Parent Chat

Parenting => Real Parenting => The Balancing Act: Career and Family => Topic started by: castiellesmom on October 30, 2013, 11:09:28 am

Title: Quitting Job, Apply for a new one or be a WAHM?
Post by: castiellesmom on October 30, 2013, 11:09:28 am
I am planning to quit my job, Engineering grad ako pero ayaw ko ng construction based job kasi tinapos ko lang course ko para lang masabing grad ako. I ended up sa sales pero construction materials naman so medyo connected sa course ko.

Nag-aapply ako sa ibang companies (different position na kasi ayoko na sa field sales) pero walang nagrerespond usually interviews lang tapos wala na.

I am considering online jobs para makasama ko baby ko.

Ano kaya maganda gawin ko? Should I stick to my career path or try finding a new one?

Read it on Smart Parenting.
Don't Think for One Second It's Easy to Be a Hands-on Mom When You Work from Home
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2019/01/21/workingmomwithlogo-jan2119.jpg)
Click this link:
 https://www.smartparenting.com.ph/parenting/real-parenting/balancing-act-work-at-home-mom-a1823-20190124-lfrm?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) to reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!
Title: Re: Quitting Job, Apply for a new one or be a WAHM?
Post by: tweenselmom.com on December 16, 2013, 03:08:49 pm
Mahirap sagutin minsan yan mommy. I'm also an eng grad and decided to stay at home because of my 2 daughters. It's a gamble talaga but if you have a supportive family, especially your husband and you think you are p to becoming a WAHM, I think mas ok kasi you'll be with your daughter sa crucial age niya. Meron kasi talagang mommies na hindi naman carry ang mag stay sa bahay but it doesn't mean that they are not great. For me, may personality talagang binabagayan. My 2 cents:-)
Title: Re: Quitting Job, Apply for a new one or be a WAHM?
Post by: Mommy Jazz on December 17, 2013, 12:45:47 pm
Trend ngayon ang online jobs pero ang dami ding mababa ang bayad if not scams. Go to online job sites and check if the skills you have is in demand, what type of job suits your skills and how much ang going rate. Compare several online job sites.
Getting a good paying online job requires full time work din although nasa bahay ka lang. This means hindi ka din dapat maiistorbo while you are online. Stay away from sites offering high pay for easy work and those na walang naka publish na address and payout details are not disclosed on the application phase. Chances are scam yon.
Goodluck!
Title: Re: Quitting Job, Apply for a new one or be a WAHM?
Post by: frankiedochie on February 07, 2014, 10:17:18 am
mahirap nga sagutin yung tanong mo, ako din sis, ako naman hindi ako mapalagay sa office nun pag iba nag aalaga sa baby ko, kaya my husband and I decided na mag resign ako sa work, Para sakin hindi ako nagkamali sa ginawa ko, iba yung pakiramdam na ntutukan ko yung anak ko, at ang nakakatuwa pa at the age of 3.2 nakaka basa na sha ng 4 letter word, hindi kabisote ha, sasabihin nga muna yung sounds nga bawat letters saka niya babasahin yung buong word.

Ok din naman kay hubby nung nag resign ako, dahil gusto niya rin na natututukan si baby, nag hanap ako ng online job, may time na sunod sunod, may time na wala.. pero ngayon may regular ako na work (online job), tapos weekly ako binabayaran, $ niya ako babayaran direcho sa paypal ko tapos widro ko from paypal to bank... swerte ako at nakakuha ako ng mabait na client at nagustuhan ako, malaking tulong din sa gastos sa bahay.

Check mo sis itong blog ko,
http://www.inforgrab.com/online-job-work-home-philippines/ (http://www.inforgrab.com/online-job-work-home-philippines/)
Title: Re: Quitting Job, Apply for a new one or be a WAHM?
Post by: sexybogs on April 12, 2014, 06:45:18 am
Ako rin po ito ang problema ko. Lalo na ngayon ang anak ko naka confine asthma attack at pneomonia kaya ngaun naguguluhan din ako kung mag reresign ba ako or not. Parang mas gusto na lang ulit mag full time mom. Kaso iniisip ko rin ang future career ko pano pag malaki na si baby? 5yrs old na ang baby namin. At kaka start ko lang sa work ko. 5 yrs ako full time mom. Gusto ko rin mag online job na lang para matulungan si hubby sa mga agstusin lalo na nag aaral na baby namin.
Title: Re: Quitting Job, Apply for a new one or be a WAHM?
Post by: chabilita09 on April 18, 2014, 01:17:52 am
Ako since nung nagstop ako sa school last October and I became a WAHM (buntis pa ako nun sa baby ko) hanggang ngayon WAHM ako. Medyo stressful yung schedule nung current job ko kasi it requires me to work from 7pm in the evening to 4am in the morning. Kaya ngayon I'm deciding to quit my online job since ngayon may tumanggap na sakin na ibang job pero online din siya. Eto at least flexitime and start ako sa May. So I can be with my baby most of the time. Parang feeling ko kasi inaagaw ako sa baby ko sa haba ng time na nakaharap lang ako sa computer. Tapos gabi pa. I'm not there right away to comfort her kung need niya ng yakap. Natatakot din kasi akong baka si Mama ko yung kilalanin niyang mom niya. Kaya nga I decided to find for a home based job na hindi ako aagawin sa anak ko. Yung tipong daytime lang ako magwowork para mostly time pa ng sleep niya.

Suggestion ko sayo sis, try a new path like online jobs. Pero piliin mo din sis kasi may mga online jobs na irerequire nilang committed ka sakanila most of the time.

I can refer you dun sa bago kong papasukan this May. :) just message me your email address :D
Title: Re: Quitting Job, Apply for a new one or be a WAHM?
Post by: KVsmommy on April 18, 2014, 11:39:07 pm
sis castiellesmom: Hope by now you have made your decision na. Hehe. :D Ang hirap din kasi hindi mo pala passion yung tinapos mo, to follow that career path can be challenging - dahil hindi din naman biro ang engineering work. 

I suggest you try to be a SAHM first, and then ease yourself into trying out online work. In short, enjoy time with your baby and hubby muna - there's a different sense of fulfillment in being able to be there for your kid talaga, especially in the early years of his life. Once maramdaman mo na, na ready ka na to try it, go for it. Try out part-time jobs muna siguro,don't go for the full-time work kaagad. And make sure na bago ka mag-start sa WAHM journey mo, read up on it. :) Maraming blogs about it, and if you plan to go on oDesk, research din on how the platform works para naman di ka nangangapa, at makaiwas ka sa scams. :)
Title: Re: Quitting Job, Apply for a new one or be a WAHM?
Post by: mercyf on April 25, 2014, 08:11:00 am
Hay, totoo. Ang hirap kapag mom ka tapos may baby ka na. You would really prefer to just work from home. Yan din pinagdadaanan ko now :(
Title: Re: Quitting Job, Apply for a new one or be a WAHM?
Post by: meizz21 on August 05, 2014, 03:22:12 pm
aww..mahirap talaga ako since 2008 until 20013 WAHM .. laging puyat tas sa umaga nagaalaga ako ng baby ko.. pero pinili ko nalang magbusiness para hawak ko oras ko at the same time nakakapagbonding kami ni baby. at hindi stressed kasi dati sa sobrang stress pag makulit anak ko nasisigawan ko naaawa din naman ako sa baby ko pag nasisigawan sya.. so for me good choice na nagbusiness nalang ako kasi minsan yung mga clients ko hindi pa nagbabayad.. kaloka.! atleast dito sa business ko ngayon sigurado ako .. :)
Title: Re: Quitting Job, Apply for a new one or be a WAHM?
Post by: onlinejasssolutions on September 04, 2014, 08:16:14 pm
We can offer you training and coaching program to be a WAHM! Check out our website www.jassonlinesolutions.com Thanks!