Parent Chat

Life => Travel => Topic started by: aian on August 26, 2009, 11:04:00 am

Title: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: aian on August 26, 2009, 11:04:00 am
Basahin sa Smart Parenting. Click this to read full article.
Jeep Na May Dividers, Contactless Flights At Iba Pa
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2020/05/17/what-the-new-normal-looks-like.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/life/news/jeep-na-may-dividers-contactless-flights-at-iba-pa-a00307-20200518?ref=parentchat)
photo by MAU VICTA

commuters na mommies and daddies share nyo yung mga experiences nyo sa mga public vehicle na sakyan nyo?

simulan ko:

MRT

everyday dito ako sumasakay pauwi para mas madali.. isa sa mga expereince ko..aware naman ako na talagang siksikan sa MRT laht puwede mangyari..

kahapon lang sa ortigas station ako yung tlagang nsa pinto so pag bukas pa lang sabi ng mga nsa likuran ko palabasin muna yung mga lalabas..

ito si ate pinag pipilitan na niya sarili niya sa loob hindi pa sya makakpasok dahil wala pang space para sa kanya (big size po kasi sya)..kaya yung mga lalabas hindi makalabas sumisigaw na yung iba lalabas muna sila..deadma si ATEH..sa liit kung ito durog na durog talaga ako sa kanya :'(..

sa inis ko talagang hinarap ko sya "MISS WAG KA  MUNANG PUMASOK KASI MAY LALABAS PA KITA MOH" :o :o

yung iba nmann kasi waiting talaga na makalabas lahat bukid tangi sya nagpupumilit. 

nagulat din ako sa ginawa ko..at nahiya ako after nun feeling ko kasi parang ang war freak ko hehe


Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=9153.msg904795#msg904795) tungkol dito o mag (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply para makapagpost ng katanungan o payo (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=9153).

(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: Ara on August 26, 2009, 11:09:46 am
hainaku iba naman naexperience ko before.... yung kasabayan kong girl sa mrt napapansin ko yung mga boys na katabi niya sinasadya na bunggo-bungguin sya para maka chansing! mga bastos talaga... kaya dun nako sumasakay sa pinaka unang train yung para sa mga girls/dissabled,w/ children & para sa preggy na rin... mas ok dun...
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: Ara on August 26, 2009, 11:17:17 am
ang worst naman na experience ko sa taxi siguro modus narin nila to e.. yung  sa ibang highway sila dadaan para malayo yung byahe at para malaki yung bayaran mo... kahit na may daanan naman malapit sa pupuntahan..haay... ayun madalas nila siguro ginagawa yun sa pasahero na hindi alam yung daan papunta sa pupuntahan nila tulad nung na experience ko sa makati last april...nag paikot ikot pa yung driver yun pala narealize ko nung pauwi nako pwede naman pala walking distance papunta sa terminal.... >:(
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: mumy-jan on August 26, 2009, 11:36:10 am
ang worst naman na experience ko sa taxi siguro modus narin nila to e.. yung  sa ibang highway sila dadaan para malayo yung byahe at para malaki yung bayaran mo... kahit na may daanan naman malapit sa pupuntahan..haay... ayun madalas nila siguro ginagawa yun sa pasahero na hindi alam yung daan papunta sa pupuntahan nila tulad nung na experience ko sa makati last april...nag paikot ikot pa yung driver yun pala narealize ko nung pauwi nako pwede naman pala walking distance papunta sa terminal.... >:(

naku mommy aramish, modus talaga nila yan! yung experience ko naman sa taxi, lagi nilang sinasabi na kesyo trapik dun sa specific na daan na sinasabi mo then iiikot ka sa kung saan-saaang eskinita para mas mahaba yung travel time.. minsan pa nga kesyo magpapa-gas pa daw muna sila tapos mag-CR pa sila eh yung metro pumapatak padin kahit na nakahinto kayo sa gas station..GRrrrr!  >:(

yung isa ko pang xperience sa MRT naman, eh kasi siksikan na. tapos yung isang gurl halos naka-yakap dun sa isang steel post malapit sa door, so wala mahawakan kaming ibang pasahero.. so I placed my hand just beside her head tapos medyo sinasadya ko talaga yung pagbunggo-bunggo sa head niya para makuha ko yung attention niya..

kaso dead ma ang loka! so nung naalis nako, sabi ko sa gurl, "miss wag mo yakapin yung steel post kasi wala kaming mahawakan." Ayun medyo napahiya naman siya kaya naggive space naman siya dun sa other pasahero ng MRT..
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: aian on August 26, 2009, 11:38:20 am
sbi ni kuya driver sampuan daw..pero hindi na kasya yung isang pasahero niya nag prepretend n lang ata nkaka uppo sya..
sa kabilang side kasi 10 na sa side namin hindi na talaga kasya.


kuya Driver: unting usog pa..sampuan yan..
mag pasahero: ano ba yan puno na eh..hindi na kasya
kuya driver: Hindi tayo aalis hanggang hindi tig sampu yan..
AKO: maawa naman kayo sa pasahero nyo tinuro ko si ate..
tama naman yung bayad niya tigning mu ba nakakaupo   
pa si ate aba kuya maawa k naman..hindi naman pare-pareho size ng pasahero mo..
kuya driver: silent mode, pinanadar na  jeep sabayalis na sa pila ;D ;D
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: edwinjannluise on August 26, 2009, 12:53:11 pm
sa MRT just last Aug.20 - i have to meet one of the SP mom sa NEDSA Station, meeting time 7-7:30PM, this is my first time to ride sa MRT ng ganitong time uwian from work, galing ako Makati, i left the ofc mga past 6pm, grabe ang haba ng pila sa hagdan pa lang ng buendia station pag dating ko sa antayan ng train madami n waiting sa area ako ng mga girls, 2  train na lumampas d ako nkasakay nasa front pa ako ha, pang 3rd train nkapasok ako sa loob with matching tulak ng mga nsa likod ko, sobrang naipit na ako wala ako mahawakan kaya pag stop ng train medyo naitutulak ko rin yun nsa hrap ko, pagbaba ko ng last station ang sakit ng mga braso at likod ko, parang nabugbog sa sobrang siksikan ng mga tao...aygu! ganun pala talaga, naexperience ko yun kwento ng mga ka ofcmate ko sa everyday dilemma nila sa MRT on the way to work...

sa BUS naman on the way home, from RCBC Plaza buendia makati sasakay ako to LRT/Baclaran na mga bus, ilang bes ko na nakakasakay yun mga mandurukot sa bus na ang modus operandi sisiksikin ka nila mga 3guys sila lalo na pag nsa bandang unahan ka ng bus dahil rush hour mdami pasahero at dmi nkatayo s bus dun sila nkikisbay at one time pag panik ko dhil nga namumukhaan ko n tong mga lalaking to sabi ko naku andito yun mga mandurukot, so alerto na ako dhil wala n akong mapwestuhan s loob npagitnaan n ako ng 2 so ginwa ko inilayo ko yun bag ko, ramdam ko gitgit sila ng gitgit, maya2 pumara bgla ko kinapa yun bulsa ng pants ko dhil naalala ko yun pera ko dun ko pla nailgay, pag kapa ko wala eh d tiningnan ko yun mama, paalis n sya bgla sabi niya skin nahulog oh kita ko yun pera ko nsa lapag, 5 n P20 at 4 na P100 dali dali kong dinampot siguro yun nun kinuha niya s bulsa ko nahulog eh bigla pumara yun kasi niya so d n niya mgawang damputin...buti na lang at d natuloy pagdukot nila sa pera ko...ang mga g*g* na yun ayaw mag hanap buhay ng ayos ang gawa eh manlamang at mang perwisyo ng kapwa, b4 dat happen skin yun kasi ko s bus na sila rin ang mga salarin nadukot nila yun cellphone nun guy, kaya to all moms na working in this area o kahit saan pa always be careful and alert pra mka iwas tayo sa msasamang loob...sori mga sis medyo haba kwento ko  :)
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: aian on August 26, 2009, 01:02:34 pm
mommy katakot naman yan buti na lang na ibalik syo yung pera mo..

ako  nung college ako sa jeep ulet bandanng sta mesa na yun eh..kita ko talaga yung babaeng nsa harap ko nilalaslas yun bag niya gusto ko mag salita kasi parang umurong yung dila ako..nung pag baba nung mamang dukot..sinabi ko kaaga kay ate check niya bag niya laslas na..

ilan bag ko na rin nsa sira sa sta. mesa dahil lagi ako nalalaslasan ng bag..wala naman sila makukha sa akin wala naman ako CP nung college ako...sakto lang binibigay ng mama hehe
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: aian on August 26, 2009, 01:12:23 pm
sa bus naman pauwi kame ng san pedro,laguna ni BF yung nsa harap namin burlog sya nka pasak sa ears niya..sa ayala nag stop dun.. may dalawang mama umakyat..

yung isa naupo sa katabi ni burlog (naka upo sa pagdalawahan) yung isa naman naupo dun sa tatlohan na upuan para takpan yung ginagawang pag nanakaw sa bag ni  burlog..

hindi pa kame na kakalis sa ayala bumaba din yung mamang dukot..ginising ni kondutor si kuya burlogcheck daw yung bag bka may nawla..nung una sabi niya wala naman na wawala..tpos na alala niya yung ipod niya..

sa sobrang sarap ng tulog hindi niya na malayan wala na yung ipod niya na  iwan ng lang yung earpiece sa ers niya..

ingat, ingat po... 
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: ♫ ♏☻♏¿•®Hεη ♥ ℜ¥LįƎ ♫ on August 26, 2009, 01:21:25 pm
naku dami ko na na-experience from different vehicles like:

bus: may nakatabi ako na manyakis nung college days ko.. kinikiskis niya yung binti niya sa legs ko..then nagtatanong ng name ko.. naglabas talaga ako ng ballpen and sabay sabi sa kanya sige magtanong ka pa..nanahimik ang loko..

tricycle: katatapos lang ng ulan nun, sa makati pa ofis namin.. walang cover yung tricycle na nasakyan ko and naka-off white pa ako ng pants.. Hola!! puro talsik ng putik ang pants ko.. kainis talaga!! pinagsabihan ko ng yung driver na maglagay naman ng trapal..

jeepney: this one is so memorable talaga.. papunta ako ng work sa makati.. may lalaki na naka-upo sa harap ko medyo chubby and mukha naman talagang mayaman.. may sumakay na 2 lalake, yung isa pilit na sumiksik sa tabi niya.. tapos maya-maya nakita ko yung kamay ng bagong sakay na may kikapa sa ibandang ilalim ng short nung lalakeng chubby malapit sa pocket.. naku talagang kumkabog ang dibdib ko nun.. ginawa ko inapakan ko ng pasimple yung paa ng chubby guy then nung napatingin sya sakin nag-nguso ako to point his katabi.. bigla sya silip sa may ilalim niya.. malapit na ako bumaba pero kinakabahan pa rin ako baka kasi nakita ako nung lalake.. buti na lang pag baba ko bumaba din si chubby guy.then he ask me kung ano yun.. sinabi ko yung nakita ko, sabi naman niya naramdaman naman niya yun and walang nakuha sa kanya.. tapos umalis ng walang THANK YOU man lang..haaaayyy talaga..

sorry..mahaba..heheh
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: stargazer on August 26, 2009, 03:11:05 pm
Bus/Taxi:
I was pregnant that time with Gabby, GY shift ako and commute ako forever. Ang tagal kong nagaantay ng bus, so yung una kong nakita na bus going to my destination yun na agad sinakyan ko. Malas ko standing na siya. I was expecting that someone would let go of their seat for me (obvious naman siguro na ang laki na ng tummy ko), but no everyone pretended to be asleep. Nag-alangan yung conductor na paupuin ako sa tabi ng driver kasi ang uupuan ko is sasapinan lang nung sign nila. Kinuha ko pa din. When I got down sa bus sakto may taxi, instead of sa office ako pahatid deretso sa Makati Med ER. I was having contractions.

Jeep:
Galing kame ng friend ko from Divisoria and we rode the jeep to go back to her place in Makati instead of taking the taxi kasi medyo tipid na din. While being held in traffic sa may Quiapo church, the woman in front of was held back kasi may nag snatch ng gold hoop earrings niya. Shocked kameng lahat, buti na lang hindi napunit ear lobes niya.

LRT:
During college, I used to ride the LRT kasi I ride the jeep from Pasay Road to Alabang. While on the train, around 5 steps from me was a student with a backpack on. Enroute to Libertad Station when a man behind him was picking something from the student's backpack. Naramdaman nung student kasi bumigat yung bag niya. Sakto kasi pabukas na yung LRT doors when the student shouted, dinumog yung snatcher and nahulog sa platform ng Libertad station. Thankfully nakuha ulit nung student yung wallet niya.

Tricycle:
This is a funny experience of me and my sister Jem. Tricycle yung service namin before when she was in pre-school (the driver of that tricyle is her father-in-law now). Sumama ako maghatid sa kanya kasi that time wala akong pasok sa school. On the way, sabi ni grabe ang lamig ang hangin. hindi ganun kabilis yung takbo kasi nga mga bata ang pasahero. Malaman-laman namin nakalimutan ng kapatid kong mag underwear. hahaha!!!! Kaya pala!  ;D
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: aian on August 26, 2009, 03:17:33 pm
.
Tricycle:
This is a funny experience of me and my sister Jem. Tricycle yung service namin before when she was in pre-school (the driver of that tricyle is her father-in-law now). Sumama ako maghatid sa kanya kasi that time wala akong pasok sa school. On the way, sabi ni grabe ang lamig ang hangin. hindi ganun kabilis yung takbo kasi nga mga bata ang pasahero. Malaman-laman namin nakalimutan ng kapatid kong mag underwear. hahaha!!!! Kaya pala!  ;D


sis na tawa naman ako dito..hahaha ;D ;D
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: MamaNilaJ on August 26, 2009, 03:23:07 pm
Sa taxi, From La Pinas to Sta. Ana to Tondo. Heavy traffic talaga, kahit saan.
Kung saan-saan niya kami dinala, mas napalayo at mas napamahal.
Hindi lang napamahal nagpadagdag pa sya ng P100 ... Tapos hindi niya pa kami hinatid sa harap ng bahay namin. Ang ending, nag-side car pa kami ng eldest ko para makauwi sa bahay...
K*pal ng mukha ni manong. Sabi k na lang Diyos na bahala sa kanya.
Sis c'3, preggy ka ba? Kasi sa LRT hiwalay ang mga preggy at senior at mga kids. Pero not sure sa MRT .
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: aian on August 26, 2009, 03:29:38 pm
Sa taxi, From La Pinas to Sta. Ana to Tondo. Heavy traffic talaga, kahit saan.
Kung saan-saan niya kami dinala, mas napalayo at mas napamahal.
Hindi lang napamahal nagpadagdag pa sya ng P100 ... Tapos hindi niya pa kami hinatid sa harap ng bahay namin. Ang ending, nag-side car pa kami ng eldest ko para makauwi sa bahay...
K*pal ng mukha ni manong. Sabi k na lang Diyos na bahala sa kanya.
Sis c'3, preggy ka ba? Kasi sa LRT hiwalay ang mga preggy at senior at mga kids. Pero not sure sa MRT .

sis, hindi po ako preggy :D..same din po sa MRT kasi pag peak HR kahit mga babae hehe
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: EVA on August 26, 2009, 03:30:59 pm
grabe naman na miss ko tuloy kung pagsakay sakay sa MRT, cubao to buendia going to ayala...B4 kasi sa Makati me work.

nakakamis yung siksikan, yung pila sa pagbili ng ticket..saka b4 may LIbre pang newspaper (until Now ba?)

siguro sa 2 yrs ko pagsakay sa MRT, 2 times lang ako nakaranas Makaupo don sa upuan nila..lagi kasi standing, pero enjoy. :-\
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: clover. on August 26, 2009, 03:43:06 pm
last time ako mag MRT was preggy pko. at talaga namang walang pakialamanan pag nasa pangbabaeng train ka. i was 7mos preggy ata nun from Taft going to North Stn to meet friends sa trinoma. grabe sa Cubao station nko nakahanap ng upuan ko.

one time rin may sinigawan akong ale kasi nanggigitgit sa mga palabas. hindi makapahintay yung mga umeexit. sabi ko 'hindi mo ba nakikita tong tyan ko?!' hehe....

kaya pag magMRT ako dun na lang ako sa may mga lalake. at least kahit papano me mag-offer ng seat. pag babae.. haay shmpre lahat demanding sa seat nila. pero wag naman sana ipagdamot sa mga preggy, disabled at senior citizens..


ilang bes ko na nakakasakay yun mga mandurukot sa bus na ang modus operandi sisiksikin ka nila mga 3guys sila lalo na pag nsa bandang unahan ka ng bus dahil rush hour


sis ang galing mo naman namukhaan mo yung mga kups na mandurukot sa bus.
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: edwinjannluise on August 26, 2009, 03:59:14 pm
Quote
Quote from: edwinjannluise on Today at 12:53:11 pmilang bes ko na nakakasakay yun mga mandurukot sa bus na ang modus operandi sisiksikin ka nila mga 3guys sila lalo na pag nsa bandang unahan ka ng bus dahil rush hour

sis ang galing mo naman namukhaan mo yung mga kups na mandurukot sa bus.
Posted on: Today at 03:30:59 pmPosted by: EVA 

naku mommy clover, paano ba naman d ko sila mkikilala eh halos twice/thrice a week ko nkakasakay ang mga balahura na yun  ;)
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: YANCY&SOPHIE'Snanay on August 26, 2009, 04:01:16 pm
MRT me pag weekend...eto kakainis sa Taft Station, palabas pa lang kami sugod na mga sasakay, nayamot ako ako so sabi ko in a loud voice "Ano ba yan, mauubusan ba kayo ng upuan ?  Palabasin nyo muna kami!"  deadma mga passengers...

ang kakainis talaga yung mga sumasakay ng ERJOHN Bus sa Pasay.  weekend, style nung iba alam na nilanhg puno na yung bus suod pa din sila, then bababa kasi nga wala na upuan then di naman sila bumabalik sa pwesto nila sa pila instead, dun sila pwesto unahan ng pila...tama ba yun?  kainis...
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: stargazer on August 26, 2009, 04:13:43 pm
.
Tricycle:
This is a funny experience of me and my sister Jem. Tricycle yung service namin before when she was in pre-school (the driver of that tricyle is her father-in-law now). Sumama ako maghatid sa kanya kasi that time wala akong pasok sa school. On the way, sabi ni grabe ang lamig ang hangin. hindi ganun kabilis yung takbo kasi nga mga bata ang pasahero. Malaman-laman namin nakalimutan ng kapatid kong mag underwear. hahaha!!!! Kaya pala!  ;D


sis na tawa naman ako dito..hahaha ;D ;D

joke pa din ito saamin pati sa in-laws niya hanggang ngayon! ;)  
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: johnjoyce on August 26, 2009, 04:40:08 pm
ako sa MRT.. 1st time q nun pmunta sa MOA.. 8 mos. preggy.. ewan q kung bket super ang pngu2let q ky hubby na mg MOA kami.. nung pauwe, hindi kami mklabas ng train.. super daming gusto mkpasok muna bgo mklbas yung mga la2bas.. aun, ipit ipit yung tyan q.. at imbis na sa boni station kami bmba, sa shaw kami naibaba.. dun sa may edsa central.. kainis talaga.. d ba nag iicp yung mga tao? d ba nila mkuha yung logic na hindi sila mkksakay sa isang punong tren kung hindi muna mbbwasan ang laman nun? kainis talaga.. pero buti nga sknila.. hindi sila nkskay lahat.. haha!
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: style on August 26, 2009, 04:44:04 pm

jeepney: this one is so memorable talaga.. papunta ako ng work sa makati.. may lalaki na naka-upo sa harap ko medyo chubby and mukha naman talagang mayaman.. may sumakay na 2 lalake, yung isa pilit na sumiksik sa tabi niya.. tapos maya-maya nakita ko yung kamay ng bagong sakay na may kikapa sa ibandang ilalim ng short nung lalakeng chubby malapit sa pocket.. naku talagang kumkabog ang dibdib ko nun.. ginawa ko inapakan ko ng pasimple yung paa ng chubby guy then nung napatingin sya sakin nag-nguso ako to point his katabi.. bigla sya silip sa may ilalim niya.. malapit na ako bumaba pero kinakabahan pa rin ako baka kasi nakita ako nung lalake.. buti na lang pag baba ko bumaba din si chubby guy.then he ask me kung ano yun.. sinabi ko yung nakita ko, sabi naman niya naramdaman naman niya yun and walang nakuha sa kanya.. tapos umalis ng walang THANK YOU man lang..haaaayyy talaga..

sorry..mahaba..heheh

 sis s sususnod yaan mo n lang mga mandurukot...kasi sabi nga ng iba...baka magalit s yo ...ikaw p ang saktan,,, :)


ako ang naranasan kong pangit s ganyan...
sa isang bwiset n pedicab  driver......nung buntis p ko,,sumakay kami papunta ng palengke,,,nung bayaran n ...100 pera ko..

driver; wala kayong barya?   galit ???
sagot ko walapo e..
driver....umalis nagpapalit..pagbalik niya eto n..inabot s kin kulang ng 5 pesos
sabi ko;manong kulang ng 5 pesos sukli mo...
driver ; E YUNG PAGOD KO?
  d b?kakainis,,,,sabi ko ay naku manong d kayo yayaman nyan s ginagawa nyong yan s kapawa nyo...sabay alis baka sumagot p e,,,mapaaway p ko ng todo.. ???
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: Katie on August 27, 2009, 07:56:20 am
taxi: nakew, samot saring bad experience ko sa taxi, sa sobrang dami, hindi ko na mabilang. latest yung last sunday na kung san kami pinagdadadala, umabot ang babayaran namin sa 275. grabeh. kunyare, hindi alam ni manong yung c3. grabeh.
 
bus: ipis! ipis! sobrang eewww..
 
mrt: nakababa na ako, tas si bf hindi pa, magsasara na ang train, sobrang takot ko lang.
lrt: pag may nakita akong may edad na, pinapaupo ko talaga. pero there's this instance na pinaupo ko na yung ale, ayaw pa niyang kunin. as in parang lumalabas pa na pinagpipilitan ko pa siyang umupo. since then minsan na lang ako offer. i mean, nagmamagandang loob ka na, sila pa ang proud!
 
puj: sa davao toh, may katabi akong may malaking envelope. sobrang laki na yung ibang part, nasa leg ko na din. tas napansin ko, bat yung bag ko, parang nag mo move? yun pala, parang hinihila nung may malaking envelope. dito naman sa manila, may group ng mga pasahero sa may tapat ng office, pagsakay namin, kitang kita ko, yung isang lalaki, he spat on the seat. tas sabi nung isa, uy, dito kayo umupo kase may mga dumudura jan. i felt weird, so i went down. nalaman ko nalang, mga snatcher pala yung mga yun.
 
tricycle: may tricyle akong twice ko na nasakyan. sobrang dami nyang tanong, kesho san daw ako nakatira, bat hindi daw ako hinahatid ng mister ko, may anak na ba daw ako? small talk o masyado ng personal ang mga inquiries ni manong?
 
hhhaaayyy...
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: Mommy Jhen_Gavyne on August 27, 2009, 09:11:59 am
Bus
naalala ko pa nung college ako mga 4th year yt me nun may thesis kami ako ang nahwak ng pera then sumakay ako ng bus kasi yung mga ka group ko from alabang to sucat nung nasa sucat kami sumigaw yung ale nasa likod ko na "miss yung bag mo binubuksan nung lalaki ns likod mo knina p niya binubuksan yan" kinabahan ako nun buti nlang nkita nung ale kung hindi wala kami pangastos sa thesis namin.

MRT

Nasa Ayala Station kami paakyat may ale mas nauna smin tpos may lalaki sa likod niya nakita namin na binubuksan nung mama yung bag ng babae yung ex bf sumigaw na miss yung bag mo binuksan ng lalaki yung mama sabay takbo sya tpos yung nakuha niya sa babae tinapon niya pinahuli namin dun sa guard ng MRT.

Ky mga sis mag ingat tayo sa pagsakay sakay sa mga public vehicle
Title: Did I help or was I scammed?
Post by: Mommy Jazz on November 07, 2009, 02:42:19 am
Palibhasa bihira ako lumabas kaya ngayon ko lang naengkwentro ulit yung mga nanlilimos sa jeep na iba ang style. They put envelopes/leaflet on the passengers' lap, give a short speech, sometimes a song (kung Christmas may tamborine pa and will sing the chorus of give love on xmas day) then ask for donations.

That teenager should be in school. Tauhan man siya ng sindikato or real Christian group, he should be in school kaya dukot ako ng barya. Other passengers gave too, parang naghintay lang kung may mauuna.

I googled United Christian Mission, that's what's on the leaflet, and boy, all hate blogs. Oo nga naman, walang address, email or landline na nakasulat sa leaflet. Just a cel# and their mission.

Kawawa naman ang mga batang ito.
Title: Re: Did I help or was I scammed?
Post by: dej on November 07, 2009, 06:49:29 am
hi mommyjazz.. lagi ko naeencounter yang mga ganyan lalo na pag magdedecember na nung nasa manila pa ako.. mas madalas sa mga jeep talaga.. pero meron din sa mga bus.. ewan ko sis.. ako never talaga ako nagbigay sa kanila.. kase hindi naman ako sigurado kung totoo ba yung mga sinasabi nila na mga org nila.. baka kase sindikato lang.. kahit naawa na ako sa kanila hindi padin ako nagbibigay.. sabi ko kase mas maganda kung sa mismong charity na lang at lest alam ko na mapupunta talaga sa dapat kapuntahahan.. kahit nga po sa mga namamalimos,, hindi ako nagbibigay..kase iniisip ko nasan ang mga magulang ng mga to na dapat sila ang ngtratrabaho at yung mga anak nila ang dapat nasa school at nagaaral hindi yung lumalaboy sa kalsada..
Title: Re: Did I help or was I scammed?
Post by: SEAMANSWIFEY on November 07, 2009, 11:32:22 am
kahit nga po sa mga namamalimos,, hindi ako nagbibigay..kase iniisip ko nasan ang mga magulang ng mga to na dapat sila ang ngtratrabaho at yung mga anak nila ang dapat nasa school at nagaaral hindi yung lumalaboy sa kalsada..

i agree sis..kahit kelan, hindi talaga ako nagbibigay..kasi para sa akin, sa paglilimos natin, tinuturuan natin sila maging tamad at maging palaboy na lang..siguro mawawala totally ang namamalimos sa kalsada kung wala nang magbibigay..
Title: Re: Did I help or was I scammed?
Post by: mariann on November 07, 2009, 11:36:43 am
i don't usually give with that kind of begging.

what we can do to help them is to make them realize that they have to earn their living by and not just begging for alms or donations.

when kids would beg from us in our car, especially during christmas season everytime we gas up, we ask them, "san ba tatay or nanay ninyo?  dapat sila nagpapakain sa inyo."
Title: Re: Did I help or was I scammed?
Post by: katgener on November 07, 2009, 11:59:40 am
Humm mare, I guess you got scammed.  :-[ Usually lumalabas ang ganyang raket pag malapit na ang pasko. Madaming ganyan sa may Pacific Star - Buendia area. Meron pa nga may dalang bata eh. I heard about that group. I don't think any legitimate religious group will allow children wander off and ask for donations - in a school day! Sad nga kasi ginagamit ang mga bata sa modus nila tapos wala naman nanghuhuli kesyo wala daw nagrereklamo.

Ako kasi maawain... pati mga girls ganun din. What we usually do we don't give money kundi pagkain (either sinasamahan namin silang bumili kahit fishball or drink or binibigay namin kung may mga take outs kami). I dunno mare if you noticed yung babae na nakatambay parati sa Pacific Star na may baby at 1 yr old na bata. Ilang beses ko na yan binigyan ng lucky me, water and milk sila. minsan ko na din pina report sila sa MAPSA para tulungan sila sa DSWD para iuwi sa Bicol (sabi niya kasi gusto niya umuwi). Iniwan ng asawa tapos 20 yo sya. Pero after ilang linggo nandun nanaman sila. Then I stopped giving na thinking na baka di sya uuwi kasi alam niya may magbibigay sa kanya. Bad kasi ang mga bata ang nahihirapan sa ginagawa niya.

I wonder why the government can't resolve this. May pondo naman sila!

Di bale mare, at least alam ni Lord na nag bigay ka para makatulong. That's what matters talaga. Merry Christmas!!! ;D
Title: Re: Did I help or was I scammed?
Post by: precios on November 07, 2009, 12:13:42 pm
ako hindi ako ngbibigay agad,lalo na sa mga ganyan,kasi di ba nga may nabalita na ng mga ganyan,tas hindi pala totoo na missi0n nila yun,,kaya lesson yun sa kanila pag hindi ako mgbigay kahit piso,.
nakakaawa yung ganun pero kung bibigyan mo,,umaabuso naman,kaya bahala sila.
Title: Re: Did I help or was I scammed?
Post by: Chie77 on November 07, 2009, 03:40:09 pm
sis na scammed ka ata..

ang sister ko head social worker sa isang ngo, nagulat sya sa pasay may nagbigay ng envelope nakalagay institution nila..

sis, ako, di ako nagbibigay - because by giving them money, you are in a way tolerating them. for the children, it is very dangerous living in the street. for the adults, di na sila magwowork kasi nakakakuha naman sila money dun.

just my pov :)
Title: Re: Did I help or was I scammed?
Post by: manang_biday on November 07, 2009, 08:07:50 pm
pang karaniwan na ang ganyan!

Sa bandang Nichols naman  and East Service road in Taguig, sobrang dami nila, nung bago pa sila, nagbibigay ako kase ang katwiran ko, at least hindi snatchers ang umaakyat sa jeep. I'm just wondering parang walang ginagawang action ang gov't, sobrang nakakaabala na sila, pag hindi ka pa nagbigay, dudura sa harap mo or sasadyain kang sasandalan or aapakan ang paa. Malalakas naman sila para magtrabaho tsk!
Title: Re: Did I help or was I scammed?
Post by: yhamslove® on November 09, 2009, 11:01:46 am
meron din yung iba kakatok or magdodoorbell sa gate... mag-aabot ng envelope na wala ring address or phone number yung org na nire-represent nila... they would say their from so and so christian group na gustong makalikom ng pera para maidonate sa mga less fortunate daw... tapos hindi ka pa nakakapag salita kakanta na sila... pero after ng song nila.. i would say.. sorry wala pa akong pera... they would answer: KAHIT MAGKANO LANG PO... sumasagot talaga ako... pero in malambing way naman: DI BA HINDI NAMAN COMPULSORY YAN?

kahit sino kase pwedeng magpaprint ng envelope at kumanta sa mga bahay bahay... pag may nanlilimos... food ang binibigay ko kapag may dala ako... pero pag wala.. pinagdadasal ko nalang... kung totoo mang in need yung tao...
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: Mommy Jazz on November 15, 2009, 09:16:00 pm
Topic merged with "Did I help or was I scammed" thread because it's about a jeepney experience.

At eto naman ang bago kong experience. May bumaba sa jeep after 2 kanto lang ang pag andar. Soon hinihingi nung ale yung sukli niyang P36. Naabot na daw nung driver at nagtalo sila dahil hindi pa natatanggap ng ale. Kumibo yung katabi kong babae na baka daw na MO sila nung mamang bumaba.

Eto ang style nila, umuupo sila malapit sa driver, kunwari taga abot ng bayad at sukli pero iniipit nla yun. Then bababa agad bago may makabuko. Sabi ko, for P36 gagawin niya yon? Eh baka daw may mga saktong bayad siyang hindi inabot sa driver, together with the P36 sukli, baka naka P50 din siya, tapos lilipat sa ibang jeep. Ilang jeep at pasahero rin ang nabibiktima nila sa 1 araw, pwede nga naman i-career yun.

It's sad kasi paying for a jeepney ride is one of everyday proof that Filipinos are honest, ngayon tainted na.

Dagdag pa nung Aleng katabi ko, iba-ibang style daw yan which I haven't experienced or searched on. Meron daw "dura" MO, "laglag brya" MO, atbp.

ano yon?
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: katgener on November 15, 2009, 10:48:26 pm
Share ko lang mga mommies ang horrific experience ko sa MRT nun buntis pa ako. Na post ko na ito before pero post ko uli sa di pa naka alam sa story...

General Category / General Discussion / An Incident at MRT      

on: June 12, 2008, 04:38:17 pm

Hi mommies, I want to share my horrible experience to you guys… Have you ever tried riding the MRT? Did you noticed na napaka gulo at walang sistema ang MRT?  ???

I’m now 21 weeks pregnant. I had a couple of mishaps involving the unsystematic, disorganized, overcrowded and infamous (?) MRT Station… :(

I was only my way to work to the airport on May 30. As usual, magulo ang MRT Taft. Usually I take the elevator. Pero that day, di sya available… sira daw (as always) so I took the stairs instead. It got rowdy when some people climb the stairs at our side (going down kc kami). I heard somebody na mabagal daw ako maglakad (eh kc nga buntis eh!) tapos I felt someone pushed me down. I almost fell and I sprained my ankle really bad. Nobody took responsibility nor anyone tried to help me. I ruefully report to work and took the half day off to see a doctor.  :'(

 Last Monday – June 2, I was on my way home naman. As usual, I took the train and grabe ang crowd. It seems that everybody doesn’t care kung sino ang mababangga nila. I saw one toddler cried kc naapakan yata. Masyadong disorganized talaga! Nakakaawa ang mga bata and preggy mommies like me – as if lulusob kami sa riot! Anyway. The ride home naman is ok until I reached MRT Guadalupe Station. DI pa ako nakakalabas.. may gusto nang pumasok. When I was about to go out, (pa side kc ako maglakad since I had a bad ankle and I was protecting my tummy na di banggain ng mga sumasalubong na crowd) the door suddenly closed … as in naipit ang tummy ko! Walang sensor ang pinto. I frantically tried pushing the door to open. And the passengers inside… just stared and screamed!  One lady tried pulling me from the outside. She was screaming for help nga pero the guard can’t hear us. The train was about to move when I was pulled free. Grabe as in ang sakit! Good thing an officemate saw me and helped me find the station supervisor. We approached the guard pero parang ayaw pang iwanan ang post niya. When we finally reached the station office, parang deadma pa yung supervisor. I explained what happened and he said shrugged “eh miss wala naman tayong magagawa kung bastos at walang disiplina ang mga Pilipino. Kahit nga buntis di nga pinapaupo eh!”  May gosh I had 2 accidents at the MRT premises tapos yun lang ang masasabi niya! I told him na dapat ihiwalay ang pregnant, disabled and women with children. Just like at the LRT…   ???

The pain was unbearable na. Finally, I asked “if something happens to me and my baby, what will the MRT management do to assist?” And you know what he said? He just asked me to write a complaint!  :o

Pero I felt contractions na. Siguro na tauhan sya kc I started bleeding. Dun lang naisip nila to secure an ambulance… after 1 ½ grueling hours?! I was bought to the hospital… I had a preterm labor. Buti nalang naagapan.  >:(

The MRT management only provided the ambulance… but they didn’t help me with the hospital expenses. It was a very traumatic experience.  :(

Kanina, I tried riding the MRT. May slight changes na sa MRT Taft Station. Separate na ang way ng pregnant women and disabled – pero to sum it up… disorganized parin. Still, the MRT management didn’t provide a separate car for the pregnant and disabled. Mas magulo nga kasi pasukan na.  :-\

I’m now filing a complaint to MRT. Please help me by giving feedbacks on how we can improve our transit system. I also need your support and encouragement with this matter.   :'(


Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: alexismom on November 16, 2009, 01:11:50 am
sis, traumatic naman yung experience mo. wala na silang awa sa iyo to think that they can see na you're pregnant. kawawa naman baby mo. i hope you're okay. may sections ang train na for women lang talaga kaya lang madalas mabilis din mapuno. dati may nakita din akong buntis na walang maupuan. buti may space pa sa tabi ko kaya tinawag namin para makaupo. ang hirap pa naman magmove pag buntis.

i had a bad experience din sa MRT before pero hindi naman ganun. may guy lang sa super dikit sa likod ko at halata naman na maniac ang hayup. hay naku. buti na lang nakalayo ako. kapal ng mukha. kaya i make sure na dun ako sa coach for women sumasakay kahit sa bandang unahan pa talaga ng train yun at mahaba lalakarin ko.

here are some bad experiences i had as a commuter:

BUS: i used to work in a call center and graveyard shift ako. from cavite, i took an aircon bus to pasay taft. i sat beside this twenty-something man who looked decent naman. he had a backpack placed on his lap tapos ako i had my big leather bag on my lap and a coat covering my upper body kasi malamig. i fell asleep kasi puyat ako nun. i thought i was dreaming kasi i felt something touch my right thigh. deadma lang kasi parang wala ako sa sarili sa sobrang antok. after about 30 minutes, i felt someody squeeze my thigh and i woke up. baclaran na pala and sumenyas yung guy na bababa siya. pag-alis niya, i saw his ticket placed on top of my leather bag. he scribbled: you can sleep beside me anytime and his cellphone number. i just threw it away. maniac! hay naku. kahit hindi ako nakaganti, naisip ko may karma naman. makakahanap din siya ng katapat niya.

another time naman from cavite to libertad ang biyahe ko. past 7pm na when i rode the bus. konti lang passengers so i chose a seat na pang-two persons. wala akong katabi plus vacant din yung nasa kabila ng aisle. yung seats lang in front of me and opposite nun may passengers. i took a nap after paying for my ticket. i woke up pagdating sa coastal road. alam niyo yung feeling na parang may nakatingin sa iyo. when i opened my eyes, may guy na nakaupo sa seat sa kabilang aisle. he was wearing his white uniform na parang pang maritime student. tapos he had a backpack and t-square. deadma lang. after a few minutes, he asked me for the time. sinabi ko naman tapos hindi ko tiningnan. i wanted him to get the message na hanggang dun lang ang conversation namin. tapos nakatingin pa rin siya. he asked me kung saan na daw yung bus. i told him sa MIA road na kasi nasa tapat na kami ng coastal mall by then. he asked me to go down the bus with him pagdating ng pasay. duh?! friends kami?! i didn't look at him at all. sabay sabi niya, pag sa lawton daw ba kami bumaba, may masasakyan kami? ohmigosh. ano ako mukhang puede ipickup. for crying out loud, kasing age lang siya ng younger brothers ko no. parang gusto ko sabihin na wag mo ako manyakin kasi parang ate mo na ako. tapos napapansin nung passenger sa unahan niya na kinukulit niya ako so tumitingin sa amin yung guy. alam niya kasi wala naman akong kasabay umakyat ng bus. yung conductor nasa harap ng bus so hindi naman ako makahingi ng tulong. medyo nanginginig na ako sa nerbyos at inis nun. sabay tumayo yung guy at lilipat sa seat ko. medyo masikip yung aisle and yung space in between the seats so natatakot ako na baka pag nasiksik niya ako, hipuan na ako or tutukan. sobrang paranoid na ako so i took my bag and bumped him pag tayo niya. nahulog yung t-square niyang dala so he had no choice but to stop and pick it up. umupo ako sa vacant seat near the driver just in case lumapit siya makahingi ako ng tulong. i was already dialling my officemate's number para masabi kung ano nangyayari sakin kasi malapit na sa libertad at bababa ako. in case something happens, makausap ko na friend ko to inform him about my predicament. pumara ako sabay baba. tumayo yung guy kaya binilisan ko na sabay para sa bus bound for ayala na kasunod nang bus na binababaan ko. pagsakay ko, tingin agad ako sa door kung sumunod siya. buti na lang hindi. for quite sometime, naparanoid ako pag nakakakita ako nang naka-uniform na ganun. 

this happened last year naman. gabi din. i had a shift on a sunday night. i boarded an aircon bus bound for lawton. pagsakay ko, may sumakay na 8-10 people in their late teens to early 20s. they were a rowdy group. hiwa-hiwalay sila ng upuan. nakaupo ako sa bandang gitna ng bus and bandang likod sila umupo. may about 4 people from their group na nasa pinakadulo pumuwesto. after paying for the fare, i closed my eyes but i was aware of the sounds and movements around me. i heard them shouting and laughing. may sumasaway sa group nila kasi nagyoyosi daw yung isang kasama nila. may umihi pa daw sa likod. ang ingay na talaga. naalarm na yung ibang passengers kasi drunk pala sila. when the bus got to imus, may bumaba nang pamilya from the bus kasi natatakot yung parents dahil 2 bata kasama nila. siguro naisip nila na pag nanggulo yung group na yun, kawawa yung dalawang bata. natatakot na rin ako pero ayoko naman lumipat ng bus. after a few minutes, may nagmention na may dala daw bomb. bawal na kahit magjoke about having bombs di ba? nagreact na yung ibang passengers and nagsumbong sa conductor. ang gulo na ng group na yun sa likod kahit nakiusap yung conductor na umayos sila. pagdating ng bacoor, tumigil sa tapat ng police station yung bus and bumaba yung conductor para magsumbong sa policemen na nakatambay sa labas. bumaba na rin ako agad along with some passengers kasi kinabahan ako nang todo after hearing about a bomb na dala daw nila. umakyat yung policemen and pinapunta sila sa loob ng station. they checked the bus at wala naman bomb. todo pakiusap na sila sa loob saying na joke lang daw. hindi daw sila manggugulo. yung isang passenger sumakay na lang ng ibang bus habang ako nakatayo pa sa labas. nakiusap yung iba from that group na pasakayin sila kasi kulang daw money nila pag sumakay sila ng ibang bus or jeep. una, pumayag yung isang policeman kasi mukha nang nahimasmasan sila pero i refused to board the bus. nagdecide yung police na wag sila pasakayin kasi hassle na sa matitinong passengers at nagalit na rin yung driver and conductor kasi nagbababaan na ibang passengers. ayun, iniwan sila dun. hindi na namin fault yun kung wala silang pera dahil in the first place sobrang takot and nerbyos inabot namin dahil sa kanila.

JEEP: i studied in a chinese school in pasay when i was in high school. 4th year high school na ako nun and my mom allowed me to commute home alone. dati kasi gusto niya sabay kami umuwi. from pasay, i would take the LRT to baclaran tapos sumasakay ako ng jeep going to cavite. napapansin ko may guy in his 30s na sumasakay ng jeep after ko sumakay. it happened once, twice tapos thrice a week na. pagsakay ko ng jeep, he would board it after 5-10 minutes. i found it weird kasi lagi ganun. hindi naman siguro coincidence yun kahit sabihin na taga-cavite din siya. isipin mo halos thrice a week, sumasakay siya ng jeepneys na sinasakyan ko right after ko umupo. creepy pa itsura niya. he would stare at me the whole time. dun siya umuupo sa tapat ko lagi and he would look at me na nakangiti ng konti. parang hinuhubaran ka na ng tingin niya. natakot na ako na lagi ko siya nakakasabay kaya iniiba ko yung time nang pag-uwi ko. nakakaparanoid sobra. one afternoon, nakasabay ko nanaman siya. di ko na matiis na nakatingin siya sakin kaya naglabas ako ng small scissors na pinadala ng lola ko and i stared at him too. it was my way of saying na if he planned to hurt me or stalk me pa, lalaban ako. after that, i totally changed the time nang pag-uwi. hindi ko na siya nakasabay until i graduated. when i was in 1st year college, nakasabay ko uli siya. iba na hairstyle ko nun plus i had my face covered with a handkerchief. tiniis ko talaga na wag tanggalin para hindi niya ako marecognize. kunyari i was protecting myself from the pollution outside pero ayoko na makilala niya ako.
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: GL and KL on November 16, 2009, 04:22:54 am
*sigh.. napaka unsafe na talaga.. riding PUV and kahit sa mga private vehicles, hindi na rin safe.. pano na...

JEEP
one time,grade 7 ako nun, pauwi ako from QC going home sa makati (takas lang ako at nagcommute lang :) ), after MRT,sumakay ako jeep sa guadalupe, tapos sa harap ako umupo katabi ng driver.. tapos bglang may sumakay na lalake sa tabi ko umupo.. nagbayad sya ng pamasahe, then tnanong sya ng driver if saan sya ba-baba, sabi niya "jan lang".. tpos tnanong ulit sya, un parin sagot niya... then mga 3 blocks away nung kakasakay lang niya, bgla na sya bumaba then sinubukan niya kunin yung NOKIA 6150 ko, buti nalang hinid ako nag panic, ang ginawa ko lang was to hold on tight sa celfone ko..ayun nakpgagawan sya pero hindi niya nakuha.. tpos nung nakalayo na kami, sabi sken ng driver,madami daw talaga snatcher sa may guadalupe... buti nalang talaga hinid ako nag panic nun at hindi ako lumaba pero nakahawak ako maigi sa cel ko... way back 1999 or 2000 un... after nun hnid pa naman nasusundan... pero ngayon, lagi akong kinakabahan pag asa taxi kami ni kirsten or kahit na may dala kami coche, feeling ko kase anytime pwede may mangyari masama.. mabangga kami or kng ano man.. kase last summer nito lang, 2009, nabangga ako ng MMDA, at REALLY it was his FAULT.. tapos ayaw niya xempre aminin na kasalanan niya.. eh obvious naman sya may kasalanan kase bgla sya ng counterflow... (tomas morato area)... buti nalang hnid ko kasama si kirsten nun, kase ang lakas ng pagka break ko, baka kng kasama ko sya tumilapon siguro sa yung carseat.. buti nalang din at front bumber niya ako nabangga kase hnid maxado malaki yung damage, kase ako mismo magpapagawa ng coche dahil AYAW niya UMAMIN!! and kung iffile ko yung case sa court eh napakalaking abala nun... hinid ko naman sya inoobliga magbayad ng damage kase insured naman yung coche, yung AMININ lang niya is enough na para matapos na ang problema... simula nun,asar ako pag may nakikita ako MMDa  >:(
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: Mommy Jazz on November 16, 2009, 10:25:15 am
Mommy KAT, ikaw pala yun. I remember that story of yours, kinuwento ko nga yan sa Husband ko, He asked what your husband's reaction daw. Kasi kung siya, baka basagin niya lahat ng salamin sa office ng MRT.
What happened to your complaint na? May nakasuhan ba? How's the baby?
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: LOVEmyLIFE on November 16, 2009, 12:15:43 pm
Just recently, I need to go to Mckinley to get some necessary documents so I took the MRT for a more convenient ride. Since I'm in a hurry, nagkasya na lang ako bigla sa door and realized later on na hindi pala yun yung pang ladies/disabled/elders side of the train. There's this guy na I thought at first very gentleman since hinarang niya yung arms niya sa back ng head ko kasi nasisiko yung ulo ko ng other passengers (Nasa door area ako and kulang na lang ilapat ko ang face ko sa door sa sobrang dami ng peeps). Nung nagbaba na sa isang station, pumwesto na siya sa back ko kasi may mga bumaba na. Akala ko talagang yun ang reason niya. Pero parang napansin ko he almost tucked me sa door (nasa side ako ng door where he is holding sa steel bar then yung arms niya extended sa door), his arms almost around me :o Siyempre akala ko madami pa din tao. Kaya lang nung next stops na I realize na maluwag na yung pinakaloob pero ganun pa din yung pwesto niya and I can feel his front brushing my back. Kaya nung nagstop na ulit, bumaba ako and just entered again but this time I avoided him. I was shaking sa inis and galit. >:( One passenger told me na they thought we were together kasi napansin nila na uber close siya sakin. I didn't bother informing my husband about the incident kasi for sure babawalan na ako nun lalo umalis ng house mag-isa.

Kaya gurls out there, talagang we should be extra careful. The guy really looks decent and you would never thought na gagawin niya yun. From now on, hahayaan ko na lang ma-late ako sa appointment kaysa maka-encounter nanaman ng male chauvinist pig like him.
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: yhamslove® on November 16, 2009, 03:40:39 pm
^super haba ng mga replies.. dami kasi talagang eksena sa mga public utility vehicles eh...

basta naconclude ko from my experience:

HINDI LAHAT NG ORAS KAPAG PREGGY KA MAY SPECIAL TREATMENT... TALAGANG MAY MGA TAONG MATIGAS ANG MUKHA... LALAKE MAN... PATI MGA BABAE..
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: katgener on November 16, 2009, 05:51:53 pm
Mommy KAT, ikaw pala yun. I remember that story of yours, kinuwento ko nga yan sa Husband ko, He asked what your husband's reaction daw. Kasi kung siya, baka basagin niya lahat ng salamin sa office ng MRT.
What happened to your complaint na? May nakasuhan ba? How's the baby?
Hi Mommy Jazz... Yep ako yun mommy. Nakwento ko na syo yun nun nagkita tayo sa isang VTR. Reaction? After sa incident na yun tinutulak ko na mga tao palabas ng door. Lagi na akong may dalang payong para pang harang. Minsan muntik na ako awayin pero i'm just protecting my baby diba. Na trauma kasi ako. Kung di lang talaga mura ang MRT at mabilis - mag ba-bus ako.

nag complain ako pagkapasok ko sa work at ang sabi nila:

Me: Hello, my name is kathleen P, I'm filing a complaint with regards of the incident happend a few weeks ago"

MRT girl: Ano po nangyari miss?

Me: (syempre kwento for the "nth" time ang nangyari). Well, may magagawa ba kayo? We spent 30K and hanggang ngayon na tra-trauma ako sa nangyari...

MRT Girl: (butts in... interrupts) eh anong oras nangyari miss...

Me: Mga rush hour, 6:00 to 6:30...

MRT Girl: Ay miss di po pwede kayo mag claim kasi wala na pong nurse on duty sa time na yan. Hanggang 5:00 Lang sila.

Me: Ano?! **** Alangan naman orasan ko ang aksidente ko! Ano ba kayo?! Kung natuluyan nakunan ako ganyan din ba gagawin nyo?! Magpapatawag ako ng press!!! Magsusumbong ako kay -- TULFO! Tama magsusumbong ako kay Tulfo!

MRT Girl: Kahit magsumbong kayo wala pong mngyayari. Wala na tayong magagawa kung bastos ang mga pilipino. Di naman kayo pinipilit sumakay ng MRT. Kung ako pa syo sumulat na lang kayo dito para mag file ng complaint... (Sabay baba sa phone)

As predicted, nahirapan ako sa pregnancy ko. Nanganak ako ng maaga - as in the day ng final casting ni Nathalie sa Mercator. After nun derecho ako sa VRPMC. Na CS ako and wella - lumabas si Justin. Nagka Jaundice sya for 25 days... tapos may blood infection pa. Pero nawala din dahil sa prayers.

Guess what, he had his 1st TVC pagka 3rd or 4th week old niya... yung UNILAB TVC last Christmas. Sya yung baby dun dala ng girl na naka wheel chair. Swell!!!
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: Mommy Jazz on November 17, 2009, 04:34:31 pm
You can forward your story to Malou sarne of DWIZ who can relay it to Rey Langit. Mas madali yun kaysa kay Tulfo because Marou is a fellow SP.

Wow, showered ka with luck and blessings. Congrats! Sana pagbayarin ng karma mga taong masama.
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: katgener on November 18, 2009, 03:47:14 pm
You can forward your story to Malou sarne of DWIZ who can relay it to Rey Langit. Mas madali yun kaysa kay Tulfo because Marou is a fellow SP.

Wow, showered ka with luck and blessings. Congrats! Sana pagbayarin ng karma mga taong masama.

Oo nga mommy jazz. talaga pwede? sige, pag panget parin ang byahe ko sa MRT mamaya... susumbong na uli ako - di na kay tulfo - kay ray langit na  ;D

Sana tuloy tuloy nga mommy. ikaw nga print ads si julia sikat! swell!!!
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: Mommy Jazz on November 20, 2009, 07:58:10 am
What's more Mommy Kat, Marou or Rey Langit can interview you over the phone (if you can't come personally to DWIZ) and they will have an MRT rep on the other line or in person.
Kainis talaga yung nangyari and treatment nila sa iyo. Hindi dapat sisihin ang ugali ng Pilipino. MRT is a system. Hindi sila trasport provider lang.
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: Mommy Ineng on November 20, 2009, 10:08:09 am
Second time ko mong-mrt last week,going to Trinoma(first yong sa eb sa wensha) Grabe...nakaka-trauma ang experience ko kase muntik ng mag-stampede.Walang sistema ang mga pasahero kahit puno na pipilitin pa ding pumasok tsaka nagtutulakan.

Kala ko okay umulet..nong first time ko kase maganda naman ang sistema or hinde lang talaga rush hour.

Most of the time taxi,fx or sariling car ako magbyahe...nagulat lang ako sa sistema sa MRT.Only in the Philippines yata..tas nabasa ko pa yong story ni sis katgener.Nakaka-disappoint at the same time nakaka-takot din  :(
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: yhamslove® on June 16, 2010, 03:24:43 pm
One time last month, medyo natagalan yung pagdating ng mga fx sa may fx bay sa Gateway (Cubao). Pangatlo ako sa pila.

Kaya nung dumating yung fx (biyaheng Marikina) relieved kaming mga nakapila.

Nagulat nalang ako kase may biglang humawi sa akin. Sila Lola (mga 60's na, dalawa sila).

"Ay, may pila po" sabi ko.

"Iha! Senior Citizens kami!" (ang sungit ng LOLA mo ha  ???)

Grabe na-shock ako.. hindi ako makareact kase baka ako pa ang lumabas na mali kapag sumagot ako.

Sabi nung mga dalagang nasa likod ko "Ay sila lola sumisingit..."

Nagkangitian nalang kami, sabi ko, "Senior citizens daw sila eh.."

Hanggang sa loob ng fx, nagsasalita yung Lola "Bakit, sa mrt at sa lrt nga may courtesy lane para sa mga senior eh..."

Gustuhin ko man sumagot, natulog nalang ako... hindi ko rin alam kung anong pwedeng nangyari kung nagmatigas ako eh. pero okay na yun, at least nakasakay pa rin ako sa fx na yun.
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: ♥maarte♥ on June 16, 2010, 04:24:58 pm
Share ko lang po…

it's my 3rd week of going to and from Cavite, so bus rider na talaga ako.  since hindi ko pa masydong kabisado when and where should I wait for the bus, ayun, madalas nakatayo na ko.
 
one time, nakasakay ako sa baclaran, tayuan na pero ok lang... sari-sari ang mga nakatayo—babae, lalake, office girl, karpintero (so to say kasi may dala silang mga lagare and tool box eh..), basta marami.

sa kasikipan ng aisle, hindi ko agad napansin yung mama, blue yung damit niya, parang pareho sa damit ng mga mama sa daan… pulis ba tawag sa kanila? hehe, yes, pulis sya.  OK, sabihin na natin na nagbayad sya ng pamasahe, at tao rin sya, napapagod at gusto magpahinga sa byahe… pero naman, bakit kelangan matulog ng natutumba, heller, naka-upo na nga db? So in short, since nasa aisle sya, wag naman matulog na natutumba.  Well, not sure if he’s really tulog ha, pero para kasing way niya para maka-chansing sa mga girls na nakatayo. Argh! Kahit hindi ako yung binabagsakan ng nagtutulug-tulugan nyang ulo, naiinis ako sa sight na yun, napaka-inconsiderate!
Buti na lang yung natapatang babae eh mas matapang sa kin.

Eto yung exchange of words nila:

Pulis patola (este… PULIS lang pala): hrrrrk…. (naghihilik po).

Office Girl: (pabulong muna) ay, ano bay an? Sobra naman…

OG: hay naku, grabe talaga ha, masikip na, tumba-tumbahan pa ang drama.. (modulated voice)

Pulis: huhmm… mm..mm… (medyo umayos ng konte pero tulog pa rin)

OG: Naku mamang pulis, baka pwede naman pong wag kayo matumba habang kasarapan ng tulog nyo… masikip pa po kasi kami dito’ng mga nakatayo (modulated pa rin ang voice)

Pulis: huhmmm…. (deadma.. pero inayos ulet konte yung pagkakaupo…)

Nag-preno yung bus un-expectedly.. so malamang lahat ng katawan nagpuntahan sa harap ng bus… syempre kasama si mamang pulis… eh iba yung nakapitan… BEWANG na pala ni office girl!!! Hala… kaya:

OG:  AY ANG KAPAL NG MUKHA!!! Mamang pulis sana naman maramdaman mo na mahirap ang nakatayo dito sa bus na ito habang masikip at papreno-preno yung driver tapos meron ka pang katabing MANYAK in full UNIFORM! Alam mo yun?! nu pangalan mo?! (sabay silip sa dibdib ng mamang pulis na naalimpungatan)…

PULIS:  nagulat. natulala. At eto ang the best, nawala yung antok niya.   8)
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: YANCY&SOPHIE'Snanay on June 17, 2010, 10:28:36 am
OG:  AY ANG KAPAL NG MUKHA!!! Mamang pulis sana naman maramdaman mo na mahirap ang nakatayo dito sa bus na ito habang masikip at papreno-preno yung driver tapos meron ka pang katabing MANYAK in full UNIFORM! Alam mo yun?! nu pangalan mo?! (sabay silip sa dibdib ng mamang pulis na naalimpungatan)…

PULIS:  nagulat. natulala. At eto ang the best, nawala yung antok niya.  

nu ke sophie, me mga pasahero aba, nagmamadaling sumakay, eto dialogue ko:  Ay, excited silan sumakay!  First time kasi nilang sumakay sa MRT kaya sabik na sabik sila  Me nagreact na pasakay na lalaki "T***na mo!" sabi sa akin, balikan ko nga sabay sabi "AY, wawa ka naman, first time mo sa MRT taz di ka pa naturuan ng good manners nung bata ka pa, siguro mineral ka, hindi tao" sabay, dramatic talikod at poise na lakad.  pero deep inside, medyo kinabahan ako kasi mukhang nangangain n tao yung mama hehe...asar lang me kasi naipit konti yng tyan ko.
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: mommyjanice on June 17, 2010, 01:10:52 pm
Jeep:Bago lang kami magBF dati ni hubby.may nakasakayan kami na lasing na mama.Bale magkaharapan kami.Aba, kinikindatan at iniismaylan ako.komo lasing, siniko ko nalang si hubby na wag pansisin.

pagbaba namin, nauna si hubby tapos ako.bigla na lang akong napasigaw ng maramdaman ko na hinawakan ni mamang lasing yung pwet ko..As in 2 kamay pa..

Sabi ni hubby,bakit..pero kitang kita niya pala kasi ngumisi pa si bastos sa kanya.Ayun di nakapagpigil, hinila niya pababa si lasing saka binugbug kahit pinapatigil ko na sya.Ang ending, sa police station ang bagsak namin.Nagrekamo si lasing dahil puro pasa..haha

MRT:

Syempre siksikan.Ortigas station nung sabay kaming sumakay ni Ms. Feeling.Aba sa sobrang haba ng hair, tumatalsik sa mukha ko (ang gaspang naman)Una di ko pinansin dahil nga lam ko siksikan.ewan ko kung nanadya pero, panay pa rin ang hagod at hampas ng buhok niya e sakto lagi sa mukha ko.Kinuha ko yung pamaypay ko at yun ang itatakip ko sana sa mukha ko..pagtaas kong ganun,nasagi ang batok niya..Aba ang dami ng sinabi.Porke di  daw ako nag iingat,etc.etc.

Napapahiya na ako dahil sa alang tigil na pagbubunganga niya kaya humulgpos na rin pagtitimpi.Sabi ko Miss, di ako pumapatol sa mga mukhang pokpok gaya mo.Kung palengkera ka, pwes maghanap ka ng kapareha mo dahil hindi kita kalevel.

May nagpalakpakan na sa loob ng Train pero dedma na ako..

Pagdating namin ng Cubao,bababa na pala sya.nakita ko na iaamba niya yung kamay niya.Siguro plano niya na pagbukas ng train , sasampalin ako,, Kaya ang ginawa ko, tinadyakan ko na sya..Oo ginawa ko yun..Di niya nakontrol katawan niya at mukhang napalakas din yata, natumba sya, sabay lusot yung isang paa niya sa butas sa pagitan ng platform at train..Sigaw talga sya..

babalikan niya sana ako (well natakot din ako kahit paano) e biglang sumara yung train.Sakto sa mukha niya talga yung paglapat.Binelat ko sya sabay nagbabye ako..haha

Madami pa kong experience sa sasakyan pero saka na..Nobela na to..


Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: Mommy Jazz on June 23, 2010, 12:43:44 pm
Galing Mommy Janice! Pang script ng sine ang naging experience mo. I admire your courage! Pati na rin your Husband. :D
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: malinkelly on June 23, 2010, 01:58:42 pm
may mga na-experience na rin ako, kaya lang tamad akong mag-share... need to harvest pa.. hehe joke.
kaya lang sa lahat ng experiences ko, buti na lang hindi ako napapano... Thanks to God...
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: mommyjanice on June 23, 2010, 02:04:03 pm
Galing Mommy Janice! Pang script ng sine ang naging experience mo. I admire your courage! Pati na rin your Husband. :D


oo nga, parang ako si nora, sya si fernando po..

wag naman, sya si gerald, ako si kim...

naku mommy, first kong naipablotter,haha..
may pics pa nga kami sa police station..

 ;D
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: insensitive on June 23, 2010, 03:14:14 pm
Galing Mommy Janice! Pang script ng sine ang naging experience mo. I admire your courage! Pati na rin your Husband. :D
<br hahaha..

oo nga, parang ako si nora, sya si fernando po..

wag naman, sya si gerald, ako si kim...

naku mommy, first kong naipablotter,haha..
may pics pa nga kami sa police station..

 ;D

mommyjanice tapang mu pala hehe.ako medyo lang.

sa jeep:
galing ako sa office uwian - umuulan nun eh ayoko mabasa nung mga taong sumasakay.kasi ang iba kung makabitbit ng payong pagakyat sa jeep  sa muka mu pupunta tumutulo pa kumusta naman un.kaya dun ako sa likod ng driver pumwesto.pagdating ng kalentong may mamang sumakay.susko kung makatingin manyak na manyak so puwesto ako ng maayos.inayos ko braso ko ska yung bag ko sa Lap inayos ko din.malapit na sa VMapa parang may kamay sa Lap ko.and take note hindi sa bag nakahawak kundi sa "ano ko".nagulat ako at napamura (tang****) sabay palo ng payong sa muka niya.ayun bumaba sya ng wala sa oras tumatakbo pa ang jeep.napatingin lahat sken kala nila nalaslasan ako ng bag.

madami pa akong karanasan sa jeep ewan ko ba d naman ako bastusin pero puro ganun nangyayari sken.dahil siguro malaki bust ko?hala matino naman ako manamit ah.kaya ayoko minsan mglakad magisa(2times ako binangga sabay tsansing).ska sa jeep tinitingnan ko muna kung madaming girls sa loob.ayun sasakay ako

sa bus: wala masyado.minsan lang ako sumakay dito eh hehe.
nung galing lang akong province nadukutan ako sa bag nung katabi ko.wala tuloy ako pamasahe nangyari ngpasundo ako sa tatay ko sa cubao terminal .hala ang mandurukot bakasyunista din my goodness >:(

sa MRT/LRTwala din msyado.minsan lang ako sumakay dito.lalo na sa MRT ilang beses lang siguro mga 10times hehe.sobrang garapalan mga tao dito makasakay lang.mgBus nalang kung d nagmamadali.
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: mommyjanice on June 23, 2010, 03:20:52 pm
OT:

welcome mommycandice,nakakaSP ka na ulit.haha

..

naku kung sa tapang lang din lang siz, numero uno tayo jan..haha (palengkera bah?)

kidding aside,

pag ako o pamilya ko na ang inaagrabyado,
kahit sino o nasan ako, ala na akong iniisip..

Kahit si hubby,ilag sa akin pag ako nagalit..haha


Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: yhamslove® on June 23, 2010, 04:25:21 pm
Sabi ko Miss, di ako pumapatol sa mga mukhang pokpok gaya mo. Kung palengkera ka, pwes maghanap ka ng kapareha mo dahil hindi kita kalevel.

Ito ang mga linyang pamatay!!! Sis mommyjanice... kahit ako papalakpak sa ginawa mo!! (http://serve.mysmiley.net/happy/happy0064.gif) (http://www.mysmiley.net)

Kakabisaduhin ko yang linya mo sis! At least ngayon may pangsagot na ako!  ;D

Kase dati, pag may nasasagi ako sa MRT na di ko naman sinasadya at nagagalit sila, hindi ako sumasagot eh.. pero hindi rin ako nagsosorry, nagtataas lang ako ng kilay konte... pero hindi ako nagbibitaw ng salita kase baka kung ano pa masabi ko.

Pero yung linya mo pwede pang stat sa FB!!! ila-like ko yun!! (http://serve.mysmiley.net/sign/sign0142.gif) (http://www.mysmiley.net/free-scared-smileys.php)

madami pa akong karanasan sa jeep ewan ko ba d naman ako bastusin pero puro ganun nangyayari sken.dahil siguro malaki bust ko? hala matino naman ako manamit ah. kaya ayoko minsan mglakad magisa (2times ako binangga sabay tsansing).

Kase sis roch, ibigay mo nalang sa akin yung kabilang bumper mo! Para yung kalahati ng gustong mambastos sa iyo, sa akin nalang mapupunta.. (http://serve.mysmiley.net/sign/sign0020.gif) (http://www.mysmiley.net)

naku mga sis ko.. ingat lagi ha!!
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: mommyjanice on June 24, 2010, 07:51:49 am


Ito ang mga linyang pamatay!!! Sis mommyjanice... kahit ako papalakpak sa ginawa mo!! (http://serve.mysmiley.net/happy/happy0064.gif) (http://www.mysmiley.net)

Kakabisaduhin ko yang linya mo sis! At least ngayon may pangsagot na ako!  ;D

NYEhaha, may ganun talga!!
pano ba naman siz, pagod na pagod ako nung araw na yun..Dami stress,dami ko iniisip,dagdag mo pa ang init at siksikan,naku, di ko na talga naisip ang pinagsasabi ko..


Pero yung linya mo pwede pang stat sa FB!!! ila-like ko yun!! (http://serve.mysmiley.net/sign/sign0142.gif) (http://www.mysmiley.net/free-scared-smileys.php)

I think naipost ko nga din yun sa FB dati, tama ka..Dami naglike.. ;D


Kase sis roch, ibigay mo nalang sa akin yung kabilang bumper mo! Para yung kalahati ng gustong mambastos sa iyo, sa akin nalang mapupunta.. (http://serve.mysmiley.net/sign/sign0020.gif) (http://www.mysmiley.net)

siz rochelle,ako din gustong manghingi..baka pwede hati tayong 3..hindi sa mga nanantsing ang ibig ko sabihin kundi ehem,yung andun sa hinaharap...haha

siz, yhamslove, product namin ang silicon implant..makakakuha ako malaking discount..Haha..Peroa yaw kong itry, baka sabihin ng dati kong boss, kikumpentensya ko sya.....

naku mga sis ko.. ingat lagi ha!!
[/quote]

oo ingat lagi....At tandaan, Wag mag papaapi!!!
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: katgener on July 02, 2010, 12:24:48 pm
mga mommies, may site na sumbungan ng mga abusadong drivers and mrt/lrt experience. aim nila is mapaalam ito sa mga dapat responsible - actually, nakikilala na sila. Sabay sila naginawa nun Anti Wang Wang page. Pwede i post pics ng plate numbers, Photos, complaints, comments etc doon...

please support and promote: eto ang link...

Mga Taong Galit sa mga Abusadong Taxi, Jeep at Bus Drivers page:

http://www.facebook.com/profile.php?id=1053907226#!/pages/Mga-Taong-Galit-sa-mga-Abusadong-Taxi-Jeep-at-Bus-Drivers/139400836072936?ref=ts

Mga Taong Galit sa Sistema ng MRT at LRT page:

http://www.facebook.com/pages/Mga-Taong-Galit-sa-Sistema-ng-MRT-at-LRT/135194373169935?v=wall&ref=sgm
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: ♥maarte♥ on July 13, 2010, 08:58:21 am
just this morning, yung katabi ko sa bus hinawakan yung kamay ko--- wahhhh!!!! >:( :-[ ??? as in, grip talaga. huhuhu... nasiko ko tuloy yung dibdib niya.. langya sya... one time big time manyak...

nagulat ako kasi bigla eh... pero hindi naman marahas (pero kahit pa...) napatingin ako sa mukha niya, hindi man lang sya tumingin sa kin, kaya sa bi ko, "oy, bibitawan mo yung kamay ko or maa-upper cut ka sa kin" super kabog ng dibdib ko... ayun, hindi binitawan yung kamay ko kaya nasiko ko sa dibdib, sabay tayo ako.--baka gumanti eh...

bumaba tuloy ako ng bus.. ok lang lang.. kahit tumayo pa ko basta maka alis lang sa bus ng maniac na yun...

san kaya pwedeng magsumbong pagka ganun? argh! ang agang bad trip...  >:(
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: katgener on July 13, 2010, 10:12:49 am
@  ♥scarletbeauty♥

Pwede nyo po isumbong sa site na ito:

http://www.facebook.com/profile.php?id=1053907226#!/pages/Mga-Taong-Galit-sa-mga-Abusadong-Taxi-Jeep-at-Bus-Drivers/139400836072936?ref=ts

add and like nyo lang sa FB nyo and post ka sa wall nila short details ng experience mo. mas maganda kung na take note mo yung plane number, company and bus number. pati din anong araw at oras post mo din.

The complaints are later forwarded to LTO or LTFRB (kung PUV ang nirereklamo) pati I-report (abs-cbn) may copy ng report. I heard this page when a friend of mine posted her complaint about sa MRT. Before magkasama yung reklamo ng MRT at PUV pero ngayon hiniwalay na nila para ma monitor nila yung volume ng complaints.

I suggest lahat ng post nyo dito i post nyo sa FB site para lahat ng sumbong ay makakarating sa tamang ahensya na dapat sumbungan. It's good we pour out our fustrations dito pero mas maganda kung na-aaksyunan to  ;)

for MRT complaints, add and like nyo to sa FB:

http://www.facebook.com/pages/Mga-Taong-Galit-sa-Sistema-ng-MRT-at-LRT/135194373169935?ref=ts

subukan nyo mga mommies....  ;)
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: iyatedi on July 14, 2010, 11:25:12 am
TRICYCLE

sa province, nung single ako..usually may mga tricycle na nagaabang sa labas ng subd..there was a time na napapansin ko na yun at yun na ang nasasakyan kong tricycle..i overheard na sinabi nung ibang kasama niya.."andyan na ang kaibigan mo!"..feeling close!..sinumbong ko nga sa nanay ko..feeling ko stalker na e..ayun pinagsabihan ng nanay ko..from then on..di na sya lumapit..

JEEPNEY

sa province pa rin, nagbigay ako ng P100..malapit na ako sa bababaan ko..di pa rin binibigay yung sukli ko..i called the attention ng konduktor..aba! binigay yung sukling tag-pipiso pagbaba ko..di ko na nabilang kasi abala na sa ibang pasahero..only to find out kulang-kulang ang sinukli sa akin..kainis!

na try ko na ring nadukutan sa jeep..sa Baguio naman..last passenger na sya..ayun tumabi sa akin..balot na balot ang damit..nakabonet na may muffler tapos may dalang plastic bag..ang drama ni ate!..uubo ubo..syempre nakaharap sa akin..ang tendency iilag ko yung mukha ko..kaya tingin ako sa labas ng jeep..yun pala dinudukutan na yung bag ko..P100 lang naman ata pera ko sa wallet ko..yun nga lang yung SSS id ko andun..dito na ako nagparenew sa Manila..last December pa yun..hanganga ngayon..wala pa raw yung id ko sabi ng SSS.. :(

MRT

as usual, pag rush hour parang sardinas sa loob..nasa Cubao station ako papuntang Ayala..aba si ate..di makapagantay..nanunulak..ayun pagbukas ng door..di na ako naglakad..parang alon na nagpakaladkad na lang ako..hay!

FX

may pila sa fx sa amin..yung isang girl nakapwesto sa antayan ng jeep..aba nung dumating yung fx sa tapat niya..sya pa ang may guts na maunang pumwesto sa fx..e kami una sa pila..inunahan ko sya sa driver side then i hold the door for hubby..all the while andun sya sa door..no choice sya kundi pumwesto sa likod..nung bumaba kami ni hubby saka pa lang niya sinabing..he heard the girl say "bastos" daw ako..nakakalokah siya!..sino kaya ang walang disiplina sa amin..ayaw ko kasi sa gitna pumwesto kasi ansakit sa arms pagsiksikan..and i have an experience na gawin kang unan ng katabi mo..may kasama naman siya..bat di sya dun magunan..aga-aga bad trip ka..binubungo ko nga yung head niya ng shoulders ko..kaso waepek pa rin e..hay! 
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: ♥maarte♥ on July 16, 2010, 08:35:28 am
this happened 2 days ago.

dito sa buendia, may sakayan ng shuttle (multicab) going to moa. while waiting inside, isa na lang na pasahero aalis na... since yung ibang pasahero may kaartehan at ayaw sa siksikan, dun na sila sa next shuttle sumasakay... funny kasi eto yung linya ng barker:

barker: oh, isa na lang aalis na... yung taong WALANG FRIENDS jan, sakay na dito... YUNG NAG-IISA SA BUHAY... yung iniwan ng shota, pwede din ulila... basta mag-isa lang para makaalis na...

hahaha... natawa talaga ko... meron kayang taong walang friend kahit isa lang...? hmmm...

Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: GL and KL on July 17, 2010, 12:46:13 am
^ha ha ha
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: mybhie06 on July 17, 2010, 05:51:01 pm
Quote
barker: oh, isa na lang aalis na... yung taong WALANG FRIENDS jan, sakay na dito... YUNG NAG-IISA SA BUHAY... yung iniwan ng shota, pwede din ulila... basta mag-isa lang para makaalis na...

HAHAHA! sis super funny nito! ;D

Ako naman, well lagi ako napapaaway pag may sumisingit sa pila. Kaya kung sakin nanyari yung kay sis yhamslove eh good luck, alam ko matatanda na sila pero syempre kelangan din nila malaman na although may special treatment sila hindi naman ganun na super garapalan naman >:(

Lagi ko din naeexperience sa mga fx at bus yung mga manyak! Pero sa MRT at LRT, since lagi ako sa female area wala naman masyado. Ang maseshare ko lang na super memorable na nangyari sakin eh yung sa MRT.

Super nagmamadali na ko kase malelate na ko sa work. So pagdating ko sa MRT, since may stored value ticket ako diretso na agad ako sa loob. Pagpasok ko nung ticket, hindi tinanggap nung pinapasukan ng ticket (ano bang tawag dun? hehe). Ang error is "ticket rejected". Napataas kilay ko so ni try ko sa ibang pasukan. Aba! ganun din ang error! Naku, eh syempre late na nga ako sa work kaya galit na galit ako. Sugod agad ako dun sa ticket booth!

Me: Kuya bakit di tinatanggap yung ticket ko?! (super masungit effect)
Kuya sa ticket booth: (Looked at my ticket) Eh kase po miss, ticket po ng LRT yung ginagamit nyo!
Me: Sabay tingin sa ticket at totoo nga! LRT ticket nga! NYAHAHA!

Nung mga time na yun, di ko alam kung ano gagawin ko. Ang choice ko is sabihin na lang kay kuya sa ticket booth na “Ai uu nga noh? Sorry po” or umalis na lang ako at dedmahin ang nangyari. Well syempre pinili ko yung pangalawa, deadma mode na lang ako at umalis sa ticket booth without looking kay kuya sa super hiya ko sa sarili ko. HAHAHA! ;D
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: victoria on July 22, 2010, 12:21:31 pm
share ko din experienceS ko:

not yet pregnant:
2 nalang kami natira sa jeep, parehong nasa may pintuan. ako ba naman pinabigay ng pasahe niya sa driver. umusok ang ilong ko lalo't lalake pa siya. ayun, pinagsabihan ko, 'kaw na magbigay, lalaki kapa naman, pareho tayo nasa likuran'.

pregnant:
1. 2 kami passenger, magkaharap kami, mga 1meter likod sa driver.lalaki din siya, at mas mahaba pa arms niya kesa akin. ako na naman pinabigay ng pasahe. di na nahiya. matagal ko tinanggap ang pera niya, tinitigan ko siya ng super talim, tapos nahulog, di ko pinulot. haler. siya na nagpulot. pagbaba niya nagmura.

2. malaki na tiyan ko, nakapasahe na ako then me sumakay na binatilyo me bitbit na gitara. 3 nalang kami natira, sa may pinto siya, ako pangalawa at ang isa harap niya. medyo sumakit tiyan ko kasi naninigas that time. ako pinabigay sa driver, medyo kailangan pa umusog. pinagsabihan ko, ikaw na magbigay kasi masakit tiyan ko. kapal din mukha, di naawa, buntis papuntahin niya sa driver.

marami pa niyan..nainis talaga ako sa mga taong walang pakialam at tamad sa jeep..


Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: mixx on July 22, 2010, 09:45:19 pm
No offense, pero ang barbaric pagkarating ng buendia station. pag galing kasi akong school, from taft ako sasakay. super tahimik ng buhay ko, pero pagkarating ng buendia, super gumugulo na mundo ko. talagang tulakan.

i was around 3 -4 months pregnant na may mga nagsisiksik ng sarili nila and may buntis pang nagsisiksik. though i would want to share space with her, nawalan ako ng gana dahil binastos niya ako. (naka uniform kasi ako, hindi halatang buntis though may bump na ako nun). tapos sabi niya kita mo nang buntis ako ayaw mo ko pasakayin.

"hindi lang naman ikaw yung buntis dito no." ginanun ko nalng siya. kasi minsan pregnant women are brats e.
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: mommy e on July 22, 2010, 10:04:10 pm
sa kin naman sa pedocab di ko kasi kabisado ang divisoria ( needed to buy giveaways for my baby's bday ) ... di ko alam ang 168 so nag pedicab ako... ask ko muna sya bago ako sumakay sabi niya P30 daw hanggang 168 so sumakay na ko ... then pagdating ng 168 which is napakalapit lang pala ... nagbabayad ako ng P30 ... sabi niya "miss, kulang pa. P130 po ! .... hay naku mukhang modus din sabi ko sabi mo P30 sabi niya eh P130 daw ang sabi niya .... hay naku, d ako nagpaloko no ! sabi ko P30 lang barya ko at kaya ako sumakay kc P30 ang sabi niya saka sa sobrang lapit kahit P30 mahal pa din .... sabay alis ... hehe ... hello ! pamasahe ko sa aircon bus mula cavite eh P50 lang yata or wala pa ... hay, naku minsan kaya d umaasenso dahil nsa sa tin na din .. imbes na pagkita eh panlalamang ang iniisip ng iba .... :-(
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: insensitive on July 23, 2010, 12:33:01 pm
share ko din experienceS ko:

not yet pregnant:
2 nalang kami natira sa jeep, parehong nasa may pintuan. ako ba naman pinabigay ng pasahe niya sa driver. umusok ang ilong ko lalo't lalake pa siya. ayun, pinagsabihan ko, 'kaw na magbigay, lalaki kapa naman, pareho tayo nasa likuran'.

pregnant:
1. 2 kami passenger, magkaharap kami, mga 1meter likod sa driver.lalaki din siya, at mas mahaba pa arms niya kesa akin. ako na naman pinabigay ng pasahe. di na nahiya. matagal ko tinanggap ang pera niya, tinitigan ko siya ng super talim, tapos nahulog, di ko pinulot. haler. siya na nagpulot. pagbaba niya nagmura.

2. malaki na tiyan ko, nakapasahe na ako then me sumakay na binatilyo me bitbit na gitara. 3 nalang kami natira, sa may pinto siya, ako pangalawa at ang isa harap niya. medyo sumakit tiyan ko kasi naninigas that time. ako pinabigay sa driver, medyo kailangan pa umusog. pinagsabihan ko, ikaw na magbigay kasi masakit tiyan ko. kapal din mukha, di naawa, buntis papuntahin niya sa driver.

marami pa niyan..nainis talaga ako sa mga taong walang pakialam at tamad sa jeep..

haha.naranasan ko din to..pareho kaming nasa tabing pinto ng babae.sya ang bagong sakay,inabot din sken ang bayad.sabi ko "may katulong?..ikaw kaya magabot"..college pa ko nito.at talaga namang nakakairita ang mga ganyang tao
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: Katie on July 23, 2010, 10:09:59 pm


marami pa niyan..nainis talaga ako sa mga taong walang pakialam at tamad sa jeep..




aku din, samut saring bad experiences ko sa commute nung buntis ako, kaya nga nag early mat leave nalang ako kase ang hirap talagang mag byahe. :(
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: ♥maarte♥ on August 27, 2010, 08:31:04 am
it's friday today kaya i took the bus...
while i was preparing for my bayad.. may sumakay na pulis!

argh! nasa bus ako, tas maraming pasahero.. tas may pulis!

waaaaah!!!!  hehe (panic?!) ;D
Title: Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
Post by: iheartnoodles! on August 27, 2010, 08:11:57 pm
experience sa LRT --- Pureza Station...


Super siksikan ang mga tao palabas, so I had to get out para makalabas yung mga bababa, kasi asa sliding doors ako banda... I was rushing to my board exam review that time... Aba'y bonggang bongga ---- nahulog ang step-in ko sa riles ng train!!!  :o

As in, I had to limp to other side of the station, where the guard was... yung mga tao sa kabilang station, nakatawa... sira talaga porma ko... pinababa pa nila ako sa office nila, tas humingi yung mga guard ng clearance para makapunta sila dun sa may riles...


nakakahiya talaga...  :'( Sabi ko sa guard, "kuya, thank you talaga... pasensya na ah..." sabi ni manong guard, "wag ka mag-alala miss, marami na ring nahulog na gamit dito sa riles" ;D

Title: badtrip
Post by: simplyme28 on March 25, 2011, 10:40:45 am
hi mga mommies.. grabe just want to share my sentiment today na sobrang badtrip ako dahil sobrang traffic.. hayyyy.. nakakakaasar.. bat naman kasi naisipan ng mga tao na yan na magbungkal ng napakaaga sa EDSA yan tuloy ang sobrant TRAFFiC!!! >:(

i just hope na sana maisip din ng mga nagaayos ng kalsada na yan marami silang naabala na tao..  ???

hay super LATE tuloy ako..
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: Tiger Lily on March 30, 2011, 09:24:43 am
Same discussions merged.
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: chicsassymom on April 09, 2011, 01:44:04 pm
Hi! Last time kami mag MRT was a month ago, we're from Pampanga, and we normally bring a car, but my hubby went ahead, so para di mag 2 cars, I & my son nagcommute to Manila. Nice sana mag MRT convenient especially if Shangrila/Shaw ang stop. But, since we're riding a provincial bus, they dropped us of in front of SM North...and the walk to North Station is so long...I'm with my 5 year old son panaman. Sayang, they should really make riding MRT comfortable, to encourage carpooling, use of public transport...eh pag ganyan, nakakadiscourage! 

Best Regards,
www.chicsassymom.com
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: mixx on April 10, 2011, 01:35:22 am
Positive news naman, puro tayo reklamo.. :)

today nagopt kami ng hubby ko na mag-mrt going to glorietta. tapos ayun, nung sumakay kami rush hour kanina and sakto holiday kaya maraming tao. female lane yun and pwede ko naman isama si hubby kasi dala-dala ko yung baby ko. super rude ng mga tao , meron pa nga nakaslight na tama sa ulo ng anak ko muntik ko na sapakin sa init ng ulo ko ,pero yung mga ale na nakasabay ko naman pumasok inalalayan kami ni hubby and pinaupo naman ako ng mga babae na nakaupo doon.

masaya ako na may mga ganito pa saating mga pilipino kahit papano. napakahirap magdala ng baby or bata sa pagcommute and super thankful ako na may mga taong marunong magmalasakit sa kapwa tao kahit papano. :D
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: geej on May 02, 2011, 04:36:20 pm
napasakay ko na si gianna sa mrt and lrt nang nagpunta kami sa makati to meet her dad. dun kasi nag wowork e nag shoot kami sa picture company. fastest way kasi yun. kapag lumalabas kami ng village trike kami at kapag umuuwi kami sa house ng parents ko at kami dalawa lang ni gianna wala si hubby jeep naman. di pa namin na try mag bus pero na try na namin magkalesa when we were in binondo para sa fitting ng gown niya.
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: nicholebeautiful on May 12, 2011, 02:26:33 pm
share ko lang ha? na experience nyo na ba na habang nasa jeepney kayo ay may susutsot sainyo at kapag tumingin kayo, akala nyo ngbabasa ng newspaper, then tatangalin niya ang newspaper at papakita niya sainyo na ngmamasturbate sya...?? yuck talaga.. eeew!!! ingat lang po sa lahat.. na ishare ko lang...
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: nixmusic on May 16, 2011, 04:45:15 am
I want to share my experience when I took a bus to work few days ago. Since marami ng mga bagong bus ngayon, bihira na lang talaga ko makasakay ng lumang bus sa EDSA so at this very rare moment na nagmamadali akong makasakay, hindi na ko namili ng bus. It just so happened na lumang bus yung unang dumaan so sumakay na ko agad sa side na pang two-seater. Pag-upo ko, may mga maliliit na ipis sa gilid ng upuan, bintana and curtains ng bus :o sobrang nandidiri talaga ko hindi lang ako makababa kasi malapit lang naman yung destination ko. Tiniis ko na lang yung 10-15mins na pandidiri sa bus na puro ipis kaysa bumaba, maghintay at sumakay ng panibagong bus. Ingat po tayo mommies, buti na lang wala akong kasamang bata nun at wala rin akong katabi sa upuan kasi hinding hindi talaga ko uurong dun sa gilid! :-[
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: Katie on May 17, 2011, 05:33:00 pm
@princess_jasmine:

Naexperience ko din yan, when I bought a new fone, 3 seater pa siya, tas nasa window side ako. there was this baby cockroach slowing moving towards my bag, buti nakita ko, i was so horrified, i had to move a bit. buti nalang to the rescue si lola sa akin, hinampas niya ng paper or something to make it go away. whew!
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: nixmusic on May 18, 2011, 08:32:40 am
hayyy.. kadiri talaga.. i wish they do thorough inspection with their buses' sanitation, mura lang din naman baygon insecticide  :-[
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: miekee_18 on May 18, 2011, 09:03:09 am
Hay ako naiinis lang ako sa MRT ngayon lagi nalang delayed yung mga train nila nakailang balik na yung papunta sa North yung pa-south wala pa din nakakainis lagi nalang natatapat na uwian ko pa..eh sobrang init pa naman ng 1pm noh!!
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: yhamslove® on May 18, 2011, 09:25:29 am
Kagabi magkasabay kami ng kapatid ko umuwi, sumakay kami ng FX. Magkatabi kami sa likod. Kulang pa ng isa sa likod at sa gitna.

Medyo natagalan bago nakapagpick up ng pasahero yung FX Driver. Maya-maya huminto siya kase may sasakay.

Nagulat kami ng kapatid ko kase yung babaeng sasakay sana sa likod eh may kasunod pang isang lalake. Eh isa nalang ang kulang dun eh. Sabi ng FX Driver "Boss, dito po sa gitna yung isa, hindi na po kayo kasya diyan"

Sabi nung lalake "Okay lang, baka kase mawala itong kasama ko eh.. he he"

Magboyfriend/asawa pala yung sumakay sa likod! Grabe ha! Sobrang PDA naman yan na imbis na dalawahan lang yung isang seat sa likod ng FX eh nagsiksikan silang tatlo dun.

Imbyerna yung naunang lalake na nakaupo dun... naiinis talaga siya.

Ito ang hindi ko ma-take sa lahat... okay lang kung sabihan ako na maarte o mapanlait pero grabe! sobrang baho nung lalake! (http://serve.mysmiley.net/sick/sick0020.gif) (http://www.mysmiley.net)

Pawis na pawis! Alam nyo yung malansang amoy na galing sa arawan? Yung parang naglakad ng isang kilometro? Ganon! Amoy malansang bugok na itlog na hindi mo maintindihan!

Hindi ko talaga mapigilan tumingin sa kapatid ko at magngisian kami...  ;D Sabi ko nga sa kapatid ko, okay na kahit walang amoy... basta wag lang mabaho!

Tapos ang lakas pa ng loob nung lalake na halik-halikan yung babae... Ay, sus!! (http://serve.mysmiley.net/sick/sick0006.gif) (http://www.mysmiley.net)

Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: miekee_18 on May 18, 2011, 09:35:19 am
Grabe naman yan momy yhamslove®
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: insensitive on May 18, 2011, 09:43:35 am
hahaha sis yhamslove grabe nga at PDA haha.. iwwww

ako naman kanina nagtry sumakay sa bus papuntang greenhills..ewan ko ba bakit parang bihira ang bus na dumadaan, usually sunod sunod ang dating diba..so punuan hanggang pinto.katabi ko na ang driver nakatayo lang ako(buti na lang aircon) paglingon ko susko puro lalaki ang nakaupo.Napangiti na lang ako. Iba na talaga ang panahon ngayon. Mga girls ang nakatayo, sila kiber, walang pakialam hehe..sabagay pareho namang nagbabayad.malas ko lang at ng ibang pa wala ng upuan :D
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: ♥maarte♥ on May 18, 2011, 10:03:46 am
@marnie - haha... minsan, sa ganyang pagkakataon, how you wish wala na lang muna aircon yung FX.. hehe.. at least, kahit mabaho man yung mga katabi mo, merong kang ibang hangin ng pwede malanghap...  ;D... and if i were too b*tc*y, sasabihin ko ke Mr. PDA, "kuya, there's this thing called, TAWAS, you know?!" hehe... wala lang, maarte lang.

kahapon sa morning bus ko, habang napapapikit ako, meron komosyon sa bandang unahan.  nung makaabot sa pwesto ko yung kwento, may nanaginip lang palang pasahero, nag ala ninja! hehe... imagine the scene...  ;D hehe....

minsan kasi, hindi gaano "posh" ang sobrang matulog sa byahe...  8)
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: Mlabable on May 18, 2011, 11:22:11 pm
@sis yhamslove® - Natawa naman ako sa pagkaka-describe mo sa lalaki.. Hahaha  ;D . Parang naiisip ko na napakabaho talaga niya.
 
@sis ♥maarte♥ - Naku sis natamaan ako sa sinabi mo, "minsan kasi, hindi gaano "posh" ang sobrang matulog sa byahe". Ako din kasi minsan nananaginip sa biyahe yung tipong nagugulat ako buti nalang kasama ko asawa ko at dinadaan na lang namin sa tawa. Hirap ng sobrang antok, mawawala talaga ang poise.  :-[
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: momofrainchira on May 19, 2011, 12:44:21 am
naku mga sis...
ako din mag share hehe(inggit)

sa FX papuntang megamall,eh traffic jan palage sa julia vargas...may bumaba sa harapan na pasahero katabi ng driver,then few seconds may pumalit na matandang chubby na lalaki...nung nag green lyt na derecho na yung takbo bigla nalang umalingasaw yung yung masansang na amoy...josko may umut-t..eh syempre kulob so lahat kame mega tingin dun sa lalaki sa unahan at pigil hininga nag spray ako ng perfume baka sakali mawala yung amoy pero nawala may umalingasaw ulit...talagang nung makarating sa megamall pag baba namin ubuhan kameng lahat at nasuka ako (hehe kadiri kase)

sa Mrt naman nakita namin mag asawa may naghahalikang magjowa medyo maluwag naman yung time na un so kita namin na hinimas himas na nung guy yung boobs nung girl...medyo pahinto hinto sila kase lilingon kung may nakakakita...ginawa nalang namin mag asawa nag dikit kame mukha kunyari alang nakita...

at ang worst,sa mrt edsa taft kakaupo ko lang hindi pa tumatakbo yung train nagpupuno pa karga ko yung panganay ko  sa harap at naka back pack ako...naramdaman ko bumigat yung bag ko pag lingon ko yung guy na around 45 siguro may bigote eh dinudukutan ako,napasigaw talaga ko at niyakap ko baby ko sabi ko "kapal mo kita mo hirap na hirap ako tas sinasamantala mo alam mo ba galing ako fabella hospital para mapaopera ng libre baby ko tas ikaw kapal ng muka mo laki ng katawan mo nadurukot ka!"bigla sya tumakbo palabas hinabol sya ng guard pero hindi naman nahuli sabi nalang nung mga pulis mag report ako at ipa sketch eh pagod nako nun sabi ko nakita naman nung mga guard kaya sila nalang tanungin kailangan ko na iuwi baby ko(that time kase check up ni baby para maoperhan sa harelip niya)
grabe wala silang puso...
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: mamacharis on May 19, 2011, 04:17:53 am
FX experience ko ito nung college. sa morayta ako sumasakay fx grabe pag rush hour as in daming nag aantay ng fx (yung malapit sa feu) Nung nakakita na ko ng fx nakipag agawan  na ko merong 2 girls siguro 17-18yrs old grabe kung makasiksik hindi naman student tapos napansin ko parang may bumubukas ng bulsa ng palda ko. naku nakita ko yung kamay nasa bulsa ko na good thing hindi pa nahihila kung ano yung pwedeng mahila. talagang minura ko pero sumakay muna ako ng fx hehe! mahirap na eh.ayun minura din ako grabe! ganun pala style ng mga mandurukot sa morayta. susumbong ko sana sa pulis that time kaso dun lagi ako sumasakay at baka mamukhaan ako kaya wag na lang. After nun lagi ko na sila nakikita pati yung boss nila na babae. actually namukhaan ako nung boss nila kaya pag  nagkikita kami dun tinitignan ko ng masama. hehe
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: ♥maarte♥ on May 19, 2011, 04:42:26 pm
sis Mlabable - hehe, sorry naman... hindi ko kasi ugali talaga matulog sa byahe... kasi marami akong naiisip na pwedeng mangyari kapag tulog ako.. kaya, pagdating sa antok, warrior ako... hehe... madalas ako dati bumiyahe from iloilo to boracay, van lang ang sinasakyan. hindi rin ako natutulog. 5 hours din un.  ;D
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: geej on June 13, 2011, 03:26:41 pm
ang baby ko na try na niya mag trike, mag fx, mag jeep, mag lrt and mrt, mag kalesa at mag pedicab na may motor sa binondo. sinama kasi namin mag foodtrip e. hehe. di pa lang niya na try mag bus. tinuturuan ko na sya maka sakay sa mga public vehicle at wag umasa madalas sa private car. mahal ang gas ngayon hehe
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: mamacharis on June 14, 2011, 11:39:52 am
ay naalala ko experience ko sa mrt

rush hour nun, dun ako sumasakay sa unahan all girls section ng mrt para kahit siksikan no worries na matsansingan. may katabi ako na petite kagaya ko (dalaga pa ko) nakatayo kami while the rest malalaki yung katawan. aba nararamdaman ko parang ginagawa na kong poste. sakin pa nakasandal kuntodo hawak ako. nung naiinis na ko dahil nabibigatan at napapagod na rin ako sabi ko ang lalaki ng katawan nyo dinadaganan nyo kami! napatingin yung katabi kong payat sakin. sama ng tingin nung mga babae. totoo naman eh! pare pareho lang kami pagod at nahihirapan tapos dadaganan pa kami.  >:(
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: yhamslove® on August 23, 2011, 09:04:43 am
10 minutes before 8am, malapit na ako sa Boni. Yes! Abot pa ako sa office.

Yung bus na sinasakyan ko pumarada sa isang gasoline station.  Sabi nung kundoktor, "Sandali lang po, iihi lang po", pertaining to the driver.

Jijingle lang pala, carry pa yan. Mabilis lang naman umihi mga lalake eh. Bumaba ang driver.

After 5 mins, hindi pa lumalabas ng CR. Sinundan na siya nung kundoktor. Pagbalik, akala namin dalawa na sila. "Sandali lang po ah.."

Nagdalawang isip ako kung bababa pa ba ako para sumakay ng ibang bus. Eh ang lapit na kase eh saka, alanganin yung lugar, siksikan na yung mga tao dun sa mga bus na dumadaan. At saka hello! kumusta naman ang pamasahe ko?

8am na nasa gasoline station pa rin ako sa may Boni!! Awa ng Dyos natapos din magCR yung driver after 10 more minutes! Ang dami nang nagrereklamo.. "Ano ba yan, manong late na kami!"

Ni hindi man lang humingi ng pasensiya yung driver ng bus. Tsk! Wala na.. late na ako.

Narinig ko pa yung kundoktor, sabi niya dun sa driver, "Ano bang kinain mong ulam don?"

Oo nga naman, hindi niya siguro ginustong sumakit yung tiyan niya. Pero nakakainis kase na-perwisyo niya kami, tapos hindi pa humingi ng paumanhin. Parang pagbalik niya sa bus, wala lang.

Nung pababa na ako, hindi ko talaga napigilan magsalita "Kuya, uminom ka ng Diatabs, malayo pa ang Pacita!"
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: I love_dadilove7503 on August 23, 2011, 10:42:10 am
Wahahaha!! natawa ako sa Diatabs! loko ka talaga sis.. nakuha mo pa mang asar ha.
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: yhamslove® on August 23, 2011, 10:56:02 am
^o di ba, nakapag-advise na.. nakapang-asar pa! sa'n ka pa?  ;D
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: unknown on August 23, 2011, 11:26:03 am
Hay Naku (Agad, wala pa ngang kuwento, heheh) Sa tricycle grabe dami kong experience diyan medyo liblib na kasing lugar sa amin kung my nakikita kayong tricycle na apatan na yong nasa loob grabe pag sobrang liit ng tricycle tapos lalaki pa ang katabi mo mamanyak pa ka talaga kahit tipong umiiwas ka na at todo balibag ka pa.
Isa pang nakakainis eh one time na my malaking gagamba na napunta a ulo ko hindi naman ako puwedeng umalis or gumalaw kasi masikip nga eh.  Tapos one time nakasakay ko lasing naman na lalaki. my God bumaba talaga ako! Tapos one time pa papauwi na rin siyempre kahit papaano fresh pa naman tayo kasi office galing pero naku po! yong magiging katabi mo naman parang sinawsaw sa sukang paumbong! eewwww... ::) ::) ::)

Sa jeep naman nakakainis yong mga babae din upong prinsesa na hindi man lang umayos ng upo para maka-upo naman ng maayos yong ibang pasahero na gustong umuwi dun ako inis na inis heheh.. Inconsiderate naiisip ko na lang minsan na sabihin na mag-taxi na lang ka na lang kaya para lahat sakop mo.
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: Mommy Jazz on June 25, 2012, 03:58:13 pm
One time naka taxi ako kasama bunso ko. The driver wanted to pass a road na hindi ko kabisado kaya sabi ko "huwag ho diyan, deretcho po tayo". Sagot ba naman sa akin "bakit, sosyal ka ba?"
Grrrr!!!!
Buti nalang hindi niya tinuloy kung hindi, bababa kami talaga. And yes, I always text my husband the plate no of taxi. I even check the plate no pag para pa lang and if it's the same plate no na naka sulat sa loob ng taxi. I also observe the clothing of the driver kung mukhang barumbado o naka white polo. Minsan din, ginamit ko camera ng cel ko to take a pic of his face reflected sa dashboard mirror.
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: 2gud4u on June 25, 2012, 09:09:32 pm
experience ko to sa tricycle when i was a small kid hindi ko talaga sya makalimutan cgro mga 10-11 years old ako.may isang tricycle driver na lagi ako sinasakay from school to our house pero hindi ko sya service siguro tyempo lang na labasan ng school syempre bata wala akong malisya or what basta iniisip ko lang mabait sya sa akin and parang anak ang turing niya, then 1 time dun niya ako pinasakay sa may gasoline tank ng tricycle, eh nung bata ako gustong gusto ko sumakay dun so sakay ako.that time kumakain ako ng piknik na nasa lata so inalok ko sya then sabi niya subuan ko daw sya, so ginawa ko wala naman malisya sa akin yun as in wala akong muwang pa.tapos may isang pasahero na nakapansin na parang iba yung treatment nung driver sa akin so ginawa niya kinalabit niya ako at pinalipat doon sa tabi niya which is sa loob na ng tricycle nung vacant na yung seat tapos pinasabay niya ako na bumaba sa kanya at binigyan niya nalang ako pamasahe ulit pauwi para lang makaiwas ako dun sa driver, kinausap niya ako na iba daw yung trato sa akin nung driver, iba daw yung tingin niya parang may binabalak baka daw bigla ako i-rape. ayun mula noon hindi na ako sumakay sa tricycle na yun kahit sinasabi niya na sumakay ako sa kanya.natakot talaga ako.hindi ko rin nasabi sa parents ko till now.
Title: Re: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
Post by: Mommy Jazz on January 17, 2013, 08:53:32 pm
Once nakasakay na kami sa taxi. Maarte yung driver, ayaw dun sa pupuntahan namin. Wala namang problema, hindi naman kalayuan at wala namang traffic. Sa inis ko, baba kami ng anak ko using the door farthest from the driver. I opened it wide, got out and left it open. Lakad kaming mabilis ng anak ko palayo. Bahala siyang magsara nun. At least nakaganti ako.
Title: Taxi, other Public Transport, Reporting Effectively through DOTC Action Center
Post by: J0 on April 25, 2014, 09:25:53 am
Even if its just a case of an "Arrogant Driver/Conductor (Suplado/bastos/mayabang na drayber o kundoktor)"...you can report that to the DOTC and they will take action.

DOTC Online Complaint Form - Road
http://www.dotc.gov.ph/action_center.html

Taxi Drivers can be charged for a violation of Commonwealth Act No. 146, otherwise known as the Public Service Act for alleged “overcharging of fare, arrogance and discourtesy”. 

They are supposed to be fully aware how to treat their passengers because it is assumed that they have undergone a seminar from the DOTC about this.

If you encounter a discourteous driver, you can just take down the details of the incident and report it to the DOTC.  Try to avoid confronting a driver so as not to provoke him to violence especially if you're alone or travelling with a small child.  Reporting will be enough.  You can meet that driver again in a hearing at the DOTC Action Center, where the venue is secured by DOTC investigators.

If you have given an email address, you will receive a formal invitation to attend the hearing.  You will get a copy of this formal invitation in your mailing address

Appearing for the hearing, with the driver and operator, is optional:

I am willing to attend hearing (Payag akong dumalo sa mga pagdinig) *
If you answer "No," the DOTC Action Center will inform the operator so that the latter may make the necessary action on the matter. (Kung ang napili ay "Hindi," ipagbibigay-alam ng DOTC Action Center sa operator/may-ari ang naganap upang sila ang gumawa ng karampatang aksyong pagdidisiplina)

Title: Taxi Fare, How to Estimate and Detect Overcharging
Post by: J0 on April 25, 2014, 09:41:17 am
The published fare rates for Taxis in Metro Manila as of 2010 is:

P40 upon flag down and for the first 500 m (0.5 km), plus P3.50 for every 2 minutes waiting time, plus 3.50 for every 300 m (0.3 km)

LTFRB - Metro Manila Fare Rates and History
http://ltfrb.gov.ph/media/downloadable/fare_rates_MM.pdf

In my personal observation as a commuter, the P40.00 flag down seems to be only on the first 400 m (0.4 km), the additional P3.50 occurs every 3.00 minutes and increase of P3.50 is for every 300 m (0.3 km)

When you ride a taxi, observe the meter for yourself and get the "feel" of the rate.  For me, the rate changes to P43.50 when the kilometer is past 0.4 but has not yet turned to 0.5.  The rate becomes P47.00 when you reach 0.7 km.  I will notice an additional P3.50 on the meter when we frequently slow down or stop and the timer is at 3.00 minutes.

Last night, I noticed a fast meter and I am planning to report it to the DOTC.  Here is what I noticed.

Apr. 24, 2014, ended at 9:31 PM
P40.00 to P43.50 @ 0.3 km
P43.50 to P47.00 @ 0.7 km
P47.00 to P50.50 @ 0.9 km
P50.50 to P54.00 @ 1.1 km 3.00 min
P54.00 to P57.50 @ 1.4 km 3.00 min
P57.50 to P61.00 @ 1.6 km 3.44 min
P61.00 to P64.50 @ 1.9 km 4.00 min
P64.50 to P68.00
P68.00 to P71.50 @ 2.1 km 4.50 min
P71.50 to P75.00 @ 2.4 km 4.50 min
P75.00 to P78.50 @ 2.7 km
P78.50 to P82.00 @ 3.0 km
P82.00 to P85.50 @ 3.3 km
P85.50 to P89.00 @ 3.5 km 5.15 min
P89.00 to P92.50 @ 3.7 km 5.47 min
P92.50 to P96.00 @ 4.0 km 6.00 min
P96.00 to P99.50
P99.50 to P103.00

Another seemingly fast meter:

Feb 27, 2014, 7:01 AM to 7:12 AM
P40.00 to P43.50 @ 0.2 km 1.00 min
P43.50 to P47.00 @ 0.4 km 2.40 min
P47.00 to P50.50 @ 0.5 km 4.29 min
P50.50 to P54.00 @ 0.9 km 4.42 min
P54.00 to P57.50 @ 1.0 km 4.50 min
P57.50 to P61.00 @ 1.2 km 5.58 min

 
Title: Re: Taxi, other Public Transport, Reporting Effectively through DOTC Action Center
Post by: Mommy Jazz on April 25, 2014, 09:52:02 pm
Wow, you noted it talaga? Hindi po ba mahirap noting it while the cab is running?
Title: Re: Taxi, other Public Transport, Reporting Effectively through DOTC Action Center
Post by: J0 on April 26, 2014, 12:00:55 am
Hi Mommy Jazz:

Yes, I used my cellphone, an old monochrome Nokia 1202...and sent the list to myself.  Enjoy naman, mas unexciting yung dati kong ginagawa...ang magbilang ng poste para ma-estimate ang patak ng metro.  I like it better now...mas accurate.  Tripping lang, hahaha (from 8 to 11 na poste ang bawat patak ng metro).  Nakakainis kasi ang mga driver na niloloko ka.  Minsan, mapansin lang nila na nakatingin ka sa metro, di na nila dadayain.  Sometimes, kailangan mo talaga sitahin para mag-ayos.

(http://farm8.static.flickr.com/7160/6538907443_af9b518021_b.jpg)
Photo Credit: http://www.pinayreviewer.com/mge-taxi-contact-number-review-policies-complaints/
Correction: the time is in hours and not in seconds.  That's 0.31 of an hour in the picture.


Last February 14, 2014 I was at the DOTC Action Center in Ortigas for a hearing with a popular Taxi Company.  A taxi driver attempted to increase the rate by taking a longer route to our destination.  This happened around December 2013.  My motivation in pursuing a case like this is not just for myself but also for all the commuters who encounter similar situations (some chosing not to complain). 
Title: Re: Taxi, other Public Transport, Reporting Effectively through DOTC Action Center
Post by: Mommy Jazz on April 26, 2014, 10:24:08 am
Magbilang ng poste, Haha!
I would like to try this, monitoring yung patak ng metro, maybe by taking photo with my cel. It's true people choose not to complain and rather rant on FB na parang may maitutulong ang makakabasa instead na sa tamang kinauukulan nila i-forward ang problema. It's good to know that DOTC came up with an action like schedule a hearing or notify the operator. Hindi naman pala mahirap to take the first step, as many are not aware of.
Hey, gusto nating maging maayos ang problema, then report a case and attend hearing. Problems will not be solved by sitting down and posting your problems online. It takes work.