Parent Chat

Pregnancy => Health and Nutrition => Topic started by: karen_arenas on February 11, 2013, 10:45:58 am

Title: Congenital Anomaly Scan: What, why and how much, how to deal with result?
Post by: karen_arenas on February 11, 2013, 10:45:58 am
Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) to Smart Parenting to gain full access to this forum. Reply to this topic or share your parenting tips and get membership perks (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=114413.msg966669#msg966669). Join today's hot topic (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=114728.0) too. Click HERE (http://www.smartparenting.com.ph/registration) to sign up and get a downloadable freebie.

Good morning mommies! My OB told me kailangan daw ng CAS. Ano po ba nag procedure nun? Natatatakot kasi ako, its main use daw kasi eh para malaman kung may abnormalities ang bata.. super afraid?

Mod's note:
Congenital Anomaly Scan: What Makes This Prenatal Test Essential
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2018/07/13/cas-july1318.jpg)
Read about it on Smart Parenting. Click this link:
 https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/health-nutrition/congenital-anomaly-scan-during-pregnancy-a00041-20180715?ref=parentchat
Title: Re: CONGENITAL ANOMALY SCAN
Post by: bhea-bhea on February 11, 2013, 10:52:10 am
don't worry sis.. normal lang yan  ;D.. mas maganda nga yan kasi mas madali makita gender ni baby! tyaka makikita mo kung buo na lahat ng body parts ni baby... like kidney,heart etc.. Good luck sis.. ako rin afraid dati dyan kasi baka di pa complete si baby pero ok naman result.. pray lang sis.. ;D.. Happy pregnancy..
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: dhates on February 11, 2013, 11:57:15 am
kami yan talaga pinagawa namin na ultrasound para mas detailed kahit yung ordinary lang request ni OB, nakakatuwa kasi sis pati blood flow ni baby makikita mo taz bibilangin pa fingers niya normal ultrasound lang naman sya though mas matagal lang kasi nga lahat ng body parts ichecheck. ok lang yan sis masarap feeling lalo pag normal lahat ng result tapos ang tagal pa ng time na maviview mo si baby sa loob. Goodluck..and congrats
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: imiyeeyesiam on February 11, 2013, 11:23:24 pm
Wow ganda pala nun.. ;D..gagawin ko rin sa next na baby ko..
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: jenestorico on February 12, 2013, 01:10:12 am
Congenital Anomaly is like a normal ultrasound ganun procedure pero sakanila madami sila chineck for CAS like size of the babys head and tummy. They are also going to check babys features kung complete wala abnormalities and kung some of the congenital issues. Kaya i highly suggest for you to have the test kahit medyo mahal ng konti.  ;)
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: Nanay ni Liam on February 12, 2013, 09:05:20 pm
CAS is done like the normal procedure pag regular ultrasound sis. Mas detailed nga lang sya. Pati internal organs makikita. It's ideally done around 5th month ni baby. Nung ako hindi naman ni-require ni OB ang CAS kaya lang medyo praning ako coz i got sick during the first trimester...first trimester kasi ang pinaka crucial stage ng pregnancy coz it's the organogenesis stage... Nagsisimulang mag-forms organs ng baby. Kaya pinagawa ko din CAS. Medyo pricey nga lang pero it's all worth it lalo na pag nakita mo na complete naman si baby. Goodluck sis!
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: annamariemomof3 on February 13, 2013, 08:08:53 am
I had that test for my twins. Super expensive kasi times two ang bayad. Sabi ko nga sa husband ko bakit need pa un eh kahit may makita naman abnormality la naman kami magagawa, nagalit ba naman sa akin. I guess that was just my practical or skeptical side talking. But it's really good to take advantage of the technology para we can prepare ourselves sa Kung ano man ang naghihintay sa atin and also Kung la naman complications it is one less thing to worry about di ba.
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: Jiro2013 on February 20, 2013, 11:16:26 am
di ako nirequest ni OB ko ng CAS but I opted to have it and sa new world kami nagpaCAS for only 980 nakakakaba pero after ng result mapapanatag loob mo kasi atleast nacheck na okay naman pala si baby don't worry sis normal ultrasound lang siya pero mas matagal ang procedure kasi chicheck lahat ng parts ni baby
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: aliya_liapot on February 28, 2013, 04:04:20 pm
Hi sis! I had one just last month and parang nagpa-ultrasound ka lang. Mga 30 mins yung procedure but it depends din kung cooperative si baby and makita agad lahat ng body parts niya. Other OBs dont recommend this kasi baka masyadong kabahan yung mga moms and makaapekto pa sa pregnancy. Yung sakin kasi, i was the one who requested for it kasi dami ko ininom na meds nung 1st month ko. Nagka-trangkaso kasi ako then hindi ko pa alam na pregnant ako at that time. Sa 1st baby ko hindi ako nagpa-congenital anomaly scan.

I guess you have a say in this. If youre not comfortable with the procedure, maybe you can tell your OB.

Good luck!
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: wendy.ravzz on March 11, 2013, 05:45:57 pm
pa join po !  :)

nakapag pa-CAS na din ako last month sa may UERM (STA.MESA).. and very thankful naman kame ni hubby dahil normal lahat sa baby girl namen!!!  :D complete na body parts niya pati internal organs like heart, kidney, lungs etc. nasa 2k po yung binayad namen and yun na ata ang pinaka murang CAS na alam ko kase nag-inquire talaga ako sa halos lahat ng clinics ang hospitals na malapet samen dito sa manila, mandaluyong, makati, san juan... tsaka mababaet ang mga OB Sonologists nila doon sa UERM..
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: wendy.ravzz on March 11, 2013, 05:51:04 pm
PADAGDAG PA PALA MGA SIS!

mas maganda daw kung ang ipapagawa ay CAS congenital anomally scan kesa sa 3D or 4D UTZ.. kasi sa CAS, if ever na may makitang abnormalities kay baby pwede magamot/maagapan through medication.. kaya sa mga preggies out there na tulad ko po, i suggest na CAS UTZ na ang ipagawa nyo kesa sa ordinary 3d/4d UTZ.. ang mahalaga ehh panatag po ang mga loob naten na healthy at normal ang lahat kay baby bago pa man sya lumabas..  :) makikita din naman po ang gender niya at face sa CAS kaya sulit na sulit po..  :)
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: bella swan on March 12, 2013, 05:30:21 pm
Hello Mommy @wendyravzz!

Thank you sa advice ha :)... Next month, I guess magpa-CAS UTZ din ako, nakakakaba to pero wala namang impossible sa dasal :). I guess, hindi ako nagpa CAS before, I do not know why. Anyway, sana healthy si baby :)
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: mommyale on March 13, 2013, 07:34:41 pm
had my CAS at MegaClinic.. super sulit kc sobrang tagal ng procedure! unlike the ordinary pelvic ultrasound bitin but this CAS very detailed.. the ob will show you everything... from organs, spine, bones, fingers, toes, heart, physical features.. nakita lahat normal! i am at ease knowing my baby is super healthy at this time. :)
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: bella swan on March 13, 2013, 08:36:46 pm
Good to hear that!

Congrats @mommyale!
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: wendy.ravzz on March 14, 2013, 11:01:32 am
you're welcome @lovebeingmom !!  :P

lots of prayers lang sis and for sure healthy si baby..  :) tama ka nakakakaba nga.. and ako naman tinanong ko talaga sa OB Sonologists nun kung wala namang surgical problem si baby girl, wala naman daw. thank God!  :) pinakita niya din mismo yung face ni baby.. and obviously daw healthy sya dahil ang taba-taba ng cheeks niya hehe !!  ;D


well, goodluck sis! GOD BLESS...
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: PinkyshKate on March 14, 2013, 09:19:48 pm
Ipapakita ba yung mukha ni baby during CAS?
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: dhates on March 15, 2013, 10:26:06 am
yes sis makikita yun kasi may mga chinicheck din sila sa face like kung may cleft lip and others, minsan nga nagti- 3d 4d view pa sila para masure and para mas malinaw makita ng parents, kung malaman na ang face ni baby most probably makikita mo na din kung sino kamukha hehe, nung nagpa CAS kasi kami saktong 20 weeks pa lang and maliit pa man din baby ko so puro buto pa lang, yung tipong wala pa laman ang face niya although kita mo naman na kumpleto and maayos ang facial features niya hehe
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: bella swan on March 15, 2013, 01:34:14 pm
hello mommies! kelan pinakamagandang magpa CAS? I mean, what week?
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: dhates on March 15, 2013, 05:34:02 pm
advise samin and base sa mga nababasa ko 20th-24th week ang the best time for that kasi kumpleto na parts ni baby and pati mga internals niya pwede na macheck and at the same time di pa ganun kalaki ang bata so madali makita lahat ng body parts niya.
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: bella swan on March 15, 2013, 08:02:31 pm
Thank you Mommy @dhates! I have to wait pa pala ng mga May...
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: mworx on April 14, 2013, 02:39:48 pm
Sa akin lang ha, as much as I want to see and check my baby, paano kung may abnormality nga kaya nyo bang tanggapin?  My daughter had congenital development hip dysplacia both legs pa.  Nalaman yan at birth while pedia was checking her legs.  Nagpa 4D ako pero di naman nakita yun.  Well, just have regular checkup and take care of yourself and your baby.
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: bella swan on June 04, 2013, 01:39:49 pm
Magandang Araw Mommy @mworx!

Naisip ko rin yan. Sabi ko nga sa sarili ko kung may nakita, ano magagawa ko, puwede ko bang baguhin ang kalalabasan niya? Pero I still took the courage para magpa-CAS, yung first baby ko kasi, maliit sya nun lumabas, para maiwasan ang same situation and I am very thankful na normal naman po lahat ng findings sa baby ko... Sabi ko pa sa sarili ko, kung ano man, God will not give me a situation naman na hindi ko kakayanin.

During the procedure, nagkukwentuhan pa yung mga doctors sa loob, meron daw silang na-observe last time na may complication sa puso. Sobrang natakot nga ako eh so tahimik lang ako the whole time para ma-check nila lahat.

Pero tama ka Mommy, regular check-up and kailangan talagang alagaan ang sarili at si baby...

Alam mo yung pamangkin meron din po siyang problema sa a, I'm not sure lang kung ano tawag sa condition niya pero hindi pa ata uso ang CAS nun so nalaman un pagkalabas niya. Ngaun, unti-unti na syang nakakalakad ng maayos, medjo natutuwid niya na yung mga paa niya and hopefully, maging mas maayos na soon... He's turning 11 and para ko na rin syang anak :)
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: dhates on June 05, 2013, 10:25:19 am
kami naman nung nagpa CAS positive outlook talaga kami hindi namin inisip na may abnormalities, cheaper pa din naman kasi sya i think kesa sa 4d and maliit pa si baby nun 5 mos pa lang kaya for sure hindi pa maganda 4d image niya, so we decide na CAS na lang since yung ka office mate ko ganun din pinagawa niya before and natuwa sya kasi lahat nga daw chinecheck so tagal ng viewing kay baby and parang nakikita mo na din na developed na talaga sya, then if ever naman kasi may abnormalities na makita sabi some may be corrected pa though maselang procedure siguro pag ganun, and some naman pwede mo paghandaan pag labas niya, like kung may mga procedure or treatments na gagawin sa kanya paglabas, mapprepare mo na yung sarili mo and also the budget, like kung sa suite room ng 5star hospital plan mo manganak pwede ka magdowngrade, or planning to buy big and expensive stuffs pwede ipostpone muna lalo kung di pa naman talaga magagamit ni baby upon delivery or pwede din magstart na pagipunan, plus factor pa na you can do some research base sa condition ni baby, like specialist, type of treatment, cost, effects short term and long term and others so you can decide for the best option, hindi yung parang naghahabol ka ng oras pag labas niya, and super vulnerable natin mga mommies right after delivery so mas malaking effect kung right there and then tayo masstress mahirap icondition ang sarili pag sabay sabay yung iisipin mo, plus pa yung bigat ng nararamdaman mo and hindi din ganun kalakas yung katawan mo. but I still agree na regular check ups and pag iingat while preggy, even yung personal monitoring mo like baby's kicks and movement ang importante while preggy, upto the 9th month kasi madami pa pwede mangyari physical features siguro ni baby and system niya developed na pero madami pa ding hindi.
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: bella swan on June 06, 2013, 01:29:49 pm
Oo nga po mga Mommies, masarap talaga sa pakiramdam kapag ang result is puro positive, pero, gaano ka-accurate ang CAS? I mean, may nakaranas na ba or may alam po ba kayo na okay lahat yung CAS results then nung pinanganak, hindi naman pala :(...
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: MaraMeow on June 07, 2013, 01:56:17 pm
Omg eto pala ang kailangan ko para di na ako ngiisip masyado kung kumpleto or kung ano mang abnormalities si baby. :/ im 7months na po puwede pa po ba ako mag pa-CAS?
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: bella swan on June 12, 2013, 01:12:34 pm
Magandang Araw Mommy @MaraMeow!

Yes, ask your OB kung di ka niya ni-recommend ng CAS. puwede ka naman mag-request :)
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: MaraMeow on June 13, 2013, 12:26:50 pm
Thanks mommy bella swan!! :) I'll ask my OB sa next check up ko, tgal pa june 22 -__-
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: mommy_ica on April 02, 2014, 01:01:11 pm
hi mommyale - magkano po CAS mo sa Megaclinic and san po ang Megaclinic?

Hi mommies, mag36 weeks na ko this Saturday, hindi na ba ko pwede magpa-CAS? Or late na ba masyado? Kasi suhi si baby last ultrasound, kaya gusto ko sana magpa-ultrasound ulet para sure na nakapwesto na si baby. Need din ba ng referral from OB para payagan ka ng clinic o hospital na iCAS ka? Anyone knows kung san pinakamurang CAS and magkano po. Thank you :D
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: KtheaG on May 02, 2014, 11:18:12 pm
Hello mga sis!

Kinldy recommend where can I have a cheaper CAS? Mahal kasi sa Medical City where I have my regular check-up..I'm working in Boni, Mandaluyong and we are residing in QC naman, malapit sa Congressional po.


Thank you!  :) :)
Title: CAS IN 3D
Post by: KtheaG on May 08, 2014, 09:30:57 pm
Hi mga mommies..just wanna aski kung san po kayo nagpaCAS na 3d po? How much po ba?


thanks!  :) :)
Title: Re: CAS IN 3D
Post by: gharz412 on May 08, 2014, 10:05:30 pm
I had my CAS done here in San Fernando Pampanga when i was still preggy that was Sept 2013 and it cost us 3k+...
Title: how much po CAS?
Post by: tsukino4 on May 11, 2014, 08:58:10 pm
ask ko lang po saan may murang cas? at ano po bang ginagawa masakit po ba yan? ilang months kelan po nalalaman gender if cas?
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: Jhaeyrenz08 on May 21, 2014, 10:59:09 am
HI mommies! want to ask if how much yung CAS and can you recommend some laboratories na mura. Gusto ko kc s New Worl diagnostics near sm north pero hnd ko alm if how much?
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: KtheaG on May 21, 2014, 08:59:45 pm
HI mommies! want to ask if how much yung CAS and can you recommend some laboratories na mura. Gusto ko kc s New Worl diagnostics near sm north pero hnd ko alm if how much?

hello, sis..someone told me from another forum na 1,200 daw ang CAS sa New World.. ako nga gusto ko sana, kaso sabi ni OB, too big na daw ni baby to undergo CAS since I am on my 29th weeks na..21-25 weeks daw kasi ang advisable gestational age ni baby for CAS. :)
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: Denaia on May 22, 2014, 08:13:54 am
we had our CAS+3D package in Top Health Clinic. Sila yung may pinakamurang package. IIRC less 3k yung package. ;D
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: Jhaeyrenz08 on May 22, 2014, 01:50:49 pm
HI mommies! want to ask if how much yung CAS and can you recommend some laboratories na mura. Gusto ko kc s New Worl diagnostics near sm north pero hnd ko alm if how much?

hello, sis..someone told me from another forum na 1,200 daw ang CAS sa New World.. ako nga gusto ko sana, kaso sabi ni OB, too big na daw ni baby to undergo CAS since I am on my 29th weeks na..21-25 weeks daw kasi ang advisable gestational age ni baby for CAS. :)

 thanks sis.. hnd n dn pla advisable yung gestational age ni baby kc i'm on my 27th week..
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: Raine1987 on May 25, 2014, 09:27:57 pm
Hello to all moms out there....please need help to my query. I had German Measles on my 16th week of pregnancy. and i haven't done yet CAS. What could be the possibilities? I would appreciate your quick response.
Title: Re: how much po CAS?
Post by: vmjanne on June 11, 2014, 06:13:46 pm
Mommy its not painful.. its just like your usual ultrasound.  CAS cost 2,500 php - 4k, depending where you are going to have it done. You just need a your ob's request for CAS. Its best done daw during 18-22 weeks of pregnancy.
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: Aileen89 on June 14, 2014, 10:31:36 am
Hi there ladies, I just wanted to share with you site that could help you calculate your due date and more just for free. I hope this helps and good luck. http://www.babyduedatecalculator.net/
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: mommynierine on June 17, 2014, 08:48:32 pm
hello there! I am currently 5 mos pregnant sa second baby namin. and is in need to go through CAS UTZ. Excited ako to know what the gender is though my hubby says that our child is going to be a boy but I am dreading the anomaly scan talaga. It was quite late in my pregnancy that I learned that we have one on the way so for short the first and the most crucial trimester for development eh na neglect ko  :'( also when I was on my 5th or maybe 6th week I fell from the top of our staircase. I had large bruise on my upper leg but i didnt experience any bleeding at that time. I am praying for positive results of the CAS which should be done not later than 1st week of July, sa first UTZ ok naman ang findings but this comprehensive test should give me n my hubby kung ok si baby aside kung complete ba siya or hindi. Sa eldest ko naman nag CAS rin dahil I got exposed to a virus during the first trimester ulit. But with God's grace and mercy she is eight years old now and so far ok naman. If all goes well for our second child I declare them both as my fighters and I owe God big time.
Title: Re: how much po CAS?
Post by: satchie on June 25, 2014, 12:14:23 pm
 Hi Mommy I had my CAS last May 24 we paid 2,200 sa Capitol Med. Its not painful parang usual na ultrasound lang sya yun lang mas matagal kasi they are trying to check a lot of things kay baby. You may want to get it around 20 - 25 weeks of pregnancy.
Title: Anomaly seen on congenital anomaly scan
Post by: Heizlaguitan on July 12, 2014, 10:48:00 pm
Ask lang po sa mga nagpa CAS kung anong negative result nakuha nio and how you deal with it?
Title: How to handle negative result sa CAS
Post by: Heizlaguitan on July 12, 2014, 10:51:23 pm
Just had my cas yesterday kaso may negative na nakita..
Can you pls share youre negative result here if ever man meron and how are we going to deal with it
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: Heizlaguitan on July 12, 2014, 11:01:54 pm
Just had my cas yesterday at may nkita kay baby na prominent daw yung liquid sa left side brain ni baby..ulit uli sa 25th week im on my 20th nga pla..sana maging normal na non
Title: Re: How to handle negative result sa CAS
Post by: vmjanne on July 17, 2014, 11:21:51 am
My child has a whole in her heart when I got the result last month, too small for her size according to the scan and konti rin amionitic fluid ko. They told me to do total bed rest until I give birth and we are still hoping mag close and gap na yon sa heart niya. We are preparing na rin for decisions like what if hindi maka survive si baby paglabas or maka survive pero kailangan ng operation. It's harder now pero me and hubby talk about it almost nightly nung binigay yung result. I cry din at times kasi natatakot ako pero I always think I have to be strong for myself and my baby.

We still think positively kasi baka ito lang ang chance namin magkaroon ng baby. We've gone through a lot of miscarriages and 2 set of twins na still birth at 21 and 23 weeks. We talk to our baby in my tummy and the assurance that she moves about gives us hope everything will be fine.
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: mishalovi on August 29, 2014, 05:36:03 pm
i just had my CAS today sa St. Hannah Medical Clinic Santolan Pasig. Hay buti na lang ok si baby, kumpleto fingers and all. normal yung mga fluids, sizes ng organs, size niya mismo, normal din, detailed naman si OB sa pagchecheck, at first ayaw ipakita ni baby kung girl ba sya o boy so OB took a short break, while doing the report, ayun umikot naman si baby nakita na gender niya. sulit naman yung binayad ko P2500.
Title: Re: how much po CAS?
Post by: mishalovi on September 12, 2014, 03:05:43 am
yes around 5 -6 months daw ang recommended. P2500 sa St. Hannah medical clinic santolan pasig. hindi sya masakit. matagal ka nga lang iuultrasound
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: andrei_richmond on September 20, 2014, 10:46:10 pm
nung nagpa gender test kami sa In my womb sa moa and we found out na boy ang panganay namin, sobrang saya namin ng husband ko, pero nalungkot kami nung sinabi nila na kailngan ko magpa congenital anomaly scan kasi may nakita sila sa paa ni baby, clubfoot daw :'( after 2 days nagpa  CAS ako sa new world and kinonfirm nila na clubfoot nga si baby. nakakalungkot pero sabi ng doctor magiging ok pa raw paa niya.kaya ngayon pa lang daw maghanap na kami ng specialist.
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: Dengerz24 on October 14, 2014, 07:18:27 pm
Hi I'm newbie here..pero na experience ko yang CAS nung preggy pako..mas mahal sya 1200 ..kasi lahat ng parts ni baby malalama..patu kung may bigot ba or what sa face niya.. Thanks god maganda result ni baby ko.. 27weeks ako nung nag pa CAS..
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: Precious Mary Soriano-Sadili on October 28, 2014, 12:44:30 pm
nung nagpa gender test kami sa In my womb sa moa and we found out na boy ang panganay namin, sobrang saya namin ng husband ko, pero nalungkot kami nung sinabi nila na kailngan ko magpa congenital anomaly scan kasi may nakita sila sa paa ni baby, clubfoot daw :'( after 2 days nagpa  CAS ako sa new world and kinonfirm nila na clubfoot nga si baby. nakakalungkot pero sabi ng doctor magiging ok pa raw paa niya.kaya ngayon pa lang daw maghanap na kami ng specialist.

Hi Sis,

how much is the CAS in New World? OB sono ba ang pag uultrasound? saan branch? ty
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: Erza on November 12, 2014, 12:56:11 am
Hi mommies!

Just had my CAS today. Hindi sya nirecommend ng OB pero I've read about it kaya tinry ko.

Some info:
I had it done sa Immaculate Conception Lying-in Clinic here in Pasig for Php 1,300. Bawal irecord ng phone pero pwede ka magrequest ng DVD for Php 150. Nakalimutan ko magrequest pero sabi pagkuha ko daw ng results pwede ako magrequest then kukunan daw nila si baby. I am on my 23rd week.

I was so happy to see my baby..everything's normal from head to toe. Yun lang hindi namin nakita ang sex dahil medyo nahihiya si baby. Muka daw girl pero hindi 100% sure yung OB. Sayang lang. Suhi daw sya kanina. Idk kung may dahil dun kaya nahirapan idetermine.

Parang normal ultrasound lang. Hindi ko kilala yung OB ska guy sya. Hindi sya msyadong maboka. I'd recommend getting one para kampante ka na OK talaga si baby. Kung pwede lang araw arawin ko magpaultrasound makita ko lang si baby.haha

Yun lang. Goodluck mommies!
Title: Re: Congenital Anomaly Scan
Post by: larissajarlega on November 18, 2014, 01:49:33 pm
Hi mga mommies! I have a plan to have a Congenital anomaly scan this week. im on my 22 weeks pregnant already.. baka po may ma i sa-sugggest kayo na clinic na yung mura lang para po sa CAS ko in mandaluyong area?
Thank you very much! :)