Parent Chat
Pregnancy => Getting Pregnant => Pamahiin => Topic started by: Ara on July 31, 2009, 11:49:17 pm
-
Basahin sa Smart Parenting. Click any topic title.
•Inaaswang Ang Buntis? Mga Kuwento At Pangontra (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/aswang-sa-buntis-a132-20220124-lfrm?utm_source=parentchat&utm_medium=link&utm_campaign=20220126-aswang-sa-buntis-a132-20220124-lfrm)
• Pamahiin sa Buntis (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/pamahiin-sa-buntis-a1810-20190224-lfrm?utm_source=parentchat&utm_medium=link&utm_campaign=20211122-pamahiin-sa-buntis-a1810-20190224-lfrm)
•Panaginip ng buntis (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/pregnancy-dreams-meaning-a00061-20190814-lfrm?utm_source=parentchat&utm_medium=link&utm_campaign=20211209-pregnancy-dreams-meaning-a00061-20190814-lfrm)
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2022/01/24/Aswang-sa-Buntis.png) (https://www.smartparenting.com.ph/search?q=pamahiin)
photo by SHUTTERSTOCK
wala lang mga mommies curious lang aku... wala naman akong na experience na ganun nung buntis ako pero yung MIL ko kasi dati pilit na nilalagyan ng buntot pagi yung bintana ko sa kwarto...
kayo mga mommies may naexperience ba kayo na ganun nung buntis kayo?
Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=8283.msg970087#msg970087) tungkol dito o mag (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=8283.0) para makapagpost ng katanungan, payo o kwento.
(https://media4.giphy.com/media/pPnE96JNj1knAExjxI/giphy.gif?cid=790b7611252d5b0a49dddc40128484e0f2fe16632089cd94&rid=giphy.gif&ct=g) (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=116905.msg971345#msg971345)
-
myth lang yan sis... ;) minsan nakakapraning ang mga old wives tale..
-
ako din di ko alam kung maniniwala ba ko jan o hindi, mommy ko kasi naalala ko nung buntis sa mga kapatid ko may bawang talaga yung bintana namin, tska yun din may naririnig kami na parang lumilipad na ewan na paikot ikot din,pero nung preggy ako la naman bawang sa window ko.. pero yun di ko malapit sa window pag natutulog or kaya medyo may harang yung tiyan ko nun.hehe
pag sa province daw meron sbi ng mga maid sa amin, kaya minsan naniniwala na din ako, tska dati ata may mga nababalita na ganun? tas minsan din sbi rin ng parents ko na parang yun nga meron daw talagang lumilipad na parang tumama pa daw sa puno tas yung mga aso ngtatahulan tska ungol ba yun..
-
mga sis,
we live in the province (iloilo). sa city nga lang ako.
hindi na uso mga aswang ngayon, and there's no truth to that. panakot lang yan ng mga matatanda sa bata na pati mga buntis nadamay na rin kasi may bata rin sa tiyan niya.
my MIL used to scare me when i was pregnant with my eldest. when i got back to their house from a vacation to my mama's house, she said, "alam mo, hinanap ka ng mga aswang dito." ngek!!! sino maniwala don?
it's just you who's scaring your own self. if you chose to believe then you'd get scared, but if not, wala naman.
-
not true at all
-
hindi ko din alm kung maniniwl ako kc nung buntis ako dun s dati namin house pag gabi npakaingay pr may tao s bubong ky ang gingw ng mother ko may bawang ang lahat ng bintana tpos may wlang tingting tpos ako lagi may bawang s bulsa sinunod ko nlang kc wl naman mawawala skin kung susundin ko minsan nga nagpunta kami ng hubby ko s palnegke may matanda ang sm ng tingin s tyan ko at take note gusto niya hawakan ang tyan ko eh hindi ko naman sya kilala ay dali dali akmi umuwi ng asawa ko then nung naglalakad kami nakita namin yung matanda mas nauna p skin medyo kinabahan ako nun.Pero nung nanganak ako wl n kami nadidinig na ingay s bubong im just wondering lang bkit maingay s bubong nung buntis ako
-
yah..ako din nung buntis..sa montalban pa nakatira..pag gabi palagi may maingay sa bubong ng bahay...then one time nakita daw nung kapitbahay may tumalon galing sa bubungan..i dont know if its true..ingat na lang din ako..hehe..
-
Maybe nowadays it is not true anymore province din location ko now Antique tama si sis Marian sarili mo lang tinatakot mo. During my preggy days here i am only one because my hubby is on work but i never used to scared myself.
-
These are only as true as you make them out to be. True believers will never be swayed to believe otherwise, and those who don't believe (like me) will never be convinced if you truly don't want to.
-
nong nagbuntis ako with my 1st and now with my 2nd, wala naman akong ganung napansin, nakita or naramdaman...pero yung bintana namin, pinalibutan ng asin ng mama ko.
i dont know kung maniniwala ako or hindi coz i havent experienced it. pero true that there are existing not like us. yung experience din ng parents ko nong pinagbuntis kuya ko, talagang may aswang daw sa kanila na sobrang haba ng dila. at talagang inakyat ng papa ko sa taas, dala-dala yung itak niya. yung bahay kasi nila doon sa leyte before, eh may malaking puno sa loob.
ewan, pero sabi nila totoo yun..kaya umalis nga sila don at lumipat ng cebu habang buntis pa mom ko kay kuya...
-
ewan ko ba kung maniniwala ako, pero nung time na buntis ako laging may buntot pagi sa bintana.. pangontra daw sa aswang sabi ng nanay ko..
-
when i was preggy ewan ko lang ha..
kasi mtutulog n kami ng hubby ko nun..
tas may kumalabog sa bubungan namin..
sbi ng mom ko bka pusa lang un..
pero nrinig namin kasi angbigat ng HAKBANG niya..O yung LAKAD..imposible nmng pusa kasi ambgat talaga..
un asawa ko kasi nka-encounter n siya nun s province nila,, kaya medyo takot sya..
gnwa niya bnantyan niya ko magdamag tas pinatungan niya ng itim n tela un tyan ko..
aun..
-
mga sis,
we live in the province (iloilo). sa city nga lang ako.
hindi na uso mga aswang ngayon, and there's no truth to that. panakot lang yan ng mga matatanda sa bata na pati mga buntis nadamay na rin kasi may bata rin sa tiyan niya.
my MIL used to scare me when i was pregnant with my eldest. when i got back to their house from a vacation to my mama's house, she said, "alam mo, hinanap ka ng mga aswang dito." ngek!!! sino maniwala don?
it's just you who's scaring your own self. if you chose to believe then you'd get scared, but if not, wala naman.
ay baka si MIL ang a-aswang. :p
Sa province namin sa Marinduque, daming kwento tungkol dito. di lang sa buntis, pati na rin sa mga may sakit na malapit ng matsugi. eto daw yung "mabango" sa mga aswang. well, pero DAW lang naman. hehe 2009 na!
-
oo sis, ako din,binilhan ng maitim na kumot..yun pianapagamit sa akin palagi.. ewan kung ano connection non..
-
ako talaga na niniwala dyan........... nung buntis ako grabi kumaka labog talaga sa bubung namin. 1 month pa ang tiyan ko hanggang nag 7 month napaka consistent ng aswang gabi gabi talaga di man lang napagod palibhasa kasi kapit bahay lang eh... tulad nyo rin mga sis blanket na itim o kahit anong damit basta kulay itim at langis ang pan laban ko dyan, at nag pa sadya pa kami sa tauhan namin dito pinauwi pa namin sa province nila para kumuha ng bambo na may tulis sa dulo (bagakay kung tawagin namin dito sa cebu) hanggang sa ako na ang lumipat dahil sa takot dun muna ako tumira sa house ng mother in law ko.
-
ako naman naexperience ko sa 1st at 3rd baby ko may 2 paniki sa harap ng bahay namin....lipad ng lipad sa harap ng pinto...daan ng daan...
nung sa 3rd baby ko,minsan dumating yung hubby ko ako nag bukas ng gate..medio late nayun mga 11pm...
biglang may lumipad na paniki sa gilid ko pataas galing sya sa lupa.hindi ko napansin na nasa lupa siya kasi gabi nga..
tapos biglang may lumipad naman sa ulo ko...as in napasigaw talaga ako...natakot din hubby ko..kaya hindi niya nako pinalabas ng gabi...
ewan lang...kanya-kanyang karanasan naman yan...yung walng naranasan hindi maniniwala diba? :) :P
-
Nasa Mindanao project ako nung binuntis ko si zoe, may pagkaremote din ang area nung time nandun kami kasi walang signal, punta ka pa sa next town para mamalengke. Ganun din sabi ng kapitbahay, may umaali-aligid daw. Although di ako gaano naniniwala sunod ko pa rin advise nila magpalda ng itim matulog or night dress na itim.
-
I think depende naman sa lugar un. Kung nasa City ka naman e imposible naman na may aswang. hehe Pero sa mga province alam ko meron kasi ako mismo naka encounter na. Pero hindi naman ako buntis nung time na un. College pala ako nun. When I was pregnant andito nako sa Manila. I work in Makati and sa Cavite ako umuuwi. Wala naman akong na encounter na mga ganun. So I guess depende lang talaga sa lugar un.
-
officemate ko, sa forbes sila banda nakatira part ng sampaloc, not sre pero malapit dyan sa sampaloc. sabi niya meron daw umaaligid aligid sa house nila kaya asked sya dati ano gawin para maiwas. siguro meron din dito pero seldom nga lang
-
ako nung buntis sa eldest ko dito kami sa cubao, me mga nagkwento ng mga ganyan nung me dumadalaw sa house kaya na-alarm ang lola mo... so sa bintana din naglagay si husband ng bawang... tapos binigyanako ng 2bala isang di pa pumuputok and isang pumutok na... instead ok black pinaglagay ako ng MIL ko ng RED na towel or tela sa ibabaw ng tummy sabi iwas din daw ang mga mumu sa ganun... (i just dont know)
and yun nmang youngest ko sa bulacan na kami medyo city pa din kasi isang tulay lang ang difference niya sa caloocan e. yung house namin dun di pa sarado yung likuran e andun yung lababo and CR. so me time na umuwi kami na medyo late then nag-dinner maghuhugas sana ko ng pinag-kainan namin bigla lumabas si husband and tumingala...maya-maya sabi niya iba daw ang tunog....(husband came from tarlac) kaya pinapasok niya ko and nagsarado sya ng bahay... di rin niya ko pinatulog sa itaas near the window tsaka yung bubong kasi namin wala pa kisame as in yero lang...
tapos kung magbabyahe lagi akong me red na balabal or jacket..and dala ko parin yung bala na biagy saken nung unang nagbuntis ako... :-\ until now clueless ako kung meron ba talaga...
-
na miss ko tong thread nato.................
POV lang po........... totoo man o hindi mas mabuti ng laging handa....... kaya ako yung mga pangontra ko dati tinatago ko....... for future use.
-
scary stories mga mommies!!!!!!!!!!!!!
buti na lang tapos na ko magbuntis nang mabasa ko tong thread na to..hehe..
kinikilabutan tuloy ako...
-
Mga sis hindi ko alam if totoo nga..pero naexperience ko na kasi yan na parang laging may nakatingin sa akin sa gabi. Sabi ng MIL ko meron nga daw dun sa lugar nila.. Kaya ginawa nila pinagtahi nla ako ng telang pula na maliit yung parang nilalagay sa mga bata..tpos nilagyan ng bawang, uling at buntot ng paging.. pangontra daw yun sa aswang. Sa kapitbahay din namin may nangyaring ganun. na maingay sa bubong nila tuwing gabi.. kaya ginawa nung asawa niya sinisigawan niya palagi saka may nakahandang kutsilyo na hinahagis niya sa bintana kpag may maingay dun..
Saka may nangyari din dun sa lugar namin.. may lamayan kasi dun eh madaling araw na nagulat yung mga tao na nakikipaglamay na may nalaglag na itim na aso mula sa langit.. tpos lumakad yung aso.. pilay-pilay siya.. pero habang naglalakad palayo.. nagbabago ng anyo.. nagiging tao na nakaitim.. scary no.. kaya ngayon medyo natatakot ako lalo na ngayong buntis uli ako.
-
Maybe nowadays it is not true anymore province din location ko now Antique tama si sis Marian sarili mo lang tinatakot mo. During my preggy days here i am only one because my hubby is on work but i never used to scared myself.
Hi mommy leng sorry OT san ka sa Antique??ako din taga-dun sa Aguila Sebaste
-
true or not, hinahayaan ko na lang sila na maglagay ng bawang sa windows at door ng bedroom namin.. wala nga namang mawawala... pero siempre kung iisipin mo nakakatakot.. may time na hindi ako makatulog pag may naririnig akong parang lumilipad lipad sa bubong..
-
not true...
kasi yung lola namin namatay na at lahat pero wala naman syang nakitang aswang tiga capiz pa yun.
tinry ko rin yun kung totoo
nung buntis ako sa tabi ng bintana talaga ako natutulog nakabukas pa.
wala namang nangyaring masama sken ska sa baby ko.
kaya napatunayan ko na hindi talaga totoo.
-
nung buntis ako dati sa 1st baby ko naalala ko wala ako na experince na ganyan, dito ako sa antipolo, pero dati nakitira samen yung mag ina na frend ng mommy ko, yung anak niya 2 months pregnant, mula sa likod ng bubong namen may tumatakbo, papunta sya sa unahan ng bubong namen, tapos tatakbo pabalik ule sa likod namen, di talaga namen alam kung anong bagay ba un o aswang ba, kung pusa naman di naman pwede kc ang bigat bigat ng pagtakbo niya ibig sabihin ang laki nyang tao or something, tapos ang ginawa ng mama niya lumabas mula s loob ng bahay namen at matapang na sumigaw, yung para bang tinatakot niya may hawak syang asin nun, ako mismo nandito ako nun nug ngyare yung bagay na yun, hanggang ngayon di namen alam kung ano man yun,.
-
ay! katakot naman stories nyo mga sis. i came from batangas and yung barangay namin although di naman liblib eh may mga stories pa din na ganyan especially kapag usapan ng matatanda. pero in my case during preggy ako,wala naman ako naexperience na kahit ano,there are times na solo ako natutulog sa kwarto pag wala ang mom ko since nasa abroad nga si hubby that time.. there was never a time na nagising ako because meron akong naramdaman na kakaiba.nagigising lang ako pag kelangan ko magwiwi since buntis nga.basta meron lang ako rosary sa side table ko and I pray every night. :)
-
Ako I experience it... INC religion ko and I used not to believe in those kaya lang nung 9th month ko na.. gabi gabi talagang may nakalabog sa bubong ang yung pinsan na bata ng asawa ko keep telling his mom na may matanda daw palagi sa bintana na mahaba ang buhok... 2 weeks bago ako manganak na experience namin na talagang kinakayod ng kuku yung bubong... at that time yung tita ng asawa ko nasa labas nakikipag sugal so hindi namin makandado ang pinto... yung isa naman niya tita nasa sala at natatakot na rin... naiyak pa nga un.. ako naman sa shock ko hindi ko na binitawan si hubs.... siya pinan takip ko sa tiyan ko.. hahaha....takot talaga ako... to think andito lang kami sa makati... ciudad na toh ha!.. nung second ko naman I was always left alone in the house kasi bumukod na kami ni hubs... so far 1 time lang nang yari na may nakukud sa bintana ng inuupahan namin na apartment...
-
Nung preggy ako, hindi mga kalabog sa bubong yung na-experience ko kundi sangkatutak na pusa yung gumagala sa paligid ng house namin! Tapos ang ingay ingay pa nila, parang may party, and nakatingin pa sa bintana ng house namin. Scary noh? Parang nangangaroling sila sa amin. Hehe. Nung nanganak ako kay baby, ganun din, andun pa rin sila ang favorite nila tumingin lagi sa bintana kung nasan andun sa room na yun si baby. Sa Batangas kami nito nun.
Tapos nung nasa Laguna kasi sa parents ko, may itim and 1 puti na pusa na tumambay sa bahay dun, and bigla sila "nagsalita". As in yung parang nagsagutan na parang words talaga yung sinabi. Narinig din yun ng kapatid ko and tinignan yung mga pusa. Umalis yung itim na pusa pagkatapos nila magsagutan nung puti na pusa. Scary scary. Sobra embrace ko yung baby ko nun!
Sa parents in law ko, naging maingay din yung mga pusa nung preggy ako and nung nanganak na ako. Pero ngayun, hindi na sila maingay, siguro kasi malaki na si baby ko, hehe. Di na nila siguro trip ang malaking baby. Haha!
-
Sabi ng mom ko mga sis, meron daw talagang mga taong lapitin ng mga ganyan..kaya siguro yung iba di nakaexperience nun. Nung nabuntis kase yung pamangkin ko, according to my mom talagang may so called "tiktik" daw syang nadidinig sa house nila. So nung nabuntis ako, sobrang nichecheck niya palagi kung may ganun din sa house namin pero thank God wala naman.
Yung katulong din namin kinukwento sakin na nung buntis daw sya lapitin din daw sya ng mga aswang kaya tinatanong niya din ako palagi kung may nadidinig daw ba kong ingay sa bubong or may weird daw bang nakatitig sakin or something. Sabi ko naman wala naman. Pero mga sis until now takot pa din ako dun, kaya pag natutulog ako since mga 2am pa ang uwi ni hubby nakaclose talaga yung window ng room namin! Pagdating na lang ni hubby saka niya bubuksan! hehe! Siguro prayers lang din naman ang kelangan para di ka nila lapitan and maging safe kayo ni baby ;)
-
ako skeptical din dati sa mga ganyan nung dalaga pa ko until i had my own share of experience.
i was 2months pregnant that time. every night napapansin ko may parang tumutunog sa may bintana namin. parang yung tunog ng kahoy na pinapalo sa isa't isa (similar sa sound sa blair witch project na movie). hindi ko naman pinapansin. hanggang yung mga inlaws ko na nakarinig. sabi nila parang sign daw na may aswang sa paligid. hindi parin ako naniwala.
one time sa bahay ng nanay ko ako nagstay kasi out of town si hubby. yung tv room nila malawak yung bintana over looking sa garden dun ako tumambay kasi mahangin. and then i heard the same sound. (sundan ba naman ako mula antipolo hanggang cainta??) ayun kinilabutan nako kaya takbo ko sa nanay ko sabi ko maglagay muna ng asin sa mga bintana.. hehe..
-
ako din hindi naniniwala before. pero nung nagkwento yung friend ko about his wife na buntis dati naniwala na ako. so buntis nga yung asawa niya that time (medyo lapitin wife niya e, may third eye kasi) tapos meron din kumakalabog sa bubong nila (they live in QC btw) and may natatanaw na malaking ibon na itim yung driver nila palagi sa bubong, may naririnig din sila na parang uwak daw. but thank god wala naman masama nangyari sa wife niya
-
when i was young and preggy yung mama ko, i really heard "kikik" or "wak-wak" pero malayo lang but i also experienced 1 night na may ngscratch sa wall namin..as in aswang daw yun! i really can't forget that episode..that was 17 years ago and we live in an island here in Surigao
when i got pregnant 3 years ago and we live in the city na, i saw a black cat (not our pet) na pumasok sa room ko buti nalang dumating mother ko...after that hindi ko na ulit na-experience yung aswangin but on my 2nd pregnancy, ngreklamo talaga yung neighbor namin kasi maingay yung bubong namin. Akalain nyo, we open all windows at night and may activities pala sa bubongan hehe..buti nalang nothing bad happened to me. Since then, i always wear something black to cover my tummy...[/color]
-
actually, sa province talaga madaming ganyang kuwento, ayaw kong maniwala pero I just remembered nung bata ako, buntis ang mom ko sa bunso kong kapatid, one night bigla akong nagising tapos may narinig akong na parang may humahampas sa hangin, yung tunog na parang sa mga horror movies kapag lumilipad yung mga aswang. ang lakas talaga at parang nasa taas ng bubong namin. Yun lang yung naaalala ko, hindi ko matandaan kung gising nun yung parents ko. may mga kuwento din akong naririnig from my friends, experiences ng mga relatives nila na nasa ibang probinsya... kung totoo man ang aswang o hindi, let's not forget to always Pray..
-
Just want to share, lagi akong pinapagalitan dito samin kasi laging labas ang tummy ko, hindi na kasi kasya yung mga shirts ko saka spagstrap tees ko. im 6th month preggy sabi ng tita ko mabango na daw yung tummy ko sa mga aswang. experience ko dito sa san pedro, laguna merong maingay na ibon lagi sa gabi. yung higaan ko kasi sa ulo ko bintana, although lagi xang sarado pero for some reason may maingay talaga. meron din kaming kalapati sa may malapit sa bintana pero sabi nila iba daw ang huni ng ibon na ito pag gabi at scary naman talaga ang tunog niya at naririnig din ito ni mama sa kabilang room which is opposite of my room so ibig sabihin talagang malakas ang huni niya. dun naman sa house ni MIL ko every 2-3am ang dami namang aso na nagtatahulan at nagigising talaga ako nun even hubby when he was still here. sabi ko nga ano ba yan may miting de abanse ba ang mga aso paggabi? un lang naman..
-
not true at all...i believe in the power of prayers...keep the faith! ;)
-
i hate superstitions and stories like these. galit na galit ako sa mga kamag-anak kong praning dito sa bahay. i have a classmate na nagsabi banaman sa akin na maglagay daw ako ng itak sa kwarto ko para daw di ako lapitan. nakakainis talaga. :|
-
well i do belive in this kasi nung nag buntis ako lagimeron pusa sa bintana and bubong namin tapos lagi ako may nakikita na matandang babae sa may dkabilang street every maaling araw pag uwi ko from work kaya lagi ako pinapalagyan ng calamansi sa tummy and may isang plastic na ang laman ee bigas,asin,calamsi at bawang sa kwarto namin pero after ko mag buntis nawala na yung mga nakikita ko and yung pusa
-
I've heard about this but thank God di ko naman siya na-experience with my 2 pregnancies. Scary ha, matatakutin pa man din ako..I dont know still whether to believe or not..
-
I don't believe in these tales until I experienced it myself in Sta Maria, Bulacan.
I was then 7-months pregnant with my child when I kept hearing noises sa bubong ng apartment unit namin. My husband works on grave shifts kaya lagi akong mag-isa sa gabi.
It came to a point na I feel laging may gumagapang sa kisame namin tuwing gabi that my husband decided to transfer to another apartment unit sa busy part ng Sta Maria on my eight months into pregnancy. After that, wala na yung laging maingay sa bubong until I gave birth.
-
super scary talaga mga stories dito :(
-
Sensya na po mga mommies, hindi ako naniniwala sa aswang e. Maraming kumakalabog sa bubong namin pero pusa lang na naghahabulan. Kasi kahit hindi na ako buntis, minsan may naririnig pa rin ako. Na experience ko nga na mag-isa lang ako sa unit namin and nag brown out and sobrang dilim sa paligid. Mas natakot pa ako sa magnanakaw na maaring pumasok sa balcony kesa sa multo. I pray when I'm scared and I think when you have faith, hindi mo maiisip na may kababalaghan na mananakot sa iyo. Opinion lang naman po. :)
-
hi sisses! i'm very skeptical regarding sa mga stories like this. but there were two incidents that still send goosebumps on me whenever I remember them. The first one was way back 2006. I was 7 months on the family way that time. That day I went to our bedroom early because I feel so tired. I easily dozed off. But I remember my baby's moving like parang hindi mapakali inside my tummy. pero deadma ko lang kasi sobrang antok talaga ko. When my husband arrived at around 10PM he headed straight to our room. He was surprised to see a huge man sitting near the window. yung window ng house namin parang old style yung malalaking bintana. Nanlilisik daw yung mata! Nakakatakot talaga but he still had couraged to checked and see what it was upfront. Kaya lang nawala kaagad din puro lang dahon ng puno na parng binagyo yung iniwan nyang track.
The secong story was experienced by my colleague. His wife was 7 months pregnant then (around May 2010). He resides in Sta. Maria Bulacan. One evening while walking his way home along the subdivision he sees an old woman infront of their house. He even greeted the old lady but since the lady is not familiar with him he decided to have a second look but the old lady's gone. He then went to see her wife in their bedroom. The room was illuminated by the nightlight but he can clearly see everything in the room. The spooky thing was he heard wings flapping. (Just like in the movies as he describes it) He headed towards his sleeping wife but he was blocked by a huge "thing". He said it was a lady with red eyes and wings. He was able to touched it with his hand but fled fast. When the adrenaline rush subsided he was able to tell the story to his wife and in-laws. They say that those creatures will not literally get your unborn child but they will get the souls of unborn babies. Bottomline is you will still lose your child. :(
-
i'll share a story base on my experience on my first pregnancy,
nakatira kasi kami sa isang compand here sa san mateo by that time mga 2005 buntis ako and sa isang compound 5 kami mag kakapitbahay na buntis, madalas every 1:30 to 2:00 ng madaling araw ma mabigat na umaapak sa bubong namin and i thought sa house lang namin na experience din pala ng mga kapitbahay ko tapos one time daw lumabas yung asawa nung isang buntis para mag yosi nakita daw niya yung ibon mga isang dipa daw ang laki paikot ikot sa mga bubong tsaka humihinto sa may poste, ang ginawa daw niya minura niya ayun umalis yung ibon kaya naging gawain namin 5pm mg hais ng asin sa bubong
-
scary sis mga kwento nyo, nagtataasan ang mga balahibo ko dito sa ofis hehe.. :)
based on my lola experience totoo daw talaga na may aswang pro madalas daw talaga sa mga probinsya kc sya mismo nkakita n ng aswang scary, nkakita nga sya ng manananggal eh napatay daw yun ng mga kabaryo nila then nakita nila kung paano nagbalik sa dating anyo nung kinaumagahan, isang magandang babae daw.. nung bata pa ko may inuupahan kming kwarto sa may nova, that time yung kapitbahay namin is buntis.. since na iisang bahay yun inuupahan namin n may dalawang kwarto lang kaya kahit anong kilos marrinig.. one night, dun ako pina2log sa kwarto nila nung kapitbahay kong buntis kc nagkataon yung asawa nightshift so wala silang kasama... madaling araw nung may nrinig akong kakaibang ingay eh malapit pa ko sa bintanang malaki eh kahoy lang yun so anytime puwede sya mabuksan, isang pagaspas ng pakpak yung narinig namin parang isang malaking ibon talagang nagkakalampag sa bubungan namin nun natakot nga ako nun, ang gnwa ng lola ko minura palibhasa kai sya yung matapang-tapang sa amin hanggang sa nawala...
nung ako naman buntis, mga 7 months sa bahay namin sa cavite townhouse pro never ako n22log sa 2nd floor kundi lagi ako sa baba na22log together with my mom and cousins... madalas nkkrinig kami na parang may naglalakad sa bubungan namin at parang ang bigat bigat ng paa.. minsan pabalik-balik sa bubungan.. nung sinilip ng mama ko sabi niya wala naman daw tao kundi pusa lang n malaki... sabi ko nga kung pusa lang yun bakit ganun mkaapak sa bubungan parang tao... hanggang minsan isang malakas na yabag sa bubong na akala namin kami lang nakkrinig pati pla kapitbahay namin nrrinig yun... pro kpg sinsilip nga wala naman daw tao.. ang ginagawa n lang ni mama kpg nrrinig yun minumura niya then mmya mya nwala na..:) ;)
-
skeptical rin ako but during my 1st and 2nd pregnancies. I have had experienced the same,may mabibigat na yabag sa bubong, kaluskos, tunog ng tuko..kaya nung buntis ako naglalagay ako ng black tube sa loob ng shirt ko, itak, asin at holy water. magaala-rambo talaga ako kung may nagpakita sa akin!
-
ok lang saken dati na makarinig/makabasa ng mga ganitong kwento pero hindi ko naman naiisip na mangyayari ito mismo saken. pero parang naeexperience ko ata ito ngayon. :-\
here's what happened...last tuesday kakwentuhan ko yung katulong sa tapat ng bahay namin. sabi niya saken ingat na daw ako kasi mabango na daw ang baby ko(i'm 6months preggy na). baka daw magsimula na umaligid ang aswang samin. kasi may aswang daw talaga banda sa place namin(we're in montalban and malapit kami sa bukid and ilog). matandang babae daw yun. ang sabi sabi matagal na daw yun na matanda pero malakas pa rin. syempre di naman ako naniniwala. wednesday ng madaling araw around 2am siguro, aba may kumalabog sa bubong namin. di yun pwede maging pusa kasi it's way heavier. syempre di ko naisip ang aswang. isip ko baka magnanakaw! pinakiramdaman ko muna bago ko gisingin si hubby kasi baka false alarm. wala na ko narinig na next na yabag, di naman tumatahol ang aso namin sa labas kaya sleep na sana ako kaso di na ko makatulog, as in balisa na ako tapos malikot si baby sa tummy ko at eto ang pinakaweird as if may nakasilip sa bintana namin(asa uluhan namin ang window, bukas sya pero may screen naman). i really felt na may nakadungaw saken and nanlalamig ako kaya todo hug ko kay hubby. 5am na ako nakatulog talaga. kinuwento ko nangyari kay hubby sabi niya dapat daw ginising ko sya. kinagabihan naglagay si hubby ng kutsilyo sa tabi niya pero wala naman na nangyari.
yesterday night eto na naman. 11:30 pm gising pa kami ni hubby tapos may narinig akong parang debris na nalalaglag sa ceiling. walang malakas na yabag sa bubong pero may parang nalalaglag sa kisame. maya maya parehas na kami nakatingala ni hubby kasi naririnig na rin pala niya. he decided na ilipat ang bed namin malayo sa bintana pero balisa pa rin ako last night parang meron na naman nakasilip sa bintana. tapos nung bandang 2am narinig ko na naman yung yabag. grrr!!!
ngayon naglagay na ako ng garlic sa bintana tapos nagsuot ako ng black belly band and ofcourse prayers to keep our family safe. wala naman mawawala saken kung gawin ko ito kesa naman di kami makatulog ni baby ng maayos.
-
Ako naman, during our team building in Quezon, mga 4 months preggy ako nun, yung bed ko malapit sa sliding door papunta ng terrace, tapos me kurtina na nakatabing. Me narinig ako na parang tunog ng manok na di ko maintindihan, ik...ik...ik...tapos para ding ungol ng kabayo, e farm something din kasi yung location kaya naisip ko baka yung mga hayop-hayop yun sa farm at gumagala lang tapos paggising ko ng umaga wala naman palang kabayo or manok dun kaya naisip ko, ngiii, baka aswang yun a...
-
haven't experienced anything na ganun pero nung mga 3-4 mons ko ako lang magisa sa apt kase night shift si hubby - yung aso ng landlady ko tahol ng tahol pero nung sinilip ko wala naman tao. takot ako nun kase di ba malakas pang-amoy nila. kaya naglagay ako bawang at asin sa window. as in nakasabit. tapos lagi din ako may baon na asin at bawang sa bag na nakaplastic.pero kase nabasa ko sa ibang forums at mga advices ng friends and officemates - ingat nga daw sa mga aswang or tik tik.. sabi ni hubby wag daw ako maniniwala sa mga ganun.. eh laki ako sa lola. saka wala naman mawawala to be careful. si mama ko, kinwento ko sa kanya to at pinakita bawang ko sa bag.. tawa ng tawa..
-
Nakakatakot naman mga mommies. Ako naman since 2 lang kami sa house tinatry ko sundin yung sabi ng matatanda. Like bawang and asin sa windows ska sa pinto. I also have this red na tela na tinahi ni mama na may pinalamanan ng asin and bawang lagi ko ilagay malapit sa pusod ko at meron pang 3 piraso ng walis tingting sa tabi ko. Maiigi na rin yung magiingat sabayan ng dasal. :)
-
ako naman walang experience na ganyan 33weeks na ko ngayon.. lagi nakabukas window namin sa kwarto mainit kasi pero wala namang dumudungaw hehhe wala ring ik ik na sounds
minsan pala may parang mabigat na naglalakad sa bubong pag silip ko sa window yung overweight na pusa pala ng kapitbahay namin na mahilig pumasok sa bahay para lang magnakaw ng ulam >:(
-
Di ako naniniwala dun sa aswang,pero sa paniki,oo. Nung isang gabi kasi ik ik ng paniki yung naririnig namin. Anyways, yung asawa ko talaga ang naniniwala at parang gusto pa ako takutin kung hindi ba naman siya timang ano. :))
Di talaga ako naniniwala. I always pray at night naman. Saka everyday meron akong suot na rosary bracelet kahit na si hubby is di naniniwala sa krus,INC kasi. :) Kahit open yung window namin pag gabi,basta may curtains na nakatakip,ok nako. Saka dapat window sa ulunan ko sarado. Yoko nakikita labas ng bahay pag gabi eh. Feeling ko kasi may tumitingin parati. Haha! Praning din.. :))
-
i really don't know. i don't recall the bubong/kaluskos thing, although i had to be careful, kasi it's not the aswangs i'm worried about, there are unseen beings na lumalapit when i'm asleep eh.
i used to feel pag merong "being" sa isang room, and nagkaka-nightmares ako like parang may gustong pumasok sa katawan ko, parang "manghihiram" ng body ---- and these were before i got pregnant, so imagine my paranoia, when i got pregnant!
i just put salt sa lahat ng windows/entrances. i closed the windows near my bed rin, and made sure i had a night light on. pag queasy ako, i leave the light open, and i leave the music on.
wala naman akong naalala na super scary nung pregnant ako.
-
wala lang mga mommies curious lang aku... wala naman akong na experience na ganun nung buntis ako pero yung MIL ko kasi dati pilit na nilalagyan ng buntot pagi yung bintana ko sa kwarto...
kayo mga mommies may naexperience ba kayo na ganun nung buntis kayo?
di rin ako sigurado,parang wala naman ata,
sabi ko kay hubby nung buntis ako,
ayusin lagi yung kurtina,
kasi baka may mumu,
sabi ba naman sakin"yaan mo sya di mo naman sya maintinhan kasi arabo sila"haha...
pero sa probinsya nakakarinig ako
ik ik ik eh...ewan ko paniniwala namin aswang yun,
kasi yun ang nakalakhan na sabisabi,
lalo nung bata ako takot na takot ako sa tunog na yun,
siguro gang ngayun kung maririnig ko
malamang takot pa din ako :P hehe
-
wala lang mga mommies curious lang aku... wala naman akong na experience na ganun nung buntis ako pero yung MIL ko kasi dati pilit na nilalagyan ng buntot pagi yung bintana ko sa kwarto...
kayo mga mommies may naexperience ba kayo na ganun nung buntis kayo?
nung buntis ako naisip ko rin yan ,,
ako lang kasi mag-isa sa bhay pag gabi kase may work pa c hubby then umaga na sya uuwe,,
syempre at first natatakot den ako,,
pero sa ilang buwan na mag-isa ako sa bhay every night..
wala naman akong naramdaman na kakaiba ,,
depende rin siguro sa place un,,
sa makati kase ako nakatira ,, di naman uso dito sa city un,,
sa mga probinsya lan naman siguro,,
-
hahaha,natatawa ako sa mga kwento dito! pero minsan natakot din ako sa myth na to.di ako natutulog ng patihaya kasi di ba yung manananggal nasa bubong tapos tapos,yung dila bababa papunta sa tummy at kakainin ang baby.mas natatakot ako habang naiisip ko kasi lalo na pag hatinggabi at mag isa ako sa kwarto.si hubby kasi working outside the country kaya wala akong katabi hahaha! kaya kung ano-ano tuloy naiisip ko.pero nung mga 0-6months pa lang tummy ko at pareho kaming outside the country,wala namang FEELING na maaaswang ako dun or what.Nung umuwi na lang ako dito sa pinas saka ko na feel yung parang may aswang nga lalo sa may bintana,ayokong dumungaw pag gabi na.
Nung outside the country kami pareho ni hubby,walang aswang si HUBBY lang ang nang aaswang hahaha!
-
oo,naniniwala ako hehe though minsan madaling araw na ako umuuwi galing gimik(kahit buntis hehe)....hubby is away....nararamdaman ko din na may kaluskos sa bubong namin,sa kwarto ko,di lang basta ingay parang tinatanggal ang bubong namin..i told it to MIL and she said na magtabi ng rosary sa gabi kase since then kasama ko na sa room yung pamangkin kong tulog mantika.....
-
base on my experience naniniwala ako.
kasi nung 1st trimester ko twing gabi may naririnig kami ni hubby n parang ibon na paikot ikot sa bahay eh un kama namin malapit sa window. minsan naman nagigising kami my ik ik na tunog. nung una HINDI talaga ko naniniwala,then one time may narinig kame sa bubong na parang naglalakad, sabi ko sa hubby ko "pusa lang un" then aun Deadma! tpos next day meron na naman! nagtataka na ko pero sabi ng hubby q aswang yun kasi "MABANGO" na daw sa kanila ang amoy ng buntis lalo na kapag maliit palang at yung mga malapit ng matigok :D and then bale wala padin tapos nung mga sumunod na araw iba na talaga hindi na siya parang pusa kasi talagang ang lakas n ng tunog na parang may naglalakad na tao. kaya aun naniwala na ko dahil hindi na talaga tumitigil halos every other day yata yun.
nilagay ni hubby yung palaspas sa window tapos sabi ng lola ko mglagay ako s isang lalagyan ng asin at bawang ipwesto ko sa window.
ayon paminsan minsan nalang namin naririnig pero ngayon wala na.
Sabi nila kasi malaki na daw ang baby ko (32 weeks preggy nko)
Di naman ako natakot kasi di naman katulad sa province yung bahay namin na malambot at nabubutas ang bubong ;D ;D hehe
-
aay naku ewan pero sabi ng maid namin meron daw uhm,inaaswang daw ako amp*ut*!!! ako naman tong si t+++a naniniwala hindi tuloy ako makatulog ng maayos sa gabi huhuhu mukha na ko reyna ng EYEBAG
-
Ako hindi rin naniniwala dun? Kasi I live with my parents, yung bf ko nasa qatar. Sabi ng mom ko, magsuot daw ako ng black na damit para hindi daw ako maamoy ng aswang. Natatawa nalang ako, and I never wear black. Ako lang magisa sa room ko and malapit sa window yung bed ko, kaya nag aalala sila mama na baka aswangin daw ako. Sinasabi ko nalang kay mama na kung may aswang nga, kelangan niya muna tanggalin yung grills and basagin yung window, so bago niya masira yung window ko eh gising na ako at napatay na sya ng madlang people! hahaha!!!! ;D
-
napa-register po ako ng di inaasahan kase natuwa po ako sa topic nyo at the same time ntakot...hindi pa po ako mommy... pero pinagttaka ko lang po sobrang ingay ng pusa at feeling ko hindi lang iyon isa kasi kung san ako magpunta, halimabawa sa cr naririnig ko siyang nag-iingay at parang nasa bintana... sa kwarto ko din sa bintana... at minsan nagkatitigan kame ng pusa na may kulay puti at itim, grabe makatitig hehe tanong ko lang po... totoo po ba na pag maiingay ang mga pusa lalo na sa bubong ibig sabihin po ba nun may buntis?... kase po hindi pa din ako dinadatnan... naisip ko tuloy baka ako iyon?... sa takot ko naglagay ako ng bawang at asin... kasi lage ako nagigising ng madaling araw at hindi nako nakakatulog... napansin ko din na lately nalang sila nag-ingay ng ganyan at pakiramadam ko hinahabol nila ako hahaha dahil kahit saang sulok ng bahay namin naririnig ko... at tuwing maghhapon ant gabe at madaling araw lang sila maingay... hindi umaga... pasensya napo kung mahaba peace ^_^
-
Hindi ako naniniwala although my mom says na totoo nga daw dahil siya mismo naka experience nun dati nung buntis siya pero ako wala talaga ako naramdaman na ganyan nung preggy ako.
As long as you have faith in God, wala kang mararamdaman na ganyang aswang.
-
hindi ako naniniwala pero yung husband ko oo kasi nakakita na daw sha dati nung may buntis sa lugar nila..
nilagyan niya ng asinm bawang at walis tingting lahat ng bintana sa bahay..at kapag nasa bubong daw or umaaligid sa bahay namin yung aswang, minumura niya ng PI para daw umalis.. ;D
lagi niya kinekwento sa akin nung buntis ako na himbing daw ng tulog ko tas sha hindi kasi nadun yung aswang.. baka daw mawala yung baby niya.. kalerke si husband.. ;D
-
Creepy naman ng topic... :o
Well, sa panahon ngayon, i don't think na may aswang pa blah,blah.. pero syempre, sinusunod ko nalang mom/tita/lola ko about sa pagalagay ng asin saka bawang sa bintana namin. According to them, totoo daw yung aswang, nakakita na daw sila/nakaexperienced na na nakakarining ng strange sound na parang galing sa malaking ibon nung nagbubuntis sila. Kaya sinasabihan talaga nila ako ng bonggang-bongga na yung mga ganito, nasa early stage ng pagbubuntis yung mga gustong-gusto daw ng aswang. Sundin ko nalang daw yung pamain dahil wala naman daw mawawala.
-
ako hindi rin naniniwala dito pero mas mabuti na din yung nag-iingat depende din kasi sa lugar saka sa mga taong nakakasalamuha natin...marami na ako narinig na kwento na totoo daw ito lalo na sa mga probinsya firsthand experience ng mga buntis....number 1 siguro na pangontra natin sa kanila is our PRAYERS kasi mga evil spirits din yan sila.
-
sabi sabi ng mga taga probinsya na nabuntis dun, pero kahit kelan di ko naexperience yun, pero nakatatak dati sa isip ko na pag nabuntis inaaswang kaya kada mabuntis ako may pangamba noon, so far wala naman nangyari na ganun sa akin.
-
hanggang 4th month ko laging may maingay sa bubong, like other mommies said, di naman cat yun sabi rin ng hubby ko kasi ambigat ng tunog ilang beses ganun. nakakatakot nga pro hinayaan ko lang di ko pinansin. 6th months na ko ngayon, wala na kong naririnig. nag focus nalang ako sa ibang bagay pag gabi, like nag lalaro ako ng online game. ragnarok. lol.
-
Me too, I never believed in Urban Legends hehe
-
i think totoo.. kasi dami ko na naririnig na stories sa mga friends and relatiives ko sa experience nila.. meron pa nga nakita nagtransform na malaking itim na aso tumalon galing sa bubong tapos tumakbo nung hahampasin sana ng buntot page. ganun din may naglalakad sa bubong , maririnig mo kinukutkot yung bubong..
pero yung sa experience ko naman, mag 7-8 months na yung tyan ko, lagi may maingay na pusa sa bubong around 12-2am. gabi gabi yun, tapos minsan nadidinig ko may kumukutkot sa bintana ko, eh katabi lang yun ng kama ko.. kaya ginigising ko husband ko nun, tapos minsan mommy ko talaga yung nakakarinig, kaya ang ginagawa niya, may bawang at asin ako sa tabi ko at sa bintana,
tapos nung nanganak na ko, wala na kong naeexperience na ganun. so i think totoo nga...
-
Ako naniniwala ako kasi when I was pregnant last year, 5 mos ang tummy ko, laging may parang gumugulong sa bubong naming. Every midnight yan. 2 kasi kami buntis sa bahay. Ako at hipag ko. Sa amin pako nakatira kasi di pa kami kasal ni hubby. Sa sobrang takot ko, lumipat nako sa mga inlaws ko w/ hubby na. Lagi ako may katabing bawang na nasa telang pula, walis tingting at rosary specially pag kila mama ko ako matutulog. Super takot ako nung time na yon. When I gave birth, wala na yung gumugulong sa bubong naming.
-
Hindi din ako naniniwala dahil twice na ko nabuntis pero wala naman ako naramdaman o nakitang strange things. Pero nung nakitulog yung sister in law ko bahay ng mother ko at that time katabi ko siya OH MY lumabas siya para mag cr bukas ang bintana that time pagkapasok niya nagising ako..May kumalabog sa bubong kala ko pusa lang bukas ang bintana nun araw na yun kasi summer ang init kahit malakas ang fan wahhhh may nakita akong super laking lalaki as in malaki na matangkad na maitim na di ko talaga maintindihan ang itsura..Sumisilip siya sa bintana, madilim pero full moon kaya maliwanag pa rin sa labas siguro nakaramdaman siya na may gising di ako makasigaw I Don't KNOW Why para akong napipi ginigising ko sis in law ko that time kasi nakatulog agad siya after niya magbanyo. Nung nakita niya ko bigla siya tumalon. NYAY naked siya..kaya ngayon di ko sure kung totoo nga o hindi pero di ako natatakot. Basta di na lang ako matutulog ulet sa bahay ng mother ko na bundok as gubat siya. Kwenento ko siya kinabukasan sa hipag and nanay ko pero di sila naniniwala baka magnanakaw or maniac lang daw pero I doubt it talagang na goose bump ako dun ha. IT was the first time na nakaexperience ako nun d ako buntis yung sis in law ko buntis that time.
-
hmm..ako nung una, d ako naniniwala dun pero nun nagbuntis nako. kasi dun ako sa nanay ko nakatira wid my hubby.para daw maalagaan ni din ako..sweet!. nwei,dati kasi natutulog kami ng bukas yun mga bintana,e province yun sa cavite.tas yung bintana,may grills naman at glass yung di-lock type na bintana. sarap n sarap naman ng tulog ko,kinabukasan sbi ng nanay ko kung nagbubukas daw b kami ng bntana pag natutulog,sbi ko,opo.wag ndw kasi may nadinig daw sya sa bubungan na tiktik? familiar b kayo dun ibon daw yun.tas ang huni niya tik,tik,tik,,ganun.tapos nun nmang 6 mo nko preggy,at bday ko,my dumating na manggagamot at marunong dn mnghula,nd pa niya ako nakikita pero sabi niya kung may nakatira daw bang buntis dun sa bahay namin kasi daw may nararamdaman syang aswang na nagbabantay sakin.as in lumiligid daw sa paligid ng bahay.e gitna pa naman yun ng bukid kaya ang dilim2. tas binigyan pko ng langis pangontra daw..plus..may maingay din at nagkukutkot lagi sa bubong kaya eembrace ko nalang c hubby na nakadikit sa kanya un tummy kong malaki..hahaha
-
I experienced it...and I believe it...
nakatira kasi kami sa Lucena City, though malayo kami sa city mismo, medyo mapuno yung place... Nung pumasok yung 5th month ko, sa first baby ko dun ako dinalaw ng aswng... Nung una wala akong idea na aswang na pala yun, kasi di naman ako nakakarinig ng tiktik or something, pero ang nakakarinig pala nun eh yng mga kasama ko sa bahay except for me... na realize ko na aswang yun eh dahil narinig ko yung boses ng ate nikki ko na tinatawag ako, parang pinapalabas ako ng kwarto... what made me think talaga is how come na andun si ate sa bahay eh it's monday, 2am and she's working in Makati, tsaka hindi nagpupuyat si ate nikki ng ganung oras/ araw. tas kinabukasan nung sinabi ko kay mama yung nangyari, she just told me about the "visitor"...I felt scared kasi pati yung security guard ng bahay eh nagsasabi kay mama at papa about the "bisitang hindi nag kakape..."... tas every 2am nun nagigising ako... kapag hapon naman at mag isa sa bahay, me sumisitsit sa akin ... constant yun, until I moved into the city...sa Antipolo City naman, naririnig ko na yung aswng, it's a good thing na yung yaya ng pinsan ko eh Waray... ang tapang, kapag naririnig niya hinahamon niya ng patayan, tas ayun EFFECTIVE!!! nawala ang mumu :)
-
dati mga sis hindi talaga ako naniniwala sa ganyan pati nung buntis ako,wala akong pinapakinggan lalo na at ganyang usapan...until nung may kasama na kaming buntis sa bahy namin ni hubby,grabe talaga ang kabog ng dibdib ko...kuinurot ko pa nga sarili ko para lang malaman kung gising ba ako o panaginip lang...sa taas kasi mag-isa natutulog yung buntis,kami sa baba..grabe talaga yung ingay ng parang malaking ibon,which is sinasabi nilang tiktik...ginising ko si hubby at pinarinig ko sa kanya yung naririnig ko,naku tinakbo niya yung buntis sa taas ng kwarto...at pinababa na lang namin...naninigas daw yung tiyan niya,tsaka sobrang lakas talaga ng huni..sobrang takot na takot ako,dati pinagtatawanan ko lang yang kwento na yan....pero totoo pala talaga...akala ko puro multo lang maencounter ko...dumagdag pa yang tiktik na yan..e dyaryo lang kilala ko na tiktik dati...hahhahah :D
-
I'm not sure about this pero base on my experience madalas may kalabugan sa bubungan namin when i was still pregnant. Although at times it seems mga pusang naghahabulan lang meron ding instances na iba yung pakiramdam ko. Even si mama madalas sabihin nun na gabilao raw ang ulo niya pag kakaiba yung nasa taas.
So everytime na ganun nagsasaboy sya ng asin at tinataboy sa sigaw para lumayas. Sa kuwarto naglalagay din kami ng bawang to drive away this evil being.
-
base sa experience ko 3yrs ago parang oo (yata?!) kasi isang gabi parang sakal n sakal ako hindi makahinga n parang ang init pero hindi naman ganun kainit ginising ko c hubby kasi hindi ko n kaya. then wiwi n wiwi ako...lumabas c hubby kasi naiwan ko pala arenola ko sa labas ewan pero noon ko lang naiwan yun..then gusto ko sumama pero paglabas niya may malaki daw aso na itim na itim sa garahe na ang mata ay kakaiba daw ang itsura. kahit silip hindi na niya ako pinasilip kasi nkakatakot nga. hindi siya nag-joke that time kasi kahit siya nag-aalala din samen ni baby...ginawa ni hubby naghagis ng bawang at asin sa garahe....then nung morning nakwento namin sa MIL ko at sa tiyahin ko...mukhang dinadalaw nga daw ako ng masamang spirit...katakot ha :'(....tapos minsan may tiktik daw minsan sa labas ng bahay namin sabi ni MIL... :( pray lang ako at ilang pangontra sa aswang....
-
Based on my experience, oo totoo nga yata ito. There are several instances during my pregnancy na mairerelate ko dito.
1st: Sa compound kasi namin dito sa Olongapo, may katabi kaming compound na may puno ng kaimito at mangga. Paniniwala ng matatanda, binabahayan daw ng kung ano-ano yung kaimito. One night, naramdaman nung pinsan ko na lalaki w/c is older than me na may nagtitiktik daw sa compound namin. Nagtataka siya kasi nung time na yun di pa alam ng family ko na buntis ako. Ginawa niya, sinigawan at minura niya yun kaya umalis.
2nd: Sa Manila naman ito nangyari, may malapit na puno dun sa tinitirahan ko before and ako talaga mahilig ako yung pagabi na pag lumalabas ako para bumili ng food. Nagtataka ako kasi palagi akong may nakikitang paniki. Minsan parang sinasabayan pa ko or nasasalubong ko pa. Nung una, dedma lang ako kasi dedma lang yung mga tao pero natakot ako kasi naalala ko yung bed ko katabi ng bintana. Bale ulo yung part na malapit sa bintana kaya pag wala si bf, palaging sarado yung bintana ko. There are also times na sobrang napaparanoid ako at di ko mapigilan tumingin sa bintana kasi feeling ko parang may something weird dun.
3rd: Last night lang nangyari to. Usually kasi around 3am-4am na ko nakakatulog. Iba nga kasi yung sleeping habit ko. Para akong graveyard shift hehe! Ayun nakatulog ako around 2am tapos nagising ng mga 4am kasi sobrang lakas ng kalampag ng mga "pusa daw" sa bubong namin. As in ang lakas pati mom ko nagising! And ang nakakatakot pa is parang dun sa side ko kumakalampag. Tapos ayaw talaga tumigil. Eh usually naman pag ordinaryong pusa lang, di naman ganun katagal at kalakas yung kalampag diba. Natakot ako kaya binuksan ko yung ilaw. Nakahalata yata yung mom ko na natatakot ako kaya tinataboy niya pero ayaw talaga umalis. Ang nakakatakot pa is wala naman akong naririnig na "meow" ng pusa. Talagang tinakpan ko ng kumot at unan yung tiyan ko tapos yung palad ko pinangtatakip ko sa pusod ko. Sabi kasi nung sister-in-law ko, dun daw kasi dinadaan ng mga tiktik yung ga-sinulid nilang dila so ayun palagi kong tinatakpan yun pag natatakot ako.
4th: Yung kwarto kasi namin, parang may mali sa pagkakagawa. Pag nakatayo ka, kalevel ng legs yung bintana, tapos cabinet yung kalevel ng upper body so pag nakahiga sa kama, kalevel mo lang yung bintana. Tapos dun sa bintana may bubong kasi dun sa extra space namin sa baba. Although kahit noon pa may mga tumetengga na talagang pusa dun, narealize ko na during my pregnancy, mas madalas may tumatambay. Minsan nga as in nandun sa tabi ng bintana tapos nakatingin sa loob. Scary talaga kasi scared talaga ko sa pusa! Hehe! Oh ayan, while writing this, may pusa na namang galing dun!
5th: Eto naman kwento nung pinsan ko na nakapansin ng tiktik sa compound. Preggy din pala kasi yung gf niya, bale ahead lang ako ng 2months sa kanila. Umuwi sila before dun sa lugar ng gf niya sa Bataan, medyo remote yung place and at that time, nasa 1st trimester palang yung gf niya. Eh diba sabi nila yun yung mabango sa alam niyo na, as in gabi gabi daw di sila tinatantanan nun. Yung pinsan ko di na nga daw natutulog sa gabi kasi binabantayan niya yung gf niya. Tapos di ko alam kung ano yung palagi niyang hawak, kung itak ba o kung ano man yun na panlaban sa mga ganyan. And then nung bumalik sila ng Olongapo, feeling nila sinundan sila. Kasi totoo daw pala yung ganun. Pag trip ka talaga, susundan ka pa rin. :(
So ayun lang mga mommies, share ko lang. :)
-
@Jaiel - kakatakot naman! As for me, no aswang every visited me while I was pregnant! But next time I'm preggy and see one, I'll definitely post my experience here. (Sana wala akong makita, ever).
-
talaga bang may aswang? all I know are bad spirits.. and they can only harm you in dreams, hallucinations, imaginations and with your mind..
-
when I was pregnant last year, di ko na experience to, though naniniwala ako sa mga pamahiin, yung maglagay ng lemon, asin or bawang sa may bintana, o kaya yung walis tingting na baliktad to drive them away. also yun nga, magkumot ng black or iwrap yung black ribbon or cloth sa tyan, that way daw, di maaamoy or makikita ng aswang na may bata sa loob ng tyan.
Then kwento ng officemate ko, nung buntis daw siya, nagising siya kasi may kumalabog sa bintana nila, tapos may parang nag "eeek eeek" daw, so pinatingnan niya sa mister niya na may hawak na buntot pagi.
so i guess, kahit nasa modern world na tayo, uso pa ang mga ganito.
-
hindi ko naexperience to nung pregnant ako.. pero sabi nila totoo daw lalo na sa mga provinces. ::)
-
noong preggy ako naexperience ko rin makarinig ng malakas na huni ng ibon. lalo na pag mag-isa ako. ramdam ko ang takot. at ramdam ko na may nakatingin sa akin. nakabukas ang ilaw buong mgdamag pag mag isa ako. pagkasama ko naman hubby ko, talgang yakap ako sa kanya. at nakatali sa kamay ko ang rosary.
-
Hindi ako naniniwala dito. Think about it. Bakit walang nang-a-aswang sa mga buntis sa ibang bansa? Also, meron na ba na-balita dito na kinain ng aswang yung tiyan ng buntis? :)
Yung yaya namin takot na takot sa aswang. Meron nakita paniki aswang na daw agad.
-
Hindi ako naniniwala dito. Think about it. Bakit walang nang-a-aswang sa mga buntis sa ibang bansa? Also, meron na ba na-balita dito na kinain ng aswang yung tiyan ng buntis? :)
Yung yaya namin takot na takot sa aswang. Meron nakita paniki aswang na daw agad.
DadToReese: natawa naman ako dito hehe.. same here. di talaga ako naniniwala.. but yung si MIL may paglalagay pa ng bawang sa may bintana ng kwarto namin. ayun pinagbigyan ko na lang para di magtampo..:D
DadToReese, puwede magtanong? kaw po yung hubby ni sis Aisha? if hindi disregard na lang my question :)
-
parang gusto ko tuloy panoorin yung Corazon - ang unang aswang hehe... :))
-
myth lang yun ng ating mga ninuno, pero ako nung buntis pumunta pa ang father ko sa cavite pra kumuha lang ng buntot page, at laging nasa tabi ko rin ang walis tingting...mabuti na raw yung naniniguro wala naman daw mawawala... ;D
-
Hindi ako naniniwala dito. Think about it. Bakit walang nang-a-aswang sa mga buntis sa ibang bansa? Also, meron na ba na-balita dito na kinain ng aswang yung tiyan ng buntis? :)
Yung yaya namin takot na takot sa aswang. Meron nakita paniki aswang na daw agad.
DadToReese: natawa naman ako dito hehe.. same here. di talaga ako naniniwala.. but yung si MIL may paglalagay pa ng bawang sa may bintana ng kwarto namin. ayun pinagbigyan ko na lang para di magtampo..:D
DadToReese, puwede magtanong? kaw po yung hubby ni sis Aisha? if hindi disregard na lang my question :)
Yup! That's me! GTalker ka din? :)
Para on-topic: At least yung yaya namin eh hindi na naniniwala. Natauhan sa mga sinasabi ko. Dati talaga pati pag-tahol ng aso eh ina-associate niya sa aswang.
-
mahirap naman talaga paniwalaan if you don't have 1st hand experience. much more difficult if you've lived in the city all your life. iba kasi talaga ang buhay sa probinsya. wala namang aswang sa ibang bansa kasi siguro iba paniniwala/culture nila. maybe iba ang tawag. pero pansin nyo, wala namang white lady/black lady in foreign countries. it's only here in asian countries na makakarinig ka ng mga ganyang kwento. sa ibang bansa, ang mga kwento nila eh about hooded figures, black shadows, demons.. etc. wala din naman akong malalim na experience nito maliban sa mga kuskos sa bubong, at yung nakasalubong kong maitim na aso sa bahay namin na tinalon ang 5 feet naming bakod. baka talented lang yung askal na yun.
ahhh.. naalala ko one time during my pregnancy, nagising ako ng madaling araw kasi parang naririnig ko si hubby tinatawag ako. hindi ako dumilat, nakiramdam lang ako kung bakit niya ko tinatawag. pero nagtaka ako kasi narealize ko na nasa left side ko pala sya, tapos yung tumatawag sakin na kaboses ni hubby eh galing sa right side ko, which is window na namin.
-
I didnt experience any so I cant say kung meron talaga although there are a few who say na meron talaga. Honestly though I dont believe in it :)
-
Had an experience noong third pregnancy ko na dun sa bintana ng kwarto ko sa bahay ng nanay ko biglang may kumaluskos. May screen kasi yung bintana, nakaladlad na yung mga kurtina. Di ako nagsasara ng bintana talaga unless umuulan saka summer noon, mainit. The weird thing is yung kaluskos nasa upper na parte ng bintana na imposibleng maabot ng pusa kasi wala na sila aakyatan doon. Wala rin namang daga. So ayun, umalis na lang ako sa kwarto, hehe. Wala naman ako nakita so di ko rin masasabi na totoo yung aswang, at wala naman akong wish makakita, baka mapano pa. :)
-
Ngak! hahaha, hindi ko naranasan yan. ;D and hindi rin ako naniniwala sa mga multo, aswang, at kung ano ano pa. Ang pinaniniwalaan ko ay ang Diyos na buhay. ;D ang hirap mamuhay ng puro worries at fear sa mga bagay bagay na hindi nakikita. Mas gusto kong mamuhay ayon sa Diyos ;D
-
ako din hindi din naniniwala.
pero nung preggy ako umuwi ako sa amin sa dasma. yung lugar kasi dun tubuhan yung likod ng subdivision..
then nguusap kami ni mama..
tahol ng tahol yung aso..
then bigla nlang may nanig kami n IK-IK yung sabi.. ayun di naman ako natakot pero c mama hinampas hampas yung bintana ng walis tingting..tapos lumakas yung pag tunog ng IK-IK mga 3x lang tapos may nahulog na kahoy sa bubong galing siguro sa puno ng kapitbahay..tapos un tahimik na yung lugar..
sabi mama takpan ko daw yung tyan ko..
then kumatok yung brother ko haha sabi ng mom ko wag daw bubuksan baka yung aswang daw un.. aun wawa yung bro ko magdamag nandun sa gate.. dami ko tawa.. bimuksan lang ni mama nung tumawag sa fone c kuya..
-
Wala naman akong naranasan na mga kakaiba nung preggy and thank God for that. :) And hindi rin kasi ako naniniwala sa mga aswang talaga.Pero dahil sa super praning talaga ako, i put bawang and asin sa may window. Ganito kasi belief samen. wala naman sigurong mawawala kung magtetake ako ng special precautions.hehe And pag lalabas ako, meron din ako sa bulsa o kaya matchstick or bullet. and most important of all is faith in God. :)
-
haven't heard from anyone na nakaranas ng ganitong experience sis. ganun lang talaga ang mga oldies may mga pamahiin may totoo, may ok din na paniwalaan at meron ding wag na lang patulan hehe.
-
it's my 3rd pregnancy at dito ako sa province (bulacan).. liblib pa nga to.. pero never had en experience sa ganyan.. hindi ako naniniwala...i don't think na may mga creatures na ganon!
-
hi mga sis! actually hindi ako naniniwala sa aswang before and until now naman kaso when I was 3months pregnant, dun kami sa house ng parents ko umuuwi every weekend. That time hindi ko katabi si hubby kc he was at work and may project silang tinatapos. Nung night na yun I was really feeling something is not ok kc as in hindi ako makatulog and feeling ko may umiikot na something sa room ko. So I called my sister na tabihan ako sa bed.. so ayun katabi ko si sister sa room the whole night. The next morning, my cousin na open ang 3rd eye approached my sister and make kwento.. here it goes:
Cousin: Ghe (my sister) what time kayo natulog last nyt?
Sister: ate late na cgro around 12am na yun bkt?
Cousin: After ko kc mag watch ng movie lumabas ako ng house and pumunta ako sa may bathroom para mag brush ng teeth, while brushing I look outside and nakita ko dun sa roof top nyo may 2 guy na paikot ikot, walang damit and super itim.. yung isa nakasabit sa puno and yung isa nakabaliktad dun sa may window nyo sa room na parang may inaamoy..
Grabe imagine kung gano ako katakot that time nung nag kkwento ang pinsan ko.. the view kc from their house is kitang kita yung room namin sa 2nd floor and roof top ng house. Ask ng pinsan ko kung dun daw ba ako natulog sa bahay then my sister answered OO..
waaaa! every night na natutulog ako mga sisses as in laging may umiikot na parang paniki or what so ever sa paligid ng room ko super nakakatakot tlaga baka kunin nila baby ko hahaha! eventually nung nag 6months na tummy ko nawala na lang yung maag tiktik na yun..
sabi kc ng matatanda, masyado daw kc mabango ang mga buntis sa pang amoy ng mga aswang kaya ganun.. lalo na pag masyado pang maliit yung baby sa tummy like mga 2months to 4 months.. :(
wala namang masama if maniniwala tau and mag iingat db :)
-
guto ko lang malaman kung true o paranoid lang ako... i've been experiencing and hearing a lot of weird noise kc... and im pregnant, kaya medyo bothered ako...dito na ko lumaki sa manila and alam ko mga folklore lang yan, pero iba kc pag ikaw nakaramadam... meron din kayang naka experience ng ganito sa inyo? ive been putting rosaries sa windows and madalas puyat ako sa kakaisip or pag aalala... mahirap na...sana hnd siya totoo...
-
hi there mga sis, gusto ko lang din ishare yung experience ko.. im 5 months pregnant ngaun and every night tlagang walang palya pag ala-1 na hanggang alas 3 ng madaling araw hnd ako mapakali, kc ive been hearing a lot of weird noises sa bintana namin, nung una sabi ng hubby ko manok lang daw un (may alaga kc mga manok mga tito na nasa roofdeck) until one time narinig din ni mama yung ingay..hindi raw un manok at yung huni niya hnd raw butiki...so lalo naman ako kinabahan hanggang ngaun...hindi kc cko naniniwala sa ganito since dito na ko sa city pinanganak at lumaki, pero ngaun naeexperience ko siya, talagang bothered ako, lagi ako napupuyat kakaisip at pag aalala... nagsabit narin ako ng rosary sa bintana, kahit sa 2nd floor yung room namin takot parin ako kc yung stairs sa roofdeck pababa hanggang sala is derecho lang, open pa naman ang deck dito kaya tlagang worried ako, first baby namen to... naglagay na tito ko ng mga bawang dun sa roofdeck pero hnd parin ako kampante...lalo na kagabi ang hina ng huni kc, sabi pag ganun daw malapit lang... kahit sa city pala meron din...
alam nyo kaya san nakakabili ng buntot pagi? takot daw sila dun eh... :-[
-
hi sis! same dilemma tau nung nagbubuntis ako sa baby ko.. I kno wthe takot felling as in nakakakaba talaga :( oo sabi nga nila pag mahina daw yung sound meaning malapit sila sau waaaa! nakakatakot ltga promise.. naghahanap pdin kami before ng buntot ng pagi sis kaso wala kami nahanap.. alternative way is naglagay kami ng walis tingting sa windows sa room and palaspas with matching bwanag and asin sa mga windows hahaha! at eto pa, ginawa ako ng mama ko ng nabalatang bawang with asin and bala - yes bullet sis magkakasama sila sa isang white cloth na nakatali tpos every night nilalagay sya ni hubby sa tummy ko for protection.. actually nung una ayaw kong maniwala kc nga db laki din ako sa city and alam ko sa province lang may gnyan.. pero wala naman masama if gagawin nten yung sabi ng matatanda :)
-
thanks sis sa reply...worried lang ako, first time ko makaexperience at sakin pa talaga nagyayari...so totoo pala na bawang and asin is helpful sa mga ganito...addt'l yung walis tingting.. takot ba sila sa rosary or mga crucifix? gagawin ko yung mga sinabi mo bati yung ibabalot sa white cloth kahit anong bala naman siya diba? thanks sis marteena...
-
tingin ko naman sis totoo yung bawang and asin eh.. ang dami kcng matatanda ang nagsabi skin nun before so I tried na din dahil sa sobrang takot ko hehe! yung bullet na ginamit ko sis is yung gamit talaga sa baril.. ako before nilalagay ko din yung rosary sa ilalim ng pillow ko and sa bulsa ng damit ko na pantulog plus yung pillow ico-cover ko pa sa tummy ko para hindi maamoy ng aswang! hahaha! may gnung factor talaga ko sis nung nagbubuntis ako as in super takip talaga ako ng tummy pag sleeping time na.. don't worry lilipas din yan.. skin nawala sila nung around 7 months na tummy ko :)
-
merged with topic "true ba ang tiktik?!"
-
mga sises..ako nga likuran namin public cemetery... dito na ako lumaki, wala talaga ako naexperience! :D
mga aswang o multo o kahit paramdam ng mga namatay na kamag-anak, not at all! siguro if you are naniniwala, then konting kaluskos kahit hindi mo nakiktia papaniwalaan mo talaga na yun yon! sguro depende sa paniniwala natin! kung may paniniwala kayo sa ganyan, mas maigi kung mag-ingat na lang kayo! para safe kayo ni baby!
-
Tanong lang po kasi matagal ko nang pinagtataka. Bakit s\dito lang sa Pilipinas meron ganitong creatures?
-
joining: dati rin di ako naniniwala sa ganitong kakatakutan, at sabe-sabi until ma-experience ko siya!
eto ah, maynila na to ha, wala masyadong puno at katabi pa namin school.. kaya wala ka dapat ipangamba sa mga bagay bagay na yan.. nung sa 1st baby ko, wala ako nararamdaman na mga kaluskos at kung ano-ano patungkol dito. nito lang sa 2nd baby ko nung preggy me sa kanya..
share ko lang kwento ko..
yung kwarto namin nun walang kisame direcho na bubong, tapos night shift pa si hubby, madalas ang tulog ko 10 to 11pm tulog na panganay ko at tahimik na lahat, madalas kapag ganung oras bago me matulog, makakarinig ka talaga ng pagaspas, at IK-IK sa taas ng bubong, may maririnig ka pa na mabigat na mga yabag.. (hindi naman pusa, kasi parang malaking tao) grabe, hindi ako makatulog.. kasi kapag martes at biyernes ganun ang eksena s bubungan! wala ako iba kasama kundi anak ko lang.. simula ng maramdaman ko to. yung friend kong albularyo binigyan ako ng red na anting-anting (wala naman masama siguro kung isusuot ko) pati tingting, bawang asin, nghahanda na ako. then one time naalala ko alas sais pasado, kausap ko yung friend naming albularyo, bigla siya nagsabe ayan na siya.. sabi ko sino sabe niya, suot mo yung binigay ko sayo martes ngayon.. so nagets ko na.. sabe niya hindi lang daw ako ang nakaka experience ng mga ganun kasi pati yung mga buntis sa compound namin dati nakaramdam din ng ganun, jusko, takot na takot talaga ako sa mga kwento niya.. kaya simula nun nagpapasama ako sa mga pamangkin ko sa kwarto pag matutulog.. waaah!
hay, naramdaman ko yan nung 7 to 9 months si baby sa tummy ko.. simula talaga nun, medyo naniniwala na ako.. hindi ko man nakita pero sa naramdaman ko alam kong meron.. hehe! pasensya na kung mhaba ah!!! tinodo ko na eh.. hehe!
-
Tanong lang po kasi matagal ko nang pinagtataka. Bakit s\dito lang sa Pilipinas meron ganitong creatures?
no sis! sa karatig asian countries merong mga counterpart ang mga aswang... mga manananggal, tyanak, etc... nabasa ko yun nong may magparesearch sakin about sa assignment nila sa school.. hehe forgot ko lang tawag nila sa manananggal halos katunog sa atin eh!
-
Was there any case na nag suceed ang manananggal or tiktik in getting the baby o hanggang pananakot lang sila?
-
sabi sakin ni hubby these kind of creatures cannot cross water or bodies of water kaya rin siguro they cannot go anywhere far.
-
no sis! sa karatig asian countries merong mga counterpart ang mga aswang... mga manananggal, tyanak, etc..
Timing po ang sagot niyo sis neth. I just saw this on Yahoo
Ghosts and Demons of Asian Folklore
http://ph.news.yahoo.com/ghosts-and-demons-of-asian-folklore.html (http://ph.news.yahoo.com/ghosts-and-demons-of-asian-folklore.html)
It's funny kasi some of those mentioned are also related to having or getting babies. So, next time na mabuntis ako, would it be safe if I go to US nalang? Nagpapatawa lang po.
-
^mommyjazz: hahaha. funny ka. i remember when i got pregnant and had those fears as well, because back when i wasn't pregnant, i used to have vivid bad dreams, that i had to force myself to wake up on --- so, i felt baka maulit now that baby is with me. i used to put salt on all the windows and just pray every night before going to bed. except to one time presence in the room, wala na namang naulit. i got comforted by the fact that my mom successfully had our youngest sister dun sa house, and my sister survived, so --- maybe it's safe. turns out, aswang-proof ang house.
pwede ka dun mommyjazz.....hehe. i'll ask my parents if you could rent it out for the whole duration of your pregnancy. you can even have my old room. ???
-
nakakatakot naman mga moms ang kwento nio :(
naniniwala ako dito kasi yung mama ko nuon buntis sia sa kapatid ko ,
panay lipad sa bubong namen huhu , ..
natatakot ako mag meme mamaya :(
-
totoo pa yan mga sis... nun buntis ako sa panganay ko na experience ko yan... ogaspas ng pakpak and ik ik sound... taz nun hinunt ng live in partner ko bigka may tumalon na black cat gling sa bubong... nag transform sya para hindi mahuli
-
Ako hindi naniniwala dito, kasi nung buntis ako 8 months na tummy ko, nabalita na dun daw sa school malapit sa unit namin may tiktik daw, mga 11 pm nagtext sa husband ko ka officemate niya na malapit ang bahay sa school na yun, sabi may nakakita daw ingat daw ako.. E everyday pag gabi nakabukas pa bintana namin magdamag pa un at maghapon na din, wala naman sumasalakay sa akin lol ;D... Iniintay ko nga e kasi gusto ko makakita ng tiktik, kung totoo bang nagpapalit siya ng anyo from bird to dog to pig to human hehe..
-
:'( nakakatakot naman..sa mga oras na to tumatahol mga aso..at may nglalakad sa bubong..hindi ko pa sure kung preggy na ulit ako e... 2weeks pa maghihintay..kapraning hehe
-
Hello mga mommies :)
naghanap talaga ako ng forum katuld nito, kc mag 8 months pregnant n ako pero nakakarinig pa din ako ng ingay sa bubungan namin, tapos may ingay na katunog ng daga...kanina nga lang 3am sobrang takot ko na kc parang ang lapit lapit n niya, pati nga un panganay ko nagising dun sa ingay na ginawa niya...gusto ko man isipin na daga lang siya pero bakti ganun n lang un hakbang niya sa bubungan namin :-[...POSIBLE ba na katunog ng daga un ingay ng tiktik? so worry kc para dito sa baby namin...
-
wala naman masama kung maniniwala tayo, safety measurements na din db just to be sure...when i was pregnant my mom and my cousins wife bought me many pangontra sa aswang na nabibili sa quiapo ;D like buntot pagi ba yun and yung mga color red na sinasabit sa katawan, plus garlice every corner of the house, haha...its funny then kasi my times din na nakakarinig ako ng unusual sounds every 3am basta around that time lagi tapos nung nglagay sila ng mga pangontra aswang eh nawala din, so dont know kung praning lang ako ng mga time yun basta tingin ko effective naman :)
-
Share ko experience ko with this mga mommies:
I dont believe sa mga ganitong stories, kasi ayoko matakot, until na-experience o siya when I was pregnant w/ my eldest who is now 9yrs.old.
I was also on my 7th or 8th month of pregnancy that time, nakatira kami noon sa bahay ng daddy ko,w/my 2 sisters and my tita. We were about to sleep na kasi night time na, maya-maya, habang nakahiga kami ni hubby, may narinig kami na kalabog sa bubong ng room namin, tapos parang yabag ng paa na natakbo, pabalik-balik sa taas. We dismissed it as baka pusa lang na naghahabulan, tapos umulit, at kumatok na daddy ko sinilip niya kami, I know sa mukha niya something was wrong, pero sabi niya "pusa" lang daw yun.Lumabas na daw siya at sinilip kung ano yun. Siguro mga 3 to 4 times na ganun bago nawala that night,.Nawala lang siya kasi si daddy ko at si hubby lumabas na ng bahay at nagbabantay kung ano yun. Narinig din ng mga sisters ko at ng tita ko yun ingay kaya hindi din sila nakatulog agad noon.
Simula noon, si daddy ko nilalagyan niya ng bawang yun mesa malapit sa bed ko pati bala ng shotgun (hindi ko alam why,pero sabi niya a few years after ko manganak,pangontra daw yun eh).
Tapos pray kami ng pray saka may rosary ako palagi sa tabi ko.
Unbelievable, pero naexperience ko eh, Skeptic ako noong una, pero hindi mo maexplain bakit similar un mga kwento.
Anyway, kung anuman yun mga creatures na yun, sure ako na if we pray for protection and for our safe pregnancy always, ibibigay naman sa atin ni God yun.
-
Wala naman nangyari sa akin nung buntis ako. Or siguro kase matibay at walang butas (kase kagagawa lang) yung bubong namen, hindi kinaya ng dila nila. Haha! Pwede din nahiya, bagong pintura kase ;D
Naisip ko lang din, sample "Sa lugar namen may aswang, probinsiya/liblib/whatever." Baket doon lang? Paano yun? "Wag tayo dyan, Manila/QC/Makati na yan." Ganoon?
Let's say, sige totoo kase na-experience mo. Inaaswang ka na, BAWANG una mo iisipin for protection? ::)
FAITH. Wag natin i-asa sa bawang or kung ano mang anting-anting o bagay ang protection naten. Meron tayong Diyos. Dumerecho tayo sakaniya :D
-
Marami na kong narinig na kwento dito, pero since wala pa ko nararanasan, I can't say for certain.
Basta ang alam ko mas madalas aswangin ang mga hubby kesa sa mga buntis. ;D
-
Wala naman ako experience ever at i was born ang raised talaga dito sa manila pero i think may katotohanan yung mga aswang na yan. yung close friend ko may third eye and nakita talaga niya kung pano nagtransform yung tao into pusa. At sa isang place dito sa metro manila nangyari yun. yung bestfriend ng ate ko kasi may third eye kaya nakakakita din. Nakita niya din sa lugar nila sa batangas yung isang tao bago tumalon sa tulay nagtransform sa aso.
-
Marami na kong narinig na kwento dito, pero since wala pa ko nararanasan, I can't say for certain.
Basta ang alam ko mas madalas aswangin ang mga hubby kesa sa mga buntis. ;D
Hahaha! ;D Pag buntis ang wife, lapitin ng aswang ang husband. Hahaha! Winner! ;D
-
AnJelatine...CORRECT ka dyan hahaha
-
Sis ANJELATINE! ;) Natawa talaga ako sa sinabe mo hahaha!!!!! :) Oo totoong too yan!!!
-
i don't know if naniniwala ako s ganyan pro nong nagbubuntis palang ako every night natatakot ako s mga ingay s bubong namin. parang my tao or hayop n nsa taas lage during night time & s mga kwento nla..
-
wala lang mga mommies curious lang aku... wala naman akong na experience na ganun nung buntis ako pero yung MIL ko kasi dati pilit na nilalagyan ng buntot pagi yung bintana ko sa kwarto...
kayo mga mommies may naexperience ba kayo na ganun nung buntis kayo?
ako sis nung preggy ako last year.. dinudumog ako ng aswang since nandito ako now sa province nakatira. kahit ako nung una hindi ako naniniwala sa aswang kasi nga laking maynila ako eh., pero nung nangyari na sa akin ayun naniwala na ako... parating may bumabagsak na malaking bagay sa taas ng bubungan namin., tapos yung mga nababalitang mga tao dito sa amin na aswang daw; nagtataka ako kasi sa umaga dumadaan sila kung nasan ako nandun... nung nakunan ako bago ako i-rush sa hospital.. nagpakita pa sakin yung matandang babae na nababalitang aswang dito mismo sa loob ng garahe namin... all the while akala ko kakilala ng mom ko kasi nasa likuran lang nila nung pumasok sila dito sa house, i thought kausap ng mama ko yun.. eh sabi ko sa mom ko sinu yung matandang pumasok kasama nila, sabi wala naman silang kasamang pumasok ng bahay... so kinilabutan ako nun habang nagkokotract yung puson ko... when i got to the hospital ayun na d&c ako..
-
Kung wala naman pung nagpapakita at nakukuha, baka pananakot lang ang trip nila. Bakit buntis and dapat aswangin? Bakit hindi yung mga nakabuntis na tumakas na pananagutan? Tama na ang isang demonyo sa buhay ng single mom.
-
Me naniniwala ako jan.
Kasi yung buntis yung tita ko i was 15 years old palng at nasa province kami noon.
sinusundan kami ng malaking aso na itim tapos na mumula yung mata.,nakakatakot pa naman.
nilapitan ng asa yung tita ko tapos inanamoy then after ng nangyari dinugo yung tita ko.
-
.. Share ko Lang Mga mommie's..totoo ang aswang..
Mar, 17, 2014, 9pm
Naglalabor nko, pinatawag ko yung midwife na magppaanak skin,ininternal exam niya ako o i.e. Kung twagn..
About, 5cm na si bby kaya ineexpect ko manganganak nko that time..
Around 11:30pm, Sbi sken nun midwife, lakad lakad ka para bumaba yung tyan mo.ako naman lakad nan lakad dto s loob nang bhay,mya mya 2mayo un midwife ko bnuksan yung pinto ng bhay,pgbukas niya nkita niya my pusang mlatigre na kulay abuhin..padila dila at tila snusundan ako hbng plakad lakad ako..pnatigil ako nung midwife s pglalakad,then tningnan niya yung pusa.Ngulat nlang ako nung snbuyan niya ng asin yung pusa,after nyang gawin un umalis yung pusa s harap ng pinto..
Around 1:00am,internal exam aku nun midwife 7cm, na..then my kumakaskas s bubong na para bng my bnubungkal n lupa..maya maya nwala, lumipat yung kaskas sa bntana..ako n ang ngbukas tningnan ko nkta ko ulit yung tgreng pusa na padila dila, ang gnawa ko kumuha ko ng kutsilyo sby tnitgan ko un pusa,then sbi ko s kanya umalis ka dito kng ayaw mung iispin ko un kutsilyo sayo.
Umalis naman sya..
Inbot pako ng knbukasan nd padin lumalbs si baby gang ngaun.. Kaya ang payo sken nung midwife patawas dao ako.para mlaman ko kng anung ngyari sken.
-
Watching the GRIMM 3 on tv featuring Philippines' famous "aswang" made me think and ask if is it really true that aswangs really sucked the blood out from the fetus through the use of their tongue?
Well, I haven't heard of anyone being attacked by an aswang but I experienced hearing the ticking sound or the sound of "whak, whak, whak" when I was having my labor pains on my second baby. Of course, I didn't pay attention to it since I was busy minding the excruciating pain in my tummy. I even went out to our veranda hoping to ease the pain.At that time, my househelp was already freaking out because she too, heard the ticking or whak-whak sound.
There was also a time when my tummy was on its 7th month when I went to our attic to get some pillows when I noticed a figure that resembles a bird. I didn't mind it but when I was about to leave, the "bird" seemed to attack me that I can feel its claws on my scalp. I ran frantically and I heard the "bird" flew away. I don't know why it attacked me and sometimes, I wonder if it was an aswang?
I was wondering why aswangs can smell pregnant women. Is there some kind of chemical reaction or a scent that the fetus are emitting to attract aswangs? In the first place, are aswangs really true?
I hope you can share your experience with me.
-
"Pregnancy and aswang" merged with this topic
-
Naniniwala ako rito.
During my 2nd mons kasi, (last month) may laging tunong paniki near my bedroom's window. Lagi ako nagigising dahil don, and since summer, lagi bukas yung window ko kasi nga mainit. Ask ko sa mom ko, ano ba yung paniking laging nakatambay malapit sa kwarto ko? Hindi ko masabing nkatambay talaga ah..........eh pero kasi, village tong lugar namin, so bahay dikit dikit..and walang puno sA bandang room ko kasi may kadikit na , na malaking house. Sabi ni mama, baka "Fruit bat" .. eh kako, fruit bat? eh wala namang puno malapit sa kwarto ko. Edi dapat don sya sa bakanteng lote pumunta maraming puno ron na may bunga. Haha. eh nakakarinig rin ako minsan ng yabag sa bubungan namin. Kinunsulta ko sa bestfriend ko yung mga naobserbahan ko, tapos pmunta sya dito sa bahay para maglagay ng asin,itak,at bawang sa window ko...nawala yung mga naririnig ko. Tapos nito lang,tinanggal ko muna yung mga nakalagay sa window ko kasi nag general cleaning ako sa kwarto. Nakalimutan ko ibalik yung mga abubut na yun... and nung dapit hapon na yun.. yung kapit bahay namin may nakitang sobrang laking paniki na lumipad sa bubungan namin. Simula non, pinaglalagay na ako ng anything red sa katawan ko...lalo pag natutulog, nakalagay sya sa ibabaw ng tummy ko... and yung father ni baby, naglagay sya ng kawayan na matutulis ang dulo sa window and sa door ng room ko. Pinayuhan rin ako na wag matutulog ng madilim ang kwarto..since sanay ako matulog ng walang ilaw, wala ako choice kundi mag lampshade nalang para kahit papanu may liwanag sa room ko.
-
^ sa akin naman mabuti at wala pero sabi ng mga matatanda totoo daw yan eh kasi mababngo sa mga aswang yong buntis at bata
-
Hello!
Naniniwala po ako sa aswang, so share ko lang po experienced ko.
1st experienced: Buntis non mom ko sa bunso kong kapatid nang may marinig kaming kalabog sa bubungan namin, kaya tiningnan ng father ko, may dala sya nung buntot pagi. Di namin maintindihan ang nangyari sa bubongan namin, parang nakikipag-away father ko. Nung bumaba siya, kita ko talaga yong buntot pagi na hawak niya, may dugo. Tiningnan niya mama ko sabay sabi, ok na! Kaya ngumiti mama ko.
2nd experienced: Ako na yong buntis, turning 2 months. Kasama ko sister ko and my friend! May nirentahan akong bahay nun na medyo malayo sa kabihasnan, at halos mga kapitbahay dun nagsasabing mag-ingat daw kami. Di pa ako nakakaisang buwan sa bahay at lugar na yon! 1 night, past midnight. May narinig kaming tila paikot ikot sa bahay, tinignan ng friend ko pero wala syang makita. (Naniniwala din friend ko sa mga ganito)
Yong bed ko, yong ulohan nasa may bintana, at ang labas nun parang gulayan pero konti lang. Full moon pa non! Yong mga aso umaatongal tas tiningnan ko yong labas ng bintana may nakita akong nakatayo tas nakatingin sa buwan. Yong friend ko nasa kabilang kwarto, di sya mapakali kaya nilaan niya buong magdamag sa pagdadasal at pagbabantay sakin. Ako naman inaantok pero di rin mapakali, para akong rereglahin. Naaninag ko na lang sa may bintana na may nakatayo at nakatingin sa loob ng kwarto, may inaamoy. Kinabukas nakita ko na lang bed ko may dugo, i lost my first baby that night!
3rd experienced: Buntis ulit ako, 6 months! Nagtitinda ako ng mga prutas sa palengke kasama sisters ng mom ko at mga pinsan ko. May matandang lalaki lumapit sakin, around 1pm, tinanong niya kong ilang buwan na ko buntis tapos sabi niya may gamot daw sya para pangontra sa mga masasama. Lumapit auntie ko, sinabi ko yong sinabi ng matanda. Sabi ng aunt ko, ok yan, kelangan mo yan. Kaya sabi ko, sige po. Parang holy water na binasbas nong matanda yong gamot na sinabi niya, sabi pa niya, wag ko daw hubarin yong damit na suot ko. Around 5pm, di ko maintindihan nararamdaman ko. Sabi ko sa aunt ko uuwi na muna ako. I reach home alone! May upuang kawayan kami sa labas ng bahay, dun ako umupo kasi parang lalabas yong baby. Past 6pm ng dumating aunt ko with her husband and kids, sinabi ko nangyari sa palengke. Tas sabi niya, hubarin ko yong damit at ibabad ko sa tubig. Nong kumukuha nako ng damit na isusuot, may nakita akong nakatayo sa may likod ko gawing kaliwa. Eksaktong tindig nong matandang lalaki, napaatras ako papunta sa tyahin ko. Ginawa nila, naglagay sila ng asin at bawang sa lahat ng sulok ng bahay. Binalot ko rin ng itim sarili ko! Tas nung matutulog na kami, sobrang lakas ng kalabog sa bubungan namin. Di kami halos nakapagpahinga ng gabing yon, inaway ng auntie ko yong matanda tapos sabi nong matanda maling araw daw niya nailagay yong gamot! I'm glad nothing happen to my baby that night, but after i delivered my baby girl, here comes the...
4th experienced: she's just 2 months old at di pa nabibinyagan! Natutulog na kaming lahat, yong tita ko at asawa niya pati yong bunso nilang anak, don sila natutulog sa tindahan nila which is sa labas ng bahay, about 30m away from the house. Naririnig ko sumisigaw tita ko, tinatawag niya pangalan ko. Tinatanong niya kong anong nangyari sa bata, sabi ko wala naman, ok naman sya. Sabi ng tita ko, sobrang lakas daw nong iyak ng bata, nong tiningnan ko, tulog naman. Yong asawa ng tita ko inikot niya buong bahay, wala talaga syang nakita. Sabi ng tita ko, i-sure daw na naka lock ang mga bintana at pinto. Tas bumalik na sila sa tindahan! Ginising ko sister ko kasi sabi ko magbabanyo lang ako, btw yong bahay ay gawa sa kawayan, pati banyo! Nong umiihi na ako, narinig ko may tumatakbong umiikot sa bahay, hindi nako natapos, bumalik ako agad sa kwarto. Akap ko baby ko nung marinig ko ang "wak" "wak". Di nako natulog nong gabing yon!
yong "wak" "wak" na yon is my tita's mother in law, she's more than 80 yrs. old and she can walk 20km back and forth! Nalaman lang namin when she's dying, at pilit nyang sinasalin kapangyarihan niya sa mga anak niya, and my daughter got sick that is why we left the place.
Actually, I have alot of experienced about this things. I just shared the most important part!
Thanks for reading :-*
-
Ako naniniwala ako na inaaswang mga buntis kahit hindi ko pa naranasan mabuntis base po sa experince namin simula ng mabuntis kapatid ko ang iingay nla hehe sa provincia marami ganyan iwan ko lang sa manila ;D
-
Basahin sa Smart Parenting.
Inaaswang Ang Buntis? Mga Kuwento At Pangontra
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2022/01/24/Aswang-sa-Buntis.png) (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/aswang-sa-buntis-a132-20220124-lfrm?utm_source=parentchat&utm_medium=link&utm_campaign=20220126-aswang-sa-buntis-a132-20220124-lfrm)
photo by SHUTTERSTOCK
When I got pregnant for the 2nd time, we didn't want to announce it yet. Then one night while I was sleeping with my firstborn, I was awakened by scraping sounds from the roof. It was around 10pm. I took my baby and stepped out of the room to find my husband, MIL, and kasambahay looking up to where the sound came from. Then MIL asked, "are you pregnant?" Bistado tuloy!
Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=8283.msg970087#msg970087) tungkol dito o mag (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=8283) para makapagpost ng katanungan, payo o kwento.
(https://media4.giphy.com/media/pPnE96JNj1knAExjxI/giphy.gif?cid=790b7611252d5b0a49dddc40128484e0f2fe16632089cd94&rid=giphy.gif&ct=g) (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=116905.msg971345#msg971345)
-
I never experience this kind of situation. But my cousin does. She went home walking down the street when suddenly she stopped infront of the bakanteng lote rigt next to our house at biglang sumakit nalang yung tummy niya at she can't even walk. Lumamig daw bigla. She can't ask for help pinilit nalang daw niya talaga mag lakad hanggang sa makauwi sya. It was scared kasi sobrang dilim dun s aarea na yun at madaming puno.
-
5 months preggy ako ngayon, and napapa-paranoid din ako kasi tuwing gabi nalang may kumakalampog sa bubong namen at sobrang lakas pa.. Iniisip ko nalang madalas na pusa lang yun.
-
I read a book about Asian beliefs and Superstitions. Common pala sa region natin (Southeast Asia and Japan) na may paniniwalang inaaswang ang buntis. Our Asian neighbors even have their own versions of "tianak" and a creature that preys on unborn babies. Sa atin "manananggal" ang tawag.
-
Basahin sa Smart Parenting.
Inaaswang Ang Buntis? Mga Kuwento At Pangontra
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2022/01/24/Aswang-sa-Buntis.png) (https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/aswang-sa-buntis-a132-20220124-lfrm?utm_source=parentchat&utm_medium=link&utm_campaign=20220126-aswang-sa-buntis-a132-20220124-lfrm)
photo by SHUTTERSTOCK
Twice nakong buntis. first ay nung 19 years old ako. We live in a compound here in las pinas. My mom and I tried to keep it a secret dahil pagagalitan sha ng mga ate niya if they found out im buntis. pero dahil sa madaldal na tiktik na binulabog sila gabi gabi., they found out. hehe.
*they said nasa kanila ang tiktik, kasi nasa house namin ang aswang** scary ano?
now i'm preggy with my second child (after 12 years).. ayun, tiktik nanaman ang nagsabi sa ate ng mom ko na may buntis sa compound and it's me.
now with my second, 15 weeks nako and bleeding. pag ultrasound naman everything is fine, placenta.., etc. doctors just say bed rest lang ako. walang masabing diagnosis. but my pamahiin tita said inaaswang daw ako, i leave the house kasi at 4:20 am for work, at may aswang paraw that time. and parang gusto ko narin maniwala. hehe. bed rest at garlic yata ang kailangan ko. hehe
Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=8283.msg970087#msg970087) tungkol dito o mag (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=8283) para makapagpost ng katanungan, payo o kwento.
(https://media4.giphy.com/media/pPnE96JNj1knAExjxI/giphy.gif?cid=790b7611252d5b0a49dddc40128484e0f2fe16632089cd94&rid=giphy.gif&ct=g) (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=116905.msg971345#msg971345)
-
Hi mga sis. Share ko lang experience ko unahin ko na yung sa first pregnancy ko way back 2016. Nasa manila ako kasama asawa ko pero umuwi ako ng oct 31 sa San Ildefonso Bulacan kasi bday ng tatay ko ng Nov. 1. Ako lang mag isa sa kwarto natutulog nun. Saktong 3am dko alam bakit ako nagising, may dalawang bola ng apoy na nag hahabulan gusto ko tumayo kaso dko alam bakit may parang pumipigil sakin nag dasal ako sobrang takot ko pumunta ako sa kwarto ng kapatid ko. Pagka higa ko may narinig akong pagaspas ng pakpak na biglang nawala eto pa yung ilaw ng sala namin biglang bumukas ganun pala no pag sobrang takot gustohin mo man mag salita parang umurong dila mo. D ako naka tulog hanggang sa nagising na tatay ko.. kinwento ko sa knila nangyari. Ngayon im pregnant sa 2nd baby ko 2mos preggy. Naun kami lang ng baby ko dito sa bulacan nag stay (d na kami kasya sa MIL ko sa manila) pang 5 nights n ko nakka expe ng tumatahol yung mga aso bglang may bababa sa bubong ng cr pag umiihi ako. At dahil wala ako kasama sinabuyan ko paligid ng asin bawang lahat ng pangontra taz binigyan ako ng tita ko ng red tela nakalagay sa tyan ko. Sorry napaka haba detailed hehe. Sobrang dami kong expe about sa mumu d ako nakaka kta pero nakka ramdam oo.