis para lang maka SAVE ng money.  But now, I told hubby na the only solution for this is lumipat kami ng ibang house because I can never change the decision and the opinion of MIL.  Also, di na rin namin mabago ang ugali ng kasambahay nila.  I told him na if money lang ang reason kung bakit kami nagtitiis sa house nila, I would rather spend more to have peace of mind kaysa sa everyday akong galit.

Lesson learned:  Never stay in your in-laws or with other families in one roof. 

Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: charmainebuy on April 12, 2013, 02:30:41 pm
Mga Sis, I just had a fight with my MIL today dahil sa kasambahay na 18 years na sa kanila.

Sobrang rude and hambog na ng kasambahay na ito kasi siya na ang nakakaalam ng lahat ng kelangan sa bahay.. magalaga sa lola ni hubby, luto at mag-alaga ng mga kids.  Ginagawa na rin niyang assistant ang newly hired ko na kasambahay na ako nagpapasweldo.  Mas pinapanigan siya ni MIL kaysa sa amin ng hubby ko kasi daw matagal na daw siya sa kanila and siya daw ang tumutulong sa lahat ng kelangan ni Lola kaya di rin niya kayang paalisin.

I have been living with them for almost 4 years now and ganun na rin ako katagal nagtiis para lang maka SAVE ng money.  But now, I told hubby na the only solution for this is lumipat kami ng ibang house because I can never change the decision and the opinion of MIL.  Also, di na rin namin mabago ang ugali ng kasambahay nila.  I told him na if money lang ang reason kung bakit kami nagtitiis sa house nila, I would rather spend more to have peace of mind kaysa sa everyday akong galit.

Lesson learned:  Never stay in your in-laws or with other families in one roof. 
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: toughmom moderator on October 30, 2013, 01:09:20 am
“I live with my husband’s family — his parents and his brother’s family of five. We have only one child. He and his brother have been splitting the household expenses equally between them. I think it’s an unfair deal, since my brother-in-law’s family consumes more.”
14 Money Problems of Couples and How to Deal with them
(http://www.smartparenting.com.ph/images/moneyhoney-web.jpg)

http://www.smartparenting.com.ph/home-living/moneywise/14-money-problems-of-couples-and-how-to-deal-with-them
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: momVeh on October 30, 2013, 09:51:03 am
hello! para sa akin, hindi ok! :)
pag sa side ko.. madami comment mother ko partikular sa aming mag-asawa at sa pag-aalaga ko sa anak ko. kasi sobrang mahal niya lang kami.
pag sa side naman ng asawa ko.. makalat sa bahay, madami kasi silang magkakapatid. maingay, kaya di makatulog baby ko.
at sabi nga di dapat magsama ang 2 reyna sa kaharian!
Title: Re: Two families in one house, good idea ba?
Post by: Daddy_Jay on April 20, 2014, 12:44:37 am
No matter what the circumstance is, its a big NO!