Parent Chat

Parenting => Real Parenting => Topic started by: just_katya on October 17, 2012, 08:50:26 pm

Title: how to handle "super kulit" kid??
Post by: just_katya on October 17, 2012, 08:50:26 pm
.. I have a son. He's 5 years old and sobrang kulit.. Pag sa bahay semi-behave kasi may taga-saway pero pag nasa school super kulit!! Hirap niya sawayin. Parang naka-wala sa hawla. Tapos maingay pa. Pag sinabi mo "don't do that", gagawin pa rin. Parang minsan chinachallenge pa niya kami. Pinapalo namin ni hubby minsan, pinagsasabihan din.. opo ng opo but still ganun pa din sya. We tried na rin yung grounded sya manood ng tv, maglaro ng games, mag-net, mag-play ng toys pero wala effect. Paano ba tama discipline?? Kayo mommies how did you handle yung kids nyo sa ganyang attitude? Dami ko na sinearch sa net na ginawa namin but still pasaway pa rin..

Mod's note:
Curb 'Sobrang Kulit' Moments: 5 Helpful Discipline Techniques
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2017/08/15/170815-prs-A2.jpg)
Read it on Smart Parenting. Click this link:
http://www.smartparenting.com.ph/parenting/preschooler/5-discipline-techniques-for-preschoolers-to-encourage-good-behavior-a1162-20170815

Post a question about this topic or share your experience.
Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) or register (http://www.smartparenting.com.ph/registration) to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie (http://www.smartparenting.com.ph/registration) upon registration or membership update.
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: preciouslara on October 17, 2012, 08:59:02 pm
baby girl ko super kulit din,she's only 2 pero grabe talaga sa kulit,nasasaway naman pero grabe talaga,my mom use to take care kasi sa mga pamangkin ko pati yung isa kong tita lahat sila sinasabi wala daw silang naalagaan na kasing kulit ng baby ko...ask ko pedia niya kasi baka nga may adhd si baby,sabi ng pedia niya,mafufully detect lang daw yun pag nasa school na si baby and pag lagi ka na daw napapatwag sa school concerning sa mga attitudes ni baby...try consulting your pedia din sis, para maevaluate maigi son mo...may mga bata din kasi na likas na makulit, pero mabuti na din na sigurado tayo diba..prayi pa din ako na sana makulit lang talaga baby girl ko at wala naman adhd :)
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: just_katya on October 17, 2012, 10:17:56 pm
@preciouslara
Hindi naman siya yung tipong may ADHD, hindi naman siya hyper. Nahihirapan lang kami sa kanya na magdiscipline.  Wala kasi siyang mga kalaro dito sa lugar namin, lagi lang siya na sa bahay. Ano kaya maganda gawin? Iniisip kasi namin ni hubby na baka sa school niya naiilabas yung pagiging makulit niya dahil sa bahay lagi may sumasaway sa kanya...
Ano kaya maganda gawin para sumunod sya sa rules namin? Something like that..    :-[
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: preciouslara on October 17, 2012, 10:41:09 pm
nagsesearch kasi ako sa net sis about adhd para lang malaman ko mga signs nun for reference kasi nga super kulit ng baby ko, then i saw your posts, want to share lang what  i read from webmd kasi hindi lang pala hyper ang signs nun actually 3 diffrent types pa siya inattention,hyperactivity,impusive then pedeng isa lang dun,combine or pedeng lahat ng signs eh pinapakita ng bata pero depende pa din daw yun sa bata pag early stage kasi normal pa sa bata yung ganung mga ugalipero observe daw ku hanggang sa paglaki eh ganun pa rin baka may adhd yung kids,nakalagay pa rin dun mas madedetect daw pag ngsschool na yung kids...hoping na makulit lang talaga baby ko :) nway sa kid mo naman para sumunod sa inyo try mo na pag ayaw niya sumunod eh kunyari bawal mgwatch ng tv,gawa ka ng mga rules then tignan mo kung ano effect..baka maging masunurin na rin siyang bata :)
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: mami che on October 18, 2012, 05:56:14 am
Hi sis just_katya!

I have 4 kids and my 1st 2 kids (ages 6 & 5) ang lumelevel up talaga sa kakulitan... I think yung age nila na ganyan talaga e they want to be free and enjoy life  ;D kakaloka nga lang minsan. How do i stop them for being pasaways?Kapag di ko na kaya, si hubby na pinapaintervene ko kasi sa boses pa lang ng daddy, matatakot na sila but at times na di pwede sumigaw si daddy at di pwedeng takutin ng spanking rod, you know what i do para mag tame sila - nagsstory telling ako na involve ang "makulit na kid" tulad nila. They listen. They will shoot many questions. Yun yung time na pwede ka mag "quiet" discipline  :D mahirap... sobra... paulit ulit ulit pa yan... pero napansin ko kasi mas overpowered mo sila kapag hindi ka sumisigaw... patience talaga sis ang kelangan natin badly. goodluck!  :)
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: mworx on October 18, 2012, 08:13:30 am
I have 2 kids (11yo & 4yo).  Yung eldest ko nun baby pa siya medyo makulit din maingay pa.  Akala namin may ADHD rin.  Itong daughter ko din mas sobra sa kakulitan kaysa sa kuya niya.  I think normal behavior lang ang kakulitan ng mga bata pero depende yan sa pag discipline niyo sa kanila.

Don't Spoil
Don't Spank
Don't Shout
instead
Give them something to make them busy like construction toys (lego set), paper and crayon... dito medyo mag melo down yan.  Also, tell them stories (yun ma realize nila pag sobrang kulit sila baka mangyari sa kanila yun...stories like humpty dumpty) lagi ko sinasabi sa daughter ko yan pag talon ng talon sa kama baka mahulog siya just like what happened to humpty dumpty.  Hindi naman gaanong threatening on the part of the child.  Just a warning lang.

Spanking and Shouting.  Patience. Talk to them, as in, you are in command.  Ipakita niyo sa kanila na pag sinabi mo gagawin mo.  I always warn my daughter at alam niya pag galit na ako e mapapalo siya (sa kamay lang 10x syempre with love yung palo pero showing that I mean it)

Sobrang talino na ang mga bata ngayon, the more you push them the more they'll do it.  Never say that "you are so kulit" kasi they tend to remember that kaya nagiging makulit talaga.


Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: just_katya on October 18, 2012, 02:36:30 pm
@preciouslara
Salamat dear sa ifo.. And about sa rules.. Nagawa na namin yan kaso ineffective  :-[

@mami che
at age of 5 nga lang din nung naging makulit sya at maingay talaga. Nong 4 tahimik na makulit pero kaya i-control. Nagyon... may goodness sabihin mo pang ganito gagawin pa. Asako ko rin pinapa-disiplina ko sa kanya kasi mas takit sya sa daddy niya pero tulad nga ng sinabi mo hindi pwede sa takot at palo lang idaan.. sige sundin ko advise mu.. hehe Tignan ko maging reaction niya. Thanks  ;D
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: just_katya on October 18, 2012, 02:42:33 pm
@mworx
Thank you sis. Ganyan-ganyan nga yong sinasabi ko. Kung paano sila ma-control pag makulit and maingay.. Ayaw ko na nga rin sana ng spanking kasi parang lalo walang effect. And tama ka na kapag sinabi mo, mas lalo pa niya gagawin. I'll try yung sinabi mo. Salamat talaga. kahit papaano nakaka-tanggal stress..  ;) Nagsesearch na nga ako sa net para dito kaya lang mas iba pa din pag-galing sa experienced parents..
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: mworx on October 18, 2012, 02:58:46 pm
My advise just_katya....enjoy being a mom and I know you are doing great...  Ma miss mo mga kakulitan ng anak mo pag malaki na yan. 

Yun eldest ko medyo na miss ko na nga kasi big boy na siya.  He's our baby for 7 years bago ako nagka baby ulit.  Ngayon hindi na nagpapaakap at may sarili ng mundo.  Enjoy lang sis.
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: stealthmommy on October 18, 2012, 03:19:12 pm
@preciouslara
 Nahihirapan lang kami sa kanya na magdiscipline.  Iniisip kasi namin ni hubby na baka sa school niya naiilabas yung pagiging makulit niya dahil sa bahay lagi may sumasaway sa kanya...

 tyagaan na training sis, yung girl ko kasi, will be 5 this December, ganyan din walang kalaro dito sa bahay so pagnakalabas minsan parang nakawala. nag establish kami ng house rules na sabi namain dapat apply sa labas. minimize nyo yung tv sis, pansin ko sa girl ko pag nag tv maghapon aligaga siya sa night time. kaya minsan 2 hours a day lang, yung ibang iras niya sa play na and also yung baon niya, wag yung mga matatamis or machocolate. minsan kasi nakaka dagdag talaga yun.  also we bring her early sa school para at least nakapag laro at nakapag kulit na siya bago mag start yung class. pagka walang kalaro minsan kasi walang napupuntahan yung energy. baka pwede niyo siya ipasok ng basketball, swimming or martial arts class para may outlet siya.

napansin ko rin when na before when we spanked her lalong lumalala yung kakulitan, what worked for her is talking talaga kung ano yung good behavior at bad behavior, pero yung behavior ang pinupuna namin, we assure her na love namin siya kahit minsan di maganda yung nagawa niya.

ano ba daw sabi ng teachers niya? sumusunod ba sa activities? does he sit down when he is told? can he sit or stay on an activity for at least 15 minutes?  if andami nyo na talaga na try na ways it helps din to read up on kids with adhd, not because your child may have it but simply because yung ibang tips doon can also be applicable sa hindi naman adhd diagnosed.
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: just_katya on October 18, 2012, 06:36:53 pm
@mworx
Thank you so much sis..  :D

@stealthmommy
Wow.. na-touch naman ako sa mga sinabi mo.
.......yung sa tv sis un na nga lang habit niya dito sa house. Isa un sa tinamaan ako sa sinabi mo kasi pag-ayaw namin sya makulit don sya kaya pag pinapatigil na namin nagrereklamo na din..
.......Hindi naman namin sya pinapabaon masyado ng matamis kasi bawal din. May FBC sya kaya alaga pa up to 6 years old. Un nga  rin sabi ng teacher niya na nakaka-hyper daw. Hindi ko naman sya pinapalaro sa school before class niya kasi ayaw ko pag-pawisan sya so you think mali ako??
.......May inoffer nga din teacher niya don na isali ko sport para daw may libangan anak ko and i find it ok. Sabi ng teacher niya kasi maiibuhos don ang kakulitan ng anak ko kasi nga may pagkaka-abalahan na sya and he can learn lots of things like discipline and cooperation.
......Makulit lang naman yung anak ko sabi ng teacher. Nakikinig naman daw. May mga makulit din kasi syang classmate kaya ayon pag kinulit go na din sya. Matalino naman anak ko pero kung makulit makulit daw.

Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: mworx on October 18, 2012, 08:00:12 pm
Naiwanan ko sa TV ang daughter ko kasi magisa lang ako (walang maid).  Make sure na tama yun pinapanood niya (Disney Jr. or Baby TV lang muna).  I think there is nothing wrong with watching too much just make sure na may natututunan siya sa pinapanood niya and expose them (like going to the park, etc. surely they will appreciate what they are watching - ganun ang daughter ko)

just_katya, what do you mean by FBC?

Sa food ang alam ko cheese yun nakaka hyper.  Pero sweets no idea ha.  Wag masyadong pigilan sa gustong kainin ng mga anak niyo kasi growing child sila except kung may allergies sila.  My daughter is allergic to banana pero yun ang binibigay ko para masanay. 

Tamang gabay lang.  Not too strict.  Pag sobra sa bawal (bawal dito bawal doon) paglaki niyan dun ka magkaka problema.  I've trained my son (11yo) at an early age as in 1yo pa lang alam na niya kung kelan siya dapat huminto kaya ng malaki na hindi na ako gaanong hirap.  Same with my daughter (4yo) na mas makulit at maingay, alam niya sa tingin lang na magagalit ako.  Train them as early as possible (in a fun way ha na hindi nila napapansin na parusa na pala ang ginagawa niyo) para pag laki easy ka na lang.
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: mami che on October 18, 2012, 08:25:22 pm
.......May inoffer nga din teacher niya don na isali ko sport para daw may libangan anak ko and i find it ok. Sabi ng teacher niya kasi maiibuhos don ang kakulitan ng anak ko kasi nga may pagkaka-abalahan na sya and he can learn lots of things like discipline

I agree sis... tignan mo kung ano yung talent ng kid mo at ng dun niya maibuhos ang powers niya :)
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: just_katya on October 18, 2012, 09:08:34 pm
@mworx
Disney Junior yung pinapanood din ng anak ko sis. FBC Febrile Benign Convulsion. Nangyayari ito kapag mataas ang fever niya. Up to 6 years of age sya kaya alaga to the max kami kasi pag nagkaubo sya mabilis magka-fever yan pag may tonsilitis and upper pneumonia. iwas na rin kami para makasigurado. At tama ka mahirap nga na puro bawal kasi nasa age niya ang nag eexplore sa ngayon. Mahirap lang sawayan kasi feeling niya lagi sya nasa tama. Kaya nga habang bata pa nag-iisip na kami kung ano ang pwede namin gawin para mai-guide sya sa tamang direction na hindi puro palo at sigaw.. Salamat sis..

@mami che
Thank uli sis.. Kahit papaano nakakaluwag kayo sa dibdib. Minsan kasi iniisip ko na hindi pa ata ako pwede maging magulang. hehe
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: mworx on October 18, 2012, 09:34:05 pm
Just_katya, napa vaccine mo na ba anak mo ng pang pneunomia?  If not, pa vaccine mo para kampante ka. 
Turuan mo siya mag gurgle with salt para maiwasan ang throat infection, as in everyday after brushing.  Hindi rin maganda ang lagi siyang nagkaka tonsilitis, maaapektuhan ang heart niya.  Better consult an EENT doctor or pedia mo na lang.
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: just_katya on October 18, 2012, 11:23:19 pm
@mworx
hindi naman pa nirecommend ng pedia niya yung vaccine sa pneumonia. Ngayon ko lang narinig na meron yan.. ask ko pag nagpa-check up kami. Hindi naman madalas sya magka-tonsilitis. Iwas sweets lang talaga kami. Nakakakain naman sya pero after nun lots of water talaga. Mahigpit kasi daddy niya sa pagkain kahit nga ice cream bihira. Thanks sa info..  :)
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: stealthmommy on October 20, 2012, 09:59:56 pm
@just katya, sis wag ka mag alala lahat naman ata tayong mommy at one point eh bestfriend talaga natin si mickey at baby tv, wala rin kami maid kaya may mga times talaga na yun yung ginagawa ng girl ko lalo na pag busy. samin lang kasi yun yung nag work for us nung bawasan namin yung tv, pero effort din siya na magimbento ako ng activities namin. it works din kasi since work at home ako. 
yung sa school play time naman ganyan din anak ko, pawisin. ok lang sana yung mabantot pero minsan ubuhin din kasi so before pumasok change costume din kami, haay! minsan naman sila teacher naghehelp din na palitan siya ng shirt.

it really depends sis sa situation mo, i'm sure meron yan style na magfifit sa inyo. wag kang mag alala sa mommy powers mo, i think naman lahat tayo kahit pa yung mga super experienced mommies nagkakaroon pa rin ng moments na we question our abilities, ang importante love natin mga anak natin at dun nangagaling yung mga decisions natin for them.

mahahanapan mo rin siya ng activities, don't worry. isa pa good sign din ang makulit na bata kasi sign of intelligence yan. active ang brain nila kaya ganun.
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: just_katya on October 28, 2012, 11:26:40 pm
^
Thanks sa mga encouraging words.. Oo nga siguro per age may addition and subtraction.  ;D
Lagi ko na nga lang namin sinasabi ni hubby na "Magbabago pa yan.. bata pa kasi"
Thank you uli and God bless  :-*
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: amieh on October 30, 2012, 12:25:28 pm
hayy mga sis, super relate ako dito!! i have a 3.9yo son... may mga times na talagang nade-depress na ko. but reading your posts, medyo na-enlighten na naman ako na hindi ako nag-iisa.. and i should find ways lang talaga for my son. i'll try to observe na din what triggers his kakulitan.  :D
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: hlazaro on November 01, 2012, 08:49:14 am
hello fellow moms
Im very impatience so Im having hard time disciplining my 19months baby. She's super kulit hilig magsusubo kahit galing sa sahig nakita niya sa ibang bata before mabilis kasi sya pumick up ng words or activity kaya super likot. Kaso I dont know how to be calm pag makulit na dalawa 3 lang kami ng anak ko kasama na yun yaya daddy niya  work abroad so most of the time malunkot rin me di ko alam gagawin ko. Masakit pag napapalo ko baby ko pagdi ko na pipigilan sarili ko. help po I need guidance.
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: preciouslara on November 02, 2012, 10:34:53 pm
@hlazaro si baby ko din napalo ko na sa hands sa sobrang bigla ko, pero after seeing her cry,naawa talaga ako, kaya now super patience talaga, what i do is pag sobrang naiinis na ako,alis muna ako or kahit labas lang basta madivert lang ang attention ko and para huminga tapos saka ako balik or si baby naman bago pa siya may gawin na alam kong magagalit ako, iibahin ko na yung gagawin niya,lilibangin ko na siya or ididivert ko na attention niya sa ibang bagay para hindi ko na siya mapalo ulit :D
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: just_katya on November 04, 2012, 07:30:46 pm
kailangan talaga natin mga mommies ng long patience and understanding lalo na kung tayo ang mas matagal makasama ng mga anak natin. Minsan talaga di natin mapigilan ang mapalo ang ating mga anak sa sobrang kulit. Ako kahit papaano nakakayanan ko ng mag-control. Minsan naman kailangan din natin paluin sila for discipline. And we also need to talk to them after paluin so that they will  know kung bakit. We tell them how much we love them and we want them to be a good child. Like that.. :) Mahirap talaga maging parent. Very challenging ang role natin..  :D
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: hlazaro on November 06, 2012, 08:12:47 am
thanks po Mommy @preciouslara and @just _katya for enlightenment, I'll try my best to control my temper at naaawa rin me sa baby ko, since 1 year and 6 months palang sya alam ko na mali ako, dapat ako mag aadjust kasi young toddler pa sya. Controlling my emotions is the very hard pero para sa  ko gagawin ko para mapalaki ko sya ng tama. Thanks po pag may mga tips pa po kayo pls do help me pa rin po I really need advice. I'm also a first time mom. TY
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: just_katya on November 06, 2012, 09:53:31 am
Wag mo muna masyadong paluin mommy hlazaro ang iyong anak kasi toddler pa yan.. naku mas maraming makulit days pa ang darating sa 'yo ;D Tsaka at their age nag-eexplore pa talaga sila to the max. Kaya hayaan mu lang unless di na maganda para sa kanya yung environment o yung mga ginagawa niya. Just support your angel. Mahirap talaga. Maski ako na 5 na anak ko ang kulit-kulit pa din.. :P
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: preciouslara on November 06, 2012, 08:20:56 pm
@hlazaro no prob sis, 1st time mom din ako, mag 26 months na din si baby girl ko,wala talagang tatalo sa kakulitan nun dito samin, mom ko and auntie ko kasi nag alaga sa lahat ng mga bata dito samin and wala silang ibang macomment kundi sobrang kulit daw talaga ni baby,para daw limang bata katumbas,ayaw pa niya makikita na maayos laruan niya gusto niya nakakalat lang sa sahig,pag naglinis kami at tinago ko na mga toys niya, chinechek up niya talaga at hahanapin niya yung wal sa paningin niya,hindi mo mautakan,sbrang talino na din kasi ng mga bata ngayon ;D basta habaan mo lang patience mo sis kasi we have a long way to go,nagsisimula pa lang tayo at dami pa din natin dapat matutunan along the way. :)
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: just_katya on November 06, 2012, 10:08:47 pm
,sbrang talino na din kasi ng mga bata ngayon ;D basta habaan mo lang patience mo sis kasi we have a long way to go,nagsisimula pa lang tayo at dami pa din natin dapat matutunan along the way. :)

Tama ka jan sis kaya habang maaga pa..enjoy the moment with  our children dahil sooner or later hindi na tayo ang center of attraction nila.. Hindi naman habang buhay ganyan sila kakulit. Magmamature din ang ating mga angels.  ;D
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: preciouslara on November 09, 2012, 09:03:19 pm
@just_katya, tama talaga sis, kaya nga ngayon lahat ng activity na puwede namin ienjoy ni baby together eh ginagawa ko basta kaya ng budget or minsan kahit simpleng activities lang kasi nga pag laki nila may sarili na silang trip gawin...

plan ko din ienroll si baby this summer sa mga play school para maenhance social skills niya, hilig kasi mang away ng ibang bata,saka sa ballet school para mabuhos dun yung sobra sobrang energy niya:)
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: twistedjengki on November 17, 2012, 11:19:07 am
Hi mga mommies. Share ko lang yun how I handle my super kulit 5-year-old boy. I learned with practice and patience na with regard to discipline, consistency is the key. Matalino ang mga bata. Kung may rule kayo about something, be consistent. Don't give in kaagad. Once na hindi tayo naging consistent, the problem will start. Kasi alam na nila na they can get away with it. Ako kahit maglupasay sa harap ko, tinitiis ko. Kasi walang batang namamatay sa iyak. If hindi pwede ang candy, panindigan na talagang hindi pwede. If hindi pwedeng lumabas ng bahay at a certain time, panindigan na hindi pwede. They will develop that good habit in time. My son does not eat candy even if somebody offers him one, even if I am not around.

Isa pa na works for us is being a good example. If I want my child to be courteous, dapat ganun din kami. If I want him to be thoughtful, dapat nakikita niya yun example sa bahay. I am happy to say that his teachers tell us that my son is very courteous.  :) So I think we are doing the right thing here.

Children have lots of energy and they need to use that energy kaya they are makulit. Sabi ng dad ko dati, mas matuwa pa nga daw ako kung makulit yun anak ko kasi it means he is energetic and healthy.  Gusto ko ba daw matamlay yun anak ko? Try to give them options. If you say no to one thing, then give him another thing to do which he would like.

Another thing is I don't tell him na he's makulit, malikot, etc. Children will become what we say they are. I try to complement my son sa ibang tao especially if he can hear it himself. I think he feels more confident and  helps his self-esteem.

I talk about discipline to my child hindi lang pag may ginawang mali. Usually kasi nakikipagkwentuhan ako sa kanya bago matulog. I ask questions about his day, what he did, etc. Dun ko sinisingit yun mga pagdidisiplina issues. Or if  we read a book, nirerelate ko sa totoong buhay. It's one way to instill good values na rin siguro. Most of the time pag nagdisiplina ako ng galit ako, I can't get my message across at hindi rin niya mkuha yun gusto kong sabihin sa kanya kasi ang nakikita niya is yun galit ko. He becomes more defiant. I used to spank him when he was younger like 3 years old. Pero ngayon hindi na. I just talk to him kasi it is more effective.

I realized all of these when my son was mirroring everything I did to him. The spanking - he spanks his cousin. Shouting - when I shout at him. Nalungkot ako nun nakita ko kasi I really saw myself sa ginagawa niya. I learned na as parents, we should take the time to know our child kasi he has his own personality.  Know what kind of discipline will work for you and for each child. Pwedeng yun nagwowork sa isa, hindi effective sa ibang bata. Ask God for guidance. Pray not only for your child but for everyone who takes care of him.  :D
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: gladys_gvp on December 20, 2012, 01:20:44 am

I realized all of these when my son was mirroring everything I did to him. The spanking - he spanks his cousin. Shouting - when I shout at him. Nalungkot ako nun nakita ko kasi I really saw myself sa ginagawa niya.

hi sis..
naku guilty ako dito.. 3 year old and 6months na yung panganay ko na boy at feeling ko ang kulit niya dahil parang hindi sya nakikinig sakin.. hindi naman sya ganun dati. hindi ko na talaga alam gagawin ko. minsan hindi na lang ako kumikibo kapag ayaw niya talaga sumunod.  may times pa na kung ano yung sinasabi kong wag niya gawin yun ang lalo niya ginagawa..
im still finding ways kung pano ko mas makikilala ang anak ko. working mom din kasi ako and maliit pa yung bunso ko. tingin ko kasi parang nagpapapansin lang sya sakin kaya sya ganun..ano kaya pwede ko gawin?.. :(
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: maria juana on February 18, 2013, 01:46:38 pm
Naku mga mommies I have the same problem with my makulit as super kulit at malikot na anak. My son is only 2 yrs old. Define makulit and malikot sguro nasa kanya nang lahat. Lahat ng gusto niya gusto niya makuha, kapag hindi binigay iiyak at magwawala. Grabe talaga mga mommies. Super na talaga. Then kapag nasa ibang lugar, maingay siya. One time, isinaman ko sa drug store naku super sigaw siya. Pano ba ang gagawin ko mommies. help naman please.  :)
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: annamariemomof3 on February 21, 2013, 09:41:27 am
My 3 boys din are super kulit and likot. Para bang na poposses ang mga katawan at ayaw tumigil sa paggalaw. Kaiingay pa. In my experience the more na pinipigilan the more na parang sasabog sila. So what I do is give them less sugar, the have too much energy already so no need for more. I allow them to release their pent up energy at home, they just need to focus their energy constructively. Hinahayaan ko sila maghabulan, mag wrestling in a safe and controlled environment. After that kalmado na sila. Turuan mo kaya ng sports para dun mailabas lahat ng likot
Title: Re: how to handle "super kulit" kid??
Post by: Mommy Jazz on September 26, 2017, 11:51:13 pm
Is My Child Just Makulit Child or Does He Have ADHD?
(http://www.smartparenting.com.ph/images/2017/09/26/170926-prnt-A2.jpg)
http://www.smartparenting.com.ph/parenting/kids-with-special-needs/makulit-or-adhd-a00026-20170926 (http://www.smartparenting.com.ph/parenting/kids-with-special-needs/makulit-or-adhd-a00026-20170926)