Parent Chat

Pregnancy => Labor and Child Birth => Topic started by: daisy061410 on May 02, 2012, 01:17:15 pm

Title: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: daisy061410 on May 02, 2012, 01:17:15 pm
hello mommies!

new member ako, currently 24 weeks pregnant sa first baby. i need recommendations po in choosing hospital to give birth, at this early stage. Taga-taytay po ako, bago lang po ako dito and not familiar sa mga hospital dito. Ito po yung mga kinu-consider ko in giving birth...

1. reasonable price
2. maasikasong staff
3. ok na facilities
4. with resident OB
5. with good reviews

Thank you po!!!
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: tashasabs on May 03, 2012, 09:21:59 pm
^Welcome to SP sis and congratulations! Ako naman 20 weeks pregnant. :)

My cousin lives in Baras pero yung napangasawa niya taga-Taytay. Sa Taytay Doctor's Hospital daw siya nanganak (sana di ako nagkamali sa name, I'll ask my mother ulit para sure), walang 10k yung bill niya. Dunno who's her OB, magtanong na lang din ako then I'll get back to you.  :)
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: 1sttimemom on May 04, 2012, 01:27:24 am
I gave birth in that hospital Dec 2010. CS ako it just cost me 41k lahat kasama na bill ni baby.
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: esormeram on May 06, 2012, 10:27:28 am
any additional information po about taytay doctors? how much po yung rate nila saka kung may marerecommend po na OB.. i just found out that i'm pregnant and we're looking for a OB
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: airaems on May 06, 2012, 03:31:33 pm
Hi everyone, i just gave birth last week at Taytay doctors multispecialty hospital, at first hesitant ako manganak sa ospital na yun lalo di ko alam ang ospital. Although we're living in taytay na for several years, isa lang kilala kong ospital MEMC...through this SP chat i've learned so many things lalo na sa pagtitipid hehe,..actually second child ko na ito, i gave birth to my panganay at MEMC way backed 2007 and we spend 50k na with philhealth at naka small private room (as in small talaga ;D ) pa ako. So, im expecting na if 5 years na ang nakakalipas malamang sky high n ang rate nila considering na ang category nila is at level 3 or 4 na yata sila now. Actually, during my pregnancy to my second child SP gave me all the bright ideas by just reading some threads here lalo na kung panu maging wiser lalo na at second ko na ito. I had my pre-natal care in MEMC  using my healthcard (though di kasama ang child delivery) and nakakatawa kc naka 3 OBs ako at di ako makuntento sa alaga nila ( maybe kc they know na healthcard ang gamit ko they dont care much at iniisip nila na pati pagdeliver ko e card din gagamitin ko)  at pag ask ko sila about sa package palagi ang range na give nila is 70k-90k  at either sa antipolo doctors o marikina valley ako papaanakin, hellooo mag TMC na lang ako o kaya MMC konti na lang difference! Kainis talaga as in super nakaka frustrate sila kc  di ba bakit dun e lapit nga ng MEMC at may ongoing package sila na paiba-iba ang rate everytime na magpapa-update ka sa information so crazy! hehe.....anyway with the help of my new found OB near our haws (though di na sya new kc almost all the people in taytay knew her kc magaling at mabait sya) she helped me to deliver my 2nd child spending 36k only for repeat CS (with philhealth) na  in taytay doctors hospital.  Bago ang ospital at naka private room pa ako ( they categorized it as big private room nila with P1,700/ daily rate - with refrigerator and cabled TV na di nga lang flat TV, with telephone na din pala. But in for me maliit ang room talaga pero comfortable naman kc bago at malinis aside from that  maganda ang service kc madaming nurses  (esp. Volunteer nurses na masisipag pa) malinis ang facilities  mas okey kesa sa MEMC hehe although maliit lang na ospital kc level 2 nga lang kc sila) but its a highly recommended hospital, may package sila for NSD inquire lang kayo.)
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: Prettypink on May 09, 2012, 03:30:06 pm
Hi, im 36 weeks pregnant, and will give birth sa taytay doctors this may. yung ob ko is c dra. Scarlet medina, magaling siya na ob. 2nd baby ko na ito. Yung 1st ko she's my ob na din. Kaya di n ako ngpalit pa. Checkup sa kanya is 300 pesos lang tapus always ultrasound gamit niya sa checkup kaya lagi ko nakikita si baby.
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: jhenbave on August 05, 2012, 09:36:01 pm


Hi Mommies,

We live in Antipolo but Im staying here in Makati. We are planning to visit Taytay Doctors next week.
We're scouting for a good and affordable hospital to give birth. I'm 16 weeks pregnant but I've been to 5 OBs na. I have a HMO which will covers the expenses up to 40k for normal. As much as we want sana hndi na kami mag cash out ni hubby so we are still checking other hospitals near to us.

May mga nabasa naman akong mgndand feedack about Taytay Doctors. I specifically want Dra. Scarlett Medina because of the ultrasound thing every visit. I hope ito na yung hospital na last. Nakakahilo din yung palipat lipat but good thing 16 weeks palang..

Please share your experiences pa po with Taytay Doctors, we really need it.
Thanks!
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: yangmei on August 06, 2012, 10:22:02 am
I am 26 weeks pregnant this week.. pwede pa kaya me mag change ng OB mukang gusto kong i-try jan sa taytay doctors hospital... private po ba yan??? tsk ok yung 300 per consultation with ultrasound ha hmmm... can you post numbers po ng OB nyo or nung hospital para makapag inquire po thanks!!!
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: jhenbave on August 06, 2012, 02:46:17 pm
Quote
I am 26 weeks pregnant this week.. pwede pa kaya me mag change ng OB mukang gusto kong i-try jan sa taytay doctors hospital... private po ba yan??? tsk ok yung 300 per consultation with ultrasound ha hmmm... can you post numbers po ng OB nyo or nung hospital para makapag inquire po thanks!!!


Here's the contact # TAYTAY DOCTORS MULTI-SPECIALTY HOSPITAL View Accredited Doctors
6 Rizal Ave., TAYTAY
Tel. No.: (02) 706-7101, 706-7102       Fax No.: (02) 706-7103       Coordinator: DITAS DELA CRUZ, M.D.
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: jhenbave on August 09, 2012, 02:15:10 pm
Hi mommies,


How to get to TAYTAY DOCTORS po from junction cainta? :)
Title: help po Please. Taytay Area.
Post by: Paudc on July 14, 2014, 04:46:55 pm
Pahelp lang po, Mayron po ba sainyo ang nag-give birth sa taytay doctors, taytay maternity and child care center, or sa st.christiana maternity hospital. Ano po yung rates nila, and sino po OB nyo po. Or may other places pa po ba kayo marecommend. Super tight po ang budget eh.
Title: Re: help po Please. Taytay Area.
Post by: jenaihpaguia on July 20, 2014, 05:06:21 pm
Hi Mommy,,

Di pa ako nakakapanganak from those Hospitals/clinics.. pero currently having my check up sa Taytay Doctors with Dra. Scarlett Medina as my OB.. pero based sa mga nababasa kong previous posts here.. mura lang daw ang package sa Taytay Doctors.. dun ko na rin plan manganak...  :) :)

You can also reach  Dra Medina sa clinic niya sa SYMED sa taas ng PS Bank (in front of Lumang Munisipyo)
Title: Re: help po Please. Taytay Area.
Post by: zen29 on August 28, 2014, 09:16:55 am
hi, kakapacheck up ko lang sa taytay maternity 6-7k daw package ng normal delivery with philhealth na.
Title: Re: help po Please. Taytay Area.
Post by: mishalovi on September 12, 2014, 02:25:17 am
magkano check up sis? saka sino ob mo?
Title: Re: help po Please. Taytay Area.
Post by: zen29 on September 15, 2014, 07:56:59 am
150 lang sis check up, ob dun si dr.gatapia :)
Title: Re: help po Please. Taytay Area.
Post by: mishalovi on September 15, 2014, 12:19:05 pm
thank u sa reply sis. nabanggit din ba niya magkano pag CS? thanks ulit. ingat lagi
Title: Re: help po Please. Taytay Area.
Post by: zen29 on September 17, 2014, 09:10:11 am
your welcome sis, hindi niya nabanggit e pero may nakakwentuhan ako dun na mga preggy din 18 to 22K daw pag cs dun..try ko mag ask pagbalik ko dun hehe.
Title: Re: help po Please. Taytay Area.
Post by: zen29 on September 17, 2014, 09:40:26 am
san ka ba banda sis? I think ok dun kasi every check up mo makikita mo position ni baby dahil may ultrasound na dun, at sobrang friendly at makulit si dr.gatapia sasabihin niya talaga lahat ng mga bawal sau, unlike sa mga previous ob ko need mo pa mag ask hehe.
Title: Re: help po Please. Taytay Area.
Post by: mishalovi on September 17, 2014, 11:31:09 am
thank u ulit sa reply sis. dito ako sa karangalan pasig sis, bale 1 ride lang ako papunta sa taytay maternity... tignan ko baka makapunta ako tomorrow, alam mo ba sked ng clinic niya or maghapon sya dun?
Title: Re: help po Please. Taytay Area.
Post by: zen29 on September 18, 2014, 08:38:01 am
ay sis, madami kasi nagpapa check up dun, by number un, 6 am sila mag start nagbibigay ng number so dapat agahan mo kasi pag late kana matatagalan ka kasi minsan na stop din yung check up kapag may pinapanganak si dr.gatapia.
Title: Re: help po Please. Taytay Area.
Post by: mishalovi on September 18, 2014, 12:35:51 pm
ay ganun ba sis, balak ko pa naman pumunta ngayong hapon, hehe tanghali na kasi ako nagigising. sige di bale bukas na lang ng umaga ako ppunta... salamat ulit sis!
Title: Re: help po Please. Taytay Area.
Post by: zen29 on October 04, 2014, 09:10:13 am
hi sis, nakapagpacheck ka na sa taytay maternity?
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: Mommy Jazz on October 04, 2014, 12:53:22 pm
You may also want to check this topic:
Recommended Hospital or Lying in around Rizal area?
http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,62490.
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: clarrisedelmundo on November 18, 2014, 02:03:27 pm
Im 16 weeks pregnant on my first..  :)

I've had a total of 3 OBs na.. One from Muntinlupa, the next was from Pasig and now since I'm planning to move to taytay, syempre dun na rin ako manganganak.. Big help sakin tong forums sa site na to. Dito ako nagkaron ng mga idea since first time mom ako.

Now going back, third OB ko ay si Dra. Gatapia (dahil din dito sa forum). I just had my first check up with her last November 15, 2014 sa ospital niya sa Taytay Maternity and Child Care Clinic..

Please be reminded:

1. May numbering ang appointment, so punta kayo dun before 6am para magset up ng appointment. Ako dumating ako dun 6:30am tapos number 18 ako.. Nagsstart daw mag check up si Doc ng 8-9am.. Pero not to worry, in case malampasan ka (like what happened to me), bumalik ako ng mga past 2pm tapos nasa 30s na yung number, lumapit lang ako nurse tapos sinabi ko na number 18 ako, isiningit naman ako. Susundin naman parin yung number mo.

2. 150 ang check up. Ang maganda kasi yung sakin sa unang check up ko, may radiation free na ultrasound agad, so nakita ko yung baby ko tapos 150 lang total. Kasi nung first ultrasound ko sa muntinlupa, bilog bilog lang nakita ko. Ngayon may kamay, legs, muka at spinal cord na na pinakita. Nakakataba ng puso.

Ang maganda pa kay doktora, ang dami nyang info na binigay samin. tapos yung reseta niya eh may specific na brand ng gamot. Kasi nahihirapan talaga ako bumili sa drugstore ayaw ako pagbilhan ng ibang brand pag walang reseta. E generic name yung mga reseta sakin nung dalwa kong OB.

Tapos binigyan din kami ng booklet na babasahin na may kasama pang CD para pakinggan pampatalino sa baby.

Nagtanong na rin ako nung about sa admission.
Kapag nagprivate room ka, may magbabantay daw sayo sa loob na nurse para mag assist. So kung wala yung mga family members mo, may makakausap ka parin para di ka mabored.

Pag normal, eto yung tanda ko (tapos ibawas nyo nalang yung philhealth):
1. Ward: 6k
2. Private room (fan): 9k
3. Private room (aircon): 11k ata or 13k
*Standard lahat yan na 1 day lang, hindi ata nakakapag extend*

Pag cesarian nasa 26k ata.. Di ko tanda. Di ko masyado tiningnan kasi I dont want to attract it. :D

HOPE THIS HELPS! :)

Uupdate ako after ng next checkup ko which is Dec 12, 2014.
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: mishalovi on December 18, 2014, 01:31:12 am
Kumusta check up mo sis?
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: mishalovi on December 20, 2014, 10:43:29 pm
Nakapag pacheck up din ako sa wakas, hirap kasi ako sa pag alis alis tapos super dami ng pasyente ni dra.gatapia, mas mahal pa yung nagastos ko sa pamasahe kesa consultation ko sknya hahaha! Admit na ko bukas for sked cs. yung 26k na package ang knuha ko para komportable, komportable para mabilus ang recovery at makauwi ng christmas eve, gusto ko naman sa bahay magpasko kasama ng family db. Pinasked ko talaga ng dec 22 para magkabirthday na sila ng panganay ko. Anyways, tama yung post dito na 150check up may ultrasound na sa loob para macheck si baby, detailed din mag explained si doc kung ano yung nakikita mo sa screen. At detailed din sya sa do's and dont's before ako magcheck in. Tuwang tuwa ako kasi kahit last minute ang paglipat ko sknya ok lang wala syang masyadong tanong ano nangyare blah blah, ang importante nacheck niya ako bago ako iadmit and nabigyan ng mga ggawin. After ko manganak magpost ako ulit about feedback naman sa recovery ko. Sana hndi ako ganung kabusy ke baby para makapag online ulit. Good luck and God bless sa ating lahat!
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: mishalovi on January 07, 2015, 12:28:43 am
ok c dra. gatapia, maalaga naman. but the nurses, my God! di mo maasahan! para kang nasa public hosp kasi hndi ka inaasikaso. i was disappointed, akala ko mababait ang nurses dito, bumalik nga pala ako kanina para ipafie yung birth cert ng baby ko, saka para ipapirma yung documents needed for sss claim, etc, it took me 30mins kasi ambabagal kumilos, magsukli nga lang dun sa ibinayad ko took me 10mins. may nakasabay pa ako dun na emergency case yung bata nag lbm and vomit, makikita mo talaga lambot na lambot na, mga 3 month-old baby, sabi daw sa knila WAIT lang, hanggang sa hndi na sila nakaantay, dadalin na lang daw sa ibang hosp.
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: clarrisedelmundo on January 19, 2015, 02:59:17 pm
[UPDATE MATERNITY PACKAGE]
eto po ang rates nila sa normal delivery kapag may philhealth ka..


PACKAGE 1: WARD PACAKAGE
8,000 + philhealth
3 beds; 1 comfort room; 1 nurse sa room (shared)

PACKAGE 2: SINGLE ROOM W/O AIRCON
9,000 + philhealth
1 bed; 1 comfort room

PACKAGE 3: SINGLE ROOM W/ AIRCON
11,000 + philhealth
1 Bed; 1 comfort room; 1 nurse (private)


NOTE:

INCLUDED PER PACKAGE
Room for 1 day
Doctor's free
Medicine in Delivery Room

EXCLUDED IN PACKAGE
Newborn screening
Oral Medicine
Baby's Milk
Alcohol
Wound Dressing
Food
Diaper
Vaccine
Cotton



P.S.
Di ko po tiningnan yung CS package nila. Kasi baka maattract at ma-CS ako hehe. Pero nasilip ko lang na ang private room aircon if you have philhealth benefit ay 23,000. So ayun na ata yung pinaka mahal.


OTHER RATES THAT I KNOW SO FAR:

CHECKUP (w/ ultrasound everytime you want, wala lang papers) - 150
ULTRASOUND W/ DOCUMENT - 350
ANTI TETANUS VACCINE - 50 ata or 100
LABORATORY COMPLETE (bloodtest, urinalisis, etc) - 475



REMINDER:
Kumuha ng number sa umaga para sa appointment para di ka magtagal na nasa pila. Hope this helps :)
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: ladyinpink on February 09, 2015, 03:14:21 pm
Naintindihan ko na po sa taytay maternity clinic po pala yan.. may makapagshare po ba ng CS package?
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: joicey on April 10, 2015, 07:02:54 am
Hi Clarrise,

San hospital rates yan? Is it Taytay Doctors?

Thanks! ;) ;D :D
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: midrise on April 10, 2015, 02:33:55 pm
Currently nagpapacheck up ako sa kanya and balik ko po nga tom.

Kaso in doubts na po ako, may asthma attack ako now and uncertain ako kung kaya ng ospital ni Dra Gatapia ang current condition ko. Aside from that may negative feedbacks ako na lately ko lang nareceive, may nacoma daw na nanganak kasi since hindi siya ospital dinala din siya sa mas malaking ospital pagkapanganak at ayun nacoma din due to diabetes.

Babalik ako tom at sana maenlighten ako, kahit na mura siya kung magkaproblema kami ni baby dun na lang ako sa medyo pricey.  :(
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: joicey on April 21, 2015, 01:22:08 am
Hi Midrise,

San ka nagpapacheck up? Taytay Doctors ba? First baby ko din kaya naghahanap ako ng mga blog about sa Taytay Doctors. Im planning to give birth sa lying in clinic kung ok naman sa Taytay Doctors lilipat na lang ako.
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: satchie on May 12, 2015, 09:12:03 pm
Hi Sis,

You may want to try St Christiana along Karangalan Village Gate 5. Maliit din syang hospital and a good alternative for the pricey big one. I paid 43K when I gave birth via CS operation with Philhealth ofcourse. Syempre mas mura kung NSD.
Meron akong nabasa na negative comment here sa SP but so far after almost a year I have not experience anything bad. The nurse are always helpful, even the staff pati yung mga doctors were nice. 
And one thing I like about Dra Rodriguez hindi ka minamadali kapag check-up kahit na naka-HMO ka which I felt when I had an emergency sa Medical City. ;)
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: kathkath on May 16, 2015, 03:16:07 pm
Hi sis @jenaihpaguia! How much package kay dra. Medina sa taytay doctors? And may iba pa ba sya clinic bandang taytay/cainta/antipolo? Thanks!
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: mishalovi on June 01, 2015, 03:16:20 pm
i will not recommend this hospital talaga (taytay maternity) my experience with the nurses was horrible, hindi sila mag ke-care sau, basta, i really dont recommend it lalo na kung may condition ka or first baby mo. 
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: QueenMary on June 29, 2015, 09:46:01 am
Hi po.. new member here..

33weeks preggy..any update po ng rate sa TDocs ng Normal delivery?..

thanks po..
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: miadv on September 24, 2015, 10:55:10 am
Hi.ano po kaya price ng c.s packages in taytax  dr.s and taytay maternity.im 4weeks.and san po kaya maganda pcheckup
Title: Taytay Maternity and Child Care Center
Post by: gray on November 16, 2015, 03:31:18 pm
2015 :)
Taytay Maternity And Child Care Center
Isagani St.,  Rizal Ave., Taytay, Rizal
Phone: (02) 570-5284

Pregnancy Checkups:
Php150.00 ONLY

Normal Delivery
WARD
Php8,000+Philhealth
- Room for 1 day
- common CR
- 1 bantay

Single Room (w/o Aircon)
Php9,000+Philhealth
- Room for 1 day
- own CR

Single Room (w/Aircon)
Php11,000+Philhealth
- Room for 1 day
- own CR

CS Delivery
WARD
Php20,000+Philhealth
- Room for 3 days
- common CR
- 1 bantay

Single Room (w/o Aircon)
Php22,000+Philhealth
- Room for 3 days
- own CR

Single Room (w/Aircon)
Php26,000+Philhealth
- Room for 3 days
- own CR

INCLUDED:
- Doctor's Fee
- Medicine in Delivery Room

EXCLUDED:
- New Born Screening
- Oral Medicines
- Gatas ng Bata
- Alcohol
- Wound Dressing
- Food
- Diaper
- Vaccine
- Cotton (Bulak)

 :)
Title: I'm looking for affordable yet good hopital/clinic to give birth in taytay rizal
Post by: Irene Trugello on November 12, 2016, 12:57:58 pm
Hi Mommies! Im a first time mom po. We are looking for affordable pero maayos pa din na service na hospital in taytay. Any suggestions will help. Thanks!
Title: Re: I'm looking for affordable yet good hopital/clinic to give birth in taytay rizal
Post by: Mommy Jazz on November 12, 2016, 07:33:56 pm
List from DOH. Not sure kung alin ang maayos ang service at alin ang affordable. Please inquire nalang po with them.

Manila East Medical Center
660‐0000
Manila East Road, Brgy. Dolores, Taytay Rizal

Taytay Doctors Multispecialty Hospital
570‐1637 / 706‐7101‐03
6 Rizal Ave., Brgy. San Isidro, Taytay Rizal

Taytay Maternity And Child Care Center
570‐5284 / 658‐8446/ 542‐4728
Rizal Ave., Cor Isagani St., Taytay Rizal

Our Lady of Grace OB Gyne Clinic and Lying-In
4511602
G/F/ F. Reyes Bldg. Rizal Ave., San Isidro Taytay

Clinica Italia Maternity Lying-In
6588001
854 Italia St., Bgy Muzon Taytay
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: Karen Tolentino on May 15, 2017, 02:30:54 pm
Hi po!

PCOS patient po ako. Hubby and I got married last Feb 2017. We were trying to have a baby na, any doctor you could suggest from Taytay Doctors Hospital na very good and could help me with my current situation. And also, if anyone from here that were also diagnosed with PCOS?

Thank you in advance po sa magrereply.  :)
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: rodie L on June 15, 2017, 07:06:20 pm
Hi,

I'm new here.  I would like to know if there's OBGyne/Fertility Doctor in Taytay Doctors or Metro Rizal Doctors in Cainta. Me and my hubby is trying to conceive in 2 years.. :(

Thank you.
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: newbieasamom on August 24, 2017, 11:49:12 am
Suggest po sana kayo ng magandang hospital sa taytay Im 4 days delayed and took 7 PT which is faded pink and I need to confirm that I'm pregnant or not. 5:30 pa po yung out ko sa office. need ko po sana magpacheck up kasi may scheduled travel ako bukas by the company. Saang Hospital or clinic po kaya open kahit hanggang 7-8 pm po for check up
Title: Scouting for affordable but quality CS delivery
Post by: Abbygail Jose on April 20, 2019, 02:28:14 pm
Hello po mommies! This is my first time here. Actually I am still looking for an affordable CS delivery within Cainta or Taytay and I found good reviews about Taytay Doctors. Any suggestions or opinion? Ok po ba talaga dun kasi if ever malapit lapit lang sa amin yun. Yung unang choice ko kasi di pa pala open and wala pa sila quotation so di ko alam baka kulangin ako. I heard about Dr. Medina din kasi dati dun ako nirerefer ng OB ko for ultrasound. 24 weeks and 6 days na kasi ako but recently I had bleeding. I was once diagnosed with placenta previa on my 13th week pero di pa daw final yun. So sana di naman to masyado serious. I hope you can share your experience with me. Thanks!
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: Diane Bernal on January 02, 2020, 10:20:31 am
Hi ano po Name ng OB nyo
Title: Re: List of hospital / clinics in taytay, rizal
Post by: Marzy Gau on October 13, 2020, 02:46:59 pm
Hi mommies! Ive come acrossed  these blog and hopefully get some answers from all of you. Its difficult being in this time and pregnant, but God 's gift kaya go lang! I need some help if anyone recently gave birth sa Taytay Doctors? What are the protocols? Were from Calumpang, and we're looking for a reliable, safe hospital sana, yung malapit sa min I read bad reviews kaya Im looking for alternative hospital? Magkano po kaya latest package nila so we could set our budget. Im just in my 12weeks, but already on my 2nd OB, the first one in TMC is so meh, parang 2 mins ka lang kakausapin then babye na, wala man lang bedside manner what to do as first time pregnant. Now I met Dra. Janet Bobiles, shes so kind and shes also affiliated daw sa Taytay Doctors, I stumbled upon this thread and maybe if you have updates, I'd like to hear about it. Thanks and keep safe all pregnant mommies!