Parent Chat

Parent Chat Community Updates => Members' Kumustahan board => Topic started by: swtgrl_bee on May 24, 2012, 03:07:23 am

Title: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on May 24, 2012, 03:07:23 am
^Oh no, pinakaayaw ko yan ang OTTY :( Ang hirap nga niyan sis, omg. Nakakaloka din talaga sa supports no? What time out mo sis?


To read previous posts in this topic, please go to this link:
http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,49936.0.html


Title: Re: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 2
Post by: purple_girl on May 24, 2012, 03:34:32 am
till 5 am ako sis. bihira lang naman ako mag OT so carry lang, usually pag may urgent lang na kailangan. mas masaya naman ako dito kesa nung nasa call center pa ko kahit nung nakalipat pa ko ng department.

tama ka regarding support. sakit sa ulo nung support pa ko sa call center. daming ginagawa at ngarag kung ngarag. dami ring nakakaaway, from agents to managers may maririnig ka.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on May 24, 2012, 02:04:34 pm
wow clap to us, umabot na tayo ng almost 500 posts, hehe
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on May 26, 2012, 02:42:28 am
^hahaha ang kulit, anybody home? RD swap ako kahapon. Pasok ako padin bukas :D Musta buhay buhay?
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on May 26, 2012, 03:22:45 am
 hi sis! last day ko naman today. sad ako today... nawawala ang wallet ko.  :'( naikot ko na buong office wala talaga. most probably nawala yun on the way ko to the office. haaayy... dami ko pa namang bayaran... andun yung mga atms ko at walang bank bukas so malamang monday pa ko maka-withdraw. yung keys pa ng locker ko andun.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on May 26, 2012, 03:49:55 am
^awww sis, sorry to hear that :( Dapat pouch mo nalang dala dala mo, hindi pa naman uso ngayon sis yung ibabalik yan :( Tsk tsk, ako nadala ako lahat ng savings atm ko hindi ko na dinadala/. May nahold up kasi dito sa amin, pinawithdraw pa talaga lahat ng savings niya. Pero who knows sana mabait nakakuha niyan sis.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on May 26, 2012, 03:59:56 am
haaay... sana nga sis. nung nalaman kong nawawala pina-block ko na lahat ng cards ko. buti na lang wala naman daw nangyaring any activity prior to my declaring it lost.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on May 26, 2012, 07:54:26 am
^good to hear that sis :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on May 27, 2012, 02:15:03 am
ako lang andito? Any Odesker sisses? hehe
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on May 28, 2012, 09:45:40 pm
hi sisses! it's monday again... kakatamad mag-work. since my bosses are in the us, off sila ngayon. gusto ko nga sana mag-off kaya lang may client visit kasi kami kaya di pwede. alis na lang siguro ako ng maaga maya.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on May 29, 2012, 02:29:00 am
^hi sis, naku sis 30 mins na akong avail. hehe :D sana magenjoy lang sila hanggang mamaya na. Sis musta? natuloy ba baby mo sa Kindermusik?
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on May 29, 2012, 03:23:33 am
^hi sis! kakarating ko lang sa amin. maaga ako nag-out since wala naman akong ginagawa sa office. malamang naman eh ngarag ako from tom till next week at busy period ko na talaga + uat pa ng new tool. enjoy mo lang avail time, bihira mangyari yan. hehe... i remember nung ageng pa ko, tuwang-tuwa ako pag holiday sa states kasi tipong 8-10 calls lang ako buong shift. may teammate pa nga ako nun na nakalimutang mag aux para mag lunch gawa ng avail. pagbalik namin di pa rin siya napasukan ng call. hehe...

di ko na enroll si bebe sa kindermusik. masyado kasing pricey para sa akin. lam mo naman ang panahon ngayon, sobrang hirap ng buhay... single mom pa ko so double the effort talaga... sa regular school ko na lang siya enroll for the coming school year. sayang nga eh, kung kaya lang talaga ng budget ko enroll ko talaga siya sa kindermusik at nag-enjoy talaga siya nunf nag class siya sa office.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: mommy_lani on May 29, 2012, 03:28:41 am
hi sisses,

every night online din po since working at night shift..well di ko lang alam next month if still in nyt shift.
busy ako every night reading here lalo na kung wala naman down sa line na sinusuport ko...

nice meeting you all...
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on May 29, 2012, 03:47:51 am
^hi sis! welcome to the thread! :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on May 29, 2012, 03:56:19 am
^^oo nga sis, mahirap talaga buhay ngayon. Sana maging okay anak ko sa Kindermusik, naiisip ko kasi ang iksi ng 45 minutes baka nag warm up palang anak ko nun eh matapos na :(

^hi sis, welcome :)

New schedule na ako, hindi ko bet 8PM-5AM :( Wala na naman akong pahinga nun huhuhuh
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on May 29, 2012, 04:42:52 am
Hi mga sisses ko

how are you?? heto late late na naman ang beauty. damn graveh ang bloating ko this days kakatapos lang kasi ng fiesta dito sa bohol, sakit pa ng tyan ko

Hi sis mommy_lani welcome po

Akko din swtgrl_bee and purple_grl   papa enrol ko na ang baby girl ko this week bukas siguro or later mamaya sa afternoon sa toddlers sing and dance sa sacred heart dito lang din sa amin. yon nga lang parang natatakot ata ako sa gastusin, medyo mahal kasi pero hindi pa kasama ang uniform and books... :'( :'( :'( :'(
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on May 29, 2012, 05:17:08 am
^kakayanin yan sis, ang sipag mo naman sis :) Masipag kayo ni sis purple_girl. Ako nagdadramang sipagan lang. hahaha :D
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on May 29, 2012, 05:43:05 am
hehe

need magsipag sis kasi pag walang ginagawa nko, nakaka frustrate ang daming bad thoughts pumapasok sa utak ko...onboard kasi si husbandry sa laot though cargo pero alam mo nah, kung saan madaming pera dun kakapit ang mga malalanding chicks. kaya bawas paranoia ang mag work work work
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on May 29, 2012, 08:21:19 am
^tama sis :) Kaya work work work talaga, gusto ko pa nga mag extra eh. Kaso mawawalan na ako ng time sa aking B1B2 hehe.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on May 29, 2012, 09:41:36 am
 ;D ;D ;D ;D  wala na nga akong masyadong time sa baby kolot ko nabore na daw sya biglang sinasabi
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on May 29, 2012, 10:16:08 am
^hahaha, tama sis enroll mo na talaga yang baby mo :) Para makipagsocialize din, 11 AM out ko, need ko honda ng bongga kasi 11.30 ang Trial Class namin sa Kindermusik, waaaah!
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on May 29, 2012, 08:50:31 pm
@swtgrl_bee

hindi ako masipag sis... si sis chococream ang totoong masipag. hehe... gawa lang ng pangangailangan kaya todo kayod. malapit na pala tayo magkaparehas ng shift. 8 pm - 5 am din ang shift ko. how's kindermusik pala? hope your baby enjoyed it. :)

@chococream

scary talaga gastusin sa school, no? hahaha... naka-enroll na pala kayo? musta naman ang damage sa bulsa? :D
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: mommy_lani on May 30, 2012, 01:34:26 am
hi mga mommies,


ngayon lang ako nakapag-online at naka upo sa harap ng pc hehe
may down kasi dito...haist!kakainis...ayaw makisama ng machine..GRrrr...

so going to school na po pala mga kiddies nyo...
si baby nathan po going 1 year old palang this coming june. first baby ko sya.
ang sisipag nyo naman working at night at todo alaga sa umaga..
well my mama help me take care of nathan..kapag sobrang drogy na ko sya na nagaalaga...
well habol kasi sakin si baby kaya medyo hirap niya takasan para makatulog ako...
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on May 30, 2012, 02:39:06 am
hi mommies! puede po ba makisali sa thread na ito? :) I also work at night (and day, adik mode lang. hehe. pero mostly at night. :))
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on May 30, 2012, 04:03:44 am
@purple_grl

hindi natuloy kahapon kasi inulan kami bago pa kami naka labas sa house. hehe but na damage na ang bulsa ko later ng hapon kasi biglang sinabi ng anak ko na bored na bored na daw sya kaya nilabas ko nag jollibee kami dalawa, susme! pagpasok b namin sa dept. store  nko all dora na items makita ayaw bitiwan pati small bag na pang school wala na dinala agad sa counter. kaya ayon

@ swtgrl_bee

how is school ng kiddo's mo sis?

@mommy_lani

hi sis, that's nice going 1year pa pala si baby mo. na remember ko tuloy ang busy preparations ko nung malapit na ang 1st bday.  that's good na meron kang kasama at tumotulong sayo para maka pagrest ka. Me yaya naman din ang daughter ko pero majority sa pag.aalaga sa kanya is manu-manu sa akin. sometimes pag knckout na ako tumatabi nlgn sya sa bed at sabay natutulog yong yaya is lalabas nalang sa kuarto at gagawa ng ibang gawain niya.

@KVsmommy

Hi sis, you are so welcome here. Feel free to share or ask a question...  8)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on May 30, 2012, 04:08:10 am
Heya sisses, reply ako mamaya queing. hahaha. bumawi naman :(

Namiss ko lang kayo kaya check ako dito. hahaha. Pantanggal stress kumbaga
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on May 30, 2012, 04:26:10 am
hahha queing sige go lang sis  swtgrl_bee


asan na si sis tiny_yabbi?
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on May 30, 2012, 04:32:09 am
@mommy_lani

ganun talaga sis... sanayan na lang din. tinutulungan din naman ako ng mama ko but i prefer pa rin na maging hands on talaga. lapit na pala mag-birthday baby mo. enjoy mo lang ang party preps. :)

@KVSmommy

welcome to the thread!

@chococream

hahaha... na hold-up ka pala ni kiddo. si bebe ko naman ang ate ko ang kinukulit ng pizza kahapon. naglalambing siya sa ate ko kahapon na mamasyal sila at bumili ng pizza hut. ewan ko lang kung ano nangyari. pag-alis ko kasi nag-uusap pa silang mag tita. we'll see later kung na-convince ba niya. hehe...

@swtgrl_bee

madalas talagang maraming calls after ng holiday no? ako din kanina sunod-sunod na naman ang meetings. pumasok ako ng 7 gawa ng may call ako ng 8 tapos tuloy-tuloy na yung meetings ko till 11, pagdating ng 11:30 meeting ulit till 2.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on May 30, 2012, 04:55:57 am
senti mode naiinis talaga ako...grrrrrrrr  cant shake off the feelin
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on May 30, 2012, 05:29:09 am
sis purple_girl, naku sis all praises ako sa Kindermusik, nakakatuwa si Teacher Suzzette. Sobrang accommodating sila. Nakameet pa ako ng SP Mommy sis sis cris25, dun kasi baby niya nagsummer eh Graduation kahapon. Trial class ni Sophia kahapon, ayun sumunod naman anak ko. Kaso hindi siya advisable sis na papasok after. hahaha. Sumakit katawan ko, to think na 1 hour activity lang yun :D Hindi nga ako dapat papasok ngayon, joke ;) Pero naisip ko need ko ng pondo, hahaha. Enjoy anak ko kasi mahilig ang anak ko mag dance and mag sing.

sis chococream, kung baby mo Dora anak ko Barney :( Grabe ang mahal pa naman ng Barney, buti nalang minsan may mga Barney sa Venti, kaso hinid naman Bente ang price. Hahaha :D Pero okay lang yan basta naman para sa baby namin :)

sis mommy_lani, BPO ka din?

sis KVSmommy, tagal ko nga hintay post ka dito eh :D
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on May 30, 2012, 05:54:27 am
@chococream

what's wrong sis? may prob ba?

@swtgrl_bee

good to know na nag-enjoy si bebe. kakapagod nga lang talaga. kung kaya lang talaga ng budget ko enroll ko din si bella. masyado kasing pricey for me.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on May 30, 2012, 08:21:45 am
@ swtgrl_bee

yes sis dora and disney princess sya fanatic. Yon nga lang ma pili dapat maganda ang picture or pagkakagawa otherwise itatapon lang yan, lam mo naman pag medyo cheaper medyo panget din ang hitsura kaya mostly kinukuha niya agad is yong may price talaga. hai nakaka butas talaga ng bulsa. Last month pumunta kami dalawa ng SM Cebu, sus me dora na stuff toy mataas at malaki sya ...OMG almost 2k ang price para ata akong mahihimatay bigla nung nakita ko yong price. to make the long story short, nabili pa din well la magawa aastang iiyak ang kolot ko in the middle of the dept. store kasi hindi ko bibilhin sana...ayon diretsong hinila ang stuff toy sa cashier.. imagine that.

@purple_grl

nakakainis at the same time disappointed lang talaga ako sis, kasi wedding ng close friend ko na based na bali sa davao. 4years na kaming hidni nagkikita tapos yon nga wedding niya supposedly today. last 2months pa ako panay ask kay husbandry na pupunta ako ng davao...palagi niya sinasabi pagnaguusap kami na ask ko sya later nalang ...e 4days ago nung napatawag sinabihan ko na talaga kung ano ba papayag ba sya or not. e sa huli hindi naman palaga talalga sya payag...

heto sabi

ako: bos, sige na punta ako weddng ni friend..please (me pa cute and seductive voice pa)
husbandry: ikaw?? gusto mo bah? (duh! if ayaw ko bang pumunta, tatanongin ba kita pero hindi ko sinabi sa kanya a)
ako: yup yup yup... iwan ko lang muna si baby kay MIL balik ako agad 2days lang ako dun
husbandry: hay naku! kung gustong gusto mo pumunta e d lumipad ka... (cut ng phone)

ayon iyak na ako...hindi na ulit tumawag... nakaka inis kasi  :'( :'( :'( :'( pasensya na para akong bata
e kasi naman minsan hind na nga ako lumalabas ng bahay kasi busy ako sa work at sa bata kulang ang day at 24hours tas yan lang hindi man lang ako mapagbigyan...
sya nga kahit limang kasal ng barkada in a month ini-encourage ko talaga sya kahit minsan ayaw na niya, pinipili ko talaga ang mga gifts.. nakaka unfair ayaw ko naman magcomplain pero sana man lang he was a bit sensitive din sa needs ko at small na gusto

sana nag mongha nalang talaga ako, masaya pa siguro talaga ako kesa ganito....  :'( :'( :'( :'( :'(
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on May 30, 2012, 11:38:52 am
@sis swtgrl_bee: hehe, sadyang ngayon lang kami nagtagpo ng thread na ito. :) Read about your daughter's experience sa Kindermusik. Isa yon sa pinagpipilian kong enrichment class for my little girl eh, kaso ang alam kong pinakamalapit is Alabang, e mga 30 minutes drive pa rin yon from our place, yun eh pag hindi traffic ha. Pero I'm still thinking about it kasi parang super enjoyable sya dahil sing and dance. :)

@sis chococream: love din ng daughter ko si Dora. As in to the point na ang tawag niya sa music ay musika (pati ang pagenunciate niya nung word is parang Dora na din). :)

naku I get where you're coming from pagdating sa stuffed toys, ewan ko ba sa mga batang ito, sa dami naman ng toys na nakalagay sa mga shelf ng SM, e yun talagang mahal pa ang kinukuha at ayaw pakawalan. :) madalas yung daughter ko ganyan ang eksena, kaya distract distract ang strategy namin. hehe.

sad naman yung about your friend's wedding, hirap pa naman pag ganyan yung utak mo nakakondisyon na na pupunta ka tapos hindi matutuloy, kadepress. :( ganyan kasi ako eh, pag sinabi sa kin na pupunta somewhere, kailangan pupunta. pinaka-ayaw ko yung mga last-minute na changes, nakakawala ng good mood. :(

work from home kasi ako, and contrary to popular belief, hindi ako makalabas whenever I want to. :) para din akong nakatali sa laptop. hehe. kaya pag aalis, like pag weekends, gusto ko natutuloy kasi minsan lang ako makakita ng ibang tao. :D

sis purple_girl: thanks for welcoming me! :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on May 30, 2012, 12:30:50 pm
talaga sis KVsmommy your homebased din pala. glad ako na hindi lang ako hehe

yes sis nakaka disappoint talaga. oh well, like now 5days na akong no call from husbandry, via satellite phone kasi sya kaya medyo pricey but he makes sure to call me if meron akong upset mode or nagagalet ako sa kanya. now silent mode ang ginagawa niya talaga nakakainis hindi ako sinusuyo. guilty siguro yon kaya ganun.

ano sched of work mo sis??  ako kasi flexi time if I start early I end up earlly pero most of the time late din ako nag log out kasi madami akong ginagawa. kaya hindi ako clogged up sa work the nextday.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on May 30, 2012, 02:47:36 pm
baka tampo mode si hubby sis, or busy lang. lam mo naman mga lalaki... effort ata sa kanila ang mag-dial sa telepono. hehe. :D

flexi-time din ako sis, pero meron akong blogging work na kailangan gabi gawin. pero medyo pahinga mode ako sa trabaho for more than a week ngayon kasi umuwi ng probinsya si yaya at mamaya pa ang balik. pahinga sa trabaho, pahinga din ang kita! waaaahhhh! :D so bawi mode ako starting tomorrow at hanap pa ng more clients. :D hirap kasi sa work ko (writing), hirap maghanap ng talagang full-time, either part-time or as needed lang, so baka maghanap ako either sa email support or VA work. :) Big school enrollment na kasi next year, so kailangan karirin ang trabaho.




Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on May 30, 2012, 02:59:12 pm
galing sis, yan din ang first work ko before writer...bsta almost all topics na ata na sulat ko pero nagtry ako sa marketing nah and social media kaya mas gusto ko rather than writer lang. hehe

yan ang downside sa field natin if walang work walang sahod. hehe

if you have ym mine is : aya_loveken
or skype: fordcebu_secretary

add mo nalang ako kasi medyo medyo ako sa sp pag afternoon nah, like now on meeting ako so while talking is kano, dito naman ako sa sp naka hang hehe
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on May 30, 2012, 05:33:04 pm
sis chococream, added you na on Skype. :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on May 30, 2012, 11:19:11 pm
@chococream

awww...kahit sino naman sis malulungkot talaga sa ganyang situation. minsan na nga lang di pa papayag. kailangan din naman natin mag-unwind and sobrang saglit lang naman yun.

Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: tiny_yabbi on May 30, 2012, 11:41:34 pm
hello mga sis..

Signing once again ang inyong lingkod..

nawalan me ng internet connection sa station ko kaya di ako makaaccess sa Sp..

i miss u mga sis
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on May 31, 2012, 12:17:29 am
^welcome back sis! tagal mong nawala... na-miss ka namin dito. :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: mommy_lani on May 31, 2012, 12:21:05 am
ahahaha..done backread!!

sis chococream,
yes super busy na nga ko ngayon preparing for his 1st birthday party DIY po kasi and sa bahay lang gagawin since hindi namin nakuha yung target place.
Oo nga, hindi naman kasi kami umalis sa side ng parents ko.since kami lang ni baby magkasama dito sa Manila. Si hubby kasi sa pampanga naka base so we decide na magstay nalang samin at yun din naman ang gusto ng mga parents ko. Mas ok na yun atleast no need to rent a house menos gastos din para samin. Kaya si mama naging full time tagabantay ni baby hehe pati ng 2 other pamangkin ko.

and about dun sa wedding ng friend mo. well ganyan siguro talaga ang mga hubby.Baka hes just thinking of your safety. Well si hubby kasi kapag nagpapaalam ako ng ganyan pahirapan din. Though minsan napayag naman kaso madalas hindi rin. Ang always paliwanag niya hes just worried about my safety, though alam nyang I could take care of myself hindi parin sya at ease na pupunta ako sa ibang place without his presence. Kaya yung mga lakad ko na napayag sya well his with hehe but still ok na din mas enjoy ako nun.

sis swtgrl_bee,
hindi po ako BPO. Semicon ako..test technician po, actually mothly shifting kami madalas lang night shift ako kasi nirerequest ko din para may kasama si mudra na magbantay kay baby. At tsaka mas hindi nakakastress kapag gabi walang mga hehe

sis purple_girl,
yes sis nakakaenjoy talaga ang birthday prep. Nakakapagod pero kapag may naacomplish nako natutuwa ako at nagiging more excited hehe.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on May 31, 2012, 12:58:48 am
ang tagal ng oras...inaantok na ko...till 5 pa ako, kayo mga sis till what time shift niyo today?
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: mommy_lani on May 31, 2012, 01:34:47 am
6am here sis!hahaha...
medyo busy lang sa pagdesign ng printable car theme for baby's party kaya di ko namamalayan oras
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on May 31, 2012, 01:40:54 am
here. :) good mornight mga sis. :D

mommy_lani: Good luck po sa DIY party planning, ang saya-saya nyan. Kung puedeng yan na lang ang karir ko nakuuu, ang saya-saya nun! :D Toxic pero very rewarding... :)

meron ako kinagigiliwang site ngayon eh: http://www.houzz.com. Mga home designs. Wala lang, nangangarap ng walang humpay para mawala ang nega vibes ko sa katawan today. :D Check out the site, saya din pampalipas oras. Hehe.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: mommy_lani on May 31, 2012, 01:50:47 am
^^ hahaha..oo nga sis ang saya saya talaga nito..well every event samin ako talaga nagawa ng mga printables..super like ko pagdedesign ng mga theme party and invitations. Nung wedding nga namin ako nadin hehe
Gusto ko nga to gawing business eh..complete na naman ako from pc, printer and scanner... need ko nalang talaga sya karerin!
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on May 31, 2012, 02:14:14 am
just got a new contract sa odesk! yey! yun nga lang shirt term lang. most probably < 10 hours lang ito at simple lang naman yung pinapagawa ng client. still, better than nothing. at least may sure akong extra income. :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: mommy_lani on May 31, 2012, 02:47:49 am
^^ sis!curious lang po..what ginagawa nyo sa odesk?
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on May 31, 2012, 02:53:07 am
^mga online jobs yung odesk. i usually do excel and access tasks pang extra income.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on May 31, 2012, 04:01:11 am
heya sisses :) I'm back, again queing na naman. Pantanggal stress.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on May 31, 2012, 06:48:39 am
wow sis ang ganda nag site na to...i need a big bed naman talaga kasi hindi kami kasya ni husbandry sa small bed na namin, always akong nahuhulug or siya ang nahuhulog hindi kasi si baby in between dun si baby sa my wall tapos tabi kami ni hubz kasi malikot matulog baka ma daganan si baby kolot  pag magkatabi sila dalawa.

nice yong pillows super like ko, nakaka gana matulog
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on May 31, 2012, 01:23:38 pm
sis purple_girl: congratulations on the new contract! :) sana ako din makahanap ng isa pang client - prepping for big school enrollment next year. hirap pa naman maghanap ngayon, dami kalaban. :)

sis swtgrl_bee: queuing sis? naku back with a vengeance na yung mga nagbakasyon nung Memorial Day. :) Yung pahinga ng mga CSRs pag holiday, sya naman nilang bawi sa pagtawag the next day. Kalurka lang.

sis chococream: aliw 'no? :) saktong pangarap moments ako last night when I was on the site. Hehe.

sis mommy_lani: try mo sis oDesk. :) great place to get extra income.

Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: mommy_lani on May 31, 2012, 11:01:59 pm
sis KVsmommy,

well :( nakakalungkot lang hindi ko maopen ang oDesk dito sa work. huhuhu
limited internet access lang kasi ang allowed eh..SaYANG!! tsk..tsk...

halos lahat ba ng sisses sa thread na to BPO nagwork?what po mga specific job nyo?mahirap ba magcall center?
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on June 01, 2012, 01:14:12 am
sayang mommy_lani, maybe sa weekend na lang. :)

about specific jobs: ako I used to work sa BPO industry, now online writer ako. :)



Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on June 01, 2012, 01:25:52 am
hi sisses! busy day today... go live ng new ticketing tool namin, meaning new set of data to work with.

@mommy_lani: same as KVsmommy, i used to work din sa BPO industry but has shifted to the IT industry, i'm currently a business operations analyst. :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: mommy_lani on June 01, 2012, 01:37:31 am
ahaha nacurious naman ako sa mga jobs nyo. hindi ko alam marami rin palang sets of job sa BPO akala ko yung as in call center agent lang. I mean yung CSR at yung support.

@ KVsmommy,
online writer ka..eh ano naman sinusulat hihi

@ purple_girl,
as business operations analyst ano naman po ang ginagawa nun?

mukha na ba kong interviewer hehe well nageenjoy lang ako malaman yung mga jobs nyo mga sisses...
ako kasi I work on semicon as TEST TECHNICIAN, i handle testing machines. I maintain the line na padat lahat ng tester is working good and no rejections. Fiber Optics kasi ang product namin.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on June 01, 2012, 01:53:57 am
^hmmm... basically, i generate/create reports on how our accounts are performing, tapos from the reports, i do trend analysis on probable reasons kung bakit ganun yung numbers namin . i also monitor outages ng applications namin. on case there are outages, i coordinate with the different departments para ma-resolve yung outage asap, tapos gagawan ko ng report yung outage para ma-inform yung clients. i also do change management. i approve and dispatch request for change, work orders, etc.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: mommy_lani on June 01, 2012, 02:35:07 am
^^ ah para ka palang planner sis
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 01, 2012, 04:27:54 am
hi mga sis medy me trangkaso ako now pero work pa din ang beauty... good morning...ano balita natin dyan
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on June 02, 2012, 03:06:15 am
hooray sisses, absent ako kahapon. Paano ba naman 10DAYS akong papasok... STRAIGHT. kaloka diba? :(
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: mommy_lani on June 04, 2012, 01:10:18 am
last night po ng shift ko..well change shift na bukas pang umaga na ko..

nice meeting all sisses at this thread...next month ulit
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 04, 2012, 05:31:34 am
hi mga sis good morning how are you mga sis
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 05, 2012, 05:15:57 am
hahah ako lang ata ang online dito for now
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on June 05, 2012, 03:57:05 pm
Mga sis, need your inputs on a situation I encountered earlier during a parent-teacher orientation. Ito ang scenario:

TEACHER: Pag signal number one, wala na agad pasok sa pre-school. Pag malakas po ang ulan or pag maulan po PERO walang storm signal, desisyon na po ng magulang kung papasukin ang anak or hindi. Nandito lang po kami sa school if ever may pumasok.

ME: So pag may storm signal po, definite na wala nang pasok (with matching singit epal comments from other parents na 'oo nga di ba kakasabi lang?' Napacomment tuloy ako ng: Hindi pa po ako nagtatanong, nagma-make pa lang po ako ng clarifiying statement. Saka nagsasalita pa po ako.), pag wala, desisyon na ng parents. What if nagdecide po ako na wag papasukin, wala po ba syang mamimiss na lessons?

TEACHER: Wala po kasi normally pag maulan at konti lang pumasok na students, di po kami naglelesson.

ME: Ahhh ok po. Kung ganun po, bakit hindi na lang po teacher ang magdecide kung papasok man o hindi pag sobrang maulan at walang storm signal? That way po, wala nang kailangan maabala na magulang or mainconvenience ng bata, tapos wala naman palang lesson na gagawin sa school.

TEACHER: Hindi nga po, desisyon nga po ng magulang yon.



Naisip ko lang kasi mga sis, bakit hindi puedeng sa teacher manggaling ang desisyon, sya naman ang makakaalam kung mahirapan ba makarating sa school (due to super ulan or matubig sa area or something)? And anyway, wala naman pala syang lessons pag konti lang ang estudyante due to weather issues, so parang wasted day din yon para dun sa bata at abala sa magulang na nag-major effort makarating sa school. E kung maginform sya agad ng estudyante na wag na lang pumasok (kahit walang storm signal pero malakas ulan), e di win-win, wala nang naabala, pati sya, makakauwi na agad.

Mali ba ko sa suggestion ko? :)

Mali ba ko? hehe. :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 05, 2012, 04:42:52 pm
POV ko lang sis ah

hindi sila puede magdecide na wag papasukin kasi nagbase sila sa wholeyear sked nila. and principal po ang decision making. so if sila po ang magdedecide bali nag over ride sila sa decisions ng principal, kung parents naman hidni makaka override ang principal kasi first and foremost rights ng parents ang safety ng anak nila.

in time na merong bagyo galing sa govt. or ano pa notice good as kasama na yon sa report nila quarterly. pero in time na wala pang notice dapat pasok sila sa day of work nila, kahit walang lesson kasi ang lessons ma cover yon sa other days pero ang attendance nila importante kasi makukuha yon sa leaves nila or need ng abuno.

Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on June 05, 2012, 08:52:52 pm
Ahhh day care lang kasi yon sis, di ko pala nabanggit, so walang principal technically.

pero I see your point about their attendance. that's how it works pala... thanks for enlightening me. :) sana sinabi nila sa kin yan kanina. hehe.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 06, 2012, 05:23:26 am
ah ok sis, much more complicated pa yan if school na talaga na merong teacher-principal...MIL kasi is principal sa school pati ang halos lahat ng pamangkin and asawa na mga relatives ni husbandry kaya na gets ko minsan ang  pinaguusapan nila all about school and etc. hehe ako lang and si sister in law dito ang accountancy pero nakaka alien din. hehhee
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on June 06, 2012, 12:14:32 pm
ahhh I see, kaya pala sis know na know mo. :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on June 06, 2012, 09:05:34 pm
Hi sissies :) Tulungan niyo naman ako, baka may alam kayong work from home :D Yung mga Boss niyo ba sis sa Odesk meron willing magturo? As in from scratch. I'm too tired here at work, super negative vibes na.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on June 07, 2012, 01:05:35 am
sis swtgrl bee: will ask one of my current employers. :) pinoy din, pero mabait. di lang mataas ang rate talaga but she's taught me a lot din. email mo ko sis ng resume mo. :)

what kind of online work would you like to do ba?
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on June 07, 2012, 02:45:37 am
^sis go. :)

sisses, virtual hug. TL ko sinigawan ako sa floor :( I'll seek legal action on this sa upper management.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 07, 2012, 04:49:51 am
as in swtgrl_bee  sinigawan ka in front of the whole team mo? bakit? feeling niya foreigner na sya? oo sis legal action na talaga kapal naman ng mukha nyang TL mo.

what  happened ba sis, care to share
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on June 07, 2012, 05:30:08 am
@swtgrl_bee

awww... what happened sis? madalas talaga mangyari ang ganyan sa call centers. maraming TLs ang naninigaw ng agents nila sa floor pag di sila satisfied sa stats ni agent, palibhasa ang bonus nila nakasalalay sa team performance, pag may isang mababa ang stats nahahatak ang performance ng team, so ending, mababa bonus nila. kakairita talaga ang mga yan. nakakapagod at nakaka-stress kaya mag-calls.
about dun naman sa oDesk, alam ko may mga kumukuha for data entry kahit no experience, yun lang super baba ng rate.

how's your day sisses? ako, pauwi na... sumilip lang ako dito sa sp at buong shift di ako nakapag-post. kakapagod talaga pag start ng month, ang daming ginagawa. OTY na naman ako today. carry lang naman at tipong 4x a month lang naman ako mag-OT.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 07, 2012, 05:42:42 am
ngek really totoo pala madaming TL's ang ganyan sa call center kala ko lang sabi sabi, 6months lang kasi ako sa convergys before at nag AWOL na ang beauty ko kaya hindi ko na experience ang sigawan, so far dun naman sa STream ok naman ang TL hindi ako sinigawan hehe naging friend ko kasi hehe


heto making a new website kasi no work, me lagnat ang daughter ko kaya heto hindi maka paghanap ng work at no show palagi sa interviews. hehe
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on June 07, 2012, 11:33:01 am
sis swtgrl_bee: virtual hugs to you...  :-*

bakit ka sinigawan sis? saka as in sa harap ng ibang agents sa floor? foul yon ah.

 I have worked in the industry din for 4 years, hindi pa naman ako naka-encounter ng TL na sinigawan ako. (dahil kung meron, incident report agad sya!) puede mo sya ireklamo sa HR sis, para magawan ng incident report.

my hubby has been a TL for mga 3 years na siguro, and in a way, naiintindihan ko yung sometimes frustration niya sa agents when it comes to stats. hindi din madali maging part ng management, kasi torn ka between two 'lovers', mga boss mo, at mga agent mo. si hubby pa naman masyadong people person, sa kanya kasi kahit hindi sila maging number one team based on stats, basta pumapasok at nagtratrabaho ang agents niya ng maayos at masaya, yun daw ang importante, the good stats will follow na lang daw. pero siempre may mga instructions, rules, and metrics sya na dapat isaalang-alang at ipaintindi sa team, dahil trabaho yon eh, ganun talaga.

pero NEVER, as in NEVER sya nanigaw ng ahente. hindi na naman daw niya naiisip ang incentive, kasi nga newbies ang handle niya, so sanay na sya na wala. hehe. :)  pag may ginawang mali or may continued negative behavior man, he discusses it na one-on-one para mas maipaliwanag ng maayos. meron nga sya naikwento before na co-TL niya, sinigawan yung isang agent niya. :( sabi niya, never daw yun dapat gawin dahil puwedeng-puede ma-filean ng incident report yung TL, at puedeng-puede yon ika-terminate ng TL. never kasing magiging justifiable na manigaw ka kahit supervisor ka pa or kahit gano kataas ang position mo.

most of the time, yung TL na naninigaw, very competitive yan kaya nauuna sa utak niya yung stats bago yung tao niya. nadadala agad sya ng emosyon niya dahil nga yung stats ang foremost sa isip niya. if your TL exhibits ganyang behavior palagi, kung ako sayo sis, lilipat na lang ako ng team. I think you can request naman from an AM/OM na magpalipat (in case di ka man makapagresign agad). dahil yung ganyang tipo ng TL, walang ibang tama kundi sya, kasi if that person was thinking about your welfare, hindi ka niya sisigawan, kakausapin ka lang ng harapan. mahirap pakisamahan yang ganyan.





Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on June 07, 2012, 08:12:32 pm
sisses I'm here, I'll post the incident tomorrow kapag nasa bahay ako. Baka mascreen shot ako dito, mahabang avail lang kasi ito :(

Pero madaming nagsabi na for IR talaga yun, hindi nga lang pala sa harap ng team ko. Sa harap ng lahat ng tao sa gfloor. Umiyak nga ako sa galit nung kinausap ako ng isang TL. First time ko nagkaroon ng lalaking TL sa 4 years ko sa BPO, super palpak pa :(
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: mommyMidya on June 07, 2012, 09:22:19 pm
@ swtgrl_bee: virtual hug for you sis

Mahirap talaga yung ganyan. Minsan sa pagiging competitive nila nakakalimutan ang professionalism. No one has a right na sigawan ka lalo na harap nang ibang tao..masyado naman ytang degrading yang TL mo. But hopefully magkaroon kaya nang maayos na resolution for that incident.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on June 07, 2012, 10:47:31 pm
@chococream

yes, sis. talagang nangyayari ang ganun. when ka nag-work sa stream and what site ka? i used to work din at stream, around 1 year as agent and 3 years naman sa support. may isang account dun na grabe ang management kung manigaw at mamahiya ng agents. naririnig namin from our area yung mga tls at mga managers nila.

@swtgrl_bee

tama sis. mag-file ka ng IR. marami kasing TL na malakas ang loob gawinyun at di nagfi-file ng IR ang agents nila.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 08, 2012, 04:37:21 am
@purple_girl

way back 2006 sis, hehe actually bad years ko yon, sort of 24hour akong bangang nalimotan ko na anong account ko pero sa cebu na call center sya sis.  training sa umaga sa convergys gabi naman ang training ko sa stream..

hehehhe
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on June 08, 2012, 04:41:41 am
@chococream

hahaha.... tatag mo sis ha... talagang sabay pa yung dalawa. buti na lang magkaibang sked.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 08, 2012, 04:55:25 am
@purple_grl

first break up kasi namin ni hubby yon, e first love sort of ewan nag mindset ayaw magmukmuk at umiyak forever ayon natanggap naman ako sa dalawa on the same day, yong convergys pinapirma ako ng morning. Kakatapos ko lang dun sa convergys tinawagan naman ako ng stream pinapunta so andun din ako, heheh pinapirma din ng contract ayon tinanggap ko.

yup sis funny nga yon sched ko sa convergys is  6am to 2pm and then sa stream naman is 10pm to 6am e sabi ko if early b ako papasok mas early akong aalis, hehe pumayag naman so pumapasok ako by 8pm tas out na ako by 4am or 5am. travel na naman to convergys. hai hindi talaga ako pumayat nun, pero super wide awake pa din ako dun na ako nagknock out sa after 2pm. pero nung 6months na ilalalgay na ako ng convergys to graveyard shift nagresign na ako, kasi fixed ako graveyard sa stream friend ko kasi ang TL mas higher din ang stream kaya ayon. tapos nagkabalikan na din naman kami ni hubby nun time na yon kaya nakakatulog na ako. hahaha
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on June 08, 2012, 09:41:09 pm
@chococream

panalo sis! hahaha... at least bonggang bongga kita mo ng mga panahong yan. buti kinaya ng katawan mo.

@swtgrl_bee

hi sis! may nakita akong post sa gt sa odesk thread regarding training para maging va.  maybe you'd like to check that out para makapag-start ka ng mag work ng homebase. :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 08, 2012, 09:53:56 pm
tama sis, na shock nga ako sa sarili ko that time kasi ganun ako ka pathetic for something to keep me busy and away from sleep. yon bang ayaw ko matulog talaga, ayaw ko ng rest or anytime na spare kasi nakaka remember ako or meron akong nareminisce na memories at magcrash ang walls ko kaya ayon.


@swtgrl_bee  yes sis try purple_girl suggestion about yong odesk na training, pero for newbies and downside ng work namin is ang starting is malayong malayo sa sahod mo sa call center. minsan tinatakasan ka pa ng employer or delayed yong ganun.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on June 10, 2012, 08:11:48 pm
thanks sis sa support :)

Anyone working on a Sunday night?
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on June 10, 2012, 08:29:55 pm
here. :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on June 10, 2012, 08:51:06 pm
^sis musta? May bago ka atang contract :) hehe
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on June 11, 2012, 12:26:08 am
sis swtgrl bee: yes sis, kailangan eh. doble doble kayod. :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on June 11, 2012, 01:17:16 am
^kaya yan sis for big school next year :) hehe
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 11, 2012, 04:18:53 am
Hi mga sis, gising na ako. kape na tayo. hehe

how are you sis swtgrl_bee  hehe ok ka na,  wala pa akong new work rest rest for now muna ako....

uu nga KVsmommy...big school na nga ng toddler ko this wednesday na ang start ng school niya. excited na kaming lahat pero scared ako kasi heto na tuloy tuloy na ang school nitong kolot ko e la pa nasave for education fund.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on June 11, 2012, 04:57:19 am
^sis hindi pa, dami nagsasabi file ako IR, madami na din kasi incidents dito sa office ng unprofessionalism niya eh.

Kape kape sis.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 11, 2012, 05:16:00 am
tama! file ka na din IR  remember if hidni tuturuan ng leksyon, aabusohin ka.  With power comes great responsibility..char


Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on June 11, 2012, 12:55:20 pm
chococream and swtgrl_bee: yes sis, may time pa ko to prepare. hehe. gusto ko kasi yung school na pasukan niya next year, dun na sya 'til highschool. :)

sis swtgrl_bee, IR na yan. para magising sa katotohanan na hindi niya dapat yun ginagawa. :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 12, 2012, 03:46:42 am
good morning my friends
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: miel31 on June 12, 2012, 04:16:25 am
hello mommies!

i'm new here in SP and currently on my 28th week of pregnancy.

night shift din ang work ko dito sa ortigas.

fortunately, hindi stressful ang trabaho ko, so my baby and I are in good condition. :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 12, 2012, 07:02:11 am
Hi sis welcome
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on June 12, 2012, 11:37:11 am
 jpsuba: welcome sis. :) buti di stressful work mo sis, call center ka din ba? I bet gising na gising din si baby sa gabi. Hehe. Nung preggers ako sa night shift din before, grabe, alive na alive si baby pag gabi. naeenjoy ata yung ingay sa floor. :D
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: miel31 on June 12, 2012, 11:24:30 pm
BPO din pero hindi call center. Accounts Receivable ako.

Oo naku, sumasabay si baby sa body clock ko. Sabi nga nila nanay baka daw paglabas ni baby e sa gabi pa din gising. Mas malakas sya sumipa pag gabi kahit weekend na walang pasok. :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 13, 2012, 03:50:08 am
Hi sis good morning,

today is first day of school ng daughty ko. Sana it will work out great sa first day of school niya. hehe
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: miel31 on June 13, 2012, 04:25:20 am
Hi sis,

Wow, it's gonna be a big day for her. :)
Pano ang setup nyo? Si hubby mo ba ang magpprepare sa kanya sa school since night shift ka?
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 13, 2012, 05:11:18 am
Hi sis,

nope do it on my own ako nito sis, hehe  I work 3am to 6pm homebased sis. Overseas si husbandry sis at the moment seaman, kaya I do everything by myself. hehe 9am pa naman ang school time niya, toddlers school pa lang sya. hehe
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: miel31 on June 13, 2012, 11:36:38 pm
wow, super mom. :)

anong work mo? parang rare lang kasi ako makakita ng homebased pero ang aga ng start, 3am-6pm?
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on June 14, 2012, 12:08:01 am
hi sisses! back to work tonight. was on holiday off yesterday. tambak na naman ang work today. sana weekend na. hehe...
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 14, 2012, 04:31:19 am
manageable naman sis miel31 sanayan nalang talaga. sanay na kasi ako mag.isa most of the time and i do it on my own kaya parang wala nalang.

online work sis, pero now la pa akong work. gising na lang talaga ako by 3am kaya maaga ako pero if magload na ang madaming work minsan straight na aakong walang tulogan. hehe
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on June 14, 2012, 04:23:06 pm
sis chococream: how was first day of school? ok ba? ilang taon na nga ba yung baby mo? :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 14, 2012, 07:30:02 pm
Hi sis KVsmommy

very nice ang first day of school sis, ang cute kasi very active and excited sya sa school. sinama ko sya kasi sa enrolment, and orientation ng mga parents sa school minamatyagan ko ang reactions niya baka hindi pa talaga ready

first day namin sis is nasa tabi lang talaga ako sa kanya while ang play sya, kung ano gusto ipagawa ng teachers sa mga bata, para mag participate si baby sumasali kami, madami din kami momsies dun heheeh bali 10 students sila sa toddlers class sis. Kanina second day namin naka alis na ako sa tabi niya pero at sight ako dapat kung hindi hinahanap na ako, so malaki na ang chance by tomorrow and nextweek papayag na sya na sa labas na ako sa classroom na ako maghihintay.

bukas kukuha ako ng pics and video para sa papa niya para makita niya ang milestone din ni baby sa first week of school. hehe
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on June 16, 2012, 06:26:08 am
hi sisses! na-miss kong mag-post dito, ilang araw din akong di naka-post at sobrang daming ginagawa sa work. i'm so happy that the work week is already over. buong week akong oty. kakapagod...

kayo sisses, how was your week? any plans this weekend? ako, malamang dito lang sa house, if ever umalis ako, malamang grocery lang saka bayad ng bills. need to recharge ngayong off at sobrang ngarag ako sa work this week.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on June 19, 2012, 09:30:59 pm
^goodluck sis :)

May vampira ba akong kasama? Tagal kong nawala. :D
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on June 21, 2012, 08:19:24 pm
^awww sis, masakit nga yan. Pero smile ka na sis, baka nabigla lang sis hubby sa hair mo with bangs. hehe
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: mommyMidya on June 21, 2012, 08:58:19 pm
@chococream: baka di rin kasi sanay si hubby na ganyan yung hairstyle mo. I agree with sis swtgrl_bee nabigla lang yun. Malay mo paglipas nang araw  ma appreciate niya ang new do mo.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on June 21, 2012, 09:46:29 pm
^^ako sis sa totoo lang? gustong gusto ko mag pa full bangs, ayaw ng asawa ko :(

^sis BPO ka din? or homebased?
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: mommyMidya on June 21, 2012, 09:49:57 pm
^ ESL Teacher. Office based nga lang. Wish ko nga sana mag homebased.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on June 21, 2012, 11:25:24 pm
^sis tapos night shift? anong nationality tinuturuan mo sis?
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on June 22, 2012, 07:17:23 am
sis chococream: ay ang sad naman non sis. :( mga lalaki kasi minsan, nakakalimutan na yung asawa nila ay babae. :D hehe. kala nila kabarkada, puedeng loko-lokohin ng ganun.... try to give him the cold shoulder next time sis, para matauhan. hehe.

sis swtgrl_bee: sa totoo lang, ako din! :D although hindi ko alam kung babagay ba sa kin. hahaha!

sis mommyMidya: like what sis chococream said, tama meron ngang homebased! :D I think I sent an application na dati sa Rarejob. Hehe. Di ko lang naituloy kasi feeling ko hindi talaga ko the kind of person who can teach. :(
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: mommyMidya on June 22, 2012, 08:34:33 pm
swtgrl_bee: sis, nagtuturo ako sa mga Korean. Night shift class namin is from 4pm to 12mn lang naman. ^^
Then yung kagandahan yung office namin malapit lang samin. Kaya konting tumbling lang ay nasa bahay na ako after work. :)

KVsmommy: I agree sis..dami nga homebased tutorial job..yun talaga target ko soon. Kaso medyo maingay kasi sa bahay, maraming bagets kaya di pa ako maka pag apply nang homebased. at wala akong stable internet connection :(

^chococream:  Tama yan sis.. as long as masaya ka sa buhok mo. Go go lang! :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 26, 2012, 04:55:17 am
Hi mga sis, sino ang working na ulit
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on June 27, 2012, 01:05:35 am
hi sisses! musta na? parang ang tagal kong di nakapost dito. naging super busy kasi these past few days. just got a new contract sa odesk! yey! may dagdag income na naman.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 27, 2012, 05:44:03 am
CONGRATS sis purple_girl 

naka pag pahinga din ako for the past 3weeks la akong mga ginagawa masyado hehe tambay tambay lang. now malapit na ulit ang back to work and busy life.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on June 27, 2012, 11:59:25 am
^thanks sis! napapaisip tuloy akong mag-resign if ever na magtuloy-tuloy yung dating ng contracts kaya lang hesitant din ako kasi sayang ang benefits na nakukuha ko ngayon sa company. libre kasi healthcard ni bebe tapos ang vaccines and medicines reimbursible up to 10k. sayang din yun. anyway, i'll cross the bridge when i get there.

lagi ka na namang online niyan pag gabi pagbalik mo sa work. more chikahan ulit tayo. hehe... :D
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 27, 2012, 06:28:16 pm
hindi masyado sis, siguro kung major major ang busy kasi madami pa namang part times hehheeh pero full time accounts ko kasi now is ASIA kaya go back to same +8 ang timezone, tas ang U.K account naman is dito lang sa hapon by 9pm end of shift ko nah. pero dun tayo magchichika ulit sa 3am or 4am sis. hehe kasi balik ako duty by 3am still.

oo nga sis sayang ang benefits, kasi sa field na online ikaw na ang magbabayad...guilty nga ako na hindi ko pa talaga na bayaran ang sss contributions ko, philhealth, pagibig and loans ko 2years before. hahaha sa dami ng dumaan na pera wala tlagang napaglaanan, ayaw ko din naman kunan ang savings ko kasi oath for myself na hindi gagalawin unless wala na talaga piso sa bulsa and very important. otherwise kahit daing kainin daing talaga para sa old age ko at kay hubby yon heehhe
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 29, 2012, 01:34:39 am
HI mga siss good morning, busy b dyan? cant sleep lang. hahaha
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on June 30, 2012, 03:30:02 am
oooppppppppsssssssss  ako lang ata ang online dito...haha
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on June 30, 2012, 04:27:26 am
^hi sis! i'm also online pero pa log out na rin. till 5 am lang ang shift ko today.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on July 03, 2012, 08:13:19 pm
...and I'm back. :)

nag-resign na yung laptop ko, and our CPU was under repair for a few days. Ngayon lang ulit super back to normal. :) hirap ng sabay-sabay bumigay ang mga PC, yun pa naman kabuhayan ko. hehe

hope everybody's doing ok. :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on July 03, 2012, 08:48:26 pm
Hi sis good morning,

heto working na ulit kanina pa ako 2am gising until now  hindi pa naka higa..hahaha...mga 10pm pa siguro ako nito makaka log off...

naiinis kasi ako, bat kaya madaming hindi parin maka gets sa fun and interesting buhay online na work natin. kala mo kung sinong laki ng sahod etc. maka asta na sabihing mag.apply ako sa dept.store dito sa town namin.

haller? ano ako cheap, mabubuhay sa 6k isang buwan. grrrrrr   hindi lgn niya alam ... ai sorry nag lash out tuloy ako.

kape tayo mga sis
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: KVsmommy on July 04, 2012, 12:51:47 am
hi sis chococream:

naku I perfectly understand how you feel. palibhasa ang nakikita lang nila, nasa bahay tayo araw-araw, akala nila nagcocomputer LANG tayo.

isipin mo na lang sis, sadyang hindi nila naiintindihan ang nature at potential ng online work. although I have to admit, ang hirap iexplain, pero sa taong bukas naman ang isip, hindi naman ganun kahirap intindihin. yung nagsabi sayo nun sis, 'maliit' lang siguro ang mundo niya AT sarado ang isip sa mga bagay na hindi niya naintindihan. hayaan mo na sila sis. :-) basta ikaw alam mo the good that you're doing, ok na yon. :)

Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: miel31 on July 04, 2012, 03:28:55 am
sa mga humahawak ng U.S Accounts, happy walang pasok day today!!! :D
pahinga mode. yehey!
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on July 04, 2012, 03:47:06 am
work work work mga sisses :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on July 04, 2012, 04:57:05 am
yeah KVsmommy tama, palibhasa walang know how pero trying hard feeling alam lahat.

good morning, late ako ng 1hour kasi 11pm na naka tulog. hahaha

anong balita natin dyan? totoo ba na si Angelica panganiban na at si John Lloyd?
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on July 07, 2012, 07:00:25 am
^totoo sis?

hi, off na :D
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: miel31 on July 10, 2012, 05:07:28 am
^aamin din yan kung aamin. hahaha!
1 hour more, tapos uwian na. :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on July 11, 2012, 05:50:27 am
hi mga sis good morning. mis yah guys
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on July 17, 2012, 09:28:16 pm
asan kaya mga tao dito at silent place na naman??? ako lang ba ang insomiac dito? hahaha
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on July 17, 2012, 09:53:01 pm
^hi sis! musta na? looking for new racket ako sa odesk. hirap maghanap ng work ngayon dun na okay ang rate. haaay...
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on July 18, 2012, 05:37:20 am
Hi sis, 12md na ako nakatulog ka gabi tapos gising na ako by 3am. hay nko sakit pa ng mata ko. pero need bumangon biglang umuwi yong yaya ng anak ko sabay sila ng maid. nakaka inis, grr hindi pa naman ako sanay hindi magbreakfast ng 6am. o hell bakit hindi ba ako marunong magsaing ng bigas at mgluto ng corned beef..heheeh

kape tayo mga sis, laki na ng eyebags ko. dami ko na pimples nagmarks pa, hayst buhay
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: hot_lalai on July 23, 2012, 01:29:27 am
hi mommies. i'm working on a night shift, too.

i'm trying to push an initiative dito sa office and i'm starting with a needs assessment. i am comparing data from internal and external respondents. i hope you can help me po by participating in this survey:

http://supportcentral.ge.com/esurvey/takesurvey.asp?p=17778&d=3642669

baka bet nyo mag-answer ng survey. feedback is highly appreciated, too. ;D

Salamat sisses! ;D ;D
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on July 23, 2012, 06:59:37 am
sige go ako dyan. tapos na ako mag answer ng survey mo sis.

out of topic: sis ano ba yang bet?
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: tiny_yabbi on July 24, 2012, 01:22:23 am
hi mga sis.. how r u????
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on July 24, 2012, 01:26:03 am
hi sis! okay naman. not so busy day today... filing taxi reimbursement ang drama ko today habang nagpapalipas ng oras at inaantay mag end ang shift. :) ikaw sis? musta shift?
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: tiny_yabbi on July 24, 2012, 01:37:19 am
Doing fine din.. wala pang sale hehe.. i decided to go back in these forum i miss all of u
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on July 24, 2012, 01:44:34 am
na-miss ka din namin sis. kayang-kaya yan. magkaka-sale ka din niyan. maaga pa naman. :D
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on July 24, 2012, 01:20:19 pm
hi sis, welcome back. hehe
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on July 25, 2012, 12:51:47 am
hi sisses! parang ang bagal ng oras ngayon no? gusto ko ng umuwi kaya lang till 5 pa ko. :(
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: hot_lalai on July 25, 2012, 02:10:39 am
yehey! sagutan nyo lang sis ha if you have time. will not take you more than 5 minutes i guess. i'm proposing a facility sa office kase. i need some sort of assessment if kelangan talaga ng mga working moms yung facility na naisip ko.

@sis chococream, bet. i mean, kung gusto nyo lang po  ;D

i'm halfway through my shift na buti na lang, walang benta benta samin.  less stress :)

sige go ako dyan. tapos na ako mag answer ng survey mo sis.

out of topic: sis ano ba yang bet?
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on July 25, 2012, 02:18:43 am
ako naman kanina pa nagsu-surf lang ng net.  mga around 11 la na akong ginagawa kundi mag you tube at magbasa-basa. bagal ng oras... gusto ko na umuwi.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: swtgrl_bee on July 28, 2012, 07:04:33 am
Happy weekend Mommies :) Tagal kong hindi nakabisita dito, medyo problematic night shifter ako ngayon eh. hehe
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on July 31, 2012, 01:06:49 am
hi sisses! maulan na gabi! ang lamig lamig ngayon, ang sarap matulog. hehe...

Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on August 01, 2012, 02:32:40 pm
dito is mainit pero windy hindi ganuon ka sakit ng init pero natutuyo ang mga nilabhan ko dahil sa wind. yon nga lang make sure madamign pang.ipit kasi baka sa kapitbahay mo pulutin ang mga damit mo. hehe
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: tiny_yabbi on August 02, 2012, 03:46:34 am
Para akong kabuti lulubog lilitaw... ;D

maxadong maraming pinagdaanan ko sis pero im stronger and wiser than before promise..
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on August 02, 2012, 04:01:32 am
@chococream

hahaha... natawa naman ako dun sa baka sa kapitbahay pulitin ang mga damit. hehe... dito pabugso bugso pa rin ang ulan. ang lakas din ng hangin. di ko nga pinapasok si kulit kahapon kasi maulan. baka maya hindi ko pa rin siya papasukin pag pangit pa rin panahon

@tiny_yabbi

hi sis! hugs sis... mukhang malaki ang prob mo ha... care to share? baka makatulong kami. hope malampasan mo whatever it is your going through.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: tiny_yabbi on August 02, 2012, 06:15:29 am
 Thanks sis... Maxado lang talagang complicated ang situation ko alam ni sis chococream yan.. may anak kasi ako eh kaya masakit lang talaga.. haizz anyway malapit na uwian namen lakas siguro ng ulan na toh noh mukhang pabagsak na.. waaaa wag naman muna sana..

miss mga sis
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on August 02, 2012, 06:19:08 am
^ako naman halos kararating ko lang dito sa amin. bigla ngang buhos ng ulan kanina. ingat sa pag-uwi sis.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: tiny_yabbi on August 02, 2012, 06:46:16 am
Wow bute kapa nasa hauz na ako after shift daan pa me Grocery wala na kasing laman ref namen.. sana lang talaga di bumuhos ang ulan..
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: tiny_yabbi on August 02, 2012, 10:51:24 pm
Happy Thursday mga sis...

Even if its raining hard tonight i know tomorrow will be a great day for all of us!! :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on August 04, 2012, 05:41:42 am
Hi sis kabote tiny_yabbi  hehe joke about sa kabote ah...

yes sis very complicated. pero my friend  your mind is like the the whirling water gushing out of everywhere...
WHEN YOU ALLOW IT TO SETTLE... the ANSWER BECOMES CLEARER then you know what you will do. Die slowly or JUMP and instantaneously.  I remember a samurai about to die in the hands of his enemy, his enemy asked " How do you like to die?" the samurai said behead me please. The enemy was wondering tuloy, Why? sabi ng enemy.

the samurai only said. I dont want to suffer and give you (the enemy) the benefit to see me suffer. now i realize the meaning of the words ng samurai. its very deep pero light at the same time. its DIGNITY at its finest, the samurai dont want to give the enemy more favors in getting his lands, his power and the vanity of seeing him slowly suffer and beg.

yup sis tomorrow is a brand new great day for you as well. cheerios!!!
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on August 26, 2012, 04:57:33 am
hi mga sis, asan kayu? super busy siguro...have a great sale mga sis.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: tiny_yabbi on October 10, 2012, 12:33:31 am
sis para nga akong kabote so true, haha natawa ako dun...
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: chococream on October 10, 2012, 05:10:17 am
hi sis, missed you. busy busy na din ako pero pag sp me time talaga. hahaha
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: rosinni_robles on October 11, 2012, 12:52:50 pm
hi! pajoin din...ngayon na lang ulit ako nakapag-open..nanibago kasi ako sa shift ko...1am to 10am...

nice to know marami pala ako katulad....hehe!
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: Myangeljzd2ofus on October 16, 2012, 06:36:45 am
good morning mga momsies!! i am a newbie dito sa smart parenting site at interested ako sa online jobs since solo parent ako at ako rin ang head of the family. feel ko ang need ko to have extra income at online ang nasa isip ko pero di ko alam paano ko sisimulan. pwede ba ako sa inyo mag patulong? thank you sa mga information na maibibigay ninyo sa akin... thank you!!
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on March 30, 2013, 02:42:04 am
hi sisses! buhayin ko lang tong thread na to? anyone working today?
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: kiz_me1109 on March 30, 2013, 02:50:41 am
I'm up. =) Still at work. =)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on March 30, 2013, 03:55:44 am
hi sis! till what time shift mo? inaantok na ko... wala kasing ginagawa... boring day... kung hindi lang makikita ng counterparts ko na offline/away ako sa im kanina pa ako nag shutdown.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on April 03, 2013, 11:06:34 pm
ang tagal mag weekend... sana off na...
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: tiny_yabbi on April 06, 2013, 02:09:54 am
Im back guys...
namiss ko tong thread natin medyo naging busy ako for awhile..
miss ko na mga sis ko here...


 :) :) :) :)
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on April 06, 2013, 02:40:48 am
^hi sis! welcome back! musta na? weekend na! yey! sobrang unproductive ko today... nagloloko kasi yung vpn ko, di ako maka-connect sa office network.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: tiny_yabbi on April 06, 2013, 03:07:28 am
Doing greet sis..

kakastart ko lang sa new work ko.. Medyo nakakatamad na kasi kaya eto wala me ginagawa nagaantay lang ng  time para maguwian.. Excited to go home para makita ko na mga kids ko.
Title: Re: Want to meet mommies whose online here at SP while working night shift - 3
Post by: purple_girl on April 06, 2013, 03:21:25 am
^aaa... lumipat ka na pala ng company. ilang oras na lang out na... yey! :)