Parent Chat

Health => Your Kid's Health and Safety => Topic started by: yanyan06 on November 14, 2012, 12:28:26 am

Title: constipated si baby
Post by: yanyan06 on November 14, 2012, 12:28:26 am
Basahin sa Smart Parenting:
Baby Food for Constipation: Recipes to help Ease the Condition
Click HERE.
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2018/10/11/4babyfoodoct1018.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/parenting/baby/baby-food-for-constipation-a1783-20181011-lfrm?ref=parentchat)

Hi mga sis,
pa advice naman po, kasi almost a week na constipated si babay. she turned 1 yr old last nov 6 po. yung milk po niya is nAN for 1 yr, then nung mag wa ine year na sya napansin ko po tumigas pupu niya at hirap talaga sya, then nagchange ako milk promil kid, ganun pa din po poop niya. is there any reason po ba bkit ganun? :(

Naka-relate ka ba? Maging member na para makapagpost ng katanungan o payo dito
(https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply to join this discussion (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=54845).

(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)
Title: Re: constipated si baby
Post by: IanAndDina on November 14, 2012, 12:41:08 am
Hndi kaya mommy kulang sa water si baby? Or baka may iba siyang food na kinain? Try mo muna if makuha siya sa pagdagdag ng water intake, if n0t dalhin mu na kay pedia :) kawawa kasi itsura ng baby pagumiire tapos constipated :( hope ur baby gets well soon,
Title: Re: constipated si baby
Post by: dhates on November 14, 2012, 10:50:37 am
try giving him prune juice sis, eto din kasi recommended ni pedia kasi nga one time nagconstipate din si baby e kaso pinipilit niya talaga ilabas ayun nagasgas yung anus niya yung next pupu nmay blood tuloy pero so far ok naman na, sabi ni pedia pag ganun daw painumin ng prune juice kahit mga 1-2oz lang kung ayaw daw inumin pwede daw haluhan ng maple syrup para medyo tumamis kasi maasim daw talaga yun, much better na try daw muna mga natural, then sabi pa niya na everytime kakain si baby ng apple or banana try sundan or pakainin din sya ng papaya para hindi tumigas pupu, then more fluids talaga..=)
Title: Re: constipated si baby
Post by: daniela antonia on November 14, 2012, 03:07:09 pm
re: losing weight

helo mga mommies, bago palang po ako dito.. wt kaya pwdeng painom ky baby na vits pra gumana yung pag.dede niya? 2 months & 15days old palang po c baby..
salamat!:)
Title: Re: constipated si baby
Post by: dhates on November 14, 2012, 04:13:26 pm
welcome sis...i think may thread na dito sa sp regarding sa ganyan not sure lang kung anong link try searching na lang, but anyways consult ka sa pedia to be sure may pedia nagrerecommend ng heraclene capsule like ours di ko lang alam kung pwede sya sa lahat ng babies, or baka kasi minsan may ibang dahilan bakit naglolose ng weight ang babies. yung new born daw (as in days old pa lang) normal na maglose ng weight pa pero after a month ata dapat nag gain na sya.
Title: Re: constipated si baby
Post by: kyandren on November 17, 2012, 11:38:13 am
constipated din c baby nong nag 1 yr siya...nan din ang milk niya tapos nag change ako to nestogen to bonamil ayun pa rin constipated pa rin..tan***a gain plus advance lang nakapag ease ng constipation niya at ok pa ang health ni baby..ok na ok ang gain kahit mahal sulit
Title: Re: constipated si baby
Post by: macon on December 10, 2012, 09:48:02 pm
baka hindi bagay sa kanya mommy yung milk niya. try mo palitan ulit.
Title: Re: constipated si baby
Post by: wilyn on December 17, 2012, 10:45:16 pm
@daniela antonia
i'm giving my baby polyvisol as advised by our pedia. you should also ask your pedia pra sure lang  :)
Title: Re: constipated si baby
Post by: iamsheymareie on January 21, 2013, 11:44:44 pm
hello mommies, my baby is  3 weeks old,... 2  weeks na syang constipated,,, naiiyak ako pag nakikita syang nahihirapan tumae. super namumula na sya kakairi tapos iiyak... iritable sya pag tatae na kasi nasasaktan sya lagi... hindi ko na alam gagawin ko :( sabi ni pedia panumin daw tubig lagi pero its not working naman ganun padin :( her formula is s-26... mommies ano ba pwede kong gawin thanks po
Title: Re: constipated si baby
Post by: Aerielle on January 22, 2013, 07:37:35 pm
gnyan dn baby ko ngaun 2weeks plng siya... s26 gold dn... mgttry n kami ng ibng milk
Title: Re: constipated si baby
Post by: apple on January 22, 2013, 08:41:01 pm
pag constipated baby ko sa milk niya pinapalitan ko na agad :)
Title: Re: constipated si baby
Post by: Aerielle on January 22, 2013, 09:02:50 pm
ok b ang nan ha?
Title: Re: constipated si baby
Post by: Errych on January 22, 2013, 09:43:45 pm
Merged with existing topic.
Title: Re: constipated si baby
Post by: Liabella on May 08, 2013, 12:54:46 am
Joining SP moms,

My 1 year old baby is also constipated, as in tulo ang luha ng baby ko, at nan lalamig si baby, haizzz, nakakaawa talaga, Un una namin na try un prune juice pero walang effect, after ko mag google, nakita ko un pear juice at naka kita naman ako sa Healthy options 990ml for 256php...ginagawa ko na lang, 2oz pear juice diluted with 4oz water...medyo na lessen un pag iyak, umiiri na lang si baby....after a few months, umiire na lang si baby, kaso naaawa pa rin ako....Baka I try ko rin ang Gain plus Baka effective sa tummy ni baby....haizzz...=(
Title: Re: constipated si baby
Post by: jannabanana on May 21, 2013, 11:14:35 am
baby ko din madalas maconstipate talagang nakakaawa kasi bigla nalang siyang umiiyak yun pala ang tigas ng pupu niya makikita mo talaga sa ano niya yung hindi niya mailabas.. 8 months yata baby ko nung ngstart siya maconstipate ang milk niya that time was Gain ayaw namin magpalit kasi maganda daw ang gain kaya pinapainom nalang namin siya ng maraming tubig and tubig na may karo syrup or anything na matamis. Nung hindi talaga kinakaya ni baby tinulungan nalang namin siya, gumamit kami ng suppository ayun successful naman para kaming nagpaanak. Tapos ilang months bumalik na naman that time we decided to change na her milk to Enfalac. Ayun lumambot naman pupu niya.. Tapos nitong kaka 1yr niya nag Enfagrow kami naconstipate na naman siya. Iyak ng iyak na naman bebe ko.. :( Lagi ng nakaready yung suppository namin kaya ginamitan ko ulit siya nun then nung hindi gumagana tinulungan ko nalang siya gamit kamay ko ayun naka 5 ata siya in 1 day sobrang nakakaawa..Nagpalit ulit kami ng milk to Lactum  and  ngayon araw araw na siyang kumakain ng papaya so far okay naman saka madalas ko siyang binibigyan ng juice para may fluid din..
Title: Re: constipated si baby
Post by: chardonnay on May 21, 2013, 09:18:58 pm
Hiyangan talaga ang milk mommies kaya soon as nagconstipate si baby and no changes after increased in fluid intake, wag na kayo manghinayang na mas maganda ito o iyon kasi halos pare pareho lang yan. Change na agad, kawawa kasi, ma be break lang ang puso nyo.
Title: Re: constipated si baby
Post by: smart.momi on May 29, 2013, 03:39:37 pm
naku this is the same problem i encountered with my toddler din. From Promil Kid to Bonakid to Enfagrow to Nido kami ngayon. So far she's okay with Nido na pero the constipation is still there. Ang hirap dahil di niya kumakain ng papaya at hindi talaga mahilig sa fruits. And the fact na grabe as in pinipigilan niya ang magpopoo niya.
Her pedia recommends na if 3days na hindi na sya nagpopoo lagyan na namin ng suppository. Ginawa ko yun for how many weeks din tapos nito lately nilalagyan ko ng fibrosine yung food and drinks niya. It works on her. As of today, kusa na sya nagpo-popo unlike before na sobrang pahirapan talaga.
you may try it but better check with your pedia muna:)

Title: Re: constipated si baby
Post by: k1SSeS on June 19, 2013, 04:23:14 pm
share ko lang, c baby ko din s26 ang milk, 18mos old and super hirap din jumebs, tulo lahat - pawis, luha & laway - super kawawa kala mo naglalabor.. We tried prune juice, wa epek, yakult, papaya din pero wala pdin nangyari.. Dinala namen sa pedia, they gave him duphalac, first few days walang effect so balik kame k doc then binigyan kame suppository.. after few weeks i decided na ibalik siya kc super pula ng pwet niya and may sugat na.. the doc gave us duphalac again but increased dosage na.. from 2ml - 3.5ml after a few days ok na pupu niya, di na siya nahihirapan mgpupu and malambot na.. try nyo mga mommies, baka mgwork din sa babies nyo.. yung din pinagamit sken nung OB ko when I was pregnant kc constipated din ako.. namana yata ni baby.. hehe
Title: Re: constipated si baby
Post by: Dada08 on June 19, 2013, 05:36:19 pm
14mos old baby ko buhat nag start mag solids naging constipated na..
enfa series siya pero nag try na din kami ng ibang milk brands constipated pa rin.
kahit mag water ganun pa rin, papaya and prune juice constipated pa rin.

ceelin & growee vitamins niya, nag stop muna kami sa growee baka yun ang culprit...un nga! constipated pa rin si baby pero not like before na mega "dukot" kami ni hubby ng poop
Title: Re: constipated si baby
Post by: Liabella on June 20, 2013, 09:55:48 pm
Sis,
Nag try ako ng gain plus for my 1 year and 5 mon old baby last month, mga sisters, success talaga! thank you kay sis kyandren, for the gain plus milk recommendation at sa mga SP moms suggestions.  Ok n ai baby, soft n un pag pupu niya  super thanks mga sisses! Nag stop na rin ako sa pear juice, panay water at milk lang si baby.
Title: Re: constipated si baby
Post by: bree0527 on July 11, 2013, 09:39:24 am
May kinalaman po ba yung laging constipated sa breastfeeding?
Title: Re: constipated si baby
Post by: Mommy Jazz on July 11, 2013, 10:46:33 am
^
alam ko po breastfeeding does not cause constipation kasi marami ang water content ng breastmilk.
Title: Re: constipated si baby
Post by: Mommy Jazz on July 15, 2013, 03:10:44 pm
@bree0527
Now na gets ko na po yung tanong ninyo. What you mean pala is kayo yung constipated and not the baby ;)
I replied to your question on this thread:
http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,61491.0.html
Title: Re: constipated si baby
Post by: Joann Quinto on April 09, 2020, 03:10:02 pm
Hello mga mamsh! Tingin nyo do i need to change na my baby's milk? Constipated kasi sya nung nagpalit sya ng similac 1 to 3 years old. And humina sya mag milk though malaks sya kumain. Kailngan ko ba mag worry? Feeling ko kasi kulang na nakukuha nyang nutrients if humina sya mag milk