Parent Chat

Pregnancy => Labor and Child Birth => Topic started by: cheeryl on April 15, 2014, 02:17:41 pm

Title: tips for normal delivery
Post by: cheeryl on April 15, 2014, 02:17:41 pm
Hello mommies,

Ako po pala ang manganganak na this june 30, 2014. Kahit na pangalawa ko na itong panganganak kinakabhan parin ako... sa 1st baby ko kasi ang tagal kong naglabor starting monday afternon hanggang thursday afternon din ako nanganak... Talagang nhirapan ako sabi ng ob ko e cs na ako. pero ayaw ko talaga kasi wala kaming pera baka di na kami matubos pagkatapos. kaya twice akong na induce. after ng 2nd induce ko talagang lalabas na si baby.... ngayon plano naman n baby dito nalang ako sa bahay mangangak pero baka mahirapn ako... Baka may alam kayong mga tips and procedure o gawin o inumin o halamang gamot na ipahid sa tyan para madaling mailabas c baby... Thanks

Read it on Smart Parenting.
When to Push During Labor: The Sooner the Better, Study Suggests
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2018/10/23/labor-oct2318.jpg)
Click this link:
 https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/when-to-push-during-labor-c-section-delivery-a00041-20181024?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) to reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: Daddy_Jay on April 16, 2014, 09:58:35 pm
Be on the safe side, check with an OB. No one know best than someone who knows best.
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: KtheaG on April 18, 2014, 03:35:57 am
Hi uli, sis cheeryl! Kabirthday ko pala baby mo if ever na manganak ka nga by june 30.. :) :) ;) ;) ;)

As far as I know, DOH already probihits giving birth at home..matagal na yun, mga 2011 pa ata yun, I cant remember pero it has been already executed and implied by the law..matatanggalan ng license ang midwife na magpapaanak sayo pag sa bahay ka nga nanganak, except if you live in a rural area and there is a challenge of transporting you to a nearest birthing clinic or hospital.

Wala ka bang Philhealth, sis? or si hubby mo, baka meron..pwede mo kasi yun magamit kahit na sa RHU, lyin-in or hospital ka manganak, unless if hindi po kayo kasal ni hubby. Makakatulong sa expenses nyo yun, baka nga wala pa sa 2k ang bayaran mo if you'll use it in a public hospital..The best way I can advise is, mag-ipon ka na po starting today..siguro P100 a day, para at least meron kayo mahuhugot by the time that you will give birth in June.

As I observed sa mga friends and sisters ko na nanganak na through normal, pag malapit na sila manganak, pinapalakad lakad sila muna..ayun..pero before, when I gave birth to my eldest, 11 yrs ago, my mom gave me to drink the very first egg of a first time hen..para daw mabilis daw lumabas yung baby..hahaha..pero 3 days and 2 nights ako naglabor nun..so I guess it's really just an old wives' tale..hehe..but really, the better idea for you is you go seek an expert's advise. Hingin mo yun sa OB mo or sa midwife sa health center nyo..@Daddy_Jay has a point, consider the advise of the one who know's the best.
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: cheeryl on April 21, 2014, 08:22:33 am
hi KtheaG,

thanks for your comment, ngayon may philhealth ako... nag iipon din pag merong sobra na pera.. Sana madali lang akong manganak kasi wala kaming mapagkukunan ng pera kung ma cesarean ako... talagang iiyak tlaga ako pag ma cesarean ako kasi sobrang hirap ng buhay namin.... Sana din po okey lang si baby ko sa loob ng tyan ko. hindi nga ako nkapagpaultrasound kasi walng budget pero pray lang ako na okey lang si baby.
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: KtheaG on April 21, 2014, 09:26:50 pm
we'll pray for you and your bundle of joy, sis..


be strong po..may mga mommies din na napagdaanan at nagdadaan sa dilemna mo, mommy..pero there is nothing impossible sa Lord. Just keep your faith on Him..He will declare waht will be the best for you and your baby..keep a positive attitude po. :)


taga san ka ba sis?  You know, where Amisola Maternity Hospital is? bandang Tondo ata yun, i forget the exact address but i kow the place..i've been there before for an OB check-up.. 450 lang ang ultrasound dun sis..you could try to search dito sa forum about Amisola..baka puede mo na maafford yung rate nila sis..


keep on praying and have a safe and happy pregnancy!

 :) :)
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: wendy.ravzz on April 21, 2014, 11:42:33 pm
Hi sis,
Pinagawa lang din po saken ng midwife na nagpaanak saken before. Inom ka daw ng pinagpakuluan ng luya para mabilis ka manganak. Yung salabat kung tawagen naten sis. :) for me ok naman at sa lahat ng nanganak dun sa lying in na yun sa San Juan.. nasa sayo po kung gusto mo itry. Iinumin mo sya kapag malapit ka na manganak. Pampalambot daw po ng cervix yun.
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: maia2013 on April 22, 2014, 08:53:55 am
Hi sis cheeryl..I understand your situation...I just want to share kung ano yung ininom ko, 3hours lang ako nag labor when I gave birth to my first baby :) I dont know sa iba, but my midwife advice me to take Castor Oil, 2-3 spoon 3days bago yung due date ko. tanong ka muna sa midwife or OB mo if okay yun for you... :D

hope this will help.
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: cheeryl on April 22, 2014, 02:41:55 pm
Hi KtheaG,

Taga bukidnon ako... Salamat sa advice mo ha.. Na appreciate ko talaga sobra... Sabi ng husband pray lang daw ako na healthy and strong si baby sa loob ng tyan ko kahit di ako makapagpa ultrasound.. Salamat talaga sa concern
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: cheeryl on April 22, 2014, 02:46:20 pm
Hi wendy.ravzz,

Actually ng iinom ako ng salabat paminsan minsan pero akala ko panahon ko na mag inom ng salabat pero salamat sa advice mo ha... sa kabuwanan ko nalang ako iinom ng salabat
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: cheeryl on April 22, 2014, 03:35:11 pm
hi maia2013,

pwede maghingi ng picture or exact name ng castor oil or saan pwede mabili yan.... Thanks
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: sairiel on April 23, 2014, 11:27:50 am
sis maglakad ka as in araw araw ako naglalakad talaga nun malalayo bxta wag ka lang papagod lakad lang parang nmamasyal
ako nun feb 6 lang nanganak.
nung umaga 0330 pag gising ko may nraramdaman n kong kakaiba n masakit
pero naglakad pden ako papunta bakery
taz kumain pa ko kanin
nararamdaman ko na den yung araw nun na lalabas n si baby
nung pagpunta namin ng mama ko sa ospital 1000am nag jeep pa kame
yung constracton ko nun e kada 5 mins na
taz pagbaba ng jip naglakad p den ako haha by 11am nsa ER na ko
admit na taz un na sobrang sakit na ayaw pa ko ipasok nun sa Delivery room kasi tumataw pa daw ako by 0130pm lumabas n c baby saglit lang ko naglabor thank god dahil sobrang sakit HAHAHA wa pakels ka sa mga tao ee. (y)
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: maia2013 on April 25, 2014, 08:36:25 am
Hi Sis...
you can buy castor oil sa kahit anong drugstore...binili yun ng mom ko sa generic pharmacy,
salabat is great too, kasi since we cant take medicines pag preggy tayo, salabat is good for ubo and sipon.

yung lasa ng castor oil, medyo mapakla lang, pero take agad ng water or juice. sa picture po, check mo na alng sa google hehe...
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: Daddy_Jay on April 30, 2014, 11:47:49 pm
My wife gave birth na po nung April 29 sa isang lyign-in clinic dito sa Makati. Wala rin kami pera so we had no choice but to opt of NSD. Nakakatakot kasi baka biglang emergency CS at wala kaming maigasto. Normal sya, awa ng dyos.



With my persuasion and with medical intervention, here's what my wife did (I hope you would find this helpful):

1. You may take Profamol 3x/day for 1 week pag nag 37 weeks ka na. It should help soften your cervix. Tag 15 pesos lang to. Pwede OTC.

2. Maglakad lakad ka. Naglalakad kami sa isang mall dito sa Taguig every day hanggang mangawit at mapagod na mga paa namin. Parang zombie na nga kami pag umuwi dahil sa pagod. Mag hapong window shopping. Started at 38th week.

3. Have sex with hubby (as advised by our OB). May content ang semen that helps soften the cervix.

4. Exercise. Nag kegels exercises ang asawa ko everyday for 50 repetitions. Squat for 30-35 reps. (sinasabayan ko sya sa mga exercises niya kasi baka ma-ilang sya na sya lang ang gumagawa)

5. Magtrabaho sa bahay. Wag higa ng higa. Gumalaw-galaw ka.





Pag nasa panahon na that you are about to deliver, always keep this in mind (ginawa rin to ng asawa ko):

1. You pray to God.

2. Wala akong pera pang CS. Kailangan normal to. Normal what it takes, dapat normal to.

3. Dapat marami kang baon na lakas ng loob- walang makakatulong sa'yo but yourself.  Refer to #2.

4. Umure nga tama. Sumonod sa instructions ng magpapaanak. Give it your best. Refer to #2.



-Hope this helps
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: cheeryl on May 02, 2014, 03:06:25 pm
Hello Daddy_Jay,

Super like ko ang reply mo.... Naku Talagang susundin ko yan... Alam mo ang swerti ng asawa mo sayo.... Napakasuportive... Nakakainspire basahin ang reply mo sa akin... Salamat talaga
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: cheeryl on May 02, 2014, 03:19:07 pm

Hi Daddy_Jay,

Saan po palang butika yan mabibili ang Profamol ? kasi po wala sa mercury drug store
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: Daddy_Jay on May 06, 2014, 01:48:16 am
Primrose ata yun yung parang generic name niya. Not sure though kung saan butika meron kasi binili namin yung Profamol ng asawa ko dun din sa clinic na inanakan niya. Try checking with other botika baka meron.
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: cheeryl on May 07, 2014, 09:26:47 am
Naku kahapon nag operation lakad ako Daddy_Jay.. nilakad at pinuntahan ko ang mga botika sa bayan pero talagang wala po daw... sino kaya sa inyo jan may profamol bibili ako kahit ako nalang bayad sa shipping papunta sa amin... walang ganyang gamot dito
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: Daddy_Jay on May 07, 2014, 09:44:44 pm
Everprim ang alternative nyan. Taga san po ba kayo?
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: marie09 on May 17, 2014, 11:25:45 pm
wag din maxado lakad ng lakad mommies..kc ako nasobrahan ako ng lakad..lakad ako in the morning and hapon..ayun,pumutok panubigan q pero d naman humihilab tyan q..na-induce tuloy ako..pero saglit lang labor q,halos 12hrs lang.kc nagpunta kami lying in,11pm,inantay p nila n maghilab tyan q pero wala talaga so they suggest n,mag-induce n at dapat doktor ang magpaanak sa akin..hay,nagpunta nga ako lt=ying in pra mura lang nangyari eh parang sa ospital din dhil binayaran q p yung doktor..pero impt.,nlabas q c baby kahit d ako marunong umire..karaniwan naman nac-cs eh yung malaki yung bata sa loob at maliit yung sipit sipitan at un worse case yung d marunong umire just lyk me..buti nalang talagang pinilit q to the highest level dhil yoko ma-cs maxdo mhal..pero since pngalawa u n pnganganak yan tyak ok yung sipit sipitan u..make sure nalang n wag u maxado plakain pag malapit kn manganak at kain ng malamig dhil nkakalaki ng baby..den tma,gumalaw galaw kc pag namanas k dhil nkaupo k lang tyak manas din yung pwerta u,d u malalbas ng maayos yung bata..
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: Kt Elle on September 25, 2019, 06:47:06 pm
Hi mga momshies. Im on my 38weeks for my 2nd baby. My 1st baby (1 yr and 4mos na siya now) is only 2.77kg nung nilabas ko sya and i had a complication called Uterine atony which i had blood transfusion sa hospital. Now, nag pa BPS ultrasound ako its around 3.9kg na with Head 36cm, Sabi ng OB baka daw mahirapan ako inormal dahil sobrang laki n daw ni baby. This time nag iisip ako mag Lying in para makatipid. Kaso wala pa kong nararamdaman na kahit anong signs of labor. At everyweek daw dumadagdag pa ang timbang ni baby sa loob. Gustong gusto ko sya i NSD dahil preferred ko mag lying in. Ask ko lang kung possible pa ba sya mai-normal? Around 5'2 yung height ko. Accurate kaya yung nasa ultrasound. Ano kaya pwede ko gawin para maglabor na ko? 
Title: Re: tips for normal delivery
Post by: Mommy Jazz on September 25, 2019, 09:44:57 pm
Mommy Kt, it seems hindi po ordinary ang case niyo. Yung OB ninyo na nag alaga sa inyo, nakaalam ng buong history ng pregnancy niyo would be the best person to say kung anong makakabuti para sa panganganak ninyo. Affiliated din po ba siya sa lying-in na clinic? To be safe, she might recommend na sa hospital kayo manganak para kung hindi makuha ng NSD, may equipment silang wala ang lying-in if emergency CS is needed.

I know na gusto ninyong makatipid but if you can read all the actual stories ng mga moms dito kung paano sila lumampas sa budget nila sa delivery, better be prepared with emergency money even with the hope na sana hindi magamit. Welcome to the club nalang po :)