Parent Chat
Health => Your Kid's Health and Safety => Topic started by: lovesqniarthur on May 14, 2008, 02:54:29 pm
-
Basahin sa Smart Parenting. Click any topic below.
Makakatulong ba Talaga ang Vitamin C Panlaban sa Sipon? (https://www.smartparenting.com.ph/health/your-kids-health/vitamin-c-gamot-sa-sipon-a1155-20190623?ref=parentchat)
gamot sa sipon ni baby (https://www.smartparenting.com.ph/parenting/baby/gamot-sa-sipon-ni-baby-a1155-20190227?ref=parentchat)
gamot sa ubo ni baby (https://www.smartparenting.com.ph/health/your-kids-health/gamot-sa-ubo-sipon-a1155-20190303?ref=parentchat)
Cough And Colds Relief For Baby (https://www.smartparenting.com.ph/parenting/baby/cough-colds-relief-elevate-baby-head-a00041-20200108?ref=parentchat)
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2017/12/04/171204-hlth2-A2.jpg) (https://www.smartparenting.com.ph/parenting/baby?ref=parentchat)
photo by ISTOCK
i'm just new here! i need advice on what to do with my baby's cough! the medications his pedia adviced really not as much help eh... I'm afraid he'll get pneumonia later on...
Mod's note:
Community members can share their experience on related health conditions and feedback on brands and products. For inquiries on health and medical concerns, please get professional advice from a doctor or a health professional.
Naka-relate ka ba? Maging member na para makapagpost ng katanungan o payo dito
(https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply to join this discussion (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=936).
(https://i.ibb.co/1b0tphY/spmomsimg.gif) (http://bit.ly/spmemberperks)
-
my son got cough din when he was 3 months our pedia prescribe bricanyl syrup and benadryl (kc sa gabi mas malala yung ubo) less than a week the cough was gone na. refrain na patulugin si baby on his back kc na tratrap yung pawis sa likod ibaling mo sya from side to side para hindi pagpawisan ang likod. Ganyan talaga na kaka paranoid pag may sakit ang mga anak natin.
-
mahirap mag self medicate.better tell your pedia na hindi na work yung unang prescribed medicine niya for cough para maresetahan ka ng mas matapang sa fisrt med niya,yet hiyang kay baby.last month lang nag ka ubo din si baby (7mos siya)and for seven days ang gamutan with loviscol (.3ml) 2x a day. exclusively seven days lang at after non stop na dapat kc baka ma overdose si baby sa gamot. after seven days na gamutan,may pahabol pa yan mga two to three days pa siya uubuhin pero nothing to worry kc pagaling na din yan at di mo na dapat pa painumin ng gamot na ininom niya.pero pag tumagal pa ng four to five more days ang ubo after treatment ng seven days na nagstop ka na,balik mo ulit sa doctor.ganun kc baby ko,kala ko din di effective yung gamot kc after seven days na gamutan may ubo padin,pero two days lang pala na pahabol yon.ano ba gamot ni baby at ilang days mo na siya pinapainom nun?kung hindi pa tapos yung seven days na gamutan,wag ka muna mag worry,ganun talaga,akala ko din non di effective kc four days ko na pinapainom di padin nagaling,yun pala dapat tapusin mo muna yung seven days to see it's effect.
one more,i read an article to use vicks sa gabi pag matutulog na siya,apply it sa feet niya then put socks on.i tried it first night hindi umepekto,second night,effective na,the whole night himbing ng tulog niya,the next morning less na ubo niya,did it the third night, the next morning lesser coughs at next few days nalelessen talaga at tuluyan na nawala.sayang nga late ko na yun nalaman,nagawa ko sa baby ko yun fourth day na ng ubo niya,kung nalamn ko lang yun ng mas maaga,first day palang ng ubo niya ginawa ko na.just try it and u will see the effects gradually. ;) hope this helps.
-
he took ambroxol for 5days. then yung alnix which he takes at night lang for seven days so till tomorrow pa po un. Yeah effective yung sa vicks. Ginagawa ko un kay baby and all-night ala nga ciang ubo kasi during daytime naman umaattack yung cough niya.. I can't have him wear socks all-day and all-night long kz napakapawisin niya! He sweats a lot talaga! HE's 9 and a half months old na and sobrang likot.. Sbi ng mom ko, baka daw may bali kaya un pinahilot niya. Di ako pabor sa hilot hilot kaso you think it really works?
-
hi mommy lovesqniarthur. wala naman din mawawala kung papahilot mo si baby. ganun siguro talaga mga older moms mapamahiin pagdating sa sakit ng bata. akala lagi may bali. ok din ambroxol pero nagconsult ako sa gen. physician namin once kasi ayaw din gumaling ni baby sa ambroxol. sabi niya... usually daw effect ng ambroxol sa baby e it would make him cough more. kaya nagswitch kami sa antibiotics and antihistamine. consult ur pedia kung tingin mo talaga d effetive yung gamot ni baby. ;D
-
thanks for the reply andrew610! I really appreciate it po! i'll ask his pedia na lang ulit sa follow-up check-up namin this coming saturday... :)
-
if ambroxol doesn't work,tell the doctor para maresetahan ka ng mas matapang dun na eepekto.ang ginamit ko kc loviscol lang,seven days,at hindi na ko nag extend pa dun/hindi kc maganda sa katawan ng baby na maexpose ng matagal sa mga antibiotics,immature pa liver nila.sis,yung vicks sa paa ni baby with socks,sa gabi lang,no need to do it at daytime.ganun talaga,tapusin mo muna sis yung seven days na gamutan before judging na di nga effective yung gamot.ganun din kc ako non,tayong mga moms impatient when health of our baby ang nakataya.four days ko pa nga lang ginagamot si baby non inis na ko kc di effctive yung gamot,yun pala u really have to wait for seven days kung yuna ng reseta ng doctor.kung tingin mo malala talaga ubo niya,or may doubts ka talaga sa gamot,then u may rush your baby sa pedia niya.sa hilot naman,sis massage therapy lang yan.malaki maitutulong ng mommy's touch sa baby.no need to get an expert or albularyo,personally,i dont believe in hilot sa bata,baka lalo lang ma misplace yung bali,mommy's touch lang talaga,every night before matulog,with baby oil or lotion,massage mo lang si baby lightly. ;)
-
thanks youngmom! i'll try to be more patient... :)
-
yes,you really have to be patient... and add ko lang po, to prevent cough, avoid na matuyuan ng pawis si baby. after bath, apply mild baby powder on baby's skin (avoiding the face) to keep him fresh & dry.check lagi kung basa na ng pawis.... :)
-
my daughter had a very serious cough and cold na hindi ko talaga alam where it came from kasi hindi ko talaga pinababayaang basa ang likod niya...i had her checked by our pedia and found out she is allergic to baby powder, kaya stop muna powder. we were advised to either give her saline solution sa nebulizer if it worsens, para lang makahinga cia, but the pedia never recommended medication. i researched somewhere, i can't remember where it was and it says something about recalling some cough and cold medicines for children??? and then i subscribed to a newsletter from dr. sears and read this article:
http://askdrsears.com/html/8/T081000.asp
hindi pala talaga advisable magbigay ng cough syrup for children below 2...aun lang... ;D
-
like sunmom's pedia, our pedia don't prescribe medicine kaagad pag may cough ang kids ko kc nga dahil dun sa study ng side effects of medicine with ibuprofen, Acetaminophen... kaya ang advise lang is drink plenty of water and wag patutuyuan ng pawis sa likod and for clogged nose drops lang ng salinase... unless may phlegm then she prescribes mucosolvan and antibiotic (can't remember po kung ano, check ko later ;) ) for 7 seven days
just last sunday nagkasipon c bernice and konting ubo pero d naman straight un ubo niya kaya lang kahapon walang ganang kumain and c jared may sipon na rin... wahhhh :(... kaya tmrw pa check-up na kami...
-
yes,you really have to be patient... and add ko lang po, to prevent cough, avoid na matuyuan ng pawis si baby. after bath, apply mild baby powder on baby's skin (avoiding the face) to keep him fresh & dry.check lagi kung basa na ng pawis.... :)
is there any way para di cia maging pawisin? his head is sobrang pawisin po talaga eh! Un lang lage yung sbrang basa sa kanya kaso ngdidrip yung sweat niya sa neck pababa sa back niya! What should i do about it po? any advice?
-
Dapat laging may sapin sa likod ang bata,24 hrs,lalo na kung active ang kiddo niyo.si macky,super likot,kaya lagimay sapin sa likod then from time to time check mo kung basa na yung sapin sa likod,so palit ulit ng sapin,iba pa yung sapin sa ulo,lagi lang dapat naka ready yn and wipe it dry everytime nagpapawis ang ulo ni baby.ang pagpapawis naman ng ulo si normal because of their immature sweat galnds.
as for the medicine,long term exposure po ang nakasasama,like if the instruction is for seven days lang,dapat wala ng extension dun at may certain dosage po for that,for example, .3ml 3 x a day,so hinahati talaga siya para moderate ang intake ng med.dont be afraid to follow you pedia,graduate po yan ng medicine course at nag take pa po yan ng specialty under pediatrics,so alam niya ang nirereseta niyang gamot na safe sa baby natin.at first,takot din ako sundin yung pedia kung san nag pa check up si macky(lalo pa hindi niya yun pedia kc out of town ang pedia niya), who prescribed loviscol,pero sinunod ko din kc i know pedia yan at hindi naman yan mag rereseta ng gamot na pang 4 yr old na,in the end,tama siya,gumaling si macky after medication with lots of water. ;)
-
mommies try ito but this is for older kids ha? mga tipong 3 and up. pag malapit na maluto yung kanin, put 3 small oregano leaves on top of the rice, thenr emove after about 3-5 mins. squeeze the leaves to extract about 1 small teaspoon, bigay sa bata, mae-expel niya phlegm niya. i gave yancy oregano medicine for about 2 days at after, wala na syang ubo. hot calamansi is not adviseable kasi pag hot, naluluto lang yung calamansi, warm calamansi is okey but in small doses lang. pero, on the safe side, check with your pedia pag all-natural medication gagamitin. my pedia kasi also believes in natural medication kaya ok sa kanya yung oregano for simple coughs.
-
Same with me, I am using oregano din eversince...6 leaves will do.. i wash the leaves and extract the juice para un yung papainom ko k baby.Since grown yung oregano in my own garden, i feel secure n clean talaga siya. Plus i also squeeze 1 calamansi para d gnong bitter yung oregano. After a day or two, lalabas n yung phleghm niya and my son's ok na. ;)
-
same here mommy!!!may cough ngaun baby ko aside from her pedia prescription (ambroxol). pinapainom ko rin siya ng calamansi juice with oregano and minimix ko din ng pulot para hindi niya malasahan yung oregano and calamansi..baby ko is four months pa lang advisable po ba uminom siya ng calamansi with oregano I did not consult her pedia about this ;)(ginaya ko lang yung kaibigan ko) ;D
-
actually,it's still best to consult your pedia,pero believe me,most doctors nowadays are not fond of herbal medicines and instead will prescribe you with something else like processed medicines,(which has faster results,pero pag sobra,may bad effects sa body).in my opinion,ok lang yan sis,natural product naman e,herbal namanso it's ok,safe kahit sa infants,pero wag ka sakin or kung kanino man mag rely with regards to your baby's health,ask your pedia abut it. ;) may your baby get well soon. :D
-
actually,it's still best to consult your pedia,pero believe me,most doctors nowadays are not fond of herbal medicines and instead will prescribe you with something else like processed medicines,(which has faster results,pero pag sobra,may bad effects sa body).in my opinion,ok lang yan sis,natural product naman e,herbal namanso it's ok,safe kahit sa infants,pero wag ka sakin or kung kanino man mag rely with regards to your baby's health,ask your pedia abut it. ;) may your baby get well soon. :D
thanx youngmom.. ;D
she is taking ambroxol also..kaya lang naiinip ako ang tagal gumaling kaya pinainom ko na rin ng calamansi juice with pulot, hindi ko na nilagyan ng oregano kanina ;D..
-
Careful in giving medicines to baby,it should only be for seven days or as to what the pedia says,to extension,masama long time exposure to medicines.
-
hi momyJ share ko lang po my pedia told us na no need to drink calamansi juice kapag may ubo si baby kasi vitamins C na can get sa calamansi juice eh makukuha mo na naman yan sa ceelin or whats your babies vit.C ;) ;)
-
na try nyo na din ba ang "ampalaya leaves" for cough?
-
hi momyJ share ko lang po my pedia told us na no need to drink calamansi juice kapag may ubo si baby kasi vitamins C na can get sa calamansi juice eh makukuha mo na naman yan sa ceelin or whats your babies vit.C ;) ;)
thanx mommy mitch!! hindi ko nga tinanong pedia ko about it.. ;D
na try nyo na din ba ang "ampalaya leaves" for cough?
mommy gabneth hindi ko pa po natry yung ampalaya leaves..but so far ok naman na po baby ko, makulit na ulit siya.. ;D
three days lang yung cough niya thanx God and thanx to all the mommies :)
-
is there any way para di cia maging pawisin? his head is sobrang pawisin po talaga eh! Un lang lage yung sbrang basa sa kanya kaso ngdidrip yung sweat niya sa neck pababa sa back niya! What should i do about it po? any advice?
dapat laging may towel/lampin sa head pillow ni baby,kung nakahiga sya,para ma-absorb yung pawis.pati sa likod,dapat laging may lampin.after bath,we can apply powder on baby's back to keep him dry.use clothes na presko sa katawan.
-
na try nyo na din ba ang "ampalaya leaves" for cough?
yup! and it's effective kay jared! actually un yung nakagaling sa cough niya last time! ;D
-
[quote author=lovesqniarthur
dapat laging may towel/lampin sa head pillow ni baby,kung nakahiga sya,para ma-absorb yung pawis.pati sa likod,dapat laging may lampin.after bath,we can apply powder on baby's back to keep him dry.use clothes na presko sa katawan.
link=topic=936.msg7294#msg7294 date=1211442719]
is there any way para di cia maging pawisin? his head is sobrang pawisin po talaga eh! Un lang lage yung sbrang basa sa kanya kaso ngdidrip yung sweat niya sa neck pababa sa back niya! What should i do about it po? any advice?
[/quote]
thanks po sa advice! his pedia prohibits powder eh gawa nung powder dust! Pero nilalagyan ko naman po cia ng lampin on his back.
-
My daughter is 5yo and has cough now. Pinatingin ko na sa pedia and she's taking meds already. Prob ko, I wish I can give her something to ease her coughing. Palagi ang ubo since it will take about 2 days pa para gumaling yan.
The Oregano (I read on previous posts) won't work because she doesn't find it enjoyable (picky eater din kasi yan eh). When I have cough, I make tea by boiling ginger and garlic and adding honey in a cup. Pero hndi rin yata enjoyable sa bata yon. My sister recommended chix soup from scratch (not from cubes). What I'm looking for is a throat relief I can give. Is there a kiddie strepsils? Can anyone recommend an enjoyable concoction?
-
kiddie strepsils? wala ako alam sis. :-\ pwede naman strepsils sa kids kahit one time lang pag talagang sore o makati na yung throat,just give her the flavored one para di maanghang like yung orange flavor,then cut it lang in half,if she likes it give her the other half a little later.
-
Aside from the medication from your doctor, You may try putting vicks vaporub on the sole of her feet when sleeping and put socks on. It's supposed to absorb yun lamig. A mommy gave me this tip and it worked for my son. Grabe ubo niya 2 weeks ago. i had sleepless nights kc nagigising siya at nahirapan sa ubo. Nag Combivent nebule( Salbutamol) din siya.
-
Aside from the medication from your doctor, You may try putting vicks vaporub on the sole of her feet when sleeping and put socks on. It's supposed to absorb yun lamig. A mommy gave me this tip and it worked for my son. Grabe ubo niya 2 weeks ago. i had sleepless nights kc nagigising siya at nahirapan sa ubo. Nag Combivent nebule( Salbutamol) din siya.
i do this too,baka ako yon sis hehe. :P
-
Hindi po ba na disprove na po yung applying vicks on the feet? I read it somewhere.
Has anyone tried Lagundi? It was never prescribed to my kids and I haven't asked our pedia about it yet. Effective po ba? Para sa anong type of cough lang yun?
-
Ayaw ng pedia ko ang vicks, kahit saang part ng katawan ni baby. the cool effect daw of vicks actually burns the skin. chaka relief lang naman daw kasi ang binibigay ng vicks from cough, not actually eliminating the virus itself. for my baby girl, 1 ml salinase + 1 ml ventolin nebule for coughing spells. for my son, 2 ml ventolin nebule. do it daw every 6 hours or twice a day, depende sa pagka-lala ng ubo.
we used to apply transpulmin before, pero bigla nawala sa market yun. i dunno why. e pati pedia ko yun ang ginagamit coz she has asthma also.
-
curious din ako sa lagundi na yan. si lucy endorser niyn diba?
bad ba pala vicks sa skin ng bata? ??? i still use it on his feet pag may ubo siya,then naka socks for overnight relief coz he can't sleep well from coughing. works well naman po. :-X
-
yong iba nilalagay sa chest at sa likod ang vicks... especially pag hirap sa ubo at sipon...siguro if masyado pa baby baka nga mag ka rushes ang baby....
-
curious din ako sa lagundi na yan. si lucy endorser niyn diba?
bad ba pala vicks sa skin ng bata? ??? i still use it on his feet pag may ubo siya,then naka socks for overnight relief coz he can't sleep well from coughing. works well naman po. :-X
hindi naman maciadong bad, yung base lang kasi niya is petrolatum or petroleum jelly na hindi naman talaga maganda sa skin kasi it masks the skin na parang plastic...so pwede ka naman magconcoct ng sarili mo youngmom, ako i'm considering it na nga e, yung ingredients ng vicks without petrolatum: eucalyptus, peppermint, camphor and thyme essential oils, halo sa either virgin coconut oil or virgin olive oil...if you want a sticky version, pwede ka maglagay ng beeswax pamelt mo lang... ;D
-
per my baby's pedia, vicks is not good for babies. it will burn daw their skins. had asked my son's pedia kasi one time madami syang insect bites.
iwasan lang talaga natin matuyuan ng pawis ang likod ni baby. dapat may sapin talaga ang likod. then check if basa na yung sapin at palitan ng bago. Better yet, palitan yung damit. like sando or yung de-aircon na sando (may mga butas). Mas gugustuhin pa natin na maglaba ng madaming damit ng bata sa sige niya palit kaysa naman magkasakit siya, diba? we really can't help but cry. lalo na pag in pain na talaga ang bata. nagpapanic agad tayo on how we can relieve the pain.... :'(
-
sa mommies na nakagamit na ng ambroxol (mucosolvan) question ko lang..
nababasa nyo ba sa box or bottle nito yung nakalagay na..
"Drops should be used up within 14 days after opening the bottle. Discard any remaining drops."
pano kung yung bottle e naopen pero hindi nagamit or konti lang talaga ang nagamit then after like 1 or 2 months (or more basta di pa expired) pwede pa din bang gamitin un? kase sa iba namang mga gamot pwede gamitin pag my tira pa sa bottle basta itago lang ng maayos or ilagay sa ref or di pa expired di ba..?
sa mga mommies po na naka experience na at wala namang bad effects sa babies nila, pashare lang po ng experience kase ako sinusunod ko tlaga yung nakaindicate sa package pero nasasayangan din kase ako sa pagtapon lalo kung madami pang laman..
-
hello po mga mommies!!yung baby ko my cough and colds ngaun. he's turning 6 months po sa june 15. last may 18 may ubo n sya pero punta kming pedia ang den niresetahan sya ng antibiotics to be taken for 7 days and cough medicine for 3 days.nawala naman sya after 3 days. pero bumalik nga ulit after a week.yoko naman n po painumin ulit ng gamot n processed.ano po bng mgandang herbal sa kanya??pls reply...
-
yung baby ko po ganyan din bumabalik ubo tas na diagnose ng asthma may maintenance sya sa ngaun di na naman sya inuubo at sipon kahit yung mga pamangkin ko is inuubo na sinisipon lang sya for a day tas ala na unlike dati na tumutuloy sa ubo ;)
-
@eytellene
mommy, pinacheck nyo po ulit sa pedia niya???my gnawa po bng test??
-
yung sa baby ko kase una kase pina tidal breathing sya so okay naman tas nag pa skin test negative naman sa PC so nd PC ang culprit. Pero niresetahan niya kame nung pampwala ng plema at ubo tas nag okay na sya ala na plema ubo na lang so binigyan niya ng prolix so okay na tas pina stop na niya nung nwala na yung prolix inubo ulit sya so sabi ni doc may hika nga kase may dependency na sya dun e di naman pwede na yun gamot forever so pinabili kame nung bayhaler tas seretide gamot niya bale sa gabi at umaga tas monteluskat sa gabi din sabay ng dinner niya... naka 1 month na sya tas last sat bumalik kame okay naman maintain pa din hanggang end of July pag nag ok at tahimik from June to july less na ang dosage tas pag mag okay pa din daw di na sya mag gagamot...
Nung una ayaw ko pa nga sya ipa baby haler kaso no choice tas nakita ko naman improvement kaya okay na ang sabi kase nung pedia niya nd porket di inuubo e ala na kaya nga nag maintain para totally mawala kase if ititigil masasayang lang uulit sa umpisa..
haba ng post.. yun ang kwento hahah :)
-
sa mommies na nakagamit na ng ambroxol (mucosolvan) question ko lang..
nababasa nyo ba sa box or bottle nito yung nakalagay na..
"Drops should be used up within 14 days after opening the bottle. Discard any remaining drops."
pano kung yung bottle e naopen pero hindi nagamit or konti lang talaga ang nagamit then after like 1 or 2 months (or more basta di pa expired) pwede pa din bang gamitin un? kase sa iba namang mga gamot pwede gamitin pag my tira pa sa bottle basta itago lang ng maayos or ilagay sa ref or di pa expired di ba..?
sa mga mommies po na naka experience na at wala namang bad effects sa babies nila, pashare lang po ng experience kase ako sinusunod ko tlaga yung nakaindicate sa package pero nasasayangan din kase ako sa pagtapon lalo kung madami pang laman..
mommy dapat na po talaga sya itapon/idiscard. basta yung mga powdered antibiotics na hinahaluan ng water hindi po daw talaga dapat pinagtatagal. kung hindi mo pa naopen or nadilute sa water ok lang pero once na naprepare mo na sya at hindi naubos dapat dicard na.
-
ya.ako din yung mga gamot sa ubo at antibiotic tinatapon ko na...yung eldest ko pag may ubo..inoobserve ko yung tunog.kasi may ashtma din sya.pag parang makati yung lalamunan sa ubo, Benadryl AH (pero syempre txt ko muna pedia niya)..pag ashtma attack kasi lumulubog yung leeg at tyan, pausok ko sya..aagapan ko na..tas pphilot ko din..massage baga..pag ubong maplema, pausok din sya ng ambroxol inhalation with NSS..di kasi masyado nagbibigay ng antibitic pedia niya..tas paarawan ko sila every morning.kung makukuha naman sa pausok.pag alang improvement in 2days, papacheckup ko n sila..natry ko din s knila yung ampalaya leaves at oregano bsta pag maplema yung ubo..tas water water water..pg may ubo din daw wag muna juices, oranges or calamansi, makati daw po kasi un sa throat.usually puro banana ang pinapakain sa knila..tas pag sipon po, salinase pausok din..3x a day.natry ko din ang lagundi..usually pag nagantibiotic, un ang sunod na pinapatake..ala naman daw masyadong overdose sa lagundi.kaya hanggang sa mwala ang ubo ang patake ng pedia ko.
-
hi mga mommies, ask lang po...may nangyari or di sinasadyang naka experience na ba ng ganito sa inyo?help..
pedia prescribed disudrin and alnix to my son..pedia explained to me naman the dosage and how many to be given. my mistake, na miss understood ko yung prescribed dosage ni baby...2 days later na nung malaman ko na once a day ko lang pala dapat give yung ALNIX(antihesthamine).akala ko kasi both med niya is 3x a day. yun kasi reflect sa mind and yun ang ang akala ko na narinig ko, but nung nagcheck ako ng baby book ni baby nung tue night BANG! ayon nakalagay once a day lang pala ang ALNIX, disudrin lang pala ang 3x a day...huuhhuhu..
i did not inform his pedia yet.kasi di pa kami nakakabalik sa kanya..
eto po yung scenario:
sunday i started giving him the meds after going to his pedia
Disudrin: .5ml
Alnix: .5ml
I gave him ALNIX with this instance:
2x ko sya nabigyan nung sunday
3x nung monday
2x nung tuesday
I suddenly stop giving him alnix after reading his baby book na dapat pala .5ml once daily for 5days lang...tapos I read the dosage naman sa box ng gamot 6-12months 1ml should be the maximum dose to be given.. :'(
..............................
sa tingin nyo po ba mga sis, nakatulong yung pag stop ko agad yung gamot after knowing na sobra napainom ko....? wala naman akong napansin na kakaiba sa baby ko..observe ko pa sya kung agitated sya... ???
-
I checked nline MIMS -
http://www.mims.com/Page.aspx?menuid=mng&name=Alnix+syr&brief=false&CTRY=PH#Overdosage
sabi if accidental overdose, consult a Doctor. It wil cause restlessness and irritability talaga. Sana nothing serious.
-
Hi Mommyjazz thanks for replying...
I'm relieve..I already spoke to my son's pedia kanina. She told me to immediately stop the med, which I already did right after I read the baby book last tue.Sabi niya aantukin lang naman raw si baby o un nga magiging iretable si baby sa amount na napainom namin and she explains to na marerelease din naman agad yung med sa body niya kaya no need to worry daw unless talagang may magbago kay baby...observe ko lang raw..pedia ask me so many things like ok naman ba pagkain ni baby, nakikipaglaro, nagrereact ba if kinakausap..etc..all goes ok naman na lahat ngayon sa tanong niya.except lang talaga yesterday kasi late na siya natulog and napaka early pa niya nagising and irritable sya..pero ok na sya ngayon...but still observe ko padin sya... :)
-
may sipon si baby ko,anung gamot na effective/.kagabi nilagnat siya at di makatulog becoz of his sipon,,iyak lang ng iyak,,pinainom ko na tempra,,problema ko nalang sipon,,pls help,,,
-
hi mommy ask ko lang matagal na ba sipon niya?? ang bb ko kasi ngayon may sipon din hindi pa ako nagbibigay ng gamot niya..if may ubo at sipon na tlaga.. i give him allerkid .6 ml and xelent antibiotics niya..
pero mas mabuti mommy if worried ka talaga you can txt or call your pedia para sure tlaga/
hope it helps mom..
-
kagabi lang ngsimula,,worried talaga ako pg siponin siya kasi supper matagal mawala pg siya sinisipon,,very sticky nga eh and yellowish,,
-
sis, mas maganda ata pag dalhin mo sa pedia niya kasi mahirap minsan yung self-medication lang...
-
pero try mo din disudrin kasi yan effective sa mga kids ko
-
yes sis, i also use disudrin on AK pag may nakitako sipon. usually the following day wala na agad. pero pag meron parin, 3rd day lumala pa. dinadala ko na sya sa doctor niya.
there's this one time, nung dinala ko sya sa doctor niya, 3rd day ng sipon. hindi na disudrin ang nireseta, loraped na. and very effective din.
-
thank you mga momsies,,i will buy na,,kasi nakakawa pg may sipon,,di makatulog,,mabuhay po hehe
-
hi sis! baby ko din nagkasipon with ubo pa nga. sticky yung sipon niya kaya iyak and iritable si baby kasi nababarahan yung paghinga niya. ako i use SALINASE (salt solution). tinutunaw yung clogged/sticky sipon then sinusungkit ko nung pang baby na cotton buds para matanggal totally sa nose niya, or gumagamit din me ng aspirator yung parang panghigop. meron nun sa department stores. yung salinase naman sa mercury drug meron din.
-
hi sis! baby ko din nagkasipon with ubo pa nga. sticky yung sipon niya kaya iyak and iritable si baby kasi nababarahan yung paghinga niya. ako i use SALINASE (salt solution). tinutunaw yung clogged/sticky sipon then sinusungkit ko nung pang baby na cotton buds para matanggal totally sa nose niya, or gumagamit din me ng aspirator yung parang panghigop. meron nun sa department stores. yung salinase naman sa mercury drug meron din.
thank you mom angel,,
-
hi!
c iyah din may sipon.. :(
2nd time pa lang siya ngkasipon..yung una tumagal ng 2 days.
pero hindi siya msyado hirap nung una e.
kgbi halos d kami nakatulog,kc bgla sya nagigising,iyak ng iyak.
clear naman yung sipon niya,tulo ng tulo..
naawa ako,kc d sya maka2log ng maayos.
binilhan ko disudrin,sana mawala na kgad. :(
-
thank you,,,
nakatulog na baby ko last night,,pinainom ko ng disodrin,,and 1 thing mga moms,,kung may sipon baby niyo lagyan ng vicks sa paa at medyasan sa gabi bago mayulog,,yun lage ko ginagawa pg may sipon mga anak ko,,ng research kasi ako bout that,,its effective naman,,try niyo din at tell me kung effective,,,
-
mommy try nyo po muconase (nasal drop) very effective po. pero the best pa rin po na ipa-check up muna si baby sa pedia.
-
salinase (salt solution) un ang gamit ko gavy 2 tyms a day
-
us0 talga yata ngeon ang sip0n at ub0, c basti k0, pangalawang beses plng niya sinip0n, i prefer kc herbal, oregano and ampalaya leaves palang ang binigay k0 sa kanya, tak0t kc ako masanay c basti sa medicine e. kahapon nagstart yung sip0n at ub0 niya at may konting sinat. tul0 rin ng tul0 yung sip0n niya, pag hindi nakuha sa pagiging Mang Kepweng k0. try k0 yung disudrin. Salamat m0mmies.
-
salinase (salt solution) un ang gamit ko gavy 2 tyms a day
how much yn sis??
-
and make sure he/she got a lot fluid..
-
thank you sa lahat ng ngreply,,best mommy talaga,,,
-
nahawa ng sipon ko si bebe :(, nung naramdaman ko na magkakasipon na siya, i gave her disudrin drops, kaya di na masyado tumuloy :) now, ok na siya ako hinde pa ;D ok na rin :D
-
disudrin din pinainom ko,,ngayon kunti nalang,,nahawa siya sa kuya niya,,,akala ko ba pg breastfeed hindi madaling mahawa?bakit yung empress ko nahawa agad?huhuhu
-
mommie yung disudrin sabi nung pedia namin is 3 days lang daw pwede itake pos if ever meron pa din sipon si baby advise niya to use salinase drops n lang
-
mommie yung disudrin sabi nung pedia namin is 3 days lang daw pwede itake pos if ever meron pa din sipon si baby advise niya to use salinase drops n lang
ganyan din sabi ng pedia namin, every 8 hrs for 3 days.
-
thanks po sa lahat ng ngreply,,i appreciated it a lot,,,,hope to see you soon mga sissies,,,
-
salinase (salt solution) un ang gamit ko gavy 2 tyms a day
how much yn sis??
bumili ako last night around P60.00 lang sis.
I also tried it s akin kasi may sipon din ako ngaun ok naman
disudrin din gamit namin s sipon
-
kagabi lang ngsimula,,worried talaga ako pg siponin siya kasi supper matagal mawala pg siya sinisipon,,very sticky nga eh and yellowish,,
alam mo mommy try mo gamitin yung pang sipsip ng sipon mas nakakaginhawa din.kasi yung baby ko may sipon cia nung isang lingo nakatulong cia besides sa take niya medicine.
-
thank you,,,
nakatulog na baby ko last night,,pinainom ko ng disodrin,,and 1 thing mga moms,,kung may sipon baby niyo lagyan ng vicks sa paa at medyasan sa gabi bago mayulog,,yun lage ko ginagawa pg may sipon mga anak ko,,ng research kasi ako bout that,,its effective naman,,try niyo din at tell me kung effective,,,
mommy ako din ganyan ginagawa ko kaya lang kahit walang sipon naka medyas cia kasi ayaw magkumot kaya pag tulog n cia lagay ko n yung medyas niya sa gabi.effective yun sabi ng mga matatanda para daw hindi papasukan ng lamig.ingat n lang mga mommy kasama n ako dun !
-
for some reason, yung pedia ng anak ko didn't approve of disudrin.. my son started out with sipon for two days so i gave him disudrin then nung inubo na sya, tinigilan ko disudrin and gave solmux instead.. then after a few days pina check up ko sa pedia.. nung sinabi ko i gave him disudrin she asked kng ilang days ko bnigyan (2 days lang naman) then parang umiling sya sabay sabi hindi daw un maganda... ako naman feeling mybe its becoz of the phenylpropanolamine which is an issue before.. but anyways, she gave us a different medicine instead.. parang relief for colds..but i forgot the name.. so i guess the best thing to do tlaga is not to rely too much on over the counter medicines.. consult with ur pedia instead :)
-
last august nagkasipon din si baby. i only used salinase then aspirate the nose. naging effective naman siya. :)
-
effective talaga salinase and aspirator. yun nga lang baby ko nung una nagagalit at ayaw na ayaw ginagalaw nose niya. pero now, nauuto na namin kahit paano. :)
-
hay..may ubot sipon din yung bunso ko..pero ok lang sya di naman iritado..pinacheck up yday ng MIL ko, ayun sabi ni pedia, di niya gusto yung tunog ng ubo..binigyan sya ng ambrolex at neozep drops..stop na din pausok ng salinase..hay..kakaawa lang mga babies talga..sana tayo n lang..
-
hay..may ubot sipon din yung bunso ko..pero ok lang sya di naman iritado..pinacheck up yday ng MIL ko, ayun sabi ni pedia, di niya gusto yung tunog ng ubo..binigyan sya ng ambrolex at neozep drops..stop na din pausok ng salinase..hay..kakaawa lang mga babies talga..sana tayo n lang..
correct mommy..sana nga tayo na lang... nung si baby may sipon at hindi magkasya ang aspirator namin, hinigop ko ang sipon hahaha! old school! :D ayun, ako ay nahawa hahaha!
-
disudrin drops... ;)
-
hi momhie's!!effective po yung allerkid ntry qo n un s baby qo..matagal din siya nagkacpon eh..ngayon po umiige n ;)
-
salinase and aspirator..pag hindi nawala disudrin take ni baby..na try din namin yung tridecon drops so far effective naman siya.
-
try nu po Disudrin Drops...effective po un ky MarlaFaye...
-
mommy pano po ginagamit yung salinase? pinapainom po ba un kay baby or pinapatak lang sa ilong niya? grabe kasi sipon ng daughter ko... panay lang ang tulo... wawa naman. TIA
-
mommy pano po ginagamit yung salinase? pinapainom po ba un kay baby or pinapatak lang sa ilong niya? grabe kasi sipon ng daughter ko... panay lang ang tulo... wawa naman. TIA
sis papatak lang po sa nose ni baby tapos use nasal aspirator para makuha mo yung mga sipon na nakabara.
-
for trina its also salinase and aspirator ;)
-
for my son, i use sterimar, nebulizer with saline solution, aspirator and double to triple doses of vitamin c. pag nag start na ubo, i use ascof lagundi. so far effecitive sa kanya lagundi. pag marami pa rin phlegm, i give him ambrolex na para ilabas lahat ng phlegm sa may throat. i dont rely much on those decongestant meds for kids kase the rebound effect is worse for my son.. and of course, its said to be not good for them..
-
ako rin i use salinase for my Tyler. pero no no ako sa medicine.. calamansi with konting honey or orange juice. very effective. ayaw ko kasi masanay sa medicine si Tyler kasi hindi rin ako nagmemeds. pag may sipon ako calamansi juice lang din with honey instead of sugar.
pero watch out lang mommy sa pagbigay ng honey sa baby. kasi bawal honey sa 6yrs old. and below, nabasa ko yung Smart Parenting book
naku OT na yata ako...
-
sinisipon na naman anak ko..1yr 10mos..malamig kasi weather.salinase lang gamot ko sa kanya..at yun nabasa ko dito vicks at medyas..
singab na singab sya mga mommies..kagabi nagstart..ano kaya pwede ko gawin or ipakain>?..thanks pls reply po
-
sinisipon na naman anak ko..1yr 10mos..malamig kasi weather.salinase lang gamot ko sa kanya..at yun nabasa ko dito vicks at medyas..
singab na singab sya mga mommies..kagabi nagstart..ano kaya pwede ko gawin or ipakain>?..thanks pls reply po
mommy, continue mo lang yung salinase and aspirator.. Then make sure na uminom ng madaming water. Ask the pedia if you could increase the dosage of vitamin C.. Yun lang naman.. Usually with my son pinapatulo ko lang talaga yung sipon. If you have nebulizer, ok din gamitin yun para lumuwag paghinga ni baby lalo na while sleeping. :)
-
baby nikki ko din, me sipon since tuesday.
pero pansin ko lang sa kaniya, every morning paggising niya saka lang siya sinisipon, di kaya allergy yun? pero tumutulo naman siya, salinase din gamit ko, pro buy na me mya disudrin, sana after 2 days magtake ng disudrin maging kay na, kasi sabi ni dok di daw maganda gamitin disudrin for more than 2 days.. ???
-
baby nikki ko din, me sipon since tuesday.
pero pansin ko lang sa kaniya, every morning paggising niya saka lang siya sinisipon, di kaya allergy yun? pero tumutulo naman siya, salinase din gamit ko, pro buy na me mya disudrin, sana after 2 days magtake ng disudrin maging kay na, kasi sabi ni dok di daw maganda gamitin disudrin for more than 2 days.. ???
Mommy, malalaman mo pag colds pag after a couple of days nagiging yellowish and sticky ang sipon pero pag allergy naka ilan days na clear pa rin yung sipon hangang sa mawala.
-
Hehe sorry nasama sa quote yung reply ko ;D
-
hay..may ubot sipon din textspeak! bunso ko..pero ok lang sya di naman iritado..pinacheck up yday ng MIL ko, ayun sabi ni pedia, di niya gusto textspeak! tunog ng ubo..binigyan sya ng ambrolex at neozep drops..stop na din pausok ng salinase..hay..kakaawa lang mga babies talga..sana tayo textspeak! lang..
correct mommy..sana nga tayo na lang... nung si baby may sipon at hindi magkasya ang aspirator namin, hinigop ko ang sipon hahaha! old school! :D ayun, ako ay nahawa LOL!
wahaha sabi din ni mama.. kaso hindi ko magawa... si mama humihigop...
by the way how would you know na me sipon si baby?
si gabbie kasi minsan me tumutulo sa ilong na clear liquid.. minsan lang naman yun..sabi ni mama kung me sipon daw ang bata mahihirapan huminga.. ok naman si gabbie...
-
bakit daw masama yung disudrin?
si igme last last week may sipon, first night hindi siya nakatulog maigi kasi siguro hindi makahinga. tinaasan ko lang yung higa niya nilagyan ko ng unan. nung midnight na pinahiram ko ng konting konting manzanilla sa paa niya. ayun nakatulog siya ng mahimbing.
tapos hindi ko siya pinainom ng gamot kasi baka mawala rin naman kasi hindi naman siya sipunin eh 3 days na sipon na sipon pa rin kaya binigyan ko na siya ng disudrin ika 2nd day ng inom wala na siya sipon. (disudrin ang reseta ni dra)
-
cynosal.. meron na siya for ubo, sipon and lagnat..
-
we were prescribed with dimetapp before. but when the news on the negative effect of phenylpropanolamin came out, our pedia stopped prescribing it.
instead, she had us use ZYRTEC. plus, the nasal aspirator for too much mucous and salinase for hardened mucous.
-
mga mommies ask ko lang ano ba dapat gawin kac barado ilong ni baby.. wala pa nga siyang one month.. mag one month palng.. may konting sipon kasi siya and she's having a hard time to breath tuloy :(
-
hi sis! I'm not sure kung pwede na ang disudrin drops sa baby mo.. pero much better kung dalhin mo siya sa pedia or sa doctor mo kung may family doctor kayo.. kawawa naman si baby kung clogged ang nose niya.. kung ako nga, tanda-tanda ko na pag sinisipon ako at nagbabara hindi ko maintindihan kung anong gagawin ko... yung baby pa kaya na wala pang 1 month...
malamig kase panahon eh.. kaya siguro sinipon din siya..
-
thanks momy yhamslove.. :) i texted her pedia na din, i'll just wait for the reply. sobrang uso nga ata ang sipon ngayon. kawawa tuloy si baby :( sana sa akin na lang napunta sipon niya.
-
sinabi mo pa sis..
yung baby ko nga sis eh.. parang may mucus sa nasal passage niya.. hindi ko pa rin nadadala sa doctor kase wala akong time.. hirap nga eh..
pero hindi naman siya sinisipon.. parang may halak na ewan..
baka bukas or sa weekend dalhin ko rin baby ko sa doctor..
-
try mo yung salinase na pinapatak sa ilong pero siyempre you need to consult din your pedia
-
hi momy kei0508 yup i tried yung salinase,yun po inadvise ng pedia ni baby.. thanks po.. :)
-
Yup, salinase and aspirator lang yan. May aspirator yung pigeon na hindi yung bulb form. May hose siya na ikaw mismo yung hihigop tapos may nakakabit na container na dun mapupunta yung sipon. Mas effective yun kesa sa bulb na aspirator kase mas nacocontrol mo yung suction if you want it mas malakas or mahina. Ask mo din sa pedia if you could increase dosage of vitamin C...
-
thanks momy rae.. ah sige tingnan ko po yung sinasbi mo sa pigeon.. may ganun pala.. thanks so much for the info.. :)
-
hi po! try nyo din muconase instead of salinase. sa experience ko kasi mas madaling gamitin ang muconase kasi i.spray mulang and after a couple of seconds lalambot na yung mucus tapos lalabas na yun in liquid form or pwede din gamitan ng aspirator para indi na titigas dun ulit yung mga naiwan na indi nakatulo. pero verify mu sa pedia kung pwede as early as 1 month old. tapos instead po bigyan ng gamot na minsan mas nagcause ng clogged or kasi baby pa masyado, ai double dose nalang yung vitamin C.
-
sis san po nakakabili ng muconase, si baby nikki ko din kasi dec 31 nagkalagnat, may ubo't sipon din, hirap huminga sa gabi lalo na pagtulog siya saka aatake yung ubo niya, eh dahil di siya mkatulog ng maayos, gusto niya jarga mo siya pag slip niya dahil siguro barado ilong nahihirapan huminga, pos wait pa namin january 2 to bring her to a pedia kasi close lahat ng clinics pati na yung pedia niya, niresetahan siya ng ambroxol saka cefaclor saka dexamethasone dahil daw may konting hingal siya, right now, medyo nagsubside na yung ubo niya, nakakatulog na siya mahimbing, wag lang pawisan at for sure uubo na naman siya. sana maging okay na siya after 6 days dahil kung hindi dadalhin ko na siya sa pedia niya, kawawa talaga mga bata kapag nagkakasakit.. uso pa nga ngayon dahil malamig panahon..
-
mga mommy ask ko lang kung pinapaliguan nyo ba baby nyo pag may sipon at ubo? natatakot kc ako paliguan baby ko eh, kaya lang parang laging pawis at paghinawakan ko ulo niya mainit din tapos nagmumuta sya.. di kaya sa init ito? help naman...
-
@sis cathy_gelo yes sis pwede mo liguan si baby kahit my sipon basta mabilis lang ha para mapreskuhan sya. Saka lukewarm water gamitin mo sis mabilis na mabilis na ligo lang para hindi sya lamigin.
-
thanks sis lynne.. gawin ko sinabi mo, kawawa naman kc baby eh grabe pa naman init ngaun..
-
hayzzz..ako din po mga sis!yung baby ko kasi nahawa sya sa akin ng allergy (allergic rhinitis)kasi hereditary yung sa akin talaga..good thing nag-sneeze sya and runny nose..kaya lang kasi lagi nalang minsan after two weeks balik ulit....binibigyan namin sya ng disudrin drops tska yung isa na i forgot yung name pero hindi sya gamit it helps lang para lumabas yung sipon yung bago,,,anyway, hindi ko na alam gagawin kho kasi kung pupunta kami ng pedia un din ulit ang advised sa amin,,,....huhuhuhu....
-
hi mga momsies! ask ko lang po kung na experience ng baby nyo na magka cough ng 2-3 wks pero wala namang runny nose & productive yung coughing niya. my pedia prescribed ambrolex & i continue lang daw un til the cough subsides.
di naman nagbago appetite niya & she's gaining weight. the only thing that is bothering her is her cough.
pls give me insights as per your experiences... nyways, my baby is also G6PD deficient.
thank you in advance...
-
Hi Mommy lady_torque! Na experience ko na magka-cough ang baby ko for two weeks. First week kasi nag ambroxol and salbutamol, pero hindi sya hiyang kaya may ubo parin the 2nd week, pinalitan ng pedia niya yong gamot without the antibiotic kasi dapat 5-7 days lang ang antibiotic. Yong iba namang pag ubo, minsan masyadong malamig yong air con. or yong food niya makati sa lalamunan. Pacheck nyo rin po yong lalamunan ng baby nyo.
-
sis baka may pharingitis or allergicrhinitis si baby...
pag ganyan katagal sis pinaka safe is ibalik sa pedia..remember sis mahirap manghula lang ng sakit lalo na kung infant pa sila..
go to pedia and seek medical advise now.
-
nakabalik ka na po ba sa pedia ni baby?kasi baka nung time na pumunta ka sa pedia clear naman yung breath sounds ni baby kaya ambrolex lang yung ibinigay niya.usually kasi if 2-3 weeks na ang cough need na niya siguro mag shift sa ibang gamot.it's better na ibalik mo si baby sa pedia para ma check uli yung breath sounds niya ;)
-
Hi mommies,
Does anyone know kung ano condition ba ito, kasi sabi ng doctor may sipon daw baby ko, pero wala naman lumalabas sa ilong niya. normal pa din paghinga niya. umuubo-ubo siya paminsan pero walang tumutulo sa ilong.. she prescribed an antibiotic and disudrin.. medyo naguluhan lang ako..
-
hi sis, pareho ng baby ko, naku madalas sya ganyan... merun daw atang mga batang ganun...kasi baby ko din ganyan walang kahit na anung sgn umubo lang ng unti tapos pacheck up ko ayun andami na plema daw eh ni sign ng pag ubo ala sya... tapos pag uminum na ng antibiotic saka lulutang yung plema.. ngayun nga may uboo na naman si keisha 2 yrs old na siya pero eerytime na magkaubo sya ganun akala mo wala pero marami na pala....ako din nawiwirduhan eh....pero ganun talaga eh...feeling ko naagapan ko na ng gamot un pala andami na pala plema...
-
sis, try mo dalhin sa pedia pulmo.. ;)
-
eto yung nangyari sa son ko recently which led sa pneumonia.
Nagkakasinat cia pero wala naman ako nakikitang signs ng sipon or ubo. Ayun pala meron na. Di namen pinansin tapos nung nag show na yung signs nag phlegm late na kami kasi ginamot ko pa. Hindi kasi pwedeng bigyan ng expectorant ang mga bata dahil di daw marunong maglabas ng phlegm. I learned the hard way.
-
good day mommies,
my son is 10 months old. he has cough and cold, cnabayan pa ng pag iipin niya sa upper. hay naku mga mommies hirap pala, my lagnat, cpon at ubo ang baby. :( huhu ..
now la na xang fever but may ubo at cpon pa sya.. we went sa pedia niya. niresetahan siya ng amoxicillin at ambroxol... what will i do to lessen my sons paghihirap sa ubo at cpon, kasi mommies panay xang iritable....
-
Try to use oil of eucalyptus.you can buy this sa mga drugstores.
To use it lagay ka lang ng konti sa cotton then clip mo sa shirt niya or sa may pillow niya,nakakaluwag ng paghinga ito.medyo matapang ang amoy nito kaya wag mo ilapit gaano sa kanya.Kaya cia irritable dahil na din sa barado ang nose niya.
I'm using this for my 4mos old baby.na-lessen ang worries ko kc hindi n cia hirap huminga pag may cold.
-
meron bang may hika sa inyo ng hubby mo?
Baka kasi yun ang cause. Clean the house and make sure na walang dust mites.
Monitor kung ilang days na yung sakit ng baby mo ang make sure din na tapusin ng one week yung anti-biotic kahit wala ng sipon or ubo.
Ask din the pedia baka next time pwedeng nebulizer na alng.
-
Sis have you tried oregano? My baby was given Ambroxol and Amoxil ba un but hindi sha gumaling. Mom gave her oregano against my will and ayun gumaling! nagalit pa ako nung una kay mama. wala pang 3 days, clear na ubo at sipon niya.
-
Sis have you tried oregano? My baby was given Ambroxol and Amoxil ba un but hindi sha gumaling. Mom gave her oregano against my will and ayun gumaling! nagalit pa ako nung una kay mama. wala pang 3 days, clear na ubo at sipon niya.
Sis na try ko ito.oo mabilis pag galing niya.until now sa 4mos baby ko ginagawa ko ito.
-
^ onga mami eh. Try nyo din po. Hope makatulong.
-
mommies panu preparation niyo po ng oregano? Dami kasi namin tanim nun dito pero kami lang mga grown ups gumagamit. Sinasabi rin ni papa bigyan si baby ko pero di ko pa nagawa kasi feel ko madumi.
What we do pag kami, wash muna yung leaves tapos microwave yung leaves for 1minute then pipigain to get its juice. Pag nakatasan na iwan muna to let the soil settle tapos inom tapos iwan ang soil sa bottom ng baso.
Eh kakatakot kasi pag pati yung soil part mapainom kay baby. Panu ba dapat gawin?
-
Sis wash mo lang mabuti. Then ginagawa namin, sa sinaing pag luto na, iniibabaw sha hanggang parang wilted na sha. tapos pinipiga namin katas. mga 1ml pinapainom namin twice a day after kumain sis.
-
Eh kakatakot kasi pag pati yung soil part mapainom kay baby. Panu ba dapat gawin?
teka sis. bakit me soil? hindi kasama yung ugat ha. leaves lang po. cut mo hanggang dun sa kabitan.
-
thanks sis! Double wash ko nalang yung leaves. Try ko next time magkaubo uli si baby although sana wag nlang talaga magkasakit mga anak natin diba? Hehe
-
onga eh. basta tap water lang ha. katuwa nga oregano. epektib!
-
Sis have you tried oregano? My baby was given Ambroxol and Amoxil ba un but hindi sha gumaling. Mom gave her oregano against my will and ayun gumaling! nagalit pa ako nung una kay mama. wala pang 3 days, clear na ubo at sipon niya.
mommy parehas tyo ng reseta ng doctor almost 5 days na gamot niya may plema pa din ubo niya pero nabawasan na konte, my mom gve him fresh ampalaya, yung nllgay sa subo ba yun ng sinaing. yung katas daw ipainum. cnuka ni baby ko yung plema niya kahapon. naalala ko nung baby ako lm ko pinapainum din ako nun ng oregano.. i will tell to my mom yung oregano.. thank u mommy
-
Sis have you tried oregano? My baby was given Ambroxol and Amoxil ba un but hindi sha gumaling. Mom gave her oregano against my will and ayun gumaling! nagalit pa ako nung una kay mama. wala pang 3 days, clear na ubo at sipon niya.
mommy parehas tyo ng reseta ng doctor almost 5 days na gamot niya may plema pa din ubo niya pero nabawasan na konte, my mom gve him fresh ampalaya, yung nllgay sa subo ba yun ng sinaing. yung katas daw ipainum. cnuka ni baby ko yung plema niya kahapon. naalala ko nung baby ako lm ko pinapainum din ako nun ng oregano.. i will tell to my mom yung oregano.. thank u mommy
welcome po. yup ampalaya and oregano galing talaga!
kawawa kasi baby esp pag me halak.
-
Mommies,
my 3mos old baby basti is suffering from colds..according to his dr, broncho daw. matigas ang ubo niya at yung sipon,hindi gano mkalabas. his dr advise to give him amox and solmux drops then pausukan siya 2x a day sa mainit na tubig na may asin,for him to breathe better.
what i am worrying about is yung hirap ng pag ubo ni baby. i cant stand my baby suffer due to this as in parang adult na kulang na lang ilabas ang baga sa kaka ubo. to the point of parang nakakapos ng hininga. ika-3rd day pa lang ng gamutan pero i am thinking na magpunta ulit sa dr to check again his condition. dumedede naman, kaso takot pa din ako. i have asthma and so do is my hubby. gusto ko sana siya pasukahin para mailabas yung plema niya, ok kaya yun?. ano ang puwede ko gawin na puwede siya sumuka?. at his age,allowed kaya na mag x-ray na siya?. baka kasi kung ano na eh?. (paranoid!!).
help, awa na ako sa baby ko. if only i can be on his shoes, ako na lang ang magkaganun. i cant help but cry whenever i see him like that. :'( :'(
-
mommy irene: if it's any consolation, my baby was diagnosed with bronchiolitus when he was 2 & 1/2 months. naospital pa kami. hindi na pinaabot ni pedia na ganyan ang ubo niya, pina-confine kaagad kami nung hindi na maganda ang tunog ng hininga ni baby. i think maganda yung water at asin na steam. yung sa ubo naman, i-ontinue mo yung gamot, kay baby ko kasi kusa niya nilalabas yung phlegm pag nagburp siya meron minsan lumalabas db, dun sumasama yung phlegm, minsan naman while feeding sumusuka sya, makikita mo talaga na parang egg whites na scrambled yung kasama sa milk pag-labas. pina-x ray din niya baby ko sa hospital, kaya na-diagnose na bronchopneumonia, since fist attack daw un, bronchiolitus ang tawag, hindi pa talaga asthmatic. yung next niya, un na ang matatawag na asthmatic si baby. meron din ako family history ng asthma.
i suggest, visit your pedia again, kami kasi nung magpacheck up because of sipon and ubo, pinabalik kami after 3 days even the medication given was good for 7 days, but was told na kung hirap si baby, ibalik after 2 days. binalik ko 2 days after, then dun na kami sinabihan na ipa-hospital baby ko. medyo doubtful pa ako nung una kasi baka pineperahan lang kami ni pedia, kaso nung nasa hospital na kami, talagang hirap na huminga baby ko, malalim talaga, dun ko na nasabi sa sarili ko na tama pala si pedia. dun pa lang sa medication na 7 days at pinapabalik kami after 2 o 3 days, alam ko na na meron something wrong db, kasi normally, doctors will advise you to be back after the medication...
wag mo pilitin sumuka, baka susuka lang yan ng kusa, ganun kasi sa baby ko...punta ka na sa pedia mo kung mahabol mo pa this afternoon...
Mommies,
my 3mos old baby basti is suffering from colds..according to his dr, broncho daw. matigas ang ubo niya at yung sipon,hindi gano mkalabas. his dr advise to give him amox and solmux drops then pausukan siya 2x a day sa mainit na tubig na may asin,for him to breathe better.
di ko alam na puwede pala ma-diagnose ang broncho w/o x-ray...
para sure ka at hindi kakaba-kaba, clarify w/ your pedia lahat ng questions mo...sana gumaling na baby mo at hindi na mahirapan...
-
un kasi ang sbi niya - broncho daw, maybe sa sound during stetoscope.. yung sa phlegm, minsan nkikita q sa lungad niya yung parang mkintab n parang sipon.. sa poop naman niya, ganun din.. actually, c mama, pina inum niya c baby ng dinikdik na oregano tru dropper, kaya nung nagpoop siya, as in madulas, na mala sipon talaga.
ganun ba, sige, ill bring him again, kasi lam mo un,parang punong puno ng phlegm talaga.. yeah, d p siya na x-ray pero un ang sbi, my broncho daw..
thank you mommy ha!..
-
hi sis! maybe you could try oregano for the cough. super effective daw po yun. :)
-
maganda talaga yung oregano sa cough, buti at lumabas kaagad, phlegm un eh, yung slimmy thing sa poop and then iba din yung color niya db...masama lang talaga ang lasa niya at pahirapan painumin si baby pero effective talaga...
-
@ mommy TineNiltoy:
yup..2 pcs lang ng dahon ang dinikdik ni mama khapon,kinatas then pinainum tru dropper..kala q nga,susuka agad at super hinubad q agad yung sando niya,ngiwi lang si basti,siguro mapait nga talaga..then inum n sya ng water then gtas..in the afternoon,dun n sya nag poop..yes slimmy talaga,madulas na parang kulay green sumthing eh..
@ mommy purple_girl:
i-try q nga ulit..nkaka paranoid lang talaga pg my ganito ang babies..d p kc nakakapagsbi kung ano ang masakit at hindi..so un..pag cry siya,i'll lift him up,lullabye q sya,bsta super pinaparamdam q lang that mommy is here..ganun po..
thanks mommies sa reply.. i really appreciate it..dto lang talaga ako ngbabasa sa mga forum since i am a first time mom..as in super research/browse ako sa net for the explanation, etc etc..
-
better if you use salinase lang for clogged nose, avoid using decongestants like disudrin kasi dinadry niya inside ng nose, so kapag clogged sya and nagdry lalo hindi makakahinga si baby na magcacause sa pagkakaron ng ubo niya eventually dahil yung sipon nagdidrip sa respiratory niya. tapos sa ubo, ask your doctor, better sana kung nebulize mo nalang para lumuwag baga niya di tumuloy sa pneumonia. wag ka muna siguro AC para hindi tumigas ang sipon ni baby and lots and lots of fluids, water!, gagaling din yan sis. tibayan mo lang loob mo..
-
sis para maibsan ang kanyang colds, use sterimar nose cleaner..nasal spray lang sya na i-spray 3-4x/day..kusang nilalabas ni baby ang sipon na nasa loob ng nose..natulo lang ito ng kusa..relieving talaga..hope gumaling agad baby mo sis..
-
mommy irene, i don't have anything against herbs but i believe it's not advisable to give herbal treatment to babies since their tummies are still sensitive.
have you given the amox and the solmux as what your pedia has prescribed? plus the inhalation? amox is an antibiotic and solmux is for the cough. the poop of your baby looks like that because the meds have loosen the phlegm already. and since your baby can't expectorate yet, the phlegm goes out with his poop.
the best advise is from your pedia because he/she is trained to hear the breathing of your child. what we can give here are just pieces of advice that can help alleviate your child's condition. if your in doubt, bring back your baby to your pedia. 3 months is still to young to self-medicate.
here are some tips i can give you. (my kids are also prone to cough and colds especially my eldest who was born prematurely)
1. nebulize to loosen the phlegm. according to most doctors, this is the fastest way to loosen the phlegm because the medicine gets right into the lungs where phlegms are produced.
2. give doctor's prescribed medication. they know when to give the right kind of medicine upon hearing your baby's cough.
3. suction his phlegm from the nose to avoid bacteria build up with his dried phlegm. use salinase to loosen the phlegm their then suction it.
2. to soothe baby while sleeping, elevate his head to avoid suffocation. i don't usually get into a deep sleep when my girls have colds because i put them on my chest while i sit on a rocking chair. it's like they're sleeping 45 degrees elevated upward so that they won't be breathing uncomfortably.
-
hello SP moms. :)
pwede maki-join sa usapan?
i tried all your suggestions na. from steam inhalation, to antibiotic and mucolytic, and salinase drops.
it's been a week since i first started using those, pero ngayon si baby may halak pa din. as in, halak lang, yun tipong super rinig na rinig. walang malalang sipon and ang ubo madalang lang.
grabe siguro ang plema pero hindi malabas-labas ng baby ko. i finished the antibiotic for 7 days and the mucolytic for 3days lang. and still hindi nawala ang halak.
tomorrow pa lang kami babalik sa pedia and based on your experiences im afraid this is not simple cough and colds lang. haay. katakot kasi bka magka-broncho din c baby.
-
Baby ko actually madalas sipunin the first 5 months niya, kahit pa breastfed siya. Madali daw kasi siya ma-allergy sabi ng pedia niya. So far, effective naman sa kanya yung Neozep drops. Everytime na madalas siyang mag-sneeze, Neozep na agad. Tapos pag hirap huminga, nebulizer. And then, salinase para malabas yung sipon. As for the cough, he's pedia's prescription is Ambroxol.
But of course, depende sa baby niyo. I think, first of all, go check with your pedia muna. What I do before I give him medicines, I text his pedia first, para magpaalam lang ba. And then, pag may go signal na, saka ko painumin.
-
I agree with sesibal, please go check with your pedia before administering ANY medication. I never used neozep with my son until he was 22 months old. Before that we just used a manual suction device. But when he was really congested, we used a humidifier.
Best thing is to keep the environment clean, keep hands washed and stay vigilant.
-
ilan ML gamit nyo sa 2.8 yr old pag sa disudrin and ilan beses in 1 day?
-
mga sis pa-help naman po si baby may sipon this morning ano po pwedeng gamot?
-
sis when my son had cols nireseta sa kanya disudrin...pero i old the doctor wala namang nangyayari kasi every morning lang yung sipon, so binigay naman allerkid...meron naman kaming kapitbahay, neozep drops pianapinom sa baby nila kapag may sipon...
yung allerkid is an antihistamine, for allergies yun...
i think it's still best to bring your baby to the pedia...
-
Kapag may sipon si Miggy, dinadagdagan ko yung Vitamin C niya and more fruit juices. At 4 months medyo takot pa ako magpainom ng gamot without the pedia's advise.
Contact mo yung pedia mo kasi kailagan mo din malaman yung dosage eh.
-
consult mo muna sis si pedia..
ako naman never nagbigay ng gamot sa sipon kay baby...nung 2mos nagkasaipon sya pero binigay lang ni pedia na reseta salinase pra sa clogged nose,..more water sana..
BF naman ako nun kaya no problem,.saka pag nakahiga si baby elevate mo ng konti likod niya sis ;)
-
Pedia ni Tim, usually salinase lang muna lalo nung baby. Tapos plenty of water. Pag di talaga nawala, dun lang sya bibigyan ng gamot. Consult your pedia sis para check up muna before meds.
-
thanks mga sis... si mamu niya kasi nerbiyosa kakulit hehe gusto ng painumin ng gamot e sabi ko kahit observe muna namin today saka namin ipunata sa pedia bukas atleast na-monitor muna yung behavior
-
Ganyan talaga ang mga lola sis. Vitamins na lang and salinase like advise ng ibang mommies. Plenty of water din. :)
-
FERN C does wonders and works miracles! Good thing is it is safe for babies one day old to adults 100yr old and above. Also, there is no overdose. You can easily google Sodium Ascorbate and learn more about it.
I give my two year old 1-2 everyday and double up if he has colds. I simply open the capsule and mix it in his milk. I also put vicks on the soles of his feet and put socks when he sleeps. When he wakes up he is back to normal. Praise God!
Let me know if you have any FERN C orders. We can do meet ups or I can deliver + charge. Feel free to text me - 09277996234.
Hope yoru baby gets well soon. God bless :)
-
Ganyan talaga ang mga lola sis. Vitamins na lang and salinase like advise ng ibang mommies. Plenty of water din. :)
oo nga sis lalo at first apo na babae talagang nag sawa na sa mga boys kaya talaga naman tutok kay ale konting kibot lang anjan na si mamu niya
-
sis, ako kc disudrin yng reseta ni dra. pag s sipon eh.. pero pag d pa nkuha s disudrin mas better siguro dalhin s pedia..
-
It could be a lot of different things. Example:
change of weather (ma ulan)
transfer of bacteria from someone who has colds
low immunity
natuyuan ng paiwas
nilamig
etc etc
The tip is increase you immunity and protect your baby and yourself with sodium ascorbate or FERN C :)
-
si baby ko din bumalik sipon niya..resita ng pedia niya is loraped and salinase nasal spray use it when needed lang daw. nung mai sipon sya last 3 weeks.yun pa rin pina imon ko sa kanya now..loraped has anti allergy then..
i used to give him disudrin but the pedia changed it to loraped at sinabi niya hindi daw advisable sa mga babies (infants/toodlers) yung disudrin kasi nga ca-cause daw ng bleeding sa brain..
-
haay.. baby ko may sipon ngayon.. nahawa ata siya eh.. first time niya magkasakit.. nagkaroon pa ng sinat kagabi.. sobrang pahirapan kami kagabi matulog.. nakakaawa..
he's pedia prescribed disudrin drops before bedtime .3ml lang..
i suction his nose using aspirator na gamit yung mouth..
any more tips i can do moms and dads?
hirap din pala siya magdede kasi hindi siy makahinga ng maayos....
-
sis ainge88, kanino nahawa baby mo? be sure na hindi na siya naglalapit dun sa may sipon kasi lalong tatagal ang sipon niya...maski ikaw pa yun sis, wear a mask, yan ang sabi ni pedia sa amin nung may sipon si baby...as much as possible, avoid your baby having contacts with people who show signs of illness...yang sipon na yan, maraming puwedeng kasunod kung mapapabayaan...
saan siya natutulog? if sa crib, gawan mo ng paraan na elevated yung shoulders to head niya...yung mas mataas ang almost half ng body para easier to breathe...yung mga techniques mo kapag may sipon ka like yun nga, higher ang head ay applicable din sa kanila...basta be sure not so taas naman...yung comfortable lang siya at konting elevate lang puwede na, malaking tulong na yun...
sana gumaling kaagad siya para di na mahirapan...
-
sa kaptid ko sis... o sige, hands off muna sila kay baby...
sakin siya natutulog ngayon. sa chest ko.. kasi ayaw niya nilalapag siya...
ok ba yung vicks for 4mos old? was thinking of putting some in his chest and back??
thanks sis sa pagreply... sana gumaling na lang agad si bby :((
-
sis yung baby ko dati 1 month nagka ubo at sipon sya. dinala ko dung sa unang pedia. puro antibiotics binibigay. super hirap na sya di nawawala ubo at sipon pero wala syang lagnat. tinaasan dosage ng antibiotics. natakot ako. . tapos may nagrecommend sa akin pedia ng brother ko nung baby pa sya. specializing sa pulmo. pinnatigil niya lahat ng gamot na intake ni gianna. pinag nss niya lang kami. 3times a day. salt solution you can buy sa mercury. ginawa ng mom ko dahil sa hospital sya nag wowork ang binili niya dextrose tapos ginagamitan ko ng syringe tska ko nebulize sa kanya. after 3 days nawala yung sipon at ubo ng daughter ko. thanks GOD talga. from then on sipunin sya ng unti nss lang. nung nag 1 year old na lang sya tska pinag disudrin kapag malala na ang sipon
-
mga sis, okay na si baby ngayon.. although may sipon pa rin ng kaunti.. hindi na nilalagnat and nakakadede na ng maayos.. tama nga yung nebulizer.. hehe buti may nebulizer kami sa bahay.. gamit ng kapatid ko para sa asthma niya..
-
bf mom ako at may sipon si baby,, hirap siya matulog barado ilong niya.. help.
-
hi mommyjennimar yung baby ko nung stuffy nose sya recommend ni pedia salinase patakan mo both nostrils twice tpos yung yung cotton buds paliitin mo yung dulo ipasok mo sa loob ng ilong ni baby dahan2 mong tanggalin yung bara..
Hope na mkatulong yn.. =)
-
sis over the counter ba yung salinase? Ano yun herbal?
para kasing barado ilong ni baby ko ngayon.
-
thnks mommy pretty sam i'll do this tonight bibili nko agad ako kasi nhihirapang para sa baby ko
-
chimendoza09: Hi sis oo over the counter sya sa mercury meron 60 ml 110. d sya herbal. Maganda sya gamitin.. Effective naman kase nakakaluwag naman si baby.
Mommyjennimar: Your welcome sana mging ok na baby mo hirap pa naman pag may sipon si baby.
-
chimendoza09: Hi sis oo over the counter sya sa mercury meron 60 ml 110. d sya herbal. Maganda sya gamitin.. Effective naman kase nakakaluwag naman si baby.
noted sis, salamat ha. :)
-
sis ok ba ang salinase sa 2 weeks new born
-
mommyjennimar: Sis d ako sure eh u have to check with your pedia kase si baby 1 1/2 na nag gumamit ng salinase drops.
-
kami nebulizer ang gamit. halong salinase and duavent.
-
si baby noong 2 or 3 weeks din sya nagkasipon , at un din salinase drop din 2 or 3 drops tpos yung nasal aspirator gamitin mo ayun sasama doon yung nakabara doon sa ilong niya safe po ang salinase for all ages esp. sa babies.
makakatulong din yung nebulizer sis.
-
hi po may sipon kasi BB ko now 1month palang sya, panu na po yun di ko alam gagawin ko, help me pls :(
-
@IamAprilBer: nagkasipon din bebi ko nung 1mos pa lang sya, salinase at aspirator ang ginamit namen tas nung pincheck up namen niresetahan kami ng disudrin, ayun after 1wk bumalik kami salinase na lang daw.. tas ngayon (3mos na sya) meron uleet sipo, tinext ko pedia niya kung puwede ko bigyan ng disudrin sabi yung salinase na lang daw muna...
mga mommies ang problema ko ngayon e pag inaaspirate ko ilong niya wala akong makuhang sipon :( hay... pero nakakatulog naman sya ng maayos po... pano ba humigop? kasi sinubukan ko yun e umubo sya pagkatapos kong higupin wala naman din akong makuha...
-
hello mommy's ... my 8th months old baby is now suffering from colds and yung ubo niya may kasama ng plema... Ngtake kame ng Disudrin drops as per advise of her pedia ang reaction sa kania is sneezing pero hindi nawawala.. sa Ubo i haven't tried anything pa po.. ambroxol or loviscol ?? sa inyo po anong gamit nio?
-
thank you,,,
nakatulog na baby ko last night,,pinainom ko ng disodrin,,and 1 thing mga moms,,kung may sipon baby niyo lagyan ng vicks sa paa at medyasan sa gabi bago mayulog,,yun lage ko ginagawa pg may sipon mga anak ko,,ng research kasi ako bout that,,its effective naman,,try niyo din at tell me kung effective,,,
hindi po ba delikado ang vicks sa 8 months baby? kase may sipon din baby ko and naaawa na talga ko sa knia.. :-\
-
When Miggy's was less than a year old, hindi pa namen siya pinag-gagamot. Meju skeptic kami kasi ang fragile pa. Kung may Vitamin C na iniinum yung anak mo, dagdagan mo ( 2x a day). Tapos you can use nebulizer. Malaking tulong sa mga bata yun para kapag may ubo or sipon guminhawa sila.
-
ok po thanks a lot mommyfrance ... medyo bawasan ko din give ng medicine kase nga baka makasama pa lalo
-
Ok lang naman magbigay as long as directed by the pedia. Just for times na hindi ka sure and gusto mo ma-relive si baby sa sakit. :D
-
sis ask ka muna sa pedia if pwede siya mag ambroxol mucosolvan effective siya baby ko til now if my ubo & sipon yan gamet.. kahit un nice ko na 8months din.. ask muna first sa pedia mahirap na db.. hope gumaling na baby mo mahirap pag my ubo un baby...
-
hi mommy maanne27! just like mommy france my daughter and niece/nephew used nebulizer at early age as advised by the doctor...mas malaki ginhawa sa paghinga ng bata.
i hope you soon your baby will be fine......
God Bless!
-
Mommy France and jazzmatthew thanks thanks a lot guys.. need na kase bumili ng hubby ko kaya ambroxol nalang ata bibilhin niya.. kawawa kase c baby hirap na talaga..mmmm @jazzmatthew iba ba yung ambroxol mucosolvan ..or yung din yung ambroxol ??
-
2 klase un ambroxol sis tel mo lang sa mercury ambroxol mucosolvan.. yn gmot ng baby ko refer din yan ng friend ko tnry ko kasi wala naman allergy c baby aun effective nga..
about vicks sa damet ko nilalagay heehhh... pra mdyo mluwagan un paghinga niya... ok naman siya...
-
ay wag vicks.. merong methyl salicylate yun eh, try searching for methyl salicylate dangers sa web, delikado din yun, kahit pa sa mga adults..
-
ask k lang kung ok ba ang neozep pra sa baby kong 4 months old?? kasi yun ang binigay ng pedia niya.wala kasing akong nakitang binanggit na neozep.
-
naawa kami kay baby lastnight kasi di sya nakatulog ng diretso dahil sa barado ang ilong, tulog tapos bigla na lang iiyak ng husto... ewan nga namin bakit nag kaganun ngayon lang nangyari sa kanya... we elevated her head na lang sa pag tulog para medyo ma-at-ease medyo naka-help naman... mga sis ano ginagamit nyo pag ganito baby nyo? my baby is 7 months old...
-
may sipon ba??kung wala naman at dumi lang yung nasa loob..bili ka ng nasal drop saka yung parang syringe na pinapasok sa nose para makuha yun dumi..di ko alam kung ano tawag dun pero yun ang binigay ng hosp samin nun para nga daw malinis ang ilong ni baby at di mahirapan huminga.
-
bandang hapon may konti konting sipon sis pero nawawala din tapos kinagabihan palibhasa di makuha yung tulog umiyak iyak ayun sinipon na naman kaya nung natutulog na siguro natuyo sa loob ??? (may ganun ba hehe) kaya nahirapan hinga
-
hi mommy! recently lang nagkaganyan si baby ko. may sipon at ubo sya. hirap matulog nun nakaraan dahil sa baradong ilong niya. nilalagyan ko sya ng 'salinase' drops. eto un give nun pedia niya. 1 drop sa magkabilang ilong. sa gabi pag matutulog ko sya nilalagyan nun pra guminhawa ang paghinga. safe naman un.. :)
-
hi mommy! nagkaganyan din si baby ko last week lang. hirap din sya matulog sa gabi dahil sa sipon. Nilagyan ko sya ng "salinase" drops.. 1 drop sa magkabilang butas ng ilong... safe naman un.. un ang give ng pedia niya.. bigay ko sa kanya un before matulog.. :)
-
baby ko(15mos) naman almost 2weks na may ubo't sipon,,hindi umubra(for the first time :( ) ang water theraphy namin,salinase at pag steam..siguro dail sa lamig ng panahon plus ayaw pa magkumot,pinapawisan pag walang fan..ayun, feeling ko yun ang dahilan..hindi kami pinatulog nung sunday night kasi nahihirapan huminga.kahit elevated pa ang pwesto niya..ending buhat na lang pra makatulog sya
kaya pinacheckup ko na kahapon pero sabi ng pedia wala naman pleghm, inuubo dahil sa sipon lang
niresetahan ng ventolin expectorant ska nasatapp..ok na sya kagabi, mahimbing na ang tulog
hayz..ang hirap pg may sakit ang mga anak natin
-
hello mga sis, yung 3 months old baby ko may ubo at sipon ngayon. Dahil siguro sa lamig ng panahon. Nagkataon din na yung pedia niya out of town. ano kayang pwede kong gawin habang hinihintay kong bumalik yung pedia niya. sa sat pa daw kasi darating eh. Please help naman. Naaawa ako sa baby ko eh. Thanks
-
momy gly try mo yung sinasabi ng ibang moms dito na salinase drops, mga 1-2 drops on both butas ng ilong then nasal aspirator.
nireseta din ng pedia ni baby yung salinase, use daw pag maingay yung paghinga ni baby. safe naman and effective kasi gumiginhawa yung paghinga ni baby and lumalabas yung sipon/dumi sa ilong niya. nung una kasi hirap na hirap sya lalo na pag feeding time pero ngayon ok na although sinisipon pa rin. nung pinacheckup namin sya ulit last tuesday, tumutunog daw yung likod niya so niresetahan sya ng loviscol drops, to be taken every 6 hours for 1 week para daw matanggal yung halak.
-
About "Vicks"
nag email ko sa dr. ng mercury... sa "doc talk" :o aun wala naman daw methyl un vicks.. staka sabe niya pag tinatake un methyl un yung masama... eh pag pahid pahid at dapat di sa skin directly..
share ko lang confuse din ko hehehhehe.... ;) ;)
-
hi mga mommies..help naman po. im trying to decide kung ililipat k ng pedia c baby. yung sipon and ubo niya kc parang pabalik balik. before new year nagkaubo siya and sipon i knew it was coming dahil may nririnig akong halak sa kanya but then wala nmang lmalabas na ubo at sipon.i told my pedia about it and sabi niya baka water lang daw yung naririnig ko na nilalaro n baby sa mouth niya. pero i know na hndi water un! until one night aun n nga sobrang hrap n hrap n siya inubo at cpon na. so i brought her back to pedia. antibiotics and madaming gamot na bngay sknya plus inebulize ko siya every 8 hrs ng salinase kc d daw mgnda na direct sa ilong ang salinase. good to see na naging ok naman c baby. and sabi niya bka may asthma c baby. nagbgay siya ng anti histamine and anti asthma to be taken for 1 month.but still yung nnrinig ko sa paghinga nwawa la then balik balik. ( sorry mga mommies ang haba ) :)
then ngaun naman my nririnig nnman ako sknya sa paghinga niya and im sure its not water pa din! barado ang nose niya every night and tulo ng tulo ang sipon na clear. my pedia didnt gave me anything observe lang daw. hay im really worried na. i want to give her disudrin since dami kong nbabasa dto n mgnda and medyo umuubo siya n ngaun..mommies help pls
-
Laging may ubo at sipon ang 10 months old son ko. Nakakaawa kasi everytime na umuubo sya ang kasunod nun sumusuka sya. Early last month lang ganito din sakit niya sinabayan pa ng pagtatae. Hindi ko tuloy alam kung dahil ba sa pagngingipin yun?
-
ganun din dati baby ko......... nakakaawa.
kaya ang ginawa ko doon mild rub of vics...
hanggang ngayon din dahil na rin sa panahon ngayon na palaging umuulan eh,...
-
sis, ginagawa ko rin yun. Last saturday we went to his pedia and advised us na kelangan i-admit si gabryle kasi may pneumonia daw. Kaso naghesitate ako na iadmit sya kasi baka matrauma lang. So binigyan kami ng 2nd option ng pedia na i-nebulize muna si baby. Thanks God, umaayos na pakiramdam niya. :)
-
salamat sa nag-share ng tungkol sa oregano.. :D
dami naming tanim sa bakuran ng oregano pero natatakot ako painumin bebi ko..
salamat sa inyo mga sis.. :)
-
hi mga mommies,
im a new mom, ask ko lang if yung salinase is safe for a 4 month old baby..
ill appreciate any reply. thanks
-
hi mga mommies,
im a new mom, ask ko lang if yung salinase is safe for a 4 month old baby..
ill appreciate any reply. thanks
hi sis! yup, salinase is safe for your baby. my baby used it when he was only 2 months. :)
-
mommy pauljurel: ganyan din nangyari sa baby ko around new year din (baka dahil sa sobrang ginaw). may sound din coming from him. he was also given antibiotics and antihistamine. nebulize din pero hindi salinase, i forgot the brand name. every 4hrs ko siya nebulize nun. may binigay ding gamot for ubo at sipon. i also gave baby more water, before sya magmilk para mas marami mainom na water. tapos freshly squeezed orange juice, pakonti.konti lang naman, yun ay kung 6mos up na ang baby mo. after mga 2weeks, guminhawa rin si baby. thank God. :) if you're happy with your pedia's findings, seek for a 2nd opinion.
-
mommy jhes: yes mommy, safe ang salinase nasal spray kay baby, even sa newborn safe sya. as long as di direct ang pag-spray mo. parang naka anggulo ka lang. then after a few minutes, gamitan mo na ng nasal aspirator to take out the sipon. very effective sya. nung nagkasipon si baby, ayaw ng pedia niya mag meds, salinase and nasal aspirator lang daw. and yung pag-ubo niya, sabi ni pedia, sipon daw yun na nalunok, nasamid lang. it means daw na kulang ako sa pagtanggal. hope this helps mommy!
-
mommy jhes: yes mommy, safe ang salinase nasal spray kay baby, even sa newborn safe sya. as long as di direct ang pag-spray mo. parang naka anggulo ka lang. then after a few minutes, gamitan mo na ng nasal aspirator to take out the sipon. very effective sya. nung nagkasipon si baby, ayaw ng pedia niya mag meds, salinase and nasal aspirator lang daw. and yung pag-ubo niya, sabi ni pedia, sipon daw yun na nalunok, nasamid lang. it means daw na kulang ako sa pagtanggal. hope this helps mommy!
thanks mommy..
sana maging ok sa kanya.. .
-
Mga mommy's suggest ko sa inyo magbuy kayo ng vaporizer at inhalant [/b] solution.
This will not help baby, but tau mga mommys and daddys pag nagsipon din tayo.
Usually kasi pagmay sipon ang isa, hawa hawa na lahat.
<br>
Overnight mo lang at makakatulog na si baby. I-angat mo yung pillow para di magclog ang nose. <br>
It is worth every penny. Para ka lang nag-aromatherapy. I bought mine from mercury. <br>
-
Hi mommies, first time mom and new in this forum. Need help, my 6month old daughter has cough and colds. Ano po ba pwede ilagay na solution pang nebulize? ilan beses pwede mag nebulize? thanks po sa mga magrereply
-
hi mommy ciamon
mommy pacheck up mo na lang si baby sa pedia niya kasi pedia niya ang mas nakakaalam kung ilang beses sya dapat e-nebulize at para mabigyan din sya ng tamang gamot para sa ubo at sipon.
pag may sipon baby ko pinapatakan ko ng salinase at gumagamit ako aspirator para mahigop yong sipon niya kasi di pa marunong suminga si baby e at saka nililinis ko ilong niya gamit cotton buds. pag may kasama ng ubo minsan pinapainom ko ng oregano.
-
hi mommy ciamon..ang gngmit co pag nebulize sa baby co is NSS. nireseta ng pedia 3x a day 2ml. effective cia everytime my sipon mga babies co yun agad ginagawa co before ako magbigay ng disudrin. mas lumulwag ang paghinga nla..ask your pedia kung puwede sa kanya anyway parang salinase din lang naman yun.
-
@ mommy ciamon,
ang pinapagamit ng pedia ng baby ko is salinase 2 ml lang, tapos 3x a day na neb..pero try to tsek pa din with your pedia kasi iba iba din kasi ang depende sa kung ano ma observe ng pedia sa baby's natin..10 months na baby ko and 2x na sya nag colds and cough same yung mga meds na binigay sa kanya..
careful din tayo sa pagbigay ng meds, kasi yung baby ko was prescibed ng salbumed ng pedia last time na sinipon sya, its salbutamol, eh wala ako mabilhan n salbumed so ang binili ko eh ventolin, same content naman sya ng salbumed, brand name lang difference, pero kapag umiinom baby ko namumula yung kumakayat sa bibig niya na part so tinigil ko, sinabi ko kay pedia, sabi niya allergy daw..meron palang ganun, kahit same content may mga brand na pwdeng allergic sya dito pero sa iba hindi.
-
Thanks mga moms. Pinacheck up ko na si baby, her pedia gave her Nasadec and recommended to give her salbutamol with nss. Sana gumaling na agad si baby, im so worried na kasi. Thanks sa forum na ito :)
-
help naman po 3 days old pa lang baby ko.pero meron na siya sipon.. ayaw mtanggal gamit nasal aspirator, nakakatulog naman siya ng ayos. pero bothered ako kasi tanaw ko sipon niya sa loob e. kahit pa konti lang.. ano ba pwede gawin? pwede ba n gamitin ko sakanya yung salinase?
-
mommy try mo i-nebulize c baby using salinase.. yan kc ang ginagawa ko kpg may sipon baby ko kaysa mag take sya ng gamot. breast fed ba sya. kc kung breast fed sya mawawala din yan kht walang gamot or nebulizer. then make sure na makapagbilad kayo sa umaga.. best time na magbilad 6-7am..
-
Mommies, ilang days naglast usually yung colds ng babies? Mag 1week na kasi yung sipon ni baby eh.
-
s baby ko less than a week yung sipon niya.. need mo ng dalin sa pedia baby mo pra mabigyan ngright medication.
-
that's true mommy anchor95, grabe nga ang weather ngayon.. tignan mo umulan kahapon ng malakas and then ngayon feeling ko aaraw nanaman ulit. sabagay di talaga natin maiiwasan kasi summer nga then babagyo na daw and all, ayun. i heard ok nga daw yung Poten-cee kasi affordable meron din nung pang-adults and yun yung ginagamit ko. ;)
-
@ sis anchor95:
I removed your other post which is the same as your topic here. Please be reminded that multiple posting is not allowed in our forum. Kindly take time to read our SP Parent Chat Community Rules (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,115.0.html) for you to be familiarized with our forum.
Thank you! ;)
-
^No problem sis. Also please check this: Common Forum Mistakes (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,19944.0.html), especially item No. 1.
-
We already have a topic about giving calamansi juice to babies, maybe this can be of help.
Calamansi juice for 10 months safe ba?
http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,26196.msg353918.html#msg353918
-
Give FERN C :)
-
What are the benefits of Vitamin C ascorbate during flu season?
This nutrient is one of the most important for human function, and it’s also one of the most thoroughly studied.Whether or not you succumb to the flu during flu season, depends in large part on the integrity of your immune system and your cells.
Vitamin C ascorbate protects the body from cold and flu viruses more effectively than other supplements and medications because of its ability to build immunity, attack disease-causing organisms, reduce congestion, and strengthen cells and tissue. It does all this by fortifying two particular functions...
Collagen construction and maintenance. Vitamin C supports collagen, a vital protein that strengthens the cell walls of the body’s circulatory system. Intact collagen protects the resiliency of tissue in the respiratory and digestive tract, repelling infiltration by dangerous germs. Healthier tissue is less likely to be vulnerable to infection.
Antioxidant protection. Vitamin C also is a powerful antioxidant that quenches reactive oxygen species and prevents cell damage from free radical molecules. Vitamin C renders mucous membranes and underlying tissue less vulnerable to penetration and replication of the virus. Some research suggests that it reduces the duration and severity of colds.
During a crisis, and specifically during flu season, you can strengthen the cell wall and thus create a protective coating around the cell by saturating your cells with vitamin C. Taking 1,000 mg of vitamin C every 2 hours when you have chance of exposure and/or have beginning symptoms of the flu, (chills, fever and body aches are all definite signs) allows the cells to then build a resistance to becoming sick by strengthening the cell wallhttp://www.provident-living-today.com/Vitamin-C-Ascorbate.html
-
naku may sakit si baby.. barado nose niya tapos inubo na today. kagabi nag 38.2 ang temp niya. kaya kinaumagahan nagpunta na kaagad kami sa pedia niya. Kaso walang nireseta para sa sipon or ubo.
salinase lang and aspirator. tapos tempre for fever. ayaw ni pedia ng disudrin. haay. sana mawala kaagad. 3 months na sia hepa b at bcg palang vaccine niya. laging nadedelay dahil sa sakit,.
Okay ba sa 3 mos old ang muconase?
-
Salinase din yung lagi ko binibigay pag may ubo and sipon si baby pag barado nose niya tapos aspirate tapos 3x a day din na nebulizer. 3 days lang yung ubo niya pero umabot ng 1 week yung sipon niya kasi naman tagal ibalik yung nebulizer samin.
Ayoko din ng nagddisudrin!
-
^^
Baliktad naman tayo. Yung sipon ni baby 2 days lang ata wala na. Di na ko nakakarinig ng bara sa nose niya. Ubo naman ang problem ko. Nagtext ako sa pedia niya kung ano gamot sa ubo caused ng sipon, eh hindi naman nagreply. hay naku!!
Anyway, ginawa ko double dose ng vitamin C, pedZinc. Tapos muconase gamit ko. Parang mas effective Muconase kay baby. Pero super iyak siya sa Muconase kasi spray, nagugulat siya pagpumapasok sa nose niya. Pag may ubo pa by Friday balik na uli kami sa isnaberang pedia ko. Yoko na kasi papalit palit ng peds. Gusto ko yung alam na ang history ni baby
-
When Miggy's was less than a year old, hindi pa namen siya pinag-gagamot. Meju skeptic kami kasi ang fragile pa. Kung may Vitamin C na iniinum yung anak mo, dagdagan mo ( 2x a day). Tapos you can use nebulizer. Malaking tulong sa mga bata yun para kapag may ubo or sipon guminhawa sila.
sis okay lang ba talaga dagdagan ang intake ng vitamin C? pedzinc ang sa baby ko and now meron siyang sipon. she currently taking meds pediatapp and himox
-
hi mga moms! My baby danica is turned 1 mo.last july 28 at meron sya ubo at sipon. Pinapainom na ba gamot kapag mga 1mo old babies? Takot kasi ako, breastfeed nga pala ako. Ano pwede nyo isuggest alternative way na di kelangan ng meds?kawawa naman kasi nahawa siya ng ubo at sipon sa kuya niya. Hope u help me. TIAhi mga moms! My baby danica is turned 1 mo.last july 28 at meron sya ubo at sipon. Pinapainom na ba gamot kapag mga 1mo old babies? Takot kasi ako, breastfeed nga pala ako. Ano pwede nyo isuggest alternative way na di kelangan ng meds?kawawa naman kasi nahawa siya ng ubo at sipon sa kuya niya. Hope u help me. TIA
-
hi sis! I suggest dalhin mo sa pedia niya yung baby mo kasi 1 month old pa lang. hindi pwedeng basta basta painumin ng gamot yan kasi baby pa.
-
correct!
pero nung nagkasipon si baby ko mag 2 months naman sya nun nahawa kase sakin:(
sabi ng pedia niya hwag daw painumin ng kahit na anong gamot para sa sipon
kung clog nose niya salinase lang two drops sa each nose tapos tapos gamitan mo ng nose aspirator
para matanggal yung clog and makahinga c baby.
actually yung mga availlable na gamot for colds and cough hindi naman talaga mawawala yung sipon at ubo don, for relief lang din yung mga yun.
hintayin mo talaga magsubside yung sipon and ubo usually 1week depend pa din sa resistensya natin:)...
sana nakatulong:)
-
no gamot to be given for baby less than 3 months old.
just use salinase nasal drop for clogged nose or kung meron kang nebulizer, buy saline water sa mercury or salinase at yon ang gagamit mong pang nebulize. kung wala naman, puwede magpakulo ng water with salt at pa langhap kay baby...wag yong bagong kulo ang ipalanghap mo, check mo muna kong di na masyadong mainit ang singaw para di mapaso ang baby.
Since breastfeed sya, eat lots of fruits especially rich in Vit. C, it can help...
-
mga sis lam nyo ba last monday pinacheck up ko baby ko s center kasi wala pa kami pera worried lang talaga ako sa ubo at sipon ni danica,tapos nung chinecheck up na sya ng doctor i think family doctor yun sabhan ba naman ako na need na daw paconfine baby ko kasi may pulmonya daw eh wala naman lagnat baby ko ang takaw pa nga dumede,natakot ako pag uwi ko halos mangiyak ngiyak ako habang nagkwe kwento sa hubby ko kasi wala na nga kami pera tapos icoconfine pa baby ko ska kwawa naman kc lalagyan daw dextrose pra dun lagay gamot imagine 1mo plng. Hndi ako mapakali kaya nangutang kami at dinala ko sya sa pedia mismo para 2nd opini0n ayun thank God wala daw sya pulm0nya sbi pedia at nireseta saknya ambroxol(ubo) at allerkid(sipon)kasi dpa daw pwede sya mag antibiotic. Mdyo ok na sya ngayn di na ganung inuubo. Thanks God talaga. Kung naniwala pala ako kaagad dun sa center siguro kawawa baby ko kasi di naman pala pulm0nya sakit niya ubo at sip0n lang.mga sis lam nyo ba last monday pinacheck up ko baby ko s center kasi wala pa kami pera worried lang talaga ako sa ubo at sipon ni danica,tapos nung chinecheck up na sya ng doctor i think family doctor yun sabhan ba naman ako na need na daw paconfine baby ko kasi may pulmonya daw eh wala naman lagnat baby ko ang takaw pa nga dumede,natakot ako pag uwi ko halos mangiyak ngiyak ako habang nagkwe kwento sa hubby ko kasi wala na nga kami pera tapos icoconfine pa baby ko ska kwawa naman kc lalagyan daw dextrose pra dun lagay gamot imagine 1mo plng. Hndi ako mapakali kaya nangutang kami at dinala ko sya sa pedia mismo para 2nd opini0n ayun thank God wala daw sya pulm0nya sbi pedia at nireseta saknya ambroxol(ubo) at allerkid(sipon)kasi dpa daw pwede sya mag antibiotic. Mdyo ok na sya ngayn di na ganung inuubo. Thanks God talaga. Kung naniwala pala ako kaagad dun sa center siguro kawawa baby ko kasi di naman pala pulm0nya sakit niya ubo at sip0n lang.
-
ang sabi naman ng mga matatanda yung katas daw ng dahon ng ampalaya
makakatulong para mai-poop ni baby yung plema. ;)
-
Hello po...tanong ko lang po yung ambroxol drops, ano po ba yung effect nun kase pamapalbas daw po yun ng plema since hindi pa nga marunong magrelease ng plema ang baby, 2x a day daw po kase. advise niyo naman ako kung mga what time pwede siya painumin, pag morning siguro pwede kase uubo siya at least medyo gising siya nun..sis, baka naman may experience kayo nung kamukha sa baby ko? out of town kase yung pedia niya kaya hindi ko pa po siya mapa check-apan...
-
sis apple, pano yung katas ng ampalaya, pano ginagawa po yun? nakakatakot na kase painumin ng antibiotic, 8months na yun baby ko, pag umuubo siya, yung plema di naman marunong maglabas, madalang naman siya ubuhin, paminsan minsan lang. Na try mo na ba yung amapalaya na yan? dahon ba o mismong ampalaya?
-
@mommyniMarco- di na nakatiis ang pedia, prescribed ambroxol at allerkid to more than 1 month old baby..yong pedia ng mga kids ko, she never prescribes medicines for ubo and sipon to my kids at that age or below 6 months...
-
@mama jo what do u mean po? Natakot din kasi yung pedia dami din kasi plema ni danica may history pa naman ng hika,papa niya kasi may hika,eldest ko din kapag inubo kelangan agapan kasi kelangan kaagad nebulizer. ano usually prescribd sau mama jo below 6 m0s?thanks
-
sis apple, pano yung katas ng ampalaya, pano ginagawa po yun? nakakatakot na kase painumin ng antibiotic, 8months na yun baby ko, pag umuubo siya, yung plema di naman marunong maglabas, madalang naman siya ubuhin, paminsan minsan lang. Na try mo na ba yung amapalaya na yan? dahon ba o mismong ampalaya?
isasampaw sa sinaing yung dahon ng ampalaya tapos kakatasin
tapos yun ang ipapainom kay baby. oo natry ko narin yan kc di talaga namin pinapainom ng gamot si baby hanggang nag 1 year old sya.
-
me too pedia ng baby ko hindi nagpeprescribe ng gamot para sa sipon and ubo...
pero nag antibiotic si baby last 2weeks lang kase nag ubot sipon then sabi ni pedia my halak daw kaya ayun prescribe sya ng antibiotic:(
-
@mommyniMarco, ay sis..mali pala ako, di pala 6 months below, what i mean is 3-month below baby. salinase at pa usok lang ng hot water na may asin or nebulise using saline water or saline.
if breastfeed sya, kaw kain ng fruits especially fruits rich in Vit. C. if formula feeding, painumin mo lagi ng water.
yong pulmo-pedia ng mga kids ko. ni minsan di rin niya binigyan ng antibiotic si jana ko (si jana kasi lagi kong dinadala don). allerkid lang at if may hika sya, montiget (forgot the generic name) naman ang prescription.
as much as possible, kung kaya lang ng salinase at tubig (best mucolytic pa rin ang water), di nagbibigay mga pedia ng kids ko ng gamot sa ubo.
-
Fern C
-
@ mommy marco,, sunga sunga naman yung nag check ng baby mo? pero thks god at ok na sya nagyun.. next time wag kana mag pa cechk up sa center hnap ka ng pedia mo mismo yung private mura lang naman cech up fee nila ei..
@ mommy lala kung si baby nag antibiotics na wag mo na siguro bigyan ng ampalya kasi sabi ng mga matanda masma daw un mag conflict..
-
ganito din baby ko nung 2 months yata sya. nireseta sa kanya Virlix. ayun less than a week nawala yung ubo and sipon.
-
How To Prevent Your Child From Catching A Cold
1. The best cold cure and prevention is the immune system. Frequent colds, flu and even tiredness indicate the immune system is weakening. Give them a quality multi vitamin and mineral.
2. Teach them to cover their noses and mouths when sneezing to prevent the spreading of the germs.
3. Wash hands with soap often especially after blowing the nose.
4. Stay away from people who smoke or are having a cold. Virus can travel up to 12 feet through the air when someone sneezes.
5. Encourage a diet rich in fresh fruits and vegetables. They are a rich source of immune boosting nutrients. It has been recommended for children to consume 5 or more servings of fresh fruits and vegetables.
6. Avoid giving kids sugary drinks and sodas. It can lead to obesity and also depletion of calcium in the body.
7. Get your child to do regular exercise like walking and playing outdoor games. Exercise will build up immune cells in the body.
http://www.squidoo.com/nocolds4kids
-
Ganun..bawal meds sa babies 3mos and below? Nagkasipon din kasi baby ko, exactly 1month sya nun. Kinabukasan dinala ko sa pedia at nireseta sakin salinase and amoxil drops (antibiotic) kasi wala naman daw exact cure yung sipon ni baby dahil viral daw. 3x a day for 7 days yun. Sa ngayon ok naman baby ko at wala pa naman ako napapansing side effects.. at sana wala talaga. Nagworry na naman tuloy ako bigla parang gusto ko ibalik sa dati kong pedia :(
-
for us naman, kung malapit kayo sa tabing dagat the best yun :) early morning. Or if you're within the metro pinakamalapit na sa MOA, madalas kami dun kasi halos lahat sa family, hubby, ako and my baby may hika kami pati nadin brother ko. It's 30 to 40 minutes away from QC, dami ding babies dun kaya enjoy :)
-
try mo din sis ang oregano (katas) kakuluan mo ng mga 30 sec ang dahon ng oregano then pigain mo at ipainum kay baby, ganoon kasi gawa ko sa anak ko then sinusuka niy ang plema, then sa gabi nilalagyan ko ng vicks talampakan at saka ko nilalagyan ng medyas
sabi ng pedia (Allergologist - Immunologist) ng baby ko di daw sila basta-basta nagsasabi na may hika ang isang bata lalo na kung wala pang 2 yrs old, even na may history ang family lalo na kung di pa nakukuhanan ng test si baby
-
hi mommies.. nagka ubo at sipon ang baby ko wala pa siyang 1 month nun.. nahawa kasi siya sa kuya niya... pinainom ko siya ng oregano pero 3 days na di pa ren gumaling so pinacheck up ko siya sa kapitbahay na family med, may halak na ang baby ko kaya binigyan siya ng antibiotic,mucolytic at decongestant, siguro kung nadala ko agad di na siya need bigyan ng antibiotic actually yun din ang isang reason kung bakit nag herbal ako kasi dati sa panganay ko nasanay sa gamot.. pero iba pa ren pag nagpaconsult ka sa dr,,, at kailangan humanap ka ng dr na kahihiyangan ng baby kasi sa panganay ko 3 pedia tapos bagsak namin sa family dr namin..
-
Hi Mommies! Pls. advice me naman, my 3 month old baby is having coughs as of the moment, feeling ko nahawa sha sa akin kasi i have one also.... any medicine that you can suggest? Is it okay ba na no need to take medicine na lang, water theraphy na lang instead kasi she's too young to take meds?
Thanks!
-
Hi Sis, welcome to SP.....
Mas mahirap kasi kung nagho home remedy lang tayo lalo nat baby ang pinag uusapan..better consult your pedia first. Mahirap kasi na mapabayaan ang ubo kasi it will lead to pneumonia...As for my experience kasi, 3 mos din pa lang si baby ko nung inubo... As a first timer and working mom, 2 days pa bago ko naipadala sa Pedia si Baby..Ayun, pneumonia na pala..so he took antibiotic for 1 week.Di ba ang hirap ng ganun...Dapat as soon as possible, madala o maipatingin mo na si baby sa pedia niya....
Update mo lang kami sis kung ano sabi ng pedi..Godbless....
-
@luluyao: me my 2 months old baby ay my sipon naman. mas mabuting pacheck up mo sa pedia.
-
visit your pedia sis.. masyado pa sia maliit for self medication...
-
Heavens Cure Coco Rub
Our COCO RUB ointments, are made of virgin coconut oil
and cerana bees wax as its base. They are specially
blended with essential oils of ginger, peppermint, lemon or
eucalyptus, which offers you the best of natural health care.
When applied to the skin the heat of the body liberates the
ingredients in the form of vapors with a pleasant aroma that
pleases the senses. It calms, relaxes, and balances our
physical and emotional well being. While it provides relief to
itches, pains and aches, it also rejuvenates and soothes the
skin and restores its youthfulness. It is an anti-stress balm
that allows you to relax your body and mind, free from stress
and fatigue.
Rub it and feel the magic!
How to Use: Apply a small amount on area affected and give
a gentle massage on the points as illustrated at the other side
of this page. Especially effective at bed time for all-night
relief. Try inhaling it as well as rubbing it on your chest.
Good for: rheumatism, sprains,
inflammation, colds, bruises, neuritis, itchiness, backaches.
muscle aches, sinus congestion, chest congestion, rashes,
insect bites, burns, sores, cuts and abrasions, sunburn
Colds: To relieve the symptoms of head and chest cold
congestion, once or twice daily rub medicated ointment
vigorously on chest, back and throat.
Do not use:
• By mouth
• with tight occlusive bandages
• in mucous membranes like the nostrils
• on open wounds
When using this product do not:
• heat
• microwave
• use near an open flame
• add to hot water or any container where heating water
may cause splattering and result in burns
Stop using this product and ask your doctor if:
• muscle aches/pains persist more than 7 days or when
they reoccur
• cough lasts more than 7 days
.
Manufactured by:
Brgy. Pangi, Gasan Marinduque
http://land.marinduque.net
contact@marinduque.net
-
Hi mommies, first time mom and new in this forum. Need help, my 6month old daughter has cough and colds. Ano po ba pwede ilagay na solution pang nebulize? ilan beses pwede mag nebulize? thanks po sa mga magrereply
ang anak ko pag may cough and colds ambrolex drops at allerkid ang reseta ng pedia ang pang nebulize ay asthmalin or ventolin tapos hahaluan ng 2cc ng 0.9% sodium chloride.. ang instruction niya sakin ay 3x a day sinusunod ko 1 araw lang pag guminhawa na 2x a day nalang..
tapos kung ma plema may pinapapainom sya sa antibiotic ulit.. depende po yun sa ubo at sipon ng bata..
-
sis ask your pedia, it's better to give meds with the advise of doctor. may basis din kasi yan like the weight of the baby etc.
-
fellow mommies, i need your advice po, sana ma share niyo po yung experience niyo. Meron pong ubo ngayon ang baby ko ngayon lang... kase siguro nahawa sa MIL ko kase ilang days na may ubo. ano po kaya maganda kong ipainom sa kaniya, i think nahawa siya. Out of town po kase yung pedia niya kaya hindi ko mapa-chek apan. Sana po ma share niyo kung anong gamot pinainom niyo. 10months old na po yung baby ko. Salamat.
-
hi mga moms. may sipon din baby ko ngaun. he's only 2 1/2 months. he's taking allerkid and antibiotic din as prescribed by pedia. naawa ako sa kanya kasi last saturday na umuwi kami eh nahihirapan siyang huminga. :(
@sis mommylala: call mo na lang si pedia mo or pacheck ka sa ibang pedia.
-
baby ko din my ubo't sipon kakaawa mag 1-1month palang sya next week..ang aga nagka ubo't sipon.. :( hanggat maari sana ayoko painumin ng gamot..hayzz. ano b safe n gamot sa age niya?
-
my baby is 5months old. 1st time niya magkaroon ng ubot sipon. her pedia prescribed her to take disudrin & loviscol drops.
-
ayaw gumaling ng cpon at ubo ng baby ko ;(
ano po kayang med. pwdw? ;(
-
Depende kasi sis... mahirap mag-suggest ng gamot sa bata kasi napaka-delicate nila.
If matagal na yung ubo and sipon, 5 days, I would advise na mag-pa-check up na kasi baka mauwi sa pneumonia.
Ang ma-advice ko lang is to make sure your child has enough liquids. Kailangan maraming water.
You also have to check the appetite.
-
thanks sis ;)
-
A safer suggestion is to go for homemade natural remedies -- but you have to make sure that your kid isn't allergic to the ingredients, which is rare naman I think.
In another thread, I asked moms what are natural remedies they have tried. One mom said oregano is effective cough medicine. Here's the thread: http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,46758.0.html
-
hello mga sis!.. if may sipon ba baby nyu ano ba inireseta ni pedia nyu?.. sa 4 months old daughter ko kasi salinase nasal spray lang yung neresita niya. then mucosolvan daw para if ever uubohin si baby.
-
same here sis, salinase nasal spray, then painumin lang ng water madalas, then cough med.
usually vitamins c with zinc yung nirereseta
-
Sa baby ko, salinese nasal spray lang din, vitamins din. Hangga't maari kasi ayaw ng pedia ng baby ko madaming iniinom na gamot si baby lalo na kung antibiotic. Ayaw nga lang nga baby ko yung salinese.
-
We've been using Disudrin for our baby when he has colds, then for stuffy nose, muconase.
-
5 days ng naka Disudrin baby ko wala pa din :( Pedia na kami mamaya, para baka pwedeng ibahin ang gamot. Papasok na siya sa Wednesday, sana mawala na sakit ng anak ko :(
-
2 months na c baby ngkaubo cia last sunday reseta sa kanya merlin at chlorithromicin for 1 wik so kahapon ang last taken ng antibiotic pero bk8 til now ubo paren cia ng ubo speacially sa gabe taz derederecho pa may naririnig paren akong plema sa pagubo niya hay..sobrang worry na ko mga sis..gang kelan ba dapat kong hintayin para ibalik cia sa pedia..ngaun pinaiinom ko muna cia ng oregano para mwala yung pangangati...
-
Yesterday we went to the health center para ipa-check-up si baby because 3 days na siyang may ubo't sipon. The doctor prescribed:
(http://i.picasion.com/pic52/838c7110c97826fc6c19a43e089b716a.gif) (http://picasion.com/) (http://picasion.com/)
- Is it safe to give her Solmux Broncho Syrup 4x a day at 1.5 ml if she's only 5 months and 2 weeks? She weighs 9.5 kgs to date.
- About the Alnix, is it really 3x a day or once a day?
Please enlighten me fellow mommies! Hindi kasi ako masyadong nakapagtanong pa dahil limitado yung oras. Thank you in advance. :)
-
@Angela Zhane
hi momy grabe na mang resita yan..yung anak ko 1ml lang 1x a day ng alnix...1 yr 4 mos na siya..pls ask other pedia
-
Oo nga mommy. Baka nahilo na yung doctor sa dami ng pasyente at mali ang dosage na naisulat. Dito ko nabasa sa thread yung about sa Alnix:
hi mga mommies, ask lang po...may nangyari or di sinasadyang naka experience na ba ng ganito sa inyo?help..
pedia prescribed disudrin and alnix to my son..pedia explained to me naman the dosage and how many to be given. my mistake, na miss understood ko yung prescribed dosage ni baby...2 days later na nung malaman ko na once a day ko lang pala dapat give yung ALNIX(antihesthamine).akala ko kasi both med niya is 3x a day. yun kasi reflect sa mind and yun ang ang akala ko na narinig ko, but nung nagcheck ako ng baby book ni baby nung tue night BANG! ayon nakalagay once a day lang pala ang ALNIX, disudrin lang pala ang 3x a day...huuhhuhu..
Binasa ko rin yung medicine information leaflet naka-indicate dun once a day lang. So sinunod ko lang yun instead of the doctor's prescription. Mahirap na baka ma-overdose si baby. I just hope maging ok na anak ko. :)
-
yes once a day lang yung alnix. sa case ng baby ko. alnix syrup yung tinatake niya. kasi the last time sila dalawa ng kuya niya yung pina check ko pareho sila may allergy :( sabi ng pedia syrup na lang daw yung bilhin ko para mka save. bigay niya is 2ml once daily. till now alnix syrup pa din gamit ko for my 7 months old baby.
-
How many days prescribe yung Alnix sa baby mo, sis?
-
thank you,,,
nakatulog na baby ko last night,,pinainom ko ng disodrin,,and 1 thing mga moms,,kung may sipon baby niyo lagyan ng vicks sa paa at medyasan sa gabi bago mayulog,,yun lage ko ginagawa pg may sipon mga anak ko,,ng research kasi ako bout that,,its effective naman,,try niyo din at tell me kung effective,,,
Sis Okay lang ba yung vicks sa 4 months old na baby? Hindi ba masyadong ma-anghang sa feet niya?
-
i don't know whats wrong.. basta pag dating ng madaling araw lagi siyang uubuhin.. mga 2 - 3 minutes na pag ubo, kung minsan magsusuka pa..
wala naman siyang sakit.. malakas naman siya gumatas.. kumakain naman siya.. gustong gusto niya mag laro.. malakas naman siya.. pero pag dating ng madaling araw inuubo.. lagi bumabasa yung likod niya pero 100% naming naabangan ng asawa ko na palitan yung towel na nilalagay namin sa likod niya.. tapos pagdating ng umaga wala naman siyang ubo..
meron na bang naka experience nito sa mga babies niyo? need advice and need a little help.. thank you..
-
Baby ko naman not during madaling araw, pero everytime dede siya ayun nag uubo. Pero wala namema kaya inisip ko baka dahil lang sa nasasamid siya. Kaya ginawa ko pag dede time, nka prop up ng mataas pillow niya, yung halos nakaupo na nga.
Kagagaling din niya sa ubo. Sabi ng pedia niya nung una, kung wala naman daw lagnat at ubo lang. Wag na gamutin or magpaka paranoid ako. Kasi nagpapalakas lang daw ng baga yunat dala lang ng panahon.
Pero sis, if consistent na weeks na at irritable na si baby pacheck m na sa pedia niya.
-
Ask your pediatrician about allergic rhinitis
-
My daughter kendra pag may ubo at sipon sya vitamin c lang ang pinaiinom ko, nawawala naman, mga 2 times a day ko sya pinaiinom, pero pag may plema na ang ubo syempre iba na yun! Pag di pa naman malala vitamin c lang muna pinatatake ko.. Para di naman masyado sa gamot ang bata..
-
Pag sinisipon sa baby salinase nasal spray lang din yung nirereseta nang pedia niya.
-
medyo naiinis ako sa mama ko lately dahil nagkasipon lang si baby eh pinabili na kaagad ako ng Ambrolex at Neozep drops. she didn't even mind asking any pedia first. Wala ako magawa kasi nakadepende ako sa kanya so sinusunod ko nalang. Honestly hindi ko pinapainom ng gamot si baby pag wala si mama kasi toxic un diba lalo na hindi naman prescribed. Anyways, pag greenish discharge na ba yung sipon leading to ubo na ba un? that was my mom's POV.
-
pwede bang magtake ng bath ang baby kahit may sipon? 2 days na ciang hindi naliligo because of that.. help please! :-[
-
^sis just last week ngkasipon din si baby pero pinapaliguan pa rin siya. mabilisan nga lang. :)
-
hi, my baby's also experiencing clogged nose. and when i brought him sa pedia nag reseta agad ng antibiotic together with disudrin. im worried kase he's just 2mos old that time. nawala nga yung sipon but it came back after a while. ayoko naman na at his early age puro na lang siya gamot and antibiotics.may alam po ba kayong natural med? or pang relief lang sa sipon? thanks.
-
mga momies bago lang po ako dto. gusto ko po sana mag tanong kung pwede na po ba uminom ng oregano yung baby ko she's 3 mos old palng po. breastfeeding din po ako. may ubo din po cxa pero hindi naman po cxa ganu umuubo si[pon lang po talaga prob kasi nahhrapan po cxa mag feed. pa help naman po mga mommies.. salamt po...
-
Hello mga mommies!
Si baby ko po, 3 days na inuubo. Hindi naman madalas, from time to time lang, pero may plema, I think. Sinisipon din kasi sya, runny yung sipon niya. Katatapos lang niya mag-medication (phenylpropanolamine at antibiotics) para sa kanyang upper respiratory infection. Pero after yung 7 days ng antibiotic saka lumabas ang ubo. I'm not sure kung epekto ba ito ng meds niya. I'm hesitant to bring him to the pedia this early kasi parang ayoko na muna sya painumin ng synthetic meds uli, agad. We're now trying to give him the oregano extract, we'll see if it helps, kung hindi, no choice talaga but to bring him again to the clinic.
Haay, hirap pala ng nagkakasakit ang baby (first-time mom here)!
-
my baby nathan is 4 months old. nung sunday, almost wholeday, konti lang tulog niya. while nasa church kami, pinagpawisan sya while nagBF kami. then pumunta kami ng mall afterwards. umuwi kami after dinner then pinunasan ko na sya before kami natulog. ngayon, sinisipon na sya. ano ba dapat gawin mga mommies? help po
exclusive breastfeed ako kay baby. no water, no vitamins, no formula milk pa.
-
my baby is 4 months old too. her pedia said they dont really cure URI. / sipon. so neozep and the likes.
she is 6.5 kilos and ito yung reseta sakaniya
cetirizine.5 ml 2x a day
amoxicillin .9ml 3x a day
salinase / nasal drops 2 drops 3x a day
salinase helps a lot lalo na kapag congested nose ni brianna. hope this helps. ;)
-
hi babyblair. my nathan is 6.5kg too. d ko pa siya pina-pachekup. observe ko muna kalagayan niya. its his 2nd day magkasipon. thanks sa info mo. sana gumaling na babies natin noh. as much as possible ayoko kasi painumin muna ng gamot baby ko kasi feeling ko young pa masyado sya for medicines
-
ask nalang din ako kng san pwd makabili ng VICKS BABYRUB or kng sino ngbebenta ng ganito dito
(http://www.sabuyjaishop.com/shop/happykids2/images/2opl5022pxo5c2hemtrg112220123841000136.jpg)
-
hwag muna masyado expose si baby sa labas...if may nasal drops ok din...or if meron nebulizer..lagyan lang ng saline solution tapos hwag na ilagay mismo sa ilong ni baby...yung tamang malanghap lang niya ang usok..if wala saline solution pwede distilled water with salt.para lang maginhawaan ang paghinga ni baby.
-
thanks much sis sweetpumpkin. d na muna siguro kami mamamasyal til gumaling tong sipong ng nathan ko. kawawa naman kasi.
-
babies talaga is prone sa sipon/ colds esp pag ganito ang weather.. napag daanan ko din ito sa mga babies ko.. same lang din ng reseta sakin nung kay babyblair.. though iba iba kasi ang doc sa pag assess ng mga sakit ng mga anak natin.. BUT if ever man, you can use the water with salt then magtalukbong kayo ng kumot ni baby - yung tamang malanghap niya yung usok.. puwede din lagyan mo ng vicks yung water or eucalyptos oil.. kami kasi before nung wala pa kaming nebulizer sa bahay, ganun ang ginagawa namin kay baby pag may sipon.. malaking tulong din yung nasal aspirator ba yun (yung pang higop ng sipon).. every now and then talagang tyagaan yung pagtanggal.. then pag matutulog si baby, try mo elevate yung unan niya para makahinga siya ng mabuti..
pero better pa din go to your pedia para mas maagapan pa ng husto sa paglala..
-
topic "sinisipon ang 4 months baby ko : what to do?" merged with this thread,
-
my baby got cough and eventually, cold, a week before he turned 5 months. niresetahan kami ng salbutamol at may isa pa na nakalimutan ko yung pangalan, sorry. then sa sipon, salinase lang tsaka nasal aspirator. after almost a month, gumaling na pareho. :) pahirapan nga lang talaga sa pagpapainom at paghigop ng sipon ni baby (using the aspirator of course!) :D
-
ask nalang din ako kng san pwd makabili ng VICKS BABYRUB or kng sino ngbebenta ng ganito dito
(http://www.sabuyjaishop.com/shop/happykids2/images/2opl5022pxo5c2hemtrg112220123841000136.jpg)
Dito puwede po nakita ko lang sya sa online store sa instagram https://www.facebook.com/HappyBaby.LIKE. then kung my instagram po kayo search nio @happybabybooutiques
-
^
Sis! I think it's okay to give your baby vitamins pero para sure, ask a pediatrician na rin lang. ;) Also, I wish I had seen the video earlier. Anyway, papakita ko yan sa husband ko hehe. I'm a newly-wed. I want to have kids na. Yung mga anak ng sister ko ang tinuturin kong anak for now... ;D
-
^ Yes. Like what I said, I'll ask our pedia rin naman. I trust her but I want to know from the experience of moms and their babies. Did your sister give her kids vitamins when they were babies? Good luck with your marraige and plan to have kids, by the way. Plan it well. Check mo forums dito about married life with kids. You'll learn a lot. Daming helpful moms dito. ;)
-
1. NSS .5ml 3x a daw for 5 days
2. Nasal spray 1spray per nostril 3x a day for 5 days after NSS
3. blow nose (pag di pa marunong si baby yung pansipsip para sa baby)
4. alnix drops .5ml 2x a day for 1week
NEVER nag reseta ng antibiotic ang pedia ko sa baby ko kahit pa grabe ng ang ubo at sipon lalo ng sa panganay ko, hindi daw maganda na masanay sa antibiotic si baby
-
try homeopathic medicine for your babies para sure na safe
-
baby ko naman may cough and colds din siya pang 6 days na ngayon..neresetahan siya ni pedia ng nasatapp,,ambroxol at meron pa isa yung anti asthma..but im still worried kasi ganun padin si baby mas lumakas ata yung halak niya ngayon kesa dati..sabi ni pedia 5 days medication daw yung binigay niya na gamot..pero la pa ako nakitng improvement..ilang days kaya mawawala yun eh last take na ni baby ng medicine bukas..
-
Hi mga mommies.. can you advise me anong magandang gamot or pwedeng gawin para gumaling ang ubo at sipon ng 1 month old? thanks
-
Sissy..have your baby check by her pedia...wag basta magpainom ng gamot or mag OTC meds..iba ang needs nila especially ang baby mo..na super baby pa talaga ;)
-
good day mommies im new here...
my baby is 4months old tanung ko lang po anung mas better dimetapp o disudrin pag dating sa colds...??
How cough.. Notting beats loviscol po ba?
E kung sabay pong cough and colds ano pong advisable kaya???
Ang ambroxol ba para sa cough and colds na?
Thanks mommies:-)
-
hi sis ascii ..for my 1 month old baby na may ubot sipon eto bigay ng pedia:
ambroxol- for plema 3 oz 3x a day
solbropen- antihistamine 3oz 3x a day
cefaclor clormed- anti bacterial 7 oz 3x a day
-
thanks hollabackgurl...
akala ko walang magrereply sakin. Mag 5days na ambroxol na baby pero hatching padin ng hatching..
And parang water yung sipon niya...
May ubo din pero alang plema...
Hay sana gumaling na baby ko...
-
yung ambroxol kasi mucolytic lang.,pang plema..so if wlang plema naman baby m try m yung dlwang gmot na binanggit q. Super ubo din baby ko at hatching. For 1 week only ang intake ng gamot..
-
just a quick tip mommies, my baby doesnt have any sipon or ubo since birth, he is 8months old na, my hubby does practice yung pure calamnsi every morning before taking a batch and int he after . I think this is one factor kaya malakas immune system ni baby, he is more on Vit C, we also practice to give him pure orange juice lately.
-
Hi. My baby is turning 2months this 24th. Two weeks ago nagkasipon sya na nagturn sa ubo and ang ending a pneumonitis. Natapos medication last week with disudrin, alnix, amoxicillin, at nebuls (combivent). Tpos nitong week lang nagkasipon ulit, barado ulit ilong kaya inagapan na namin para di mauwi sa ubo. Ayun 3 days medication with disudrin ulit, cont. alnix at nebuls (asmalin). Eh three days na at meron pa rin kaya nag consult kami sa Pedia Pulmo. Currently, she's on nebuls (ventolin), cont. alnix, montelukast, and nasal spray.
Nag-aalala lang ako with the medicines she's taking. OK lang ba itong mga to? Anyone has experience with montelukast? Your reply really appreciate. Thanks a lot!
-
Hi mommies! My baby is 17months na.. Dito ko na lang din post para di na ko create ng new thread. Di ko kasi alam if meron na ito. Same topic pero pang-lampas 12months ;D
Nagka-sipon baby ko ng Aug 13. Nag nasatapp kami for 5 days pero hindi nawala sipon niya. May days na yellowish, tapos madalas yung malinaw lang. Nagpunta kami sa pedia Aug 19, she prescribed Sinulif dor 7 days. Hindi pa rin nawawala sipon ni baby ko. Nag-water therapy na din ako.
Natotoxic ako kasi sabay pa pagtubo ng ngipin niya kaya grumpy. Ngayon lang narinig ko umubo so may dry cough na din. Eh tomorrow pa kami makakapunta sa pedia ni hubby kc loaded sya sa work today dahil nasa head office kahapon.
May nakaranas na ba ng ganito sa inyo sa mga babies nyo? Ano ginawa nyo mga mommies? Ibang pedia kasi pupuntahan namin tom. Hanap pa kami yung malapit na lang dito para di na mapagod si baby sa byahe and accredited ng healthcard namin.
-
My baby is 5 months at may sipon din sya. Nag nasatapp sya at water ng water lang. Tapos meron kaming humidifier mas effective. Mabilis nawala ang sipon niya.
-
bago lang po ako dto, gsto ko lang po sana itanong kung ano po ba ang best medicine sa ubo ng baby ko? madlas tuwing gabi pag tulog na sya , sya inuubo, makating lalamunan na rin ,,..
-
patulong naman po bago lang po ako dito.yung baby ko po kasi 3months old.d ko po alam kung may sipon o wala pero na try ko po yung nasal aspirator wala naman lumalabas then naririnig ko kasi sa ilong niya pag humihinga na parang ewan ko ba.kaya akala ko may sipon hindi nmana po sya hirap huminga.may tunog lang po.tapos sabe nung pedia painumin d ng neozep drops.ok lang po ba un?ano po kaya un sipon kaya talaga o ganun lang sya huminga nag aalala kasi ako e wala naman ako nkikitang iba napapansin ko lang un minsan na may tunog.tapos isa pa .yung baby ko kasi yung papa niya napainom sya ng neozep drops ng 1ML.dapat daw kasi .3ml lang eh d niya napansin na 1ml kasi un po nakalagay sa box 1ML for 3months kaya ayun sinunod niya.twice po sya napainom ng 1ml then inistop ko po yung pag inom ng medecine.
-
bago lang po ako dto, gsto ko lang po sana itanong kung ano po ba ang best medicine sa ubo ng baby ko? madlas tuwing gabi pag tulog na sya , sya inuubo, makating lalamunan na rin ,,..
loviscol po try nyo
-
My daughter is 3 months old and she has runny nose and cough she's been taking medication for 4 days is it ok to give her a bath and her temp is below 100 F. Thanks
-
Hi! Im a first time mom and may sipon ang baby ko . Nagtake na sya ng nasatapp and salinine. Just wanted to ask if pwede sya maligo ng warm water kahit may sipon sya .Natatakot kasi akong lumala ang sipon niya pag naligo sya and baka magkaubo din sya . :(
-
Hello momshies,
Please help ano po dapat painom kay baby 2 months old po ..may sipon at ubo po siya.
-
Susceptible talaga ang mga babies sa virus kasi mahina pa ang resistensiya nila. Best is to build up their immune system. Regular milk intake (breastmilk is the best) and supplements as prescribed by your Pediatrician. As for suggestions on medicine, you will find little help on the internet. Your baby needs to be physically checked up by your Pediatrician before he/she can prescribe the right medicine or relief. Kung hindi gumana yung gamot, better bring the baby back para maresetahan ng ibang nababagay na gamot ayon sa pangangatawan at history ng bata.
Wag mag resort agad sa cold medicines unless pinayo na ng doctor niyo. Kasi po makakasama ito kung may plema na pala ang bata. Nakaka dehydrate ang cold medicines at nakakatuyo ng plema imbes na mailabas.
As for bath time, old misconception po na may kinalaman ito sa sipon o ubo ng bata. Ang sipon at ubo ay sanhi ng virus. Ang malamig na temperatura ay maaaring maka aggravate ng symptoms pero hindi ito ang sanhi ng virus.
-
Hi mga mommies
im just new here. ask ko lang mabisa ba talaga ang solmix drops for 1month and 12days old baby? Kasi mag1weeks na ubo niya eh. Nung una parang ubong samid lang then nung pinainom ko ng solmux nagkaplema pa siya and yesterday lang may sipon na and color yellow ang sipon. Ano po ba dapat kong gawin? Kawawa naman eh.
-
Hi Mommy Patricia Maurice Sison.
mas maganda po sana Mommy kung madala mo sa pedia si baby para mabigyan ng tamang gamot.... For now, pwede mo siyang pahiran ng vicks sa paa/talampakan na may kasamang konting haplos para maimassage mong konti yung vicks sa talampakan niya saka mo medyasan. wag mo ring masyadong balutin si baby para presko lang pakiramdam niya lalo na at may ubo at sipon na... wag mo siyang lalagyan ng vicks sa may dibdib mommy ha? kasi napansin ko sakin noon, mas lumala yung phlegm niya nung naglagay ako sa chest part pero nung sa talampakan lang, naging maayos ang pakiramdam niya kasi nalessen yung pagiging aburido niya.
-
So how did you deal with your baby's colds? What technique worked for you? Send it to us here on Smart Parenting before December 3, 2017 and get your story featured in our homepage.
(http://www.smartparenting.com.ph/images/2017/10/27/171027-hlth-A2.jpg)
Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) or register (http://www.smartparenting.com.ph/registration) and send your experience and tips to our staff.
Click HERE (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=pm;sa=send;u=104158).
This is one of the perks (http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?topic=114413.msg966694) of being an active Parent Chat member. Join us now!
-
May sakit kase yung 4y/o baby ko namamaga mata niya and nagmumuta, matindi kase ang ubo at sipon niya, normal po ba ito? Nagpacheck na din kami sa pedia di naman niya pinansin instead binigyan niya kami ng gamot sa ubo and pampalakas ng stamina. Please help me. Thanks
-
Yes mommy Jyan, follow your Pedia's advise kasi mabisang pampagaling ang pagpalakas ng stamina. Ang virus kasi limilipas basta proper nutrition at tulog. Kung may matindi na dapat ipagalala (bukod sa pamamaga ng mata ni baby), makikita na dapat ng pedia ninyo yung sintomas kung meron man. Yung pamamaga ng mata at pagmumuta, common po na symptom yun ng karamdaman ng baby niyo ngayon. Umpisahan po ninyo yung mga gamot at vitamins na nireseta, kung wala pong pagbabago in 2-3 days (nasa 5-7 days po ang paggaling, 2-3 days dapat may improvement and health) or kung tumindi pa, then ipacheck up po ulit. For your peace of mind din, lalo na kung hindi kayo lubos na tiwala sa duktor, pwede naman po ninyo ipatingin si baby sa ibang ibang Pedia for 2nd opinion.
I merged your topic with this discussion. Please back read para sa payo ng iba pa nating forum members. Goodluck po and please update us. :)
-
hello po ask ko lang po kung safe ba sa 3 weeks old na infant ang salinase drops para sa sipon,thanks
-
Hi mga mommies.. New lang din po ako dito,. Lagi ko lang nababasa mga post nyo when i search on google about sa mga meds. N pwede ky LO ko..he was 11 months old, He always have cough and cold lagi sya na hohospital first nung 1 mon. Old sya aspiration pneomonia then last dec. Bilateral pneomonia and this last jan.2 same pneomonia palaging asmalin broncho 1ml and nebulizer with 1ml nss and half nebule.. Ngaun po my ubo n naman sya.. Dont know what to do,kc parang no effect n yung nga med. Na prescribe ng pedia niya. Mg aantibiotic n naman kami. Any advice po. Npupuyat kami sa ubo niya.. Iyak sya ng iyak. Thank you mga momies😊
-
advise ng pedia ko for 12 months and below nebulise only ng salinase no medicines muna. basta 3-4 times a day
-
Hi po.. Tanong ko lang totoo po ba na pag uminom nag malamig ay pwede mag ka lagnat or sipon ang baby ko.??? SAlamat po
-
Paano nakukuha ang sipon? Read it on Smart Parenting.
(https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/2019/03/14/little-girl-wiping-or-cleaning-nose-with-tissue.jpg)
Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/health/your-kids-health/sipon-ng-bata-gamot-a1155-20190314?reg=feed_1?ref=parentchat
-
Hi po.. Tanong ko lang totoo po ba na pag uminom nag malamig ay pwede mag ka lagnat or sipon ang baby ko.??? SAlamat po
Alam ko po, sa virus nakukuha ang sipon, hindi sa malamig. Yng paginom ng malamig, nakakairita ng lalamunan kapag may sipon, ubo o sorethroat.
-
hello po ask ko lang po kung safe ba sa 3 weeks old na infant ang salinase drops para sa sipon,thanks
yes safe po basta po ingat sa pagsuction para hindi madamage ang ilong
-
Hi po.. Tanong ko lang totoo po ba na pag uminom nag malamig ay pwede mag ka lagnat or sipon ang baby ko.??? SAlamat po
galing po sa germs ang ubo at sipon
-
advise ng pedia ko for 12 months and below nebulise only ng salinase no medicines muna. basta 3-4 times a day
depende po. case to case po. kung may wheezing o huni ang bata minsan kailangan ng salbutamol.
-
Hi mga mommies.. New lang din po ako dito,. Lagi ko lang nababasa mga post nyo when i search on google about sa mga meds. N pwede ky LO ko..he was 11 months old, He always have cough and cold lagi sya na hohospital first nung 1 mon. Old sya aspiration pneomonia then last dec. Bilateral pneomonia and this last jan.2 same pneomonia palaging asmalin broncho 1ml and nebulizer with 1ml nss and half nebule.. Ngaun po my ubo n naman sya.. Dont know what to do,kc parang no effect n yung nga med. Na prescribe ng pedia niya. Mg aantibiotic n naman kami. Any advice po. Npupuyat kami sa ubo niya.. Iyak sya ng iyak. Thank you mga momies
Pacheck niyo po yung vaccines ni baby baka may mga kulang like PCV, flu and Hib. Make sure also na walang smokers sa bahay.
-
ptp
something to read about colds
https://www.facebook.com/notes/kaalaman-para-sa-kalusugan-ng-kabataan-by-doc-zane/facts-and-faqs-viral-rhinitis-common-cold/335293107172971/?__tn__=HH-R
-
Siz kumusta baby mo noon?same case kasi sakin ngaun..at worried na ko.
-
Hello po mga momies ask ko lang po kung pwd ang salinase spray sa 3 weeks old na baby..at paano ito gamitin sa kanya salamat po sa makasagot
(https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/Themes/core/images/buttons/reply.gif)Reply to join this discussion (https://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php?action=post;topic=936).
-
Hello po. Yung baby ko 2months old, tatlong gamot na agad nereseta. :( nakakaawa naman. Ayoko man painumin ng gamot, sabi ng pedia niya pag di naagapan pwede siyang ma confine :(. Effective ba yung sa tabing dagat? Magbabakasyon nalang muna kame sa lola ko.
-
Better follow na lang yung instructions ni pedia since they know a lot better pero pag barado ilong ni baby usually yung usok ng sinaing medyo paamoy mo s kanya nakakatulong para lumabas yung sipon...careful lang na wag masyado malapit kc mainit pa din yun baka maburn naman si baby
-
Hi po mga momshie 😊 Almost 4days na inuubo,sipon ang baby ko 2months & 1week na po sya ngayon Pinacheck up ko sya sa center last month nireseta sa kanya ambroxol,cefalexin Pinainom ko sya ng Ambroxol,cefalexin Parang wala pong nagbago Then pinacheck up ko po ulet sya kanina lang umaga 9am He gave my reseta Carbocistein,Amoxicilin,Cetirizine
-
Hello po mga momshie😊 May ubo't,sipon yung baby ko Nagpa checkup kame last months Nireseta sa kanya abroxol,cefalexin pinain ko sa kanya yun Then now almost 4days na po ngayon yung ubo niya wala paren po pagbabago Para po syang hinihingal Then Nagpacheck up kame kanina 9am Niresetehan sya ng Carbocistein,Amoxicilin,Citirizine Sana mawala na yung ubo,sipon niya 😔😇
-
Hello mga mommies ano mbisang gamot sa 1month old my plegm c baby pag tulog siya parang ang ingay ng hininga nea , d namin alm ano ggwin bka lumala pa,, effective ba mga lagundi at ampalaya, bka d pa nea kaya magsuka kasi msyado pa bata