Parent Chat

Style => Beauty and Product Reviews => Topic started by: vanesky_xiana on March 20, 2012, 10:39:33 pm

Title: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: vanesky_xiana on March 20, 2012, 10:39:33 pm
Nagparemoved ko ng warts last night sa isang clinic sa SM taytay branch.First time:-( Parang pregnancy warts to eh, kc bigla siyang dami nung pregnant pa ko.  Kaya nung napansin last sunday ng mga sisters ko, kinabukasan, kahapon nga eh nagpatanggal ako agad.  SAbi sa kin ng skin consultant eh 4 days to one week before matanggal yung parang naiwang mga scar.  Natakot ako bigla baka kasi hindi lang ganun katagal kasi parang wala pang nagfafall off.  Sa kagustuhan kong maalis agad, dahil baka mahawa pa si baby, eh di  ko nanaisip na aabay pala ako sa wedding ng friend ko sa April 14, mga 3 weeks from now.  Tanggal na kayayun eh may sched pa ko sa kanila sa monday sa face naman.  (neck kasi ang nauna)  Mga mommies na experience ninyo na din ba magpawarts removal? ilang days tinagal ng scars? TIA
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: rozzy on March 21, 2012, 10:22:55 am
Hi sis. Same here after I gave birth biglaang dami ng warts ko. Sa sorbang busy ko sa work, after four years bago ko napatanggal. Actually, nasa 60pcs palang napapatanggal ko. I had my warts removal last Dec2011 at SM Masinag. One to two weeks wala na yung parang sugat pero yung mark meron pa sa mga parteng malaking warts na tinanggal sakin. Hindi ko kasi nilalagyan nung cream na binigay regularly. Pero all in all mga 5 na lang yung medyo may mark pa kasi malaking warts un.
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: vanesky_xiana on March 21, 2012, 01:02:52 pm
Thanks sis rozzy for sharing your experience...Oo nga nabigla ako na parang may chicken pox ako.  Nagdadalawang isip tuloy ako kung imomove ko pa yung date ng schedule fo for the face after na kong mag abay sa wedding , pero sabi naman ng skin consultant, mawawala daw agad di daw aabutin ng three weeks.  Naku sana nga.
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: rozzy on March 21, 2012, 01:16:04 pm
Basta follow mo lang yung prescription sayo. Kasi ako hindi ko nilalagyan regularly kaya may limang mark pa sa face. Pero super light na lang talaga... Will have my second removal ng warts probably this May. Need to budget my expenses. Sabay sabay kasi...
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: vanesky_xiana on March 21, 2012, 01:34:33 pm
oo nga, sinusunod ko yung instructions nila. kaya sana nga matanggal ng mas mabilis...thanks :-)
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: marienne on March 21, 2012, 08:57:55 pm
@sis vanesky nagpa warts removal din ako dati, super dami nga, more than 100 un, hanggang chest area meron ako. after treatment red sya, the next day it turns to black then gradually na sya natanggal. kahit ma scratch ko lang natatanggal na.. no scars naman. may nireseta nga saking 2 creams para daw madaling matuyo, i forgot naman
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: vanesky_xiana on March 21, 2012, 09:17:43 pm
Thanks sis @ marienne, red nga siya yesterday, ngayon nagblack na and mas lumiit.  Sana nga mabilis na siyang mawala.  Good luck sa kin, kasi may preshoot ng bday din si baby sa sunday kaya dapat mabawasan man lang...thanks ulit
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: mommy of 3 on March 30, 2012, 07:43:55 pm
hi mga sis.. may maisusuggest po ba kayo na safe pero murang warts removal?  madami kasing nagsulputan ngaun na spa tapos offering warts removal..medyo mura compare kung sa dermatologist ka ppatanggal..kaso baka magiwan ng malaking scar sa face e..

dun kase sa derma ko 600 per 25 pcs.. namamahalan ako.. kaso malapit kase siya sa bahay namin kaya dun ako and very fine yung scar na naiiwan..
kung sa mall naman kase medyo maiilang ako pano daming tao nakakakkita parang chicken pox daw (hahaha)

i heard meron daw mga doctors na nagaalis ng warts in package..mga 2000pesos tpos buong katawan na daw..
may alam po ba kayo? yung malapit lang sana sa pasig..

thx..
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: raena on April 02, 2012, 01:05:00 pm
just had my warts removed last friday, bale four areas. sa pinupuntahan kong derma, quote sa akin e 8k for teh face and neck. namahalan ako. my officemate recommended yung sa skin center na pinupuntahan niya tapos got a discount pa, bale 800 na ang face and neck. mura di ba? today is monday at pumasok talaga akong may scars hahaha. eniweis, update ko kayo kung gaano katagal ang pagheal ng scars.  :D
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: vanesky_xiana on April 02, 2012, 08:40:22 pm
i'ts exactly two weeks today at removed na all the black spots na naiwan nung nagpawarts removal ako. :-)
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: anhing on April 03, 2012, 11:04:28 am
goog to know sis vanesky_xiana na wala na yung scars, happy for you  ;)

btw, meron daw mga derm clinics accepting some healthcards for warts removals. kase sa hmo namen covered naman yun. just need to know kung ano-anong clinics yun. anyone?
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: mommy of 3 on April 05, 2012, 04:15:10 pm
just had my warts removed last friday, bale four areas. sa pinupuntahan kong derma, quote sa akin e 8k for teh face and neck. namahalan ako. my officemate recommended yung sa skin center na pinupuntahan niya tapos got a discount pa, bale 800 na ang face and neck. mura di ba? today is monday at pumasok talaga akong may scars hahaha. eniweis, update ko kayo kung gaano katagal ang pagheal ng scars.  :D

sis saan skin center ka nagpa cauterize?   
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: raena on April 07, 2012, 09:33:16 am
@mommy of 3 sa d'skin center and spa, sa may tandang sora sis, near philand sis. promo ko siya nakuha, bale 400 per area. pag regular, 1500. ok naman siya. last tuesday, nawala na scabs dun sa face. sa neck, back at chest e di pa. malalim daw kasi. pero sa face, clear na. syang dapat pala nagpost ako ng before and after hehe
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: BASTI on April 07, 2012, 10:24:23 am

bakit advice ng mga friends ko better not to treat warts nalang daw kasi lalo daw bumalik at dumami nun pinatanggal nila kaya i have 2nd thoughts :)
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: swtgrl_bee on September 17, 2012, 01:38:18 am
Mommies, na nagpatanggal ng warts ask ko lang. Masakit ba yung procedure? Thanks.
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: raena on September 20, 2012, 11:03:13 am
Mommies, na nagpatanggal ng warts ask ko lang. Masakit ba yung procedure? Thanks.

diepende sa nailagay na dami ng anesthesia at size ng wart. tolerable naman ang pain.
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: sweetpumpkin on September 20, 2012, 01:01:50 pm
Warts ko sa face at neck 1week bago mtanggal ang scars.maliliit lang pero madami. Tolerable naman ang pain.
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: mami che on December 01, 2012, 06:49:47 am
magpapawarts removal ako today sa friend ni hubby sa may kamias. skin rejuve. 350 per area daw. 1hour waiting after ilagay yung topical anaesthesia then start na daw ng procedure. di ko lang matandaan kung 12 or 24 hours bago pwede ka magbasa. pero 1 week ba talaga before matanggal mga scabs or meron na din in 2 days? hindi ba parang kagagaling mo lang sa bulutong ang itsura?  :o
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: rozzy on December 06, 2012, 11:24:48 am
@Sis Mami Che, nung nagpatanggal ako talagang may mga warts na sobrang nahirapan ako tiisin yung sakit. Though may tropical anesthesia ba un na nilagay na eh masakit pa rin sakin. Sabi nung nagtatanggal, mahina raw pain resistance ko at isa pa medyo malaki yung particular wart na tinatanggal sa akin. Pero all in all tolerable naman... Maganda sana sa bioessence kasi as in pain free daw talaga... Kaso hindi carry ng budget ko. Hehe!



Sayang nga hindi ako naka-avail sa unlimited warts removal sa mendez medical group through ensogo. Nagdadalawang isip kasi ako kung totoo ba yung promo na un. Hehe!
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: gabeetorres on December 11, 2012, 11:15:21 pm
Yung sa friend ko sandali lang. binigyan siya ng beta+ery cream para sa scar ng warts niya eh
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: xianne on December 12, 2012, 09:15:51 am
hi mga sis..yung brother ko ang dami din niya warts sa kamay sa braso & nagkameron din sia sa face... binalak na niang patanggal un.. then i bought DELON body wash sa rustans... then tinambak ko un sa bahay..tapos ginamit ng bro ko.. nagulat nalang sia in 3 days umimpis n yung mga warts niya then after a week nawala na lahat ng warts niya.. pinatry ko din un sa kapitbahay namin & un nga nawala din yung kanyan... try nio un sis baka mawala din yung inyo.. DELON bodywash sa rustans (ORGANIC) po yan.. ginamit ko din un mga sis sa suture site ko & unti unti nag llighten yung keloid sa tyan ko.. :) now parang guhit nalang ng sinulid yung tahi ko..
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: IanAndDina on December 12, 2012, 11:26:17 am
^Sis how much siya? Meron din kasi yung brother ko, pero college student pa lang kaya ala budget para sa mga warts removal sa mga skin care center, :p effective din kaya sa stretchies, if ever? :)
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: IanAndDina on December 12, 2012, 03:35:26 pm
^thanks sa info sis, no harm in trying naman since organic :) tsaka mura compared kung papatanggal sa skin care center :) i'll update once i start using :)
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: kissablesam on December 14, 2012, 05:04:59 pm
Ang warts ba eh kulugo?
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: IanAndDina on December 14, 2012, 08:26:11 pm
^Yes sis :)
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: kissablesam on December 15, 2012, 10:12:29 am
Thanks, nagkaroon din ako neto after months na nakapanganak ako. Would you know where pwede magpatanggal? thanks ulit! :)
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: smartie on December 27, 2012, 11:24:31 pm
kissablesam, particular ka ba sa machine and clinic?  All dermas do this, and available din siya sa let's face it, flawless and the like.  Sa skin house ako since I go for laser narin there.  750 yung charge sakin kasi 19 lang naman warts ko.  Wala naman akong scab, though I'm not sure how long nawala.
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: kissablesam on December 29, 2012, 09:28:56 am
^Not familiar sis pero thanks sa tip! :) Itry ko yun Delon bodywash sa Rustans  ;)
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: mami che on December 29, 2012, 09:30:42 pm
@sis kissablesam

pahingi ng feedback sis sa delon bodywash ha  ;)
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: kissablesam on December 31, 2012, 12:08:47 pm
^Sure, baka after new year ko na ito mabili daming gastos this holiday :)

Happy New Year! :)
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: caprichosa on January 17, 2013, 07:41:57 am
I had my Warts Removal in D'Spa and Skin Center in Short Horn, Proj 8 QC from a coupon in Metrodeal. It only costs 250php for unlimited warts removal for the Face.

As I remember, topical anaesthesia was applied on the warts, then we waited 40 minutes, then the procedure only took 10 to 15 minutes. I have low pain threshold that's why I literally cried. It smells like burning hair during the entire procedure.

They asked me to buy a post-cautery cream, 300php, and it is to be applied twice a day on the scabs.

The last scab fell off after 10 days.

But hello to a wart-free face. =)
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: Myrna Pacifico on August 26, 2019, 01:53:19 am
Hi mga momshie pahelp naman ask q lang ano b mgandang pang tanggal ng warts start manganak ako nglabasan mga warts q ska ano b mgandang pangtanggal ng tagyawat sana m2lungan nyo q s mga suggest nyo thanks
Title: Re: Warts Removal, ilang days before matangal yung scar?
Post by: Mommy Jazz on September 01, 2019, 09:24:22 pm
Mommy Myrna, back read nalang po para sa mga suggestions ng ibang members natin. About sa pimples, ask a dermatologist muna kung hormone related yung acne ninyo since magulo ang hormones natin pag bagong panganak tayo, probably the cause of your pimples. If hormonal, pwede siya mag prescribe ng hormonal pill para sa breastfeeding at sa hindi nagbe-breastfeed. Kahit anong pimple treatment ang gamitin niyo, hindi maso-solve kung hormonal ang cause. Kung hindi hormonal, pwede siya mag prescribe ng topical ointment.