Parent Chat

Life => Love and Relationships => Romantic Relationships => Topic started by: mommy_raine06 on October 13, 2012, 05:09:45 pm

Title: Should I stay or should I go? Please help me..
Post by: mommy_raine06 on October 13, 2012, 05:09:45 pm
 Basahin sa Smart Parenting. Click this to read full article.
Saving A Relationship: Dapat Pa Ba O Tama Na?
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2020/05/16/20200516-relationshipworthsaving.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/life/love-relationships/saving-a-relationship-dapat-pa-ba-o-tama-na-a00307-20200516?ref=parentchat)
photo by ISTOCK

Hi everyone! I have a big problem and I need help. This is the first time that I'm gonna be sharing a problem sa ganito and I really need advice. Sana pagtiyagaan nyo basahin kahit medyo mahaba.

I'm a new mom but I'm not yet married, by choice. The father of my child and I are still together naman but I chose not to marry him yet because of some issues that still need to be resolved. Mabait sya, extremely sweet and thoughtful, generous and responsible. I know he loves me and cares about me so much. Ayaw niya na mahihirapan ako kaya if possible, sya nalang gagawa for me. Dati may bisyo but since i got pregnant, hindi na naulit ang bisyo at masayang masaya ako dun at sana nga hindi na niya balikan yun. I saw how happy he was when i gave birth and he loves our child very much.

I still live with my parents and I'm the breadwinner since I'm the one who has a stable job. Hindi na kasi kami nakarecover since we had a financial crisis and yung sweldo ko enough lang for our basic needs. My partner is aware about this kaya he's helping us kapag kinukulang. He works for his family's own business kaya he wants me and our baby to relocate sa province nila para nga naman magkakasama na kami and shempre for us to have a good life. The problem is, may hindi kagandahang ugali ang partner ko. Madali kasing mag-init ang ulo at pag nagagalit, sobrang sakit magsalita na parang nabili ka na niya. Sinusumbat pa yung mga naitulong niya. Gusto kasi niya na masusunod lahat ng gusto niya which is hindi naman pwede di ba? Ilang beses na namin napag-usapan to pero nauulit pa rin. Sorry lang sya ng sorry. I have decided na magrelocate na rin since I want my child to grow up having a complete family and shempre for him to have a good life pero everytime na nangyayari ang ganito, nagiiba ang decision ko. Gusto ko talaga na magkasama na kami pero hindi ko ata kayang tanggapin ang ganong ugali niya habangbuhay kaya nga ayoko magpakasal sa kanya. Gusto rin niya na magwork nalang ako sa business nila. Mabait ang family niya sakin pero parang ayoko dahil gusto ko na yung itutulong ko sa parents ko e galing talaga sakin para maiwasan ang panunumbat. Ayoko sabihin sa family and friends ko na may ganyan syang ugali dahil ayaw kong mag-iba ang tingin nila sa kanya dahil mas lamang naman talaga ang good side niya that's why I decided to share it here and dito humingi ng advice. Kung sarili ko lang iisipin ko, ayoko lumipat sa kanila dahil hindi ko talaga matatanggap ang ugali nyang yun pero pag naiisip ko na yung anak ko, gusto ko na lumaki siya na buo ang pamilya. Sobrang mahal na mahal niya anak namin kaya gusto niya talaga na makasama na kami. Ano ba ang dapat kong gawin? Magpakamanhid nalang ako para sa anak ko at sumama na sa kanya o  mag-stay ako dito sa Manila at hayaan ko nalang na lumaki anak ko na hindi buo ang pamilya niya? Sana mabigyan nyo ako ng advice and sorry kung napahaba ang kwento ko. TIA!

Naka-relate ka ba? Mag (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply para makapagpost ng katanungan o payo (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=54296).

(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)
Title: Re: Should I stay or should I go? Please help me..
Post by: mommylovepink on October 13, 2012, 07:08:12 pm
Sis

first of all..you need to have your set your priorities...may family ka na kahit di pa kayo kasal nung guy..>OWN FAMILY mo na yan na matatawag...they should come first bago ang mga magulang mo....and your parents should undretsnad that as well

im in the same boat with you, i do help my parents to get through but hindi na 100%...though my partner helps din and dont complain naman about it..pero syempre priority parin ang mag ama ko

hindi naman super bad ang negative side ng partner mo eh unless sinasakta ka niya physically or yung anak  nyo (hindi naman siguro?)...remember there is n perfect husband..or wife..there is no perfect marriage or partnership...you just need to work on it...ano man negative na ugali niya...need mo tanggapin lalo na may baby na kayo
mahirap pag broken family hindi maganda effect sa bata..

hope makapagdecide kana..pray ka lang

Godbless
Title: Re: Should I stay or should I go? Please help me..
Post by: preciouslara on October 13, 2012, 09:53:55 pm
@sis mommy_raine06 you know what sis,since ayaw mo magpakasal dun sa guy kahit na may anak na kayo and siguro naman niyaya ka niya and you said no kaya mo nasabing ayaw mo pa pakasal sa kanya,that means na kahit ikaw eh hindi ka pa rin sigurado na siya gusto mong makasama habang buhay...kung ang basehan mo lang para sa hindi pagpapkasal sa kanya eh yung ugali niyang yun, pero mahal mo talaga siya...then try a different aproach para hindi kayo dumating dun sa point na magsusumbat siya...hindi talaga tama na lahat ng gusto niya eh gagawin mo lalo na kung alam mong mali diba, pero to lessen yung fighting,when you said no to him..thats it,pagnagsalita siya,wag ka ng sumagot...sometimes kasi kaya lang naman humahaba ang issue eh pag may isa sa atin na ayaw magpatalo diba???just keep quiet,as long na hindi ka niya sinasaktan physically...then pag huminahon na siya,then thats the time you explain whats your reason why you said no.wag mo na paabutin sa time na mag iinit ulo niya, pero kung mga simple things lang naman ang hinihingi niya sayo or mga kakornihan,then palampasin mo na...pero pag mali talaga,then said no..pray sis...God will guide you always:)
Title: Re: Should I stay or should I go? Please help me..
Post by: mommy_raine06 on October 14, 2012, 12:21:34 am
Thanks sa mga advice nyo mga sis..  :) :)

@ sis mommylovepink: actually hindi nga sya nananakit physically pero harsh words naman lumalabas sa bibig niya. Kahit saan magagalit. Walang pinipiling lugar. Dati napapahiya ako at parang nanliliit pag ginagawa niya yun. Kinausap ko sya about dun pero ganun pa rin, walang nagbago. Masakit pa rin magsalita. Sad part dito, parang ako yata ang nagbago. Ngayon kasi, whenever he does that, lumalaban ako ng pagsagot. Alam ko na pangit at labag din yun sa loob ko pero for me, yun nalang ang way para naman mafeel niya yung nafifeel ko pag ginagawa niya yun at para hindi naman ako masyado manliit. Hindi naman ako naniniwala na hindi niya kaya macontrol ang temper niya kasi hindi naman niya ginagawa yun pag kasama namin family or friends ko. Kaya winiwish ko na sana lagi ko nalang kasama pamilya o mga kaibigan ko. Kaya hesitant ako na magrelocate kasi I'm scared na hindi na talaga niya macontrol ang temper niya. Ganon kasi tatay niya. Kahit saan at kahit sino pa kaharap, nagagalit sa kanilang magkakapatid or sa nanay niya. Ilang beses ko na rin nakita nanay niya na umiiyak dahil sa ugaling yon ng tatay niya at naawa talaga ako. Hate niya tatay niya because of the way he treats his wife and his children pero nakuha rin naman ng partner ko yung ganong ugali. Minsan nasabi na sakin ng nanay niya na gusto nalang niya hiwalayan asawa niya kasi hindi na niya ma-take. Ayoko maging katulad ng nanay niya at ayoko rin makuha ng anak ko yung ganong ugali.


@sis preciouslara: alam mo baliktad nga e kasi pag hindi ako sumasagot, hindi niya talaga ako titigilan. Ayoko na rin kasi sumagot kasi baka kung ano pa masabi ko sa kanya. Umiiyak nalang ako habang pinapakinggan yung mga masasakit na salitang lumalabas sa bibig niya. Pag maliliit na mga bagay lang pero nag-init pa rin ulo niya, pinapalagpas ko nalang yon. Gusto ko naman na kami rin ang magkatuluyan kaya lang hindi ko na ata kayang tanggapin yung pagpapahiya at mga masasakit na sinasabi niya.
Title: Re: Should I stay or should I go? Please help me..
Post by: preciouslara on October 14, 2012, 10:29:48 am
sis basahin mo yung secrets of fascinating womanhood,super dami mo matututunan dun...it says there na you cant change a man kung ipipilit mo sa kanya na magbago siya,kasi mas lalo lang niyang gagawin...there's a trend here about dun sa book and nandun din yung link kung san mo siya mababasa online...super helpful and will really open your eyes kung pano dapat ihandle ang mga husband natin...hope it will help you too sis
Title: Re: Should I stay or should I go? Please help me..
Post by: Karen Joy Macapasir on October 14, 2012, 07:37:50 pm
yes sis basahin mo yung secrets of a fascinating womanhood..maganda yun... dapat sis i-open mo sa kanya yang problem mo sa ugali niya, open it in a nice way.. sometimes ganyan din ang husband ko, masakit magsalita, yun bang parang di ka masasaktan sa mga sinasabi niya. i always open it to him, mag dedeny siya,hindi daw siya ganun, so may pagbabago sa husband ko, basta nagsasabi ako sa kanya, siya naman binabago niya yun kahit pa unti unti.. try mo baka maintindihan niya. pangit talaga na magsasagutan kayo, lalo na in public place, sorry to tell you sis parang wala na siya respeto sayo kung pati sa public sisigawan ka niya etc... if ginawa mo ng kausapin siya tapos ganoon pa din, wala ka na magagawa dun atleast youve tried. for me kung mag momove out ka with him tapos ganyan ugali niya (walang respect sayo) baka dumating ang araw saktan ka niya physically, now kasi hindi pa kayo mag asawa, what if mag asawa na kayo at he cant control his temper? magsasama nga kayo lagi naman kayo magtatalo at magsisigawan db? tapos yan ang makikita ng baby niyo, magkakaroon din yan ng epekto sa kanya.. may nasaba ako na thread din dito, boy ang nagcomment parang ganito sabi niya, "meron nga siyang buong pamilya pero hindi naman masaya, o wala siyang buong pamilya pero may mama siya na mahal na mahal siya." 4 me tama siya sis, love your baby and yourself... timbangin mong maigi ang lahat sis.. mahirap magpakasal dahil lang gusto mo ng buong pamilya para sa anak mo. dapat magbago muna siya db?

he he ang haba na pala ng nasabi ko.. hope di ako nakagulo sa isip mo sis :D
Title: Re: Should I stay or should I go? Please help me..
Post by: Morefun on October 20, 2012, 01:01:48 pm
Hi sis!  You know your husband reminds me of my family.  Sa family namin, super uber lambing at carinosa ang mga lalaki pero closed doors, wow, ang sasama ng mga lumalabas sa bibig kapag galit or mainit ang ulo.  Mula ulo hanggang paa ang masasakit na salita na maririnig mo.  At dahil malaki ang mga kita at generous, akala ata nila binili na pati kaluluwa mo.  From my lolo, to my uncles, to my cousins and brothers, pareho sila ng mga ugali.  At iyan ang naging problema ng lola ko, tita ko at nanay ko.  Iba iba tayo ng personality sis at values sa buhay.  Ikaw lang talaga ang makakasagot sa mga tanong mo.  Ano ba ang pinakamahalaga sayo?  Sa lola ko, pinili niyang hindi iwan si lolo kahit na super uber magmura at super uber magalit ang lolo ko.  He was a good provider and sa community namin, he is revered.  Lawyer kasi siya and mahilig siyang tumulong sa iba.  Nag bibigagy siya ng service ng walang bayad.  Maraming nababaitan sa kanya.  Pero closed doors, ang sakit sa tenga ng mura niya  :-[  Sa mga uncle ko.  Ganun din.  Generous silang lahat.  Magaling na provider. Pero kapag galit, akala mo binili na kaluluwa mo. 

Sis, for me kasi, hindi ko kaya ng ganun na lalaki sa buhay ko.  Pinili ko ang hubby ko dahil super opposite nila.  Ayoko talagang kumuha ng makakasama ko habang buhay na katulad ng mga lalaki sa pamilya ko.  Hindi ko kaya.  Hindi ko carry ang pagiging martyr ng lola ko at mga tita.  Kahit ang mommy ko, hindi niya rin gusto ang pagmumura at temper ng father niya.  Kaya ang father ko ay opposite ng lolo ko.  Ayaw din ng mommy ko, sa isang taong mahilig magmura at grabe ang temper.  Hindi daw niya kaya ang ginawang sacrifice ng lola ko.

I am not giving you advice on what to do.  But I'm just trying to help you see a bigger picture.  I hope I was able to help.  Pag pray kita sis, na maliwanagan ka at magkaroon din ng pagbabago sa hubby mo.  God bless!
Title: help! should I stay or should I go?
Post by: summer1782 on January 14, 2014, 06:56:19 am
I hope you can help me on my dilemma. I've been thinking about this for a year now. Me and my partner are living in together since 2007 and we had a 5 yr. old son. I'm a working mom and he is the one staying at home to take care of our son and our small pisonet business (5pc only). I've been thinking to say quit to our relationship for the following reasons at feeling ko hindi niya ako mahal.

1. May pagka-tamad kasi siya. Dati siya naglalaba sa bahay pero everytime na naglalaba siya napansin ko na mainit ang ulo niya. Dahil gusto ko pag restday ko, nagpapahinga ako dahil medyo stressful ang work, nagagalit siya pero ayaw niyang aminin na nagagalit siya. 6mos ago, Nanay na niya yung naglalaba sa amin. may utang kasi parents niya sa akin kaya binabawas ko na lang yung bayad sa paglalaba.

2. Pag-uwi ko sa trabaho makalat sa bahay. Sobrang rare na makita ko naglinis siya ng bahay. Siguro 4 to 5 times a month lang nangyayari.

3. Ako yung namamalengke everyday after work. Pag binigay ko naman sa kanya yung budget, hindi niya nababudget ng maayos. Ako nagluluto at nagliligpit nang kalat kalat sa bahay paguwi ko from work.

4. Kahit minsan hindi niya pa ako natanong kung kumusta ako from work. Hindi niya pa rin ako nahandaan ng almusal, nabili ng almusal o pagkain ko. Minsan pa nga, madalas kami magaway pag Monday morning, gusto niya ako ang gumising ng maaga to prepare my son for school. Ako inuutusan niya bumili ng almusal sa palengke, alam niyang malayo ang palengke pag nilakad. may motor naman kami pero dahil alam niya na andyan ako hindi siya bumabangon. Buti pa nga yung barkada niyang seaman, pag dumadating naasikaso niya, kahit madaling araw gumigising siya pag dumating. Pinaghahanda niya rin ng pagkain.

5. kahit kailan hindi ko rin narinig sa kanya yung will na magpakasal kami.

6. Madalas namin pagawayan ang pera dahil yung parents niya malaki na ang utang, pag sinisingil ko nagagalit siya at laging lumalabas na ako pa ang madamot.

7. He is always threatening me na sisirain niya lahat ng expensive things na binili ko for him (cellphone, watch, clothes) sa tuwing nagaaway kami.

8. Hindi niya ko sinasaktan pero I can say na sobrang verbal abuse experience ko sa kanya.

9. Lagi niyang sinasabi na umalis na ako at iwan anak ko sa kanya. Hindi raw siya natatakot na mawala ako.

10. Lagi niya akong sinasabihan na wala daw akong kwentang ina.

11. Feeling ko wala naman siyang maraming chores sa bahay kasi hindi naman malinis ang bahay, seldom din siya maghugas ng pinggan, siguro 2-3 times a week kasi mostly inuutos lang niya sa Nanay niya. Yung anak ko hindi naman niya natuturuan araw araw. Yung pisonet business e low maintenance naman, kailangan niya lang magpapalit ng piso sa players and linisin once a week 5 PCs.

12. Kung umiinom sila ng barkada niya (min 2 to max 4 times a month) palaging magdamag. Start sila ng gabi until 5am. Then tulog siya halos buong araw next day. Kapag may outing sa office nagagalit siya sa akin lagi niyang sinusumbat sa akin na buti pa raw ako nakakapagouting samantalang siya sa bahay lang. Once or Twice a year lang ang outing sa office. overnight lang at may time minsan hindi ako nagoovernight.


2 things lang nagpipigil sa akin not to quit: Ayaw kong lumaking walang ama yung anak ko at nahihiya ako sa magulang ko. Walang akong mapagsabihan ng problema ko.


Any advice?

Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: Mefca on January 23, 2014, 10:08:18 pm
 ::) quit it.

Plus after all the things you have enumerated here.... Will you still say 'yes' if he asked you to marry him?
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: Abegail Angeles on January 26, 2014, 09:48:31 pm
1. Ayaw mong lumaking walang ama ang anak mo pero ok lang ba sa yo na ganyang klaseng ama ang kalakihan niya?
2. Nakakahiya sa magulang mo pag nakipaghiwalay ka pero di ba mas kahiya-hiya ang sitwasyon nyo ngayon?

Wag ka matakot sa banta niya na iwan mo anak nyo.wala naman syamg capacity na buhayin ang bata (well kahit sarili niya)
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: cheezumms on January 28, 2014, 08:06:18 am
reflect ka muna sis. think things multiple times. like naisip mo ba baka may mali sa situation kaya sya ganyan? alam natin na ayaw na ayaw ng lalaki na natatapakan ang ego nila pero sa situation nyo that is whats happening. natatapakan ego at pride niya. have you tried talking things out? nasabi mo na ba mga nararamdaman mong yan? baka sakali kasi if you have just a day to talk about it, may magbago, baka magising sya. usually kasi mga lalaki nararamdaman nila na lalaki talaga sila kapag nakakasama bakarda. di kasi madali tanggapin na nasa bahay lang sila at sila ang binubuhay ni wife. dont get me wrong, di ko pinagtatanggol wrong doings ni hubby mo. just trying to explain things kasi baka "may chance pa" since sabi mo ayaw mo lumaki walang ama anak mo, so it means you re hoping to make things work for the sake of your child.

after mo mapag isipan ng mabuti at sana mapag usapan nyo din, then wala pa rin nagbago, then its time for you to decide. we can easily say quit it, base on your post but it is you in the situation so the best person to decide will be you.

there will always be pros and cons to whatever decision you made. just be brave to face it. :)
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: preciouslara on January 28, 2014, 11:37:07 pm
@ cheezumms, so agree with you, first of all, yung situation niyo pa lang mali na, kasi nga lalaki ang dapat na bumuhay sa pamilya, sa inyo baliktad, pero it doesnt mean na dahil ikaw ang nagwowork eh you expect him to do yung mga nakaugalian natin na babae ang dapat gumawa, like laundry,yung dishes,cleaning the house,ang mga lalaki, may work or wala, hindi mo sila maoobliga na gumawa ng gawaing bahay, siguro meron iba, pero most guys are, its their nature...and how come na sabi mo yung dishes minsan eh yung mother niya naghuhugas, are you living ba with his parents? mahirap kasi magbilang ng utang, lalo na kung inlaws,usually kasi dapat expected na natin na hindi na yun mababayaran..sabi mo hindi ka niya mayaya magpakasal, eh kasi nga wala naman siya budget diba, ayaw niya ba talaga maghanap ng work, or nagttry naman siya mag apply kaso wala pa lang talaga?iba kasi yung tamad na wala talagang effort mag work, bka naman meron inaapplayan si hubby.. you have to weigh everythin sis, lalo na may anak kayo, Mag usap kayo ng masinsinan, ikaw pa rin naman magdedecide kasi ikaw makaksama niya eh...pray lang sis...
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: sw33tsw33t on February 02, 2014, 04:08:49 pm
1. Ayaw mong lumaking walang ama ang anak mo pero ok lang ba sa yo na ganyang klaseng ama ang kalakihan niya?
2. Nakakahiya sa magulang mo pag nakipaghiwalay ka pero di ba mas kahiya-hiya ang sitwasyon nyo ngayon?

Wag ka matakot sa banta niya na iwan mo anak nyo.wala naman syamg capacity na buhayin ang bata (well kahit sarili niya)

Exactly my thought.

Sinasabi niyang di siya natatakot na mawala ka. Well, kase hindi pa nangyayari. Based on the things you've enumerated, he's just a big liability to you. Not just him but his family as well.

Quit and let's see if he can still say that! And hindi niya pwedeng sabihin na iwan mo anak niyo sa kanya kung aalis kase in the first place, you are the one who has the capacity na buhayin ang anak niyo. And kahit pa umabot pa kayo sa korte, mas malaki chance na sayo mapupunta ang bata.

If you stay, in the long run, mas magiging mahirap lang para sayo to let him go. May psychological effect yang verbal abuse niyan sayo eh.

I'm sorry to say this but your partner fits the profile of a guy who doesn't have the balls to be a man! May mga ganyang lalake lang talaga na nakokontento sa ganyang kalagayan and his verbal abuse on you is a form of defense mechanism to cover up sa pagiging inutil niya. I wouldn't like my child to grow up with that kind of example around. You are way way better off without him.
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: papa_bear on February 03, 2014, 07:30:08 pm
Kung matagal nang nangyayari ang mga to, quit ka na.

Ako kasi bilang lalake, ang tingin ko sa asawa ko ay half ng sarili ko. Partner ko sa lahat ng bagay.

Ngayon since ikaw yung nagwowork, bakit hindi niya magawa yung part niya sa pamilya? Kung siya naman yung nagwowork I bet ikaw naman ang gagawa ng house chores, etc. Kumbaga tulungan kayo sa lahat ng bagay. Minsan na akong nasabihan ng asawa kong tamad ako kasi nature nga daw ng lalake na hindi gumawa ng gawaing babae. Pero magmula nung narealize ko na kung hindi ako kikilos eh anong mangyayari kung asawa ko lahat ang gagawa diba?

Try mo munang kausapin, kung hindi madaan sa usap eh alam mo na. Action speaks louder than words, in short, leave. Kasi ang tao narerealize lang nila ang worth pag wala na.
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: summer1782 on February 19, 2014, 06:39:36 am
Thank you sa mga advice. If I say quit, hindi ko alam paano magsisimula.

Papa Bear almost 5 years na ganito ang treatment niya sa akin. Last week lang, ang liit na bagay ako ang sinisisi niya kahit wala naman akong ginagawa. Pag nagagalit siya at nagmumura, kinakabahan ako, feeling ko ako minumura niya kasi galit siya tumingin sa akin.

Lagi siyang nagrereklamo na nagkakasakit na daw siya at pagod na pagod siya.

@preciouslara

- hindi siya naghahanap ng work. SInabi ko na mag-try siya magcall center para kahit papano makatulong sa gastos. Ayaw nila hindi niya daw linya yon. Dahil may alam siya sa Electrical Wiring, sinasuggest ko na sumama siya sa mga projects ng brother ko kasi Engineer kapatid ko. Pero ayaw niya rin kesyo matagal na raw siyang walang practice. Na propose din ng kapatid ko ng rent a van business then siya yung driver, parang ayaw niya rin.


One time nimessage ko siya sa FB na pag naka abot ng college yung anak namin, saka na ako makipaghihiwalay. At least mas madali i-explain sa anak ko. Wala man lang siyang reaksyon pag-uwi ko sa bahay.

Dasal na lang siguro katapat nitong problema ko. Tinanggap ko na na ganito yung kapalaran ko. Siguro siya yung parusa ko kasi hindi ko sinunod parents ko nung time na tutol sila sa relationship namin.

Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: preciouslara on February 22, 2014, 10:30:31 am
if you really feel na hopeless case na talaga,why stay diba.hindi mo na din kelangan hintayin na magcollege anak niyo para maintindihan niya mga nangyayari, besides mas mahirap yung lumaki ang anak niyo na ganun nakikita nila sa tatay nila diba...baka isipin pa nila na tama yung ginagawa nag father nila, if its not working na and you know for a fact na ginawa mo na lahat, let go...besides mas mababawasan nga gastos mo kasi hindi mo na rin siya kelangan buhayin diba...pray na nga lang sis... be strong
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: Crystal jhade on March 04, 2014, 04:53:46 pm
Its hard to do break up with him.
Break up teh huh kasi di pa kyo kasal.

kung ako nasa kalagayan mo aba di ako mag titiyaga sa kanya.since parang di din sya ama sa anak mo para ano pa. i think he is no serious to you at baka may ibang babae sya.

Na try mu naba kausapin sya?
mag usap muna kyo
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: Crystal jhade on March 04, 2014, 04:58:44 pm
hi po.

alam mo po ate malay mo di sya yung guy for you.
kasi kung mahal ka nyang tlaga di sya gagawa ng paraan wag k lang masaktan let say di ka nga niya sinasaktan in physical but emotional mas masakit yun mahirap pawiin ang sakit ng salita lalo n kung galing sa taong mhal mo.
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: IraRed on March 04, 2014, 10:24:48 pm
sis,,,, I think you already know the answer to your question..Natatakot ka lang na baka hindi mo kaya na wala ang partner mo.. pero sana isipin mo rin nabuhay ka naman dati ng wala sya. enough na siguro yung anak mo para maging happy ka.

Besides, when it comes to legal terms, sayo pa rin and custody ng bata most especially unemployed ang father..
Better hire a nanny at least may pakinabang ka pa.
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: Crystal jhade on March 08, 2014, 03:47:56 pm
Alam mu ate.
Di mo alam kung san ka mag sisimula?

Ganito nlang gawin mo.
di mag simula ka ulit sa umpisa na buhay ka naman ng wala sya dati sayo.
So mabubuhay karin ng wala sya. pag dating ng araw maiintindihan din ng anak mo nag nangyari sa inyo ng tatay niya.
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: annie0312 on March 17, 2014, 04:36:12 pm
sis, try mu basahin yung fascinating womanhood. Dito ko lang din nalaman yung book na un. Binabasa ko sya pero hindi ko pa tapos. I can say na naka help naman sya sa relationship namin. If you have time try mo basahin baka makatulong na din.
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: gheng on May 23, 2014, 12:32:05 pm
Ate, you know the answers to all of your questions, pero you can't do it kasi of the below reasons (please read my insights about it)

1. Ayaw mo mwlan ng ama ang anak niyo ( yes, this is one of our weaknesses, our CHILDREN. pero you need to also think if deserving ba siya to be the FATHER of your child kung ganun naman ugali niya? do he deserve to be still part of your family kung yung MORAL OBLIGATIONS niya to you and your child eh hindi niya naiibibigay?)

2. Nahihiya ka sa PARENTS mo (well,dito na pumapasok yung pride mo, na you want your parents to see na tma ang desisyon, but is it all worth it? kahit anung mali mo, you will be accepted ng parents lalo na because of their apo)

3. You are still HOPING TO FIX THIS ( siya ba gusto dn niya maayos ang lhat? you can fix this on your own, kasi siya ang problem. and some guys can't accept easily na may mali sila)

According to you, you tried to reach him and talk thing s out, pero nagagalit siya. so with that said, if you plan to talk to him again have someone na malapit sa inyo ang kasama niyo to prevent ang pag-aaway kesa mag-usap. you have to explain why you thing mali siya, and also let him explain naman his side.

Pray to God and ask his guidance. goodluck sis!
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: AnSia on July 15, 2014, 09:28:02 pm
Hi! Bago lang ako dito. Medyo same yung concern ko. Nalaman ko lang na pregnant ako 2 weeks ago pero ayaw panagutan nung boyfriend ko. Iniinsist niya na ipa-abort namin yung baby kasi hindi pa daw sya ready pero ayoko, sabi ko sa kanya the least na magagawa namin for the baby is ipa-adopt sya. Eitherway kasi sinabi niya sakin na kahit ipa-abort ko yung bata or itutuloy ko for adoption, maghihiwalay din daw kami afterwards. Magbibigay daw sya ng support financially pero ayaw niya mainvolve emotionally dun sa bata. Nakakausap ko pa sya nung mga first few says na sinabi ko sa kanya na buntis ako kasi parang kinukuha niya loob ko na ipa-abort yung bata. Pero ngayon na sinabi ko sa kanya na final decision ko na ikeep yung baby pero ipapa-adopt ko nalang sya paglabas, hindi na sya nagrereply sa mga messages ko. Mas naging cold sya sakin. Hindi pa namin nasasabi sa parents namin, bigyan ko daw muna sya ng time para mag-isip. Ayoko na lumaki ng walang tatay yung baby ko pero at the same time ayoko naman na parang magmakaawa dun sa guy para tanggapin niya kami nung baby. Any advice mga sis???
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: alex mendiola on July 16, 2014, 05:43:00 am
@ summer1782

girl almost pareho tayo ng situation. pero ako short period of time nakapagdecide ako. Mahirap para saten and emotional stress. Esp sa family. Kung ganyang klaseng lalake makakasama mo pano nalang kpag "nagkasakit Ka' knock on wood wag naman sana. pano niya kayo bubuhahin? sa elementary at highschool ng baby mo kaw lahat.? why dont u try yung buhay na kayo lang ng baby mo na wala sya sa tabi mo kahit 1week. u compare san mas magaan ang buhay. nakakamalas kapag puro away at ang bigat sa aura ng bahay mga ganyang attitude. we have the same career Call Center din ako. Ultimo team building namen ayaw nyako pasamahin, Company outing at company anniversary pti. Sobrang nasakal ako sa relationship namen. sya naman kpag nagagalit sya sinasaktan niya sarili niya sinusuntok niya yung pader. sabe saken ng friend ko n psychologist dadating yung time na ako na daw sasaktan niya. Which is ayaw kong mangyare kc parents ko hindi ako sinasaktan sya pa,. baka maisumpa ko sya. first time nakipaghiwalay ako nagmakaawa sya at i gave him a chance kc inisip ko anak ko. Pero nung second time nawalan nako ng amor s kanya. kaya i push it na makipaghiwalay na talaga.Though hes working d naman malake ang sweldo at ang lakas magluho. Pinaka reason ng pinaghiwalayan namen PERA at SOBRANG HIGPIT gusto niya sa kanya nalang iikot mundo mo. Ikaw yung 1 year enough na yun para makapag decide ka if your gonna stick or not. same tayo d kc ako nkinig s parents ko. kaya heto naging single mom ako, But thats fine im HAPPY coz i have my BABY. and happy ako sa life ko. I have my family, friends, career, d nko kapos sa pera. and i have boyfriend nadin at magpapakasal na kame next year FEB.

Dont stick s place na masstock kalang for nothing....
Mas maraming magagandang bagay na pwedeng manyare sayo.
Enjoy life!!!
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: vmjanne on July 17, 2014, 02:46:30 pm
@AnSia I feel sad for you sis. Pero my advice is that you have to make a stand. Ang bata ay isang napakagandang gift, blessing kahit kanino. Sa dami ng couples dyan na gustong magka anak pero hindi sila mapagbigyan. Choose your child. Sorry pero ang mga lalaking ganyan ayaw ng responsibilidad.. Don't say na hindi handa financially, ang daming magulang dyan hirap sa buhay pero go lang kapag bata na pinag uusapan. Wag mong ipa abort mas lalong mabigat sa pakiramdam at babalikan ka konsensya mo pagdating ng panahon.

Kahit walang tatay na lumaki ang bata as long as mahal mo sya its enough. Learn from the single parents out there. Kung ako ang bata mas gugustuhin ko ang tatay ko eh may 'balls' at tanggap ako... Ikakahiya ko yung ganyang tatay na walang ginawa kung hindi magpasarap at lahat nakaasa sa nanay ko o sa grandparents ko. Sabi nila kung gusto maraming paraan kung ayaw maraming dahilan.
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: AnSia on July 17, 2014, 09:03:48 pm
@vmjanne

Thank you sis sa advice. Nagtext nga sya sakin kagabi na sinisira ko daw buhay niya sa naging decision ko at hinihila ko daw sya pababa. Puro sumbat at paninisi yung nakukuha ko sa kanya. Feeling ko kung pananagutan niya yung bata..paparusahan niya lang ako araw araw at pagsasalitaan ng masakit. Hindi niya daw kami papabyaan nung bata dahil gusto niya daw makatulog sa gabi ng comfortable at with dignity pero sinusumpa niya daw ako na itutuloy ko yung pagbubuntis ko kahit alam ko daw na never na kami magiging okay as gf/bf. Hindi ko naman masabi sa kanya na hindi namin sya kailangan ni baby dahil wala akong work at hirap ako financially. Pero iniisip ko aanhin ko naman yung financial support niya sa baby kung pagsasalitaan niya naman kami ng masasakit at ipapafeel niya samin ni baby yung rejection everyday. Baka din sa future magalit sakin si baby na wala syang tatay. Sabi ko nga dun sa guy na kahit ayaw niya tanggapin yung totoo, kami na ng anak niya yung family niya na magmamahal sa kanya at magssupport unconditionally. Dapat ko pa bang ipaglaban yung right ng anak ko sa tatay niya kung ganito naman yung situation namin nung guy na ayaw niya dun sa bata? Or hayaan ko nalang sya? Hindi ko din alam kung dapat sabihin ko sa family nung guy na buntis ako kasi ayaw sakin ng mama niya (mama's boy sya, separated din kasi parents niya at bunso sya) baka lalo lang ako laitin at ako pa sisihin ng mama niya sa nangyari. Hindi ko pa nasasabi sa father ko na buntis ako (father ko nagpalaki sakin, may sarili na kasing family mother ko). Natatakot ako sabihin sa kanya na buntis ako, na wala na yung tatay ng anak ko, na hindi ako pananagutan nung guy, na disgrasyada ako..kasi masasaktan sya.
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: vmjanne on July 20, 2014, 12:41:13 pm
Andun tayo na masasaktan si papa mo with your situation. But he is the best ally right now, be sure to sincerely apologize with what happened in your situation and ask for his guidance. Make a  stand that you will not abort your baby with or without the father. Kung ako magulang mo, I will severe ties with that guy who cannot stand up on his own at nagtatago pa sa saya ng nanay niya.  >:(

Don't let that guy make you feel sad with all the rejection he is saying, na kesyo naninira ka ng buhay. OMGosh! So kung mapapa abort ka hindi ka pala maninira ng buhay. And mind you sister, kids who grow up in a single parent household are at par, sometimes, even have better IQ and EQ. Hindi kawalan ang hindi magkaroon ng tatay na ayaw naman sa akin at sa  nanay ko. We as parents can give so much unconditional love for our children, I know your parents does too. In terms of financial, makakagawa pa rin ng way for it. Sabi nga you will not have that kind of challenges if you cannot overcome it.

I hope soon you will be abl eto talk to your father about this situation. The sooner the better. 
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: AnSia on July 24, 2014, 07:34:32 pm
@vmjanne

Sinama ko yung guy nung nagpa-ultrasound ako para icheck yung heartbeat ni baby. Akala ko makokonsensya sya. Ni ayaw niya hawakan yung result. Until now pinipilit niya parin ako na ipalaglag yung baby. May times na nagbbreakdown ako, bigla nalang akong maiiyak out of the blue. I can't help it. Plan na namin sabihin sa parents namin. Pero until now nga pinipilit niya parin ihabol na ipalaglag yung baby. Kaya niya daw siguro to be there for me hanggang sa manganak ako just to see kung nabuhay ba ako at kung nakaya ng katawan ko yung pagbubuntis ko pero after that iiwan na daw niya kami. So, tinatanong ko sya na anong sense kung nandyan pa sya kung ganun lang pala balak niya gawin. Kasi forced na daw sya to care samin mag-ina. Ang sakit sakit. Ako yung pumupunta sa bahay nila para makapag-usap kami kasi ayaw niya makipag kita sakin. Haaaay sis.. ang hirap ng ganitong situation.
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: vmjanne on July 24, 2014, 08:13:40 pm
Iwanan mo na yan sister. AS I said ang mga lalaking ganyan na hindi kayang panagutan ang isang biyaya ay hindi dapat pinag aaksayahan ng panahon. Sa dami ng mga magulang nagpo post dito at humihiling ng isang sanggol, anak para sa kanila eh hindi mabigyan... at eto ka may baby gusto ipalaglag.

Sabihin na nating wala sya sa atayuan para panagutan ang bata, pero hindi sagot ang pagpapalaglag or abortion. hindi ako religious or anything pero karma comes back 1000 folds. Huwag kang kumapit sa ganyang kalseng lalaki dahil sa kahit na kasal na kayo balewala dahil iiwan ka nyan sa ere kapag nahirapan sya ng konti. Or iiwan ka nyan kapag nakahanap ng pasarap.

Masakit at mahirap. Pero buhay ang pinaguusapan dyan. Huwag iis-stress ang sarili dahil sa mga basurang lalaking ganyan. >:(
Title: Re: help! should I stay or should I go?
Post by: gheng on July 25, 2014, 04:24:08 pm
HI AnSia, PABAYAAN mo na yang LALAKI na yan!!!!! walang KWENTANG TAO yan. dont waste your time and effort para lang panagutan ka ng TAONG wala namang KAPASIDAD na mahalin ang ANAK niya.

Come to think of it, kung sa bibig niya nanggaling na IPA-ABORT ang bata at SINISIRA mo ang BUHAY NIYA, eh parang hindi ka talaga niya mahal and isa lang HABOL niyan sayo (just my opinion huh). i mean kasi kung mahal ng lalaki ang isang babae, no matter what the outcome pananagutan ka niyan. ang kapal ng LALAKI na yan sabihin un ganung bagay na yan sayo eh PAREHAS niyo ginawa yan.

Sorry for the words AnSia huh, pero nakakagigil yung ganyang tao eh.

Please be STRONG and pray to God for guidance. Let Him lead you to the right path. siguro hint na sayo ni God yan na hindi kayo para sa isa't-isa. it would be better to be a SINGLE MOM kesa maging EMOTIONALLY BATTERED WIFE ka. Better to tell na din sa father mo yan. explain to him the full details and let him know yung situation niyo ng LALAKING un. at first magagalit yan, pero at the end, magiging masaya yan to have an APO.  ;)