Parent Chat

Pregnancy => Getting Pregnant => Pamahiin => Topic started by: youngmom on May 06, 2008, 12:13:08 pm

Title: pamahiin about babies
Post by: youngmom on May 06, 2008, 12:13:08 pm
may isa lang ako mai shshare jan,yung umbilical cord ni baby inipit ko sa isang algebra book.kc daw pag inipit mo sa book yung umbilical cord ni baby magiging matalino daw,my mom did this,yung cord ko sa dictionary book,at yung sa brother ko yung isa sa science book,yung isa naman sa book of maps.hehe.in my subjects,i excel in english class and science,same with my brother na mgaling sa memorizations,at yung brother kong isa,magaling sa countries and capitals even when he was younger.i dont know if the connection is true but yun ang ginawa ko sa son ko.
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mommy_geli on May 06, 2008, 12:29:20 pm
ang sabi naman MIL ko eh isabit daw sa ilalim ng hagdan para daw indi mahulog sa hagdan c baby pag lumaki na siya... pro hindi naman niya dun sinabit yung umbilical cord ni baby... sa kabinet namin niya sinabit... para saan kaya un??? para indi maglayas?? hehe

wag da paupuin sa mesa yung baby/bata - baka indi daw makapagtapos ng pag aaral

bawal paliguan ang babies pag friday- di ko alam kung bakit... pro di me pumayag na di paliguan c baby ng friday no...

lagyan ng lipstick un labi ng bata pag umaalis o lalabas ng bahay- para anti 'bati' daw

pag bagong salta sa isang lugar wag magtuturo turo - baka daw ma-nuno... (nuno sa punso)

bawal maligo ng 1wk after manganak - baka daw mabaliw....


Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: i♥ü on May 06, 2008, 12:38:17 pm
for youngmom: same here, ako din inipit ko yung natuyong cord ni baby sa dictionary. :)

for mommy ysa: you're right sis, wala naman masama kung susundin natin yung ibang mga sabi sabi ng matatanda.

sabi nga din nila bawal daw nga maligo kapag Tue and Friday.

bwal daw mag gupit ng kuko kapg may sakit at kapg gabi.

bwal daw pahalikan sa baby yung mga baby. kasi daw hihintayin daw ng much older baby yung younger baby sa pagsasalita.

Bawal daw ilabas or ipasyal si baby kapg wala pang one month or hindi pa nabibinyagan. (pano yung mga chinese, diba yung iba sabay yung binyag at 1st bday, so 1 year din hindi makakapasyal si bebe  ???)

Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: youngmom on May 06, 2008, 12:40:38 pm
ang sabi naman sakin pag pinaupo si baby sa mesa magigig sutil daw haha.mga pilipino talaga. ;D
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mommy_geli on May 06, 2008, 12:50:04 pm
kaya nga po ako eh 1 1/2 months pa lang c baby karl pinabinyagan ko na po... para makapamasyal na kami. pro twice p lang kami nakakapamasyal sa mall ng kasama c baby karl...
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mitch on May 06, 2008, 02:13:31 pm
hayy mom_geli ako din maaga ko pinabinyagan baby ko dahil ayaw din payagan nang mom ko lumabas bawal daw kasi yun eh,,,

ako naman ma shashare ko yung pag naguumpisan nang dumapa si baby di ba minsan parang hirap na hirap sila tumagilid or dumapa hwag daw tutulungan kasi masasanay daw si baby maging palaasa ,at yung pag una daw nasabi na salita ni baby momy or mama sutil daw yun pag naman dady or papa mabait daw yun and yung sa pag ngingipin nilalagyan namin baby ko nang bulalak nang kalabasa sa may tyan and sinulid na black ewan ko para san yun basta yun ginagawa nang mom ko dami po talaga mga pamahiin noh mga mom pero tama po kayo wala namang mawawala satin kung sundin nalang wala pang mahabang argue between the lola and you hehe ;) ;) ;)
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: kizzia on May 13, 2008, 02:28:34 pm
           Personally i don't believe in supertitious belief or pamahiin kc my grandparents are doctors my dad naman is engineer pero hindi din naniniwala sa pamahiin hehe my mom naman is a nurse din then kami namang magkakapatid nurse din so we don't grow up na merong mga pamahiin pero narinig ko na yung mga pamahiin na na mention nyo pero hindi ko din sinusunod.

         Like when I gave birth sabi nang mother in law ko bawal maligo after manganak hehe i gave birth oct 30 nalabas ako nang operating room since CS ako eh oct 31 2am  then noong 7am naligo na ako as in full bath  ;D katulad din nang ligo sa bahay pero sympre with assisstance ni hubby kc bagong CS lang ako sya tga kuskos k nang face towel sa lower body nov 1 8am naka uwi na kami sabi nga nang OB ko ang bilis k naman maka recover parang CS lang hehe. Pinagalitan ako anong mother in law ko kc nga daw baka mabinat sabi k hindi ako naniniwala doon. :D

         Then just this Sat nagpunta kami sa may trece martirez may camping kc yung mga youth sa church namin eh walang CR kc nga parang bukid sya na wi wiwi na ako so naghanap lang kami nang pwesto noong friend ko pati mother in law ko bago kami umalis sabi nang mother in law ko duraan nyo yung inihian nyo kc daw baka manuno.  :D ako lang ang hindi dumura wala naman nangyari sakin.

                   Sa hair naman ni baby yung first hair cut niya nilagay ko lang sa ziplock hehe ayusin k palang kc yung photo albums niya hindi k sya nilagay sa book or anything kc ang intelligence naman nasa training yan nang bata sbi nga nang mom ko i have memorize 4 books when I was 4 yrs old dont know kng alam nyo yung book na See oh See hehe db 4 yun pink,yellow, green and red hindi pa daw na tu turn yung page sinasabi kina yung nasa next page, yun parati ang binibiro sakin kahit daw naka pikit ako memorize ko hehe. Try nyo buy yung DVD na how to make babies smart nang national georaphic nag conduct sila nang studies about it pero in the end ang sabi is nasa nurturing nang parents yan kng pano mo tinuruan si baby and genes is also a part of it.

             pinakita din kc doon yung school for parents kng pano mag excel sa lahat si baby may pinapakita pang mga pics para ma memorize ni baby pati mga patterns then noong binalikan nila yung batang yun he was already 16 years old pinakita s kanya yung mga pictures nang jet fighters and tinanong sya nang tga national georaphic alam mpb ang mga pangalan nang mga jet fighters na to and he simply replied " I have no idea"  :D
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: eunice_05 on May 16, 2008, 03:43:45 am
Me too i dont believe in superstitious beliefs he he tinitignan ko kasi yung biblical ways at common sense same as scientific kasi minsan kahit saan ko tignan talagang walang konek yung mga pamahiin eh  :D :D

But sometimes as part of pakikisama at pag galang kung di naman makakasama eh sinusunod ko na rin para iwas discuss like nung minsan kapapanganak ko palang sa bunso ko girl then my hipag called sabi niya gupitan ko daw yung pilikmata using nailcutter para daw humaba at kumapal i said yes pero di ko ginawa yoko nga baka madisgrasya ko pa yung mata ni baby eh imbis humaba yung pilikmata eh mabulag pa si baby  ;D ;D since nasa london siya that time di naman niya makikita kung ginawa ko ba o hindi diba??
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: Fahrenheit on May 16, 2008, 11:57:17 am
ako honestly sutil ako eh ..lahat ng bawal sa pamahiin ginagawa ko.tapos saka ko sasabihin sa kanila na "oh ano may nangyari ba?" hehe
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: maphine on May 18, 2008, 10:06:38 pm
oo nga marami talaga ngayong existing pa din na mga superstitious beliefs pero yong sinunod ko lang yong binyagan si baby kaagad to avoid accidents or unexpected incidents daw.Di daw kasi pwedeng lumabas mas magiging prone daw kasi si baby sa bad luck.Eh ayoko namang mabad luck c baby kaya pinabinyagn ko na kaagad 1 month pa lang.Masakitin din daw yong babies na hindi pa nabibinyagan.Eh pano yong mga iba yong religion di ba may iba na dapat 1 year pa pinabibinyagan?Kawawa naman mga babies na yon.
To add up nga pala don sa after manganak na maraming bawal,like maligo o tubig na malamig,mgwork or tumawa ng malakas at mamasyal,di ko din sinunod yon kahit galit na sa kin mom hehe.Palihim akong umiinom ng tubig na suoer malamig hehe.Eh di naman ako nabinat.NagMcdonalds nga kami ni baby 2 weeks pa lang sya eh.Pasaway talaga ako,sana di mgmana baby ko sa katigasan ng ulo ko. ;D
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: andreismom on August 08, 2008, 11:34:44 am
hi mga mommies,,, do u still believe pa rin ba sa  mga pamahiin, kc d ba, (especially pag may kasama tayong mga oldies sa house) marami pa rin silang pamahiin until now,,,, like sabi ng byenan ng tita ko, every monday lang daw dapat ginugupitan ng kuko si baby para daw hindi masasakitin ang ipin niya pag dating ng araw... (hahaha, ano naman kinalaman ng kuko sa teeth d ba).....

share nyo naman pamahiin na up to now eh sinusunod nyo pa rin.... :)
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: lau on August 08, 2008, 12:32:30 pm
naku, in-laws ko madami! like:

- wag ihaharap ang baby sa salamin dahil maduduling
- wag pauupuin sa shoulders mo si baby na karga mo dahil masusungki
- wag mo ipapahalik ang batang hindi pa nagsasalita sa doll or stuffed toy dahil matatagalan bago magsalita
- wag ipapahalik ang toddler na bulol pa sa baby dahil iintayin niya magsalita
- masama maggupit ng kuko sa gabi (di ko alam ang reason nito... siguro dahil baka hindi mo makita? haha!)
- pagsamahin ng cotton ang mga pusod ng magkakapatid para close ang family ties
- ilagay sa gutter ng bubong ang ngipin na natanggal kay baby para tumangkad (konek?!?)

madami pa di ko lang maalala lahat.
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mama_jo on August 08, 2008, 03:41:01 pm
 :-\ nanay at MIL ko marami...yung sa MIL ko, sinusunod ko lang pag nsa iloilo kami (taga roon si hubby), sa mother ko, la lusot, eh sya nag-aalaga kay baby pag nasa work ako: ito mga pamahiin nila for baby and baby damulag:


Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: b a v e on August 08, 2008, 09:11:11 pm
hi mga mommies,,, do u still believe pa rin ba sa  mga pamahiin, kc d ba, (especially pag may kasama tayong mga oldies sa house) marami pa rin silang pamahiin until now,,,, like sabi ng byenan ng tita ko, every monday lang daw dapat ginugupitan ng kuko si baby para daw hindi masasakitin ang ipin niya pag dating ng araw... (hahaha, ano naman kinalaman ng kuko sa teeth d ba).....

share nyo naman pamahiin na up to now eh sinusunod nyo pa rin.... :)

AKO NEVER AKO NA-CUT NG NAILS PAG FRIDAY....

NAGBABALAT KASI... YUNG PARANG MAY UMUUSLI NA SKIN... PAMAHIIN YUN PERO I BELIEVE ITS TRUE...
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: shyngirl on August 08, 2008, 09:36:59 pm
hmm ito sinasabi ng lola ko:

- bawal mag cut ng nails sa gabi at friday (d ko sinunod.. pangit tuloy nails ni baby pero kasi partly din dahil mahilig  sya magkuskos ng paa kaya natuklap yung nails niya sa paa)
- bawal maligo friday (d ko rin sinunod so far wala effect)
- unang gupit na kuko ni baby ipit sa libro then yung iba sa simbahan daw ilagay ( i did this ewan ko ba sabi kasi ng mom ko d niya sinunod yun sa brother ko kaya sutil syempre natakot ako may i sunod na ko sa lola ko hahaha)

nung preggy ako.. wag daw tatambay or uupo sa pinto or malapit sa pinto kasi mahihirapan lumabas baby.. syempre sinunod ko yun d naman ako nahirapan.
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mamommy on August 08, 2008, 09:47:43 pm
helo mga sis, ako i dont live an oldies here, but my 1st yaya scares me to death sper dami pamahiin n na-trauma ako s kanya
*d siya nliligo on friday
*d puwede patulugin c baby at 6pm dahl palubog daw ang araw
*bangaw is BARANG daw, i thnk its lyk a ghost or smthing
*bawal mag knock sa bed kc ngttawag daw ng multo
*salot daw ang mga kulot n masama daw ugali nila  :o
*bwal itapat sa kanya ang serving spoon kc masisisi daw siya if may mangyyri
*iclose na ang lhat ng windows pag sapit ng 6pm kc mkkta daw ng spirits ang anak ko
*bawal lmabas ng rum @ 12am at 3am
sper dami pa d kina marmember sa sbrang weird niya...but sper galing talaga niya mgalaga xpert na sa mga newborns, kaya un 6mnths old na baby ko gudbye na siya  ;D
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: b a v e on August 09, 2008, 12:05:55 am
*d siya nliligo on friday - kasi friday namatay si Jesus, even pag Good friday bawal na maligo after 3pm

*d puwede patulugin c baby at 6pm dahl palubog daw ang araw - i think because super alanganin nang time ito...pag nagising si baby, mapupuyat ka hehe

*salot daw ang mga kulot n masama daw ugali nila  :o - WHAAAAAT!!!! kawawa naman sila...


*bawal lmabas ng rum @ 12am at 3am - huh!!! pano yan insomiac ako...ganung oras gising pa ako...huhuhu

Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: proudnewmommy on August 09, 2008, 04:29:18 am
PAMAHIIN...
Nanay ko marami, sA MIL ko iba naman sa kanya kase may lahing intsik sila hehe!
Heto ilan sa kanila...

-bawal gupitan habang wala pang 1yr old
-wag gupitan ng kuko pag friday or pag gabi
-iipit sa bible or book ang unang gupit ng kuko or buhok
-wag iharap sa salamin ang baby (bkt nga ba?)
-wag ihiga sa gitna si baby (i mean gitna naming mag asawa pag natutulog sa gabi)
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: andreismom on August 09, 2008, 06:58:46 pm
mommy, bakit bawal ihiga sa gitna si baby?
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: momi ag's on August 09, 2008, 07:34:07 pm
Posted by: andreismom 
Insert Quote
mommy, bakit bawal ihiga sa gitna si baby?  

i think kaya bawal ihiga sa gitna si baby, kasi some dadys are unaware lalo na if they were sleeping... baka matabunan si baby... hehhhe!!!!

ako never naniwala sa mga pamahiin... same as my father too. he hates it.. kaya un na kinalakihan ko... although my MIL and my nanay marami silang pamahiin na sinasabi sakin... wala silang magawa kasi tigas ulo ko at syempre may kakampi ako yung tatay ko. hehe
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mama_kate on August 11, 2008, 07:44:03 pm
*bawal lmabas ng rum @ 12am at 3am
 Kc this is the time nagpapakita ang mga ghosts. my cousins who are "lagayan"(nakakakita) swears this is true. kaya nga kahit gsto p naming mgbonding pro malapit n 3am, akyat n km s rum.
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: gabneth on August 11, 2008, 10:22:57 pm
e yong "buhos tubig" naranasan nyo ba yon... if di pa daw bibinyagan si baby... dapat at least mabuhusan daw ng tubig....and may ceremony pa yon.... may coins... may book etc... ;D
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: andreismom on August 11, 2008, 10:48:03 pm
ako i had an experienced with that,,, pinabuhos tubig ko yung baby ko,,, kc namatay yung tita ko that time and he was 2 mos pa lang,, sabi ng mga matatanda samen pabuhusan muna daw namen ng tubig si baby ko, b4 na ilibing yung patay... wala namang mawawala kung minsan susunod tayo sa pamahiin d ba,, so sumunod naman kami...
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: momyJ on August 11, 2008, 10:57:26 pm
dito din sa province uso yang buhos tubig..first time namin pumunta ng manila hindi pa binyag si iyah..gusto ng parents ko buhos tubig daw kasi masama daw magbyahe ang hindi pa binyag..dahil matigas ang ulo ko di ako hehe.. ;)..wala naman nangyari eh... ;)
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ◕‿◕..kεi..◕‿◕ on August 11, 2008, 11:16:30 pm
 * wag ilalabas or ipapasok sa house si baby kapag tulog --> kasi baka daw maiwan ang soul ng bata  ???

* wag ihihiga ang baby sa tapat ng door --> baka daw lumabas ng house ang soul at mag-wander  ::)

* wag hahakbangan ang baby --> baka maging bansot ;D

* wag iuupo sa table si baby --> baka magka-galis aso <konek ba?! ???>

* don't comb baby's hair kapag ala pa 1st year --> masusungki daw ang teeth  ;D

Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mommy_babyzoe on August 13, 2008, 12:16:51 am
hala ang weird naman ng mga pamahiin.. well weird and scary ha.. lalo na yung kay mamommy..wahahhahah..scary talaga.. ako kc wala kmeng kasama n mtanda dito sa house so wlang mgsasabi ng mga pamahiin. Di ako talaga naniniwala sa pamahiin pero kung di naman mkkasama and if its about my baby at di naman masyadong weird yung pamahiin sunod nalang siguro ako pero kung tungkol skn wala ako pakialam talaga. About the mumu stuff around 12 - 3am.. believe me di lang un ang time nila maggala..wahahahha..even in mornings, lunch, afternoon, nyt and midnyt, dawn e ngpapakita at pramdam sila.. kaya lang mas npapansin pag ganung time is because mas less ang ingay so naririnig natin sila at eery yung time so yung imagination natin at consciousness ang gumagana kaya mas napapansin natin sila.. hehehhe..
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: anjsh on August 13, 2008, 11:40:41 am

Itoh naman ang mga pamahiin ng mom ko and mga grannies sa family...  yung MIL ko walang alam masyado yun di yun marunong mag-alaga ng bata eh....

- bawal magsuot ng shoes pagwala pa 1 yr old.

- bawal patulugin ang bata around 5pm onwards - kasi daw palaging magkakaroon ng tantrums.

- itago ang pusod - para daw kahit matanda na ang anak mo close pa rin sau ( I think totoo to kasi yung mom ko lahat ng pusod namin 7 magkakapatid nakatago pa rin hanggang ngaun and sobrang close pa rin kami.)

- as much as possible mas maganda isuot sa bata yung mga hand me down clothes - para daw di maarte ang bata paglaki

- bawal mag cut ng nails pag wala pa 1 month

- ang 1st haircut pag nag 1 year old na, iipit sa libro ang buhok, or dapat daw yung mag gugupit matalino.

- bawal gumamit ng lampin na di naarawan - kasi daw kakabagan.

- wag pa kiss sa mga batang di pa nagsasalita or sa mga dolls.

- bawal ilabas ang bata pag di pa nabibinyagan - musta ka naman 1wk palang yung baby angel ko nasa SM na kami. lol!!

- mag iwan ng gamit na damit sa baby pag umaalis para daw di tayo ma miss.

hayy.. marami pang mga bawal lalo na kapag nasa province.


Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: MaRzHmALoE on August 13, 2008, 12:32:44 pm

- bawal ilabas ang bata pag di pa nabibinyagan - musta ka naman 1wk palang yung baby angel ko nasa SM na kami. lol!!


honga sis... pero yung niece ko 1 month old pa lang mega byahe agad ng out of town..inuwi agad sa Bicol para makita gn mga LOla ko... wala pang binyag yun.. kmusta naman?! wala naman nangyare masama... parang may ginawa lang si mommy na something...

parang sakin din sis... pag nanganak ako sa Nov, nagplano agad si mommy na umuwi ng bicol sa Dec..o di ba? panalo!
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: anziesky on August 19, 2008, 02:01:28 pm
hala! ang dami nga, mukhang kulang pa....

basta ang nagawa ko lang yung...
nails ng mga bby ko inipit ko s books.(na obserbana ko nung 2yo sya til now mahilig sya mag open ng books at mag basa).
umbilical nilagyan ko ng string tas magkatali n nka tago(para daw hindi sla maghihiwalay o mag aaway) ganun din kc gawa ni nanay samin. nakita ko p nga pusod ko eh.
hair 1 year old n daw gupitan (bakit kaya?) keep ko rin yung iba s album may siniksik p nga ako s computer. kaya nga pag nagoopen ako ng computer at mga password o controlpanel hindi ko pinapakita sa kanya kc nag eedit din sya.(pakiilamerang bata maraming edit n doc  ;D)

un lang ata nagawa ko kc sabi ng nanay ko., sabi ko wag n yung iba masyado nang luma hihi..... ;D :D ;D

Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: eeyore5147 on August 20, 2008, 04:40:56 pm
Yung iba ok lang pero sa sobrang dami parang ayoko na sundin.

Nung una ok lang kasi wala naman mawawala like sa:
- bawal maligo si baby pag tuesday at friday (pawisin si baby so malagkit na the next day)
- keep the umbilical cord, 1st hair and nail cut (yung sa nails hindi ko alam so medyo nagreact na "ay naku dapat tinatago...", so hinanap so sa sahig yung nails  ;D )
- wag ipatong sa shoulders (hubby ko gumagawa nito)
- bawal lumabas after ng ulan (this one ok lang kasi yung amoy ng singaw kahit sakin masama sa sikmura)
- at madami pa...

Lately kasi nagka tigdas hangin (roseola) si baby. as in mega panic sila na tigdas (measels) daw:
- painumin daw ng itlog (e lumabas na nga rashes, ang alam ko pag ayaw lang lumabas saka bigyan ng egg)
- ang worst e bawal mahanginan at maligo (kahit punas bawal).
I researched about her symptoms and asked a doctor and ang layo talaga na tigdas. Complete sya ng vaccination and yung rashes sa body konti lang. Naawa lang ako kay baby kasi pawisin sya talaga and 3 days na sya hindi naliligo. Before pala ng rashes nilagnat sya for 3 days nung nawala pinaliguan sya ng baby oil (pinaligo talaga) saka yung regular na ligo na nung nakita ko yung pail wala pang water saka pa lang binuksan yung gripo nung magbubuhos na so meaning wlang hot water na nilagay.  :-\ Ang lamig kaya ng water direct sa faucet. Hindi daw papasukin ng lamig pag may oil, e pano pag na-wash off na yung oil  ??? . After niya maligo sobrang oily ng pa din ng hair, then ngayon ang lagkit na pati body niya.

Di ko kasi ma-gets yung bawal mahanginan e. Ni-research ko din and ang reason e para lumabas lahat ng rash. Pag na-suppress lalo mahihirapan si baby. E lumabas na nga and pawala na sya after less than 2 days (measels ay more than a week) ayaw pa din pahanginan ang paliguan kahit punas. So lalo nagpapawis si baby. E pag gabi na tulog na kami pano ko mapupunasan yung likod niya. So magdamag basa sya ng pawis? Pag nagigising ako, pinupunasan ko talaga. At nag-aaway kami ni hubby sa hangin issue na yan  >:( . Sabi niya anong masama kung may pawis? Heller???  >:(

Asar na talaga ko so a day after ng rash, sa loob ng room, pinupunasan ko si baby before palitan ng damit. Wala naman nangyayari. Bukas pa daw ang ligo with kulantro yata  :( .


Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: lau on August 21, 2008, 02:16:13 pm
same tayo sis iyrahari. 38 weeks na ako eksakto tapos hindi pa humihilab ang tummy ko. induced labor ako tapos ang ending CS din dahil three cord-coil naman si baby sa paa. nung lumabas siya maitim na yung paa kung san nakapalupot yung cord. mararamdaman mo talaga pinupush si baby kahit naka-anesthesia ka no? akala ko nga kung ano ginagawa nila sakin e.

para naman hindi OT: sabi nila bawal i-celebrate ang first bday ng baby before the date itself. dapat daw on the day or days after. kasi parang pinapangunahan mo daw dahil may mangyayaring masama. i followed it for my first baby, pati sa second gagawin ko. wala naman masama kung sundin diba?
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: jojo19 on October 30, 2008, 01:11:39 pm
yung mga ibang chinese kasi hindi cnusunod yun with their 2nd child. yung first lang talaga and like mine, yung mil ko nagpatingin ng date kung wen ako pwede maligo, so hindi ako umabot ng 1month. hahaha...
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: kalix on November 02, 2008, 07:33:26 pm
natuwa naman ako sa mga post nyo... :D
-ako naman pagkapanganak ko 10 days akong di pinaligo ng mom ko.hehe! kainis! at nung maligo ako grabe parang lumabas lahat ng init sa katawan ko. ;D
-kay baby naman, yung unang gupit ng nails at buhok niya, yung pinaggupitan inipit ko sa books. sa geometry, algebra at literature ko inipit..mukhang ok nga kasi number smart daw kiddo ko accdg sa teacher niya. & before sya mag 4 yo, nakakabasa na. :D at itapon daw yung pinag gupitan ng nails niya sa umaagos na tubig accdg to my MIL. diko alam bakit, di naman pinaliwanag. ???
-nung nakaka-crawl na sya naglagay ngako ng pencil, ball, rosary at nakalimutan ko na yung isa. ang unang kinuha ng son ko eh pencil saka yung ball...sana nga totoo yun. ;D
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: tina0207 on February 06, 2009, 04:05:01 am
normally sis ang baby pag wala pang 1 yr old malambot pa yung bones kaya hindi p sila pilayin nasasabi lang nila yun due to old practice na din and to sum up wala naman masamakung papahilot si baby depende lang sa maghihilot mayroon kasi n mabigat ang kamay and hilot is a form of masage and ang best hilot ay galing sa atin mga moms .....
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: jimbey on February 06, 2009, 07:27:09 am
Hi Sis!...Ako kasi naniniwala lang ako sa sabi ng pediatrician ko...mas may basis diba lalo pagdating sa babies ko...Hindi ko sinasapalaran yung mga health nila sa mga kinaugalian na natin. Mahirap na kasi ang dami pa namang kung ano-anong sakit ang kumakalat ngayon.
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: keih liwanag on February 06, 2009, 08:28:25 pm
no, we don't believe in such situations. may medical explanation on each. i usually rely on what our pedia knows and says.
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ahyzeyuh on February 07, 2009, 05:02:13 am
Ako laking hilot at tawas din wen I was a kid, but  wala naman so far masamang ngyari but I have scoliosis and I ask the doctor if is dis becoz parati akng hinihilot wen I was a kid and she said pwedi, pwedi ring hindi..

I have question if ano ba talaga yung binat,
After a month kc nadulas me, den on da next day nyan nahulog me sa hagdan. Pano malalaman if my binat??
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: reensky on April 21, 2009, 01:21:16 pm
yoko din ng mga ganyan lalo na yung lawayan si baby...eeewww!!!laway yun e dami germs nun!!!! :o nung nagkasakit si baby last week dinala namin sa nagtatawas (kakilala naman) di rin nawala yung sakit siya pero hubby ko paniwalang paniwala sa mga ganun ako hindi, kaya ko dinala para matahimik yung mga oldies dito samin, kesyo baka daw may sala or pilay..
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: Hot_Pink7118 on April 24, 2009, 07:17:26 am
Ayoko rin na nilalawayan anak ko..Nakakadiri talaga.. ;D Pero pag may gumagawa hindi ko rin masaway kaya alcohol nalang or punas ng wipes pag nakatalikod na...hehe...

Share ko lang on this thread...just recently, pinatawas namin si baby kasi gusto nila in-laws.  Eh la naman masama sumunod sa pamahiin na mga sinaunang matanda. Kasi naman parang bigla nalang umiiyak si baby ng walang reason at magugulat ng wala naman nangugulat...tapos iyak ng iyak sa gabi at ayaw magpababa...Ayun lumabas sa tawas, nabati siya ng white dwarf saka ng white lady...scary...kasi ang description long hair na nakamahabang bistida na puti...o d ba? kinikilabutan tuloy ako....Yung white dwarf matagal na daw sa bahay nila in-laws, mabait naman daw pero yun nga...ginawang playmate ang anak ko... :o Ayoko na maiwan mag-isa sa house with baby..aalis talaga kami pag nasa work si hubby at wala sila in-laws. Matatakutin ako eh.  :D
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: dancine on April 24, 2009, 08:56:31 am
Ayoko rin na nilalawayan anak ko..Nakakadiri talaga.. ;D Pero pag may gumagawa hindi ko rin masaway kaya alcohol nalang or punas ng wipes pag nakatalikod na...hehe...

Share ko lang on this thread...just recently, pinatawas namin si baby kasi gusto nila in-laws.  Eh la naman masama sumunod sa pamahiin na mga sinaunang matanda. Kasi naman parang bigla nalang umiiyak si baby ng walang reason at magugulat ng wala naman nangugulat...tapos iyak ng iyak sa gabi at ayaw magpababa...Ayun lumabas sa tawas, nabati siya ng white dwarf saka ng white lady...scary...kasi ang description long hair na nakamahabang bistida na puti...o d ba? kinikilabutan tuloy ako....Yung white dwarf matagal na daw sa bahay nila in-laws, mabait naman daw pero yun nga...ginawang playmate ang anak ko... :o Ayoko na maiwan mag-isa sa house with baby..aalis talaga kami pag nasa work si hubby at wala sila in-laws. Matatakutin ako eh.  :D

hala! kakatakot! di ba sis sabi nila yung mga baby daw natin ang nakakakita.. di ba. sabi din nila pag minsan nag iisa yung baby natin an tumatawa.. sabi daw nila.. kinukulit daw sila minsan ng mga nakikita nila.. mga engkanto.. pssst psstt.. :) hahaha... matatakutin pa din naman ako.. kasi tlagang pinakitaan ako dati.. pero until now.. ayaw ko pa din maniwala.

ako kasi sa baby ko. never ko pa sya pinatawas..at sabi daw nila magdadala daw ng luy-a or ginger di ba.hindi ko sinusunod yun
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mommy_geli on April 24, 2009, 09:48:10 am
nung nasa marinduque kami ng mga inlaws ko nakita ko yung lolo ng hubby ko sa corner ng room parang binabantayan lang kami ng baby ko. then every morning may kalaro c karl. natakot nga kami eh. sinabi ko n lang na wag kaming sundan pag uwi namin dito
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: wengunat on April 24, 2009, 09:56:45 am
Yes, naniniwala ako dito. Minsan kasi may mga bagay na di talaga ma-ipaliwanag espcially ng mga doctor. sa dami na rin ng mga experience ko sa mga bata, (im not saying marami nko naging anak ha, haha, isa pa lang anak ko) sa dami na ng mga na-alagaan namen (relative & not) kaya sanay na sanay na rin ako sa kanila. And yes, di lahat kaya ng doctor. pag umiyak na si baby sa di mo malamang dahilan, ginawa mo na ang lahat pero ganun pa rin. lalo pag pinawisan ng malamig si baby, for sure nabati yun. wala naman mawawala kung nabati. at aboutsa pag-hilot, di naman ganung ginagalaw ng manghihilot ang bata, konting massage lang pra maayos lang ang buto. totoong nagkaka-pilay ang bata lalo pag di maayos ang pag karga dito. at ang bati, nakakamatay ito mga sis. yung cuz ko dati nabati, but since di sya naniniwala dito, isang linggo sya nilagnat at lhat na ng antibiotic ininom niya sabi ng doctor ibalik for other tests. then may nagsabi na bka nabati. nagpatawas sya & ayuan, parang nag-dahilan lang sya.
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ilovegabe on April 24, 2009, 10:45:48 am
nakakapagtaka lang bat sa ibang bansa wala namang ganito  ??? sa pilipinas lang siguro sila active  ;D
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: eytellene on April 24, 2009, 11:53:21 am
ako po nanainiwala na lang sa kanila hirap kase mapagalitan hahaha  ;D
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: Hot_Pink7118 on April 24, 2009, 11:58:30 am
Ayoko rin na nilalawayan anak ko..Nakakadiri talaga.. ;D Pero pag may gumagawa hindi ko rin masaway kaya alcohol nalang or punas ng wipes pag nakatalikod na...hehe...

Share ko lang on this thread...just recently, pinatawas namin si baby kasi gusto nila in-laws.  Eh la naman masama sumunod sa pamahiin na mga sinaunang matanda. Kasi naman parang bigla nalang umiiyak si baby ng walang reason at magugulat ng wala naman nangugulat...tapos iyak ng iyak sa gabi at ayaw magpababa...Ayun lumabas sa tawas, nabati siya ng white dwarf saka ng white lady...scary...kasi ang description long hair na nakamahabang bistida na puti...o d ba? kinikilabutan tuloy ako....Yung white dwarf matagal na daw sa bahay nila in-laws, mabait naman daw pero yun nga...ginawang playmate ang anak ko... :o Ayoko na maiwan mag-isa sa house with baby..aalis talaga kami pag nasa work si hubby at wala sila in-laws. Matatakutin ako eh.  :D

hala! kakatakot! di ba sis sabi nila yung mga baby daw natin ang nakakakita.. di ba. sabi din nila pag minsan nag iisa yung baby natin an tumatawa.. sabi daw nila.. kinukulit daw sila minsan ng mga nakikita nila.. mga engkanto.. pssst psstt.. :) hahaha... matatakutin pa din naman ako.. kasi tlagang pinakitaan ako dati.. pero until now.. ayaw ko pa din maniwala.

ako kasi sa baby ko. never ko pa sya pinatawas..at sabi daw nila magdadala daw ng luy-a or ginger di ba.hindi ko sinusunod yun

napanood mo na T2?  ;D di ko napanood hehe..maganda daw..hala OT..

Wag ka nga daw iwanan mag-isa si baby eh...scary..eh minsan na kasi may inabutan ng cookie yun sa likod ng bahay..eh dalawa lang kami nun..natakot ako talaga...tapos may tinuro siya sa living room eh la naman tao din..
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: wengunat on April 25, 2009, 12:34:29 am
nakakapagtaka lang bat sa ibang bansa wala namang ganito  ??? sa pilipinas lang siguro sila active  ;D
naku sis yung kwento ko sa US nangyari yun. baka di rin sila aware don. hehe. pero ang mga Indians pareho lang halos ng beliefs naten pagdating sa mga ganyan. ang saken lang din, wala naman mawawala diba. hehe
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ahyzeyuh on April 27, 2009, 12:55:05 am
nakakapagtaka lang bat sa ibang bansa wala namang ganito  ??? sa pilipinas lang siguro sila active  ;D

wala siguro masyado sa states but india, africa ( remember yung guy claiming ancestor ni obama na feature sa tv saying that he can see that he will win), china, japan europe marami din. di ba nga my mga wiz sila,o kaya fortune teller parang ganoon din satin un.
to those who watch supernatural my mga featured chuva sila na ganoon.
i guess it still exist, specially yung mga kakaibang ngyayari na di na kayang interprete ng science
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: Miura on June 26, 2009, 02:25:00 pm
ang alm q lang mommy wag daw ha2likan c baby sa kmay kc da2kot daw ng pupu...
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ACI_GIRL (^.^,) on June 26, 2009, 02:26:49 pm
ang alm q lang mommy wag daw ha2likan c baby sa kmay kc da2kot daw ng pupu...

hala di ko alam un ah... thanks sa input...
 ;)
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ACI_GIRL (^.^,) on June 26, 2009, 07:12:22 pm
eto pa pala...

wag iiwan mag isa si baby... dapat daw tanaw u sya always or mag lagay sa tabi niya ng tambo or ting-ting or gunting or kutsilyo... (huh? uu sabi talaga?)
para daw sa aswang... BWAHAHAHA! promise... kaya nga nakakaloka...

yun din wag daw lalapit pag gutom or kakarating lang from work or kung pagod...

bawal hakbangan si baby kasi di daw lalaki... (about hieght)

wag daw papaluin ng hanger, suklay, or walis kasi papayat daw...

wag papaluin si baby ng sandok kasi... magiging unggoy daw... (haha dito talaga ako natawa...
si hubby naniniwala dito... cnubukan ko sa kanya wa epek naman...

(sana wag mabasa ni mama ko to... kasi siguro... tepok hihi...)
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: YSSA™ on June 26, 2009, 07:45:08 pm
"wag papaluin si baby ng sandok kasi... magiging unggoy daw... "


natawa naman ako dito..
hehe..
bkt naman unkaibgan kong hnampas ko ng sandok hndi naging unggoy?(sayang!)

eh kasi mukha n xang unggoy!
:P
hihi
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ACI_GIRL (^.^,) on June 26, 2009, 07:48:38 pm
"wag papaluin si baby ng sandok kasi... magiging unggoy daw... "


natawa naman ako dito..
hehe..
bkt naman unkaibgan kong hnampas ko ng sandok hndi naging unggoy?(sayang!)

eh kasi mukha n xang unggoy!
:P
hihi

hehe uu nga... si hubby ko kaya galit na galit pag jinojoke ko kasi super naniniwala sya... sabi ko nga bakit di tumalab sayo? immune? hehe
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: julianciv on June 26, 2009, 07:56:27 pm
"wag papaluin si baby ng sandok kasi... magiging unggoy daw... "


natawa naman ako dito..
hehe..
bkt naman unkaibgan kong hnampas ko ng sandok hndi naging unggoy?(sayang!)

eh kasi mukha n xang unggoy!
:P
hihi

hehe uu nga... si hubby ko kaya galit na galit pag jinojoke ko kasi super naniniwala sya... sabi ko nga bakit di tumalab sayo? immune? hehe
LOL natatawa ako talaga hehe ;D ;D :D
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ACI_GIRL (^.^,) on June 26, 2009, 08:09:33 pm
eto naman from my kpit bhay...
galit na galit sya kasi iniwan niya baby niya sa bisita nila... 6mos si baby huh...di pa niya pinag start kumain ng solid food... pinakain ng bisita niya nag saging... ang lola mo galit na galit... halos hampasin niya bisita niya... (pinsan naman niya un hehe) alam nyo kung bakit?

kasi daw dapat pag magpapakain daw sa baby yung food daw dapat start from A as in letter A like... apple... so galit na galit sya...

kasi daw ang layo ng tinalon... letter S daw agad...
sabi ko ate*** diba saging is banana din? so isa lang nilaktaw... puwede na yun...


pinipigilan ko kaya tumawa that time... kasi sereious sy talaga...

purpose nung belief niya? para daw matalino sa ENGLISH...  ::)
kamusta may letter Z ba na food?
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: YSSA™ on June 26, 2009, 08:14:36 pm
"wag papaluin si baby ng sandok kasi... magiging unggoy daw... "


natawa naman ako dito..
hehe..
bkt naman unkaibgan kong hnampas ko ng sandok hndi naging unggoy?(sayang!)

eh kasi mukha n xang unggoy!
:P
hihi

hehe uu nga... si hubby ko kaya galit na galit pag jinojoke ko kasi super naniniwala sya... sabi ko nga bakit di tumalab sayo? immune? hehe
LOL natatawa ako talaga hehe ;D ;D :D

haha naisip ko naman..bkit s dname dme ng ihhmaps sandok pa?:D
puwede naman walis?:D

bka naman pag hnampas ng walis maging tingting!
hehe


:P
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ACI_GIRL (^.^,) on June 26, 2009, 08:27:20 pm
ang sa walis ata magiging bobo daw? ???
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: jhoyjhoy on June 26, 2009, 08:42:07 pm
"wag papaluin si baby ng sandok kasi... magiging unggoy daw... "


natawa naman ako dito..
hehe..
bkt naman unkaibgan kong hnampas ko ng sandok hndi naging unggoy?(sayang!)

eh kasi mukha n xang unggoy!
:P
hihi

hala!! anong konek diba. kaloka naman!. at naniniwala pa hubby mo ah?..  ;D ;D ;D
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ACI_GIRL (^.^,) on June 26, 2009, 08:46:04 pm
"wag papaluin si baby ng sandok kasi... magiging unggoy daw... "


natawa naman ako dito..
hehe..
bkt naman unkaibgan kong hnampas ko ng sandok hndi naging unggoy?(sayang!)

eh kasi mukha n xang unggoy!
:P
hihi

hala!! anong konek diba. kaloka naman!. at naniniwala pa hubby mo ah?..  ;D ;D ;D

uu nga... lalo na pag nakita u face niya... bad trip talaga... kahit jinojoke mo lang na kunwari papaluin sa...
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: Mariel17 on June 26, 2009, 09:31:30 pm
ha..hah..ha! kaloka naman tong thread.. :)
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ACI_GIRL (^.^,) on June 26, 2009, 09:39:53 pm
eto pa
>>> pag may hika yung... butiki stuff
pag sininok... sinulid nabinilot sa noo ilagay
pag sininok ulit... sasabihin or kanatahin ang "sinong nagnakaw ng itlog?

^^teka pamahiin ba to? hehe

pag nagkabad dream... ibaliktad yung pillow 3 times ba o seven ata un...

pag nagkabad dream about death... kagat sa kahoy or ikwento sa toilet bowl yung dream mo...
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mariann on June 26, 2009, 10:46:27 pm
eto naman from my kpit bhay...
galit na galit sya kasi iniwan niya baby niya sa bisita nila... 6mos si baby huh...di pa niya pinag start kumain ng solid food... pinakain ng bisita niya nag saging... ang lola mo galit na galit... halos hampasin niya bisita niya... (pinsan naman niya un hehe) alam nyo kung bakit?

kasi daw dapat pag magpapakain daw sa baby yung food daw dapat start from A as in letter A like... apple... so galit na galit sya...

kasi daw ang layo ng tinalon... letter S daw agad...
sabi ko ate*** diba saging is banana din? so isa lang nilaktaw... puwede na yun...


pinipigilan ko kaya tumawa that time... kasi sereious sy talaga...

purpose nung belief niya? para daw matalino sa ENGLISH...  ::)
kamusta may letter Z ba na food?

hahaha!   dito ako natawa!
meron Z na food, sis...       ZEBRA!!!   hahaha!!! manghuli kaya siya ng zebra, para pakain sa baby. hahaha!
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: Mariel17 on June 26, 2009, 11:32:57 pm
eto naman from my kpit bhay...
galit na galit sya kasi iniwan niya baby niya sa bisita nila... 6mos si baby huh...di pa niya pinag start kumain ng solid food... pinakain ng bisita niya nag saging... ang lola mo galit na galit... halos hampasin niya bisita niya... (pinsan naman niya un hehe) alam nyo kung bakit?

kasi daw dapat pag magpapakain daw sa baby yung food daw dapat start from A as in letter A like... apple... so galit na galit sya...

kasi daw ang layo ng tinalon... letter S daw agad...
sabi ko ate*** diba saging is banana din? so isa lang nilaktaw... puwede na yun...


pinipigilan ko kaya tumawa that time... kasi sereious sy talaga...

purpose nung belief niya? para daw matalino sa ENGLISH...  ::)
kamusta may letter Z ba na food?

hahaha!   dito ako natawa!
meron Z na food, sis...       ZEBRA!!!   hahaha!!! manghuli kaya siya ng zebra, para pakain sa baby. hahaha!

Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mommymae on June 27, 2009, 01:25:35 am
ei mga sis.....
totoo b yung pmahiin n bawal ikiss ng bata na hndi pa mrunong mag-talk yung baby? kc daw mttgalan din matutong mgsalita yung baby. ska bawal ding ikiss ng baby yung mga dolls and stuffed toys kc daw mttgalan daw matutong magslita.
sino naniniwla dito?
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ACI_GIRL (^.^,) on June 27, 2009, 07:05:58 am
ei mga sis.....
totoo b yung pmahiin n bawal ikiss ng bata na hndi pa mrunong mag-talk yung baby? kc daw mttgalan din matutong mgsalita yung baby. ska bawal ding ikiss ng baby yung mga dolls and stuffed toys kc daw mttgalan daw matutong magslita.
sino naniniwla dito?

sabi... un nga bawal ikiss yung doll,
bawal mag kiss mga babies namin kasi magaantayan daw sa pag talk...
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ACI_GIRL (^.^,) on June 27, 2009, 07:07:21 am
speaking of kiss pala,
bawala daw i kiss sa batok or likod kasi magiging suplado daw si baby...

eh fave spot ko pa naman un sa kanila kasi nakikiliti sila...
di naman suplado si kuya... mahiyain lang...
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: Chie77 on June 27, 2009, 09:29:18 am
natawa ako sis mariann and sis china girl.. hahaha!!

waahh.. wala q maisip na Z (haha!)
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: Mommy Jhen_Gavyne on June 27, 2009, 09:44:49 am
hahaha nakakatwa naman yan sis marian
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: chillaxmom on June 27, 2009, 10:02:06 am
ei mga sis.....
totoo b yung pmahiin n bawal ikiss ng bata na hndi pa mrunong mag-talk yung baby? kc daw mttgalan din matutong mgsalita yung baby. ska bawal ding ikiss ng baby yung mga dolls and stuffed toys kc daw mttgalan daw matutong magslita.
sino naniniwla dito?

sabi... un nga bawal ikiss yung doll,
bawal mag kiss mga babies namin kasi magaantayan daw sa pag talk...

yun din sabi ng nanay ko... delay daw speech kung ikiss,,, e nagsasalita na baby ko ngayon e.. patago lang namin sya kinikiss ng husband ko hehe....
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: Shellecious on June 27, 2009, 12:56:02 pm

wag papaluin si baby ng sandok kasi... magiging unggoy daw... (haha dito talaga ako natawa...
si hubby naniniwala dito... cnubukan ko sa kanya wa epek naman...

(sana wag mabasa ni mama ko to... kasi siguro... tepok hihi...)

Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mariann on June 27, 2009, 04:21:56 pm

wag papaluin si baby ng sandok kasi... magiging unggoy daw... (haha dito talaga ako natawa...
si hubby naniniwala dito... cnubukan ko sa kanya wa epek naman...

(sana wag mabasa ni mama ko to... kasi siguro... tepok hihi...)


sis, maging unggoy lang siguro pag-bugbog sarado na ng palo ng sandok!
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: soumy01 on July 15, 2009, 06:07:07 pm
kami ng husband ko hindi naniniwala sa ganyan.
naku lalo ng yung asawa ko kaya ayan pati ako hindi na rin. maraming bagay un na hindi pinaniniwalaan.

kaso yung mga matatanda dito sobrang paniniwala dyan. mama ko mga tita ko........ hay

yuck kaya yung lalawayan maya mhawa pa sa sakit bebeko.
kaya pinaprangka ko sila paglalawayan na sasbihin ko ay wag na ok lang na wag na sabay smile.

depende naman yan sa atin, as long as di mapapaano si bebe natin ok lang.

madami rin kasi dito meron pang yung sa itlog....
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: Chie77 on July 15, 2009, 08:08:55 pm
no. we dont believe in that.
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mariann on July 15, 2009, 08:55:52 pm
we don't believe in that except for hilot.  but it would be our last resort.  in fairness, may effect din.  minsan, after hilot na bumababa temp nila.
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: misyelicious on March 05, 2011, 07:14:35 am
nung 2mos palang baby ko ginupitan ko sya ng pilikmata para daw mas humaba..pero 1 time ko lang ginawa to nagalit kasi si hubby ng sinabi ko sa kanya,baka daw kasi masundot ko yun mata kaya di ko na uli ginawa.tapos yun natuyong umbilical cord sa pusod ni baby inipit ko sa dictionary..para daw yun tumalino..yun lang book na available dito sa bahay kaya dun ko inipit.yung 1st gupit ng kuko ni baby tinabi ko pero di dahil sa pamahiin..balak ko kasi gumawa ng scrap book..ilalagay ko yun 1st nail cutting niya.nung after ko manganak 1 week bago ako naligo,lagi ako naka pajama para daw di ako pasukan ng lamig,bawal daw magkikikilos baka mabinat..nung buntis ako bawal daw magsabit ng damit sa balikat baka pumulupot ke baby umbilical cord,bawal manahi baka daw magsara yun butas nf body part ni baby,bawal kumain ng talong dahil magkakaviolet yun puwitan ni baby..u
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mommylala on March 05, 2011, 09:32:11 am
mga sis share ko lang yung pamahiin ng mga in-laws ko. sbi nila wag daw papaliguan si baby sa araw ng kapanganakan niya say thursday siya pinanganak, so bawal mo paliguan ang baby ng araw na yun hanggang hindi siya nag 1 year old pero pag nag 1 year na disregard the pamahiin na daw  :D
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: misyelicious on March 05, 2011, 11:27:47 am
@mommylala bakit bawal paliguan ang baby sa day ng kapanganakan niya?sana inask mo kung bakit?now ko rin lang narinig to.                  .@sis sashababy, dahil ata pag my nakatambay sa pinto mahihirapan ka manganak?yun alm kong dahilan
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: mommylala on March 05, 2011, 11:28:34 am
yup dito samen sa Batangas. magiging sakitin daw ang bata pag ganun...

di ko din kase alam kung totoo pero sinusunod namin  ;D
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: misyelicious on March 05, 2011, 12:31:00 pm
ganun ba?..di ko alam yun!si baby ko sunday pinanganak pinapaliguan namin ng sunday..di naman sakitin
Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ryuu on March 07, 2011, 05:03:13 pm
mahilig din ako tumayo sa may pintuan nung buntis ako kaya nahirapan daw ako manganak..  ::)

share ako ng mga pamahiin na alam ko at ginawa daw ng mom ko nung baby pa ako..

unang gupit ng kuko. ibalot sa newspaper of the same year ng birth date ni baby tapos iipit sa libro para daw masipag magbasa pag lumaki..

pag 6 months na si baby, pili ng friend/relative na matalino at pakakainin si baby ng 7 butil ng kanin gamit ang karayom para daw mapasa yung talino kay baby. yung karayom na ginamit, ipitin sa libro kung saang field mo gusto tumalino si baby..

yung inunan ni baby ibaon daw sa lugar na binabagsakan ng tubig para daw hindi ginawin pag naliligo..

kabitan ng stump ng kalabasa ang damit ni baby para hindi mahirapan pagngingipin..

wag halikan sa sentido si baby kasi titigas daw yung ulo..

;D

Title: Re: Re: lost wedding ring
Post by: ❤Xian&Mam ❤ on March 12, 2011, 11:44:08 pm

naalala ko ngayon to,
pano kasi 1year and 1mos. na si baby
ngayon araw na to palang ako nagkamens.

sabi ng lola ko bawal daw maligo kapag may regla,
mababaliw daw... :o
tamang tama kakaligo ko lang..haha
Title: Re: pamahiin about babies
Post by: Mommy Jazz on June 22, 2012, 01:48:27 pm
What's the connection with buhok and canal? When I gave my panganay her 1st haircut, pinapatapon ng bisita namin sa canal. :o
Title: Re: pamahiin about babies
Post by: 2gud4u on June 22, 2012, 09:08:33 pm
ang alam ko mommyjazz para mabilis humaba ang buhok.

unang clothes daw na isuot kay baby after delivery is yung hands me down para daw maging matipid si baby paglaki
Title: Re: pamahiin about babies
Post by: zhaii on November 05, 2012, 10:39:44 pm
 mga mommies totoo bang ibebenta yung baby pg nakakain nila ang poops nila ? para san naman yun ?

 totoo bang humihingi ng kapatid ang baby pag naaabot na ang paa nila ? (kinakagat yung toe)
Title: Re: pamahiin about babies
Post by: toughmom moderator on September 09, 2013, 12:45:29 am
Putting a piece of cotton on baby's forehead, exposing your baby to hamog and other newborn care myths on Smart Parenting magazine's September 2013 issue.
(http://thumbs.dreamstime.com/m/mother-taking-babies-temperature-25619675.jpg)
image from http://www.dreamstime.com/