Parent Chat

Life => Love and Relationships => Romantic Relationships => Topic started by: mami che on November 20, 2012, 09:53:52 am

Title: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: mami che on November 20, 2012, 09:53:52 am
Basahin sa Smart Parenting:
To Share Or Not To Share? Gaano Kahalaga Ang Privacy Sa Isang Relasyon
Click HERE.
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2020/06/29/password-sharing-main.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/life/love-relationships/gaano-kahalaga-ang-privacy-sa-isang-relasyon-a00307-20200630?ref=parentchat)

i cant think  of a good title e  :D

i mean, hanggang saan yung dapat hindi nyo na pinapakialaman sa isa't isa? pano nyo madidistinguish yung privacy sa secretive?

cellphone, email/fb accounts - i understand na di dapat na yun iniinvade...

nagtataka lang kasi ako mga sis... kasama ba laptop sa list?!? hihiramin ko sana yung laptop ni hubby coz sira my notebook... but may password ang laptop... i was asking for the password pero sabi niya, maya nalang pagdating niya... bakeeeeet?!?! invasion of privacy ba yun?

Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=54932.msg867720#msg867720) tungkol dito o maging member na para makapagpost ng katanungan o payo dito
(https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply to join this discussion (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=54932).

(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: Karen Joy Macapasir on November 20, 2012, 11:46:22 am
hi sis... for me? dapat alam mo yan, mag sawa kayo dapat alam mo kasi dapat wala tinatago, saka maliit na bagay lang naman yang mga FB, email etc accounts eh, if wala tinatago dapat pinapakita niya, or kahit may password dapat alam mo din yun, baka kasi naglagay siya ng password para sa ibang tao... ask mo siya sis.. sa amin kasi ng hubby ko wala lihiman eh, wala naman kasi siya ibang aacount ahahaha girl's hehe ako din yun sa isa ha ha parang ganito din yun ah he he
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: amieh on November 20, 2012, 12:39:28 pm
sa amin naman ni hubby ko ang hindi lang naman ma-invade both eh yung mga FB at email accounts namin. hehe.. celfon napapakialaman namin.. ewan ko, hindi lang siguro kami nasanay.. di ko pa na-try hingin mga passwords niya dun kung ibibigay niya.  ;D
but with my ex bf before lahat ng passwords alam namin. ;)
maybe wag lang ako makakaramdam that there is "something" to investigate about.. that's the time siguro na bubulabugin ko lahat ng accounts niya.  >:( >:( pero ngayon wala naman kaya deadma lang... bahala sya.  ;D
@mami che: palagay ko sis baka may mga tinatago sya dun mga personal files like mga porn.. baka nahihiya sya na makita mo un. parang ganun kasi hubby ko pag nakakakita ko mga cd's, dadaragin ko yun ng pabiro tpos lagi niya dialogue sa kuya ko daw yun.  ::)
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: Karen Joy Macapasir on November 20, 2012, 12:45:43 pm
hahaha sis amieh nakarelate ako dun sa porn thingy! hubby ko super inagaw sa akin yung PSP niya kasi daw may porn dun baka makita ko daw, eh di ako maniwala kc nga inagaw niya sakin bigla, pinakita niya sakin yun pero saglit lang hahaha naalala ko hehe me alam ko kasi mga password niya eh hehe :D
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: yhamsloveŽ on November 20, 2012, 01:25:01 pm
hihiramin ko sana yung laptop ni hubby coz sira my notebook... but may password ang laptop... i was asking for the password pero sabi niya, maya nalang pagdating niya... bakeeeeet?!?! invasion of privacy ba yun?

baka naman may surprise siya sa iyo sis at ayaw nyang mapurnada yung surprise niya kaya he delayed giving you his password.  ;) at least ang sabi niya "maya nalang pagdating"....  hindi "hindi pwede..."  :) ibig sabihin, he is still giving it to you  ;)

As to your question:

hanggang saan yung dapat hindi nyo na pinapakialaman sa isa't isa? pano nyo madidistinguish yung privacy sa secretive?

Medyo in general yung sagot ko  :D, for me, ang hindi ko na pinanghihimasukan eh yung pagdedesisyon ng asawa ko.  Pero sa bawat pagdedesisyon niya, natutuwa naman ako kase hinihingi niya opinion ko, pero in the end siya pa rin masusunod.

Pagdating kase sa mga gamit, my husband doesn't mind kung gusto ko man hiramin o tingnan mga bagay na kanya.

We also know each other's passwords sa mga phones/online accounts namin.

Sa usaping "porn" naman... ayayay! sabay kami nanonood niyan  ;D
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: mylittlegabriel on November 20, 2012, 10:45:49 pm
Siguro nga case to case basis din ang sagot sa tanong mo sis. Kasi may mga iba, they doesn't mind talaga, pero yung iba big issues na. Sa amin kasi ni hubby, alam din namin lahat ng passwords sa online accounts, pati cellphone ok lang pakialaman. Kasi siguro pareho kami na we don't mind kung open niya ang account ko or vice versa. Basta eversince kasi wala kami secret sa isa't isa eh.

Natawa naman ako kay sis @yhamslove, sinabi mo pa, sa usaping porn, sabay kami manood nyan, hahaha! And I like the way na siguro isipin mo na nga lang positive, baka may surprise sayo or baka naman talagang wala sa kanya na pinagmamaya pag-uwe niya ang pagsasabi ng password. think positive nalang sis! hehe!
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: goodmornin on November 20, 2012, 11:20:53 pm
Privacy? ano yun??? hehe.. ;D IMHO, dapat ang cellfone open. may mga kakilala kase ako na doon nadiscover na may "other woman"...yung laging hawak yung cellfone, kahit sa loob ng bahay..e di ibig sabihin may tinatago.

in our case, everything is open. we know each others' password. nothing to hide naman. we even ask each other to open our email, fb account for each other.
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: preciouslara on November 20, 2012, 11:23:49 pm
baka worried lang siya sis na baka may magalaw ka sa mga files niya lalo na kung may kinalaman sa work,mga lalaki kasi minsan sobrang work oriented eh...in my case naman alam ko lahat ng password sa acount ni hubby, medyo makakalimutin na kasi siya sa dami ng acounts niya kaya ako ginagawa niya tagapag alala hehe...minsan taga sagot sa email ng mga boss niya pag napapagod na siya kakasagot...hehe.in our fb acounts naman,isa lang yun for family and his friends ayaw niya gumawa ako ng personal fb ko kasi hindi niya matake yung possibility na baka kung sino sino daw mag add sakin dun like my exes...hehe

sa porn naman, sabay din kami manood nun pag nandito siya,minsan nga tinatanong pa niya ako ano daw gusto kong klase ng porn eh ;) secrets...wala talaga ako maisip na tinatago si hubby eh, lahat kasi alam ko eh o magaling din siya magtago, hehe ;)
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: wahmproject on November 21, 2012, 09:29:33 am
Depende rin sa ugali ng husband mo. Dati na ba syang ganyan? Baka nga may surprise sayo or may innocent secret lang. :)

Kami ni husband, hindi namin alam ang passwords ng isa't isa sa email, FB, online banking, etc.  Pero sa phone naman, hindi nakalock ang phone naming pareho so if really want to read each other's text messages, pedeng magawa. Hindi rin nakatago ang phone niya. Sa laptop naman, if its his work laptop, then required na baguhin ang password regularly so madalas hindi ko alam. 

Kakaiba and sometimes napapaisip din ako but tanggap ko na.  Kasi kahit ako, ayokong ibigay sa kanya ang passwords ko.  Ganito nako even when I was younger.  But if it were me, better pa rin if transparent kayo sa isa't isa.  Nalelessen ang doubt and worry nyo sa relationship.
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: amieh on November 21, 2012, 12:12:13 pm
yeah! i guess that's it.. it really all depends sa personality ng bawat couple. it's really you who knows your husband well. minsan kasi makaka-feel tayo but eventually kusa na din mawawala yung doubt dahil maju-justify ng mga susunod na pangyayari.  ;)
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: mami che on November 21, 2012, 04:22:50 pm
many thanks mga sis for the plenty & positive insights...  :)

yes, nung mag bf-gf palang kami,hanggat maari ayaw yung ginagalaw mga gamit niya... esp books... nagpapaalam ako sa twing may hihiramin akong gamit niya (nakaugalian ko na rin kasi) ... pero iniisip ko, mag-asawa na kayo diba, so dapat ma-lessen na yung "what is mine, is mine" ... we respect the "privacy" of our fb, email & celfon... kahit wala akong tinatago, ayoko din naman ng may nag pi-peek sa accounts ko... di ko lang talaga maintindihan sa laptop e.. tho i know madami syang porn vids dun (pero di rin naman niya shineshare sa akin).... bakit mga sis, whats with porn ba at parang ayaw ishare ng other hubbies sa wifey? 

ang kinakapa ko tuloy ngayon, the bigger picture, kung hanggang saan kaya?!? do i have to sneak or kunwari to keep the mystery?  :o
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: yhamsloveŽ on November 21, 2012, 05:01:00 pm
bakit mga sis, whats with porn ba at parang ayaw ishare ng other hubbies sa wifey? 

Sa tingin ko baka ayaw nilang mabuking san nila nakukuha mga "moves" nila... kase pag nalaman ni wife, baka di na maging kasabik-sabik  ;D :D

Baka ganon...

ang kinakapa ko tuloy ngayon, the bigger picture, kung hanggang saan kaya?!? do i have to sneak or kunwari to keep the mystery?  :o

I'm not sue if there's a way to tell.. siguro depende nalang sa hinihingi ng sitwasyon... kumbaga "let's just cross the bridge when we get there..."  ;)
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: mami che on November 22, 2012, 04:50:24 am
thanks for that sis yhamslove...
siguro sa porn, i'll sneak onetime para may alam din akong moves hehe  ;D
others ---i'll just cross the bridge when i get there  ;)
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: mommyonsale on November 22, 2012, 06:10:57 am
Sa amin ni hubby open kami kaso pakielamera talaga ako. Madalas na haragan kung tingnan or kunin ko yung mga gamit niya or lihim kong tinitingnan wallet niya. Pero kung ano naman explain niya sa akin eh yun talaga nakikita ko except sa wallet lagi akong pinagtataguan ng money nun hege explain niya para in case of emergency may madudukot kaso pag nakita ko na ibibigay niya din sa akin or ipambibili na niya siguro baka napahiya na. Sa fb si hubby p nagsasabi na open ko yung fb nys pr ipakita yung mga photos na nakatag sa kanya na pics niya din. Sa email ganun din. Sa pagdedesisyon sya na talaga decide hindi na ako nakikielam kasi napag iisipan na ako ng masama ng mga in laws ko akala nila ako lagi kumabaga under ko daw si Mr. Ngaun na nasa ivang bansa si hubby wala na ako napapakielaman pero kampante na ako kaya goodbye na sa pakielamera kong kamay.. hihi...
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: sweetpumpkin on November 22, 2012, 07:02:20 am
kami naman ni huby alam namen mga password ng emails,fb..etc..pero hindi kami nakekealam o nagbubukas ng emails. if nanghihiram ako ng ipad niya,at online ang fb niya,nakikitingin ako alam naman niya yun pero hindi ako nagoopen ng messages niya.ganun din sya saken.hindi ko na din pinapaalam sa kanya mga forums na sinasalihan ko like gt at sp kasi makikiusyoso pa yun hehe....  alam ko naman kung kailan kelangan magduda..at maging spy hehe... :)
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: KClaire on November 22, 2012, 10:09:05 am
Quote
Sa amin ni hubby open kami kaso pakielamera talaga ako. Madalas na haragan kung tingnan or kunin ko yung mga gamit niya or lihim kong tinitingnan wallet niya. Pero kung ano naman explain niya sa akin eh yun talaga nakikita ko except sa wallet lagi akong pinagtataguan ng money nun

haha pareho tayo sis..
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: eloytski on November 22, 2012, 12:25:44 pm
Lagi kong binubutingting ang cellphone ni hubby, particularly yung inbox at call log. Alam naman niya at tanggap naman niya (and most importantly, wala siyang magawa, hehe). Wala naman sya FB at iba pa social networking accounts, at ang email niya na pang-business sa akin niya pinapa-manage.

Yung wallet niya ang ayaw ko pakialaman...siguro ingrained na sa akin talaga yun, kasi shempre pera. Kung may ipakuha man sya sa akin sa wallet niya, yun, ok lang saka nagpapaalam naman ako pag kukuha ako ng pera, hehe.


hanggang saan yung dapat hindi nyo na pinapakialaman sa isa't isa? pano nyo madidistinguish yung privacy sa secretive?

Actually hindi pa yung physical o material things ang una kong naisip sa question na ito. I was thinking about how there are some things, topics or issues that we have not discussed. Halimbawa, we don't open up about our past relationships. Pag tinatanong ko sya ilan naging girlfriend niya, sinong naka-devirginize sa kanya, sinong pinakamatagal niya gf, bakit sila nag-break, etc...ayaw niya sagutin, ayaw pag-usapan. Ang katwiran niya, nakaraan na yun at hindi na dapat inuungkat at binabalikan. Which is tama naman...ang sa akin lang I just want to take a glimpse din sa past nyang buhay/lifestyle.

Siguro basta ang mahalaga lang din, respetuhin din natin ang wishes ng hubby natin. At kung meron mang bumubukol...o may mga duda na, siguro daanin na lang sa matured at maayos na pag-uusap para wala na masyadong gulo at ma-resolve agad ang hindi pagkakaunawaan.  ;)
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: amieh on November 22, 2012, 12:45:54 pm
Quote
yes, nung mag bf-gf palang kami,hanggat maari ayaw yung ginagalaw mga gamit niya... esp books... nagpapaalam ako sa twing may hihiramin akong gamit niya (nakaugalian ko na rin kasi) ... pero iniisip ko, mag-asawa na kayo diba, so dapat ma-lessen na yung "what is mine, is mine" ... we respect the "privacy" of our fb, email & celfon... kahit wala akong tinatago, ayoko din naman ng may nag pi-peek sa accounts ko... di ko lang talaga maintindihan sa laptop e.. tho i know madami syang porn vids dun (pero di rin naman niya shineshare sa akin).... bakit mga sis, whats with porn ba at parang ayaw ishare ng other hubbies sa wifey? 
Quote

yun naman pala sis eh, ugali na talaga ni hubby mo noon pa.. hindi lang siya talaga comfortable na may gumagalaw ng gamit niya.. hindi din talaga basta matatanggal yun but you can work on it.. pwede mo sabihin sa kanya insights mo regarding dun na hindi naman kayo mag-away.  ;)

Quote
ang kinakapa ko tuloy ngayon, the bigger picture, kung hanggang saan kaya?!? do i have to sneak or kunwari to keep the mystery?  :o
Quote

once in awhile you can sneak..  ;)
kasi mahirap din magpaka kampante, that's what i learned from my previous relationship. hindi naman dahil nagi-investiate or nag-sneak tayo paminsan eh wala na tayo trust sa kanila. actually it helps pa nga minsan dahil pag wala tayo nahuli or nakita, silently na-proved natin sa sarili natin how loyal our hubbies are and how much they love us. kumbaga hindi na makakarating pa sa kanya that you are investigating or having doubts with something di ba.  (mahirap din kasi mapahiya. ahihi.. ;D) tyaka kasi di ba pag nalaman pa nila na you're in doubt somehow it will hurt their feelings or there are guys na naiirita pag ganun. so atleast tahimik lang di ba.. ganun kasi gawa ko.. pag may chance go lang.. pag walang nakita eh di kilig.. pag may nakita na nkakaduda i'll start with pasundot-sundot na tanong sa kanya.. hanggat nagco-connect ang mga sagot at ok sa akin eh quiet lang until makuntento ako sa mga sagot niya.. pero pag may kakaiba or foul tyaka ko isasambulat sa kumha niya angmga nakita kong kahina-hinala.  ;D ;D
sorry napahaba.  ;)
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: BlueAby on November 22, 2012, 02:22:21 pm
ako mahilig akong mangalikot. di kasi palakwento si hubby. Pero pag may nabasa ako inoopen ko agad sa kanya. Kaso mukhang natuto eh... nagbubura na sya ng messages niya. As in pinipili niya yung mga di ko dapat mabasa. Once kasi may nagpost sa FB eh napansin ko. tapos parang ang labas eh nagtetext sila sa isat isa, pero wala naman akong nabasang ganun sa cp niya.

Inopen ko kay hubby na gusto kong magtiwala ulit sa kanya kaya dapat wala na kaming lihiman. Although may woman instinct din ako minsan na once na naghalughog ako ng gamit niya or magtanong ala-NBI eh nahuhuli ko talaga siya. hehe.
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: mami che on November 23, 2012, 10:07:03 pm
thanks mga sis...  ;)
lumalawak ang pang-unawa ko  :)
at hindi rin ako papakampante ng bongga  sis amieh  ;D
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: chococream on November 24, 2012, 05:21:06 am
talaga lang mommy che, pag me butas that means me gumawa ng butas.  hehe tama ba yong quote ko? anyway same lang yon sa pag me smoke that means meron apoy...bsta get my point. Hindi naman dapat security guard always pero dapat on guard tayo p alagi. kasi mahirap na ang panahon yon, ika nga pa ng lolo ko. Ang LION ang promotekta sa buong angkan niya pero ang LIONESS ang mas nakaka alam sa mga dangers around ng cave nila. ewan ko saan nakita ni lolo yon pero bottomline sis just check around lang and pray for guidance and the truth and lilitaw din yan on its own time, just be ready sa malalaman mo.

 :D :D :D :D
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: amieh on November 24, 2012, 12:44:06 pm
korek! sis chococream! i love the last part of what you said! it elaborates more what i want to say! (elaborate pa daw oh sa haba ng post.  ;D) chillax lang tayo mga sis. buti naman so far ala pa record si hubby sa akin.. isang yan sa matandang tagubilin ko sa kanya simula't sapul, wag na wag siyang magkakamali!  >:(

eto lang masasabi ko.. Ang mundo ay parang isang malaking Quiapo... (nakalimutan ko na yung kasunod sayang. hihi... modify ko na lang pag naalala ko. ;D)
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: mami che on November 24, 2012, 09:19:33 pm
sis chococream! i like the lion and the lioness thing ha  ;)
pero nakakatakot yung "be ready sa malalaman mo"...  :-X
pero ask ko lang ulit mga sis... yung password na sya lang nakakaalam - is it for privacy  or secretive syang nilalang? o dapat nadidistinguish ko na yun?  (depende siguro kung ano reaction no?) ;D
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: chococream on November 25, 2012, 04:57:18 am
im not sure about sa password sis e kasi me record ako ng ganyan before kay hubby na sa isang email niya at ym na sya lang nakaka-alam...bottomline na hack ko ang email ang ym niya without him knowing. hahaha  sapul dun kita lahat kalandian...kaya all his email accounts he tells me na at lahat ng p asswords kasi he is a changed man na daw..(weehhh d nga!  hahaha)...  pasensya na sa iba pero it doesnt work kasi sa akin, i dont need to know what you are doing sa mga emails, social sites etc bsta you have to tell me first hand the log-ins para pagkatiwalaan kita, pag nalaman ko sa iba and nalaman ko na meron ka ganyan and you didnt bother telling me ...then goodluck nalang sayo.

Respect of privacy sis is ok naman as slong as we know na andyan yan, no need naman siguro kutingtingin....Secretive?? usu pa ba yon sa mag.asawa?? unfair naman ata, asawa mo secretive pero siya he wants to know everything about meron ka.
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: sweet&spice on November 29, 2012, 10:49:04 am
I'd rather we both know the passwords not to look at everyday pero may freedom to look anytime. Kung ayaw naman nila magpahuli, there's a way naman di ba, pero it's still better if you know para usok pa lang, alam mo na.
Title: Re: hanggang saan ba dapat ang privacy nyo ni hubby?
Post by: iamsheymareie on December 01, 2012, 12:21:07 am
samen, we both know our passwords, lahat ng account like fb, twitter, email etc. even passwords ng phones and lappys. we are all open. even sa mga decisions, we ask each others opinions. if wala tinatago ibibigay ang password hehe. i sneak almost everyday sa phone and sa online accounts esp facebook. hindi sa wala akong tiwala kay hubby, sadyang marami lang talagang makakati ngayon hehe. anyway we dont hide nothing. lahat open. wala nako dapat itago pa sa kanya. same siya sakin kasi asawa ko siya at yang material na bagay ei hindi namin hahayaang makasira sa relasyon namin :D