Parent Chat

Health => Your Kid's Health and Safety => Topic started by: zia01 on May 13, 2008, 09:29:02 am

Title: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: zia01 on May 13, 2008, 09:29:02 am
Basahin sa Smart Parenting. Click this to read full article.
Bago Paarawan, Protektahan Si Baby
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2017/09/21/20170921-baby-socio-emo-skills.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/parenting/baby/protect-baby-from-sun-a00286-20190930?ref=parentchat)
photo by TOMWANG112/ISTOCK

Hi everyone. I have questions po...pinapaarawan nyo pa ba si baby? What time and how long? Thanks!  ???

Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=928.msg970993#msg970993) tungkol dito o mag (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=928) para makapagpost ng katanungan, payo o kwento.

(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: rjsmom on May 13, 2008, 09:49:55 am
My pedia recommended na i-expose sa sun si Justin for about two hours every morning, from 6-8am. When his sleeping habits changed and mas late na syang nagigising sa umaga, basta makalabas lang sya ng house during the day at maarawan ng konti, ok na  ;D
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: ching0418 on May 13, 2008, 09:59:18 am
my bunso is 6 1/2 months na...yes, pinapaarawan pa rin namin sya every morning between 7-7:30 am...my 2 sons din pinapaarawan din namin paminsan-minsan
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: momi rmi on May 13, 2008, 10:30:07 am
yup pinaarawan ko rin c bernice before kc medyo yellowish pa siya ng konti from the hospital, and as advised by our pedia paarawan siya everyday ng morning sun for at least 45 mins, as in nakadiaper lang siya pagpinapaarawan ko... now that she's 6 months paminsanmisan pinapaarawan pa din specially pag maaga siya magising and ganon din c jared.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: cheiz on May 13, 2008, 11:19:50 am
kami din pinapaarawan din namin yung anak ko every now and then not everyday yung house kasi namin is on the main road so maalikabok tska ang daming sasakyang dumadaan.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: youngmom on May 13, 2008, 11:37:13 am
this is a very good topic hehe.kc nung newborn yung baby ko pinapaarawan din namin kc may jaundice siya non,so just like momirmi,naka diaper lang din.sabi pa nga sakin 1hr,15mins naka harap,15mins talikod,15mins left side,15mins right side.pero usually,matagal na 20 mins kc naman 7:30 sakit na sa balat ng init ah.promise!sa terrace kc kami nagpapaaraw at dun sa kung san sumisikat yung araw,7am is ok,pag dating ng 7:30 ang init na sakit sa balat,kung sakin nga masakit na sa baby pa kaya.hay,global warming.kung 6am to 6:30 ala pa ata araw nun e so 7am talaga,ok na yung 15 mins.nawala din jaundice ni baby dahil sa pagpapaaraw,nung medyo lumaki na siya aroung 4 to 5 months,di n gaano naarawan kc late na nagigising,8am,pati tuloy ako hehe.sabi pa dati ng pedia niya lagyan ko daw ng piring sa mata na light lang pagkakatali di mahigpit,protection sa sun.ngayong 8months na baby ko bihira a paarawan.kayo mommies at this age,naka diaper lang ba si baby pag paarawan at may piring pa?kc tinatanggal na niya ngayon e hehe.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: mitch on May 13, 2008, 02:28:46 pm
yup ako pinaarawan ko si baby pag uwi namin sa house bale 7am-9am ang ideal time nang pag papaaraw sa baby ,,my pedia told us na 20 minutes sya paarawan nang nakahubad,,until now my babys 10 months na try ko pa din sya paarawan paminsan minsan na nga lang kasi madalas maulan na eh ;D ;D ;D ;D
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: renaeh on May 13, 2008, 04:15:18 pm
minsan lang, mga 10-15 mins sa umaga, usually 7-8am
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: gabneth on May 13, 2008, 08:15:16 pm
yap, me and my 2 kids  ( 6 yrs old and 16 mos ) between 6-7 am...pag past 7 am na sobra init na sakit na sa balat.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: mitch on May 13, 2008, 08:57:41 pm
di naman po ok pa naman yung sun hanggang 9 am mommy ,pero ngayong summer kasi ang aga palang taas na araw eh  ;D ;Dkami din naman till now kahit big na eldest ko pinapaarawan ko pa din together with his sister hehe minsan nga lang tinatanghali na nang gising lalo na ngayong vacation sa school so no need na gumising nang maaga ;D ;D
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: sArAh cAng on May 13, 2008, 10:24:34 pm
pinapaarawan daw ang baby para hindi maging yellow ang skin. pinapaarawan ko baby ko around 8 to 9am after taking a bath. ahm, is it advisable ba na paarawan ang baby before maligo? kasi some moms pinapaarawan ang baby mga 6 or 7. finish na ba maligo ang baby by that time??
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: gabneth on May 14, 2008, 12:28:21 am
 mommy mitch, may mga places kasi na mas maaga at mas maiinit agad ang sikat ng araw... like dito sa lugar namin 7 am pa lang masakit na sa balat... especially ngayon summer.  minsan dito na lang kami sa loob ng house na nasisikatan ng araw.... i know na safe until 9-10 am kaya lang masakit na talaga sa balat....sabi ng pedia ang iwasan daw namin e 10am to 3pm...di na daw safe yon.

mommy sarah004.... yong 2 kids ko after mag pa araw rest muna then tsaka pa lang ligo...
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: yetsky on May 14, 2008, 11:22:47 am
prefer ko na paarawan din muna si baby between 7-9, nakakatulog naman sya during, so rest lang din konti then ligo na by 10-1030, diretso na tulog nun for 2-3hours
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: mitch on May 14, 2008, 03:07:14 pm
yup ngayon nga pong summer masakit na sa balat ang araw kasi nga po maaga pa lang sobrang tirik na ang araw  ;) ;),,,ganun po ba kami po kasi ussully mga 8am na kung magpa araw yan eh kung maaga magising hehe pero malamang ngayong pasukan balik na naman kami sa routine na yan kasi need na magising nang maaga eh  ;D ;D ;)at kapag may ubo at sipon din mga kiddo ko pinipilt ko talaga silang mapa arawan kasi feeling ko natutunaw yung plema sa araw eh
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: youngmom on May 14, 2008, 05:00:47 pm
pinapaarawan daw ang baby para hindi maging yellow ang skin. pinapaarawan ko baby ko around 8 to 9am after taking a bath. ahm, is it advisable ba na paarawan ang baby before maligo? kasi some moms pinapaarawan ang baby mga 6 or 7. finish na ba maligo ang baby by that time??

dapat sis paaraw muna bago maligo para presko siya diba?kung ligo muna tas magbababad sa araw parang maiinitan na sila non at pagpapawisan. ;D
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: martedi on May 16, 2008, 02:44:02 pm
when my son was born,medyo yellowish sya.his pedia said,kailangan paarawan si baby.after doing so,for 2 weeks,naging normal na color ng skin niya. usually early morning,around 7am ko sya pinapaarawan para di pa masyado mainit.about 10 mins. only...the sunlight is good for the skin.we could get Vit.D from it,but we have to do it moderation because excessive exposure to sun may lead to skin damage,especially to baby's skin...

now that my son's 5,we don't go out anymore para magpaaraw.ayaw namin pag maaraw,kasi mangingitim kami.super puti pa naman ng anak ko. ;) lalo na between 10 and 3pm,we don't usually go out,kasi super init na nun.nakakasunog talaga ng balat. 
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: jayeshael on May 16, 2008, 03:19:30 pm
yes i still do..newborn until now 10mos..around 7am magiikot na c baby sa labasan namen at the same time paaraw na rin at 9am ligo then tulog routine na ni baby. ;D
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: gabneth on May 17, 2008, 12:43:29 am
 naalala ko ng sa first baby namin dumadayo pa kami sa may manila bay para lang magpa araw...kasi di ba may maganda daw malanghap din yong simoy ng hangis sa tabing dagat habang nag papaaraw... maganda daw sa mau ubo at sipon.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: mommydheng on May 17, 2008, 03:15:18 am
pinapaarawan ko rin anak ko lalo na nung week old  til two months siya..natigil kasi tanghali na magising tapos along main road din kasi kami kaya  parang hindi rin siya advisable kasi nakakalanghap siya ng usok at alikabok.

mommy gabneth,gusto ko rin sana nun dumayo pa sa manila bay para dun paaraw baby ko nun kaso ayaw ng husband ko kasi kahit na bay daw yun eh polluted naman daw ang tubig.. sabi niya kasi yung ibang sewer line ng manila area dun tinatapon sa manila bay ang mga waste water (husband ko kasi engr. sa maynilad water before nagresign na siya now. ) kaya nga mahigpit na pinagbabawal na maligo mga tao dun at mag fishing kasi maraming makukuhang sakit lalo na sa balat at possible red tides.

Ideal talga sa kin yung paaraw ang baby sa tabi ng dagat kasi ok daw yun sa baga lalo na pag umaga.kaya pag nakakauwi kami ng province sa quezon eh di ko talga pinapalagpas yung pagkakataon na makapunta kami ng anak ko sa tabing dagat kahit pa commute lang.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: sunmom on May 18, 2008, 06:44:15 am
nung kakapanganak palang ng baby ko, advise ng pedia paarawan within 7-8am ONLY.. kasi yellow pa ang balat niya, bilirubin content daw un kasi hindi pa maciadong equipped yung liver nila na magclean so magsi-seek ng help sa sun. tpos kasi dahil sa pagkasira ng ozone layer, dapat hanggang 8 lang. i remember my lola told me it used to be until 10 nung panahon nila. pero pag hindi na nagyeyellow yung baby, ok nang hindi...pero it's still helpful because we can get vitamin D from the sun, and vitamin D boosts the effects of calcium and other vitamins e...  ;D
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: maphine on May 18, 2008, 09:48:46 am
When I gave birth through CS, proud talaga ako non sa sarili ko dahil sabi ng OB ko it was a big, healthy, handsome baby boy,so parang perfect di ba?With all the katabaan that i got,Highblood pa and muntik ng madiabetes eh ok na ok ang baby ko.Until after 3 days na lalabas na sana kami ng hospital, naging sobrang yellowish talaga skin ni baby.His Pedia told us na dapat maiwan si baby for a light therapy for more than 3 days.So, iyak naman ako non.Kasi imagine don lang sya sa parang lalagyan ng itlog na gustong mong mabiyak na...Imagine nyo yon?As in very pity full yong anak ko non.Diaper lang sya.May testes and eye protector pa.So nakatakip talaga mata niya.don sya natutulog,kunin ko lang sya pgtime to dede na.I didn't went home nagpaadmit na lang din ako para together with my baby don lang kami sa isang room,so kinuha ko na lang sya sa nursery,nakakaawa kasi,Iyak lang sya ng iyak dahil sa init. It was a horrible experience for me talaga.After a week of staying in the hospital,nakaraos din kami ng baby ko.Pinauwi na kami pero I have to expose him pa rin sa sun everyday for an hour talaga.Kasi we also have to expose his sides din sa likod after.Until now sabi ng pedia niya its still healthy to go out in the sunrise to expose my son with vitamin D.
 mommy mitch, may mga places kasi na mas maaga at mas maiinit agad ang sikat ng araw... like dito sa lugar namin 7 am pa lang masakit na sa balat... especially ngayon summer.  minsan dito na lang kami sa loob ng house na nasisikatan ng araw.... i know na safe until 9-10 am kaya lang masakit na talaga sa balat....sabi ng pedia ang iwasan daw namin e 10am to 3pm...di na daw safe yon.gabneth
Dito sa province namin ok lang naman until 9 eh so ok lang kami play under the sun sa mga time na yon.But when we went to manila for a vacation di ko nagawang ilabas masyado anak ko.Sa loob lang ng bahay kung saan my sikat ng araw kasi masakit sa balat at sa mata.So depende lang Talaga sa lugar.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: youngmom on May 18, 2008, 11:20:50 am
i agree.samin din 7 palang may araw na at pag patak ng 7:30,would u believe sakit na sa balat ng init?suppose to be safe pa yon diba,pero pag si macky 7:30 n nagising,kahit 5 mins lang kami ok na yun,e instructio ng peia samin 1hour kc nag jaundicedin si macky nun,pero di ko nasunod yuung 1hour na yun kc sakit na sa balat.waht's wrong with his world today?baka naman pag yung mag anak na natin ang may anak,6am na sila magpapaaraw ng mga anak nila at 7am masakit na sa balat.

mommy maphine,buti nalang tapos na yon,medyo kawawa nga baby mo nun.nag yellowish din skin ni babypeo na discharge na kami sa hospital non,so sunlight nalang advise ng pedia,a week after ok na siya.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: maphine on May 18, 2008, 12:25:48 pm
Yup at napaiyak talaga ako non sa tuwa ng nakauwi na kami.Ayaw ko na din maulit pa yon. :'(
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: zia01 on May 26, 2008, 09:31:10 pm
Thanks mommies for sharing your experiences. follow-up question po...Paano ninyo pinaarawan si baby? With my nephews and nieces kasi iba-iba ang suggested way ng pedia....Merong walang damit, diaper lang. Yung isa nakadamit daw dapat. How did you do it?  ???
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: youngmom on May 27, 2008, 12:50:37 am
diaper lang para maabsorb ng skin better,pero dapat di masakit yung init sa balat.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: jayeshael on May 27, 2008, 09:22:54 am
it depends kc nga may time na sobrang sakit nung init sa balat kpag ganun dko na tinatanggal yung shirt niya pero kung oks lang diaper lang pra nga maabsorb ng skin kaagad gaya ng sabi ni youngmom ;)
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: momyJ on May 27, 2008, 10:28:57 am
lately naka shirt si baby pag pinapaarawan ng lolo niya  ;D late na kz kami magicing ng baby ko kaya medyo masakit na sa balat yung init ng araw pero nung  kakapanganak ko pa lang nakadiaper lang siya.. :)
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: martedi on May 27, 2008, 11:40:50 am
Thanks mommies for sharing your experiences. follow-up question po...Paano ninyo pinaarawan si baby? With my nephews and nieces kasi iba-iba ang suggested way ng pedia....Merong walang damit, diaper lang. Yung isa nakadamit daw dapat. How did you do it?  ???
nung pinaarawan ko sya before,merong upper garment baby ko (sleeveless),tapos diaper lang.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: gabneth on May 28, 2008, 08:35:31 pm
 naka sando and diaper
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: mommy_geli on May 29, 2008, 09:31:29 am
c karl nung 1st 2weeks niya pinapaarawan namin siya pro ang advise ng pedia eh 15-20mins lang. between 7-8am namin siya kung paarawan. ngaun pinapaarawan p rin siya kaya lang minsan nagagalit. ayaw ngnaiinitan.

nung 1st month niya nakahubad talaga. pro ngaun sando at diaper lang.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: zia01 on May 30, 2008, 09:07:14 pm
under direct sunlight po ba or indirect sunlight?
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: momimitchie on June 02, 2008, 09:20:27 am
under direct sunlight po ba or indirect sunlight?

hi zia01. hanggat maari indirect lalo n kung late in d morning n.mahirap na kc delikado n rin ang sunlight.it can cause skin cancer.yung pedia nga n baby mikoy suggested na sun bathing sya.kaya mga 6am pag may araw n.ilalabas ko c baby mikoy naka diaper lang.tpos nga 30mis lang ok n.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: lizdm on July 07, 2008, 02:26:26 pm
pinaarawan namin si baby kasi advised yun ng pedia niya and kasi ng jaundice din sya. i exposed him under the sun around 30 min lang before 7am. super hot na kasi beyond that time.. naawa din ako kay baby kasi sobrang pawis na niya sa init.. we did that routine for a month lang..
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: momHON on November 14, 2008, 03:02:55 pm
my baby is just 2 months old kaya pinapaarawan pa rn naman kasi advise ng pedia niya dapat ma expose siya at least 15-20 minutes sa araw every 6 in the morning..with just his diaper on tsaka dapat naka cover yung eyes niya para di matamaan ng sun's rays kasi masama daw sa mata un..pero un nga lang sa sobrang pagod minsan lang namin na e-expose c baby sa araw at yung hubby ko lang gumagawa kasi nakakangawit magkarga e kahit naka upo ka pa  ;D
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: mom.kielsky on November 20, 2008, 12:39:15 pm
my baby is already 9 months and still pinapaarawan pa rin namin sya since morning sun will give us Vitamin D (sunshine vitamin).  Lalo na pag may sipon and ubo sya, dinadala pa namin sya sa beach before sunrise tapos babad mo sya sa seawater and papatuyuin under the sun.  nakakalambot sya ng phlegm and its a natural way of curing his cough and colds.  di na kailangan uminom ng antibiotics.

morning sunlight is good for all people, not just newborn babies.  basta dapat lang is yung sunlight until 8 am.  and don't let the eyes face the sun directly.  and advise ng pedia niya, dapat nakalampin si baby pag pinapaarawan, not yung disposable diaper.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: thersie_marie on November 21, 2008, 01:41:13 am
My pedia recommended na i-expose sa sun si Justin for about two hours every morning, from 6-8am. When his sleeping habits changed and mas late na syang nagigising sa umaga, basta makalabas lang sya ng house during the day at maarawan ng konti, ok na  ;D
momy sure k 2 hours?second opinion k po re that kc po 15-20mins ko lang pinaarawan c Eliah. iba n kc ang sikat ng araw ngayun..db nga manipis n ang ozone layer ntin..ky mskit n un s balat kahit tyo mismo d n komportable s ganun ktagal. bk po d n vit d ang mkuha ni baby..nkk skin cancer n po un momy. better ask second opinion po

anyway nice tip sige ppaarawan ko na c Eliah ng nk-diaper lang. id already discus s isang forum dito how vit d is important s baby to avoid bone illnes such as crikets..tyk paarwan ntin c baby hangang d p sya nkklakad or nkklabas mgisa pr mglaro.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: thersie_marie on November 21, 2008, 01:43:26 am
my baby is already 9 months and still pinapaarawan pa rin namin sya since morning sun will give us Vitamin D (sunshine vitamin).  Lalo na pag may sipon and ubo sya, dinadala pa namin sya sa beach before sunrise tapos babad mo sya sa seawater and papatuyuin under the sun.  nakakalambot sya ng phlegm and its a natural way of curing his cough and colds.  di na kailangan uminom ng antibiotics.

morning sunlight is good for all people, not just newborn babies.  basta dapat lang is yung sunlight until 8 am.  and don't let the eyes face the sun directly.  and advise ng pedia niya, dapat nakalampin si baby pag pinapaarawan, not yung disposable diaper.

thanks for the idea..mmy paarawan ko Eliah ng nklampin lang.slmt po
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: cutebaby on November 21, 2008, 01:13:50 pm
Yong new born ko, medyo jaundice sya kaya recomend ni pedia paarawan sya araw araw... 15minutes sa likod 15 minutes sa harap... so far ngayon medyo nawawala na yong pagka yellowish niya..
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: jvcruz on July 19, 2009, 12:18:11 pm
mga sis, kailangan pa bang pa-arawan kung di na naman naninilaw si baby?
baka pwede sa hapon na lang kasi lagi namumuyat si baby e.
 :-[
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: mariann on July 19, 2009, 12:30:47 pm
yes, sis, we still do.  and the hospital still advised us to do so.

from 7-9 am na sunlight.  15-30 minutes/day.  they need vitamin D.
until now, that they're big na, we still expose them to early morning sunlight. 
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: amber on July 19, 2009, 12:35:23 pm
hi sis..si baby pinapaarawan ko pa rin hanggang ngayon..before nagkajaundice sya ngayon wala na pero araw-araw pinapaarawan ko pa rin sya...kase ok yun para sa baby.. ;) 7:00-8:30 daw pwede si baby paarawan... ;D

Sunlight is the best and only natural source of vitamin D, na tumutulong para makapag- absorb si baby ng calcium, which is needed for the healthy development of strong bones and teeth. A deficiency of vitamin D can result in rickets, which affects the way bones develop and grow.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: Gaby's mom on July 28, 2009, 06:16:34 pm
Minsan q lang mapa-arawan c baby late na sya magising ska lage maulan ngayon... kung mapa-arawan q man sya 15mins lang kc sakit na sa balat yung sunlight kahit medyo maaga pa.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: ♥εз ♥ ♏ommy_£eng ♥εз ♥ on July 28, 2009, 10:09:17 pm
yup up to now pero ngaun it depends sa weather mas madalas kasi umulan dito sa prov. pero nung newborn siya palagi indirect mga 10mins. morning 6-8am un na ang pinakamatagal kasi pag 9am wala ng nutrients un mainit na sa skin ni baby.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: tooney14 on July 29, 2009, 11:05:16 pm
0 months to 2, araw-araw. then biglang natigil nung bumalik na ko sa work. ayokong palabasin ng sila lang ni yaya. sa condo kasi, so aakyat pa ng roofdeck. scary.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: mom2trix on July 31, 2009, 04:00:47 pm
yup up to now pero ngaun it depends sa weather mas madalas kasi umulan dito sa prov. pero nung newborn siya palagi indirect mga 10mins. morning 6-8am un na ang pinakamatagal kasi pag 9am wala ng nutrients un mainit na sa skin ni baby.
hi sis!
naku kahit dito sa manila, bihira sumikat ang araw!lagi kami nakikipagunahan sa sikat ng araw..as much as possible everyday ang sunbathing ni baby..for 15 mins nlang..diaper lang ang outfit niya..pansin ko kasi nakakaganda sa kutis niya ang araw.. :) saka mabilis talaga nawala ang paninilaw niya..
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: ♥εз ♥ ♏ommy_£eng ♥εз ♥ on July 31, 2009, 06:15:15 pm
yup up to now pero ngaun it depends sa weather mas madalas kasi umulan dito sa prov. pero nung newborn siya palagi indirect mga 10mins. morning 6-8am un na ang pinakamatagal kasi pag 9am wala ng nutrients un mainit na sa skin ni baby.
hi sis!
naku kahit dito sa manila, bihira sumikat ang araw!lagi kami nakikipagunahan sa sikat ng araw..as much as possible everyday ang sunbathing ni baby..for 15 mins nlang..diaper lang ang outfit niya..pansin ko kasi nakakaganda sa kutis niya ang araw.. :) saka mabilis talaga nawala ang paninilaw niya..
saken naman sis if the weather is good my baby goes nude and he uses pa kasi up to now a cloth diaper kapag evening and rainy days siya gumagamit ng diaper to avoid na din rashes.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: chocoholic29 on August 08, 2009, 09:33:58 pm
Ideal would be 30min or less, regularly between 6-8am. You're not supposed to expose your baby to direct sunlight esp those babies who are less than 6mos for more than 30mins. Super sensitive balat nila, baka magkasunburn. 30mins is enough para makakuha ka ng vit D. And this is actually advised particulary on babies with jaundice.. Pero ako guilty kasi late kami lagi matulog at gumising.. Siguro sa tanang buhay ni baby 3times ko lang siya napaarawan....
Title: pagbilad sa araw
Post by: girl_pretty1212 on February 09, 2011, 08:17:25 am
hello mga mommies... ask ko lang hanggang kelan kaya dapat ibilad si baby sa araw.. mag3 months na kasi siya.. thanks..
Title: Re: pagbilad sa araw
Post by: marikit on February 09, 2011, 08:24:58 am
Hi Mommy! Wala naman yata limit if what age pwede ibilad ang mga baby kasi kahit matatanda nagbibilad every morning pag di pa masakit sa balat yung init.. Siguro sunrise till 8am, ok pa yung init sa balat.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: ryuu on February 09, 2011, 08:21:50 pm
pinapaarawan ko ang baby ko kapag nahahabol si haring araw.. hehe. minsan kasi sa sobrang ulap e hindi na makita yung araw..

pinapaarawan ko yung bumbunan at likod ni bebi (sabi ng mga tita at lola ko) para malakas resistensya ni bebi. nung newborn sha, pinaarawan namin ng nude para matuyo yung cord stump saka para mabilis mawala yung paninilaw.. :)
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: louiss on February 09, 2011, 09:33:40 pm
sabi ni pedia for NB up to 6months 15-30 min daw paarawan si baby between 6-8 am. eh kaso lagi kame late magising, minsan naman maulap kaya balewala din na lumabas kame. mag 2 months na si nathan next week, and meron pa din sya breastmilk jaundice. kaya lagot kame sa pedia niya sa check up niya next week.  :P
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: sashababy on February 10, 2011, 08:48:46 am
naku mommies as much as we want to, di na namen napapaarawan si baby. kasi tanghali na gumising! mga 9 or 10 ganun. i've read somewhere na sun exposure can help adjust babies' sleeping time. making them sleep better at night.  ;)
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: Maui Althea on February 10, 2011, 08:51:30 am
yes, pinapaarawan pa rin namin si baby as advised by her pedia. between 7 to 8am.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: booxilak on February 10, 2011, 09:03:52 am
Hindi ko masyado napapa-arawan baby ko kasi around 7.30am pa lumalabas yung araw dito banda sa house namin.. masakit na sa balat yung init ng araw.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: Maui Althea on February 10, 2011, 10:57:20 am
Hindi ko masyado napapa-arawan baby ko kasi around 7.30am pa lumalabas yung araw dito banda sa house namin.. masakit na sa balat yung init ng araw.


Ay talaga sis, buti na lang dito sa min daming trees kaya malamig pa rin between 7 to 8am.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: Rhay Andrei on April 24, 2011, 08:02:08 pm
newbei po... tanong lang po pano po ba dapat pnapaarawan si baby??? nka dapa? tihaya?? salamat po :)
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: minty on April 25, 2011, 10:37:20 am
kapapa-araw ko lang kanina sa bembi ko around 7am...daily naman ang paaraw niya minsan lang siya tanghaliin ng gising..buong katawan ang paaraw ko sa kanya. danda nga kutis niya ma-mink mink..hehe..
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: swtgrl_bee on April 29, 2011, 12:47:51 am
at 1 yo and 1mo baby ko, tuloy padin paaraw sa kanya :)
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: matrilynne on May 06, 2011, 11:29:53 am
Yes, pinapaarawan pa din namin si baby, good source kasi ng vitamin D ang araw. Basta maaga siya nagising, lumalabas kami. Once na sumikat na ang araw at around 6 am linalabas na siya siguro until 7 am or 8 am siya pinapasyal. Pero hindi na kami masyadong nakakapagpaaraw  lately kasi tanghali na kami pareho nagigising. Pero if there's a chance for sure magpapaaraw kami.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: swtgrl_bee on July 03, 2011, 10:08:25 pm
at 15 months hindi na, or should I say simula nung nagpalit na kami yaya. Yaya kasi baby ko 69YO na. request ni hubby yaya niya kasi dati
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: eka1212 on September 30, 2011, 04:07:09 am
Naku... sa akin sobrang bibihira nung first month to three months napapaarawan namin siya lalo na kapag may araw since June baby ang anak ko..Bibihira ko lang siya mapaarawan dahil maulan at makulimlim this days.. 6am ko siya pinapaaran.. 10 to 30 minutes ang span ng pagpapaaraw ko sa kanya pag may time.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: ysLim on April 16, 2012, 09:22:00 am
nung newborn pa si baby, maaga si hubby gumigising para paarawan si baby. ngaun, 1yr old na si baby, maaga na kasi pasok namin ni hubby, 5am. kaya napapaarawan na lamang si baby pag restdays namin at yun eh kung maaga kami nagigising. naaarawan naman sya kahit papaano pero hindi matagal kasi mainit talaga ngayong summer at namumula kaagad pisngi niya  ;D
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: FayeP on April 16, 2012, 05:11:47 pm
un baby ko, 6 months na siya pero nilalabas pa din siya ng mom ko para paarawan...kasi un baby ko parang nasanay na siya na every 6:30am up to 7am, nasa labas siya ng bahay kaya maaga talaga siya nagigising at inaabangan na un...

Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: toughmom moderator on March 21, 2013, 11:45:09 pm
As a general rule, about 15-20 minutes of direct sunlight in the morning is good enough, but if the skin starts to tingle and redden before that, then its time to go back inside.
Skin Sense: Introducing Healthy Skincare Habits to your Child
http://www.smartparenting.com.ph/home-living/homebase/skin-sense-introducing-healthy-skincare-habits-to-your-child
Title: Pagbilad sa araw ng Baby tuwing umaga
Post by: jazzcristobal on September 19, 2013, 07:23:36 pm
Mga mommies ano ba yung benefit bakit need ibilad si baby sa araw? ilang minuto ba dapat  at anong oras sa umaga dapat ito gawin. Paano? first time mom kasi ako. Curious lang, baka masunog si baby?.
Title: Re: Pagbilad sa araw ng Baby tuwing umaga
Post by: Akosibulinggay on September 19, 2013, 08:07:40 pm
Hello, yung araw between 6 to 7 am healthy sa baby , nakukuha niya sa araw yung vitamin d, eto yung vitamin na nakakatulong sa katawan para maabsorb ng buto at ngipin ang calcium. Mga 30 minutes pwede na yun sis..
Title: Papaarawan si baby
Post by: proud_daddy on October 25, 2017, 08:43:02 am
Paano ba ang right way na pag papaaraw kay baby(new born)

Thanks
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: Mommy Jazz on October 29, 2017, 01:24:22 pm
Same topics merged.
Title: Re: pinapaarawan pa ba si baby?
Post by: Gabbi Aguilar on November 27, 2020, 06:09:17 am
Kailangan bang nakahubad talaga ang baby habang pinaaarawan?

Mag (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=928) para makapagpost ng katanungan, payo o kwento.