Parent Chat

Health => Birth Control => Topic started by: Steph on May 02, 2009, 11:28:38 pm

Title: Depotrust
Post by: Steph on May 02, 2009, 11:28:38 pm
Mga m0mies, cnu po gumagamit ng depotrust injectbles? ano po mga side effect sa inyo? :'(

Mod's note:
Post a question about this topic or share your experience. 
Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) or register (http://www.smartparenting.com.ph/registration) to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie  (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=114413.msg966669#msg966669) upon registration or membership update.
Title: Re: Depotrust
Post by: keih liwanag on May 13, 2009, 04:14:24 pm
na-d-dry lips ko. and mabilis sumakit buto-buto ko. hehe kaya my OB prescribed din calcium.
Title: Re: Depotrust
Post by: kayanne on May 13, 2009, 04:35:24 pm
is depotrust ok sa breastfeeding mom?
Title: Re: Depotrust
Post by: riegaprecioso644 on May 13, 2009, 04:56:23 pm


hi there mommies.  i started using depotrust since 2006 after giving birth to my 2nd child.  i was informed by my OB that there will be irregularities in my menstruation.  after 1 yr of having depotrust as my contraceptive, my menstruation stopped, which didnt really bother me. 

my only problem until now is that i really cant control my appetite.  im really craving for heavy meals all the time, also, sweets.  i always feel hungry. biscuits or crackers cannot make me full.  if only there's a depo contraceptive that helps lose weight, i would switch.  please advise.
Title: Re: Depotrust
Post by: desnavera on June 03, 2009, 11:53:44 pm
hi ask ko lang po im using depo provera nung first shot ko now na face out na recomend skin depo trust eh nkalagay sa box is 50mg lang eh nkalagay instruction n 150 mg dapat pra protected ka 3 month ano un, every month ka dapat mag shot?ipapashot ko lang sana sa frend ko yung 2ng sot ko mhal kc pag mag OB pa ako.eh nbili ko lang 105 nung first shot ko sa OB eh singil me 700..help pls..
Title: Re: Depotrust
Post by: doubledutch on June 21, 2009, 09:06:35 pm
hi! i have 4 kids and have been using depotrust for 2 yrs.
     Actually maraming side effects ang depotrust..although i was informed by my OB regarding the side effects before i took it. Some info that may help you mommies:
     First, kung ikaw yung mommy na gusto agad mabuntis as soon as you stopped using DEPO, hindi ito para sa'yo. ang effect raw pwedeng 6-9 months nasa system mo pa yung depo, sa iba pwedeng more than a year pa.
     Second, sakin nung 1st shot ko, halos 1 month akong may spotting then totally nawala ng ilang months..pero minsan may spotting ulit, lalo na pag malapit na ulit yung due mo for your next shot. True rin na kailangan mo ng Calcium supplement kasi pwedeng osteoporosis ang end-up natin kasi di tayo nagme-mense regularly.
     Third, true na mag-i-increase ang weight, ako kasi ganon. dati akong payat at ganon lang talaga ako kahit na noong i had my 3 other kids. after i had my 4th child, i started using depo.
     Fourth, meron din di magandang smell (fishlike?)sa discharge lalo pag malapit na ang next shot or expire na ang last shot, minsan kasi may vaginal dryness, ewan ko ba if this still part of the side effects. kayo ba ganon din?
Title: Re: Depotrust
Post by: jOchEbEd on June 21, 2009, 09:42:12 pm
i also use depotrust..i'll have my third shot this july 11. like what moms said here, i am also experiencing sakit sa buto buto lalo na sa likod.  vaginal dryness.  no mens.  so far no spotting. 

i only learned here na i need calcium pala and effect of depotrust will be until 9mos. after the last shot. thanks mommies!
Title: Re: Depotrust
Post by: gorjus mom on July 07, 2009, 02:47:15 pm
naku mommy steph wehe ayoko na talaga umulit dyan kase panet effect sa akin siguro sa iba ok pero sa akin sobarang di okay kase  ba naman na experience ko jan na 2 mos meron ako di naman malakas pero almost everyday may spotting uminom nga ako ng hemostan to stop the bleeding wehe pati nga ob ko natakot na din sabi pa niya pag di pa rin tumigil e iraraspa na daw ako OMG!!!!!! buti na lang bago mag 3 mos nagstop na sya kaya di na ko umulit magpaturok...

at eto pa ,, grabe sumobra ata ang nadagdag sa weight ko sobrang tumaba talaga ako dito...
Title: Re: Depotrust
Post by: momy_eona on September 12, 2009, 04:56:41 pm
naku mommy steph wehe ayoko na talaga umulit dyan kase panet effect sa akin siguro sa iba ok pero sa akin sobarang di okay kase  ba naman na experience ko jan na 2 mos meron ako di naman malakas pero almost everyday may spotting uminom nga ako ng hemostan to stop the bleeding wehe pati nga ob ko natakot na din sabi pa niya pag di pa rin tumigil e iraraspa na daw ako OMG!!!!!! buti na lang bago mag 3 mos nagstop na sya kaya di na ko umulit magpaturok...

at eto pa ,, grabe sumobra ata ang nadagdag sa weight ko sobrang tumaba talaga ako dito...

gorjus mom, pareho tau, nata2kot nrin ako bka kaya mraspa ako, huhu! kc i had my first shot last july8, then 1st wik of august ngstart nko magspotting, evryday i used pads minsan mhina minsan pra talaga mens. & since then until now, sept.12 n ngaun meron p din ako, hndi pko ngpachek up s ob ko kc s health center lang ako dito smin ngpa inject. ganito krin b? help me.... never n uli ako magpainject ayoko nato! ito n first & last.
Title: Re: Depotrust
Post by: gorjus mom on September 14, 2009, 05:14:56 pm
sis nun nagtanong ako sa ob ko pinainom niya ko nun pampa ampat ng dugo hemustan 500 mg.. 3x a day for three days..pag di daw humina raspahin daw ako/...buti . nun uminom ako nun humina pero tuloy pa din ang spotting niya.. kaya nun nag 3 mos na ko ng depo naku sis di nako nagpaturok ulet nun... tapos nagpills na lang ako ayun sis ok na sya ngayon..
Title: Re: Depotrust
Post by: momy_eona on September 14, 2009, 08:27:30 pm
sis nun nagtanong ako sa ob ko pinainom niya ko nun pampa ampat ng dugo hemustan 500 mg.. 3x a day for three days..pag di daw humina raspahin daw ako/...buti . nun uminom ako nun humina pero tuloy pa din ang spotting niya.. kaya nun nag 3 mos na ko ng depo naku sis di nako nagpaturok ulet nun... tapos nagpills na lang ako ayun sis ok na sya ngayon..

ibg sbhin b buo 3mos. k my spotting? dapat nba ko mgpachek s ob ko kc hlos 1 1/2 mo. p lang naman ako my spotting pro sobra irritable nko daig p nun nanganak ako n 1 mo. lang ako my mens. kainis tlaga! hndi stin hiyang depotrust bka hndi n muna ko ga2mit kahit ano.
Title: Re: Depotrust
Post by: kiz_me1109 on October 14, 2009, 03:39:05 pm
My Ob already warned me of the side effects of depo proversa before we had the shot. Pero um ok naman ako. Pero mukhang nagsisisi na ako. Kaya lang naman ako um ok kasi ito lang yung murang contraceptive na pwede sa breastfeeding moms e. Hindi naman ako lagi nagpapa breatsfeed pero at least once a day pagdating ko sa house and pag weekends lang.

My Ob told me na tataba daw ako but since im into dancing baka daw hindi naman. And now that im back to work hindi naman ako makakasayaw na kasi after work excited akong umuwi sa baby ko na. And I noticed na twice a day nalang ako kumain e tumataba parin ako. Ngaun lang ako nagkatiyan. kainis.

I also noticed na ang dry ng skin ko. Oily skin kasi ako and ngaun sobrang dry. And nagka pimple narin ako. hindi din maganda yung skin ko.

Then. may spotting ako almost everyday pero konti lang naman.

Nag dry din yung hair ko. :( So I decided to cut it short.

My Ob also advised me to take calcuim tablets to prevent osteoporosis.

And lastly, yung nakakainis is nilagnat ako after the shot. Tapos one day kong hindi magalaw yung braso ko. Sobrang sakit ng injection.
Title: Re: Depotrust
Post by: zmple_mom on November 05, 2009, 11:12:37 pm
kakabili ko lang ng depotrust as in bago lang ako umuwi. Nagiisip tuloy ako kung tutuloy ko nalang althea ko or magpapa-inject pa ako. Natakot ako sa side effects eh. Nakabili ako 107.00 lang sa mercury kaya sabi ko okey to good for 3 months na pero kung mararanasan ko yung effects na nangyari sa inyo mukang kailngan kong magisip ng mabuti. Ang pinakanatakot ako eh yung may spotting ng everyday. haaaayyyy...mag consult muna ako ulit sa OB ko tomorrow bago ako magpaturok.
Thanks sa thread na to at least nawarningan ako ng mga effects ng depotrust.
Title: Re: Depotrust
Post by: lala№14 on November 06, 2009, 07:36:34 am
depotrust din ako, i had my 3rd shot last october 17.. hiyang ka daw sa depotrust kung konting spotting lang or none at all.. same with other moms here yung side effect niya sa akin, nag gain ako sobra  :( masakit minsan mga bones ko lalo na sa likod at ang major effect is yung vaginal dryness grabe  :(
Title: Re: Depotrust
Post by: zmple_mom on November 07, 2009, 01:07:31 am
sakit ng pigi ko. huhuhuhu! i want to give it a try din. sabi naman ng doctor namin iba iba daw ang effect. Sana maging okey naman sa case. Balitaan ko kayo after a month  ;)
Title: Re: Depotrust
Post by: missjoan on May 16, 2010, 11:13:08 am
i had my first shot of depotrust. wala kase yung ob ko last last saturday (which iba ata ang ginamit sa akin before) and i need to have one na so yung another ob recommended this depotrust.
but since then, grabe ang headache ko, lagi rin akong gutom, antukin, nanghihina and mainitin ulo.

nagsisi talaga ako why i had myself injected of this one.
Title: Re: Depotrust
Post by: pinky_nic_11 on August 20, 2010, 03:32:11 am
hi mga moms out there using depo trust inj. i am using this drugs for 8 months na and sobrang hiyang ako,i read all the reactions of mom here about sa side effect..siuro ang side effect lang sakin ay yung madalas sumakit likod q but i never expirience spotting..before pills ga,it q malilimutin ako kaya nag switch ako sa injectables..i gain naman ng weight pero onti lang hehe..but one thing lang ang ikinaworry q kasi nagpalit din ako ng ob q,this new ob who gave me a shot magkabilang braso niya itinurok yung depo trust kaya nilagnat ako that same day and grabe ang sakit ng braso q,yung dati qng ob alternate yung shot niya sa braso q pag sched q magpashot kaya isang arm lang masakit sakin.ganun din ba sa inyo mga mommies?
Title: Re: Depotrust
Post by: akoaypretty on October 01, 2010, 12:24:48 pm
My first shot was Aug 27, 2010.. ang sabi ng OB ko possible daw magkaron ako o hindi. susme!!! Sept 26 nagkaron ako.. till now! so, 6 days na ako bleeding. pero, di naman ganun kadami. nagpa-check na ako sa OB ko yesterday. checked niya cervics ko malapit na daw magsara kaya matatapos na yung bleeding ko and nagreseta sya sakin ng Hemostan and Mefenamic Acid for 2 days. sana huminto na itong bleeding ko!
Title: Re: Depotrust
Post by: jOchEbEd on October 04, 2010, 11:59:11 pm
^ un din prescribed ng OB ko hemostan and mefenamic when i went on bleeding for almost 4 weeks.  yes, 4 weeks. at hindi lang 'to spotting.  i need to wear maternity pads para mglast man lang ng more than 2 hours yung pads.  i am into injectible from January 2009 to March 2010.  i lost 4 bags of blood and i need to be blood transfused. 

my fault pinatagal ko yung bleeding ko dahil sa busy ako.  advise lang na pag 10 days bleeding nyo mommies, get to see your OB specially when you are using injectible.
Title: Re: Depotrust
Post by: charivi on October 05, 2010, 09:43:17 am
Hi
Ako iba side effect sa ken eh tabain ako ngaun payat payat ko na.
Nga po pala hininto ko un last augus 26 kasi dapat ang next shot ko kaso wala po ako kaya di ako nakapgpainject until now po di pa ako ngkakaroon ok lang po kaya un?
Title: Re: Depotrust
Post by: akoaypretty on October 05, 2010, 11:22:34 am
^ un din prescribed ng OB ko hemostan and mefenamic when i went on bleeding for almost 4 weeks.  yes, 4 weeks. at hindi lang 'to spotting.  i need to wear maternity pads para mglast man lang ng more than 2 hours yung pads.  i am into injectible from January 2009 to March 2010.  i lost 4 bags of blood and i need to be blood transfused. 

my fault pinatagal ko yung bleeding ko dahil sa busy ako.  advise lang na pag 10 days bleeding nyo mommies, get to see your OB specially when you are using injectible.

nakakatakot ha! ngayon, medyo hindi na malaks ang bleeding ko. pero, meron pa din 10 days na. :-( di na ako magpapa-inject sa next ko, Nov. ang due ko.
Title: Re: Depotrust
Post by: csharlotte on July 31, 2011, 09:19:42 pm
Hi Mommies!

I would like to ask for your opinions. I just started taking injectibles. My 1st shot was with my OB but I don't know the brand and my 2nd shot was with my Nurse-Midwife Tita and it was DEPOTRUST. I was just curious how effective is depotrust? I was a bit paranoid since my daughter is only 7 months old and we can't afford to have another pregnancy. My husband only come home twice a month because of his work. Is it safe even we don't use condoms and withdrawal method? I would not get easily pregnant?  I did experience several side-effects though which most mommies mentioned here especially the almost 1 month spotting. Its ok with me but I really want to make sure how effective it is.

Thank you mommies! God Bless!
Title: Re: Depotrust
Post by: J0 on August 01, 2011, 01:02:46 pm
Hi,

Thank you sa lahat ng sharing dito.  Makakatulong ang lahat ng messages dito para ma-empower at makapag-decide ang makakabasa tungkol sa pagpaplano ng pamilya.

Para makatulong sa ating "informed choice," heto po ang full information tungkol sa Depotrust, mula sa MIMS website:

http://www.mims.com.ph/Philippines/drug/info/Depotrust/Depotrust%20depot%20inj?type=full#Contraindications

Dahil mahaba, iha-higlight  ko na lang po ang mga critical na information.

Side Effects:    Some women may experience side effects eg, nausea, vomiting, headache, breast discomfort, depression, skin rashes and slight weight change. Menstrual irregularities eg, amenorrhea, breakthrough bleeding, spotting and menorrhagia are common with progesterone-only contraceptives. Most of these side effects are mild and usually disappear after a few months of contraceptive use.

Pregnancy Category (US FDA)             
Category X: Studies in animals or human beings have demonstrated foetal abnormalities or there is evidence of foetal risk based on human experience or both, and the risk of the use of the drug in pregnant women clearly outweighs any possible benefit. The drug is contraindicated in women who are or may become pregnant.

Depotrust stops ovulation, thins the lining of the uterus and thickens the cervical mucus. In combination, these actions prevent pregnancy.


Comment:
Pinaka-konti na siguro ang side-effects kung ang gamit na kemikal ng isang contraceptive...ay Synthetic Progesterone.  Pero ang konting ginhawa sa gumagamit nito...ay matindi ang epekto sa baby natin.  Mas mataas ang posibilidad na mabuntis (failure rate o breakthrough pregnancies) sa Synthetic Progesterone.1   Dahil kulang ang kemikal na pipigil sa pagtatagpo ng sperm at egg, magkakaroon ng fertilization...ng conception.  Sa tuwing mangyayari ito, isang buhay na tao, isang baby, ang gagalaw papunta sa Uterus.  Pero dahil pinanipis ng Depotrust ang lining ng Uterus, walang makakapitan ang baby.  Malalaglag siya...mamamatay.  Kung makakapit man siya, puwedeng unti-unti ang pagkamatay niya.  Magugutom siya dahil walang makapal na dugo na sana ay magbibigay-buhay sa kaniya doon. 

Posibleng mabuhay siya...pero dahil nga kulang na kulang sa sustansiya...magkakaroon siya ng abnormalities.  Ang tawag po sa ganito ay Chemical Abortion.  Ito po ang dahilan kaya ang Contraceptives ay tinatawag din na Abortifacients.  Pumapalpak ang kakayahan na pigilin ang fertilization/conception at inilalaglag ang bagong buhay na nabuo.

Opinion: Para po sa marami na tulad ko...naniniwala po kami na walang silbi ang contraceptives.  Hindi naman po laging pwedeng mabuntis. 

May panahon lang na posible ito.  Halimbawa, kung 28 days ang cycle ng Mentruation Period, 4-5 days lang, sa gitna ng cycle, posibleng mabuntis.  Ibig sabihin, 23 days na hindi naman fertile...kaya useless ang contraceptive.

http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,9372.msg214811.html#msg214811


Simple lang ang Natural Family Planning, kung may malauhog na mucus pag-gising sa umaga, pwedeng mabuntis...kung wala, safe.

http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,9372.msg358724.html#msg358724

http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,9372.msg366261.html#msg366261

Ang isang natural na paraan ng pagpaplano ng pamilya ay ang pago-observe ng ating fertility (Fertility Awareness).  Isa sa mga ito ay ang Two-Day Method.

http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=20910.msg292922#msg292922


Sana po nakatulong ito.  Patuloy sana tayong maging malaya na pumili.  Sana piliin natin ang mahalin ang buhay...ang sariling buhay natin...ang buhay ng ating pamilya...lalo na sana ang buhay ng mga sanggol na hindi pa naisilang (unborn children).



1 Ang failure rate ng contraceptive na ang ginagamit lang ay Progestin ay .5%.

Contraceptive Failure of User-Directed Methods*
Correct UseTypical Use
No Method8585
Spermicides1829
Diaphragm616
Condom215
OC.38
Correct UseTypical Use
Standard Days Method  512
TwoDay Method414

*% of women who became pregnant during 1st year of use

Source: Adapted from Contraceptive Technology, 18th edition, 2004


BIRTH CONTROL METHOD      PERFECT USE (%)TYPICAL USE (%)
No Contraception8585
Consistent Abstinence00
Tubal Ligation0.20.4
Depo Provera Injection0.3 0.3
Mini-Pills (progestin-only pills)0.5 5
BIRTH CONTROL METHOD      PERFECT USE (%)TYPICAL USE (%)
Fertility Awareness2-325
TwoDay Method414

Source:
http://www.healthcenter.vt.edu/Resources/shc-online-docs/information-sheets/contra-fail-rate.pdf
Title: Re: Depotrust
Post by: tummymommy on August 08, 2011, 01:00:23 pm
^ tama po ba ang intindi ko? sa pagaamit ng depotrust, posible akong mabuntis pero malaki ang tendency na malaglag ang bata o kaya ay mabuhay man ay may abnormalities naman siya?

So para saan talaga ang contraceptive na ito kung may tendency na mabuntis samantalang for 3months ang tagal bago ang kasunod na shot
Title: Re: Depotrust
Post by: thirdysmom on August 08, 2011, 09:19:48 pm
^ i think, like any other type of contraceptive naman ay mangyayari yang ganyang senaryo lalo at waang sapat na kaalaman ang gagamit nito. That is why it is better to consult with an OB or a health care specialist before starting any kind of contraceptive method.

depo shots are effective when injected during a woman's 1st-4th day of menstruation. However, ang matagal na pagamit nito ay hindi nakakaganda sa ating mga buto maaari din nitong maapektuhan ang pagbalik ng fertility at nakakasira din ng katawan ng mga babae.



Title: Re: Depotrust
Post by: tetee_butterflyz on August 13, 2011, 03:57:02 pm
hi mommies...im a newbie..share coh lang experience coh regarding sa depotrust....i still used it today...pero minsan may nagbibigay skin nun isang brand na mas mura..i forgot the name...sobrang nag gain ako ng weight...hindi nakasya halos lahat ng damit ko...do you have any advice panu ako maglooose???thanks,,,
Title: Re: Depotrust
Post by: Aicha on September 25, 2011, 10:45:31 am
hi mga sis ako din depo for 9mos. na... sabi ng OB ko ang effect daw nun di magkaka mens. pero di sya agad agad first spotting muna tas mawawala na ng tuluyan... kc di magpproduce ng egg cell daw.. ok naman sya un lang gamit namin contraceptive, walang condoms or anything.. minsan minsan may spotting ako pero bihira mawala, laging merong spotting.. nag research ako sa ibang side effects ng depo, dapat daw hanggang 2yrs. lang daw gumamit ng depo kc magkaka prob. daw later on sa buto, normally Osteoporosis, kaya after 2yrs. pills na ko. pure breastmilk kc c baby kaya Depo. gamit ko...  :D
Title: Re: Depotrust
Post by: mickey mom on October 05, 2011, 09:05:42 pm
I am a mother of 3 - a 12yr old, 7 yr old and 8mos old boys. For the past 12yrs of being married, we relied on natural family planning - rhythm method and withdrawal if unsure, since my menstrual cycle is very irregular.

After giving birth to my 3rd son, gusto ko n magpa ligate, since hindi nag la-ligate ang new OB ko, she promised to teach us na lang mag family planning. A month after, she gave me depo-provera, which costs 700pesos and was advised to have my next shots every after 3mos. Since mahal ang depo-provera, I decided to try depo-trust and asked our friend, who happens to be a medical practitioner to administer it. I never liked the side-effects - mood swings, weight gain (super!), back pain, and spotting. Gusto ko man mag stop, i can't kc mahirap magswitch back to rhythm since hindi n nga ako nag mense ng maayos.

After going thru the thread, i'm having 2nd thoughts na naman whether or not i should continue my 3rd dose this October. For the longest time, i'm under the impression that contraceptives prevents ovulation. Nkaka konsensya yung post about killing a baby.  I'm from the medical field myself, but since UST is a catholic university, hindi namin napag aralan ang artificial family planning,  but it's hard to believe na may abortion na nangyayari since wala naman ngang bleeding which is the 1st sign na may foreign substance sa uterus.

I hope that an OB could enlighten us about this. Palagi kc, sasabihin nila ang good and bad side pero hindi na e explain pano na prevent ang pregnancy. Are injectable contraceptives really abortifacient? Could it cause hyperplasia na pwedeng mag lead sa myoma since hindi nag me mense ang users?

Sa hirap naman talaga ng buhay, mahirap ang maraming anak but we have to be knowledgeable about safe and effective family planning.
   
Title: Re: Depotrust
Post by: J0 on October 06, 2011, 06:01:59 pm
Hi mickey mom and everyone on this thread

I believe that every parent who loves their children must love life.  A mother or a father will want to have more life so that they can give more love to their children.

It is so sad that that a lot of today's consumer services and products seem to be income-driven/profit-driven. 

Tayo kaya na mga smart parents...what is it that drives us?  Love? Life? Truth?

Tama po na alamin natin and katotohanan (truth) tungkol sa mga bagay na magbibigay buhay (life)...para patuloy natin maibigay ang ating pagmamahal (love).

Lahat po ng mga hormonal Contraceptives (oral/pills, injectibles) ay may dalawang klase ng chemical, Synthetic Chemicals na "Estrogen" at "Progesterone".  iniiba-iba po ang pangalan ng mga ito...siguro para itago sa atin.  Ang mga ito po ay declared na Group 1 Carcinogens ng World Health Organization (WHO).  Ibig pong sabihin ng Group 1, sigurado ka sa cancer.

(http://monographs.iarc.fr/images/logoiarc.gif)(http://monographs.iarc.fr/images/ciegroup.gif)

Agents Classified by the IARC Monographs, Volumes 1102
source: http://monographs.iarc.fr/ENG/Classification/index.php
Group 1Carcinogenic to humans 107 agents
Group 2A Probably carcinogenic to humans 59
Group 2B Possibly carcinogenic to humans 267
Group 3 Not classifiable as to its carcinogenicity to humans 508
Group 4 Probably not carcinogenic to humans 1

Agents Classified by the IARC Monographs, Volumes 1102
source: http://monographs.iarc.fr/ENG/Classification/ClassificationsAlphaOrder.pdf
CAS No |Agent Group |Volume       |Year
Estrogen-progestogen oral contraceptives (combined)
(NB: There is also convincing evidence in humans that
these agents confer a protective effect against cancer in
the endometrium and ovary)
172, 91,100A 2011
Oral contraceptives, combined estrogen-progestogen
(see Estrogen-progestogen oral contraceptives)
Progestogen-only contraceptives2B72 1999
 
Title: Re: Depotrust
Post by: -joanamber- on October 12, 2011, 02:15:40 pm
Okay naman yung effect sakin, minsan nga lang nahihilo ako. Di na ko dinadatnan ng menstruation ngayon. :) Kaya okay na din and very cheap.
Title: Re: Depotrust
Post by: beau1247 on October 15, 2011, 02:37:10 pm
I had my 1st shot of depotrust last oct 7 (4 days after ther first day of my period). My husband and I had unprotected sex on oct 15 ( 8 days after the depotrust injection). would i get pregnant?
Title: Re: Depotrust
Post by: chococream on October 15, 2011, 03:11:38 pm
nope you wont get pregnant sis...surebol yan...

sabi kasi ng ob ko. counting from the day ng shot to 7days is add extra protection. either withdrawal, or condoms kasi 7days is grace period para maka thicken ang cervix mo. so that means pang.8th mo na ang unprotected sex nyo ni hubz mo so..puede na go go go
Title: Re: Depotrust
Post by: Ricarobosa on March 12, 2012, 10:38:16 pm
Mga mommies and sisteret... nagtry akong depotrust  last november 2011, first time ko and eto na ang last, regular naman kasi ang mens ko after giving birth 6 months bumalik mens ko and nagpaturok ako during my last day of my period. Nag-aalala lang ako kasi January 27 pa due yung shot ko, pero March na wala pa akong period, kasama ba yun sa side effect?Hindi ko naman masabing preggy ako kasi thrice na ako nagPT. Dry pa rin ako... ganito ba talaga? tapos palaging masakit puson ko, breastfeeding pa rin ako now.
Title: Re: Depotrust
Post by: Aicha on March 14, 2012, 04:03:12 pm
@ricarobosa ganyan ako dati sis higit 1yr. ako naka depo. wala akong regular na mens. simula ng ngpa inject ako. lagi lang spotting.. nung di na ko nagpa inject, nag start mens ko after 5months, regular na sya ngayon for 2 months na, dapat kasi next shot ko august 2011 di na ko nagpa inject... calendar nalang ako ngayon, saka di ako comfortable sa shots, ayoko naman mag pills kasi nakaka nipis daw ng matris kaya pag plan mo na magka baby ulit dina makabuo..  :)
Title: Re: Depotrust
Post by: J0 on March 15, 2012, 07:41:40 am
Hello everyone,

I would like to help you understand and try Natural Family Planning.  Please check out the following threads where I am sharing about the simple Two-Day Method and Standard Days Method (a calendar-based method).

Re: Calendar Method
http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,9372.msg796136.html#msg796136

Re: Missed period? Spotting? Am I pregnant? What are the signs? (Part 2)
http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,47861.msg803493.html#msg803493
Title: Re: Depotrust
Post by: Ricarobosa on March 29, 2012, 10:25:25 pm
ay ganun ba yun, nag pacheck up last last week, niresetahan ako ng ob ko ng provera hindi ko naman natapos ang pagtake kasi mahal yung gamit kaya unti now wala pa sabi kasi niya yung iba 3 days lang nagtake may mens kaagad... baka nga after 5months na ako magmens o bumalik ang cycle ko...
Title: Re: Depotrust
Post by: therealme on April 13, 2012, 02:05:25 am
i just had my 1st time shot  yestrday sana maging maganda ang resulta kc ang gamit ko talaga ay Dianne35 for years dahil sobrang ganda sa skin kaso may kamahalan but then i found out na meron pa lang ganito at sabi nila hindi na daw magme mens so na- excite ako sana naman totoo o hiyang sakin kasi kahirap ng may mens lagi Uncomfy ang feeling diba smelly ...... kaya ayun , bibili na lang ako ng vitamin na para sa skin sana may Really effective na vitamins naman na gumanda pa lalo skin ko meron kasi dati long time ago na vitamins sa skin na everryday mo inumin may effect na kinabukasan...kaso nag phase out nuon pa sayang naman! sana maganda din sa skin itong Depotrust and sana wag ako mag spot spotting na yan  :)
Title: Re: Depotrust
Post by: genemichasophia on June 24, 2012, 04:57:29 pm
Hi sa inyo!  :D

Share ko lang experience ko.. I had my first shot of Depotrust last April 2012, 1 week akong spotting.. And then nawala na.. Napansin ko lang, palagi akong pawisin kahit konting lakad ko lang, super duper ang pawis ko.. pero wala naman siyang bad smell just the usual perspiration.. Hanggang ngayon wala pa ko mens and naging mainitin ang ulo ko.. Minsan nakakaranas din ng konting headache.. Im still breastfeeding my youngest child.. Now my appetite increased.. Palagi kong gustong kumain, and sa office nag babaon talaga ako ng mga snacks.. Parang recess, haha.. Ayun lang naman po mga experiences ko sa Depotrust. I'll have my 2nd shot on July 30, 2012.  :)
Title: Re: Depotrust
Post by: mommyne on August 31, 2012, 03:25:38 pm
Hi!

Just had my 1st shot of depotrust today. Sabi ng OB ko normal lang daw na magkaron ako ng spotting for a month or so. Kasi daw nagaadjust pa body ko. Sabi niya wala daw side effects, eto din daw kasi gamit niya. So hopefully wala ngang side effects sakin to. Wish me luck!!!
Title: Re: Depotrust
Post by: sheehan on May 02, 2013, 07:49:49 pm
hi mga mommies!
1st shot ko po last march 5, nung 1st mOnth ok naman po sa akin naging eFfect ng dEpotrust. may oNting headaChe and may pagkamOody and fEeling ko naging sensitive din ako masyado pero ang pinagtataka ko lang po after a mOnth of my 1st shot nagkaruOn na po ko ng mens, una sPotTing lang then lumakas na oNti na neEd ko ng mag napkin.. Natkot na ko kasi 8days na merOn pa rin ako buT after 10days, huminto din sa wakas. after 2days na naman may sPotTing na naman tapos minsan malakas, minsan maHina. Until nOw merOn pa po ko. Next shot ko is may 5, sabi ko kay hubBy ayoko ko ng mag2nd shot kasi ayoko ng gnung fEeling. Nangyri na rin po bA yung ganun sa inyo? medyo nakakatakot po kasi
Title: Re: Depotrust
Post by: zhel1605 on January 10, 2014, 12:17:37 pm
Hi mga mommies. First shot ko po last December 7, 2013 and pang 4th days na ng menstruation ko nun. Until now meron pa din akong spotting. Hindi naman sya malakas and minsan din nawawala sya pero nagkakaron ulit. Pansin ko din nanghihina ako and medyo nahihilo. NIloloko nga ko ng husband ko baka daw buntis ako kaya natatakot din ako. Pero my mom also using this and 2years na niya gamit ok naman sa kanya. Pansin ko lang medyo tumataba ako kahit hindi ako masyado kumakain and mainitin ulo ko. Siguro yun ang mga side effects. Next shot ko is feb 5, 2014.
Title: Depotrust (need advice from SP users or OB)
Post by: mommyness on August 04, 2015, 10:58:51 am
hi, i need advice sana from a Ob or kahit sinong Depotrust users..
may same topic na kaso inactive na sya since 2014 so i created a new one..

i used depotrust sa first baby namin, 6 years ko sya nagamit, ngayon yun ulit gagamitin ko after our 2nd baby, nanganak ako last april 28 2015, nung july ko plan mag depo, nag antay ako ng menstruation ko kaso di ko alam kung kelan dapat mainject, so nagkaron ako ng july 23, nakapag painject ako ng july 29.. dapat daw pala 3rd day palang ng mens nag inject na para effective na.. pano yung sakin, pang 7th day na nainject, effective padin ba yun, safe na ba ako o magaantay pa kami? kung magaantay ilang days or weeks? pls help me.. thanks sisses
Title: Re: Depotrust (need advice from SP users or OB)
Post by: nanayren on August 18, 2015, 10:26:40 am
is it safe to use depotrust kahit walang menstruation?/
Title: Depotrust
Post by: nanayren on August 18, 2015, 10:27:46 am
ok lang ba gumamit ng depotrust kahit walang dalaw?
Title: Re: worried
Post by: Ayen85 on October 11, 2015, 10:30:19 pm
Hi there, let me share here with you a site you can use to track your ovulation period so you will know when your safe days are and this is safer than pills. http://www.ovulation-predictor.org/ovulation/
Title: Re: Depotrust
Post by: Maricar Dacumos on November 19, 2019, 03:00:27 am
 Hi po mga momshies.
pakidelete nalang po kung bawal.

 nakakaworry lang po kasi.
   ganito po un
 nanganak po ako ng aug.7 namatay baby ko aug.8
 tpos niregla po akong spt.18-20.
kaya humingi po ako ng pills nung 3 daus na regla ko .
tpos Oct.1 ovulation day ko saktong nakalimutan kong magpills .tpos may nangyare smin sa madling aeaw di oct.2 na un .pinutok niya o sa loob .
tpos po niregla ulit ako ng oct.3.
hihingi sana ulit ako ng pills pero di ako binigyan sa center kasi baka daw di un regla kasi nga kwinento ko yung nangyare. pero oct.7 monday pumunta yung midwife namin dito sa center and nagpa inject po ako depo trust..  pero nagpt mna ako bago gmamit pero sbi nila masyadong maaga daw na pt un .tpos may nangyari napo smin ng oct.8

now my question is  posible daw ba na mabuntis ako .. sabi kasi nila baka naiwanan ako kasi fertile ko yung nagpagalaw ako.
please answer po thank u.
oct.31 sana next regla ko pero di na dumating. till now . 
nov.3 my faintline.
nov.6 nega.
nov.11 may faintline ulit
 what was the effect on baby if ever pregnant
Title: Re: Depotrust
Post by: Parentchat Admin on November 19, 2019, 07:55:19 am
Para kay Maricar D., ang iyong post ay inilipat at nasagot sa thread na ito:
https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=160.msg969872#msg969872