Parent Chat

Pregnancy => Getting Pregnant => Pamahiin => Topic started by: purple10 on November 02, 2012, 10:07:55 pm

Title: pangit daw pag magkaharap ang pinto at bintana? totoo?
Post by: purple10 on November 02, 2012, 10:07:55 pm
sabi ng mga matatanda hindi daw maganda sa bahay yung magkaharap ang pinto-bintana, bintana-bintana, pinto-pinto malas daw yun. wala ka daw maiipon dahil imbes na papasuk yung grasya eh lalabas din daw,  same din po sa hagdanan at pinto dapat daw may likoan bago maka punta sa pinto.. have you heard about it mga mommies?..
Title: Re: pangit daw pag magkaharap ang pinto at bintana? totoo?
Post by: KClaire on November 02, 2012, 10:24:21 pm
sabi nga, yung pinto sa pinto di daw maganda pati yung pinto tas hagdan agad. pero dito sa bahay may ilang part na ganyan. may kwarto na pinto tas bintana agad. tas may pinto tas hagdan agad,pero sa likod naman ng bahay kaya ok lang daw kasi di naman sa labasan agad.
Title: Re: pangit daw pag magkaharap ang pinto at bintana? totoo?
Post by: ysLim on December 25, 2012, 09:24:27 am
ohhh... kaya siguro wala kaming ipon kasi sa bahay nila hubby, magkaharap ang dalawang bintana. tsk3.
Title: Re: pangit daw pag magkaharap ang pinto at bintana? totoo?
Post by: kiz_me1109 on December 29, 2012, 03:09:12 am
Ok lang naman na may bintana sa harap ng door as long as hindi "lusot". Yung sakto yung size nila pareho. Alam ko yun yung malas e.
Title: Re: pangit daw pag magkaharap ang pinto at bintana? totoo?
Post by: danixnix on January 23, 2013, 01:06:13 pm
talaga mga sis? sa bahay naman pagpasok mo ng pinto diretso tapat lang ang kusina, sabi nila bawal din daw yun kasi yung gracia diretso sa pinto palabas. kaya din siguro halos hirap kami sa bahay na tinitirhan namin..
Title: Re: pangit daw pag magkaharap ang pinto at bintana? totoo?
Post by: εїз" Mrs.Pisces "εїз on June 17, 2013, 11:35:29 pm
panget daw pag tatlong sunod sunod!!
Pag tatlong Pinto tapat sa Pinto wala daw ipon at sakitin ang Mga nasa Loob

pag pinto daw at Hagdanan mga Ibang spirit naman ang Dumadaan

pag pinto din salamin agad bawal din daw!!

Sa Bintana Ang alam Ko basta walang Tagos

May bahay sila Hubs! dapat dun kami titira Pero Umatras ako kasi

nakita Ko! Yung gate nila tapat sa Main door then pag silip mo tapat sa Door Ng kusina

sabi Ko no thanks Kahit pa bagong gawa at maganda ang style hehe

:)

Title: Re: pangit daw pag magkaharap ang pinto at bintana? totoo?
Post by: twinksdinefave on August 23, 2013, 01:05:14 am
sabi ng mom ko malas daw talaga ang magkatapas ang dalawang pintuan true daw talaga yun.. lahing chinese  kasi mom ko eh..