Parent Chat

Pregnancy => Getting Pregnant => Pamahiin => Topic started by: Blake on June 28, 2012, 02:42:12 am

Title: Re: nakakatuwang pamanhiin
Post by: Blake on June 28, 2012, 02:42:12 am
sabi nila ilagay ko daw buhok ni baby sa libro pag unang gupit tapos yung nails din pag unang gupit itago.
yung hair para raw tumalino. yung kuko... uh, ewan eh.  ;D
kaya lang di ko pa nagagawa yung sa hair. medyo above average naman nakakaya ng utak ko so suportahan ko na lang anak ko sa skul. nasa genes yan at sa sipag at tyaga magaral.
i dont believe in pamahiins pero where i grew up super dami ng pamahiin, yun tipong funny na. i just considered yung may mga scientific explanations naman.

p.s. tama ba? pamahiin ba to?
Title: Re: pamanhiin para maging matalino ang anak
Post by: KClaire on July 03, 2012, 12:00:24 am
siguro ganun ginawa ng parents ko nun, haha I'll ask them nga..  ;D kidding..

well, I think it's in the genes din po..
Title: Re: Re: pamanhiin para maging matalino ang anak
Post by: butterfly on July 03, 2012, 12:44:38 am
I agree sis kclaire nasa genes yan...

Anyways, sabi ng mommy ko na mahilig sa pamahiin,

1.  kapag matutulog daw si baby lalagyan mo ng kahit anong educational materials ang unanan niya like thin book or informative paper or kapag nagschool na si baby, un notebook daw sa ilalim ng unan......

2. Also, ang unang gupit daw ng baby, dapat matalino or successful na tao ang gugupit ng hair, not necessarily maayos na gupit, basta babawasan lang ng konti yung hair tapos pagnakagupit na dalhin mo na lang sa barbershop or sa pagupitan..

3.. tapos pag nagpabinyag ka naman, at madami kasabay, ask one of the ninong or ninang na itakbo palabas ng main door ng church si baby dapat mauuna sya kaysa sa ibang baby, if mapapansin nyo may gumagawa nyan, para daw laging advance si baby at top sa school :)

Ewan ko kung true yan... Well ginawa yan ng mommy ko sa amin and even sa panganay ko.... So far okay naman hahaha
Title: Re: Re: pamanhiin para maging matalino ang anak
Post by: 2gud4u on July 03, 2012, 01:53:03 am
yung brother ko ginawa niya nung binaon yung mga inunan ng pamangkin ko sinamahan niya ng mga name ng mga famous person at mga inventors.ewan ko kung totoo yun, matalino naman mga bata, laging may mga honor yun lang maliligalig. and yes nasa genes din kasi yung SIL ko eh valedictorian elem and hs and deans lister sa college, brother ko matalino din.
Title: Re: pamanhiin para maging matalino ang anak
Post by: trishevil on July 03, 2012, 11:18:29 am
^ganyan din ginawa ng lolo ko. Ayun, matalino yung bro ko. Pati mukhang genes na rin. History Boy plus Math genius ang papa ko. Mama ko rin magaling sa History. Yung mga sisters ko naman, may talent sa music. They can play the guitar and Piano by ear, Like my great grandma..so, pwedeng genes din.

Ginawa ko rin yung maglagay ng book sa ilalim ng unan..ayun..sakit sa ulo. hahaha
Title: Re: pamanhiin para maging matalino ang anak
Post by: iamkiara on July 03, 2012, 01:04:55 pm
Ginaya ko yung tita ko nilalagyan ng books or news paper yung ilalim ng unan pagmatutulog.

Ginaya ko sya kasi naging cumlaude pinsan ko eh, kaya iniisip ko baka totoo nga.. hehe
Title: Re: pamanhiin para maging matalino ang anak
Post by: KClaire on July 03, 2012, 02:00:27 pm
hmmnn.parang gusto ko na tuloy mainis, kasi weeks ago nagkaron ng ewan kung himulmol ba yun sa hair ni baby ko,yung parang nagbuhol yung ilang hair strands niya,kahit na sobrang nipis pa naman sya,ayun,ginupit ng MIL ko yun eh,ayoko nga yun gupitin,nilalagyan ko lang oil para maghiwaly yung mga hair, eeh si hubby ko nag'alaga ke baby nung time na yun, ayun silang mag'ina,ginupit yung part na yun na may himulmol.. di ko nga natabi yun.. :-\
Title: Re: pamanhiin para maging matalino ang anak
Post by: KClaire on July 03, 2012, 02:07:15 pm
2. Also, ang unang gupit daw ng baby, dapat matalino or successful na tao ang gugupit ng hair, not necessarily maayos na gupit, basta babawasan lang ng konti yung hair tapos pagnakagupit na dalhin mo na lang sa barbershop or sa pagupitan..

3.. tapos pag nagpabinyag ka naman, at madami kasabay, ask one of the ninong or ninang na itakbo palabas ng main door ng church si baby dapat mauuna sya kaysa sa ibang baby, if mapapansin nyo may gumagawa nyan, para daw laging advance si baby at top sa school :)

Ewan ko kung true yan... Well ginawa yan ng mommy ko sa amin and even sa panganay ko.... So far okay naman hahaha


natuwa ako dun sa unang gugupit dapat matalino or succesful,sana pala di ginupit ng MIL ko yung konting nagbuhol na hair strands ng baby ko.. :o
and yung sa binyag,yung SIL ko ganyan ginawa niya nung biniyagan yung anak ng fren niya,super takbo sa labas..hmnn,well,that baby is 4 y/o now and so far la ako nakikitang so impressive sa bata..baka di pa lumalabas.. ???
Title: Re: pamanhiin para maging matalino ang anak
Post by: mylittlegabriel on July 03, 2012, 02:32:30 pm
sabi ng mama ko yung about daw sa inunan, ibaon with lapis at papel daw para maging matalino..eh hindi ko naman nakuha ang inunan kapagka-panganak ko, hahaah! ako kasi sa bahay lang pinanganak ni mama kaya ofcourse nakuha nila yung saken....

natatawa ako kasi sa friend ko narinig yan ang unang gugupit eh dapat daw matalino, nagloko pa yung isang friend namin n nakarinig na kapag daw unang gupit ni baby tapos punta ka sa gupitan, ask mo daw muna lahat ng staff, ikaw anong honor mo? hahaha!

i do believe genes talaga yan..nakakaloka lang din talaga at nakakcurious yung ibang pamahiin diba... :P
Title: sharing Pamahiin at Paniniwala
Post by: kissablesam on August 14, 2012, 12:39:53 pm
Hi, got this online.. worth sharing :)

I cant copy and paste all so heres the link -->
http://girllylen.tripod.com/id14.html
Title: Re: Re: nakakatuwang pamanhiin
Post by: Mrs. Anderson on August 14, 2012, 01:56:29 pm
Merged with existing topic.
Title: Re: nakakatuwang pamanhiin
Post by: Morefun on October 20, 2012, 10:16:17 am
hehe  ;D funny talaga mga pamahiin.  I don't take them seriously.  Dapat may scientific evidence.  ;D
Title: Re: nakakatuwang pamanhiin
Post by: ladyRochelle on April 03, 2013, 01:35:36 pm
hehe kaloka talaga[/color]
Title: Re: nakakatuwang pamanhiin
Post by: twinksdinefave on August 23, 2013, 01:33:26 am
Share ko lang mga sis... ang tita ko ang ginawa niya naman ng unang bese tumaob ang baby ko gumamit sya ng ballpen ang pencil para itihaya ang baby ko kasi yun daw ang ginawa sa 2 tita ko na mga super brainy naman talaga laging valedectorian tapos sa UP diliman nag college.. tapos ang ngayon lawyer na take 1 pa tapos yung isa nasa GMA news na nagwowork.. meron pa nga gagawin kapag nag start na mag school ang baby ko..sabi totoo  daw talaga..