Parent Chat

Pregnancy => Getting Pregnant => Pamahiin => Topic started by: princess23 on October 12, 2012, 02:22:36 pm

Title: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: princess23 on October 12, 2012, 02:22:36 pm
hello mga mommies,

Tanung ko lang, pwede ba magpunta sa cemetery ang buntis? To visit and pay respect sa mga yumao natin na kamag-anak.. bawal ba yun kasi syempre buntis tayo. I'm 7 months na and going on my 8th this Oct. 29. Nagiiisip ako at nagwoworry kung pupunta ba ako with my parents this Nov. 1 or 2. May pamahiin ba regarding this or it's completly ok naman?

need your help and response please..

Thanks!  :)
Title: Re: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: mami che on October 12, 2012, 05:27:22 pm
When i was preggy sis, nagpupunta naman ako sa cemetery even sa mga lamay tho ayaw talaga ng matatanda.. Di ko rin nagets kung bakit e... Merong nagsasabi na its because of the bad spirits roaming around... Yung sa lamay naman, yung formalin daw e masama. I really dont know kaya go pa din ako  ;D ang masama lang sa preggy pag nasa cemetery is yung init at dapat you bring your own comfy chair  ;)
Title: Re: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: preciouslara on October 12, 2012, 09:23:48 pm
mapamahiin kasi family ko sis,so when i was pregnant daming bawal,like pumunta sa mga lamay,cemetery,bawal yung nakatayo lang sa pinto kasi mahihirapan daw manganak,kelangan pag papasok ka sa bahay diretso agad,hindi pdeng tatayo ka sa may entrance,ganun...hindi ko na nga maintindihan yung iba,sinunod ko na lang pati sa food daming bawal,lalo pagkain ng talong,alimango etc...sinunod ko na lang,wala naman kasing mawawala kung susundin ko eh...kaya yun ;)
Title: Re: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: stealthmommy on October 12, 2012, 09:47:12 pm
@preciouslara, bakit daw sis bawal kumain ng talong? narinig ko din yan dati nung sa panganay ko eh, i tried to follow pero hirap,  hindi ko lang nasunod kasi ang sarap ng torta lalo pag may giniling. yung alimango naman ngayon pinaglihian ko. bahala ni si papa God. sabi din naman pag hindi nasunod ang lihi magiging tulo laway si baby eh.

back to topic:
 
ang alam ko  din nga bawal kasi sa mga spirits daw, pero nasa sayo na yun and ano yung belief mo. pero ako plan ko rin pumunta talaga this weekend na kasi parents ko naman saka kuya ko pupuntahan ko, kung may mga roaming spirits man i'm sure may dela guardia din naman ako. hehe, di nalang kami sasaby sa maraming tao sa nov 1 para hindi naman nakakalowka.
Title: Re: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: preciouslara on October 12, 2012, 09:52:18 pm
@witchcrazymommy bawal daw kumain ng talong kasi diba violet color nun,sabi yung baby daw pag iiyak yung nag iihit tas mgcocolor violet,ganun daw..kasi parang nahihirapan huminga pag umiiyak kaya mgkukulay violet din siya...feeling ko yung ibang pamahiin binase lang nila sa use nung mga gamit eh..gaya yung sa door kasi bukas sara daw yun db,kaya bawal mgstay sa entrance kasi si baby mglalabas pasok daw kaya mahirap manganak...nasa atin naman yun kung anong belief natin....pero prayers pa rin yung pinakapowerful sa lahat... :)
Title: Re: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: jem.sexy@yahoo.com on October 12, 2012, 10:42:07 pm
This undas season will certainly be quite an eventful one for you in terms of really exciting "pamahiin" that elders have for pregnant women!  altho nothing to lose naman kung sundin natin...naintindihan ko na ang goal mo is to pay respect to those who have gone ahead of us, but if you can do that without sacrificing your health and of course your baby, eh di mas winner diba.  punta ka kaya sis in other date/s yung hindi masyadong maraming tao para hindi ka mapagod at hindi ka rin mahawaan ng kung ano-anong sakit, alam mo naman ang germs palipad lipad din yan hehe.  o kaya i-pag-pray mo rin sila sa church or kahit sa house.  at siguradong may iba pa namang options to pay respect to them so i-weigh mo na lang kung ano ang type mo.
Title: Re: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: yangmei on October 13, 2012, 08:10:44 am
my father died 10years na then nanay ko naman 5 years na... kahit buntis ako sa panganay ko nagpupunta pa rin naman ako sa sementeryo nun... at last week lang kagagaling lang namin kase 2nd year death aniv naman ng byenan kong lalaki... eto yung pics namin last week.. kaya lang naka talikod ako hehe pero likod pa lang halata ng buntis :) 36 weeks preggy na me jan..

(http://sphotos-d.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash3/598747_3322849529741_1774064371_n.jpg)
Title: Re: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: jeuno on October 13, 2012, 12:26:55 pm
For me sis wala naman masama kung pumunta ka sa cemetery. tama si mami che, yung pagod at dami lang ng tao problema mo. As long na hindi ka mahihirapan sa pagpunta sa cemetery, then there's nothing wrong with that. ;)
Title: Re: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: princess23 on October 15, 2012, 08:49:19 am
thank you mga sis!  :-*  :)

Inask ko din yung doctor namin dito sa company kung pwede ba ko pumunta sa cemertery this coming undas, thas nagulat sya, sabi niya bakit ka pupunta, wag muna kasi madaming tao, baka mapagod ka lang at mamaya may sakit pa yung mga makakasalubong mo..

natakot tuloy ako. hehe. pero check ko pa kung makakapunta talaga ko., gusto ko din talaga to pay respect sa mga relatives ko na nakahimlay na..  medyo malayo din kasi pag sa byahe papunta dun..

goodluck on your pregnancies sissies.. have a great day!!  ;)
Title: Re: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: preciouslara on October 15, 2012, 11:46:09 am
lam mo sis kung gusto mo talga pumunta,go there earlier para mas onti tao, kasi pg tanghali or hapon ka pupunta as in super dami na talaga and it depends din kung where cemetery pupuntahan mo, kung like heritage ok lang siguro kasi hindi super crowded dun pero if you'll go like in north cemetery, siguro wag na lang, for safety purposes na din kasi super dami talaga ng tao dun.
Title: Re: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: princess23 on October 15, 2012, 12:19:32 pm
^
yun nga sis e, sa north cemetery pa naman kame kaya naghehesitate ako.. 7 months pregnant na ko now at ayoko naman na magkaproblema pa lalo na malapit na ako manganak.. siguro magstay na lang ako sa house, pray and offer white candles.. :)
Title: Re: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: preciouslara on October 15, 2012, 01:18:59 pm
i super agree sis,for your safety and your baby na din,its really better to stay home and dun ka na lang mgpray and mag light ng candles atleast walang risk na baka mapano pa kayo ni baby diba... :)
Title: Re: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: princess23 on October 15, 2012, 01:38:26 pm
yup sis.. uunahin ko muna tlaga ang health namin ni baby.. thank you..  :)
Title: Re: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: aries_momma on October 17, 2012, 10:02:58 am
maganda siguro kung gusto mo talaga bumisita punta ka 2-3 days before o after November 1-2. Sobrang dami naman nga kasi ng tao sa ganun dates, mahihirapan ka talaga dahil sa init, dami ng tao and kung ma sakto ngang may ibang tao dun may sakit baka mahawa ka pa.
Title: Re: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: MildredBerns on October 17, 2012, 01:47:15 pm
sabi ng mga matatanda bawal daw pumunta sa sementeryo..kasabihan nila un...siguro naman kung sumunod ka wl mawawala sayo...sumunod kn lang para wl sila masabi..
Title: Re: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: princess23 on October 17, 2012, 02:19:56 pm
Yup nga sis, wala naman sigurong masama kung iiwas ka muna this year.. babawi ka naman sigurado at 100% sure next year.. di naman siguro magagalit yung mga relatives natin na nakahimlay na kung di tau makakapunta.. we can pay respect naman in other ways like pagdadasal sila at lighting candles.. negative vibes kasi db pag sa sementeryo plus added factor pa yung sobrang daming tao at init ng weather nowadays.. siguro skip muna ko this undas, lalo na 8 months na ko nun.. just want to keep safe for me and my baby...  :)
Title: Re: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: Morefun on October 18, 2012, 10:24:36 pm
Personally, I really don't believe in pamahiin.  ;D  Just take care of yourself kasi madaming tao baka kung anong sakit ang malanghap mo.  Also wag magpuyat at bawal ang stress.  Syempre may family reunion, busy lahat.  Tapos ang init pa ng araw, kung pupunta ka doon ng daytime.  Kung night time naman, wag ka sanang magpuyat.  Plus ingat sa smoke coming from the kandilas kasi pollution din yun, baka makasama sayo and kay baby.  Hope this helps  8)
Title: Re: Pwede ba pumunta sa cemetery this coming Undas season pag pregnant?
Post by: Mommy Jazz on October 29, 2017, 01:35:11 pm
On this Smart Parenting article "8 Simple Ways to Avoid Getting Sick While Pregnant", it mentions: If you're going to crowded places, ward off viruses and bacteria by doing this...
Read full article here:
http://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/health-nutrition/8-ways-you-can-avoid-getting-sick-while-pregnant-a00041-20160622 (http://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/health-nutrition/8-ways-you-can-avoid-getting-sick-while-pregnant-a00041-20160622)

(http://www.smartparenting.com.ph/images/2017/06/02/060217-internal-preggy.jpg)