Parent Chat

Life => Inspiration => Topic started by: Mariel17 on April 02, 2009, 05:06:34 pm

Title: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: Mariel17 on April 02, 2009, 05:06:34 pm
HI there!What do you want your baby to become when she/he grows up?
*For my baby Schinina..ex: ob hehe. ;D

syempre depende sa mga kids ntin kung ano ang gusto nila... ;D


Read it on Smart Parenting.
It's Not a Walk in the Park: One Mom Shares the Joys and Challenges of Raising a Gifted Child
(https://images.summitmedia-digital.com/sap/images/2019/03/22/ishine-sp-main-image-1553231468.jpg)
Click this link:
 https://www.smartparenting.com.ph/parenting/real-parenting/not-walk-in-park-mom-shares-joys-challenges-raising-gifted-child-promil-four-adv-con?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) to reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: yvettrasmonte on April 02, 2009, 06:11:07 pm
ang baby ate namin alam na ang gusto niya paglaki, sabi niya gusto daw niya maging doctor ng mga baby. ;D
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: mommy shelaih on April 02, 2009, 07:57:29 pm
gusto ko maging doctor baby ko magiging lawyer na kasi ate niya kaya ayoko na sya mag lawyer.... pero kahit ano maging gusto niya su2pportahan ko sya wag lang maging tambay ;D
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: yummymommy on April 02, 2009, 08:11:21 pm
sa ngayon di pa naman niya nashe-"share" kung anong gusto niya :D pero baka maging vet siya dahil love niya ang animals :D
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO KO MAGING.....?=)
Post by: Mariel17 on April 02, 2009, 10:01:47 pm
gusto ko maging doctor baby ko magiging lawyer na kasi ate niya kaya ayoko na sya mag lawyer.... pero kahit ano maging gusto niya su2pportahan ko sya wag lang maging tambay ;D


*Hayyy!sakit sa ulo pag naging tambay.. ::)hehhehe.
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: soumy01 on April 03, 2009, 09:46:51 am
sana maging Engineer sya kahit sang field kase pareho kaming mag asawa engineer.
iencourage ko talaga sya parang kaseng nakaktuwa yung idea na parepareho kaming mga engineer.

pero sympre kun wala talaga don interest niya oks lang kun san sya masaya.
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: babydoll018 on April 03, 2009, 11:08:47 am
baby ko 3mos pa lang pero parang mag-aartista na... marunong na umarte, may fake cry na siya...

si sasha sana maging Martha Stewart/ Barefoot contessa. hehe. or something sa creative field. she'll make good food, magaling magentertain. tapos pagkakakitahan niya. hehe
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: michi247 on April 03, 2009, 11:51:34 am
sabi ng hubby ko doctor daw, kasi malaki daw kita dun at every mo. halos yun ang pinakamalaking expense namin, mga PF at vaccine..hehe!
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: okfine on April 03, 2009, 04:21:11 pm
kay baby iyah q gusto ko mgng artista!hahaha!pangarap ko un dti hehe... ;D
wala pa kami naiicp sa ngaun e..pro pra saken siguro PRESIDENT ng pilipinas!
 ;D
c kuya kurt naman gusto q LAWYER!
pro gsto niya engineer.. :D
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: εїз" Mrs.Pisces "εїз on April 03, 2009, 04:57:22 pm
si baby yuri gusto ko maging isa syang Aeronotic hehe kami ng daddy niya gusto namin ganun.. pero sabi ko baka naman maging seaman din baby namin nasa lahi na kasi eh.. pero ayaw ni hubby so dapat talaga ma encourage namin si baby na mahilig sa mga aircraft at plane.. hehe pero kahit ano wag lang din tambay hehe
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: Mariel17 on April 03, 2009, 05:22:04 pm
si schinina gusto ng papa niya katulad niya din..ANALYST PROGRAMMER,SOFTWARE ENGR..
para parehas silang nka tutok sa computer...hheeeeeeehee. :D ;D
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: mommy_geli on April 03, 2009, 06:41:41 pm
si karl ko gusto ko syang maging isang responsableng mamamayan.

kahit ano siguro gusto niya maging paglaki niya support ko sya papng katulad ng ginawa ng parents ko saming magkakapatid. kahit may pamilya na or minsan alang work eh they give us allowance pa rin. kasi for them opportunity lang daw ang kulang namin. and sometimes kahit tambay lang ako mahal pa rin nila ako.
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: Mariel Arun on June 26, 2009, 06:50:11 pm
my eldest when he was 5 yrs. old he wanted to be a 'kuya guard' sa mcdo para free mcdo food raw siya lagi, then when he turned 6, he wanted to be a fireman.

my second, now aged 7 wants to be a priest/baker, para siya raw gagawa ng bread everyday na isi-share sa poor and children, and then he wanted to be a singer/ actor now..wants to enrol in center for pop.. ::)

my youngest, he's just a 3-month old..he can be anybody he wants, actually, the three of them can be who ever they want to be,...basta god-fearing at responsible people.
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: ACI_GIRL (^.^,) on June 26, 2009, 07:46:40 pm
si kuya Cha-Cha gusto daw niya maging COMPUTER hehe...
what he means is kagaya ni daddy niya... MIS crew/Network ADMIN

ps.. baka may gusto kumuha ng service niya... hehe
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: Chie77 on June 26, 2009, 08:55:12 pm
si kuya q - BRAIN SURGEON daw?!?!

oh ha? mcdreamy ito..!! hahaha

(sis ACI, natawa q sa anak mo gustong maging COMPUTER, hahaha)

(sis happiemommie, yung youngest sis q din nung bata sabi niya gusto niya maging crew sa jollibee para araw araw daw nasa jolibee sya, hehe)
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: ACI_GIRL (^.^,) on June 26, 2009, 09:20:59 pm
hey maiba naman ako pwede makisali?i mean makitanung???kelan ba pwede mgtallik uli after giving birth....plsss hehe

dapat naka complete ka muna sa post partum check up...
para clear... tapos atleast 6 week after giving birth ata puwede na eh... ;)
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: Mariel17 on June 26, 2009, 09:26:33 pm
hey maiba naman ako pwede makisali?i mean makitanung???kelan ba pwede mgtallik uli after giving birth....plsss hehe

--out of topic k ata.. :o
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: ilovegabe on June 27, 2009, 12:34:42 am
natuwa naman ako dito  :)
naalala ko when I was young gusto ko maging katulong - katulong sa plane  ;D d ko pa alam tawag dun e  ::)

My son naman, he can be whatever he wants to be, pagsisikapan ni mommy yun  ;D
and even if medyo hindi pasok sa standards ni mommy  ::) I would still support and love him  :D
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: mariann on June 27, 2009, 11:51:52 am
my eldest, micah, has expressed her desire to be a lawyer like her dad.
with iza, hindi ko pa alam.  she's only 2 pa lang.  baka mountain climber kasi parang butiki kung umakyat ng bintana, bookshelves, cabinets, etc.

i'm discouraging them to be a banker like me, although maganda benefits, sobra naman ang risks.

but just like happiemommie, anything na lang basta marangal na trabaho.
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: chillaxmom on June 27, 2009, 08:17:43 pm
Id like him to be a priest kaya nga Gerard (st, gerard- patron saint of expectant mom) and Jude (st jude- patron saint of hopeless cases) hehe...

Its still up to him.. basta maging mabuting tao sya at may marangal na work, that's already an answered parayer for us ng tatay niya.
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: Inay_Mae on June 27, 2009, 09:48:10 pm
Kung ano ang kaya ng intellect ni Heart na sa tingin ko matangal naman kakayanin kong suportahansya. Basta maging responsable at sensitibong indibidwal sya paglaki niya...  ;)
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: julianciv on July 06, 2009, 10:38:09 pm
ang gusto ko paglaki ni julian, maging NBA player hehe :D pero kung anong gusto niya paglaki niya, susuportahan ko siya basta yung ikabubuti niya :D
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: Mariel17 on July 06, 2009, 10:53:30 pm
ang gusto ko paglaki ni julian, maging NBA player hehe :D pero kung anong gusto niya paglaki niya, susuportahan ko siya basta yung ikabubuti niya :D
-- so sweet! :D
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: julianciv on July 06, 2009, 11:12:25 pm
ang gusto ko paglaki ni julian, maging NBA player hehe :D pero kung anong gusto niya paglaki niya, susuportahan ko siya basta yung ikabubuti niya :D
-- so sweet! :D

Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: lilmom on July 07, 2009, 01:13:41 am
i want my baby to be a architect or engineer.. but of course its up to him, kung ano gusto niya paglaki.
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: jackiebee on August 09, 2009, 01:19:18 am
Kung ako masusunod, well doctor or plastic surgeon at Architect like me..., basta yung may kinalaman sa pagpapaganda, para mapaganda niya hehe.
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: ACI_GIRL (^.^,) on August 09, 2009, 08:34:54 am
si kuya Cha-Cha gusto daw niya maging COMPUTER hehe...
what he means is kagaya ni daddy niya... MIS crew/Network ADMIN

ps.. baka may gusto kumuha ng service niya... hehe
nag bago na sya ng gusto...
gusto niya na daw bagger sa sm... para sm daw sya lagi...  :(
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: princess on August 09, 2009, 10:08:50 am
si Princess Hannah ko, who is 2yrs old now, told me when i asked what does she want when she grows up.... "...Dito.., sit!" Naloka ako mga mommies.. Parang ngayon pa lang pangarap na niya tumambay lang.. hehe.

Pero tingin ko madami siyang gusto. Kasi mahilig siya mag play as doctor. Minsan naman kinakalikot niya pc namin. Mahilig din siya mag ayos ng mga cars niya..

But for me, frustration ko kasi maging Lawyer. Pero nung napaaga nga pagbubntis ko naudlot. Sana siya na lang tumupad non for me..

But surely at the end of the day, sila pa nga din pipili. At wag sana tayong maging kontrabida.. hehe.. Goodluck sa atin at sa kanila.
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: Miura on August 09, 2009, 10:20:27 am
si kuya Cha-Cha gusto daw niya maging COMPUTER hehe...
what he means is kagaya ni daddy niya... MIS crew/Network ADMIN

ps.. baka may gusto kumuha ng service niya... hehe
nag bago na sya ng gusto...
gusto niya na daw bagger sa sm... para sm daw sya lagi...  :(

natawa ko sa baby mo sis..

sa baby ko din.. whatever she wants to be.. :) i will support her!
pero baka singer 2 paglaki.. iyakin kasi. ;D
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: chill on August 09, 2009, 01:35:38 pm
kung ako lang masusunod i want my baby girl to become an
ob  gyne rin. dream ko n dati pero PT lang ako. gus2 rin magPT muna siya kc magandang foundation un...
hay buhay pa kaya ko pag grad niya ng college? how i wish!
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: chiekkababes on August 10, 2009, 02:09:32 pm
If I were to be asked I want my son to be an Entrepreneur.  ;D

But according to him, he wants to be the President of the Philippines!  ???

Hahaha! Ambitious noh???  :P

But I'd support him, whatever will make him happy as long as he's not gonna step on anybody!  ;)
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: chel_928 on August 12, 2009, 08:41:24 am
c sam chemical engr, gusto niya . . .
c raven IT . . .
yunung gust0 nila hehheeh . . .
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: style on August 12, 2009, 12:54:44 pm
anak kong si TARA 8 yrs old..vocal n sya s pagsasabi..gusto niya maging dentist,teacher at fashion designer....ito nmang bunso ko si troy gusto sana maging DOCTOR...yung tulad nila CALAYAN at BELO para kibre n ko s pagpaparetoke he he ;D
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: fairytink on August 12, 2009, 12:59:38 pm
baby ko at 6mos. mahilig sa pictures at marunong na mag pose, tingin ko me potential to maging modelo  :D

pero gusto sana namin ni hubby maging doktor din siya, pero kung hinde, kahit ano gusto niya, ok lang.. ika nga ng ibang mommy "WAG LANG MAGING TAMBAY"  ;D
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: mumy-jan on August 12, 2009, 01:14:10 pm
baby ko, hindi pa kasi siya nagsasalita.. pero makikita ko dat he like arts.. taking picture, videos minsan sa celphone or minsan sa video / digicam.. he also likes watching TV! Uhhmmmm.. parang puwede siyang photograher/ director..

pero gusto ng dad ko lawyer..

ako, kahit ano basta support ako ng bongang-bongga!!!  ;D
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: MuDrA® on August 13, 2009, 02:34:21 pm
i want him to be a PILOT ....

Sa ngyn i want him muna to be a commercial model hahaha wish  :D
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: julie_llevares on August 13, 2009, 02:49:57 pm
tingin namin SOCCER PLAYER kc cmula nang matuto mag kick ball sapol lahat ng appliances namin sa bhay!!! pati tv... minsan nalabas pa ng windows un bola niya... tapos tatawanan ka lang... nakakainis tlaga.. kaya lang ganun tlaga naturuan ni hubby kc...
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: myanabanana on November 17, 2009, 06:57:27 am
ang gusto ng daddy maging military lawyer ako okey na sa akin maging engineer or accountant..pero kung ano gusto ni baby okey lang basta malaki ang kikitain hehe..
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: keih liwanag on November 17, 2009, 08:59:52 am
if i would apply my frustrations, gusto ko si AK maging...
1. broadcaster journalist/anchorperson
2. traveling novelist/writer
3. flight attendant or anything that has to do with tourism and traveling

si hubby naman gusto niya si AK maging...
1. scientist
2. doctor
3. lawyer (kaso baka daming death threats) hehe

on the side: gusto ko model sya. print ad lang or commercial. ayoko sya sa acting. puwede theater. hehe
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: tineped on November 17, 2009, 09:30:22 am
I only have a particular frustration that I hope, someday, KD will have interest with - CULINARY. I really wanted to build our own line of resto kaso suntok sa buwan. :D

Same with mommy Keih, I want KD to appear in ads (print and TV). Medyo nagmodel model din naman ang mommy kaso di ko kinareer hehe. Tutal mukhang mas maganda ang built ni KD kaysa sa akin haha.
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: ida on November 17, 2009, 10:06:59 am
my panganay wants to be a dentist, yung bunso hindi ko pa alam, sa tingin ko gusto niyang maging komedyante hehe...
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: LadyLee on November 17, 2009, 06:24:39 pm
kung ako tatanungin, gusti ko sa baby dave ko na maging entrepreneur.. para di na sya makaranas ng pang aapi sa mga boss  ;D hehe.. pero sa nakikita ko sa kanya, 10months n sya, lahat ng bagay na makita niya sa floor, kahit mabigat, binubuhat niya... sabi ko sa tatay niya, may future sya maging kargador..  ;D hehe.. pero serously speaking, mahilig sya sa music and music instruments(specially drums and keyboard).. so sa tingin ko, puwede sya maging musician katulad ko (hehe assuming  ;D) este ng kapatid ko na naging maestro sa musika.. suportahan ko lang mga hilig niya..   ;)
 
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: ☆♥♡unica hija☆♥♡ on November 17, 2009, 11:58:47 pm
Just like mommy VinzGreg, God willing, I hope my son would be an entrepreneur.  I hope he will have his own business someday. Ang hirap kasi na maging empleyado eh. Aside from being a entrepreneur, I am praying that he will be a responsible, God-fearing person and that he will be the best husband and father someday.
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: jam9178 on November 18, 2009, 11:06:56 am
For my panganay Julia Yzzabel, gusto ko sya maging:
1.  Lawyer or CPA Lawyer
2.  Broadway Singer
3.  Pedia

For Joaquin Santino:
1.  Pilot
2.  Doctor
3.  Singer

 ;D
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: bethchai on November 19, 2009, 04:30:02 pm

nung 3 years old si aiken gusto niya MMDA yung traffic enforcer sa EDsa para daw madami syang makitang mga kotse at truck, tapos mga 4 years old sya gusto niya maging pulis, 5 years old fireman naman daw kasi ang sarap daw pakinggan yung tunog ng truck ng bumbero, 6 years old gusto niya maging katulad ni Mike Enriquez sa Imbestigador, favorite niya yung t.v. show na yun...

For me kahit ano basta maging successful sya sa field niya  ;)
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: erikikay on January 19, 2010, 12:35:50 pm
i think my son wants to be a race car driver... he keeps on asking me "mommy, you want to race?"  ;D
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: momchel on January 19, 2010, 12:46:38 pm
dream ko sa mga kids ko (boy & girl) to be a pilot and a chef... pero nung tanungin ko si boy (6 y.o) gusto niya maging bumbero  ??? si girl naman (2y.o.) mahilig kumanta't sumayaw so malamang performing artist paglaki :)
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: KanishaNicole on February 17, 2010, 08:39:24 pm
Yung asawa ko naman gusto niya maging doctor si baby, but depende na rin yun sa kanya, hirap din iforce kung ayaw, baka maging sutil..hehe
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: daddy-yo on March 15, 2010, 02:30:49 pm
gusto ko sana maging national athlete hehe... frustration ko kasi un....
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: misyelicious on March 06, 2011, 07:48:29 pm
gusto ko maging civil enginner si baby like his daddy..pero kung ano gusto niya..go ako!
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: mommykhem on March 06, 2011, 10:04:19 pm
I want her to be a doctor. Frustration ko yan kaya sa kanya ko ipapasa. Nong bata ako gusto ko rin doctor or lawyer kaso nong lumaki na ako napag-isip-isip ko na bakit kaya ginusto ko maging doctor eh madiriin ako at takot sa patay. Sana talaga matupad yong dream ko for my baby.
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: honey-ecclaire on March 06, 2011, 10:41:35 pm
I want him to be  a PILOT...
but his dad wants him to be want he wanted to...GO din ako dun...
Title: Re: BABY KO PAG LAKI,GUSTO MAGING.....?=)
Post by: Nuna on March 07, 2011, 11:11:55 am
My Alex said she wants to be a DOCTOR. and a SuperModel.
Sabi ng asawa ko sana nga magtuloy na yun ang dream ng anak namin, kase pangarap niya kase na maging doctor nga ang baby namin. :) Ewan ko lang yun supermodel. haha! sabi kasi ng anak ko talagang PAREHO niya gusto eh! pag sinabi ni dad niya na "Okay, you're gonna be a doctor". Dudugtungan ni baby na "and a model too"
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: moi angels on March 08, 2011, 12:23:15 am
nakakatuwa naman 'tong thread na 'to! our kids really say the "darnest" things! :P

if i were to decide (kung pwede lang naman... di naman masamang humangad diba?! ;)):

my eldest: lawyer (para sya na ang umasikaso lahat ng gulong dinulot ng tatay niya! :P)
~though di ko pa talaga sya natatanong kung anong gusto nyang maging & to think she's already 8y/o! :-\ di ko kasi sya kasama ngayon... :'( anyway, based on her hobbies & wants right now, mukhang magiging katulad eto ng sister ko, medyo mahihirapan magdecide kung anong gusto, lahat kasi gustong gawin! :P singing, piano, guitar, ballet, swimming, dancing, study chinese, lahat ng "speech" contests sa school sinasalihan din! ::)

my 2nd: doctor (para bawas sa mga gagastusin in time! :P)
~pero when he was 4 yrs, sabi niya "taxi driver" para raw mapag-drive niya ako!  ::) ang inisip ko na lang, ang sweet naman ng anak ko! ;D

my bunso - sabi ng daddy, basketball player kasi malaking bulas pero gusto din nyang maging artista (frustrations niya kasi! :P) but for me, gusto ko sya maging engineer/architect.

but just like other mommies, basta kung ano ang gusto nila, i'll always be there to support them. kahit i-gapang ko pa para lang maibigay sa kanila, gagawin ko. just as long it will be for their good (or for their best at that! 8))
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: I love_dadilove7503 on March 08, 2011, 03:42:28 am
Nung maliit pa ang panganay ko, sabi ko anak gusto ko mag pilot ka, sabi niya Ayoko nga.. sabi ko bakit.. sabi niya gusto ko driver ng jeep, para malapit lang uuwi din ako mamaya pagkatapos magdrive, pag pilot malayo, ayoko malayo sa mommy.. SWEET!!! hahaha, kaya lang jeepney driver lang pangarap.. kakaloka! pro ngayon HS na sya and di pa niya talaga sinasabi kung ano gusto niya course sa college, basta siguro kung san sya masaya dun ako..
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: buuurp on March 08, 2011, 03:08:51 pm
sana maging athlete, soldier or priest sya. =) or kahit anong gusto niya.
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: neondust on March 08, 2011, 03:54:01 pm
OT: ^ basta sis, wag lang sana magmana sa mga ugali ng mga you know who hehe
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: ryuu on March 08, 2011, 03:58:02 pm
gusto ko maging successful ang baby ko sa pipiliin nyang career paglaki niya.. naks! hehe. ;D
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: buuurp on March 08, 2011, 04:24:48 pm
OT: ^ basta sis, wag lang sana magmana sa mga ugali ng mga you know who hehe

ay trulili!! haha pinatawa mo ko today sis!!!  ;D ;D ;D ;D sana di sya maging tambay, tsismoso or pakielamero sa buhay ng iba!

kung athlete...
sana maging swimmer si baby! tuwing naliligo sya sa tub niya mukhang enjoy sya talaga feeling niya siguro nasa loob sya ulit ng tummy ko. kasi kahit gutom sya iyak ng iyak basta nalagay na sya sa tub or nabuhusan ng water sa katawan biglang tatahan sya. or sana football player kasi ito trip namin nung college :) :)
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: chococream on March 08, 2011, 11:48:27 pm
my daughter even at 2yrs. meron na syang signs na magiging ballerina..puro kasi barbie movies ang pinapanood or explorer kasi dora ang mukha din niya early in the morning...hai...sana mag.dream sya na maging lawyer...frustration kasi ko before and my dad ang magign lawyer pero pinili kasi ang practicality at asan ang mas madali maka hanap ng work after college...

bsta wag lang maging seaman just like his dad...or mag.asawa ng early kasi ewan ko kung ano ang reaction ko dun... :) :) :) :)
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: LLLA on September 09, 2011, 07:11:31 am
my daughther wants to be a Princess... hehe!
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: Mommy Jazz on September 09, 2011, 08:24:07 am
Panganay ko gusto daw paglaki niya maging artist at ilalako niya mga paintings niya door-to-door.
Story here:
http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,1016.msg45740.html#msg45740
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: sweet&spice on September 09, 2011, 12:49:45 pm
@mommyjazz: good marketing skills ha? innovative.  ;D bring the art to the masses, make it palatable to different tastes.

baby:  i'm a doctor.
mom: really? you want to be a doctor when you grow up?
baby: yes, so baby can take care of you and tito n2..i'll take care of you and give you medicines when you have "sugat".. ;D

Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: Mommy Jazz on September 09, 2011, 12:52:47 pm
baby: yes, so baby can take care of you and tito n2..i'll take care of you and give you medicines when you have "sugat".. ;D

Eh pano yung sugat sa puso? I'm sure your baby doesn't need to be a doctor to heal that :)
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: sweet&spice on September 09, 2011, 01:04:57 pm
@mommyjazz: hahaha. baby has made me feel better in so many ways already after the "sugat:" in my heart..  ;) he has this concept kasi na, when someone takes care of somebody ---- they're doctors.  ;D even when it's just a mosquito bite, he says, mommy you're a doctor, take care of baby....put medicine please. take care.  ;D ;D
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: Bry♥Shey on September 13, 2011, 11:01:43 pm
our daughter said she wants to be a doctor someday. hehe! mag 6 years na siya this january. she always play flash games na siya yung nagiging doctor. sometimes nga kahit flash siya na nakakadiri. yung daughter namin hindi naman siya nadidiri so i guess in the long run kaya niya ito. hehe we are here to support her all the way =)
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: momi_gel on September 14, 2011, 12:56:11 pm
she likes to be an astronaut hehe!!! mahilig kay galileo eh yung mga planets at galaxies.. about universe. ;D
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: lynnequintana on September 14, 2011, 05:47:30 pm
My eldest gusto niya maging Pilot.. My second one photographer, yeah he really love taking photos, shocks nga ako sa raw shots niya using DSLR.. My third ewan ko pa di pa niya masabi e.. hahaha.
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: Errych on September 14, 2011, 11:35:11 pm
My daughters wants to be an elevator operator.  :) This was 2 years ago...  :D
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: Mommy Jazz on September 15, 2011, 08:10:47 am
I remember when my daughter was small, she wants to be a lady guard daw.
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: Mommy France on September 15, 2011, 08:35:10 am
^^ Lady Ga-Guard.. :D

Si Miggy, feeling ko magiging pilot or austronaut. Maciado siya interested sa planes, helicopters and spaceships. Anything na lumilipad.
Sana lang hindi siya alien. :D

Actually sa 7th birthday niya - Airline theme na. 3 years old pa lang siya may theme na kasi sobrang hilig niya talaga.

Siguro kapag nakasakay na siya ng airplane, papakilala ko siya sa pilot :)
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: Errych on September 15, 2011, 11:14:45 am
@mommy france: Si Chloe love niya din maging pilot. Nagsa-salute pa siya pag nakakita ng pilot.
This is Chloe with the Airphil pilot. Gusto niya magstay sa cockpit.  :) At home naman, she pretends to be one of the cabin crews with the pushcart and selling goodies.  :)
(http://img7.imageshack.us/img7/9931/chloewiththepilot.jpg)
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: MommyAstrid on September 15, 2011, 03:44:46 pm

I wanted my baby girl to become a lawyer..or a doctor..:)...pero siyempre, it depends pa rin what she really wanted to be..:)

@errych..cute naman po..lady pilot..:)
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: Errych on September 16, 2011, 12:54:57 am
@sis mom of ziva: Dati elevator Operator lang gusto niya ngayon flight attendant or lady pilot... nagle-level up ang gusto ni baby.  :D
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: princess080910 on September 16, 2011, 02:28:27 am
si Meyer ko Janitress ata ang gusto ;D ;D

ang gusto kasing laruan eh balde,walis at basahan...

marunong mag punas sa floor at yung bike at stroller niya pinupunasan palage. hahaha!!!
(ginagaya niya si ate minda(help sa house)mag linis linis though lalo naman siyang nagkakalat ;D ;D

pictures taken last sunday lang ;D
(http://i1089.photobucket.com/albums/i359/francescameyer/DSC_0348.jpg)
(http://i1089.photobucket.com/albums/i359/francescameyer/DSC_0344.jpg)
(http://i1089.photobucket.com/albums/i359/francescameyer/DSC_0331.jpg)

super nag eenjoy talaga siya pag ganyan ang ginagawa.  ;D ;D
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: MommyAstrid on September 16, 2011, 11:47:05 am

@princess080910...ang cute naman!...hehe..and she's very serious while doing all those stuff..parang korek..cute2x naman sis..:)

Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: MommyAstrid on September 16, 2011, 11:48:36 am

@errych...elevator operator?talaga?..:D...astig nga sis..lady pilot..:)
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: -joanamber- on September 18, 2011, 04:17:16 pm
Ngayong bata pa si baby, si mommy muna ang magdedecide kung ano magiging future nila. :)

Gusto ko maging flight attendant ang baby ko. dream ko kasi na di ko napursue, kaya sya nalang ang magpursue. Haha.. Pero kung ano gusto niya maging, no problem naman sakin yun.
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: aram724 on September 19, 2011, 06:59:09 pm
if i'm to choose, gusto ko architect or engineer..
nung pinagbbuntis ko kasi cia puro plano ng ayala ang hawak ko sa isang research project namin kaya pag inobserve ko cia ngaung 7mos na cia, parang amuse na amuse cia pag nakikita yung mga cadd drawing ng kapatid ko sa comp..
pero ciempre, nasa wish list ko lang yun..si baby pa rin magddecide..
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: princess080910 on September 19, 2011, 11:13:01 pm
sis Astrid- correct! seryoso pa talaga yan pag gusto niya ginagawa niya.. pero mataas ang pangarap ko sa bebe ko kaya sana hobby lang niya yan. hahaha!!!
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: Jean_31 on September 20, 2011, 02:58:37 pm
Hindi ko pa alam gusto ng baby ko pag laki niya... but his lolo wants him to be a PRIEST.  ;)
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: chester on September 20, 2011, 03:09:43 pm
2 1/2 months pa lang baby ko. pero sana gustuhin niyang maging engineer (yun gusto ko).  both engineers kasi kami ni hubby.  gusto naman ni hubby eh maging doctor si baby at assitant siya (hubby ko) para daw madami siyang makilalang babae. lahat daw na seksing girls eh i-general check up nila. hahaha!  ;D (loko loko talaga hubby ko)
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: bhea-bhea on September 23, 2011, 05:34:14 pm
I want her to be a doctor like my aunt....  actually most of the moms here wants our child to be a doctor.. practically bigger income.. buhay sila forever.. but my hubby wants her to be a teacher like my mom, aunt and sis.. nasa lahi kasi namin ang teacher! haha... but I think my daughter wants to be a model.. because even she is only 2 months old.. She stops crying when I said "picture-picture" and then she will pose and smile to our camera!

But most of all, whatever our child likes to be, we should support them.. I believe that they will be successful in every career that they want if there happy and nag-eenjoy. Mostly kasi pag pinipilit natin ang mga bagay na gusto natin hindi sila magiging happy and successful most of the time... Kung san sila masaya dun tayo. Wag kontrabida sabi ng ibang mommy here.. hehe
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: Mommy Jazz on September 23, 2011, 07:46:30 pm
sis princess080910, pwedeng mahiram baby mo?
(http://i1089.photobucket.com/albums/i359/francescameyer/DSC_0348.jpg)(http://i1089.photobucket.com/albums/i359/francescameyer/DSC_0344.jpg)(http://i1089.photobucket.com/albums/i359/francescameyer/DSC_0331.jpg)
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: princess080910 on October 05, 2011, 11:14:50 am
hi sis saan niyo po hihiramin? sa bahay niyo for help? masipag to hahaha!!!
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: addicted2jakey on October 11, 2011, 07:56:41 pm
If I were to choose what I want Jacob to be - I like him to be a lawyer (though not criminal lawyer) same as my SIL or a businessman, para wala na hirap cia na sure magmanage businessess namin hehe..
I dont want him to be inclined with Medical Profession, coz ayoko maexperience niya na walang holidays hehe..
Even my husband, (and his sister) decided to take a diffrent field (both parents (In laws) are doctors) because of the same reason.
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: jam9178 on October 23, 2011, 01:03:45 am
Julia Yzzabel (4) - future Lawyer

Joaquin Santino (turning 3) - future Pilot

Sana magka totoo :D
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: MommyMichell on October 23, 2011, 01:13:41 am
My son - game inventor or anything na may kinalaman sa computer & games kasi yun talaga super (as in super duper gusto niya) kaya ngayon pa lang sabi ko mag-isip na kami ng concept, malay natin maka-imbento sya hindi lang games kundi social network pa na pwedeng tumalo sa facebook   :D

My daughter - pastry chef kasi mahilig sya kumain lol, gustong gusto niya ko "tulungan" (translation: guluhin) pag nagbe-bake ako at lagi sya nakatingin pag nagluluto ako, gusto niya ko lagi ihelp like pagtanggal ng plastic sa hotdog, pick out yung dahon ng gulay, etc  ;)
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: kuliglig^^ on October 26, 2011, 02:34:38 pm
si Leetol One ko, gusto ko siya maging.... JUNIOR MASTER CHEF!!!!! :D  ;D ;D

Kidding aside, if girl, gusto ko maging chef, lawyer, writer or teacher like me. If boy, engineer, doctor or architect.

Si Hubby, if girl daw, dentist, musician or doctor. If boy, engineer, architect, or pro athlete.

Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: mommyLan on November 26, 2011, 11:37:58 pm
veterinarian.. since pareho kaming vet ng husband ko un din ang gusto ko for him.. and kahet 6 months palang sya ngyon kitang kita na na mahilig din sya sa animals..
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: Nuna on November 27, 2011, 03:26:32 pm
Kung dati yung post ko dito gusto ni Baby maging doctor and supermodel.. Ngayon gusto niya na maging doctor pa in daw or a Chef. Maliit pa sya hilig na niya maglaro na magluto luto. Tas sabi niya sakin the other day, she'll have her own restaurant at super dami daw costumers.. Hihi
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: mommyJQ on November 27, 2011, 04:42:51 pm
My youngest daughter, Jodee wants to be a lawyer like her Papa (Lolo), Daddy and in the future, my eldest daughter. :)
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: makayleeng on November 27, 2011, 05:20:26 pm
PILOT!!!
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: mommycheska on November 27, 2011, 05:26:26 pm
my eldest wants to be a "SOLDIER" -  waaaaaaaaaaaaaaaah! ako ayaw ko... takot ang mommy sa mga ganyang bakbakan...
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: avengeus22 on November 27, 2011, 06:28:24 pm
When I First asked my 5-yr.old daughter this question,without hesitance she answered "a waitress!". Of course napanganga kami ni hubby and nagtinginan. NOt to belittle our beloved servers.it was just so surprising. We were ewpecting kasi na doctor  or maybe a KIM CHIU coz she likes her so much. Well,her explanation was because she would like to work at a Jollibee pala. So i told her why not be an OWNER of Jollibee na lang so that she can have any job at Jollibee that she wants...:)
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: zhiel03 on November 28, 2011, 01:04:24 pm
yung eldest ko when i gave birth sa 2nd  baby namin, she wanted to be an OB daw, then yung son ko naman gusto maging dentist
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: toughmom moderator on May 19, 2012, 07:51:08 pm
“My eldest is a violinist. He is a gifted child,” Luchi shares proudly. “[Joseph] pursued it, and he got a scholarship in Illinois. It’s a four-year scholarship. Luchi’s son Joachim is now quite the artist. “My second kid is taking up fine arts in UST,” Luchi shares.
Mom we Love: Luchi Cruz-Valdes[/img]
(http://www.smartparenting.com.ph/images/site-alpha/articles/luchip1.jpg)

http://www.smartparenting.com.ph/home-living/homebase/mom-we-love-luchi-cruz-valdez/page/1
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: aish_teru on June 29, 2012, 11:17:45 am
I want my son to become a lawyer pangarap namin ito ni hubby. My hubby kasi didnt finish his law school he stopped when  we were about to get  married we had a baby kaagad so he doesnt have the time to pursue his studies anymore mas gusto pa ni hubby mag work muna sayang kasi 2 years na lang graduate na siya i told him to continue but he is still thinking if it's worth it na ipagsabay work and law school
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: Angela Zhane on July 03, 2012, 01:42:28 pm
For now, nakikita ko siyang mag-showbiz. Particularly, as a dancer siguro. Father kasi niya was a member of a popular all-boys group wayback in high school. She likes music also because she listens everytime her great grandma sings an old song tsaka she entertains people with her antics. :)
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: trishevil on July 03, 2012, 01:55:38 pm
Cute ng Dimples ng baby ko kaya gusto ko maging Model/Matinee Idol hehe pero hilig niya basketball (1 pa lang siya)..so Kahit Varsity ok na ako. Pero gusto ko magkaroon pa rin siya ng degree..Gusto ko Doctor, or Engineer or CPA-Lawyer..
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: toughmom moderator on December 01, 2012, 05:52:59 pm
7 Benefits Kids Get from Playing ’Doctor’
(http://www.smartparenting.com.ph/images/site-alpha/articles/child-doctor-web.jpg)

As ‘doctor’ I, his dad or our maids were usually his patients, but now that we have a new baby, his new favorite patient is his baby brother.
Read more
http://www.smartparenting.com.ph/mom-dad/parent-child-fun-activities/7-benefits-kids-get-from-pretending-to-be-doctor
Title: Re: Baby ko, pag laki gusto maging.....?=)
Post by: kuliglig^^ on December 04, 2012, 03:33:23 pm
IT genius or bonggang photographer :)

Gusto ni hubby professional basketball player. :)