Parent Chat

Pregnancy => Getting Pregnant => FAQs and Common Pregnancy Concerns => Topic started by: momhieHey on August 24, 2012, 04:00:53 pm

Title: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: momhieHey on August 24, 2012, 04:00:53 pm
Basahin sa Smart Parenting:
How Much Does Pregnancy Cost? Forget Frills to Keep Expenses Down
Click HERE.
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2017/03/08/costpregnancy-web.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/knowledge-is-key-to-keeping-pregnancy-costs-manageable-a1523-20170309?ref=parentchat)

Hi mommies... :)  I'm super excited kasi i take the pregnancy test twice last july tapos mag-kaibang day. And positive siya!!!!!!   ;D di pa kami nag-papa checkup ng bf ko kasi di pa kami sure kung magkano magagastos namin. Pero i think i need na for my baby, tsaka sobrang selan ko mag lihi and if you calculate 10weeks na ko. help naman. I'm living in Pasig City. Thanks Mommies.  ;)

Naka-relate ka ba? Maging member na para makapagpost ng katanungan o payo dito
(https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply to join this discussion (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=53334).

(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: ysLim on August 26, 2012, 02:24:06 pm
congrats sis momhieHey!

normaly sa 1st prenatal visit you will undergo a series of lab tests. iba-iba kasi ang rates depende sa kung sang hospital/laboratory. so let me give you the list of lab tests your OB will most probably ask you to have:

-cbc
-urinalysis
-tvs/utz
-glucose screening test
-HBsAg(hep B screening)
-papsmear
-blood type

so, lab fees ++ consultation fee ng OB

check mo na lang rates kung sang lab ka magpapakuha so you'll have an idea how much to prepare.

hope this helps. :)
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: -joanamber- on August 26, 2012, 06:42:28 pm
Nung first visit ko sa OB, almost 500 yung binayaran ko kasi check up and urinalysis lang yung ginawa. Namahalan nga ako kaya lumipat ako sa mas murang OB. Dun sa 2nd OB ko, 250 ang check up ang nagpapamahal lang yung vitamins na nirereseta nila ang dami pa, pati yung mga injections. Nalaman ko yung mga iniinject pala nila free lang sa health center. Hehe. :) Sana sa center nalang ako, donate donate lang! Haha. JK!

Congrats on your pregnancy sis!
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: mommy irene on August 28, 2012, 11:38:27 am
first check up ko on my first baby was i think nsa 200-250 lang then she prescribed meds and lab na depende na sa akin san ako bibili at magpapa laboratory.. tapos may mga availbale siyang vits, binigyan niya ako.. kaya nitong 2nd baby ko, sa kanaya ako ulit kasi madali ko naman siyang nakakausap at natetext ko siya if may mga tanong ako na sa tingin ko no need for me to go to her clinic.. nag rereply naman siya sa akin.

malaking help din kasi yung accessibility ng OB mo sa iyo..  yung mga laboratory naman usually Urine, Blood test, Tvs (if 7-9 weeks ka ng preggy, OB wouyld know naman).. ako nun inabot lang ako ng 500-700 ata, sa lab test ko sa New World lab ako.. try to check packages offered ng mga laboratory clinic but get referral from your OB muna..

tama din si sis -joanamber-, you can always avail naman free check ups and labs (if meron) sa mga health center or public hospital/clinic, tyaga lang sa haba ng pila.. ang key word dun, maaga ka lang pupunta para nasa unahan ka..  ;)

good luck on your pregnancy sissy
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: IanAndDina on September 03, 2012, 04:06:35 am
Hi momhieHey! Congrats on your pregnancy and welcome sa SP!  :) Nasabi na nung mga moms yung ibang mga lab eh, pero ako nung first prenatal ko, pina-transvaginal U/S ako para malaman kung may heartbeat si baby and kung ilang weeks na siya around 450 po un tapos OB fee is P180 ^_^ Happy pregnancy!
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: HappyMommyAdventures on September 27, 2012, 06:20:46 am
Here are the list of tests, needs, and costs for your first trimester prenatal needs:
http://happymommyadventures.blogspot.com/2012/07/first-trimesterpre-natal-needs-tests.html

By the way, not included ang OB's consultation fee. Prenatal check ups are monthly.
Hope this helps!
Congratulations on your pregnancy! :)
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: Nanay ni Liam on October 06, 2012, 07:24:49 pm
Hi momhiehey!

I hope nakapagpa-prenatal checkup ka na. It's important kasi na may provider that will guide you sa pregnancy mo lalo na maselan ka  :)

As for me, I have my health card and may accredited OBs na pwede ang card ko. So i didnt pay the consultation fee for my  previous checkups except yung preg test and urinalysis. Few weekes after, i cant contain the severe vomiting ko kaya umuwi ako sa house ng parents ko and lumipat ng OB kasi malayo yung OB na una kong pinuntahan. Luckily for me, free pa din yung check-ups ko. I only pay for the meds/vitamins na iniinom ko kasi family friend yung OB  :) 3rd checkup ko na sa kanya next weekend and i plan to bring food for her na lang. Btw, sya din ang OB ng sis ko and gf ng bro ko nung buntis sila and it's free checkup din and she charged very minimum sa pagpapaanak kaya i guess im lucky pa rin kahit hindi sya covered ng health card ko  ;D
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: ayami on October 28, 2012, 09:56:28 pm
Feeling ko nataga ako sa first check up ko lol. 6 weeks yung unang punta ko pagkaalam ko thru HPT. I had laboratories done and 5,500 ang inabot, wala pa yung initial prenatal checkup fee nung doktora na napuntahan kong 1,000 pesos. So 6,500 ang nawala sakin isang araw lang. Yung second balik, 800 na. Kaya bumalik ako sa unang OB ko 600 pesos lang hehe. Btw sa TMC ako
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: dhates on October 29, 2012, 02:12:49 pm
hmmm nung first time ko nagpa check up bale yung consultation fee nung OB pero syempre yung accredited ng healthcard ang pinili namin pinag trans-v niya ako and pap smear then binigyan niya ako sample vitamins, since di namin sya masyadong feel hanap kami bagong OB na accredited din ng healthcard, may result na yung pap smear and trans-v so sa kanya na namin pinasa, bale urinalysis, and check nung mga vaccines ko like yung sa rubella and hepa kung meron ako and ano cbc to check yung bloodtype ko forgot na kung ano tawag basta dapat malalaman kung positive or negative ka, like B+ or B-. sa makati med kami pero yung ibang labs e sa labas na namin pinagawa super layo kasi ng price difference sa kanila at dun sa lab clinic sa labas lang ok naman kay OB madaming patient niya dun din daw nagpapagawa reliable naman daw ang procedure and results dun so laking tipid namin.
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: mhaeyii on November 22, 2012, 09:44:54 pm
hi po advice naman po , 2 mons na po akong pregs i think .. di ko po alam kung sa center po ba ako pupunta o sa ob?  ???
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: IanAndDina on November 23, 2012, 08:44:31 am
Hi sis mhaeyii, either of the two eh pwd naman, ang importante eh ma.check ka every month :) God bless and happy pregnancy! :)
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: dhates on November 23, 2012, 10:15:11 am
wala naman masama kung sa center importante nga is may monthly check up ka and the baby to be sure na safe kayo palagi. but if you can afford naman na magkaron ng OB much better kasi mas magiging familiar sya sa pregnancy mo kasi sya palagi ang titingin sayo hanggang sa delivery time unlike pag sa center i think kung sino na yung naka assign pag magpa check up ka yun na yun and possible na every visit mo iba iba (paki correct na lang po kung hindi, hindi ko din naman naexperience feeling ko lang ganito pag sa centers). and mas magiging comfortable ka pag yung magpapa anak sayo alam yung pregnancy mo ano man ang mangyari sa labor and delivery time hindi na niya kelangan magbuklat ng records mo para basahin at pag aralan pa, and another thing pag may contact ka dun sa OB mo kung may emergency or may mga gusto ka lang iclarify pwede mo sya tawagan anytime (OB ko nga kahit text lang hehe) hindi mo na kelangan antayin yung sched niya or magpakita pa (unless yung situation e dapat ka talaga niya makita and hindi uubra ang call) But it's better now na pacheck up ka na kung wala ka pang OB, try mo muna sa center atleast maa-assess ka na nila and mabibigyan ka na ng mga vitamins together with the do's and don'ts. have a safe pregnancy sis..=)
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: mhaeyii on November 24, 2012, 07:28:37 pm
@IanAndDina
@dhates
THANKS PO sa info. papacheck up na po ako sama ko si hon, natatakot po ako :D
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: IanAndDina on November 24, 2012, 08:16:55 pm
^ sis mhaeyii: wag kang matakot, naku baka pag narinig mu heartbeat ni baby mu maiyak ka pa sa tuwa, wag mo forget inumin yung mga vitamins na ibibigay sa'yo and dont miss your monthly check up :) maganda yan kasama mu c boyfie sa check.ups :) God bless :)
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: dhates on November 26, 2012, 09:58:44 am
sis wag ka matakot..nakaka excite nga yan eh tsaka tama si sis IanAndDina pag narinig mo na heartbeat ni baby naku hahanap hanapin mo na..for sure aabangan mo na lagi yung check up mo kasi maririnig mo na naman yung heartbeat niya na super nakakatuwa..=)
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: mhaeyii on November 26, 2012, 08:58:28 pm
@IanAndDina
@dhates
Thank you po sa pagpapa alala and thank you po sa pag cheer up :D
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: andreiquimosing on December 08, 2012, 12:29:19 pm
Hi momhieHey! Congrats on your pregnancy and welcome sa SP!  :) Nasabi na nung mga moms yung ibang mga lab eh, pero ako nung first prenatal ko, pina-transvaginal U/S ako para malaman kung may heartbeat si baby and kung ilang weeks na siya around 450 po un tapos OB fee is P180 ^_^ Happy pregnancy!


sis, saan ka ngpapacheck up at sino ob mo? saan ka din ngpa tvs?
thanks!
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: IanAndDina on December 08, 2012, 12:54:02 pm
^Sa amisola ako sis :) kay dra. Bernice amisola, dun din yung u/s ko :)
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: andreiquimosing on December 10, 2012, 03:36:29 pm
thank you! dun din ako ngpa check up last sat. tumaas na tvs nila. 550 na tas and check up fee is 300 n din. pero ok lang. covered naman kc ng health card ko ang amisola kaya dun ko n lang planong manganak. at magagaling talaga ang mga amisola ob-gyne. nanganak knb sis? or ilang weeks kn?
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: IanAndDina on December 10, 2012, 08:46:35 pm
^Wah! Di ko alam yan sis ah, doble yung tinaas?! di pa din ako nanganganak :p 39 wks na ko :) 175 pa din naman kasi yung charge sken nung last check up ko. Baka recently lang nagtaas and applicable lang sa new patients.
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: tinsantos10 on April 18, 2013, 08:14:27 pm
Share ko lang yung charges sa akin nung first check up ko :) Sa Medical City kasi OB ko medyo mahal yung mga lab tests :(

CHECK UP P500
PAP SMEAR P700
PELVIC ULTRASOUND P1930
]PRE-NATAL PACKAGE LAB PROCEDURE P4810
-Complete Blood Count w/ Placenta Count
-HBSAG Long Method
- Urinalysis

TOTAL: P7940

So ayan nagastos namin sa first check up pa lang. Sakit sa bulsa.  :-\ Pero it's for the baby naman so go lang :)

Tapos sa monthly check-ups P500 lang ginagastos namin :)
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: Mommynicole on June 21, 2014, 11:45:55 am
Hi share ko lang yung first check up ko. Eto lahat lahat ng nagastos ko.  ;) ;)
Consultation 350
serum PT 300
CBC IAPC 300
UA  80

TOTAL P 1,010
Lahat yun, nung una sabi lang 350. Yun pala consultation lang yun. Ang ginto lang pinang check upan ko. Pero okay lang basta para kay baby. yan palang yung unang check up ko. Acctually di ko pa alam kung magkano na pag kada next check up na kada month? reply naman dito mga mommy. Ask lang po. first baby ko kasi to di ko alam kung magkano mggastos ko sa next check up. Thanks po.  :) :)
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: kcdevilla on August 14, 2014, 07:40:01 pm
share ko lang po..
Consulatation- 600
Pap Smear- 750
Trans V- 1250

yung mga lab test such as CBC, Urine etc carry ng health card..

tapos follow up check up 500..

oks lang na gumastos para kay baby..basta OK ang OB..=)
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: Ayen85 on August 30, 2014, 10:49:55 pm
Hi Congratulations on your pregnancy. Kung namomoblema ka sa gastos ng prenatal check up doon ka na lang sa murang ospital tutal pare-parehas laan iyan. I also wanted to share with you a free site that could help you calculate your baby's due date and more, good luck on your pregnancy and enjoy. http://www.babyduedatecalculator.net/
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: ziabie26 on October 25, 2014, 12:05:15 pm
saan ba may malapit na OB dito sa malanday valenzuela ? wala kasi akong alam eh andaming center dito pero i think di ako magiging comportable dun kasi napaka daming tao :) naghome pregnancy test ako possitive sya di pa ako ng papa blood pregnancy test pero this nov mag 4 months na akong di dinadatnan so mas gusto ko mag pa check up kami ng asawa ko kaso wala naman kaming alam dito kasi first baby namin ito eh :)
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: aycie on November 12, 2014, 05:43:30 pm
Hi mga sis, I can't believe mga charges sa check-up dito. Hiwalay ba talaga consult fee nyo sa Pap smear? O kasama na consult fee pag nagpa pap smear? OB ko kasi ang siningil sa akin last check-up ko 700 kasama na consult and pap smear. Regular consult niya is 400 so I assume paps smear is 300. If nagtitipid you can have your lab tests in a diagnostic center which is cheaper compared to a hospital, just bring the results on follow-up.
Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: Kahoy07 on December 20, 2014, 02:33:44 pm
Hello Mommies!

Eto yung breakdown ng mga expenses ko for my first pre-natal check up sa Asian Hospital. 8 weeks preggy here. Note na ang covered ng HMO ko for my pregnancy is yung pre-natal and post-natal consultations and one time availment for ultrasound, CBC, and urinalysis.


1. HBsag - 1,404.00
2. Rpr - 926.00
3. Hba1c - 2,669.00
4. OGTT - 2,444.00
5. Blood Typing, abo/rh - 520.00 (covered by HMO)
6. Urinalysis - 390.00 (covered by HMO)
7. CBC - 575.00 (covered by HMO)
8. TransV ultrasound - 2,470.00 (covered by HMO)
9. Consultation for 3 days - 800/day - 2,400 (covered by HMO)


Almost 7,500 din yung cash out namen for the pre-natal check up not including the vitamins and Anmum. We've bought 30 pcs for Folic Acid and Vit B1, B6, B12. Glad that everything is normal and next check up namen is next month (January 19) na!  :)


Title: Re: How much yung first prenatal check-up? Magkano lahat ng magagastos. :)
Post by: Sheena Mae on June 27, 2016, 09:33:53 pm
Hi mga mommies ask ko lang po kase wala talaga akong idea eh 2 months delayed po ako pero withdrawal naman kami ng bf ko pero parang wala namang signs na preggy ako di ko padin na try mag PT kase wala talagang time busy sa school kase student palang ako. Hm po kaya yung best PT and hm magpa Check up sa OB? Gusto na po kase namin maka sigurado :( salamat po.