Parent Chat

Life => Home => Yaya Solutions => Topic started by: mommy bong on July 20, 2012, 12:46:15 pm

Title: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: mommy bong on July 20, 2012, 12:46:15 pm

hello everyone,

Nagtatagal ba mga yaya/maid nyo sa inyo? Hay, Nafrustrate lang talaga ko, palagi ako papalit palit, kahit ano ganda pakisama, palagi pa rin umaalis.. may 2 months, 3 months, 6 months then alis na.. although meron din naman nagtatagal, palagi kasi 2 kinukuha ko kasama sa bahay, 1 maid at isa yaya para sa anak ko. madali na nga kung tutuusin work nila pareho pero umaalis pa rin, lalo na pag galing agency.. pag tapos contract, kahit taasan sweldo, aalis pa rin.. hayy. siguro dapat sa susunod medyo may eded na kuhanin ko, usually kasi medyo bata (20-21yo) nabibigay sa min.
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: lorygirl on July 20, 2012, 01:16:22 pm
naku sis sakin hindi rin nagtatagal mga yaya/maid ko..months lang inaabot nila..wala pang nakaka 1 year..ang hirap pa naman humanap na kapalit nila..
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: widdle on July 20, 2012, 01:46:52 pm
Hi!  I also have that problem with yayas.  Getting older maids has also disadvantages.  Im only in my 30s and I got a maid whose 50 y/o.  She always tries to do things her way and when I try to suggest or teach her, she always says she knows how to do it.  Another thing is when they have families of their own, especially the husband, when they demand that they need to go home..it's difficult for them to say no.  My yaya already left after `1 month stay with us because her husband told her to do so, nalugi pa ko sa pamasahe.  But I have a new yaya and I hope this time, tumagal naman sya.
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: Mommy France on July 20, 2012, 02:09:47 pm
Well, dalawa pa lang naman ang nagiging yaya ko. The first one pinaalis ko dahil talagang hindi nagwo-work-out ang relationship namen. :D Malayong kamag-anak kasi ang patong-patong na yung issues ko with her so let go na lang.

The second one has been with us for more than 2 years now and I love my son's yaya. Alam ko love din niya yung anak ko at yun ang pinapahalagahan ko. Nagmamarunong din siya minsan pero I let her feel naman na I value her opinion kasi kailangan ko rin naman minsan. Pero pag talagang kailangan lang gawin, nasasabi ko naman and gagawin naman niya.

Pag umaalis kami, pinapasalubungan ko siya. Ganun din yung mommy ko sa kanya. Kapag umuuwi ako sa parents ko, may pasalubong yung mommy ko sa kanya. Way of thanking her sa pag-aalaga niya sa anak ko.

Di naman perfect yung relationship namen at minsan nag-aaway kami pero I think kaya tumagal siya samen is alam naman niya na simpleng pamilya lang kami ng asawa ko. Kinakamusta ko yung pamilya niya. At siya rin kapag nasa ospital yung mommy ko or MIL ko talagang concerned din siya.

Sa naranasan namen sa unang yaya ng anak ko at sa mga nababasa ko dito, alam kong mahirap makahanap ng kasambahay na may malasakit talaga sa pamilya kaya talagang pinangangalagaan ko itong yaya ng anak ko.
Sana magtagal pa siya samen para kung guminhawa na ang buhay namen eh mas masuklian ko naman yung malasakit niya samen.
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: prettyhope on July 20, 2012, 05:27:15 pm
waaahh! my baby is only 2years at nakakailang yaya na kami... hmm... 6 yaya na kami... pinakamatagal is 8months. ok sya 42 yrs old, kaso nagkasakit asawa niya kaya need niya kami iwan para sa asawa niya.. all around un, nag-aalaga sa baby ko, pinapaliguan, naglalaba, lahat ng sa bata plus, naglilinis ng buong bahay, fan, cr, lahat! at naglalaba din ng damit ko.. and ang bonus pa niya samen is she cook! sobrang sarap niya magluto! tumaba nga ako nung asamen pa yung yaya namin na yun! pinagluluto ako nun everyday ng breakfast ko!  :D :D :D kaya sobrang sad ako nung umalis sya samen, 3k lang sweldo niya pero super all around pa sya =) wala akong mahihiling pa kaso un nga, not all things lasts forever eheh

yung pang-6th na yaya ng anak ko is turning 17yrs old lang..  grabe dumating sya saken ng mukang wala pa talaga alam sa buhay. walang dalang personal belongings so binili ko pa, toiletris lahat! then nagulat ako may kuto yung anak ko, nahawa sa kanya! ayun binili ko silang magyaya ng "kwell". so far she's improving everyday. natututo na sa buhay hehe kasi pinagsasabihan ko talha ng bonga!!! hehe she knows how to manage her time na.. gumisging sya ng madaling araw pra maglaba, then by 12-2pm skul sila ng baby ko dahil salingpusa na sa daycare anak ko hehe sa hapon tulog sila then pag gising na sila maglalaba na yan ng uniform at magllinis. paguwi ko, malinis na na mga feeding bottles at magtutor na lang ako sa anak ko hehe thank God for having yayas lke them! kahit na yung iba is sobrang pasaway! hindi ko na lang ishare at baka maginit lang mga ulo natin mga sis hehe!

ang mahalaga, minamahal ng mga yaya mga anak natin. ako kasi sabi ko, mahalin lang nila anak ko, mamahalin ko din sila. giver kasi ako sa mga yaya. pag umaalis laging may pasalubong at pag namamasyal kami, kasama ang yaya at wala sya gastos! may pasalubong pa sya sa pamilya niya hehe
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: Mommy France on July 20, 2012, 05:37:54 pm
^^ Tama, in the end naman talaga kasi that's all that matters sa yaya ng anak mo. As long as nakikita mo yung malasakit nila sa anak mo wala namang problema. :D
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: Angeldust on July 20, 2012, 05:40:15 pm
Ganun yata talaga mga helper ngayon, porke alam nila na kailangan sila mga maangas na. Yung yaya ko for 3yrs simula nung umalis sya because nag-asawa di na kame nakakuha ng matinong helper minsan 1week lang aalis na at nakapag advance na ha kaya masusumpa mo talga ang mga hitad mga bastos na rin, mas ok na yung palit ka ng palit hanggang makahanap ka ng OK kesa naman pagtitiisan mo nalang ugali or ikaw pa makikisama sa kanila. Meron kaming naging helper 52yrs old OK sana galing maglaba kaya lang ang galing sumagot sa mama ko at laging sinasabi na marami sya malilipatang iba, so pinaalis na namin sya  ;D
Hay.. good luck nalang satin makakuha tayo ng maayos na yaya at helper.
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: mami che on July 20, 2012, 06:22:50 pm
may nagtatagal, may pinapatagal at may hindi na pinapatagal  ;D
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: kandie on July 20, 2012, 11:58:15 pm
kami din walang tumatagal puro palpak nakukuha namin lalo na sa maid puro months lang kaya sa isang taon nakaka 3 maid kami,yung mga yaya naman ng niece ko mga a year na sila pero umalis na din lumalaki na kasi yung ulo.
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: CallcenterMom on July 21, 2012, 08:58:16 am
Sa akin, ang dami ng nagdaan, pero may tumatagal naman, kaso bihira.  Latest was wala pa akong anak, maid and tindera ko sya for 4 years, umalis kasi nabuntis.  Then after her, nanganak ako, I had a yaya for 5 years.  Since 6 months baby ko hanggang sa mgaing 6 yo nasa akin sya.  Umalis kasi mag-aasawa na daw.  Yung pumalit, 6 months pa lang sa akin, gusto ko ng paalisin kung hindi lang mahirap kumuha ng mapagkakatiwalaan.  Ang hirap kasi kapag sa agency.  Lalo na uso sa balita yung mga maid na nilalason at pinapatay ang mga amo.
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: BlueAby on August 13, 2012, 10:56:59 am
Sa akin sis wala talagang nagtatagal na yaya pinakamatagal na yata yung 3mos. Yung una kong yaya ang nagtagal ng 3mos kaso pinaalis namin. Kasi puro text, pag walang nakakakita sa kanya text lang sya ng text at di binabantayan yung mga anak ko, eh nag-aakyatan na at baka mahulog. Sinungaling din kasi malakas na kalabog ang narinig namin sabay iyak ng anak ko, nung tinanong namin pwet lang daw ang tumama. Eh ulo yung hawak nung anak ko habang umiiyak siya, 1yo palang anak ko nun. Minumura din niya mga anak ko, kaya dun na nainis parents ko at pinaalis na sya

Next yaya ko wala pang 1wk nagpasundo na. Sabi ng nanay di daw talaga sanay sa gawaing bahay. Ok lang naman din sa akin kasi takot sa kanya yung anak ko. As in umiiyak pag makikita siya kaya nga halos di rin niya naalagaan mga anak ko.

3rd yaya, wala pang 1month. Petiks lang ang yaya ko na to, nagpaalam na umalis iba ang dinahilan. Pero bago pa sya magpaalam naririnig namin na kausap niya yung tiyahin niya sa phone at parang may lilipatan na karinderya daw.

4th yaya, almost 1month. Pinamasahihan pa namin siya then after 2wks (sabi niya bday niya) kaya umalis ng bahay, tapos di na bumalik. SInabi namin na di pwede un so she stayed for a month (sa usapan namin) Kaso wala pang eksaktong 1 month umalis na din siya. Ninakawan pa kami. hay. Ok sana siya sa mga anak ko, except lang sa pagbalik niya as in napapabayaan na niya mga anak ko. Pinag-aaway pa niya yung family naming mag-asawa.

Dahil sa last yaya ko na-trauma na ako sa yaya. Sabi pa nila wag na lang daw akong magyaya dahil unting panahon na lang at di na alagain yung mga anak ko. Pero I know na mangangailangan din kami lalo na kapag bumukod na kami ng mister ko. Sana lang makahanap na talaga ng yaya na for keeps.
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: violet.crumble on August 13, 2012, 04:03:33 pm
Ako din.  Namomoblema sa mga maid na di tumatagal.

1st maid ko 5 months lang.  Okay sana magwork kaya lang intrimitida.  Kaya pinaalis ko.

2nd maid,3 months lang.   matanda na.  43 daw, but turned out 53 na sya.  Nahuli ko nakikipagchismisan sa ibang maid, as in nagbibigay ng info tungkol sa pamilya ko e bilin kong wag magbigay ng info about us for safety reasons.  Nung napagsabihan ko, nagtampo, nagpaalam.

After nun mga 8 months akong walang maid.  Pagod ang katawan ko, may 1 year old pa kong hinahabol.  Ako ang tagalinis, luto at alaga ng bata.  Nagpapa-laundry lang kami.  Mas masaya buhay ko sa totoo lang.

3rd maid.  7 months.  Sinungaling.  She lied about her name.  Diba nakakatakot yun?  Bakit mo di sasabihin real name mo kung wala ka masamang balak?!  Bukod dun, parang naiwan sa probinsya ang utak.  Tapos, super poor hygiene pa!

4th maid.  8 months na kong nagtitiis.  Tamad, Sinungaling. Nangungupit.  Di ko lang mapaalis dahil pinagaawayan na namin ni hubby.  Ayaw nyang walang maid dahil buntis ako, with a makulit 2 year old pa.

Ilang months na din akong naghahanap para mapaalis ko na to pero no luck pa din.  May nahahanap, pero for some reason, di na tutuloy.  Either nagkasakit ang magulang, namatayan ng asawa, nagkasakit ang anak, etc.  So for now, still stuck with the current one.

I'm starting to doubt if ako may problema.  Di naman siguro.  Kasi mabait naman akong employer.  Nagpapakita ako ng malasakit sa kanila even if i don't feel their malasakit in return.  We eat the same food.  I give them their salary on time.  Kahit di deserve ng performance nila, i give the increase as agreed.  Pag namili kami sa mall, pati sila may konting shopping.  You'd somehow expect some form of appreciation or gratitude in return pero wala.

Sorry ha.  Naging rant na tong post ko.  I just really want to find a maid na deserving sa kabaitan namin.
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: CallcenterMom on August 14, 2012, 12:35:26 pm
It is really hard to find a good and reliable yaya and bihira talaga ang tumatagal.  Either nilalayasan ka or pinapalayas mo.  In my case may mga tumatagal naman sa akin. 4-5 yrs.  Wala pa namang mas matagal pa dito.  I wish meron lang talagang forever syo na kaso, syempre ang mga katulong  may mga pangarap din sila so hindi natin talaga mapipigilan.
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: mommy bong on August 14, 2012, 12:45:12 pm
tama talaga mag mommies, and mga sisses... mahirap talaga makatagpo maayos at reliable na yaya/maid.. makatagpo man, hay after 1 year aalis din for their personal plans in life... di na yata talaga uso un tulad noong una na hanggang pagtanda at pagkapanganak, yaya mo, naging yaya na anak mo..

dami ko na aubos pera sa agency, puro palpak din.. sa ngayon naman, thankful ako at may nakuha ako yaya at maid na ok tlaga, worth it ang pasahod namin... maasahan at mapagkakatiwalaan, so far... salamat dito sa smart parenting forum, dito ko nakuha un number nagrefer sa kin.

Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: sweetpumpkin on August 14, 2012, 01:00:30 pm
sa akin din, hindi nagtatagal ang yaya/maid. hindi ko na din kasi sila matagalan. nung una sobra akong apektado kapag nagpapaalam o tumatakas ang yaya ng anak ko. sa una gigil na gigil ako bakit ako tinatakasan. yung mga nagpapaalam naman, pinapayagan ko sila umalis. hindi ko pinipigilan o pinapakiusapan na mag stay.nung dati i feel so betrayed talaga kasi nalaman ko na yung hipag ko mismo ang nagpatakas dun sa maid, pinayagan niya umalis na hindi nagpapaalam saken.i was young pa naman kasi noon. 25 yrs old.nun nagsimula na kami mag abroad, natuto na ako. at ngayon hindi ko na kailangan ng yaya o maid. may maliit pa akong anak, pero kaya ko na pagsabayin ang bahay at bata.  dati pa pag nakakahanap kami ng okay na yaya, paalis naman kami ng bansa. dun ko nasasabi sayang,bakit ngayon lang kita nakilala hehe...nakahanap ako ng ok na yaya 3 times. pero we have to leave the country kaya di namen sya na keep...kaya ako ngayon promise ko sa mga anak ko, aalagaan ko mga anak nila.mahirap ang mga naranasan ko with yayas, ayoko maexperience ng mga anak ko yun.
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: violet.crumble on August 15, 2012, 03:40:31 pm
@Mommy bong - pa-share naman ng number ng agent mo.  baka sakaling swertehin na din ako.
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: mommy bong on August 17, 2012, 01:09:24 pm

sana po eto pa rin number nila.. pakitry na alng po 09434924123.

Goodluck po!
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: proudofELA on August 28, 2012, 03:27:27 pm
Nakailang palit din kami ng yaya for my daughter before. My baby's yaya now has been with us for almost 4 yrs.  Swak na swak siya sa amin and sa baby ko, who is almost 5.  Minsan may mga kinakainisan ako sa kanya but I try so hard na initindihin, kasi super love naman niya ang baby ko and hindi niya talaga pinapabayaan. :)
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: nuttymommy on September 02, 2012, 08:38:05 am
I don't understand yayas nowadays. We've had yayas na after 1 week nagpapaalam na dahil di daw nila kayang mag-alaga ng bata. Why apply for yaya job in the first place? Why not apply for job as a medical doctor or lawyer!!! Parang nakakaloko kasi, we have to waste time training, only to leave after 5 or 6 days. Despite good compensation and fair, kind treatment.

I think ang ayaw nila sa household namin, laging may kamag-anak in the house to oversee yaya. They prefer to be alone in the house with the baby para pwedeng hindi sila mag-trabaho and nobody would know about it because the baby can't speak.
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: CallcenterMom on September 04, 2012, 12:38:06 pm
I just changed my yaya 2 weeks ago.  Yung last yaya ko, bukod sa tamad, imagine she thinks she can get away at shouting at my daughter and threatening to beat my daughter with a hanger.  Kapal ng pagmumukha niya.  Nobody does that to my daughter and get away with it.
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: mommyjm on September 06, 2012, 01:57:38 pm
Observation lang mga sis...

Whether maid or yaya, in my own experience, makikita talaga totoong personality/character niya after 3 months. At the start, sobrang sipag and mabait but then, pag at ease na syempre lumalabas na natural na ugali.

All our maids/yayas in the past, pag 2 years na, mahirap ng pasunurin, medyo matigas na ulo. Kaya for us, pag 2 years na sya sa amin nag eexplore na kami ng kapalit and kapag nagdecide na sya umalis, okay lang sa amin.

I also realized, na sa baby very critical yung first 2 years niya. Yung yaya ng baby ko from newborn til 2 yrs old sya, masipag and caring sa baby pag andyan kami. Pero pag wala, nood lang ng tv ang inaatupag or pakikipagchismisan sa maid. That's why delayed speech yung anak ko, di niya kinakausap during daytime kasi busy sya sa panonood ng tv. We found out when we left a voice recorder at home.
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: imeego on September 06, 2012, 02:38:51 pm
yaya ng baby ko more than 1 year na sa amin..siguro swerte din ako na masipag at matyaga sya kahit na super likot ni baby saka madaling syang sabihan, there are times na may mga sablay din pero for me as long as di major sablay like nasaktan ang anak ko, ok lang sa akin ...one factor din siguro na more than 1 year na sya sa amin is di din sya masyadong hirap sa pag-aalaga kasi most of the time nasa akin naman si baby since sahm ako....di ko sya inobligang gumawa ng ibang chores kasi may all-around helper naman, pero ang maganda sa kanya tumutulong pa din everytime free sya at nasa akin si baby :)
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: CallcenterMom on September 11, 2012, 03:21:39 pm
May kinuha kami yaya sa Cavite.  Tinubos ko sa amo niya.  1 month pa lang kasi gusto na umalis eh hindi ko naman masisisi yung dating amo kasi pinamasahian pa niya from Samar.  Sabi sa akin, gusto daw mag-trabaho malapit sa anak.  Eh yung anak halos kapit bahay namin.  So, tinubos ko at pinalayas ko ang luma kong yaya (for several reasons) para sa kanya.I spent almost 5k para bayaran ang utang niya at pamasahe niya para makapunta sa amin at bayad sa sumundo sa kanya sa Cavite.

Eto ngayon, kagabi nagsabi sa akin na uuwi na daw sya sa Samar kasi daw pinauuwi na sya ng bayaw niya para alagaan ang mga anak niya.  2 weeks pa lang sya sa akin.  Na-realized daw niya hindi pala daw niya kaya ang trabaho sa Maynila.  My God, 8 ang anak niya lahat hindi tapos sa pag-aaral  pinaka-bata is 4 yo tapos ang nagtratrabaho lang sa kanila is yung anak niya na kapitbahay namin na katulong din.

Ang nakakainis pa, the way she tells me kagabi na uuwi na sya ay parang ganun-ganun lang.  hindi niya inisip ang perwisyo na ginawa niya.  Pinalayas ko yaya ko na puwede ko pa naman pag-tyagaan kahit papaano. Gusmastos ako ng 5k para makuha sya tapos ganun na lang un.  Minsan hindi ko masisisi ibang mga amo na nabwibwisit sa mga katulong.  Mapansamantala kasi karamihan sa kanila.
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: Golda_Magsaysay on September 12, 2012, 03:09:35 pm
yung maid namin mga 6 months pa lang sa amin but she's been very good with my daughter. what i like most about her is that she keeps my daughter active. overweight kasi anak ko at natuwa ako na may initiative talaga yung yaya na ipaexercise sya.

ngayon palaging sumasayaw yung anak ko ng Goldilocks Bitbit dance, kasi pinakita ng yaya niya sa Youtube. gusto pa nga niya sumali sa contest e!

rare talaga makahanap ng maid na ganun ka-ok pero rest assured na marami din akong dinaanang "bad eggs". patience lang talaga ang sikreto. 
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: KVsmommy on September 14, 2012, 12:38:51 am
Our yaya naman has been with us for almost 3.5 years na. Ilang days old pa lang si baby, she was with us na. And wala naman talaga ko masabi, she's mabait and all that. We love her like family. Pero like mommyjm said, habang tumatagal, nagiging 'comfy' na masyado. Minsan napapansin ko, you have to tell her thrice pa before she stands up from where she is to do something. Di ko alam kung hindi lang talaga naririnig or talagang hobby lang niya maging spaced out lately. :) Pero ok lang naman, we can live with that... I can't expect her naman to be perfect. Sadyang ganun lang talaga siguro lahat ng tao, they change. :) Basta matino naman sya sa bahay, and especially with my daughter, we're good. :D
Title: papalit palit nag yaya
Post by: macon on February 23, 2013, 11:13:07 am
hi mga mommies ask ko lang opinion nyo, i have pamagkin kasi na laging umaalis ang yaya so ang nangyayari bago ng bago yng pinapakisamahan niya. minsan kapag umaalis yng mommy niya umiiyak na sya, pakiramdam niya siguro iiwan rin sya ng mommy niya. pano ba ihandle kapag ganun yng situation? nakaawa kasi.
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: BrightasDay on May 01, 2013, 12:00:48 am
Hello mga mommies,

Based on my observation, you'd have to be really rich to have loyal ones. Kasi kung ordinaryong tao lang employer nila, with just basic salaries, good food and good pakikisama - its not enough for them.

Dalawa kaming kumukuha ng kasambahay, my mil and our family, at kahit anong ganda ng pagsasalita ko, they always have something to complain about na I'm mistreating them, but when my wealthy mil even shouts, tinatanggap lang nila, kahit makurot pa sila.

Namimili sila ng amo na marami silang mauutangan, maa advance, at sobrang galante.

Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: mommyjm on May 01, 2013, 08:59:45 am
^i an relate to this. Yung yaya ng neighbor ko lagi akong binabati and sabi niya gusto daw niya lumipat sa amin pag kelangan na namin ng yaya. I asked my yaya bakit gusto lumipat sa amin nung yaya ni neighbor kasi nakakausap naman niya. Sabi ng yaya ko, yung amo kasi nun walang kotse and kapag nagpupunta sa mall, nagcocommute lang so napapagod daw sya magbitbit ng mga bag. Tapos konti lang daw food ang meron dun, di katulad sa amin na madami. hehe
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: mommyonsale on May 02, 2013, 08:33:59 pm
Yung yaya ng anak ko Aalis na sa 10 1 month pa Lang sya sa akin ang dahilan dahil nakapasa sya sa scholarship... Syempre Wala naman ako magagawa sayang opportunity niya eh... Sayang din kasi NASAma na sa kanya yung bunso ko... Ang hirap maghnap pa naman
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: mommyjm on May 05, 2013, 07:29:25 pm
So far nagtatagal naman sa amin... Wala pa naman lumalayas o umaalis ng kusa. Sa tatlo ko na naging kasambahay, ako lang yung nagpaalis sa kanila kasi sa akin, pag gumawa ng kalokohan, ayoko ng maraming explanation. Alam naman nila yun bago pumasok sa amin. Yung una, pinaalis ko kasi sinisiraan kami sa kapitbahay at iniimpluwensyahan pa yung isang kasambahay. Yung pangalawa at pangatlo, pinaalis ko kasi hindi sumunod sa usapan na balik after dayoff. Yung dayoff nila, aside pa yun sa 1week na holy week at 2weeks na christmas vacation na binibigay ko sa kanila. Every sweldo and long weekend, pinapayagan ko sila mag dayoff. At aba, yung 3 days na dayoff nung long weekend e gusto pa 4 days. Pinababalik na namin, ayaw pa... So ayun, sabi ni hubby, sige wag na kayo bumalik. hehe
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: MissPychi on May 06, 2013, 04:42:01 pm
We had 1 before (yaya/all-around/cook), tumagal ng 11 years.  She took cares of my 1st born who has mild asd (who is now turning 13 yrs old). Siya na rin na nag alaga sa 2nd child ko.  Umalis lang siya kasi nag asawa.... by the way, may kasama na siya na yaya during this time who take cares of my 3rd child naman, I hired her from an agency.

After her, wala ng tumagal, yung pumalit sa kanya, galing pang probinsya, stayed with us for 6 months.  Nag dahilan na magne-negosyo daw sila ng husband niya at malapit na ang pasko.  We let her go, to know that in the end, lumipat lang pala sa iba... then may nalman pa ako na ang reason is my 2nd child/daughter daw, mabagal daw kasi kumain?

Ang sumunod, sa agency ko kinuna. She was good naman, kaso she ran away 2 weeks short of her end of contract.  Na-in love daw sa "tibo"... then ang reason again is my daughter din!

I contacted the agency and got another maid, this time nakuha ko seems ok, but is a bit on the "vocal" side.  1-1/2 months pa lang siya sa amin...

The 2nd yaya (for my 3rd child) left after more than a year with us, just recently lang... nag apply ng helper sa dubai.  Kumuha uli ako sa agency ng kapalit niya, but yung pumalit sa kanya stayed with us for half a month lang and left na walang sabi... she's a 44 year old mom of 3 kids.... one of the reason daw is I deducted part of the agency holding fee from her salary!  Eh now, kulang pa nga ito pang bayad sa replacement niya!

Now I'm running after the agency for a replacement... (see separate thread related to this... feedback from YAYA AGENCIES  :( )
How I wish I can again get a yaya/maid like the one who has stayed with us for 10 years!  Nakaka-stress lalo na if you are a working mom.  Hindi maka concentrate sa work dahil sa problems sa mga yaya/maids!
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: kiz_me1109 on May 24, 2013, 06:02:08 am
My 3 year old had 4 yayas. The first yaya lasted for 2 months I think. SIL siya ng maid namin sa province. She said that she needs to go home because papasok na sa school yung anak niya. It didnt bother me that time because naka maternity leave pa naman ako. Then, we had another yaya. Mas bata naman siya. Months lang din siya kasi umuwi at mag aaral daw. The 3rd yaya was a relative of mine. Tumagal naman siya ng 3 years samin. kaso, nag no show din nung umuwi siya sa province because her father passed away. The 4th yaya which is our yaya now e 1 week palang samin. Ok naman siya. Hopefully tumagal siya sa amin. I'm quite bothered because she told me na nag apply daw siya sa Malaysia. Pero next year pa naman daw siya aalis. Sana nga...
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: jannabanana on May 24, 2013, 08:39:20 am
my baby had 2 yayas na. Yung una nyang yaya okay samin kasi may exp. 4k sahod niya ang work lang niya is sa baby lang talaga, laba ng damit, linis ng bote. Hirap lang kami sa kanya dati kasi once a week ang day off niya madalas siya mag extend lagi niyang dahilan may sakit anak niya na 2y/o minsan wala daw magaalaga. Tumagal siya samin ng 10 months. Then 1 time nagsabi na maguuwian na daw siya araw-araw tinanong namin bakit sabi niya wala daw magaalaga sa anak niya. Ayun wala kaming choice pumayag kami. After 2 days na naguuwian nakita nung Lola ko na putlang putla, yung pala ang dami daw dugo na lumalabas sinabihan ng lola ko na baka nakunan siya.. Sabi ba naman samin malabo daw siyang makunan at malabo daw siyang mabuntis! Dinala ng husband ko at MIL ko sa maternity para ipacheck it turned out na buntis nga siya at nakunan na. Need na iraspa at ang dami naring dugong nawala sa kanya. Pinilit pa nila hubby kasi ayaw paraspa dahil hindi daw siya buntis kaloka! pinagtatawanan na nga daw sila ng mga nurse dun kasi naka emergency sila tapos ayaw pa paraspa. Nung huli napapayag din kasi pinagalitan ng MIL ko. MIL ko lahat gumastos naka 11k siya tapos nung naconfine na yaya ni baby sabi namin tawagan asawa para mapapunta, ayaw ba naman iniisip tuloy namin baka sa ibang lalaki yung pinagbubuntis niya kaya ayaw niya ipasabi. After nun wala man lang thank you or kht na ano. Pinagrest namin siya ang pumalit sa kanya yung kapatid niya. Then after 2 weeks na dapat babalik na siya hindi na nag pakita ni thank you para dun sa nagastos sa kanya wala. May utang pa siya samin  na 1k wala na din.

Ngayon ang yaya ni baby is yung anak nung first yaya. Sabi niya samin hindi niya tinuturing na nanay yung nanay niya kasi iniwan sila, talaga palang hindi maganda ugali nun.  Naging katulong nadin namin etong bago before pero as side line lang. Mabait naman siya, mas bata at sinasabihan namin na wag gumaya sa nanay niya na anak ng anak kung kanikanino. Sabi naman niya magiipon daw siya para makapag aral siya. Sana lang tumagal siya sa amin.
Title: YAYA number 15 and counting...
Post by: ant_md2003 on June 04, 2013, 03:48:58 pm
We can't seem to hold on to just 1 yaya for my kid.  He's 4 years old, courteous, kind and loves all his yayas to pieces but some how one way or the other they all go.

yaya #1: a 60 year old old-maid whos has been with my wife's family for 30 years. But has a tendency to bark at you when you ask her to do something. Left when we told her if she could  lay off the barkng just a little.
yaya #2: a 16 year old whose priority was  the TV rather than my kid.  Well she had to go.
yaya #3: a 30 year old who was more concerned about how much powder she had on her face.  One time my son vomited while she was carrying him and she was so hysterical that she had vomit all over her passed the baby to me and proceeded to the bathroom. I had to clean up the floor by myself.  She had to go.
yaya #4: ran off with our gardener
yaya #5: possible psychological problem
yaya #6: drug addict
yaya #7: too opinionated
yaya #8: got married
yaya #9: was pregnant when we hired her, got an abortion, etc..
yaya #10: father got sick and had to leave
yaya #11:got pregnant
yaya # 12: left to study caregiving
yaya # 13: left to vote in the recent elections and never came back
yaya # 14: always talking on her cellphone
yaya # 15: she said she is leaving because she's bored.

Title: Re: YAYA number 15 and counting...
Post by: smart.momi on June 05, 2013, 03:21:50 pm
hi sis ant_md2003, ako naman ito:

yaya #1: left because bored nga daw sa house.
yaya #2: 55yrs old. ang landi. mas matindi pa ang arte sa katawan kesa sa akin. Hindi kumakain ng sardines kasi nakakasira daw ng skin. Vegetarian daw sya. kaloka. Umalis kasi maglilive in na daw sila ng 24yr old bf niya. oh well kelangan nga niya umalis. yung mga lalaki dun sa lugar namin nilalandi niya at proud pa sya.haha
yaya #3: pinalayas ko pagkatapos saktan ang anak ko at i-shell out lahat ng informations namin sa bahay namin na tsismosa.
yaya #4: umalis kasi nabobored din sa house
yaya #5: sana okay na to this time.

hays mabait naman ako sa kanila. di ko alam baka nasobrahan ako ng bait.
sana makahanap tayo ng matitinong yaya na ituring na anak nila yung mga anak natin.
Title: Re: YAYA number 15 and counting...
Post by: MissPychi on June 05, 2013, 04:19:17 pm
Hindi pa naman umaabot ng 15 ang sa amin, but I'm praying huwag naman!  Hirap kaya.... here's my situation:

In my case, I had a Yaya who stayed with us for more than 10 years (13 years to be exact), but she left kasi nag-asawa, then, here comes the dilema...

Batch 1 - who's looking after my 2 kids plus luto/linis
Yaya #1 (13 years) - nag asawa na
Yaya #2 (6 months) - nag paalam, mag bi-business daw sila ng asawa niya... then I discovered lumipat sa iba
Yaya #3 (5 months & 2 weeks) -  left w/o paalam.  sumama daw sa BF niyang "tibo"
Yaya #4 (2 months & 2 weeks) - left w/o paalam. nag hanap daw ng mas masmalaki ang sweldo (she was previously an overseas worker/maid)
Yaya #5 - currently on her 2nd week pa lang... but heard rumors that she will not stay long.  Up to end of the month lang daw! Waaah....  :'(

Batch 2 - who's looking after bunso, plus laba/linis
Yaya #1 (2 months) - hiram lang
Yaya #2 (3 months) - bumalik ng province, kasi di siya sanay sa hindi "compound" ang location
Yaya #3 (2 years) - sumama sa BF at nag live-in
Yaya #4 (1 year & 1 month) - nag abroad
Yaya #5 (2 weeks) - left w/o paalam.  nag deduct daw kasi ako ng "holding fee" sa sweldo niya
Yaya #6 - still looking  :(

I'm now thinking, is there something wrong with the set-up or with the kids, or is it with us?  Kaya di na tumatgal sa amin ang mga maid/yaya?  Kawawa nga mga kids sa mga ganung situation, mag-aadjust sila ng mag-aadjust every time.
Title: Re: YAYA number 15 and counting...
Post by: smart.momi on June 05, 2013, 04:26:05 pm
tama sis..kawawa ang mga bata. mahihirapan na naman sila mag-adjust. kaya ako ito. yung yaya ngayon ng anak ko hiniram namin from my tita for a summer lang. eh gusto na rin magstay sa amin. kaya hanap ako kapalit niya para mabigay ko sa tita ko..
Title: Re: YAYA number 15 and counting...
Post by: mommyandkiehla on June 06, 2013, 02:07:16 am
Hay! Me, too!

Yaya1 (2months). Had to leave to help out in their farm daw in the province.
Yaya2 (2weeks). Grabe super mahiyain, halos hindi kumakain sa hiya niya. Ayaw magsalita kapag kinakausap. Always hawak ang celphone.
Yaya3. (1month), kailangan niya na umalis bago pa magdilim paningin ko. sumasagot ng pabalang kapag may iutos, kapag napagsabihan humahaba ang mukha at nakasimangot the whole day, sinungaling, and most of all sa isang month niya sa amin naku hindi ko na mabilang ilang beses pumutok labi ng baby ko. Nagkabuko. At nagkagalos. at take note ang baby ko ang may kasalanan daw.
Yaya4. (5months) she was actualy yaya 1, bumalik and ok na sana, super ok but umuwi nung elections at hindi na bumalik. I dont know din kung sino ang may problema. Super bait ko na, ipinagshosopping ko pa siya, new clothes always, shoes, ni hindi ko na pinagsasabihan kapag may hindi ako nagustuhan sa gawa niya. I let her watch tv etc etc tapos eto hindi na bumalik. Wala man lang abiso.

Hay maids these days talaga.
Title: Re: YAYA number 15 and counting...
Post by: littleNudger on June 06, 2013, 07:36:05 am
Agree mommyandkiehla.. Kami naman medyo nagtatagal pero umalis pa din..

Yaya #1 - 3mos, had to leave kasi may kabit daw asawa niya, sa amin pa sya nagvent out ng sama ng loob niya and nung umalis, umiyak pa and txt ng txt na miss na na daw niya baby ko and txt lang namin sya kung need namin sya, didnt ask her na to return kasi may pagka tsismosa at sinabi pa na mas maganda daw sya kesa sakin, nag init ulo ng asawa ko... haha!


Yaya #2 - almost 1 yr.. left dahil sa subic na daw magsstay, turned out, nsa manila lang at nagtanan pala sila ng staff ng asawa ko, our most trusted staff for so many years, ayun, binoyfriend niya at sya ang nakasira at pariwara..


2 months nang walang yaya since yung staff ni hubby na tinanan ni yaya #2 ang taga hanap namin ng replacement :( sobrang sayang, umalis na lang, nangdamay pa.. haaay!
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: Mommy Jazz on June 06, 2013, 10:17:43 am
Merged with this topic:
Papalitpalit ng yaya
and
YAYA number 15 and counting...
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: violet.crumble on June 28, 2013, 04:47:06 pm
Yaya #1 - 18 years old. intrimitida. pero ok sa trabaho, may kusa.  yun lang talaga, feeling close. stayed with us for 6 months.
Yaya # 2 - 53 years old.  mabagal kumilos. nakakailang utusan. lied about her age. tsismosa.  stayed with us for 3 months.
Yaya # 3 - 25 years old. stayed with us overnight. namiss daw ang anak.
Yaya #4 - 27 years old. stayed with us a month kasi mas gusto ng mas mataas na pay at mas malapit sa pamilya sa bulacan.
Yaya#5 - 32 years old.  stayed with us for 8 months. had to teach her everything including hygiene.  loves my son and may kusa. left kasi wala daw mag-aalaga sa anak niya. later on i found out lumipat sa mas mataas na sweldo.
Yaya #6 - really dont know how old she is. 16 ba o 17 o 18.  when it's convenient for her to be a minor (nung gusto na umalis and pinapastay ko until may kapalit, minor sya, nung sinabi namin na sa DSWD sya ite-turn over, 18 na daw sya) ma text. malandi (as in laman ng tsimis sa condo about her sexcapades with the guards and janitors. tamad sa work. pero kasundo ng anak ko.
Yaya #7 - 33 years old. stayed with us a month.  nag -advance, nag day off at di na bumalik.
Yaya# 8 - 49 years old.  2nd day pa lang niya samin. gusto ko na syang paalisin. matigas ang ulo. ayaw sumunod. nas marunong pa sa akin sa pagalaga at pag disiplina ng anak ko.

Babalik daw si yaya#5.  keeping my fingers crossed.
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: betchai_1025 on June 28, 2013, 07:30:29 pm
Yaya #1 - (My panganay's yaya)  mabait and love na love ang anak ko. stayed for a year and went abroad. she still
                communicates with me and lagi may pasalubong alaga niya pag umuuwi dito pinas.

Yaya #2 - Yong maid ko na 1 year na samin ang ginawa kong kapalit ni yaya #1. I thought mas ok kasi kilala niya anak
                 ko so mas maalagaan. Hay, it turned out sinasaktan baby ko.

Yaya # 3 - mabait but stayed for 5 months kasi sumama sa boyfriend na guard ng village namin.

Yaya # 4 - mabait, masunurin, love na love alaga niya. stayed for 6 years and went abroad.

Yaya # 5 (My 2nd child's yaya) love na love alaga niya, mabait, mapagkakatiwalaan...  4 years and counting....

Yaya # 6 (My 3rd child's  & panganay's yaya)  mabait, mapagkakatiwalan, mahal mahal mga anak ko... 5 years and
               counting....


Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: Morefun on July 03, 2013, 08:33:22 pm
Hi mga sis!  Si yaya ko ngayon ay medyo ok naman.  Bata pa at malakas kumain.  Nakak isang litro siya ng iced tea a day and nauubos niya ang isang bag ng marshmallow namin.  Medyo kailangan ko talaga mag budget na maiigi kasi nauubos niya ang food sa house.  Ok na din kasi mas mahalaga sa akin na love niya baby ko at inaalagaan niya ito.  3k ang salary niya pero alang laba.  Linis lang ng house at si baby.  Kami kasi ni hubby ang namamalengke at nagluluto.  Grateful na din ako.  3 mos na din siya sa amin. 
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: yanmae on July 26, 2013, 05:44:37 pm
@imeego

Hi sis, saan kayo nakabili ng voice recorder? at paano nyo yun tinago? takot kasi ako magleave ng voice recorder baka makita nila at baka magplay bigla yun kapag na-reach na yung number of hours ng recordings niya, pag nakatago naman baka di rin makasagap ng usapan.. May gusto lang kasi akong patunayan, yung chikahan nilang mag hipag (mag hipag ang kasambahay ko) saka kung paano nila itreat si baby.. ;)
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: yanmae on July 26, 2013, 05:48:41 pm
@mommyjm

I super agree with you sis..  Ganyan na ganyan din ang naranasan ko. Mga sipsip pa, lalo yung kasambhay nila mismo, sobra yun although okay sya sa trabaho kaya like din sya kaso sobra ding chismosa at naninira sya..!
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: Morefun on August 12, 2013, 07:37:00 pm
Wala na ang first yaya namin.  Dadating hopefully si yaya #2.  Si yaya #1 sinungaling, malakas kumain at halos dikit na ang cellphone sa tenga niya.  Umalis at kung ano ano kasinungalingan ang sinabi sa nagrecommend sa kanya.  Nagka open forum kami kagabi, para claro ang lahat, di siya makapagsalita ng sinabi lahat ng saloobin ko at kung gano siya kasinungaling.  Hindi ako papayag na magkalat siya ng tsismis, kaya nagharap harap kami, ako, husband ko, mother in law, siya at ang nagrecommend sa kanya.  Akala niya palalagpasin ko kasinungalingan niya... nakahanap siya ng katapat sa akin!  Tameme siya sa open forum namin.  Di ko siya uurunga.  Of course, let me reiterate, no regrets ako sa magandang pinakita ko sa kanya at sa lahat ng mamahaling pagkain na binibigay ko sa kanya, dahil alam ko babalik din yun sa akin, siksik liglig at umaapaw.  At ang pagsisinungaling niya, babalik din sa kanya yun, siksik, liglig at umaapaw!    >:(
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: apple11 on August 27, 2013, 10:33:00 pm
Depende naman din kasi sa tao yun. Minsan kahit anong gawin mong mabuti at pakisama gawin mo (amo pa nakikisama) aalis pa din sila. So far 2 lang na maid tumagal at gusto ko performance. Sa dami ng mga namasukan sa amin.
Naka 2 yrs mahigit yung isa ko na maid kaso naenfluence ng kapwa maid kaya umalis at sumama sa bf. gusto bumalik kaso gusto ng asawa kasama sya e wala naman ako ibibigay na trabaho at ayaw din niya kasama.
1 month lang 2 ko maid. Magkasama ng kinuha ko. Naawa lang ako kaya ko kinuha tutal lumuwas na kahit calumpit lang galing. Kaya naging 3 sila. mahirap pag marami at nagsisilipan kahit may kanya kanya ng tokang trabaho. Sinungaling pareho at ubos lahat ng pagkain pati foods ng mga bata. Tinago nila na may mga anak sila. Di lang na nakadeny sa checkup. Kasi pinapacheck ko bago ko ipaalaga mga bata. Sabi nung isa uuwi lang sandali pero di na bumalik.   
1 yr. ok lang kasi magaaral ng vocational course. Love niya mga kids. Masaya naman sya at nakapunta daw sya sa ibat ibang lugar. Masipag at sensitive.
1 day. First day niya namasyal pa kami sa moa. At kami ng hubby ko nagalaga at bumuhat sa kids. Push lang sya stroller at wait sa upuan habang kami pagod sa paghahabol sa kids sa cosmic kidz. Bumale pa ng 1k buti na lang 500 lang muna pinabale ko. Ayun di na bumalik. Kapitbahay namin nagrecommend kaya nagtiwala kami. Pamangkin niya. Nalaman ko sa asawa ng kapitbahay namin na buntis pala yung pamangkin. Mga manloloko alam naman pala niya. Kumita pa sya sa akin ng pamasahe syempre sobra.

Marami pang iba. Kaya minsan di mo masisi mga amo bakit mahigpit sila. Sa dami na rin ng naencounter na di tumutupad sa usapan at manloloko.
 
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: mommyonsale on September 17, 2013, 03:35:53 pm
Yung yaya ko naman naka 4 na Ako...

Yaya1 naka 6 years Sa akin 17 years old sya ng dumating Sa akin sya nag alaga Sa panganay ko. Nung buntis Ako Sa pangalawa naalagaan pa niya pero umalis na sya nag asawa Kaso nabalitaan ko niloko Lang sya... Pumalit si yaya2 kapatid niya 17 din ng dumating pero 1 month and half Lang mag aaral daw sya nangakong may kapalit pero isang malaking kasinungalingan Hindi na nagparamdam kaya ayun si yaya1 super sorry Sa akin... Then si yaya3 senior na 61 years old Sa baby Lang sya at linis Lang ng little pero Ako lahat.. 3 months Lang sya Kasi aalagaan naman niya yung apo niya Sa pamangkin which is yun naman kasunduan namin na aalis sya kapag kinailangan na sya ng pamangkin niya... Yaya4 bago Lang sya Sa akin 5 days pa Lang 17 years old Kaso napag nakawan Ako agad ng 1000 at pabango pero umamin naman Dahil yung tita niya Mismo eh yaya din dito Sa likod Bahay namin... Tinanggap ko pa Rin at binibigyan ng pag Asa Kasi natukso bata pa pero sana wag ng maulit Dahil palalayasin ko na sya... Masinop Sa Bahay Kaso intrimitida atsaka maharot grabe... Waley muna aketch trust Sa kanya... Observahan ko muna...
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: Cyril Coreces on January 18, 2019, 07:38:20 pm
Nakuh mga mommies.. Agree ako na iwasang kumuha ng yaya na mga 20-21. Naexperience ko na din.. She is a single mom and 2 months lang tanda ng baby niya sa baby ko.. Galing probinsya at nirecommend ng kawork-mate ng papa ko kasi dating nagwork sa kanila... I paid her air fare from davao to manila and even gave her allowance.. Umabot 3 months okay pa siya pero nung nagtagal na nakabili na siya ng android phone at nagkaroon ng kaibigan dito sa amin, dun nagbago ang lahat.. Nakalimutan baby niya at kung sino-sino boyfriend at kausap online kahit pinagsasabihn namin, worst ay tumatakas pag gabi nagpapaalam na nagpaload tapos malaman mo nalang napunta na ng star city kasama barkada o kaya nasa beer house.. Hindi na din maayos trabaho niya dahil hindi na nakafocus sa baby ko. Ang matindi nalaman ko sa may-ari ng tinatambayan nila na tindanhan ni baby na nagyoyosi pala siya ng kaharap ang bata 😠 . Tama nga na kahit anong buti ng pakikitungo mo, bigay mo ng tulong wala pa rin effect, binibigyan ko damit at minsan supplies baby niya.. Sinasadya ko din dagdagan sahod niya para may pambili vitamins sa anak niya, pinadala ko pa yung mga stock kong vitamins at gamot sa kanya nung umuwi siya ng davao (and yes sagot namin ang ticket at nag-CA) pa siya.. Pero pagbalik wala din.. Balik sa dating gawi kaya pinauwi ko na ng davao dahil stressful talaga mga mommies.. Ngayon kapatid ng nanay ko, yes tita ko, ang pumunta last week para tumulong sa amin at bibigyan lang namin allowance 5k per month plus sss and phil health benefits.. Mas okay kasi daw pag relatives.. 😊 subukan nyo din mga mommies kung may kamaganak kayo na pwede makatulong bigyn lang ng allowance. Kaya natin to mga mommies'
Title: Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
Post by: Cyril Coreces on January 18, 2019, 07:41:57 pm
Kamusta mommy? May update na ba sa observation mo s yaya mo? ☺ same tayo maharot nkuha ko kaya pinalayas ko na