Parent Chat

Pregnancy => Getting Pregnant => FAQs and Common Pregnancy Concerns => Topic started by: Sexypreggy on February 13, 2012, 10:43:19 pm

Title: Paninigas ng tummy
Post by: Sexypreggy on February 13, 2012, 10:43:19 pm
Basahin sa Smart Parenting:
Experiencing Intense Contractions? Familiarize Yourself With The 4 Stages of Labor
Click HERE.
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2019/04/17/labor-flashbox.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/4-stages-of-labor-a00286-20190420-lfrm?ref=parentchat)

Hi i just want to ask mommies. I'm already at my 32 weeks. and naninigas tummy ko palagi. Then parang nrrmdaman ko everytime na parang pnpunit yung femfem ko. What does that mean? Palagi kasi ako naglalakad sa mall every now and then. sa tingin nyo numinipis na cervix ko? Thanks For the answers!

Naka-relate ka ba? Maging member na para makapagpost ng katanungan o payo dito
(https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply to join this discussion (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=49120).

(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: working_girl88 on February 14, 2012, 04:58:46 pm
hi sis! siguro medyo bumababa si baby. hindi ko sure kung numinipis nga yung cervix mo, kasi ako dati, naglalakad lakad din ako pero pinainom pa ko ng pampalambot ng cervix kasi makapal pa daw yung cervix ko at 34weeks. normal lang naninigas ang tummy mo, nagreready na ang body mo sa labor.  ;)
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: keeshta on February 15, 2012, 09:09:42 am
hi sisses!

im also experiencing that, yung paninigas ng tummy. sabi ni OB normal lang daw yun, baby and tummy are practising for the D-day. hehe. pero as long as walang pain, okay lang daw sya. yung "down-there" ko naman parang feeling ko namamaga na hindi naman masakit. haha! hindi ko maexplain.  ::)

im on my 35th week bukas, nalalapit na! uncomfortable narin ako tumayo and maglakad ng matagal. nangangalay na balakang ko and sa bandang singit. bumaba narin tyan ko.
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: Dada08 on February 16, 2012, 08:30:23 pm
hi sis!

as per OB normal nga daw maningas ang tummy lalo na kapag nagmo-move si baby... basta walang pain or something like cramps talaga..
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: Sexypreggy on February 17, 2012, 02:01:00 am
Thanks mga sis sa reply!
Yes lagi sya nag momove and napapansin ko parang umaalon talaga yung tummy ko every now and then.
Im just worried kasi pag nglalakad ako may nraramdaman akong masakit sa femfem ko.  :o
im so worried baka lumabas agad si baby ng maaga im on my 33 weeks na kasi mga sis.
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: keeshta on February 17, 2012, 08:28:04 am
^ have it checked sis kung kakaiba na talaga yung pain. better consult your OB for assurance. Halos mgkasunod lang pala tayo sis Sexypreggy. hehe
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: missheizy on February 17, 2012, 01:22:40 pm
Too much walking, too much sitting at too much standing naman is bad for us, kapg sinobrang lakad mo ng 1hr or more, hindi rin daw mgnda, 30mins then rest ulet, pero wag naman daw too much super upo, once in a while tayo, lakad, then upo, mga ganon :) Hope nakatulong konti, moderation is the key, ako nga nasosobrahan ko ng umupo na nagdidiscuss, bad din pala, kaya yun, upo, tayo , walk :)
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: Sexypreggy on February 18, 2012, 01:47:05 am
Siguro nga mga sis ganun nga gagawin ko papacheck ulit kay dra. then moderate ang upo,tayo at walk. Nako missheizy and keeshta magkakasabay pala tayo mga sis manganak. Well, i think im the youngest na mganganak sa family cause im only 19 years old. And i feel bad for my mom kasi siya yung gumagastos sa check ups and gamit ni baby, yung daddy kasi ng baby ko wala work until now (Dec kasi sya nagresign) and nasstress ako and umiiyak kasi wala pa sya ipon ayoko umasa sa mom ko kasi naawa na ko for my mom. As much as possible pagka panganak ko kukuha muna ako work then balik school 2nd sem since mlpit na ko grumaduate. Anyway mga sis. Masama ba pag palagi umiiyak. Palagi kasi ako umiiyak and worried din ako kay baby bka ganun din nraramdaman niya  :'(
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: HesaMomz08 on February 18, 2012, 02:14:22 am
Anyway mga sis. Masama ba pag palagi umiiyak. Palagi kasi ako umiiyak and worried din ako kay baby bka ganun din nraramdaman niya

@sis sexypreggy, naku iwasan m mag karoon ng emotional stress kc nakukuha din po ata ng baby un. naffeel ka din ng baby mo.un lagi mo pag iyak bawasan m as much as possible happy ka lang lagi. ganyan din ako when i got pregnant s baby ko ngun madali sumama ang loob ko and to the point na iiyak ako pero un tipong ako lang magisa. tas kinakausap k lang c baby na iiyak lang ako..hehe.. jobless din husband ko nun the whole 9mos n pregnant ako and mahirap talaga. any form of stress po esp your pregnant can be a cause of premature labor.  kaya be happy and smile lagi.. sabi din yan ng OB ko..  ;Dhope this helps..
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: Sexypreggy on February 19, 2012, 11:44:28 pm
Thanks sa advice HesaMomz08. i just dont know what to do. Wala sya work. sobrang tamad pa niya, umaasa sya sa side ng family ko. I dont know, parang gusto ko na lang din kasi maging single mom since d naman sya talaga responsible.
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: HesaMomz08 on February 20, 2012, 01:44:03 am
your welcome sis..single parenting is hard at mrmi ka dapat itake into consideration before m gawin yan. think 100x or more bago kw mg decide pros and cons being a single mom. ako product ng single parenting :'( and  try mo siay kausapin bakit ayaw niya mghanap ng work.. encourange m siya ipintindi mo skanya n hnd na sya binata at may klngn na siya buhayin na baby at partner.. talk to your parents nrn s mga concerns m kc sila ang nakakaalam kung ano mgnda gawin mo and if my future problem sakanila krn naman ttakbo much better kng ngun plng alam n nila kng ano pinagddanan mo.
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: HappyMommyAdventures on August 21, 2012, 02:13:13 am
Hi mommies!

According to my OB, those are contractions. I was confined din kasi due to possible preterm. super tigas ng tummy ko, super sakit that i couldnt move, super heavy and parang sasabog yung vagina (pardon me for this). When I got to her clinic, she knew right away that they were preterm contractions so she had me observed for 24 hours, with IV uterine relaxants, etc. Had to be on bed rest for 2 weeks
I was always walking around, very hyperactive, and stressed out din kasi that time. Malaking effect talaga ng stress both on our physical & mental health, even more so when were pregnant.

My OB advised me not to walk too much daw unless i'm nearing my due date. Pag malapit na, kahit maglakad pa ko ng maglakad, go lang. for now, wag muna kasi delikado & kawawa naman si baby pag preterm :(

Hope this helped & that you are doing well :)
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: mommyjiing on August 21, 2012, 02:43:50 pm
Yes sis :) those are contractions.. Similar ng pag naglelabor na.. Did your OB advice you to time your contractions? Rest ka lang muna sis your on your 8th month eh, pinaka delikado ang 8th month kasi yung surfactant ni baby medyo nawawala na unlike nung 7th month surfactant is still there, during 8th month kasi nadedevelop ang lungs to prepare the baby to breath on his/her own paglabas niya.. Kaya OB's really advice pregnant moms to rest during the 8th month. Pag 9th month mo na gora ka na sis :)
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: HappyMommyAdventures on August 21, 2012, 09:31:52 pm
mommyjiing
hahaha yes mommy! natawa ako sa pag 9th month na.
sakin kasi they injected me twice with steroids for baby's lungs nung na-confine ako. incase daw lumabas si baby, malakas na ang lungs. excited masyado, this little boy!
sabi ng OB rest A LOT daw. para din wag mamaga, etc. lagi daw dapat mag-nap at wag laging nakatayo.
nakakatakot ang contractions/paninigas ng tummy. had it again yesterday and i just rested and did some breathing exercises. hirap na maconfine ulit e.
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: wandergirl_turn_mom on August 22, 2012, 12:01:33 pm
On my 34th week, naninigas na rin yung tummy ko. Tipong pag gumagalaw siya may particular part ng body niya na nag-poke sa tyan ko. At feel na feel ko talaga. Sumasakit din ang likod ko at lower abdomen. Pero pag gumagalaw ako or nag iiba ng position sa paghiga or pag upo, nawawala yung paninigas ng tyan at pananakit ng likod. So, it could be false labor (?) wala rin contractions. Yun daw kasi iyon, if nag palit ka na ng position sa pag upo or pag higa at di pa rin nawawala yung pain, if balakang ang masakit at hindi likod, if tuloy-tuloy ang contractions, then you're going through REAL LABOR. Otherwise, relax lang at magpahinga. Kasi hindi pa ito ang right time.
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: mommy irene on August 22, 2012, 02:49:24 pm
hi

me too, im on my 31st week.. lagi na din naninigas ang tummy ko, so far, wala naman pain or show (thank god).. normal lang naman ito kasi nga we are nearing na our sue date.. and yun nga, medyo lumiliit na ang space ni baby sa lood kaya naghahanap siya ng puwesto pero ibang case naman pag ang contractions/ interval is 10-15mins, better go na sa OB or hospital.. another story na yun..

like what other moms here tells us, too much sitting, walking and stress may cause this "paninigas" kaya relax relax lang and lets enjoy this moment..

take care po sa ating lahat!!!
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: imeego on August 22, 2012, 04:57:55 pm
mommies try to read on braxton hicks contractions, im not sure if im allowed to post the link kasi so try to google it na lang, para lang maging aware what to watch out for and how to differentiate it from true labor contractions :)
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: BabeiLoveyou on August 23, 2012, 01:00:07 am
Hi Mommies,

Bothered ako sa paninigas na nararamdaman ko, my times kasi na parang my isang sakong bigas sa puson q na parang malalaglag siya.  Kala q tuloy minsan manganganak nko, pero 7 months plng ako.  Na-eexperience nio din ba un?  :(  BTW, first baby ko to
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: baby rose li on August 23, 2012, 10:34:43 am
Ako din mga sis nkakaramdam din ng paninigas ng tummy. I'm on my 30th week and nafefeel ko siya kung gumagalaw si baby. Lalo na kung bumubukol sya sa isang side ng tummy ko ;D. Hindi naman siya masakit pero kung biglaan gumalaw si baby at feeling ko nagswimming siya sa loob talagang napapatigil ako sa kung ano man ang ginagawa ko that time  :o. Yun na ba ang sinasabi nila na Braxton Hicks contraction/practice contractions?
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: mommyjiing on August 23, 2012, 02:55:54 pm
Mommies read po ninyo ito. It's about how to differentiate TRUE vs FALSE labor. Also about contractions..

It will truly help when labor is near na. :)

http://my.clevelandclinic.org/healthy_living/pregnancy/hic_true_vs_false_labor.aspx (http://my.clevelandclinic.org/healthy_living/pregnancy/hic_true_vs_false_labor.aspx)
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: bajeng on August 23, 2012, 03:03:12 pm
sadyang ganun ata kapg malapit n. ganun dn kc q b4 w/ my son. sobrang hirap. taz kahit my tummy belt masakit p dn. since my schedule q sa panganganak ngtiis q. but then sabi ng OB q after my operation (CS kc q) sobrang numipis n ang cervix q. so accdg to her d pdeng mgbuntis agad though la naman qng plan, kc mkukunan lang daw q f it happened. kaya 4 mommy, ingat k. 1st baby mo b yn?
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: LiMi on August 23, 2012, 06:12:08 pm
Hi mommies,

23 weeks pa lang po ako pero tumitigas na rin tummy ko, then sa upper tummy  parang makirot. Tinanong ko si Dra. kung normal lang  yun. Sabi niya muscle daw yun na nag i-stretch and it's normal. Pero sa mga nabasa ko dito parang contraction nga napi feel ko pero sa tummy lang wala sa lower part. Masakit pag tina try ko po huminga ng malalim  Okay lang po ba yun kahit di ko pa due? can you give me some enlightenment para di po ako mag worry. First baby ko po ito. :(
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: bajeng on August 27, 2012, 08:48:41 am
hi mommy Limi!
naninibago lang siguro ang katawan mo. or masyado ka lang focused & worried sa pregnancy mo. wag ka po masyado magisip. just always make sure that you are doing great. not stressed & be happy always. regarding on your breathing, payat k siguro before k ngbuntis kaya ganyan. basta kapag puson ang masakit & my spotting ka, dun k mgworry. be careful always!
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: LiMi on August 28, 2012, 06:01:33 pm
@Mommy bajeng - Thanks po sa reply. Yes, medyo payat ako before. Nag gain lang ako ng wait ngayon. Siguro nga dahil sa stress. Pag uuwi kasi ako galing work dun sumasakit. Thanks sa advice. :)  :)
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: mommy celyn on August 28, 2012, 11:57:18 pm
@Mommy bajeng-  dun sa nbanggit mo mommy bajeng na sumasakit ang puson at may spotting kasi yun yung nangyari sakin eh. Last week kasi yung panganay ko n 15months old ngkasakit. Syempre super moody at laging gustong magpbuhat. 28 weeks preggy ako ngayon at binubuhat ko siya kasi nga hindi komportable at naaawa ako sa kanya. Last sunday ng gabi masakit na yung puson ko at ang hirap tumayo. Kapag nakatayo ako feeling ko may malalaglag na kung ano mula sa vajayjay ko. Then nung umihi ako the next morning may dugo n kasama yung discharge ko although manipis na linya lang naman. Pero super worried ako. I had an ultrasound today and sabi naman ng doktor okay lang yung posisyon ni baby hindi naman daw siya mababa. Pero kasi iba yung feeling ko eh. It felt na nasa pintuan na siya. Feeling ko kapag sumisipa si baby lalabas na yung paa niya. At nakakaramdam pa rin ako ng pananakit sa puson ko. Im going through a stressful time pa naman and last month halos araw araw akong umiiyak dahil sa mga problema...
As in stressful talaga... I know I should trust the ultrasound and I am happy naman na healthy si baby sa tiyan ko. Pero kasi hindi ko maalis sa isip ko na mag-alala. Nung 1st baby ko naramdaman ko na lang na mababa siya siguro 3 weeks before my due date. At ngayon hindi ako makalakad ng matagal kasi nga sumasakit yung puson ko.
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: bajeng on August 30, 2012, 02:59:16 pm
mommy i guess u need a bed rest. talaga. baka sa ultrasound ok bt not physically. f ur workin mgpbedrest k sa ob mo. hingi k ng medical cert. taz file mo sa ofis pra mfile mo sa SSS. better be sure than guessing. pra my mkuha k n rng financial assistance from SSS.
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: mamianne on May 26, 2013, 01:52:36 pm
Normal lang ba to mga mommies? iI'm on my 34th week. first pregnancy ko to. Bakit ganun? nakakatakot tuloy :(
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: karen_arenas on May 26, 2013, 04:13:48 pm
hi mamianne..

I'm on my 33rd week, and I totally feel for you. ganyan din ang tiyan ko, sobrang tigas.. ehehhe.. normal lang daw yan, because nag e-expand na to the nth level ang ating uterus.. so dont worry.. :)
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: mamianne on May 28, 2013, 07:49:33 am
^^nagcocontract din kasi minsan. haaay. pero wala namang bleeding or spotting. nagwowork pa din kasi ako. should i take a leave na kaya?
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: Mommy Jazz on May 28, 2013, 08:38:24 am
This topic merged with "Naninigas tyan ko :("
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: roughlady on May 28, 2013, 02:30:04 pm
Ako din panay na ang tigas ng tiyan. I'm on my 36weeks and 2 days mga sisses. Due date ko is June 23, yet my OB said na may possibility na mapaaga pero ako parang ayaw ko pa magleave kasi wala rin naman gagawin sa bahay baka maghapon lang ako matulog noon. :D
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: mamianne on May 29, 2013, 08:53:48 am
naku sis, pinag-leave na ko ng june 13, kasi sabi pwede na daw manganak on week 37 of pregnancy. so para safe leave na ako, hehe, that's my 36th week if ever, mahirap na abutan sa daan, wala pa man din ako sundo. :(
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: laneyval on June 30, 2013, 10:11:09 am
Hi sis! Im just in my 27th week of pregnancy ng second child ko. Ako nung thursday lang nafeel ko ang sakit ng vagina ko ang nung nagwash ako feeling ko parang ang lambot niya. 2 nights yun na hirap ako maglakad at masakit vagina. Nung friday dumagdag sa sakit yung rectum ko parang may tumutulak. So kahpon, saturday nagpacheck up ako. Sabi ng ob ko may contractions n nga daw ako and open cervix. Kaya nirequire niya ko magbed rest and take isoxillan. Yung pinsan ko nga ang nagsuggest na magpatingin na kasi same kami pregnant ngayn and with same symptoms. And tama nga sya same din ang condition namin at ang recommendation samin (though we have different obgyne). I think dapat talaga wag mashado magpuyat, mastress at lakad pag hnd pa term kasi ganito ang kalalabasan. With my first child never naman ako nakaexperience ng ganito kasi well rested ako nung second trimester ko. With my current pregnancy kasi mas pagod ako dahil may 3 year old na ako na inaalagaan. Gising maaga to prepare food for my family at baon ng kid ko. Linis ng house at hatid sundo sa anak ko. Kaya mas pagod ako. I suggest talaga na consult your ob para malaman management niya sayo. :)
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: laneyval on June 30, 2013, 10:12:59 am
Oops last year p pla yung post na ito. Pro yan ang suggestion ko sa mga mommies na same experience with mine. Pacheck na kayo agad baka mapaanak ng maaga. Mas magastos. :(
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: bella swan on July 01, 2013, 02:07:28 pm
Naku, I guess, I need rest din... medjo stress and pagod din ako kasi I have a 5-year old Princess na. She's studying and I need to wake up at 5 to prepare breakfast and things she needs at school. Wala rin akong kasambahay as of now... 7 months preggy na ako...
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: simplebeauty08 on August 12, 2013, 04:14:38 pm
Hello mommies! I'm a newbie here. I'm on my 15th week this week.

Is it normal to feel the paninigas ng abdomen on the 15th week? This is my first pregnancy kasi so I don't know if what I'm feeling is normal or not...

thanks! :D
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: creamypuff on October 08, 2013, 08:46:25 pm
Ako din now sobrang tigas ng tummy ko plus masakit yung vagina ko to the point na nkatingkayad nko mag lakad. Second pregnancy ko na ito before kasi hindi naman ako nakaranas ng ganito well rested ako nung first pregnancy ko, eh ngayon busy sa school plus sa bahay kilos din ng kilos at lakad ng lakad. natatakot tuloy ako manganak ng maaga. Siguro kailangan nten ng bed rest plus eat ng healthy foods :)
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: danegerous_429 on October 09, 2013, 05:17:01 pm
hi same concern sisses!!

d ko sure if naninigas sya or sumisiksik lang c baby kasi nawawala di after few seconds ee


I'm on my 30th week and 5th day -

kakatakot lang kasi mamya iba na pero sabi ni ob as long as hindi sumaskit ang balakang mo at hindi namimigat ang tiyan mo that's all because of the baby's movement - :)
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: danegerous_429 on October 09, 2013, 05:22:13 pm
hi same concern sisses!!

d ko sure if naninigas sya or sumisiksik lang c baby kasi nawawala di after few seconds ee


I'm on my 30th week and 5th day -

kakatakot lang kasi mamya iba na pero sabi ni ob as long as hindi sumaskit ang balakang mo at hindi namimigat ang tiyan mo that's all because of the baby's movement - :)
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: ziabie26 on October 30, 2014, 03:52:14 pm
hi mga mommies/ soontobemom
im 3 months pregnant pero may nararamdaman ako pananakit at paninigas ng puson! natural lang ba yun mga mommy? kasi first time ko lang magkaroon ng baby eh kaya diko pa alam ang mga nararamdaman kaya ayun :( nagwoworry ako kay baby bka kung ano ng mangyari sa kanya :(
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: Ayen85 on November 10, 2014, 10:18:12 am
Hi there, it is natural to experience paninigas and pananankit ng puson. Paninigas means your baby is stretching inside or moving. Pananakit ng puson is okay as long as hindi sobra. Let me also share here with you a site you can use to calculate your due date, good luck. http://www.babyduedatecalculator.net/
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: Lesley Unlayao on January 14, 2017, 05:52:29 pm
Hi mga momshies. Duedate ko sa Ultrasound is January 19 and sa OB naman is 27, medyo nakakaramdam na ko ng paninigas ng sobra sa tiyan ko, then kagabi di ako nakatulog ng maayos sa pananakit ng lower back ko. Pag tumatayo ako may nararamdaman din akong parang may tumutusok sa pems ko then hirap ako humakbang kasi yung joints ko nanghihina na parang nangingilo. Sign na kaya yun ng labor? Actually hinihintay ko kasi pumutok panubigan ko bago magpunta ng hospital eh. Sinubukan ko ng uminom ng pineapple juice para mag soften ang cervix ko, naglalakad lakad ako tsaka akyat baba sa hagdan. Any tips pa po para mapabilis ang pag open ng cervix ko? 1cm palang kasi ako since last check up ko eh. Medyo naiignorante kasi ako ngayon, ibang iba mga experience ko sa 1st baby ko compare dito sa 2nd ko kaya dami kong tanong. Thanks mga momshies.
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: ronalyn miura on March 05, 2017, 09:41:52 pm
hi mommy! kamusta na po? ganyan din po kasi nararamdaman ko ngayon. worried lang po ako kasi baka on labor na ako ng hindi ako nag aalam
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: cristine mae ancajas on May 19, 2017, 09:12:34 pm
hi momshies, sa june ang EDD ko, same tayo may nararamdaman na din ako na ganyan ngayon.. masakit yung balakang ki tsaka madalas naninigas nadin tummy ko..
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: Roseme Fampulme on June 06, 2017, 08:05:50 pm
Hi mga mommies im 38 weeks na po.due date ko din is june 18 naman excited na po ako para sa baby boy namin ng aking hubby hehe.same po nakakaramdam na po ako nung paninigas ng tiyan,tapos kanina may may mucus plug with brown na lumabas kinabahan talaga ako baka anong mangyari pero its normal naman siguro kapag malapit na mglabour.
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: aianne montero on August 21, 2017, 11:01:09 pm
i am 30weeks pregnant... since 29 weeks pa si baby madalas na pag tigas ng tummy ko sa right side most of the time may nkabukol din.. i feel so uncomfortable kapag tumitigas ang right side tummy ko..
pero hndi naman painful.. matigas lang talaga..
normal lang po ba yun??
hndi kasi nawawala yung tigas niya sa right side b may nakabukol ..
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: Kashmer Garcia on March 27, 2020, 06:59:43 am
Hi mommies

Ask kolang po if normal lang po ba ang pagbukol ng tyan (I mean sa isang side lang po yung may bumubukol sa kabila po walanaman po at paninigas (and hindi naman ponsya sumasakit ) bu every morning posya madalas bumukol..  2months and 3weeks preggy first time kopo mag buntis ngayon na coco  confuseee napo kasi  ?

Salamat po
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: Cheyser Manuel on June 24, 2020, 05:54:11 pm
Hi po sa mga parents na alam itong tanong ko or nakaexperience na po. I'm currently 32 weeks and 2days pregnant, and kanina po check up ko. After po i-doppler yung tiyan ko bigla po siyang nanigas, IE po ginawa sakin to check if open na cervix ko (pero close naman daw po sabi sakin after). Pagkauwi ko po sa bahay bigla pong may lumabas na brown discharged sa akin and ilang beses na po nanigas tiyan ko. Siguro sa loob ng 10 minutes nakakadalawang paninigas po nararamdaman ko pero saglit lang din and nawawala naman agad. Normal lang po ba yon? Worried po ako kasi 1st time mom po ako. Salamat po! 🙂
Title: Re: Paninigas ng tummy
Post by: Parentchat Admin on June 26, 2020, 10:37:50 am
Hello Cheyser Manuel.
Basahin po ang tungkol sa Braxton Hicks sa Smart Parenting.
Masakit Ang Tiyan At Buntis Ka? Kailan Dapat Mabahala At Kung Kalma Lang
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2020/01/10/placenta-accreta.jpg)
https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/health-nutrition/masakit-ang-tiyan-ng-buntis-a1278-20200530?ref=parentchat (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/health-nutrition/masakit-ang-tiyan-ng-buntis-a1278-20200530?ref=parentchat)

Mod's note:
Community members can share their related experiences and feedback on products and services. Online parenting groups can be comforting and helpful, but they CANNOT replace medical advice (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/free-birth-45-weeks-a00041-20190722?ref=parentchat). For inquiries on health and medical concerns, please get professional advice from a doctor or a healthcare provider.