Parent Chat

Health => Wellness => Topic started by: April Lachica on May 03, 2008, 10:55:02 am

Title: Mommy Worries : stress, mental health, sound mind
Post by: April Lachica on May 03, 2008, 10:55:02 am
If you think you may have depression or know someone who is suffering from it or other mental health depression, contact the DOH's 24-hour suicide prevention hotline, HOPELINE, (02) 804.4637; (09170 558.4673; and 2919 for Globe and TM subscribers. PhilHealth now also covers treatment for mental health disabilities.
Basahin sa Smart Parenting.
Overwhelmed Sa Dami Ng Gagawin
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2020/08/02/stress-time-management.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/parenting/real-parenting/time-blocking-isang-mabisang-time-management-technique-a00307-20200803?ref=parentchat)
photo by UNSPLASH/JCOMP

Naka-relate ka ba? Maging member na para makapagpost ng katanungan o payo dito
(https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply to join this discussion (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=871).


aj's story on mommy's separation anxiety moved to this thread:
https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=115353.0
Title: HOW TO CONTROL EMOTIONS
Post by: kalix on August 12, 2008, 08:54:03 pm
I read this from a friend's blog share ko lang po... :D

HOW TO CONTROL EMOTIONS

This would give you guides on how to control your emotions towards your better-half, friends, officemates and all the people around you, especially your "boss" . The rules of practicing "ugaling langit, ugaling kaaya-aya" :

#1 Ang naunang magalit ang may karapatang magalit. Pag naunahan ka na ng galit niya, tumahimik ka na lang muna.

#2 Walang taong nag-aaway mag-isa. Pag hindi kayo sumagot o pumatol, titigil din daw ang taong nakikipag- away sa inyo.

#3 Ang taong galit, ' bingi. ' If someone is angry, wala raw pinakikinggan, so, don ' t try to explain and fight back. Hindi ka niya iintindihin dahil wala siyang naririnig kundi ang sarili niya.

#4 Ang taong galit, ' abnoy. ' Ayon sa pastor, Biblical daw ito? because the Lord said when He was crucified, "Father, patawarin mo sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa." Modern term for these kinds of people are abnoys, so you better not get angry para huwag kang matawag na abnoy.  ;D ;D ;D

You should also know and realize that the persons who make your day bad are jewels, because you need them for you to mature. Hangga ' t andyan daw sila at kinaiinisan mo, ibig sabihin, immature ka pa. God will not take away those people; it ' s for you to take away your bad feelings towards them. You ' ll know na mature ka na pag dumating ' yung time na hindi ka na naiinis sa mga taong ito because you have learned to accept them and to have patience with them.

#5 Finally, the best part of this is to tell yourself na, because of this person, "I will grow mature," and that DAHIL SA CONTRIBUTION NIYA SA MATURITY MO, KUKUNIN DIN SYA NI LORD. ;D ;D
Title: UNLOADING MY WORRIES & FEARS...
Post by: kalix on September 24, 2008, 08:57:50 pm
gusto ko lang ilabas tong nasa loob ko mommies...ilang araw na din kasi akong nagaalala sa anak ko... last saturday, habang nagcocomputer ako lumapit sakin anak ko. his complaining of chest pain(again). sabi niya, "mommy, ansakit ng ganito ko (pointing to his chest). ambilis ng tubog (tibok) ng heart ko, ansakit mommy". kinontrol ko lang sarili ko para di din sya magpanic. dinavert ko na lang yung attention niya. hinimas himas ko yung dibdib tapos kinis ko yung dibdib niya. saka ko sinabi, "blow ni mommy para mawala sakit"...kunwari hinipan ko yung heart niya, napangiti sya...tinanong ko sya ng, "masakit pa ba? "hindi na".ngumiti sya ulit. pero sa loob loob ko scared talaga ako...siguro napagod sya sa school program nila...ansaya saya pa naman niya...yung gabing yun di ako nakatulog, binabantayan ko sya...hanggang ngayon. panay lang ang dasal ko. nakakatulog lang ako at nakakaramdam ng katahimikan pag nagdadasal ako. nasabi ko sa hubby ko pero diko na sya masyadong inelaborate pa yung takot na nararamdaman ko para di sya masyadong magalala samin...dadalawa lang pa naman kami ng son ko dito sa bahay. wala pa rin kaming kasambahay. ayoko naman ng istorbohin pa ang mama ko para samahan kami. though sinasamahan naman kami paminsan minsan. buti na lang tinitext ako ng kaibigan ko para i-assure ako. at para mawala yung fears ko. at least kahit papano, natututo akong kontrolin ang takot ko at hindi ipahalata sa anak ko. di gaya ng dati na grabe ang nerbyos ko pag konting complain lang niya. :) we decided na kailangan namin syang ibalik sa Manila for 3rd opinion...kaya inaayos ko mga medical records niya...haaaay! kailangan kong ilabas to or else di ko na alam...EVERYTHING WILL BE OK...I'M SURE! I TRUST HIM... :) SYA NG BAHALA SA'MIN... ;) Let thy will be done...
Title: Re: UNLOADING MY WORRIES & FEARS...
Post by: keih liwanag on September 24, 2008, 09:10:13 pm
we SP mommies are here for you sis kalix..we may not see you but you surely can burst out your pains & heartaches with us. we may not help you instantly but we can send the most powerful weapon of all.. PRAYERS. you and your son will be included in my prayers sis. i believe that one set of hands praying is strong..but with more than those, we surely can make it more powerful.

there is no greater pain than to see our kids in pain. kung pwede lang akuin na lahat ng masakit sa kanila. praning man matawag pero ako nga maduwal lang sya konti, i panic na. ayoko nagvovomit sya, ayoko pag di niya makuha antok niya.. those little things compose a mother's heart. kaya dapat strong tayo para makayanan lahat ng things nayun.

take care sis! God bless you and your family.


Title: Re: UNLOADING MY WORRIES & FEARS...
Post by: proudnewmommy on September 25, 2008, 01:17:54 am
hi mommy!

nakakarelate ako sau... kase until now marami rin akong fears and worries sa baby ko.... basta pray tau palage mommy....

like what mommy keih said, we as mommies should be strong sa kabila ng lahat... sabi nga ng nanay ko sakin. wag daw ako iyak ng iyak palage kase nararamdaman un ng baby ko...

Be strong sis,  i beleive na malalampsan din natin lahat yan....
Title: Re: UNLOADING MY WORRIES & FEARS...
Post by: HOTMOM777 on September 25, 2008, 01:47:43 am
Hi Kalix

I'll pray for you & your son.  I give you a pat in the back for somehow you were able to control your emotions, if I were on your shoes I don't know what I would have done.  But rest assured a lot of the parents here are willing to "listen" to you & would give you your needed comfort of words if not prayers & support, it may not be physically but in spirit we are supporting you.

WHo's your doctor for your son?  If i may suggest also that don't hesitate to ask your mom to be with you. mahirap den ihandle ang situation ng nag-iisa esp those unexpected ones. OUr prayers are with you & your son  :-*
Title: Re: UNLOADING MY WORRIES & FEARS...
Post by: anne.nanay on September 25, 2008, 07:40:35 am
our kids are God's gifts to us... and He loves our kids kaya hindi niya kayo pababayaan. Trust in Him and everything will be great... Calmness and strenght.. god bless...
Title: Re: UNLOADING MY WORRIES & FEARS...
Post by: kalix on September 25, 2008, 04:46:26 pm
thanks mommies for the support & prayers.... :) nalagpasan namin yung una kakayanin namin ulit 'to... :) kahit na medyo dinadaga pa rin ako... ;D kailangan ko lang talaga ilabas nararamdaman ko na hindi nakikita ng anak ko at baka sumabog ako... ;D kailangan ako ng anak ko kaya di pwedeng ipakitang mahina ako.

@hotmom: may nagrecommend samin kay dra. balderas ng phil. heart center mommy...pinupuntahan pa rin kami ng mom ko dito pero hindi na everyday kasi busy din sya...sabi nga din ng hubby ko need talaga namin ng makakasama, mahirap na daw.

pero kung may alam kayo o mairerekomenda na magaling talaga at accomodating sa mga tanong ko at hindi "nananaga" ng presyo very much appreciated po.. :)
Title: anxiety problem...
Post by: jheni12 on February 24, 2009, 01:17:02 pm
hi mommies...gusto ko lang i-share problem ko bout my anxiety. actually ang hirap i-explain nitong problema na to lalo na't ur not experiencing same problem.

Last 2007 kc i felt something different. bigla nalang me nag-palpitate and i don't even know y?? tpos un na dun na ngsimula mgbago ng tuluyan ang buhay ko. as in!!! before akala ko namatanda lang me kaya ngpatingin me sa mga "faith healers" or "älbularyo". kc kung ano-anung medical tests pinagawa ko lahat naman normal. ECG, X-ray at kung ano-ano pa! pro wala talaga lhat sila negative. tpos un sa mga faith healers naman ganun din wa epek din.. ayun na dun na me napaisip. it's a psychological problem! so i've decided to consult sa psychiatrist. at ayun tama nga ang hinala ko. sbi kc ng psyche doctor after ko makuwento lhat ng nararamdaman ko it's an "anxiety problem" daw.

Alam nyo ba yung feeling mommies na natatakot me sa mga bagay-bagay na before naman ay d me natatakot. like to be in a crowded places na feeling ko d me makakahinga...to go outside alone...parang everytime na naiisip ko un mga bagay na un nahihirapan me huminga and nag-start me mag-palpitate. i know iisipin nung iba na baka nasisiraan lang me ng bait..pro i've searched a lot about anxiety and ayun nga may kapareho me ng nararamdaman.akala ko ako lang nakakaramdam ng ganito.  :(

after i knew about anxiety and searching a lot medyo nalaman ko na how to control it. and ayun nga when i got pregnant last march 2008 medyo feeling ko nawala na un anxiety ko pro parang after i gave birth and until now parang bumabalik na naman pro i still try to control it. kc if don't control it, it will really ruined my entire life na naman.. grabe tlaga! if some of u mommies na naka-experience na ng anxiety problem u'll understand what am i talking about. kc ang hirap tlaga niya actually i-explain. parang if u have this problem parang end of the world na for u. promise! parang mamamatay ka na!  :'(

actually b4 MOMS ended up un sa Qtv...napanood ko na pati c manilyn reynes experienced this too. ayun parehong-pareho kami ng naramdamn. hay grabe!  ::)

if anyone knows who experienced or experiencing this kind of problem naman mga mommies share it also naman to me..it will really help me a lot if i know somebody is also experiencing anxiety too. parang at least may karamay me ba..hehe... :D

thanks for reading my topic and i hope to hear same stories from u momsies..thanks! ;D
Title: Re: anxiety problem...
Post by: mommykay on February 24, 2009, 06:02:14 pm
mommy jheni12 ako feeling may PPD ako kasi ang dami kong naiisip at kinakatakutan ngaun lagi akong umiiyak kahit nasa work ako pagnaisip ko yung mga problema at takot ko ayun iyak n ako. I dont know how to control this si hubby lang ang nakakapagpakalma sa akin e like kagabi on the way sa house namin iyak n ako ng iyak pagdating ko andun n si mahal ayun yakap ako agad tapos hagulgol n ako akala niya tuloy kung ano n ang nangyari.

Title: Re: anxiety problem...
Post by: jheni12 on February 24, 2009, 08:28:45 pm
mommy jheni12 ako feeling may PPD ako kasi ang dami kong naiisip at kinakatakutan ngaun lagi akong umiiyak kahit nasa work ako pagnaisip ko yung mga problema at takot ko ayun iyak n ako. I dont know how to control this si hubby lang ang nakakapagpakalma sa akin e like kagabi on the way sa house namin iyak n ako ng iyak pagdating ko andun n si mahal ayun yakap ako agad tapos hagulgol n ako akala niya tuloy kung ano n ang nangyari.

mommykay ano po un PPD? bka naman post partum yang sau sis.. kakapanganak mo lang ba? ako din b4 kahit pano naiibsan ni hubby un anxiety problem ko pro now na umalis na ulit cia wala na ko absorber..hehe...un sken kc sis iba eh..umaabot me sa point na parang mauubusan me ng hangin na parang d na ko makakahinga. in short pra na kong mamamatay!! naghahalo un takot, nerbyos at kung ano-ano pa! kaya sobrang binago niya un buhay ko kc d ko na nagagawa un mga nagagawa ko dati.. :(
Title: Re: anxiety problem...
Post by: mommykay on February 25, 2009, 08:42:03 am
mommy jheni12 post partum n nga yta to, mag2 monrths p lang baby ko. Indi p naman ako umabot sa ganun stage n nahihirapan ng huminga basta iyak lang ako ng iyak anytime of the day.
Title: Re: anxiety problem...
Post by: jheni12 on February 25, 2009, 09:04:21 pm
mommy jheni12 post partum n nga yta to, mag2 monrths p lang baby ko. Indi p naman ako umabot sa ganun stage n nahihirapan ng huminga basta iyak lang ako ng iyak anytime of the day.

un na nga yan sis..ako b4 sa pnganay ko nramdaman ko rin yan pro mga days lang siguro. me din now mag-3 mos palang baby ko na 2nd pro wala pa naman me nraramdaman na post partum. alam ko it's because of anxiety parin tong nararamdaman ko. :P

buti nalang d me nagwo-work hehe...
Title: Re: anxiety problem...
Post by: mommykay on February 26, 2009, 12:03:42 pm
Sabi nila stages lang daw to matatapos din, kasi first time mom ako kaya siguro sobrang worry ko sa baby ko.
Title: Re: anxiety problem...
Post by: jheni12 on February 26, 2009, 10:33:00 pm
Sabi nila stages lang daw to matatapos din, kasi first time mom ako kaya siguro sobrang worry ko sa baby ko.

uu gnyan talaga daw feeling pg 1st time mommy.. :D pasasaan bat mttapos din yan.hehe..
Title: Re: anxiety problem...
Post by: Mommy Iris on February 26, 2009, 11:08:51 pm
i experience anxiety attacks too lalo na pag ang dami ko ng iniisip yet I don't see any solution coming. I usually cry myself to sleep, pero it's not helping the problem at all :-[
Title: Re: anxiety problem...
Post by: jheni12 on February 27, 2009, 10:18:27 am
i experience anxiety attacks too lalo na pag ang dami ko ng iniisip yet I don't see any solution coming. I usually cry myself to sleep, pero it's not helping the problem at all :-[

mommy iris, did u come to the point din ba na nahihirapan u huminga na natutuyo lalamunan sa sobrang tense na napaka-nonsense naman ng dhilan na parang end of the world na pra sau? :( ako kc ganun minsan. pro un nga medyo alam ko na cia i-control kaya ok na rin kahit panu..kaya lang ang laki tlaga ng nabago sken cmula ng mgkaron me nyang anxiety na yan..d ko n tlaga magawa un ibang mga bagay na ngagawa ko naman dati..
Title: Re: anxiety problem...
Post by: Mommy Iris on February 27, 2009, 11:38:19 am
mommy iris, did u come to the point din ba na nahihirapan u huminga na natutuyo lalamunan sa sobrang tense na napaka-nonsense naman ng dhilan na parang end of the world na pra sau? :( ako kc ganun minsan. pro un nga medyo alam ko na cia i-control kaya ok na rin kahit panu..kaya lang ang laki tlaga ng nabago sken cmula ng mgkaron me nyang anxiety na yan..d ko n tlaga magawa un ibang mga bagay na ngagawa ko naman dati..

oo mommy jheni, ganyan na ganyan ang feeling, grabe, di ako makahinga talaga. :(
Title: Re: anxiety problem...
Post by: mommykay on February 27, 2009, 12:35:23 pm
Sabi nila stages lang daw to matatapos din, kasi first time mom ako kaya siguro sobrang worry ko sa baby ko.

uu gnyan talaga daw feeling pg 1st time mommy.. :D pasasaan bat mttapos din yan.hehe..

Hay sana nga po.
Title: Re: anxiety problem...
Post by: jheni12 on February 27, 2009, 10:25:40 pm
Basahin sa Smart Parenting.
Click this to read full article.
Pampakalma ang Gardening
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2020/06/30/gardening-anti-anxiety-main.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/life/home/pampakalma-kung-lagi-kang-nalulungkot-at-nag-aalala-a00307-20200701?ref=parentchat)
photo by ISTOCK

mommy iris, did u come to the point din ba na nahihirapan u huminga na natutuyo lalamunan sa sobrang tense na napaka-nonsense naman ng dhilan na parang end of the world na pra sau? :( ako kc ganun minsan. pro un nga medyo alam ko na cia i-control kaya ok na rin kahit panu..kaya lang ang laki tlaga ng nabago sken cmula ng mgkaron me nyang anxiety na yan..d ko n tlaga magawa un ibang mga bagay na ngagawa ko naman dati..
[/quote]

oo mommy jheni, ganyan na ganyan ang feeling, grabe, di ako makahinga talaga. :(
[/quote]

talaga??naku may karamay na me...hehe...eh kmusta na u ngayon? inaatake ka parin ba anxiety? me kc minsan meron pa din..minsan nga may mramdaman lang me sa katawan ko natatakot na me agad eh na baka malala na un skit or whatever! praning ba in short! haha :D

Naka-relate ka ba? Mag (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply para makapagpost ng katanungan o payo (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=871.0).
Title: Re: anxiety problem...
Post by: jheni12 on March 01, 2009, 09:16:39 pm
Sabi nila stages lang daw to matatapos din, kasi first time mom ako kaya siguro sobrang worry ko sa baby ko.

uu gnyan talaga daw feeling pg 1st time mommy.. :D pasasaan bat mttapos din yan.hehe..

Hay sana nga po.

uu naman..buti nga sau post partum lang eh in time magiging ok din u..e ako d ko alam kelan magiging ok un anxious feeling ko..hay! :'(
Title: Re: anxiety problem...
Post by: mommykay on March 03, 2009, 05:42:28 pm
prayers help a lot mommy jheni12. :)
Title: naiyak dahil sa inis or pagod?
Post by: maine12 on March 30, 2009, 02:23:45 pm

moms meron na bang time na naiyak na lang kayo dahil sa sobrang inis sa kakulitan ng baby at pagod na din cgro?

last week kasi pinapakain ko baby ko e tinabig niya yung lalagyan tas nahulog, so xempre nilinis ko yung kalat, pero medyo nagdadabog na ko that time, tas parang sa sobrang inis di ko na napakain siya, kasi nga nahulog na lahat ng food niya, umakyat ako sa room ko at napaiyak, baka dahil sa pagod na din talaga, la kasi kami maid so halos lahat ako gmgawa e parang pagod na pagod na din ko kasi kulang sa pahinga, feeling ko ngbreakdown na ko at aun umiyak ako, mayamaya umakyat yung partner ko kasama baby namin, at nakita niya ko umiiyak, tas tinanong niya bakit daw ko umiiyak , xempre deny pa ko, tas ayun siya na din ngsbi na nainis daw ba ko knina , ayun cnbi ko na din totoo. sbi niya tingin daw nga niya, kaya umakyat sila ng baby ko para mgsorry baby ko (1 yr old pa lang yun..hehe) alam ko naman na di naman sinasadya ng anak ko yun at hindi pa talaga siya nakakintindi kaya dapat mgpasensya kaya lang nung time na yun parang napuno na talaga at sagad na yung pagod ko at nadrain na ko sa lahat ng energy ko kaya ganun naging reaksyon ko.

yung partner ko kasi mga 2-3 times lang namin siya kasama kaya ako talaga lahat sa baby. ayun feeling ko tuloy kailangan ko naman ng pahinga at time din sa sarili ko kaya sabi ko sa kanya next week aalis naman ko mgisa, kumbaga day off ko, siya muna bahala kay baby.hehe acceptable ba yun mga moms? kasi la lang iniisip ko dapat lang day off sa pagaasikaso sa mga anak gno man kahirap yun, kasi yung ibang nanay naman kaya nila yun tas yung iba ang dami pang anak tas ngwork pa e ako sa bahay lang naman tas isa lang inaalagaan..pero ewan cgro nga kailangan ko din muna ng break kesa naman sa anak ko pa mabuhos lahat ng pagod o inis ko...
Title: Re: naiyak dahil sa inis or pagod?
Post by: ❤ ♏o♏y_η¡_Rα¡ηe ❤ on March 30, 2009, 02:34:47 pm
agree ako dun..minsa talga kailangan din ng mga mommies na magpahinga at mag spend time para sa sarili nila..ako rin minsan nararanasan ko yan althoug working mom naman ako..pero syempre minsa pagod ka na sa office tapos apg dating sa bahay maayos ng gamit ni baby..magiging asawa tapos biglang si baby late na ayaw pang matulog..hirap talga maging mommy dapat super dami kang pacensya...kaya ako kain na lang ng kain ng pacensya ng bsicuit hehe..
Title: Re: naiyak dahil sa inis or pagod?
Post by: mum tine on March 30, 2009, 03:23:31 pm
yes when my baby was just a few weeks old, tipong gising sa magdamag,, tulog manok, di ka maka toilet, groge ka sa antok hilong hilo ka na, tapos gutom ka pa tapos wala ka man lang maka swap sa pagbubuhat, uwaaahhh.ngalay na mga braso mo, nanigas na ha ha ha.

pero gusto ko pa ng isa..


Title: Re: naiyak dahil sa inis or pagod?
Post by: goodmornin on March 30, 2009, 03:35:40 pm
okay lang yun. you need a break..ako din pinaka-break ko yung pag ligo. tinatagalan ko..mas mura kase ang tubig kesa lalabas pa ako..imagine ko nalang nasa spa ako hehe..

mommies talga are very strong! sa hirap na pinagdadaanan natin..di tayo basta basta natitinag! dont worry, your patience and hardship ngayon will payoff in the future..since lagi kayong magkasama ng anak mo, your relationship is strengthened and trust ka na talga.
Title: Re: naiyak dahil sa inis or pagod?
Post by: yvettrasmonte on March 30, 2009, 03:44:31 pm
ako po sa iyak dinadaan ang pagod at pagkainis.  feeling ko kailangan ko umiyak or else maloloka ako. ::)  after ko po umiyak kaya ko na sabayan ang kakulitan ng mga anak ko.

para din po akong si goodmornin mommy, ligo ang break.  parang yun yung stress reliever ko.

pero ang sarap pa rin maging isang ina kahit sobrang kukulit ng mga bata.
Title: Re: naiyak dahil sa inis or pagod?
Post by: reensky on March 30, 2009, 03:47:01 pm
nangyari na rin sakin yan,prepare ko yung iluluto ko for lunch akalain mo naabot niya yung plato na pinaglagyan ko ngbawang sibuyas at kamatis ...naku!!!!!nasigawan ko siya sa sobrang inis ko...syempre na guilty din ako after.. :(
sometimes iniisip ko rin mag day off hehe!!! :D
pero minsan kay hubby na din nanggagaling na mag mall kami kain sa labas,kasama si baby...di ko kasi maiwan since im not working habol siya sakin...
Title: Re: naiyak dahil sa inis or pagod?
Post by: michi247 on March 30, 2009, 04:16:55 pm
nung 3wks old baby ko, dun naiyak na ko sa pagod...syempre di pa bumabalik energy mu, tapos ako din lahat sa bahay, alaga, puyat lague, di makatulog sa umaga kasi household chores. tapos iyak pa yung baby na di mu alam kung ano gusto, sinabihan ko nga baby ko, "kung yaw mu matulog, patulugin mu naman ako" tapos hinayaan ko lang siya na umiyak, hanggang sa nahimasmasan na ko sa kadramahan ko, at binuhat ko na rin kasi naisip ko, la pa muwang baby ko, iyak lang ang way niya para sabihin kung ano needs and wants niya.
Title: Re: naiyak dahil sa inis or pagod?
Post by: lala№14 on March 30, 2009, 04:43:44 pm
ako din mommies minsan gusto ko na din umiyak, kahit kasi gusto ko matulog pa ng matagal at derederecho hindi ko na magawa, ako kasi nag aalaga kay baby sa gabi, papatulugin sya ni yaya ng mga 6 or 7 pm tapos ako na, kaso nagigising sya ng 12mid & 2:30 am ok lang kasi matutulog din agad, pero pag-gising niya ng 4:30am naku kasarapan ng tulog ko eh hindi na ulit sya sleep hangang 7am na yun hanggang pagkuha ni yaya ng 7:30am..gusto ko pa sana ituloy tulog ko kasi nawala na yung antok ko..hayyy

minsan gusto ko kay yaya muna sya sa gabi at makatulog ako ng maayos kaso hindi ko naman matiis na hindi ko sya kasama sa gabi..kaya pag nag wa-wild sya sa gabi at madaling araw..mas niyayakap ko baby ko ng mahigpit at kiss ko sya, wisper ko mahal na mahal ka ni mamy, sana patulugin mo na sya ;D
Title: Re: naiyak dahil sa inis or pagod?
Post by: maine12 on March 31, 2009, 09:28:37 am
 thanks mga moms sa reply niyo, atleast alam ko na ngayon na valid pa din talaga pagiyak ko at di pa ko lukring..hehe

dati kasi nung mga ilang weeks pa lang din baby ko, napaiyak din ako, pero that time kasi db may cnsbi na mga "baby blues " kaya iniisip ko ok lang talaga that time, pero ngyon na 1 year na siya, ok lang din naman pla na maiyak, un nga kasi tao lang naman tayo.

kaya bilib talaga ko sa mga mommies na kaya pagsabayin ang work at family. galing talaga! gaya ng mommy ko bilib ako dun pero minsan naawa na din ako kasi may work na nga tas siya pa nagaasikaso sa bahay.

ngyon nga lang niloloko ako ng partner ko kung gusto ko pa daw ba pakainin baby ko kasi daw baka umiyak na naman ako, pag naalala ko na lang ngyn natatawa na rin ako sa reaksyon ko.

pero ayon kailangan nga talaga ng mga mommies ang break/dayoff para pag may energy na ulit tayo mas maalagaan natin ng mabuti ang mga babies natin  :)
Title: Re: naiyak dahil sa inis or pagod?
Post by: julianciv on March 31, 2009, 12:41:58 pm
kay baby, hindi pa naman ako umiyak dahil sa inis o pagod, kay hubby ilang beses na dahil sa sobrang inis ko sa kanya. kapag galit na galit na ako sa kanya tapos hindi ko mailabas, kaya dinadaan ko nalang sa iyak. hehhe :D
Title: Re: naiyak dahil sa inis or pagod?
Post by: gabneth on March 31, 2009, 05:51:23 pm
ako di lang naiiyak, inanaway ko pa mga tao hahaha... siguro post partum yon.
Title: Re: naiyak dahil sa inis or pagod?
Post by: sasha on March 31, 2009, 06:15:35 pm
ako din si napaiyak na din ako ... dito naman sa hse may issue meron kaming maid before kakapanganak ko.. but yung tita ni hubby napaalis yung maid dahil ayaw daw niya ng maid( nalaman na lang nami ito nung nakaalis na) kaya pala takot sa kanya maid namin siguro sinusungitan or what.. ang sabi nung tita ni hubby kayang kayan naman daw ang gawaiin sa hse.. tutulong naman daw siya.. well ngayon 1 yr. na anak ko medyo malikot na pero wala cyang naitutulong sa akin minsan maiinis ka pa.. like iiwan ko si sasha sa booster seat niya then ako maghuhugas ng bote yung tita ni hubby 1 seat away lang kay sasha.. naririnig naman nyang parang nakikipaglaro sa kanya si sasha and minsan umiiyak na deadma sya kasi nag ttxt siya minsan iniiwan ko muna yung mga bottles at ako pa ang nag ca carry kay sasha.. minsan naiiyak na lang ako kasi ang dami ko pang gagawin di man lang siya makatulong samantalang sya yung nagpaalis sa katulong namin.. hay..
Title: Re: naiyak dahil sa inis or pagod?
Post by: heartlight07 on April 01, 2009, 01:55:17 am
hindi ko mapigilan mapangiti while reading all your posts!  ;D

pare-pareho tayong lahat :) hehe

stressful talaga pag fulltime housewife..not to mention some of us have home based businesses pa....minsan i cry in the shower so no one would notice...sometimes I cry pag tulog na si baby ko...

pero at the end of the day....seeing your hubby sleeping right next to you...seeing your babies giggle or smile in their sleep...its all worth all our "pagod" :)
Title: Re: naiyak dahil sa inis or pagod?
Post by: snugglebug on April 01, 2009, 02:21:19 am
it happened to me last week, sobrang pagod kasi di ako nagleave kahit madami orders then may lakad pa
mom ko kaya alaga ko din si Paolo then may inutos din in-laws ko sa husband ko kaya super pagod at puyat ako
nung dumating si hubby napaiyak nalng ako sa pagod
Title: Re: naiyak dahil sa inis or pagod?
Post by: ..chey.. on April 01, 2009, 02:23:32 am
ano ba yan mommies naiyak naman ako dito  :)ka relate ako kasi kahit noon pa iyakin nako, kala ko nga pag nagka baby nko magiging tough na ko... la ko yaya since birth ni baby, now he's 11 months na wala pa din, full time mom kaya lahat ng pagod nasasalo ko... my hubby works abroad kaya pag naiinis ako, super text ako at inaaway ko sya...  :) si baby may reflux pa nung baby til  6 months.. imagine magigising ka sa madaling di lang para magpatulog kundi para magligpit ng suka pa... grabe, 1st time mom po ako kaya hirap ako sa pinagdaaanan ko... Now lapit na mag bday si baby, thankful na nakaya ko lahat...
Title: Re: naiyak dahil sa inis or pagod?
Post by: ahyzeyuh on April 01, 2009, 03:41:19 am
ngyari na yan..
i was so sleepy na nd nghahabol rin ng oras kc my pasok pa.. tas yung baby ko ayaw matulog,, yung ngbabantay sa kanya kumakain pa... napaiyak tuloy ako.. ngself pity pa at naiinis sa lahat2..
kng ano ano naiisip ko... but i told my self too na im so maarte naman kunti bagay lang naman un
Title: Re: Mommy Worries : stress, mental health, sound mind
Post by: toughmom moderator on July 01, 2013, 10:55:26 pm
The 10 Things Moms Worry About
(http://www.smartparenting.com.ph/images/site-alpha/articles/being-a-parent/things_moms_worry_about/worried-woman-550.jpg)
http://www.smartparenting.com.ph/home-living/homebase/the-10-things-moms-worry-about
Title: Re: Mommy Worries : stress, mental health, sound mind
Post by: Mommy Jazz on October 07, 2017, 09:14:38 pm
Take it from Jackie Lou Blanco:
 “I’m not a worrier,” she happily declares. “Siguro nakakatulong din ’yon na hindi ko na masyadong ginagawang problema ’yong problema ng iba.”
(http://www.smartparenting.com.ph/images/2017/10/07/SPOct7FlashboxJackie.jpg)
Read more about her tips in parenting, life and a sound state-of-mind.
http://www.smartparenting.com.ph/health/fitness-nutrition/jackie-lou-blanco-on-millennial-kids-aging-gracefully-a1278-20171007-lfrm (http://www.smartparenting.com.ph/health/fitness-nutrition/jackie-lou-blanco-on-millennial-kids-aging-gracefully-a1278-20171007-lfrm)
Title: Re: Mommy Worries : stress, mental health, sound mind
Post by: Mommy Jazz on February 19, 2018, 09:46:23 pm
Claudine Barretto on Being Called 'Baliw': I'm Proud to Prioritize My Mental Health
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2018/01/22/claudine-flashbox2.jpg)
Read it on Smart Parenting. Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/health/wellness/claudine-barretto-on-being-called-baliw-i-m-proud-to-prioritize-my-mental-health-a00061-20180122