Parent Chat

Pregnancy => Pregnancy Health and Nutrition => Baby Blues or Postpartum Depression Support Group => Topic started by: pattetay on September 05, 2012, 07:42:53 pm

Title: baliw na ba ako? :(
Post by: pattetay on September 05, 2012, 07:42:53 pm
mga sis and mommies help me naman.. feeling ko kasi na babaliw na ako. :(

so after i gave birth, ang dami ng nangyayari sa akin. mag sisix months old pa lang si baby pero bakit nagkakaganito ako? lagi akong tulala at wala sa sarili. minsan nag tatakbo ako sa bahay kasi akala ko may tumatawag sa akin sa labas. minsan naman hahanapin ko yung cellphone ko kasi akala ko may tumatawag or nag riring yung cp ko. at ito pa yung worst, one time hinabol ko yung pusa ng kapitbahay namin kasi akala ko tinangay yung mga tuta namin, pag balik ko sa bahay kumpleto mga tuta, may one time kasama ko si baby sumakay kami ng taxi, pagkababa namin iyak na ako ng iyak kasi akala ko di ako na suklian nung mama, yun pala na sa kamay ko yung change at ito pa pinaka-worst habang hawak ni hubby si baby, bigla akong tumayo para kumuha ng face towel kasi kitang-kita ko talaga na nag suka si baby pero nag taka siya para saan daw yun,sabi ko si baby sumuka pag lingon ko kay baby wala naman.. marami ng nakakapansin na pag kinakausap daw ako iba sinasagot ko minsan. mga sis bakit ako ganun? :( nababaliw na ba ako? anong dapat kong gawin? natatakot na ako sa sarili ko. sana po matulungan nyo ako.

Mod's note:
One Obvious Symptom of Postpartum Depression That We All Ignore
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2018/07/25/ppd-july2518.jpg)
Read about it on Smart Parenting. Click this link:
 https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/health-nutrition/postpartum-depression-symptom-anger-a00041-20180725?ref=parentchat

Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) to Smart Parenting to gain full access to this forum. Reply to this topic or share your parenting tips and get membership perks (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=114413.msg966669#msg966669). Join today's hot topic (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=114728.0) too. Click HERE (http://www.smartparenting.com.ph/registration) to sign up and get a downloadable freebie.
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: IanAndDina on September 05, 2012, 09:08:44 pm
Sis pattetay, hindi pa ako nanganganak pero feeling ko you need to have an expert check you, nasabi mo na ba yan sa partner mo or sa parents mo? kasi as of this moment you need someone to support you, baka you're stressed or super pagod ka sa pag-aalaga sa baby mo. I'll pray for you sis, basta pa-check up ka, you'll be fine  :)
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: sushilover123 on September 05, 2012, 09:13:59 pm
Hi sis! I don't think na "baliw" ka.. Dont use such word kasi mashadong broad ang germ na baliw!! ;) unang una, kung baliw ka man..sana wala sa isip mo ang realization na "nababaliw ka" kasi as far as i know, yung mga baliw, di nila alam na baliw sila. Hehe!! CS kba sis or Normal?? Minsan kasi yung mga anesthesia baka may effect sayo, pacheck ka muna.. Or maybe dahil sa big change ng pagkakaroon mo ng new baby kaya naninibago ka sa mga bagsy bagay..

Kalma ka lang sis. If kaya mo.. Take yourself out for a mani pedi o kaya massage para mabawasan ang stress mo sa katawan. Sabi nga nila, you have to take care of yourself para you an take good care of your baby. Ask help din from your husband and oher family members  :)
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: andrealexis on September 05, 2012, 09:18:32 pm
Meron po tayo tinatawag na Post partum blues (cause by some hormonal changes after birth--right after manganak up to 2weeks) and yung Post partum depression which is more serious (if post partum blues are not treated). I suggest you talk to your family about what you're experiencing. You should also consult your doctor.
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: pattetay on September 05, 2012, 10:43:31 pm
salamat po sa mga reply nyo..

sinabi ko na po sa partner ko..  balak ko nga po mag patingin sa doctor eh kaso wala pa po kaming budget. trycicle driver/janitor kasi si partner at itinakwil na rin ako ng pamilya ko simula noong na buntis ako.
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: IanAndDina on September 05, 2012, 11:12:12 pm
^
hugs to you sis, try mo to read this, http://www.babycenter.com/0_dont-be-surprised-by-postpartum-depression_1199780.busy hope this will help you as of the moment, try  mo din humingi ng advice sa OB mo dati, baka may mairefer siya sayo na pwedeng makatulong ^_^
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: twelvth_goddess on September 07, 2012, 05:38:38 pm
Dont be scared Pattetay. Baka mamaya nasstress ka lang kaya may mga ganyang experiences ka. Kung wala pang budget sa private doctor, try your health center, I'm sure may mga counseling services sila or they can refer you to a government hospital. If it's really bothering you, dont hesitate to ask for help. Pero I dont think nababaliw ka kase conscious ka na may nafi-feel kang kakaiba sayo. Pray too sis and relax once in a while. Alam ko mahirap especially pag may newborn but you deserve to rest too, pag stressed ka, hinde ka din makakapag-function ng maayos. Let us know sis ha. Take it easy :)
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: je_anne on September 07, 2012, 07:00:44 pm
Sabi mo nga wala kang budget for that. But maybe you could go to the National  Center for Mental Health. ALthough, iba kasi ang dating kapag sinabi na nagpunta sa mental. HIndi naman ibig sabihin nun eh nasisiraan ka na ng bait.
Considering that it's a government facility, I'm sure they have psychologists/psychiatrist that could help you baka nga kasi post partum depression din yan. Sabi nga nila, it it's just ignored baka lumala daw ang depression. On a positive note, tama si sis sushilover, hindi ka naman baliw if ikaw na mismo na nagsabi na baliw ka...kasi nga aware ka sa mga pangyayari sayo.
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: mami che on September 07, 2012, 09:11:15 pm
unang una, kung baliw ka man..sana wala sa isip mo ang realization na "nababaliw ka" kasi as far as i know, yung mga baliw, di nila alam na baliw sila. Hehe!!

I strongly agree sis! :)
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: mylittlegabriel on September 08, 2012, 10:03:32 pm
sis baka naman marami kalang talaga iniisip...nabanggit mo na "tinakwil" ka ng family mo, baka at the back of your mind, parati mo yun iniisip or baka nag-aalala ka sa kalagayan niong family...well meron naman talagang post partum na tinatawag and even ako nung kapapnganak, napakaiyakin ko..well mas iyakin ako compare sa hindi pako nanganganak, hehe!

wag mo masyado sis isipin yung mga problema, isipin mo mga blessings, lalo na yung new blessing mo na 6 month old na :) pray kadin and try to always think of happy thoughts :) we are what we think, kaya stop thinking na baliw ka or what...think positive! godbless!
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: KVsmommy on September 09, 2012, 02:03:25 am
sis pattetay: One thing's for sure, hindi ka naman siguro 'nababaliw' in the extreme sense of the word, kasi narerecognize mo pa na may mga bagay kang ginagawang out of the ordinary. :)

I remember nung after ng CS operation ko when I gave birth, naging super ulyanin ko, hindi ko matandaan yung terms for some things (like monoblock chair atbp.), tapos parang super paranoid ko din. Nawala din naman yun eventually, especially nung nagbalik opisina na ko. I don't know kung may na-contribute ba yung anesthesia sa pagiging instant ulyanin ko that time, pero I think may cases talaga na post-partum blues.

In your case sis, mukhang aside from the new baby, meron ka pang ibang situations na hinaharap at this time, and that may contribute din dun sa stress mo, and that affects the way you think of course. Best thing to do sis, sana pag nagkabudget, o kahit sa local health center, try mo magpaconsult sa doctor. Not because feeling mo nababaliw ka, but because baka sobrang nastress ka, and it might affect your going around doing your nanay duties. Saka surround yourself with friends who love and care for you. :)



Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: stealthmommy on September 10, 2012, 10:22:55 pm
tama sila sis pattetay, the fact na  you recognize na may mga hindi tamang nangyayari sayo means hindi ka baliw. try to calm down, look for help from a doc or counselor asap. if hindi ka makakuha sa government tou can also try to ask help from NGO'sana pwede makatulong sa concerns mo. mabuti rin na you talk your problems out with your hubby at trusted friends sa paligid mo. it may also help if you watch your diet, eat and drink healthy lalo na nagrerecover pa ng body mo from childbirth.

try mo to http://new.whealthcare.org/, sa may diliman sila malapit, they may be able to help or refer you to someone who can.

kaya mo yan girl!
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: Henry's Mom on September 12, 2012, 12:05:19 pm
Sis, the fact na nagtanong ka dito sa forum means alam mo sa sarili mo na may problema which is good. Hindi naman ibig sabihin nyan nababaliw ka na. It is better na magpakonsulta sa expert para malaman mo talaga kung ano yung pinag dadaanan mo. HIndi lahat ng nagpapa check up baliw, minsan kailangan lang talaga ng tulong para ma-manage mo ng maayos kung ano yang nararamdaman mo.

Kung walang budget as of now sis, mas maganda kung pumunta ka sa Brgy Health center nyo. Baka kasi may mga ma recommend sila na mga pwede mong puntahan na govt agencies or NGOs na makakatulong sayo.

With God's grace sis you will overcome this. Do not stress yourself too much and tell the people around you what you are feeling.  :)



Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: Golda_Magsaysay on September 14, 2012, 05:51:08 pm
alam mo sis it sounds like post-partum depression. the best thing you can do is visit a psychiatrist and tell him or her how you feel. try mo sa med city o sa st. lukes ;)
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: pattetay on September 17, 2012, 07:56:11 pm
thank you po sa pag reply nyo.. at sa mga nirekomenda nyong pwede kong puntahan pero nasa Davao City po kasi ako.. siguro nga po dahil ito sa stress. ang dami at bigat rin po kasi ng mga pinagdaanan ko at wala aong ibang sinisisi kundi sarili ko. salamat po talaga.
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: KClaire on October 07, 2012, 10:20:01 pm
siguro nga po dahil ito sa stress. ang dami at bigat rin po kasi ng mga pinagdaanan ko at wala aong ibang sinisisi kundi sarili ko.

please never ever blame yourself. kung ano man mga nangyari,please don't feel sorry for yourself. I been through that also,so I feel for you. I even overheard one of my SIL said na baka daw "nabinat" ako kasi nga sa behavior ko. after ko manganak, I noticed some weird things happening with me.I started to imagine things, things na minsan sobrang morbid na.I became so moody,sobra kesa nung buntis pa 'ko.konting bagay na di ko gusto nagkukulong na 'ko sa kwarto and even slammed the door many times without even caring if my inlaws were there. and I always cried.and worst,there are times I can hear voices, like naririnig ko umiiyak baby ko, tatakbo ako sa kwarto,taz di naman pala. o di kaya feeling ko tinatawag nila ako kahit din naman,stuff like that.and I was aware about this Posrpartum Depression.at natakot ako, ayoko to be totally depressed.what i did was Pray. Every time I feel uneasy,or some weird thoughts coming,I always pray.Pray hard sometimes.Sabi ng sister ko,"kung ayaw mong mapabayaan baby mo,wag mo pabayaan sarili mo." No one can really help us but ourselves and above all,God.  Now,I can say that I've overcome that stage. I always make myself busy, busy with fun. Avoid being sad. try to look at things on it's brighter side.and always pray,talk to HIM. it would make you feel good.
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: chococream on October 08, 2012, 04:46:56 am
CS ka sis? I agree sa mga sis natin dito laki ng impact ng anethesia sa atin after the operation. Hindi naman sa baliw or something, more lang siguro na madami kang baggages na dinadala emotionally. Ganyan din ako before nung after ako manganak, small th ings umiiyak, paranoid, madaming imagination, natatakot na nga ako e minsan kasi nakikita ko me bad nangyayari sa baby ko.

release those baggages lang sis at manage your time yon. tapos go for healthy foods ah. para slowly bumalik sya.
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: KClaire on October 10, 2012, 06:48:10 am
and oh I forgot to add, CS ako..:)
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: Mommy Jhen_Gavyne on October 18, 2012, 05:47:15 pm
Hi sis sis pattetay,..sis kalma ka lang saka huwag mo sasabihin nababaliw ka  hindi lang naman sayo nangyari yan maraming mga new mommy ang nakakaranas niyan like my sister.Sis kausapin mo ng masinsinan ang asawa mo sabihin mo lahat ng mga iniisp mo saka huwag mong hahayaan na nag iisa ka gumawa ka ng mga bagay na magiging busy k para maiwasan mo mag isip..magbasa basa k ng books mag exercise ka iwasan magpalipas ng kain.Sis sis pattetay, laging mong iisipin ang pamilya mo .Sis you need to consult a doctor para mabigyan ka niya ng tamang pagpapaliwanag...mas maganda mas maaga para mas maaga ka gumaling...Sis pray huwag mong kakalimutan watch everynight sa 700club  11pm isa yan sa programa nakatulong sa sister ko..

Additional:
Drink apple juice
More in salmon and tuna
Mani
Exercise
Magbasa
Focus ka kung ano ang ginagawa mo
Don't drink Kape and coke
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: Morefun on October 19, 2012, 07:06:45 pm
Hi sis!  I don't think you're crazy sis.  Baka napapagod ka lang or baka may depression ka lang because sa panganganak.  Normal kasi yun.  And also, kung nababaliw ka na, you wouldn't be asking yourself na baka baliw ka na.  Ang totoong baliw, hindi sila nagsasabi or nag aask kung baliw sila.   ;D  Pa check up ka na lang sis.  Kahit sa midwife or OB mo.  At the same time, try to relax and have time for yourself too.  Minsan paalaga mo din si baby sa in law mo or kay hubby habang nagpapahinga ka. 
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: imiyeeyesiam on February 11, 2013, 05:26:28 pm
@ Sis pattetay nkapagpacheck up kanaba?ok ka naba now?
Title: Re: baliw na ba ako? :(
Post by: jen_anne on February 11, 2013, 09:08:14 pm
after ko manganak,,pag tinitignan ko yung paligid,kulay yellow lahat ;D..madalas pag naalimpungatan ako..at titignan si baby,natataranta ako kasi unang tingin ko,wala siya sa tabi ko..tapos pag tinitigan ko,,nandun lang pala..panay iyak din ako..kasi wala asawaq nung nanganak ako..walang nag aalaga sakin tapos nag aalaga pa ako..parang aping api ako..yun yung nafefeel ko..i know  i was suffering from postpartum blues..i was told by my cousin..na kalabanin ko yung nararamdaman ko para hindi mag lead into depression..lahat ginawa ko..inisip ko yung mga good times namin ni hubby..lahat ng happy thoughts..hanggang nawala nlang yung mga unusual na nangyayari sakin..

kalabanin mo sis.. :)