Parent Chat

Life => Money => Topic started by: mami che on January 14, 2012, 02:27:23 pm

Title: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: mami che on January 14, 2012, 02:27:23 pm
I dont kupit naman straight from the wallet  ;D kc sinubukan ko yun minsan, parang naguilty ako e hehe sinoli ko.. Nagmmark-up nlang ako ng hingi sa kanya. Like for example, yung milk ni baby na 850, sinasabi kong 1k... Mali ba?  :D hindi naman parati...sine-save ko din for future use...para may madukot ako na hindi hingi ng hingi sa kanya... Btw, im a full-time mom  ;)
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: makayleeng on January 14, 2012, 03:29:01 pm
for me, to have a healthy relationship with your husband, you have to be open with everything and do everything in all honesty...=)
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: Mommy France on January 15, 2012, 12:30:38 am
Hindi... kasi kahit may work ako binibilihan pa din niya ako ng mga bagay-bagay.
Pero i understand yung situation mo na full time mom ka.
Question ko lang - nagtatanong ba yung husband mo kung may sukli or OK lang sa kanya?
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: Mommy Jazz on January 15, 2012, 01:26:32 am
Haha! Never. Kasi don't do unto others.... ako ayokong gagawin sa akin yon., besides, wala naman siyang makukupit sa akin (har har har).
MInsan nakakalimutan ko ibalik ang sukli pero hindi sadya yun.
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: MommyMichell on January 15, 2012, 01:32:28 am
so far hindi pa :) kasi binibigay lahat sakin ni mister pera niya, old school kasi to, gusto niya naka-intrega lahat pera sakin tas everyday humihingi sya ng baon bago sya pumasok sa work  ;)
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: mami che on January 15, 2012, 06:08:49 am
Hahaha nakakaguilty naman kayo mga mommies  ;D hindi ko na nga gagawin ulit hehe  ::)

@ mommy france, never syang nagtatanong ng sukli.  :) minsan naman sinosobrahan niya yung binibigay sa akin na budget. Pero pag walang pasobra, saka ako nag mamark-up hahaha...  ;D

Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: rianne_mallows on January 15, 2012, 10:53:27 am
ako nope... i dont need to make "kupit" kasi he gives me allowance naman for myself.. our set-up is like this.. im a sahm by the way and heworks abroad.. he gives me money for these separately

baby's monthly needs
baby's savings
my personal allowance/savings


the rest of it, siya naman naghahandle

payments for insurance and educ plan
his monthly needs
family savings
his personal savings


if we want to buy a big thicket item, we talk about it... but for smallthings lang, my allowance and his pretty much handles it so no worries
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: Tiger Lily on January 15, 2012, 12:45:38 pm
Like for example, yung milk ni baby na 850, sinasabi kong 1k... Mali ba?

Opo... :(

Siguro kung may kailangan ako, mag request nalang siguro ako na kung pwede, kung kaya pa, mag set siya for me ng "petty cash" fund/allowance.

Pag ganon, may madudukot pa rin ako na hindi rin hingi ng hingi  ;)
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: CIB on January 15, 2012, 02:13:46 pm
Nope. Never pa.

Pero pag may gusto ako bilhin sinasabi ko yung amount na kailangan ko. Nag-ask ako talaga. Bihirang bihira naman kaya more than willing sya magbigay. Then ang budget sa food sa bahay ako ang nag ha-handle. Binibigay niya na sobra. Feeling ko lang nahihiya syang sabihan ako na para sa akin yun. Then kadalasan pa nag-iiwan sya sa cookie jar (Alkansya ko) para daw may emergency money ako dito sa bahay. Parang yun na rin talaga yung ipon ko na money dahil hindi niya na binabalikan. SAHM din ako.
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: chococream on January 15, 2012, 03:03:05 pm
ako naman never ako nangupit ng pera, fulltime SAHM din ako pero meron akong homebased na work. wala pa din akong yaya until now pero na manage ko naman ng maayos.

upto the last piso, nilalagay ko sa coin bottle namin kung baga, lahat ng coins nasa pockets and sukli dun mo hehe ayaw ko din kasi ang feeling na pagngupit ako, baka kupitan din niya ako which is I so Hate the most yong walang transparency and honesty most especially sa pera.

Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: Mommy France on January 15, 2012, 04:43:39 pm
Hahaha nakakaguilty naman kayo mga mommies  ;D hindi ko na nga gagawin ulit hehe  ::)

@ mommy france, never syang nagtatanong ng sukli.  :) minsan naman sinosobrahan niya yung binibigay sa akin na budget. Pero pag walang pasobra, saka ako nag mamark-up hahaha...  ;D



Mami che... para di ka ma-guilty, sabihin mo sa kanya kung magkano na yung naipon mo dun sa mga sukli tapos i-treat mo siya ng something. :) After that, don't do it na. Humingi ka na lang sa kanya para may dagdag na feeling sa kanya na kaya naman niyang ibigay yung gusto mo, aside from sa mga needs sa bahay.
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: Lhani on January 16, 2012, 12:55:54 am
joining...

Ako never..hehe
Kasi si hubby ang madalas na mangupit sa akin.. ;D ;D
Ang set up kasi namin ako ang may hawak ng sallary namin dalawa (sa atm), so nanghihingi lang sya ng everyday allowance niya going to their office..Kaya minsan ang ending mga sukli pag nagpapabili ako wala na minsan bumabalik or pag may laro sila sa basketball every sunday (sporty kasi  :D) kumukuha nalang sya sa wallet ko ng pera at sinasabi nalang sa akin after...
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: ilove323 on January 16, 2012, 02:02:37 am
Hmm ako never.... pero pero umuutang ako sa kanya kasi when its for our own vanity normally no questions kami about it..so lets say im out and i want  2 buy a jacket  sabihin ko pautang naman  ..tas somehow nakakalimutan ko hehe well sometimes di rin niya naman pinapabyad :D
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: mommymau on January 16, 2012, 10:20:53 am
Never din ako kumupit kay hubby..  :)

Kahit may work ako, I make it sure na pag may gusto akong bilhin para sa sarili ko e nagpapaalam pa rin ako sa kanya bago ko bilhin para alam niya kung san napupunta yung pera namin. Sa akin kasi sweldo naming dalawa means pera namin yun so kung iisipin ko pang kumupit para na ring kinupitan ko sarili kong pera. Ok po sa amin yung ganung setup kasi kahit siya pag may gustong bilhin nagpapaalam din sya sa akin. Merong times na pag may lakad ako, humihingi ako ng dagdag sa kanya or siya naman humihingi ng dagdag sa akin. Nasa paguusap niyo naman yun mommy e. Maging open lang po siguro kayo sa ganun, para maliwanag. ;)
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: mamagwyn on January 16, 2012, 10:38:58 am
kinukupitan ko ba si hubby?

hindi, kundi hinoholdap ko siya tuwing sahod niya weekly  ;D

pero kidding aside, pag may binibili ako like grocery eh sinasabi ko sa kanya agad, kung hindi man before eh after na. ako kasi ang humahawak ng pera eh. as a full time stay at home housewife, pag may gusto ako bilhin, [hindi ito gamit], sa food eh sinasabi ko naman sa kanya  8)
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: mami che on January 17, 2012, 05:45:33 am
@ mami france ,positive kasi effect kay hubby  ;D one time parang nagulat na natuwa c hubby nung matagal before ako ulit humingi sa kanya to buy stuffs for the house like the gasul, for groceries etc. So sabi ko "naraket ko yan sayo" ... tawa naman sya  ;D

But not doing it naman na... nagpapadagdag na lang ako now  ;)


Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: Mommy Jazz on January 17, 2012, 09:50:15 am
I understand your situation mami che. As a full time mom, I'm dependent on hubby financially even for little things. If I would have  a reason na kupitan siya, it would be something he doesn't approve of. It could be "kakikayan" (parlor) or helping my side of the family. Etong reasons na ito mapaguusapan naman basta hindi madalas, OK lang. If I want something expensive, I'll make an early announcement "Hon, buy moko niyan pag may money ka na ha?" then I'd justify it kasi naghihingalo na etong relo ko eh." :)
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: mami che on January 17, 2012, 07:37:41 pm
Korek ka mami jazz... Kahit little things, nakadepend pa din sa kanya.  Minsan tuloy, nahihiya na akong humingi pambili ng iphone4s  hahaha joke lang  ;D 
Sometimes, naisip kong bumalik sa work para sya naman iispoil ko  :) pero ayoko din na makupitan ako ha  ;D hahaha

Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: Mlabable on January 19, 2012, 02:32:20 am
Never pa rin. We are both working din. Ang setup namin, pinapahawak niya sa akin yung ATM niya then ako na bahala sa lahat sa pag-budget at pag-save.
 
Kung may gusto siyang bilhin kahit 10 pesos lang yan nagpaalam pa siya sa akin. Or kung ako man gusto ko bumili ng sapatos, etc ipaalam ko muna sa asawa ko. Siyempre pareho namin pera yun and gusto ko alam niya kung san napupunta money namin.
 
At meron din siyang coin bank na 10 pesos lang nilalagay niya. Kapag may nakita siyang 10 pesos sa sukli sasabihan niya pa ko na "Be akin nalang tong 10 pesos ha, lagay ko lang sa coin bank".
 
Mas maganda pa rin siguro yung open kayo at least wala siyang masasabi.  :)
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: misyelicious on January 19, 2012, 05:11:09 am
Never ko pang nagawa.. Basta may gusto akong bilihin sinasabi ko sa Kanya..gastos naman dito sa bahay, pag nag go grocery kami sya nagbabayad pero lagi niya kong binibigyan ng pocket money..ginagalaw Lang namin yun pag wala na syang cash.. Ska every sahod niya I see to it na may naitatabi kami sa bank...
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: Maui Althea on January 19, 2012, 01:31:48 pm
Never! nanghihingi lang ako pagwala na ko, paghinanapan niya ko at tinanong kung baket wala na ko pera, i have my list of all the stuff i bought. As always naman kung may nabili man ako for myself wala pa sa 1/4 ng monthly income namin yun.

Sometimes kumukuha ko sa wallet niya, pero sinasabi ko rin agad :)
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: michi247 on January 19, 2012, 03:45:53 pm
sahm din ako pero hindi ko kinukupitan si hubby. siguro dahil may savings din ako bago ako nagresign. wala din ako allowance kay hubby, wish ko meron. hehe! pero ang set-up kasi namin, every sweldo niya sa kin din lahat, ako na bahala magbudget, binibigay ko na lang allowance niya. then may notebook ako, list yun ng expense namin every month, so if ever magtanung siya kung san napunta sweldo niya, makikita niya (though never pa siya nagtanung).

baligtad nga kami, siya nagtatanung sa kin kung pwede daw ba siya bumili ng ganito or ganyan or kung pwede bilhan ko siya nung gusto niya. if may need naman ako, binibigay naman niya, like nung nasira laptop ko, binilhan niya ko. pero before masira laptop ko, pinariringgan ko na yung ng dslr na camera pero hindi ako binibilhan. hehe!

if need mo siguro ng extra cash, hingi ka na lang ng allowance. pero naisip ko rin, di ba once na mag-asawa kung ano yung sa asawa mo, sayo rin, kung ano sayo, sa kanya rin.  :) ang dapat lang sabihin or ipaalam sa partner.
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: purplemom on January 20, 2012, 01:58:25 am
hindi ko sya kinukupitan kasi ayaw ko din ng kinukupitan ako...ang isang situation lang siguro na ma tempt ko sya kupitan is if may ipapautang ako sa relatives ko na kukunin sa pera namin (may separate bank account ako since im working) pero so far open naman sya pagtulong sa mga relatives ko basta may sobra talaga and may relatives din naman sya na tinutulungan din namin.. :)
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: mamacharis on January 20, 2012, 02:42:55 am
di ko alam kung kupit na ba itong nagagawa ko..

nasa akin naman ang lahat ng pera. nakalista lahat ng gastos etc pero minsan as in seldom lang naman pag lumalabas kami ni baby dyan sa tindahan (lagi lang kasi kami sa loob) pag nasa taas ang bag ko tapos nakita ko ang pantalon niya sa baba eh kinakapa ko kung may pera. nakakatamad na kasi umakyat para kumuha ng pera pero mga 20-50pesos lang naman. nagdadala lang ako ng pera para  para pambili ng kung ano. yung mga ganyan sitwasyon nakakalimutan ko na sabihin sa kanya.
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: syndyela on January 20, 2012, 06:47:43 am
Hindi ko pa nararanasan magnupit sa hubby ko...kapag may gusto naman ako, nagpapabili naman ako sa kanya.  Wala akong makukupit sa kanya kasi through online banking ang lahat ng mga bayarin namin, tapos pag grocery naman lagi kami magkasama.

Ang nangyayari sa amin, kami ng asawa ko yung nangungupit sa mga binigay na monetary gifts sa anak namin-- pang-nood ng sine pag nagigipit kami! (haha!).  Though binabalik naman namin yun through sa savings account para kay baby and doble pa. :D
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: imeego on January 20, 2012, 09:31:50 am
no...sahm ako and wala akong allowance from hubby, but everytime magwiwithdraw kami sa akin niya pinapahawak ang money...ang sweldo niya kasi pinapadeposit niya diretso sa account namin so if we need money kukuha lang kami dun...every weekend sya naman kasama ko bumibili ng grocery and other stuff (mostly for baby) so alam niya kung saan napupunta ang money..he asks me din kung may gusto ba akong bilhin so take advantage naman ako hehe, bibili din ako ng gusto ko...di naman sya kuripot, ok lang sa kanya kahit ano so no reason para mangupit pa ako...di din sya yung type na magtatanong kung may natira pa or nagkwekwenta...ako na kusa nagsasabi if may pera pang natira sa akin ;)
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: danegerous_429 on January 23, 2012, 06:22:35 am
NOPE nopt yet

hehe

wala naman kasi akong makukupit sa kanya kasi nasa akin lahat ng pera niya

toinks even his debit card i have kaya walang kukupitin ,.,

:) hehe
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: kara on February 08, 2012, 07:38:15 pm
i try minsan, kaso naguilty ako kaya sinabi ko ending? away.. ayun kaya never ko na ulet ginawa kahit ganon din ang reason ko para may sarili akong pera since sahm ako wala talaga akong sariling pera hindi naman ako ang nagbubudget (tanggap ko na yan) kaso kahit naiintindihan ko, hindi niya ako kusang binibigyan ng pera kaya sinasabi ko sa kanya kapag may kailangan/gusto akong bilhin, sya na bumibili... tas minsan sa mom ko ako nanghihingi ng pera :(
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: buuurp on February 10, 2012, 06:26:17 am
nope. because we share on everything, feeling ko kapag kumupit ako sakanya parang kinupitan ko sarili ko, dati may secret stash ako ng savings ko, ngayong bago magnew year pinaalam ko na sakanya and naging mutual secret stash na yun.

ang problem ko lang i underestimate expenses, kunwari i bought a toy for baby or polo for him kung worth 1k sabihin ko 500 lang kasi ayoko sya nasstress kapag malalaki gastos na ginawa ko hehe. or i buy something na hindi niya want (like yung wardrobe closet na gusto ko) sabihin ko its a gift from mom pero i get the money from my incentive / bonus... or kapag itong amount na to ininvest ko sa small lending business namin di ko sinasabi full amount minsan kasi iba priorities namin sa money, mas risk taker ako...

yun ang perks ko kasi nagwowork din ako and ako hawak ng pera. pero iniisip ko nalang na para sa amin din naman ginawa ko and kapag pumalpak atleast di niya alam ibabalik ko nalang yun nawala hehe.
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: mommy_clang on February 10, 2012, 08:51:45 am
hi mommies!

kami ni hubby ang set up namin is, hati yung bayaran ng bills, for example: hubby pays for the car loan and rent ng bahay, me naman in-charged ako sa expenses ng 2 babies, bayad kay yaya, kuryente and groceries. Ang prob ko wala talagang natitira for our bank savings, kaya nga ginawa ko since nagka increase ako ng sweldo last quarter 2011, sumali ako sa parang IMPUKAN sa office, ang kagandahan nun di ko na nahahawakan pera kaya di ko nafefeel na may nasasave ako and at the end of the year may savings na din kami. :)

Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: mami shae on February 10, 2012, 10:28:48 am
nope  :)
im a working mom so I understand the difference pag SAHM ka
luckily even if I have my own income if I want something lambing lambing lang kay hubby he'll buy me (of course if kaya ng budget)
So I guess be honest nalang kesa mangupit tayo, though minsan nakakahiya na even pambili ng panty ihihingi naten diba? kaya lang mas nakakahiya na malaman niya na nangngupit tayo, baka iba pa isipin niya kung san mo dinadala yung money..
and Men has this thingy na na-boo-boost yung ego nila if ever nabibigay nila gusto ng family niya... let your man feel it :))
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: fashionistamom on March 20, 2012, 05:57:13 pm
nope  ;D

kasi binigay na niya sa akin yung ATM payroll niya eh kung saan binubudget ko lahat ng expenses namin. Tapos if I wanted something na hindi pwede kuhanin sa budget i tell him para dun sa ibang account niya kukuhanin.
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: ysLim on April 21, 2012, 01:09:03 pm
hindi pa naman.. hehe. pero minsan hindi na kami nagsasaulian ng sukli.
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: mich_tatsdwayne on April 21, 2012, 08:40:22 pm
Hindi ko rin kinukupitan si hubby. I'm a SAHM and meron ako allowance kay hubby, bukod pa 'yung pang-gastos dito sa bahay.  Pero share kami ng anak ko sa allowance ko kasi dun ko kinukuha 'yung hinuhulog monthly sa savings account ng anak namin. Alam 'yun ni hubby and ako naman nag-open nung account na 'yun para sa anak namin nung working pa 'ako. Buti pa nga anak ko may savings account, ang nanay wala. hehe. Pero ok lang kasi para sa future naman niya 'yun.

'Pag wala na akong pera at may kailangan bilhin sinasabi ko kay hubby. Minsan sya na mismo magtatanong kung may pera pa ako or wala na. 'Pag meron pa hindi muna ako humihingi. 'Pag magkasama kami sya na mismo nagtatanong kung meron ba akong gusto. Bihira naman ako magpabili, 'pag meron lang talaga akong gustong-gusto.
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: swtgrl_bee on May 03, 2012, 04:35:34 am
Hindi for the main reason na wala ng kukupitin. hahaha :D Ako naghahandle ng pera namin pareho, so one payout advance ako magbudget. Minsan 2 payouts advance pa, kung may extra kami pang alis alis na namin yun. Nasa bracket kami ng average wage earners, so minsan sarap isipin what if super laki ng sahod ng asawa ko, malamang may pang shopping ako palagi :D
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: momazir on May 08, 2012, 12:12:03 pm
Hindi e kase naman wala akong kukupitin sa kanya. Wala kase sya work e. Ako ang meron pero di naman niya ako kinukupitan. Nanghihingi na lang pag kailangan.
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: babyblair on May 08, 2012, 01:47:30 pm
Hindi kasi nung nag attend kami ng seminar.  Ito yung kwento ni father.

May nag-confess daw sakaniyaa babae, that girl said she's so guilty kasi kumupit siya ng 2 libo sa asawa niya. Ang sagot daw ni father. Hindi, hindi yan kasalanan. Ang sakanya ay iyo rin. Ng ikinasal kayo binigay niya ang aras na nagsisimbolo ng sweldo, raket, panalo sa lotto at lahat lahat ng income niya. Binigay yon sa mga babaeng asawa. Kaya wala kang kinupit.

Start non, I get what I need. What's yours is mine nga diba. Hehe.
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: ea_brea on May 08, 2012, 07:02:39 pm
ako i don't. i ask outright from him if i need money or the other way around.
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: kissablesam on May 12, 2012, 09:21:43 am
^spammers at it AGAIN grrr!!! >:(

ako naman, since ako taga budget. pag me unnecessary gastos at alam niya kailangan talaga dedma na sya haha
tama si sis blair, what hes is mine  ;)
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: toughmom moderator on January 12, 2013, 09:53:46 pm
To minimize any guilty feelings, Dr. Carpio recommends a trick that has worked for many of her patients: Draw a clear line separating the family budget from personal expenses.
(http://www.smartparenting.com.ph/images/site-alpha/articles/moneymoves2-web.jpg)
Smart Money Moves for Stay-at-Home Moms
http://www.smartparenting.com.ph/home-living/moneywise/smart-money-moves-for-stay-at-home-moms
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: Nanay ni Liam on January 13, 2013, 12:25:31 am
 ::)   ::)  ::)
Hindi ko alam isasagot ko. hahaha!  ;D
When i was still working, may itinabi akong super small amount ng money (2k lang naman. Hehe) from my sweldo. Then nakalimutan ko na sa tagal ng panahon. When we moved in sa new house namin, i found yung pera nakaipit sa mga damit ko but didnt mention it kay hubby. Kaya lang na-short kami one time kasi housewife na lang ako ngayon and magastos pag bagong house.. Need bagong gamit (we used to live with his mom). Kaya i told hubby na meron pa kaming 2k na nakatabi. Yun ginamit namin sya. Sabi ko bayaran niya kasi savings ko yun or para next time ma-short uli, may huhugutin. Kaya lang since aware sya (not that he questions how we spend our money kasi we go shopping and grocery together) parang ang hirap na "kupitin" yung perang nakatabi dati lalo na sya na lang nagwowork. Hehe!  Sabi niya (ages ago, feeling ko nga nakalimutan na niya) wag ko na daw ipaalam na nagtatabi ako ng pera kasi di naman niya napapansin and besides ako may hawak ng pera namin pero nasa kanya atm niya kasi ayoko naman lumabas para withdraw dahil na rin maselan pagbubuntis ko.

But kanina, without him knowing, i "saved" a small amount from his sweldo. I will do it again pag malaki uli take home pay niya sa next sweldo.  :D I dont feel guilty naman. Kasi if i wont do that, baka walang matira samin kasi parehas kami magastos esp when it comes sa food  ;D ayaw pa naman niya ako mag-work uli after giving birth. Kapag na-short uli, may ilalabas pa. At least di kami masstress san kukuha ng pang-gastos uli :)
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: erich84 on April 27, 2013, 01:12:21 pm
Never pa ata ako nangupit but if in case kukuha ako ng money from his wallet I inform him naman especilly walang small bills. Mahilig ako mag-alkansya so once out of the budget na ako dun na ko kumukuha.
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: mommyonsale on April 27, 2013, 07:39:05 pm
Sa akin naman Meron o walang kupit same pa din  kasi lahat naman iniintrega niya... Ako na bahala sa igagastos namin....
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: vylette_08 on May 21, 2013, 10:34:15 am
Never ako nangupit kay hubby, never din naman kami naghiwalay ng pera lagi combined yung income namin at ako ang nagma-manage mas ok kasi ako humawak ng pera kahit nung mag-boyfriend palang kami may joined savings account kami. Lahat ng expenses namin pinaguusapan namin. Minsan pinaubaya ko yung pagmamanage ng money sa kanya kaso suko sya hindi niya daw alam kung pano mag-budget kaya ako na bahala. I don't give him daily allowance pero pag may gusto syang bilihin or pag may pupuntahan sya na hindi kami magkasama binibigyan ko sya ng money. I gave up my job 2 months before I gave birth and he gave up his job few months after our son came. We decided to have business nalang and with God's grace naging successful naman kaya ngayon wala na kami mga personal allowance lagi naman kami magkasama e, as in 24/7 no need na din mangupit kasi napag-uusapan naman lahat. :)
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: Mommy Jazz on May 27, 2013, 12:50:07 pm
OK s here's my story
Ubos na allowance na iniwan ni Hubby. In spite of the list I make of all the expenses, hindi maiwasan na magtalo minsan kaya eto ang bagong motto ko.
"Hindi na baleng mag away kayo kung totoo at tapat naman ang pag handle mo ng pera, kaysa tahimik kayong hindi nagtatalo about money pero may lihim na pandaraya palang involved."
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: zachamac on June 16, 2013, 07:21:57 pm
Ako din, medyo! Hehe. But I use the money for the house and for my baby. Usually food for everyday, pang-mall ni baby, and sometimes pag kinapos ng baon si hubby. Never pa naman na ginamit ko yun for my own needs.
humihingi talaga ako ng sobra sa expenses namin, and I don't tell him. Kasi kung  di ako hihingi, sakto lang ang ibibigay. SAHM lang din po ako. Much as I wanted to be honest with money, lalo na yan ang pinakamabigat na cause ng away ng mag-asawa, wala naman akong choice kasi walang kusa. Feeling ko kasi pabigat ako kasi I don't work. Sa panahon ngayon, mas maraming mommies ang working na din. So yun, I make kupit para in time may huhugutin din kami. Kasi kung di ko gagawin yun, wala kami kahit pisong nakatabi.   ;D
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: εїз" Mrs.Pisces "εїз on June 16, 2013, 09:34:55 pm
Ako mga Sis For Being 7years with Hubby Never pa sumagi sa isip ko mangupit!!
Wala din akong balak if may like ako at wala akong money Sinasabi ko nalang kay Hubby!!
if bibigyan ako eh d Good pero if Hindi okay lang!!

Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: twinksdinefave on August 23, 2013, 03:30:18 am
Kung kinukupitan ko si hubby?

YES! pero bihira lang naman kapag may gusto ako bilhin or bbgyan ko mga kapatid ko..kasi nahihiya ako manghingi sa kanya kapag para sa mga kapatid ko..  pero pagdating naman kasi sakin binibigay niya naman sakin kung anong gusto ko kapag may pera sya eh.. and now meron akong monthly allowance na 10k para lang sakin..  pero kapag andito na sya ulit sa pinas wala na..kaya no choice need ko sya kupitan para sa mga sibs ko.. pero bihirang bihira talaga kapag medyo malaki na kailangan ko ibgay sa mga kapatid ko..kapag maliit lang naman kasi minsan bnbgyan niya n din.. sana wag mabasa ng asawa ko to kasi mukhang nagbabasa na sya hehe..
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: Barbra Mae Vidal on January 08, 2019, 01:44:20 pm
No. Kasi based from experience (gawain ng nanay ko sa tatay ko), hindi sya maganda. It will breed mistrust, contempt at kung ano ano pang negative feelings. Pag napansin ni hubby na nabawasan pera niya at tinanong ka kung kumuha ka, syempre sasabihin mo, hindi. E wala naman ibang tao sa house niu so obviously ikaw kumuha. Mawawalan si hubby ng tiwala sayo at lalong itatago ang wallet niya.

If you need money, just tell your husband. Sa mag-asawa, open communication dapat.
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: mariann on March 30, 2019, 12:46:15 pm
I have been working for 15 years in a bank. Yung sweldo ko sa akin lang. Hindi niya alam how much and what were my benefits.

Now that I have resigned, hubby gives me a weekly allowance. Not much sya compared to my salary, but when I needed something, I ask him.

Meron naman akong savings from my separation pay, pero hubby provided well naman.

Ask ka na lang ng allowance sis.
Title: Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
Post by: Lovely Jessa Montilla on May 14, 2019, 08:27:07 pm
full time ako at may sideline so may sarili akong pera na inispent ko din sa everyday allowance namin kumbaga share kami sya din pag sahod niya bili needs ni baby grocery sa bahay then bbgyan niya ko allowance ako na bhala don kaya d ako ngkukupit. kumbaga pera niya pera ko dn. pera ko pera niya dn hahaha hello mommies! newbie po